You are on page 1of 19

Antas ng Kaalaman ng Kabataan

sa Alibata o Baybayin

ng isang Pribadong Paaralan

Pananaliksik na

Iprepresenta

Kay

G. Mayeth C. Nayve-Pareja

Grade 11 Filipino Teacher

Iasiah Cassandra S. Giron

Ma. Cielo Alyssa S. Igliane

Niño Pabellano

Michael Angelo M. Robles


KABANATA I

Panimula

Ang bawat bansa o lugar ay may kaniya-kaniyang kultura kung saan sila ay mas

nakilala nang dahil dito. Katulad sa ibang-bansa may mga pambansang sagisag na

magbibigay satin ng koneksyon upang matukoy natin kung ano o saan galing na bansa

ito. Parang sa pamamaraan ng pagguhit o pagsulat lahat ay may kaniya-kaniyang sari-

sariling paraan.

Karamihan sa mga bansa sa Asya ay patuloy na gumagamit ng kanilang sari-

sariling pamamaraan ng pagguhit o pagsulat. Ngunit ang mga Pilipino ay tila unti-unti

nang nakakalimutan ang kanilang sariling pamamaraan ng pagsulat at yun ay ang

alibata. Pinaniniwalaan na bago pa man nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas at

ang mga Pilipino ay matagal-tagal na din ang mga ito na natutong magsulat sa

pamamaraan ng alibata o baybayin. Malaki ang naging parte sa ating mga ninuno ang

pagsulat ng alibata dahil bago sila sakupin ay ito ang ginagamit nilang uri ng

pagsusulat di lamang upang manatiling may komunikasyon sa mga mahal nila sa

buhay na malayo sakanila at para makita rin nila ang kanilang mga paniniwala sa

pamamagitan ng pagbaybay sa mga salita.

Ang baybayin ay pinaniniwalaang pinakaunang sistema ng pagsusulat ng mga

Pillipino. Ang salitang baybayin ay nanggaling sa salitang ugat na “baybay” kung

saan ito ay nangangahulugang “to spell”. Tinuturing ito na katutubong abakada na

hango sa 17 titik. Ito ay tinawag na alibata o baybayin noong ika- dalwampung siglo
at may tatlong patinig at labing-apat na katinig. Ayon kay Padre Chirino, isang

Kastilang mananalaysay, ang alibata ay may pinaghalong kabishanang Malayo,

Arabe, Kambodya, Tsina, Sayam, Borneo at Indiya at dahil dito ay napapatunayan

lang na ang ating mga ninuno ay marunong nang mag sulat noon pa man at na

mayroon tayong sarilling panitikan. Ngunit ayon sa wika ni Dr. H Otley Beter noong

1921, sa kaniyang “The Philippines before Magellan” ay kasabay na pinatay ng mga

rebolusyonaryo ang ating baybayin at pilit na ipinagamit ang kanilang uri ng

pagsusulat na Romano.

Sa pag daan ng mga araw ay nagkaroon ng pagbabago ang alpabetong ginagamit

ng mga Pilipino. Ito ay ang ginagamit ng mga mag-aaral sa kasalukuyan. Ngunit

madami din naman ang mga paaralan na itinuturong muli ang paggamit ng alibata o

baybayin sa pagsusulat at dahil dun ay madami na din ang natututo at nakakaalam

muli nito.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makalap ang kaalaman at

kagusutuhan ng mga mag-aaral ng Sacred Heart College sa paggamit ng alibata o

baybayin. Ito ay naka pokus sa ika-labing isang baytang ng STEM strand ng paaralan

at ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraang sampling at online na mga sagutan

upang makalap ang sapat at nararapat na mga datos. Ang resulta ng pag-aaral ay

magsasalamin sa interes ng mga mag-aaral kung nais ba nilang matutunan ang

paggamit ng alibata sa makabagong panahon at dito magmumula ang rekomendasyon

ng pag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin

Ang mga sumusunod na tanong ay naglalayon na ang pananaliksik na ito ay

maipapabatid sa mga kabataan, ang mga impluwensya antas ng kaalaman ng kabataan

sa alibata o baybayin sa isang pribadong paaralan.

Sasagutin ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1)Ano ang demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa mga sumusunod:

a) Paaralan

b) Strand

c) Baytang

2) Ano ang impluwensiya ng antas ng kaalaman ng kabataan sa alibata o baybayin sa

isang pribadong paaralan.

a) Pagaaral

b) Paggamit

c) Pananaw

d) Kasanayan

3) Sa nakasaad na demograpikong tala, mayroon bang halagang pagkakaiba ang

impluwensya ng kaalaman ng kabataan sa alibata o baybayin sa isang pribadong

paaralan sa pananaw ng kabataan sa sarili?

4) Sa nakasaad na resulta ng pag-aaral, anong kagamitan and maaring mabuo?


Palagay

Inaasahan ng mga mananaliksik na ang antas ng kaalaman ng kabataan sa

alibata o baybayin ay mapataas.

Teoritikal na Balangkas

Ang pinanghahawakang teorya ng pag- aaral na ito ay ang mga teorya na

patungkol sa Antas ng Kaalaman ng kabataan sa Alibata o Baybayin sa Isang

Pribadong Paaralan.

Sa isang panayam kay Tim Brook, isang eksperto patungkol sa “Endangered

Alphabet Projects”, ito ang kanyang sinabi: “Ang pag-aaral at pagsusuring ito na

ginanap sa Pilipinas ay naglalahad na matibay ang ebidensya na ang panulat na ito ay

masasabing naglaho na dahil sa hindi na ito ginagamit.” Sinasabing unti-unti nang

nawawala ang mga orihinal na estilo ng pagsulat at natatabunan ito ng makabagong

estilo na hiram lamang sa ibang bansa o hindi talaga sariling atin.

Naniniwala naman si Andrea Balagtas (2015) na ang mga mag-aaral sa pribadong

paaralan ay may prebilihiyo upang gampanan ang pagpapalawak ng kaalaman sa

alibata o baybayin. Gaya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Pamantasan ng

Silangan, sinusubukan nilang ipasok sa pagtuturo ng literatura ang baybayin o alibata.

Ayon naman kay Edwin Wolf, na kabilang sa mga nag-aral patungkol sa

bibliyograpiya ng kasaysayan ng mga bagay sa piipinas, sinabing ang baybayin ay


kauna-unahang nahanapan ng ebisensya sa mga kastila na sa paglipas ng panahon ay

binansagan at tinawag na “Doctrina Christiana.” Bukod pa dito, inilahad niya ang mga

panibagong paraan at paggamit ng baybayin ng mga kastila na nahati sa dalawang

paraan. Ang unang paraan ayon kay Wolf ay ang pagmumula ng baybayin sa bibliya

at ang isa naman ay ang pagsasama ng kudlit sa krus o “sabat” upang mabawasang

tunog ang patinig sa isang titik. Makikita ang tunay na rikit at natural na kagandahang

taglay ng sinaunang pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino ngunit ang kaalaman

ng karamihan dito ay nananatiling katago lamang sa mga silid-aklatan at kakaunti

lamang ang gising at mulat sa kamalayan ng gandang handog ng baybayin o alibata.

Ipinaliwang niya sa kanyang teorya kung paanong naiiwan lamang sa loob ng

isang kwarto ang kaalaman ng mga tao tungkol sa alibata o baybayin sapagkat sa

labas ay tila maraming sa atin ang walang kaalaman ukol dito. Ipaniwanag din sa

kaniyang teorya na kakaunti na lamang sa ngayon ang bukas ang isipan ukol sa alibata

o baybayin, karamihan ay nawiwili sa ibang bagay at hindi na napapansin ang kawili-

wiling ganda ng alibata o baybayin.

Maging si Aguila Matuilde (2019) ay nagsaad na sa paglipas ng panahon, patuloy

na darami ang mga kabataang sarado ang isipan ukol sa baybayin o alibata. Nararapat

lamang daw na simula na ang pag-aaraal at pagtuturo ngayon sa kabataan dahil sa

paglaon ng panahon, malaki ang posibilidad na ito ay ating tulungang makalimutan.


Konseptual na Balangkas

Nais ng mga
mananaliksik na
malaman ang mga antas
ng kaalaman ng alibata o Ang mga mananaliksik ay
baybayin sa pribadong mangangalap ng mga datos at
paaralan. pagsusuri tungkol sa mga antas
ng kaalaman ng alibata.
Inaasahan ng mga
mananaliksik sa pag-
aaral nito ay matukoy
ang pinaka mabisang
pamamaraan para
pataasin ang kaalaman
sa iba’t ibang antas ng
kaalaman ng kabataan
sa alibata o baybayin sa
isang pribadong
paaralan.

Inalam ng mga mananaliksik and mga antas ng pag-aaral ng alibata o baybayin sa

pribadong paaralan. Ang mga nangalap ng mga datos tungkol sa mga antas ng

kaalaman sa alibata sa isang pribadong paaralan. Napansin ng mga mananaliksik na

mababa ang antas ng kaalaman ng mga kabataas tungkol sa alibata o baybayin. Nais

makatulong ng mga mananaliksik ang mga paraan kung paano mapapataas ang antas

kaalaman ng kabataan sa alibata o baybayin at maipapatuloy sa kasulukuyan at sa

susunod pang henerasyon. Inaasahan ng mga mananaliksik na mapataas ang antas ng

kaalaman ng kabataas o baybayin.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mas mapalawak ng mga

kabataan ang kanilang kaalaman sa historya ng sariling bansa. Malaki ang magiging

ambag nito sa ekomiya dahil dito natin malalaman kung ang mga kabataan nga ba sa

panahon ngayon o sa kasalukuyan ay may kaalaman pa rin tungkol sa kasaysayan ng

bansa o tuluyan ng nalamon ang utak ng mga bagong kaalaman mula sa makabagong

henerasyon. Ang pag-aaral din na ito ay makakatulong upang turuan ang mga

kabataang mag-aaral na tangkilikin o kilalanin ang sariling atin dahil sa panahon

ngayon, mas binibigyang pansin ng mga kabataan ang mga gawi sa ibang lugar.

Makatutulong din ang pag-aaral na ito upang mabigyang pansin ng mga kabataan

ngayon ang baybayin na may malaking ambag sa lipunin sa kadahilanang ito ay

ginagamit ng mga katutubo noong sinaunang panahon at nagkaron ito ng malaking

ambag sa kanilang kalakalan. Maipapakita dito ang pagbibigay-pugay sa alibata o

baybayin na naging mahalagang parte ng kasaysayan.

Ang pananaliksik na ito ay lubos na makatutulong sa mga sumusunod:

 MGA MAG-AARAL NG PRIBADONG PAARALAN – ang

pananaliksik na ito ay magiging benipisyal upang lubos na maunawaan

ng mga kabataang mag-aaral ang kahalagahan ng alibata at baybayin

na magiging daan upang kanilang pagyabungin ang pagiging dugong

Pilipino.

 MGA GURO - magiging epektibo at benipisyal ito sa mga guro sa

paraan na maaari nilang gamitin ang pananaliksik na ito upang mas

pagyamanin ang kanilang kaalaman na maaaring ibahagi nila sa


kanilang estudyante. Kapag nalaman o napatunayan kung gaano kataas

ang antas ng kaalaman ng bawat estudyante, magkakaroon sila ng

ideya kung paano limitahan ang kanilang kaalaman o kung paano mas

dapat pa nilang pagtuunan ng pansin ang alibata o baybayin na

kanilang ituturo.

 SA SARILI – ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa

pamamagitan nang ang pagkakaroon ng ganitong kaalaaman ay

maaaring maging gabay upang mas pang pagyabungin ng mambabasa

ang kanilang kaalaman sa alibata o baybayin na maaaring makatulong

upang mas mapaunlad ang sariling lipunan.

 MGA SUSUNOD NA HENERASYON – ang mga kabataan sa

susunod na henerasyon ay makikinabang sa paraang bihasa na ang mga

naunang henerasyon sa paggamit ng alibata o baybayin na maaaring

ihandog o ibahagi sa mga bagong kabataan na susubok sa pag-aaral ng

alibata at baybayin.

 MGA SUSUNOD NA MANANALIKSIK – ang pananaliksik na ito ay

maaring gawing batayan ng mga bagong mananaliksik para sa kanilang

gagawing thesis.

 SA BANSA – ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mas

mapagtibay ang pundasyon sa bansa at mapagyaman ang kaalaman ng

bawat mag-aaral na magagamit upang maipagmalaki ang sariling

bansa.
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral sa antas ng kaalaman ng mga

kabataan sa alibata o baybayin sa pribadong paaralan at ang antas ng kagustuhan

nilang matutunan ang paggamit nito. Ito ay naka-pokus sa perspektibo ng mga

estudyante sa Sacred Heart College kung ano ang nalalaman nila tungkol sa

alibata/baybayin.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang sampling upang mas

madaling matukoy ang resulta ng pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng

online na sagutan upang makalap ang lahat ng datos na kinakailangan. Upang

makakalap ng sapat at nararapat na datos, ang bilang ng mga taga-sagot ay tatlumput-

lima (35) na estudyante, dalwamput-siyam (27) na babae at walong (8) lalaki. Ang

mga piniling mag-aaral na naging taga-sagot ay nabibilang sa ika-labing-isa (11) na

baytang ika anim (6) na seksyon sa strand na STEM.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Jeanny Burce nuong Enero 22, 2013, pinapahayag nya na

maituturing na regalo ng kultura at ng kasaysayan ang linggawahe at paaran/sistema

ng pagsusulat na isang komunidad. Ngunit, sa pagdaan ng mga panahon, dahil sa

kolonisasyon at globalisasyon, unti-unting nawawala ang mga pamanang ito at

napapalitan ng kolonyal na kultura popular. Kakaunti o halos wala nang gumagamit

ng sarili nating paraan ng pagsusulat. Ang iba pa nga ay nag kakamali sa pagtawag

nito at sinasabing ito ay “Alibara”. Kailangan ba nating pag-aralan ang pagbaybay ng


mga letra ng baybayin bilang isang Pilipino? Siguro maaring masagot na nito ang

matagal nang nawawala sa ating pagka Pilipino – Identidad at kamalayang kultural.

Ayon kay Paul Marrow, pinapahayag nya na ang sigwang binanggit sa tula ni

Rizal ay humampas sa Filipinas noong ika-16 na dantaon dala ng imperyalismo ng

Espanya at ang kaniyang tinurang alfabeto naman ay isang paraan ng pagsulat na ang

tawag ngayon ay baybayin.

Taliwas sa akala ng marami, ang lipunang nadatnan ng mga Espanyol noon ay

higit na maunlad kaysa sa ilang kalat na tribong mangmang at manpandigma. Ang

nadatnan nila ay isang kabihasnang buo na at ibang iba sa kanilang lipunan. Isang

palatandaan ng anumang kabihasnan ang kakayahan sa pagsulat at pagbasa. Ayon sa

maraming ulat ng mga Espanyol noon, matagal-tagal na ring marunong sumulat ang

mga Tagalog. Malamang na ginamit na nila ang baybayin nang mahigit sa nakaraang

isang daang taon. Noon ay kasisimula pa lamang ng paglaganap ng baybayin sa

kapuluan. Bukod dito, ang pagkakatuklas sa Laguna noong 1987 ng isang kasulatang

inukit sa tanso ay nagpatunay na may ilang tao na sa Filipinas na gumamit ng isang

lalong mahusay na paraan ng pagsulat mula pa noong taong 900 A.D.

Kaugnay na Pag-aaral

Sa ilalim ng House Bill no. 4395 o National Script Act 2011 na muling inihain

noong nakaraang taon, hinihikayat ang muling pagtakda sa Baybayin bilang

pambansang sistema ng pagsulat sa pamamagitan ng pang-araw-araw na paggamit

nito. Nakasaad sa mungkahing batas ang paglalangkap ng Baybayin sa mga logo at


islogan ng mga pribado at pampublikong organisasiyon, maging sa mga babala at

paalala sa lansangan.

Depenisyon ng Katawagan

Alibata - ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino.

Baybayin - ay lumang sistema ng pagsulat na ginamit sa Pilipinas.

Pribadong Paaralan - ay paaralang para sa mga nakaririwasa at mayaman, na ang

layunin ay pagyamanin ang mga estudyante at ang mga bagay na hihikayat sa kanila

upang matuto na higit sa pampublikong paaralan, at lahat sila ay matutukan upang

matuto at mahubog.

Academic Track/Strand - Ito ay inilaan para sa mga mag-aaral na nais na kumuha ng

mas mataas na edukasyon pagkatapos nilang magtapos sa senior high.


KABANATA II – METODOLIHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptibo, kung saan ito ay isang uri ng

pananaliksik na makakapag-suri at makakapag-sukat sa mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik. Gamit ang mga sagot na nakalap dito, magkakaroon na ng mga

kasagutan at mga karagdagang impormasyon tungkol sa kung anong antas na ng

kaalaman ang meron ang mga napiling tagapagsagot tungkol sa alibata o baybayin.

Ang mga napiling respondante para sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng

Sacred Heart College.

Upang makalap ang mga sagot ng mga respondante sa mabilis na panahon ay

magsasagawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey upang masagutan ng mga

estudyante na napili. Pumili ang mga mananaliksik ng ilang mag-aaral ng Sacred

Heart College upang magbigay ng kanikanilang opinyon sa ibibigay na sarbey.

Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay sumunod sa mga paraan upang mas maging mabisa

ang pananaliksik na ito. Ang mga mananaliksik ang nagdesisyon na gumamit ng

purposive sampling upang makuha ang datos na hinahanap. Ang mga mananaliksik ay

pumili ng ispesipikong kalahok kung saan ang mga tagapagsagot ay nakitaan ng mga

katangian na hinahanap ng mga mananaliksik bilang pagkukunang impormasyon


tungkol sa mga datos. Nakapaloob ditto ang pag-alam ng pag-aaral na ito kung gaano

kabisa ang pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral sa alibata o baybayin kung kaya’t

magmumula lamang ang mga datos at impormasyon sa mga indibiduwal na nakasaksi

at nakaranas ng antas ng pagtuturo ng alibata sa pribadong paaralan at sa mga

pumapasok sa pribadong paaralan na bago pa lamang sumusubok sa ganitong

aktibidad upang maging balido ang ginawang pananaliksik.

Ang populasyon ng pag-aaral na ito ay ang mga kabataang papasok sa pribadong

paaralan, mga kabataang kasalukuyang pumapasok sa pribadong paaralan at mga

kabataang nagtapos sa pribadong paaralan. Ang mga respondente ay nararapat na may

kaalaman ukol sa usaping antas ng kaalaman sa baybayin o alibata o nararapat na may

ideya sa kung gaano kaepektibo ang pagtuturo ng alibata o baybayin sa kabataan.

Ang mga mananaliksik ay hahanap ng mga respondent at kinakailangang ang

mga respondent ay kabilang sa mga kabataang mag-aaral na saksi at magpapatunay

kung gaano talaga karami ang nalalaman ng kabataan sa alibata o baybayin. Ang mga

mananaliksik ay nararapat ng makahanap ng tatlumpu’t limang (35) na estudyante.

Ang mga reespondete ay magmumula sa mga studyante ng ilabaling-isang (11)

baytang sa pangkat ng STEM 6. Ang mga respondent ay mahahati sa dalawang

pangkat. Ang pangkat ng mga kababaihan na may bilang na dalawamapu’t pito (27) at

ang pangkat ng mga kalalakihan na may bilang na walo.

Ang mga respondente na kukuhanan ng mga impormasyon ay malugod na

sumang-ayon na makilahok sa pananaliksik na ito sa pamamagitan ng

pakikipagpanayaman. Ang mga indibidwal ay malayang sumagot at magbigay ng


kanilang pahayag ukol sa mga katanungan na inihanda ng mga mananaliksik upang

mapagtagumpayan ang isinasagawang pag-aaral.

Paraan ng pananaliksik

Ang panunuri na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwestsuner sa limang (5) tao mula sa ika-

pitong baitang hanggang sa ika-sampung baitang, na naglalayong makahanap ng mga

datos upang malaman ang antas ng kaalaman ng kabataan sa alibata o baybayin. Ang

mga mananaliksik din ay mangangalap ng impormasyon sa mga aklatan tulad ng

dyaryo, aklat at marami pang iba.

Karadagdagan pa, ang mga mananaliksik din ay mangangalap ng mga

impormasyon sa internet at masusing ibubuod ng mga mananaliksik ang mga

kasagutan ng mga studyante sa sarbey na kanilang isinagawa. Sa pabubuod ng mga

kasagutan, paghihiwahiwalayin ng mga nakuhang kasagutan upang maunawaang

mabuti ang mga sagot na nakalap.

Lokal ng Pananaliksik

Ang local ng mananaliksik ay isasagawa sa lungsod Lucena sa Paaralang Sacred

Heart College o (SHC). Ang Sacred Heart College ay isa sa pinakamatandang

insitusyon dito sa Quezon City para sa mga Kalalakihan at Kababaihan. Ito ay

itinatatag noong ika 27, ng Abril taong 1884, at ang nagtatag nito ay si Hermana

Fausta sa lungkod ng Lucena kung saan matatagpuan ang paaralan na ito.


Ang Sacred Heart College Senior High ay ipinatupad upang maging daan para sa

mahusay na edukasyon para mga mag aaral na parating sa kolehiyo. Ang paaralang

Sacred Heart College ay isa sa mga pribadong paaralan kung saan ang mga mag-aaral

ay kabilang sa mga kabataang kapansin-pansing hindi gaano kalawak ang kaalaman

sa Alibata. Gayunpaman, naniniwala rin ang mga mananaliksik na ang mga mag-aaral

sa Sacred Heart College ay mag-aambag ng partisipasyon sa pananaliksik na

isasagawa.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng kwetyuner upang kuhanin ang mga sagot

ng mga respondente na maaaring magamit upang makuha ang hinihinging datos sa

pananaliksik. Ang kwestyuner ay nararapat na sagutan ng mga respondente ayon sa

kanilang pananaw. Ang katanungan ay may kinalaman sa kaalaman ng mga

respondent ukol sa antas ng kanilang kaalaman sa alibata o baybayin. Ang kwestunyer

ay naglalaman ng anim na katanungan na may pamimilian at maaaring lagyan ng

‘tyek’ bilang tugon. Maaaring gamitin ng respondente ang anumang aplikasyon na

kanilang nais upang punan ang kwestyuner.

Paglalapat Istatistikal

Ang nakalap na datos ay na suri ng mga namamaliksik upang mapadali ang pag-

aaral at pag sagawa ng mga mananaliksik. Ang mga katanungan na gagamitin sa

isasagawang pakikinayam ng mga mananaliksik ay pinag isipan ng lubos. Upang


makuha ang mga kasagutan at opinyon ng mga taong nakilahok sa isasagawang

pakikinayam ng mga namamaliksik. Tungkol sa “Antas ng kaalaman ng mga kabataan

sa Alibata/Baybayin sa pribadong paaralan”

Nais ng mga mananaliksik na gamitin na Pormula ay ang Weighted Arithmetic

Mean Ang pormulang gagamitin sa prosesong ito ay:

WAM=
∑ fw
n

WAM= Weighted Arithmetic Mean w= Weight

n= Bilang ng baryabolv f= Frequency

Unang Proseso:

Numerikal na Katumbas: Verbal na Diskripsyon: Pagitan:

4. Lubos na Sumasang-ayon 3.26-4.0

3. Sumasang-ayon 2.51-3.25

2. Hindi sumasang-ayon 1.76-2.50 Lubos

1. Lubos na hindi sumasang-ayon 1.0-1.75

Pangalawang na Proseso:

Numerikal na Katumbas: Verbal na Diskripsyon: Pagitan:

4. Lubos na Sumasang-ayon 3.26-4.0


3. Sumasang-ayon 2.51-3.25

2. Hindi sumasang-ayon 1.76-2.50

1. Lubos na hindi sumasang-ayon 1.0-1.75

Pangatlong na Proseso:

Numerikal na Katumbas: Verbal na Diskripsyon : Pagitan:

4. Lubos na Sumasang-ayon 3.26-4.0

3. Sumasang-ayon 2.51-3.25

2. Hindi sumasang-ayon 1.76-2.50

1 Lubos na hindi sumasang-ayon 1.0-1.76

Pangapat na Proseso:

Numerikal na Katumbas: Verbal na Diskripsyon: Pagitan:

4. Lubos na Sumasang-ayon 3.26-4.0

4. Sumasang-ayon 2.51-3.25

3. Hindi sumasang-ayon 1.76-2.50


1 Lubos na hindi sumasang-ayon 1.0-1.76

References:

https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/01/22/pagaaral-ng-baybayin/

http://paulmorrow.ca/baybay1.htm

https://varsitarian.net/filipino/20170831/muling-paggamit-ng-baybayin-

dapat-bang-pag-ibayuhin

https://brainly.ph/question/9363

https://tl.wikipedia.org/wiki/Baybayin

https://brainly.ph/question/548967

https://portal.edukasyon.ph/blog/senior-high-school-academic-track

You might also like