You are on page 1of 3

Mga Hamon sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa

Guro ng Arellano University

2022-2023

Umbar, Shalimar B.

BS Criminology
KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

 Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at


rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “ Epekto
ng Blended learning sa mga Mag aaral na ika-12 na baiting ng Arellano
University Juan Sumulong Campus sa taong 2022-2023.’’

Lagom

           Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para matukoy ang epekto ng


blended learning  sa mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay gumamit
ng deskriptibong sarbey, upang makalakap ng mga datos na hahanguan ng
interpretasyon upang makamit ang layunin ng pananaliksik. Pinasa ng
mananaliksik ng link ng sarbey sa messenger ng mga respomdante  upang
kumuha ng mga impormasyong magagamit sa pag-aanalisa ng mga
pananaw ng mga respondente. Batay sa sarbey na isinagawa, mayroong
20 na mga mag-aaral saikalabing dalawang  baitang ng Arellano University
ang naging respondente nasumagot sa sarbey. Buhat sa mga naging
kasagutan ng mga respondente, nakagawa ng interpretasyon ang mga
mananaliksik ukol sapaksang napili. Natuklasan na maraming estudyante
ang mas lalong nahihirapan sa paraan ng pag aaral o pag pasok  sa klase
na meron ang eskwelahan. 

Konklusyon
           Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang
pagsarbey,ito ang mga nabuong konklusyon. Ang karamihan sa mga mag-
aaral sa ikalabing dalawang baitang ay higit na mas gusto ang blended
learning ngunit sa kabila ng kanilang pag kagusto sa blended learning ay
marami pa rin ang estudyanteng walang sapat na gadget at walang
kakayahan na mag painternet o kaya naman magpalagay ng internet
koneksyon sa bahay. 

Rekomendasyon
Base sa mga kasagutan at konklusyon nahinuha, ang mga mananaliksik ay
nagbigay ng mga rekomendasyon.
1. Para sa mga magulang, labis na nirerekomenda ng  mananaliksik na
sanaay gabayan ninyo ang inyong mga anak sa kanilang pag aaral at sa
mga alitumtunin ng paaralan para sa kanilang akademikong pagkatuto.
Bigyang pansin na rin ang pangangailangan ng inyong mga anak ng sa
ganon ay hindi ito mapagiwanan.
2. Para sa mga kaibigan, labis na nirerekomenda ng mananaliksik na sana
ay tulungan niyo na mapanatili ang inyong mga kaibigang mag-aaral ng
mabuti.
3. Para sa mag-aaral, pahalagahan niyo ang inyong pag aaral para sa
iyong akademikong pakatuto at para na rin sa pagpapakita ng isang
mabuting mag-aaral.
4.Para sa paaralan, labis na nirerekomenda ng  mananaliksik na laging
gabayan an ang bawat estudyante sa kanilang pag katuto lalo na at hindi
pa rin nalalampasan ang problemang kinakaharap natin. Maging daan kayo
upang mas lalo pa matuto ang inyong mga mag aaral.
5. Para sa gobyerno, nawa’y bumalik na sa normal an gating pamumuhay
at ng sa ganoon ay mas lalo pang maging mabuting mag aaral ang ating
mga kabataan, bigyan pansin ang kinakaharap ng bawat estudyante .

You might also like