You are on page 1of 14

Kasaysayan

ng
Wikang Pambansa

John Patrick B. Bautista


BSIT-21
Ano at saan nga ba nagmula ang
ating Wika?

• Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na salita
upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ito rin ay ay isang sistemang komunikasyon namadalas ginagamit ng
tao sa isang partikular nalugar.
• Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat, Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga naiisip, nararamdaman at mga
kagustuhan sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng musika at kabuuan din ito ng mga sagisag sa
paraang binibigkas.
❖ Pinagmulan ng ating Wika

Ang Wikang Tagalog, na kilala rin sa payak na pangalang


Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas at
sinasabing ito ang de facto
sa katunayan ngunit hindi de jure sa batas na batayan na
siyang pambansang wikang Filipino mula 1961 hanggang
1987 Pilipino. Ito ang Katutubong wika ng mga lalawigan
sa Rehiyon IV (CALABARZON at MIMAROPA), ng
bulkan, at ng Kalakhang Maynila. Sinasalita rin ito sa
Hilagang Kalpuluang Mariana, kung saan ang mga pilipino
ang pinakamalaking pangkat-etnolinguwistiko.
KRONOLOHIYA NG KASAYSAYAN
NG WIKANG PAMBANSA
Pangulong. Manuel L. Quezon
❖Saligang batas ng Pilipinas, nagtadhana tungkol sa Wikang Pambansa (1935)
- Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa
na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” (Seksyon 3, Artikulo XIV)
❖Paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa at pinagtibay ng batasang Pambansa ang Batas
Komonwealth Blg.184 (1936)
-Itinagubilin ni Pang. Manuel L. Quezon ang paglikha ng Surian ng wikang Pambansa na gumawa ng isang pag-
aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang
panlahat na batay sa isang wikang umiiral (Oktubre 27, 1936)
❖Paghirang ng mga Kagawad ng surian sa Wikang Pambansa (1937)
- Nobyemre 9, 1937, Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpapatibay ng isang resolusyon naroo’y
ipinapahayag na ang tagalag ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Kommonwealth
Blg.184 kaya’t itinagubilin ng Pangulo ng Pilipunas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang Pambansa.
❖Pagpapahintulot Paglimbag ng Diskyunaryo at Gramatika ng Wikang Pambansa
(Abril 1, 1940)
❖Ang mga Kagawad na nahirang ay ang mga sumusunod:
1. Jaime C. Veyra (Visaya) – Tagapangulo
2. Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong tagapagpaganap
3. Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Kagawad
4. Filemon Sotto (Visaya) – Kagawad
5. Felix Salas Rodriguez (Visaya) – Kagawad
6. Casimiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad
7. Hadji Butu (Muslim) – Kagawad

❖ Itinakda din mula sa Hunyo 19, 1940 na ituro ang Wikang Pambansa sa laghat ng
paaralang bayan at pribado sa buong bansa.
❖Hunyo 7, 1940, pinagtibay naman ang Batas ng Komonwealth Blg. 570, na nagtatadahana
bukod pa sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula Hulyo 4, 1940.
Pangulong. Ramon Magsaysay (1954)
❖Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon. (1954)
- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1954 ang Proklama Blg.12, serye 1954 ang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula ika-13 ng Agosto hanggang ikaw-19 ng Agosto
na kung saan nakapaloob sa panahong saklaw ang kaarawan ni Quezon (Agosto 19).
Jose E. Romero (1959)
❖Salitang Pilipino ang gagamitin
- Pinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng Edukasyon ang kautusang pangkagawaran Blg.7, na
nagsasaad na kalian ma’y tukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
Pangulong. Ferdinand E. Marcos (1967)
❖Lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay papangalan na sa Pilipino.
- Nilagdaan noong Oktubre 24, 1967 ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang isang kautusang Tagapagpaganap Blg.
96, na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan na sa
Pilipino.
- Nilagdaan ng pangulo ang Blg. 187 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transakyon ng pamahalaan.
Rafael M. Salas (1968)
❖Ang mga Letterhead ng mga Kagawaran, Tanggapan at sangay ng pamahalaan ay nasusulat sa Pilipino.
-Pinalabas ng kalihim tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Serkular Blg.172 na nagbibigay-diin sa
pagpapairal ng kautusang tagapagpaganap Blg.96. Iniatas din na ang mga Letterhead ng mga kagawaran,
tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kakulang teksto sa
Ingles.
Ernesto M. Maceda (1969)
❖Ang mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay kailangan dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idinaraos
ng Surian ng Wikang Pambansa.
-Pinalabas ng kalihim tagapagpaganap Ernesto M. Maceda and Memorandum Blg.277 na bumabago sa Sirkular
Blg.199 na nanawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar na Pilipino na
idinaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay
masasaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pamnsa.
Alejandro Melchor (1970)
❖Pagtatalaga ng Tauhang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino.
-Agosto 17, 1970, pinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg.384
na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat
ng departamento, kawanian, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari
o kontrolado ng pamahalaan.
-Pinalabas ni Kalihim Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg.443 na hinihiling sa lahat ng
pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-83 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco
(Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971.
Pangulong. Ferdinand E. Marcos (1971, 1973)
❖Pagsasanauli sa surian ng Wikang Pambansa (1971)
-Nilagdaan ni Pang. Marcos noong Marso 16, 1971 ang kautusang tagapagpaganap Blg.304 na nagpapanauli sa
Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin
❖Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa (1971)
-Noong Hunyo 29, 1971, itinadhana ng Memorandum Sirkular Blg.488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palutuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19
❖Pagsalin ng Saligang Batas sa mga Wikang sinasalita ng karamihan (1972)
- Disyembre 1972, iniatas ng Pang Marcos sa Surian ng Wikang Pambansa ang pagsalin ng Saligang Batas sa
mga wikang sinasalita ng may 50,000 mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Artukulo XIV,
Seksyon 3.
❖Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 3 (1973)
- Ang saligang batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga wikang opisyal, at isalin sa
bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa 50,000 taong-bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling may hidwaan,
ang teksyong Ingles ang mananaig.
Kalihim Juan L. Manuel (1974-1978)
❖Pagpapatupad ng patakarang edukasyong Bilingguwal (1974)
- Nilagdaan ni ang kautusan pangkagawalan Blg.25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagapaptupad at
patakarang edukasyong Bilinggguwal sa mga paaralan.
❖Paglagda ng kautusang Pangministri Blg.22 (1978)
- Pagkakaroon ng Panuntunan sa pagsasanay ng mga guro upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa
pagtuturo ng Pilipino.
Pangulong. Corazon C. Aquino (1986, 1988)
❖Pagpapakilala sa Wikang Pambansa Proklamasyon Blg.19 (1986)
❖Kautusang Tagapagpaganap Blg.335, Pinagtibay ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, Sek 6-9
(1988)
- Nilagdaan ng Pangulo ang kautusang Blg.335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanian at
ahensya na guma ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na
komunkasyon at transaksyon.
Kalihim Lourdes R. Quisumbing (1987, 1989)
❖Pinalabas ang Kautusan Blg.52 (1987)
- Pinalabas ng Kalihim ng Departamento ng Edukasyon Kultura at Palakasan ang kautusang Blg.52 na nag-
uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa paaralan kaalinsabay ng Ingles na
nakatakda sa patakarang edukasyong bilingguwal.
❖Pagsasakatuparan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.335
- Pinalabas naman ang Kautusang tagapagpaganap Blg.84 na nag aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na
isakatuparan ang tagapagpaganap Blg.335.
Kalihim Isidro Cariño (1990)
❖Kautusang Pangkagawaran
-Marso 19, 1990 pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang kautusang
pangkagawaran Blg.21, na kung san nakasaad dito na gamitin ang FILIPINO sa pagbigkas ng panunumpa at
katapatan sa Saligang-batas at sa bayan.
CHED Memorandum Blg.59 (1996)
-Pinalabas ng CHED ang Memorandum na ito na nagtatadhana sa 9 na yunit na pangangailangan sa Filipino sa
pagkalahatang edukasyon at nagbago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipno 1, 2, at 3.
Pangulong. Fidel V. Ramos (1987)
Nilagdaan ng Pangulo noong Hulyo 1997 ang proklama Blg.1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-
-
taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t-ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at
sa mga paaralan na magsasagawa ng mga Gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Komisyon sa Wikang Filipino (2001, 2006, 2009)
❖Ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa
Ispeliing ng Wikang Filipino. (2001)
❖Pagsususpinde ng KWF sa 2001 Revisyonng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeliing ng Wikang
Filipino. (2006)
❖Tuluyan nang isinantabi ang 2001 ang Revisyonng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeliing ng Wikang
Filipino. (2009)
KASALUKUYANG KAGANAPAN SA
ATING WIKA
➢ Para sa kasalukuyang panahon, nagkaroon na tayo ng iba’t-ibang klase ng wika na ating
ginagamit, yung iba ay gawa-gawa lamang ng mga tao, at yung iba ay impluwensya o nakuha
lamang din sa ibang mga bansa at tao, kaya naman patuloy na itong ginagamit at kaantabay
na sa pananalita ng mga Pilipino. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga wika o
pananalita na ginagamit sa kasalukuyan bukod sa tagalog (Impormal na Wika):

❑ Pagbabaliktad ng pagbanggit ng mga salita


Halimbawa: Angas mo naman pala “Lodi”! “Werpa”!!
❑ Jejemon
Halimbawa: MuZt4 k4n4 B41onG k0? kuM4in k4 n4 B4?
❑ Gay Language
Halimbawa: Waley ako sa balur namin day.
❑ Hanggol o Korean Language, na kung saan nakukuha natin sa panonood ng mga K-drama at iba
pa.
Halimbawa: Gamsahabnida 대단히 감사합니다 o Maraming salamat sa tagalog.
❑ Tag-lish:
Halimabawa: Magsya-shopping ako sa mall mamaya, sama ka ba Sis? It’s ok naman kung ayaw mo.

You might also like