You are on page 1of 1

ACTIVITY #3

Name: John Patrick B. Bautista Section: IT-21


1. Gumawa ng isang sanaysay na tatalakay sa K to 12 sa kasalukuyang panahon.

K TO 12 SA KASALUKUYANG PANAHON
Paano nga ba nabago sa kasalukuyang panahon ang sistemang K-12 sa Pilipinas,
pareho parin ba ito sa nakaraan? o nagkaroon na ng kaibahan dahil sa nagaganap na pandemya
ngayon. Masasabi ko din na maganda at kakaiba ang naranasan kong K-12 nung mga nakaraang
taon kumpara sa kasalukuyan, sa kadahilanang nagkaroon ng pandemya at naging Online class ang
dating Face to Face class, bagamat ganito na ang kalagayan ng edukasyon sa panahon ngayon ay
kailangan padin gawin ng estudyante ang kanilang mga responsibilidad upang makamit ang pagkatuto
at hangaring makapag tapos ng pag-aaral, ngunit magiging parehas parin kaya ang mararanasan
nilang karanasan ngayon sa nakaraan?
Mahirap nga naman ang kalagayan ng edukasyon ngayon dahil sa naganap na pandemya,
hindi na katulad dati na mas nagkakaroon ka ng interaksyon sa mga kaklase mo na kung saan
nagkakaroon kayo ng bonding, kulitan, groupings at marami pang iba, pati na rin sa mga guro mo na
kung saan mas na susubok ang iyong katatagan at pag-iisip sa tuwing ikaw ay mag-rereport o
tatawagin para sa graded recitation, kasama na din dito ang magaganap na Job Immersion o (OJT)
na kung saan bilang isang Senior High ay kailangan mo narin matutunan o maranasan ang
pagkakaroon ng mga trabaho na may kaugnayan sa iyong strand na kinuha, na kung saan hindi na
maaring mangyari dahil sa meroong pandemya, maaring magawan ito ng paraan ngunit hindi na ito
kasing saya ng naranasan kong OJT nung ako ay nasa Ika-12 baitang, sa tingin ko ay ang pagsabak
ko sa Job Immersion ang isa sa pinaka di malilimutang karanasan nung ako ay magtatapos na ng Ika-
12 baitang sa UDM. Pati narin siguro ang paggawa ng mga aktibidad sa asignatura ng P.E na kung
saan nagkaroon kami ng mga practice na sayaw para sa graded performance task, pati na rin ang
pagkakaroon ng mga laro katulad nalang sa Basketball na kung saan pabilisan makatapos sa
Basketball Relay na kung saan kapag nanalo ang team niyo sa laro na iyon ay meroon kayong 95 na
grado sa aktibidad na Basketball, kaya naman masasabi ko na napakasaya ng naging karanasan ko
noong ako’y Senior high palang kumpara siguro sa ngayon na mga magiging Senior high palamang
sa kasagsagan ng pandemya. Bukod pa sa mga ito ay magiging limitado lamang o maaring marami
ang hindi maranasang mga kaganapan ang mga Senior High ngayon kumpara dati na wala pang
pandemya, ang maaring magustuhan lamang ng estudyante ngayon ay ang nasa bahay lamang pero
wala kang baon, gigising ka parin ng maaga o depende kung anong oras ang pasok mo kaso Mobile
phone na ang magiging kaharap mo hindi na guro, at wala ng mga classmate na magiging kausap o
kakulitan. Maaring maganda parin ang maidulot ng K to 12 sa kasalukuyan kung makakagawa parin
ng paraan o solusyon ang kagawaran kung paano mararanasan kahit papaano ng mga mag-aaral sa
SHS ang mga nagaganap nung wala pang pandemya, kahit na mahirap nga itong gawin dahil nga
Online class at sinusubukan parin naman tugunan ng ating masisipag at magigiting na guro ang
kinakailangang kaalaman ng mga SHS, ngunit limitado parin ito sa ayaw natin o gusto.
Para sa kabuuan masasabi ko na ibang-iba ang magiging karanasan sa kasalukuyan sa
programang K-12 kumpara noon na hindi pa kasagsagan ng pandemya, maaring hind imaging pare-
pareho ang opinion natin sa usapin na ito sapagkat magkakaiba tayo ng estado sa buhay, ngunit kahit
ganito pa man bilang estudyante ay responsibilidad parin ang pagkatuto kahit na Online class lamang,
lubusang nabago ng pandemyang ating nararanasan ngayon ang ating edukasyon ganunpaman ay
kailangan nating matuto at hindi magpatalo, kahit mahirap kailangan nating magtiyaga upang makamit
natin ang ating pangarap at kagustuhan o kaginhawaan sa ating mga buhay.

You might also like