You are on page 1of 28

Magandang Buhay!

KASAYSAYAN AT PAG-
UNLAD NG WIKA
Artikulo 14, Seksyon 3 (1935)

• Sa Saligang Batas ng Pilipinas nagtadhana na “Ang


kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang Pambansa na ibabatay sa
isa sa mga umiiral na wika”.
Batas Komonwelt Blg. 184 (1936)

• Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa batas


Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng pangulo ng Komonwelt, si
Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang layunin ng
surian ay pilitin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng
pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang Pambansa ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)

Noong Disyembre 30, 1937 alinsunod sa Batas Komonwelt


Blg. 184 sa bisa ng Saligang batas 1935, ipinahayag ng
Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa
Tagalog.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)

Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang


diksyunaryo at balarila ng wikang Pambansa, at
itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa
mga paaralan, pambayanan man o pribado.
Batas Komonwelt Blg. 570 (1946)

Pinagtibay na ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay maging


isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
Proklamo Blg. 12 ( 1954)

Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang batas na


nagpapahayag ng Pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula
Marso 29 hanggang Abril 4 sa mungkahi ng Surian ng
Wikang Pambansa.
Artikulo XIV, Seksiyon 6-7 (1957)

“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin sa salig na umiiral na wika sa Pilipinas at iba
pang mga wika.
Proklama Blg. 186 (1959)

Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay at sinusugan ang Proklama Blg. 12


(1954), itinakda ang pagdiriwang ng Linggo ng wika simula ika-13 ng
Agosto hanggang 19 taon-taon.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959)

Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at itinagubilin na kailanman at


tinutukoy ang wikang Pambansa, ang salitang Filipino ang itatawag.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962)

Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at iniutos na simula ng Taong-


Aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay
ipalimbag sa wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1963)

Nilagdaan ni Pangulong Macapagal ang pag-utos ng awitin ang


Pambansang awit ng Pilipinas sa titik nitong Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967)

Nilagdaan ni Pangulong Marcos at itinadhana na ang lahat ng


edipisyo, gusali, at tanggapan at pamahalaan ay pangangalanan sa
Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968)

Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga


letterhead ng mga tanggapan at pamahalaan ay isulat sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)

Itinagubilin ang pagbuo ng seminar sa Filipino ng mga kawani ng


pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa
sa iba’t ibang pook panglingguwistika ng kapuluan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969)

Nilagdaan ni Pangulong Marcos at inutos sa lahat ng kagawaran,


kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin
ang wikang Filipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na transaksiyon at
komunikasyon.
Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970)

Ipinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor ang


pagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala sa lahat ng
kumunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971)

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang pagpapanauli sa dating kayarian


ng surian ng Wikang Pambansa at niliwanag ang mga kapangyarihan
at tungkulin nito.
Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972)

Nilagdaan ni Pangulong Marcos at nag-atas sa Surian ng Wikang


Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng
may limampung libong mamamayan alinsunod sa probisyon ng
Saligang Batas, Artikulo XV, Section 3.
Artikulo XV, Seksyon 3 (1973)

Ang Pambansang asemblea ay dapat gumawa ng hakbang sa


pagpapaunlad at pormat na adapsiyon ng panlahat na wikang
Pambansa na makikilalang Filipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974)

Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang pagpapatupad sa patakarang


Edukasyon Bilingguwal sa mga paaralan.
Kautusan Blg. 52 (1987)

Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang pag-uutos sa wikang


Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng paaralan
kaalinsabay sa Ingles.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)

Iniutos ni Kalihim Isidro Carino na gamitin ang wikang Filipino sa


pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan
natin.
Proklamasyon Blg. 1041 (1997)

Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel Ramos na ipagdiwang ang


Buwan ng Wikang Pambansa taon-taon sa iba’t ibang sangay at
tanggapan at sa mga paaralan.
Praymer sa Revisyon ng Ortograpiyang
Filipino (2001)

Inilabas ng Wikang Filipino ng rebisyon sa mga tuntunin ng


Ortograpiyang Filipina tungo sa estandardisasyon at
intelektuwalisasyon ng wikang Pambansa.
Gabay sa Ortograpiyang Filipino (2009)

Ipinatigil ang rebisyon sa alpabeto noong 2001 dahil sa maraming


kalituhan sa tuntunin. Ito ang kasalukuyang ipinatutupad ng
Komisyon sa Wikang Filipino ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg.
104 serye ng 2009.
Maraming Salamat!

Inihanda ni:
Leonard Y. Idala

You might also like