You are on page 1of 1

Karapatang Pantao Reaksyong Papel

Ayon sa sarili kong obserbasyon at pagsusuri sa karapatang pantao, ang karapatang


pantao ay isa sa pinakamahalagang konsepto sa ating lipunan. Ang karapatang pantao ay
hindi pumipili ng relihiyon, kasarian, lahi, at wika, ngunit ito ay pandaigdig. Ito ang
nagsisilbing proteksyon para sa mga na-aapi, na-didiskrimina, at paglabag sa kanilang
karapatan. Ipinapakita sa mga teksto na ito ang mga artikulo na nagsisilbing proteksyon ng
bawat mamamayan.

Ang mga artikulo ukol sa karapatang pantao ay nagbibigay pagkilos upang mabigyan ideya
ang isang indibidwal upang ipaglaban niya o ang kanilang karapatan. Karamihan ng mga
artikulong nakapaloob sa tekstong ito ay tungkol sa kalayaan ng mamamayan sa ating
lipunan, at pati narin sa mga tungkulin at karapatan na dapat sundin ng mga mamamayan.
Isinasaad din dito na lahat ng tao, ano man ang kasarian, lahi, itsura ay may kakayahan na
lumahok nang malaya sa buhay patungo sa kaunlaran.

Ang mga artikulong nakasaad dito ay hindi lamang nagbibigay ng proteksyon para sa mga
mamamayan, ito rin ay nakakatulong upang maayos na dumaloy ang mga pangyayari sa
ating kapaligiran at lipunan. Ito rin ay nagsisilbing proteksyon ng mga normal na mga
mamamayan laban sa mga indibidwal na may kapangyarihan, tulad ng mga opisyal ng
gobyerno, ma-impluwesyang tao.

Sa kabuuan, ang konteks na ito ay nagbigay sa akin ng paalala na dapat tayong tumayo at
harapin ang pang-aabuso upang maprotektahan natin ang ating dignidad at katauhan
upang mabigyan importansya at maprotektahan ang ating karapatan mabuhay ng malaya at
marangal.

You might also like