Professional Documents
Culture Documents
1. Maipaliwanag ang konsepto ng karapatang pantao at ang mga uri at batayan nito.
2. Makapagbigay ng mga halimbawa ng mga karapatang pantao batay sa mga uri nito.
3. Mailahad ang mga isyu at uri ng paglabag sa karapatang pantao at masabi ang mga
hakbang upang malunasan ang mga paglabag sa karapatang pantao.
ANO ANG IYONG MARARAMDAMAN SA MGA
GANITONG PAGKAKATAON?
ANO ANG KARAPATANG PANTAO?
Ang tao ay may pangangailangan na dapat matugunan upang mabuhay siya nang may
dignidad.
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya
ay isilang.
URI NG KARAPATANG PANTAO
1. Indibidwal o personal na karapatan ito ay mga karapatan na pag-aari ng isang indibidwal na
tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.
a. Karapatang Sibil karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.
b. Karapatang Pulitikal karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan.
c. Karapatang Panlipunan karapatan mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang
kapakanan
d. Karapatang Pangkabuhayan karapatang ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng
pamumuhay.
e. Karapatang Kultural karapatan ng tao na lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng
siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.