You are on page 1of 21

1

I. Kompetensi (MELCs)
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan
Learning Targets:

Sa pagtatapos ng sesyong ito, ako ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang pagkamamamayan at ang mga


konseptong tuwirang nauugnay rito;
2. Nasusuri ang legal na batayan at ang lumalawak na pananaw ng
pagkamamamayang Pilipino;
3. Nahihinuha ang mga pangunahing katangian ng isang mabuting
mamamayan na nauugnay sa sarili, pamilya, kapwa, at bansa.
II. Panimula
Aalamin natin ang pinagmulan ng konsepto ng pagkamamamayan
at kung paano ito lumawak sa pagdaan ng panahon.

Pagbalik-aral: Gawain 1 : Buuin mo nga?

Equality Diskriminasyon Karapatan Gender Equality


Stereotyping

1.______ ay pantay na pagturing sa lahat, nang hindi nakabatay sa pangangailangan.


2.Ang gawain at kaisipang ito ay kadalasang nagiging sanhi ng _______ at nagiging
hadlang upang makamit ng isang indibidwal ang Kalayaan, Karapatan at kaunlarang
pansarili.
Pagbalik-aral: Gawain 1 : Buuin mo nga?

Equality Diskriminasyon Karapatan Gender Equality


Stereotyping

3. Ang kalagayan kung saan ang lahat ng tao mula sa magkakaibang kasarian, ay may
pantay na tungkulin, _______, at oportunidad sa lahat ng larangan.
4. Kasama sa usaping ito ang pagtalakay sa mga pananaw o kaisipan sa kaugalian,
katangian, o tungkulin ng isang particular na kasarian na karaniwang taliwas sa
katotohanan. _______.
5. Ang Gawain at kaisipang ito ay kadalasang nagiging sanhi ng ________ at nagiging
hadlang upang makamit ang isang indibidwal ang Kalayaan, Karapatan, at kaunlarang
pansarili.
Pagganyak: KKK (Kamalayan sa Katangian Ko)
Panuto: Gamitin ang public chat at gumawa ng listahan ng katangian
ng isang aktibong mamamayan.

Ang mga katangian ng aktibong Tanong:


mamamayan ay: 1. Bakit mo nasabi na ang iyong
_______________ ginawa ay katangian ng isang
aktibong mamamayan?
_______________
_______________ 2. Masasabi mo bang isa kang
_______________ aktibong mamamayan?
_______________
III. Pagpapaunlad ng Aralin

1. Legal at lumalawak na konsepto ng pagkamamamayan


2. Artikulo IV. (Pagkamamamayan)
3. Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan
• Jus sanguinis
• Jus soli o Jus loci
4. Mga Katangian ng isang mabuting mamamayan
Ang kosepto ng pagkamamayan ay itinuturing na nagsimula sa kasaysayan
ng Gresya.

Polis - komunidad ng mga mamamayang binigkis ng isang pagkakakilanlan at


adhikain; ang personal at pansibikong buhay at karangalan ay iisa lamang.
(sense of belongingness)

( tungkulin at pananagutan ang palaging unahin-- ang


kabutihan ng polis bago ang sarili)
(pangunahing obligasyon: katapatan sa polis at
ipagtanggol ito sa oras ng digmaan)
Soberanya: makapangyarihan sa loob ng polis

-may pamahalaan
-may batas

Populasyon: nahahati sa
1. citizen- adult males
2. non-citizen- kababaihan/bata
Adult males: nagtatamasa ng karapatang political at pribilehiyo sa lipunan

Mamamayan: tunay at naninirahan sa polis


malaya, lalaki, may pag-aaring yaman, makahawak ng armas, mailuklok sa pamahalaan, kayang
ipagtanggol ang sarili sa hukuman.

Ekklesia- pagtitipon sa isang pagpupulong para sa pagpapasya para sa anumang isyung


pampubliko (pagpapatibay ng batas,paghalal ng archon, pribilehiyo sa isang individual)
I. Legal na Pananaw
Konsepto ng Pagkamamamayan

Citizenship/Pagkamamamayan
1. Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng
isang pamayanan o estado;
2. Isang legal na kalagayan ng isang indibidwal sa isang
nasyon o estado;
3. Tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal at ng
estado, na kung saan ang dalawa ay pinagbigkis ng reciprocal na
karapatan at pananagutan. ( Heywood, 1994 )
Artikulo IV:
Pagkamamamayan
(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)
(Sino ba ang maituturing na mamamayang Pilipino?)
Seksyon 1. Ang sumusunod ay ang mamamayan ng Pilipinas:
1. Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas
na ito;
2. Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
3. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17,1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang;
4. Yaong naging mamamayan ayon sa batas.
5. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas
mula sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang anumang hakbang
upang matamo o malubos ang pagkamamamayang Pilipino;
6. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa seksiyon
1,talataan 3 rito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
Artikulo IV:
Pagkamamamayan
(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)

Seksyon 2
Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan
ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang
ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talatataan 3 nito ay dapat
ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.

Seksyon 3
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
Artikulo IV:
Pagkamamamayan
(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)

Seksyon 4
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga
mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi
kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalaim
ng batas, na nagtakwil nito.

Seksyon 5
Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayan

▪ Jus Sanguinis (Law of Blood o Relasyon sa Dugo)


- ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng
isa sa kanyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.

▪ Jus Soli o Jus Loci (Law of Soil o Ayon sa lugar ng kapanganakan)

-ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.


Ito ang prinsipyong sinusunod sa US at Canada.

Republic Act No. 9225 o Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003

Ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa


pamamagitan ng NATURALISASYON ay maaaring maging mamamayang Pilipino muli.
Magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan ( dual citizenship )
Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino

Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:


1. Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa;
2. Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag maydigmaan, at
3. Pagpapakasal o Jus Matrimonii
4. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon

Dalawang uri ng Mamamayan sa ating bansa:

1. Likas o Katutubo ( Natural born Citizen ) – mga Pinoy by birth o mga


katutubong mamamayan; hindi na kinailangan pang dumaan sa anumang
proseso upang maging mamamayan ng Pilipinas
Dalawang uri ng mamamayan sa Pilipinas

2. Naturalisado o Naturalized Citizen – dating dayuhan na naging


mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.

NATURALISASYON – isang legal na proseso kung saan ang isang non-


citizen ay maaaring makamit ang pagiging citizen ng isang bansa.

II. Lumalawak na Pananaw


Sa patuloy na pagbabago ng ating lipunan, patuloy din na lumalawak ang
konsepto ng pagkamamamayan.
Mga mahahalagang aspeto sa kasalukuyan:

1.Pagkakabuklod – buklod ng mga tao sa ikabubuti ng lipunan;


2.Hindi na taga-sunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan;
3.Nakikialam sa isyu at usaping tuwirang nakaaapekto sa local na
antas;
4.Sinusubok ang mga panuntunan at mga umiiral na istruktura ngunit
palaging nanatili sa mga hangganan ng mga demokratikong
pamamaraan na hindi sangkot sa gawaing marahas;
5.Paggalang sa katarungan, demokrasya, pananaig ng batas( rule of
law ), pagiging bukas ( openness ), pagpaparaya ( tolerance ), lakas
ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw.
KODIGO NG PAGKAMAMAMAYAN AT KAGANDAHANG-ASAL

Ipinalabas ni dating pangulong Manuel L. Quezon ang Atas


Tagapagpaganap Blg. 217 ( Executive Order no. 217 ) noong Agosto 10,
1939.
> panuntunang sibiko at etikal
> itinuturo sa mga paaralan hanggang ngayon

1.Magtiwala sa Poon Maykapal;


2.Mahalin mo ang iyong bayan;
3.Igalang mo ang Saligang Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang
kalooban;
4. Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang
maagap na pagbayad nito;
5. Panatilihing malinis ang halalan at sumunod sa pasya ng karamihan;
KODIGO NG PAGKAMAMAMAYAN AT KAGANDAHANG-ASAL

6. Mahalin at igalang ang inyong mga magulang;


7. Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong
buhay;
8. Maging matapat sa pag-iisip at sa gawa;
9.Mamuhay ng malinis at walang pag-aaksaya;
10.Mamuhay na gaya ng inaasahan sayo ng marangal na tradisyon ng ating lahi
11. Maging masipag;
12. Umasa sa iyong kakayahan sa pag-unlad at kaligayahan;
13. Gampanang maluwag sa kalooban ang iyong mga tungkulin;
14. Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang
panlipunan.
15. Ugaliin ang pagtangkilik sa sariling atin at sa mga kalakal na gawa rito sa atin;
16. Gamitin at linangin ang likas na yaman at pangalagaan ito para sa susunod na
salinlahi.
IV. Paglalahat
Kaakibat ng ating mga karapatan ay mga pananagutan

V. Paglalapat: Gawain 2: ESP (Extra Suri ang Pagpapalalim


Panuto: Basahin ang extract o mga piniling pananaw ng mga Pilipino sa
Pagiging Mabuting Mamamayan ni Mahar Mangahas, Philippine Daily Inquirer,
04/19/2008.

Isang Listahan ng 10 Tungkulin ng mga Mamamayan:

1. Laging boboto sa halalan;


2.Hindi iiwas sa pagbabayad ng buwis;
3.Laging sundin ang mga batas at regulasyon;
4. Laging pagbabantay sa mga gawain ng pamahalaan;
5. Ang maging epektibo sa panlipunan at political na mga Samahan;
6. Subuking unawain ang katuwiran ng mga taong may ibang opinion;
7. Pumili ng produkto para sa political, etikal o pangkalikasan
kadahilanan, kahit na ito ay may dagdag na gastos;
8. Tulungan ang mamamayan ng bansang [pangalan ng bansa] na
may hindi magandang kalagayan;
9.Tulungan ang mamamayan ng mga bansa sa mundo na may hindi
magandang kalagayan;
10.Handang maglingkod sa militar sa oras ng pangangailangan.

VI. Ebalwasyon FAQ4 Aralin 24- Multiple Choice/True or False


SAQ4 Aralin 24- Essay
VII. Takdang-Aralin:
Bilang paghahanda sa araling pangangalaga sa karapatang pantao at
aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko,
mangalap ng mga datos na may kaugnayan sa nasabing mga aralin.

Core Value: Presence


Pagpapanatili ng dignidad ng bawat mamamayan.

Marami tayong natututuhan sa ating sarili sa pamamagitan ng pag-


aaral sa ibang tao. Ang pinakamainam na gawain bilang tanda ng
pagmamahalan at maayos na pakikitungo sa lipunan ay ang
pagtatanim ng kahalagahan ng pagpapanatili at pagbibigay ng
paggalang sa dignidad ng bawat mamamayan.

You might also like