You are on page 1of 4

Paaralan Makiling Integrated School Baitang 7

TALA SA PAGTUTURO Guro Mary Antonel D. Banaag Asignatura Filipino


(Face to Face) Petsa Oktubre 2, 2023 Markahan Una
Oras 6:00-11:20 Bilang ng Araw 1
I. PAKSA Sanhi at Bunga
II. LAYUNIN
A. PamantayangPangnilalama Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
n
B. PamantayanSaPagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo
C. KasanayansaPagkatuto
(MELCs) (Ilagay ang Code) Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari - F7PB-Id-e-3
- Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari mula sa napakinggang dugtungang
pagbabasa ng epikong Indaraptra at Sulayman.

- Nailalahad ang sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagsasadula ng iba’t ibang sitwasyon.

- Napahahalagahan ang pagpapaliwanag ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa


pamamagitan ng pagtatala ng mga pahayag na ibinigay gamit ang fishbone.
Nilalaman
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng Guro
a. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral(MODULE)
b. Kagamitan mula sa
Portal
ng Learning Resource
B.Iba pang kagamitangPanturo
IV. PAMAMARAAN
Mga karaniwang pagpapaalala sa araw-araw:
Magbibigay ang guro ng gabay at patnubay sa pagbubukas ng klase.
Panimula:
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagtatala ng liban
d. Pagbabalik-aral
e. Pagganyak
LARO’T SAGOT!

Paglalahad ng iba’t ibang larawan na nagpapahayag ng sanhi at bunga at hahayaan ang


mag-aaral na ipahayag ang kanilang hinuha sa mga larawan.

Mga Katanungan:

1. Ayon sa mga larawan, ano ang inyong napansin o nabatid dito?


2. Naniniwala kabang may dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay?
3. Ano ang pagkakapareho ng mga larawang inilahad?
I-DUGTONG MO!
Pagpapaunlad
Gawain I: Dugtungang Pagbabasa

Panuto: Tukuyin ang sanhi at bunga mula sa babasahing epikong Indarapatra at


Sulayman.
INDARAPATRA AT SULAYMAN

Dahil sa pakikipaglaban sa mga mababangis na halimaw namatay ang kapatid ni Indarapatra


na si Sulayman. Pinagaling niya ito gamit ang mahiwagang tubig. Kaya’t pinauwi ni Haring
Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa Mantapuli, palibhasay kagagaling lang sa kamatayan
upang makapagpahinga.Nagtungo naman ang hari sa bundok Kurayan upang hanapin ang
kinatatakutang ibon na may pitong ulo at matatalas na mga kuko. Natagpuan ni haring
Indarapatra ang ibon at silay naghamok. Dahil sa tulong ng kanyang engkantadong sibat ay
madali niyang napatay ang ibon. Kaya naman ng kanyang matalo ang ibon ay hinanap niya
ang mga taong naging dahilan upang matagpuan niya ang isang magandang diwatang
tuwang-tuwang nagpasalamat sa kanyang kabayanihan at katapangan. Isinama siya ng
Diwata sa yungib na pinagtaguan ng mga tao. Isinalaysay ni Haring Indarapatra ang
pakikipaghamok nilang dalawa ni Prinsipe Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon.
Sinabi ni Haring Indarapatra na maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan sapagkat
wala na ang mga halimaw at ibong gumulo sa kanila. Nagpasalamat ang mga tao kay Haring
Indarapatra. Hiniling naman ni Haring Indarapatra sa magandang Diwata ang pagpapakasal at
kaaagad na ipinagdiwang ang isang magarbo at tunay na masayang kasalan. Tuwang tuwa
ang mga tao at walang pagod nilang isinisigaw na “Mabuhay ang Hari!”.

Sang -ayon kay Maestro Valley Rey:

Sanhi

Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari . Ito ay


nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan.

- Sapagkat/pagkat
- Dahil/dahilan sa
- Palibhasa
- Kasi
- Naging
- Sanhi nito

Bunga

Resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari.Ito ang epekto ng


kadahilanan ng pangyayari.

Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga

- Kaya/kaya naman
- Dahil dito
- Bunga nito
- tuloy
- Hindi lahat ng sanhi at bunga ay ginagamitan ng pang-ugnay
Sang ayon naman kay Dun Bound ang isang sanhi ay ang isa na gumagawa ng epekto.
Halimbawa maaari mong sabihin na ang isang tipikal na virus ay ang sanhi ng sakit ng
bulutong. Nauunawaan na ang partikular na virus ay gumagawa ng epekto na
tinatawag na bulutong. Samakatuwid ang anumang gumagawa ng isang epekto ay
tinatawag na sanhi.

Sang-ayon sa Warbletoncouncil ang bunga ay kilala bilang kinahinatnan sa na kung


saan ay resulta mula sa isang nakaraang pangyayari, kilos o kaganapan. Ang salita
ay nagmula sa ekspresyong Latin kinahinatnan.

I-ARTE MO!
Pakikipagpalihan
B. Gawain II:

Pangkatang Gawain: Ipaliwanag ang sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagsasadula


ng iba’t ibang sitwasyon.

Sitwasyon
Pangkat

1 Pangyayari sa paaralan

2 Sitwasyon sa loob ng
tahanan

PUNTOS
PAMANTAYAN

Kaangkupan ng nilalaman sa sitwasyong 10


ibinigay

Kilos at Emosyon 10

Pagpapaliwanag ng sanhi at bunga sa dulang 10


itinanghal

Kabuoan 30

Gawain: Kumpletuhin ang maaaring maging bunga ng mga sumusunod na sanhi


Paglalapat upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Siya ay isang tunay na kapatid na sadyang matulungin sa kapwa


_____________________________________________________________________

2. Maramin tumutulong sa mga mahihirap sa panahon ng lockdown


_____________________________________________________________________

3. Lahat ng tao ngayon ay nakasuot ng facemask


_____________________________________________________________________

4. Ang kaso ng Covid ay patuloy na tumataas


_____________________________________________________________________

5. Araw araw siyang umiinom ng alak

_____________________________________________________________________

Pagtataya: Lumikha ng isang komik strip na naglalaman ng mga pahayag at kwento na


Exteded Activity/ Maikling nagsasaad ng sanhi at bunga.
Takdang Aralin
PUNTOS
PAMANTAYAN

Nilalaman (makabuluhang impormasyon) 10

Impak (nakapaghatid ng makabuluhang 10


impormasyon)

Mekanics (paggamit ng mga pang-ugnay na 10


salita)

Kabuoan 30

V.Pagninilay: Panuto:Kumpletuhin ang mgapahayagupanglahatin ang natutunanmosaaralin


1.Natutunan ko na___________________________________________________________
2.Natuklasan ko na___________________________________________________________
3.Nasasabi ko na_____________________________________________________________
Inihandani: Binigyang pansin ni:

MARY ANTONEL D. BANAAG ANTHONY M. SARMIENTO


Guro UlongGuro III

You might also like