You are on page 1of 2

Department of Education

Region III – Central Luzon


Schools Division of Bulacan
District of San Ildefonso North
SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL
Sampaguita St., San Juan

BANGHAY ARALIN SA MTB-2


Unang Markahan
Agosto 7, 2019
8:25-9:15

I. LAYUNIN

Natutukoy ang sanhi at bunga.


Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng grupo o klase.
Naisusulat ang mga bunga ng bawat sanhi ng mga pangyayari.
II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Sanhi at Bunga


B. Sanggunian: MTB 2 pahina TG 78-79, LM 64-65
C. Kagamitan: Projector, Tsart, mga Larawan
D. Pagpapahalaga: Pagmamahalan ng Pamilya
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik- Aral

Balikan ang mga pangyayari sa kwento. (Isang Okasyon akda ni Grace Urbien-
Salvatus) Itanong sa mga bata kung ano ang naramdaman ni Waren. Itanong din kung marami ba
ang dumating na bisita at kung nabusog kaya ang mga bisita.

2. Pagganyak

*Paano ninyo ipinagdidiwang ang inyong kaarawan?


* Ano ang inyong ginagawa kapag sumasapit na ang inyong kaarawan?
*Ano ang inyong pakiramdam?
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ipabasa ang mga pangyayari sa kwento.

Pangyayari sa Kwento

Dahilan Resulta

1. Naghanda ang pamilya ni Waren sa kaniyang 1. Masayang-masaya si Waren.


kaarawan.

2. Palakaibigan si Waren. 2. Maraming dumating na bisita si Waren sa


kaniyang kaarawan.

2. Pagtalakay

Itanong kung ano ang tawag sa dahilan ng mga pangyayari at resulta nito.,
Ipaliwanag sa mga bata na ang dahilan ng pangyayari ay tinatawag na sanhi at kung ano
ang resulta o kahihinatnan ng pangyayari ay tinatawag na bunga.

Maaaring magbigay pa ng karagdagang halimbawa.

3. Paglalahat

Ano ang sanhi at bunga ng mga pangyayari?

Tandaan!

Tinatawag na sanhi ang mga dahilan ng mga pangyayari at bunga naman ang
resulta ng mga pangyayari

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Isulat ang maaarinbg bunga ng bawat sanhi na nakasulat sa papel. Ipresent sa


unahan ang nagawa ng bawat pangkat.

IV. PAGTATAYA

Pagtambalin ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari.

A B

1. May balat ng saging sa sahig. *Sumakit ang ngipin niya.

2. Nag-aral ng aralin si Natnat. * Nadulas si nanay.

3. Naligo sa ulan si Pam. * Hindi siya nabasa ng ulan.

4. Kumain si Dar ng maraming candy. Nilagnat siya.

5. Nagdala ng paying si James. *Nakasagot siya sa tanong ng guro.

Inihanda ni;

AMELOU A. CARMONA
Guro III
Binigyang Pansin:

LOURDES E. CORREA
Pang-Ulong Guro III

You might also like