You are on page 1of 5

Learning Area FILIPINO 3

Learning Delivery Modality FACE TO FACE

Paaralan SANTISIMA CRUZ Baitang GRADE 3


ES
Guro CHERRY ROSE B. Asignatura FILIPINO 3
LESSON CALCETAS
PLAN Petsa MARCH 19, 2024 Kwarter IKATLONG Kwarter
Oras 10:00 -10:50 ng Bilang ng Araw 1
umaga

I. II.
I. LAYUNIN Pagkatapos ng araling ito Ang mga mag-aaaral ay inaasahang:
a. Makapag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binsang teksto.
b. Natutukoy ang sanhi at bunga.
c. Napahahalagan ang bilin ng nakatatanda.

A. Pamantayang Naipapamalas ang pang-unawa sa ugnayan


Pangnilalaman ng sanhi at bunga sa isang pangyayari.
B. Pamantayang Pagganap
1. Nauunawaan ang ugnayan ng sanhi at
bunga ng pangyayari.
2. Natutukoy kung ang pangyayari ay
sanhi at bunga.

C. Pinakamahalagang Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng pangyayari sa binasang teksto.


Kasanayan sa Pagkatuto F3PB-IIIh-6.2
(MELC)
D. Enabling Competencies
II. PAKSANG ARALIN
MGA KAGAMITAN SA
PAGKATUTO
A. Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC 124-126
Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang pang Mag-
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Mga larawan
Kagamitan mula sa Contextualized and Localized Instructional Videos , Pictures, Powerpoint,
Portal ng Learning pocket charts , tarpapel
Resouce
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Paunang mga Gawain:
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin A. ALAMIN:
Balik-aral PICK A DOOR
Kilalanin ang mga pariralang pang-abay sa pangungusap. Sabihin kung
ito ay pamanahon, panlunan, o pamaraan.

1. Napatunayan naming magaling magturo ang guro.


2. May mga nakaligtas sa baha dahil nakaakyat sila sa puno ng niyog.
3. Luhaang nagsalaysay ng pangyayari ang isang batang nakaligtas.
4. Nahuli ako sa klase kaninang umaga.
5. Kailangang dumaan sa tamang tawiran upang hindi masagasaan.
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin Pagganyak: Laro: Lutasin at Buuin
Lulutasin ng mga bata ang mga multiplication equation upang makabuo ng
salita.

HIDDEN WORD – ANILAG


SANHI
BUNGA

Sa araw na ito ay ating tatalakayin ang pag-uugnay ng sanhi at bunga ng


pangyayari sa binasang kwento.

C. Pag-uugnay ng mga Paghahawan ng Balakid:


halimbawa sa bagong Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin sa loob
aralin ng kahon ang iyong sagot.

1. Kitang kita ang mga bituin sa langit na nagbabadya ng mainit na panahon


bukas.
2. Makulimlim ang panahon nung kami ay pauwi galling paaralan.
3. Si Shyra ay dadalo sa isang salo-salo, sa kasamaang palad biglang umulan
nang malakas.

a. tumukukoy sa panahon kung saan maulap at malapit ng umulan.


b. Nagpapahiwatig.
c. Minalas o nasa masamang kalagayan

Pagbasa ng kwento:
Isang araw , si Joiv ay sinabihan ng kanyang ina na magdala ng payong
sapagkat nagbabadya ang ulandahil sa makulilim na kalangitan. Ngunit dahil sa
pagmamadali ni Joiv ay hindi niya na naintindihan ang bilin ng kanyang ina at
dali daling nagtungo palabas at naghihintay na ang kanyang mga kaklase at
mamasyal sila sa ANILAG . Habang sila ay namamasyal ay bumuhos ang
malakas na ulan. Sa kasamaang palad ay wala siyang dalang payong kaya
naman dali-dali siyang tumakbo palayo at sumilong. Sa huli matapos ang araw ,
umuwi si Joiv na nilalagnat.

D. Pagtatalakay ng bagong Mga Katanungan:


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 1. Bakit nagbilin ang nanay ni Joiv na magdala siya ng payong?
2. Ano ang dahilan ng hindi niya pag-iintindi ng bilin ng kanyang ina?
3. Ano ang naging bunga ng hindi niya pag-iIntindi sa bilin ng ina?
4. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng lagnat ni Joiv?
5. Kung ikaw si Joiv, susundin mo ba ang bilin ng iyong ina? Bakit?

Suriin ang dayagram :

Hindi pinansin ni Joiv ang bilin ng kanyang ina


dahil sa siya ay nagmamadali.
“Dahil sa siya ay “Hindi pinansin ni Joiv ang
nagmamadali.” bilin ng kanyang ina.”
E. Pagtatalakay ng bagong Alin ang sanhi sa dalawang pangungusap? Bakit?
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2 Sanhi – ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay
nagsasabi ng mga kadahilnan ng mga pangyayari.

Alin ang bunga? Bakit?

Bunga- ay resulta o kinalabasan ng panyayari sa isang particular na akda o


sulatin.

Halimbawa:
Sanhi: Araw-araw ay nag-aaral ng aralin si Nathan.
Bunga: Kaya lagi siyang nakakapasa sa pagsusulit.

Sanhi: Mahilig mag-ensayo sa pagkanta si Hanz.


Bunga Lagi siyang napipiling kalahok sa paligsahan sa pagkanta.

Pagsasanay; Tukuyin kung ang pangungusap ay SANHI o BUNGA.

1. Natutuwa lahat kay Sarah dahil sya ay mabait at magalang na bata.


2. Tumigil sap ag-iyak si Nena nang dumating ang kanyang ina.
3. Masayang nagsigawan ang magkakaibigan dahil napalipad nila ang kanilang
saranggola.
4. Dahil palaging babad sa laptop si Dennis, Malabo na ang kanyang mata.
5. Masipag mag-aral si Fey kaya matataas ang kanyang marka.

F. Paglinang sa Kabihasan Laro: Hanapin ang KAPAREHA


(Tungo sa Formative Babasahin ng mga bata ang tulang pambata at mula sa tula ay tutukuyin nila
Assessment) ang sanhi at bunga at kanila itong pag-uugnayin.

Sanhi Bunga
Ang batang masinop sa salapi May maaring maipambili
ANg batang may paggalang Dangal ng kanyang magulang
Ang batang maagang gumigising Hindi nagagahol sa mga gawain
Ang batang mahusay sa oras Tunay na may magandang bukas
Dahil inspirasyon niya ang mga ito Laging bumabati sa mga guro

Pangkatang Gawain:

Panuto:

Pangkat 1: Punan ang dayagram ng sanhi ng sumusunod na mga larawan.


Isulat lamang ang sagot.
Pangkat 2: Punan ang dayagram ng bunga ng sumusunod na mga larawan.
Isulat lamang ang sagot.
Pangkat 3: Panuto: Isulat ang posibleng bunga ng sanhi sa ibaba.
Pankat 4: Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan. Isulat
ang titik ng tamang bunga sa patlang ng sanhi.

G. Paglalahat ng Arallin Tandaan : Ano ang sanhi?


Ano ang bunga?
Sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay
nagsasabi ng mga kadahilnan ng mga pangyayari.

Bunga ay resulta o kinalabasan ng panyayari sa isang particular na akda o


sulatin.

H. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay
tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik B kung ito ay tumutukoy ng
bunga.

_______1. Hindi naplantsa ni Nikki ang kanyang uniporme dahil


nawalan sila ng kuryente.
_______2. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Xian kaya napatigil siya sa
daan.
_______3. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka’t mataas ang kanyang
lagnat.
_______4. Dahil nakalimutan ni Maria ang kanyang I.D., bumalik siya sa
bahay.
_______5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi
nakapagsuklay si Sofie.

I. Karagdagang Gawain: KARAGDAGANG GAWAIN


Magbigay ng dalawang sitwasyon na ipinapakita ang sanhi at bunga.

IV. PAGNINILAY
(REFLECTION)  Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang natutunan tungkol sa
mga sumusunod:
a. Napakinggang Teksto
b. Mga dapat tandan sa pagsasalaysay muli ng napakinggang
teksto

Inihanda ni
CHERRY ROSE B. CALCETAS
Teacher III
Sinuri at Binigyang Pansin:

FLORCEFIDA D. JOVELLANO
Master Teacher I

DR. CZARINA S. RASCO


Principal II
Petsa:_____________________________

You might also like