You are on page 1of 4

Activity Sheets

I. Paksa
Sariling Karanasan
II. Layunin
Naiiugnay ang sariling karansan sa napakinggang teksto. (FSPN-IIIa-h-4)
III. Kagamitan
Video na nagpapakita ng mga nangyari pagkatapos ng bagyong Yolanda
Kwento tungkol sa bagyong Yolanda
IV. Pagganyak:
Awit: Himig ng Magtanim ay Di Biro
May bagyo, may bagyo
Tayo na at humanda
Gamit ay ayusin na
Tayo ay lumikas na
La…la…la..la..
La…la…la..la..
La…la…la..la..
La…la…la..la..
Pagpapayaman ng Talasalitaan:
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Walang naisalbang kahit anong kagamitan an gaming kapitbahay nang tangayin ng
tubig baha ang kanilang bahay.
A. nailigtas C. naitago
B. nahabol D. naipamigay
2. Nagdulot nang matinding kalungkutan sa mag-anak ni Mang Pedro ang pagkawasak
ng kanilang bahay sanhi ng bagyo.
A. nagbigay C. nagwala
B. nagtago D. naging dahilan
3. Ang mga mamamayan ay ginulantang ng napakataas na tubig baha, kaya wala na
silang naisalbang mga kagamitan.
A. ginulat C.tinangay
B. natuwa D. lumangoy

VI. Paglalahad
 Panonood sa maikling video ng mga pangyayari pagkatapos ng bagyong
Yolanda.
 Pagbasa ng guro ng maikling kuwento tungkol sa bagyong Yolanda
Direksyon: Basahin ang teksto at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
Bagyong Yolanda
Akda ni: Editha T. Honradez

Sa darating na ika-8 ng Nobyembre ay isang taon na ang Bagyong Yolanda, na

nagdulot ng malungkot na pangyayari na kahit kailan hindi malilimutan ng lahat ng mga

naninirahan sa Visayas. Ang balana ay ginulantang sa nakakatakot na napakalakas na

hangin at mga mataas na tubig na ikinagulat ng lahat ng mga naninirahan sa lugar sa

Visayas. Sinuman sa mga naroroon ay may kanya-kanyang di-malilimutang karanasan

na dulot ng bagyong Yolanda. Walang anuman naisalbang gamit ang mga kababayan

natin na naninirahan roon. Nakakalungkot na hanggang sa ngayon marami pa rin sa

ating mga kababayan ang humihingi ng tulong dahil sa sinapit nila sa lupit ng Bagyong

Yolanda. Laman sa alinmang mga balita sa telebisyon at radio ang mga pangyayaring

iyon. Ang sinuman reporter na naghahatid ng mga balita ay hinangaan ng marami dahil

hindi ligtas kaninuman ang pumunta sa lugar na iyon.

https://www.slideshare.net/edithahonradez/mt-demo-lp-ni-edith-43392278

Tanong:
1. Ano ang pangalan ng bagyong kumitil ng buhay ng marami nating mg
kababayan?
__________________________________________________________
2. Saan lugar sa bansa naranasan ang napakalas na bagyo?
__________________________________________________________
3. Sinu-sino ang ginulantang ng nakakatakot na saobrang lakas na hangin
at napagkaataas na tubig bahay?
__________________________________________________________
4. Ano ang madalas ibinabalita noong panahon na iyon sa alinman mga
istasyon ng telebisyon?
___________________________________________________________
5. Sa iyong balagay napaghandaan bang ating mga kababayan ang
dumating na trahedya sa kanila dulot ng bagyong Yolanda?
___________________________________________________________
6. Para maiwasan na maulit muli ang pangyayaring iyon, ano ang dapat
nating gawin?
____________________________________________________________
VII. Gawain
Gawain I
“Sinuman sa mga naroroon ay may kanya-kanyang di-malilimutang
karanasan dulot ng bagyong Yolanda”. Ito ay sa mga pangungusap na
nakuha sa teksto. May karanasan ka din ba di malilimutan sa panahon
ng bagyo o sakuna? Sumulat ng isang maikling talata tungkol dito.
______________________________________________________________

Gawain II
Ano ang mga naging karanasan mo sa paghahanda bago dumating ang bagyo?
Ilahad ang inyong karanasan sa pamamagitan ng pagguhit ng isang larawan,
pagsulat ng isang sanaysay o tula o paggawa ng isang kanta tungkol dito.

You might also like