Professional Documents
Culture Documents
ARALING PANLIPUNAN 10
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
HULYO 2017
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga
hamong pangkapaligiran upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti
sa pamumuhay ng tao
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga
hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan (AP10MHP-Ih-11 )
Mga Layunin;
Naisa isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan
Naipapaliwanag ang mga kaalaman sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan
Napapapahalagahan ang pagsasagawa ng CBDRRM Plan
II. NILALAMAN
Paksa: Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Framework
B. Aktibi/Gawain
Day 1
Gawain 6. Status report
1. Hatiin ang klase sa iba’t ibang pangkat para sa gawaing ito.
2. Bigyan ng suliraning pangkapaligiran na hindi pa natatalakay ng bawat pangkat
upang kanila itong suriin batay sa format. Halimbawa nito ay ang suliranin sa
yamang enerhiya, yamang lupa, at sa yamang mineral.
3. Ipaalala na dapat ay maging malikhain sa paglalahad ng status report.
Suliranin sa
________________________
Panimula:
(Magbanggit ng mga datos tungkol sa
likas na yaman na napili ng inyong
pangkat)
Kahalagahan:
(Ipaliwanag ang kahalagahan ng
napiling likas na yaman. Suportahan ito
ng mga datos.
Suliranin:
(Suriin ang mga suliraning nararanasan
sa kasalukuyan at epekto nito)
Mga Pagkilos:
(Magsaliksik tungkol sa mga programa
ng pamahalaan at iba’t
Matapos ipaulat ang Status Report ng bawat grupo ay itanong ang mga sumusunod.
1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa likas na yaman na sinuri ng inyong pangkat?
2. Paano ito nakaapekto sa ating pamumuhay?
3. Kung magpapatuloy ang mga nabanggit na suliranin, ano ang maaaring mangyari sa ating pamumuhay?
4. Paano masosolusyunan ang mga nabanggit na suliranin sa ating mga likas na yaman?
Sa pagtatapos ng gawain,
1. Ipaunawa ng guro na ang epekto ng mga suliraning ito ay hindi lamang makikita sa pisikal na pagkasira
ng kalikasan kundi mayroong itong malawak at magkakaungay na epekto. Halimbawa, ang pagkaubos
ng mga puno sa kagubatan ay nagdudulot ng pagkasira ng balanse ng kalikasan, pagkaunti, pagkaubos
o pagkawala ng ilang specie ng hayop at halaman, pagkakaroon ng landslide na kumikitil sa buhay at
sumisira ng ari-arian.
2. Idagdag din sa pagtalakay ang pagkakaroon ng maraming sakit ang mga mamamayang inilikas kapag
nagkakaroon ng pagguho ng lupa dahil sila ay nagsisiksikan sa maliit na evacuation area. Samantala,
ang kalamidad na ito ay nangangahulugan ng karagdagang gastos sa pamahalaan at kabawasan sa kita
ng mga mamamayan na maaaring magpalubha sa suliranin ng kahirapan. Ang mga suliranin ring ito ay
nagpapalubha sa epekto ng Climate Change.
Day 2
Maaaring simulan ang susunod na Aralin sa pamamagitan ng isang video presentation tungkol sa
Climate Change. Samantala, ang nilalaman nito ay maaari ring ilahad sa pamamagitan ng video presentation
Ang gawaing ito ang higit na magpapatibay sa konsepto na ang Climate Change ay
pinalulubha ng epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa ating bansa.
PAG-ANALISA
Matapos ipagawa ang Gawain 2 Environmental Issue Map ay itanong sa mga bata ang mga
sumusunod .
1. Ano ang kongklusyon na iyong mabubuo tungkol sa epekto ng mga suliraning pangkapaligiran?
2. Ang suliraning pangkapaligiran ba na ating nararanasan ay may kaugnayan sa isa’t isa?
Patunayan.
3. Kung magpapatuloy ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran na ito, sino ang pangunahing
maapektuhan? Bakit?
4. Paano mabisang masosolusyunan ang mga nabanggit na suliranin at hamong pangkapaligiran?
ABSTRAKSYON
Maaaring lagumin ang gawaing ito sa pamamagitan ng paggawa nito sa klase upang makita
ng lahat ang kaugnayan ng suliraning pangkapaligiran sa isa’t isa at kaugnayan nito sa Climate
Change. Bigyang-diin sa paglalagom ang malawak at magkakaugnay na epekto ng mga suliraning
pangkapaligiran.
Sanggunian 1: Impacts of Natural Disasters on Agriculture, Food Security, and Natural Resources and
Environment in the Philippines(Israel & Briones, 2013)
Talahanayan 1.3 – Total value of damage to agriculture due to typhoons, floods, and droughts in the
Philippines, by commodity, 2000-2010 (million pesos)
Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes,
livelihood and services. They also result in injuries, health problems, property damage, and
social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in the Philippines caused
the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons. These disasters also affected more
than 71 million individuals and rendered almost 375,000 persons homeless. The socio-
economic damages are estimated at US$3.37 billion with average annual
Generalization Chart Mahalagang Tanong: Paano nakaapekto ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran sa ating pamumuhay?
Sanggunian 1 Sanggunian 2 Sanggunian 3
Sagot:
Mga ebidensya
mula sa teksto
Dahilan
(Ipaliwanag
kung paano
sinusuportahan
ng ebidensya
ang iyong sagot
Kongklusyon:
(Paano
nagkakatulad
ang tatlong
situwasyon?
1. Ang pagpoproseso ng gawaing ito ay maaaring gawin sa buong klase kailangan lang na maghanda ang
guro ng generalization chart sa pisara upang dito itatala ng mga mag-aaral ang kanilang sagot.
2. Pagkatapos ay susuriin ng klase ang nilalaman nito.
3. Tandaan na dapat na maipaunawa sa mag-aaral na magkakaunay at nakaaapekto sa iba’t ibang aspekto
ng pamumuhay ang mga suliraning pangkapaligiran.
C. Aplikasyon/Paglalapat
Individual Activity:
Sentence Completion
Dahil nababatid ko na ang suliraning pangkapaligiran ay may malawak na
epekto sa kalikasan lalong lalo na sa mga tao, ako bilang kabahagi ng lipunan at
kalikasan ay tutulong ako sa pamamagitan ng ________________________
_________________________________________ at hindi na ______
______________________________________________________
D. Pagtataya
Sentence Completion.
, Masasabi ko na ang suliranin at hamong pangkapaligiran ay may malawak na epekto at
magkakaugnay sa isa’t isa dahil
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
1. MGA TALA
Inihanda nina
Gng.MARGIE G. SALVANERA
ALDWIN G. REA
G.RENE M. LOPEZ
Isinumite kay :