You are on page 1of 1

Name: _________________________________Grade & Section: ________ Score: ____________

School: ____________________Teacher: _____________________________Subject: Araling Panlipunan 6


LAS Writer: ETHEL JOY C. NERPIOL Content Editor: KRISTINE MARIE S. OLIVAR
Lesson Topic: Isyung Pangkapaligiran Quarter 4 Wk.6 LAS 3
Learning Target: Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng
malaya at maunlad na bansa (AP6TDK-IVe-F-6).
Reference(s): Lorenzo, M., Mercado, M., and Santillan, N., 2019. Isang Bansa Isang Lahi 6. Quezon City,
Philippines, Vibal Publishing Company, pp. 451-452.

SULIRANIN SA CLIMATE CHANGE


Climate change ang tawag sa pag-iiba sa normal na lagay ng klima sa isang lugar o rehiyon.
Naiuugnay ang climate change sa global warming. Ang global warming ay ang pag-init ng daigdig na inaabot
ng matagal na panahon kaysa sa dating level ng temperatura nito. Dahil dito, nabago ang nakasanayang klima
sa iba’t ibang rehiyon halimbawa ay nagiging mas mainit o malamig ang panahon sa isang lugar na tinatawag
na climate change.
Ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakadaragdag ng mga dahilan ng climate change. Ang
sobrang dami ng pabrika at mga sasakyan dito sa Pilipinas ay nakadaragdag ng carbon dioxide na nahahalo
sa hangin na nakakasira ng ozone layer. Laganap din ang paggamit ng mga magsasaka ng fertilizer at
pesticide na pinagmumulan ng nitrous dioxide na nakakasira din ng ozone layer. Karamihan sa mga tahanan
ay may gamit na aircon at refrigerator na pinagmumulan din ng mapanganib na kemikal. Pagpuputol ng mga
puno ang isa rin sa dahilan ng climate change sapagkat nababawasan ang mga punong maaring humigop ng
carbon dioxide na siyang sumisira sa ozone layer.
Maraming epekto ang climate change sa mga tao at sa ating kapaligiran. Ilan sa mga epekto nito ay
ang palagiang heatwave na maaring magdulot ng heat stroke sa mga tao. Nakapagdudulot din ang climate
change ng mas malakas na buhos ng ulan kumpara sa dating antas ng ulan na nagiging dahilan ng pagbaha
sa ilang lugar. Maaring magkaroon din ng malalakas na bagyong nagdadala ng matinding ulan at hangin. At
isa sa pinakamatinding epekto nga climate change ay ang pagkalusaw ng mga yelo sa ibang lugar na maaring
magdulot ng pagtaas ng antas ng tubig sa karagatan na magpapalubog sa mga mababang lugar.

MGA GAWAIN:
a. Isa-isahin ang mga dahilan ng climate change at sabihin kung ano ang dapat gawin.

Dahilan Mga Dapat Gawin

b. Iguhit sa loob ng kahon ang mga epekto ng climate change.

EPEKTO NG CLIMATE CHANGE

You might also like