You are on page 1of 2

Ang lumolobong populasyon ng Pilipinas

Nakakabahala na itong problema ng lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng National Statistics


Office (NSO) lumilitaw na lumalaki ang rate of natural increase ng population ng Pilipinas sa rate na 2.1%.
Malaki ang population growth rate na ito para sa isang maliit at pobreng bansa tulad ng Pilipinas.

Sa buong mundo, and populasyon ng kabuuan ng mga industrialized countries ay nasa 1 billion; sa developing
countries – 5 billion. Ang bansa natin ay kabilang sa top 15 most populous countries sa daigdig.

Nangunguna sa listahan ang bansang China na may 1.318 billion at may growth rate na .5%; pangalawa ang India
na may 1.131 billion sa growth rate na 1.6%. Pangatlo ang United States na may 302 million population na meron
lamang .6% growth rate. An growth rate na binabanggit ay yung rate of natural increase, hindi kabilang ang
migration.

Kung pagbabasehan ang rate of natural increase ng population, pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo. Una ang
Nigeria na may 2.5%, pangalawa ang Pakistan na may 2.3%, at ang Pilipinas – 2.1%.

Noong Mayo 2000 ay nasa 76.5 milyon na ang populasyon ng Pilipinas at kailan lang ay nagsagawa muli ng
census ang NSO para matiyak ang aktuwal na bilang ng mga Filipino. Pero sa ginawang pagtaya ng ahensya,
posible raw na nasa 88.7 milyon na tayo.

Maraming kakambal na problema ang malaking populasyon, lalo na sa ‘third world’ country na tulad natin.

Unang-una ang kahirapan na mayroong sanga-sangang epekto gaya ng gutom, krimen, corruption, kawalan ng
tamang edukasyon, unemployment at iba pa.

Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan. Kung malaki ang populasyon, nai-stress ng
husto, at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakokonsumo ang enerhiya. Ngayon pa
nga lang ay ramdam na natin ang krisis sa tubig at kuryente. Hindi lang ang ‘global changes’ sa klima ang ugat
nito kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas.

Andiyan din ang suliranin sa basura at polusyon sa paglobo ng populasyon. Sa Puerto Princesa City nasa tayang
10 metrikong toneladang basura ang nakokolekta ng tanggapan ng Solid Waste. Hindi pa natin masyadong pinu-
problema ito sa ngayon. Paano na kaya kung ma-triple ang populasyon? Tulad ng sa ibang lunsod sa bansa, ito
ang araw-araw na bangungot sa kanilang kapaligiran.
Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad. Kapag kumakalam ang
sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na
respeto at pagmamahal sa kapwa ay ‘survival instinct’ ang namamayani sa mga tahanan.

Tunay na napakaseryosong problema ang populasyon. Napakahalagang mapagtuunan na ito ng karampatang


atensyon at malapatan ng mga kongkretong hakbang bago pa sumabog sa pagmumukha natin ang isa na namang
krisis.

Lahat ng nilalang ay binigyan ng Diyos ng pag-iisip upang mag desisyon sa kanyang buhay, kabilang na ang
bilang ng magiging anak. Sa usaping ito, naniniwala tayo sa karapatan ng mamamayan at ng mag-asawa na
pumili ng nararapat na paraan upang makamit ang tinatawag na responsible parenthood. Sila lamang at wala nang
iba pa.

You might also like