You are on page 1of 12

Paunang Gawain

 Basahin at unawaing mabuti ang


tekstong may pamagat na
“Huwag Papasukin sa Inyong
Bahay ang Kriminal na ito”
1.Anong impormasyon ang
ibinibigay ng tekstong binasa?
2.Mabisa ba ang pagkakalahad ng
mga impormasyon?
TEKSTONG
IMPORMATIBO
 Isang uri ng babasahing di-piksyon.
 Naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga sa hayop,
isports at agham o siyensya, kasaysayan, Gawain,
paglalakbay, heyograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
 Ang impormasyon ay nakabatay sa katotohanan at mga
datos kaya’t hindi nito masasalamin ang pagpabor o
pagkontra sa paksa.
 Karaniwang may malawak na kaalaman
tungkol sa paksa ng manunulat kaya’y
nagsagawa siya ng pananaliksik at pag-
aaral dito
 Kadalasang mababasa sa mga pahayagan
o balita, magasin at textbook gayundin sa
iba’t ibang website sa internet.
Mga elemento ng Tekstong
Impormatibo
 LAYUNIN NG MAY-AKDA
 MAHAHALAGANG IDEYA
 PANTULONG NA DETALYE
 MGA KAGAMITAN (LARAWAN,
TALAHANAYAN, TIMELINE, AT
EPEKTIBONG TALASALITAAN)
 ALIN – ALIN SA MGA BAGAY NA
NALALAMAN MO SA KASALUKUYAN
ANG MASASABI MONG NAGMULA SA
MGA NABASA MONG TEKSTONG
IMPORMATIBO?
 SA PAANONG PARAAN
NAKATUTULONG ANG PAGBABASA
NG GANITONG URI NG BABASAHIN?
MAAGANG PAGBUBUNTIS (TEENAGE PREGNANCY)
ni: Mary Johnette P. Piojo
Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae sa edad na 12 hanggang
19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa pilpinas pati narin sa buong mundo. "Ang hindi
marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay" kasabihan madalas nating
naririnig sa mga nakakatanda. Palagi nating tatandaan na sa simula lang ang sandaling sarap
at kasunod nito ay pang matagalang hirap.

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority(PSA), kada oras 24 na sanggol ang
isinisilang ng mga teenager mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014 Young Adult
Fertility and Sexuality(YAFS) strudy. Nakapaloob dito na 14% ng mga pilipina na may edad na
15 to 19 ay buntis o di kaya ay mga ina na. Sinasabi ding mas mataas ang bilang ng teenage
pregnancy ng pilipinas kumpara sa ibang mga bansa ng Southeast Asia. Maraming eksperto
ang nagugulat sa pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na menor de edad na babae sa ating
bansa. Ang isyu na ito ay mahalaga dahil napipigil ang maagang pagbubuntis ng mga batang
babae.
Ayon sa YAFS dalawa sa mga dahilan ng mga kabataang
nabubuntis ay ang pagkasira ng kanilang buhay pamilya at
kawalang ng maayos na Female role models saloob ng kanilang
tahanan. Maraming eksperto ang nagsabing sintomas ng
kahirapan ang teenage pregnancy. Maliban dito, ang temptasyon
ay isa ring napakahirap labanan na dahilan. Ang paggamit ng
teknolohiya gaya ng cellphones, at social media ay isa rin sa
pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis ng mga teenagers.
Ang mass media lalong lalo na ang internet ang isa sa sinisisi sa
teenage pregnancy at isa sa mga napagusapan sa 12th
community Pediatrics Society of the Philippines (CPSP) annual
convention. Sabi sa naturang convention si Dr. Ramizo ay
pinarangalan ng CPSP bilang outstanding member sa taong 2013-
2014. Ito ay dahil sa kanyang pag serbisyo sa mga
nangangailangan.
Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang
batang ina sa bansa. Sa katunayan pito sa sampung buntis
na babae ay hindi bababa sa edad na 19. Pinatunayan ito
ng world bank at sinasabing ang pilipinas ay isa sa mga
bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina.
Malaking porsyento ng mga kabataang nabubuntis ay
nabibilang sa low income generating group. Dahil wala pa
sa hustng gulang karamihan sa mga kabataang maagang
nabubuntis ay hindi nag papakasal. Ang teenage pregnancy
ay mapanganib din para sa mga sanggol. Ayon sa mga
datos, ang kaso ng premature birth ay mas mataas sa mga
sanggol na isinisilang ng kabataang babae.
Kung kaya't ang mga magulang ay may
malaking papel para mabigyan ng gabay ang
mga anak upang hindi maging ina sa murang
edad. Gayunpaman, panahon na upang
patatagin natin ang ating mga pamilya.
Panahon na upang ito naman ang ating
bigyan ng aksyon. Tayo na't magising sa
katotohanan, mahirap ang maging batang
ina. Wala itong maidudulot na kabutihan sa
atin.
1. ANO ANG PAKSA NG TEKSTO?
2. PAANO NITO NAAPEKTUHAN
ANG BANSA?
3. ANONG DATOS ANG
MAGPAPATUNAY NA
LAGANAP NA ANG TEENAGE
FREGNANCY?

You might also like