You are on page 1of 6

PAMAGAT

ANG PANGIT NA ITIK

MAY AKDA

Boy Madriguera

BILANG NG PAHINA :

MGA TAUHAN

Bibe, Itim na Sisiw, Itik, Mga Anak ng Bibe

Lupon ng ibang Bibe


PINANGYARIHAN

Sa Sapa

BUOD NG KWENTO
Sa sapa naninirahan si Bibe. Siya ay may limang itlog at ito ay
kaniyang binabantayan at inaabangan na mapisa.
Minsan ay nagtungo si Bibe sa may bukirin upang kumuha ng
dayami na kaniyng ilalagay sa kaniyang pugad upang magbigay ng
sapat na init sa kaniyang mga itlog.
Matapos makakuha ng sapat na dayami ya bumalik na siya sa
sapa. Sa kaniyang daraanan ay may napansin siyang isang itlog.
Nagtaka si Bibe kung kanino ang itlog na iyon. At dahil naawa
siya dito ay kinuha niya at isinama sa kaniyang mga itlog.
Makalipas ang isang lingo ay napisa na ang mga itlog ni Bibe.
Siya ay masayang-masaya at isa-isang hinalikan ang kaniyang mga
bagong silang na anak.
Ang mga anak ko, ang pinakamamahal kong mga anak, ang
saying namutawi sa bibig ni Bibe.
Huling napisa ang itlog na kaniyang napulot at mula sa itlog na
iyon ay lumabas ang isang maliit at kulay itim na sisiw. Siya ay
kakaiba sa kaniyng mga anak. Ang mga ito ay kulay dilaw
samantalang siya ay itim.
Gayunpamam ay minahal ito ni Bibe at itinuring na tulad ng
kaniyng tunay na anak. Magkasabay na lumaki ang mga anak ni Bibe
at ang itim na sisiw.
Naging tampulan ng pansin ang itim na sisiw. Ang karamihan sa
mga nakakaalam sa kaniyang pinagmulan ay nangungutya sapagkat
siya ay hindi naman tunay na anak ni Bibe. Bukod pa rito ay ang
kaniyng kakaibang anyo. Karamihan ay binabansagan siyang pangit
Ngunit ang kaniyang nakilalang ina ay palaging handa upang siya
ay kadalasan pati ito ay napapahamak.
Tingnan mo ang ginawa mo sa aming ina, dahil sa iyo ay
napapaaway dangan kasi ay bakit ka pa niya kinupkop. Ikaw ay hindi
namain kauri at isang tunay pangit, ang wika ng mga anak ni Bibe.
Wala akong kasalanan sapagkat ako ay isinilang na ganito, ang
lumuluhang tugon ng itim na sisiw.
Dahil na rin sa labis na habag ni Bibe sa kaniyang itinuturing na
anak ay hinanap niya kung saan ito nagmula. Hindi naman siya
nahirapan at natagpuan niya sa kabilang pampang ang mga kauri ng
kaniyang anak.
Napag-alaman niya na ito ay isang itik. Sang-ayon sa mga
kasamahan nito ay maagang pumanaw ang kaniyang tunay na ina
habang siya ay itlog pa lamang.
Kawawa naman siya walang maaaring
maliban sa akin. Ang habag na wika ni Bibe.

kumupkop

sa

kaniya

Nagpatuloy sa kanilang pamumuhay ang pamilya ni Bibe kasama


ang itinuring na anak na isang itik.
Lumaki sa pang-aalipusta ng iba si Itik, pati na ang itinituring
niyang mga kapatid ay hindi siya gusto. Walang ibang nagmamahal sa
kaniya maliban kay Bibe.
Minsan sa kaniyang paglalangoy ay napahiwalay si Itik siya ay
napadako sa lupon ng ibang mga bibe.
Siya ay lumapit sa kanila upang makipagkaibigan.
Magandang araw po sa inyong lahat,
makipagkaibigan sa inyo, ang pagbati niya.

nasi

ko

po

sanang

Ha, ha, ha, ang tawa ng mga bibe. Di yata at ang isang pangit
na tulad mo ay nais makipagkaibigan sa amin. Mas makakabuting
umalis ka na lang sapagkat baka pati kami ay mahawa sa kapangitan
mong taglay, ang pangungutya ng mga ito.
Bakit ayaw ninyo akong tanggapin, ako ay isang mabuting
nilalang at walang ginagawang masama. Kung ganito man ang aking
panlabas na anyo ay hindi ko kasalanan, ang paliwanag ni Itik.
Ang mabuti pa ay atin siyang pagtulungan
ay isang salot sa atin, ang wika ng mga bibe.

tukain sapagkat siya

Pinagtulungan nila si Itik at ito ay hindi nakalaban man lamang.


Siya ay nasaktan nang labis at halos hindi na makakilos.
Ang kaniyang ina na labis na nag-aalala sa kaniya ay nagtungo
sa kaniyang kinaroroonan at nakita niya ang sinapit ng anak.
Kayo ay mga walang puso, pati ang mga walang kasalanan ay
pinaparusahan ninyo. Hindi niya ginustong maging pangit at hindi ito
sapat na dahilan upang siya ay inyong saktan, ang lumuluhang wika
ni Bibe.
At dahil si Itik ay may mabuting kalooban ay pinagpala siya ng
Maykapal. Noong sandal ring iyon ay nagliwanag ang kaniyang paligid.
Ang kaniyang katawan ay nag-iba ng anyo.
Ang kaniyang kulay ay naging busilak ay siya ay naging kaakitakit. Kung ihahambing
sa mga kasamahan ay maituturing na siya ang
pinakamaganda.
Siya ay hinangaan at kinaiinggitan ng lahat. Masang-masaya ang
kaniyang ina sa pagpapalang kaniyang tinamo.
Ang mga nang-api sa kaniya ay humingi ng tawad at nagsisi sa
mga nagawang kasalanan gayundin ang ginawa ng kaniyang mga
kapatid.
At dahil si itik ay may ginintuang puso ay madali siyang
napatawad. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa sinuman na
nagkasala sa kaniya.
Napag-alaman ng lahat na siya ay tunay na may malinis na
kalooban at lalo siyang hinangaan sa taglay na katangian.
Ang panlabas na kagandahan ay hindi batayan ng isang nilalang
kundi ang kalinisan ng kaniyang kalooban ang wika ni Itik.
Mula noon ay nagbalik ang kapayapaan sa lupon na mga bibe.
ARAL NG KWENTO

Ang may mabuting kalooban ay pinagpapala ng May-kapal.


Magpatawat at wag magtanim ng sama ng loo sa sinumang nagkakasala.

CRISANTO GUYSAYKO MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL


Nagcarlan, Laguna

Book Report
in
Filipino
Submitted by:

GROUP 3
Submitted to:

MRS. IRENE C. PONTIGA

You might also like