You are on page 1of 2

Ang Elepante at Ang Ilog

Erika Gutay September 9, 2018

Sa isang probinsya, tawag Korbanya, may naninirahang pamilya ng mga

Elepante. Mahal na mahal nila ang isa’t isa lalao na ang kanilang bunso, si Bimbo.

Pasaway na pasaway at hindi nakikinig sa kanyang mga magulang si Bimbo, kahit

maliit pa lamang siya.

Isang araw, si Bimbo at ang kaniyang pamilya ay pumunta sa isang ilog na

malapit sa kanilang bahay, para sila ay makakainom ng tubig. Uhaw na uhaw si

Bimbo kaya tumakbo siya ng mabilis upang makainom, ngunit hindi niya alam na

ang ilog na ito, ay may naninirahan na isan matapang at Malaki na buwaya.

“Huwag kang sobrang lumapit sa ilog anak!” sigaw ng nanay ni Binbo. Pero hindi

siya nakinig. Lumapit ng lumapit si Bimbo sa ilog hanggang halos na sa gitna na

siya ng tubig! “Wala na man magagawa ang tubig sa akin” isip ni Bimbo. Pero,

bago siayang makagalaw muli, biglang may dumating na buwaya at kinagat ang

nguso ni Bimbo. “Aray! Ang sakit! Tulungan moa ko!” sigaw ni Bimbo. Agad-agad,

tumakbo ang kaniyang mga magulang papunta sa kaniya. Paulit-ulit nilang

binugbog at inapakan ang bwaya hanggang umalis ang ito.


Masayang-masaya silang lahat dahil ligtas na si Bimbo. “Paumanhin po,

nanay at tatay, dahil hindi po ako nakinig sa inyo. Salamat sa pagliligtas sa akin”

sabi ni Bimbo. Pinatawad nila si Bimbo at naglakbay ng masaya papunta sa bahay.

Mula noon, lagi na si Bimbo nakikinig sa kaniyangmga magulang.

Natutunan niya na kahit siya ay nasa delikadong sitwasyon, ang kaniyang pamilya

ay lagging tutolong sa kaniya. Dahil sa nangyari, lumaki si Bimbo, isang

responsableng at mabuting elepante.

You might also like