malalaking butanding. Dito sila malayang kumakain,
lumalaki at naglalaro. At may isang batang butanding na mahilig maglaro ng taguan. “nasaan na kaya si Bing?” tanong lagi ng kaniyang mga kalaro. Wala siya sa mga korales, wala siya sa mga seaweed, o kaya sa ilalim ng buhangin. Ang galing galing magtago ni Bing. At nakakgulat pa siya kung lumitaw. “bulaga!” sigaw ni Bing. Sumusulpot na lang siya kung saan- saan. Isang gabi, habang naglalaro, dumating ang mga di- inaasahang bisita. Takot na takot ang mga butanding! “Bing! Lumabas ka na! Delikadong maglaro!” sigaw nila. Ngunit hindi siya nahanap. Maya-maya, lumabas na rin si Bing. “Bulaga!” sigaw niya. Ngunit nagulat siya sa kanyang Nakita. Nagtatago sa malaking bato ang mga kalaro niya habang ang mga magulang nila ay nagkakagulo. “Ano’ng nangyayari?” pag-aalala ni Bing. Sinagot siya ng daing at sigaw ng mga magulang . Nagpupumiglas sila sa mga patibong. Tinitiis ang sakit. Tila wala silang laban sa mga marahas na bisita Biglang may naisip si Bing. Tinipon niya ang kanyang mga kalaro. “Maglaro tayo ng taguan!” sabi ni Bing. “Magtataguan tayo gayong may gulo?” tanong ng mga kalaro. “Basta ibang klase ito. Ituturo ko kung saan ako nagtatago!” wika ni Bing. “Lakasan ninyo ang pagpadyak ng buntot, tumingala sa buwan, at ipagaspas ang mga palikpik, gaya ng mga ibon,” turo ni Bing. Sabay – sabay na sumunod ang mga butanding. Sa gulo sa dagat ng gabing iyon, hindi na namalayan ng mga bisita ang nangyayari sa likod nila. “Ang ganda ng taguan mo!” sabi ng mga butanding kay Bing. “Magtatago tayo rito?” “Hindi. Ituturo ko naman ngayon kung paano ako bumabalik!” sagot ni Bing. “Talooooo!” sabay-sabay na sgaw ng mga butanding. “Nahuhulog ang mga buwan at ang mga bituin!” takot na sigaw ng mga bisita. “Umalis na tayo rito!” Nang gabing iyon, nagging tahimik muli ang dagat. Nagpasalamat din ang mga magulang sa mga batang sumagip sa kanila. “Patintero naman tayo!” alok ni Bing.