You are on page 1of 14

Si Bing, ang Mahiyaing

Butanding
Sa ilalim ng malawak na dagat, mayroong mga butanding na masayang
lumalangoy at nagkukuwentuhan.

Isa dito si Bing. Kumpara sa iba niyang kasama, hindi masyadong


nagsasalita si Bing. Kuntento na siyang lumangoy habang nakikinig sa
mga sinasabi ng ibang butanding.

“O, Bing. Mukhang may gusto ka ring i-kwento sa amin”, sabi ng


malaking butanding.
Nanigas si Bing. Wala siyang masabi. Mas naguluhan ang kaniyang
isipan. Lahat ng kasama niya nakaCngin lang sa kaniya.

“Oo nga, Bing! Kanina ka pa tahimik. Wala ka bang maibabahagi sa


amin?” singit naman ng isa pa.

May naramdaman siya sa kaniyang Cyan at ulo. Biglang maraming


bulang kumukulo sa kaniyang Cyan.

Mabilis siyang napalangoy palayo. Palayo kung saan hindi na niya


makita ang mga kasama niya.
Nadaanan ni Bing si Tandang Pawikan na marahang lumulutang sa gitna
ng tubig.

“Tandang Pawikan!” hiyaw ni Bing. “Humihingi po ako ng payo mula sa


inyo.”

Tumango si Tandang Pawikan kay Bing.

“Kasama ko po ang aking mga kaibigan at nagkukuwentuhan sila.


Masaya ako sa pakikinig sa mga kuwento nila pero biglang nagbago ang
aking pakiramdam ko noong tinawag nila ako para magsalita rin.” sabi
ni Bing. “Parang may mga bulang kumukulo sa tiyan ko at lumangoy ako
palayo sa kanila”
“Bing,” mabagal na payo ni Tandang Pawikan. “Kailangan mo hanapin
kung saan ka komportable.”

Dumaan ang dalawa sa makulay na bahura.

“Tama!” hiyaw ni Bing. “Maghanap lang ako ng ibang makakasama!”


sabay langoy patungo sa bahura.
Lumapit si Bing sa malaking pulang koral. Ginulat siya ng apat na isdang
naghahabulan sa mga sanga nito.

“Huli ka!” sigaw ng berdeng isda sa kahel na isda.

“Langoy! Hahabulin na niya tayo!” hiyaw ng kahel na isda.

Mabilis na lumangoy paikot ng koral ang mga isda. Natuwa si Bing sa


kapapanood sa grupo at lumapit pa lalo para makita ang aksyon.

“Dito siguro ako magiging kumportable,” isip ni Bing. “Parating


naglalaro at sobrang sigla”
Madaling umikot ang pula, berde, at dilaw na isda sa katawan ni Bing
pagkalapit niya. Tuwang-tuwa si Bing sa pagpanood sa mga isda. Ang mga
mata niya hindi na makahabol sa mga naglalaro nang may naramdaman siya
sa likod niya at nagsabi ng

“TAYA! Ikaw na ang taya!”

Nagulat si Bing nang may maramdamang palikpik na berdeng nakapatong sa


likod niya.

“O, taya ka! Kasali ka na dito.” sabi ng dilaw na isda. “Habulin mo kami.”

Naguluhan ulit ang isip ni Bing. Naramdaman niya ulit ang pagkulo ng mga
bula sa kaniyang Eyan at mabilis siyang lumangoy palayo ulit.
Lumangoy palayo ng bahura si Bing patungo sa isang sirang barko sa ibabaw
ng buhangin.

Sa ibabaw ng barko, nakita ni Bing na may tatlong pating na


naghahalakhakan at nagtatawanan.

“Siguro dito ako magiging kumportable,” bulong ni Bing sa sarili.

Lumapit si Bing sa mga pating. Nakikita niya ang kanilang mga malalaking
ngiti.

Pabalik-balik ang mga biro at tawanan ng mga pating. Pagkatapos ng isang


biro, may malakas na tawanang sumunod. Paulit-ulit lang ang Gawain ng mga
pating.
Nakinig si Bing sa mga biro at hindi niya rin mapigilang tumawa nang tahimik
sa may gilid ng mga paEng.

“Dito siguro ako magiging kumportable,” isip ni Bing. “ParaEng nagbibiruan


at nagtatawanan.”

Nakita ng mga paEng si Bing at nilapitan siya. Nagbago ang pakiramdam ni


Bing.

“Kaibigan! Sali ka sa amin,” ngiE ni <Placeholder shark>. “Sawa na kami sa


mga biro ng isa’t isa. Baka mayroon kang bago diyan.”

Walang maisip na sasabihin si Bing. Naramdaman na naman niya ang mga


bulang kumukulo sa kaniyang Eyan at mabilis na lumangoy palayo sa mga
paEng.
“Bakit ganito!” puna ni Bing sa sarili. “Lahat na lang ng pinupuntahan ko,
naiilang lang ako.”

Napigil ang kaniyang paglalangoy sa pagkarinig niya ng napakagandang awit.


Dalawang balyena ang nagkakantahan sa may ilalim niya.

Napapikit ng mata si Bing sa ginhawa ng kanilang kanta. UnEng lumakas ang


naririnig ni Bing at sa pagbukas niya ng mata, nakita niyang nasa tabi na niya
pala ang mga balyena.

“Bii-iing,” kanta ng isa. “Samahan mo kami sa pagkanta at marinig din


naming ang boses mo.”

Nagulat si Bing. Hindi niya alam ano ang gagawin. Kumulo ang mga bula sa
kaniyang Eyan at mabilis na lumangoy palayo.
Naiinis si Bing sa kaniyang sarili.

“Bakit hindi ako mapakali?” buntong-hinga niya.

Nakita niya ulit si Tandang Pawikan na mabagal na lumalangoy sa di-


kalayuan.

“Tandang Pawikan, wala akong mahanap na grupong komportable ako.”


Daing ni Bing.

Lumingon si Tandang Pawikan at nagpakita ng banayad na ngiC.


“Samahan mo na lang ako sa paglangoy,” sabi niya kay Bing.
Hindi masamang manood lang (illus.: Bing watching fish)

makitawa lang (illus.: Bing with Sharks)

At making lang sa mga nasa paligid mo.” (illus.: Bing with Whales)

“MabuC ring magbigay ka ng oras para sa sarili mo para


makapagpahinga ka.” (Illus.: Tandang Pawikan swimming away from
Bing)
Mag-isang lumangoy si Bing. Matagal siyang lumangoy mag-isa at naramdaman
niyang unti-unting nawawala ang mga bulang kumukulo sa kaniyang tiyan.

“Siguro dito ako komportable,” isip ni Bing. “Masaya sumama sa mga kaibigan pero
masaya rin pala na sarili ko lang ang kasama ko.”

Bumalik ang sigla ni Bing at bumilis ang paglangoy.

“Pasensya na at biglaan akong umaalis.”Humingi ng tawad si Bing.

“Okay lang ‘yun! Nag-alala kami kung saan ka pumunta,” tugon ni Jun, ang
pinakamalaking butanding.

“Pasensya rin at pinilit ka naming magbahagi. Naiintindihan din naming kung gusto
mo lang makinig.” Dagdag ni Danding.
Nagngitian ang magkakaibigan at masayang lumangoy at
nagkuwentuhan.

Wakas.

You might also like