You are on page 1of 1

lagom

Ang Daga
May isang pamilyang nagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng ”ilaw ng
tahanan” o ang kanilang Ina sa hindi maipaliwanag na dahian. Maraming tao ang
dumalo sa burol dahil siya ay napaka buting tao. May mga ibat-ibang pamahiin ang
alinsunod sa pamilyang ng mga namatayan tulad nalang ng kung may hayop na
papasok sa bahay ay huwag papalabasinm o bubugawin, at isa ngang dagang bukid
ang pumasok sa bahay at tila hindi natatakot sa mga nakapaligid at napansin naman
ng ama ng tahanan na nakaupo sa tabi ng ataul ang daga at binigyan niya ito ng
pagkain at kumain din ito sa palad ng ama, dahil ang paniniwala nila ay sumapi
ang espiritu ng ina na yumao sa daga. Ang pagdadalamhati ng ama ay napalitan ng
tuwa dahil sa daga hanggang sa nailibing na ang ina ng tahana ay naroon parin ang
daga at doon na nanirahan hanggang sa lumaki ito ng lumaki, naisipan naman ng
magkakapatid na ikulong ang daga sa kural at hindi naman pumayak ang kanilang
ama dahil ang daga ay ang kanilang ina. Dahil doon naisipan ng magkakapatid na
kuhana ito ng larawa at video at ilagay sa ibat-ibang social media sites at isali
Guiness Book of World Record at ang daga nga ay sumikat ng sumikat at
napasakanya nga ang titulo dahi sa kakaibang laki at galing nito at nang
interviewhin nga nila ang ama ito tumatango tango pa ito na parang naiintindihan
niya ang sinasabi ng nagsasalita. At nang tanung naman nila ang daga ay nagsalita
narin siya tulad ng tao. Dahil nga doon binigyan ng pera ang pamilya ng galing sa
gobyerno dahil sa turismo na gingawa ng daga sa lalawigan nila, pinabinyagan din
nila ang daga at pinangalanang Greg at kabilang sa mga ninong ng daga ang
President ng bansa. At ang gobernador naman ay nagbigay ng bahay para sa daga
at pamilyang kinaroroonan niya sa may kabisera ng lalawigan at ang tanging
gagawin niya lamang ay kumaway sa mga taong dumadaan sa bay at
susuwelduhan siya ng 15.000 kada buwan, dahil doon lagi siyang bumibili ng
librong babasahinhanggang sa nagging silid aklatan nag bahay niya. Maraming
taon ang lumipas ganoon lang ang ginagawa ni greg tila ba parang nagsasawa narin
siya, at nalaman nga ni greg na matagal an palang may sakit ang ama na nagalaga
sa kanya at siya naming inalagaan ng daga ang ama, sinusunod ang mga gusto. At
hindi nagtagal ay namatay din ang ama. Nanumbalik din ang saya ni Greg na
magtrabahong muli at nagpasya naman siyang gawin nalang silid aklatan para sa
mga bata ang kaniyang bahay na linggid sa kaalaman ng iba. Dumadalaw
nalamang siya sa mga anak ng ng ama na nag alaga sa kaniya at nagging maayos
naman ang buhay ng mga magkakapatid, dumalaw din siya sa puntod ng ama at
nakakita siya ng sinag ng araw sa may bukid at nagsabing doon siya nanggaling
hanggang siya ay umalis at lumayo nang lumayo hanggang sa hindi na Makita.

You might also like