You are on page 1of 2

DALAWA ang DADDY ni BILLY

ni: Michael P. De Guzman

Dalawa ang daddy ni Billy.


Daddy at Papa ang tawag niya sa kanila
Kapag nagluluto ng almusal si Daday, nagpapatugtog ng masayang awitin si Papa at sumasayaw
sila! Kung makita nila si BiIlly na inaantok pa, isasama nila siya sa pagsasayaw hanggang sa
magising ito nang tuluyan. Sabay-sabay din silang naghahapunan. Paborito ni Daddy ang pritong
manok. Si Papa naman ay puro gulay ang kinakaian. Si Blly? Paborito niya ang pritong manok at
mga gulay!

Sa tabi ng kama ni Billy, may retrato ng isang magandang babae. Nakangiti ang babae habang may
kalong na sanggol. Alam ni Billy na Mommy niya ito. Alam din ni Billy na nasa langit na ito at
binabantayan siya. Libangan ni Billy at ng kanyang dalawang daddy ang magbisikleta sa parke.
Naikuwento nila kay Billy na espesyal ang parke para sa kanila dahil dito sila nagkakilala.
Tuwang-tuwa si Billly nang magsimula nang pumasok sa paaaralan. Masaya siyang nagsusulat,
nagbibilang, nagdo-drowing, kumakanta at nakikipaglaro sa kanyang mga kaklase.

Napansin ni Billy na isa lang ang tatay ng kanyang mga kalaklase. “Ang suwerte ko pala,” naisip
ni Billy. Isang araw, nang sunduin ni Daddy si Billy sa paaralan, nagulat ito dahil umiiyak si Billy.
Sinabi ni Teacher Grace na nakipag-away si Billy sa kaklase nitong si Jay. Umuwi nang maaga si
Papa nang malaman ang nagyari. Tinanong nila si Billy kung bakit siya nakipag-away. “Lagi po
kasi akong tinutuksong bakla ni Jay. Tapos po kanina, sinuntok at tinulak po niya ako sa
playground. Lumaban po ako.”

“Billy anak, alam mo ba kung ano ang bakla?”


“Hindi po, Daddy. Sabi po ni Jay, sabi daw po ng nanay niya bakla daw po kayong dalawa ni Papa
kaya bakla din daw po ako. Ano po ang bakla?” Nagkatinginan ang dalawa bago nagsalita si Papa.
“Bakla ang tawag ng marami sa mga boys na nagmamahal ng ibang boys.” “Bakla din po ba ako,
daddy? Kasi boy po ako at mahal ko kayo.” Napangiti si daddy. “Maraming klase ng pagmamahal,
Billy, mahal ka namin bilang anak. Mahal mo kami bilang magulang mo. Ang ibig sabihin ni Papa
mo ay ang pagmamahalan ng mag-asawa. Parang kami ng Mommy mo noong nadito pa siya.”

“At parang kami ng Daddy mo ngayon,” dugtong ni Papa.


“Hindi ko po maintindihan.”
“Kapag medyo malaki ka na, Billy, maiintindihan mo rin ito.”
“Pero may mga tao na hindi pa rin ito maintindihan kahit matanda na sila. Gaya siguro ng nanay
ni Jay, sabi ni Papa.
“Kaya po ba, galit sa akin si Jay?”
“Siguro.
Minsan kasi mas madali sa mga tao ang magalit o matakot kaysa unawain ang ibang tao o bagay.
Pero huwag mo namang patulan ang galit nila, ha?’ “Billy, sabi ni Daddy. “kahit ano ang marinig
mo sa iba, tandaan mo lang na mahal na mahal ka namin ng Papa mo.” “Napangiti si Billy?
“Daddy, magiging bakla rin po ba ako paglaki ko?” Natawa si Daddy.” Billy, paglaki mo, puwede
kang maging anumang gusto mong maging!” Niyakap nila si Billy. Masaya ring niyakap ni Billy
ang kanyang dalawang daddy!

You might also like