You are on page 1of 5

Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan

Pelikula
Nagsuri: Khlin M. Pregunta

I. Tungkol sa Pelikula

a. Pamagat: 100 Tula Para Kay Stella


b. Direktor: Jason Paul Laxamana
c. Prodyuser: Vic Del Rosario Jr.
d. Mga tauhan
1. Bela Padilla bilang Stella Puno – isang vocalista ng bandang
tampururot at kaibigan ni Fidel.
2. JC Santos bilang Fidel Lansangan – isang estudyanteng may
problema sa pananalita na gumawa ng 100 na tula para kay Stella.
3. Mayton Eugenio bilang Danica – kaklase ni Fidel na may gusto sa
kaniya.
4. Caleb Santos bilang Von – pinsan ni Danica na Xerox operator sa
kanilang librarya.
5. Prince Stefan bilang Chuck – naging ka-dormate ni Fidel.
6. Ana Abad Santos bilang Ms. Bardozo – ang guro ni Fidel na
pinagsasabihan niya patungkol sa kaniyang mga tula.
7. Dennis Padilla bilang ama ni Fidel – ang ama ni Fidel.
8. Germaine De Leon bilang Hunter – naging nobyo at manager ni
Stella.

e. Tema
i. Ang "100 Tula Para Kay Stella" ay naghahangad at nakatuon sa
makabuluhang mga araw ng buhay kolehiyo. Ito ay naglalaman ng
mga bagong simula, pag-asa, pag-ibig, at sa huli, kawalang-muwang.
Ngunit huwag hayaan ang pag-asa na pag-ikot ng panahong iyon na
isipin mo na ang pelikula ay hindi madilim, mabigat, at dramatiko.
f. Buod
i. Pinakilala ang karakter ni Fidel at ang hilig niya sa poetry sa
pagpapakilala sa isang klasrum. Nalaman din ang kaniyang
kapansanan sa pagsasalita na kung saan siya ay nauutal kapag
mahaba ang kaniyang sinasabi. Kaya’t mayroon siyang ‘3 word rule’
na tinatawag at ginagawa. Hindi rin siya nauutal kapag may binabasa
o kinakanta.
Dumating ang Freshies Night kung saan taunang ginagawa ng
unibersidad para sa mga freshman ng paaralan. Doon, ay nakilala ni
Fidel si Stella. Si Stella ay isang vocalista ng isang bandang ang
ngalan ay Tampururot. Narinig din ni Fidel na kumanta si Stella nung
gabing iyon. Nabighani si Fidel sa kaniya, at iyon na ang simula ng
pagsusulat nito ng mga tula para kay Stella.

Mula non ay palagi nang magkasama ang dalawa. Sila rin ay


magkaklase. Nang matapos ang unang semestre ay nalaman ni Stella
na bagsak ang mga grado niya. Nakita ito ni Fidel at pinagalitan siya.
Kaya’t tutulungan niya ito sa susunod na semestre. Nang papalapit na
ang midterms sa pangalawang semestre ay nagplano ang dalawa na
magrebyu nang sabay. Ngunit hindi sinipot ni Stella si Fidel. Nag-away
ang dalawa. Mas pinili ni Stella ang musika kaysa sa pag-aaral.

Lumipat si Fidel ng paaralan sa Maynila. Doon ay sumali siya sa isang


music organization. Mas lalong tumaas ang kaniyang kumpyansa at
nahasa ang talento niya sa pagkanta. Sa puntong iyon ay nakagawa
na si Fidel ng 50 na tula para kay Stella.

Si Stella naman ay naging kasintahan ni Hunter, isang direktor sa


musika. Nagkaroon ng away ang dalawa matapos malaman ni Hunter
na ginagamit lamang siya ni Stella upang umangat sa industriya ng
musika kaya’t nakipaghiwalay ito. Sa bahay ay nag-away din sina
Stella at ng kaniyang ate kaya’t naglayas ito.

Nakipagkita si Stella kay Fidel at ikinuwento ang mga nangyari sa


kaniyang buhay. Nakiusap ito na makasama muna si Fidel
pansamantala. Tumuloy sila sa isang hotel upang magpalipas ng gabi,
nagusap ang dalawa.

Sa puntong ito ay muling itinuloy ni Fidel ang pagsulat ng tula para kay
Stella. Nakagawa na ito ng halos 90 na tula.

Tuluyan nang lumayas si Stella sa kaniyang ate. Nagpalaboy – laboy


ito sa kalsada. Isang gabi ay nakasalubong siya ni Von, isang Xerox
operator sa kanilang paaralan noon. Pinatuloy ni Von si Stella sa
kaniyang tirahan. Sa puntong iyon ay naging sobrang lungkot ni Stella.
Matapos ang dalawang linggo ay nais na sanang umalis ni Stella kay
Von ngunit pinigilan siya nito.

Sa puntong ito ay nakagawa na si Fidel ng 99 na tula para kay Stella.


Kaniya itong inipon at pinagsama-sama sa isang kwaderno at ibibigay
na sana kay Stella upang aminin ang kaniyang nararamdaman kaya’t
umuwi ito at hinanap si Stella ngunit nakita siya ni Danica, pinsan ni
Von. Nagulat si Fidel sa inamin ni Danica, na si Stella ay ikinasal na
kay Von. Lungkot at poot ang naramdaman ni Fidel, kaya’t sinira nito
ang mga tulang ginawa niya at umalis.

Lumipas ang ilang buwan ay nagkita muli sina Stella at Fidel.


Nagkaroon ng kumustahan ang dalawa. Alam na rin ni Stella ang
tungkol sa mga tula. Nagawa nang umamin ni Fidel sa pamamagitan
ng pagbanggit ng ika – 100 na tula para kay Stella. Ngunit huli na ang
lahat.

II. Mga Aspektong Teknikal

a. Musika
i. Talagang nakakapukaw ng damdamin ang bawat musikang
mapapakinggan sa pelikulang ito. Damang dama ang OPM Hits tulad
ng “Balisong”, “241” ng bandang Rivermaya at “I Need You More
Today” ni Caleb Santos. Akmang – akma ang pasok ng bawat musika
na tila ba’y sinasabayan ang mga damdaming ipinapadama ng bawat
eksena. Tulad ng kilig, kasiyahan at kalungkutan.
b. Sinematograpiya
i. Magaling at mahusay, iyan ang aking opinion sa pelikulang 100 Tula
Para Kay Stella. Napakahusay ng bawat anggulo ng kamera, napaka-
akma ang bawat senaryo sa kabuuang pandama ng paligid. Tila ba’y
nasa loob ka mismo ng pelikula, tila ba kasama o kasali ka sa mga
kaganapan.
c. Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari
i. Ang pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari ay talaga nga namang
magaling. Ang bawat kaganapan ay talaga nga namang iyong
tututukan dahil sa “kilig moments” o mga “Heartbreaks” ng bawat
tauhan sa kuwento.
d. Pagganap ng mga Artista
i. Ang dalawang pangunahing tauhan na sina Bella Padilla at JC Santos
ay mga natatanging actor na may mahusay na pag-arte. Talagang
nakuha nila ang emosyon at puso ng mga nakapanood ng kanilang
pelikula. Hindi maikakaila ang chemistry ng dalawa. Ngunit talagang
nalungkot ang mga tagapanood nang malaman na hindi silang dalawa
ang magkakatuluyan sa dulo ng pelikula. Na talagang bumasag sa
mga emosyon ng mga tagapanood.
e. Tagpuan
i. Ang mga tagpuan ay nakadagdag detalye sa buong pelikula. Ginanap
ito sa Pampanga at Maynila. Mas madarama ang pelikula dahil sa
angkin ganda ng bundok ng Arayat na tanaw kapag nasa Pampanga
ang mga kaganapan. Kita rin naman ang mataong lugar na ang
Maynila na kung saan nakadagdag sa kabuuang ganda ng pelikula.
Talagang mas napukaw ang aking damdamin sa mga huling yugto ng
pelikula na kung saan nasa background nina Fidel at Stella ang
Bundok ng Arayat na nakadagdag sa kabuuang kagandahan ng
palabas.

III. Kahalagahang Pantao

a. Teoryang Pampanitikan
i. Teoryang Realismo
Ang Teoryang pampanitikan na Realismo ay tumutukoy sa
katotohanan ng akda o sumasalamin sa katotohanan. Mapapansin na
dama ang realismo sa pelikulang ito dahil nagaganap sa totoong
buhay ang nangyari kay Fidel na kung saan natalo siya sa laban ng
pag – ibig at hindi na kayang ipaglaban ang nararamdaman dahil huli
na ang lahat.
ii. Teoryang Moralistiko
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa kagandahan ng asal ng tauhan sa
kuwento. Sa isang senaryo na kung saan naanyayahan si Fidel na
kumanta sa isang bar, nais niyang ibigay at isakripisyo ito para kay
Stella. Ganoon kabuti ang kalooban ni Fidel.
iii. Teoryang Sikolohikal
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa kaisipan ng mga tauhan sa
kuwento. Sa pelikula, makikita natin ang lubos na kalungkutan ni Stella
nang halos gumuho ang mundo niya sa sunod sunod na problema na
kinaharap. Gayundin ang sakit na dulot ng pagmamahal ni Fidel para
kay Stella nang malaman niyang huli na ang lahat.
iv. Teoryang Feminismo
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa mga kalakasan ng kababaihan.
Naipakita sa pelikulang ito ang feminismo dahil naipakita kung gaano
ka tibay ang loob at husay ni Stella sa pagkanta at pagharap sa
maraming tao. Nagawa niya ring ipagtanggol si Fidel laban sa mga
mapang-aping tao.

b. Pagpapahalagang Moral
i. Lubos akong namangha sa dedikasyong ipinakita ni Fidel. Ipinakita
niya ito sa pamamagitan ng pagsulat ng 100 na tula para sa taong
kaniyang iniibig. Pinakita ang tatag ng kaniyang loob, ang sipag at
tiyaga niya sa pag – aaral, katalinuhan at ang kaniyang busilak ng
kalooban. Kaya’t tunay ko siyang hinahangaan. Dahil kung
panghihinaan tayo ng loob, sa mundong ating ginagalawan ay talo
tayo.
ii. Tunay nga rin nakamamangha ang lakas ng loob ni Stella sa pagharap
sa maraming tao. Isa iyang bagay na higit kong nanaising magkaroon
balang-araw. Idagdag pa ang kaniyang talento sa pagtugtog at
pagkanta na siyang isang mahusay na kalakasan ni Stella. Gayundin
ang tibay ng loob niya dahil sa kabila ng napakaraming problema at
pagsubok ay natutunan niya pa ring magpatuloy sa kaniyang buhay,
kahit na hindi niya naabot ang kaniyang pangarap na makilala ng
buong mundo.
c. Reaksyon
i. Tunay ngang dadalhin ka ng isang napakagandang pelikula sa rurok
ng ating emosyon. Ipadadama sa atin kung ang tamis at pait ng buhay.
Na hindi lahat ng bagay, umaayon sa ating kagustuhan. Hindi lahat ng
bagay ay ating makukuha at hindi lahat ng pangarap ay ating
makakamit. Lubha akong namangha sa pelikulang aking napanood.
Lubha akong namangha sa angking galing ng bawat tauhan sa
pelikula. Namangha rin ang aking tainga sa kagandahan ng musika na
aking narinig. Natuwa ang aking kaisipan sa mga magagandang
sinematograpiyang nakita sa pelikula. Nawa’y mas makilala at marami
pa ang makanood ng isang obra-maestrang gaya ng 100 na Tula Para
Kay Stella.
IV. Sanggunian
a. https://en.wikipedia.org/wiki/100_Tula_Para_Kay_Stella

You might also like