You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
SCIENCE AND TECHNOLOGY EDUCATION CENTER
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

100 TULA PARA KAY STELLA:

“PAGBIBIGAY PANSIN SA MGA TULA NI UTALERONG FIDEL”


(PANUNURING PAPEL)

Ipinasa kay:
G. DOMINIC GONZAGA QUILANTANG

Ipinasa ni:
MARIA NICOLE R .LAMBOJON
I. INTRODUKSYON

Ang wika ay may malaking papel sa panitikan, ito ay lumilinang ng malikhaing pag-iisip, kapag tayo
ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela o di kaya’y kapag tayo’y nanonood ng pelikula, parang
nagiging totoo sa ating harapan ang mga tagpong iyon. Maaaring tayo’y napahalakhak o napapangiti,
natatakot o kinikilabutan, nagagalit o naiinis, naaawa o naninibugho. Ito ang nagpapagaan ng ating
imahinasyon. Sa ating isipan, nalilikha natin ang bawat larawan ng mga tagpo sa kwento o nobelang
ating binabasa o pelikulang ating pinapanood. Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang
sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta sa ating isipan upang gumana at
lumikha ng imahinasyon, at kung gayo’y nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip.

Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit patuloy
itong napakikinabangan sa ating panahon dahil may wikang nagkakanlong dito at nag-iingat hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga mahahalagang imbensyong kanluran ay napakikinabangan din sa ating bansa
dahil may wikang nagkakanlong sa mga iyon at naging sanhi upang iyon ay mapalaganap sa iba’t ibang
sulok ng daigdig.

Meron sa ating mga Filipino ang mahilig magbasa at tumangkilik ng mga nobela na kung saan itoy
nahahahati sa mga kabanata at ito’y isang mahabang kuwentong piksyon na maari nating mapulutan ng
aral,dagdag kaalaman at nakakapukaw ng damdamin. Ikaw, anong nobela ang iyong nabasa?

Ang 100 na tula para kay Stella ay isang nobelang inilathala ni Jason Paul Laxamana , kuwento
tungkol sa isang lalaking nagngangalang Fidel na may speech defect na palaging nauutal at isang
babaeng bokalista na si Stella, dulot ng pagmamahal ni Fidel kay Stella ay gumawa siya ng mga tula para
sa kanyang iniibig.

Ang nobelang ito’y naging patok at mabenta sa mga mambabasa dahil sila ay nakaka “ relate” sa
nobelang ito dahil sa henerasyon ngayon marami ng nahuhumaling at nababaliw sa pag-ibig lalo na ang
mga “millennials” o mga kabataan na ayon pa kay Dr.Jose Rizal na magiging pag-asa ng bayan. Naging
interesado sila sa nobelang ito sa mga kadahilanang ang tema ay tugkol sa pag-ibig at sa mga
pangyayari sa nobela na maari nilang mahalintulad sa buhay pag-ibig nila at nakaka–hakot talaga ng
mambabasa ang nobelang ito dahil sa pamagat pa lang ng nobela ay nakaka-iba na ito na may isang
lalaki na gumawa ng maraming tula para sa isang babaeng kanyang iniibig.

Ang layunin ng pagsusuring ito ay bigyan ng bagong pananaw ang mga mambabasa tungkol sa
mga tula na ginawa ni Fidel na may kaugnay sa wika , bibigyang kasagutan ang mga inilahad na suliranin
at upang makalikha ng panunuri sa akda ni Jason Paul Laxamana lalo na sa mga tula ni Fidel kung paano
ito maiiugnay sa wika.

Ang kahalagahan ng pagsusuring ito bigyang pansin at halaga ang ginawang nobela ni Jason Paul
Laxamana na pinamagatang “ 100 na tula para kay Stella” lalo na ang mga tulang ginawa ng karaketer na
si Fidel sa nasabing nobela.
II.KATANUNGANG SASAGUTAN

Sinisiyasat sa pagsusuring ito ang mga mensahe ng mga tulang nakapaloob nobelang 100 na
daan na tula para kay Stella ni Jason Paul Laxaman at tinitiyak sa pagsusuring ito ang paksang-diwa at
damdamin ng mga tulang ginawa ni Fidel.

Ang mga suliranin na maaring masuri sa nobelang ito na may kinalaman sa wika ay ang
sumusunod;

1.Ano ang nais ipahiwatig ng mga tula na ginawa ni Fidel?

2.Paano nakaka-apekto ang nararamdaman ni Fidel sa paggawa ng kanyang mga tula?

3. Anong mga elemento ng tula ang nakapaloob sa mga tula ni Fidel?

III.PAGTATALAKAY

Gagamitin sa pagsusuring ito ang Teorya ni M.A.K Halliday na Gamit ng Wika sa Lipunan kung
saan nakapaloob dito ang Instrumental kung saan ito’y tumutulong para maisagawa ang mga gusto
niyang gawin. Personal kung saan ito’y nagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang
indibidwa,.Imahinasyon ito’y likas sa mga Pilipino sa kanilang pagkamalikhain.

Gagamitin din sa pagsusuring ito ang Teorya ni Roman Jakobson tungkol sa Pamamaraan ng
Pagbabahagi ng Wika nakapaloob dito ang Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) at Patalinghaga
(Poetic) na saklaw ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag.

Ang mga teoryang ito ay magiging gabay upang matukoy kung sa anong gamit ng lipunan
mahahambing ang mga tula ni Fidel at sa kung anong paraan ibinahagi ni Fidela ang kanyang mga tula.

Sa nobelang ito ni Jason Paul Laxamana bukod sa kuwento, nasabi man sa pamagat na ito ay
may isang daan na tula ,hindi pa rin mababasa sa libro ang lahat ng tula pero batay sa may akda at sa
kuwento isang daan talaga ang isinulat na tula ni Fidel para kay Stella.

Ito ang mga tula na ginawa ni Fidel para kay Stella;

“Babaeng Naka-Itim na Lipstick”

Itim ang lipstick niya


Subalit mabait siya
Sadya akong namangha
Sa angkin niyang ganda
Sana dumalas pa ang aming pa
ang aming pagkikita
Sa loob ng eskwela
Kahit san sa Pampanga”
Ang tulang ito ang unang tula na ginawa ni Fidel para kay Stella dulot ng kanyang kagalakan na
nakilala niya ang babaeng si Stella ito ay maihahambing sa Personal na gamit sa lipunan dahil ito’y dulot
ng kanyang sariling nararamdaman at ito’y naging instrumenral dahil ginawa niya itong instrumento
para mabasa at mapaabot ito kay Stella at ito ay imahinasyon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na
isipan ito rin ay patalinghaga dahil ginawa ito ni Fidel sa masining paraan ibinahagi niya ito sa
pamamaraan na emotive dahil sa pamamitan ng kanyang tula ay naipapahayag niya ang kanyang
saloobin at emosyon.

Tula # 2
“TADHANA”
Di ako naniniwala sa tadhana
Ngunit ngayon parang gusto ko
Nagagalak ako’t natutuwa
Sana magtuloytuloy ito.

Sa tulang ito makikita talaga natin ang kagalakan at kasiyahan ni Fidel kaya nagawa niya ang
tulang ito ito’y personal dahil dulot ito ng kanyang damdamin at emosyon itoy imahinsayon dahil dulot
ito ng kanyang malikhain na isipan at io’y emotive dahil naipapahayag niya ang kanyang kasiyahan o
paagkagalak sa tulang ito at ito’y patalinghaga dahil sa masining na paraan niya ito ipinahayag.

TULA # 7
“MALAS MAGNET”
Isa akong magnet ng kamalasan
Bingo na ng pantalon at sikmura
Laking gulat kung paminsan
Ang malas ay may dalang surpresa.

Sa tulang ito ay kilig at pagkamangha ang naramdaman ni Fidel dahil sa kadahilanang napapalapit
na si Stella sa kanya at dahil din sa malas na pantalon niya ay nakilala niya si Stella kaya’t ito’y personal
dahil ito’y batay sa nararamdaman at nararanasan na mga pangyayari sa buhay-pag ibig ni Fidel ito ay
imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan at ito’y emotive dahil naiilabas ni Fidel ang
kanyang damdamin at emosyon sa paglimbag nitong tula , sa patalinghaga rin na pamamaraan niya ito
ibinahagi.

“TULA 11”
Sa klaseng biology sa susunod na Semestre
Pagmamasdan natin ang mga palaka’t butete
Kung sa chemistry naman tayo magkaklase
Aaralin natin ang mga elctricon na libre.

Sa tulang ito ipinapahayag ni Fidel ang kanyang hiling na sanay mas makasama pa niya si Stella
sa kanilang unibersidad. Ito’y personal dahil ito’y narramdaman ni Fidel at ito ay emotibo dahil
ipinapahayag niya dito ang kanyang saloobin at emosyon na nadarama at ito’y patalinghaga dahil sa
masining na paraan niya ito ipinahayag..
Tula # 20
Parating man ang taga-bagyo
Hindi ako nangangamba
Isang tanaw ko lang sa’yo
Ang takot ay mawawala.

Sa tulang ito makikita natin ang pagkahumaling ni Fidel kay Stella ito’y personal dahil batay ito
sa kanyang sariling nararamdaman na bugso ng kanyang damdamin at pagka-gusto kay Stella emotibo
dahil na iipapahayag niya ang kanyang emosyon at damdamin, itoy ipinahayag niya sa masining na
paraan kaya naging patalingahga ito.

Tula # 25
Rosas
Sa ilalim ng itim na lipstick
Ang kulay rosas na mga labi
Astig parin siya sa paningin
Patulog na namumukod tangi.

Sa tulang ito pagkamangha ang nararamdaman ni Fidel ito ang unang beses niyang makitang
hindi naka lipstick ng itim si Stella. Ito’y personal dahil batay ito sa kanyang nararamdaman at nakikita at
itoy imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan ito’y emotibo dahil naipapahayag niya
ang kanyang emosyon para kay Stella sa patalinghagang pamamaraan niya ito ibinahagi.

“Tula 28”
Gusgusin
Napaka-ambisyoso ko naman yata
Para Isiping may gusto siya sa akin
Isa lamang akong gusgusing bata
kahanay niya’y mga bituin.

Sa tulang ito mababa ang tingin ni Fidel sa kanyang sarili dahil sa tingin niya hindi sila bagay ni
Stella kaya ang laman ng tula ay may pagka- lungkot at ito’y personal dahil batay ito sa personal niyang
nararamdaman at ito’y imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan ito’y emotibo dahil
naipapahayag niya ang kanyang nararamdaman sa tulang ito at naipapahayag niya ito sa masining na
paraan kaya ito’y patalinghaga.

“Tula 38”
Maglalampas alas onse na
Gising parin parang kapre
Hindi mapakali sa kama
Matindi kapa sa kape
Sa tulang ito ang nadarama ni Fidel ay hindi siya mapakali at excited siya dahil pupunta si Stella
sa kanilang bahay. Ito’y personal dahil naipapahiwatig ni Fidel ang kanyang sariling nararamdama at
ito’y ibinahagi niya sa emotibong paraan dahil nailalabas niya ang kanyang nadarama itoy imahinsayon
dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan ito din ay patalinghaga dahil ang tulang ito ay nasa
masining na pamamaraann.

Tula 50
“Walang Pamagat”
Handa na ang sundalong ito
Na sumabak sa giyera
Nais kung malaman mong
Gustong-gusto kita.

Sa tulang ito desidido na si Fidel sa kanyang nararamdaman para kay Stella. Ito’y personal dahil
naipapahiwatig ni Fidel ang kanyang hangarin at tapang niya ito ay imahinasayon dahil dulot ito ng
kanyang malikhain na isipan at ito’y ibinahagi niya sa emotibong paraan dahil nailalabas niya ang
kanyang nadarama at matinding emosyon.

Tula #51

Too much rain drown a flower


Let me offer you sunshine
So you can photosynthesize
And bring back sugar in your life.

Sa tulang ito englis na ang kanyang ginamit ito ay yung muli niyang nakita si Stella
pagkatapos ng kanilang bakasyon.Ito ay personal dahil naipapahiwatig ni Fidel ang kanyang
nararamdamana para kay Stella at itoy imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhaing isipan ito’y
ibinahagi niya sa emotibong paraan dahil nailalabas niya ang kanyang emosyon at damdamin.

Tula 60
“The Mystery”
Imagining it can seem disgusting
But at the the same time full of bliss
I mean lips & spit go wrestling
That is the mystery of the kiss.

Sa tulang ito napakasaya ni Fidel dahil ito ang araw na hindi niya makakalimutan dahil
magkasama sila ni Stella at sila ay nagkahalikan. Ito’y personal sa kadahilanang batay ito sa matinding
emosyon itoy imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan at sa nadarama ni Fidel at ito’y
emotibo dahil naibabahahagi ni Fidel ang kanyang masidhing damdamin at ito’y nasa masining na
pamamaraan kaya ito ay patalinghaga.
Tula # 65
She’s pretty when she ties
To crush foes with Knuddes
She’s prettier when she cries
But the prettiest when she chuckles

Sa tulang ito si Stella talaga ang kanyang tinutukoy siya ay nagagalak dahil nakilala niya ang isang
babaeng kagaya ni Stella. Ito’y personal dahil naipapahiwatig ni Fidel ang kanyang personal
nararamdaman at ito ang galak at saya niya para sa kay Stella ito ay imahinsayon dahil dulot ito ng
kanyang malikhain na isipan kapag naiisip niya si Stella ito’y ibinahagi niya sa emotibong paraan dahil
nailalabas niya ang kanyang nadarama at emosyon.

Tula 73
“Perfection (part 1)”
They say nobody is perfect
Haven’t they seen you?
Heard you?
Experienced you?
You are divine.

Sa tulang ito naipapakita ni Fidel ang sobrang pagka-humaling niya kay Stella. Ito’y personal
dahil naipapahiwatig ni Fidel ang kanyang personal na nararamdaman at emosyon, ito ay imahinasyon
dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan ito’y emotibo dahil naibabahagi niya ang tula na ito para
kay Stella batay sa kanyang nadarama at nasa patalinghagang pamamaraan ang pagbabahagi ito.

Tula 74
“Perfection (part 2)”
Your perfection
Deserves nothing but perfection
Let me trek up this mountain
And meet you there at the top
My Regal Star

Itong tula na ito ang pangalawang parte ng kanyang unang ginawa labis na pagkahumaling at
galak ang naramdaman ni Fidel sa tulang ito kaya ito’y naging personal dahil batay ito sa nararamdaman
ni Fidel para kay Stella itoy imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan at naibabahagi
niya ito sa emotibong paraan sa kadahilanang naipapahayag niya ang kanyang matinding emosyon at
ito’y masining na paraan kaya ito’y patalinghaga.

Tula # 80
“Stratosphere”
The way she walks
The way she sings
Give me pair of magical wings
That fly me straight
To the stratosphere
She is a miracle that much is clear.

Ang dahilan ng pagsulat ni Fidel sa tulang ito dahil sa sayang kanyang nadarama dahil
sinupurtahan siya ni Stella sa unang pagkanta niya sa entablado. Ito’y personal dahil batay ito sa labis na
saya na nadarama ni Fidel ito’y imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan at ito’y
emotibo dahil naibabahagi niya ang kanyang damdamin at emosyon at naging patalinghaga ito dahil
nasa masining na pamamaraan ito.

Tula #84
How many women can inspire a lonely man?
To give birth to
A whole museum of art
To me
There’s only one
Sa tulang ito labis na pagmamahal ang nadarama ni Fidel na kahit sino pang babae diyan wala ng
makakatumbas sa paningin niya kundi si Stella lamang. Ito’y personal sa kadahilanang batay ito sa labis
na emosyon at pagmamahal ni Fidel para kay Stella itoy imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang
malikhain na isipan at naibabahagi niya ito sa emotibong pamamaraan at ito’y patalinghaga dahil
masining na pamamaraan ang ginamit ni Fidel.

Tula 96
I dream of you every single night
Slam- dancing on a silver pedestal
Dazzling the hall with your flew light
Growling at us,them lesser mortals.

Ang tulang ito ang isa sa pinakahuli niyang tula para kay Stella ito’y halo-halong emosyon may tuwa at
galak dahil nakilala niya at nakasama niya ang babaeng mahal niya, pagkahinayang dahil sana noon pa ay
isinabi na niya kay Stella ang kanyang nararamdaman at galit sa kanyang sarili dahil huli na siya dahil
kasal na sa iba sa Stella at wala din siya sa panahong kinakailangan siya ni Stella ito’y personal dahil
batay ito sa halo-halong emosyon at nadrama ni Fidel at naipalabas niya ang kanyang emosyon at
damdamin itoy imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan sa emotibong paraan at ito’y
patalinghaga dahil ang tulang itoay nasa masining na pagkasulat.

Behold
Behold, this is a new chapter
For someone wiser & stronger
Then pebble now a boulder
This world he shall conquer.
Ito ang unang tula na isinulat ni Fidel para sa kanyang sarili pero hindi niya matapos- tapos pero
ito ngayon ay buo na, pagkatapos niyang isinulat ang 100 na tula para kay Stella, ngayon sarili na naman
ang kanyang uunahin. Sa tulang ito’y personal dahil labis na emosyon at galak ang nakapaloob dito itoy
imahinsayon dahil dulot ito ng kanyang malikhain na isipan at ito’y naibahagi ni Fidel at ito’y emotibo
dahil naipapahayag at naibabahagi niya ang kanyang nadarama at emosyon sa paglimbag nito at it’y
patalinghaga dahil nasa masining na pamamaraan ito.

IV.TALAHANAYAN O GRAPHS

MGA ELEMENTO NG TULA NA NAKAPALOOB SA MGA TULA NI FIDEL

MGA TULA MGA ELEMENTO NG TULA NA NAKAPALOOB NAGPAPATUNAY


NI FIDEL
PARA KAY
Stella
BABAENG SAKNONG (6), TUGMA (may mga patinig na a Itim ang lipstick niya
NAKA ITIM sa bawat huli ,SIMBOLISMO (item na lipstick- Subalit mabait siya
NA LIPSTICK nagsisimbolo kay Stella). Sadya akong namangha
Sa angkin niyang ganda
Sana dumalas pa ang aming pa
ang aming pagkikita
Sa loob ng eskwela
Kahit san sa Pampanga”
MALAS SAKNONG (4) AT TUGMA (MAY Isa akong magnet ng kamalasan
MAGNET MAGKAPAREHING KATINIG AT PATINIG) Bingo na ng pantalon at sikmura
Laking gulat kung paminsan
Ang malas ay may dalang surpresa.

TULA # 11 SAKNONG (4) AT TUGMA (MAY PATINIG NA E Sa klaseng biology sa susunod na


SA HULIHAN.) Semestre
Pagmamasdan natin ang mga
palaka’t butete
Kung sa chemistry naman tayo
magkaklase
Aaralin natin ang mga elctricon na
libre.
TULA # 20 SAKNONG(4) AT TUGMA (MAY PATINIG NA O Parating man ang taga-bagyo
AT A SA HULIHAN. Hindi ako nangangamba
Isang tanaw ko lang sa’yo
Ang takot ay mawawala.
TULA # 25 SAKNONG (4) AT KARIKTAN ( PAMUMUKAD Sa ilalim ng itim na lipstick
TANGI- KAKAIBA O UNIQUE) Ang kulay rosas na mga labi
Astig parin siya sa paningin
Patulog na namumukod tangi.
TULA # 28 SAKNONG(4) AT TUGMA Napaka-ambisyoso ko naman yata
( KATINIG NA N AT PATINIG NA A) Para Isiping may gusto siya sa akin
Isa lamang akong gusgusing bata
kahanay niya’y mga bituin.
TULA # 38 SAKNONG(4) AT TUGMA (MGA PATINIG NA A Maglalampas alas onse na
AT E ) Gising parin parang kapre
Hindi mapakali sa kama
Matindi kapa sa kape
WALANG SAKNONG (4) Handa na ang sundalong ito
PAMAGAT Na sumabak sa giyera
Nais kung malaman mong
Gustong-gusto kita.

TULA # 51 SAKNONG (4) AT TUGMA (MAY PATINIG NA E), Too much rain drown a flower
SIMBOLISMO( SUGAR o ASUKAL=TAMIS AT Let me offer you sunshine
SAYA,LIGAYA) So you can photosynthesize
And bring back sugar in your life.

TULA # 60 SAKNONG (4) AT TUGMA ( MAY MGA Imagining it can seem disgusting
KATINING NA NG AT SS) But at the the same time full of bliss
I mean lips & spit go wrestling
That is the mystery of the kiss.

TULA # 65 SAKNONG (4) AT TUGMA ( MAY KATINIG NA S) She’s pretty when she ties
To crush foes with Knuddes
She’s prettier when she cries
But the prettiest when she chuckles
TULA # 73 SAKNONG ( 5) They say nobody is perfect
PERFECTION Haven’t they seen you?
(PART 1) Heard you?
Experienced you?
You are divine.
TULA # 74 SAKNONG (5) Your perfection
PERFECTION Deserves nothing but perfection
(PART 2) Let me trek up this mountain
And meet you there at the top
My Regal Star
TULA# 80 SAKNONG (6) The way she walks
The way she sings
Give me pair of magical wings
That fly me straight
To the stratosphere
She is a miracle that much is clear
TULA #84 SAKNONG (5) How many women can inspire a
lonely man?
To give birth to
A whole museum of art
To me
There’s only one
TULA # 96 SAKNONG (4) AT TUGMA (KATINIG NA T AT L) Tula 96
I dream of you every single night
Slam- dancing on a silver pedestal
Dazzling the hall with your flew light
Growling at us,them lesser mortal
SAKNONG (4) AT TUGMA (KATINIG NA R) Behold, this is a new chapter
BEHOLD For someone wiser & stronger
Then pebble now a boulder
This world he shall conquer.

V.MGA NATUKLASAN

M.A.K HALLIDAY

PERSONAAL
41%
INSTRUMENTAL
56%
IMAHINASYON

3%

Sa labing-walo na tula na ginawa ni Fidel para kay Stella (18 o 56%) sa mga tula ay Personal ( 1 o
3% ) ang tula ay ginamit bilang instrumental at (13 o 41%) sa mga tula ni Fidel ay imahinasyon at batay
ang mga ito sa Teorya ni M.A.K HALLIDAY na Gamit sa Lipunan.
ROMAN JACOBSON

EMOTIBO
50% 50%
PATALINGHAGA

Sa labing-walong tula ni Fidel magka-parehong ( 18 o 50% ) sa mga tula ay Emotibo at Patalinghaga


batay sa Teorya ni ROMAN JACOBSON na Paraan ng Pagbabahagi ng Wika.

VI.KONKLUSYON

Batay sa panunuri, ang nobelang inilathala ni Jason Paul Laxamana na pinamagatang “ 100 tula
para kay Stella” ay nagbibigay kaalaman at bagong pananaw sa wika batay sa mga tulang ginawa ni
Fidel,makikita sa pagtatalalakay na lahat ng tula ni Fidel ay personal dahil nagpapahahayag ito ng sariling
damdamin , ang mga tula rin ni Fidel ay imahinasyon dahil dulot ito ng kanyang malikhaing isipan meron
ding instrumental dahil ginamit niya itong instrumenot para makamit ang kanyang gusto , nakaka-apekto
ang kanyang damdamin, emosyon, at mga pangyayari sa buhay pag-ibig ni Fidel sa paggawa niya ng mga
tula naibabahagi niya ang kanyang mga tula sa emotibo at patalinghagang pamamaraan at may mga
element rin ng mga tula na nakapaaloob sa mga isinulat ni Fidel tulad ng saknong,simbolismo at tugma.

VII.REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pagsusuring ito, imunumungkahi na sa susunod na pagkakataon na may


gagawa ng bagong panunuri sa nobelang ito ay y gumamit ng ibang teorya tulad ng barayte ng wika o
kahit anong teorya na may kinalaman sa wika, bigyan pa ng mas malalim pagsusuri ang mga tula ni Fidel
at bigyang pansin ang ibang aspeto sa nobela bukod sa mga tula ni Fidel higit sa lahat mag hanap ng
kakaibang argumento na hahatak ng mambabasa.

You might also like