You are on page 1of 2

Ang akda ni Paz Marquez Benitez na pinamagatang “Dead Stars” ay unang inilathala sa taong 1925.

Nabibilang sa hanay ng maikling kuwentong nagpayabong sa panitikan ng Pilipinas, Ang Dead Stars ay
nagdala ng mensahe, representasyon, simbolismo at mga aral na ating mahihinuha at maoobserbahan
kahit sa moderno o kasulukayang panahon. Ang pangunahing tauhan na si Alfredo ay nahaharap sa isang
sitwasyong hindi na bago sa ating paningin; isang unibersong maraming matang mapagmatiyag, mga
tradisyong patuloy na nabubuhay sa kasalukuyan, mga bagay na isinasangguni sa isang tao na binuo ng
lipunan, mga pahiwatig, emosyon, pagbabago at higit sa lahat, isang unibersong kaparis ng pag-ibig ang
kalituhan.

Sa akdang ito, malinaw na naipakita ni Alfredo, ang pangunahing tauhan, ang mga katangian ng isang
taong nakararanas ng pagkalito o hirap upang bumuo ng desisyon.
2. Kung ikaw ang nasa posisyon ni Alfredo na nahaharap sa suliranin ng pagpili, sino ang iyong pipiliin? Si
Esperanza o si Julia? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Bagamat matinding mga emosyon at halo-halo mang mga bagay na bago sa pakiramdam ang naipakita ni
Julia kay Alfredo, atin nating natunghayan ang mga pagtatanto, hinuha at repleksiyon ni Alfredo sa
pagtatapos ng akda. Sa ganitong lagay, kung ako man ang papipiliin mula sa dalawang babaeng malaki

m
ang naging kaganapan sa buhay ni Alfedo, mamarapatin kong piliin si Esperanza.

er as
Tunay ngang mayroong mga pagkukulang si Esperanza, mga bagay na nakita ni Alfredo kay Julia. Ngunit

co
ipagpapalit ko ba ang pag-ibig na namamalagi para sa sandaling kasiyahan? Ako ba ay magpapasupok sa

eH w
apoy na nagliliyab lamang para lang din mamatay? Sa wari ko'y ang tunay na pagmamahal ay yaong

o.
nananatili. Sa pagdating ni Julia sa buhay ni Alfredo ay siyang pagkaramdam ni Alfredo sa mga bagay na

rs e
hindi niya pa nadama o naranasan noon. Subalit nahanap niya man ang mga pagkukulang ni Esperanza
ou urc
na kayang punuan ni Julia, sa huli'y nakipagkasundo siya sa kanyang sarili na noon nga'y pinag-isipan
niyang lisanin ang piling ni Esperanza kapalit ng bugso ng kanyang damdamin ngunit sa muling pagkikita
nila ni Julia, tila ba bumalik siya sa kanyang katinuan at naisip na ano mang nararamdaman niya para kay
o

Julia ay hindi na sapat upang pag-isipan niya pa ang nararamdaman para sa asawang si Esperanza. Sa
huli, katulad ni Alfredo, pipiliin ko si Esperanza. Sapagkat baka nga napunan ni Julia ang mga
aC s
vi y re

bagay na wala si Esperanza, ngunit sa ganitong paraan ay lalong makikita ni Alfredo kung anong mga
katangian ang mayroon si Esperanza na siyang higit na mahalaga kaysa sa kung ano ang wala siya.
3. Sa dulo ng kwento, bakit tinatanong ni Alfredo ang kanyang sarili kung bakit niya pinang-hawakan ang
ed d

isang panaginip? (Why had he obstinately clung to that dream?) Bakit o paano ginamit na metapora ang
Dead Stars sa kwento?
ar stu

4. Kung ikaw ay makakagawa ng alternate story ending para sa kwentong Dead Stars, paano mo pipiliing
magtapos ang kwento?
Kung bibigyan ng pagkakataong baguhin kung paano nagtapos ang kwento, nais kong isalaysay ang isang
is

pagtatapos na maaring mangyari sa ibang mundo o alternate universe kung saan walang pinili si Alfredo
bukod sa kanyang sarili at sa desisyong bitawan ang pag-ibig na hindi naging sigurado. Umiikot sa aking
Th

isipan ang tanong na, “Paano mo matitiyak na siya ang tunay mong mahal kung ang pagmamahal
mismo’y hindi mo naipakita, naranasan at naipadama nang buo?”N
aniniwalaakongsakabilangpagtatantoniAlfredosadulongakda,hindi maipagkakaila na ang mga bagay na
sh

kanyang ginawa ay minsan niya ring ginusto, pinangarap at mas pinili. Hindi naranasan ni Alfredo ang
magmahal nang buo dahil hindi niya ito nagawa sa kanyang sarili. Kaya’t kung mamarapatin, hiling kong
gumugol siya ng oras para buuin ang kanyang sarili at saka hayaang magsalita ang kanyang puso.
Bumubuo ang imahe ni Alfredo sa aking isipan kung saan wala siyang pinili sa dalawa at napagdesisyunan
niyang isantabi muna ang kasal at kung anong pwedeng sabihin ng lipunan. Katulad ng sa akda, si
Esperanza ang

This study source was downloaded by 100000806505235 from CourseHero.com on 05-11-2021 02:56:35 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/83633708/Document-54docx/
pipiliin ni Alfredo sa huli, ngunit nais kong sa pagpili niya’y wala nang bahid ng anumang kaguluhan sa
kanyang isip.
Bilang babae, mahirap at masakit tanggapin ang kahit ano mang karanasan at kalungkutang natamo nina
Esperanza at Julia. Pumapasok sa aking isipan ang tanong na, “Paano ko matatanggap ang pagmamahal
na dumaan sa pagkalito at pagdadalawang-isip? Ikasasaya ko pa rin ba ito?” Mula rito, mainam na
gumugol ng oras si Alfredo bago bumalik sa yakap ng kanyang asawang si Esperanza dahil hindi karapat-
dapat si Esperanza sa isang pagmamahal na minsan nang pinagdudahan o ang tinatawag na half-assed
love sa Ingles. Maaaring mula sa pagtatapos na ito, mahahanap ni Alfredo ang kanyang sarili na unti-
unting bumabalik sa kahinahunan at piling ng babaeng kanyang minamahal, sa piling ni Esperanza, dala-
dala ang pag-ibig na tunay, puro at sa pagkakataong ito, tiyak na at sigurado.
Part 2: Ang Pagbabalik, Babae Ka, Isang Dipang Langit
1. Sa tulang Ang Pagbabalik, paanong isinasalarawan ang kwento ng tula? Ano ang nararamdaman ng
persona sa kabuuan ng tula?
Ang manunulat na si Jose Corazon De Jesus, kilala rin sa kanyang alyas na Huseng Batute, ay kilala bilang
isa sa mga pangunahing makata sa panahon ng kolonyalismong Amerikano. Bilang isang makata, Malaki
ang kanyang nagging kaganapan sa mundo ng panitikang Pilipino. Isa na rito ang pagkalikha ng kanyang

m
akdang pinamagatan na Ang Pagbabalik. Ito ay isang tulang nagsasalaysay ng karanasan ng dalawang

er as
taong nagmamahalan o magkabiyak at kinailangang lumisan ng isa upang maghanap-buhay. Masining na

co
isinalarawan ang mga pangyayari sa tula sa

eH w
o.
pamamagitan ng paggamit mga simbolismo na maaaring magbigay ng iba’t ibang kahulugan,
interpretasyon at pahiwatig.
rs e
ou urc
Isinalarawan ang tula sa pamamagitan ng pagsasalaysay kung paano lisanin ng lalaki ang piling ng
kanyang minamahal kahit labag man ito sa kanyang loob dahil ang buhay ay mahirap. Marahil hindi na ito
bago sa ating pandinig at paningin sapagkat ito pa rin ang sitwasyong kinahaharap ng maraming Pilipino
o

sa kasalukuyang panahon. Nawawalay tayo sa ating mga pamilya o mga mhal sa buhay at pumaparoon sa
mga lugar na hindi pamilyar sa atin dahil kailangan nating magbanat ng buto. Halimbawa na rito ang
aC s

ating milyon-milyong Overseas Filipino Workers na nakikipagsapalaran at nagsisilbi sa iba’t ibang parte
vi y re

ng mundo. Sa pagitan ng pagsasalaysay sa tulang ito, maoobserbahan ang paggamit ng mga simbolismo
katulad na lamang
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000806505235 from CourseHero.com on 05-11-2021 02:56:35 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/83633708/Document-54docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like