You are on page 1of 3

Para kay B: Rebyu sa Literatura

Mula sa tanyag na manunulat na si Ricky Lee, handog nya sa kanyang mambabasa ang nobelang Para kay B. Sumesentro ang kanyang akda sa buhay pag ibig ng anim nitong pangunahing tauhan. Itinanikala ni Ricky Lee ang kanyang mambabasa sa mga pangyayari sa buhay ng mga karakter na syang nagpatawa, nagpangiti, nagpasimangot at nagpaluha sa atin. Mababasa sa unang bahagi ng kwento ang tungkol sa buhay pag ibig ni Irene, ang babaing may photographic memory. Inilantad sa kwento kung paano silay nagkakilala ni Jordan. Mga pangyayaring nagpahulog ng loob nya kay Jordan. Ang pangangako ni Jordan kay Irene na, Paglaki mo, pakakasalan kita na tila bagay nagpakilig sa akin. Ang bawal na pag iibigang nabuo sa loob ng bodega. Ang kwento ni Sandra. Ang pag iibigan nila ng kanyang Kuya Lupe. Ang paglayo ni Lupe. Ang muli nilang pagtatagpo at pagsasama nila ni Lupe. Ang pagbubuntis niya sa anak nila ni Lupe na si Belinda. Ang biglaang pagkawala ni Lupe. Ang pagkikita at papapaksal sa tama nyang pag ibig, kay Ruben. Ang pagbabalik ni Sandra sa bodegang pinag usbungan ng maling pag ibig. Ang pagtatagpo muli ng dalawa, ni Ruben at sandra, ang magpapatahimik sa kanilang kaluluwa. Ang magpapayapa sa kanilang damdamin. Ang pagtuklas ni Erica sa kung paano ang umiibig ang matutunghayan sa ikatlong bahagi ng nobela. Kung paano sya mamakaalis sa mundong walang pag ibig, ang Maldiaga. Ang pagkakakilala at ang pagkupkop sa kanya ni Mrs. Baylon. Ang

pagkakakilala nila ni Jake. Ang pagkainlab sa kanya ni Jake. At sya nun ay ni hindi pa rin natutong magmahal dahil sa tuwing syay nagsasabing ng mga salitang i love you tila bagay para syang nasa isa siyang teleserye na kinagigiliwan nyang panuorin tuwing hapon. Ang pag amin nya kay Jake na wala syang nararamdaman para rito. Ang paglayo nya kila Jake. Ang pagbabalik nya sa piling ni Mrs. Baylon at Jake. Ang pagiging imbalido ni Jake. Yun ang naging daan para tuluyan nyang matutunan kung paano ang umiibig. Lubos nyang inaruga si Jake. Iba talaga ang nagagawa pag nagmamahal ka. Lahat gagawin mo para lang sa kanya. Ibubuhos mo lahat ng oras mo sa kanya. Nagsimula ang ikaapat na kwento, ang kwento ni Ester, sa masaganan nilang pamumuhay ng kanyang mister na si Lucio. Ang pagkakasya ng dalawang pag ibig sa puso ni Ester. Ang pagkamatay ng kanyang kabiyak na syang naging hudyat ng pag uumpisa ng bawal na pag ibig nila ni Sara. Ang pagkawala ni Sara. Ang paglaki ng mga anak nila ni Lucio. Ang muli nilang pagtatagpo ni Sara. Ang lihim nilang pagkikita. Patunay na dadapo ang pag ibig sa puso ng sinuman sa mga taong di mo akalaing iibigin mo. Natapos ang kwento ni Bessie sa paghahanap sa nawala nyang pag ibig na si Lucas. Hinayaan nyang makawawa ng adik na anak ng congressman si Lucas. Binugbog at inihian. Napakaimoral ng kinahantungan ni Lucas ng gabing iyon sa kamay ni Brigs ngunit nakatanga lamang na pinanonood ang lalaking walang sawa syang pinagsilbihan. Maraming taon syang naghanap kay Lucas. Ngunit natapos ang kwento nya ng di pa rin nya nahahanap na huli na nya ng malaman na kanya palang minamahal.

Ang tunay na kwento ay lahat ng kwento ng limang kababaihan ay akda lahat ni Lucas. Gawa nya para maimpress ang baabing hindi naman sya mahal, si Bessie. Nang kanyang matapos ang tila bagay isang nobela. Itoy may pamagat na Para Kay B. Para Kay Bessie kumbaga. Dinala nya ito sa pad ni Bessie upang ipakita rito ang kanyang nagawa. Wala rito ang babae ngunit may nakapagsabi sa kanya kung nasaan ito. Nakita nya si Bessie. Ibinigay ang nobela. Napag alaman nyang nakikipag live in na ito kay Brigs. One man woman na raw si Bessie. Tila nagulagulanit ang puso ni Lucas. Umalis syang biyak na ang puso. Matapos ang maraming taon ay naging matagumpay na manunulat si Lucas. Matutuwa. Malulungkot. Maluluha. Mag eenjoy ka talagang basahin ang unang nobelang inilathala ni Ricky Lee. Tumatak sa aking isipan ang sinabi nya sa kanyang libro na, Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman. Natapos ko ang nobela na sinagot ang tanong sa aking isipan na me quota nga ba ang ibig ang sagot ay: Wala. Lahat ng iibig ay magiging masaya kasi makakatagpo tayo ng taong para sa atin. Sa ating lahat ay may nakatakdang tao. Nakatakda nating makasama habang buhay.

You might also like