You are on page 1of 3

Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe Educational System

Catholic Schools In Mountain Province


Bauko Catholic School Incorporated
Poblacion Bauko, Mountain Province

“KANTA”

By:
VENSHANE CALOY
BRENDAN VALERIANO
SEAN CADAWENG
MHAR GUNGANGAC
DION RICO MAGNO
KANTA

Isang kantang nakakaakit at kay gandang pakinggan ang nakakuha sa atensyon ni Rose habang
pinagmamasdan ang napakalawak na hagdang palayan ng Banaue. Sinubok niyang hanapin ang kinaruruunan
nito, siya ay nagpakahirap sa paghahanap hanggang sa matagpuan niya si Ayangwa na naka upo sa malaking
bato, nilalaro ang kanyang gitara habang kumakanta. Patuloy siya sa pagkanta at pagtugtug ng kanyang gitara
na di niya namamalayang nasa tabi na niya pala siya, natauhan lamang siya dahil sa isang bahing, paglingon
niya ay tumambad sa kanya ang napaka gandang muka at ngiti ni Rose. Bumilis na pumula ang kanyang tenga
at ang tibuk nang kanyang puso habang siyay kinakausap niya, sila ay nagkausap kahit na pa putol-putol ang
kanyang sinasabi. Di nagtagal biglang sumulput ang kapatid ni Rose na si Jack, galit na lumapit at biglang hila
niya siyang inilayo kay Ayangwa. Pinagmasdan ni Ayangwa ang pag-alis ni Rose pabalik nang maynila, ngunit
may napansin siyang papel na nahulog sa kanyang sinasakyan at nang itoy kanyang tinignan ay address ang
nakalagay, at ang kanyang malungkot na muka ay napalitan ng saya.
Araw-araw ay nagpapadala si Ayangwa ng sulat at sa bawat sulat ay may nakalagay na maliit na
pulang bato na kanyang pinaghirapang hanapin. Di man niya naipabatid ang kanyang nararamdaman sa una
nilang pagkikita ay idinaan nalang niya sa sulat, at sa bawat araw ay di siya mapakali sa kakahintay sa
pagdating ng sulat na galing kay Rose. Kahit silaman ay magkalayo silay nagkaibigan sa sulat lamang.
Ngayun na ay ang ika labing-limang araw na magpapadala siya ng sulat ngunit sa paglipas ng mga
araw ay wala ni isang sulat ang kanyang natanggap mula kay Rose. Ang mga araw ay napalitan ng buwan, ang
mga buwan ay napalitan ng taon na umaasa paring siya ay di nakalimutan. Sa mga araw na wala siyang magawa
ay inaakyat niya ang hagdang palayan ng kanilang nayun papunta sa tuktok ng bundok, hawak-hawak ang
kaniyang gitara at ang maliit na imahen ni Rose na kanyang inukit sa kahoy. Sa harap ng imahen na kanyang
inukit ay siyay kumanta at sa kanyang paguwi ay tahimik niyang pinakikinggan ang mga salita at sambit ng
mga kaibigan at mga nakakatanda. Na kanilang ibinabatid na siya ay kinalimutan na niya at baka may iba na
siyang kinakasama, kung kayat kalimutan mo na din siya at pakasalan nalang ang kahit sino sa nayun. Sa mga
salitang kanyang narinig ay unti-unti siyang nawawalan nang pag-asa, ang hindi niya lang alam ay ang lahat
pala nang nangyayari sa kanilang dalawa ay kapakanan ni Jack.
Sa una palang ay hindi nagustuhan ni Jack si Ayangwa, lalunat iba ang pagtingin nang kanyang
kapatid sa kanya kung kayat nung nalaman niyang silang dalawa ay nagpapadala ng sulat sa isat-isa ay kanyang
kinukuha at tinatago ang mga ito. Kanya ring nilinlang ay kanyang kapatid at pinaniwalang hindi na siya mahal
nito. Umiyak at nalungkot ng sobra si Rose ngunit hindi siya tumigil sa pagpapadala ng sulat sa kagustuhang
malaman ang tunay na nararamdaman ni Ayangwa ngunit ang lahat ng kanyang sulat ay itinatago lang ng
kanyang kapatid.
Sa loob nang labing-apat na taon hindi parin nila nakakalimutan ang isat-isa, isang araw ay
naglilinis si Rose sa kanilang garahe doon nakita niya ang isang rebulto na gawa sa kahoy at kanyang na alala
ang kanyang pagbisita sa Banaue kung saan bawat tahanan ay meron nito. Kanyang ginalaw ito upang linisin at
doon lumitaw ang napakaraming sulat na galing sa kanya at kay Ayangwa, ang mga sulat ni Ayangwa ay
kanyang binasa at siyay napaiyak sa mga nilalaman nito, kanya lang pinagtataka kung bakit nakatago ang mga
ito hanggang lumitaw ang kanyang kapatid sa kanyang isipan. Sa galit, kanyang nilapitan ang kanyang kapatid
at humingi siya nang paliwanag tungkol sa mga sulat. Sumagot si Jack, para sa kanya hindi sila nababagay,
magkaiba sila ng mundo, siya ay lupa habang siya naman ay langit. Galit na umalis si Rose at nagmamadaling
makarating sa Banaue, pinagdadarasal niya na sana ay hindi pa huli ang lahat. Nang siya ay makarating sa
Banaue, agaran niyang hinanap si Ayangwa, nagtanong-tanong siya sa mga residente kung san siya
matatagpuan ngunit pati sila ay walang nakakaalam, nagpatuloy siya sa paghahanap hanggang sa makarinig siya
ng isang kanta, sinundan niya ang kinaroroonan nito at dun nga ay nahanap niya si Ayangwa na kumakanta sa
mismong lugar na kung saan sila unang nagkita. Lumapit siya sa kanya at binigkas ang kanyang pangalan, ito
ay narinig ni Ayangwa at sa kanyang paglingon ay nakita na niya muli ang napaka gandang muka at ngiti nang
babaing kanyang minahal, tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang kanyang nilapitan si Rose at niyakap.
Sa kanilang pagyayakapan napansin ni Ayangwa ang kwentas na suot-suot ni Rose, ang kwentas na iyon ay
may labing-apat na mapupulang mga bato, iyon pala ang mga batong kanyang isinama sa kanyang mga sulat.
Silang dalawa ay nagkausap ng matagal at napag alaman ang buong katutuhanan, muling lumakas ang kanilang
pag iibigan, sila ay naghawakan ng kamay at nagtitigan. Maghahalikan na sana sila nang biglang dumating si
Jack na may hawak na baril, itoy kanyang itinutok kay Ayangwa sabay sambit kay Rose na ayaw niyang masira
ang kanyang buhay nang dahil sa lalaking kanyang kasama. Kanyang kinalabit ang gatilyo, tatamaan sana si
Ayangwa ngunit ito ay sinalo ni Rose at nawalan nang malay.
Biglang napaluhod si Jack na para bang tulala at wala sa sarili, mayat-mayat lumabas ang luha sa
kanyang mata, siya ay nilapitan ni Ayangwa at ginising sa pamamagitan ng suntok, nang bumalik na sa sarili si
Jack malungkot na sinabi ni Ayangwa na kailangan na nilang dahil si Rose sa pagamutan. Kanilang ipinagamut
si Rose, habang naghihintay si Ayangwa ay subrang nagaalala habang si Jack ay sinisisi niya ang kanyang sarili
sa lahat nang nangyari. Lumabas ang doctor at sinabing wala ng pangamba sa kanyang buhay, kailangan lang
niyang magpahinga, biglang nasiyahan ang dalawa, nilapitan ni Jack si Ayangwa at lumuhod sa kanyang
harapan na humihingi ng kapatawaran. Magagalit na sana si Ayangwa ngunit ito ay nawala, siya ay kanyang
pinatawad at hiningi narin niya sa kanya bilang kapatid ni Rose na sanay sila ay payagan na niyang mag-ibigan,
ito naman ay masaya niyang tinanggap at sabay narin niyang ibinigay ang kanyang basbas. Nagising si Rose at
ang una niyang nasilayan ay ang kanyang kapatid at ang minamahal na masayang naguusap, siya ay nilapitan ni
Ayangwa at niyakap ng mahigpit habang sila ay pinagmamasdan ng kanyang kapatid na may masayang muka.

End.

You might also like