You are on page 1of 12

ANG MUNDONG ITO AY LUPA ni Edgardo M.

Reyes

Edgardo M. Reyes
Komiks/Literary Writer-Novelist

Mas kilala bilang literary writer/novelist si Edgardo M. Reyes, ganoon man, naging bahagi rin siya ng komiks industry at nakapag-ambag ng kanyang obra dito. Ang kanyang nobelang Bulaklak ng Apoy ay nalathala sa Kislap Komiks noong 1972 at ang nobela niyang Ang Ikatlong Nilalang ng Diyos naman ay sa Modern Romances lumabas noong 1978 kung saan ka-tandem niya ang dibuhistang si Fred Carillo. Ang ilan sa mga nobelang prosa ni Edgardo M. Reyes at isinaaklat ay ang Sa Mga Kuko ng Liwanag Laro sa Baga, Ang Mundong Ito ay Lupa, Diwalwal, Sa Iyong Paanan, ang koleksiyon ng kanyang mga short stories na Sa Aking Panahon at koleksiyon naman ng kanyang mga love stories na Rosas . Reyes is the one who wrote the screenplay of his novel Laro sa Baga nang itoy isalin sapelikula. Reyes is considered one of the leading Pilipino literary writer, book author, screen writer, and director. He is still active in his writing career at marami sa kanyang mga obra ay nalathala sa Liwayway Magazine ganoon man, there was a time in his life whereas he also wrote for komiks and Komixpage remembering him for that.

Kabanata 1 Si Zenaida Nazareno o si Ned ay bunsong anak ng kagalang-galang na pamilyang Nazareno sa San Fermin. Siya ay ipinag-aaral ng mga kanyang nakatatandang kapatid sa UST sa Maynila sa kursong Medical para maging Doctor ngunit labag naman sa kanyang kinahahalingan, ang pagsusulat. Dito niya napagtanto na madami pa nga siyang hindi alam sa tunay na itsura ng mundo sa ngayon nang makilala niya nang bahagya ang mga babaeng kakuwarto niya sa dormitoryo. Kabanata 2 Nakilala ni Ned si Gilbert Rubio, o kilala sa tawag na Bobet. Ayon sa kanya, isa itong preskong lalaki nang bigla itong lumapit at magpakilala sa kanya sa isang

bookstore; at maging sa kanyang inuuwian, ito ay bumisita na may dala pang tsokolateng kisses kahit na sinupladahan niya na ito. Naisip niya na siguro nga lang ay sadyang manhid ang taong ito. Para sa kanya, hindi dapat ganoon ang panliligaw, dahil alam niyang taliwas ito sa kanyang prinsipyong kinagisnan. Kabanata 3 Dito ay nabuo ang bagong pagtingin ni Ned kay Bobet nang sagipin at tulungan nito ang isang batang nahulog sa manhole dahil sa rumaragasang baha sa siyudad. Noong araw pa man ding iyon ay Signal. No 3 kaya sila walang pasok at sinamantala nila ang pagkakataong iyon, kabilang ang 3 babaeng kakuwarto ni Ned, upang makapaggala sa palibot ng siyudad gamit ang dalang sasakyan ni Bobet na Land Cruiser. Nilibre din sila ni Bobet ng makakain sa isang fastfood at napag-usapan ang pagpapalakas ni Bobet kay Ned kahit na hindi siya nito pinapansin at ni hindi man lang nagsasalita. Kabanata 4 Sa kabanatang ito naging idolo ni Ned si Reggie Yumang bilang isang playwright nang mapanood nito sa teatro ang dalawa sa mga isinulat nito sa ilalim ng direksyon ni Dick Almeda. Nakilala at nakausap niya din dito si Dick Almeda at humingi siya ng permiso kung maaaring makahingi siya ng kopya ng script ng isa sa naging palabas nito upang pag-aralan niya. Pumayag si Dick Almeda at kasama nito ang pag-alok sa kanyang magsulat ng mga iilang artikulo at ipasa sa kanya bilang pagsasanay. Kabanata 5 Sa kabanatang ito unang beses na nagpasa ng artikulong babasahin si Ned sa editor ng magasing KONTAK. Inilabas na ang magasin kasama ang sinulat ni Ned na lubos na ikinagulat at ikinasaya niya. Siyay tuwang-tuwa ngunit dahil sa tungkol ang artikulong ito sa Buhay Dormitoryo, siya ay pinalayas ng landlady ng dormirtoryo nang mabasa ang artikulo, wariy tinamaan ng mga isinulat ni Ned kahit na wala naman itong binanggit na pangalan ng dormitoryo. Sasama sa kanya ang natatangi niyang kaibigang si Fe sa dahilang hindi niya daw matitiis ang higpit ng landlady at ang ugali ng dalawang kakuwarto nila. Kabanata 6 Tinulungan sila ni Bobet na makahanap ng matitirhan. Nakakuha sila ng isang kuwarto na sapat na sa kanilang dalawa. Mag-asawang matanda ang may-ari nito.

Nagsulat siya sa kanyang Ate Consing na lumipat siya ng matitirhan at saka niya na daw sasabihin ang dahilan. Kabanata 7 Nagkasundo din naman ang matandang mag-asawa at sila Ned. Ang ayaw lang ni Ned kay Mang Apen ay malisosyo ito dahil minsan ay binobosohon niya si Fe sa tuwing hindi ito nakaayos ng upo at nakabuka ang mga hita. Naisip niya tuloy ang iginagalang niyang ama na hinding-hindi gagawin ang mga ganitong bagay. Valentines na at niyaya siya ni Bobet na lumabas at dahil wala si Fe na nakipagkita sa kinabit niyang si Belo ay wala siyang magawa kundi mag-isang sumama kay Bobet. Dinala siya nito sa isang de-klaseng restawran. Binigyan siya nito ng boquet ng American Roses na may kasamang sulat. Tinanong siya ni Bobet kung on na daw ba sila nito pero sinagot siya ni Ned nang pabalang. Kabanata 8 Sa kabanatang ito unang naramdaman ni Ned ang pagiging mapusok ng damdamin pag umiibig na. Naramdaman niya ito nang muli silang magsama ni Bobet dahil sa walang pasok nung araw na iyon sanhi ng bagyo at dinala siya nito sa isang restawran upang mananghalian. Doon nagsimula na maging sila, at mula noon ay napansin ni Ned na hinahanap-hanap niya na si Bobet. Humingi siya ng advice kay Fe at nabanggit nito ang tungkol sa pangrereyp ng boyfriend niya sa kanya kaya ito nagsawa sa boyfriend nyang si Greg at sumama sa may asawang si Belo kapalit ang pangakong papag-aralin siya nito sa Maynila. Kabanata 9 Nakatanggap ng unang misyon si Ned mula kay Dick Almeda. Iinterbyuhin nila ang isang pick-up girl na kilala sa pangalang Sharon Cubeta.dito ay maraming napagalaman si Ned sa buhay ng mga babaeng wala nang dangal. Nang itanong niya kay Sharon ang tungkol sa dangal nito, sinagot siya kung makakain daw ba iyon. Kabanata 10 Matapos ang unang misyon nito, muli ay sinamahan siya ng kanyang editor na pumunta sa isang gay club ng isa nitong kaibigang bakla, upang mag-obserba si Ned ng mga karaniwang kaganapan sa isang klab na tulad nito. Gagawan niya ng artikulo ang lahat ng tungkol dito. Napanood niya ang sunud-sunod na sayawan at hubaran ng mga macho dancers kasabay ng pagtitilian ng mga nanonood na kalimitan ay mga bakla.

Unit-unti na ngang nabubuksan ang pag-iisip ni Ned sa maraming bagay na ipinagbabawal sa kanya ng kanyang respetadong pamilya. Kabanata 11 Nag-alok ng cool-off si Ned kay Bobet dahil sa tingin niya, sanhi ng palagian nilang pagasasama ay napansin niyang higit na natutukso sa kanya si Bobet tulad nang siya ay pumayag na halikan siya nito, humirit pa ito ng isa at naisip ni Ned na baka kung saan pa umuwi ang mga bagay na iyon. Maging siya din ay parang gusto nang magpatukso kaya sa tingin niya na hanggang maaga pa lang ay huwag muna maging sila, para kung sakali man ay hindi masira ang kinabukasan nilang dalawa dahil lamang sa tuksong hindi nila napigilan. Ayaw din ni Ned na magkasawaan sila ni Bobet kaya napagdesisyunan ni Ned na gawin ito. Naintindihan naman siya ni Bobet at ang singsing na ibinigay nito kay Ned ay hindi na ipinabalik dahil magcool-off lang naman sila hindi tulad ng talagang wala na. Kabanata 12 Nalaman ng Ate Consing at Ate Gloria niya ang kanyang pagsusulat sa magasing KONTAK. Dahil sa puro malalaswa ang mga nakapaloob dito ayon sa kanila, binalaan siya ng mga ito na ihihinto nila ang pagsusustento nito sa kanyang pag-aaral kapag siya ay hindi pa tumigil. Pinangatawanan ni Ned ang kanyang kahiligang magsulat at isang buong semestral siyang hindi na nakabalik pa sa Maynila. Nakatanggap siya ng sulat kay Bobet at nagsulat din siya dito pati na rin kay Dick Almeda na nagsasabi ng mga pangyayari sa kanya. Sa sulat ni Dick ay sinabi nito na may sweldo siyang nakuha mula sa kanyang mga artikulo at inaalok siya nito na magtrabaho na lang sakanya dahil aalis na ang kanilang proofreader na si Jess papuntang Saudi. Sa huli ay umalis si Ned sa kanilang tahanan na dala ang kaisipang baka ito na ang huling beses niya sa tahanang iyon. Kabanata 13 Pagdating ni Ned sa dati niyang tinutuluyan ay wala na roon si Fe. Naisip niyang tawagan si Bobet sa unang pagkakataon at tulad ng karaniwang Bobet, hindi ito nagatubiling tulungan siya na makahanap ng matitirhan na kaya niyang bayaran buwanan. Tinulungan din siya nito sa paglilipat hanggang sa pagbili ng mga kagamitan na kakailanganin niya sa bahay. Kabanata 14

Sa bago niyang tirahan, si Mrs. Coromina ang kanyang landlady na may isang binatang anak, guwapo at lalaking-lalaki ngunit may sayad sa uloisip bata, siya ay si Henry. Siya ay nagtatrabaho na din kay Dick Almeda bilang bagong proofreader. Samantalang si Bobet ay kadalasan siyang binibisita nito na karaniwang may dalang mga gamit pambahay. Upang hindi makakuha ng atensyon at tsismis ay palaging iniiwang bukas ni Ned ang pinto ng kanyang bahay sa tuwing dadalaw si Bobet. Si Estela na kanyang kapwa nangungupahan sa kabilang bahagi ng bahay ay tinanong siya isang beses kung ito ba ay kanyang nobyo at siyempre pa ay itinanggi niya iyon. Sabi naman ni Estela ay ano naman ba ang masama sa magnobyo. Kabanata 15 Matapos ang kanyang bagong artikulo tungkol sa hirap ng babaeng komyuter, muli ay may misyon siya mula sa kanyang editor. Iinterbyuhin nila si Raf Salvador, isang pangunahing macho dancer sa gay club na pinuntahan nila noon. Pinatuloy sila nito sa inuupahang apartmentmaganda at maayos ito. Si Raf Salvador ay dating weyter noon na naimbitahang magmacho dancer na mula noon ay hindi na bumalik pa man sa dating mas marangal na trabaho puwera na lang kung bibigyan siya ng marangal na trabaho pero malaki ang suweldo. Ayon pa sa kanya, ano ba naman daw ang masama sa pagpapasaya sa mga taong naghahanap ng kasiyahan sa laman sa halip ay proud pa siya sa kanyang trabaho ngayon. Sa huli ay bigla na lamang nawalan ng malay-tao si Ned dahil sa tinamaan na ito ng iniinom na Russian Vodka na ibinigay ni Raf at dahil na rin sa nainom niyang bote ng beer kangina. Kabanata 16 Nagising si Ned sa ibang kuwarto na ang tanging suot ay isang malaking polo shirt at panty. Ang kanyang bra, damit at pantalon ay nakasampay at mukhang basa ito. Lumabas siya ng kuwarto at nakita niya si Dick Almeda, ang kanyang editor, kasama ang sangkaterbang mga alagang pusa nito. Sinabi ni Dick na matapos siyang mawalan ng malay-tao ay iniuwi niya na lang ito dahil sa malakas ang ulan at nabasa na nga sila. Hindi naman daw niya maiwang basa si Ned habang natutulog kaya pinalitan niya ang damit nito. Sa loob-loob ni Ned, sa kabila ng pag-aalala ng kanyang editor ay hindi niya maiwasang magngingit nang walang atubiling sinabi ng kanyang editor na siyay binihisan nito. Kabanata 17

Nakita at nakilala niya na rin sa wakas si Regidor Yumang. Nagustuhan nito ang kanyang mga isinulat liban kung saan ito patungkol dahil ayon sa kanya, puro malalaswa nga ito at alam naman niyang si Dick Almeda ang may pakana nito. Inalok siya nito na magsideline. Marami din silang napag-usapan nito na kadalasan ay paninira kay Dick Almeda. Sa kabilang panig naman ay matapos malasing ni Dick isang beses na inaya si Ned nito sa isang restobar ay siniraan din nito si Regidor Yumang. Ang inakala ni Ned ay lubos na nagkakasundo ang dalawa dahil na rin sa mga palabas na kanyang kinahalingang panoorin na nagpapakitang palagi silang nagkakasama. Hindi sumagi sa kanyang isipan na ito pala ay kabaligtaran sa kanyang inisip. Kabanata 18 Nagpainom si Dick sa kanyang bahay, imbitado ang mga kaibigan nitong nagsusulat ng mga artikulong nilalagay niya sa kanyang magasin. Marami silang napag-usapan na may kahalong mga kalokohan at pinakikinggan lamang sila ni Ned. Tungkol ito sa pulitika, ekonomiya, korapsyon, rebolusyon sa EDSA at ang mga loyalist at Corista. Maya-maya ay dumating si Reggie kahit na hindi naman siya inimbitahan na ikinatahimik na lang ni Dick. Dumating din si Gerry Sanciangco, isang kaibigang pulis ni Dick na ayon dito ay tutulong kay Ned na makapag-interbyu ng mga child prosties. Sa huli ay hinatid si Ned ni Reggie sa bahay nito at nakita ni Ned ang nakaparadang Land Cruiser at sa tabi ay si Bobet. Hindi pinansin ni Ned si Bobet sa dahilang ayaw niyang magtanong pa si Reggie tungkol dito. Ngunit matapos makaalis ni Reggie, lalabasin niya na sana si Bobet nang Makita ni Ned na ito ay paalis na. Kabanata 19 Nakipagkita siya kay Gerry Sanciangco upang ipatulong siya sa isa pa nitong kaibigang pulis para sa kanyang misyon. Nakilala niya si Bert at dinala siya nito sa isang lugar kung saan nainterbyu niya ang tatlong child prosties. Naimbitahan pa siya ni Gerry sa kagustuhan ni Mr. Chengkaibigang intsik ni Gerry, na magCasino sila. Gastos lahat ni Mr. Cheng. Nataypan siya ni Mr. Cheng at inalok si Ned na bilhin siya na nito sa halagang isang milyon. Dahil dito, nalaman ni Ned ang di inaasahang presyo ng tulad niyang inosente at sariwa pa. Kabanata 20

Pinakinggan ni Ned at ni Dick ang interbyu nito sa tatlong bata gamit ang cassette tape. Dalawang lalaki, isang 11 anyos at 14 anyos. Ang isa ay wala nang mga magulang. Nanirahan sa Luneta upang manglimos at magnakaw hanggang sa inampon ng tinatawag niyang Mommy Ruby para ibugaw. Ang 14 anyos naman ay naglayas sa kanila dahil sa hindi raw masaya sa kanyang haybol. Nanirahan din sa Luneta at sumasama sama sa mga baklang may kotse para magkapera. Ang huli ay isang 12 anyos na babae. Siya naman ay ibinubugaw ng sariling ina para magkapera pero tanging pagkuha lamang ng litrato ng kanyang hubad na katawan ang pinapayagan nito ngunit sa ngayon ay pwede na ding hawakan ang mga ito. Kabanata 21 Muli silang nakapag-usap ni Reggie. Sinabi nitong palugi na ang kanilang magasin. Nalaman ni Ned na si Chito Vergara ang tunay na may ari ng magasing KONTAK sa halip na si Butch Serrano. Sinabi ni Reggie ang mga lihim na intensyon ni Chito Vergara sa pagpapalabas ng magasin at ito ay upang unti-unting masira ang gobyerno sa mata ng tao. Nalaman din ni Ned na ang unang inalok ng pagiging editor nito ay si Reggie ngunit tinanggihan niya iyon sa dahilang ayaw niyang magpaggamit at sa halip ay inirekomenda nito si Dick dahil sa wala itong trabaho noon. Nabanggit din ni Reggie ang ilan sa mga bagay na nakasira sa pagiging magkaibigan nito kay Dick. Kabanata 22 Aksidenteng nakita ni Ned si Estela na kasamang hubad si Henry sa kabilang panig ng pader na pumapagitan sa tinitirhan nilang dalawa ni Estela, mula sa natuklasan niyang butas sa kanyang cabinet. Napaisip siya nang may marinig siyang pag-uungol na animoy binabangungot kaya di niya napigilang silipin ito. Naisip niyang talagang malandi si Estela, maging isang lalaking may sayad ay pinatos niya. Habang siya ay naliligo, may narinig siyang katok sa pinto. Si Bobet pala ang bisita ngunit napansin ni Ned na pulang pula ang mga mata nito. Napansin ni Bobet na nakatapis lamang ng tuwalya noon si Ned at dahil doon muntik nang pagsamantalahan ni Bobet si Ned. Kung hindi pa nasampal ni Ned ay hindi ito matatauhan at saka niya ito pinalayas at siya ay umiyak. Kabanata 23 Sunod na misyon niya ay interbyuhin ang isa sa mga star ng Glory Theater.

Isang lugar kung saan ang mga palabas ay mga balingkitang babae na nakasuot ng magaganda at seksing mga damit. Ipinasara ito noon ng gobyerno dahil sa gawain nito na ikinasisira ng mga kabataan at ng kalalakihan. Nakilala ni Ned ang star nila na si Tetta Marquez. Dinala siya nito sa isang mamahaling restawran at doon nagpainterbyu. Nakapagtapos ito ng BSBA, naging isang ramp model, naging 2nd runner up sa isang beauty contest, naging bold star, nag-japan at ngayon ay sa Glory Theater na, entertainer. Mayaman na ito at binayaran ang bill nila gamit ang credit card. Kabanata 24 Muli silang nagkita ni Reggie. Kumain sa isang restawran at napag-usapan si Tetta Marquez na dati palang kinahibangan at niligawan ni Reggie. Niloko lang siya nito sa huli. Sinabi ni Reggie na duda daw siya kung bakit kailangang sa Glory Theater ang sunod na misyon ni Ned. Inisip nito na imposibleng nagkataon lang na nandon si Tetta Marquez dahil sa tingin niya, sinadya ni Dick iyon upang masira siya kay Ned. Kabanata 25 Nakatanggap ng sulat si Ned mula kay Bobet na nagsasabi na humihingi siya ng tawad sa nagawa niya sa kanya at dahil sa hindi niya daw ito kayang mawala kaya siya nadala sa dare ng tropa niya at nakapagdroga. Naisip ni Ned na siguro nga ay dahil sa nakita nito si Reggie nung gabing iyon. Magki-Christmas eve nang magkita si Fe at si Ned sa isang grocery store. Napansin niyang malaki ang pagbabago ni Fe sa ayos pa lang nito manamit. May kasama itong katulong at binayaran pati ang mga napamili niya gamit ang credit card tulad ni Tetta Marquez. Hinatid pa siya nito gamit ang bago nitong sasakyan at inimbitahan siya na dun na lang magpasko sa kanila. Kabanata 26 Sinundo siya ni Fe sa kanyang bahay. Asensado na nga si Fe; mayroon na itong sariling bungalow house at sa paningin niya, maganda ito at maayos. Sa mesa ng bahay nito ay sangkatutak ang handa kahit silang dalawa lamang at ang isang katulong nito ang kakain. Nagkuwento si Fe na hindi na nga siya pumapasok nang pinatay ni Greg si Belo. Dahil sa takot na masangkot siya sa kaso, nagtago siya at nakakilala ng isang mayamang hapon na may asawa na. Kinasama niya ito at bago bumalik nang Japan ay nag-iwan sa kanya ng malaki-laking pera kaya heto na siya ngayon, asensado na. Nakakapanigarilyo na din at kahit papano ay nabibili na ang gusto. Kabanata 27

Natapos ang pasko, si Dick naman ang nag-imbita sa kanya sa Bagong Taon. Doon sila sa resto bar na tinatawag na Old Times. Uminom sila ng beer, kumaen hanggang sa mag-alas dose. Ngunit biglang bumagsak si Dick dahil sa ito pala ay nilalagnat at dinagdagan pa ng pag-inom ng beer. Sa huli ay dinala niya si Dick sa bahay nito at napagdesisyunan niyang dito na rin magpalipas ng gabi dahil sa walang mag-aalaga sa kanyang editor. Kabanata 28 Tatlong gabi-araw na inalagaan ni Ned si Dick. Dahil sa di pa din magaling, sa bahay na nito pinagawa sa mga empleyado ang kanilang mga trabaho sa opisina para mabantayan din ni Dick ang kanilang ginagawa. Si Ned ang pansamantalang editor na tutulungan ni Edison. Nakilala ni Ned si Butch Serrano nang dumating ito na may dalang isang folder at saka ibinigay kay Dick na parang nangangahulugang dala lamang nito ay isang mabigat na problema. Kabanata 29 Nalaman ni Mrs. Coromina ang tungkol sa kanyang anak at kay Estela kaya ito napalayas. Samantalang isinama naman siya ni Reggie sa isang beach house. Napagusapan nila ang tungkol sa nalalapit na pagsasara ng kanilang magasin. Naikuwento din ni Reggie ang tungkol kay Dick na noon ay may asawa itong magandang artista na si Evie, may dalawang anak, ngunit umalis at nangibang bansa upang iwanan siya. Estudyante pa lang daw noon si Evie nang magkita sila ni Dick at tinulungan niya si Evie na maging artista hanggang sa nawala din ang pagkainosente dahil sa mga karanasan niya sa pag-aartista. Kabanata 30 Inimbitahan siya ni Fe na magkita sila nito. Dinala siya sa negosyo nito, isang lugar ng mga masahista sa mga turista at depende raw sa mga ito kung higit pa sa masahe ang serbisyo nila. Sabi ni Fe, dati raw siyang naging isang receptionist sa isang sauna parlor at nakilala niya si Rosie na dating isang DSWD. Lumipat ng trabaho sa Sauna Parlor nang makilala si Gina, isang babaeng nagbebenta ng laman, para tulungan niya bilang DSWD. Pero nalaman niya na ito pala ay hindi na nangangailangan pa ng tulong sapagkat nakatira ito sa isang magandang apartment, may kotse at mapera kaya doon niya napag-isip-isip na ang tutulungan ang hindi nangangailangan ng tulong kundi siya, na gustong tumulong sa isang mayaman na. Inimbitahan siya ni Fe na doon

na lang sa kanyang bahay manuluyan dahil malungkot daw ang nag-iisa ngunit tinanggihan iyon ni Ned pagkat sa tingin niya ay hindi na sila ang dating magkaibigan. Kabanata 31 Dinala siya ni Reggie sa bagong bahay nito at hinihingi ang kanyang opinyon. Wala pa itong mga gamit, tanging bahay pa lang talaga na walang laman. Bigla siya nitong inalok na magpakasal kaya inaya niya na ihatid na lang siya nito sa kanyang opisina bilang pagtanggi o pag-iwas sa tanong nito. Kinausap naman siya ni Dick nang makarating sa opisina. Sinabi nitong may anak na daw si Reggie at ito pala ay sa asawa niyang si Evie. Kabanata 32 Kinompronta ni Ned si Reggie tungkol kay Evie. Dito niya na laman ang lahatlahat ng katotohanan sa relasyon nila ni Dick. Bakla daw pala si Dick at alam ito ni Evie kaya nagseselos ito sa kanya nang pansamantalang pinatuloy ni Dick si Reggie sa kanilang bahay. Ginamit naman siya ni Evie, nilasing at saka pinagsamantalahan. Nalaman iyon ni Dick kaya bigla itong umiyak at saka sinabing okey lang daw iyon basta siya daw lamang ang pipiliin ni Reggie sa halip na si Evie pero tinanggihan niya iyon dahil hinding-hindi daw siya papatol sa bakla. Kabanata 33 Inimbitahan siya ni Butch Serrano sa Tanay sa kagustuhang Makita siya ni Chito Vergara. Nang magkaharap ay inalok siya nitong maging editor ng bagong magasin kapalit ng paluging magasing KONTAK. Siya pala ay inirekomenda ni Reggie sabi nito. Sa huli, tinanggihan niya ito pati na din ang alok na doon na muna siya magpalipas ng gabi. Kabanata 34 Nagsara na ang kumpanya nila. Sa bahay lang si Ned at inisip lahat ng mapagpipilian niyang mga daan para mabuhay. Nandyan si Fe, si Reggie na nag-aalok ng kasal sa kanya at naghihintay ang bagong bahay nito, ang trabaho ni Tetta Marquez, si Andrew Cheng na gusto siyang bilhin at ang alok na trabaho ni Mr. Vergara. Naalala niya din si Bobet na hindi niya na alam kung ano na ang nangyari dito. Maya-maya ay may narinig na naman siyang ungol mula sa kabilang kuwarto. Naalala niya na magpinsang babae ang lumipat dito matapos mapalayas si Estela. Muli ay hindi niya inaasahang makikita niyang hubad ang dalawang ito na nasa kama kahit ito pa ay babae sa babae at naisip niya na sino kaya ang lalaki sa kanila.

Kabanata 35 Dinala siya ulit ni Reggie sa bahay nito. Kumpleto na ang bahay, maayos na at ayon kay Reggie ay ipinaayos niya ito sa isang Interior Designer batay sa personalidad ni Ned. Muli ay niyaya siya nitong magpakasal na sinagot naman ni Ned sa pamamagitan ng pagtango nito. Kabanata 36 Pumunta sila sa lugar ng tiyuhin ni Reggie upang doon magpakasal. Ang tiyuhin niyang iyon ay inilakad niya para maging hukom noon. Linggo nang araw na iyon kaya wala ang kanyang tiyuhin, nasa sabungan kaya napagdesisyunang bukas na lang ipagpatuloy. Laking gulat ni Ned nang sabihin ni Reggie na patay na si Dick, nagpakabigti raw ito. Gabi na nang ayain siya ni Reggie na matulog magkatabi tutal naman daw ay magiging mag-asawa na din sila bukas. Nang gabi ding iyon ay ang unang pagkakataon na nawala ang pagkavirgin ni Ned at sa huli ay doon niya napagisip-isip na hindi niya pala talaga ito gusto. Hindi siya dapat naroon kaya nagpaalam siya kay Reggie na huwag nang ituloy ang kasal at siya ay uuwi na sa kanyang bahay.

Kabanata 37 Inalam ni Ned mula kay Edison ang buong pangyayari kung paano natuklasang patay na ang kanilang editor. Bibisitahin lang daw nila dapat ito nang mapansing walang sumasagot sa pagtatawag nila mula sa gate. Nakita nila sa maliit na bintana ng kusina ang nakasabit na katawan ni Dick. Pagpasok ay napansin din nila ang malaking pagkukulang dahil wala roon ang sangkaterbang alagang pusa ni Dick. Marahil ay lumayas na dahil wala nang nagpapakain. Kabanata 38 Umuulan noon at nagbabalak dapat na umalis si Ned para ipasa ang isinulat na artikulo sa opisina na pinapasukan ni Edison. Tinulungan siya nitong makakita man lang ng sapat na pera para sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay saktong dumating si Bobet. Wala itong pasok dahil sa bagyo kaya inalok siyang samahan siya nito sa pupuntahan niya. Doon niya naisip na hindi tulad ni ReggieYumang at Dick Almeda, si Bobet ay totoo at walang halong lihim na pagnanasa. Si Bobet na dumadating sa oras ng talagang nangangailangan siya at sa tuwing naulan pa, handang

tumulong nang hindi naghahanap ng kahit anong kapalit, at palaging bukal sa loob ang intensyon ay hinding-hindi niya nanaising magbago ito.

You might also like