You are on page 1of 5

BUOD NG KATHA

Noong 17, 1917, araw ng Sabado, sa palasyo ng Malacanang ay nagkaroon ng isangmalaking


pagdiriwang bilang pagtanggap sa bumubuo ng lehislatura. Ito ay dinaluhan ng mgapanauhin mula sa
matataas na antas ng lipunan. Kabilang sa mga panauhing pinakatampok sakagandahan sa gabing iyon si
Nenita. Kasama niya ang kanyang asawa na isang mayaman attanyag na mangangalakal, si Mang
Bandino. Habang siya’y tahimik, nagpatuloy sa pag-aaliw angkanyang kabiyak na tuwang-tuwa sa
pakikipagsayaw sa iba’t ibang babae. Niyaya siya niPakitong sumayaw at ito’y kaniyang pinaunlakan. Si
Pakito ay ang binatang abogado na datingkasintahan ni Nenita na magpahanggang ngayon ay taos-puso
pa ring umiibig sa kanya. Dahil sakapaguran sa pagsasayaw, nagpasya ang dalawa na magpahinga nang
sila ay makapag-usap. Sakanilang salitaan, may mga tinuran si Nenita na nakatawag ng loob ni Pakito.
Mukhang maydinaramdam ang kanyang sinta sa asawa nito. Muli silang sumayaw at ipinagpatuloy ang
kanilangsalitaan.
Nanariwa ang pag-ibig na napaham ng panahon sa pagitan nilang dalawa. Pagkatapos ngisang tugtog
ay nagpasya ang dalawa na tumigil na ngunit nangakong ang muli nilang pagkikitaay hindi nagtatapos sa
piging na iyon at nagkasundong magkikita sa darating na Sabado. Sapagsapit ng madaling-araw,
nagpaalam na ang mga panauhin, ang mag-asawang Deala gayundinsi Pakito na nagkasabay sa kanilang
pag-alis. Araw ng Linggo, nagising si Nenita na wala ang kanyang asawa sa kanyang tabi.Gayunpama’y
batid na niya na sa abala na naman ito sa pag-aaliw. Habang nasa harap ng salamin,nakikita niya ang
sarili na hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagandahan na lubos nakinahuhumalingan ng maraming
lalaki lalo na ng siya ay dalaga pa lamang. Wala na siyang ibangdinidili kung hindi si Pakito. Sa muli
nilang pagkikita ni Pakito, hindi na niya pinagpapansin angpag-aaliw ng asawa.
Muling binalikan ni Nenita ang matamis nilang simula ni Pakito at ang pagdating ng araw ng hapis sa
kanilang pag-ibig na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.Hanggang sa pinag-aaralan niyang limutin si
Pakito at nakilala si Bandino na naging kanyangkabiyak. Nang malaon, ay nalaman ni Pakito ang
kanyang pagpapakasal at ito’y lubos nananibugho sa pag-aakalang iniwan siya ni Nenita dahil sa
kaniyang pagiging maralita. Sakalauna’y nalaman ni Nenita na mali ang kanyang hinala kay Pakito na
may ugnayan ito kayLiling. Magkagayunpama’y naisip niyang kanya ng muli si Pakito. Tinawagan niya
ito at sinabingtuloy ang kanilang pagkikita sa araw ng Sabado. Samantala, nahihiwagaan naman si Pakito
kung ano ang sasabihin sa kaniya ni Nenita.Naisip niyang itigil na ang muling pakikipag-ugnayan sa
dating katipan ngunit naramdamanniyang muli ang pagtibok ng kaniyang puso para sa babaeng may
asawa na. Nagtungo si Pakito sa klub kung saan ngkakaingay ang kaniyang mga kasama. Ang klubay
itinayo ng mga maykaya at titulo sa lipunan na kung saan ito ay may sari-sariling libangan.Kasama ang
matalik na Peralta at Collantes, pinag-usapan nila ang tungkol sa pag-iibigan ng may-asawang lalaki.
Sinabi ni Peralta na ito ay imoral at labag sa batas ng lipunan.
Samantalang ayon naman kay Peralta, ang hindi pagtanggap sa babaeng nag-aalay ng ligaya bagaman
ito ay mayasawa na ay karuwagan at insulto sa pagkalalaki. Matapos ang makakatuwirang palitan ng
mgapahayag, nagkabiruan ang magkakaibigan maliban kay Pakito na naiwang tahimik na iniisip angmga
narinig sa salitaan. Isang umaga, napadaan sa tapat ng bahay ng mga Deala si Don Diego. Inanyayahan
siyang mag-asawang Deala sa kanilang tahanan at nagalak ang matanda sapagkat nakita
niyangmagkasama ang mag-asawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Don Diego ang pag-aaliw at pagtataksilni
Mang Bandino, kaya nama’y lubos siyang naawa sa asawa nito na lagi niyang nakikitangmalungkot.
Samantala, isang araw ay nagtungo so Mang Bandino sa tahanan ni Don Diego.Ikinuwento niya rito ang
kanyang mga karanasan sa pang-aaliw at katulad ng dati, nagkukuro angmatanda tungkol sa kaniyang
mga maling gawain. Sinabi nito na kung si Nenita ang nagkaroongibang lalaki, marahil ay hindi rin niya
ito matatnggap. Naisip ni Mang Bandino na hindi niya iyonmatatanggap at baka makapatay pa siya.
Ngunit hindi siya nag-aalala sapagkat uliran at mabaitang kaniyang asawa. Kinaumagahan ay
ipinagmalaki pa ni Mang Bandino ang kanyang tagumpayna mapasagot ang isang babaeng matagal na
niyang kinahuhumalingan. Walang nasabi angmatanda at awang-awa kay Nenita. Araw na ng Sabado, sa
paligid ng Luneta ay maraming magagarang babae at sasakyan ngmga kalalakihan. Ang lugar na ito ay
naging aliwan na ng mga tinatawag na hari. Dito rinmagtatagpo sina Nenita at Pakito. Sa kanilang
pagtitipan ay namayani ang simbuyo ng pag-ibig.Muling nanariwa kay Pakito ang kanilang matamis na
yaman ng kahapon ngunit ipinaalaala ni Nenita ang kanilang kalagayan.
Gayunpaman ipinilit pa rin ni Pakito na ibalik ang dati nilangpag-ibig na madali namang sinang-
ayunan ni Nenita. Napagdesisyunan ng dalawa namananatiling isang lihim ang kanilang pagtatalik
habang buhay. Ito ang gabi ng pagsisimula ngkanilang pagtataksil. Samantala, nag-iisip ng malalim si
Don Diego tungkol sa babaeng kaibayo niya sa tabing-dagat na malapit sa may Luneta kasama ang
abogadong Herbosa. Natanto niya na iyo’y walangiba kung hindi si Nenita, ang asawa ng matalik niyang
kaibigang Bandino. Nangilabot siya samaaaring sapitin ni Nenita kapag nalaman ni Mang Bandino ang
kaniyang pagtataksil. Naisipniyang ito ay paraan marahil ni Nenita upang makilala ng asawa ang
ginagawa nitong kasalanan.Ngunit nanghihinayang siya sapagkat ang inakala niyang sampaguitang
pinakatampok ay isang sampaguitang walang bango. Siya ay nagalit sa mga magagarang may-asawang
babae at tinuringang mga itong sampaguitang walang bango dahil sa nasaksihan niyang pagtataksil ni
Nenita. Nakatanggap ng isang liham si Pakito mula kay Pilar Amado o Liling na ikinapawi ngtuwa’t
sayang kanyang nararamdaman. Ang babaeng ito ay kanyang katipan mula ng siya ayitinakwil ni Nenita.
Sinagot niya ang liham at isinulat niya na hindi niya nababatid ang mensaheng liham, gayunpama’y
humihingi siya ng paumanhin sa dalaga. Samantala, tinawagan niya siNenita upang tanungin kung ito ay
tutungo sa handaan ni Esteban at sinabi rito na huwag ngtutungo sa umano’y pagdiriwang sapagkat
maaaring mabunyag ang kanilang lihim. Ngunit ang totoo ay makikipagtipan siya kay Liling sa mismong
handaan. Sa araw ng piging sa bahay ni Esteban Collantes na para sa binyag ng pamangkin nito,naroon si
Liling at dumating din si Nenita sa kabila ng pagtutol ni Pakito.
Nang magtagpo angdalawang babae, masaya silang nagbatian at nagyakapan. Naroon rin si Don Diego
na lihim nanagmamasid sa mga babaeng naroroon at tinuran sa sariling wala na talagang dalagang
Filipina.Hanggang sa nasilayan niya si Liling at pinabulaanan nito ang kanyang dinidili tungkol sa
babae.Bukod sa kanya, napansin din ng mga kasamahan ni Pakito ang kahinhinan ni Liling na higit
saibang babaeng naroroon,kaya naman ninais nilang ito’y makilala sa pamamagitan ni Pakito nakakilala
ni Liling. Siya ay nagalit sa mga magagarang may-asawang babae at tinuringang mga itong sampaguitang
walang bango dahil sa nasaksihan niyang pagtataksil ni Nenita.Nakatanggap ng isang liham si Pakito
mula kay Pilar Amado o Liling na ikinapawi ngtuwa’t sayang kanyang nararamdaman. Ang babaeng ito
ay kanyang katipan mula ng siya ayitinakwil ni Nenita. Sinagot niya ang liham at isinulat niya na hindi
niya nababatid ang mensaheng liham, gayunpama’y humihingi siya ng paumanhin sa dalaga. Samantala,
tinawagan niya siNenita upang tanungin kung ito ay tutungo sa handaan ni Esteban at sinabi rito na
huwag ngtutungo sa umano’y pagdiriwang sapagkat maaaring mabunyag ang kanilang lihim. Ngunit
angtotoo ay makikipagtipan siya kay Liling sa mismong handaan.Sa araw ng piging sa bahay ni Esteban
Collantes na para sa binyag ng pamangkin nito,naroon si Liling at dumating din si Nenita sa kabila ng
pagtutol ni Pakito.
Nang magtagpo angdalawang babae, masaya silang nagbatian at nagyakapan. Naroon rin si Don Diego
na lihim nanagmamasid sa mga babaeng naroroon at tinuran sa sariling wala na talagang dalagang
Filipina.Hanggang sa nasilayan niya si Liling at pinabulaanan nito ang kanyang dinidili tungkol sa
babae.Bukod sa kanya, napansin din ng mga kasamahan ni Pakito ang kahinhinan ni Liling na higit
saibang babaeng naroroon,kaya naman ninais nilang ito’y makilala sa pamamagitan ni Pakito nakakilala
ni Liling.
Samantala, nakipagsayaw naman si Nenita sa maraming kalalakihan ngunit hindi pa rinsiya nilalapitan
ni Pakito na tahimik sa isang sulok. Nang tangka niya itong lapitan, siya namangpaglapit dito ng isang
babae at nagtungo ito sa komedor na agad niyang sinundan. Doo’y kayaitong inusisa at tila nagulat si
Pakito sapagkat akala niya ay si Liling ang kakausapin niya. Dahilsa pangambang maabutan sila ni Liling
sa gayong sitwasyon, itinaboy niya si Nenita na lubosnaman nitong ikinagalit. Sa pagbalik ni Pakito sa
kasiyahan, narinig niya ang mga paghanga at papuri kay Liling. Isinayaw niya nag dalaga na ikinainis lalo
ni Nenita. Nang sila’y pauwi na,sinabi ni Nenita kay Pakito na siya’y ihatid na may kagaspangan sa
pagsasalita, dahilan paramapansin ito ni Peralta. Dahil sa inasal ni Nenita nabatid ni Peralta ang lihim nila
Pakito. Dahil hindi nakapag-usap sina pakito at liling sa piging ni Collantes, nagtungo siya satahanan ng
dalaga. Sa kanilang pag-uusap ay tinuran ng dalaga ang pagbabago sa pakikitungo sakaniya ng katipan na
naging dahilan ng pagkakaroon ng mga agam-agam at pag-aalinlangan sakatapatan nito. Upang mapawi
ang mga pag-aaalinlangan ng dalaga, hinamon siya ni Pakito namagpakasal silang dalawa. Ikinabigla
naman ito ni Liling.
Nagdalawang-isip siya at nagpasiyanghuwag tanggapin ang hinihiling ng katipan sapagkat ayaw
niyang magkaroon ng maling desisyon na pagsisisihan niya sa huli. Lubos itong ikinalungkot ni Pakito at
nagpaalam ito na wasak angpuso. Ngunit ang pagtanggi ni Liling ay paraan lamang niya upang subukin at
sukatin ang lalimng pag-ibig sa kanya ng binata. Dahil sa lumbay na nararamdaman ni Pakito, nagtungo
siya sa Luneta at nadatnan niya siNenita at ang anak nito. Matapos, libangin ng alilang si Salud ang anak
ni Nenita, nag-usap sinaNenita at Pakito. Inusisa si Pakito ni Nenita kung bakit galit na galit ito sa kaniya
nang hindi niyaito sundin na huwag magtungo sa piging. Hindi siya tinugon ni Pakito hanggang sa
nagbadya nagpagbuhos ng ulan. Nang wala ng mga tao sa paligid, hinila ni Pakito si Nenita patungo
sakaniyang oto hanggang tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Samantala, nagtungo ang
magkaibigang Mang Bandino at Lijuicom sa Silver Pollar. Doonsila ay nag-inuman at buong
pagmamalaking ikinuwento ni Mang Bandino ang kaniyangtagumpay sa pagsulot sa lahat ng babaeng
may asawa na ay nahuhumaling pa sa kaniya.Pagkatapos niyon ay nagtungo sila sa bahay-sayawan sa San
Juan kung saan naroon rin ang ilangkaibigan ni Pakito tulad ni Peralta. Habang nagsasayaw ang
magkaibigang lasing na sa alak, napansin ni Peralta si Mang Bandino na asawa ni Nenita. Dahil sa
nabatid niyang lihim ninaPakito at Nenita, naawa siya sa mayamang mangangalakal. Ngunit sa
nasaksihan niyang pag-aaliw nito, nasabi niyang may katwiran ang ginagawang pagtataksil ni Nenita.
Naguguluhan si Pakito sa kaniyang nararamdaman para kay Nenita at Liling kung kaya’tikinuwento niya
ang tungkol dito sa matalik niyang kaibigang si Peralta. Sinabi nito sa kanya naang nararamdaman niya
para kay Liling ay pag-ibig at tukso lamang ng kaniyang pagkalalaki aykay Nenita. Gayunpama’y
pinayuhan din siya ni Peralta na magpakaligaya muna sa pagigingbinata at pag-isipang mabuti ang pag-
aasawa. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagtungo siyasa bahay nina Liling. Sinabi niya rito na
hindi pa tamang panahon para sila’y magpakasal. Kayanaman naisip ni Pakito na habang wala pa siyang
asawa ay magpapakaligaya muna siya kayNenita. Pagkatapos niyo’y tinawagan niya si Nenita subalit ang
alilang si Salud ang nakasagot ngtawag.
Nalaman ni Nenita na batid na nito ang kanilang lihim ni Pakito kaya naman lubos siyangnag-alala.
Binayaran niya ito at binigyan ng ilang damit at nangako naman ito na mananahimik.Nang nagkausap na
sila ni Pakito, nanaig ang kanilang di mapigilang damdamin na kahit sa linyang telepono ay nagawang
mgapalitan ng maiingay na halik. Hanggang sa dumating si Bandino na walang kamalay-malay sa
pagkakatuwa ng kaniyang asawa. Dalawang buwan na ang lihim na pagtataksil nina Pakito at Nenita.
Naging madalas angkanilang pagtatalik na kahit sa pamamahay ni Mang Bandino ay naging ganapan na
ng kanilangpagsasarili. Akala ng dalawa’y sina Salud at Peralta lamang ang nakaaalam ng
kanilangmakasalanag lihim ngunit nababatid din ito ng kaibigan ni Mang Bandino na si Don
Diego.Bukod pa rito, nalaman din nitong pinagnanakawan ang kaniyang kaibigan. Samantala, isang gabi,
nang nasa loob ng kwarto nina Mang Bandino at Nenita si Pakito,ninais nitong doon din mapalipas ng
gabi. Ngunit hindi pumayag si Nenita hanggang biglang dumating si Mang Bandino. Mabuti na lamang
ay naging alerto si Salud. Sila’y nasabihan atnkapagtago si Pakito samantalang namumutla naman si
Nenita. Nagkaroon ng prusisyong bayan para sa pagsisimula ng karnabal. Napakaraming tao nahalos
karamiha’y magagandang babae. Isa na rito si Nenita na nakasakay sa isang magarang karo.Nginitian nito
sina Peralta at Pakito.
Samantala pagkatapos ng prusisyon ay nagtungo ang magkaibigan sa tinatawag na Jardinde las
Palmas. Sa loob nito ay may mga pribadong silid at agad naisip ni Pakito si Nenita.Tinawagan niya ito at
nagkasundong magtatagpo sa koronasyon. Dahil sa kapal ng tao, nahirapansi Pakito na hanapin ang
katipan. Nang sila’y nagkatagpo, sandali silang sumayaw at pagkataposniyo’y dinala na ni Pakito si
Nenita sa Jardin de las Palmas. Sa pagpasok ni nenita, nakita niya siLijuicom. Siya’y nahintakutan ngunit
ito’y pinawi ni Pakito. Sa loob ng pribadong sili na LeSonaire, naganap ang muli nilang pagsasarili.
Pagkatapos niyon ay bumalik na sila sa sayawan. Doo’y nakita ni Nenita ang kanyang asawa na nag-aaliw
pa rin ngunit ng makita niyang muli siLijuicom, matatalim ang tingin nito sa kaniya. Hanggang sa ika-7
araw ng karnabal, ang pagsasarili nina Pakito at Nenita ay mulingnaganap sa Jardin de las Palmas. Ngunit
ang hindi nila alam, lihim silang sinusundan ni Lijuicom.Sa kaniyang nalaman, lubos siyang nanibugho
para sa kaibigan.
Noong una ay ayaw pa niya itongsabihin ngunit kalauna’y hindi na niya ito natiis. Ibinunyag niya ang
lahat sa kaibigan. Sobranggalit ang nakita niya kay Mang Bandino lalo na ng makita niya ito ng harapan.
Sinabi nitongmakapapatay siya ngunit pinaliwanagan niya ito na nakinig naman sa kaniya. Hindi umuwi
ngbahay si Mang Bandino. Tanghali na ng umuwi si Mang Bandino sa kaniyang tahanan. Nadatnan
niyang natutulogang kaniyang asawa at anak. Nang magising si Nenita inusisa niya ang asawa ngunit sa
galit ni Mang Bandino isinigaw niya ang buong pangalan ni Nenita na Ana Maria Del
Prado.Naramdaman ni Nenita na tunay na nagagalit ang kaniyang asawa. Sinabi sa kaniya ni
MangBandino ang lahat ng kaniyang nasaksihan. Nagulantang naman si Nenita sa pagkakabunyag
ngkanilang lihim ni Pakito. Naisip ni Mang Bandino na maaaring ito ay kabayaran sa lahat ngkasalanang
ginawa niya sa asawa niya. Naranasan na rin niya kung paano pagsukaban ng asawa.Nagtungo siya sa
bahay ni Don Diego upang ihinga ang lahat ng kanyang sama ng loob.
Sa paglalahad niya sa matanda. Pinayuhan siya nito na walang magagawang mabuti ang
paghihigantisapagkat ito ay maaaring lalo pang ikalugmok niya sa kahihiyan at kapahamakan. Kumalat
na ang balita tungkol sa pagtataksil ni Nenita. Marami ang nasuklam sa kaniya atnaawa sa kaniyang
asawa. Samantalang tagumpay naman ito ni Pakito para sa kanyang mgakasamahan sa klub. Ngunit hindi
ito naging lingid sa kaalaman ni Liling. Sinulatan niya si Pakitoat sinabing tapos na ang lahat sa kanilang
dalawa. Dahil dito, nanlumo si Pakito at sinisi si Nenita. Naging malungkot ang bahay ng mga Deala at
ilang araw na ring di lumalabas si MangBandino. Lubha siyang nanibugho sa galit kay Nenita kaya’t
pinasunog niya ang lahat ng larawannito. Naisip niyang maghiganti ngunit ito’y hindi makabubuti. Naisip
din niyang magpakamatayngunit magiging kaawa-awa lamang ang kaniyang anak. Kinaumagahan ay
nagpahanda siya ngmasarap na almusal at nanaog sa likod-bahay. Nakita siya ni Nenita at inutusan ang
anak nalapitan ito. Samantala, binunot ni Mang Bandino ang kaniyang baril at tinangkang paputukin
nangbiglang tawagin siya ng kaniyang anak at sa lupa niya ito ipinutok. Mag-iisang buwan na ng naging
ulila sa asawa’t anak si Nenita. Mula ng nagpaputok ngrebolber si Mang Bandino, nilisan na nito ang
kanilang tahanan kasama ang kanilang anak atkailanman ay din a bumalik. Lubos siyang nalungkot at
nagdadalamhati. Natanto na ito marahilang parusang dulot ng kaniyang pagtataksil. Ang pagkawalay sa
ank ang pinakamabigat na parusa. Huli na rin para sa kaniya ang pagsisisi sapagkat wala na ang kaniyang
puri at dangal.Naisip niyang kitilin ang sariling buhay ngunit pinipigil siya ng pagmamahal sa anak.
Sinisisi niyaang kaniyang sarili sa pagkakalihis ng kaniyang landas. Nagkatipon muli sa klub sa Pasay
ang mga kasamahan ni Pakito. Doo’y pinag-usapan nilaang pagtataksil ni Nenita sa asawa. sa pagdating
ni Peralta, isinalaysay niya ang lahat ngnalalaman tungkol kay Pakito at Nenita. Sa huli, sinisi nilang lahat
si Nenita sa pagkakalugmokng asawa nito sa kahihiyan, sa pag-alis ni Pakito sa Maynila patungo sa
malayong probinsya,pagkakasakit ni Liling at ang pagkaudlot ng kasal nina Pakito at Liling. Sa
pagwawakas, naiwan si Nenitang lugmok sa kahihiyan at kalungkutan. Mistulang baliwna ang dating
pinakatampok na babae sa Maynila dahil sa pagdadalamhati sa pagkakalayo saanak. Si Pakito,
naninibugho ang puso sa muling pagkabigo sa pag-ibig dahil sa tukso ng datingkatipan. Nilisan niya ang
Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Si Mang Bandino namanay tuluyan ng nilisan ang Maynila
kasama ang kaniyang bugtong na anak na nangungulila sapagkalinga ng ina.

You might also like