You are on page 1of 9

INDIVIDUAL WORKSHEET(to be submitted)

MF 15 – MAIKLING KUWENTO AT NOBELA

( FINALS) Week 17-18

Pangalan : KYLA MAY T. ANDRADE

Pagsagawa ng pagsusuri ng isang nobela. Sundin ang mga gabay at balangkas ng pagsusuri.

I. Introduksyon

Ipinanganak si Inigo Ed Regalado noong Marso 19, 1888 sa Sampalok,Manila. Siya ay anak
nina Iñigo Regalado y Corcueca at Saturnina Reyes. Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang kanyang
mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang gantimpala sa
Timpalak Komonwelt noong 1941. Nag-aral si Inigo Ed. Regalado sa Escuela Muncipal de Sampaloc, at
nakuha niya ang kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining sa Liceo de
Manila, at ang kanyang Bachiller en Leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng
Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa pagpipinta, at naging kaklase
niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino. Hindi lamang siya makata, isa rin siyang
kwentista, nobelista at peryodista. Ang kanyang nobelang Sampaguitang Walang Bango ay nasulat sa
panahong Ginto ng nobelang Tagalog.
Ang Maynila ang sentrong lunan ng mga mahahalagang pangyayari sa nobelang ito.
Sinasalamin nito ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga mamamayang nabibilang sa lipunan. Ito ang
sentro ng kayamanan kung saan nagkalat ang mga tituladong tao at mayayamang mangangalakal na
nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Mulat ang Maynila sa pagyabong ng makabagong
kabihasnan. At ang kapalit nito’y ang pagbabago sa lipunang dati’y punong-puno ng pagpupuri.
Sinasaklaw ng nobela ang pagbabago ng Maynila at ang pagbabago ng mga tao sa isang lipunan. Ang
Maynila, magandang siyudad ng Pilipinas ay may ikinukubling kabulukan. Ang mga babaeng animo’y
malilinis at mararangal ay may itinatagong kabulaanan.
Nakatuon ang nobela sa paglalaho ng puri at katwiran ng isang tao. Ang mga pangyayari sa nobela ay
umiikot sa panloloko, pagtataksil, eskandalo at pighati. Binigyang buhay dito ang mga karakter ng
mga pangunahing tauhan na sina Pakito, Bandino at Nenita. Umiinog ang nobela sa mga masaya at
maningning ngunit maingay at masalimuot na buhay ng mga karakter. Bawat isa ay mayroong mga
mahahalagang papel na ginagampanan na nagpapakita ng tunay na karanasan.
Ang nobelang ito ay nakatuon sa pagtataksil ng isang babaeng tinitingala sa mataas na antas ng
lipunan. Sa kabila ng kagandahang pinagkakaguluhan ng maraming kalalakihan, ay may nakatagong
kahalayan. Ang pagkasira ng buhay ng isang tao, pagkawasak ng isang iniingatang pangalan at
pagkawala ng mga taong pinag-uukulan ng pag-ibig ay binigyang-diin sa nobela.
Inihahayag ng nobelang ito ang mga tunay na mga karanasan at pangyayari na naghahatid ng mga
mensaheng makapupukaw sa kamalayan ng isang mambabasa. Inilalahad nito ang katuturan ng
pamagat na Sampaguitang Walang Bango.

II. Mahahalagang talasalitaang dapat maunawaan


● Lehislatura – lehislatura o tagapagpabatas ay parte ng sistemang pampamahalaan na may
kapangyarihang bumuo at baguhin ang batas.
● Taos sa puso - Bukas sa iyong kalooban
● Tabing dagat - isang parte ng dagat na kung saan ay mabato at minsan naman ay maraming
malinis na buhangin at pwedeng mag picnic doon yung ang ibig sabihin ng tabing dagat para
saakin salamat
III. Pagsusuri ng mga mahalagang tauhan

Nenita
Siya ay may buong pangalan na Ana Maria del Prado Deala. Siya ang masunuring asaw ni Don
Bandino na kakatawan sa salungatang pagtitimpi, pagmamahal at pagtataksil. Siya ay mulat at laki sa
ginhawa at walang bigong kilos na di ambil ng kariwasaan.
Si Nenita ay isa sa mga pinakatampok na babae sa mataas na antas ng lipunan. Hindi lamang
dahil siya ay napakaganda ngunit siya rin ang tunay na asawa ng isa sa mga tinitingalang mayamang
mangangalakal. Ngunit gaano man siya kaganda, nagagawa pa rin ng kanyang asawa na pagtaksilan
siya at hindi iyon lingid sa kaniya. Sa halip na magalit at manibugho sa asawa, pinapabayaan na
lamang niya ito kung saan ito maligaya.
Sa isang piging sa palasyo ng Malacanang na dinaluhan niya at ng kaniyang asawa, muling
nagtagpo ang landas ni Nenita at ng kanyang dating kasintahan na si Pakito. Nagsayaw sila at nag-
usap tungkol sa kanilang buhay matapos ang maraming taon. Sa muli nilang pagkikita, nanumbalik
ang pag-ibig ni Nenita kay Pakito. Hindi ito mawaglit sa kaniyang isip at lagi niya itong naaalala. Kaya’t
ng muli silang magkita sa Luneta, hindi na napigilan ni Nenita ang kanyang sarili at muli siyang
nagpatianod sa kasayahang dulot ng pag-ibig ni Pakito. Naging madalas ang kaniyang pakikipag-usap
sa binata sa linya ng telepono at lagi rin silang nagtatagpo sa Luneta para bigyang-daan ang kanilang
pagsasarili. Nanatiling lihim sa loob ng ilang buwan ang ginagawang pagtataksil ni Nenita sa asawa.
Nang magbukas ang karnabal, nagkaroon siya ng maraming pagkakataon para makipag-ulayaw sa
dating katipan.
Ngunit ng mabunyag ang lihim nila, at nabatid ng kanyang asawa at ng mga tao sa mataas na
antas ng lipunan, siya ang naging pinakakaawa-awa sa mga nangyari. Sinisi niya ng lubos ang
kaniyang sarili sapagkat naging makasarili siya sapagkat mas pinili niyang pagtaksilan ang kaniyang
asawa kaya nasira ang kaniyang pamilya. Bukod pa sa mga panlalait ng mga tao sa paligid, sa
kahihiyang dulot ng kaniyang pagtataksil, ang pagkawala ng anak niya sa tabi niya ay ang
pinakamabigat na parusa.
Si Ana Maria del Prado o kilala sa tawag na Nenita ang sumasalamin sa pamagat na
Sampaguitang Walang Bango.

Mang Bandino
Siya ay isang mayamang mangangalakal sa Maynila at isa sa mga tinitingala sa larangan ng
pagnenegosyo. Siya rin ang asawa ni Nenita na maglalantad na di-mapigil na pagyurak sa dangal ng
babae
Napakahilig niya na mag-aliw sa kung saan-saang bahay- aliwan. Hindi niya inaalala ang
iisipin ng kaniyang asawa sapagkat naniniwala siyang uliran ito at naiintindihan nito ang kanyang
mga pangangailangan bilang lalaki. Marami siyang pagkukulang sa asawa sa aspektong pang
emosyunal ngunit hindi nagkukulang sa kasaganahan sa buhay. Ipinagmamalaki rin niya ang
kaniyang mga ginawang panunulot at pakikipag-relasyon sa mga may asawang babae na nababaliw sa
kaniya. Madalas man siyang payuhan ng kaniyang kaibigang matanda hinggil sa kaniyang mga pag-
aaliw, hindi niya ito alintana.
Hanggang isang araw, ibinunyag sa kaniya ng kaibigang si Lijuicom ang pagtataksil ng
kaniyang asawang si Nenita. Hindi niya ito matanggap at binalak na patayin ang asawa ngunit
napigilan siya ng kaibigan. Dahil sa paninibugho niya sa ginawa ng asawa, ninais na niyang kitilin ang
kaniyang buhay. Ngunit napigilan siya ng anak na si Neli. Sa kahihiyang dulot ng pagtataksil ng
kaniyang asawa, umalis siya sa bayang nagbigay sa kanya ng masalimuot na karanasan kasama ang
anak.iniwan niya ang kaniyang asawang si Nenita upang ito’y pasakitan sa pamamagitan ng paglayo
ng anak nito sa kaniya. Sinisi rin niya ang kanyang sarili sapagkat ang pagtataksil marahil ng
kaniyang asawa ang kabayaran sa kaniyang mga kasalanang ginawa.
Sa Baguio ay nagtungo sina Bandino at Neli upang magsimula ng bagong buhay na hindi kasama si
Nenita
Siya ay kilala rin bilang si Don Bernardino Deala.

Pakito
Siya si Francisco Herbosa, isang abogadong unti-unti ng nagkakaroon ng pangalan sa mataas
na antas ng lipunan. Siya ay sanay sa hirap ng buhay at nagsumikap upang maging abogado.
Siya ang dating kasintahan ni Nenita. Ngunit natapos ang kanilang pag-ibig ng magpakasal si
Nenita sa isang mayamang mangangalakal. Lubos siyang nanibugho sa ginawang pagtalikod ng dalaga
kaya naman pinangako niya sa sarili na magsisikap siya upang maging isang tanyag na abogado at
makilala sa mataas na antas ng lipunan. Nang maabot na niya ang kanyang pangarap at naging
mahusay na abogado, madalas na siyang inimbitahan sa mga piging at sayawan na dinadaluhan
lamang ng mga titulado. Muli siyang umibig sa katauhan ni Liling o Pilar. Pareho angkanilang
katayuan sa buhay at naging napakabait at napakatapat sa kanya ng dalaga. Hanggang isang
araw,nagkatagpo sila ng kaniyang dating katipan, si Nenita. May galit man siyang nararamdaman dito
dahil sa pagtalikod nito sa kaniya, mas nanaig sa kanya ang pagmamahal niya sa unang babaeng
minahal. Naging mapusok siya nang muling nasilayan ang kagandahan ng dating katipan. Hiningi
niyang muli ang kamay nito upang maging sila ulit kahit may asawa na si Nenita. Para kay Pakito,
kaniya ng muli si Nenita. Siya naman ay nagtagumpay sapagkat napapayag niya si Nenita. Mula noo’y
madalas na silang nagtatagpo hanggang sa muli ng nakuha ni Pakito ang kabuuan ni Nenita.
Sa pagkahumaling naman niya kay Nenita, nawalan siya ng panahon sa kasintahang si Liling.
Nang pinadalhan siya ng liham nito ay agad siyang nagtungo sa tahanan nito. Niyaya niys itong
magpakasal para mawala ang mga pagdududa nito sa kaniya. Ngunit tinanggihan siya nito at siya’y
nanibugho. Sa kabila nito’y ipinagpatuloy niya ang pakikipag-ulayaw kay Nenita.
Nang dumating ang araw na nabunyag ang lihim nila ni Nenita, nanibugho si Liling at tuluyan
na siyang hiniwalayan. Dahil dito, sinisisi niya si Nenita. Umalis siya sa bayan ng Maynila upang
takasan ang kahihiyan at kalungkutan. Sa ibang bayan siya nagtungo, malayo sa kabihasnan upang
magsimula ng panibagong buhay.

Liling
Siya si Pilar Amado. Siya ay kababata ni Pakito na tulad ng lalaki ay lumaki rin sa karalitaan.
Nang magkahiwalay sina Pakito at si Nenita, siya ang naging takbuhan ni Pakito. Hanggang sa sila ay
naging magkasintahan. Itinuturing siya ni Pakito na balang araw ay magigng mutya ng kaniyang
tahanang matahimik at magiging susi ng kaniyang dangal habang nabubuhay sa lupang ito.
Siya ay isang simpleng babae lamang at likas na mahinhin. Kaya naman ng minsa’y dumalo
siya sa isang piging, marami ang nakapuna sa kaniyang mayuming pagkilos. Isa na rito si Don Diego
na nilalahat ang mga babae na masasama at sukab. Matapat siya kay Pakito at sa lalaking ito lamang
niya inialay ang kaniyang bong puso.
Hanggang isang araw ay nabunyag ang pagkakaroon ng ugnayan ni Pakito at ng dati nitong
kasintahan na si Nenita. Nasira ang tiwala niya rito at nanibugho siya sa pagkabigo ng kaniyang pag-
ibig.

Don Diego Nakpil


Siya ang matandang kapitbahay ng mga Deala at matalik na kaibigan ni Mang Bernardino. Siya
ay balo at wala man lang kahit isang anak. Siya ay naging napakasikap at walang panahong inaksaya
sa pagiging mariwasa. Marami siyang pag-aaring mga bahay at lupain sa buong Maynila. Napakahilig
niyang magbasa ng pahayagan kaya naman alam niya kung anu-ano ang nangyayari sa kaniyang
kinaabibilangang lipunan.
Bilang matalik na kaibigan ni Mang Bandino, lagi niya itong pinapayuhan na tigilan na ang
kalukohan nito ngunit hindi siya alintana ng kaibigan. Siya rin ang unang nakasaksi sa pagtataksil ni
Nenita na noo’y inakala niyang malinis at ulirang asawa. Mula noo’y nag-iba na ang pagtingin niya sa
mga babaeng madalas ay may magagarang ayos. Tinawag niya ang mga itong sampaguitang walang
bango.

Don Mariano Lijucom


Siya ang kaibigan ni Mang Bandino na kadalasa’y kasama nito sa pag-aaliw. Naiinggit siya sa
kaibigan sapagkat marami na itong nakarelasyong babaeng may asawa. Para kasi sa kanila’y isa itong
tagumpay bilang lalaki.
Siya ang nakasaksi sa pagtataksil ni nenita sa kaibigang si Bandino nang minsa’y nakita niya
ang babaeng pumasok sa isang pribadong silid sa Jardin de las Palmas. Siya ang nagbunyag ng lihim
nina Pakito at Nenita sa kaibigang si Bandino.

Salud
Siya ang tapat na alila ni Nenita. Nang malaman niya ang kataksilan ng kaniyang among
babae, hindi niya ito sinabi sa among lalaki. Nanatili siyang tahimik at bilang kabayaran,
binibigyansiya ng salapi at mga damit ni Nenita. Naging kasabwat siya ni Nenita sa lahat ng panloloko
nito sa asawa.

Neli
Siya ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Deala. Sa murang edad, ay naranasan niya ang
hapis ng na dulot ng paghihiwalay ng kaniyang mga magulang dahil sa pagtataksil ng kaniyang ina.
Siya ang nagbibigay ng kulay sa buhay ng kaniyang mga magulang. At nang isinama siya ng kaniyang
ama sa paglayo nito, halos araw-araw siyang umiiyak sa pagkawalay sa inang mahal.

Esteban Collantes
Siya ay isa ring abogado na matalik na kaibigan ni Pakito. Siya ay wala pang asawa sapagkat sa
paningin niya’y ang babae’y patuloy na maghahanap ng kaaliwan na ikasisira lamang ng kapuriha’t
kapayapaan ng isang tahanan.

Peralta
Isa rin siya sa mga kaibigansa klub ni Pakito. Siya ay isang arkitekto at isa sa mga
pinakamatanda sa kanilang samahan. Siya at si Collantes ang madalas na kausap ni Pakito. Isa rin
siya sa mga nakaaalam ng tinatagong lihim ng kaibigan na si Pakito.

Pargas at Valdez
Sila ay kabilang rin sa mga kasapi sa klub. Ang dalawang ito ay parehong inhenyero.

Dr. Buenconsejo at Dr. Ballesteros


Ang mga doktor na kasapi sa klub.

Martinez, Concepcion at Basa


Ang mga gurong miyembro ng klub.

IV.Buod ng nobela

Noong 17, 1917, araw ng Sabado, sa palasyo ng Malacanang ay nagkaroon ng isang malaking
pagdiriwang bilang pagtanggap sa bumubuo ng lehislatura. Ito ay dinaluhan ng mga panauhin mula sa
matataas na antas ng lipunan. Kabilang sa mga panauhing pinakatampok sa kagandahan sa gabing
iyon si Nenita. Kasama niya ang kanyang asawa na isang mayaman at tanyag na mangangalakal, si
Mang Bandino. Habang siya’y tahimik, nagpatuloy sa pag-aaliw ang kanyang kabiyak na tuwang-tuwa
sa pakikipagsayaw sa iba’t ibang babae. Niyaya siya ni Pakitong sumayaw at ito’y kaniyang
pinaunlakan. Si Pakito ay ang binatang abogado na dating kasintahan ni Nenita na magpahanggang
ngayon ay taos-puso pa ring umiibig sa kanya. Dahil sa kapaguran sa pagsasayaw, nagpasya ang
dalawa na magpahinga nang sila ay makapag-usap. Sa kanilang salitaan, may mga tinuran si Nenita
na nakatawag ng loob ni Pakito. Mukhang may dinaramdam ang kanyang sinta sa asawa nito. Muli
silang sumayaw at ipinagpatuloy ang kanilang salitaan. Nanariwa ang pag-ibig na napaham ng
panahon sa pagitan nilang dalawa. Pagkatapos ng isang tugtog ay nagpasya ang dalawa na tumigil na
ngunit nangakong ang muli nilang pagkikita ay hindi nagtatapos sa piging na iyon at nagkasundong
magkikita sa darating na Sabado. Sa pagsapit ng madaling-araw, nagpaalam na ang mga panauhin,
ang mag-asawang Deala gayundin si Pakito na nagkasabay sa kanilang pag-alis.
Araw ng Linggo, nagising si Nenita na wala ang kanyang asawa sa kanyang tabi. Gayunpama’y
batid na niya na sa abala na naman ito sa pag-aaliw. Habang nasa harap ng salamin, nakikita niya
ang sarili na hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagandahan na lubos na kinahuhumalingan ng
maraming lalaki lalo na ng siya ay dalaga pa lamang. Wala na siyang ibang dinidili kung hindi si
Pakito. Sa muli nilang pagkikita ni Pakito, hindi na niya pinagpapansin ang pag-aaliw ng asawa.
Muling binalikan ni Nenita ang matamis nilang simula ni Pakito at ang pagdating ng araw ng hapis sa
kanilang pag-ibig na naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Hanggang sa pinag-aaralan niyang
limutin si Pakito at nakilala si Bandino na naging kanyang kabiyak. Nang malaon, ay nalaman ni
Pakito ang kanyang pagpapakasal at ito’y lubos na nanibugho sa pag-aakalang iniwan siya ni Nenita
dahil sa kaniyang pagiging maralita. Sa kalauna’y nalaman ni Nenita na mali ang kanyang hinala kay
Pakito na may ugnayan ito kay Liling. Magkagayunpama’y naisip niyang kanya ng muli si Pakito.
Tinawagan niya ito at sinabing tuloy ang kanilang pagkikita sa araw ng Sabado.
Samantala, nahihiwagaan naman si Pakito kung ano ang sasabihin sa kaniya ni Nenita. Naisip
niyang itigil na ang muling pakikipag-ugnayan sa dating katipan ngunit naramdaman niyang muli ang
pagtibok ng kaniyang puso para sa babaeng may asawa na.
Nagtungo si Pakito sa klub kung saan ngkakaingay ang kaniyang mga kasama. Ang klub ay
itinayo ng mga maykaya at titulo sa lipunan na kung saan ito ay may sari-sariling libangan. Kasama
ang matalik na Peralta at Collantes, pinag-usapan nila ang tungkol sa pag-iibigan ng may-asawang
lalaki. Sinabi ni Peralta na ito ay imoral at labag sa batas ng lipunan. Samantalang ayon naman kay
Peralta, ang hindi pagtanggap sa babaeng nag-aalay ng ligaya bagaman ito ay may asawa na ay
karuwagan at insulto sa pagkalalaki. Matapos ang makakatuwirang palitan ng mga pahayag,
nagkabiruan ang magkakaibigan maliban kay Pakito na naiwang tahimik na iniisip ang mga narinig sa
salitaan.
Isang umaga, napadaan sa tapat ng bahay ng mga Deala si Don Diego. Inanyayahan siya ng
mag-asawang Deala sa kanilang tahanan at nagalak ang matanda sapagkat nakita niyang magkasama
ang mag-asawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Don Diego ang pag-aaliw at pagtataksil ni Mang Bandino,
kaya nama’y lubos siyang naawa sa asawa nito na lagi niyang nakikitang malungkot.
Samantala, isang araw ay nagtungo so Mang Bandino sa tahanan ni Don Diego. Ikinuwento
niya rito ang kanyang mga karanasan sa pang-aaliw at katulad ng dati, nagkukuro ang matanda
tungkol sa kaniyang mga maling gawain. Sinabi nito na kung si Nenita ang nagkaroong ibang lalaki,
marahil ay hindi rin niya ito matatnggap. Naisip ni Mang Bandino na hindi niya iyon matatanggap at
baka makapatay pa siya. Ngunit hindi siya nag-aalala sapagkat uliran at mabait ang kaniyang asawa.
Kinaumagahan ay ipinagmalaki pa ni Mang Bandino ang kanyang tagumpay na mapasagot ang isang
babaeng matagal na niyang kinahuhumalingan. Walang nasabi ang matanda at awang-awa kay Nenita.
Araw na ng Sabado, sa paligid ng Luneta ay maraming magagarang babae at sasakyan ng mga
kalalakihan. Ang lugar na ito ay naging aliwan na ng mga tinatawag na hari. Dito rin magtatagpo sina
Nenita at Pakito. Sa kanilang pagtitipan ay namayani ang simbuyo ng pag-ibig. Muling nanariwa kay
Pakito ang kanilang matamis na yaman ng kahapon ngunit ipinaalaala ni Nenita ang kanilang
kalagayan. Gayunpaman ipinilit pa rin ni Pakito na ibalik ang dati nilang pag-ibig na madali namang
sinang-ayunan ni Nenita. Napagdesisyunan ng dalawa na mananatiling isang lihim ang kanilang
pagtatalik habang buhay. Ito ang gabi ng pagsisimula ng kanilang pagtataksil.
Samantala, nag-iisip ng malalim si Don Diego tungkol sa babaeng kaibayo niya sa tabing-dagat
na malapit sa may Luneta kasama ang abogadong Herbosa. Natanto niya na iyo’y walang iba kung
hindi si Nenita, ang asawa ng matalik niyang kaibigang Bandino. Nangilabot siya sa maaaring sapitin
ni Nenita kapag nalaman ni Mang Bandino ang kaniyang pagtataksil. Naisip niyang ito ay paraan
marahil ni Nenita upang makilala ng asawa ang ginagawa nitong kasalanan. Ngunit nanghihinayang
siya sapagkat ang inakala niyang sampaguitang pinakatampok ay isang sampaguitang walang bango.
Siya ay nagalit sa mga magagarang may-asawang babae at tinuring ang mga itong sampaguitang
walang bango dahil sa nasaksihan niyang pagtataksil ni Nenita.
Nakatanggap ng isang liham si Pakito mula kay Pilar Amado o Liling na ikinapawi ng tuwa’t
sayang kanyang nararamdaman. Ang babaeng ito ay kanyang katipan mula ng siya ay itinakwil ni
Nenita. Sinagot niya ang liham at isinulat niya na hindi niya nababatid ang mensahe ng liham,
gayunpama’y humihingi siya ng paumanhin sa dalaga. Samantala, tinawagan niya si Nenita upang
tanungin kung ito ay tutungo sa handaan ni Esteban at sinabi rito na huwag ng tutungo sa umano’y
pagdiriwang sapagkat maaaring mabunyag ang kanilang lihim. Ngunit ang totoo ay makikipagtipan
siya kay Liling sa mismong handaan.
Sa araw ng piging sa bahay ni Esteban Collantes na para sa binyag ng pamangkin nito, naroon
si Liling at dumating din si Nenita sa kabila ng pagtutol ni Pakito. Nang magtagpo ang dalawang babae,
masaya silang nagbatian at nagyakapan. Naroon rin si Don Diego na lihim na nagmamasid sa mga
babaeng naroroon at tinuran sa sariling wala na talagang dalagang Filipina. Hanggang sa nasilayan
niya si Liling at pinabulaanan nito ang kanyang dinidili tungkol sa babae. Bukod sa kanya, napansin
din ng mga kasamahan ni Pakito ang kahinhinan ni Liling na higit sa ibang babaeng naroroon,kaya
naman ninais nilang ito’y makilala sa pamamagitan ni Pakito na kakilala ni Liling.
Samantala, nakipagsayaw naman si Nenita sa maraming kalalakihan ngunit hindi pa rin siya
nilalapitan ni Pakito na tahimik sa isang sulok. Nang tangka niya itong lapitan, siya namang paglapit
dito ng isang babae at nagtungo ito sa komedor na agad niyang sinundan. Doo’y kaya itong inusisa at
tila nagulat si Pakito sapagkat akala niya ay si Liling ang kakausapin niya. Dahil sa pangambang
maabutan sila ni Liling sa gayong sitwasyon, itinaboy niya si Nenita na lubos naman nitong ikinagalit.
Sa pagbalik ni Pakito sa kasiyahan, narinig niya ang mga paghanga at papuri kay Liling. Isinayaw niya
nag dalaga na ikinainis lalo ni Nenita. Nang sila’y pauwi na, sinabi ni Nenita kay Pakito na siya’y ihatid
na may kagaspangan sa pagsasalita, dahilan para mapansin ito ni Peralta. Dahil sa inasal ni Nenita
nabatid ni Peralta ang lihim nila Pakito.
Dahil hindi nakapag-usap sina pakito at liling sa piging ni Collantes, nagtungo siya sa tahanan
ng dalaga. Sa kanilang pag-uusap ay tinuran ng dalaga ang pagbabago sa pakikitungo sa kaniya ng
katipan na naging dahilan ng pagkakaroon ng mga agam-agam at pag-aalinlangan sa katapatan nito.
Upang mapawi ang mga pag-aaalinlangan ng dalaga, hinamon siya ni Pakito na magpakasal silang
dalawa. Ikinabigla naman ito ni Liling. Nagdalawang-isip siya at nagpasiyang huwag tanggapin ang
hinihiling ng katipan sapagkat ayaw niyang magkaroon ng maling desisyon na pagsisisihan niya sa
huli. Lubos itong ikinalungkot ni Pakito at nagpaalam ito na wasak ang puso. Ngunit ang pagtanggi ni
Liling ay paraan lamang niya upang subukin at sukatin ang lalim ng pag-ibig sa kanya ng binata.
Dahil sa lumbay na nararamdaman ni Pakito, nagtungo siya sa Luneta at nadatnan niya si
Nenita at ang anak nito. Matapos, libangin ng alilang si Salud ang anak ni Nenita, nag-usap sina
Nenita at Pakito. Inusisa si Pakito ni Nenita kung bakit galit na galit ito sa kaniya nang hindi niya ito
sundin na huwag magtungo sa piging. Hindi siya tinugon ni Pakito hanggang sa nagbadya nag
pagbuhos ng ulan. Nang wala ng mga tao sa paligid, hinila ni Pakito si Nenita patungo sa kaniyang oto
hanggang tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan.
Samantala, nagtungo ang magkaibigang Mang Bandino at Lijuicom sa Silver Pollar. Doon sila
ay nag-inuman at buong pagmamalaking ikinuwento ni Mang Bandino ang kaniyang tagumpay sa
pagsulot sa lahat ng babaeng may asawa na ay nahuhumaling pa sa kaniya. Pagkatapos niyon ay
nagtungo sila sa bahay-sayawan sa San Juan kung saan naroon rin ang ilang kaibigan ni Pakito tulad
ni Peralta. Habang nagsasayaw ang magkaibigang lasing na sa alak, napansin ni Peralta si Mang
Bandino na asawa ni Nenita. Dahil sa nabatid niyang lihim nina Pakito at Nenita, naawa siya sa
mayamang mangangalakal. Ngunit sa nasaksihan niyang pag-aaliw nito, nasabi niyang may katwiran
ang ginagawang pagtataksil ni Nenita.
Naguguluhan si Pakito sa kaniyang nararamdaman para kay Nenita at Liling kung kaya’t
ikinuwento niya ang tungkol dito sa matalik niyang kaibigang si Peralta. Sinabi nito sa kanya na ang
nararamdaman niya para kay Liling ay pag-ibig at tukso lamang ng kaniyang pagkalalaki ay kay
Nenita. Gayunpama’y pinayuhan din siya ni Peralta na magpakaligaya muna sa pagiging binata at pag-
isipang mabuti ang pag-aasawa. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagtungo siya sa bahay nina
Liling. Sinabi niya rito na hindi pa tamang panahon para sila’y magpakasal. Kaya naman naisip ni
Pakito na habang wala pa siyang asawa ay magpapakaligaya muna siya kay Nenita. Pagkatapos niyo’y
tinawagan niya si Nenita subalit ang alilang si Salud ang nakasagot ng tawag. Nalaman ni Nenita na
batid na nito ang kanilang lihim ni Pakito kaya naman lubos siyang nag-alala. Binayaran niya ito at
binigyan ng ilang damit at nangako naman ito na mananahimik. Nang nagkausap na sila ni Pakito,
nanaig ang kanilang di mapigilang damdamin na kahit sa linya ng telepono ay nagawang mgapalitan
ng maiingay na halik.
Hanggang sa dumating si Bandino na walang kamalay-malay sa pagkakatuwa ng kaniyang asawa.
Dalawang buwan na ang lihim na pagtataksil nina Pakito at Nenita. Naging madalas ang
kanilang pagtatalik na kahit sa pamamahay ni Mang Bandino ay naging ganapan na ng kanilang
pagsasarili. Akala ng dalawa’y sina Salud at Peralta lamang ang nakaaalam ng kanilang makasalanag
lihim ngunit nababatid din ito ng kaibigan ni Mang Bandino na si Don Diego. Bukod pa rito, nalaman
din nitong pinagnanakawan ang kaniyang kaibigan.
Samantala, isang gabi, nang nasa loob ng kwarto nina Mang Bandino at Nenita si Pakito, ninais
nitong doon din mapalipas ng gabi. Ngunit hindi pumayag si Nenita hanggang biglang dumating si
Mang Bandino. Mabuti na lamang ay naging alerto si Salud. Sila’y nasabihan at nkapagtago si Pakito
samantalang namumutla naman si Nenita.
Nagkaroon ng prusisyong bayan para sa pagsisimula ng karnabal. Napakaraming tao na halos
karamiha’y magagandang babae. Isa na rito si Nenita na nakasakay sa isang magarang karo. Nginitian
nito sina Peralta at Pakito.
Samantala pagkatapos ng prusisyon ay nagtungo ang magkaibigan sa tinatawag na Jardin de
las Palmas. Sa loob nito ay may mga pribadong silid at agad naisip ni Pakito si Nenita. Tinawagan niya
ito at nagkasundong magtatagpo sa koronasyon. Dahil sa kapal ng tao, nahirapan si Pakito na hanapin
ang katipan. Nang sila’y nagkatagpo, sandali silang sumayaw at pagkatapos niyo’y dinala na ni Pakito
si Nenita sa Jardin de las Palmas. Sa pagpasok ni nenita, nakita niya si Lijuicom. Siya’y nahintakutan
ngunit ito’y pinawi ni Pakito. Sa loob ng pribadong sili na Le Sonaire, naganap ang muli nilang
pagsasarili. Pagkatapos niyon ay bumalik na sila sa sayawan. Doo’y nakita ni Nenita ang kanyang
asawa na nag-aaliw pa rin ngunit ng makita niyang muli si Lijuicom, matatalim ang tingin nito sa
kaniya.
Hanggang sa ika-7 araw ng karnabal, ang pagsasarili nina Pakito at Nenita ay muling naganap
sa Jardin de las Palmas. Ngunit ang hindi nila alam, lihim silang sinusundan ni Lijuicom. Sa kaniyang
nalaman, lubos siyang nanibugho para sa kaibigan. Noong una ay ayaw pa niya itong sabihin ngunit
kalauna’y hindi na niya ito natiis. Ibinunyag niya ang lahat sa kaibigan. Sobrang galit ang nakita niya
kay Mang Bandino lalo na ng makita niya ito ng harapan. Sinabi nitong makapapatay siya ngunit
pinaliwanagan niya ito na nakinig naman sa kaniya. Hindi umuwi ng bahay si Mang Bandino.
Tanghali na ng umuwi si Mang Bandino sa kaniyang tahanan. Nadatnan niyang natutulog ang
kaniyang asawa at anak. Nang magising si Nenita inusisa niya ang asawa ngunit sa galit ni Mang
Bandino isinigaw niya ang buong pangalan ni Nenita na Ana Maria Del Prado. Naramdaman ni Nenita
na tunay na nagagalit ang kaniyang asawa. Sinabi sa kaniya ni Mang Bandino ang lahat ng kaniyang
nasaksihan. Nagulantang naman si Nenita sa pagkakabunyag ng kanilang lihim ni Pakito. Naisip ni
Mang Bandino na maaaring ito ay kabayaran sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa asawa niya.
Naranasan na rin niya kung paano pagsukaban ng asawa. Nagtungo siya sa bahay ni Don Diego upang
ihinga ang lahat ng kanyang sama ng loob. Sa paglalahad niya sa matanda. Pinayuhan siya nito na
walang magagawang mabuti ang paghihiganti sapagkat ito ay maaaring lalo pang ikalugmok niya sa
kahihiyan at kapahamakan
Kumalat na ang balita tungkol sa pagtataksil ni Nenita. Marami ang nasuklam sa kaniya at
naawa sa kaniyang asawa. Samantalang tagumpay naman ito ni Pakito para sa kanyang mga
kasamahan sa klub. Ngunit hindi ito naging lingid sa kaalaman ni Liling. Sinulatan niya si Pakito at
sinabing tapos na ang lahat sa kanilang dalawa. Dahil dito, nanlumo si Pakito at sinisi si Nenita.
Naging malungkot ang bahay ng mga Deala at ilang araw na ring di lumalabas si Mang
Bandino. Lubha siyang nanibugho sa galit kay Nenita kaya’t pinasunog niya ang lahat ng larawan nito.
Naisip niyang maghiganti ngunit ito’y hindi makabubuti. Naisip din niyang magpakamatay ngunit
magiging kaawa-awa lamang ang kaniyang anak. Kinaumagahan ay nagpahanda siya ng masarap na
almusal at nanaog sa likod-bahay. Nakita siya ni Nenita at inutusan ang anak na lapitan ito.
Samantala, binunot ni Mang Bandino ang kaniyang baril at tinangkang paputukin nang biglang
tawagin siya ng kaniyang anak at sa lupa niya ito ipinutok.
Mag-iisang buwan na ng naging ulila sa asawa’t anak si Nenita. Mula ng nagpaputok ng
rebolber si Mang Bandino, nilisan na nito ang kanilang tahanan kasama ang kanilang anak at
kailanman ay din a bumalik. Lubos siyang nalungkot at nagdadalamhati. Natanto na ito marahil ang
parusang dulot ng kaniyang pagtataksil. Ang pagkawalay sa ank ang pinakamabigat na parusa. Huli
na rin para sa kaniya ang pagsisisi sapagkat wala na ang kaniyang puri at dangal. Naisip niyang kitilin
ang sariling buhay ngunit pinipigil siya ng pagmamahal sa anak. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa
pagkakalihis ng kaniyang landas.
Nagkatipon muli sa klub sa Pasay ang mga kasamahan ni Pakito. Doo’y pinag-usapan nila ang
pagtataksil ni Nenita sa asawa. sa pagdating ni Peralta, isinalaysay niya ang lahat ng nalalaman
tungkol kay Pakito at Nenita. Sa huli, sinisi nilang lahat si Nenita sa pagkakalugmok ng asawa nito sa
kahihiyan, sa pag-alis ni Pakito sa Maynila patungo sa malayong probinsya, pagkakasakit ni Liling at
ang pagkaudlot ng kasal nina Pakito at Liling.
Sa pagwawakas, naiwan si Nenitang lugmok sa kahihiyan at kalungkutan. Mistulang baliw na
ang dating pinakatampok na babae sa Maynila dahil sa pagdadalamhati sa pagkakalayo sa anak. Si
Pakito, naninibugho ang puso sa muling pagkabigo sa pag-ibig dahil sa tukso ng dating katipan.
Nilisan niya ang Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Si Mang Bandino naman ay tuluyan ng
nilisan ang Maynila kasama ang kaniyang bugtong na anak na nangungulila sa pagkalinga ng ina.

V. Pagsusuri ng kabisaan ng nobela sa mambabasa

●Bisasa Isip - Masasabi ko ngang pagtataksil sa asawa ay isang malaking kasalanan sapagkat
nangako silang magsasama habambuhay ng nagmamahalan. Ito ay lubhang labag sa sampung utos
ng Diyos.
●Bisasa Damdamin - Akoaynakadamang pagkaawasa mga tauhan.Si nenitanalabis na nagsisisi sa
kanyangnagawangkasalanan masasabi kongisalamangsiyangbabae na nagmahal subalit ang pag
ibigniyangitoay nagdulotngkasiraan sa kanyang buhay. Si Mang bandinonalabissinisi ang kanyang
sarili kung bakit ito nangyari sa kanyang pamilya. At kay Liling at pakito na parehas na sugatan ang
kanilang mga puso·t damdamin.
●Bisasa Kaasalan - Kungdaratingsapuntongitoang akingbuhayhindi kogagayahin ang ginawa ni
Pakitona nakiapidsamay asawaat ginamitangkahinaanni Nenitasamga pangyayari.

VI.Pagsusuri ng tema ng Nobela

Nakatuon ang nobelang ito sa katauhan ng mga tauhang nagbibigay ng kulay sa mga
masasalimuot na pangyayari. Binigyan ng diin ang mga suliranin ng mga tauhan at ang kanilang iba’t
ibang karakter. Ang kanilang mga hangarin at pangngailangan ay nakalantad at inilalarawan din ang
kanilang mga pakikipagsapalaran. Ang takbo ng nobela ay uminog sa iba’t ibang sitwasyon ng mga
tauhan. Inilantad din ang iba’t ibang damdamin ng tauhan batay sa mga sitwasyon sa mga pangyayari
sa nobela.
Ang bawat kataga, salita at mga pangungusap sa nobela ay puno ng talinhaga na nagpapakita
ng kahusayan ng may akda. Sinasalamin nito ang kahalagahan ng puri, dangal at katwiran na
binigyan ng katuturan ng mga tauhan. Inilalantad nito a ng masalimuot na bahagi ng pag-ibig,
pagtitimpi at pagtataksil.

VII. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda

Ang layunin ng may-akda para sa kanyang sarili ay ang mailabas niya ang kanyang mga iniisip
sa pamagitan ng pagsulat.
Ang layunin ng may-akda para sa mambabasa ay para malaman ng mga mambabasa ang
kadalasang nagaganap sa buhay ng mga magpapamilya.
Ang layunun ng may-akda para sa lipunan at sa pangkalahatan ay may kabayaran ang
pagtaksil sa inyong pagkapareha.

VIII.Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan

● ROMANTISISMO- Sa nobelang ito ipinapakita ang teoryang romantisismo sa pamamagitan ng


pagkakaroon ng maling pag-iibigan nila pakito at nenita sapagkat si nenita ay isang babaeng may
asawa at anak samantalang si pakitoay mayroong katipan na malapit na niyang makasama
panghabambuhay. Sa kabilang kasalanan na nagagawa ni pakito kay liling ay ipinapabatid parin niya
rito ang halagang kanyang katipan sa kanyang buhay at kung gaano niya ito kamahal.
● FEMINISMO- Ipinapapakita rito ang pagigingisang babae ni nenita. Sakanyang pagtataksil sa
kanyang asawa ay labis niya itong pinagbabayaran. Maraming masasamang bagay ang dumating sa
buhay ni nenita na humantong sa pagkasira ng kanyang pamilya at pagkawala ng kanyang dignidad.
● REALISMO- May ilang bahagi ng nobela ang masasabi natin nanangyayari sa totoongbuhay ng
tao. Halimbawa rito angpagkasira ng isang pamilya na dulotng pagtataksil sa asawa.Tulad ng ginawani
nenitasa kanyangasawana labis na nagging dahilan ng pagkawasak ng isang masayang pamilya.

IX. Pansariling Reaksyon


Ang aking natutunan sa Nobelang ito ay: dapat matuto tayong makuntento sa mga bagay na
mayroon tayo sapagkat ang isang taong kuntento sa mga kung anong mayroon siya ang
nagtatagumpay sa buhay at pinagpapala ng Maykapal. Ang bawat tao ay mapalad sa iba’t ibang
paraang naisin ng Diyos. Kung ano man ang ipinagkakaloob sa atin, kung ano man ang mga
pagpapalang nakakamit natin, matuto tayong tumanggap at magpasalamat. Ang kasakiman at
pagiging makasarili ay walang maidudulot na mabuti sa buhay ng isang tao kundi kapahamakan. Sa
nobela ang pag-aangkin ni Pakito kay Nenita at ang hindi pagiging kuntento kay Liling ay walang
naging magandang dulot sa kaniya. Nasira ang relasyon nila ni Liling at naglaho ang kanyang
pangarap na magkaroon ng magandang pamilya. Sa panig naman ni Nenita, sa paghahangad na
maging maligaya sa piling ng iba ang nagtulak sa kaniya upang pagtaksilan ang asawa na naging
dahilan naman ng pagkawasak ng kaniyang pamilya. Pangungulila sa anak at kahihiyan sa lipunan
ang dulot ng kaniyang pagiging mapaghangad.; Huwag natin gawin sa iba ang ayaw nating gawin sa
atin. May mga ginagawa tayo na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao. Dapat lagi nating iisipin kung
ang ginagawa ba natin ay makabubuti o makasasama sa ating kapwa. Sa nobelang ito,
pinagtatawanan ni Mang Bandino ang lalaki na ang mga asawa ay pumatol sa kaniya. Ngunit nang
pinagtaksilan siya ng kaniyang pinaniniwalaang ulirang asawa, ito’y lubhang napakasakit para sa
kaniya. Natanto niya ang lahat ng kasalanang ginawa niya sa lahat ng lalaking inagawan niya ng
dangal at puri.; Ang pagdedesisyon ay pinag-iisipan ng makailang beses upang sa huli ay hindi ito
pagsisihan. May mga desisyon tayong pinagsisihan sapagkat ito’y minadali at hindi pinag-isipan. Dapat
maging maingat tayo sa paggawa ng ating mga desisyon lalo na kung sa tingin nati’y makasasama ito
sa iba. Ipinakita sa nobelang ito na naging padalos-dalos sina Pakito at Nenita sa kanilang mga
desisyon na maging magkarelasyon. Hindi nila inisip ang maaaring kahihinatnan ng kanilang
makasarili at mapusok na desisyon. Sa huli’y pareho silang nagsisi ngunit huli na ito para maging
maayos muli ang kanilang buhay.; Ang pagkakamali natin ay huwag nating isisi sa ibang tao sapagkat
ang ating mga pagkakamali ay hindi mangyayari kung ininsip natin ang ating ginagawa. Sa nobelang
ito, sinisi ni Pakito si Nenita sa pagkasira ng relasyon niya kay Liling. Ngunit ito ay mali sapagkat
kasapakat siya ni Nenita at hindi nila magagawa ang pagkakamali nila kung pareho nilang tinimbang
ang maaaring maging dulot ng kanilang ginawa.

You might also like