You are on page 1of 4

I.

PAMAGAT: “Diary ng Panget”

MAY AKDA: Denny R.

URI NG NOBELA: Romantiko Komedya

1.Isulat ang maikling Buod (Tauhan,Tagpuan,Banghay, at Wakas)

BUOD

Makikita sa pelikula si Eya, isang mahirap at ulilang kabataan na maituturing na panngit ang
hitsura dahil sa dami ng tagihawat nito at magaspang na buhok. Mahilig siyang magsulat ng
kanyang talaarawan (diary) ng mga nagaganap sa kanyang buhay, lalo na ng mga pantasya
hinggil sa kanyang ideal guy. Nagtatrabaho siya sa restawran ng kanyang Auntie upang
masuportahanb ang pag-aaral, kung saan una niyang nakilala si Chad na kanyang naging
malapit na kaibigan. Natanggap siya bilang scholar sa Wilford Academy ngunit magiging
miserable ang pananatili niya sa paaralan dahil sa hitsura nito; subalit doon niya matatagpuan si
Lory na kanyang naging matalik na kaibigan. Sa paaralan din niya unang nakilala si Cross,
isang guwapo at mayamang kabataan na kinalaunan ay kanyang magiging amo dahil kinuha at
tinanggap si Eya ni Mr. Sandford bilang personal na katulong ni Cross, subalit hindi
namamalayan ng dalawa na unti-unti na palang nahuhulog ang kanilang loob sa isat isa.

III.
TAUHAN

“Eya” Rodriguez
“Cross” Sandford
Lorraine “Lory” Keet
Chad Jimenez

MGA KATULONG NA TAUHAN

Mr.Sandford
Auntie
Mayordoma
Ian
Seven
Riri
Femme
Steph

IV.
TAGPUAN
Willford Academy

VII.
BANGHAY

Ang nobelang Diary Ng Panget ay umiikot sa pagiibigan ng dalawang tauhan na sina Rhea Eya
Rodriguez at Cross Sandford . Umiikot rin ang kwento sa buhay ng dalawang tauhan at bukod
pa rito,maipapakita ang diskriminasyon at bullying sa palabas na ito.

VIII.
WAKAS

Bago mag wakas ang nobelang Diary Ng Panget, nagkaroon isang malaking di pag
kakaunawaan ang dalawang pinaka tauhan. si Lory ay may crush kay Cross mula noong sila ay
nasa kindergarten at pakiramdam niya ay pinagtaksilan kapag si Eya ay nagsimulang gumugol ng
mas maraming oras kay Cross. Inaalo ni Chad si Lory at ipinahayag ang kanyang pagmamahal, na
nagpapaisip sa kanya tungkol sa paggalugad ng iba pang mga opsyon. Nakipag-ayos si Lory kay
Eya at nagpasya silang pumunta sa school masquerade ball nang magkasama. Nakipagsayaw si
Eya sa isang guwapong binata na sa tingin niya ay prince charming niya, ngunit hindi niya ito
nakilala nang may maskara. Kinabukasan, tinulungan siya ni Eya at ng kanyang mga kaibigan sa
paghahanap ng kanyang prinsipe sa pamamagitan ng pagsukat sa taas, boses, at laki ng paa ng
lahat ng lalaki sa paaralan ngunit nabigo nang husto.
Sa pagtatapos ng araw, si Eya ay nakatanggap ng isang tawag mula sa isang lalaki na nagsasabi sa
kanya na makipagkita sa kanya dahil mayroon itong dapat pag-usapan sa kanya. Kapag nakilala
niya ang lalaking ito, sinasabing siya ang kanyang prince charming. Pinutol sila ni Cross na
sinasabing nagsisinungaling ang lalaki, at ipinaliwanag ng lalaki na siya ay pinadala ng isang tao
upang pukawin ang tunay na prince charming. Nang harapin ni Eya si Cross tungkol dito ay naging
malinis siya sa pagiging prinsipe niya, ipinagtapat din niya na gusto niya ito, at ipinaliwanag din na
hindi niya makilala ang boses nito dahil nilalamig siya noong araw ng Ball. Tinanggap ni Eya ang
katotohanang gusto rin siya nito, at pumayag na maging kasintahan niya.

2.Suriin ang mahahalagang bahagi nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na


natanong.

A.ano ang temang tinalakay sa nobela?


Ang Pinapaksa nito ay pag-ibig. Pag-ibig na nabuo sa hindi inaakalang pagkakataon.
Pinatutunayan ng nobela na ito na sa Pag-ibig hindi ka dapat tumitingin sa panlabas na
kaanyuan.

B. Sinu-sino ang pangunahing tauhan? Ano ang damdaming namayani sa tauhan?

Ang Mga Pangunahing tauhan ay sina:


Rhea Eya Rodriguez - siya ay isang napakatatag at napaka masipag na bata. namamayani ang
kanyang kabutihang loob kahit itoy palaging na bubully sa paaralan.
Cross Sandford - siya ay isang batang masama ang ugali at mayabang. namamayani ang
pagiging mayabang nito ngunit nag bago siya nang maging katulong niya si Eya sa kanilang
masion.
Lorraine Keet - siya kaibigan ni Eya Rodriguez at namamayani sakanya ang pagiging mabait na
kaibigan.
Chad Jimenez - siya ang matalik na kaibigan ni Eya Rodriuez at namamayani naman sa kanya
ay ang pagiging isang mabuting kaibigan at mapag alalang kaibigan.

C.gumamit ba gumamit ng simbolismo? Paano ito ipinakita sa Akda?

Sa aking pag kaaalam gumamit po ng simbolismo sa nobelang ‘diary ng panget’ at naipakita po


sa nobelang ito ang buhay na nakagisnan ng mga tauhan at kung ano ang kanilang hitsura o
panlabas na anyo at ang kanilang ugali.

D.
PERSONAL NA OPINIYON SA NOBELA
Sa palagay ko, maganda basahin ang nobelang ito sapagkat marami kang matutunan rito
kagaya nalang ng hindi dapat tayo nang huhusga ng tao base sa kanilang panlabas na anyo at
sa estado ng kanilang buhay. Naniniwala ako na marami rin ang mag babasa nito kung medyo
kakaiba ang wakas nito.

E. aling bahagi ng Nobela ang pumukaw sa iyong damdamin at umukay sa iyo sa katotohanan
ng buhay? Isalaysay ang sagot.

Ang pumukaw sa aking damdamin ay sa bahagi ng nobela na kung saan ipinapakita kung ano
ang struggels niya sa pag hahanap ng trabaho at sa kaniyang pag aaral at ang pang huhusga
sa kanyang pisikal na kaanyuan. Umukay ito saakin sa katotohanan ng buhay dahil mababasa
sa Nobela ang mga pag hihirap ni Eya at sa tingin ko nakaka relate ang ibang kabataan sa
ngayon. hindi madali sa panahon natin ngayon ang makahanap ng trabaho lalo na kung hindi
tayo nakapag tapos ng pag aaral, at kahit pa siya ang hinuhusgahan ng mga tao hindi parin
nawala sakanya ang kabutihang loob at pag hahanap sa kanyang true love.

F.
NATUTUNAN SA ARALING ITO ________

Ang natutunan ko po sa araling ito ay paano mag suri ng isang nobela at na naengganyohan po
ako nitong aralin na ito upang mag basa pa ng mga nobela at mas mahalin pa lalo ang aking
hilig sa pag babasa ng mga nobelang tagalog man o mapa ibang bansa ang may akda.
G.
NALAMAN KO NA ANG _________

Nalaman ko na ang kagandahan ay hindi lang sa hitsura makikita, makikita mo rin ito sa kung
paano ka nila ituring at paano ka nila pahalagahan bilang ikaw.

Sa araling ito nalaman ko na hindi pala ganoon gawin ang pag susuri sa isang nobela at
nalaman ko din ang importansya nito sating araw araw na ating pamumuhay. importante na
tayo ang maging mapanuri hindi lang sa mga nobela kundi dapat sa ating pang araw araw rin.

You might also like