You are on page 1of 3

SURING PELIKULA

DIARY NG PANGET

I. PAMAGAT- Diary ng Panget


II. MGA TAUHAN

 Nadine Lustre as Reah "Eya" Rodriguez


 James Reid as Cross Sandford
 Yassi Pressman as Lorraine "Lory" Keet
 Andre Paras as Chad Jimenez
 Gabby Concepcion as Mr. Sandford
 Mitch Valdez as Auntie
 Candy Pangilinan as Mayordoma
 AJ Muhlach as Ian Del Rosario
 Arkin Del Rosario as Seven
 Coraleen Waddell as Michie
 Janna Roque as Femme
 Carissa Quintas as Steph
 Ameer Rañola as Mikey
III. BUOD
Makikita sa pelikula si Eya,isang mahirap at ulilang kabataan na maituturing na
pangit ang hitsura dahil sa dami ng tagihawat nito at magaspang na buhok. Mahilig
siyang magsulat sa kanyang talaarawan ng mga nagaganap sa kanyang buhay, lalo na ng
mga pantasya hinggil sa kanyang ideal guy. Nagtatrabaho siya sa restawran ng kanyang
Auntie upang masuportahan ang pag-aaral, kung saan una niyang nakilala si Chad na
kanyang naging malapít na kaibigan. Natanggap siya bilang iskolar sa Willford Academy
ngunit magiging miserable ang pananatili niya sa paaralan dahil sa hitsura nito; subalit
doon niya matatagpuan si Lory na kanyang naging matalik na kaibigan. Sa paaralan din
niya unang nakilala si Cross, isang guwapo at mayamang kabataan na kinalaunan ay
kanyang magiging amo dahil kinuha at tinanggap si Eya ni Mr. Sandford bilang personal
na katulong ni Cross. Sa pagtakbo ng mga tagpo, magiging pasakit kay Eya ang kanyang
pagsisilbi kay Cross, subalit hindi namamalayan ng dalawa na unti-unti na palang
nahuhulog ang kanilang loob sa isa't isa.
IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI
A. TAGPUAN-
 Wilford (Paaralang pagmamay-ari ng mga Sanford)
 Bahay ng mga Sanford
 Restaurant ng Auntie ni Eya
B. PROTAGONISTA

 Nadine Lustre as Reah "Eya" Rodriguez


 James Reid as Cross Sandford
C. ANTAGONISTA

 Yassi Pressman as Lorraine "Lory" Keet


D. SULIRANIN
Pagkagusto ni Cross Sanford kay Eya Rodriguez habang si Eya Naman ay may
gusto kay Chad Jimenez at si Chad naman ay may pagtingin kay Lory Keet habang si
Lory naman ay may pagtingin kay Cross Sanford. Sa mas madaling salita pagmamahal
ang nagging suliranin sa kwentong ito. At ang pag-aaway ni Lory kay Kat dahil kay Eya
may pagtingin si Cross.
E. MGA PAGLUTAS SA MGA SULIRANIN
Kalaunan ay nagkapatawaran na rin sila at nagkabati na. At naayos na rin ang
pagkakaibigan ni Lory at Eya.
V. PAKSA O TEMA
Ang paksa ng Kuwento ay tungkol sa pagmamahal at ang hindi pagbabase sa
mukha para mahalin mo ang isnag tao.
VI. MGA ASPETONG TEKNIKAL:
A. SINEMATOGRAPIYA
Para sa akin hindi ganon kayos ang kwento at mahahalata mo talagang ipinilit na
pagkasyahin yung istorya sa isang pelikula.
B. MUSIKA
Para sa akin ang mga musika na ginamit ay talaga naming naswak sat ema ng
pelikula kaya para sa akin maganda ang mga Kantang ginamit para rito at talaga namang
mahuhumaling ka kapag napakinggan mo ito.
C.VISUAL EFFECTS
Hindi ko gaanong nagustuhan ang mga visual effects sa pelikula para sa akin may
ilang hindi talaga nagkakaroon ng magandang pagsasama ang mga visual effects na
inilalagay.
D. SET DESIGN
Sa aking palagay hindi napaglaanan ng malaking budget ang mga set at hindi rin
naging tugma ang deskripsiyon ng mga Tagpuan sa nobela at ng nasa pelikula.

VII. KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA


Ang mensahe ng pelikula ay ang pag-ibig ay basta bastang dadating kahit
hindi man siya kagandahan o kagwapuhan kung siya talaga ang nakalaan para sayo
mahuhulog at mahuhulog ka pa rin sa kaniya.

You might also like