Professional Documents
Culture Documents
Filipino-Modyul 1 - Jewel Andre B. Ignacio
Filipino-Modyul 1 - Jewel Andre B. Ignacio
Ignacio
10- Descartes
Si Cupid at Si Psyche
URI NG GENRE:
Mitolohiya
MGA TAUHAN:
Cupid
Psyche
Venus
Ama ni Psyche
Apollo
Zeus
Ang dalawang kapatid na babae ni Psyche
Zephyr
Proserphina
BUOD NG AKDA:
Isa sa tatlong magagandang magkakapatid si Psyche. Ngunit sa lahat, siya ang may pinakalutang na
kagandahan. Kahit ang diyosang si Venus ay walang panama sa kaniya. Napabayaan na nga ang diyosa
ng mga tao at hindi na nag-aalay ng bulaklak sa kaniya. Dahil dito, inutusan nito ang anak na si Cupid na
paibigin si Psyche sa isang pangit na nilalang. Gayunman, si Cupid ang nabighani sa kagandahan ni
Psyche. Imbes na gamitin ang pana para kay Psyche, ay pinabayaan niya lamang itong mamuhay ng
normal at tumaliwas sa utos ng ina. Nang mag-asawa ang mga kapatid ni Psyche, humingi siya ng payo
kay Apollo kung sino ang dapat mapangasawa niya. Sinabi naman ni Apollo ang mga dapat gawin.
Naghanda sila para sa kasal na gagawin sa bundok. Nauna na palang kausapin ni Cupid si Apollo kaya
naman siya ang itinakdang mapangasawa ni Pysche.
Naging masaya naman ang dalawa kahit may kondisyon si Cupid na hindi maaaring makita ang kaniyang
mukha. Dahil sa kagustuhang malaman ng mga kapatid ni Psyche ang hitsura ng asawa, tinanggal nila
ang maskara nito at tumambad ang magandang mukha ni Cupid. Nalaman ito ni Venus at binigyan ng
pagsubok sina Psyche at Cupid na nalagpasan naman nila at nagsama sila nang matiwasay.
MGA ARAL (MENSAHE NG AKDA):
Sa kwento nina Cupid at Psyche, nalaman ko na walang pag-ibig kung walang pagtitiwala. Pinatunayan
din ng kuwentong ito na walang lihim na hindi maisisiiwalat at na hindi maganda ang inggit. Ang totoong
pagmamahal ay handang magparaya at magsakripisyo. Walang katumbas ang totoong pagmamahal.
B.
GAWAIN 1:
GAWAIN 2:
1. Ano ang pinakanangibabaw na katangian ang ipinakita ng mga pangunahing tauhan sa akda?
Paano ito naipakita sa akda?
Ang pinakanangibabaw na katangian ng mga tauhan ay ang pagsunod sa mga gusto ng iba.
Naipakita ito dahil sa utos ni Venus.
Si Psyche ay may malubhang problema dahil hindi siya maaaring magreklamo tungkol sa
sinabi o inutos ni Venus.
Ang tiwala at katapatan ay mahalaga, lalo na sa mga taong lubos mong pinagkakatiwalaan,
dahil ngayon, kakaunti na lang ang mga taong mapagkakatiwalaan mo at ang mga tapat sa iyo.
Hindi lahat ay mapagkakatiwalaan ka, kaya pumili ng isang mabait na tao.
GAWAIN 3:
GAWAIN 4:
Buhay + Cupid = Pag-ibig
Buhay + Psyche = Kaluluwa
X = tapat at wagas na pag-ibig