You are on page 1of 4

Department of Education

Region X
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
MISAMIS ORIENTAL GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Don Apolinar Velez St., Cagayan de Oro City
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP) 10
S.Y. 2022-2023
IKAAPAT NA MARKAHAN

MODYUL 16: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA PAGGAWA AT PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN


Pangalan: _________________________________________ Puntos: ____________
Pangkat at Seksyon: ____________________________Pirma ng Magulang: _______
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang mga maling gawi o kasanayan na ipinakikita ng mga manggagawa sa bawat
sitwasyon. Isulat ang mga ito sa kahon.

Si Leo ay isang program


organizer ng kanilang
organisasyon. Naghain siya ng
project proposal kasama ang
badget na kinakailangan at ito ay
inaprubahan. Siya na rin ang
naatasang bumili ng mga
kagamitan para sa programa. May
lugar pamilihan na kung saan may
mga mabibiling murang gamit na
kailangan niya para sa kaniyang
programa. Laking gulat niya dahil
halos kalahati ang kaniyang
natipid. Dahil dito, ang kaniyang
natipid na pera ay pinambili niya
ng kaniyang pansariling
kagamitan. Ano ang maling
kasanayan ang ipinakita ni Leo?

Ang isang sekretarya na madalas


na nag-uuwi ng mga supplies
gaya ng ballpen, mga
bondpapers, at minsan ay folders.
Ang katuwiran niya ay mga sobra
naman iyon sa kanilang mga
kagamitan at bilang nasa admin,
ito ay pribilehiyo. Gayundin ang
paggamit ng telepono at
kompyuter sa opisina ay malaya
niyang nagagamit sa kaniyang
mga personal na
pangangailangan. At may
pagkakataon na tumatanggap
siya ng mga regalo kapalit ng
binigay niyang pabor sa ibang
humihingi ng tulong sa kaniya.
Paano naabuso ng sekretarya
ang kaniyang posisyon?

1|Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Bagong Konsepto #1

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang nailistang mga maling kasanayan sa paggawa?

2. Sang-ayon ka ba sa mga katuwiran at pananaw ng mga opisyal sa kanilang paggamit ng posisyon o


kapangyarihan? Bakit? Bakit hindi?

3. Sa iyong palagay, ano ang posibleng pinag-ugatan ng mga maling kasanayan na ito? Ipaliwanag.

4. Paano nakakasagabal ang mga kasanayang ito sa tunay na kahulugan ng hanap-buhay? Sa tunay na kahulugan
ng paglilingkod at pagiging mapanagutan?

5. Bilang manggagawa sa hinaharap, ano-anong katangian ang inaasahan sa iyo na dapat mong ipamalas?

Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Bagong Konsepto #2


Gawain 2
Panuto: Basahin ang bawat speech balloon. Buuin ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
pahayag kung ikaw ay mahaharap sa ganitong usapan. Isulat ang iyong sagot sa kuwarderno.

A.

2|Edukasyon sa Pagpapakatao 10
B.

Matapos na masagutan, ibahagi ang mga sinulat sa speech balloon sa klase. Ano ang kadalasang sagot
mo sa sumusunod kapag narinig mo ang mga usapan?

Mga Tanong:
1. Ano ang mga reaksiyon mo batay sa mga naging sagot ng inyong klase?

2. Sang-ayon ka ba sa mga napag-usapan? Bakit? Bakit hindi?

3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang nararapat na maging tugon at kilos mo rito?

Gawain 3: Mula sa mga magkakahalong salita, ayusin ito nang makabuo ng isang pahayag ni William Gaddis. Sagutan ang tanong
sa ibaba. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative/Reflective Approach)

DOESN’T PEOPLE POWER PEOPLE POWER CORRUPT

_______________________________________________________________________________– William Gaddis

3|Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag ni William Gaddis? Sang-ayon ka ba sa sinasabi niya? Bakit?

Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Bagong Konsepto #2

Pagninilay
Gawain 3
Panuto: Sagutin at pagnilayan ang mga tanong.
1. Bilang mag-aaral sa Baitang 10, paano ko mapatatatag ang mga positibong katangian ko na magiging kapital ko sa
aking pagharap sa mga isyu sa paggawa?

2. Paano ko dapat paglabanan ang mga isyu sa paggamit ng kapangyarihan na mapangibabaw ko ang pagiging
mapanagutang paglilingkod?

KARAGDAGANG GAWAN

Gawain 2: Panonod ng video


Panuto: Panoorin ang video na may pamagat na “What is corruption” sa youtube.
a.http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv
%3DnpNF9ByzIsE&h=YAQE8cu-C
b.http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv
%3D19IPyWdC7Sg&h=BAQFhHfNz
Sagutin ang mga tanong at isulat ang inyong sagot sa isang buong papel:
1. Ano-ano ang kilos na nagpakita ng korapsiyon?
2. Sa iyong palagay, bakit may korapsiyon sa ating mga kumpanya o lugar na
pinagtatrabahuan?
3. May solusyon pa kaya sa mga ito?
4. Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang mga isyu tungkol sa paggawa? Sa
paggamit ng kapangyarihan?
5. Paano nakaaapekto ang mga isyung ito sa pagkatao ng isang tao?

Inihanda ni: Maria Lourdes P. Soquillo


EsP Teacher

4|Edukasyon sa Pagpapakatao 10

You might also like