You are on page 1of 10

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


DIVISION OF ZAMBOANGA CITY

Paaralan: MARIA CLARA L. Baitang: Grade 10


LOBREGAT NATIONAL
Banghay Aralin sa HIGH SCHOOL
Edukasyon sa
Pagpapakatao Petsa: June 22, 2021 Markahan: 4th Quarter

Guro Ellah E. Velasco Seksyon: Love/Hope/Trustworthy/ Asignatura: ESP


:
Loyalty/Wisdom/Empathy/

Faith/Honesty

A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyung moral upang


magkaroon ng matatag na paninindigan sa kabutihan sa gitna ng iba’t ibang
Pangnilalaman pananaw sa mga isyung ito at mga impluwensiya ng kapaligiran.

B. Pamantayan Ang mag-aaral ay nakagagawa ng posisyon tungkol sa isang isyu sa paggawa at


paggamit ng kapangyarihan.
sa Pagganap

C. Mga Napatutunayan na: Ang pagkaroon ng matibay na paninindigan sa paggawa at


tamang paggamit ng kapangyarihan ay daan para sa mapanagutang paglilingkod.
Kasanayan sa
(ESP10PB-IIIh-12.4)
Pagkatuto

I. LAYUNIN Nakapagtutukoy ng mga iba’t ibang isyu sa paggawa at paggamit ng


kapangyarihan.

II. NILALAMAN:

PAKSA/ARALIN Modyul 5: Mga Isyung Moral Tungkol sa Paggawa at Paggamit ng


Kapangyarihan

Sanggunian

Refer to : CG page no.xvii, TG page no. 198-209 , LM page no.334-356,

Kagamitan sa EsP Gabay sa Pagtuturo, EsP Modyul para sa Mag-aaral, Laptop/TV, LCD
Projector, Worksheets para sa mga gawain, Visual Aids
Pagkatuto

Honesty; Responsibility
Temang
Pangkapayapaan

Ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan sa paggawa at tamang paggamit


Batayang
ng kapangyarihan ay daan para mapanagutang paglilingkod.
Konsepto:

Estratehiya Discussion, Collaborative activity, Graphic Organizer

Ang Moral na Pagkatao


Pagpapahalagang
Lilinangin:

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang ● Pagtsek ng kalinisan at kaayusan ng silid aralan

Gawain ● Panalangin

● Pagbati sa klase

● Paglilista ng lumiban sa klase.

● Pagtatakda ng pamantayan sa klase

▪ Balik-aral/ Sa bahaging ito ay basahin mong mabuti ang mga sitwasyon. Tukuyin ang mga
Pagganyak
maling gawi o kasanayan na ipinakikita ng manggagawa sa bawat sitwasyon.

Pagkatapos sagutin ang mga katanungan na nakapaloob dito. Isulat ang mga
sagot sa iyong kuwaderno.

A. Ang isang sekretarya na madalas na nag-uuwi ng mga supplies gaya ng


ballpen, mga bondpapers, at minsan ay folders. Ang katuwiran niya ay
mga sobra naman iyon sa kanilang mga kagamitan at bilang nasa admin,
ito ay pribilehiyo. Gayundin ang paggamit ng telepono at kompyuter sa
opisina ay malaya niyang nagagamit sa kaniyang mga personal na
pangangailangan. At may pagkakataon na tumatanggap siya ng mga
regalo kapalit ng binigay niyang pabor sa ibang humihingi ng tulong sa
kaniya.
1) Sang-ayon ka ba sa katuwiran ng sekretarya na kanyang inuuwi ang mga
supplies at ginagamit ang mga kagamitan sa opisina para sa kanyang
personal na pangangailangan? Bakit? Bakit hindi?
2) Paano naaabuso ng sekretarya ang kaniyang posisyon?

B. Si Felipe ay isang program organizer ng kanilang organisasyon. Naghain


siya ng project proposal kasama ang budget na kinakailangan at ito ay
inaprubahan. Sa nakaraang module, binigyang-diin ang mga isyu kaugnay
sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran. Natutukoy
ang kahalagahan ng kapangyarihan para maging mas maayos na
kapaligiran. May mga isyu rin ng kapangyarihan ang kaugnay naman sa
pamumuno at paggawa. Nais kong tandaan mo na ikaw ay may
mahalagang bahagi sa lipunan at may tungkulin na maging instrumento ng
pagbabago na magsimula sa sarili patungo sa kagapanan ng iyong
pagkatao. Hindi man madali ang mga ito, ikaw naman ay biniyayaan ng
sapat na kakayahan upang mapatunayan ang iyong kabutihan bilang
nilalang na katangi-tangi sa ibang nilikha ng Diyos. Siya na rin ang
boluntaryong bumili ng mga kagamitan para sa programa. Sa lugar
pamilihan pinili niyang bilhin ang mga murang gamit at humingi pa siya ng
discount sa tindahan. Dahil dito nakatipid siya ng halos kalahati sa budget.
Ang kaniyang natipid na pera ay pinambili niya ng kaniyang pansariling
kagamitan, katuwiran niya na siya naman ang naghirap humanap ng
murang mapagbilhan at humingi ng discount.
1) Sang-ayon ka ba sa katuwiran ni Felipe na ipinambili niya ng sariling
kagamitan ang perang natipid niya mula sa budget dahil sa murang gamit
na binili niya at sa nahinging discount? Bakit? Bakit hindi?
2) Ano ang maling kasanayan ang ipinakita ni Felipe?

B. Gawain Panuto: Pangkatang Gawain. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima na may
walong kasapi.

Pag-usapan ang integridad bilang katapatan. Bilang kalagayan ng tao na kung

saan siya ay buo, iisa o kumpleto dahil ang integridad ay ang pagpapakatao.

Ang pagsasabuhay ng kung ano ang kaniyang sinasabi, ay iyon din ang

kaniyang ginagawa.

Dahil naniniwala ka sa #laginghanda, kaya alam ko na taos puso mong ginagawa


ang iyong mga gawain. Kaya basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon
na nagpapakita ng mga isyu sa paggawa. Isulat kung alin sa tatlong isyung
nabanggit ang tinutukoy ng bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1) Nakahiligan ng magkakatrabaho na si Enrique at Tristan ang larong


Mobile Legend. Kadalasan ay naaantala ang kanilang mga kliyente
dahil na rin sa kanilang paglalaro sa oras ng trabaho.
2) Si Ruby ay nagtatrabaho bilang dispatcher sa kompanya ng pinya.
Malimit siyang makatanggap ng mga regalo mula sa mga driver ng
bumabyaheng sasakyan kapalit nito ang mas maraming byaheng
kanyang binibigay.
3) Si Lourdes ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Binigyan siya ng
pribilehiyo na gumamit ng mga kagamitan sa opisina tulad ng LCD
Projector at laptop. Dahil sa pribilehiyong ito na nasa kaniya, naisip
niyang gamitin itong para sa kaniyang sideline. Pinaparentahan niya
ito sa nagdaraos ng mga seminar o workshop na hindi ipinapaalam
sa kaniyang boss.
4) Masayahing empleyado si Maria. Ang mga kuwelang kuwento niya
ang kadalasang sanhi nga katatawanan sa loob ng opisina. Dahil sa
pagkukuwento niya ay nakakaligtaan niya ang iba niyang gawain.
5) Araw-araw ay may dalang pagkain si Eden para sa kanyang boss.
Ginagawa niya ito upang hindi mapag-initan dahil sa kanyang
pagpasok ng huli.

C. Pagsusuri Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng


mga paggamit ng kapangyarihan. Suriin ang bawat isa at ilarawan ang isyu ng
paggamit ng kapangyarihan na tinutukoy nito. Magbigay ng konklusyon ng
nararapat gawin sa bawat sitwasyon. Gumawa ng “matrix” kagaya ng nasa ibaba
sa kuwaderno at doon isulat ang sagot sa loob nito.

1) Isang opisyal ng pamahalaan ang nanghihingi ng porsyento sa


supplier ng mga kagamitan na bibilhin ng gobyerno. Kapalit nito ang
paninigurado na ang supplier na ito ang mananalo sa bidding para
sa mga kagamitan.
2) Pinatakbo ng mayor ang anak sa halalan kahit na ito ay walang hilig
sa pulitika upang hindi mapasa sa iba ang katungkulan at mapaiba
ang kapangyarihan.
3) Ilang manggagawa ang nagsasabwatan sa pagnanakaw ng
produkto ng kanilang kompanya, upang ibenta ito ng mas mura sa
labas para pagkaperahan.
4) Hindi isinumita ni Julian ang listahan ng kanyang nagastos sa
pagbili ng mga gamit sa opisina. Umiiwas siya sa tuwing hinihingi
ang mga resibo para ito ay ma-audit at ng malaman kung sobra o
sapat lang ang perang hiningi niya para dito.
5) Hinarang ang sasakyan ni Francisco dahil hindi updated ang
rehistro nito, inabutan niya ng pera ang empleyado ng LTO para
hindi na siya tanungin tungkol dito.
6) Si Martin ay isa sa mga kuwalipikadong aplikante para sa posisyon
ng Branch Manager na ginanap sa inilunsad na Job Fair sa kanilang
munisipyo. Karamihan sa mga aplikante ay kaniyang kakilala at
kabilang doon ay pamangkin ng sikat na pulitiko sa kanilang
lungsod. Bagamat nag-alala ay may kumpiyansa siya sa magiging
resulta dahil nakuha niya ang pinakamataas na puntos sa lahat ng
mga dokumentong kinakailangan. Ganon na lamang ang kanyang
panlulumo dahil ang pamangkin ng pulitiko ang natanggap kahit na
hindi kumpleto ang dokumento nito.

Isyu Paglalarawan ng Isyu Konklusyon


1. Kickback Illegal na komisyon para sa Mali ang paghingi ng
serbisyong pabor sa sumusuhol opisyal ng porsyento mula
at sinusuhulan. sa supplier
2.

3.

4.

5.

6.
D. Paghahalaw
MGA ISYU SA PAGGAWA

1. Paggamit ng kagamitan - Katuwang ng tao sa paggawa ang mga kagamitan

upang mapadali at mapagaan ang anumang trabaho. Maaaring hindi saklaw ng

kaisipan ng ibang manggagawa na ang mga kagamitang ito ay inilaan para sa

ikagaganda at ikadadali ng trabaho at hindi para sa pansariling interes.

2. Paggamit ng oras sa trabaho - Ang pagganap ng gawain sa oras ng trabaho ay

pag-angkin ng tiwala mula sa isang bagay na ipinagkatiwala sa iyo. Masasagot

mo lamang ito kung sinasabayan mo ang bawat tikatik ng oras para gawin ang

iyong obligasyon bilang manggagawa. Dahil dito, hindi masasayang ang

anumang salapi o kapalit na bayad dahil naging makabuluhan ang paggamit

mo rito.

3. Magkasalungat na interes (Conflict of Interest) - Ito ang pagtanggap ng

anumang regalo o pabor mula sa sinumang tao bilang kapalit sa ginawang

paglilingkod. Ang ganitong sistema ay hindi dapat maging motibasyon ng isang

manggagawa sa pagbibigay-serbisyo sa pagtupad ng kaniyang tungkulin.

MGA ISYU SA PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN

1. Korapsiyon – Ito ay ang sistemang pagnanakaw ng indibidwal na nasa

posisyon ng pera ng kinasasakupan niya para sa sariling kapakanan.

2. Kolusyon– Ito ay ang pakikipagsabwatan, o ang pakikipagkasundo sa isang

gawain na kalimitang may balaking hindi maganda o di naayon sa mga

kagandahang asal.

3. Bribery o panunuhol – Ito ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog

sa anyo ng salapi o regalo bilang pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap,


maari ring ang pagbibigay nito ay pagbabago sa pag-aasal ng tumatanggap

nito. Ito ay ang tinatawag ding lagay o paglalagay,

4. Kickback – Ito ay isang anyo ng ilegal na komisyon na ibabayad para sa

serbisyong “isang pabor para sa isang pabor” na ibibigay ng susuhulan. Ang

layunin nito ay kadalasang upang hikayatin ang kabilang partido na sumali sa

ilegal na gawain.

5. Nepotismo – Ito ay tumutukoy sa pagtatalaga ng isang katungkulan sa isang

kamag anak, kaibigan o malalapit na pamilya, binibigyan ng pabor ang mga

mahal sa buhay na maitalaga sa ibat-ibang katungkulan gayon meron nmang

mas karapatdapat.

E. Paglalapat Panuto: Ngayon bilang pagsubok sa iyong pag-unawa ng aralin, kopyahin sa


kuwaderno at punan ang mga patlang ng sanaysay sa ibaba batay sa iyong
natutunan.

Ang aralin na tinatakay ay tungkol sa mga isyu ng ________________ at


paggamit ng ________________. May tatlong isyu ng paggawa, ito ay ang
________________, paggamit ng oras sa trabaho at ________________. Ang
una ay tumutukoy sa pansariling ________________. Ang pangalawa ay
pagsasayang ng ________________, at ang pangatlo ay ang
________________ ng regalo o pabor na may kapalit. May limang isyu sa
paggamit ng kapangyarihan. Una ay ang ________________, sistema ng
________________ ng indibidwal na nasa posisyon. Ikalawa ay ang
________________,isang gawain na ilegal para lamang mapaunlad ang
pansariling kapakanan. Ikatlo ay ang ________________, bilang pagbibigay
pamalit sa pabor. Ikaapat ay ang ________________, isang anyo ng illegal na
________________, at ikalima ay ang ________________, pagtatalaga sa

________________ ng mga kamag-anak o kaibigan.

Mga sagot:

 paggawa
 kapangyarihan
 paggamit ng kagamitan
 magkasalungat na interes
 interes
 oras/pera
 pagtanggap
 korapsiyon
 pagnanakaw
 kolusyon
 bribery o panunuhol
 kickback
 komisyon
 nepotismo
 katungkulan

IV. PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng

pinakatamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga


katangi-tanging gawain, at siya lamang ang binigyan ng natatanging talino.

a. Hayop

b. Halaman

c. Kalikasan

d. Tao

2. Ayon sa Panlipunang turo ng simbahan, Rerum Novarum ni Blessed Paul II,


“Work bears a particular mark of man and of humanity, the mark of a person
operating within a community of persons.” Paano naipakikita dito kung ano ang
paggawa?

a. Ang paggawa ay pagmamahal sa isang gawain na nagiging katulong ang

Diyos sa pagbubunsod ng paggawa.

b. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,

pagkukusa, at obligasyong pagkamalikhain.

c. Ang paggawa ay nagbibigay sa atin ng kahulugan, at tinuturuan tayong

makilahok sa ating mundong ginagalawan upang ipagpatuloy ang paglikha


ng Panginoon.

d. Ang paggawa ay anumang gawaing pangkaisipan man ito o manwal,

anuman ang kaniyang kalikasan o kalagayan na makatao, nararapat para

sa tao ang gumawa bilang anak ng Diyos.

3. Ang moral na obligasyon sa paggawa ay malinaw na nakasaad sa Banal na

kasulatan sa Genesis 3:19, “Ang lupaing ito para pag-anihan, pagpapawisan mo

habang nabubuhay,” at sa Exodo 20:9, “Anim na araw kayong gagawa ng inyong

gawain,” na kung saan ang tao ay inatasan ng Diyos na gumawa at magtrabaho.


Ano ang ibig ipahiwatig ng mga pahayag na ito?

a. Isang panlipunang proseso na ang layunin ay mapangalagaan ng tao ang

lipunan.

b. Nilikha ang tao upang maging kabahagi ng Diyos sa Kaniyang gawain sa

pamamagitan ng paggawa.

c. Ipinakikita na ang anumang bagay na nais tamasahin ng tao ay kailangan

niyang paghirapan.

d. Ang paggawang ito ang siyang batayan ng ating pagkilos upang ituloy

at kumpletuhin ang sinimulan Niyang paglikha.

4. Ayon kay Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa pagkamasalimuot


ng mga kagamitan. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang kagamitan natin sa kasalukuyan ay bunga ng lipunan, iniwan ng

naunang henerasyon

b. Ang mga kagamitan ay produkto ng kapuwa at ginagamit niya upang

makalikha ng bagay para sa kapuwa.

c. Ang lahat ng bagay ay yaong nasa ating pananagutan, lahat ng may

kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili.

d. Naiiba ang tao sa hayop sa paggamit ng kagamitan at sa pagkamalay niya

sa kaniyang ginagawa.

5. Papaano maipaliwanag ang kasabihang, “With great power comes great

responsibility.”

a. Ang isang taong maraming kapangyarihan ay nararapat lamang mamuno.

b. Ang taong maraming alam ay maraming trabaho.

c. Ang taong may kapangyarihan ay responsable.

d. Ang isang taong maraming kakayahan ay nahaharap rin sa dami ng

responsibilidad na kailangan gampanan.

6. Ito ay uri ng korapsiyon, paglalagay ng mga kamag-anak na may katungkulan


sa ahensiya ng pamahalaan.

a. Korapsiyon

b. Kolusyon

c. Nepotismo

d. Suhol

7. Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pagbuwag ng Graft and

Corruption?

a. Integridad

b. Katapatan at pagkatakot sa Diyos

c. Kabaitan at pagkamasunurin

d. Pagtitimpi

8. Ito ay ang pagtatakip sa ginawang katiwalian ng isang taong may puwesto sa

pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng


salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap.

a. Korapsiyon
b. Kolusyon

c. Nepotismo

d. Suhol

9.Paano ang dapat gawin upang matigil ang pagkawala ng pondo ng


pamahalaan?

a. Mahigpit na pagpapatupad ng parusa sa mga nagkasala.

b. Pagbabantay sa mga tiwaling empleyado ng pamahalaan.

c. Pagbatikos sa mga maanomalyang gawain ng mga nanunungkulan.

d. Pagbubulgar ng mga pandarayang nagaganap sa ahensiya ng


pamahalaan.

10.Si Jonathan ay nahuli ng pulis trapiko sa kadahilanan paglabag sa batas


trapiko. Kinuha ang kaniyang lisensya ngunit hindi niya ito ibinigay bagkus
inabutan niya na lamang ng pangmeryenda ang nakahuli sa kaniya. Ang
pagtanggap ba ng pulis sa pangmeryenda ay nagpapakikita ng katiwalian?

a. Opo, dahil ang pagtanggap ng meryenda ay pagtanggap ng suhol.

b. Opo, dahil ang pulis ay hindi nagpakita ng katapatan sa kaniyang tungkulin.

c. Hindi po, dahil ang pagmeryenda ay napakaliit lamang na halaga.

d. Hindi po, dahil nakagawian nang nakararami ang magbigay kapalit ng

kaparusahan.

V. KASUNDUAN/ May kasabihan tayo na “ang taong nagsusumikap ay makakamit ang kanyang
pangarap”, gets mo ba? Kung ganun, kopyahin ang “Panunumpa ng Kawani ng
TAKDANG ARALIN Gobyerno” sa iyong kuwaderno. Pagkatapos ay salungguhitan ang mga gawaing
nagpapamalas ng katangian ng isang mabuti at mapanagutang manggagawa.

Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno

Ako’y kawani ng gobyerno

Tungkulin ko ang maglingkod ng tapat at mahusay,

Dahil dito,

Ako’y papasok nang maaga at magtratrabaho

Nang lampas sa takdang oras kung kinakailangan;

Magsisilbi ako ng magalang at mabilis

Sa lahat ng nangangailangan;
Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan

At iba pang pag-aari ng pamahalaan;

Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko

Sa mga lumalapit sa aming tanggapan

Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala;

Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan

Sa sarili kong kapakanan

Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol

Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan

Upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas

Sapagkat ako’y kawani ng gobyerno

At tungkulin ko ang maglingkod nang tapat

At mahusay sa bayan ko at sa panahong ito;

Ako at ang aking kapwa kawani

Ay kailangan tungo sa isang maunlad,

Masagana at mapayapang Pilipinas,

Sa harap ninyong lahat;

Ako’y taos-pusong nanunumpa.

Inihanda ni: ELLAH E. VELASCO


Guro sa EsP 10

Iwinasto ni: MARIA SOCORRO A. JOAQUINO


Head Teacher 1, EsP

You might also like