You are on page 1of 3

Kyle Condrei S.

Cruz Pebrero 17,


2021
11 - ICT - A Gng.
Imperial

“Utos ng Hari”

Ito ay pinamagatang “Utos ng Hari” dahil ito ay tungkol sa guro na nais na


ituwid ang isang estudyante. At wala naman makakasuway sa utos ng isang guro
kumbaga ay siya ay parang isang hari.
Si Pedro Cruz Reyes, Jr. o mas kilala bilang Amang Jun ng mga
kapwa manunulat at ng kanyang mga estudyante. Sa Utos ng Hari at Iba
Pang Kuwento, ang kauna-unahang nalathala niyang aklat tampok ang mga
maikling kuwento na nanalo sa patimpalak ng Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature, makikita ang pag-usbong ng kanyang panulat; ang
mapaglaro, eksperimental niya istruktura’t naratibo; at kung papaano niya
inilarawan, binigyang buhay at itinaguyod ang kalagayan ng pangkaraniwang
tao kasama ng lipunang iniinugan nito.

Ang tagpuan ay sa Philippine School for Science and Technology

Buhay-estudyante ang tuon ng kwento ni Jun Cruz Reyes. Sa mga


karansan, kaisipan at saloobin ng pangunahing tauhan na si Jojo umikot ang
kwento. Naipakilala ni Reyes ang pangunahing tauhan bilang isang
estudyante na pasaway sa mata ng mga guro. Malinaw na sinasabi sa kwento
na siya ay may pagkamatigas. Bukod dun, si Jojo ay mahilig din mang-inis at
manubok sa kakayahan ng guro. At kadalasan, lumiliban siya sa klase.
Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong sa konsepto ng
mapaniil na patakaran ng isang institusyon. Isa siya sa mga estudyante na
maraming gustong sabihin pero walang karapatan para isatinig ito kaya
napipilitin na lang na itago sa sarili. Maraming oras na gusto niyang isambulat
ang kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi alam naman niya na hindi
siya pakikinggan. Kung pakikinggan man siya, alam pa rin niya na
mababalewala lang din ito. Nang araw na yun, sinabihan siya ni Mrs. Moral
Character na pumunta sa kanyang cubicle pagkatapos mananghalian.
Kinausap siya nito tungkol sa kanyang attitude. Kahit na naiinis na siya, pinilit
pa rin niya na ngumiti dahil alam niyang hindi siya mananalo sa guro. Malinaw
na isinalaysay sa kwento na bagamat pasaway na estudyante si Jojo,
nakukuha pa rin niya ang makinig at ibigay ang respeto nito sa kanyang guro
kahit papano. Bukas ang isip ni Jojo. Marahil, dala na rin ng kanyanag
pagiging teenager. Nasa antas siya ng pagtatanong-tanong at pagtuklas sa
mundo.

Masasabi kong matalino siyang estudyante dahil nagagawa


niyang tuligsain ang kanyang mga guro. Bukod dito, masasabi ko na malawak
ang kanyang pag-iisip dahil nagagawa niyang bumuo ng mga diskuro sa isip
niya na may kinalaman sa pagtuklas. Mahirap nga namang mag-aral. Marami
kang kailangang ipasang proyekto, papel at kung ano-ano pa para
makumpleto ang mga kahingian sa eskwelahan. Hindi pa kasama doon ang
paggugol mo ng panahon para pagtiyagaan ang mga guro mong terror at
nagteterror-terroran lang. Ang nakaiiritang mga kamag-aral na nagtatali-
talinuhan at nagdudunung-dunungan. Sa madaling salita, pakikisama.
Mahirap makisama sa isang mundo na taliwas sa mundong gusto mong
kalagyan. Marahil ito ang naging problema ni Jojo. Marami siyang gustong
gawin sa buhay niya. Marami siyang gustong patunayan sa sarili niya maging
sa mga taong nasa paligid niya. Subalit hindi niya alam kung saan
magsisimula. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Dahil alam niya na
hindi tatanggapin ng mundong kinalalagyan niya ang mga galaw na gusto
niyang gawin. Bukod kay Jojo, binigyang-buhay rin sa kwento ang isang Mrs.
Moral Character. Guro siya ni Jojo. Siya naman ang naging kinatawan ng
lahat ng guro sa kwento. Siya ang nagsilbing Mr. Discipline, Mrs. Gles-Ing at
Mr. Mathematecian sa kwento. Makikita sa kwento, sa pagsasalaysay ni
Reyes, ang iba’t ibang mukha ng guro: Ang pagiging perfectionist sa bawat
detalye, ang pagiging moralist, at ang pagiging intruder nito sa personal na
buhay ni Jojo. Perfectionist. Bilang isa Mrs. Moral Character na nagtuturo ng
social science, gusto niya na laging tama at may batayan ang sinasagot ng
kanyang mga estudyante sa oras ng kanilang diskusyon. Moralist. Walang
duda. Kaya siya tinawag na Mrs. Moral Character dahil lagi siyang
nangangaral kaya nasasabihang maraming alam. At higit sa lahat,
isang intruder. Pakialemera sa buhay ng may buhay, lalo na sa mga personal
na bagay, itong si Mrs. Moral Character nang bigla nitong sabihin kay Jojo na
ito ay nakita nya sa chapel. Sabi nga ni Jojo sa kanyang sarili: Ano bang
masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess.
Masama ba yun? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs.
Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Bagamat ganoon ang
pagbibigay-suri sa guro na nasa kwento, hindi ko naman sinasabi na  ang
mga guro ay isang malaking “antagonist” sa kwento. Oo. Maraming
pagkakataon na perfectionist ang mga guro. Dahil gusto nilang matuto ang
kanilang mga estudyante. Mula sa pananaliksik hanggang sa kung paano mo
ilalatag ito sa klase. Gusto nila na tinatahak mo ang sinasabi ni PNoy na tuwid
na landas kaya lagi silang nagpapaalala sa mga tama at kagandahang asal.
Pero ang tanong, pati nga ba ang personal na buhay ay kailangan nilang
panghimasukan? Ang Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes ay nagpapakita ng
realidad sa buhay-eskwela. Ang buhay ng isang pasaway na estudyante na
may pasaway ring tropa. Ang pasaway na estudyante na kahit bata pa ay
may kasintahan na. Ang pasaway na estudyante na may pasaway ring mga
guro, tunay na makikita ang kasalukuyang kalakaran sa eskwelahan.
Bagamat limitado ang galaw ng bawat tauhan sa kwento, nabigyang hustisya
ni Reyes ang pagpapakita ng realismo sa kanyang akda.

Bisa sa Damdamin
Nakakalungkot talaga isipin na mayroong mga ganitong tipo ng mga guro.
Mayroong mapanghusga, yung tipong hindi muna alamin kung ano ang tunay na
pangyayari. Bagkus ay nais ka lang nila pasunurin sa kung anong alam nila ay tama.

Bisa sa Isip
Ang akdang ito na isinulat ni Ginoong Jun Cruz Reyes ay tungkol sa
pagmumulat sa uri ng sistema ng edukasyon kung saan nararapat lamang na suriin
muna ang mga gurong ipapasok o iaaplay sa nasabinbg eskwelahan.

Interpretasyon
Ang nais ipahiwatig ng akdang ito ay ang maling pagtrato ng ilang mga guro sa
mga estudyante at parang hindi na nila binibigyan ng kalayaan ang mga ito.

Reaksyon
Sa totoo lang, ako’y nalulungkot sapagkat ito ay naranasan ko na rin. At hindi
maganda na ikaw ay mapunta sa ganitong sitwasyon. Ikaw man ay isang tigasin o
tahimik na estudyante.

You might also like