You are on page 1of 2

A.

Gumawa ng Stori Gramar alinsunod sa balangkas sa ibaba:

Pamagat ng kwento:

 Utos ng Hari

May Akda at deskrispsyon niya:

 Pedro Cruz Reyes Jr. Siya ay mas kilala sa pangalang Jun Cruz Reyes. Isa siya sa mga
magagaling na makata at pintor.

Tagpuan (Lugar at panahon):

 Sa eskuwelahan
 habang nagkaklase

Paglalarawan sa Mga Pangunahing Tauhan:

 Jojo, isang estudyante na nagrereklamo sa mga maling nagagawa sa paaralan.


 Mrs. Moral Character, isang guro sa Social Science at adviser.
Obervyu ng kwento (1 talata lamang):

 Ang kwentong ito na inaakda ni Jun Cruz Reyes ay nagpapakita ng isang realidad kung
ano ang nangyayari sa eskwela. Sa kwento, laging nababanggit ang pasaway na
estudyante at mga guro. Ito ay isang kwento na nagpapakita ng mga kalakaran sa
paaralan.

Pangunahing Problema sa Kwento:

 Si Jojo, isang estudyante, ay pagod na at masama ang kanyang loob dahil sa paraan ng
edukasyon at lalo pang naiipon ang kanyang sama ng loob tuwing siya ay sesermonan
ng kanyang guro.

Paano naresolba ang Konflik sa istorya:

 Dahil sa kanyang mga pasaway din na mga kaibigan, kahit papaano ay nababawasan
ang bigat ng kanyang nararamdaman ito ay dahil lagi silang nakikinig sa mga kwento ni
Jojo.

Tema (Sentrong Ideya ng Akda):


 Ang kwentong ito ay isinulat upang mas magkaroon ng kaalaman tungkol sa kadalasang
nangyayari sa paaralan at pati na rin ay mga nararamdaman ng estudyante.

Aral ng Kwento:

 Ang kwentong ito ay dapat magsilbing gabay at aral sa mga estudyante, maging sa mga
guro, kung papaano kumilos ng mas tama lalo na kapag nasa paaralan.

Simbolismo:

 Pinapakita nito ang iba’t ibang pangyayari at kaugalian ng bawat isa sa paaralan.

Pangkalahatang Komento sa Akda: (tatlong mga pangungusap lamang)

 Ang masasabi ko lamang ay isa ito sa mga pinakamagandang kwento dahil hindi lang ito
basta nagkukwento ngunit ito rin ay nagmumulat sa mga mambabasa sa katotohanan.
Hindi man lagi nangyayari sa tunay na buhay ang lahat ng mga nangyari sa kwento lalo
na ang naipakitang ugali ng mga guro, subalit dadating at dadating din talaga ang oras
na ito’y ating mararanasan. Sa aking opinyon, ang akdang ito na naisulat ni Jun Cruz
Reyes ay isa sa mga magpapakita na hindi lahat ng nangyayari sa eskuwelahan ay puro
maganda at positibo lamang mayroon din talagang mga pangyayari na hindi gaano
kaaya-aya.

You might also like