You are on page 1of 2

Isininulit nina: Petsa: Augus 31, 2023

Bedoña, Marco

De Ocampo, Princess Ivan

Mendoza, Shena H.
Kurso: BSED III - Filipino Subject: LIT 105(TThS 6:30-7:30)

Utos ng Hari
ni Jun Cruz Reyes

Elemento ng Maikling Kuwento

Tauhan

Jojo – isang mag-aaral na pasaway sa mga mata ng mga guro. Mahilig mang-
inis at manubok ng kakayahan.

Mrs. Moral Character – isang guro sa Social Science at gurong tagapayo ni Jojo

Minyong – Kaibigan ni Jojo, isang culutural minority.

Iba pang mag-aaral: Oasis, Armando

Iba pang mga guro: Mr. Espejo, Mr. Mathematician, Mr. Discipline, Ms. Spermatozoa,
Ms. Kuwan, Mrs. Gle-sing, Mrs. Robinson.

Tagpuan

Ang mga pangyayari sa kuwento ay naganap sa loob ng silid-aralan sa


paaaralang Philippine for Science and Technology, sa cubicle o opisina ng guro, sa
Cubao at comfort room.

Banghay

Simula: Sa simula ng kuwento ay ipinakita kung ano ang sitwasyon ni Jojo, ito ay
nagsimula nang ipatawag siya ng kanyang guro na si Mrs. Moral Character, nasa isip
agad ni Jojo ang maaaring niyang kahinatnan sa magiging pag-usap nila. Marami
siyang reklamo at hinaing tungkol sa kanyang nararanasan sa paaralan, sa isip niya ay
napakalayo ng kahapon sa kasulukuyan, sa kanilang bahay ay siya ang bida at sikat
kapag ang kababayan niyang ang nagkukwento, ngunit sa kanyang eskwelahan ay
para siyang naiitsapwera.

Gitna: Dahil sa pag-uugali ni Jojo ay isa siya sa matatanggal sa paaralan kasama ang
kaniyang kaibigan na si Minyong na inaakusahang baliw, ito ay batay sa naging
pagpapasya ng mga guro. Habang ang dalawa na mag-aaral na si Osais at Armando ay
hindi ibinagsak kahit mababa ang mga grado, dahil sa mabait at may doktor na ama.
Dumating ang oras ng pag-uusap nina Jojo at Mrs. Moral Character, sa una pa lamang
ay pinipigilan na ni Jojo ang kanyang sarili na sumagot sa guro, kaya panay tango at
labas sa kabilang tenga lamang ang mga sermon ng guro. Sa pag-alis ni Jojo matapos
ang kanilang usapan ay may naging pahabol na sermon pa ang guro tungkol sa
pagkikita nila ng kanyang kasintahan na si Tess, subalit ito ay hindi na natiis ni Jojo
kaya tuluyan na siyang umalis.

Wakas: Sa naging pag-uusap nila ng guro ay marami ang tumatakbo sa kanyang isip,
gusto niyang magwala, at isumbat sa kanilang lahat ng kanyang hinanakit, dahil para sa
kanya ay wala siyang maling ginagawa. Dahil sa pangyayari ay napagpasyahan ng
magbabarkada na pumunta sa Cubao upang uminom at magsaya. Nais din ni Jojo na
magsalita dahil ayaw niyang matulad kay Minyong, sa pader sa comfort ay nais niyang
isulat ang kaniyang mga hinaing ngunit sa huli ay hindi niya ito ginawa, sa halip ay idi-
jingle nalang muna niya ang lahat ng sama ng loob.

Paksang Diwa

Batay sa aming pagsusuri at pagka-unawa sa maikling kuwento, ito ay


kinapapalooban ng iba’t ibang paksa tulad ng pagtitimpi na mababakas sa ipinapakita ni
Jojo sa kwento na kung saan ay kahit gaano karami ang mga sama ng loob at hinaing
sa kanyang nararanasan sa kanilang paaralan at kahit gustuhin man niya na magsalita
para sa kanyang sarili ay hindi niya ito magawa, hanggat kaya niya ay pinpigilan niya
ang kanyang sarili. Ito rin ay pumapatungkol sa pagiging makasarili ng mga tauhan,
lalo’t higit ng mga guro sapagkat hindi nila pinapakinggan at tinatanggap ang opinyon at
maging hinaing ni Jojo sa halip ay iniisip nilang kinakalaban sila nito, kaya’t nakaapekto
ito sa ugaling ipinapakita ni Jojo, at masasabi rin na siya ay isa ring makasarili sapagkat
nakatuon lamang siya sa problema na kanyang kinakaharap, hindi niya iniisip ang
maaaring maging dulot ng kanyang ginagawa, lalo’t higit sa kanyang mga magulang na
maaaring siya ang inaasahan dahil isa siyang iskolar.

Bisa

Bisa sa pandamdamin: Nakaramdam ako ng inis sa mga guro sa kwento at


simpatya naman kay jojo na kung saan ay gusto na nyang kumawala sa paraan ng
pagtuturo ng kanyang mga guro at maling makikitungo ng mga ito

Bisang pangkaisipan: Naunawaan ko yung pinaggagalingan ng inis ni Jojo naisip


ko na ako man ang malagay sa katayuan nya ay baka ganun din ang maging pag-iisip
ko.

Bisang pangkaasalan: siguro kung ako ang nasa kalagayan ni Jojo ang magiging
pananaw ko ay maging positibo na lamang dahil nga iskolar sya at inaasahan din sya
ng magulang nya mas mabuti na hindi na lamang pakipag diskusyon sa mga
guro ,bagkus ay maging normal na estudyante na lamang , dahil kung matuloy man ang
pagsita nya sa paraan ng pagtuturo o pagpuna sa mga bagay bagay ng kaniyang mga
guro ay tiyak na malaking gulo pa at siya naman ang lalabas na palalo, mas mainam na
pagpatawad at pahupain ang inis kaysa makagawa ng mga bagay na baka hindi na
maitatama.

You might also like