You are on page 1of 2

Rebyu sa Pelikulang “ABNKKBSNPLAko?!”: https://www.studocu.

com/ph/document/ateneo-
de-davao-university/values-education/aba-nakakabasanapala-ako/9420396
I. Pamagat: ABNKKBSNPLAko?!

Si Bob Ong o Roberto Ong, ay ang sagisag panulat ng isang kontemporaryong Pilipinong manunulat na kilala sa
paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa at sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang
Pilipino.

II. Buod

Ang konsepto ng pelikula ay balikan ang mga alaala ng hayskul ni Robert (Jericho Rosales). Ilan sa mga bagay na
tinalakay o inalala ay ang classic music, tanyag na palabas sa telebisyon at panonood ng box-office hits. Ikinuwento
ni Robert na gusto ng kaniyang magulang na makatapos siya, na mayroon siyang mga istriktong guro, hindi
nakakasundong kaklase, nakahihiyang mga karanasan at kuwento ng pakikipag- ibigan sa isang babae sa kaniyang
paaralan.

III. Paksa

Ang ABNKKBSNPLAko ay isang pelikula ng Viva Films na hango sa libro ni Bob Ong na may parehas na pamagat. Ang
titulo ay pinaiksing katawagan na nangangahulugang ‘’Aba nakakabasa na pala ako’’. Ipinalabas ito sa mga sinehan
noong ika-labingsiyam ng Pebrero, 2014. Pinagbidahan ito ni Jericho Rosales, Andi Eigenman, Vandolph Quizon at
Meg Imperial sa direksyon ni Mark Meily. Ginawa niya ang aklat na itong maikli ngunit puno ng pananaw at
quotable quotes. Dahil dito ito ay naging interesanteng basahin. Ang paksa ay hango sa tunay na buhay. Tinalakay
ng pelikulang ito ang kanyang buhay bilang estudyante at bilang isang guro at pati na rin

noong siya ay college. Tinalakay niya dito ang nangyari sa kanya noong siya ay nag-aaral. Nagbigay rin siya ng advice
tungkol sa buhay at pati na rin sa pag-aaral. Hindi lang niya tinalakay kung paano siya nag – aral tinalakay din niya
tunay na layunin ng edukasyon.

IV. Bisa

Sa libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKo ipinamalas niya ang kagalingan niya sa pagsusulat sa pamamagitan ng
pagsusulat ng isang libro kung saan nakaukit sa bawat pangungusap lahat ng pangarap, kamalian, katanyagan,
masasaya at hindi masayang karanasan sa loob at labas ng eskwelahan bilang isang estudyante, kaklase, anak,
kaaway, kaibigan, kabarkada, guro at bilang isang tao. Nakasaad dito ang pagiging buhay- estudyante ni Bob Ong
habang siya ay nasa elementary pa lamang hanggang sa siya’y nakatapos ng mataas na paaralan at kolehiyo.
Mababasa rin sa librong ito ang mga posible at imposibleng nangyari sa buhay ng isang estudyante. May mga
mababasang kasabihan tungkol sa pag-aaral mula sa mga tanyag na tao na kung susuriin mabuti at lalawakan ang
kaisipan ay makakabuo ka ng isang kahulugan sa mga kasabihang ito kung saan pinapakita ang totoong estado ng
ating pamumuhay bilang isang estudyante. Tulad ng isang normal na estudyante, sa elementarya naranasan ni Bob
Ong ang pinakasimpleng mga problema na kung saan para sa atin noon ay napakahirap at napakakomplikado na –
ang mga laruan. Naranasan din natin ang pagalitan ng mga guro sa hindi natin maintindihang kadahilanan. Si Miss
Uyehara ang guro doon ni Bob Ong kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay pinalo siya sa hindi rin niya alam
na kadahilanan. Isinalaysay niya sa mga unang pahina ang istura ng playground o palaruan ng mga elementaryang
estudyante kung saan madalas ay nagiging Junior Divisoria ang labas ng kanilang paaralan dahil sa mga nagkalat ng
tindahan at kung anu-anong tinda ng mga tindero at tindera. Sa Hayskul naman o mataas na paaralan nabunyag
muli ang mga bagay na kadalasang ginagawa ng mga estudyanteng nagbibinata na at nagdadalaga. Dito nakasaad
ang mga kalokohan ni Bob Ong noong Clowns, Geeks, Hollow Man, Spice Girls, Da Gwapings, Celebrities, Guinness,
Leather Goods, Weirdos, Mga anak ni Rizal, Bob Ongs at ang Commoners na hinding hindi mawawala sa isang klase.
Sa pagiging guro niya nasabi na ang pagtuturo ay isa sa mga pinakasagradong trabaho dahil hindi mo raw alam kung
saan hihinto ang impluwensya mo sa mga magiging estudyante mo. Naisaad din sa libro ang malaking kakulangan
ng gobyerno pagdating sa budget nila sa edukasyon na talagang makakapagbukas ng iyong mata sa totoong
pangyayari na mayroon sa bansa natin. Nabanggit din ni Bob Ong sa bandang dulo ng kanyang libro ang pagiging
tanyad at bayani ng sariling bansa ang mga guro dahil sa mga ginagawa nila upang makapagturo lang. Pagkatapos
ng dalawang linggo ay bumalik na ulit si Bob Ong bilang isang estudyante. Sa buod ng kanyang libro, masasabing
talagang mahirap maging estudyante pero mas mahirap ang maging isang taong wala narrating dahil sa katamarang
ipinakita sa pag-aaral. Isang dekada lang tayong mag-aaral at kung palalagpasin pa natin ito ay limang dekadang
paghihirap ang kapalit. Makakabalik tayo sa lugar pero hindi na sa panahon kaya dapat ngayon pa lang ay ayusin na
natin ang pag-aaral natin upang maging mas matuwid ang landas na maaari nating tahakin sa ating buhay.

V. Mensahe

Marami na ang humanga at naging inspirado sa pag – aaral dahil sa libro na ito, karamihan ay ang mga estudyante
pa lamang, ayon na rin ito sa mga kwento ng aking kaklase na bago ko pa nabasa ito ay kinuwento na nila sa akin.
Dahil maski ako ay na – inspired, Masasabi ko na ito ay ang “Kwento ng bawat Batang Pilipino” dahil sino ba naman
ang mga batang Pilipino sa mundo na di naranasan ang Mag – cutting, Mangopya, Maglaro, Kumain ng pagkain
Galing sa tray, Maligo sa ulan, Mag cram sa Assignment, magkaroon ng Project, Matae sa salawal, Atbp. Oo inaamin
ko, halos lahat ng andyaan ay nangyari na sa akin. Di naman ako Kritiko para husgaan ang libro, pero humahanga
ako dahil mistulang binigyan tayo ni Uncle Bob ng time machine para balikan ang ating ala -ala, at ito ay sa
pamamagitan ng ABA! Nagreview ka na ba? game na siya mismo ang nagdisenyo (kung may gusto kayong malaman
tungkol sa laro, ay iclick na lamang ang link na nasa itaas.

VI. Teoryang Ginamit

Eksistensyalismo – Ito ay nagpapakita na ang tao ay may kalayaang pumili at magdesisyon para sa kanyang sarili na
siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo ) Human existence).

• Sa Rebyu na ito naipakita ng mabuti ang nilalaman ng pelikulang ito subalit hindi
masyado nasuri ng kritikal o nasunod ang tamang gabay sa pag gawa ng rebyu. Sa simula
ay nilagay niya ang titulo ng pelikula at ang kaunting talambuhay ng may akda, ito ay
isang Magandang simula sapagkat magkakaroon ng ideya ang mga mambabasa sa
tekstong kanilang susuriin. Pagkatapos ng unang bahagi ay sinundan niya ito ng buod at
paksa ng pelikula, hindi ginawang detalyado ang parteng ito ngunit sa tingin ko ito ay
tama lang upang hindi maibigay sa mambabasa ang buong pelikula dahil makakaapekto
ito sa interes ng mambabasa kung papanuodin pa ba nila ito. Para naman sa parte ng
Bisa ito ay nailapat ng Mabuti sapagkat ito ay sinuri ng kritikal at sistematiko. Mainam na
sinundan ito ng Mensahe at Teoryang Ginamit ngunit doon na lamang natapos ang
kanyang Rebyu. Nararapat sana na nalagyan ito ng Rekomendasyon at komento sa mga
karakter dahil ito ay makakapagbibigay din ng ideya at interes para sa mga susunod pang
manunuod.

You might also like