You are on page 1of 3

Neri, Algie Me B.

Bilang ng mga salita: 1,512


BEED-3A
Lalaki sa Dilim

Ang nobelang lalaki sa dilim ay isinulat ni Benjamin Pascual. Ang nobelang ito ay nagbigay ng
ilang bagay na patungkol sa kanya.
LALAKI SA DILIM NI BENJAMIN PASCUAL: ISANG PAGSUSURIKAHULUGAN NG PAMAGATSa
pamagat pa lamang ng nobela mahihinuha na maykinalaman sa isang madilim o malinggawain
ang lalaki sa nobela.Kaya „Lalaki sa Dilimang pamagat nito ay dahil na rin sa ang lalaki‟sa nobela
ay nakagawa ng isang kasalanan noong sapilitan niyangginahasa ang isang babaengbulag.
Maselang usapin ang gahasa saan man sa lipunan. Sa nobela makikita kung gaano
kabigatanggayon sa buhay ng isang babaeng bulag at mahirap. Sapambihirang bisa ng panulat
ng may-akda ay itinatampok sanobela ang samotsaring pagtanaw sa gahasa: ang salapi,
dangal,pighati,ugnayan, pag-asa, at iba pang tunggalian o kaisahan. Dito mababatid na ang
pisikal napagkabulag ng babae ang siyang magbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng
lalaki.Makikita natin kung paano nabago ang buhay ng lalaki sa pamamagitan ng pagsisisi at
nabigyan ulit ng liwanag ang kanyang buhay.

Buod ng Lalaki sa Dilim:


Ang kwento ay sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang espesyalista sa
mata.Nagsimula ang nobela sa pag-uusap ng mag-amang Rafael Cuevas at Don Benito ukol sa
nalalapit na kasal ni Rafael kay Margarita.Isang araw,madilim, walang ilaw pero naaaninag niya
ang isang babaeng nakahiga. Maganda ang porma ng mga labi, maganda ang leeg at matangos
ang ilong. Kagandahang kanya lamang, parang bulaklak sa ganda. Pero iba na ang kanyang
mararamdaman, tumataas na ang kanyang libido sa katawan. Mabilis niya ginapang ang babae.
Sinunggaban niya ito sa pagkakahiga. Naglulumaban ang babae. Tinakpan niya ng kaliwang
kamay ang bibig nito, yakap ng mahigpit at inihiga niya ito sa banig; umuungol, umiiyak at
sumisinghap-singhap. Wala nang nagawa ang babae at nagpaubaya na lamang. Bago pa man
siya makasal kay Margarita,isang opera singer nagawa niyang gahasain ang babaing
kahabaghabag ang kalagayan, ito ay malagim na krimen. Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng
konsensiya sa nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa,binigyan
niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabing sa kanya din magpagamot ng mata
upang masingil lamang ng kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang
kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa
kanyang nagawangkabutihan. Nagmungkahi si rafael na bakit hindi niya ipalaglag ang bata. Sabi
naman ni Ligaya, magiging kasalanan pa daw niya iyon kung ginawa niya. Habang nagsasama
sina Rafael at Margarita bilang magasawa, nagkaroon ng ibang lalake si Margarita na
nagngangalang Nick, ang matalik na kaibigan ni Rafael na asawa ni Marina. Sa pananaw ni
Margarita ay ayos lamang na magkaroon sila ng ibang mangingibig, maliban sa kanilang dalawa,
basta magkaroon sila nang pagkakaintindihan at pagiging totoo sa isa’t isa ngunit kinalaunan ay
naghiwalay din ang sila.
Habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay nagulantang siya sa kanyang nabasang balita na
nagsasabing pinatay sina Margarita at Nick sa isang otel ng isang babaeng nasa edad 29 anyos.
Ang tinutukoy na babae sa balita ay walang iba kung hindi si Marina, ang asawa ni Nick na
matagal nang nagtitimpi sa mga pagkukunwari at panlolokong ginagawa sa kanya na umudyok
sa pagkitil nito sa buhay ng sariling asawa at sa kinakasama nito.
Tatanggapin na lang daw niya ang bata at palalakihin ng maayos.Naging inaanak niya rin ang
bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay
nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lamat
tangkanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay
isang modernong babae. Totally Americanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos lang
namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan
ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa. Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael
aygumulantang sakanya ang isang balitang napatay si Margarita atNick sa isang Hotel ng isang
babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga
kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at makapatayito.Sa huli ay nagawa
rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Selaang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon
ay bumaboy sakatawan ni Ligaya. Nagtapos ang kwento nang aminin ni Rafael nasiya ang
gumahasa kay Ligaya. Nagulat ang mag-ina sa narinig, ngunit mapapansinsa mga ikinilos ni
Aling Sela na ayos lang na si Rafael ang ama ng anak ni Ligaya.Malinaw kay Rafael na
papakasalan niya si Ligaya.Nagwakas ang istorya na kapwa luminaw ang katauhan ng dalawa.
Naging masaya sila at ang anak nila ang nagsilbing liwanag sa lahat ng dilim.

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng Lalaki Sa Dilim. Tumatakbo ang
buong kwento sa buhay ni Rafael Cuevas na napunta sa dilim ang landas dahil ginahasa niya ang
isang babaeng bulag. Makikita natin kung gaano kahirap ang nadanas ng babaeng bulag sa
nangyari sa kanya.
Ang nobelang ito ay nag-iiwan din sa atin ng aral na maari pa nating bawiin ang kasalanang
ating nagawa. Ito ay sa pamamagitan ng pagsisisi at taos pusong pakukumbaba upang
lumiwanag ang dilim sa ating pagkatao.Ang akdang ito ay isang patunay na ang buhay ay may
malubak na simula ngunit maaaringmagkaroon ng magandang katapusan. Maging matatag sa
pagharap ng problema ng buhay(lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan at kailangan lang
nating maging positibo sa mgapangyayari. Huwag tayong maging negatibo dahil mas lalala ang
mga pangyayari. Magtiwalatayo sa Diyos( iya ang tutulong sa atin sa pagharap ng mga
problema sa buhay.

You might also like