You are on page 1of 1

Lalaki Sa Dilim

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang espesyalista sa
mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ng
kanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa
niyang gahasain ang babaing kahabag-habag ang kalagayan. Isang bulag at maralita ang kanyang
ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang kanyang boses ay “ligtas”
siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay. Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa


nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa, binigyan niya ito ng P50,
000.00 kasama ang liham na nagsasabing sa kanya din magpagamot ng mata upang masingil
lamang ng kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyang nagawang kasalan kay Ligaya
na nagkataong isinunod sa kanyang pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang
kabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang kanyang
kaibigan. Nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang
napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. Totally Americanized, sabi nga sa
nobela. Para kay Margarita ayos lang na magkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroonlang sila ng pagkaka-intindihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa.

Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay gumulantang sa kanya ang isang
balitang napatay si Margarita at Nick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si
Marina ang asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ng asawa hanggang sa
umabot na sa sukdulan at makapatay ito. Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at
Aling Selaang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sa katawan ni
Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si Ligaya.

Ang buod ng Lalaki Sa Dilim ay mula sa lhesabante.wordpress.com.

You might also like