You are on page 1of 1

BUOD NG NOBELA

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas. Isang espesyalista sa


mata. Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party
ngkanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa
niyang gahasain ang babaingkahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita
angkanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi

nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa


nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa,binigyan niya ito ng
P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya din magpagamot ng mata upang masingil
lamang ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang kasalan kay Ligaya
na nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang
nagawangkabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang
sariling anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang kanyang
kaibigan. Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang
napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. TotallyAmericanized, sabi nga sa
nobela. Para kay Margarita ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa. Isang araw
habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang sakanya ang isang balitang napatay si
Margarita atNick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick
na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at
makapatay ito.Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Selaang ina ni Ligaya na
siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na
papakasalan niya siLigaya

You might also like