You are on page 1of 1

Aktibidad 2

LALAKI SA DILIM (buod ng nobela)

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang


espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya
ng Stag party ng kanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang
opera singer. Nagawa niyang gahasain ang babaing kahabaghabag ang kalagayan.
Isang bulag at maralita ang kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang
hindi nakilala ang kanyang boses ay ―ligtas siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng


konsensiya sa nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang
ginahasa,binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabing sa kanya
din magpagamot ng mata upang masingil lamang ng kaunti upang hindi makahalata.
Nagbunga ang kanyang nagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa
Kanyang pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan. Naging
inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.
Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick.
Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan na humantong din sa
hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae.
Totally Americanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos lang na magkaroon
siya ng lover at gayon din si Rafael basta magkaroon lang sila ng pagkakaintinihan ni
Rafael at maging totoo sa isa‟t isa. Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si
Rafael ay gumulantang sa kanya ang isang balitang napatay si Margarita at Nick sa isang
otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marina ang asawa ni Nick na matagal ng
nagtitiis sa mga kabulastugan ng asawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at
makapatay ito. Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Sela ang ina ni
Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan ni Ligaya. Malinaw
kay Rafael na papakasalan niya si Ligaya.

Ang akda ay halimbawa ng isang sangay ng panunuring panitikan na Moralistiko, sagutin ang
mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pangunahing tungkuling dapat gampanan ng may akda sa pagdulog moralistiko?
2. Ano ang aral na nais ipabatid ng kwentong ang Lalaki sa Dilim?
3. Marapat ba ang naging wakas ng kwentong ito?

You might also like