You are on page 1of 5

ALFONSO, Deejay O. BSED 4I Dr.

Rosalina Joson Mayo, 02, 2018

PAMAGAT: Ang Lalaki sa Dilim


MAY AKDA: Benjamin P. Pascual
TAGPUAN: Madilim na Eskinita, Hospital, Bahay ni Ligaya
KAILAN: Sa Kasalukuyang Panahon

MGA TAUHAN:
Rafael Cuervas: Isang Espesyalista sa mata.
Ligaya: Bulag na Babae na Ginahasa.
Nick Cuerpo: Kababata ni Rafael Cuervas at kabit ni Margarita.
Margarita Carrasco: Babaeng naging asawa ni Rafael Cuervas.
Aling Selya: Ina ni Ligaya.
Marina Cuerpo: Ina na handang ipaglaban ang kanyang anak.

MGA SULIRANIN:
Ang pangunahing problema na kinakaharap ng mga tauhan sa
istorya ay paano mapagtatakpan ang kasalanang ginawa ni Rafael Cuervas kay
Ligaya dahil sa ginawa nyang panggagahasa dito ay maaaring makasira sa kanayang
reputasyon at katayuan sa buhay.
Isa a pa sa problemang kinakaharap ng mga tauhan ay kung saan
at kanino ilalaan ang pagmamahal na kanilang itinatago sa bawat isa.
PANGYAYARI 3

PANGYAYARI 4
Nagbunga ang kanyang nagawang
kasalanan kay Ligaya na nagkataon
Isang araw araw habang nagbabasa ng isunod sa kanyang pangalan bilang
isang pahayagan si Rafael Cuervas ay pagtanaw ng babae sa kanyang
gumalantang sa kanya ang isang nagawang kabutihan. Naging inaanak
balitang na patay si Margarita at Nick din niya ang bata sa binyag ninonmg
sa isang hotel ng isang babaeng nasa siya ng kanyang sariling anak. Sa
29 anyos. Ito ay si Marina ang asawa kanilang pagsasama ni Margarita ay
ni Nick na matagal ng nagtitiis sa nagkaroon ito ng lover at ito ay si
kabulastugan ng asawa hanggang sa Nick. Ang kanyang kaibigan.
umabot na sa sukdulan at napatay ito. Nagkaroon ng lamat ang kanilang
samahan na humantong din sa
hiwalayan.

PANGYAYARI 1
PANGYAYARI 2

Nagsimula ang kwento sa isang lalaki


Walang ebidensyang magpapatunay. na nagngangalang Rafael Cuervas.
Bilang panghuhusga at paglilinis niya Isang espesyalista sa mata. Nakagawa
ng konsensya sa nagawa niyang siya ng isang malagim na krimen ng
kasalanan kay Ligaya, ang babaeng gabing bigyan sya ng stag party ng
ginahasa, binigyan niya ito ng Php kanyang mga kaibigan bago pa man
50,000.00 kasama ang liham na siya makasal kay Margarita, isang
nangsasabing sa kanya din opera singer. Nagawa nyang gahasain
magpagamot ng mata upang masingil ang babaeng kahabaghabag ang
lamang ng kaunti upang hindi kalagayan. Isang bulag at maralita ang
makahalata. kanyang ninakawannng kabirhenan.
Dahil hindi makakita at hindi nakilala
ang kanyang boses ay “ligtas” sya sa
kanyang kasalanan.
KINALABASAN:
Sa huli nagawa din niyang aminin kay Ligaya at Aling
Selya, ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sa
katawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael Cuervas na papakasalan niya si
Ligaya.

2. PAGPAPAHALAGA SA TAUHAN:
GAWI/ KILOS PRINSIPYO
1. Rafael Cuervas Naniniwalang lahat ng bagay ay may kaakibat
Nagmamahal ng tunay sa isang tao, na parusa at lahat ng mga ito ay nadadala ng
kayang panindigan ang mga desisyon na karma. Kung kaya’t isinasaayos niya ang
kanyang ginawa. lahat ng kamalian niya.

2. Ligaya
Walang kamuang-muang sa mundo Na kinakailangang bigyan ng pagkakataon ng
dahil na rin sa hindi sya nakakakita kung mga taong pinagsisisihan ang ginawang
kaya’t limitado lang ang kanyang nagagawa kasalan
sa kanyang paligid na ginagalawan.

3. PAGPAPAHALAGA SA KATAYUAN SA BUHAY NG TAUHAN


TAUHAN PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
Pinagkaitan na mahalin ng Mayaman at may pinag-
Totoo, aralan si Rafael habang
lumaking mahirap si Ligaya.
Parehong niloko at
Rafael Cuervas pinagsamantalahan ng tao. Walang kapansanan si Rafael
Ligaya habang bulag naman si
Ligaya.
4. PAGPAPAHALAGA SA MAGAGANDANG KAISIPAN (MORAL VALUES)
Sa nobela ito, naipakita ng may-akda ang naking epekto kay Rafael Cuervas ng immoral
na bagay na kanyang nagawa,, ang panggagahasa. Dito nilahad kung paano nahirapan si Rafael
naharapin ang kanyang pang-araw-araw na buhay matapos niyang angkinin sa dilim ang bulag
na si Ligaya. Marahil, nais iparating ng ma-akda sa mga mambabasa ang maaring maging epekto
isang maling gawi. Patuloy kang uusigin ng iyong konsensya at paniguradong darating ang araw
na pagbabayaran mo ito.
Sa kwento, gumawa si Rafael ng paraan upang matulungan si Ligaya. Naibsan nito ang
mabigat na pakiramdam na kanyang nadarama sa tuwing pumapasok sa kanyang isipan ang
masama niyang nagawa sa bulag na si Ligaya. Ngunit sa reyalidad, hindi sapat na kabayaran ng
iyong kasalanan ang pagbibigay ng tulong o pera. Iwasang masangkot sa ganitong gulo.
Kontrolin ang sarili at matakot sa Diyos.
Ang lihim na relasyon nina Margarita at Nick ay masasabi ring immoral, nagawa nilang
pagtaksilan si Rafael na kapwa malapit sa kanilang dalawa. Tahasang ipinagbabawal ang
pakikiapid ayon sa saligang batas ng Diyos. Sa totoong buhay, ang isang relasyon ay kalimitang
humahantong sa ganitong senaryo kung hindi pag-uusapan at hindi magkakaroon ng unawaan
isa’t isa. Upang hindi na humantong ditto, huwag ng subukan na makiapid bagkus ay
pahalagahan mo ang iyong kabiyak dahil mas makabubuti ito sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.

5. MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


Teoryang Klasismo/ Klasisismo:
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol
sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng pangyayari,
matipid at piling pili sa paggamit ng salita at laging nagtatapos ng may kaayusan. Sa nobela,
makikitang payak ang mga pangyayari at lubos na nagbigyang kahulugan ang pag-iibigan ng
dalwang pangunahing tauhan na kapwa magkaiba ang estado sa buhay. Si Rafael ay nabibilang
sa alta syodad hbang si Ligaya ay mahirap na bulag. Kahit ang nobela ay nag-umpisa sa
masalimuot na pangyayari, sa bandang dulo ay makikita ang pangkaraniwang wakas. Ang mga
karakter ay nagkaayos, ang mga kontrabida ay napaparusahan at ang mga pangunahing tauhan na
nagkakaibigan ay nakakatuluyan.
Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal:
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita
ng mga salig sa pagbuo ng naturang behavior sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa
akda na ang tauhan ay nagbabago o nagkakaroon ng bagong behavior dahil may nag-udyok na
magbago o mabuo ito. Sa nobela, maaring pinakita ang pagbabago ng pag-uugali, paniniwala,
pananaw, at pagkatao ni Rafael matapos niyang gahasahin ni Ligaya at matapos siyang ikasal
kay Margarita. Unang una ay laki sa layaw, tomador at walang ginawa kung hindi manloko at
manggamit ng babae, ngunit matapos niyangl magawan ng kasalanan si Ligaya ay unti-unti
siyang inusig ng konsensya niya at kasabay noon ay ang mga pagbabagong niyakap niya sa
buhay niya. Nang ikinasal sila ni Margarita ay tuluyan na niyang iniwan ang masamang imahe
niya sa nakaraan. Naging responsableng asawa siya at doktor sa mga pasyente.

Teoryang Romantisismo:
ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba;t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sap ag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan.
Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng tao ang lahat maipakita lamang niya ang
kanyang pagmamahal sa tao o bayang napupusuan. Ang nobela ay kwento ng pag-ibig ng isang
mayamang lalaki na nagahasa ang isang bulag na babae. Inusig siya ng kanyang konsensya kaya
binigyan niya ito ng pera ngunit hindi siya nagpakilala. Bilang isang doktor sa mata ay siya ang
gumamot dito. Naging malapit sila ng babae. Sa huli ay umamin ang lalaki at tinanggap ito ng
babae at namuhay sila ng masaya.

You might also like