You are on page 1of 3

CANAL DELA REINA

Ni: Liwayway Arceo

KABANATA 1: PANIMULA
Nagtungo si Caridad kasama ang kaniyang pamilya sa Canal de la Reina kung saan siya
isinilang at lumaki. Madalas niyang ikuwento sa kaniyang mga anak na sina Leni at Junior ang
nasabing lugar, kung gaano ito kaganda at kalinis, ngunit kabaligtaran ang kanilang nadatnan
nang sila’y makarating. Nag-alinlangan si Caridad dahil bukod sa pangalan ng kalye ay wala
nang ibang bakas ng dating lugar ang kanilang nakikita. Isang malawak na putik na puno ng
basura at dikit-dikit na bahay ang naroroon at mga batang nakayapak at walang damit pang-itaas
na nagtatakbuhan sa kabila ng putik at dumi. Naiwan sa loob ng kotse si Salvador at ang
kanilang panganay, sa labas ay sinalubong si Caridad at si Junior ng mga tambay kung saan sila
ay inalok na tumawid sa tulay na kahoy sa halagang diyes sentimos. Nang marating na nila ang
kanilang pakay, laking gulat ni Caridad nang makita niya na may nakatayong bahay sa kaniyang
lupa at higit sa lahat isang Nyora Tentay. Ang nag-alinlangan si Caridad dahil bukod sa pangalan
ng kalye ay wala nang ibang bakas ng dating lugar ang kanilang nakikitang nagsasabing siya ang
may-ari nito.

KABANATA 2: ALAALA
Hindi malaman ni Caridad ang kanyang mararamdaman sa muling pagbabalik niya sa
kanilang lugar, magkahalong lungkot at galit dahil sa kanyang mga nalaman. Habang naglalakad
pabalik sa kanilang kotse, muli niyang sinariwa ang kaniyang kabataan kung saan sa mismong
ilog na burak at basura na kanilang nilalakaran ngayon ay ang dating Cana de la Reina kung saan
sila nagpapaagos ng bangkang papel ng kaniyang ate. Hindi sana nila lilisanin ang lugar kung
hindi dahil sa sunog na tumupok sa maraming bahay kabilang na ang sa kanila noon, bago ang
ikalawang digmaang pandaigdig. Hindi raw kaya ng kaniyang ina na makita pa ang lugar dahil
naging abo ang lahat ng kanilang naipundar. Nang makarating sa kotse, hindi na mapigilan ni
Caridad ang kaniyang luha. Hindi niya matanggap ang panloloko sa kanila ni Osyong, ang
pagbebenta nito ng kanilang lupa nang hindi niya man lamang nalalaman. Katiwala na nang
pamilya ni Caridad mula pa sa lolo niya si Osyong, kaya’t hindi siya nangangamba nang
ipagkatiwala niya dito ang kaniyang lupa nang tumira sila sa lugar kung saan nadistino ang
asawang si Salvador.

KABANATA 3: LINTA
Nakadama ng nerbiyos si Nyora Tentay nang may humintong dyip sa harapan ng
kaniyang bahay. Dumalas ang pagiging nerbiyosa niya simula nang dumating si Caridad
Reynante de los Angeles. Nakahinga nang maluwag si Nyora Tentay nang makitang si Doro--
taga-singil ng mga pautang ni Nyora Tentay lamang ang dumating. Sa kalagitnaan ng kanilang
pag-uusap ay naikuwento ni Nyora Tentay na may dumating sa kanilang lugar na nagsasabing
siya ang may-ari ng lupa na kinumpirma ni Doro na siyang totoong may-ari ng lupa. Sinabi ni
Doro na tutulungan niya si Nyora Tentay basta’t wag lamang siyang pababayaan nito.

KABANATA 6: PAKIKIPAGTUNGGALI
May mga pumuntang taga munisipyo kina Nyora Tentay upang magsagawa ng pagsukat
at pagmamasid sa loteng sinasabi niyang kaniyang pagmamay-ari. Tiningnan ng puno ng mga
pumunta ang papeles na hawak ni Nyora Tentay, napatango na lamang ng sinabi ni Tentay na sa
kaniya ang lupang iyon. Naghanda ng maiinom sina Nyora Tentay at hindi basta-bastang inumin
lang iyon kundi isang wiski, nilabas din nila yung sitsarong baboy na buhat sa bukawi pa. Sinabi
rin niyang hindi niya basta-bastang dinudulot sa mga bisita ang sitsaron. Nang matapos na ang
pagsusukat sa lupa ay nag-inuman na ang mga nagispagpunta, at tinanong ni Nyora Tentay kung
bakit ngayon lang plinanong sukatin ang lupa. Sinabe naman ng puno sa mga nagsipagpunta na
nais nang palayasin ang mga eskwater sa lupa at abisuhan sila na unti-unti nang natakpan ang
Canal dela Reina na maaring magdulot ng biglaan at malakas na pagbaha kung sakaling
bumagyo ngunit sabi naman ni Nyora na sanay na sila rito at hindi paalisin ng Congressman ang
mga iskuwater dahil malaking tulong ang mga ito sa halalan dahil ilang libo din ang mga ito.
Nang maubos na ang inilabas na whisky ay nag-alok pa ulit si Nyora ng isa pang bote ngunit
tumanggi na ang Puno ng grupo dahil baka mawili daw sila.
KABANATA 7: DAIGDIG NG PAGDARAHOP
Si Leni, isang manggagamot na nagsisimula pa lamang sanayin ang sarili na makasaksihan ang
mga huling sandali ng isang yumao ay kilabot na kilabot nang mamatay ang pasyenteng si Paz.
Hiniling niyang makausap ang social worker na nagdala sa namatay na si Paz at nalaman niya
mula rito na talagang walang-wala ng buhay si Paz. Namatay si Paz dahil sa panganganak sa
tulong ng isang manghihilot kung saan naipit ang bata kaya namatay din ito. Ayon sa social
worker ay pinilit lamang daw niya ang asawa nito upang dalahin ito sa ospital dahil kahit
pamasahe ay wala sila. Sa pagkuwento ng social worker ay nalaman ni Leni ang tungkol sa
tinatawag na Nyora Tentay ang nag-iisang may hawak ng pera sa kanilang lugar na tinatangkilik
naman ng tao dahil walang makapitan.

KABANATA 8: PAGKAPIT SA PATALIM


Napunta ang kuwento kay Nyora Tentay habang pinapanood nito ang pagkakabit ng
trapal na magiging bagong pagkakakitaan niya—sa lamay ni Paz. Si Dado, na asawa ni Paz ay
humingi sa kaniya ng tulong upang matubos niya ang asawa sa ospital at maserbisyuhan ng
punerarya. Sa panggigipit ni Nyora Tentay ay nakipagkasundo siya sa uno-singkuwenta na hulog
araw-araw at alang-alang kay Paz ay pumayag si Dado. Sa lamay ay isang Misis Gracia ang
dumating, kinausap nito si Dado na malapit palang kaibigan ng kaniyang asawa. Sa kanilang
pagkukuwentuhan ay nabanggit ni Dado na ang suot na damit ni Paz ay ang damit na galing kay
Misis Gracia na binibiro ni Paz na susuotin niya kapag siya’y namatay. Napag-alaman sa
kabanata na si Misis Gracia ay dating asawa ng anak ni Nyora Tentay. Ngunit naghiwalay ang
dalawang ito dahil na din sa matanda. Agad na umalis si Misis Gracia at nagbilin kay Dado na
huwag mahiyang lumapit sa kaniya kapag kailangan niya ng tulong, inabutan niya sa huli si
Dado ng isang daan at nasambit ni Dado sa asawa na totoong mahal na mahal at hindi siya
nakakalimutan ni Misis Gracia. Nabaling ang kuwento kay Caridad at Atty. Agulto na nag-uusap
tungkol sa asunto na isasampa nila laban kay Nyora Tentay. Ang kanilang pag-uusap ay naputol
nang tumunog ang telepono at isang Ingga ang takot na takot na humihingi sa kaniya ng tulong.
Napag-alaman ni Caridad na si Ingga ay ang katulong ni Nyora Tentay. Naputol ang usapan nang
mahuli ni Nyora Tentay si Ingga na nakikipag-usap. Pilit pa ring inaalala ni Caridad kung sino
nga ba si Ingga. Malabo sa kaniyang gunita ang larawan ng kanyang kausap.
Panuto: Ibigay ang sariling interpretasyon sa mga pahiwatig na ipinapakita ng bawat pamagat ng
kabanata sa akdang Canal Dela Reina.

Sanggunian: SMILE Learner’s Packet Baitang 9

You might also like