You are on page 1of 7

GROUP 3 FILM CHARACTERS:

CAIMERE JOYCE SANTOS - Director and Writer Felicidad delos Santos / Yaya Feli – Erica

ACTORS AND ACTRESSES: Saphira delos Santos – Merlin


MERLIN MORALES Prof. Amelia y Claveria – Caimere

LEIKA VALDEZ Atty. Sebastian Lopez – Raniel

RANIEL VILLANGCA Chef. Czarina Lopez – Leika

ERICA ANGLES Chef. Samuel Cruz/ chef. Sammy – Palacio

MARCIELA GARCINILA Amethyst Lopez/ Amy – Sidney (Merlin)

JOHN MARK PALACIO OTHER SET OF FAMILY

ANNE NICOLE VILLASIS Emerald Sarmiento/ Esmeralda Magsaysay –


Allyka
SYDNEY DELA CRUZ
Aniyah Magsaysay – Anne
ALLYKA SARMIENTO
Celia Magsaysay – Marciela

Samuel Magsaysay – Palacio

FILM TITLE: SIGLO

STORY LINE:

• Present cultures in Family Values

SCENE 1: INTRODUCTION

Settings: Lumang bahay, Simbahan


Included characters: Erica, Allyka, Palacio, Marciela, Merlin, Anne

• Clips of culture in Family Values (acting only w/ Background lines)


• Pag-mamano, Pagtulong sa gawaing bahay, socialization (tamang ugali at pag-galang), mapag-
darasal, pagsabay-sabay kumain, tamang kasuotan.

BACKGROUND LINES:
Caimere (voice over): Mga Ginoo at Binibini, Ginang at Ginong, nawa’y sa mga susunod pa na
henerasyon ay manatili ang ating nakagisnang kultura at hindi tuluyang mag-pasakop sa kulturang
banyaga.
SCENE 2: PRESENT TIME
Settings: School and Hostel (Lopez Resident)

Included characters: Caimere, Leika, Raniel, Sidney, Merlin Erica,


Bata pa lang si Amy, ay mapapansin itong kulang sa atensyon at pangaral ng magulang, kaya kahit ang
pag-mamano o simpleng pag-sasalo sa hapag ay di nya naranasan. Sa kadahilanang, ang kaniyang ina na
chef. at ama na lawyer ay palaging busy sa trabaho at wala ng oras sa kanilang anak. Kaya lumaki itong
maka-sarili at walang respeto sa nakakatanda.

CLIP OF AMY’S CHILDHOOD

Sidney: Mom! dad! may family day pala kami sa Friday, 8pm ang simula (ani ng masayang-masaya na
bata).

Leika: Naku, Amy, hindi mo agad kami sinabihan ng dad mo, maraming gawain sa restaurant natin.

Raniel: Pasensya ka na anak, maraming kaso na inaasikaso si Daddy e, natapat pa na may hearing ako
with my client on that day.

Amy: (Tahimik lang ngunit malungkot ang nararamdaman).

Leika: Ganito nalang, sasabihan ko nalang si Yaya Feli na samahan ka, tapos hahabol nalang kami ng dad
mo, ayos ba yon, anak? (naka-ngiti pero fake lang).

FAMILY DAY

SETTINGS: SCHOOL

Lumipas ang mga oras hanggang sa matapos nalang ang oras ng program ay walang anino ng mommy
at daddy ni Amy ang dumating. Mula ng araw na iyon hanggang sa sumunod pang mga events sa buhay
nya ay di na s’ya umasa pa na dadating ang magulang, kundi late ang mga ito, di naman dumadating.

SCENE 3: PRESENT TIME

FAST FORWARD…

FEW YEARS LATER

Hanggang sa mag-dalaga si Amy, dala-dala nya ang tampo sa magulang at nagging dahilan upang
maging layo si Amy sa mga tao,lalo na sa magulang maliban nalang sa kaibigan na si Emerald na
kaniyang kaibigan.

HOSTEL SCENE:

Erica: Senyorita Amy, handa na po ang umagahan ninyo, pinapa-tawag na rin po kayo ng mom at dad
ninyo, para sabay-sabay na kumain ng umagahan.

Merlin: (Parang wala lamang itong naririnig at nag-talukbong ng kumot).

Erica: Sige ho Senyorita, ihatid ko nalang po ang pagkain nyo dito.

FAST FORWARD…
SCHOOL SCENE:

• CLIP WHILE THE PROF. IS TEACHING

Caimere: Excuse me Miss Lopez, are you listening? maaari mo bang ulitin ang unang patakaran ko kapag
kayo ay nasa klase ko?

Merlin: (Parang walang naririnig). (Tatapikin ni Emerald (Allyka) ang kaibigan).

Caimere: (Habang papalapit kay Merlin, kukuhanin ang cellphone). Miss Lopez, unang patakaran sa klase
ko ay hindi maaaring gumamit ng telepono sa loob ng silid-aralan. Pangalawa, pag-bibigay ng respeto at
atensyon sa kung sino man ang nag-sasalita sa harapan. Hindi ba naituro nina Mr. and Mrs. Lopez sayo
ang mga bagay na iyon?

Merlin: (Tahimik lang at walang imik).


Caimere: Tandaan mo Miss Lopez, lahat ng gawain ay may kaakibat na kapalit. Kung hindi kaya ng
magulang mo, panahon na para maturuan ka ng leksyon. Go to my office at exactly 5pm, Miss Lopez.
Kuha mo? (at tumalikod na para mag-patuloy sa klase).
SCENE 4: PRESENT

SETTINGS: SCHOOL
Included characters: Caimere, Merlin, Allyka

Dahil natural na di marunong sumunod si Amy, hindi nya sinunod ang sinabi ng guro. Pumatak ang
saktong alas-singko ngunit wala pa ring dumadating na Amy sa office ni Ms. Claveria.

Caimere: Hindi ka talaga marunong sumunod Miss Lopez (bulong sa sarili). ( May kukuhanin na makapal
na libro at isusulat ang pangalan AMETHYST LOPEZ).
Allyka: Saan na kaya nag-suot yung babaeng yon oh, Amy past 5 pm na (may halong pag-aalala).

Sa parehong oras na iyon, sa kabilang banda ay nagmamadaling tumakbo si Amy,HABANG TUMATAKBO


SI AMY, MAY CLIP NA NASA OFFICE NG RESTAURANT ANG MOM NYA, THEN MABABANGGA YUNG
BASO(GLASS SHATTERED EFFECT).

VIDEO CLIP RIN, habang sinusulat ni Ms. Claveria ang name ni Amy sa libro, unti- unting nag-babago at
tumutigil ang mga tao na animo statue nalang. Nag-babago rin ang paligid na mistulang nag-babalik sa
nakaraang siglo.

SCENE 5: SINAUNANG PANAHON

Settings: maka-lumang bahay at lugar

Characters included: Sidney, Merlin, Allyka, Erica, Palacio, Marciela, Anne

Sa pangyayaring ito, nandon lahat ng taong naka-paligid kay Amy, ngunit naka-suot na ang mga ito ng
pang-sinaunang kasuotan maliban sa kanya. Una nyang makikita si EMERALD ngunit hindi s’ya nito
makikilala.
Allyka: Binibini, isa ka ba sa mga bisitang banyaga, kamangha-mangha, kakaiba ang iyong kasuotan (may
pagtataka at pag-hanga sa mukha nito).

Sidney: Emerald? ikaw ba iyan?( may halong pag-tataka na turan nito)

Allyka: Nag-kakamali ka binibini. Ang ngalan ko ay Esmeralda Magsaysay.

Dadating si Felicidad sa mga oras na iyon at titingnan nya mula ulo hanggang paa si Amy, dahil sa
kasuotan nito.

Allyka: Kayo ho pala, tiya Felicidad. Mano po! (mag-mamano ito).

Marciela: Tiya Felicidad, mano po!

Erica: Iha, maaari ko bang malaman kung bakit ganyan ang iyong kasuotan?, nasaan ang iyong mga
magulang?

Sidney: (Tumingin ito ng masama kay Felicidad), hindi ko rin alam kung bakit ako napadpad sa ganitong
klaseng lugar.

Erica: Iha, hindi ka ba naturaan kung paano gumalang sa kausap mo lalo na at nakaka-tanda saiyo, ang
pag-gamit ng po at opo ay nararapat mong linangin biglang parte ng pag-respeto.

SCENE 6

FAST FORWARD…

Dapit-hapon na, dahil hindi malaman ni Amy kung anong nangyayari sa kaniya, minarapat muna ni
Felicidad na patuluyin sa bahay ng kaniyang amo na si Ginang Aniyah Magsaysay.

FAMILIA MAGSAYSAY…

Habang aligaga ang mga tao para sa hapunan sa mga oras na iyon, si Amy ay walang kamalay-malay na
mula ng pag-dating nya sa panahon na iyon ay nag-bago na rin ang kaniyang katauhan at bumalik sa
kanyang batang hitsura.

Sa kabilang banda…

Anne: Felicidad ikaw ba ay nakaka-siguradong walang balak na masama sa atin ang iyong estrangherong
bisita?

Erica: Mukhang ulila na sa magulang senyorita kaya dito ko ho muna pinatuloy, kung inyo pong
mamarapatin.

Anne: (Tumingin lamang kay Erica at tumango)

Palacio: Senyorita Aniyah, handa na po ang hapunan, halina po kayo.

Erica: Tawagin ko lamang po ang bisita.

FAST FORWARD…
Erica: (kakatok muna sa pinto, bago buksan ang pinto, ngunit s’ya ay nabigla sa malakas na pag-tili ni
SIDNEY). Anak, halina, sabay-sabay na tayong… (napatigil ito dahil sa biglaang pag-sigaw ni Amy,
biglang bubuksan ang pinto).

Sidney: (Tumitili habang naka-tingin sa salamin), anong nangyari sa’kin?, bakit iba ang hitsura ko?
Erica: (Naguguluhan na mukha) Anak, ganyan naman talaga ang iyong pisikal na anyo.

Sidney: Hindi maaari! (pupunta sa higaan at mag-tatalukbong ng kumot)

Erica: Iha, halina, bilang pag-galang sa pagkain, kailangan ay sabay-sabay na kumakain sa hapag.

FAST FORWARD…

Nasa hapag silang lahat at masayang nagkwe-kwentuhan, ngunit si Amy ay hindi pa rin makapaniwala
sa mga nangyayari. Naputol ang kaniyang pagmumu-muni ng itanong ng kusinero ang kaniyang
pangalan.

Palacio: Binibini, ano nga pala ang iyong ngalan?

Sidney: Amethyst Lopez, but you can call me Amy.

Anne: Binibining Lopez, ang pag-gamit ng po at opo sa tuwing ikaw ay may kausap na mas nakaka-tanda
ay parte ng pag-bibigay respeto.

Erica: Binibining Lopez, pag-katapos kumain ay gusto sana kitang maka-usap.

Sidney: (Tatango lang at tutuloy na sa pagkain).

SCENE 7

FAST FORWARD…

Lumipas pa ang mga araw ng pananatili ni Amy sa familia Magsaysay, ay nagging maayos ang pakiki-
tungo ng mga ito sa kaniya at parang parte ng pamilya. Unti-unti na ring nstutuhan ni Amy ang mga
bagay na dapat ginagawa ng isang pamilya, mula sa pag-galang hanggang sa pag-tutulungan.

Naglilinis si Celia ng maabutan ni Amy.

Sidney: Binibining Celia, tulungan ko na po kayo sa pag-lilinis para po mapa-bilis ang gawain.

Marciela: (Napangiti nalang ang dalaga) Ay!, sige Binibining Lopez, maraming Salamat!

Sidney: Naku ate Celia, Amy nalang po.

Marciela: (Ngumiti lang si Celia na parang hangang-hanga sa pag-babago ng ugali ni Amy).

FAST FORWARD…

Sa bawat araw na lumilipas, maraming natutuhan si Amy sa pamamalagi nya sa panahong iyon na
mistulang panaginip lamang. Kay perpektong senaryo na sana’y hindi na matapos pa.

VIDEO CLIPS…

• Sama-samang pag-sisimba
• Pag-tutulungan sa gawaing bahay
• Pag-susuot ng tamang kasuotan
• Pag-mamano at pag-gamit ng po at opo
• Pagsasalo-salo sa hapag
• Pakikipag-laro / socialize
• Sama-samang pag-darasal bago matulog.

Hanggang sa dumating na ang araw na kina-kailangan na niyang bumalik sa kasalukuyan.Isang dapit-


hapon may dadating na isang tao na mag-papatuloy ng kaniyang buhay sa kasalukuyan. Habang nag-
lalakad ito sa hardin, makikita nya si Saphira.

Sidney: (May gulat sa mukha ng makita ang kaniyang older version sa kasalukuyan), bakit kamukha mo
ang matandang bersyon ko?
Merlin: (Ngingiti lang ito kay Amy), Maraming salamat Amy!, (yayakapin si Sidney at sasabihing), sapat
na lahat ng iyong natutuhan sa pag-babalik mo sa nakaraan, oras na Amy( habang ito ay naka-ngiti).

Sa puntong iyon sabay na may tatawag sa kay Amy at Saphira.


MULA SA NAKARAAN

Erica: Saphira…!
MULA SA KASALUKUYAN

Leika and Raniel: Anak, Amethyst…! (Yayakapin ang anak)


Merlin: (May halong pag-tataka sa mukha) (bubulong lamang sa sarili) panaginip lang lahat iyon?.
(Haharap sa kaniyang parents) anong pong ginagawa ko dito mom and dad?

Leika: Na-aksidente ka 2 months ago anak. Pasensya ka na kung di naming natutukan ang pag-laki mo
anak.

Raniel: Promise anak, pag-kalabas mo dito babawi kami ng mom mo, 20 years rin yung babawiin namin
e. Ano bang gusto mo gawin?
Merlin: Since 20 years po, in cash nalang po dad, 20 thousand cash po dad.

Nagtatawanan ang pamilya ng biglang dumating mga bisita.


PALACIO, ALLYKA, ERICA: Maligayang pag-babalik Amethyst! (May dalang prutas).

Merlin: (Mag-mamano kay Erica and Palacio) Thank you po sa inyong lahat!. Salamat po dito ninang
Sammy. (Titingin kay Palacio).

Sunod ang pamilya ni Celine.

Marciela: Salamat sa Diyos at nagising ka na, kami nga pala ni nanay ang nag-sugod sayo dito sa hospital
ng araw na iyon, mukha kasing nag-mamadali ka at di mo napansin yung sasakyan, malakas rin ang
pagka-bagok ng ulo mo.

Merlin: Parang pamilyar ka, pero maraming salamat po sa inyo.


At ang huling dumating ay si Ms. Claveria, ang kaniyang guro na may dalang bulaklak at prutas na
s’yang dahilan ng lahat.

Merlin: Prof. Claveria!

Caimere: Ako nga Ms. Amethyst Lopez, kamusta ang pag-lalakbay?

Merlin: Napaka-gandang panaginip po prof. Claveria (naka-ngiti ito).

Caimere: Not a big deal Ms. Lopez, ang mahalaga ay natutuhan mong tumanggap ng pagkaka-mali
leksyon at kultura na maipapasa mo pa sa susunod na henerasyon.

Haharap ito kila Mr. and Mrs. Lopez

Caimere: Mr. and Mrs. Lopez, di na ho ako mag-tatagal.

(Ngumiti lang ang mga ito) at muli s’yang bumaling kay Amy.

Merlin: Maraming salamat po Ms. Claveria!

Caimere: O s’ya Ms. Lopez, see you soonest in my class?

Mag-lalakad ito papalayo hanggang sa maisara ang pinto.

-THE END-

You might also like