You are on page 1of 21

5

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 3:
Pamagat at Detalye ng Teksto
Filipino – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Sariling Linangan Kit 3: Pamagat at Detalye ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SLK na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Ronamae G. Luang
Editor: Ligaya L. Perez
Tagasuri: Rosemarie B. Sagum, Rene P. Sultan
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldiguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education - Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: (082) 2274726
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
5

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 3:
Pamagat at Detalye ng Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahaging nahihirapan kayo sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin

Hello! Kumusta ka na?


Magandang araw sa iyo!

Ang Sariling Linangan Kit na ito ay isinagawa para sa iyo.


Makatutulong ito upang mapaunlad mo ang iyong mga kasanayan sa
paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag-ugnayan. Mahahasa rin ang iyong
talino sa pagsagot ng mga pagsasanay na gawaing nakalaan ayon sa iyong
kakayahan. Magbasa kang maigi at pagsikapang masagot ang lahat ng mga
tanong at gawain.

Sa pag-aaral ng kit na ito, inaasahang matututuhan mo ang


sumusunod na mga kasanayan:

• Nakapag-uulat tungkol sa napanood. F5PD-IIIb-g-15


• Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling
pelikula. F5PD-IIIc-i-16
• Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan. F5PS-IIIb-e-3.1
• Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan.
F5PN-Ii-j-17

Subukin Natin

Napanood mo na ba ang pelikulang Frozen? Kilala mo ba ang mga


bidang tauhan sa pelikulang iyon? Sila ay ang magkapatid na Elsa at Anna.
Madalas, ang nagiging dahilan ng kawalan ng kapayapaan sa pamilya
ay ang pag-aaway-away ng magkakapatid.

Maaaring may kapatid ka rin at minsan nag-aaway kayo. Subalit


kung ikaw si Anna, mauunawaan mo kaya ang kalagayan ng iyong kapatid
na si Elsa? Magagalit ka kaya sa kaniya? Tutulungan mo kaya siya? Sana,
maging mas malawak ang pang-unawa mo. Tulad ni Anna, na noong
bandang huli ay nalaman ang tunay na halaga ng pamilya at pagmamahal
sa kapatid.

1
May babasahin kang buod ng isang sikat na pelikula. Ito ay tungkol
sa dalawang magkapatid na may mga hamon na pinagdaanan.

Handa ka na ba?

Panuto: Bago mo basahin ang buod ng pelikula, pagtambalin ang mga


salita sa Hanay A at Hanay B. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang
papel.
Hanay A Hanay B
1. niyebe a. mataas na pinuno
b. lupang sakop o pook na
2. mahika nasasakupan
c. di-karaniwang kapangyarihan,
3. kolonya salamangka
d. isang atmosperikong singaw na
4. dignitaryo tumitigas at nagiging yelong
kristal na bumabagsak sa lupa
5. nagtakda/nagtatakda sa anyong taliptip na magaan
at puti
e. ipinapatupad,nagpapatupad
ng mga alituntunin o proseso

Aralin Natin

Panuto: Basahin ang buod ng isang pelikula na ipinalabas noong taong


2013 at naging patok hindi lamang sa kabataan kundi sa buong
pamilya.

Frozen
Si Princess Elsa ng Arendelle ay nagtataglay ng magic o mahika na
makontrol at makalikha ng yelo at niyebe na kadalasang ginagamit niya
kapag nakikipaglaro sa kaniyang nakababatang kapatid na babae, si Anna.
Isang araw, habang naglalaro sina Elsa at Anna ay aksidenteng
natamaan ni Elsa si Anna ng kaniyang salamangka. Agad dinala ng Hari at
Reyna ang magkapatid sa isang kolonya ng mga troll na pinamumunuan ni
Grand Pabbie. Pinagaling nito si Anna, at inalis sa kaniyang alaala ang
aksidenteng nangyari.
Nagdesisyon ang Hari at Reyna na paghiwalayin ang magkapatid sa
loob ng kastilyo. Nakakulong lamang si Elsa sa kaniyang silid sa takot na
maipahamak na naman niya ang kaniyang nakababatang kapatid na si

2
Anna. Hanggang sa ang kanilang mga magulang ay namatay sa dagat dulot
ng bagyo.
Nang si Elsa ay ganap ng nasa 21 taong gulang, itinakda siyang
koronahan bilang reyna ng Arendelle ngunit hindi mawala sa kaniya ang
takot na maaaring malaman ng mga mamamayan ng kaharian ang tungkol
sa kaniyang kapangyarihan.
Nagbukas ang kaharian sa publiko at sa pagdating ng mga dignitaryo
upang masaksihan ang nasabing koronasyon. Iyon lang din ang unang
pagkakataon na nabuksan ang kastilyo at makalabas si Anna upang
makisalamuha sa mga tao. May nakilala siyang isang binata, si Hans, na
agad nagpatibok sa kaniyang puso at sila ay agad nagkasundong maging
magkasintahan.
Sa labis na katuwaang naramdaman, ipinahayag ni Anna kay Elsa
ang kaniyang pakikipagrelasyon matapos itong makoronahan. Sa
pagkabigla sa narinig ay nagalit si Elsa at nagtalo ang magkapatid. Sa
sobrang galit ay hindi nakontrol ni Elsa ang kaniyang kapangyarihan na
nagdulot ng labis na kapahamakan sa kaharian ng Arendelle. Nabalot ng
yelo at nasailalim ang buong kaharian sa sumpang walang katapusang
taglamig.
Sa araw ring iyon ay tumakas si Elsa papuntang North Mountain,
kung saan nagtayo siya ng isang palasyo na gawa sa yelo. Ang puso at isip
ni Elsa ay lubos nang sinakop ng kaniyang kapangyarihan na sa unang
pagkakataon ay kaniyang malayang nagamit.
Hinanap ni Anna si Elsa upang baguhin nito ang nagawa sa buong
kaharian. Sa paglalakbay ni Anna ay nakatagpo siya ng isang tagaani ng
yelo na si Kristoff at ang kaniyang reindeer. Nakumbinsi niya si Kristoff na
tulungan siyang hanapin ang kaniyang kapatid sa bundok.
Nang solong bumalik ang kabayo ni Anna sa Arendelle, nagtakda si
Hans na hanapin sina Anna at Elsa sa bundok. Sinamahan siya ng mga
ministro ng duke na may lihim na utos para patayin si Elsa.
Matapos malagpasan ang mga pagsubok sa kanilang dinaanan ay
narating din nila Anna ang Palasyo ng Yelo na tinitirhan ni Elsa.
Kinumbinsi ni Anna si Elsa na bumalik sa Arendelle upang ayusin ang
pinsalang kaniyang nagawa doon subalit matigas na tumanggi si Elsa.
Itinaboy ni Elsa si Anna gamit ang kaniyang kapangyarihan at di-
sinasadyang natamaang muli si Anna ng yelo na tumimo sa kaniyang puso.
Nawalan ng malay-tao si Anna.
Kinuha siya ni Kristoff upang mailigtas at dinala niya ito kay Grand
Pabbie. Ipinahayag ni Grand Pabbie na unti-unti nang nilalamon ng yelo
ang buong katawan ni Anna. Maaagapan lamang ito kapag nabaligtad ang
sumpa sa pamamagitan ng isang tunay at wagas na pag-ibig.
Inakala nila na si Hans ang makakagamot sa sumpa subalit may
maitim na balak pala ito. Kinulong ni Hans si Anna sa isang silid upang

3
tuluyang mamatay, at pagkatapos ay manipulahin ang mga dignitaryo sa
paniniwala na pinatay siya ni Elsa.
Sinalubong ni Hans si Elsa sa labas, at sinabing siya ang pumatay
kay Anna, na nagdulot ng pagkasira ni Elsa. Hanggang napagtanto ni Elsa
na ang pag-ibig ang susi sa pagkontrol sa kaniyang kapangyarihan. Natapos
ni Elsa ang taglamig. Pinaaresto niya sina Hans at Duke at pinaalis sa
kaharian. Nagkasundong muli ang magkapatid. Si Elsa ay nangakong hindi
na muling isasara ang mga pintuan patungo sa kastilyo.

Pinagkunan: https://iwantagdub.blogspot.com/2018/12/frozen-tagalog-dubbed.html

Maaari ninyong mapanood ang pelikula gamit ang link sa ibaba:


https://youtu.be/Z1gyfrXbUcg

Pag-unawa sa binasa:
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino-sino ang tauhan sa nasabing pelikula?
2. Saan naganap ang kuwento/pelikula?
3. Tungkol saan ang napanood?
4. Ano ang aral na napulot mo sa iyong napanood?
5. Paano mo ito maiuugnay sa iyong buhay?

Ano-ano nga ba ang elemento ng kuwento?


Ating tuklasin ang elemento ng kuwento o pelikula.

Mga Elemento ng Kuwento

• Ang tauhan ay tumutukoy sa mga tao na gumaganap sa kuwento.


Ang tauhan ang siyang gumawa ng mga aksyon sa kuwento.
Halimbawa: Pinocchio, Juan Tamad

• Ang tagpuan o setting ay ang pinangyarihan ng kuwento. Tumutukoy


sa panahon at lugar kung saan nangyari ang kuwento/pelikula.
Halimbawa: sa kagubatan, Sabado ng umaga

• Ang banghay o pangyayari naman ay tumutukoy sa pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari o kaganapan sa kuwento. Ito ay ang
simula, kasukdulan, at katapusan.

4
Panuto: Kopyahin at punan ang graphic organizer ng mga elemento ng
kuwento. Ibatay ang mga detalye sa napanood na pelikulang FROZEN.

Pamagat

Tauhan Tagpuan Pangyayari

Ang iyong nabasa ay isang buod ng pelikula.

Ano ang pelikula?


Ano-ano ang halimbawa ng sangkap ng pelikula?

Pag-aralan.
o Ang pelikula ay isang kuwento – may simula, gitna, at wakas.
Maaari ring ibuod ang kuwento.

o Magkomento kung naging epektibo ba ang karakter ng aktor/artista


sa pelikula. Naging maayos ba ang pagganap? Banggitin din ang
ibang natatanging pagganap ng ibang karakter/ artista sa pelikula.

o Pansinin din ang lugar na pinagdausan ng pelikula. Angkop ba ito sa


kuwento? Naging makatotohanan ba ang paglalarawan sa panahon?

5
Sangkap ng Pelikula
1. Kuwento
• Ito ang istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang
pelikula.

2. Tema
• Ito ay paksa ng kuwento.
• Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.

3. Pamagat
• Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng
pinakamensahe nito.
• Ito ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.

4. Tauhan
• Ito ang karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa
kuwento ng pelikula.
• Pagsusuri sa katangian ng tauhan, ito man ay
protagonist (bida) o antagonist (kontrabida).

Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng angkop na pamagat sa binasa:

➢ Sa pagbibigay ng pamagat sa tekstong napanood o napakinggan,


alamin mo muna ang paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang
mga ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang
pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o
kuwento. Ang paksang pangungusap ang pinagtutuunan ng mga
detalye upang mabuo ang pangunahing diwa ng talata o kuwento.

➢ Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita sa pamagat ng


kuwento/pelikula. Ang unang salita sa pamagat ay sinimulan din sa
malaking titik.

Mga Paraan sa Mabuting Pag-uulat

Ngayon at natutuhan mo na ang iba’t ibang kasanayan ay handang-


handa ka na upang bumuo ng isang ulat at maglahad nito sa iyong guro.
Narito ang ilang gabay na makatutulong sa iyo upang maisagawa
nang maayos ang iyong ulat.

6
1. Mahalaga para sa isang bumubuo ng ulat na magkaroon ng
malawak na kaalaman ukol sa paksang iuulat. Maraming
maaaring mapagkunan ng mga kaalaman at unang-una rito ang
mga aklat, magasin, at dyaryo sa aklatan gayundin ang mga
impormasyon mula sa internet. Maging maingat lang sa pagkuha
ng impormasyon mula sa internet sapagkat hindi lahat ng
kaalamang manggagaling dito ay tumpak at naaayon.
Kakailanganin mo rito ang gabay ng magulang o guro.
2. Bumuo ng balangkas ng iyong paksa. Sa ganitong paraan ay
maisasaayos mo ang mga detalye ng iyong iuulat.
3. Mula sa balangkas ay buohin ang iyong ulat. Dito mo magagamit
ang mga kaalaman/ impormasyong iyong nasaliksik.
4. Maghanda ng mga kinakailangang kagamitan tulad ng audio-visual
aids. Tiyaking ang visual aids ay nababasa, malinaw, simple, at
madaling unawain.
5. Magpraktis para sa aktwal na pag-uulat. Narito ang ilang paraang
maaaring gamitin sa pag-ulat:
a. Mag-ulat nang walang binabasa basta’t may malawak na
kaalaman tungkol sa paksa.
b. Mag-ulat ng paksang namemorya.
c. Mag-ulat nang binabasa ang inihandang tala.
6. Sa araw ng aktwal na pag-uulat, ibigay ang buong kakayahan.
Layunin mong makapagbigay ng impormasyon at matuto sa iyo
ang iyong tagapakinig kaya’t nararapat gawin ang iyong makakaya
upang matupad ang layuning ito.
(Pinagkunan: Alma M. Dayag, Pluma 4, Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino, 364)

Gawin Natin

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.

Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa


larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga
dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng
binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t
ibang larangan.
Pinagkunan: https://www.slideshare.net/MichaelParoginog

1. Ano ang paksang diwa ng talata? ______________________________


2. Ano ang angkop na pamagat? _________________________________

7
3. Paano isinusulat ang pamagat? _______________________________

Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay


ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang
pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa
paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang
pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at
inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing
pasalubong ng panauhin.
Pinagkunan: https://www.slideshare.net/MichaelParoginog

1. Ano ang paksang diwa? ______________________________


2. Ano ang angkop na pamagat? _________________________________

Sanayin Natin

Panuto: Basahin ang teksto at ibigay ang paksang diwa at pamagat.


I.
Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang
bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang
pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang
bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa
isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong
tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
Pinagkunan: https://www.slideshare.net/MichaelParoginog

1. Paksang diwa : ______________________________________________


2. Angkop na pamagat : _________________________________________

II.
Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna
ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at
pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa.
Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at
matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya
kaya’t patuloy mong ingatan.
Pinagkunan: https://www.slideshare.net/MichaelParoginog

8
1. Paksang diwa : ______________________________________________
2. Angkop na pamagat : _________________________________________

Tandaan Natin

❖ Ang kuwento ay pagsasalaysay ng mga pangyayari na maaaring


pasulat o pasalita na binubuo ng mga talata. Ito ay maaaring
mahaba o maiksi.

❖ Elemento ng Kuwento:
a. Tauhan - ang mga tao, bagay, o hayop na pinag-uusapan sa
kuwento; Ang nagbibigay-buhay sa kuwento o pelikula.

b. Tagpuan – tumutukoy kung saan at kailan naganap ang


kuwento.
Ito ay sumasagot sa tanong na saan at kailan. Maaaring ito ay
sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali, gabi, sa
lungsod o lalawigan, sa bundok o ilog.

c. Pangyayari o banghay – tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari sa kuwento. Ang pangyayari ay nagpapakita rin
ng suliranin at kalutasan sa kuwento.
- Simula – kung saan, kailan, at paano nagsimula ang
kuwento
- Kasukdulan – kung saan naaalis ang sagabal, nalulutas
ang suliranin at natutukoy kung ang tauhan ay nabigo o
nagtagumpay
- Katapusan – nagsasaad kung paano nagwakas ang
kuwento/pelikula

❖ Paksang diwa - ito ay ang pinakadiwa ng may-akda. Karaniwan


itong isang pangungusap lamang at ito ay direktang tumutukoy sa
paksang pinag-uusapan. Hindi na kailangan pang banggitin ang
tauhan, tagpuan o ang mga pangyayari sa kuwento.

❖ Mahalagang tandaan na sa pagbibigay ng pamagat, mabuting gawin


itong maikli at nakatatawag ng pansin. Ito ay kalimitang
humihikayat sa mambabasa na ituloy ang pagbabasa sa akda.

9
Suriin Natin

Panuto: Basahin ang kuwentong, Ang Kusinerang Langgam. Piliin ang


titik ng tamang sagot sa bawat tanong.

Ang Kusinerang Langgam

Si Anet ay isang batang langgam. Maaga siyang naulila. Inampon siya


ni Sasamba, ang kapitbahay nilang biyuda. Maraming langgam ang
natutuwa kay Anet. “Napakasuwerte mo sa pag-ampon kay Anet.
Napakasipag niya,” ani Bubuyog kay Sasamba. “Dapat lang! Pinakakain ko
siya at pinatitira sa bahay ko kaya dapat lang na maging masipag siya,” ani
Sasamba.
Masipag si Anet. Wala siyang reklamo kahit ano ang ipagawa sa
kaniya ni Sasamba. May sarili rin siyang kusa na magtrabaho.
“Saan ka galing? Gabi na. Hindi pa luto ang hapunan,” galit na sabi
ng anak ni Sasamba. “Naghanap ako ng pagkain,” sabi ni Anet. Masarap
magluto si Anet. Maging ang mga kaibigan ni Sasamba ay napupuri ang
mga luto niya. “Hmm, ang sarap!” sabi nila.
Naisip ni Sasamba na maaari niyang pakinabangan ang talento ni
Anet. Nang maghanap ng katulong na kusinera sa palasyo ay inirekomenda
niya ito. “Subukan ninyo siya. Masarap siyang magluto. Kahit mura lang
ang ibayad ninyo ay okey na,” sabi ni Sasamba sa tauhan ng palasyo.
Nagsilbi si Anet sa palasyo. Unang araw pa lang ay ipinatawag na siya
ni Reyna Anay. “Gusto kong magluto ka ng masarap na sopas. Maysakit ang
munting prinsipe at walang ganang kumain. Kailangan niyang makakain
para lumusog muli,” ang sabi ni Reyna Anay. Nagluto ng espesyal na sopas
si Anet. “Tikman mo. Gawa ito ng bago nating kusinera,” anang reyna sa
munting prinsipe.
Nagulat ang reyna nang sandaling oras lang ay naubos ang sopas.
“Napakasarap nito, mahal kong Ina. Gusto ko pa,” hiling niya. Bumalik ang
gana ng prinsipe. Ilang linggo lang ay malusog na muli ito. Ipinakilala ng
reyna si Anet sa anak. “Ikaw ang nagluluto ng pagkain ko? Ang galing mo
naman!” sambit ng munting prinsipe. “Salamat po, mahal na prinsipe,” sabi
ni Anet.
Naging personal na tagaluto ng munting prinsipe si Anet. Naging
magkaibigan din sila. “Tutal ay ulila ka, dito ka na tumira,” alok nito.
Nagsisisi naman si Sasamba. Nawalan kasi siya ng tagaluto. Tumaas din
ang ranggo ni Anet sa kaniya dahil kaibigan na ito ng munting prinsipe.
Pinagkunan: Colored Story Book, kuwento ni Ofelia E. Concepcion
Guhit ni Christian Torres, Kober at kulay ni Redge S. Bayani

10
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
a. Anet, Sasamba, Reyna Anay
b. Reyna Anay at Munting Prinsipe
c. Sasamba, Anet, Munting Prinsipe
d. Anet, Sasamba, Reyna Anay, Munting Prinsipe

2. Saan namasukan si Anet bilang tagapagluto?


a. Sa paaralan c. sa simbahan
b. Sa palasyo d. sa ospital

3. Ano ang inihandang pagkain ni Anet para sa munting prinsipe?


a. Nagluto siya ng espesyal na sopas.
b. Nagluto siya ng tinolang manok.
c. Naghanda siya ng hapunan.
d. Nagluto siya ng tinapay.

Panuto: Piliin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod


ng bawat talata. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

4. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o


higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi
nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba
pa.
a. ang niyog c. Ang mga Gamit ng Niyog
b. Ang Niyog d. ang mga gamit ng Niyog

5. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay


ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng
buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang
Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis
na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa
pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
a. Ang kawanihan ng Renta Internas
b. Ang Kawanihan ng Rentas Internas
c. Ang kawanihan ng rentas internas
d. ang kawanihan ng rentas internas

11
Payabungin Natin

Basahin ang pabula.

Si Kalabaw at si Kabayo

Mataas ang sikat ng araw. Ibig magpahinga ni Kalabaw. Masyado


siyang napagod sa pagtatrabaho sa bukid. Gutom na gutom siya. Uhaw na
uhaw. Ngunit nakalimutan siyang pakainin at painumin ng kaniyang
tagapag-alaga.
“Mukhang may sakit ka, kaibigang Kalabaw,” ang bati ni Kabayo.
“Wala, kaibigang Kabayo,” ang sagot ni Kalabaw. “Lubha lang akong
napagod. Madaling-araw pa kasi’y nag-aararo na ako ng bukid at ngayon
lamang ako natapos. Pagkatapos, iniwan na ako rito ng aking tagapag-
alaga. Ni hindi man lamang niya ako pinakain o pinainom.”
“Ano? Nagawa sa iyo ‘yon ng iyong amo?” ang nagtatakang tanong ni
Kabayo.
“Oo, kaibigang Kabayo. Kaya nga lungkot na lungkot ako,” ang
malungkot na tugon ni Kalabaw. “Pareho pala tayo ng kapalaran,” ang
nasambit ni Kabayo.
“Huwag mong sabihing hindi ka rin pinakain at pinainom man lang
ng tagapag-alaga mo,” ang mabilis na sabi ni Kalabaw. “Ganoon na nga,
kaibigang Kalabaw. Pareho tayo ng kapalaran,” ang sagot ni Kabayo. “Paano
nangyari ‘yon?” ang tanong ng kalabaw.
“Kahapon ay isinama akong muli ng amo ko sa bayan. Ipinagamit ako
sa mga taong sumasakay sa kalesa. Alam mo bang pagkasakit-sakit ng
katawan ko kahapon? Dahil ito sa damit at bigat ng kaniyang inilagay sa
kalesa. Halos sumayad na sa lupa ang aking mahabang dila sa matinding
hirap na dinanas ko. Lubog na ang araw nang umuwi kami ng aking amo.
Ngunit tulad mo, hindi rin ako pinakain o pinainom man lang. Narinig ko pa
nga ang sabi ng amo ko. Wala raw akong silbi kaya sa umaga na lang niya
ako pakakainin,” ang hinaing ni Kabayo. “Kaya heto, ngayon pa lang ako
kumakain.”
“Alam mo, kaibigang Kabayo, narinig ko mula sa aking tagapag-alaga
na ipapalit na raw sa akin ang bagong traktora na binabalak niyang bilhin.
Pag nakabili na ng traktora ang amo ko, paano na ako? Baka lalo niya
akong gutumin. O baka naman kaya hindi na niya ako pakainin,” ang
buntong hininga ni Kalabaw.
“Ako rin, kaibigang Kalabaw. Narinig kong sinabi ng amo ko na bibili
na siya ng pampasaherong dyip. Baka iyon na ang kaniyang gagamitin
papunta sa bayan,” ang himutok ni Kabayo.

12
Maya-maya ay natanaw ni Kalabaw ang dalawang lalaking papalapit
sa kanilang kinatatayuan. “Dumarating ang amo natin,” ang sabi ni
Kalabaw kay Kabayo. “At wala ring dalang pagkain para sa akin ang amo
ko.”
“Ano kaya ang kanilang sadya? Napakaaga pa para kami pumunta sa
bayan,” ang nasabi ni Kabayo.
“Totoo iyon, Pareng Floro,” ang bungad ng amo ni Kalabaw. “Darating
ang bago kong traktora. Kaya magiging magaan na ang pagtatrabaho ko sa
bukid.”
“Paano na ang kalabaw mo?” ang tanong ng amo ni Kabayo. “Matanda
na ito kaya pagpapahingahin ko na. Ito ang gagawin kong bantay ng aking
kubo sa gitna ng bukid,” ang sagot ng amo ni Kalabaw.
“Ako naman ay nakabili na ng pampasaherong dyip. Iyon na ang
gagamitin kong panghakot ng malalaking kahon, balde, at dram,” ang sabi
ng amo ni Kabayo.
“At ano naman ang binabalak mong gawin sa kabayo mo?” ang tanong
ng amo ni Kalabaw.
“Gagamitin na lang ito ng mga anak ko sa pamamasyal,” ang mabilis
na tugon ng amo ni Kabayo.
Nagkatinginan sina Kalabaw at Kabayo. At sila’y lihim na napangiti.

Pinagkunan: Lalunio, L., et al,Hiyas sa Pagbasa,Batayang Aklat sa Filipino 2010, 42-44

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga impormasyon tungkol sa


pabulang binasa.

13
Sundin ang rubrik sa pagmamarka ng gawain.

Rubrik sa Pagmamarka ng Gawain


(5) (4) (3) (2) (1)
Pinakamahus Mahusay Katanggap- Mapaghuhus Nangangailang
ay tanggap ay pa an pa ng
pantulong na
pagsasanay
Sapat, Angkop ang Ang
Sapat, wasto, wasto, salitang inihandang
konkreto at konkreto at ginamit mga Hindi alam ang
makabuluhan makabuluh ngunit hindi impormasyon paksa at hindi
ang an ang sapat ang ay hindi makapagbigay
impormasyon. impormasyo impormasyo sapat, kulang ng tamang
Wasto ang n, maliban ng ibinigay. para sa salita
mga salitang sa kaunting pagkaunawa
ginamit at kalituhan ng
angkop upang upang nagbabasa
maipaliwanag maipaliwana
ng maayos. g ng
maayos.

Pagnilayan Natin

Mahalagang tandaan na ang tunay na pag-ibig sa kapatid ay ang


pagtatama sa kaniyang maling gawain. Hindi para maipakita na tama ka o
mas mabuti ka kaysa sa kaniya. Kundi dahil doon mo maipakikita ang pag-
aalala mo para sa kaligtasan niya. Kaya dapat din nating ialay ang ating
buhay para sa mga kapatid.

Panuto: Sumulat ng isang maikling kuwento kung saan may


pangyayaring naipakita mo ang pagmamahal mo sa iyong kapatid.
Tukuyin ang tauhan at tagpuan. Ibigay ang pamagat.

14
15
SURIIN NATIN SUBUKIN NATIN
1. D 1. D
2. B 2. C
3. A 3. B
4. B 4. A
5. B 5. E
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELCs),


2020, Department of Education, Pasig City, Philippines

Dayag, Alma M., Pluma 4 Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino


(Ikalawang Edisyon), 2007 ng Phoenix Publishing House, Inc.
927 Quezon Ave., Quezon City, Philippines

Lalunio, L., et al, Hiyas sa Pagbasa, Batayang Aklat sa Filipino,


Binagong Edisyon 2010, LG&M Corp.
G. Araneta Ave. Cor. Ma. Clara St., Quezon City, Philippines

Paroginog, Michael, “Pagbibigay ng angkop na pamagat”, July 8,2019,


https://www.slideshare.net/MichaelParoginog

“Frozen” (Tagalog Dubbed), IWanTagDub, 2018


https://iwantagdub.blogspot.com/2018/12/frozen-tagalog-
dubbed.html

Concepcion, Ofelia E., Ang Kusinerang Langgam, Bright Stars


Publication, Caloocan City, Philippines

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

17

You might also like