You are on page 1of 10

Cristal e – College

Liberal Arts and Education


Km.15, Central Highway, Tawala, Panglao, Bohol
Languages & Literature Department
____________________________________________________________________

NILALAMAN NG
IUULAT SA
GE 113FIL
(Pelikulang Hinggil sa Isyung Pangkasarian)

Ipinasa nina:
IKA-APAT NA PANGKAT
SANCHEZ, ROBELYN E. PASCUAL, SIR BLAISE R.
MORENO, MARIANNE FAYE L. PERALES, SHANE KIAN
NATAÑ O, DARIEL JAKE PIQUERO, KYLE GERARD R.
PAJUTA, REY BENEDIC G. PISCOS, MARIEFEL M.
RODRIGUEZ, CAEDMON O.

Ipinasa kay:
Rocelyn E. Payot, MATFil
Instruktor
I. PAMAGAT

TOO GOOD TO BE FORGOTTEN

DIREKTOR: PETERSEN VARGAS

II. MGA TAUHAN

Khalil Ramos bilang Felix Salonga – Siya ay isang matalinong mag-


aaral sa ikalawang antas ng paaralan sa lungsod ng Pampanga na
laging napapag-isa sa kanyang buhay eskwela.
Ethan Salvador bilang Magnus Snyder – Siya ay isang Filipino-
America na lumipat sa paaralan kung saan din nag-aaral si Felix at
unang naging kaibigan nito simula noong magpatulong siya sa kanyang
mga aralin matapos makakuha ng mabababang grado.
Jameson Blake bilang Maximillian “Maxim” Snyder – Siya ang
nakababatang kapatid ni Magnus Snyder na magiging mitsa ng isang
hindi magandang pangyayari sa kabuuang kwento.
Ana Capri bilang Demetria Snyder – Siya ang ina nina Magnus at
Maxim Snyder.
Peewee O’Hara bilang Mrs. Salvacion - Isa siya sa mga guro nina Felix
at Magnus.
Joel Saracho bilang Mr. Pangan - Isa siya sa mga guro nina Felix at
Magnus.
Meanne Espinosa bilang Mrs. Echiverri - Isa siya sa mga guro nina
Felix at Magnus.
Ruby Ruiz bilang Gng. Salonga – Siya ang ina ni Felix Salonga.
Bajun Lacap bilang G. Salonga – Siya ang ama ni Felix Salonga.
III. BUOD NG PELIKULA

Ang kwentong ito ay patungkol sa buhay ng isang matalinong mag-


aaral na si Felix Salonga at kung paano niya diniskubre ang kanyang
tunay na pagkatao matapos niyang makilala si Magnus Snyder at ang
kapatid nitong si Maxim Snyder. Nagsimula ang kanilang pagkakakilala
noong lumipat sa pinapasukang paaralan ni Felix ang magkapatid na
Snyder at naging kamag-aral niya ang isa sa mga ito na si Magnus. Sa
pagdaan ng mga araw ay tila nahihirapan sa leksyon si Magnus dahilan
ng mabababang marka na kanyang nakukuha. Buhat nito ay lumapit si
Magnus kay Felix upang magpatulong sa kanilang mga aralin na may
kapalit palang bayad kahit hindi humihingi si Felix. Lumipas pa ang
mga araw at unti-unting nahulog ang loob ni Felix kay Magnus.
Nalaman niya ang istorya ng buhay ng magkapatid na Snyder at ang
dahilan ni Magnus kung bakit siya nagpapaturo kay Felix sa mga aralin.
Nalaman ni Felix na ang dahilang pinanghahawakan ni Magnus ay
upang makarating sila sa Amerika tulad ng ipinangako sa kanila ng
kanilang ama kapag nakapagtapos silang magkapatid ng pag-aaral.
Nakaramdam ng pagdadalawang isip si Felix gayung kung mangyari
man ito ay magkakahiwalay silang dalawa na kaniyang kinatatakutan.
Ngunit tila gumuho ang mundo ni Magnus ng madinig niya ang pag-
uusap ni Felix at ni Demetria na kanyang ina patungkol sa walang
katotohanang pangako ng kanilang ama. Nawalan ng gana si Magnus sa
pag-aaral at sinimulang iwasan si Felix. Nalaman ni Felix mula naman
kay Maxim na plano nitong kitilin ang buhay ng sariling ina dahil ang
alam niyang paraan para sila ay kuhanin ng kanilang ama papuntang
ibang bansa ay ang pagpanaw ni Demetria habang menor de edad pa
ang magkapatid. Sa paglipas pa ng mga araw ay napatalsik sa paaralan
ang magkapatid na Snyder at isang araw ay inantay ni Magnus si Felix
sa kanyang paglabas sa paaralan upang kahit sandali’y makapagliwaliw
sila. Nagpunta sila sa dating tirahan ni Felix na natabunan ng lahar
matas ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo at doon sila ay nakapag-usap
ng masinsinan at nalaman ni Magnus ang mga pinagdaanan at kwento
ng buhay ni Felix. Namangha siya na sa kabila ng mga iyon ay
nanatiling matatag si Felix. Gabi ng araw na iyon habang nakainom si
Magnus at sa bahay sana nina Felix siya manunuluyan sa gabing iyon
ay binanggit ni Felix sa kanya ang plano ni Maxim na kitilin ang buhay
ng kanilang sariling ina. Napabalikwas si Magnus at umuwi sa kanila
upang bantay ang kanyang ina at kapatid. Ngunit tila walang
makakapigil sa plano ni Maxim kung kaya’t siya ay nag-aya na magdaos
ng selebrasyon ng kaarawan ng kanilang ina upang sa araw na iyon ay
isakatuparan niya ang plano. Dumating ang araw ng kaarawan ni
Demetria at si Felix lamang ang nakapilit kay Magnus na sumama. Sa
kabilang banda, sa araw na iyon din napagdesisyunan ni Felix na
umamin kay Magnus ngunit hindi naging maganda ang kinalabasan
nito. Nasira ang kanilang pagkakaibigan at tuluyang natupad ni Maxim
ang kaniyang plano subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay maging
si Magnus ay binawian ng buhay. Naiwang mag-isa at miserable si
Maxim at punong-puno ng paghihinagpis maging si Felix.

IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI (STORY GRAMMAR)

A. Tagpuan
Sa isang paaralang pangsekondarya sa lungsod ng Pampanga ang
unang tagpuan sa pelikula. Sumunod naman ay sa tahanan ng mga
Snyder, sa lugar ng dating tinitirhan ni Felix na natabunan ng lahar
matapos ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo at maging sa bagong
tahanan ni Felix at ng kanyang pamilya. Naging tagpuan din ang isa sa
mga dalampasigan sa Subic.
B. Protagonista
Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si Felix Salonga kung saan
ay umikot sa kanyang buhay ang bawat kaganapan sa pelikula.
C. Antagonista
Ang naging kontrabida sa kwentong ito ay si Maxim Snyder na
pinagmulan ng mga hindi magagandang nangyari sa buhay ni Felix.

D. Suliranin
Sa kwentong ito, masasabing ang naging sulirinan at sentro ng
mga ‘di magagandang pangyayari sa bawat eksena ay ang kagustuhan
nina Magnus at Maxim Snyder na makarating ng Amerika sa puder ng
kanilang ama dahil naniniwala silang mayroon silang mas magandang
hinaharap sa bansang iyon. Buhat ng pangnanais nilang ito, naniwala
sila sa mga paraang nalalaman nila upang maisakatuparan ang mithiin
nilang iyon. Isa pang naging suliranin ang pagdiskubre ni Felix sa
kanyang sekswalidad kung kayang itinago niya ito kay Magnus upang
hindi siya layuan nito.
E. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng
Suliranin
Sa paglutas ng suliraning nabanggit, naniwala si Magnus na ang
kanilang pagtatapos sa sekondaryang paaralan ang mag-uudyok sa
pagkamit ng kanilang inaasam na makaalis ng bansa kung kaya naman
siya ay nagpatulong sa kanyang pag-aaral kay Felix. Kasalungat ng
mabuting paraang ito, ang nalalaman ni Maxim na paraan ay ang
pagkitil sa buhay ng kanilang sariling ina na humantong sa kanya
upang hikayatin ang kanyang mga kaibigan na isakatuparan ito kapalit
ng pera. Sa kabilang banda, sa parte naman ni Felix ay tila naging daan
si Maxim upang lalo niyang mailabas ang tinatago niyang
nararamdaman o lihim sa paraang sensitibo. Ang pagmamahal namang
nararamdaman ni Felix para kay Magnus ang nag-udyok sa kanya
upang pigilan ang mga paraan ng magkapatid upang hindi na sila
makaalis ng bansa at manatili silang magkasama ni Magnus sa
pagtupad sa kanilang napag-usapang pangarap matapos nilang mag-
usap ng masinsinan.
F. Mga ibinunga
Sa paglipas ng panahon na magkakasama sina Felix, Manus
at Maxim ay tuluyang nakilala ni Felix ang kanyang sarili at
gawing matanggap ito na nagtulak sa kanya upang aminin ang
katotohanan kay Magnus. Subalit, nasira ang iniingatang
pagkakaibigan nina Felix at Magnus matapos tila biglain ni Felix
ang pag-amin niya kay Magnus tungkol sa kanyang
nararamdaman at tunay na pagkatao sa hindi magandang
paraan. Ang mga pangyayaring ito rin ay nagbunga ng
kapinsalaan sa kani-kanilang mga buhay. Isinakatuparan ni
Maxim ang kanyang planong kitilin ang buhay ng kanilang ina
ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay kasabay rin nitong
mawawalan ng buhay ang kanyang kapatid na si Magnus kung
kaya’t imbis kaginhawaan ang kanyang makamit at pag-iisa at
pagbagabag ng konsensya ang kanyang natamo.

V. PAKSA O TEMA
Ayon kay Petersen Vargas na direktor ng pelikulang Too Cool to
Be Forgotten, ang tema o paksa ng istoryang ito ay umiikot sa
pagdiskubre at pagkilala sa sarili ng isang tao at kung ano ang
koneksyon nito sa pag-ibig o pagmamahal.

VI. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL

A. Sinematograpiya
Ang teknik ng pagkuha sa bawat anggulo kasabay ng paggalaw ng
kamera at timpla ng mga ilaw na ginamit sa pelikula ay masasabi kong
mahusay at hindi nagbibigay ng pagkahilo para sa mga manonoood.
Sakto ang mga pagkuha sa bawat eksena na nagbibigay ng pokus sa
mga tauhan o kahit lulan na bumibida sa partikular na eksenang
nagaganap kung kaya’t lubhang maiintindihan ng mga manonood ang
nangyayari. Subalit, mayroong mga parte na hindi gaanong malinaw
ang pagkakakuha sa mga eksena na nakasisira sa pokus at
pagkahumaling sa eksenang napapanood.

B. Musika
Ang mga musikang ginamit sa pelikula ay naghahatid ng kakaibang
pakiramdam sa mga manonoood kapag napapakinggan habang
naghihintay ng mga susunod na kaganapan sa bawat eksena. Akma rin
ang mga ito sa bawat emosyong ipinapakita sa bawat eksena na siyang
mas nagpapaganda sa pelikula dahil mas nakakapukaw at nakakadala
ito ng damdamin.

C. Visual effects
Dahil sa paggamit ng produksyon ng mga makatotohanang lugar at
kasangkapan ay hindi na naging komplikado ang mga visual effects na
inilapat sa pag-eedit ng pelikula upang makabuo ng isang
makatotohanang sining. Masasabi kong maayos at naaangkop ang mga
ito kung kaya’t hindi ito kapansin-pansin at mas nakapagbigay buhay
at diin pa nga sa kalagayan o sitwasyong ipinapakita sa bawat eksena.
Hindi nakakalito ang ginawang pagsasaayos at pagdudugtong-dugtong
ng mga eksena kung kaya’t hindi naging magulo ang daloy ng istorya.
Naging makatotohanan din ang kapanahunan ng pelikula buhat ng
biswal na pagsasaayos nito.
D. Set Design
Ang mga lugar na isinama, kagamitang napili at pagkakaayos ng mga
ito ay hindi nasobrahan at akmang-akma lamang sa tema ng istorya at
kwento ng bawat eksena. Naging mas makatotohanan ang bawat
kaganapan buhat ng detalyadong pagsasaayos ng kanilang mga lulan
na nagpapakita ng pagkanatural ng mga ito at tila ba ay sa makalumang
panahon talaga kinuhanan ang buong pelikula. Nakakatuwa na parang
dinadala ang mga manonood sa kapanahunan ng istorya buhat ng mga
nakikitang paligid sa pelikula.
VII. TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang kwento ng pelikulang ito ay may teoryang pampanitikan na
realismo. Ito ay sa kadahilanang ang inspirasyon ng akda ng manunulat
na si Jason Paul Laxamana ay hango rin sa pinagdaanan noon ng
direktor ng pelikula na si Petersen Vargas na parte ng LGBTQ
Community. Ang pelikulang ito ay isinagawa upang bigyang
representasyon ang katotohanang pinagdadaanan at nangyayari sa
buhay ng bawat indibidwal na nagsisimula pa lamang diskubrihin ang
kanyang tunay na pagkatao lalo na sa aspeto ng sekswalidad.
Ipinapakita rin sa pelikula ang nararanasan ng ating bayan na
kahirapan at ang mga paraan at mentalidad ng karamihang Pilipino na
makakatulong sa kaalwanan ng buhay kung mangingibambansa upang
doon magtrabaho.

VII. SIMBOLISMO
Sa pelikulang ito, ang karakter ni Khalil Ramos bilang si Felix
Salonga ay sumisimbolo sa hirap na pinagdaraanan ng isang tao sa
pagtuklas ng sarili sa iba’t-ibang aspeto ng pagkatao, lalo sa binigyang
diin ng pelikula na sekswalidad, habang namumulat sa reyalidad. Siya
din ay isang simbolo ng pag-ibig. Bukod dito, ang pelikulang ito ay tila
may mas malalim pang sinisimbolo sa pamamagitan ng magkapatid na
Snyder at ng mga guro sa pelikula, ito ay ang mentalidad ng
karamihang Pilipino na higit na aalwan ang buhay kung makakarating
sa ibang bansa at doon makikipagsapalaran imbis na paglingkuran ang
ating sariling bayan. Sinisimbolo nila ang pagtangkilik sa ibang bansa
at kung gaano kataas ang tingin ng iba sa mga dayuhan. Sa kabila nito,
sa eksenang nagkaroon ng pag-uusap ang magkaibigang Felix at
Magnus sa lugar kung saan natabunan ng lahar ang dating tirahan nina
Felix matapos sumabog ang bulkang Pinatubo, naging simbolo muli si
Felix ng kakaibang katatagan at pagiging positibo ng mga Pilipino
kumpara sa ibang lahi sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
IX. KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA
Sa kabuuan, nais iparating ng pelikulang ito na bilang taong
nakakakita at nakakaramdam ay dapat nating intindihin ang
pinagdadaanan ng iba kahit sa simpleng paraan dahil wala tayong
nalalaman kung ano nga ba ang tunay at mga pinagdadaan ng bawat
isa. Ngunit sinasabi na bago natin tanggapin at mahalin ang iba ay
dapat muna nating kilalanin, tanggapin at mahalin ang ating mga sarili
kasabay ng pagdiskubre natin sa ating tunay na pagkatao at
nararamdaman. Walang masama sa pagpapakatotoo maliban na
lamang kung mayroon maargabyadong tao o hindi kaya naman ay
manlilinlang ng iba para lamang magustuhan nila. Bukod sa mga ito,
hindi maiiwasan ang mga problema at paghihirap ngunit mas mainam
kung maging bukas ang isipan ng bawat isa sa pagharap sa mga ito
upang hindi malihis ng landas. Sa pag-abot ng mga pangarap, tama
lamang na gawin ang lahat at huwag palampasin ang bawat
oportunidad ngunit kung ang magiging paraan ay taliwas sa kabutihan
ay siguradong bandang huli ay ito’y ating pagsisisihan buhat ng
magiging masamang epekto nito hindi lamang sa iba kundi maging sa
ating mga sarili.

GAWAIN :

1. ANO ANG NATUTUNAN MO SA PELIKULA?


2. MARAHIL BA AY HANGANG NGAYON AY ISYU PARIN ANG
KASARIAN?
3. SINO-SINO ANG MGA TAUHAN SA PELIKULA ?
4. MAG-BIGAY NANG ISANG TAUHAN AT IPALIWANG ANG
KANILANG KATANGIAN.
(ANG MGA SAGOT NITO AY OPINYON NG MGA STUDYANTE NGUNIT
DAPAT AY KONEKTADO PARIN SA PELIKULA.)

You might also like