You are on page 1of 4

“Ang Irog kong Taga-Ilog”

Ang ating kwento sa araw na ito ay iikot sa buhay ng isang dalaga. Si Emily.

“Okay, class. Right after your summer break, and before this semester ends; as
language students, your final project in my subject is a case study,” ani ng propesor ni
Emily sa asignaturang antropolohiya. “A case study how a language impacts the
civilization of the society. Pick a particular language that piques your interest and learn
it by heart.”
“Oh gosh, not again. Boooring!” daing ni Emily.
Si Emily ay isang dalagang Filipina na may lahing dayuhan. Simula pagkabata,
siya ay nanirahan, lumaki, at namulat sa bansang Amerika. Ang kanyang ina ay isang
Amerikana, at ang kanyang ama naman ay isang Pilipino. Dahil sa pagkakaiba ng
kanilang lahi, pagkakaiba ng kanilang paniniwala batid sa pagkakaiba ng kanilang
kulturang kinalakihan; madalas hindi magkaintindihan ang kanyang mga magulang.
Nagpasyang maghiwalay ang kanyang mga magulang at siya ay maiiwan sa puder ng
ina, habang ang kanyang ama ay nagpasyang umuwi na lamang ng Pilipinas at
asikasuhin ang lupang namana neto.
Ilang taon na ang lumipas at tuluyan nang hindi na muli nabuo ang kanyang
pamilya. Dahil sa kalungkutan sa pagkawala ng asawa, nagkasakit ang kanyang ina.
Hindi na muli Nakita o narinig ni Emily ang ama, simula nang lisanin nito ang Amerika.
Dahil dito, si Emily ay lumaking hindi kilala ang sarili. Pagtungtong niya sa
kolehiyo, madaming tanong ang kanyang hindi kayang bigyan ng sagot. Siya ba ay
hindi karapat-dapat maging masaya? Kailan muli mabubuo ang kanyang pamilya?
Matatanggap niya ba ang kanyang ama? Tatanggapin ba siya ng kanyang ama sa muli
nilang pagkikita? O sa mga mata nito isa siyang dayuhan at hindi Pilipino?
“This is so not how I wanted to spend my summer!” bulong niyang reklamo sa
sarili.
Sa kanyang pag-uwi, nadatnan niya ang kanyang ina na muling nakatitig na
naman sa ilog na matatanaw sa kanilang likod na balkonahe.
“Ma, it’s cold. Come inside.” aya niya sa ina.
Umiling ang kanyang ina at nagmatigas.
“Irrrog, acking Irrog. Tug ah irrog”, ani neto at tinuro ang kabilang dako ng ilog.
Napailing na lamang si Emily sa kanyang ina. Sa isip-isip niya, ang kanyang ama
na naman ang pinapanaginipang gising ng kanyang ina. Sumapit ang gabi at kanyang
inalalayan ang ina sa kama.
Habang kinukumutan ang ina, hinawakan neto ang kamay ni Emily at hinila siya
papalapit sa ina.
“When I’m no longe-e-r he-er-ee”, nanghihinang sabi neto, “co-come home to-to
your p-p-pa-pp-pa.”
Hinawakan ni Emily ang kamay ng ina at hinaplos ang kanyang mukha, “No, ma.
You won’t die on me. Not today. Not tonight. Not ever.”
Kinabukasan, hindi na muling nagising ang in ani Emily.
Lumipas ang ilang araw nang pagluluksa. Oras na para bigyang halaga ni Emily
ang huling hiling ng kanyang ina. Uuwi siya ng Pilipinas at haharapin ang ama.

“Hey, dad!”, bati niya sa kanyang ama.


“Emily, anak. Ang laki mo na! Ang ganda mo, sing wangis mo ang iyong ina.”
Nagagalak na bati ng ama.
“I know right!” sarkastikong sagot ni Emily. Hindi magaling sa wikang Filipino si
Emily, ngunit siya naman ay nakakaintindi.
“Maligayang pagdating sa bayan ng Ilog! Alam mo bang dito kami unang
nagkakilala ng mama mo?"
"As if I care...” sagot ni Emily. Tila nalungkot ang ama sa sagot ng anak.
“Hindi na bale, sana’y maging masaya ka sa iyong pagtuloy dito sa amin.
Ipapakilala ko ng apala sayo ang bata kong si Danilo.”
Isang binatang moreno, katamtaman ang tangkad, at maiksing kulot na buhok,
ang naglahad ng kamay kay Emily.
“Danilo ng apala,” ani ng binata.
“Uhh, what made you think I’ll shake your hand, dumb-dumb.” Pagtataray ni
Emily kay Danilo.
“Ang ganda mo sana kaya lang ampanget ng ugali mo”, sabay talikod ng binata.
“uhm, excuse me! I heard that!” angal ni Emily. “Come back here and apologize.”
At hinabol ni Emily si Danilo na naglalakad palayo sa kanya.
“Marunong pala umintindi ang isang to,” bulong ni Danilo sa sarili. “Bahala ka
diyan di kita kakausapin hanggat di ka nagtatagalog.”
Isang araw, habang naglilibot si Emily sa lugar, ay tila napalayo ito at naligaw.
Ilang beses siyang tumawag ng tulong ngunit walang lumapit sa kanya. Nakita niya si
Danilo nguinit tinalikuran lamang siya ng binata.
“Hey, Danny. Help, I’m lost!” ani niya. “I asked help for a couple of people but
they ignored. How rude right?”
Napabuntong-hininga naman si Danilo. “Emily, ganito. Paano ka nila tutulungan
kung hindi ka naman nila naiintindihan. Puro ka, “help”, edi di naman alam ng
karamihan ang ibig sabihin nun. Tsaka pwede ba, nasa Pilipinas ka. Andito ka sa bayan
ng Ilog, kung saan ang mga tao ay kilala bilang mga ‘taga-ilog’, kaya matuto kang
managalog.”
Hindi maitatanggi ni Emily na tama si Danilo, “What’s the point anyway, I’m
leaving soon. Just came here to grant my mom’s dying wish. Learning the language is
not worth the time.”
“Diyan ka nagkakamali,” kontra ni Danilo. “Pilipino ka diba?”
“My dad is.”
“Edi Pilipino ka nga. Nararapat lamang na pag-aralan mo at mahalin ang wikang
Filipino. Pagkakakilanlan mo yun.”
Tila napatigil sa paglalakad si Emily nang marinig ang salitang “pagkakakilanlan”.
Buong buhay niyang hinahanap ang sarili. Totoo nga bang makikilala niya ang kanyang
sarili sa pamamagitan nang pagmamahal sa isang wika?
“LOL. Impossible.”, kunwari ay di siya interesado sa sinabi ng binate. “What’s the
difference between Filipino and Tagalog, by the way. Both are extremely difficult.”
Natawa si Danilo sa tanong ni Emily. “Para sakin walang pinagkaiba ang dalawa!
Ang Tagalog ay Filipino at ang Filipino ay Tagalog. At kung nahihirapan ka, narito
naman ako para tulungan ka!”

Ilang lingo din ang lumipas at sa pagtuturo ni Danilo kay Emily ang Wikang
Filipino, ay unti-unti naming napagtatanto at nakikita ni Emily ang kanyang sarili.
Kalaunan, ang dalawa ay nagging matalik na magkaibigan. Napansin naman ng tatay ni
Emily ang namumulaklak na pagkakaibigan ng dalawa. Sa isip-isip neto, mukhang sa
isang taga-ilog rin babagsak si Emily kagaya na lamang ng kanyang ina. Nawa’y
maging mainam at patuloy na masaya ang anumang namumuong relasyon sa dalawa.

“Thank you ay salamat in Tagalog.” Turo ni Danilo. “Thank you so much is


maraming salamat.”
“Maraming salamat, Danilo.” Nangingiting sabi ni Emily kay Danilo. “May
question ako…”
“Ano yun, kaibigan?”
“Why is Tagalog so important for every taga-ilogs?”
“Kase kaibigan ang salitang tagalog ay hango sa salitang “taga-ilog”, sa ingles
naman ay river-dwellers. Ito ang lenggwaheng gamit ng mga katutubong Pilipino dito sa
Central Luzon. Masaya kaming mga taga-ilog na hango sa aming pangkat ang isa sa
pinakasikat na lenggwahe sa Pilipinas!”
“Eh, why naman important ang wika?” karagdagang tanong ni Emily.
“Kasi naman, my friend. Pagmasdan mo ang paligid. Ang wikang Filipino ay isa
rin sa mga sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino na kung sino tayo at ano tayo.
Napaka halaga na magamit natin ang ating wikang pambansa dahil bilang isang
mamamayan sa bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang sariling kulturang
tinataglay na pag kikilanlan ng ating sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating pang-
ekonomiya at katatagang politika,” paliwanag ni Danilo. “Nakuha mo?”
Tumango na lamang si Emily habang ninanamnam ang talihagang binahagi ni
Angelo. Sa pagbalik ni Emily sa Amerika, baon niya ang aral na kanyang napulot mula
kay Danilo.
Sa araw ng pagtatanghal ng kanyang proyekto, sinimulan niya ito sa isang
maiksing sipi mula kay Nelson Mandela
“’If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you
talk to him in his own language, that goes to his heart’, said by Nelson Mandela.
And that’s one of the best things I learned while doing this project,” buong ngiti niyang
sabi. “Friends, guests, and the galaxy of intellectuals, I present to you my case study
entitled – “Ang Irog kong Taga-Ilog: The Heritage Voices of Tagalog Language
Empowering the Filipino Community”
Sa pagtatapos ng semestreng ito, pangako ni Emily sa sarili na babalik siya sa
Pilipinas upang makasama ang ama, kilalaning lubusan ang sarili, mahalin ang sariling
wika, at balikan ang isang taga-ilog na kanya na palang iniirog.

You might also like