You are on page 1of 1062

==============

Sudden Death

==============

"Patay na sya,"

"Tumahimik kayo..."

Naka-upo sya sa tabi ng asawa na nakaratay sa hospital bed. Sila ay nasa isang
private medical hospital na pagmamay-ari ni No. 99.

"Don't you understand?! PATAY NA SYA!!" sigaw ni No. 99

"Sinabi na ngang hinde!"

"Anong hindi? Wala na syang heartbeat! Hindi na rin sya humihinga! Bakit mo ba
pinagpipilitan yang idea na hindi sya patay ha?!"

"Dahil hindi nga sya patay!"

Hinawakan nya ang kamay ng asawa nyang wala nang buhay. Hindi sya sumusuko kahit na
ilang oras nang patay ang asawa nya.
"Alam kong hindi mo matanggap. Magkakaroon ka ng breakdown dahil sa ginagawa mo
eh.." mahinahong sinabi ni Cas

Tumayo na sya para harapin si Cas at No. 99

"Hindi nyo naiintindihan. Wala kayong naiintindihan! Hindi sya patay!"

PAK!

Isang malakas na sampal ang natamo nya mula kay Cas. Umaasa itong baka magising sya
sa katotohanang patay na ang asawa.

Kinagat lang nya ang labi nya at tinignan ng masama si Cas.

"Wala na, ok... Wala na."

"Bakit ayaw nyong maniwalang buhay sya. Nagpapahinga lang sya! Magigising din sya!
Alam ko yon! Nararamdaman ko!" sabi nya habang tinuturo ang dibdib nya

"Stop it! This is nonsense!" sigaw ni No. 99 "Kailangan na nyang i-autopsy.


Tatawagin ko na--"
"Hindi nyo sya gagalawin. Walang gagalaw sa asawa ko. And that's an order."

"Hanggang kelan mo ba balak makipagmatigasan sa amin ha?! Patay na sya!"

"Wala kang karapatang sabihin na patay na sya dahil wala kang alam!"

"May alam ako! At alam kong patay na sya kahit na anong gawin mo!"

"Patay... Sya mamamatay? Imposible." lumapit uli sya sa asawa nya at hinakawan ang
pisngi nito "Magigising din sya. Alam ko yon dahil ako ang asawa nya..."

Yumuko lang si Cas at kinuyom ang kamao nya.

"Parehong pareho kayo ng ama mo. Matigas ang ulo!" tuloy-tuloy na lumabas si No.
99 dahil sa inis

"Bakit mo ba 'to ginagawa, hmm? Hindi mo ba matanggap? Ganun ba kahirap tanggapin?"


malungkot na tanong ni Cas sa kanya

"Tatanggapin ko kung wala na talagang pag-asa.. Pero alam ko, mabubuhay sya. Ikaw
ang ina, dapat nararamdaman mo rin kung anong nararamdaman ko"

"Josef..."

"5 days... Within 5 days mabubuhay sya... Kapag hindi yon nangyari, maghanap na
kayo ng bagong Fuhrer"
=============

Proof of Living

=============

May isang araw na ang nakakalipas... Hindi pa rin umaalis si Josef sa tabi ng asawa
nyang may isa't kalahating araw nang patay.

Umaasa syang anytime, bigla itong gigising, babatukan at pagagalitan sya dahil
pumasok sya sa loob ng warehouse kahit na sinabihan na syang wag pumasok.

"Wag kang mag-alala. Alam kong mabubuhay ka, hindi ko hahayaang kunin ka nila"
sabi nya habang hinahawi ang buhok ni Armida sa noo nito.

Iniisip ng lahat na parte lang iyon ng griefing phase. Lahat naman ng tao, dumadaan
dyan. Syempre una, Denial. Then, Anger, Bargain, Depression at sa bandang huli,
Acceptance.

Ngayon, considered si Josef as nasa limang stage. Tama, sabay-sabay nyang


nararanasan.

Hindi nya matanggap na hindi pa patay si Armida. Nagagalit sya lahat dahilan para
ipagpalit nya ang lahat maging ang posisyon nya bilang Fuhrer. hindi nya maiwasang
malungkot dahil nakuha pa nga nilang mag-away at magtawanan ilang oras palang ang
nakakalipas tapos biglang patay na ang asawa nya.
Ngunit kahit ganon, puno sya ng pag-asang mabubuhay ang asawa nya. Alam nya, dahil
totoong nararamdaman nya. At kung mararamdaman din yon nila Cas, malamang na
maiintindihan nila kung bakit nya pinagpipilitang mabubuhay si Armida.

Magda-dalawang araw na rin syang walang kain pero ayos lang sa kanya dahil hindi pa
rin naman kumakain ang asawa nya.

Nakatulog na sya habang nakaupo sa tabi ng kama at nakahawak sa kamay ng patay


nyang asawa.

Iniisip nyang mabubuhay si Armida. At nakakapagsalita lang sila Cas nang ganun
dahil hindi nila sya naiintindihan. Hindi sya nababaliw dahil para sa kanya,
totoong natutulog lang ang asawa nya.

Hindi kabaliwan kay Josef ang isiping mabubuhay pa ang asawa nyang mag-iisa't
kalahating araw nang patay.

Kilala nya ang asawa nya at hindi ito papayag na mamatay nang ganun-ganun lang.

Mabubuhay si Armida. Mabubuhay sya. Tiwala lang at magigising din sya sa mahaba
nyang pagtulog.

Umaasa sya na sabay silang magigising ng asawa nya sa napakasamang bangungot na


iyon.

Wala syang kamalay-malay na pumasok si Cas sa loob. Nilapitan sya nito at hinawakan
sya sa ulo.

"Mahal mo talaga ang anak ko..."


Pagkatapos ay lumipat ito at pumwesto sa kabila ng kama. Umupo ito sa gilid at
hinawakan ang kabilang kamay ng anak nya.

"Sana pinaglaban din ako ni Joseph gaya ng ginagawa sayo ng asawa mo ngayon..."
hinawakan nya ang pisngi ni Armida

Para sa kanya, parang natutulog lang ito. Nalulungkot sya dahil isa't kalahating
araw na itong patay pero hindi man lang naasikaso dahil kay Josef. Dapat ay na-
embalsamo na sya dahil may chance na masira ang katawan nya kapag nagtagal sya sa
ganung lagay.

"Pasensya na kung hindi ko nagawang maging mabuting ina sayo..." idinikit nya ang
kamay ni Armida sa pisngi nya "I'm sorry" pumikit sya at naluha nalang

Tinanggal na nya ang kamay ni Armida sa pisngi nya at tinignan ang mga detalye sa
kamay nito.

"Ang ganda ng mga kamay mo... Parang hindi kamay ng isang assassin..." hinawakan
nya ang mga mala-kandilang daliri nito sa kamay at pinagdikit nya ang mga palad
nila "Mana ka kay Yoo-Ji na malaki ang kamay" tinanggal na nya ang kamay nya sa
palad ni Armida at pagkatapos ay natupi ito at bumagsak sa kama dahil sa kawalan ng
buhay

Tumayo na sya at pinunasan ang mata nya. Pinagpag na nya ang kamay at tinungo na
ang pintuan.
Hahawakan na sana nya ang doorknob nang may mapansing kakaiba.

Halos bumagsak ang panga nya at halos lumuwa ang mata nya sa sobrang gulat.

"Oh my God..."

Napatingin agad sya kay Josef

"Hindi 'to pwede..."

Wala namang nangyaring kakaiba. Patay pa rin naman si Armida. Ang kaso, iyon nga
ang nakakagulat.

Patay si Armida. Pero walang nangyaring dapat ay mangyayari.

Isang bagay lang ang pumasok sa isip nya pagkatapos nyang idikit ang palad sa palad
ng anak.

Kung isa't kalahating araw nang patay ang anak nya, dapat matigas na ang katawan
nito at hindi na naigagalaw pa.

Pero nagawa pa nyang hawakan ang kamay nito at maigalaw freely nang hindi
nahihirapan.
Sinubukan nyang pulsuhan si Armida sa may leeg. Walang beat. Pero may kakaiba.

"Pinagpapawisan sya..."

Napatakbo agad sya palabas ng private room.

"She's alive..."

==========

Not Dead

==========

Pabalik na si Cas sa kwarto ng anak at napansing nagkakagulo sa may pintuan nito.


Napatakbo agad sya papunta doon.

"What's happening here?" tanong nya habang hinahawi ang mga tao

"Ano ba?! Bitawan nyo ko! Armida!" rinig na rinig ang sigaw ni Josef na
pinipigilan ng mga nurse
Napahinto sya nang makitang kinukuha na ang katawan ni Armida ng mga doktor.

"Yoo-Ji! Saan nyo sya dadalhin?!" gulat na tanong ni Cas

"Cassandra, I can't let my daughter be like this--"

"She's alive... Yoo-Ji, she's alive!"

"Cas! Pati ba ikaw?"

Dali-daling lumapit si Cas sa katawan ni Armida. Kinuha nya ang kamay nito at
inangat.

"My daughter is still alive, Yoo-Ji." at saka nya binitawan ang kamay nito na
bumagsak sa kama

Nagulat ang mga doktor pati na si No. 99 sa nakita. Tinignan nila ang isa't isa.
Umaasa ng paliwanag sa nangyari o sa nangyayari kay Armida.

"She might be dead. Pero paano mo ipapaliwanag yang nangyayari sa kanya ngayon?
Alam mo naman ang nangyayari sa mga patay kapag ilang araw nang exposed, right?"
may hawak na syringe si Cas na kinuha nya bago bumalik sa kwarto ni Armida. Kumuha
sya ng dugo sa braso nito. Pinanood lang sya ng mga tao na naroon.

Naningkit ang mga mata nila nang tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa braso ni
Armida kahit na patay na ito at hindi na nagc-circulate ang dugo sa buong katawan.
"Walang gagalaw sa katawan nya hangga't hindi ko sinasabi" sabi ni Cas na
nakatingin kay No. 99 "I want to know why this is happening to her" ibinato nya
ang syringe kay No. 99 na nasalo naman nito "Alamin mo kung bakit 'to nangyayari
sa anak mo"

Nagbuntong-hininga lang si No. 99 at tuloy-tuloy na lumabas sa kwarto ni Armida.

Nagsilabasan na rin ang iba pa hanggang maiwan nalang ay si Josef at Cas.

"How did you know?" tanong ni Josef na may malungkot na mukha

"You said I'm the mother and I should feel it... You, how did you know?"

"She's RYJO. And she's the Data. I know what's on that data and I know what she's
capable of. There are so many reasons for me to believe she's alive other than
being her husband. I'm not that crazy, Cas. I know what's rational and not. If I
prove to myself that she's dead, then fine. I, personally, will dig a hole and bury
her. But she's not, and I'll stay and I'll fight for what I know is right."

Hindi na ginalaw si Armida sa private room kung saan sya naroon. Patay pa rin sya,
wala pa ring pinagbago.

Dinalahan ni Cas si Josef nang pagkain dahil alam nyang hindi pa ito kumakain.
Tinanggap naman si Josef ang binigay nya at kumain na para magkalakas sya.
Patapos na naman ang araw na iyon na hindi pa rin nabubuhay si Armida. Ngunit kahit
na ganon, hindi pa rin nabawasan ang pag-asa ni Josef na mabubuhay ang asawa nya.

kinabukasan...

Pumasok si No. 99 sa kwarto ni Armida at nakita doon si Josef na hinihilot ang


binti ni Armida.

"Bakit ba hindi ka sumuko kahit na kitang kita naman na patay na sya..." tanong ni
No. 99

"Kung hindi ko sya kilala, baka ako pa mismo ang naglibing sa kanya..." sabi ni
Josef na hindi man lang nilingon si No. 99

Tumango lang si No. 99 at pumwesto sa kabilang parte ng kama. Nakatayo lang sya
doon at tinitignang maigi ang mukha ng anak nya.

"Kamukha nya talaga si Cassandra... Gusto ko ng lalaking anak pero pumabor ang
lahat sa pamilya ng ina nya. Pati ang pangalan, desisyon nila."
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" walang buhay na tanong ni Josef

"Namatay sya dahil sa lason. Nakakita ng Amatoxin sa leeg nya. Enough to kill her
three times" umupo sya sa tabi ni Armida "Kung normal na tao sya, matagal na ang
sampung minuto para sa kanya. Pagkatapos ay unti-unting pabubulukin ng lason ang
atay at puso nya hanggang wala nang matira." hinawi nya ang buhok nito sa noo at
hinaplos ang pisngi nito

Pinanood lang sya ni Josef. Hindi naman sya pwedeng pigilan nito dahil bali-
baliktarin man ang mundo, sya pa rin ang ama ni Armida.

"Hindi ko alam kung dapat ba kong magalit o dapat kong ikatuwa ang ginawa ng apat
na demonyong yon sa anak ko..." huminga sya ng malalim at tinignan ang bintana
"Ginawa nilang halimaw ang kaisa-isa kong prinsesa" nakangiti man sya, kita naman
ang galit sa mga mata nya

"Her heart stopped just to stop the blood circulation. Just to prevent the poison
from spreading. Her body did that on purpose. It's her defense mechanism. Now, the
poison stays where it had been shot and her body produces it's own antidote and
antibodies are fighting the toxic. The doctor said, she will be revived soon after
her body recover from intoxication." tinignan nya ng diretso si Josef na seryosong
nakikinig sa kanya "Good news yon, dahil mabubuhay pa rin sya. Ang hindi ko lang
nagustuhan ay ang sumunod na sinabi ng doctor"

Tumayo na si No. 99 at nagpamulsa sa harapan ng bintana.

"Bumababa ang mortality rate nya. The longer she lives, the harder to kill her. She
can shut her whole system down but can be revive anytime it wants, whether she like
it or not. She has this mutation na nagco-cope up ng mabilisan ang system nya sa
lahat ng foreign materials na pumapasok sa katawan nya. Base sa diagnosis nila, 10%
ng body fluid nya ay lason. Ang lason na rin na yon ang lumalaban sa lason na nasa
katawan nya ngayon. At 2 percent lang ng lason na yon, oras na ihalo sa tubig ay
kaya nang patayin ang buong populasyon ng Russia. I can tell that she's a walking
venom."
Nanlaki ang mata ni Josef sa narinig at gulat na gulat na tinignan ang asawa nya.

"Wala namang epekto sa ibang tao ang lason kapag nasa katawan pa nya kaya wag kang
mag-alala..."

Pumunta na sa may pintuan si No. 99.

"Mamaya, kukunin na sya ng mga doktor para ilipat sa mas maayos na medical facility
for observations and monitorings. Wag mo na sanang subukang manlaban pa. Kukunin ka
ni Cas after nyang malipat ng kwarto."

Binuksan na ni No. 99 ang pinto pero bago sya lumabas, may sinabi pa muna sya kay
Josef.

"Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo. Mas mabuting sayo sya napunta kaysa kay
Daniel..."

===============
One Week Later
===============

Isang linggo na ang lumilipas at nananatili pa ring patay si Armida. Walang nagre-
register na heartbeat or pulse sa ECG. Wala ring sign of respiration. Nakakabit sa
katawan nya ang napakaraming tubo at kung ano-anong kable na wala namang pakinabang
dahil hindi rin naman nya nagagamit. Apat na araw na syang inoobserbahan ng mga
doktor pero wala pa ring pinagbago.
May mga cameras na naka-monitor sa kanya at nakabantay sa lahat ng nangyayari sa
kanya. Kung meron man.

Alas singko ng hapon, tahimik sa buong ospital. Abala ang ilang doktor sa mga
operasyon.

Wala silang kamalay-malay na may isang himala na mangyayari.

At ang inaasahan ni Josef na magaganap ay nangyari sa oras na wala sya.

Biglang tumunog ang ECG at nagkaroon ng mabagal na pulse. Umandar ang respirator at
nag-pump ng oxygen.

Ang isang linggong patay na si Armida ay biglang dumilat. Tinignan nya ang paligid
nya. Nasa ospital na naman sya at nakasuot na naman ng hospital gown.

Nakadikit sa kanya ang maraming tubo. Dextrose, dugo, oxygen, mga kable na
nakadugtong sa dibdib nya para i-monitor ang heartbeat nya. Meron ding mga
nakakabit sa ulo nya. Puno ng malalaking makina, oxygens, computers at kung ano-ano
pa sa loob ng lugar na yon.

"Josef..."

Bumangon na sya at tinanggal ang oxygen pati na ang dextrose at ang tube na naka-
connect sa dugo. Medyo nanghihina sya pero kaya nyang tumayo. Ilang beses na syang
nagkaganon kaya sanay na sya. Bumibilis ang paggaling ng katawan nya habang
tumatagal.

"Josef!" halatang bagong gising ang boses nya dahil basag pa


May mga nakadikit pa sa kamay nyang mga tubo na nagco-connect sa iba pang tubo pero
hindi na nya tinanggal.

"Asan ka na ba?!" tumayo na sya sa hinihigaan at tinignan ang paligid.

Biglang pumasok sa loob ang isang nurse na may dalang notes. Napahinto sya ng
makita si Armida na nakatayo na.

"O-o-oh my God..."

"Hoy, asan ang asawa ko..."

"D-d-doc! Doc!" nakaharap sya kay Armida habang tumatawag ng doktor

"Tinatanong kita kung nasaan ang asawa ko!"

"Doc, gising na ang pasyente!" sigaw nya habang paatras ng paatras

"Hindi ka ba marunong sumagot?!" nilapitan nya agad ang nurse na mukhang nakakita
ng multo at hinawakan agad ito sa kwelyo nya

"M-m-maam, wag po muna kay--"

"I'm asking you... Where... Is... My... Husband!!" ibinato nya ng sobrang lakas
ang nurse at tumama ito sa tangke ng oxygen sa tabi ng hinigaan nya

Nakakagulat na sa tagal na panahong patay sya, nakuha pa nyang ibato ang nurse na
halos kasinglaki nya.
Mabilis nyang tinungo ang pinto ngunit nandoon na agad ang mga doktor...

"Sedatives! Faster!"

Lumapit ang mga nurse sa kanya at hinawakan sya. Tinurukan sya ng sedatives ng
isang nurse pero para sa katulad nya, hindi tumatalab ang normal dosage ng
sedatives kaya wala iyong epekto.

Ibinato lang nya ng walang kahirap-hirap ang mga nurse na pumigil sa kanya sa loob
at tumama ang mga ito sa mga makinang nandoon. Sinuntok din nya ang doktor kaya
nakatulog agad iyon.

"Where is Josef!!!"

Kinuha nya ang syringe na nasa braso nya at ibinato na tumama sa may oxygen. Tuloy-
tuloy na syang lumabas ng medical facility na iyon at nilakad ang hallway ng
ospital.

At dahil sa pagkakabato nya sa ibang nurse. Nagkaroon ng konting sparks sa mga


makina dagdag pa ang nabutas na oxygen dahilan para sumabog ang loob ng medical
facility. Tumunog agad ang alarm at bumukas na ang mga fire sprinkler sa kisame
para pigilan ang apoy.

Nag-panic agad ang mga tao...

"Josef!!"

Samantalang si Armida patuloy pa rin sa paghahanap sa asawa nya habang basang basa
na naglalakad sa gitna ng mga nagkakagulong tao..

"Josef, nasaan ka na?!"

Napahinto sya nang makita si Cas na nakatayo sa may hallway at parang nakakita ng
multo pagkakita sa kanya..
"Cassandra... Cassandra, yung asawa ko..." mahinahon nyang tanong habang lumalakad
sya papalapit dito

Umiling lang si Cas habang unti-unting humahakbang palayo sa kanya

"Cassandra, si Josef..."

Pumatak na ang luha ni Cas habang unti-unti syang nilalapitan ni Armida...

"I'm asking you... Where is my husband..."

Napahinto si Cas nang malamang pader na ang nasa likuran nya

"Cassandra, nasaan ang asawa ko?!!"

Kinuha nya ang kwelyo ni Cas at buong lakas nyang inangat ito habang nakadikit sa
may pader

"Tinatanong kita!! Nasaan si Josef!!"

*Ugk* *Ugk*

"A-armi-da.." pinipilit ni Cas na bumitaw sa pagkakahawak ni Armida sa kanya

"Bakit ayaw mong sumagot?!!" hinagis nya si Cas sa may sahig "Aaarrgghh!!"

"JOOSSEEFF!!!"
Naglakad sya sa hallway sa may kaliwa lang nya at patuloy na hinanap ang asawa nya.

"Josef naman! Nasan ka na!!"

"Armida!"

Napahinto sya nang marinig ang boses na tumawag sa kanya. Tumalikod agad sya para
harapin ang tumawag sa kanya.

"Hoy Josef! San ka ba nagpunta ha?! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap!" sigaw
nya

Ngumiti lang si Josef sa kanya. Inilahad nito ang mga braso nya..

"Welcome back. Can I have a hug?"

Umiling lang si Armida at naglakad papalapit sa asawa nyang matagal na hinintay ang
pagkabuhay nya.

Huminto sya sa harap ni Josef at hindi ito pinagbigyan sa yakap na hinihingi nya.

"Alam mo bang nag-aalala ako sayo! Akala ko patay ka na! Tinatanong ko silang lahat
pero walang sumasagot!" sigaw ni Armida sabay palo sa balikat ni Josef

Biglang tumulo ang luha ni Josef habang tumatawa ng mahina. Pinunasan nya ang mata
pero ayaw tumigil ng pagbagsak ng luha. Kinuha nya ang braso ni Armida at hinatak
ang asawa para mayakap nya.

"Ikaw pa talaga ang nag-alala sakin huh..." sabi ni Josef habang lumuluhang
nakangiti. Hinalikan nya sa noo ang asawa nyang mahirap paniwalaan pero isang
linggo nang patay.

"Bakit ba napaka-iyakin mo. Kalalaki mong tao..." sabi ni Armida

"Kamusta ang pakiramdam mo?" mahinang tanong ni Josef

"Ayos na." bumitaw sya sa pagkakayakap kay Josef at pinunasan ang magkabilang
pisngi nito "Ikaw, wala bang masamang nangyari sayo?"

Umiling lang si Josef "Alam mo bang lahat sila gusto ka nang patayin, kahit si 99
kinalaban ko para sayo."

"Anong ginawa nila sayo?"

"Armida, hayaan mo na..."

"Tinatanong kita, Josef, anong ginawa nila sayo?!"

Binitawan na nya si Josef at tuloy-tuloy na naglakad papalapit kay Cas.

"Anong ginawa ni 99 sa asawa ko huh?!" kinuha nya ang braso ni Cas at hinawakan
iyon ng mahigpit "Tinatanong kita!"

Hindi rin nagtagal ay nakita nya si No. 99 na tumatakbo papalapit sa kanila.


Napahinto ito at tinignan si Armida mula ulo hanggang paa.

"You're... alive"
"Hoy!" dali-daling lumapit si Armida kay No. 99 at kinuha ang kwelyo nito "Anong
ginawa mo kay Josef ha?!" at saka nya ito binigyan ng isang suntok sa mukha
"Anlakas din ng loob mong saktan ang asawa ko!"

Nagulat si No. 99 at napahawak sa pisngi nya. Hindi nya inaasahan ang suntok na yon
mula kay Armida, pati na ang lakas. Lalo pa't alam nyang isang linggo na itong
patay.

"Armida, ano ba..." pinigilan agad sya ni Josef at hinawakan sya sa braso "Hayaan
mo na sila. Hindi naman nila ako sinaktan eh"

"This is..." hindi mahanap ni No. 99 ang tamang adjective para sa mga nangyayari
kaya hindi nya maituloy ang sinasabi

"I'm warning you" sabi ni Armida habang dinuduro si No. 99 "Touch my husband
again and you're dead"

Tumawa ng mahina si No. 99 sa lahat ng kinikilos ni Armida.

"Para sa isang babaeng kakagaling lang sa kamatayan, malakas ka nang mahamon ng


away... Ibang klase ka talaga. Pinasabog mo pa ang hospital ko.."

"Wala akong pakialam! Tara na, Josef! Ginugutom na ko!"

At hinatak na ni Armida ang asawa nya paalis sa nagkakagulong lugar na yon...

Naiwan doon si Cas at si No. 99 na nakatingin lang sa isa't isa.

"She punched me..." nakangising sinabi ni No. 99


"She's alive. She really is alive. Pag-iinitan na naman sya kapag nalaman nila ang
pagkabuhay nya"

___________________________________

==========

Flashback

==========

Nasa loob ng isang private room si Armida kasama si Josef.

Bumagsak kasi sya ilang oras pagkatapos nyang magising kaya inilagay muna sya sa
isang executive room para makapagpahinga muna ang katawan nya.

Sa kasalukuyan ay naghihintay sya ng pagkain. Nakasandal sya sa mga unan sa may


hospital bed at nasa tabi lang nya si Josef, nakaharap at nakatingin lang sa kanya.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan ha? Kanina ka pa ha, naaalibadbaran na ko sayo..."


inis na sinabi ni Armida

"Bakit ba? Masama na bang tignan ka?" reklamo ni Josef

"Oo masama! Ang creepy kaya! Tapos yung tingin mo pa parang pusa!"

"Anong parang pusa?"


"Alam mo yun? Yung parang ganito..." naglungkot-lungkutan sya, yung pa-cute
version habang hawak ang kumot na nakatapat sa ilalim ng baba nya

Hindi napigilan ni Josef ang pagngiti sa ginawa ni Armida. Lumingon sya sa ibang
direksyon para hindi makita ng asawa nya ang ngiti nya.

"O, anyareh sayo?" inis na tanong ni Armida

Umiling lang si Josef habang nakayuko. Kagat nya ang labi para pigilan ang pagngiti
nya.

"Armida..." tinignan nya ang asawa nya habang pinipigilan ang pagngiti "Puppy
eyes yang ginagawa mo... Puppy, hindi pusa.. Pu-ppy, 'kay?"

"Pusa, puppy, parehas lang na nakakatakot tignan yon! Tss!"

Tumawa ng mahina si Josef at ginulo nalang ang buhok ni Armida

Huminga ng malalim si Armida at tinignan ang pintuan.

"Akala ko talaga, may masama nang nangyari sayo..." sabi ni Armida. Napatingin
tuloy sa kanya si Josef na seryoso na ang mukha. "Ilang araw akong walang malay?"

Napatingin sa ibaba si Josef at saka ibinalik ang tingin sa asawa nya. "One week
ka nang patay."

Napataas lang ng kilay si Armida sa sinabi nya. "Isang linggo? Seryoso yan?"

"Yeah"

"Talaga... O, eh paano naman ako napunta dito?"

"Uhh..." napakamot ng batok si Josef at medyo dumistansya ng kaunti kay Armida


"Ano kasi... Medyo... Uhm... Ganito kasi yon..."

~~~ Ang totoong nangyari ~~~

Pagkapasok na pagkapasok ni Armida sa loob, lumabas na agad si Josef ng kotse at


sinubukang pumasok sa loob ng warehouse. Hindi sya papayag na mag-isang papasok
doon ang asawa nya.

Madaming mga armadong lalaki na nakabantay kaya kailangan nyang gumawa ng paraan
para makalagpas sa kanila.

Madaming mga nakatambak doon na mga crates at mga naglalakihang mga lubid kaya
hindi sya nahirapang magtago habang palihim na pumapasok sa loob.

Mas naging mahigpit ang bantay paglapit nya sa warehouse dahil isa lang ang pinto
papasok. Tumingala sya at nakakita ng isang maliit na bintana sa itaas kaya pumunta
sya sa malapit na malaking tubo na naka-connect sa alulod ng warehouse. Inakyat nya
iyon at tinalon ang pinakamalapit na bintana. Nakakapit sya doon at mabilis na
sumampa para hindi sya maglag.
Pumasok na agad sya sa loob at smooth na smooth na bumaba sa sahig na may mga lubid
at lambat na nakatambak. Ang akala nya, yun na talaga ang lugar pero hindi pa pala.
May isa pang pinto sa loob na binabantayan ng dalawang bouncer na may hawak na
shotgun.

Ngayon, ang problema nya ay kung paano makakapasok kung nandoon ang dalawang
bantay. Inisip nya na kailangang sabay nya itong patayin dahil kung hindi, may
chance na magpaputok ang isa at makatawag ng pansin. Tinignan nya ang mga bagay sa
paligid nya.

"Kung ako si Armida, malamang na gamit lang 'tong maliit na bakal, patay na yang
dalawa.." napa-iling nalang sya. Naghanap pa sya ng magagamit, hindi naman pwede
ang dala nyang paper knife. Pang isang atake lang talaga ang magagawa nya.

Tumatagal sya sa lugar na iyon. At ganun din ang asawa nya sa loob. Wala na syang
magagawa, dadaanin nalang nya sa tapang.

Tumayo na sya sa pinagtataguan at tuloy-tuloy na nagpakita sa mga guards.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?!" sigaw ni bouncer1

Tinutukan nila ng shotgun si Josef pero tuloy-tuloy pa rin ito sa paglapit

"Huminto ka dyan! Wag kang lala-- Ugh!"

"Oh shit!" napayuko agad si Josef nang biglang nagkaputukan sa loob.

Dumapa agad sya sa sahig at tinakpan ang ulo nya. Tumagos ang mga bala sa labas
dahilan para matamaan ang dalawang bouncer na nasa tapat ng pinto. Tuloy-tuloy ang
pag-ulan ng bala at nakikita ni Josef na tumatagos sa labas ang liwanag na
nanggagaling sa loob. Dumadami ang mga butas habang patuloy ang barilan. Hindi na
nga halos naririnig ni Josef ang sariling konsensya habang patuloy ang pagbaril ng
kung sino man ang nasa loob ng kwartong iyon. Para sa kanya yon na yata ang isa sa
pinakamahabang minuto sa buhay nya.

Pagkalipas ng ilang minuto, natahimik uli ang buong lugar. Tumayo na sya at
tinataktak ang ulo nyang halos mabingi na dahil sa dami ng putok ng baril. Tinungo
nya agad ang pinto at pinagdasal na buhay pa sana ang asawa nya.

Pagbukas nya...

"Armida!"

Unang unang nakita ni Josef sa Armida na nasa gilid ng kwarto at mag-isang nakatayo
doon. Nakita nya na wala itong reaksyon.

"A-anong--" Napatingin agad sya sa buong kwarto at gulat na gulat tinignan ang
lahat na naliligo ng sarili nilang mga dugo. Ibinalik nya ang tingin sa asawa at
nakita sa ibaba nito ang lalaking sa pagkakaalam nya ay bespren ni Jocas.

"A-armida, anong nangyari?"

Nakita nya walang reaksyon si Armida at pinulot ang isang semi-automatic handgun sa
paanan lang nya. Naramdaman na naman nya.

Ang takot na yon, nagbalik na naman. Naalala nya ang naramdaman nya nang unang
makita si Armida bilang si RYJO.

Itinutok sa kanya ng sarili nyang asawa ang baril.


"A-armida, no.." umiling sya habang umaatras "No!!"

BANG!

Umalingawngaw ang putok ng baril sa apat na sulok ng kwartong iyon. Ni hindi na


nagawa pa ni Josef na pumikit. Nakanganga lang sya at halos lumuwa ang mata habang
nakikita ang asawa nyang biglang bumagsak sa sahig.

Hindi agad sya nakakilos sa sobrang shock. Ang heartbeat nya, dumoble ang bilis.
Pinagpawisan sya ng butil-butil dahil sa nangyari.

Dahan-dahan nyang tinignan ang sarili kung may tama ba sya ng bala. Wala. Hindi sya
tinamaan. At ang bala ay tumama sa ibang direksyon dahil nawala sa placing ang
kamay ni Armida dahil sa pagbigay ng katawan nya.

Napalunok nalang si Josef. Sinubukan nyang maglakad pero parang dumoble ang
gravitational pull sa kinatatayuan nya.

Humakbang sya, at sa bawat galaw ng paa nya, lalo lang bumibigat ang nararamdaman
nya.

Tinignan nya ang asawa nyang basa na ang kalahati ng katawan ng dugo ng mga napatay
nito. Parang hinila ng lupa ang tuhod nya at napaluhod sa tabi ng asawa.

"A-ar-armida..." hinawakan nya sa pisngi si Armida. Nakadilat lang ito at


nakatingin sa kawalan "A-armida... N-n-nari-rinig mo b-ba ko?"
Hindi sumagot ang asawa nya sa kanya. Pansin din nya na hindi na ito humihinga.
Pinulsuhan nya sa leeg ang asawa nya kahit na nanginginig ang mga kamay nya. Wala
syang maramdaman.

"No..."

Isinilid nya ang kanang braso sa ilalim ng balikat ni Armida para iangat ito.
Tinapik-tapik nya ang pisngi ng asawa nya para malaman kung buhay pa ba.

"Armida... Hey, d-do you hear me?"

Nakadilat lang ito at hindi sya sinasagot. Kinagat nya ang lowerlip para pigilan
ang pag-iyak.

"No... Don't do this to me, please..." idinikit nya ang noo sa noo ng asawa nya
"Not now..." kahit ayaw nya, kusang tumulo ang luha nya sa pisngi ng asawa nya
"Armida, wake up... Please.. Wake up... Alam ko naririnig mo ko, say something...
Please, SAY SOMETHING!! Goddammit! Say anything!!"

Inilagay na nya ang kabilang braso nya sa likod ng mga binti ng asawa nya para
buhatin ito.

"You can't die... You can't die... No, not now, not in front of me..."

Binuhat na nya ang asawa nyang naligo ng dugo palabas ng warehouse na iyon.

Bawat hakbang nya ay parang parusa. Pakiramdam nya, triple ang bigat ng asawa nya.
Nakakabingi ang tunog ng bawat patak ng dugo na tumutulo sa sahig na mula sa buhok
at katawan ni Armida. Puno na rin ng dugo ang puti nyang suot.
Paglabas nya, napapikit nalang sya dahil isang maliwanag na ilaw ang nakatutok sa
kanya. Pinagdasal nya na sana hindi pulis ang mga iyon.

"Richard!"

Pinatay na ang ilaw at medyo natagalan pa ang pag-adjust ng paningin nya dahil
nasilaw sya.

"Holy hell... What happen?"

Isang pamilyar na boses. Boses ni Cas.

"She's not answering..." malungkot na sinabi ni Josef habang nakatulala sa kawalan

"Medic!" sigaw ni Cas

"She's not answering... Buhay naman sya pero bakit hindi sya sumasagot... Cas,
bakit hindi sya sumasagot... Naririnig naman nya ko..."
Tinignan ni Cas ang lagay ni Armida. Nakikita nya na hindi normal. Pinulsuhan agad
nya ang anak. Walang pulse. Kinuha nya ang maliit na flaslight sa bulsa ng pantalon
at tinutok sa mata ni Armida. Hindi gumalaw ang pupil nito. Nag-aalala nyang
tinignan si Josef na tulala pa rin.

"Josef..."

"Galit na naman ba sya sakin... Silent treatment na naman ba nya 'to... Dahil ba
pumasok ako sa warehouse... Nag-aalala lang naman ako sa kanya... Partners kami,
dapat kasama ko sya diba..."

Naluha nalang si Cas habang nakikita ang napakamiserableng kalagayan ni Josef.

"Maam," dalawang lalaking nakasuot ng uniform ng Order ang may dalang stretcher at
binuhat si Armida paalis sa mga bisig ni Josef.

Bumagsak lang ang braso ni Josef at tulala pa ring nakatingin sa kawalan.

"Bakit ba kasi hinayaan ko syang pumasok mag-isa... Kasalanan ko... Kasalanan ko


lahat... Dapat sinamahan ko sya kahit na nagpumilit syang wag akong pumasok..."

Sinubukan pang i-revive si Armida sa ambulance pero walang nangyari. Wala na


talaga. Babalutan na sana sya ng white cloth pero pinigilan sila ni Josef.

"Hindi sya patay. Why are you covering her?"

"Sir, patay na po sya. Kailang--"

Biglang hinalbot ni Josef ang kwelyo ng medic "Hindi. Patay. Ang. Asawa. Ko.
Naiintidihan mo?"

"Eh, Sir.."

"Subukan mong galawin ang asawa ko, mauuna ka sa impyerno" kitang-kita ang galit sa
mga mata nya

Tinignan ng medic si Cas. Sumenyas lang ito na hayaan nalang si Josef.

Pinagbigyan nila si Josef since mukhang hindi pa talaga nito matanggap na patay na
ang asawa nya.

========================

Hinayaan muna nilang mag-stay ang katawan ni Armida sa isang private room na
pagmamay-ari ni No. 99 habang pinaglalamayan pa ito ni Josef.

Nasa labas lang ng kwarto si Cas at hinihintay si Josef na lumabas.


"Cassandra,"

Napalingon si Cas sa tumawag sa kanya "Yoo-Ji,"

"Isinalin na sa pangalan ni Richard ang title. Legal na ang pagiging Fuhrer nya. By
the way, anong meron dito?" sabi ni No. 99

"She's dead," malungkot na sinabi ni Cas

"Dead? Who?"

"Armida is dead..."

Walang ka-emo-emosyong tumango si No. 99. "Yung asawa nya?"

"Nasa loob iniiyakan sya"

"Palabasin mo na mamaya. After 3 hours, ipakuha mo na ang katawan para i-autopsy"


at tumalikod na ang walang ka-emo-emosyong si No. 99.

Patay ang anak nya. O, eh di patay. Walang magagawa ang pagdadalamhati dahil hindi
naman ito mabubuhay kung gagawin nya. Parte ng buhay ang kamatayan. Hindi
kailangang mag-drama dahil hindi rin makakatulong.

Pinanood lang ni Cas na umalis si No. 99...


After 6 hours....

"Ang sabi ko, kunin na ang katawan nya? Bakit hanggang ngayon wala pa rin?" inis
na sinabi ni No. 99 sa isang nurse

"Eh Sir, ayaw po ng lalaki sa loob. Kanina pa po kami pinagtatabuyan eh. Buhay pa
daw po kasi ang asawa nya." katwiran ng isang nurse

"Lintik!" galit na pumasok si No. 99 sa loob

Nakita nya doon si Cas na pinakikiusapan si Josef na nakaupo sa tabi ni Armida.


Pinaalis muna ni No. 99 ang mga nurse na kukuha dapat sa katawan ng anak nya.

"Patay na sya," mahinahong sinabi ni Cas

"Tumahimik kayo..."

Lalo lang naiinis si No. 99 habang tinitignan si Josef. Patay na ang asawa nya,
dapat nitong tanggapin ang katotohanan. Lalo lang kasi itong nagmumukhang mahina sa
ginagawa nya, lalo pa nakuha na nito ang title ng Fuhrer.
"Don't you understand?! PATAY NA SYA!!" sigaw ni No. 99. Gusto nya talagang
ipamukha kay Josef na patay na si Armida

"Sinabi na ngang hinde!"

"Anong hindi? Wala na syang heartbeat! Hindi na rin sya humihinga! Bakit mo ba
pinagpipilitan yang idea na hindi sya patay ha?!"

"Dahil hindi nga sya patay!"

Napahilamos nalang si No. 99 dahil sa kinikilos ni Josef. "Cassandra, ayusin mo


yan..." bulong nya kay Cas

"Alam kong hindi mo matanggap. Magkakaroon ka ng breakdown dahil sa ginagawa mo


eh.." mahinahong sinabi ni Cas

Tumayo na si Josef para harapin si Cas at No. 99

"Hindi nyo naiintindihan. Wala kayong naiintindihan! Hindi sya patay!"

Aamba sana ng suntok si No. 99 pero mukhang naunahan na sya ni Cas

PAK!
Isang malakas na sampal ang natamo ni Josef mula kay Cas. Umaasa itong baka
magising sya sa katotohanang patay na ang asawa.

Kinagat lang nya ang labi nya at tinignan ng masama si Cas.

"Wala na, ok... Wala na..."

"Bakit ayaw nyong maniwalang buhay sya. Nagpapahinga lang sya! Magigising din sya!
Alam ko yon! Nararamdaman ko!" sabi nya habang tinuturo ang dibdib nya

Tinignan ni No. 99 ang katawan ni Armida. Dapat ay ino-autopsy na ang katawan nito
para malaman nila ang dahilan ng ikinamatay nya.

"Stop it! This is nonsense!" sigaw ni No. 99 "Kailangan na nyang i-autopsy.


Tatawagin ko na--"

"Hindi nyo sya gagalawin. Walang gagalaw sa asawa ko. And that's an order."

That's an order.

That's an order.

That's an order.
That's an order.

Ang mga salitang iyon ay nagsilbing bakod kay No. 99 para hindi na sya makagawa pa
ng kahit anong hakbang laban kay Josef.

Sa mga oras na iyon, nangibabaw ang pagiging Superior nya at ang mga salitang
lumabas sa bibig ni Josef ay hindi basta-basta. Ayaw man nya o hindi, kailangan
nyang sumunod.

Paikut-ikutin man ang mundo, hindi pa rin magbabago ang katotohanang mas mataas na
ang posisyon ni Josef sa kanya. At kapag sinabi nito na that's an order. THAT IS AN
ORDER. And he should follow, kahit sino pa sya. Kahit ama pa sya ni Armida o kahit
sya pa ang assassin na si No. 99.

Hindi nya pwedeng kalabanin ang Fuhrer. At alam nya, maging si Cas na hindi nila
pwedeng suwayin si Josef.

Alam man nito o hindi ang kapangyarihang meron sya sa mga oras na iyon...

Alam man nito o hindi na bawat salita nya ay maituturing nang batas...

Alam man o hindi ni Josef na SYA NA ANG BATAS...

"Hanggang kelan mo ba balak makipagmatigasan sa amin ha?! Patay na sya!"


sinusubukan pa rin ni No. 99 na pilitin si Josef na i-autopsy na si Armida para
malaman ang ikinamatay nito.
"Wala kang karapatang sabihin na patay na sya dahil wala kang alam!"

"May alam ako! At alam kong patay na sya kahit na anong gawin mo!"

"Patay... Sya mamamatay? Imposible.Magigising din sya. Alam ko yon dahil ako ang
asawa nya..."

At dahil nakikita nila na desidido si Josef sa kabaliwan nya... Wala nang magawa si
No. 99. Wala syang balak makipagtalo dahil alam nyang hindi na sya mananalo pa.

"Parehong pareho kayo ng ama mo. Matigas ang ulo!" tuloy-tuloy na lumabas si No.
99 dahil sa inis

"Bakit mo ba 'to ginagawa, hmm? Hindi mo ba matanggap? Ganun ba kahirap tanggapin?"


malungkot na tanong ni Cas sa kanya

"Tatanggapin ko kung wala na talagang pag-asa.. Pero alam ko, mabubuhay sya. Ikaw
ang ina, dapat nararamdaman mo rin kung anong nararamdaman ko"

"Josef..."

"5 days... Within 5 days mabubuhay sya... Kapag hindi yon nangyari, maghanap na
kayo ng bagong Fuhrer"
~~~End Of Flashback~~~

"Ahhh, owkeey.." sabi ni Armida habang tumatango

"Pwede bang malaman kung ano yung "NARAMDAMAN" ni Mr. Zach para sabihing mabubuhay
pa ang pinakamamahal nyang misis, hmm?" nakangiti tanong ni Armida

"Uhh..." tumingin pa si Josef sa taas para alamin ang sagot sa tanong nya
"Husband's instinct?"

Biglang sumimangot si Armida at kumuha ng unan sa likod nya sabay palo sa mukha ni
Josef "Pauso mo!"

"Eh bakit ba? Masama bang isipin na mabubuhay ka pa?" inis na sinabi ni Josef

"Tss.. Pustahan tayo, lahat sila dito inisip na nababaliw ka na dahil sa


pinagsasabi mo..."

"Wala akong pakialam, ang mahalaga nabuhay ka..."

Bigla namang lumaki ang ngiti ni Armida.

"Josef, come here..." pinalapit nya sa Josef sa kanya. Lumapit naman ito.
"Lapit ka pa..." pinalapit pa uli nya si Josef at halos isang dangkal nalang ang
layong katawan ni Josef sa kanya

"Alam mo, na-touch ako sa kwento mo..." nakangiti sya habang tinitignan ang daliri
nya habang kinukutkot ito

"Talaga?" tanong naman ni Josef habang tinitignan sya pailalim

"Oo.. Kaya naman..."

POK!

Sinapok nya agad si Josef ng malakas

"Aaww!!" napahawak agad si Josef sa ulo nya

"Yan ang bagay sayo! Diba ang sabi ko wag kang papasok sa loob!!" kinuha nya uli
yung unan at hinampas ng malakas si Josef sa mukha

"Paano kung may nangyaring masama sayo?! Paano kung napatay kita, huh?! Hindi mo ba
naisip yon?! Binalaan na kita diba?! Ni hindi ka sumunod sa ten minutes na sinabi
mo!" patuloy nyang hinampas ng unan si Josef na pinipilit na iniiwas ang mukha nya
para hindi matamaan
"Nakakainis ka talaga kahit kelan! Ang engot-engot mo! Wala ka nang ibang ginawa
kundi ang painitin ang ulo ko! Kaya nga kita binabalaan para walang masamang
mangyari sayo tapos hindi ka rin pala makikinig! Gusto mo na bang mamatay ha?!
Sabihin mo lang! Madali naman akong kausap!"

"Eh diba ang sabi mo kung nasaan ako dapat nandun ka rin! Partners tayo diba?!
Nagalit ka sakin kasi iniwan kita tapos mang-iiwan ka rin pala! Ang gulo mo naman
eh!"

"Ah! At nangangatwiran ka pa! Mangangatwiran ka pa talaga ha!! Ma-nga-ngat-wi-ran-


ka-pa!" lalo pang nilakasan ni Armida ang pagpalo nya

"Tama na!!" pinipilit nyang hulihin ang kamay ni Armida "Tama na sabi eh!"
nakuha nya ang unan at ibinato sa may paanan ni Armida. Kinuha nya agad ang
magkabilang pulso nito para pigilan "I said stop!" tinitigan nya ng masama ang
asawa nya. Nakipagtitigan naman ng masama ang asawa nya

"Masama na bang mag-alala sayo?" inis na tanong ni Josef

Tahimik lang si Armida habang tinitignan sya ng masama

Pumikit nalang si Josef at yumuko. Nagbuntong-hininga sya at binitawan na si


Armida.

"Ayoko na... Mag-aaway lang tayo..." tatayo na sana si Josef pero natigilan sya
dahil hinawakan ni Armida ang braso nya

"Tama nang nagkamali ako nang minsan." sabi ni Armida habang nakatingin sa ibaba
"Hinding hindi ko na hahayaang maulit sayo ang nangyari sa kanya..."
Tinignan lang sya ni Josef at inabangan ang susunod nyang sasabihin..

"Pinangako ko sa sarili kong hindi na mauulit ang nangyaring yon. Hindi sayo,
Josef... Hindi sayo.."

=========

He waits

=========

Dumating na ang pagkain sa kwarto ni Armida. Isang serving ng mixed vegetables, two
cup rice, isang pork chops, mashed potatoes, isang basong gatas at tubig pati na
strawberry yogurt. May kasama pang dalawang saging at isang hinog na mangga. Nasa
harap lang nya si Josef at sinasaluhan sya sa pagkain.

"Kumain ka nang marami.."

""

Tok! Tok!

Napalingon silang dalawa sa may pinto. Magkasama si No. 99 at Cas. Pumasok ang
dalawa sa loob at pumwesto sa may harap ng kama.

"How are you feeling right now?" tanong ni No. 99


"I'm good." sabi ni Armida sabay subo ng mashed potato "By the way, I'm sorry if
I punched you. I mean it."

"You mean what? Your apology or the punch?" tanong ni No. 99

"Well," tumingin sa taas si Armida at tinimbang kung ano ba ang talagang sinasadya
nya "I guess, it's the apology and the punch. You deserve both." at ibinalik na
nya ang atensyon sa pagkain

Tumaas lang ang kilay ni No. 99 sa sinabi nya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Kaya na ba ng katawan mo ang kumilos?" tanong ni


Cas

"Pinasabog na nga nya ang observation room ko tapos itatanong mo pa kung kaya na ng
katawan nyang kumilos? Pitong nurse at isang doktor ang pinatumba nya, Cassandra.
Hindi mo na dapat itanong kung ok na ba sya!" sarcastic na sinabi ni No. 99

"Yan tayo eh! Magkakasundo tayo dyan 99, hehehe... Gusto mo?" nakangising sinabi
ni Armida habang inaalok kay No. 99 ang hawak nyang saging

Umiling lang si No. 99 para tumanggi.

"O, ano bang kelangan nyo dito?" tanong ni Armida

"Ang totoo nyan," nagkatinginan si Cas at No. 99 "We're here to tell you both
that you're having a vacation.." nakangiting sinabi ni Cas
"Oh! Vacation! I looooveee vacations!" masayang sinabi ni Armida

Bigla namang lumaki ang ngiti ni Josef, Cas at No. 99 sa reaction nya

"It's been a long time since I've been to a vacation! Oh... That's very..."
nakangiti at nakatingin sya sa taas habang nakadaop ang mga palad. Para syang nag-
aabang ng bababang anghel sa langit.

"Suspicious..."

Kasabay ng pagkawala ng ngiti nya ang pagkawala ng ngiti ng tatlo.

Biglang sumeryoso ang mukha nya at tinginan ng masama sila Cas habang nakataas ang
kilay

"Is there a problem?" tanong ni Armida

Nagkatinginan uli si Cas at No. 99

"Actually, wala naman pero--"

"Wag nyong ikakatwiran na nag-aalala kayo sakin at gusto nyong makapagpahinga ako
kaya nyo kami pinagbabakasyon.." mataray na sinabi ni Armida

Napapikit nalang si Cas at No. 99 at saka napayuko. Sabay pa silang nagbuntong-


hininga.
"Ok, you got us..." sabi ni Cas

"Kelangan mo munang mag-lay low, Armida. Kelangan mo munang magtago habang


inaasikaso namin ang ginawa mo sa mga Zubin. Binura mo ang Organization nila nang
walang kahirap-hirap sa listahan ng mga makapangyarihang Organization sa bansa.
Magtataka ang ibang Organization kapag nalaman nila na ikaw ang gumawa non, at
magiging wanted ka naman." binigyan ng makahulugang-tingin ni No. 99 si Cas

Iniwas naman ni Cas ang tingin kay No. 99.

"Saka pansamantala kayong hindi maasikaso ni Cas sa Citadel dahil alam nila na
namatay ka. Kapag sinubukan nyang magtrabaho, sasalang na naman sya sa
castigation..."

"Teka! Hindi yan kasama sa kasunduan natin ah!" sigaw ni Cas

"Kasama man o hindi, wala ka nang magagawa. Kapag sinabi kong hindi ka
magtatrabaho, hindi ka magtatrabaho. Hindi ka na bata, Cassandra, mamamatay ka sa
ginagawa mong pagtatanggol dyan sa ingrata mong anak"

Pumunta na si No. 99 sa may pinto para lumabas

"You can't do that to me!" sigaw ni Cas

"Yes, I can. Watch me." at tuluyan na syang lumabas ng kwarto

"Yoo- Ji!!" nagmamadaling sumunod si Cas sa kanya

Naiwan sa loob si Josef at Armida na nakatingin sa isa't isa.


"I smell something fishy..." sabi ni Josef

"Yeah, I think I have to take a bath..." sabi naman ni Armida

===============================

Kasalukuyang nagpapahinga si Armida sa kwarto nya. Natutulog naman si Josef sa


couch sa may gilid lang ng kama.

Pasimpleng pumasok si Cas sa loob para silipin ang anak nya.

Kung titignang maigi, hindi mo masasabing namatay si Armida. Ni hindi mababakas sa


mukha nito na isang linggo itong nawalan ng buhay.

"Hanggang kelan mo ko balak tignan, ha, Cas?" sabi ni Armida at saka sya dumilat
at tinignan si Cas

"Kanina ka pa gising?"

Bumangon si Armida at sumandal sa mga unan sa likuran nya "Nagising ako pagpasok
mo.."
"Aalis na kayo bukas. Hindi kayo pwedeng magtagal dito."

"Kayo ni 99, paano kayo? Ang sabi nya hindi ka muna magtatrabaho.."

Nagbuntong-hininga lang si Cas at at tinignan si Josef

"Pipilitin ko syang ibalik ako sa trabaho. I have to..."

"He's worried. Wala sa mukha nya pero alam kong nag-aalala sya sayo." sabi ni
Armida

Tinignan lang ng diretso ni Cas ang kausap.

"I have this strange dream.. Narinig kong sinabi mo na sana pinaglaban ka ni Joseph
gaya ng ginagawa ng asawa ko sakin.. I don't know if that's real or not, I don't
know if gawa-gawa lang yon ng imagination ko.. But it sounds so real.."

Yumuko si Cas at tumingin sa may gilid nya. Alam nya kasing sinabi nya ang bagay na
yon pero hindi nya inaasahan na maririnig yon ni Armida sa panahong alam nilang
patay ito.

"Kayo dapat ni NightShade pero iba ang pinili nya. Ang masaklap pa nyan, pinatago
pa sayo yung babae nya. Masyado ka naman palang martir... Pero yung feeling,
consistent"

"Tumigil ka dahil wala kang alam.." seryosong sinabi ni Cas

"Tinanggihan ka ni NightShade kaya kailangang may pumalit bilang mapapangasawa mo.


Ang great grandson ng 2nd Generation Armida Zordick ang dapat mapapangasawa mo,
right? Na nagkataong brother-in-law ni No. 25.."
Kumunot agad ang noo ni Cas sa sinabi ni Armida. Nagtataka sya kung saan nito
nalaman ang bagay na yon.

"Nakipagkasundo ka kay No. 99 na kayo ang magpapakasal at kailangan nyong magka-


anak para makaiwas ka sa tradition ng pamilya mo. Pinili mo sya dahil bestfriend
sya ni NightShade, at mapagkakatiwalaan sya. What a lovestory..."

"Stop it! Wag na wag mong--"

"Nag-divorce kayo sa mismong anniversary. Hindi ko tuloy alam kung sino ang
kakaawaan ko.. Ikaw, si No. 99 o yung anak nyo..."

Natahimik si Cas sa huling sinabi ni Armida.

"May isa pa palang rason kung bakit pinili mo si No. 99.. Asian kasi sya. Itatakwil
ka ng pamilya mo kapag pumatol ka sa katulad nya. Pabor yon sayo since ayaw mo
talagang sumunod sa tradition ng family mo. Too bad, nagkaroon ng reason para hindi
ka nila itakwil...

Ang agreement, mamamatay ang anak mo kapag naging lalaki. Tatlo ang maglalaban sa
trono kapag naging lalaki ang anak mo. Si Josef, si Daniel at ang dapat na anak mo.
Malaki ang chance ni Daniel dahil Pure Blood sya samantalang Half Blood lang si
Josef. Magiging sagabal ang pangatlo kapag nabuhay...

At dahil naging babae ang anak mo, pumabor ang lahat sa pamilya mo. Magkakaroon ng
transferring of titles at maisasalin ang pangalang Armida Zordick na tradisyon na
mula pa noon. Anak ni No. 25 si Daniel kaya sya dapat ang mapapangasawa ko since
Superior din sya, pero hindi inaasahan ng pamilya nya na titiwalag sya kaya naman
lumaki ang chance ni Josef sa trono ng Fuhrer kahit pa ordinaryong tao lang ang
nanay nya.."

Tumayo si Armida sa hinihigaan at hinarap si Cas.


"Limang taon ko nang alam kung sino ako, pero hindi ako nagkaroon ng balak gamitin
ang pangalang pinagmamalaki ng pamilya mo. Magmumukha kasi akong tanga kung
gagamitin ko ang pangalang Armida Zordick habang hina-hunting nyo ko.. Baka isipin
nyo, ginagamit ko ang pangalan mo para makaligtas sa mga atraso ko sa mga
Superiors.. Nakakahiya naman para sa katulad kong kinatatakutan ng lahat."

"Kung ganon naman pala, bakit ngayon ginagamit mo na?"

"Ah, yun ba... Nagkaroon kami ng kasunduan ni No. 99. Wala daw syang pakialam kung
hindi ko gamitin ang pangalan nya, basta gamitin ko lang ang pangalan mo. Kapalit
non ang mga impormasyong malalaman ko. Sya rin ang dahilan ng pagtira ko sa palasyo
ng mga Zordick last month..."

Sa loob-loob ni Cas, sinusumpa na nya si No. 99 dahil sa mga sinabi ni Armida.


Hindi dapat malaman ni Armida ang bagay na yon pero nalaman nya at mismong si No.
99 pa ang nagbigay ng impormasyon.

"I know it sounds so evil since nilaglag ka nya, pero look on the brighter side,
Cassandra. He asked me to use your name. You should be happy. Ang agreement namin,
Armida Zordick lang ang gagamitin ko, but since he earned some respect from me,
ginamit ko na rin ang Hwong..."

Sa mga oras na yon, nasa labas si No. 99 at nakikinig sa usapan nilang dalawa.
Gising din si Josef at nakikinig din.

"Ano bang gusto mong palabasin ha?" galit na sinabi ni Cas

Bumalik na sa pagkakahiga si Armida.


"You said, pareho kaming walang puso. Nagiging kwestyonable tuloy sakin ang bagay
na yon ngayon. By the way, you should listen to him. He knows what's best for you."

"Ah, ngayon pinapangaralan mo na ko.."

"I'm tired, let me get some rest. You should go now; he's waiting out there..."

Nag-eyeroll lang si Cas sa sinabi ni Armida. Pumunta na si Cas sa may pinto. Pero
bago sya lumabas...

"Like he will wait for me... He waits for no one." mataray na sinabi ni Cas

Lumabas na sya ng kwarto at liliko na sana nang makita si No. 99 na nakasandal sa


tabi ng pinto habang naka-cross arms at nakatingin ng diretso sa kaharap nitong
pader.

"Yoo-Ji..."

===============

Words of Wisdom

===============

Nasa rooftop ng hospital sila Josef, Cas at No. 99 habang hinihintay si Armida na
matapos na maghanda ng sarili nya.
Pupunta na sila sa lugar na pagbabakasyunan nila at ihahatid sila ng helicopter na
nasa helipad ng hospital.

"Hey! Ok na ko!" lumabas na si Armida sa may hagdan na daanan papunta ng rooftop.


Lumapit agad sya dun sa tatlo. Nakapagbihis na rin sya ng white t-shirt at jeans.
Pareho sila ng suot ni Josef.

"Nasa resort na ang lahat ng gamit nyo, ig-guide nalang kayo doon ng tao namin.."
sabi ni Cas

"Owkeey.." tumango naman si Armida at dumiretso na agad sa loob ng helicopter

"Uhh..." naiwan sa labas si Josef, Cas at No. 99

Tinuro nalang ni Josef ang helicopter para sabihing susunod na sya kay Armida.
Tumango lang si Cas kay Josef. Sumakay na rin si Josef sa may helicopter at tumabi
kay Armida.

"Hindi ka ba magpapaalam?" tanong ni Josef

"No need. Magkikita pa naman kami..." sabi ni Armida


After 3 hours, nakarating na ang dalawa sa isang resort. Sinalubong sila ng isang
lalaking naka-white shirt at black pants at hinatid sila sa isang bahay na
pansamantala nilang tutuluyan.

"So, dito pala..." sabi ni Armida habang nililibot ng tingin ang buong bahay

Bungalow-type lang ang bahay pero maaliwalas at maganda. Blue and white ang color
scheme, bagay na bagay sa view ng dagat na makikita sa floor-to-ceiling na bintana
ng kwarto nila.

"You want vacation, then here's your vacation..." sabi ni Josef habang tinatanaw
ang view ng dagat. Naaamoy nya ang dagat sa pwesto kahit ang lamig ng hangin
nadadama nya.

"Josef, may allowance tayo oh, hehehe.." sabi ni Armida habang pinapakita ang
isang briefcase na puno ng pera kay Josef

"Gusto mong mag-lunch?"

Masaya namang tumango si Armida

Nagsuot ng black body bag si Armida para lagyan ng pera, ballpen at ilang papel.
Lumabas na ng bahay ang dalawa at naghanap agad ng makakainan.

"Resto?" tanong ni Josef

"Psh! Resto na naman? Dun! Dun nalang tayo!" nagturo agad si Armida ng kainan.
Tumakbo agad sya palapit doon at pumwesto sa tapat ng isang fishball stall
"Fishball??" lumapit agad sa kanya si Josef "Magf-fishball ka talaga?"

"Un-hunh... Magre-resto na naman tayo eh kabisado ko na lasa ng mga pagkain doon.."


kumuha agad sya ng stick at pumili agad ng kikiam at chicken ball

"Seryoso ka dito ha? Kelan ka pa natutong kumain sa ganito?" tanong ni Josef


habang kumukuha na rin ng stick para kumuha ng fishball

"Minsan na kong kumain sa ganito, kasama ko yung isang makulit na lalaki na


nakilala ni Jocas.." sabi nya sabay subo ng kikiam

Kumunot naman ang noo ni Josef sa sinabi nya

"Masyadong friendly si Jocas kaya kung sino-sinong sintu-sinto ang laging kasama..
Kuya, buko nga, dalawa.." sabi nya sa katabing buko stall ng fishball stall

Inabot naman agad ni manong buko ang order nila.

"Minsan pero kung kumilos ka parang laman ka ng mga turo-turo.." sabi ni Josef

Halos maubos na nila ang laman ng kawali ni manong fishball kaya naisipan na nilang
magbayad.

"Ito na ba ang tanghalian natin?" tanong ni Josef

"Depende.. Kuya, eto ang bayad.." inabot na nya ang isanlibo kay manong fishball

"Ay, Maam. Wala po kayong barya?" tanong ni Manong fishball


"Keep the change, Manong.." sabi ni Armida at saka inabutan ng isanlibo si Manong
buko at hiniritan din nya ng 'keep the change'.

"Tara na, Josef. Hanap tayo ng makakainan.."

Napataas ng dalawang kilay si Josef sa sinabi ni Armida. Halos maubos na nila yung
tinda ni Manong fishball tapos gutom pa rin ang asawa nya.

"Yung totoo, na-experience mo nang magpa-deworming before? Hindi kaya puro bulate
yang tyan mo?" tanong ni Josef

"Shaddap! One week akong walang kain, natural lang na gutumin ako.."

Kinuha na naman ni Armida ang kwelyo ng polo shirt ni Josef at hinatak na naman.
Nakahalata tuloy sya dahil lagi nalang syang kinakaladkad ng asawa nya.

"Pwede mo ba kong hatakin nang hindi hinahawakan ang damit ko ha?" sarcastic
question ni Josef

"Sure!" ngumiti naman si Armida at kinuha ang buhok ni Josef. Ngayon sinasabunutan
na nya ito habang kinakaladkad

"A-ah-ah ano ba!" tinabig nya agad ang kamay ni Armida at hinawakan ang ulo nyang
halos matanggalan na ng buhok kakasabunot ng magaling nyang asawa

"O! Anong nangyari sayo?" pinipigilan ni Armida ang pagtawa nya habang iniiwas ang
tingin kay Josef

"Aba! At tinanong mo pa! Bakit mo ko sinabunutan?!" galit na sinabi ni Josef


"Eh sabi mo hatakin kita nang hindi hinahawakan ang damit mo.. O, e di sa buhok mo
nalang kita hahatakin.. Pfft.. Hihihi" tinakpan agad ni Armida ang bibig nya para
itago kay Josef ang ngiti nya

"Ah, ganon... Grabe ka talaga kahit kelan.." pumwesto sa likod ni Armida si Josef
sabay takip sa mata nito "Ansama mo talaga!"

"Josef! Ano ba!" pinipilit nyang tanggalin ang kamay ni Josef sa mata nya "Alisin
mo na yang kamay mo!"

"Ayoko nga! Hehehe.."

Tumatawa naman ng mahina si Josef habang tino-torture nya ang asawa. Minsan lang
nya ma-torture si Armida, samantalahin na ang pagkakataon, hehehe.

"Hoy batang balasubas bumalik ka dito!"

Napahinto sya nang makita ang isang batang lalaking tumatakbo na hinahabol ng mga
lalaki.

Binitawan na nya si Armida at tinignan ang bata, napansin din nya na patawid ito sa
kalsada at may paparating na motor.

"Armida!" tinuro agad ni Josef ang motor. Napalingon si Armida sa motor at nakita
nalang na tumatakbo si Josef papalapit sa batang tumatakbo sa gitna ng kalsada.

Hinabol nya si Josef na nakuha ang bata may isang metro nalang ang layo sa
humaharurot na motor. Tumilapon sila Josef sa may tabi ng kalsada. Nagkataon naman
na paghinto nya, sakto sya sa pagsalpok.
At dahil nadi-dissociate-associate nya ang motor functions nya kahit hindi nya
utusan sa isip, kumilos ang binti nya at sinipa ang harapang gulong ng motor
dahilan para gumilid ito, kasabay ng pagkuha nya ng nakasakay sa motor para ibaba
ito sa lilipad nyang sinasakyan.

Tumilapon ng may 20 meters ang motor na tumabingi ang harapang gulong dahil sa
pagkakasipa ni Armida. Samantala, yung driver non, hawak nya sa damit. Hindi rin
ito nasaktan dahil naka-full gear naman.

Tinignan nya agad si Josef na yakap ang bata pero gulat na nakatingin sa kanya.

Sunod nyang tinignan ang mga tindero sa mga katapat nilang tindahan na nakanganga.

At pagkatapos ay ang mga lalaking humahabol sa bata na natigilan.

Napabitaw naman sya sa motoristang hawak nya at nilapitan agad si Josef.

"Ok ka lang?" tanong ni Armida ka Josef habang ino-offer ang kamay nito

Nakatingin lang si Josef sa mga mata ni Armida habang tinutulungan sya nitong
itayo.

"Ikaw, ok ka lang?" tanong ni Josef na parang naging halimaw sa isang iglap ang
asawa nya

"Ambilis ng pangyayari, hindi ko namalayan ang ginawa ko.." sabi ni Armida at saka
nilingon ang motor na nakahiga at umiikot pa ang likurang gulong "Tsk! Magkano
kaya ang damage nyan?"
"Kuya!" tinawag nya ang motorista ang kaso kumaripas lang ito ng takbo. Natakot
kay Armida at sa ginawa nya. Nagbuntong-hininga lang sya at nag-eyeroll.

Pagkatapos ay tinignan nila ang bata na niligtas ni Josef. Batang pulubi. At


mukhang may dala-dalang pagkain.

Sunod nilang tinignan ang mga humahabol, napaatras nang lingunin nila.

"Mga superhero ba kayo?" inosenteng tanong ng bata sa kanila

"Ha? Ah-ano..." nagkatinginan ang mag-asawa

"Nagnakaw ka ba ng pagkain?" tanong ni Josef sa bata

Yumuko lang ang bata at tinignan ang isang buong loaf bread na hawak at isang 1.5L
Sprite na nakatago sa tela na nakaipit sa laylayan ng damit nitong doble halos ang
size sa kanya.

"Gusto ko lang namang kumain..."

"Dapat hindi ka nagnanakaw! Ang bata-bata mo pa!" sigaw ni Josef

Napataas lang ng magkabilang kilay si Armida. At talagang kay Josef pa galing ang
mga salitang yon ha. Kay Josef pa talaga ha. KAY JOSEF. Hindi sa kanya. Kay Josef.

Ang pinakabata at pinakasikat na First Echelon Level 1 Cat Burglar ng Assassin's


Asylum, nanermon na masamang magnakaw ang bata!
Musta naman sya as Shadow debah? Naging Zenith sya, meaning wala pa syang 15,
magnanakaw na sya.

Kinuha ni Josef ang bag ni Armida at dumukot ng 10 thousand. Dali-dali syang


lumapit sa mga humahabol sa bata. Napaatras ang mga ito paglapit nya.

"Kayo ba ang ninakawan nung batang yon?" galit na tanong ni Josef

Tumango naman ang mga tinanong nya.

"O! Bayad sa ninakaw nya!" inabot nya ang hawak na pera. Tinitigan lang yon ng mga
lalaki.

"Kukunin nyo o hindi?!" sigaw nya. Natakot tuloy yung mga lalaki at mabilisang
kinuha ang pera sa kanya sabay karipas ng takbo palayo.

Nagmamadali syang lumapit uli kila Armida na kasama yung bata.

"Hoy! Kung ayaw mong mamatay ng maaga, wag mo nang uulitin ang ginawa mo!" sigaw
ni Josef habang dinuduro ang bata

Dumukot uli sya ng another 20 thousand sa bag ni Armida at inabot sa bata.

"Sugarol ba nanay mo? Lasenggero ba ang tatay mo? Parehas ba silang adik?" tanong
ni Josef

Tumango naman ang bata "Manghuhula din ba kayo?"

"Lumayas ka sa inyo, mamuhay ka mag-isa, mas malaki ang tyansang mabuhay ka ng mas
maganda sa ganong paraan." inabot nya ang 20 thousand sa bata
"Kung uuwi ka sa inyo, mauubos lang sa wala ang perang yan, mag-isip ka, bata. Kung
aalis ka sa inyo, makakapag-aral ka at hindi ka na magiging pulubi. Kapag
nagtagumpay ka sa buhay, saka ka bumalik sa inyo. Hayaan mo ang mga walang kwenta
mong magulang dahil malalaki na sila. Makinig ka sakin."

Naglakad na palayo si Josef. Walk-out.

Nagkatinginan naman ang bata at si Armida.

"Bibigyan kita ng deal. Kapag sinunod mo ang lalaking yon, bibigyan kita ng bahay.
Tawagan mo lang ang number na 'to." kinuha ni Armida ang maliit na ballpen sa bag
nya at kapirasong papel na gamit sa pag-bundle ng pera. Isinulat nya ang number ng
lawyer ni Erajin Miller

"Kapag lumayas ka sa inyo, ako nang bahala sa pamilya mo. Ayos ba yon?" at saka
nya inabot ang papel na may number at another 30 thousand. Bale 50K na ang hawak ng
bata

"Pero kapag bumalik ka sa inyo, papatayin ko ang pamilya mo... Nakita mo yon?"
itinuro ni Armida ang motor "Dudurugin ko na parang ganon ang mga magulang mo
kapag bumalik ka sa inyo.. Mamili ka.." panakot ni Armida

Napalunok nalang ang bata habang pinipigilan ang pag-iyak. Nagt-twitch na ang dulo
ng labi nito at nangingilid na ang luha.

"So, pano. Timbangin mo na ang sitwasyon, ang malas mo lang dahil nakilala mo
kami.. Pero maswerte ka pa rin dahil nakilala mo kami.."

Sumunod na si Armida kay Josef na medyo nakalayo na rin.

"Gusto ko yung word of wisdom mo sa bata ha... Masamang magnakaw by Shadow. Oh


yeah..."
"Kung magnanakaw sya, dapat yung malakihan na. Hindi yung ibubuwis nya ang buhay
nya para lang sa kakapiranggot na tinapay at softdrinks."

"Oh..." tumango-tango naman si Armida "Sige, re-phrase natin yung words of wisdom
mo: Masamang magnakaw NG MALIIT, DAPAT MALAKIHAN AGAD by Shadow. Cool... hehehe..."

Mga bata, wag gagayahin. Mga propesyunal lang ang nakagagawa nyan. Wag din
pakinggan ang sinabi ng dalawa, bad yun.

==========
The Taken
==========

Naglalakad ang dalawa at naghahanap ng makakainan nang bigla silang harangin ng


isang babae at isang lalaki.

"Excuse me.. Mag-asawa ba kayo?" seryosong tanong ng babae

"Uhh.." nagkatinginan naman ang mag-asawa "Yeah,"

"Good. Pwede ba kayong sumama samin?" tanong ng lalaki

Nagkatinginan uli sila "Why? And sino ba kayo?" tanong ni Armida


Nagkatinginan naman ang babae at lalaki.

"Mamaya, malalaman nyo kung sino kami. Sa ngayon, kelangan namin ng iaalay sa
makapangyarihang si Lai-ar.. At kayong dalawa yon.." seryosong sinabi ng babae

"Lai-ar??" sabay pa ang mag-asawa

Bigla silang kinaladkad ng babae at lalaki. Nagpakaladkad naman sila since


everytime naman silang naki-kidnap.

Inobserbahan nila ang lalaki at babaeng humahatak sa kanilang dalawa. Hindi naman
mukhang delikado, hindi rin mukhang member ng kulto, mas mukha nga silang
bakasyunista sa suot nila.

Yung babae, nakasuot ng daster at naka-braid ang brown na buhok na may highlights.
Yung suot ng lalaki, mala-Lito Atienza ang peg at nakasuot ng sumbrero ni Kuya Kim.

"Guys! May bagong recruit! May replacement na kila Jas!" sigaw ng babae

Napatingin naman ang mag-asawa sa sinisigawan ng babae. May tatlong pares ng


couples ang nasa harap ng isang mukhang simbahan na lugar.

Huminto sila sa harap nung tatlong pares.

"O! Pasensya na sa paghatak namin sa inyo ha! Ako nga pala si Anne Miethy
Guevarra..." masayang sinabi nung babae

"Ako naman si JC Guevarra.. Mag-asawa kami ni Miethy" sabi ng lalaki

"Ahhh..." sinusubukan pang i-digest ng mag-asawa ang nangyayari

"Hi!" biglang itinulak ng dalawang babae si Miethy at in-offer agad ang mga kamay
kay Josef
"Hi! I'm Nicole Nestine Watts.. I'm single and ready to mingle" sabi ng isang
babaeng bob-cut ang hair na may highlights na red. Cute ang smile na may isang
dimple sa kanang pisngi, chinita rin. Nakasuot sya ng violet na t-shirt at orange
short. Para syang maputing Dora at mukhang lalarga na.

"Single?? Hwoy! May asawa ka na, mahiya ka naman!! Tabi nga! Hello, Papa... My name
is Nikki Evol Miranda, Evol is my name and Love is my game... Gets? Evol, Love?"
sabi naman ng babaeng pina-straight ang buhok na may konting brown sa bandang dulo.
Bilugan ang mata nya at medyo mahaba ang mukha. May suot syang brace at may nunal
sa ilalim ng baba.

"EHEM! EHEM! EHEM!"

Napatingin agad sila dun sa likod. Wagas kasi maka-EHEM yung asawa ni Nicole at
Nikki.

"Josef, pwedeng bawas-bawasan mo nga yang appeal mo, nakakahiya naman sa asawa
nitong dalawa.." bulong ni Armida

"Pasensya na pero hindi ko alam kung paano pipigilan ang kagwapuhan ko eh.."
bulong ni Josef habang nasisilaw kunyari

O__O

BOOM! Panees!

Whooh! Grabe, makalipad-palda! Bagay sa beach! Ang hangin talaga!

"Kaya pala hindi ako naiinitan.. Mahangin kasi sa tabi ko.." sabi ni Armida

"Pare, Nikki Earl Miranda. Call me Earl. ASAWA ako ni Nikki.." sabi ng isang
lalaking nakasuot ng light blue shirt at brown shorts. Clean-cut ang buhok at
kasing taas lang ni Armida. Medyo mukha syang Machete sa itsura at sa tindig.

"Yo! Jasper John Watts.. Husband ni Nicole." sabi naman ng lalaking naka-
sumbrerong straw-hat at nakasuot ng white shirt na may pang-ilalim na white sando
at black short na may nakatatak na BEACH sa bandang ibaba. Mukha syang Kris
Lawrence sa itsura nya.
Kinawayan naman sila ni Josef para sabihing 'Peace tayo, mga pre'

"I'm Fovicate Viernes-Hernandez..." sabi ng isang babaeng katabi ni Earl. Itsura


at posture palang nito, may attitude na. Malaki ang wave ng buhok nya at mukhang
prinsesa sya sa pinanggalingan nya. Magkasing-height lang sila ni Armida pero
pansin na mas payat sya kesa kay Armida base sa suot nitong gray sando at short
shorts.

"Alexander Hernandez.. Asawa nya" sabi ng lalaking katabi ni Fovicate. Naka-tshirt


sya na may print na BORACAY at nakasuot ng shorts.

Mga bakasyunista talaga ang trip ng apat na pairs..

"Uhh.." nagkatinginan muna ang mag-asawa

"I'm Richard Zach, pero Josef nalang ang itawag nyo sakin.. Ito nga pala ang wife
ko,"

"Armida Zach..."

"Alam nyo, walang bakas na couple kayo, praaaamis!" sabi ni Nicole

"Ha?"

"Yeah! Agree! Hindi halata!!" dugtong ni Nikki at nag-apir pa ang dalawa.

Tinignan naman ng mag-asawa ang isa't isa. Parehas na naka-tshirt na white at jeans
pati ang suot a rubber shoes pareho, iba lang ng size syempre.

"Uhh, owwkeey?" hindi naman ma-gets ng dalawa ang nagaganap

"So! Tara na!" sabi ni Miethy at hinawakan sa braso si Armida


"T-teka! San nyo kami dadalhin?" tanong ni Armida

Kiladkad na naman silang mag-asawa ni Miethy at JC.

"Aahh, yun ba? Wag kayong mag-alala! Joke lang yung iaalay namin kayo! Kulang lang
kami ng member para um-attend ng gathering! Nag-indian kasi yung kasama naming
pair, kaya kinailangan naming maghanap. Wag na kayong magreklamo! Masaya dun
pramess! May libre ding foods. kaya walang gutumang magaganap." masayang sinabi ni
Miethy

Napangiwi nalang si Armida at nilingon si Josef.

Na-kidnap na naman sila pero sa pagkakataong 'to, hindi sila pwedeng lumaban.

May mga tao kasing ganyan, yung bigla-bigla nalang manghahatak kahit hindi ka naman
kilala. Tapos ang trip eh getting to know each other when crossing the bridge once
we get there.You know..

Ganito yung mga taong masarap kasuhan ng kidnapping pero hindi pwede kasi
ginagawang legal ang katwirang 'the more the merrier'.

Pagkalipas ng ilang minutong lakaran, nakaabot ang grupo sa isang lugar na parang
chapel. Maraming tao sa loob non. Naupo sila sa bandang gitna.

"El Shaddai ba 'to?" tanong ni Josef

"Don't tell me, prayer meeting 'tong napasukan natin..." bulong ni Armida

"Nuh-uh! This is not a prayer meeting!" singit ni Nicole

Armida: Lakas ng pandinig neto ah


"This is the Island's Couple's Convention!"

"Yeah right! Aaaahhhh!!! Totes Amaze!!" dagdag ni Nikki at nag-apir ang dalawang
babae

Nagkatinginan agad ang mag-asawa..

"Couple's Convention??"

___________________________________________________

Tengkyu sa mga sumusuporta neto... Sayang lang at nabura ang susunod na chapters
dahil sa brown out.

Dun nga pala sa nagtatanong kung bakit walang notice ang mga story ko na dapat
basahin ang Book1 chu-chu whatevs..

No need, kasi kahit na una mong basahin ang Ultimate Assassin's Credo, mage-gets mo
pa rin ang story.. Bonus nalang kung matagpuan mo ang Book1 na The Newly Weird at
pag-interesan mong basahin.

=============

The Volunteers

=============

"Mas feeling ko pang ma-kidnap ng Mafia kesa ang mapunta sa ganito.. Torture!"
bulong ni Josef

Magi-isang oras na sila sa loob ng convention na yon at wala silang ibang ginawa
kundi ang makinig sa pinaka-corny at pinaka-cliche na mga lovestory ng mga guest.

Nasa stage ang isang lalaking host na tinalo pa si Boy Abunda kung maka-interview.
At sa kasalukuyan ay nasa hot seat ang isang couple.
"Ang totoo nyan, si Jimmy babes ko, nakilala ko lang talaga sa phone.." sabi ng
babae

"Pinsan nya ang original kong phone pal kaso parang umayaw sakin kaya sa kanya ako
napunta, hehehe.." sabi naman ng lalaki

"Ah! So si pinsan pala ang dapat na COUSINtahan at hindi si wifey!" echos ng host

"Pero mas love ko naman ang kaisa-isang Jane baby ng buhay ko.. I love you, bhe"
sabay hug sa asawa nya

"Ayyyiiieee!!!" tilian ng lahat ng babae sa loob ng convention

"Ampucha yan, wala na bang mas co-corny pa sa story na yan??" bulong ni Armida na
parang pinalunok ng isang buong kamyas sa sobrang asiwa sa narinig

"Nakakalurkey! Ang sweet nila noh!" sabi ni Nicole habang parang nagdadasal sa
ayos nya

"I know right! It's so sweet! Ahhh.." sabi ni Nikki habang nagb-beautiful eyes

"Yuck.." sabi ni Armida

"Hoy, Josef.. Takas tayo dito, di na ko tatagal.. Susuka na ko sa mga naririnig


ko..."

Nag-agree naman si Josef at lumingon-lingon sa lugar para maghanap ng pinakamalapit


na entrance.

"Palakpakan po natin ang ating couple na sina Jane at Jimmy! At now, maghanap tayo
ng bagong couple na magbabahagi ng kanilang oh-so touching lovestory!!"

"Ah! Ayun!" nakakita si Josef ng exit limang dipa ang layo sa kinauupuan nila.
Kinuha nya ang kamay ni Armida at tumayo na

"Aha! May volunteer!"

"Ginugutom na ko, pahamak din tong mga 'to eh.." sabi ni Armida

"Oo nga, siguro naman hindi tayo mahahalata..." sabi ni Josef

"Ah, yung couple na parehong naka-white na t-shirt! Punta na dito sa stage!"

Ang kaso parang walang naririnig ang dalawa. Desidido sa pagtakas.

"Kinikilabutan ako sa mga kwento, takte yan.." sabi ni Armida

"Huy! Punta na kayo sa stage!" biglang harang sa kanila ng isang couple na


audience

"Ha?" at talagang nawindang ang dalawa

Bigla silang igi-nuide ng couple papunta ng stage. Nakatingin lang sila sa lahat na
malaki ang ngiti sa kanilang dalawa.
Uh-oh

"J-josef, anong nangyayari?" tanong ni Armida na tinalo pa ang dinadala sa lugar


na pagkukulungan sa kanya

Umiling lang si Josef dahil hindi rin nya alam ang nagaganap.

Itinulak sila sa gitna ng stage. Sa harapan ng lahat na sobrang laki ng ngiti sa


kanilang dalawa.

Pinaupo sila sa dalawang monoblock chair na tinatawag nilang Hotseat/Loveseat.


Binigyan din sila ng mic ng isang babaeng assistant.

"Hello! Aming maganda at gwapong couple! Before that, pwede bang malaman ang
pangalan nila?" sabi ng host na sobrang laki ng ngiti sa kanilang dalawa

"Uhh.." nagkatinginan muna silang dalawa

"A-armida..."

"Josef.."

"Palakpakan naman natin sila Armida at Josef!" -host

Palakpakan naman ang lahat.

"WE LOVE YOU JOSEF!!" sigaw nila Nikki at Nicole

"Ohoy! May fans ang ating handsome guy here!"

"Ah pwedeng mag--"


"So, newly wed o matagal nang married?"

Biglang nagbago ang timplada ng mukha ni Armida dahil hindi man lang sya pinatapos
ng host sa pagsasalita.

Tinignan lang nila ang host. Tinignan lang din sila ang host at nag-aabang ng
isasagot nila.

"Newly wed.." -Josef

"Newly wed mga kaibigan! Kelan kayo kinasal?"

"Uhh.. Actually twice kaming kinasal this year.. First is nung September 2, tapos
second is last November 4 lang.." -Josef

"Oohh.. Twice silang kinasal.. Mayaman itong couple natin, mga kaibigan! Palakpakan
naman natin!"

At nagpalakpakan nga ang lahat. Not sure if feel lang talaga pumalakpak ng mga
audience o mga uto-uto lang talaga.

"Anong reason ng first wedding?" -host

"Uhmm, arranged ang first wedding namin.. May utang kasi ang mother ko sa family
nya.." -josef

"Ay, business ang reason.. Pang-koreanovela ang story nila mga kaibigan!" -host

Bigla namang nagtawanan ng mahina ang mga audience. Nagkatinginan lang ang mag-
asawa at sabay na nag-'whatever' headshake.

"Ibig sabihin ba nun, kaya naganap ang second wedding kasi na-inlove kayo sa isa't
isa at gusto nyong ikasal kayo na hindi dahil sa business? Ganun ba yun?" -host
"Hindi..." sabay pa silang dalawa

"Ha? T-teka, hindi? Eh anong reason ng second wedding?" at mukhang windang din ang
host sa narinig nya

"Arranged din ang second wedding namin.." sabi ni Armida na may tinatamad na mukha
"Kung yung unang reason eh dahil sa business, yung pangalawa dahil sa family
namin.. Prodigal children kami then dumating kami sa point na kelangan magbalik-
loob sa family dahil sa ilang kumplikadong bagay na involved ang trabaho..
Kinalaban ko ang pamilya naming pareho, nag-sakripisyo sya. Pinagpalit nya lahat
para ayusin ang problemang ginawa ko. Kinailangang ipa-annul ang first wedding
namin dahil yon ang kasunduan. Kinuha sya ng pamilya nya, kinuha ako ng pamilya ko.
After a month, nagkita nalang uli kami pagkatapos sabihin ng pari na 'you may now
kiss your bride'. Kung hindi ko pa sya hinalikan, hindi pa nya malalamang ako na
naman ang napangasawa nya. Wag ring kayong umasa ng corny at romantic lovestory
dahil wala kayong mapipiga saming dalawa."

Biglang tumahimik ang lahat sa sinabi nya. Nakaka-speechless. Kahit ang host,
walang nasabi. Sa tono palang at sa paraan ng pagkakasabi parang masama na ang
lahat..

"Uhmm, pasensya na kayo sa kanya.. Medyo, ginugutom na kasi yan.. Hindi pa kasi sya
nanananghalian, hehehe.. Isang kawaling kikiam at chicken balls lang ang naubos nya
kaya ganyan" pilit na ngiti ang ibinigay ni Josef sa mga audience

"May itatanong pa ba kayo? Sige na, habang nasa mood pa kong sagutin ang lahat ng
kalokohang naiisiip nyo.." mataray na sinabi ni Armida

"Huy, ano ba.. Makisama ka naman.." bulong ni Josef sa kanya

"Nakikisama naman ako ah.."

"Pero magkunwari ka namang masaya. Ang KJ mo naman eh"


"Ah.... Okay." medyo napaisip naman ang host dahil talagang lumutang ang isip nya
sa lahat ng sinabi ni Armida. Panira lang ng mood since Couple's Convention yon at
kelangang sweet and nakakakilig ang atmosphere.

"So, husband, ano bang pagkakakilala mo dito kay, uhmm, wifey natin.." tanong ng
host since sinabi ni Armida na wala itong mahihitang sweet story sa kanilang
dalawa. At si Josef nalang ang tinanong nya dahil mukhang hindi ito KJ

-------------------------

May part 2 yan.. Next week ko na ia-update, hehehe.. :))

"Ah, yun ba.. Well, hindi sya sweet na babae.. And,"

"Mukha nga eh, nararamdaman ko.." sabi ng host habang tumatango "I can feel you,
Sir, I can feel you.."

"Pugutan ko kaya yan ng ulo, ora mismo.." bulong ni Armida

"Sshh! Ano ka ba naman..." tinignan lang ni Josef ng masama si Armida. Nag-make


face lang ito at umirap

"Minsan, nagta-tanga-tangahan din 'to.. Hindi ko tuloy alam kung authentic ba ang
katangahan nya o gusto lang nya kong patawanin.." sabi ni Josef habang tumatango
at pinapaniwala ang lahat sa sinabi nya

Tumawa naman ng mahina ang audience sa sinabi nya

"Gusto mong mabalian ng tadyang? Ngayon na?" bulong ni Armida

"Saka, nakakatakot sya magalit.. Sira ang buong bahay kapag nagwala sya.. Kaya
required talaga ang insurance,"

"Teka nga, may bahay ba tayong dalawa?"


Josef: Oo nga 'no.. Kami lang pala ni Jocas ang meron.

"Ay, kaya naman pala.. Terror si misis.. Ibig sabihin ba nyan eh.. Under ka?"
tanong ng echuserong host

"Uy, hindi ah!!" syempre deny sya agad "Pinagbibigyan ko lang sya sa mga
kalokohan nya!"

"Wasaws! Hindi daw.."

"Tumahimik ka nalang.. Di ka naman tinatanong eh.." sabi ni Josef sabay kurot sa


pisngi ni Armida "Hehehe.. Pero kahit na ganun, lagi 'tong worried sakin.. Diba?
Diba?" sabi nya habang sinisiko sa tagiliran si Armida "Um-oo ka nalang, totoo
naman eh.."

"Psh.. O, sige na.. Oo nalang, nakakahiya naman sayo.." sabi ni Armida habang
nakabusangot ang mukha

Nangingiti nalang ang host at ang mga audience sa kanilang dalawa kasi hindi nila
napapansin na may pinatutunguhan din ang usapan.

"Eh ikaw, wifey, describe your husband.." -host

At syempre, bawian portion na ito..

"Tss.. Iyakin yan! Sa buong panahon na magkakilala kami, mas madalas pa syang
umiyak kesa sakin! My gosh! Kalalaking tao!" reklamo ni Armida sa mga audience

Nangibabaw tuloy ang mahihinang tawanan

"Sige, manlaglag ka.. Ikaw ang ilalaglag ko dito sa stage.." bulong ni Josef
habang nakatingin sa ibang direksyon

"Tapos, lagi yang nakikipagtalo! Hindi naman nananalo! Haha! Weak!"


"Ang tawag dun, respect! Alangan namang patulan kita!" reklamo ni Josef

"Sige, papaniwalain mo sila! GO!!" hamon ni Armida

Tinignan naman ng lahat ng audience si Josef. Nag-aabang ng sasabihin nya.

"Eh-- Ah-- Ano-- Kasi--"

nawalan ng sasabihin si Josef kaya itinaas nalang nya ang kamay para sumuko.
Sumandal nalang sya sa inuupuan at nag-cross arms.

"See, I told you people.." sabi ni Armida at binigyan ng proud look si Josef

"O sige na, panalo ka na.. Lagi naman" sabi ni Josef na may boring na mukha

"Hehehe.. Pero magaling yan magluto. Masarap yang magluto ng adobo kahit na medyo
sinaniban yan nung nagluto sya.." seryosong sinabi ni Armida

Syempre, napuri kaya palakpak tenga ang asawa nya.

"O, smile na! Hobby mo yan eh!" sabi ni Armida kay Josef sabay tulak sa gilid ng
ulo nito

"Smiling fes 'tong lalaking 'to! Laging ngumingiti, minsan nga kinikilabutan na
ko.. Yung tipong pwede na kong sumigaw ng 'Guard! Guard may baliw sa tabi ko!'..
Yung mga ganun.. Kasi titingin sakin tapos ngingiti, wala namang nakakatuwa! Mukha
ba kong clown??" reklamo ni Armida

Nagtawanan ng mahina tuloy ang lahat dahil sa sinabi nya..


"Ibig sabihin lang nun, wifey, love ka talaga ni husband.. Napapangiti mo sya sa
simpleng pagtingin lang sayo" sabi ng host na nakangiti

"Ayyiieee!!" -audience

"Eew." reaction ni Armida. Tinignan nya si Josef. Nakatingin sa ibang direction


habang tinatakpan ang mukha para itago ang ngiti.

"O, tapos ano pa?" sabi ng host na nagsisimula nang kiligin sa kanilang dalawa

"Yun lang, ah! Meron pa palang isa.. Sya ang pinakamagaling na magnanakaw sa mundo
para sakin.." seryosong sinabi ni Armida

O_________O

"T-teka! Walang ganyanan!"

Nagulat talaga si Josef sa sinabi nya. At talagang sinabi nya yun sa harap ng
maraming tao.

Nagkataon pang sumeryoso ang lahat sa sinabi nya

"A-armida.. Wag ngayon.. Please" bulong ni Josef na worried na talaga

Binigyan lang sya ng evil grin ni Armida


"Uhh, bakit naman sya naging magnanakaw?" tanong ng host

"Kasi sa dami-dami kasi ng nanakawin.."

Tinignan nya ang audience. Malungkot ang mukha nya habang tinitignan ang lahat.

"...yung pang puso ko pa, haaay.." nilagay nya ang kamay sa dibdib nya at saka
umiling at parang hindi pa nya matanggap

"Aahhhh...." -audience

Halos malaglag sa kinauupuan nya si Josef sa sobrang kaba. Akala nya kung ano na,
hihirit lang pala si Armida.

Tinignan ni Josef ang lahat. Mukhang na-touch sa sinabi ni Armida.

"Mamamatay ako sa nerbiyos dahil sayo.." bulong ni Josef

"Hehehe... Ansarap mo talagang pagtripan.. Guilty.." sabi ni Armida habang


nakangisi

"Ang sweet naman ng line ni wifey.. At mukhang magaling magnakaw si husband! Agree
ba kayo don!" -host

"YES!!" sigaw ng audience

Nakaramdam tuloy ng pagkaasiwa si Josef. At masaya pa sila na magaling syang


magnakaw ah! Ang galing lang! Kung alam lang nila ang katotohanan... :P
"Ok, since kayo ang aming last couple na magsh-share ng kanilang story, any
messages to each other? Husband first, para masaya" -host

"Uhh.." dun na sila napaisip

Tinignan ni Josef si Armida straight sa mata.

"Message ko sayo, ano, uhmm... Partner kita kaya hindi ko hahayaang paghiwalayin
tayo ng kung sinuman o kung anuman. Even death." seryosong sinabi ni Josef

"Aawww..." na-touch naman ang audience sa sinabi ni Josef

Pagkatapos nyang sabihin yun, syempre turn na ni Armida.

Sandali nyang tinignan ang audience sabay tingin lang sa ibaba at nag-isip ng
sasabihin nya

"Just don't die while I'm still alive." seryosong sinabi ni Armida

Natahimik na naman ang audience. Medyo hindi nakuha ang sinabi nya. Parang ang
pagkakaintindi nila eh 'till death do us part' o 'I can't live without you' o 'wag
mo kong iwan dahil ikaw ang buhay ko' na ibang version. Weird version.

Pero para kay Josef, napakalalim ng ibig sabihin ng mga salitang iyon. Lalo pa't sa
lahat ng nandoon, sya lang ang nakakakilala kay Armida ng lubusan.

At kung titignan ang ginawa ni Armida nung nakaraang araw lang, sa ginawa nitong
pagpapasabog sa observation room, sa ginawa nya kay Cas at No. 99, at sa sinabi nya
kay Josef sa terrace ng Penthouse..
Hinawakan ni Josef ang batok ni Armida at inilapit nya ito sa kanya para halikan
ang noo nito.

Nagch-cheer ang lahat sa kanila. Pero sa mga oras na iyon, naging tahimik ang buong
mundo sa kinauupuan nilang dalawa. Nakahanap sila ng katahimikan sa gitna ng
nagkakantyawang mga audience.

"Paano ba maging imortal?" nakangiting tanong ni Josef kay Armida

______________________

Natapos na ang sharing of stories ng Couple's Convention. Hindi na nakaalis pa ang


mag-asawa dahil kinaladkad na naman sila nila Miethy at JC para sumama sa kanilang
kumain.

"A-a-ano.. K-kelangan bang sumama kami??" tanong ni Josef habang nakaakabay sa


kanya si JC

"Opkors!! Grupo na tayo ngayon! Ahahahaha!" masayang sinabi ni Miethy habang ka-
holding hands si Armida

Napataas lang ang kilay ni Armida sa sinabi ni Miethy at napatingin sa kamay nyang
hawak nito.

"You know what, ang cute nyong dalawa sa stage! Medyo nabuhayan yung mga hindi
interesadong makinig ng corny stories!" sabi ni Miethy

"Saka, kayo lang ang hindi nag- I love you sa isa't isa! Nakakaloka!" sabi ni
Nicole

"Yeah right! Bakit, hindi nyo pa ba naf-feel yun sa isa't isa?" dagdag ni Nikki

Nagkatinginan lang ang mag-asawa at nag 'I-don't-know' shrug.

"Eh diba, arranged lang sila. Malamang na hindi nila mararamdaman yun sa isa't isa
kahit na anong gawin mo.." mataray na sinabi ni Fovicate (Fovi nalang)

Nagtinginan silang lahat kay Fovi

"At last! Nagsalita ka rin! Buti hindi napanis laway mo!" sabi ni Miethy sa kanya

"Psh!" inirapan lang sya ni Fovi

Napansin ng mag-asawa na may attitude talaga si Fovi. Mataray at nakakapang-init ng


ulo ang tono. Dagdag pa ang kilay na magkasalubong. Maganda sana kaso mukhang
malaki ang angst sa earth.

"Pagpasensyahan nyo na yan, para rin yang kayo. Arranged din sila ni Alex kaya
ganyan. Ang kaibahan lang, mukhang walang pag-asa yung kanila, yung inyo very
obvious ang spark" bulong ni Miethy kay Armida sabay kindat

"Ah, hehehe.. Spark, okey.. Spark, huh" isang pilit na ngiti ang binigay ni Armida
kay Miethy

Nakaabot ang grupo nila sa reception area na kasama sa in-organize for Couple's
Convention. Gaya nga ng sinabi ni Miethy, libre ang foods at walang gutumang
magaganap.

Nasa malawak na garden ang reception at tinatakpan ng mararaming banderitas na gawa


sa plastic na pinunit-punit para magmukhang pompoms na mahaba. Pang-cover na rin
yon sa init ng araw.

Naupo agad si Nikki at Nicole sa isang table na good for 10. Sinundan naman sila ng
mga asawa nila. Sunod si Fovi at ang asawa nito. Magkatabi naman sa upuan sila
Josef at Armida, sa tabi nila sila Miethy at JC.

Seating arrangement:

Josef Armida Miethy JC

Alex Fovi

Earl Nikki Nicole Jasper

Kapansin-pansin na ang layo ng pwesto ni Alex sa asawa nya. Hindi halatang may
galit sila sa isa't isa.

Napansin yon ng mag-asawa pero hindi na nila binanggit since hindi naman pinansin
ng iba. Parang normal lang sa kanila ang ganung settings. Saka, yun lang ang upuan,
wag nang magreklamo.

Ang gagawin lang nila doon, maghintay na i-serve sa kanila ang kakainin nila.
Sosyal. Nagdi-distribute na ng pagkain kaya ilang minuto lang makakakain na sila.

"Bakit nga pala kami ang sinama nyo?" tanong ni Armida kay Miethy

"Ah! Sila Jasmine kasi, hindi sumipot! Indianera talaga yun kahit kelan!" inis na
sinabi ni Miethy at kinuha ang water goblet sa harap nya para uminom
Base sa observation ni Armida kay Miethy, nagger ito at masayahin. Magkakasundo
sila when it comes to talking, ayusin lang nito ang pagiging clingy.

"Hindeh! May emergency kasi yung Mama nya. Alam mo naman yun," sabi ni Nicole

"Yeah right! Natural lang na unahin nya yun! Alangan namang nandito sya
nagpapakasaya habang naghihingalo sa Davao yung Mama nya!" dugtong ni Nikki

"Haaayy, sige na.." napabuntong-hininga nalang si Miethy. Wala na syang magagawa,


natapos na eh.

"Pansin ko lang, sobrang close ni Nikki at Nicole.." sabi ni Josef

"Ahhhh!!! Napansin ako ni Josef!!" sigaw ng dalawa sabay napatingin sa isa't isa
at tumawa ng malakas

"Sus! Bespren yang dalawa! Hindi mo mapaghihiwalay yan!" sabi ni Earl

"At kung ako ang tatanungin, mas pipiliin nila ang isa't isa kesa saming asawa
nila.." inis na sinabi ni Jasper

"Ayyy, tampururot naman kayo!" sabi ni Nikki at Nicole.

Isinandal nalang ni Nikki ang ulo sa balikat ni Earl sabay pa-cute. Inakbayan naman
ni Nicole si Jasper at saka ito binigyan ng kiss sa cheeks
"Psh.." napailing lang ang mag-asawa sa ginawa nung dalawa sa mga asawa nila

"O! Eto na ang pagkain!" sigaw ni Miethy. Hindi naman halatang rated PG sya.

Inilapag na ng mga waiter ang pagkain nila. Once cup rice, dalawang tempura, pork
sirloin with mushroom gravy at fuit salad. Orange juice naman ang drinks.

"May bayad ba 'to?" tanong ni Armida

"Yung pagkain? Wala naman" tanong ni Miethy

"No, I mean, everything. The Convention, the reception, everything.." sabi ni


Armida

"Ahh, yeah. But, don't worry about it! One thousand lang naman ang budget ng isang
tao, keri na ng pockets namin yan! Two kiyaw lang naman!" sabi ni Nicole

"Yeah right! Afford namin kaya wag ma-bother.." dugtong ni Nikki

"Oh.." tumango-tango naman si Armida

Nag-lead ng prayer si Miethy bago sila kumain.

"By the way, pansin ko lang, mukhang hindi kayo pilipino. Half-half ba kayo o
imported?" tanong ni JC kila Josef
"Kami?" tanong ni Josef

"Ay hindi, yung mesa. Natural tayo! Ikaw, utak mo talaga kahit kelan.." sarcastic
na sinabi ni Armida

"Tss.. Kumain ka na nga lang.." sabi ni Josef sabay salpak ng tempura sa bibig ni
Armida

"Ah, yeah. Half-German half-filipino ako.." sabi ni Josef

"Ahhh! German si Josef!" sigaw ni Nicole

"Yeah right! So, Josef, do you speak German?" excited na sinabi ni Nikki

"Uhhh, Ja. And if you translate your question to german, it'll be 'Sprechen sie
deutsch?'" sabi ni Josef

"Oh! Shpreckshen zee doytch.. Shpreck-Shprecken.. Zee.. Doooyytcchh..." pinipilit


gayahin ni Nicole at Nikki ang sinabi ni Josef. Halos lumabas ang litid nila sa
leeg para lang masabi ang sinabi ni Josef

"Bakit ganun? Pag si Josef yung nagsabi parang effortless, bakit pag kayo parang
may butete lang sa lalamunan?" -Miethy

"Wag kang nangingialam! Maki-Shpreckshen ka rin!" reklamo ni Nicole kay Miethy

"Yeah right! Sprechen sie deutsch.. O ha!" nasabi ng maganda ni Nikki ang sinabi
ni Josef nang hindi nya sinasadya
"Prima!" masayang sinabi ni Josef

"What's Prima?" tanong ni Nicole

"It means 'Great' or 'Beauitful'.." sabi ni Armida

"Ay marunong ka rin! Aliw!" tuwang-tuwang sinabi ni Miethy

"Half-German si Armida.. Kaya malamang na alam nyang mag-german" sabi ni Josef

Actually, maraming alam na language si Armida.. Requirements para sa kanya

"Ah, so pareho pala kayong Half-german half-filipino!" -JC

"Nein .." -Armida

"Nine? Syam? Nine? Para san yun?" -Nikki

"She said, no.. Saka, wala syang dugong pilipino.. Half-korean kasi sya." sagot ni
Josef

"Huh??" silang lahat

"Half-german, half-korean sya" -Josef

"Meaning, hindi talaga sya filipino?" -Earl


"Un-hunh." -Josef

"Pero marunong syang mag-tagalog.. Ano yun, tinuruan mo?" -Jasper

"Marunong akong mag-tagalog kasi lumaki ako dito." sabi ni Armida

"Ah, eh di Filipino citizen ka na kasi dito ka lumaki.." -Miethy

"Hindi rin.. Russian citizen kasi ako.. Pinanganak ako sa Russia, then nag-stay
yata ako dun hanggang mag-eight, I'm not sure.. Basta dito ako sa Pacific lumaki.."
sabi ni Armida

"Talaga?" silang lahat

"Half-german, half-korean na russian citizen tapos lumaki sa Philippines. Galeeng!


United Nations ang peg!" sabi ni Miethy

"Actually, part german, part swiss, part korean, part japanese, Russian citizen who
grew up in Pacific ang tamang description sa kanya.." sabi ni Josef sabay inom ng
juice

"Talaga??" silang lahat. Kasama na dun si Armida.

"Bakit, hindi mo alam?" tanong ni Josef

Umiling lang si Armida para sabihing hindi.

"Tss.. Lola mo kay Cas, Swiss. Si Gaedril, German. Si Azazel Korean. Lola mo kay
99, japanese. Ano ka ba naman!" medyo inis pa si Josef sa pagkakasabi nya dahil
pamilya ni Armida hindi nya kilala
"Ah... Now I know.." tumango naman si Armida dahil sa narinig "Buti ka pa alam
mo.."

"Sira ka talaga!" sabi ni Josef sabay tulak sa gilid ng ulo ni Armida "Kung hindi
ko pa makikita yung Regal's Crest mo, hindi ko pa malalaman.."

"Ahh.. Kaya pala.." tumango nalang si Armida at kumain nalang

Natahimik naman yung mga kasama nila at inoobserbahan lang sila. Hindi kasi maka-
relate. Kung ano-ano ang pinagsasabi nila.

"Owhkeeey..."

"So, maiba tayo ng topic ano.. Kinasal kayo because your family want you to?"
tanong ni Earl

"Sort of, yeah.." -Josef

"So, kung hindi dahil sa family, hindi nyo pakakasalan ang isa't isa?" at sa wakas
ay nakisali din sa usapan si Fovicate

Nagkatinginan ang mag-asawa

"Sa totoo lang, kahit hindi makisali ang pamilya namin pakakasalan ko pa rin sya.."
sabi ni Armida habang nakatingin sa pagkain nyang paubos na nang hindi man lang nya
namamalayan

"Ooohh" binigyan lang makahulugang-tingin nung tatlong pairs ang isa't isa. Parang
may something sa sinabi ni Armida.
Nangiti nalang si Josef sa sinabi nya

"Why? Because you love him? Ganun ba kabilis mahalin ang asawa mo?" mataray na
tanong ni Fovi

Nag-iba ang reaction ni Armida at Josef sa sinabi nya. Parang may galit sa tono.
Parang kasalanan nilang dalawa ang lahat.

"I don't believe in destiny or fate because it's nonsense, but everytime we meet,
life never fails to give me reasons to believe we're still meant for each other."
tinapatan naman ni Armida ang taas ng taray level ni Fovi. Kabog sya.

Binigyan lang ng tatlong pairs ng senyas ang isa't isa na mukhang may magkakainitan
sa mesang yon.

"Eeeennywaayy!!" putol ni Miethy "Alam nyo ba, balak naming mag-celebrate ng


anniv ni JC sa--"

Hindi na naituloy pa ni Miethy ang sinasabi nya dahil tuloy-tuloy si Fovi sa


pagsasalita.

"What if, hindi pala kayo meant for each other? Paano kung dahil lang sa family nyo
kaya kayo magkasama ngayon? Hindi nyo ba kayang tumanggi? You can't force yourself
to marry somebody you didn't love, right?" tanong ni Fovi. At consistent ang tono
nyang mataray.

Pero, alam ng dalawa ang tono ng nagtataray lang at ang tono ng may pinaghuhugutan.
At mukhang si Fovi, nandun sa may pinaghuhugutan.
"Mrs. Hernandez, if your marriage is not that successful, it's not our fault. I
married this man because I want to marry him. And you're right, pwede naman kaming
tumanggi. But there are so many reasons to continue. Sa katunayan, sinasampal na
mismo ng tadhana samin ang katotohanang para kami sa isa't isa. At kung hindi mo
gusto ang napangasawa mo, hiwalayan mo na. Hindi yung kami ng asawa ko ang pinag-
iinitan mo."

Halos lumuwa ang mata ng lahat sa sinabi ni Armida.

"Huy! Ano ba naman!" binalaan ng tingin ni Josef si Armida

"What? Totoo naman, diba? Pasensya na kung ganito 'ko magsalita. Tinatapatan ko
lang ang level ng attitude nya." hinawakan ni Armida ang tinidor nya while
pinkies-up. Kitang kita din nila ang sobrang taray na ngiti sa mukha ni Armida.
Kung spoiled brat senyorita si Fovicate, pwes magpapaka-matronang senyora si
Armida.

Tumaas lang ang kilay ni Fovi sa kanya at napahigpit ang hawak nya sa tinidor at
knife.

"Uhh, Fovi.. Wag kang ma-offend ha, alam mo naman.. Kakakilala palang, hehehe.."
pilit na ngiti ang binigay ni Miethy kay Fovi

"Oo nga, Fovi.. Chill lang tayo ha, chill lang.." sabi ni Nicole

"Yeah right.. Kalma, breathe in, breathe out.." dagdag ni Nikki

Ramdam ang namumuong sama ng loob sa mesang iyon. Ang awkward tuloy. Tinignan ni
Armida si Alex na asawa ni Fovi. Nakayuko lang at mukhang walang balak magsalita.
"Hey, Alexander Hernandez.." tawag ni Armida. Napatingin tuloy sa kanya si Alex

"Ha?"

"Why did you marry her?" -Armida

"Ha? Ah eh.. Ano kasi.."

"May utang ang family nya sa family ko. Ginawa syang collateral. Ano? Masaya ka
na?" mataray na sinabi ni Fovi

"O! Yun naman pala eh.. Parehas lang sila ni Josef.. Anyway, magkano ang utang?"
tanong ni Armida

"Ha? Ah eh.. Ano.. Kasi.."

"Maliban sa 'Ah Eh Ano kasi' , may iba ka pa bang alam sabihin?"

"Armida!" awat ni Josef. Binigyan nya si Armida ng warning stare

"I am trying to help." mariing sinabi ni Armida

"You are not helping." mariin ding sinabi ni Josef "Anong gagawin mo? Babayaran
mo ang utang nya?"

"WHY NOT! Magkano ba?" tanong ni Armida kay Fovi

"I'm sorry but I know that you can't afford to pay his debt.." proud na sinabi ni
Fovi
"I'm asking how much, stup--"

"O! Stop it.." tinakpan agad ni Josef ang bibig ni Armida bago pa nito ituloy ang
sasabihin nya

Tinabig agad ni Armida ang kamay ni Josef sa bibig nya. Mukhang magkakainitan na
naman silang mag-asawa.

At yung iba, mukhang wala nang magagawa para kontrolin ang sitwasyon. Takot kasi
silang lahat kay Fovi, lalo pang alam nilang galing ito sa mayamang pamilya. Kapag
nadamay sila, humanda na sila.

Kung balak kalabanin ni Armida si Fovi. Ah, sila nang mag-usap dyan, wag nang
mandamay pa.

Base sa sitwasyon, mukha yatang nakakita ng katapat ang mag-asawa.

"350 million. Yun ang utang ng pamilya ko sa kanila" sabi ni Alex habang nakayuko.
Halatang nahihiya sa nagaganap.

"350 million???" at gulat na gulat si Armida sa narinig nya

Isang proud smile ang namuo sa mga labi ni Fovi. Nakita kasi nya na nagulat si
Armida sa sinabi ni Alex.

"So, kaya mo bang bayaran? Afford ba ng budget, hmm?" at ang taas ng kumpyansa nya
sa sarili para sabihin yun kay Armida
Nagtakip lang ng mukha si Armida at yumuko sa table. Gusto nyang humalakhak kaso
baka mapagkamalan syang baliw. Tatawa nalang sya ng tahimik para hindi OA.

Napailing nalang ang iba dahil mukhang wala nang masasabi si Armida. 350 million.
Anlaki kaya nun.

Sandaling natahimik ang mesang iyon. Mukhang panalo na si Fovi sa pananaw nilang
lahat.

Kung alam lang nila...

Bumangon na sa pagkakayuko si Armida at tinignan si Alex.

"350 million? Ganun kalaki?"

"Armida, pwede ba.." bulong ni Josef ang kaso mukhang sarado ang tenga ni Armida

Kapag nakaka-encounter sila ng ganitong situation, hindi maiwasang mag-alala ni


Josef lalo pa, alam nya kung anong klaseng tao ang asawa nya. At malamang na may
gagawin na naman itong kagulat-gulat. Lalo tuloy syang kinikilabutan dahil
nagpapakita na naman ang mala-demonyitang ngiti ni Armida.
"Sige, suko na ko.." itinaas na ni Armida ang kamay nya para sumuko "Can't
afford.. Masyadong.. Pfft.. Malaki.." tinakpan ni Armida ang bibig nya para
pigilan ang pagtawa

Isang malaking 'what-the heck' reaction lang nagawa ni Josef sa sinabi nya

"Huh! Wala ka rin palang sinabi..." pagmamataas ni Fovi

Yung reaction ng tatlong pairs, mukhang inaasahan na nila na walang magagawa si


Armida tungkol sa issue ni Alex.

"But don't worry, Alex.." itinaas ni Armida ang kamao nya at nag-aja pose
"Bibigyan kita ng malaking moral support! Fight!" tumango pa sya at pinilit i-
cheer si Alex

Napataas nalang silang lahat ng kilay sa sinabi ni Armida. Masyado kasi syang
positive. At yon ang hindi nila inaasahan.

"Nababaliw ka na talaga.. Akala ko, babayaran mo yung utang nya eh" bulong ni
Josef sa kanya

"Mas mabuti kung si Alex ang magbabayad ng utang nya.."

Josef: Buti naman naisip mo yan..

Namumuo na naman ang mala-demonyitang ngiti ni Armida. Nakakita sya ng demonyo sa


katauhan ni Alexander Hernandez.
At isang karangalan para sa kanya ang personal na hugutin ang tinatagong sungay
nito.

"Tapos na kaming kumain.." pinunasan na ni Armida ang bibig nya at tumayo na


"Danke.." sabi ni Armida sa lahat, pagkatapos ay tinignan ni Armida si Alex "Bis
später, Alexander Hernandez" at naglakad na sya paalis

Tinignan nilang lahat si Josef.

"Uhhmm.. She said, thank you to all of you" nagpunas na sya ng bibig gamit ang
table napkin at tumayo na. Nagbigay-galang sya sa kanilang lahat "Pasensya na,
pagod na yun kaya nagwalk-out.. Vielen Dank. Entschuldigen sie.." sabi ni Josef at
sinundan na si Armida

Yung mga naiwan sa table, medyo windang dahil hindi nila naintindihan si Josef. At
kung bakit nag-walk out si Armida.

"Ang weird nila noh.." sabi ni Nicole habang sinusundan ng tingin ang dalawa

"Yeah right.." dagdag ni Nikki


Pabalik na sa tinutuluyan nila ang dalawa. Hindi kalayuan ang reception area dahil
malapit sa dagat ang venue. At malapit din sa dagat ang bahay nila.

"Hindi ko gusto ang Fovicate na yon.." sabi ni Josef

"Talaga.. Ako, gusto ko sya.." nakita na naman ni Josef ang evil grin ni Armida

"Don't tell me, papatayin mo sya?" tanong ni Josef

"Papatayin? Huh! Hindi nya deserve ang mamatay.. Gusto kong mabuhay sya ng matagal.
Para maranasan nya na mas malala sa lupa kesa sa impyerno. Mukhang hindi rin nya
alam ang salitang respeto. Magdasal sya na hindi kami magkita ulit, because I'm
telling you now; may libreng tutorial sya sakin kung paano rumespeto ng ibang tao"

Nakaabot na ang dalawa sa tinutuluyan nila. Alas tres y medya na ng hapon at medyo
nakaramdam ng init ang dalawa dahil sa paglalakad.

Nahiga agad si Armida sa kama at tinakpan ang mata nya ng kaliwang braso.

"Gusto mo ng smoothie?" tanong ni Josef

"Sure.."
Hindi naman ganun kalakihan ang bahay. Magkakasama sa isang lugar ang kwarto at
sala. Counter top lang ang pagitan sa kusina. Isa lang ang banyo. Pero sa kabuuang
sukat, malaki ang lugar. Sapat sa dalawang tao. Mas bagay ang bahay sa mga nagha-
honeymoon.

Sa pwesto ni Armida, natatanaw nya si Josef na nagkakalkal ng ref.

"Ano, may laman ba?" tanong ni Armida

"Meron, puno nga eh. Andaming prutas, anong gusto mo? Strawberry, mango, melon,
papaya"

"I'll go with mango.."

Kumuha ng mga mangga si Josef. Hinanda na rin nya ang blender at mga baso.

"May sinabi ba sila Cas kung hanggang kelan tayo dito?" tanong ni Josef

"Wala namang nabanggit.. Bakit, gusto mo nang umuwi?"

"At san naman tayo uuwi?"

Napaisip bigla si Armida sa tanong na yon. Oo nga. San nga ba sila uuwi? Mga NPA
kasi sila eh..

Bumangon na si Armida at lumapit sa pwesto ni Josef. Naupo sya sa bar stool at


pinanood si Josef sa ginagawa nito.
"Gusto mo ng bahay?" tanong ni Armida

"I don't know.. Sa trabaho natin ngayon, mahirap mag-stay sa permanent place" sabi
ni Josef

"Ganyan ba talaga ang pag-asikaso dyan?" tanong ni Armida. Tinatanggal kasi ni


Josef ang laman ng mangga gamit ang wine glass

"Kanya-kanyang technique yan.." sabi ni Kusina Master Josef, hehehe ^_^

"Kung magkakabahay tayong dalawa, gaano kalaki ang gusto mo?" tanong ni Armida

"Parang baliktad yata. Diba dapat ako ang nagtatanong nyan sayo? Gaano ba kalaki
ang gusto mo?"

Inilagay na nya ang mga ingredients sa blender. Nilagyan na rin nya ng gatas at
honey.

"Ang gusto ko.... Yun, ganun lang.."

"Ha?" tanong ni Josef. Hindi kasi nya narinig kasi umandar ang blender

"Ang sabi ko.. ganun..."


"Ay, sorry, I didn't hear you.. Again, again.."

Tumaas ang kilay ni Armida sa nangyayari pero mukhang hindi naman sinasadya ni
Josef kaya chill pa rin sya..

"I said, na may with beautiful Bwisit ka talaga, Josef..." sabi ni Armida
sabay bato ng saging na display sa retarded nyang asawa na nailagan naman nito

Minsan sa buhay ng tao, kahit gaano pa sya kaseryoso, lalabas at lalabas din ang
ka-abnormalan nyan sa katawan sa panahong hindi mo inaasahan. Tulad ngayon.. :)

"Hehehehe.. Ang ganda mo talaga.." sabi ni Josef habang tumatawa ng mahina

"May kalungkutan ka rin sa buhay eh noh.." inis na sinabi ni Armida

Nakangiti pa rin si Josef habang nakatingin sa asawa nyang na-badtrip sa kalokohan


nya.

"O sige, serious na.. Anong klaseng bahay ang gusto mo?" tanong ni Josef habang
nakangiti at ready na para pindutin ang blender
"Yung sa pagong! Letse!"

"Hahahahahaha!!!" napahagalpak ng tawa ng di-oras si Josef dahil sa sinabi ni


Armida

At tuluyan nang nag-walk out si Armida. Baka mapatay pa nya ang asawa nyang biglang
tinopak.

"O, Mrs. Zach, ang yummy mango smoothie mo.. hehehe.."

Nasa tapat ng pansamantalang bahay nila si Armida. Nakaupo sya sa may bench ng
patio at nagpapalamig ng ulo.

Nilapitan sya ni Josef para iabot sa kanya ang mango smoothie nya.

"Galit ka pa rin?" tanong ni Josef kasi walang imik si Armida

"Hala, ayaw mo ng smoothie?"

No comment pa rin si Armida.

"Ayaw mo talaga?"
Umiling lang si Armida. Syempre, inarte ng konti. Pinikon sya ni Josef eh.. Bahala
si Josef sa pagpilit sa kanya.

"Ayaw mo ba talaga?"

Armida: Sige lang. Pilitin mo pa ko. Mga tatlong try pa.

"Owkey.. Akin na 'tong dalawang smoothie na 'to.. Sinong tinakot mo, ako? huh!"
naglakad palayo si Josef papunta sa may kabilang wooden bench na di kalayuan sa
pwesto ni Armida

O_O . . . . .

"Hoy! Akin na yang smoothie ko!" sigaw ni Armida kay Josef. Ni hindi man lang sya
pinilit ng asawa nya.

"ASA KA! Tinanggihan mo na eh! Madali naman akong kausap.." sabi ni Josef habang
nakangising itinatakas ang smoothie na ginawa nya

"Aba, loko-loko talaga 'to! HWOY!!" tinakbo na agad sya ni Armida. Paglapit nito
sa kanya, sinabunutan agad sya.

"A-a-ano ba! Bitaw nga!" reklamo ni Josef habang hatak-hatak ni Armida ang buhok
nya. Hindi sya makalaban kasi hawak nya ang dalawang highball na may lamang
smoothie

"Alam mo, ikaw, hindi ko alam kung nasa matino pa bang estado yang pag-iisip mo
eh.."

"Bitawan mo na yang buhok ko! Makakalbo ako ng wala sa oras eh!"


"Ah! Talagang kakalbuhin kitang hayup ka! Akin na yang smoothie ko!!" sigaw ni
Armida habang pinipilit abutin kay Josef ang smoothie nya

"Bitawan mo muna 'ko, makukuha mo ang smoothie KO!!"

"Argh! Bwisit ka talaga!!" binitawan na nya si Josef pero humirit pa sya ng isang
sapok sa ulo nito

"Alam mo ikaw nakakarami ka na talaga!" hinarap na sya ni Josef at tinignan sya ng


masama

"O baket? Lalaban ka na?!" nakipagtitigan din sya ng masama sabay hawak sa kwelyo
ni Josef

"Oo, baket?!" inilapit pa nya ang mukha nya kay Armida para maghamon

"Ah talaga?! Kaya mo na ko?!" inilapit din nya ang mukha nya kay Josef para
sabihing hindi sya aatras

"O! Ano?! Ano?!" para silang mga batang naghahamunan sa isang napakawalang
kwentang bagay

"Iyak ka na! Iyakin!" pang-aasar ni Armida

"Aba talangang-- Hoy! Below the belt ka na ah!" reklamo ni Josef

"OH MY GOD!! JOSEF HELLOOOWW!!!"


Napalingon agad silang dalawa dun sa sumigaw.

"Uy! Mukhang nagmo-moment kayong mag-asawa dyan ah.. Nakakaistorbo ba kami?"


nakangiting sinabi ni Miethy habang lumalapit sa kanila

Kung ikaw ang nasa view nila Miethy, iisipin mong may sweet moments na nagaganap sa
dalawa dahil ang lapit ng mukha nila sa isa't isa tapos hawak pa ni Armida ang
kwelyo ni Josef.

Bakit ba laging nagkakaroon ng misinterpretation kapag nakikita silang dalawa ng


iba?

Binitawan na ni Armida si Josef sabay halbot sa smoothie NYA.

"Dito ba kayo nakatira? Ang ganda ah.." tanong ni JC habang tinitignan ang
pansamantalang bahay nila

May wooden fence na 3-feet high ang nakapagitan sa kinatatayuan ng mag-asawa at


nila Miethy. Walang gate ang bahay nila pero may bakod. Pwede kang magtuloy-tuloy
sa may bahay.

"Well, temporarily lang kami dito.. Vacation lang naman ang ipinunta namin.." sabi
ni Josef. Tinignan nya si Armida na talagang nilalasap ang smoothie NYA

"Ba't iba lasa nito?" tanong ni Armida

"Hindi kasi yan para sayo! Shake KO kasi yan!" sigaw ni Josef
"Ah! Kaya pala ganito ang lasa.. Masyadong BITTER!!"

"Eng-eng ka talaga! Iba ang lasa kasi sakin yan! Iba ang halo nyan! Ito yung
smoothie mo!" kinuha ni Josef ang baso kay Armida at ipinagpalit nya sa hawak
nyang baso

"Eh?? Ano yan?" tanong ni Armida habang kinukumpara ang hawak nyang baso sa una
nyang ininuman

"Protein shake 'tong aken!" at pinanggigilan ni Josef ang pisngi ni Armida


"Ikaaaw!! Ang cute-cute mo talaga! Ansarap durugin ng pisngi mo!"

"Ano ba! Stop it!" tinabig agad ni Armida ang kamay ni Josef at pinunasan agad ang
pisngi nya

Nakangiti lang ang mga bisita nila habang pinapanood silang dalawa na magharutan.

"Oo nga pala, why are you here?" tanong ni Armida habang pinapalo ang kamay ni
Josef para pigilan ito sa pagkurot uli sa pisngi nya

"Ah! Dyan lang yung resthouse namin!" itinuro naman ni Miethy yung malaking bahay
na halos katapat lang ng bahay nila may isang kalsada lang ang pagitan. Isang tawid
lang talaga. Katapat na katapat.

"Ahh.. Okey.." tumango naman si Armida at ininom na ang mango smoothie nya habang
parang langaw na binubugaw ang kamay ni Josef. Lakas lang maka-distract ng asawa
nya "Ano ba naman, Josef! Tumigil ka na nga!"

"Oh! Sige na, una na kami ha! Ituloy nyo na yang ginagawa nyo, hehehe.." sabi ni
Miethy sabay kindat kay Armida
Ngumiti lang si Armida at Josef sa kanila at kumaway na para magpaalam.

Pagkaalis nila Miethy..

"Epal ka talaga kahit kelan.." sabi ni Armida habang nakasimangot kay Josef

"Ah, talaga?" pang-asar ni Josef sa kanya

"Tss.. Loser.. Iyakin ka na nga, loser ka pa! WEAK! Ayoko sa asawang WEAK at LOSER
at CRYBABY.." at nagmake-face pa ito

Naningkit ang mata ni Josef at tinitigan ng masama si Armida

"Alam mo may naisip ako.. Gawin ko kaya sayo ang ginagawa mo saking panghahatak.."
nabuo ang isang super duper ultra mega devilish smile sa mga labi ni Josef. Bigla
tuloy kinilabutan si Armida sa itsura ni Josef. Nababasa nya kung ano ang nasa isip
nito at hindi nya yon gusto.

Tinignan ni Armida ang suot nyang white t-shirt, medyo mababa pa naman ang
neckline. Napalunok tuloy sya ng wala sa oras.

"Hehehe.. Friends tayo, Josef diba?" at talagang kinikilabutan na talaga si Armida


sa itsura ni Josef

Seryoso lang si Josef habang nakatingin sa kanya at sinadya pa nyang papungayin ang
mga mata nya.
"Love mo ko, diba? Diba?" kinakabahan na tanong ni Armida habang umaatras

"O, anong nangyari.. Nasaan ang tapang mo ngayon.." sabi ni Josef habang humakbang
palapit sa paatras ng paatras na si Armida

"Josef, it's not funny.. I'm warning you!" banta ni Armida

"Oooh. I'm so scared..."

Ibinalik ni Josef ang devilish grin nya at talagang sineryoso nya ang sinabi.

"EH!! Josef naman eh!"

Kinuha nga talaga ni Josef ang kwelyo ni Armida at hinatak ang asawa nya papasok sa
bahay.

"Josef!!" pinipilit tanggalin ni Armida ang kamay ng asawa nya sa kwelyo nya.
Medyo nahuhubaran na sya ng kaunti pero walang pake si Josef.

Pinalo nya ng pinalo ang kamay ni Josef pero hindi talaga bumibitaw. Ang awkward
lang para sa kanya kapag si Josef ang gumagawa.

Nakapasok na sila sa bahay at kinaladkad sya ni Josef papunta sa kusina. Hindi nya
maintindihan kung anong nangyayari kay Josef.

"Alam mo, sa tingin ko hindi maganda ang protein shake sayo.." kinakabahang sinabi
ni Armida. Tinulak lang sya ni Josef sa may ref

Hindi ito nagsasalita at mukhang napikon nya ng sobra.


Iba ang nararamdaman ni Armida sa mga oras na yon. Nag-iba bigla ang aura ni Josef.
Aura na hindi nakakatakot pero alam nyang masama ang intensyon. Hindi
nakakapanginig ng tuhod pero nakakapanghina. Aura na hindi kayang makapanakit pero
hindi rin dapat kantihin.

Pakiramdam ni Armida, kinukuha na naman ni Josef ang lahat ng enerhiya nya. Pabago-
bago ang heartbeat nya. Babagal, bibilis. Malamig sa loob ng bahay pero
pinagpapawisan sya. Nakaramdamam sya ng sobrang init habang nakadikit ang katawan
ni Josef sa katawan nya.

Inilapit lang nito ang mukha nya kay Armida at iniliyad sa gilid ang ulo para
humalik. Ibinuka naman ni Armida ang bibig nya dahil alam nya na dun din ang punta
nun. Nararamdaman ni Armida ang init ng hininga ng asawa nya.

Nasa tapat na ng labi ni Armida ang labi ni Josef nang bigla itong nagsalita

"Iniisip mo bang hahalikan kita..." kinuha ni Josef ang baso sa kamay ni Armida at
lumayo na. Nag-smirk sya kay Armida at inilapag na ang baso sa counter-top

"A-SA.."

at tuloy-tuloy itong lumabas ng bahay nila

O.O

Nganga si Armida.

Parang hinila sya ng earth at napaupo nalang.


Hinawakan nya ang t-shirt nya sa tapat ng dibdib nya. Pakiramdam nya lalabas ang
puso nya dahil sa ginawa ni Josef. Nararamdaman nya sa palad nya ang malakas at
mabilis na heartbeat.

Hindi sya makapaniwalang gagawin sa kanya yun ng asawa nya. Natameme sya.

Napahiya sya sa sarili. Tsk tsk tsk.

Ang pride.. Tsk tsk tsk.

Ang dignidad.. Tsk tsk tsk.

Ang respeto.. Tsk tsk tsk.

Josef- 1 point

Meanwhile, sa point of view ni Josef..


"Mapapakinabangan ko rin pala ang skill na yon sa kanya.. hehehe.." nakangisi lang
sya habang sitting pretty sa bench at ine-enjoy ang protein shake nya na hindi pa
nya nauubos

Hindi sya gumaganti sa asawa. Hindi naman sya nagalit o kung ano man. Nasa mood
lang talaga sya para pagtripan si Armida. Hindi nga lang maganda ang paggamit nya
sa Art of Seduction skill.

Napasobra pero alam nyang makaka-get over din si Armida dun, alam nya kasing mahal
sya ng asawa nya kahit hindi nito sabihin sa kanya ng harapan. Forgive and forget
nalang ang mangyayari.

"Uhmm.."

Napadilat agad si Armida dahil naramdaman nyang may dumagan sa binti nya.

Hindi nya namalayan, nakatulog pala sya sa sobrang inis kay Josef. Tinignan nya ang
wall clock na nasa poste ng kusina sa gilid ng counter top. 7:34.

Tinignan nya ang labas. Madilim na.

Tinignan nya ang tabi nya. Yung magaling nyang asawa na nakalingkis sa kanya.
Tulog.

Biglang naningkit ang mata nya at inisip na i-garote si Josef.


Kasooo...

"Tch! Nakakainis ka talaga.." nagbago ang isip at tutusukin nalang nya ang mata
nito habang tulog. Bwahaha

Malapit na ang daliri nya sa mata ni Josef nang biglang...

"Galit ka pa rin?" sabi ni Josef pero hindi pa rin ito dumidilat

Sayang, gising pala.. tsk tsk tsk. Bubulagin na nya, nabulilyaso pa..

"Kanina ka pa gising?" tanong ni Armida

Hindi sya sinagot ni Josef sa halip ay hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa
kanya

"Hoy, may atraso ka pa sakin ha.." sabi ni Armida

"Kasalanan mo naman eh.."

"Tss.."

"O, sige.. Mukhang gusto mo talaga ng kiss.. Tara dito.." ipinaibabaw nya sa
katawan nya si Armida at saka nya ito nginitian
Hahalikan na nya ang asawa nya

Nang biglang...

TOK! TOK!

Naibaba agad ni Josef si Armida nang marinig ang mga katok.

"Good evening everybody!!"

"Holyshi--"

Napabangon agad ang mag-asawa sa hinihigaan nila.

"Aaahhh!!! Ang ganda ng view dito!!" tumakbo agad si Miethy at humiga sa gitna ng
mag-asawa "Nakakaistorbo ba ko? Hmm? Hmm?"

"Ay hindi! Ang ganda nga ng timing mo eh!" nakangiti pero sarcasm yon ni Armida
kay Miethy

Tumayo agad si Josef. Himas-himas nya ang sentido habang palipat-lipat ang tingin
nya sa bukas na pinto at kay Miethy.

Bumangon na si Miethy at kinuha ang kamay ni Armida para hatakin ito patayo.

"Miethy, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Josef

"Oh! Oo nga pala! At dahil kayo ang pumalit kila Jas! Required kayo para sa
Couple's Night na kasama sa event ng Couple's Convention! Oh yeah.." at hinatak na
naman ni Miethy si Armida palabas ng bahay

"Hindi kaya may gusto sa asawa ko 'tong Miethy na 'to.." sabi ni Josef. Sumunod na
rin sya kila Miethy.

Naglakad sila sa kalsadang may magagadang bahay. Madaming mga nagkikislapang mga
parol at mga christmas lights. November kasi.. Lapit na mag-christmas.

Magka-holding hands na naman si Miethy at Armida. Mas mukha pa silang mag-jowa sa


ayos nila. Seryoso at bagong gising pa naman si Armida kaya mannish ang arrive nya.

Nakaabot sila sa malaking pavilion na maraming mga tao. At lahat sila, kasama sa
Couple's Convention.
"Hello, people!" sigaw ni Miethy at hinatak uli si Armida palapit sa kaninang
grupo nila.

Nun lang napansin ng mag-asawa na lahat ng babae, naka-dress. At lahat ng lalaki,


naka-shirt at pants. May mga nagsasayaw din dahil sa tugtog.

"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ni Armida kay Miethy

"Ah! Mag-eenjoy tayo!" kumuha si Miethy ng dalawang wine sa wine server na


naglilibot-libot para mamahagi ng wine, ibinigay nya ang mga wine sa mag-asawa

Nagkatinginan lang ang mag-asawa at binigyan ang isa't isa ng 'why not' shrug.
Sumama na si Miethy sa asawa nya at nagkanya-kanya na.

Tinignan ni Armida si Josef. Itinaas lang nito ang hawak na wine para makipag-
cheers. Ginaya naman sya ni Armida at nagsmile sila pareho.

Pumwesto sila sa may railings na pinakabakod ng pavilion at doon sumandal habang


pinapanood ang iba na nagkukwentuhan at nagsasaya.

"Kakagising lang natin, alak agad.." sabi ni Armida habang iniinom ang wine

Sa ayos nilang dalawa, akala mo hindi sila mag-asawa. Parang hindi sila magkakilala
tapos napilitan lang kausapin ang isa't isa dahil walang date, yung mga ganun.
"♫♪Girl you're every woman in the world to me, you're my fantasy and my reality
♪♫" mahinang kanta ni Josef na sinasabayan nya ng mabagal na pag-sway ng ulo

"Maganda pala boses mo eh.. Bakit hindi ka nag-singer?" sabi ni Armida kay Josef.
Iniabot naman nya ang baso nya sa waiter na may dalang tray

"Maganda pala boses mo, bakit hindi ka nag-singer.. Magaling ka palang sumayaw,
bakit hindi ka nag-dancer.. Maganda pala katawan mo bakit hindi ka nag-model..
Matalino ka pala, bakit hindi ka nag-teacher.. Andaming offer, pero kahit anong
gawin ko babagsak at babagsak pa rin ako sa pagiging--"

"SNATCHER.." dugtong agad ni Armida at itinaas ang kamao para makipag-brofist

Imbes na ma-offend, natawa nalang si Josef at nakipag-fist bump kay Armida. Tropa-
tropa lang.

"Ayos ah.. Mai-rhyme lang.. Hehehe.." naka-smile na sinabi ni Josef

"JOSEEFFF!!!"

At sumulpot na naman ang mag-bestfriend na sila Nicole at Nikki.

"Tara, sayaw tayo!" sabay pa silang dalawa. Kinuha nila ang magkabilang kamay ni
Josef at hinatak.

"T-t-teka! Teka lang!" nilingon ni Josef ang asawa nya. Nakangiti lang ito sa
kanya at sinesenyasan sya na 'sige, sumama ka na, ok lang'

Mukhang good mood ata si Armida ngayon at hinayaan nya ang asawa nyang hatak-
hatakin lang ng mag-bestfriend na may crush sa asawa nya.
Naka-cross arms lang sya at nakangiting tinitignan ang lahat.

Nagbago na ang kanta..

"Mag-isa ka yata.."

Napatingin sya sa nagsalita.

"O, Alex.."

Inabutan sya nito ng wine at sumandal sa railings, sa may tabi nya.

"Nasan si Fovicate?" tanong ni Armida

"Ewan ko.. Malamang na naglalakad-lakad somewhere.. Eh ikaw, nasan ang asawa mo?"

"Hinatak ng mag-bespren.."

Tumawa naman ng mahina si Alex sa sinabi nya "Pasensya na ha.. Ganun talaga yung
mag-bestfriend na yon. Kapag nakakakita ng gwapo, nagiging single.. But don't
worry, hindi sila yung tipong nang-aagaw at naninira ng buhay."
"Nahihirapan ka ba sa asawa mo? Hindi ka matanggap?" tanong ni Armida

"Natural lang yun. Matagal ko na syang kilala at alam kong imposibleng magustuhan
nya ko.. Maswerte si Josef dahil natanggap mo sya agad.."

"You know what, yang si Josef, hindi yan ganyan nung una kaming magkita sa first
wedding. Ang pamilya nya yung may utang sakin pero kung tratuhin nya ko akala mo
naman ako ang may atraso sa kanya. Isnabero yan, tinalo ko pa nga ang may
nakakahawang sakit kapag nakikita nya ko. Wala yang ibang ginawa kundi sigawan ako,
eh ang tanging ginawa ko lang naman eh ngitian sya.. Inabot ako ng 3 weeks bago
makuha ang atensyon nya. At inabot ng kulang kulang 5 weeks bago nya ko matanggap
bilang asawa nya.. O diba, ang layo ng settings namin ngayon sa start ng story
namin.. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa"

Yung mukha naman ni Alex halatang hindi makapaniwala. Paano ba naman, parang
baliktad yata. Base sa kwento ni Armida, iba ang nakikita nila ngayon.

"Akala mo mabait yang asawa ko dahil ganyan lang yan. May pagkakataon na
nakakatakot yan, wag lang yan magseryoso. At sa totoo lang, mayaman yang lalaking
yan. Ayaw lang gamitin ang lahat ng yaman nya." naubos na ni Armida ang wine nya
at hinawakan ang stem ng baso nya pataob.

"Ang sabi mo kanina, prodigal children kayo.. What does that mean?" tanong ni Alex

"Oh, lumaki kasi kami na hiwalay sa family kaya mas pinili naming wag nang bumalik
pa. Sa pagkakaalam ko sa kanya, 12 sya nung mag-isang tumira sa subdivision nya.
Malayo sa father at sa mother nya. Galit yan sa family ng father nya, kinawawa daw
kasi nila yung Mama nya. Hindi naman mahirap yung Mama nya eh, nagkataon lang na
mas mataas ang level ng family ng father nya."

"Oh, at ikaw?"

"8 palang, hiwalay na sa parents. Lumaki ako sa gubat.."


"Eh?? Gubat? As in forest? Jungle? Parang ganun?"

"Yeah.. Para nga kong nasa Survivor.." literal na Survivor "Pero hindi naman ako
mag-isa kasi may mga tinuring akong kapatid doon. Tapos kinuha ako ng apat na tao
para, ehem, ampunin.."

Tumango naman si Alex sa kwento nya. Nawirduhan nga lang sa 'gubat' part.

"Pagkatapos kong mag-eleven, nagsimula na kong magtrabaho. Mag-isa lang, kahit ano
pinapagawa sakin bahala na si Batman.. Nakapag-aral ako nung nag-14 ako.. Swerte
dahil tinanggap ako ng University. 3 years ago, nagpa-ampon ako sa totoong pamilya
ng isa sa mga tinuring kong kapatid. Yun yung pamilya na unang nakilala ni Josef.
Dun din sya nagkautang. Sila ang reason ng first wedding. Pero last month,
sapilitan akong kinuha ng tunay kong pamilya.. At sila ang reason ng second
wedding."

Sandaling tumahimik sa pwesto nila. Pareho nilang tinignan ang mga nagsasayaw.

"Ang complicated ng story mo at ng asawa mo.." sabi ni Alex

Tumango lang si Armida at pinanood ang mga nagsasayaw.. Nagbago na naman ang kanta.

"Your wife doesn't have any idea of your worth.. May oras na magigising sya sa
katotohanang hindi ka dapat tini-take for granted.."

Yumuko lang si Alex at inisip na sana tama nga si Armida.


"I like you, Alex.."

Nanlaki ang mga mata ni Alex sa narinig at napatingin kay Armida na nakatingin sa
mga nagsasayaw.

"I-i love my wife, Armida.. Hindi ko sya kayang lokohin kahit ganun sya.." nag-
aalalang sinabi ni Alex sa kanya

"Wag mong lagyan ng malisya ang sinabi ko, wag kang ambisyoso.." seryosong sinabi
ni Armida

"T-teka.. Eh bakit mo--?"

"I like you as a person. Nakikita kong may potential ka.. Anyway, gusto mong
mabayaran ang utang mo sa asawa mo?"

"Ha?" Isang malaking question mark ang mababakas sa mukha ni Alex dahil sa sinabi
nya

"May business proposal ako sayo.. Kaya mong mag-manage ng isang buong company,
hmm?"

Nagpakita na naman ang evil grin ni Armida..

Meanwhile...

Nasa kabilang ibayo si Josef, nakasandal din sa railings ng malaking pavilion,


inoobserbahan ang asawa nya at si Alex.

Hindi sya sigurado kung magseselos ba sya o ano dahil walang emosyon si Armida
habang nagsasalita tapos nakatingin lang sa mga nagsasayaw si Alex. Pero magkasama
sila eh.

Naalala nya ang kinilos ni Armida sa harap ni Jonathan Funtapesto, at malayo iyon
sa nagaganap ngayon kaya nadi-distinguished na ni Josef kung ano sa trabaho ang
asawa nya at sa regular day lang sa harap ng ibang lalaki.

"Bagay sila noh?" biglang sulpot ni Fovi sa tabi ni Josef. Inabutan sya nito ng
wine pero tinanggihan nya. Kapag wala syang tiwala sa tao, hindi sya tumatanggap ng
kahit ano.

Inubos lang ni Fovi ang isa nyang hawak at saka ibinato sa kung saan ang baso.

Sumandal sya sa may railings, sa tabi ni Josef.

"Why are you here? Bakit wala ka sa tabi ng asawa mo, hmm?" tanong ni Fovi

"Eh ikaw, bakit wala ka sa tabi ng asawa mo?" tinatamad na sinabi ni Josef habang
nakatingin pa rin sa asawa nya

"I hate him. Mas pipiliin ko pang makasama ang driver ko kesa sa kanya.." mataray
na sinabi ni Fovi

Nag-whatever headshake lang si Josef at nagbuntong-hininga. hindi nya talaga gusto


si Fovi kaya naaasiwa sya.
"Magkano ang utang mo sa wife mo? Gusto mo, bayaran ko for you?" nakangiting
sinabi ni Fovi

Nagulat si Josef sa sinabi nya kaya napatingin agad sya kay Fovi. Kitang kita nya
ang brat smile nito at basang-basa nya ang nasa isipan nito.

Bad news.

"I like you, Josef."

Naningkit agad ang mata ni Josef sa narinig kay Fovi.

"I love my wife, Fovicate Hernandez. At kahit ganun sya, hindi ko sya magagawang
lokohin" seryosong sinabi ni Josef

Ininom lang ni Fovi ang wine nya at inisip na wala syang narinig kay Josef.

"Sabihin mo lang kung gusto mo ng tulong ko.. Bukas ang kwarto ko sayo.." sabi ni
Fovi habang pinapadulas ang hintuturo nya sa pisngi ni Josef pababa sa chin nito.

Hinuli agad ni Josef ang kamay nya at tinignan sya ng masama.


"Hindi ko kailangan ng tulong mo dahil mayaman ako. Kayang kaya kitang bilhin sa
isang salita ko lang." mariing sinabi ni Josef at padabog na binitawan ang kamay
ni Fovi

Dali-dali syang naglakad palapit kay Armida na pinapanood lang ang mga nagsasayaw

"O, bakit ganyan ang mukha mo?" pokerface na tanong ni Armida sa asawa nyang
nakabusangot

"Alexander Hernandez, lalaki ka. I-handle mo ng maayos ang asawa mo." seryosong
sinabi ni Josef kay Alex. Kinuha nya agad ang kamay ni Armida at hinatak paalis sa
pavilion.

"Teka nga, ano bang nangyari?" tanong ni Armida

"Ayoko talaga sa Fovicate na yon.." sabi ni Josef habang nakatingin lang ng


diretso sa dinadaanan nya

"May nangyari ba?"

"Hindi ko gugustuhing may mangyari kaya mas mabuting umuwi na tayo.."

Nakahalata si Armida at mukhang may idea na sya kung bakit nagkakaganun ang asawa
nya.

Nakaisip na sya ng genius plan para turuan ng leksyon si Fovi at tulungan si Alex.

Gagamitin nya si Josef at Alex para matuloy ang pinaplano nya.


Kinabukasan....

At dahil grupo na daw sila, maagang nambulabog si Miethy sa bahay ng mag-asawa at


hinatak na naman si Armida para sumama sa kanila.

Nagkaayaan kasing mag-swimming ang grupo. At dahil naka-reserve ang isang buong
private resort para sa grupo nila, syempre, sila-sila lang ang nandoon.

Sa may swimming pool lang sila mags-swimming kaya private na private!

At dahil swimming ito! Hindi mawawala ang mga nagse-sexy-han at nagma-macho-hang


mga human pips.

Nasa tabi ng swimming pool at nakaupo sa wooden benches ang mga HUSBANDS featuring:

Alex

Jasper

JC

Earl

Josef. Yeah..

At kasama nila si Armida. The only rose among the torns.


Ang pwesto nila..

Alex, Earl, Josef, Armida, JC, Jasper

"Hindi ka ba magpapalit?" tanong ni Josef

"Ayokong mag-swimming.." sabi ni Armida

"Kung ganon naman pala, bakit nandito ka pa?" -Josef

"Hinatak ako ni Miethy eh.."

"Hindi ka ba maka-hindi sa kanya?"

"Eh, hindi eh.. Saka gusto ko si Miethy kahit hobby nya ang mangambala ng iba.."

"Natotomboy ka ba sa kanya? O baka sya ang natotomboy sayo?"

"Kung ganun nga, magkaka-lover na ko.. hehehe.." sabi nya habang naka-grin

"Tss.. Sira.." itinulak lang ng mahina ni Josef ang gilid ng ulo ni Armida

Anyway, nakasuot ng mga swimming trunks ang mga Husbands liban kay Josef na medyo
maluwang ang shorts at nakasuot ng malaki at manipis na white t-shirt. Censored daw
ang body nya, mahirap na, baka makaakit ng iba. Lalo pa ngayon, may umaaligid sa
kanya.
At dahil pinaghandaan ng mga WIVES ang swimming na iyon! Wagas maka-swimsuit ang
mga lola nyo!

"Good Morning Boys..." sabi ni Miethy with matching pa-kaway kaway pa nang pang-
Binibining Pilipinas

Naglabasan na rin sila galing sa shower room at pumila na akala mo naman may
nagaganap na bikini open.

Kanya-kanyang sipol ang mga asawa nila para i-cheer sila. Hiyawan din sila Armida.

"Ano, inggit ka?" tanong ni Josef kay Armida

Tinignan naman ni Armida ang suot nya. Anlakas ng loob nyang mag-white peasant
dress na hanggang tuhod ang haba.

"ASA..."

Nag-model model na sa paligid ng pool ang mga candidate este mga member ng Wives
para ipangalandakan ang kani-kanilang mga katawan.

Pumwesto si Miethy sa may kabilang dulo ng pool para mag-host kuno..

"Contestant Number 1! Ang Mestisang Lakwatsera ng Zamboanga! 25 years old, Nicole


Nestine Perez-Watts!" sigaw ni Miethy na akala mo talaga may beau-con na nagaganap
Rumampa naman si Nicole sa may kabila ng pool, katapat ng kung saan nakapwesto ang
mga Husbands. Huminto sya sa gitna at nag-hand wave na pang beauty queen.

Nagpalakpakan naman ang mga Husbands, syempre nakipalakpak din sila Armida.

"Good Morning ladies and gentlemen! Nasa inyong harapan ang pinaka-cute na babae sa
balat ng lupa! Nicole Nestine Watts! At ako po ay naniniwala sa kasabihang; Wag
kang maglalagay ng pinto sa harap ng isa pang pang pinto. Dahil pagpasok mo, nasa
labas ka uli! Tengkyaw!"

Nasa 5"2 lang ang taas ni Nicole at medyo chubby ng konti. Cute sya tignan sa suot
nyang blue bikini. Mestisa pa naman.

"Anong score nyo?" sigaw ni Miethy sa mga Husbands

"10!" -Jasper

"9.5" -Alex

"10!" -Earl

"9.5" -JC

"10!" -Josef

"100!" sigaw ni Armida with matching WHOOH!! pa.

Nagtawanan naman ang mga nasa Husbands corner.


Pumunta na sa kabilang dulo ng pool si Nicole at nag-pose doon.

"Contestant Number 2! Ang Sadako ng Muntinlupa! 27 years old! Nikki Evol Sy-
Miranda!"

Syempre, nag-model din sya with matching paikot-ikot pa.. Tumingin-tingin din sya
sa paligid na akala mo may hinahanap yun pala, part DAW ng modelling nya.

Huminto sya sa gitna at nag-hand wave.

"Magandang magandang maganda ako sa inyong lahat! Ako si Nikki Evol Miranda na
naniniwalang hindi lahat ng maganda ay babae. Yung iba, malamang sa alamang, dati
mong kumpare! Maraming salamat po.."

Nasa 5"5 ang height nya at super skinny. Maputi din at nagmumukha syang matangkad
dahil sa pagiging skinny dagdag pa ang buhok nyang mahaba at pina-straight. Bumagay
naman sa kanya ang suot nyang red one-piece swimsuit.

"O! Anong score nyo?!"

"10!" -Jasper

"10!" -Earl

"9.5" -Alex

"9.5" -JC
"10!" -josef

"100! Mayaman ako sa score! Whhooh!!" at talagang wagas maka-cheer si Armida akala
mo sya ang asawa

At naghagalpakan na naman ng tawa ang mga nasa Husbands' corner

Sunod na pumasok si Fovicate.

Hindi naman sya yung tipong sumasakay sa mga ganung kalokohan pero sinakyan pa rin
nya. Kasi naman, may hidden agenda..

Wala, naglakad lang sya. Lahat sila serious-mode. Pero ang walk nya, pang sowper
mowdel.. Award. Natural na natural ang poise.

Huminto sya sa gitna at tinaasan silang lahat ng kilay. Umikot sya para ipakita ang
katawan nyang halatang mine-maintain. Nasa 5'9 aang height nya. Halatang may
Hispanic blood dahil sa natural na kaputian. Coca-cola body sya at talagang oh-
lala.. Ang sexy nya tignan sa pink bandeau top at short shorts na bukas ang butones
para ipakita ang kulay light blue na nasa ilalim nun.

"Contestant Number 3! Ang Senyorita ng Cebu! 27 years old, Fovicate Viernes-


Hernandez! Anong score nyo?!"

"10" -Jasper

"10" -Earl
"10" -Alex

"10" -JC

"...." -Josef

"Pucha, bigyan ng jacket!" sigaw ni Armida habang tinuturo si Fovicate "1000!"

Nagtakip naman ng mga mukha ang mga nasa Husbands corner. Yari kapag humagalpak
sila ng tawa. Si Fovicate pa naman yun.

Retarded lang talaga si Armida, pabayaan na natin.

Natawa nalang din ang ibang Wives pero tinanggal agad nila ang tawa. Snub nalang si
Fovicate. Keber nya, basta sya maganda, sexy, at mayaman, TAPOS!

Sumunod na rumampa si Miethy..

Yung modelling walk nya, tsumu-tsunami walk! Kabog silang lahat! At yung ngiti nya
pang cheer leader, naka-nganga..

Wag lang may magkamaling langaw na um-enter the dragon sa bibig nya, matitikman nya
ang totoong pait ng buhay..

Morena sya at nasa 5"7 ang height. Maganda ang shape ng katawan at bagay na bagay
ang suot nyang polka dots two-piece na may ruffles pa. Wavy ang hair at mukhang
laging rumarampa sa mga beauty pageant. Sya yung pwede nang isalang for Miss
Universe, mga ganun.

Nag-pose sya ng bonggang bongga sa gitna at nag-flying kiss sa asawa nya.


"Contestant Number 4! Ang Dyosa ng Alabang! 26 years old! Seksing-seksi, smile
palang ulam na! Anne Miethy Villena-Guevarra! At naniniwala ako sa kanilang
kasabihan! Anong score nyo!"

"Whhooohh!! Hahahahaha!" kantyawan na naman sa may Husbands corner "Ikaw na


Miethy!! Fan mo ko!! Hahahahaha!!"

"Wag nang iskoran yan! Panalo na yan!" sigaw ni Armida

Umagang-umaga pero parang mga laseng ang mga nasa Husbands Corner. Dagdag pa si
Armida na akala mo member nila.. Tawanan ng tawanan akala mo pinahigop ng laughing
gas.

"So, pano ba yan.. Panalo na si Miethy.. Akin na mga pera nyo.. Dali na.." sabi ni
Armida habang sinisingil ang mga Husbands

"Oy! Teka! Bakit mo kami sinisingil?" tanong ni JC

"Wala bang pustahan 'to? Panalo yung bata ko ah! Pera, bilis!" sabi ni Armida na
talagang seryoso sa paniningil nya

"Tinalo mo pa nangho-holdap ah.." sabi ni Jasper

"Oo nga.." dagdag ni Earl

"Wag na kayong magreklamo! Don't worry, Miethy babes! May dinner tayo later 'pag
nasingil ko na 'tong mga ungas na 'to!!" sigaw ni Armida habang nilalahad ang
palad sa mga katabi nya.
"Adik ka talaga kahit kelan.." tinulak ng mahina ni Josef ang ulo ni Armida

At nagtawanan na naman sa may Husbands Corner dahil sa kanya. Masyado syang close
sa mga guys kaya wag na kayong magtaka kung bakit andaming guy friends nyan.

Ibang klase yan kapag seryoso, ibang klase rin kapag hindi. In either situation,
sureball na mababaliw ka sa kanya.

"So!" tumayo na si Armida at huminga ng malalim. Tinignan nya ang lahat sabay hawi
sa buhok nyang lampas balikat na ang haba.

"Please, excuse me.. Pupunta lang ako sa restroom.." proud na sinabi ni Armida

Nagtinginan ang mga Husbands.

Sabi na nga ba, hindi makakatiis si Armida eh.. (^_^) v

Nag-start na sa pags-swimming ang mga Wives, samantalang yung mga Husbands, nakaupo
pa rin at pinapanood ang mga asawa nilang mag-swimming.

After a while..
Nagpakita na si Armida.

Lahat sila.. Napalingon.

At lahat sila.. Nganga.

Nganga talaga.
As in, Nganga. Wala. Zero. Nothing.

Naglakad papalapit sa Husbands Corner si Armida at umupo uli sa pwesto nya.

"H-hindi ka ba nagpalit ng swimsuit?" nagtatakang tanong ni Josef


"Bakit ako magpapalit, eh hindi nga ako mags-swimming.." sabi ni Armida

"Eh anong ginawa mo dun?"

"Aba! Masama nang umihi??"

At kung inaakala nyo na naka-swimsuit sya at magugulantang silang lahat sa kanyang


mama mia ooh-lala sexy body..

Nagkakamali kayo.

Kung ano yung suot nya kanina, yun pa rin ang suot nya ngayon.

Sya na ang dakilang KJ ng story na ito.

At dahil wala naman pala silang mapapala, kanya-kanya nang tayo ang mga Husbands
para samahan ang mga asawa nilang mag-swimming.

Yung mukha ni Josef, disappointed. Grabe talaga ang pagiging KJ ng asawa nya. Sagad
sa bonemarrow.

Kung kelan feel nyang ipagmayabang sa iba ang gift ng asawa nya, saka pa ito
inatake ng ka-KJ-han..

"Hindi ka ba mags-swimming?" tanong ni Armida habang pinapanood ang iba


"Nawalan ako ng gana.." sabi ni Josef

Pinanood lang nilang dalawa ang iba na magpakasaya. Yun lang. Ang hindi nila alam
may nilulutong kakaiba ang mga Wives...

"Alam nyo may naisip ako.." -Fovi

At nagkumpulan sila sa gitna at nag-conduct ng meeting.

Samantala...

"Ano naman kayang ginagawa ng mga yan?" tanong ni Armida

"Baka naman naglalaro lang.." sabi ni Josef

Umiling lang si Armida at nag-eyeroll

Biglang naghiwa-hiwalay ang mga member ng Wives at umakyat na ng pool. Sa kanang


part si Miethy at Nikki, sa may kaliwang part naman si Nicole at Fovicate.

Hindi sila pinansin ng mag-asawa kasi malay ba nila kung anong gagawin ng mga yun..
"Bawal ang KJ, guys..." sabi ni Fovi. Kinuha nya ang braso ni Armida at ganun din
ang ginawa ni Miethy sa kanya.

"Hehehe.. Wag mapikon ha!" hinatak agad ni Nicole at Nikki si Josef

Hindi na sila naka-react pa hanggang sa...

SPLASSHHHH!!!

...nakita nalang nila ang mga sarili nilang nakalublob na sa swimming pool.

"HAHAHAHAHAHA!!! YEAAAHHH!!"

Biglang naging bully sa school ang naging dating ng mga Wives.. Sinabayan pa sila
ng mga Husbands. Tuwang-tuwa silang lahat na may pinagtitripang ibang tao.

Umahon agad si Josef at kinuha ang asawa nya.

"Armida! Armida!" nag-aalala syang hinatak si Armida mula sa ilalim ng pool


"Ooohh.. Hihihihi..." at pinangatawanan nga ng mga Wives ang pagiging bully

Nakaahon si Armida dahil sa pagkakahatak ni Josef. Pinunasan agad nya ang mukha
para matanggal ang mga tubig. Hinawi din nya ang buhok nya sa mukha.

"Armida, are you alright? Answer me, please.." nag-aalalang tanong ni Josef

"Ano, Josef! Ok lang ba si Armida?" tanong ni JC na kasama rin nila sa pool pero
nakangiti lang sa kanila

Halos lumabas na ang puso ni Josef sa sobrang kaba. Maraming dahilan para kabahan
sya, kung alam lang nila. Wag sanang mapikon si Armida, paulit-ulit yang sinasabi
ni Josef sa isipan nya. Hindi maganda kung magagalit ngayon si Armida dahil hindi
nya alam kung mapipigilan nya ito oras na magwala.

"Don't take everything seriously, okay?" hawak ni Josef si Armida sa pisngi at


tinitignan kung ano bang reaction nito "Say 'yes, I won't'.. Armida, say yes, I
won't to me.."

At hindi na naman sumagot si Armida. Nakapikit lang ito at humihinga ng malalim.

Itinulak lang nya ang sarili palayo kay Josef at lumangoy papunta sa hagdan ng
pool.

"Oh, fvck.. Armida!"


Nagkatinginan ang mga Husbands. Ganun din ang mga Wives.

"Ooops.." sabi ni Miethy at kita sa reaction nya na mukhang may napikon

Samantala, yung mukha ni Fovi, the mastermind, obvious na obvious na nagtagumpay sa


evil plan nya.

Lumangoy na si Josef para sundan ang asawa nya.

Umahon na silang dalawa. Nakasunod lang si Josef kay Armida. Hindi iyon oras para
sa biro kaya naka-attack mode na sya para labanan ang asawa nya. Masyadong delikado
lalo pa't walang imik si Armida. Alam nyang sya lang ang may pag-asang makapigil sa
asawa nya sa mga oras na yon.

Napaahon tuloy ng wala sa oras ang mga Husbands at pumwesto sa likod ng mga asawa
nila.

Mukhang gyera na ito.

Huminga ng malalim si Armida bago sya humarap sa mga babaeng nagtulak sa kanila sa
pool.

Super serious-mode sya habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa mga suspect. At


sinusundan lang sya ni Josef sa likuran nya.

Pareho silang seryoso kaya lumalabas sa aura nila ang pagiging mga notorious
criminals.

Nanlaki agad ang mga mata ng Husbands sa nakikita nila, ganun din ang mga Wives.
Hindi nila alam kung sino ang titignan sa mag-asawa.

Yung mga member ng Wives halos maglaway na..

Bakat na bakat ang ganda ng katawan ni Josef sa manipis na white t-shirt nya. Ikaw
ba naman maging member ng Assoc, nakakahiya naman kung patpatin ka. Hinubad nya
agad ang damit nyang basang-basa at piniga iyon para maalis ang tubig, pagkatapos
ay isinampay nya sa balikat nya.

Lalo pang lumalakas ang appeal nya since naka-attack mode sya. Si Josef pa naman,
kapag nagseseryoso, dumodoble ang release ng pheromones. Napalunok nalang ang mga
Wives habang nakatingin sa katawan nyang pang-Bench body o kaya pang-Cosmo bachelor
sa ganda.

Samantala, si Armida ganun din. Hindi pa naman sya naka-swimsuit. At dahan-dahan pa


nyang hinuhubad ang tumutulo nyang dress habang naglalakad. Iba pa naman ang lakad
ni Armida kapag seryoso, anlakas lang maka-model. Chin up at tiger look pa sya.
Itinapon nya ang dress sa gilid at tumayo may isang metro ang layo sa apat na
pairs. Huminto sa likod nya si Josef.

Nakataas lang ang kilay ng mga Wives sa kanya habang hine-head-to-toe sya. Napa-
inaudible WOW naman ang mga Husbands dahil tinalo pa ni Armida ang magmo-model sa
FHM dahil sa ganda ng katawan nya habang suot ang black and red sexy underwear nya.

"You think that's funny.." mataray na tanong ni Armida sa kanilang lahat. Lalapit
na sana sya sa pwesto ng apat na pairs pero ipinalibot agad ni Josef ang braso nito
sa beywang nya para pigilan sya

"Don't do something bad, please." sabi ni Josef. Pinipilit nyang pigilan si Armida
sa kung ano mang masama nyang magagawa.

"I won't do anything bad, Josef.. Worry not." maangas nyang sinabi at inalis na
ang braso ni Josef sa beywang nya

Lumapit sya sa kanila at pumwesto sa harapan mismo ni Fovi. Sya naman ngayon ang
nang-head-to-toe.

Mas mataas ng 3 inches si Armida at kitang kita na ang kaibahan.

Mas malaman si Armida kesa kay Fovicate.

Sexy slim si Fovicate, Voluptuous si Armida.

Coca-cola body si Fovicate, Hour-glass si Armida.

Beywang palang ni Armida, kabog na sya..

"Don't worry, I'm not mad.." sabi ni Armida na naka-half-smile "Pero ayoko
talagang mag-swimming ngayon kaya hindi nyo ko masisisi kung mapipikon ako.."

Kinuha nya sa bench ang towel na dala ni Josef.

"Gusto mong makipag-pustahan?" tanong ni Armida habang itinatakip ang towel sa


upper body nya. Inilapit nya ang mukha kay Fovi at itinapat ang bibig nya sa
kaliwang tenga nito "Kapag naakit mo ang asawa ko bago kami makaalis sa islang
'to, ibibigay ko sya sayo.. Tutal, gusto mo naman sya, right?"

Lumayo na sya at nakangiting tinignan si Fovi pero yung tingin nya alam mong
naghahamon.

"Don't worry, I won't tell him. Walang excitement kapag nalaman nya. Ano, deal?"
Nag-smirk lang si Fovi at nag-cross arms.

"What if hindi ko magawa? What will you do? Hindi mo naman ipupusta ang taong yon
nang walang dahilan, right?" seryosong tanong ni Fovi

"Oh, kapag hindi mo nagawa. Eh di hindi mo nagawa. I don't need anything. I just
want excitement.. Ayaw mo nun, may partida ka.."

Tumingin sa taas sandali si Fovi at saka ibinalik ang tingin kay Armida..

"Deal.." sabi ni Fovi habang naka-smirk at nakataas ang kilay

"Good.."

"So, hindi mo pala talaga mahal ang asawa mo.."

Binigyan ni Armida si Fovi ng 'parang ganun na nga' look. Nag-smirk lang si Fovi sa
nakuha nyang sagot. Tumalikod na si Armida at nilapitan ang asawa nyang walang
kamalay-malay sa ginawa nyang pustahan.

Huminto sya sa tabi ni Josef at hinawakan ang balikat nito. Lumingon sya kay Fovi
para i-declare na simula na ng laro.

"Come on, Josef.. We're done here.." tinapik nya ang balikat ni Josef at saka
naglakad na paalis doon. Bago naman tumalikod si Josef sa kanila, binigyan muna nya
ng warning look ang apat na pairs.
"They are perfect.." mabagal na bulong ni Nicole

"Yeah, absolutely right.." dagdag ni Nikki

Meanwhile...

"Oh yeah.. Oh yeah.. Uh-hunh! Un-hunh!"

Nagkakandirit pa pabalik sa bahay nila si Armida, halatang masayang masaya.


Samantala, si Josef nawiwirduhan sa kanya.

Ilang minuto palang ang nakakalipas pagkatapos ng nangyaring panunulak sa pool,


good mood na good mood agad sya. Akala mo naman may magandang nangyari.

"Anong meron ha? Akala ko ba badtrip ka" tanong ni Josef

"Wuluh!! Masama na bang maging HAPPEHH!! Oh yeahh beybeh!" pinaikutan ni Armida si


Josef habang patalon-talon pa

"Ano ba kasing nangyayari sayo? Napasukan ba ng chlorine yang utak mo? Kanina lang
alalang-alala ako sayo kasi akala ko mag-aamok ka tapos ganyan ka ngayon"
"Joseeff... Alaaam mooo... Expected na yooonn.." slomo pa nyang sinabi "Saka!
Swimming yon! Natural lang na magtulakan sa pool! Duhh!"

"Aaahhh.. So inatake ka na naman ng kabaliwan mo kaya pinag-alala mo na naman


ako..." sabi ni Josef habang tumatango. Kitang kita sa mukha nya naiinis sya sa
sinabi ni Armida

Nagpatuloy lang sa pagkakandirit si Armida habang paikot-ikot.

At dahil kelangan pa nilang maglakad ng isang kanto pa bago makabalik sa bahay


nila, hindi maiwasang mailang ni Josef habang naglalakad sa kalsada. Marami pa
namang nakakakita sa kanila dahil nga isla yon at may mga bakasyunista. Kung hindi
katawan nya ang titignan, yung sa asawa naman nyang parang kunehong tatalon-talon.

Normal lang naman na maglakad ng nakaganun since may beach doon pero syempre, iba
sila eh

"Armida, ayusin mo nga yang towel mo! Nakikita yang dibdib mo! At saka wag kang
tumalon-talon! Buti sana kung maliit yan!"

"Aba! Kasalanan ko pang lumaki 'to ng ganito? Sisihin mo hormones ko! Sila ang
salarin!"

Wala syang magagawa, iniabot nalang nya kay Armida ang t-shirt nyang basa pa rin

"Isuot mo yan, ako ang nahihiya sayo eh.. Tinalo mo pa ang magpi-pictorial para sa
Victoria's Secret.."

"Asows! Nahihiya daw..." ipinatong nya ang hintuturo sa pagitan ng ilalim ng ilong
at itaas ng upperlip nya "Ang sabihin mo, ayaw mo lang na pinagtitinginan ng iba
ang katawan ko.."
"Eh kasi naman, bakit yan ang suot mo at hindi ka nag-swimsuit?"

"Aba! Anong pinagkaiba ng bra at panty sa two-piece ha? Paki-esplika nga lang..
Saka! Ikaw nga dyan eh.. Naglaway na halos yung iba pagkakita dyan sa katawan mo!"
isinuot na nya ang t-shirt at iniabot kay Josef ang towel

"O, bakit? Selos ka?" sabi ni Josef sabay cross arms

"Ako?! Huh! Balak ko ngang magtayo ng booth doon tapos ilalagay kita sa gitna, pay
per view sila! P1,000 per minute! Uupo lang sila doon, tititigan ka habang kumakain
sila ng kanin.. Tutal, abs mo palang ulam na.. O diba! What a bright idea!"
masayang sinabi ni Armida

"Oo nga 'no! Ibang klase ka talaga! Yayaman tayo dyan sa genius business idea mong
pambubugaw sakin! Antalino talaga ng asawa ko! Apir tayo dyan!" nakangiting sagot
ni Josef at nakipag-high five naman sa kanya si Armida

Akala mo, masayang masaya silang dalawa eh obvious naman na nagpapalitan lang sila
ng sarcasm sa isa't isa.

Yan ang mag-asawa.. Ganyan ang sweet.

~~~Husbands POV~~~

Tapos na ang swimming nila kaya pahinga-pahinga rin pag may time.

Nasa isang malaking bahay kubo/cottage ang grupo ng Husbands pero tatlo lang sila
(Nikki, Earl, JC). Nakatambay lang sila doon at hinihintay ang mga asawa nilang
makapagbihis.
"Tangena! Ang swerte naman ng taong yun.. Tch!" sabi ni Jasper habang umiiling

"Maganda na nga, mayaman pa ang asawa.." sabi ni JC

"Alam naman nating sexy si Fovi, pero yung.. Alam nyo yun?" -Earl

"Pare, hourglass eh! Tapos yung-- Malaki!" -JC

"Tapos tinatago lang nya!" -Earl

"Kung di pa sya itinulak nila Fovi, di pa nya ipapakita yung katawan nya! Flawless,
pare! Amputi pa!" -Jasper

"Alam nyo kung anong tawag dun sa katawan nya?" tanong ni JC

"Oo.. Ang tawag dun..."

~~~Wives POV~~~

"Mataba.." sabi ni Nicole habang nagpapahid ng lotion sa binti

"Yeah right.. 'Laki ng balakang.. Pati beywang.." dagdag ni Nicole habang


pinupunasan ang buhok nya

Nasa shower room naman ang mga Wives at nagbibihis. At alam naman nating matagal
magbihis ang mga babae. Lalo na kung 70% ng time na yon eh inubos lang sa tsismisan
or pagtingin sa mga mukha at katawan nila sa salamin para malaman kung tumaba ba
sila o ano.
"Pero, aminin nyo.. Mas maganda ang katawan nya kay Fovi.. Mas maputi sya.. At mas
flawless.." -Miethy

"Pshh.. Ok fine, aminado na kami.. Hybrid sya eh," -Nicole

"Yeah right! And malay mo, may diet sya! O kaya Salamat Dok!" -Nikki

"Kung may diet sya, magiging ganun ba ang katawan nya? Kung Salamat Dok sya, sa
tingin nyo ganun pa rin ang katawan nya?" -Miethy

"Eh..."

Hindi na nakasagot pa ang dalawa..

"Saka kung retokada sya, bakit nya itatago ang katawan nya? Dapat
pinangangalandakan nya yon!" -Miethy

"Malay mo, marunong mahiya.. O baka may mga peklat.." -Nicole

"Yeah right.." -Nikki

"Eh may nakita ba naman kayong peklat ha?" -Miethy

"Uhh.." napakamot ng leeg ang dalawa "Wala.."

"O, see! Saka, admit it, Nicole.. Dibdib palang nya buong buhay mo na! Uhmm!"
pagmamalaki ni Miethy

"Psh! Bunganga mo naman!" -Nicole

"O, payn payn.. Sexy na sya kung sexy.. Nadala lang naman ng bra eh.." -Nikki
"Ay, oo nga 'no! Ano kayang tatak ng bra nya.." sabi ni Nicole habang tinataas ang
dibdib nya na parang nandun ang lahat ng kumpyansa nya sa sarili

"Tanong mo mamaya kung saan nya nabili, mukhang mamahalin eh.. Bili rin tayo"
-Nikki

Napailing nalang si Miethy sa pinagsasabi nung dalawa

"Ay! Saka na natin pag-usapan yung bra nya.. Ang gusto kong pag-usapan..." -Nikki,
nagkatinginan ang mag-bespren

"SI JOSEEFFF!!! AAHHH!!" naghawak kamay si Nicole at Nikki at nagtatatalon. Vibes


talaga ang utak nilang dalawa.

"Nakakaloka ang hot and sexy body ni Josef!!" sabi ni Nicole habang nakatingin sa
taas at nakadaop ang mga palad

"Yeah right.. Hot and sexy.. Mmmm..." kagat-kagat naman ni Nikki ang towel habang
nakatingin sa taas at ini-imagine ang katawan ni Josef

"Uhm! Aminin mo, Miethy! Aminin mo!" -Nicole

"Aminin ang alin??" -Miethy

"Uhm! Aminin mo! Yummy si Josef! Ang arms.."

"Ang muscle.."

"Ang chest.."

"Ang 6 pack abs.."


"Ang biceps.."

"Ang pectoral muscle.."

"Ang aura.."

"Ang sex appeal.."

"Ang arrive.."

"Coco Martin sya!! Aminin mo na!!" -Nicole

"Yeah right! YUMMY!" -Nikki

"Tss.." nag-eyeroll lang si Miethy at nag-apply nalang ng moisturizer sa braso


"Oo na, yummy na kung yummy.. Kaso.."

~~~Husbands POV~~~

"Pansin nyo yung katawan ni Josef, andaming peklat.." -Jasper

"Ay, pare! Alam naman nating maganda ang cuts nya, kita nyo naman diba.. Halatang
laman ng gym, pero yung mga LITERAL na CUTS.." -JC

"Sa tingin nyo, san kaya nya nakuha yun? Masyadong madami eh.." -Earl

~~~Wives POV~~~
"Pero, uhmm! Additonal sexy factor ang mga scars!" -Nicole

"Yeah right.. Para syang... Warrior" sabi ni Nikki habang nagc-create ng imaginary
rainbow

"Pero ang weird, diba? Madami syang sugat sa katawan.. At saan naman nya nakuha
yun?" -Miethy

"Baka sa trabaho?" -Nicole

"Yeah right.. Mukhang matagal na yung mga scars nya eh.." -Nikki

"Kung sa trabaho, ano naman kayang trabaho nya?" -Miethy

~~~Husbands POV~~~

"Oo nga 'no.. Hindi pa natin alam ang trabaho nya pati ni Armida hanggang ngayon.."
-Jasper

"Ay, speaking of which, maalala ko lang 'no.. Narinig nyo yung sinabi ni Fovi
kanina bago sya umalis?" -JC

"AY! Pare, buti naalala mo! Trouble yun!" -Earl

~~~Wives POV~~~
"My gosh! Kawawa si Armida!" -Nicole

"Yeah right! Tanda nyo pa kung paano sabihin ni Fovi.." -Nikki, pumwesto sya sa
gitna habang may hawak na towel. Nag-chin up sya at ginaya ang posture ni Fovi with
matching raised eyebrows pa

"Humanda yang Armida na yan dahil aagawin ko sa kanya si Josef! Fovi wants, Fovi
gets.."

"Ay girl, ang bongga! Apir!" at nag-apir si Nicole at Nikki

"Perfect ba ang acting, mare?" -Nikki

"Purrfect! With a capital Fii.." -Nicole

"Haayy.. Nakakaawa nga si Armida, pero ang mas nakakaawa.." -Miethy

~~~Husbands POV~~~

"Si Alex, pare! KAWAWA SI ALEX!" -Jasper

"That's the issue, pare.. Alam naman nating hindi makakalaban si Alex" -JC

"Si Armida mukhang matapang, pero si Alexander, hindi.." -Earl

"Hindi natin mapipigilan si Fovi sa plano nya, alam nyo naman yun.." -Jasper

"Baka nga magic-in nya si Josef at sureball na makukuha nya yun.. Si Fovi pa!
Walang lalaking humihindi dun!" -JC
"Paano na si Armida kapag ganun? Masaya pa naman kasama yun.." -Earl

"Eh di..."

~~~Wives POV~~~

"Iyak nalang sya.. Condolence, ganun" -Nicole

"Yeah right.. Wala naman syang magagawa.." -Nikki

"Alam nyo, itong si Armida, sa tingin ko may something sa babae yun.." -Miethy

"What do you mean?" -Nikki

"Iba yung feeling ko sa kanya.." -Miethy

"Oh my, nandyan ka na naman sa instinct chorva mo ah! Stop it, Miethy! So creepy
yan! Eeee..." sabi ni Nicole habang umaarteng giniginaw

"Hindi, serious 'to.. Alam nyo, gusto kong abangan ang laban nila ni Fovi... Nasa
mukha nya ang hindi nagpapatalo.. At alam ko, I can feel it.. May tinatago yang
hidden prowess.." -Miethy

"Oo na, mataray din si Armida, pero kilala natin si Fovi.. We know her
capabilities.." -Nicole

~~~Husbands POV~~~
"O, sige.. Kung may kakampihan kayo.. Kanino kayo kakampi? Kay Armida o kay Fovi"
-JC

~~~Wives and Husbands~~~

"Kay Armida" -Miethy, Jasper, JC

"Fovi pa rin" -Nicole, Nikki, Earl

Nakapagbihis na ang mag-asawa. Quarter to 12 na rin.

Naka-white shirt si Josef at black pants. Si Armida naman, naka-white dress na


hanggang talampakan ang haba. Kulang nalang ng hat or flower behind the ears while
walking at the bay, bakasyunistang bakasyunista na talaga ang arrive nya.

Actually, para silang may wedding pictorial kapag pinagtabi silang dalawa.

Nasa bahay lang sila at nagpaplano kung saan manananghalian..

TOK! TOK!

Tumayo si Josef at Armida para tignan kung sino ang kumakatok. Si Josef na ang
nagbukas ng pinto.
"Uhmm, hehehe.. Hello.."

Lumitaw ang nakangiting si Miethy kasama si JC sa tapat ng pinto nila.

"What do you want?" seryosong tanong ni Josef

"Uhmm.. Ano kasi.. Pwede ba kayong makausap?" tanong ni JC habang nakahawak sa


batok nya

"Say it now.."

"Psh.. O! Tama nang kalokohan 'to! Anong meron, huh Miethy?" naka-smirk na tanong
ni Armida

"Uhmm, kasi.. Pwede ba namin kayong ma-invite mag-lunch?" asiwang tanong ni Miethy

"After what you did--"

"Of course!!" masayang sinabi ni Armida

Hindi na natuloy pa ni Josef ang sinasabi nya dahil sa ginawang pagpayag ng asawa
nya.

"San ba tayo kakain? Tara na, Josef! Ginugutom na ko!" hinatak na ni Armida ang
asawa nya palabas ng bahay. Sinara na rin nya ang pinto at nginitian si Josef.

Tumaas nalang ang kilay ni Josef sa asawa nya. Napa-shrug nalang sila Miethy at JC
sa reaction ni Armida.

Nauna na sa paglalakad sila Miethy at sumunod nalang sila Josef.


"Libre ba dun sa kakainan natin? Eat-all-you-can ba?" tanong ni Armida

"Sumama ka dahil libre? Ok ka lang??" gulat na tanong ni Josef

"Ano ka ba, Josef.. Grasya yun.. Masamang tumanggi.." pilit ang ngiti ni Armida
kay Josef habang tinuturo ng tingin ang nasa harapan nila

Napailing nalang si Josef at napahawak sa noo nya.

Iba ang tumatakbo sa utak ni Josef sa mga oras na yon.. Alam nyang hindi pagkain
ang pakay ni Armida kaya sya pumayag. Hindi nya alam ang balak nito pero may idea
sya na may kinalaman sila Alex at Fovicate.

"Armida, ano na namang binabalak mo ha.." bulong ni Josef habang hawak sa braso
ang asawa nya

"Nothing.. Pero simulan mo nang magalit sakin.." seryosong sinabi ni Armida

Base sa pagkakasabi at sa tono ng pagsasalita ni Josef, mukhang may masamang


mangyayari. Ang mukha ni Armida, seryoso. May kung ano sa loob nya na nagsasabing
hatakin na si Armida pauwi pero alam nyang gagawa at gagawa ito ng paraan para
matuloy ang binabalak nya. Hindi nya alam ang gagawin nya. Ah, bahala na si Lord.

Nakaabot na sila sa rest house kung saan tumutuloy sila Miethy. Nasa receiving area
sila na may malaking table sa gitna. Dalawang floor lang ang rest house na iyon
pero malaki. Nasa veranda ang receiving area na yon kaya kitang kita ang beach na
katapat noon. Gawa sa magandang kahoy ang flooring kaya ang ganda tignan. Paakyat
sila sa hagdan sa labas na pinakadaan para makarating sa receiving area na yon.

"Guys, we're here.." sabi ni Miethy


Naabutan nila doon ang iba pang couples na nakaupo sa table na maraming nakahandang
mga pagkain. Akala mo may fiesta.

Kinawayan sila ng mga nandoon maliban kay Fovi.

"Wow, galing ba sa kasal yang dalawa?" bulong ni Jasper

"Sige, upo na tayo.." aya ni Miethy sa kanila.

Seating arrangement:

Josef Armida Miethy JC

Fovi Alex

Earl Nikki Nicole Jasper

"I'm sorry if na-offend namin kayo sa nangyari kanina.." sabi ni Fovi pero
nakatingin lang sya sa plato nyang walang laman

"Dapat la--" -Josef

"Don't be.. Normal lang na mauwi sa ganun since swimming yon.. Nanghinayang lang
ako sa dress, galing kasi sa Mama ko yun.." katwiran ni Armida sabay kuha ng water
goblet sa harap nya at ininom ang laman nun. Yung mukha nya hindi mataray, yung
normal lang.
Napatingin silang lahat kay Armida kasi chill-chill lang sya, parang walang
nangyari.

"Buti inaya nyo kami ng asawa ko.. Thank you" nakangiting sinabi ni Armida. Hindi
tuloy sila sigurado kung pinaplastic lang sila o talagang wala na sa kanya ang
nangyari

"Josef, ayusin mo nga yang mukha mo. Nasa harap ka ng pagkain.." mahinahong sinabi
ni Armida. Napatingin sa kanya si Josef na nakakunot ang noo. Nawiwirduhan sya sa
asawa nya at sa kinikilos nito ngayon, alam nyang may mangyayaring hindi maganda.
Masyadong normal. Masyadong relax. Masyadong mapanganib.

"Bipolar ba sya?" bulong ni Earl sa asawa nya

"Tanong mo, mukha eh.." bulong ni Nikki

"Ok, in the name of the Father.." nag-lead na ng prayer si Miethy

Lahat sila nakatingin kay Armida na normal lang ang reaction. Wala namang special
pero alam nila na may plano sa kanya si Fovi kaya ngayon palang naaawa na sila.
Samantala si Josef, nagsisimula nang kilabutan. Normal ang reaction ni Armida. Bad
omen.

"Sige, kain na tayo.." mahinahong sinabi ni Alex

Nagkuhaan na ng pagkain. Syempre ang mga Wives, diet kaya half cup rice and vegan-
foods only ang nasa plato. Ang mga Husbands, aba, natural lang na puno ang plato
pero nandun pa rin ang diet. Fish halos ang nandoon nakahain at konti lang ang
meats.

Si Josef, ok na ang 1 1/2 cup rice tapos isang buong pitso ng inihaw na manok ang
laman ng plato.
Tinignan nila ang plato ni Armida. Wow, nahiya naman yung plato sa kanya. Ang konti
ng laman.

Hindi nga halatang gutom sya kaya dalawang pork chops, isang buong tilapia, two
cups rice, dalawang saging na lakatan, tatlong kamatis at adobong kangkong ang nasa
plato nya.

"Pasensya na, seafood diet ako.." naka-smile na sinabi ni Armida

"Pfft.." pinigilan nila Nikki ang tawa nila sa sinabi ni Armida

Hindi naman maka-relate ang mga Husbands. Ano bang seafood diet ang tinutukoy nya
eh puno yung plato nya at tilapia lang ang seafood doon

"Anong nakakatawa dun?" bulong ni JC kay Miethy

Umiling si Miethy habang tinatakpan ang bibig nya para pigilan ang pagtawa. Na-
manage naman nyang makapagsalita pa

"Meaning nun, kapag nakakakita sya ng pagkain, kinakain nya.." bulong ni Miethy

"Eh? Anlayo sa seafood.."

"Ano ka ba.. When she sea-food, she eats it.. Gets?"

Hindi pa rin ma-gets. Bitawan na ang idea. Move on.

Eeeeennnywaayy..
Kumain na sila, at lahat sila naka-focus kay Armida. Hindi naman sa mukha syang
patay-gutom or something like that, may something lang talaga sa tyan nya na
hinahanap ang pagkain. Dala na rin ng isang linggong hindi pagkain, hindi
paghahapunan kagabi at hindi pagkain ng maayos kaninang breakfast. May class pa rin
naman syang kumain, mabilis nga lang.

Pero hindi iyon ang problema.. May niluluto si Fovi habang nanananghalian sila.
What a metaphor.

Kelangan nyang pumaraan, at magma-magic sya.. Charot!

Fovicate's Evil Pan To Seduce Josef:

Plan# 1: Ihulog ang tinidor, malamang na gentleman si Josef at pupulutin iyon.


Pagyuko ni Josef, yuyuko rin sya. Hahawakan nya ang kamay ni Josef. Titignan sya ni
Josef at magtatama ang paningin nila. Magkakaroon ng spark at maaakit nya si Josef
dahil sa kanyang beautiful eyes. At mai-inlove sa kanya si Josef. <3

Ok, gawin ang Plan #1....

Nagtatawanan sa table. Tinignan nya si Armida,

Fovi: Sige, tumawa ka lang, bruha ka.. Samantalahin mo na habang kaya mo pa.
Paluluhain kita ng dugo oras na makuha ko ang asawa mo sayo.

Sunod nyang tinignan si Josef.. Ayun, gwapo pa rin habang nakikingiti sa iba.

Pasimpleng inipit ni Fovi ang buhok nya sa likod ng tenga nya. Iniatras nya ang
tinidor para ilaglag. Tumingin sya sa kabilang direksyon at saka inihulog ang fork.

Inabangan nya talaga ang kalansing ng paglaglag ng tinidor sa sahig. Iyon ang
hudyat ng kanyang pagkapanalo, bwahahaha.
Ang kaso...

Biglang kumunot ang noo nya dahil walang kahit anong nalaglag. Nilingon nya agad
ang sahig.

WALANG FORK!!

Tinignan nya ang table. Nandun sa tabi ng plato nya ang tinidor na inilaglag nya.
Isang 'what the hell' reaction ang mababakas sa mukha nya.

Nakatingin sya sa ibang direksyon kaya hindi nya napansin na pasimpleng sinalo ni
Josef ang tinidor at inilapag uli sa mesa. Reflex yan ni Josef, 'taka pa kayo.

Plan# 1= FAILED

Tinitigan ni Fovi ang baso. Sinulyapan nya si Josef na nakatitig sa asawa nito.
Good. Wala syang kamalay-malay. Bwehehehe..

Dahan-dahan nyang iniurong ang baso habang nakatingin sa other direction. Kunyari
hindi sya aware.

Pagdating sa bingit ng table, inilaglag nya ang braso nya at biglang tumayo..

"Oh my God! I'm sorry!" sigaw nya sabay kuha sa table napkin for her plan
Syempre, nakuha nya ang atensyon ng lahat.

Tinignan nya si Josef na napahinto sa pagnguya at nakataas ang kilay sa kanya.

Unti-unti nyang sinilip ang binti ni Josef.

Luh.. Bakit walang basa? Saka asan na yung baso?

Nag-smirk si Josef at itinuro sa table ang baso na dapat ihuhulog ni Fovi.

Sinundan ni Fovi ang tinuturo ni Josef. Yung baso na dapat nahulog na, nasa table
at hindi man lang nabawasan ang laman. Paano nangyari yun??

"Fovi, ayos ka lang?" tanong ni Alex na mukhang hindi rin alam kung bakit
nagkaganun ang asawa nya

"O-oo.." tumango lang sya habang nakikipag-eye-to-eye kay Josef

Umiling lang si Josef at nagtusok ng karne ng manok sa tinidor nya "O, kumain ka
ng tumaba ka pa.." sabi nya sabay subo ng manok kay Armida

"Ano ko, baboy?" sabi ni Armida. Pinunasan naman ni Josef ang bibig ng asawa nya
gamit ang thumb nya.

"Aww, ang sweet naman.." -Nikki

"Hahabulin ka ng manok nyan eh.. May kanin ka pa sa pisngi.." naka-smile na sinabi


ni Josef

"Aba! Kinakain ko na yung manok, ano pang hahabol sakin?" pa-joke ni Armida. At
nagtawanan na naman ang lahat.
Habang si Fovi, unti-unting bumalik sa pagkakaupo. Pahiya sya pero kung hindi pa
nagsubuan ang mag-asawa, hindi sila makaka-move on sa kalokohan nya.

Pero windang sya sa baso. Alam nya, hinulog nya yun. Hindi nya alam kung bakit
hindi nahulog at kung bakit nasa table pa rin..

At ang totoong nangyari..

Naka-focus man si Josef kay Armida, alam nya na may plano na naman si Fovi.
Sinimulan na nya sa tinidor eh.

Nakikita sa peripheral vision ni Josef ang basong inuurong ni Fovi papunta sa


kanya. At dahil sya si Shadow, wala man lang kamalay-malay ang lahat na iniangat
nya ang baso at inilipat ng pwesto sa table na hindi na maabot ng umuurong na braso
ni Fovi.

Plan# 2= FAILED

Nicole: Miethy, say something.

Miethy: Ako? Ako na nga ang humatak dyan, ako pa rin?

Nikki: Ikaw na, Miethy. Close naman kayo eh.

Miethy: Nic, ikaw na! Madaldal ka naman eh!

Nicole: Ako? Anong sasabihin ko?

"Naglalaro ba kayo ng titigan?" biglang singit ni Armida habang pa-joke na


pinandidilatan si Miethy "Pwedeng sumali, hmm?"

Napangiwi agad si Miethy at napatingin nalang sa ibang direksyon.


Nagbuntong-hininga si Armida at nagpameywang. Isa-isa nyang hinaguran ng tingin ang
tatlo.

"Alam nyo, hindi ako sobrang engot para hindi malaman kung anong binabalak nyo.."
mataray na sinabi ni Armida

Nagbago agad ang reaction ng tatlo at biglang kinabahan. Sa itsura, sa tindig, sa


tingin at sa tono ng pagsasalita ni Armida, mukhang magkakaproblema sila.

"Miethy, pano na yan.." bulong ni Nicole sa kanya

Kinakabahan na ang tatlo. Para sa kanila, mukhang Fovi rin kasi si Armida. Mahirap
kantihin. Natatakot sila kasi buhay ni Armida at Josef ang sisirain nila. Pare-
pareho lang silang nakokonsensya.

"Sana maaga palang nilinaw nyo na sakin..." -Armida

"Armida, kasi--" -Nicole

"Kung sinabi nyong gusto yong mamalengke, sana yun nalang ang sinabi nyo kesa yung
shopping-shopping pa ang term nyo. Alam kong walang class at tunog cheap yung
'Armida, samahan mo kong mamalengke' kesa sa 'Armida samahan mo kong mag-shopping'
pero Dyosme naman!"

EH???
Windang ang tatlo. Nanginig ang tuhod nila sa sinabi ni Armida. Bigla silang
nanghina, akala nila kung ano na..

"Hindi kaya tanga talaga yang babaeng yan?" bulong ni Nicole kay Nikki

"Yeah right. Hindi ba nya nararamdamang may masama tayong balak?" -Nikki

Sumunod nalang sila kay Armida na nagpatuloy lang sa paglalakad-lakad.

Alam na alam ni Amida ang balak ng tatlo. Hindi sya tanga para hindi malamang
nilalayo sya nila Miethy sa asawa nya. Nasa panig sila ni Fovi kaya madaling mabasa
ang plano nila. Saka, tinginan palang nung tatlo, obvious na obvious ang plano.

Pero hindi sya pwedeng kumilos ng hindi maganda. Masisira ang plano nya. Kung
kinakailangang magtanga-tangahan sya sa harapan nilang lahat, gagawin nya, wag lang
mapurnada ang plano nya.

At alam nyang sa mga oras na iyon, marahil nagtataka na si Josef dahil hindi nya
naman ugaling sumama sa shopping with other girls. Kaya malamang na susunod agad
yun sa kanila.

~~~Husbands~~~

Sa resthouse...

"O, pare.." iniabot ni Earl ang isang can ng beer kay Josef
Kinuha naman yon ni Josef at binuksan.

Ang balak ng tatlo, lalasingin si Josef tapos dadalhin sa cabin ni Fovi at doon na.
Alam nyo na ang susunod na magaganap.

"Alam nyo, hindi ugali ni Armida ang mag-shopping kaya ang weird na sumama sya sa
mga asawa nyo.." seryosong sinabi ni Josef habang nakatingin sa beer nya

Nagtinginan ang tatlo at mukhang hindi magandang balita ang sinabi ni Josef.

Hindi gusto ni Josef ang nangyayari kaya paiiralin na naman nya ang katarantaduhan
nya sa buhay. May mali, ramdam na ramdam nya yun. Kung hindi sya makakaalis ng
sapilitan, pwes. Sila ang aalis.

Nag-smirk sya habang inaalog ang can na hawak. "Alam nyo bang may psychological
problem ang asawa ko. Mentally unstable sya at hindi ma-control."

Nagkatinginan uli ang tatlo at ibinalik ang tingin kay Josef.

"Naalala ko nga nung bagong kasal kami.. Tinutukan nya ko ng kutsilyo. Ang sabi
nya, papatayin nya ko oras na magkaroon sya ng pagkakataon. Kaya nga hindi ko sya
pinapatulan dahil doon, mahirap na, ayoko pang mamatay."

"T-talaga?" tanong nilang lahat. Yung mga mukha nila halatang natakot sa sinabi ni
Josef.

"Hindi pala-sama sa iba ang asawa ko. Ayaw nyang may kasama. At hindi rin sya
palangiti. Hindi rin sya masayahin." seryosong sinabi ni Josef habang nakatingin
sa dagat na makikita sa gilid lang nya.

"Mahirap kontrolin ang asawa ko, kaya nga hinahayaan ko lang sya. Kapag nagwawala
sya, sira ang buong paligid. Ayaw rin nya ng maingay at may makukulit. Kaya nga,
hindi sya pinapasama sa ibang tao dahil sobrang delikado."
"Y-yun ba yung sinabi mo sa C-convention--?" nag-aalalang tanong ni JC

"Oo.. At alam mo, JC. Ayoko syang pasamahin kay Miethy.. Natatakot kasi akong
baka... Gusto ko nang puntahan sya ngayon kaso... Actually, malaki ang chance na
patayin nya ang asawa mo oras na mawala sya sa sarili... Lalo na kung maiingay ang
kasama nya.. Napapraning kasi yun kapag naiingayan sa paligid"

Napatayo agad ang tatlo sa sinabi ni Josef. Magkakasama kasi sila Miethy, Nikki at
Nicole. Tapos kasama nila si Armida.

Si Miethy pa naman bungangera.. SI Nikki at Nicole, wagas makatili.. Lagot na.

"Ngayon palang nagso-sorry na ko sa pwedeng--"

Kinuha agad ni JC ang kwelyo ni Josef.. "Bakit ngayon mo lang sinasabi yan ha?!"

Iniwas ni Josef ang tingin nya kay JC

"Pwede ko na bang hanapin ang asawa ko ngayon.. Nag-aalala kasi ako.."

Itinulak agad ni JC si Josef at saka tumatkbo pababa sa may resthouse. Tinignan


muna nila Earl at Jasper si Josef bago nila sundan si JC.

Isang winning evil grin ang nagawa ni Josef pagkaalis ng tatlo.

"Akala nyo, kakagat ako sa mga kagaguhan nyo.. Asa kayo.."

Well, hindi nila masisisi si Josef. At saka, hindi rin pwedeng sabihing sinungaling
sya dahil totoo naman lahat ng sinabi nya.
Tumalon na sya sa may second floor at nakapamulsang naglakad sa may gubat na nasa
tabi ng resthouse.

~~~WIVES~~~

"Oy, ito oh! Maganda sayo 'to Nikki!"

Namimili ang apat sa isang tiangge at talagang enjoy na enjoy. Hindi na nila naisip
na may pinaplano silang masama kay Armida. Hindi na rin namalayan ni Armida ang
nangyayari kasi mukhang ngayon lang nakalabas ng gubat yung tatlo. Parang hindi pa
nakakakita ng pamilihan.

Wala, enjoy nalang sila. Nandoon na eh.

"Miethy, maganda 'to sayo, sukat mo!" sabi ni Armida habang sinusuot ang isang
pink sun hat kay Miethy

"Ay, aliw! Gondoh!" sabi ni Miethy habang minomodel ang hat na suot sa harap ng
malaking salamin

"Miss, bibilhin ko na yung hat.." sabi ni Armida sa tindera at binigyan na nya ng


1,000

"Uy, naalala ko lang.. Magkano ba budget mo, Nic?" tanong ni Nikki

"10K.." -Nicole
"Uy, pwede! Akin nga 7K lang.. Ikaw Mie, magkano binigay sayo ni Jessie?" -Nikki

"Ah, may 16 ako dito.." -Miethy

"Ay, mayaman! Apir tayo dyan, Mie!" -Nicole, at nakipag-apir nga sila kay Miethy

"Eh ikaw Armida.. Magkano ang budget mo?" tanong ni Miethy

"Ha? Ah.." sinilip ni Armida ang bag nya "Hindi malaki pero pwede na siguro 'to.."
itinaas nya ang dalawang bundle ng pera "120 thousand.."

Halos malaglag sa lupa ang panga ng tatlo sa sobrang gulat..

"O-o-one hundred twenty.." -Nicole

"One two zero zero zero zero??" -Nikki

"S-s-seryoso ka dyan?!" -Miethy

"Uh, yeah.. Sige na, bili na tayo ng mga souvenirs! Di pa natin nalilibot tong
'tiangge eh!" kinuha na ni Armida ang kamay ni Miethy at sya naman ngayon ang
nanghatak

Nagkatinginan si Nikki at Nicole at saka na sumunod dun sa dalawa...

"Armida, hindi ko pa naibabalik 'tong hat!" sabi ni Miethy habang hinahatak ni


Armida

"Don't worry, nabili ko na yan, gift ko sayo.." masayang sinabi ni Armida


Biglang naging malungkot ang mukha ni Miethy. Binilhan sya ni Armida ng hat tapos
ang gagawin lang nya ay sirain ang buhay nito. Inaatake na naman sya ng konsensya.

~~~Husbands~~~

Yung tatlong Husbands, hindi magkanda-ugaga sa paghahanap ng mga asawa nilang


kasama ni Armida.

"Pag may nangyari talagang masama sa asawa ko, kahit babae yun, papatayin ko talaga
yun.." galit na sinabi ni JC habang nililibot ng tingin ang paligid ng talipapa

"Bakit ba kasi pumayag yung Josef na yun kung alam naman pala nyang may problema
ang asawa nya, gago pala sya eh" naiinis na sinabi ni Earl

"Maghanap nalang kayo! Wag na kayong puro dada!" sigaw ni Jasper

Samantalang si Josef, chill na chill na nilalakad ang gubat na ang labas pala ay
ang tiangge kung nasaan naroon ang asawa nya kasama ang tatlong Wives na hinahanap
na rin ng mga asawa nila.

Nakikita nya naman sa dulo ng gubat ang mga trapal na pang-cover ng mga tindahan sa
tiangge kaya alam nyang doon ang punta nila Armida.
~~~WIVES~~~

Dampot lang ng dampot ang mga Wives ng kung ano-ano. Treat naman daw ni Armida kaya
oks lang. Masamang tumanggi sa libre, wala ka kasing matatanggap. Tomoh.

Pagkalipas lang ng ilang minuto napagod na ang tatlo, si Armida keri lang ng
powers. Mataas ang stamina nya eh.

"Tara, girls, kain tayo.." aya ni Armida

Nag-agree naman ang tatlo at pumunta sila sa isang kainan sa tiangge. Umorder sila
ng buko juice, mas healthy daw kasi. Saka nag-tuna sandwich ang tatlo, samantalang
si Armida buy 1 take 1 hamburger at shawarma ang inorder.

Kumakain na sila at sa totoo lang, mas natatakam sila sa kinakain ni Armida.

Slomo ang pagkagat at pagnguya ng tatlo habang nakatingin kay Armida na chill na
chill lang na ngingunguya ang katakam-takam at nakapanglalaway na shawarma. Mmmm..

"Armida.. Ang takaw mo eh noh.." sabi ni Nicole habang sinusundan ang hawak na
shawarma ni Armida na isusubo na nito

"Ah, hehehe.. Sensya na ha.. Ganito lang talaga ako kumain. Ok lang naman since
hindi naman nagbabago ang figure ko. May something sa metabolism at sa hormones ko
na nagme-maintain ng figure ko kahit na limang plato pa ang kainin ko" sabi nito
at isinubo na ang shawarma

Tumango lang sila habang sinusubo na rin ang mga tuna sandwich nila. Ini-imagine na
sana kasing sarap ng shawarma ang tuna.

"Gusto ko rin ng metabolism mo.." sabi ni Nicole habang dahan-dahang ngumunguya at


iniisip kung saan nya makukuha ang metabolism na tinutukoy nya

"Ah, Armida.." -Miethy

"Hmm?" -Armida

"Uhh, kapag ba nambabae si Josef... Iiwanan mo sya?" asiwang tanong ni Miethy

Tinitigan lang sya ng diretso ni Armida. Si Nicole at Nikki naman napahinto at


napatingin nalang kay Armida para malaman ang sagot nito.

"Well, kung saksakan ng pangit si Josef at nambabae sya, hindi ko lang sya iiwanan.
Ako pa ang papatay sa kanya.. Eh, gwapo, so expected na yun! Hindi ko sya iiwanan
kasi ako ang LEGAL wife.. Pero, bugbog sarado muna sya sakin para hindi naman ako
magmukhang cheap." chill lang na sinabi ni Armida sabay thumbs up

Nag-agree naman sila Nicole at Nikki sa sinabi ni Armida. Si Miethy, hindi alam ang
mararamdaman. Gusto nyang sabihin na, tama yan. Ipaglaban mo si Josef. Ipaglaban mo
ang karapatan mo bilang asawa nya.

Kaso, alam nyang kampi sila Nicole at Nikki kay Fovi kaya hindi sya pwedeng
magsalita.

"Ang yaman mo pala talaga. Anlaki ng budget mo para sa shopping na 'to.." masayang
tanong ni Miethy para maiba naman

"Ah, yun ba. Hindi ko pera 'to.. Pera 'to ng parents ko." -Armida

"Oh, meaning mayaman din ang parents mo.." -Nicole


"Yeah right. Parang si Fovi. Mayaman ang parents ni Fovi eh.." -Nikki

"Uhm, well... Yeah.." tumango naman si Armida

Biglang nagliwanag ang mukha ni Miethy at nakakita na sya ng dahilan para kampihan
si Armida

"Armida!"

Napalingon silang lahat sa tumawag kay Armida. Nakangiti ito at kumakaway sa


kanila. Nakapamulsa lang ito at ang cool tignan habang papalapit sa kanila.

Napatayo ang tatlo nang makita sya. Napalunok nalang sila dahil sa maraming
dahilan.

Dahil ang hot nya tignan.

Dahil natatakot sila na naroon sya sa lugar na yon.

At dahil guilty sila in all aspect.

"Hellooow.. Jooosef..." itinaas ni Armida ang kinakain para ialok sa asawa nya.
Kinuha naman ni Josef ang buko juice at ininuman

Tinignan ni Josef ang mga paper bags at mga recyclable bags na nasa ibaba ng table.

"Nag-shopping ka talaga ha.." hindi makapaniwala si Josef na namili nga ang asawa
nya
"J-josef.. A-anong ginagawa m-mo dito?" nautal-utal na si Miethy at hindi na alam
ang gagawin

"Ah, kinakabahan kasi ako dito sa asawa ko.. Hindi maganda ang kutob ko eh.."
binigyan nya ng makahulugang-tingin si Miethy

Napainom tuloy ng buko si Miethy habang nakalayo ang tingin kay Josef. Natutuyo ang
lalamunan nya sa sobrang guilt.

"Miethy!"

"Nikki!"

"Nicole!"

At sabay-sabay na nagsulputan sila Jasper, JC at Earl sa iba't ibang direksyon.

Napatakbo agad sila sa table kung nasaan ang mga asawa nila. Pumwesto sila sa mga
likuran nito at kanya-kanyang inspeksyon kung buo pa ba ang mga asawa nila.

"T-teka nga! Ano bang nangyayari sa inyo?!" reklamo ni Miethy kay JC

"Wala bang nangyaring masama sayo? May masakit ba sayo?" tanong ni Earl kay Nikki

"JJ, ano bang meron at ganyan ka makahawak sakin?" reklamo ni Nicole kay Jasper

Sabay-sabay na binigyan ng tatlong Husbands ng deadly glare si Josef.


Kasi naman, walang nangyaring masama sa mga asawa nila. Ang sinabi kasi ni Josef,
pwedeng may masamang nangyari or worst patay na ang mga asawa nila kaya inaasahan
nila na meron ngang masamang naganap.

O, diba wala namang nangyari, kaya inisip na agad nila na ginu-good-time lang sila
ni Josef. Pinakaba sila ng wala sa oras. Pati yung plano ni Fovi napurnada dahil sa
kalokohan nya. Lalo lang tuloy lumalaki ang inis nila.

Kung makakapatay lang ang tingin, baka pinaglalamayan na si Josef ngayon.

"Armida, may psychological problem ka ba talaga?" galit na tanong ni JC habang


nakatingin ng masama kay Josef. Pokerface lang si Josef sa kanya.

"Yeah.." walang kaabog-abog na sagot ni Armida sabay inom ng buko juice "Why?
Sinong nagsabi?"

Gulat silang lahat na napatingin kay Armida.

"T-totoo?"

Hindi makapaniwala ang tatlong Husbands sa sinabi ni Armida. Akala nila


nagsisinungaling lang si Josef.

Tumango naman si Armida.

"Nagkaka-breakdown ako if nagkakaroon ako ng sobrang depression. Teka, sinabi ni


Josef 'no.." tiningala ni Armida ang asawa nyang nasa tabi nya "Sinabi mo?"

"Himala, umamin ka agad.." sabi ni Josef


"Hindi naman sikreto yan eh, bakit ko itatago?" tumayo na si Armida at iniabot kay
Josef ang isa nyang hamburger

"So, uwi na tayo.." kinuha na ni Armida ang mga bags sa ilalim, tinulungan na sya
ni Josef

Tinignan lang nilang lahat ang mag-asawa. Sobrang nawi-wirduhan na sila sa dalawa
at hindi na alam kung alin ba ang unang iisipin.

Andaming problema, over-flowing facts, mga napurnadang plano, mga kakaba-kabang


thoughts, mga outcome ng mga nangyayari.

Kinuha na nila ang ibang pinamili at sumunod nalang sila sa mag-asawa.

"A-armida.. Kapag ba nagkaka-breakdown ka--" -Earl

"P-pumapatay ka ba ng tao?" tinapos na ni Jasper ang sinasabi ni Earl

Tuloy-tuloy lang sila Armida at Josef. Ni hindi man lang nagulat sa sinabi ni
Jasper.

Ang nagulat eh yung mga asawa nila.

"T-teka, bakit naman napunta sa patayan?" -Nicole

"Yeah, right.. Bakit may patay-patay thingy??" -Nikki


Si Miethy, nakatutok lang talaga kay Armida at hinihintay ang sagot nito

"Armida--" -JC

Huminto si Armida at matamis na nginitian sila JC "Itong mukhang 'to ba, pumapatay
ng tao, hmm?" habang tinuturo ang cute nyang mukha

Napakurap nalang ng mata sila JC.

Oo nga naman.

Ang maamong mukhang yon?

Ang matamis na ngiti nya?

Ang masasayang tawa nya?

Ang mabuting pakikitungo nya sa kanila?

Ang trip nyang nakakabaliw sa sobrang saya?

Sya ba ang tipo ng babaeng pumapatay ng tao?

Evil grin...

Napayuko nalang sila JC dahil, oo nga naman. Wala naman sa itsura ni Armida ang
papatay. Bakit ba nila naitanong yon?

"Don't tell me, pati yun sinabi mo?" bulong ni Armida kay Josef

"Yeah. But don't worry, hindi ko sinabing assassin ka. Kelangan kong makaalis, alam
kong may mali eh. Pero ok na.. Kuntento na ko.." nakangiting sinabi ni Josef sa
asawa nya
Nakaabot na sila sa pansamantalang bahay nila Josef.

"Bye sa inyo!" kumaway si Armida sa tatlong pairs at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok


sa bahay nila. Kumaway naman sa kanila ang tatlong pairs.

Sunod na tinignan nila ay si Josef na kakaiba ang ngiti sa kanila. Nakangiti ng


nakakatakot si Josef. Bigla tuloy silang kinilabutan.

At isa lang tumatakbo sa isip nilang pare-pareho.

Hindi si Armida ang may problema sa pagkatao kundi si Josef.

Pagbalik nila sa may resthouse...

Naabutan nila sa may inupuan nila JC kanina si Fovicate na kitang kita sa mukha na
nanggagalaiti sa galit.

"At saan kayo nanggaling, hmm?" rinig ang galit sa tono nya

Hindi tuloy sila makatingin ng diresto kay Fovi. Natakot na sila dun sa mag-asawa
kanina, tapos ito ngayon si Fovi naman.

"Ah," tumayo si Fovi at nilapitan sila "Mukhang nag-enjoy kayo.." inikutan nya
sila Miethy "Andami nyong pinamili ah, san nyo naman kaya nakuha ang pinambili nyo
dyan..."
"Nilibre kami ni Armida.." mahinang sagot ni Nicole

"Oh, nilibre ni Armida..." tumango-tango sya at sabay halbot sa dala ni Nicole


"NILIBRE NI ARMIDA HA?!" nilabas nya ang laman nun at isinampal kay Nicole

Humakbang si Jasper para pumagitna pero inawat sya ni Earl at JC.

"Hindi ba ang sinabi ko, ilayo nyo lang ang babaeng yun dito.. Hindi ang
magpakasaya kayo.. HINDI NYO BA NAIINTINDIHAN YON?! ANG TANGA-TANGA NYO TALAGA!"

Napakagat nalang sila ng labi habang parang Boss si Fovi na pinagagalitan sila.

Gusto nilang lumaban pero alam nilang wala silang magagawa.

"At kayo.." ibinaling nya ang tingin kila JC "Hindi ba ang sinabi ko, lasingin
nyo si Josef.. WHAT THE FVCK HAPPEN?!"

Kung saan saan nalang ibinaling nila Earl ang tingin para lang makaiwas sa matalim
na tingin ni Fovi

"Alam nyo ba kung anong oras na huh? ALAM NYO BA?!"

Kanya-kanya naman silang tingin sa mga relo nila. 5:49

Ang usapan, alas kwatro lang dapat nasa cabin na ni Fovi si Josef.

"I look so stupid WAITING. IN. MY. ROOM!!" itinuro nya ang hallway na daan papunta
sa kwarto nya "Alam nyo ba kung ilang oras na kong naghihintay don? Alam nyo ba?
Hmm? Alam nyo? TINATANONG KO KAYO MGA BWISIT KAYO!! ALAM NYO BA?!"
Napatakip ng bibig sila Miethy. Napasuklay nalang ng buhok sila JC. Hindi nila alam
kung sasagot ba o hindi.

Kapag sumagot, aba, matapang ka na.

Kapag hindi, kukwestyunin kung bakit hindi sumasagot.

Walang mapalagyan.

"Ano na namang nangyayari dito?" biglang sumulpot sa may hagdan si Alex

Napalingon silang lahat sa kanya.

"Aba, ang magaling na si Alexander Hernandez. At san ka naman nanggaling, huh?"


inis na tanong ni Fovi sa kanya

"Wala, kinausap ko lang yung abogado ni Erajin Miller. Ni-refer ni Armida. Binigyan
ako ng magandang offer, CEO ng isang company."

"Oh?" -Jasper

"CEO?" -Nikki

"Talaga?" -Miethy

Nakalimutan na nila na pinagagalitan sila ni Fovi


"Armida.. Armida na naman.. WALA NA BA KAYONG IBANG ALAM NA BANGGITIN KUNDI
ARMIDA?!"

Bumalik sila sa ayos nilang iwas ang tingin kay Fovi. Pero si Alex, chill lang.

"And where do you think you're going?" hinarang nya agad si Alex

"Sa kwarto ko. Masama na bang matulog?" seryosong sinabi ni Alex

Nagulat sila kasi hindi naman ugali ni Alex na sumasagot kay Fovi

"Ah, porke nabigyan ka ng trabaho as CEO, marunong ka nang magmalaki.."


nagpameywang si Fovi at pinandilatan si Alex.

Si Alex naman, diretso lang ang tingin sa daan nya. Iwas din ang tingin kay Fovi

"You know what, if I were given a chance to get married again...." tinignan ng
masama ni Alex si Fovi "I'll choose Armida over you. Mas matino pa syang kausap
kesa sayo. At least, kahit hindi nya mahal ang asawa nya, tinatrato pa rin nyang
tao."

Itinulak nya si Fovi para makadaan sya.

Nagulat silang lahat sa kinilos ni Alex. Hindi normal.

"Ah, and another thing.." lumingon pa sya uli kay Fovi "Mas nakakatakot syang
kalaban kesa sayo, kaya wag na wag mong kakantihin si Armida dahil hindi mo
gugustuhing malaman kung sino o ano talaga sya.." at nag-smirk sya kay Fovi bago
umalis ng tuluyan
Na-bother silang lahat sa kilos ni Alex. Parang hindi si Alex. At nag-smirk sya. Na
sa pagkakaalam nila eh hindi nito gawain. Tinalo pa nya ang sinapian ng masamang
espiritu.

"Ok lang ba si Alex?" -Nicole

"Saka anong sinasabi nya tungkol kay Armida?" -JC

"Alex! Alexander!!"

Nainis si Fovi sa ikinilos ni Alex kaya hinabol nya agad ito para kumprontahin.

_______________________________

Nakaupo si Armida sa may dining chair at tinitignan ang labas ng bintana mula sa
posisyon nya. Lumubog na ang araw, lumipas na naman ang isang araw sa kanila.

"Anong meron at nag-cup noodles tayo?" tanong ni Josef sabay abot kay Armida ng
cup noodles

"Wag ka nang magtanong, kumain ka nalang.." seryosong sinabi ni Armida

"Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Ano na namang binabalak mo?" seryosong
tanong ni Josef habang sumusubo ng noodles
"May pinapatay ako ngayon, wag ka sanang mangialam.."

Napahinto si Josef sa pagsubo

"Teka nga. Don't tell me, may kinalaman na naman yung Fovicate Hernandez na yon?"
galit na sinabi ni Josef

"I told you before, wag lang pagtapuin ang landas namin, tuturuan at tuturuan ko
talaga sya kung paano rumespeto ng ibang tao.." pokerface na sinabi ni Armida
habang nakatingin sa may bintana at sumusubo ng noodles

Ibinagsak ni Josef ang hawak nyang tinidor sa mesa

"Akala ko ba nag-usap na tayo dyan, wag mo nang pakialam yung mga yun at umiwas
nalang tayo!" sigaw ni Josef

"Sinimulan ko na, hindi pwedeng hindi ko tapusin.." walang ganang na sinabi ni


Armida

"Armida naman! Nasa bakasyon tayo! Tigilan mo na ang kakahanap ng problema!"

"Nasa bakasyon tayo blah blah blah.."

Dinabugan ni Josef ang mesa dahil sa inis nya kay Armida.

"Why do you always do that?! Why can't you just listen to me?! Wala ka nang ibang
ginawa kundi ang magtambak ng problema! Hindi ka ba marunong makinig?! Pinapahamak
mo ang sarili mo, pati na ang ibang tao!! Ganun ba kasaya para sayo ang gumawa ng
ikasasama ng loob ng iba?!"
Napahinto sa pagkain si Armida at ibinagsak ang kinakain sa mesa habang tuloy-tuloy
lang si Josef sa pagsesermon sa kanya.

"Hindi mo ba kayang manahimik nalang muna kahit ngayon lang?! Hindi mo ba kayang
magtagal sa isang lugar na hindi gumagawa ng problema?!" sigaw ni Josef

Tumayo na rin si Armida at hinarap ang asawa nyang nagagalit na dahil na naman sa
mga maling desisyon nya.

"I'm a walking streak of problem! If you can't handle my worst, then quit!"

Mabilis na lumakad si Armida papunta sa pinto dahil sa pagkainis.

Galit na nilingon ni Josef ang asawa nyang magwo-walkout na naman.

Hahawakan na ni Amida ang doorknob nang magsalita si Josef.

"Subukan mo lang lumabas sa pintong yan--"

Hindi na naituloy pa ni Josef ang sinasabi dahil ayaw nyang pagsisihan ang susunod
na sasabihin.

"You don't know how to handle me. I guess that's the reason why I always win even
when you're right.."

Binuksan na ni Armida ang pinto at tuloy-tuloy na lumabas.


Naglakad si Armida at diretso lang ang tingin sa daanan.

Hindi nya napansin si Miethy na nandoon sa may gilid ng pinto habang tinatakpan ang
mukha ng paso na may tanim na euphorbia. Nagtatago daw sya, kaya ganun.

"Araykunamen.." ibinaba na agad nya ang hawak na paso at pinunasan ang pisngi
nyang natinik ng halaman

Hinintay nya yung nasa loob.

"Ano ba, Josef, habulin mo si Armida.." bulong nya sa pintuan

Naghintay sya kung lalabas ba si Josef.

Walang lumabas.

Napailing nalang sya at tumakbo papunta sa resthouse. Manghihingi sya ng tulong kay
JC para hanapin si Armida. Gabi na kaya tapos mag-isa pa sya, eh kung may madaanan
syang mga lasinggero, o eh di may chance na ma-rape sya. Kaliwa't kanan pa naman
ang nag-iinuman sa lugar na yon tapos maganda pa sya, hindi lang yun, sexy rin. Tsk
tsk tsk.

"Jessie Chris! JC!" nagsisisigaw si Miethy habang hinahanap ang asawa nya

"O, Mie! Anyareh??" tanong ni Nikki na may dalang pineapple juice

"Si Jace?" tanong ni Miethy


"Sa terrace, why?"

Hindi na sya sinagot pa ni Miethy, sa halip ay kumaripas ito ng takbo papunta doon
sa terrace.

"JC!"

Naabutan ni Miethy sila JC, Earl at Jasper dun sa may terrace at nag-iinuman.

"O, may sunog ba at kung makasigaw ka wagas?" tanong ni JC

Nagsulputan na rin sila Nikki at Nicole sa terrace para maki-tsismis kay Miethy at
sa sasabihin nya

"Tulungan nyo ko! Sundan natin si Armida!"

"Si Armida??" sabay-sabay pa nilang sinabi

"Bakit? Ano na namang problema?" tanong nila

"Eh kasi ganito yun.. Nagpunta ako sa kanila para ayain silang mag-dinner kaso
naabutan kong nagsisigawan yung dalawa kaya hindi na ko tumuloy sa loob.. Nag-away
sila eh.. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi tuloy-tuloy lang si Armida palabas ng
bahay nila.. Tulungan nyo kong habulin sya kasi baka madampot ng mga lasing yun!!
Aynakupo! Ina ng awa.."

Nagpa-panic na talaga si Miethy at parang pusang hindi matae na paikot-ikot dun sa


kinatatayuan nya.

"O, sige na, sige na.. Hahanapin na namin," -JC

Tumayo na agad ang mga Husbands


"Mag-stay nalang kayo dito at kami nalang ang maghahanap.." -Jasper

"Baka kung sumama pa kayo at kayo naman ang matyempuhan, aysos.." -Earl

Tumango nalang sila at pinanood nalang sila JC na bumaba sa pinakamalapit na hagdan


sa terrace.

Ang hindi nila alam, nakatago sa may hallway sa gilid lang nila si Fovicate at
rinig na rinig ang lahat ng sinabi ni Miethy..

"Nag-away sila.. Kawawa naman si Josef.. Kelangan nya ng shoulder to cry on.."
nag-giggle sya sa sobrang kilig "Fovicate, it's your time to get him.."

_____________________________________

Nakaupo si Armida sa may tabing-dagat. Malapit lang sya sa may bahay nila. Limang
metro nga lang ang layo nya sa may veranda nila. Palalamigin muna nya ang ulo nya
pati na ng asawa nya.

Lagi naman silang nag-aaway, lagi rin naman ilang nagbabati. Hindi na big deal ang
away nila ngayon.

Iniisip nya kung ano na ang susunod na gagawin since kanina malamang na nakausap na
ng lawyer ni Erajin Miller si Alex.

Si Alex na ang ha-handle ng kalabang company ng mga Viernes. At ibibigay din nya
ang kalahati ng shares ni Erajin Miller sa company ng mga Viernes kay Alex. Sa
ganung paraan, lalong lalaki ang control ni Alex sa lahat.
At kung marunong kumontrol si Alex ng kapangyarihan, advantage ni Fovi yon. Pero
kung lulunurin si Alex ng pagkaganid, sya na mismo ang sisira sa buhay ni Fovi.

Pero kahit na anong mangyari, isa lang ang sigurado. Magsisisi si Fovi na tinake
for granted nya si Alex. Yun naman talaga ang main focus nya.

Ang problema nya ngayon is yung gagawing pang-aakit ni Fovi dun sa asawa nyang
hindi tinatablan ng seduction.

Yun lang naman ang dahilan nya kaya ipinusta nya si Josef nang walang kapalit.

At kahit na maghubad pa si Fovi sa harapan ni Josef, hindi nya maaakit yun. Kung
sya nga, kahit maglakad ng hubad sa harap ni Josef, ngingitian lang sya at iiling,
tapos yun na.

Si Josef si Shadow. Shadow is born to seduce, not to be seduced. Trained si Shadow.


At kahit sandamukal na hubad na babae ang iharap mo sa kanya, hindi sya
maapektuhan.

Ang masaklap nga lang, hindi nya alam kung bakit masakit sa damdamin kapag nakikita
nya si Josef na may ginagawang gentleman doings kay Fovi.

Nahiga nalang sya sa pinong buhangin sa tabing-dagat at nilasap ang malamig na


hangin. Nakatingin sya sa mga bituin sa langit. Ang ganda tignan ng mga stars kasi
malinis ang langit. Ang solemn lang. Nakakapayapa ng isipan.

Nagpalipas sya doon ng ilang minuto..

Pagkatapos ay tumayo na sya dahil alam nyang lumalalim na ang gabi. Siguro naman,
ok na si Josef.
Pinagpag na nya ang damit nya at naglakad na papunta sa bahay nila.

Napahinto sya ng biglang makaramdam ng hindi maganda sa dibdib nya. Sumasakit ang
dibdib nya kapag humihinga sya.

Kinagat nya ang labi sa sobrang sakit. Hindi sya makahinga. At sa isang iglap ay
nawalan sya ng malay...

Isang linggo syang namatay. At kailangan nya talaga ng pahinga. Pero napwersa ang
katawan nya dahil sa ginawang pamimili kaninang hapon kaya na-shock ang katawan
nya. Natural lang na mag-overworked ang katawan nya at bumigay.

At nagkataon pa na naglalakad-lakad sa may beach si Alex.

Napansin nya agad ang isang babaeng bigla nalang bumagsak. Nilapitan nya agad ito
para tulungan.

"Miss.. Miss ok k-- Armida?" nagulat sya dahil pagtingin nya sa babae ay si Armida
pala na nahimatay

"Armida, Armida, naririnig mo ba 'ko?" tanong ni Alex habang tinatapik-tapik ang


pisngi ni Armida

May malay pa ng kaunti si Armida at medyo naririnig nya ang paligid nya

"Josef..."

Hindi alam ni Alex ang gagawin nya kaya binuhat nya agad si Armida para ibalik sa
bahay nito. Malamang na nandun si Josef at matutulungan nito ang asawa nya. Dun na
rin sila tatawag ng doctor since medyo malayo ang hospital sa location nila.

=======================

Naglalakad ngayon si Fovicate papunta sa bahay nila Josef. Ang suot nya, white
dress na madaling hubarin at sexy lingerie. Oh come on.

Wagas ang ngiti nya habang naglalakad at pina-practice ang sasabihin kay Josef once
na makarating sya sa bahay nila..

"Josef, I can feel you. Josef, you can cry on me. Josef, I love you.. Kyaaahhh!!"
kinikilig syang ini-imagine ang magiging setting nila ni Josef kapag nandoon na sya

Hawak-hawak pa nya ang laylayan ng dress at paikot-ikot pa..

"Oh, Josef.. Please be mine.."

Nakarating na sya sa bahay nila Josef. Nasa tapat na sya ng pinto at kakatok na...
Tok! Tok!

Nag-ayos pa ng buhok si Fovi at medyo ginulo nya ng konti para may konting drama.

Walang nagbukas ng pinto.

Kakatok sana sya uli pero mas minabuti pa nyang pumasok nalang ng tuloy-tuloy sa
loob.

Pagbukas nya ng pinto, nakasara ang mga ilaw. Pero nakita nya ang pinto sa banyo na
may liwanag kaya napalunok nalang sya.

Nagsisimula nang bumilis ang pagtibok ng puso nya. Nanlalamig na rin ang mga kamay
nya.

Biglang bumukas ang pinto ng banyo.

Lumabas doon si Josef na tumutulo pa ang tubig sa buhok. Naka-towel lang sya at
mukhang malungkot.

Napakagat ng labi si Fovi dahil sobrang hot tignan ni Josef habang nasa ganong
ayos.

"J-josef.. I-i'm here be-because--" nauutal na nga sya, hindi pa nya maituloy ang
sinasabi dahil naglalakad na palapit sa kanya si Josef

"I-i'm here because... Ah!" nagulat sya dahil biglang hinaltak ni Josef ang dress
nya at pinalapit sya nito sa kanyang hot and wet and oh-so-yummy sexy body

"Why are you here..." Josef said in his very husky, sexy, seductive voice

"I-i'm he-here b-b-because... Oh my God.." pinadulas ni Josef ang kamay nya sa


pisngi ni Fovi pababa sa balikat nito
Namilipit bigla si Fovi habang unti-unting bumababa ang kamay ni Josef sa balikat
nya pababa sa kamay

Dumodoble ang heartbeats nya at pinagpapawisan na rin sya. Nakakaramdam sya ng


kakaibang init sa loob.

"J-joseeeff..." she moans

Biglang hinalikan ni Josef ang leeg ni Fovi

"Oh God..." nararamdaman ni Fovi ang dila ni Josef sa leeg nya

Napahawak sya sa batok ni Josef habang pinagpapatuloy nito ang paghalik sa leeg nya

Bumibigat ang paghinga nya at napapikit nalang sya sa sobrang sarap

Tumigil na rin si Josef sa paghalik sa leeg ni Fovi at saka nya ito itinulak sa may
kama

"Josef... I'm yours.. Do what pleases you.."

Pumatong na sa kanya si Josef at pinunit nito ang suot nyang dress at lingerie

Wala pa mang ginagawa si Josef hinihingal na si Fovi.

Hinalikan uli ni Josef ang leeg ni Fovi. Hinawakan naman ni Fovi ang batok ni Josef
para itulak ito lalo sa leeg nya.

Habang tinutuloy ni Josef ang paghalik sa leeg ni Fovi, gumagapang naman ang kamay
nya papunta sa dibdib nito.

"Ahhh..." napa-moan nalang uli si Fovi dahil talagang tuwang tuwa sya sa ginagawa
ni Josef

Nakaabot na ang kamay ni Josef sa kanang dibdib ni Fovi.

"Ahh, God.. Hmmff.." hinawakan ni Fovi ang kamay ni Josef na lumalamas sa kanang
dibdib nya

Bumaba ang halik ni Josef papunta si kaliwang dibdib ni Fovi at talagang enjoy na
enjoy si Fovi sa nangyayari sa kanya

"Mmmm... Jooseeff... Aaahhh.. Harder.. Harder... More.. Aahhh.."

"EHEM"

O_O . . . . . .
Biglang napadilat si Fovi.

Tumambad sa harapan nya si Josef na nakataas ang kilay sa kanya at pinapanood syang
manyakin ang sarili nya.

"Hoy, pwede bang lumayas-layas ka sa tapat ng bahay namin ng asawa ko" inis na
sinabi ni Josef kay Fovi na hindi ko alam kung daydream pa ba ang tawag sa ginawa
nya kasi gabi na nga

Biglang itinulak ni Josef si Fovi na nakaharang sa tapat ng pinto at nakanganga


lang sa kanya.

Hahanapin na kasi ni Josef si Armida.

Ah, at kung iniisip nyo na nangyayari nga yung kanina.

Don't worry people of the world. Imagination lang yun ni Fovicate. Ganun ka-wild.
Super wild.

"Josef! Where are you going?" sigaw ni Fovi

Hindi sya sinagot ni Josef sa halip ay tuloy-tuloy lang ito sa pagtakbo. At dahil
desperada na talaga sya, nakitakbo na rin sya para maabutan si Josef.

"Josef!!"
"Go home!" sigaw sa kanya ni Josef habang nililingon ang paligid

"Where are you going?!"

"I said go home! Wag mo na kong sundan!"

Nakaabot ang dalawa sa may kalsada na papunta sa talipapa.

"Armida!!"

Sumisigaw pa rin si Josef habang nililingon ang talipapa na medyo kakaunti nalang
ang tao dahil mas maraming tao sa mga bars at restos na nasa kabilang direksyon
kung nasaan sila.

"Why are you finding her? She doesn't love you!" sigaw ni Fovi habang nakabuntot
pa rin kay Josef

"Shut up!" sigaw ni Josef sa kanya "Armida!!"

"Alam mo ba ang sinabi ni Alex sakin kanina! Ang sabi nya gusto nya si Armida!
Actually, mas bagay nga sila eh!"

Napahinto si Josef sa sinabi ni Fovi. Napaisip sya sandali.

Josef: May gusto si Alex kay Armida...

Hindi mahirap magustuhan si Armida, kaya normal lang. Ok, move on. Hindi naman
papansinin ni Armida si Alex eh.
At saka, malamang na gawa-gawa lang yan ni Fovi. Alam nyang ayaw ni Fovi sa asawa
nya.

Nagpatuloy lang sa paghahanap si Josef at nakabuntot pa rin sa kanya si Fovi

"And you know what, binigyan daw sya ng trabaho ni Armida! CEO!"

Huminto si Josef at nilingon ang crossing. Hindi nya alam kung saan dadaan, sa
kaliwa, sa kanan o sa harap.

Narinig nya si Fovi pero hindi sya naniniwala. Malamang gumagawa lang ng kwento si
Fovi para siraan si Armida. Obvious na obvious naman kasing may crush sya kay
Josef.

"Kausap ni Alex kanina yung abogado nung Erajin Miller daw, I don't care bahala
sya.." huminto na rin si Fovi at nagpameywang, nasa gitna pa sya ng kalsada.
Nakatingin lang sya sa taas at iniisip ang bagay na yun "But, look into it...
Bakit nga ba bibigyan ng posisyong CEO si Alex?"

Napahinto si Josef nang biglang mabanggit ang pangalan ni Erajin Miller. Tumalikod
na sya para tignan si Fovi na may tatlong dipa ang layo sa kanya.

"Did you say Erajin Miller?" tanong ni Josef

VROOM!! VROOM!! VROOM!!

Napalingon si Josef dun sa isang race car na mabilis ang pagpapatakbo na papalapit
kay Fovi.

Ang tanga kasi, talagang pumwesto pa sa gitna.

"RUN!!" sigaw ni Josef kay Fovi

Napatingin lang si Fovi dun sa sasakyang tinutukan sya ng headlights. Hindi sya
makagalaw sa sobrang takot.

Napatakbo tuloy si Josef sa kanya para iligtas sya.

Isang metro nalang ang layo ng kotse nang hawakan ni Fovi ang magkabilang tenga nya
at napasigaw nalang sya sa sobrang takot.

"ALEX!!!"

Bago pa sya masagasaan. Nakuha na agad sya ni Josef. Tumilapon silang dalawa sa may
gutter ng kalsada.

Yung siraulong driver ng kotse dire-diretso lang sa pagpapatakbo. Try na rin nyang
dumiretso sa heaven nang makita nya ang kaliwanagan sa buhay.

"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ni Josef kay Fovi

Ang galit na mukha ni Josef ay napalitan ng takot dahil wala nang malay si Fovi
"Hoy! Fovicate Hernandez!! Wake up!! Naririnig mo ba ko?!" tinapik-tapik pa ni
Josef ang pisngi ni Fovi para magising

Ang kaso hindi magising dahil nga sa sobrang shock.

Hindi ito kaartehan dahil sa totoong buhay, nangyayari talaga ito.

Binuhat agad sya ni Josef para ibalik dun sa resthouse. Dun na rin sya tatawag ng
doctor since hindi nya alam kung saan ang pinakamalapit na clinic o hospital sa
lugar.

__________________________________

"Nakita nyo?"

"Hindi eh"

Naghahanap pa rin sila JC kung nasaan si Armida. Nilibot na halos nila ang lahat ng
mga bars and restos na pwedeng mapuntahan sa lugar nila. Kahit yung ilang mga
kainan, at mga tagong lugar.

Hidi pa sila nakakapaghanap sa may beach kasi nga iniisip nila na baka naglasing si
Armida or kumain nalang tutal gawain naman yun ng brokenhearted. Lalo pa, nakilala
nila si Armida na matakaw.
"Sa may beach? Tignan natin.."

Nagtanguan naman sila at dumiretso nga sa may beach.

"Armida!"

"Armida! Nasan ka na?!"

Nagsisisigaw sila doon sa may beach pero kakaunting tao lang ang nakikita nila.

Alas 10 na ng gabi at naghahanap pa rin sila.

"Ano ba kasing ginawa ng Josef na yun at inaway nya yung asawa nya?" inis na
sinabi ni Jasper

"Armida!!"

Bzzt Bzzt

Kinuha ni JC ang phone nya sa bulsa. Tumatawag si Miethy.

"Hello, Mie.."

( Nakita nyo na? )


"Hindi pa nga eh.. Kahit dito sa beach wala.."

( Bumalik nalang muna kayo dito. I-report nalang natin sa mga pulis para
matulungan tayo sa paghahanap )

"Sige, bye.."

"Ano, JC? Anong sinabi ni Miethy?" tanong ni Jasper

"Mag-report nalang daw tayo sa mga pulis.." sagot ni JC habang tinitignan ang
phone nya at ang paligid

"Mas mabuti pa nga.. Matutulungan tayong makita sila kapag nanghingi tayo ng tulong
sa mga pulis.." sabi ni Earl

At bumalik na nga uli sila sa may resthouse...

Sa may resthouse...

Nag-aabang sa labas ng resthouse ang mga Wives. Hinihintay nila na baka biglang
bumalik si Armida. Kinatok nila ang bahay pero wala rin si Josef kaya malamang na
naghahanap na rin yun sa mga oras na yon.
"Mie!"

Napalingon sila sa sumigaw.

Lumapit agad sila JC sa kanila..

"Tara na sa police station!" sabi ni Nicole

"Sinong maiiwan dito?" tanong ni Jasper

"Kami nalang ni Nikki.." sabi ni Earl

"Sige.. Tara na.." sabi ni Miethy

Lalakad na sana sila Miethy nang biglang sumulpot sa may crossing sa di-kalayuan sa
may kaliwa nila si Josef na buhat-buhat ang walang malay na si Fovicate.

"T-t-teka.. Si Josef!!" itinuro agad ni Miethy si Josef

Nagulat silang lahat dahil buhat nito si Fovi.

Gusto nilang malaman kung bakit ganun?Anong nangyari kay Fovi at wala itong malay?
At higit sa lahat, bakit sya buhat ni Josef?

At anong kalokohan naman ang naisip nito para magpalit ng white dress? Samantalang
kanina, naka-short shorts sya at cropped top.
Nakita din sila ni Josef at naglakad na papalapit sa kanila.

Ilang metro nalang ang layo ni Josef nang bigla syang mapahinto. At halos lumuwa
ang mata nya sa nakikita.

Nagtaka naman silang lahat kung bakit ganun ang reaction ni Josef kaya napatingin
naman sila sa tinitignan nito.

"O-o-ohmigosh..."

Halos lumuwa ang mata nila at kulang nalang bumagsak sa kalsada ang mga panga nila
sa nakikita.

Buhat-buhat ni Alex ang walang malay na si Armida. Gulat na gulat din ito na
nakatingin kay Josef na buhat-buhat si Fovi.

Naglakad silang dalawa pareho papalapit kila Miethy.

Hindi naman maipaliwanag ng ibang Husbands and Wives ang nararamdaman.

Overflowing emotions at talagang overwhelming view.

Pang-telenovela. On live action.

At tila ba nananadya ang pagkakataon dahil kung ano ang suot ni Josef, ganun din
ang suot ni Alex. White shirt at black pants.
At ang suot ni Armida at Fovicate, pareho ring white dress.

Masyadong... Wow.

On that moment, hindi na nila alam ang mararamdaman.

Sobrang excitement.

Sobrang saya.

Sobrang gulat.

Sobrang takot.

Sobrang kilig.

Sobrang nerbyos.

Sobrang lungkot.

Sa sobrang emotions, naluha nalang ang mga Wives habang nakatakip ang mga palad sa
bibig.

Masama lang ang tingin ni Alex kay Josef. Masama rin ang tingin ni Josef kay Alex.

Kung ikaw nakita mo ang asawa mong nasa bisig ng iba, matutuwa ka ba?

Kung alam mong asawa ng iba ang nasa bisig mo, matutuwa ka ba?

Kung nakikita mong asawa ng nasa bisig mo ang bumubuhat sa asawa mo, matutuwa ka pa
rin ba?

"You got the wrong wife, dude.." seryosong sinabi ni Alex


"Tell that to yourself.." tinapatan naman ni Josef ang serious-mode ni Alex

_______________________________________________

Maganda ba ang chapter na ito?

Vote and Comment :)

Nasa loob sya ng isang kwarto na kulay pula ang ilaw. Mataas ang temperature sa
loob at ang tanging ventilation lang ay ang ceiling fan na gawa sa magandang klase
ng kahoy. Nakapalibot sa lugar na yon ang mga babaeng nakahubad at sumasayaw sa
saliw ng isang napaka-seductive music. Nakaupo lang sya sa isang dining chair
habang kumakain ng tanghalian. Sitting pretty lang sya doon habang nilalasap ang
masarap na steak na nalulunod sa masarap na sauce. Nakakadena ang mga paa nya at
nasa gitna ng electric fan ang susi ng non.

Nasa labas ng kwartong yon ang ilang Guardian na binabantayan ang kwarto.

Ilang minuto rin ang lumipas...

Tapos na syang kumain kaya tumayo na sya. Pagtayo nya, biglang gumalaw ang kadena
at hinatak sya patiwarik. Halos bumalik sa bibig nya ang kinain dahil sa nangyari.

Isa lang ang nasa isip nya. Kailangan nyang kunin ang susi na nasa gitna ng
electric fan.

Ang kaso, isang metro ang layo nya sa electric fan kaya paano sya makakaalis.

Kinapa nya ang bulsa ng black pants nya. Nakakuha sya ng maliit na tela at ang
pocketwatch nya na may chain na nakakabit sa pantalon nya.
Sumasayaw pa rin ang mga babae pero pinapanood sya habang iniisip kung paano sya
makakaalis sa posisyon nyang yon.

Tinanggal nya ang pocketwatch sa pantalon nya at niladlad para makuha ang tinidor
na nasa mesa. Ibinagsak nya ang relo sa dulo ng tinidor dahilan para mag-bounce
back ito pataas. Iniikot pa uli nya ang relo at umipit sa chain nito ang isang
pantusok ng tinidor. Hinila nya uli ang pocketwatch na may nakadikit nang tinidor.

Ngayon, ang gagawin nalang nya ay kunin ang susi sa ceiling fan.

Nag-sway sya back and forth para makaabot sa ceiling fan. Pagkalipas ng ilang pag-
sway, nakalapit na rin sya sa fan at pinatama ang pocketwatch na may tinidor sa
switch nito na nasabit lang sa gitna ng mismong fan. Sa switch kung saan nakasabit
din ang susing kailangan nya.

Sumabit ang katawan ng susi sa tinidor dahilan para mahila ito. Mabilisan nyang
kinuha ang susi dahil kung hindi, matatamaan sya ng elesi ng ceiling fan.

Napataas naman ng kilay ang mga babaeng pinapanood sya dahil magaling ang ginawa
nya.

Iniangat nya ang upper body para usisain ang kadenang nasa paa nya. Sinusian nya
agad ang lock. Pagtanggal ng kadena sa paa nya, malamang na nalaglag sya. Pero
maganda ang pagkaka-landing nya sa magarang marble floor ng kwarto kaya walang
hassle. Para syang pusa kung kumilos dahil wala man lang syang nagawang ingay.

Pinagpag nya ang shoulder-part ng suot nyang black turtleneck na sleeveless.


Pinagpag din nya ang black baston pants nya. Ibinalik nya ang poketwatch sa
pantalon nya at ipinasok uli sa bulsa nya.

Tinignan nya ang pinto. Naka-lock. Tinignan nya ang isang babaeng naka-upo sa isang
sulok ng kwarto. Ito lang ang kahit paano'y may suot, kahit na black underwear
lang. Naka-dekwatro ito habang naka-cross arms habang mataray na nakatingin sa
kanya.

Lumapit sya dito at hinagod nya ito ng tingin. Tinatantya nya kung lalaban ba o
nandun lang para i-challenge sya.

"Kung iniisip mong makakalabas ka ng kwartong 'to, pwes tigil-tigilan mo na ang


kakaisip dahil hindi mo mahahanap kung saan nakatago ang passcard ng pinto"
pokerfaced na sinabi ng babae sa kanya

"Really?" cold na sinabi nya sa babae

Tinignan nya ang pinto. Napatingin din doon ang lahat ng babae sa loob maging ang
babaeng nakaupo.

"Fine, I'll stop thinking.." pokerfaced na sinabi nya. Naglakad na sya papunta sa
may pinto at tinignang maigi ang part ng pinto kung saan dapat i-swipe ang
passcard.

"What're you gonna do? Punch that door, huh?" naka-smirk na sinabi sa kanya ng
babae

"Maybe.." inilabas nya ang passcard na mabilisan nyang kinuha sa loob ng bra ng
babae kanina habang nakatingin ito sa pinto "But no.."

*Whhooggsshhh*

Bumukas na ang pinto. Nilingon nya ang babaeng nagulat sa nangyari. Pinanood pa nya
ito habang kinakapa nito sa dibdib nya ang passcard.

Itinapon nya agad sa babae ang card na hawak sabay smirk.

Lumabas na sya ng kwartong iyon at sinalubong sya agad ng tatlong Guardian.


"9 minutes 43.7 seconds. Faster than yesterday's record." sabi ng isang Guardian
sa kanya

"Too slow" sabi nya

Huminto ang tatlong Guardian sa likod nya habang sya tuloy-tuloy lang sa paglalakad
sa napakahabang hallway ng kastilyo.

Sya si Richard Zach. 8 years old. Ang Uncrowned Prince ng Citadel. Isang Half
Blood.

Anak sya ni Joseph Zach, isang Pure Blood Prince at ni Anjanette Malavega, isang
Commoner (Low Class Bloodline).

At nasa Citadel sya ngayon para sa last part ng training nya bilang magnanakaw. At
ang nangyari kanina, isa lang sa mga training nya.

. . . . . . . . .

"Where is Mama?" tanong nya

"Young Lady, Lady Cassandra is busy at the moment. You can't see her right now"
sabi ng isa sa mga butler nya

"Ohmm" tumango-tango sya habang pinapalobo ang mga pisngi


Katatapos lang ng pagbibigay sa kanya ng korona. At ngayon, naglalakad sila sa
kastilyo. Sinusundan lang sya ng mga apat na maid at dalawang butler nya.

Hindi nya alam ang pinupuntahan, basta naglalakad lang sya. Wala namang ibang
gagawin ang mga alipin nya kundi ang sundan sya at siguraduhing hindi sya mawawala.

Pasayaw-sayaw pa sya habang hawak ang bandang laylayan ng red and white victorian
dress nya. Mukha talaga syang maliit na prinsesa sa suot nyang pulang ribbon na
nakatali sa itima na itim nyang buhok na hanggang beywang ang haba.

Napahinto sya nang makaamoy ng mabango. Sinundan nya agad ang amoy na yon hanggang
sa makaabot sila sa tapat ng malaking pintuan ng kusina ng kastilyo.

"Young Lady, hindi tayo pwede sa lugar na 'to. Mas mabuti kung babalik na tayo sa
kwarto mo" sabi ng isa pang butler nya

Biglang lumaki ang ngiti nya at tinignan ang mga maid nya.

"Hihihihi... I want chocolate.." naka-smile na sinabi nya sabay karipas ng takbo


papunta sa loob ng kusina

"Young Lady!!" agad naman syang hinabol ng mga maid at butler nya

Kung saan-saan sya nagsususuot. Binangga-bangga nya ang mga nagluluto at nag-
aasikaso sa malaking kusinang iyon.

Hinanap nya ang matamis na amoy ng chocolate na naaamoy nya hanggang sa makaabot
sya sa isang malaking cabinet.
"Young Lady! Nasaan ka na?!"

Sumilip-silip pa ang mga maid at butler nya sa ilalim ng mga mesa at mga kaing na
pinaglalagyan ng mga gulay at prutas para lang mahanap sya.

"Aha! Young Lady, ibaba mo yan!" sa wakas ay nakita na rin sya ng isa sa mga maid
nya. Naabutan syang kumukuha ng mga chocolate sa lalagyanan.

Mabilis nyang pinuno ng chocolate ang bibig nya at itinago ang mga hindi naisubo sa
outer cloth ng dress nya.

"Young Lady, bawal ka ng chocolate!" sigaw sa kanya ng isa pang maid na nakakita
sa kanya

Nagpapanic na sya dahil napapalibutan na sya kaya wala syang ibang magagawa kundi
ang kumaripas ng takbo palabas ng kusina

"Young Lady, stop!"

"Magagalit sa amin si Lady Cassandra sa ginagawa mo!"

Pilit nyang nginunguya ang mga chocolate na isinubo. Nahihirapan nga lang sya dahil
nagpapanic na sya, at the same time, punong puno ang bibig nya.

Tinakbo nya ang napakahabang hallway ng kastilyo para lang matakasan ang mga maid
at butler nya.

Sya si Armida Zordick. 5 years old. Ang Crowned Princess ng Citadel. Isang Pure
Blood.

Anak sya ni Cassandra Zordick, isang Pure Blood Princess at ni Hwong Yoo-Ji, isang
Black Blood Heir

Nasa Citadel sya ngayon dahil sa katatapos lang na paglilipat ng korona sa kanya.

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Tahimik na naglalakad si Richard diretso palabas ng kastilyo. Nakapamulsa lang sya


at diretso ang tingin sa dinadaanan.

Sandali nyang tinignan ang pocketwatch nya nang biglang...

BOG!

"Mmmm!!!"

"Ah! Dammit!"

Biglang bumagsak sa sahig si Richard dahil sa pagkakabangga sa kanya ng kung ano


man yon.

Tinignan nya agad kung ano yung bumangga sa kanya.


"Mmmm!! Mmm!!" isang batang babae na punong puno ang bibig at namumula na ang
bumangga sa kanya

"Young Lady!"

"MMM!!!"

Mabilis na tumayo ang batang babae at hinatak si Richard papalabas ng kastilyo.

"Young Lady!!"

Hindi alam ni Richard ang nangyayari at kung bakit sya hinahatak ng batang babaeng
yon na puno ang bibig at nakahawak sa bestida nya.

Umabot sila sa may hedge maze at doon nagtago. 3 feet lang ang taas ng maze kaya
kapag tumayo sila, kitang kita sila agad.

Nakakunot lang ang kilay ni Richard habang tinitignan ang batang babae na pasilip-
silip sa hedge na pinagtataguan nila.

"Hey, who are you? And why are you here? Do you know what place this is?" inis na
tanong ni Richard sa batang babae

Umupo naman uli ang batang babae at tinignan si Richard habang ngumunguya.
"I'm asking you, stupid. What's your name?" lalo lang nainis si Richard dahil
hindi sya sinasagot ng batang babae

Inosente naman syang tinignan ng batang babae habang ngumunguya ito.

"Can't you speak?"

Hindi pa rin nagsasalita ang batang babae at wala nang ibang ginawa kundi ang
ngumuya at tignan sya ng diretso.

"I'll tell them you're here.." tatayo na sana si Richard nang bigla syang hinatak
paupo ng batang babae

"Mmmm!!" umiling ito para sabihing wag nyang gawin ang binabalak

"Don't touch me!" kinuha agad ni Richard ang braso nya at pinunasan iyon na parang
may virus na mapupunta sa kanya kapag hindi nya nilinis agad

"Mmm!! Mmmm!!" tinuro ni Armida ang mga humahabol sa kanila at saka umiling

"Talk, stupid girl!!" sigaw ni Richard sa batang babae

Nagulat tuloy ito at mabilis na tinakpan ang bibig ni Richard. Natumba tuloy sila
pareho.

"I told you don't touch m--" sinalpakan agad ng chocolate ng batang babae ang
bibig ni Richard. Tinakpan din nya ang bibig nito at pinakita nya ang bibig na
ngumunguya

Wala namang ibang magagawa si Richard kundi ang nguyain ang chocolate.

Binitawan na sya ng batang babae at sabay silang naupo uli.


Sabay na sila ngayong ngumunguya.

Gumaan ang pakiramdam ni Richard kasi masarap ang chocolate. Bihira lang syang
makakain ng chocolate. Kapag hinahalo lang sa desert.

Hindi kasi sya pinapayagang pumapak non, magagalit ang Daddy at Lolo nya.

"You can't talk?" tanong ni Richard habang nginunguya ang natitirang chocolate sa
bibig nya

"Mmm..." umiling ang batang babae "Aaaa..." sabay nganga para ipakita ang laman
ng bibig nya na punong puno ng chocolate

"Yuck.. Do you have manners?" inis na tanong ni Richard habang iniiwas ang tingin
sa bibig ng batang babae

Mabilis na nginuya ng batang babae ang laman ng bibig nya.

"Jont chell jem I'm here..." sabi ni Armida habang ngumunguya

Napatingin agad si Richard sa pants nya na natalsikan ng laway na may chocolate na


galing sa bibig ng batang babae.

"Ulk, gross.."

Napangiwi agad sya at dahan-dahan na kinuha ang panyo sa bulsa ng pants nya para
punasan ang pantalon nyang nalawayan. Halatang diring-diri sya.
"My Papa calls me Armida but my Mama calls me Evari. But Arila, Henrietta, Georgia,
Philip and Felix calls me Young Lady. They always call me Young Lady I don't know
why. Ohmm.. What's your name?" nakangiting tanong ng batang babae

"You're Armida Evari.." cold na sinabi ni Richard

"Mm-hmm.." nakangiting tumango ang batang babae

"Good for you" pokerface na sinabi ni Richard. Tumayo na sya at pababang tinignan
ang batang babae "Don't steal any food from the kitchen again. You'll cause too
much trouble.." Naglakad na sya palayo

"Wait!!" tumayo na si Armida dahilan para makita sya ng mga maid nya

"Young Lady!"

Naglakad na papunta sa pinto ng kastilyo si Richard at sinundan naman sya ni


Armida.

"Young Lady, don't go near him." hinarangan agad sya ng butler nya para mailayo
kay Richard

"Hindi po kayo pwedeng lumapit sa batang yan, Young Lady. Magagalit sa inyo si Lord
Mikhail at Lord Adolf." sabi ng isang maid

Napahinto naman si Richard sa pagpasok sa kastilyo nang makita ang isang batang
lalaki na nakasuot ng puting formal suit na naglalakad papalapit sa kanila
"Lady Armida," nakangiti syang kumaway kay Armida

"Daniel!" kumaway naman si Armida sa batang lalaki

Tumaas ang tensyon paglagpas ni Daniel kay Richard.

"Nanguha ka na naman ba ng pagkain, hmm?" nakangiting tanong ni Daniel habang


tinitignan ang damit ni Armida na hawak pa rin nya dahil doon nakatago ang mga
ninakaw na chocolate

Nag-pout lang si Armida at iginilid ang tingin para iiwas sa mata ni Daniel

"Don't worry, hindi na ikaw ang kumuha ng pagkaing yan.." kinuha nya ang chocolate
sa damit ni Armida at ibinato sa paanan ni Richard

"Kapag tinanong kayo kung sino ang nagnakaw ng chocolates, ang sabihin nyo sya.."
sabi ni Daniel habang tinuturo si Richard

Tinignan naman nilang lahat si Richard na kinukuyom ang kamao at pinipigilan ang
sarili.

"Lady Armida, you should change your clothes." iginuide na ni Daniel si Armida
papasok ng kastilyo.

Nilingon naman ni Armida si Richard na masama ang tingin kay Daniel.

"Dalhin nyo na sya sa kwarto nya.." mahinahong sinabi ni Daniel sa mga maids
"Yes, Prince Daniel.." nagbigay-galang naman ang lahat ng maid at butler sa kanya

Lagi syang nakangiti at laging mahinahon kaya gustong gusto ng lahat si Daniel.
Bihira syang makitang nakasimangot. Maamo ang mukha nya pero sya na ang
pinakamasakit mang-alipusta sa lahat.

Naiwan si Daniel at Richard doon. Masama ang tingin ni Richard sa nakapamulsang si


Daniel.

"Wag mo nang subukang lumapit pa sa prinsesa dahil hindi magtatagumpay ang


binabalak mo. Ang bastardo, bihisan man ng ginto, paliguan man ng pabango, gamitin
man ang apelyido ng mataas na tao, bastardo pa rin. Tama lang na hindi ibigay sayo
ang korona, wala ka kasing karapatan." mahinahon pero ramdam ang pang-aalipusta sa
bawat salita ni Daniel

At sa edad nyang yan, tinalo pa nya ang matanda kung magsalita at kumilos.

Sya si Daniel Ash Wolfe. 7 years old. Ang isa sa mga nirerespetong Prince at
Guardian ng Citadel. Isang Pure Blood.

Anak sya ni Gregor Wolfe, isang Pure Blood Duke at ni Devorah Zordick, isang Blue
Blood Countess

Nasa Citadel sya ngayon dahil sa katatapos lang na paglilipat ng korona sa Crowned
Princess at isa sya sa nakatakdang pagbigyan ng titulong Crowned Prince.

. . . . . . . . . .
Gabi na at tumatahimik na sa buong kastilyo.

Nasa isang meeting room si NightShade, Cas at Richard.

"Tomorrow; 5am, ire-release ka na dito sa Citadel. Kailangan mo nang mamili kung


saan mo balak pumasok."

Inilapag ni Cas ang apat na folder sa table at inilapit kay Richard.

"Choose your Association now. Nandyan na rin ang positions mo" sabi ni NightShade

"Meurtrier Assemblage: 3-Class Expert: A,B and F, Rank 2.

Assassin's Asylum: Fifth Echelon Level 3.

Sanglant Congregation: Third Degree Expert Caste.

Satsujin-Sha Ichizoku: Shateigashira"

"Kwestyonable ang pagpasok mo sa mga Assoc dahil sobrang bata mo pa, pero may
matataas na Officials na pinag-aagawan ka para lang maging member nila. Who would
have thought na isang bata ang makakakuha ng ganyan katataas na posisyon bago pa
ang releasing. Ni hindi ka nga dumaan sa pagiging Rookie"

"Position are nothing. Clean work matters most." pokerfaced na sinabi ni Richard
Hindi man lang nagawang tignan ni Richard ang mga folder. Basta kumuha sya ng isa
at itinapon pabalik kila Cas.

Kinuha ni NightShade ang folder at sinilip ang loob.

"Asylum? You want to work here in Assassin's Asylum?" tanong ni NightShade

"I don't care what Association I'm going to work. It doesn't matter to me, anyway"
cold na sinabi ni Richard

"Richard, it matters." sabi ni Cas

"By the way, 6 days ang aabutin bago ka makarating sa Capitol, kaya malamang,
aabutan ka ng 9th birthday mo bago ka pa makarating sa Main ng Asylum.." sabi ni
Cas

Oo nga. 3 days nalang at birthday na nya. Isa lang ang tumatakbo sa isip nya kapag
dumadating ang birthday nya.

"When will I see my mother?" tanong ni Richard

"You can't see your mother, Richard. She's busy" sabi ni NightShade

"She's not busy! I can't see her because you're hiding her from me!" sigaw ni
Richard kay NightShade

"You can't see her because it's too dangerous! How many times do I have to tell you
that?"
Dinabugan ni Richard ang mesa at tuloy-tuloy na lumabas ng meeting room.

"Joseph, why don't you just give him the crown and his position as a Superior para
hindi sya nagkakaganyan ngayon?" tanong ni Cas kay NightShade

"Mamamatay muna 'ko bago sya maging Superior. Nakuha na 'ko ng Fuhrer kay
Anjanette. Hindi ako papayag na pati ang anak namin, kunin din nya. Kelangang
manatiling malaya ng anak namin, at gagawin ko yun habang nabubuhay ako. Wala akong
pakialam kung anong ituring sa kanya ng lahat, ang mahalaga hindi mawala sa kanya
ang kalayaang pinagpalit ko para sa kanila ng Mama nya. Sya lang ang tanging meron
si Anjanette, at hindi ko hahayaang pati sya iwanan ang Mama nya dahil lang sa
walang kwentang trono na yon"

"Pero nagtatanim lang sya ng galit sayo dahil sa ginagawa mo.. Iniisip nyang
nilalayo mo ang Mama nya sa kanya kahit na pinoprotektahan mo lang silang dalawa sa
Fuhrer."

"Mas mabuti kung ganon. Magalit sya sakin. Magalit sya sa Fuhrer. Magalit sya sa
lahat ng Superiors. Mas maganda kung isusumpa nya ang trono, pabor yon sa kanya.
Aanhin nya ang yaman dito sa kastilyo kung hindi naman sya malaya"

. . . . . . . . . . . . . . . .

Nasa itaas ng palasyo si Richard at tinatanaw ang buwan sa bintana ng tower ng


kastilyo.

Madami syang tanong sa isip nya.


Bakit sya tinuturing na malas ng lahat.

Bakit hindi sya pinapayagang makita ang Mama nya.

Bakit kailangang pagdaanan nya ang lahat ng nangyayari ngayon.

Tinuturing syang kayamanan ng ibang tao pero ang mga taong dapat pinapahalagahan
sya, basura ang tingin sa kanya.

Gusto nyang umiyak pero sinasabi ng utak nya na kapag umiyak sya, hihina sya. At
hindi sya pwedeng maging mahina.

Dudurugin pa nya ang lahat at ipapakita nya sa buong mundo na hindi nila dapat
minamaliit si Richard Zach dahil lang sa hindi dugong bughaw ang ina nya.

Patutunayan nya sa Lolo nya at sa Daddy nya na sya ang karapat-dapat sa trono at
hindi ang kung sinong nagkukunwaring prinsipe lang.

Aalis sya sa poder ng pamilya nya na basura at babalik syang matagumpay na. At
kapag nangyari yun, pababagsakin nya ang lahat ng umaalipusta sa kanya ngayon.
Ipamumukha nya sa Citadel na isang magaling na criminal ang batang sinusuka nila.

"Nyarn nyarn nyarn nyarn..."

Napahinto sya sa pag-eemote nang marinig ang maingay na yon. Napalingon tuloy sya
sa likod nya.

"You again?!" sigaw nya nang makita si Armida na may nginangata na naman sa may
gilid
"Haym hungry..." sabi ni Armida habang sumusubo ng tinapay at strawberry jam "I'm
hiding here. Ssshh!"

"Aarrgghh!! " kinuyom agad ni Richard ang kamao nya at gusto nang suntukin si
Armida dahil sa inis pero hindi nya magawa

"Why are you alone?" inosenteng tanong ni Armida

"None of your business, stupid glutton!" sigaw ni Richard habang inis na sinuklay
ang buhok nya

"What is stupid glutton?" tanong ni Armida

"You! You are stupid glutton!" sigaw ni Richard habang dinuduro si Armida

"Really? Am I a beautiful stupid glutton?" naka-smile na tanong ni Armida.


Halatang hindi alam kung ano ang stupid glutton na sinabi ni Richard

Napapikit nalang si Richard dahil hindi na nya alam ang gagawin kay Armida.

"You're hopeless.." cold na sinabi ni Richard kay Armida

Tinignan lang sya ni Armida ng diretso. Inosente lang itong nakatitig sa kanya.

"You should go back to your room" sabi ni Richard at mas piniling bumaba nalang ng
hagdan

"What's your name?" tanong ni Armida habang tinitignan sa dress nya kung ano pang
susunod na kakainin

Tahimik lang si Richard at hindi sya sinagot.

Nakasunod lang si Armida habang pinipili ang mga biscuit sa bestida nya.
Nasa gitna na sila ng hagdan pababa sa main hallway.

"Don't follow me.." sabi ni Richard

"I'm not followi-- waahhh!!" natapilok si Armida sa hagdan dahilan para bumagsak
sya

"Dammit!! Stupid!!" tinalon nya agad si Armida at niyakap ito

Bumagsak silang dalawa sa hagdan at saka nagpagulong-gulong. Pinilit namang i-cover


ni Richard ang ulo at katawan ni Armida para hindi ito masaktan.

"Aaahhhh!!!"

"Ugh! Ugh! Agh!"

Nagpagulong-gulong sila mula sa gitna ng hagdan pababa sa pader na nagsisilbing


likuan pababa pa sa isang hagdan

Bumangga ang likod ni Richard sa pader kaya nahinto na ang paghihirap nila.

Sumakit ng sobrang katawan ni Richard pero nasanay na ang katawan nya sa sakit kaya
nato-tolerate pa nya ang nangyari.

"Are you alright?" tanong ni Armida


Umalis na agad sya sa pagkakayakap ni Richard sa kanya. Walang nangyaring masama sa
kanya dahil naprotektahan naman sya ng maayos ni Richard para hindi sya masaktan.

"St-stupid..." dahan-dahang bumangon si Richard

"Oh!!" hinawakan agad ni Armida ang noo nya "What's this?"

Hinawakan agad ni Richard ang noo nya. Dumudugo ang ulo nya.

"Ah shit.."

"Is this strawberry syrup?" tanong ni Armida at mukhang balak tikman ang dugong
nakuha sa noo ni Richard

"Hoy!" hinawakan agad ni Richard ang kamay ni Armida para pigilan ito sa binabalak
"Stupid glutton.. Psh.."

Pinilit na tumayo ni Richard para bumaba na sa taas ng palasyo.

"Wait! Ah--" tumayo na rin si Armida pero hindi nya na naituloy dahil bumagsak sya

"O, what happen to you?" tanong ni Richard

"Aaaaah!!" hawak ni Armida ang paa nyang sumakit dahil sa pagkakalaglag nila.
Lumuhod si Richard at chineck ang paa nya.

"Ah! Don't touch it.." nangingilid ang luha ni Armida at nagt-twitch na ang dulo
ng labi nya. Gusto na nyang umiyak sa sakit
"Don't cry, stupid glutton" tumalikod na si Richard at inis na itinapat ang likod
nya kay Armida "Hop in"

"Ha?"

Nag-'whatever' headshake lang si Richard at kinuha ang kamay ni Armida. Inangat nya
ito at ipinasampa sa likod nya. Ipinulupot nya ang mga braso nito sa leeg nya at
hinawakan ito sa likod ng binti. Tumayo na sya habang naka-piggy back ride si
Armida sa kanya.

Hindi nya pwedeng iwanan doon ang prinsesa. May konsensya pa rin naman sya kahit
paano.

Masakit ang katawan nya sa pagkakalaglag sa hagdan pero nagawa pa nyang buhatin si
Armida. Ok lang naman, magaan naman sya eh.

Bumaba na sila sa taas ng kastilyo.

"Are you hurt?" tanong ni Armida

Hindi naman sya sinagot ni Richard.

"Why are you alone?"

No comment.

"I heard them called you bastard child. What is bastard child?"

Kinagat naman ni Richard ang labi nya dahil sa sinabi ni Armida.

Lagi syang tinatawag ng ganun ng mga nasa paligid nya. Wala daw kasi syang
karapatang magtagal sa Citadel dahil anak sya ng isang low class human person na
hindi sobrang yaman ang kinalakhang pamilya.

Sya ang prinsipe ng Citadel pero tinuturing syang basura. Kasalanan kasi yon ng
Daddy nya. Ayaw nitong ibigay ang korona sa kanya. Ayaw syang gawing Superior. At
ang lagi nitong kinakatwiran na wala syang karapatan dahil hindi sya Pure Blood
kahit na Full-Blooded Zach sya.

Gusto nyang kuwestyunin ang desisyon ni NightShade. Hindi man lang kasi ito naaawa
sa kalagayan nya. Kung hindi nito kayang ibigay ang korona, sana dun nalang sya
tumira sa Mama nya.

"What's your name?"

No comment again.

"I already told you my name, you should--"

"My mother calls me Josef. She is the only person calling me that name. But my
father and Cas calls me Richard. Other then them, nobody calls me on my name. They
just call me whatever they want"

"Can I call you Josef?" tanong ni Armida

"No."

"Why?"

"Because you're not my mother"

Nag-pout lang si Armida at iniyuko ang mukha sa balikat ni Richard. In-enjoy nalang
nya ang pagkarga sa kanya ni Richard pababa sa kastilyo.
"Your smell is weird." sabi ni Armida habang inaamoy ang balikat hanggang leeg ni
Richard

"What weird?"

"You should smell like Daniel, but you're not. You smell like my Papa"

"What are you, a dog?"

"I'm a girl not a dog. Do you know what the difference of a girl and a dog is? The
girl is--"

"I know their difference, stupid glutton. Psh.." inis na sinabi ni Richard

Nakaabot na sila sa ibaba ng kastilyo at pabalik na sa kani-kanilang kwarto nang...

"Young Lady!"

Dali-daling lumapit ang napakaraming maids, butlers at Guardians sa kanilang


dalawa. Hinalbot agad ng isang maid si Armida mula kay Richard.

Nagkakagulo na sa buong kastilyo dahil hindi makita ang prinsesa sa kwarto nya.
Maghahatinggabi na at dapat natutulog na sya sa mga oras na yon.

"Saan mo dinala ang Young Lady ha?!" sigaw ng isang butler kay Richard sabay tulak
dito. Ni hindi man lang nila pinansin ang mukha nyang tinuluan na ng dugo
"Wala kang karapatang lapitan sya!"

"Binalaan ka na! Hindi dapat lapitan ng Uncrowned Prince ang Crowned Princess!"

Pinagtulungan nilang lahat si Richard dahil sa nakita nitong kasama si Armida.


Hindi nya kasi pwedeng lapitan ang Crowned Princess dahil na rin sa utos ni
NightShade at ng Fuhrer.

Iniwas naman ng butler na makita ni Armida ang ginagawa nilang lahat kay Richard.
Wala tuloy syang kamalay-malay na binubugbog na ang nagligtas sa kanya.

"Richard! Armida!"

Tumabi ang lahat dahil sa sumigaw. Lumitaw si Cas, No. 99 at NightShade. Tumakbo
agad si Cas palapit kay Richard.

"Oh my God.." nakita nya agad na duguan ang mukha nito "What happen?"

"Cassandra, leave him alone" cold na sinabi ni NightShade

"Shut up, Joseph!" sigaw nya. Kinuha nya ang braso ni Richard at tinulungan itong
makatayo

"You are not going to help that child, Cassandra" pokerfaced na sinabi ni No. 99
"Scare me, Yoo-Ji.." sabi ni Cas habang tinutulungang maglakad si Richard

"Lady Cassandra..." nagbigay-galang sa kanya ang butler na may hawak sa anak nya

Lumapit si Cas kay Armida at kinuha ito sa butler na kumakarga sa kanya

"Evari, are you alright?" tanong ni Cas habang hinahawi ang buhok ni Amida sa
pisngi nya

"Mama, what's happening?" inosenteng tanong ni Armida kay Cas

"Nothing, baby. Now, tell Mama how are you feeling?" nakangiting tanong ni Cas kay
Armida

"My feet. It hurts. I fell in the stairs. Josef saved me"

Tumingin silang lahat kay NightShade.

"Richard" sabi ni NightShade habang nakakunot ang noo

"Tss.." inisip ni Richard na mag-walkout pero hinatak agad ni Cas ang likuran ng
kwelyo nya

"And where do you think you're going, young man..." sabi ni Cas habang
kinakaladkad si Richard

"Cas! Get your hands off of m--" binatukan agad sya ni Cas para huminto sya sa
pagrereklamo

"Shut up, Richard. You're bleeding." inis na sinabi ni Cas


Sumimangot lang si Richard at nagpakaladkad nalang.

Tuloy-tuloy sila sa clinic ng kastilyo para gamutin ang dalawang bata.

May slight sprain na nakuha si Armida dahil sa pagkakalaglag sa hagdan. Si Richard


naman, puro pasa ang katawan at nagkaroon ng sugat ang noo dahil sa pagkakalaglag.
3 stitches din ang nakuha nya dahil doon.

Nakatulog na si Armida na may benda ang paa sa kama ng clinic. Nakatulog na rin si
Richard dahil sa nakuhang bugbog at sa pagod.

"Why did you help that child, Cassandra?" galit na tanong ni NightShade habang
pinapanood si Cas na punasan ang puro pasang braso ni Richard

"Shut up, Joseph. This child is yours, in case you've forgotten" mariing sinabi ni
Cas

Pumikit nalang si NightShade at napahawak nalang sa noo nya dahil sa pagkairita

"I told you, dapat kinadena mo na ang anak mo sa kwarto nya. Binibigyan mo lang ng
problema ang sarili mo. Alam mo ba kung anong oras na?" galit na sinabi ni No. 99
kay Cas

"Isa ka pa, Yoo-Ji. Ikakadena? Alam mo ba kung ilang taon lang yang anak NATIN?"
inis na sinabi ni Cas kay No. 99

Tumaas lang ang kilay ni No. 99 dahil sa sinabi ni Cas

"Kung wala kayong pakialam sa mga anak nyo, lumayas na kayo dito.." galit na
sinabi ni Cas habang pinupunasan ang kamay ni Armida na may bakas pa ng jam at
chocolate syrup
"BAKIT BA ANG TIGAS NG ULO MO?!" sabay pa na sigaw ni NightShade at No. 99 sa
kanya

"Sige, pagtulungan nyo kong dalawa. Baka nakakalimutan nyong mga anak nyo 'tong
nandito."

"Ugh! Cassandra, kapag nalaman ng Fuhrer ang ginawa mo, sasalang ka na naman sa
castigation.." mariing sinabi ni No. 99

"So? I don't care! If he wants to kill me, then go for it!" sarcastic na sinabi ni
Cas

Binuhat nya si Armida at binigay kay No. 99

"Dalhin mo yang anak mo sa kwarto nya. Subukan mo lang ikadena yan, at ako mismo
ang magpapakain sayo ng ipangkakadena mo" banta ni Cas kay No. 99

"You think I'm sacred of you?" pokerfaced na tanong ni No. 99 kay Cas

"I know you're not. I'm just telling you what I can do once you try to do your plan
on my daughter" tinapik nya ang balikat ni No. 99 para paalisin sa clinic

"At ikaw!" tinignan ni Cas ng masama si NightShade

"Ano na naman?" inis na tanong ni NightShade

"Dalhin mo na si Richard sa kwarto nya, kapag nakita yan dito ng Fuhrer, mamamatay
ng wala sa oras yang anak mo" galit na utos ni Cas

"Tss.." nag-eyeroll lang si NightShade at lumapit na sa natutulog na si Richard

Binuhat na ni NightShade ang anak nya at sabay-sabay na silang lumabas ng clinic


Buhat nung dalawang ama ang mga anak nila habang nasa likod nila si Cas na naka-
cross arms

"Tandaan mo ang ginawa mong 'to ngayong gabi, Cas.." sabi ni No. 99

"Hindi na ko magtataka kapag nasa balcony na naman kami ni Yoo-Ji at pinapanood


kang nilulunod sa tubig na puno ng yelo" sabi naman ni NightShade

"Ilang counts ng beating ang pwedeng makukuha nya, Joseph?" tanong ni No. 99

"100, I bet. Then 5 days sa cell. Water lang ang pwedeng i-intake" dagdag ni
NightShade

"Sige, ituloy nyo. Sa tingin nyo matatakot ako sa lahat ng sinasabi nyo" sarcastic
na sinabi ni Cas

"We're not scaring you. We're just telling what will happen"

Nagkatinginan sila NightShade at No. 99 at mukhang nabasa ang iniisip ng isa't isa.
Sabay pa silang ngumiti at sandaling sinulyapan si Cas.

"Sige, mag-mind telepathy kayong dalawa dyan. Akala nyo nakakatuwa kayo.. Uhm!"
sabi ni Cas sabay hirit ng magkasabay na batok sa dalawa

"Hehehe.." imbes na mainis, natawa nalang ang mag-bespren sa reaction ni Cas

Nakakatuwang makita na buhat ng mag-ama ang mga anak nila habang nasa likod nila si
Cas.

Si Cas ang nagsisilbing ina ni Richard habang nasa Citadel sya. At the same time,
mother din sya ni Armida.
Kahit na ex-fiancé ni Cas si NightShade, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo
nila sa isa't isa.

At kahit na ex-husband naman ni Cas si No. 99, ganun pa rin ang trato nila sa isa't
isa.

Mas lalong walang nagbago sa pagiging mag-bestfriend nila No. 99 at NightShade


kahit na nasa likod lang nila ang babaeng malaki ang contribution sa buhay nilang
dalawa.

Kahit na hindi maganda ang kinahinatnan ng lovelife nila, magkakaibigan pa rin sila
kahit na anong mangyari.

. . . . . . . . . . . .

Alas kwatro na ng madaling araw. Ilang oras nalang at aalis na si Richard sa


Citadel.

Hindi nya alam kung bakit pero naisipan nyang pumunta ng kusina ng kastilyo para
magnakaw ng pagkain.

Pinalaki sya at nag-training para maging magnanakaw, kaya kung magnakaw man sya
wala nang magtataka.

Kumuha sya ng ilang bar ng chocolate at candied fruits sa cabinet na pinaglalagyan


non at saka sya mabilis na umalis sa kusina.

Hindi nya alam kung bakit pero parang may sariling buhay ang mga paa nya at dinala
sya sa harap ng kwarto ni Armida.
Iniisip nya kung bakit sya nandoon at bakit sya nagnakaw ng pagkain para lang sa
makulit at patay-gutom na batang prinsesang yon.

Binuksan nya ang napakagandang pinto at nakita nya agad si Armida na halos balutin
ng napakalaking kumot at mga magaganda at malalambot na unan.

Inilapag nya ang mga ninakaw na pagkain sa tabi ng unan nito at tinignan nyang
maigi ang mukha nitong naiilawan ng liwanag ng buwan galing sa napakataas na
bintana ng kastilyo.

"Stupid Glutton.." sabi nya

"The next time we meet, I will be the only Prince of this place. I'm hoping you'll
not as gluttony as you are right now once that time comes. It's a shame for me to
have a stupid glutton wife."

Naglakad na sya palabas ng kwarto ni Armida. Tahimik nyang binuksan uli ang pinto
at walang ingay na isinara uli ito.

Ilang hakbang palang ang nagagawa nya nang mapahinto sya dahil naramdaman nya agad
na may tao sa likod nya.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ng prinsesa, hmm?"

Tinignan ng diretso ni Richard ang dinadaan nya

"Subukan mo lang na kunin ang regalo ko sa kanya, babalikan kita" banta ni Richard
Nag-smirk lang ang tao sa likod nya

"Sa tingin mo ba kayo ang nakatakda para sa isa't isa? Baka nakakalimutan mo, hindi
papayag ang ama mong makuha mo ang korona. At hangga't hindi ka tinatanggap ng
Citadel bilang Crowned Prince, wala kang makukuhang kahit isang respeto mula sa
lahat."

"Pwes, patutunayan kong akin talaga ang korona ko. At oras na makuha ko ang trono,
sa ayaw nyo man o sa hindi, mapupunta sakin ang prinsesang iniingatan nyo"

At naglakad na si Richard pababa ng kastilyo.

Kailangan na nyang pumunta sa private plane na magdadala sa kanya sa Capitol na Man


Office ng Assassin's Asylum.

~~~~~The End~~~~~

Pumunta si Alex sa direksyon ng bahay nila Josef

Pumunta naman si Josef sa direksyon ng resthouse

HIndi naman alam ng iba kung sino ang susundan nila.

Sumunod ang mga Wives kay Josef.

Sumunod ang mga Husbands kay Alex.

Hindi nila magawang magsalita sa sobrang excitement, overwhelming feelings, takot,


kaba, nerbyos, saya, kilig, lungkot.

Halo-halo na ang emotions na halos maluha-luha na nga ang mga Wives dahil hindi na
nila alam ang mararamdaman.
"J-josef, what happen to her?" tanong ni Nikki

"Muntik na syang masagasaan. But don't worry, she's fine. Na-shock lang sya. Wala
namang fracture kaya magiging ok naman sya paggising nya." sabi ni Josef

Sinamahan nila si Josef sa may cabin ni Fovi. Nasa likod lang yon ng resthouse.

Pagpasok sa loob, inayos agad ni Nicole ang paghihigaan kay Fovi.

Inilapag naman agad ni Josef ang walang malay na si Fovicate sa kama at kinumutan
agad.

"J-josef... Si A-armida.." nag-aalalang sinabi ni Miethy

Nilingon agad ni Josef ang tatlo. Magkakatabi pa at magkakahawak.

Dahan-dahan syang lumapit sa kanila. Paatras naman ng paatras yung tatlo.

"J-josef.. Hehehe.. A-ano.. Ano kasi.."


Dumipa si Josef at tin-rap silang tatlo sa may pader. Yumuko si Josef para itapat
ang mukha nya dun sa tatlo.

"Wag na wag nyong susubukang sabihin sa babaeng yan na binuhat ko sya hanggang
dito.. Understand?" mahinahon pero ramdam ang pagbabanta sa tono ni Josef

Nanginginig na tumango ang tatlo sa kanya

Kinikilabutan sila sa aura ni Josef. Masyadong nakakatakot. Masyadong hot. Sa


sobrang hot, mala-impyerno na ang dating.

Sa tingin nila, si Josef ang may problema sa pag-iisip at hindi si Armida.

"Oras na malaman kong nalaman nya ang nangyari ngayong gabi, humanda na kayong
tatlo.."

"O-o-oo.. Hi-hindi k-kami mag-mag-magsasalita..."

"Good.." nginitian sila ng matamis ni Josef na lalong nagpakilabot sa kanila

Ang lakas lang maka-psychopath.

Tumayo na ng diresto si Josef at nagpamulsa. Sinuklay nya ang buhok nya habang
pinapanood lang sya nung tatlo na nanginginig na ang tuhod sa takot.

Pumunta na sya sa may pinto para lumabas.

"Bye girls... Gute Nacht" naka-smile na sinabi ni Josef at tuluyan na syang


lumabas ng cabin

After a few seconds...

"Oh my Gosh.." sabay-sabay na napaupo ang tatlo at kanya-kanyang hawak sa dibdib.


Hingal na hingal sila kahit ganun lang ang ginawa nila.

"Nic, touch mo!" kinuha ni Nikki ang kamay ni Nicole at inilagay sa dibdib nya
"Anlakas!!"

"Ay, oo nga!!" tumango naman ang natatakot na si Nicole dahil malakas nga ang
heartbeat ni Nikki "Nakakaloka!!"

"T-t-teka... L-lumabas ata kaluluwa ko.. Sandali hanapin ko muna.." hinihingal na


sinabi ni Miethy habang pinipilit na tumayo

Meanwhile....

"Alex, san mo nakita si Armida?" tanong ni JC habang tinutulungan si Jasper sa


pag-aayos ng kamang paghihigaan ni Armida
"Sa may beach. Naglalakad-lakad lang ako nang makita ko syang biglang bumagsak."
inilapag na nya si Armida

"Pare, alam nyo ba yung view nyo kanina ni Josef.. Lakas lang maka-pelikula!" nae-
excite na sinabi ni Earl

"Pucha, pare astig nga eh!" sabi ni Jasper at nakipag-bro fist pa kay Earl

"Imagine, buhat mo yung asawa nya..." -Jasper

"Tapos buhat nya yung asawa mo! BAM!" sabi ni Earl at umaktong parang may binagsak
sa sahig

"Tumigil na nga kayo... Akala nyo ba masayang makita na buhat nya si Fovi.. Eh alam
naman nating may gusto si Fovi sa kanya.." inis na sinabi ni Alex

Kinumutan na nya si Armida at pagkatapos ay sabay-sabay na silang lumabas ng bahay.

Pabalik na sila sa resthouse nang makasalubong na naman nila si Josef na naglakad


pabalik sa bahay nila

Napahinto silang apat habang pinapanood si Josef na maglakad.

Naka-serious-mode lang sya habang nakapamulsa.

"Pare, gyera 'to.." bulong ni Earl


"Ano, balyahin nalang natin.." bulong ni JC

"Pano kung rumesbak yan.." bulong ni Jasper

Huminto si Josef may isang dipa ang layo kila Alex. Tinignan nya ng masama ang nasa
harap nya.

"Nawalan ng malay ang asawa mo habang mag-isa sa may beach. Hindi mo sya dapat
iniiwanang mag-isa kung mahina ang katawan nya.." seryosong sinabi ni Alex

"Wag ang asawa ko ang intindihin mo. Pagsabihan mo ang asawa mo. Muntik nang
masagasaan yun kakabuntot sakin."

Walang pagdadalawang-isip na sinugod sya ni Alex at kinwelyuhan sya.

"Alam mo, ang angas mo.. Kasalanan mo 'tong lahat eh.." galit na sinabi ni Alex
kay Josef

"Wag ako ang kagalitan mo.. Nananahimik ako.." maangas na sinabi ni Josef at
sapilitang tinanggal ang kamay ni Alex sa kwelyo nya "Binalaan na kita, kontrolin
mo ang asawa mo. Dahil oras na ako ang gumawa nun para sayo, baka magsisi ka.."

"Hayop ka talaga!!"

"O! Awat na! Awat na!" pumagitna na sila JC dahil nag-ambahan na ng suntok ang
dalawa
"Wala kang karapatang pagsabihan ako dahil wala kang alam!!" sigaw ni Alex habang
dinuduro si Josef

"Pare, tama na!" awat ni JC sa kanya

Tahimik lang si Josef habang nilalabanan nya sa titigan si Alex

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko kaya wag kang magsalita!"

"Huh! Nararamdaman mo?! Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Ang sinasabi ko,
pagsabihan mo ang asawa mo! Nakakahiya, kababae nyang tao! May asawa na nga,
lumalandi pa sa ibang may asawa na!"

"Aarrgghh!!"

At sinugod na ni Alex si Josef sa sobrang galit.

Nagsuntukan agad ang dalawa. Hindi na nakapang-awat pa sila JC dahil hindi na rin
nila alam ang gagawin.

Ibinalibag ni Josef si Alex sa kalsada at saka nya sinugod.

Gumanti naman si Alex at sinuntok din sa mukha si Josef ang kaso nailagan naman
nito.

Ang galaw ni Alex sa pakikipag-away, walang wala sa galaw ni Josef na sanay sa


bugbugan.

Isang suntok sa sikmura ang nakapagpatahimik kay Alex. Nakabaluktot lang sya habang
iniinda ang sakit na binigay ni Josef sa kanya
"Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo.. Wag mo na ulit susubukang lumapit
sa asawa ko, dahil magsisisi kang ako ang binangga mo.."

At tuloy-tuloy nang naglakad si Josef papasok sa loob ng bahay nila..

______________

Sensya na kung alang effort ang chapter na ito.. Thrice ko kasing binago ang
chapter na ito eh para mag-swak sa mga next pang chapters.. :)

Alas 3 ng umaga nang magising si Armida. Tinignan nya ang paligid, nasa bahay sya
at nakahiga sa kama nila. Nasa tabi nya si Josef at nakadapa pa matulog habang
nakapatong ang kanang braso nito sa tyan nya.

Hindi nya matandaan kung paano sya napunta sa bahay nila dahil sa pagkakaalam nya
nasa beach sya.

Hindi nalang nya ginawang big deal kung paano sya napunta sa bahay nila kaya
pumunta agad sya sa banyo para magbabad sa bathtub.

After an hour...

Nakapag-asikaso na sya ng sarili at nakaligo na rin.


Tulog pa rin si Josef. Tinignan nya ang orasan, 4:27.

Pumunta sya sa kusina para tignan kung anong mailuluto. Marunong syang magluto ng
breakfast since basic lang naman ang process of cooking nun. Frying, oven-cooking
and kaya na ng toaster.

Tinignan nya ang ref.

Sausages, cheesedogs, chicken franks, eggs, chicken fillet, bacon. Ito lang yung
familiar sa kanya aside from read meats.

At dahil puro prito lang yun, kinuha na nya yung bacon, cheesedogs, anim na itlog
at chicken franks. Kumuha din sya ng butter at fresh milk. Gagawa uli sya ng french
toast na masarap. Wala silang rice doon kaya wheat bread nalang.

Nagprito agad sya ng mga dapat iprito. Madali lang naman eh.

Armida's Cooking Tutorial:

1. Ilagay ang frying pan sa stove at hintaying uminit.

2. Lagyan ng oil, yung tama lang depende sa isasalang sa frying pan.

3. Ilagay ang iluluto. Chicken franks at cheesedog, sabay nang iluto. Magkamukha
naman sila eh.

4. Hintaying maluto, as long as hindi pa amoy-sunog keri lang, ibaliktad if needed

5. Paano malalaman kapag luto na?

= Kapag hindi pa umaapoy ang frying pan

= Kapag hindi pa sumasabog ang tanke ng gas


= Kapag hindi pa sunog ang buong bahay

= At kapag tapos na ang 3-minute cooking process

6. Kapag feel mo na talagang ok na ang pagkakaluto at edible pa rin ang nasa frying
pan, ilipat na agad sa plato then Voila!

May almusal ka na! Yum! Yum! Yum!

Ansabeh ni Kusina Master Josef dyan, bwahahaha...

Naghanda din sya ng coffee sa coffee maker. At syempre may secret sya sa coffee
kaya masarap pero habang tulog pa ang iinom, hindi pa nya ihahanda. Wag na ring
mag-expect ng instruction, secret nga kasi..

Inabot sya ng one hour for preparation. Medyo slow kasi sya sa kusina, di gaya ni
Josef na naka-double time.

Quarter to six na nang magising si Josef. Pinanood lang sya ni Armida habang
papasok sya ng banyo.

"Okey.." itinuloy nalang nya ang paggawa ng pinagmamalaki nyang French toast na
halos lunurin na nya sa gatas

After 20 minutes, lumabas na si Josef na bagong ligo.


Tinignan lang nya si Armida na nakatutok sa ginagawa nitong pagpiprito. Mukhang
hindi man lang sya napansin na nakalabas na ng banyo. Nagbihis na sya agad at
pumunta na sa kusina.

"Saan ka galing kagabi?" tanong ni Josef. Umupo na sya sa dining chair at kumuha
ng isang loaf bread at bacon.

Ang totoo nyan, galit pa rin sya kay Armida. Lalo pa, nalaman nyang tinutulungan
nito si Alex. Ang mas malala pa nyan, nakita nyang buhat ang asawa nya nung
lalaking yun kagabi lang. At sinong matinong lalaki naman ang matutuwang makita ang
view na yon, aber?

Well, hindi naman pala sya sobrang galit. Nagseselos lang sya :P

Traydor na konsensya: Paano kaya kung malaman ng asawa mong buhat mo yung asawa ni
Alex kagabi? Yari ka, hehehe

"Galing ako sa beach kagabi, dyan lang malapit sa veranda. Ewan ko kung anong
nangyari, nagising nalang ako nandito na ko..." sabi ni Armida. Kumuha na sya ng
dalawang mug at ginawa na ang kanyang special coffee.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Hindi naman, bakit?" inilapag na nya sa mesa ang kapeng ginawa "Teka, ikaw ba
ang nagdala sakin dito kagabi?"

Napahinto si Josef sa pagnguya at seryosong tinignan ang asawa nyang obvious na


walang kamalay-malay sa mga nangyari kagabi.

"Oo, ako." iniwas agad ni Josef ang tingin nya kay Armida at nag-focus nalang sa
pagkain nya
"Liars go to hell, Joooseef..." sabi ni Armida on a very sweet voice while smiling

Napataas agad ng kilay si Josef at inis na tinignan ang asawa nyang wagas makangiti

" 'Problema mo?" inis na tanong ni Josef

"Ikaw ang nagdala sakin dito? Telege leng he.." umupo na si Armida sa mesa dala
ang niluto nyang french toast. Si Josef daw ang nagdala sa kanya tapos tinanong
kung saan sya galing kagabi. Anong klase yun?

"Kahapon ka pa ha, tumigil ka na. Nabubwisit na ko.." inis na sinabi ni Josef.


Kinuha na nya ang mug nya at ininom na ang special coffee ni Armida

"Pwede bang malaman kung saan mo ko nakuha last night, hmm, Mr. Richard Zach?"
tanong ni Armida habang nakangiti at pinapalamanan ang french toast nya ng bacon

"Sa beach.." seryosong sinabi ni Josef

"Oh Come On! Sa beach? Wala ako sa beach kagabi, Josef! Nasa ano kaya 'ko.. Nandun
sa ano.. Sa may ano.. Anong pangalan nun, Ah, nasa talipapa kaya ako! Aaahhh..
Sinungaling si Josef.."

Parang batang nang-aasar si Armida sa asawa nya. Alam nya kasing nagsisinungaling
ito at gusto lang nyang mahuli para malaman ang totoo.

"Excuse me, Mrs. Armida Zach, hinanap kita kagabi at nanggaling ako sa talipapa.
Kahit anino mo, hindi ko nakita kaya paano ka mapupunta dun." seryoso pa rin si
Josef. Wala kasi syang makitang nakakatuwa sa mga oras na yon. "Who's lying now?"

"Tss.. Galit ka pa rin?" sumimangot lang si Armida at tinignan ng masama ang mug
nya "Iyakin ka na nga, seloso ka pa, tapos ngayon matampuhin ka na rin.. Gusto ko
lang namang malaman kung sino ang nagdala sakin dito kagabi, kung maka-react ka
naman akala mo..."

"Eh ako nga ang nagdala sayo dito, ano bang pinoproblema mo?"

Tumahimik sandali si Armida at binasa ang mukha ng asawa nyang iritang-irita na.
Gusto nya tuloy matawa sa itsura ni Josef. Kung ang pinoproblema ni Josef eh yung
kahapong pinag-awayan nila, masyado naman yatang OA. Malamang may nangyaring hindi
maganda habang wala syang malay. Naiintriga tuloy sya.

"May nangyari ba kagabi? Sabihin mo na, hindi ako magagalit." seryosong sinabi ni
Armida

"Anong 'hindi ka magagalit', ako nga ang dapat magalit dito eh," inis pa rin
talaga si Josef

"Eh bakit ka nga nagagalit?"

"Diba sinabi ko na sayo na wag mo nang pakialaman ang buhay nung mag-asawang
Hernandez na yon, ano na namang ginawa mo ha?"

"Bakit? Ano bang ginawa ko?"

"Ah! At tinanong mo pa kung anong ginawa mo! Tama bang bigyan mo ng mataas na
company position yung Alexander Hernandez na yon ha?"

"Ayun!" tumango-tango pa si Armida at kinain nalang ang kung anong madampot ng


kamay nya sa mesa

Now she get it. Jelly nga si Josef.

"I'm not sure if the CEO-thingy is the real deal here or the thought of him having
this connection with me bugging you most. But it seems like the jealousy of yours
developed on both reason that's why you're acting like that now." ininom na nya
ang kape nya at sinaid agad ang laman ng mug "Spell Jealous.. J-O-S-E-F.. Ang
galing ko talaga sa spelling, hehehe.."

Naningkit agad ang mata ni Josef sa sinabi ni Armida "I'm not jealous!"

"You are!"

"Am not!"

"You are!"

"I said--"

"You are.. hehehe..."

"Ugh!" napasandal nalang si Josef sa inuupuan nya dahil sa inis "Ano kayang
mararamdaman mo kapag nakipaglandian ako sa Fovicate Hernandez na yon, huh?"

"I know you can't flirt with her.." naka-smile pa rin si Armida

"I can.."

"You can but you won't."

"How did you say so, huh?" nag-cross arms pa si Josef para hamunin ang asawa nya

"Eh pano ko nga ba nasabi, ha, Josef.. Ano nga bang dahilan kung bakit hindi mo
magagawa kahit kaya mo?" tumayo si Armida para kumuha ng baso sa cabinet. Nagsalin
rin sya ng tubig na galing sa ref dun sa baso.

Kumunot lang lalo ang kilay ni Josef dahil sa pagbabalik ni Armida ng tanong sa
kanya.

Ito ang kinaiinisan nya sa lahat. Kapag cino-corner sya ni Armida at umaabot na sya
sa point na wala na syang magagawa kundi ang sumuko.

Kaya naman nyang dumepensa pero lagi syang nawawalan ng rason at ikakatwiran. Pero
pag ibang tao ang kausap nya, nagiging dominating naman sya.

May something si Armida na hindi nya talaga kayang labanan. Not sure if dala ng
pagiging assassin nito, pagiging matigasin ng ulo at ang gusto nya lagi ang dapat
na nasusunod o mahal lang talaga nya kaya ayaw nyang patulan.

Kapag sinagot ni Josef ang tanong, panalo na naman si Armida. Corner na sya eh.

Sample:

= Kapag sinabi nyang hindi nya magawa kasi mahal nya ang asawa nya at wala syang
balak magloko, o eh di llamado na naman si Armida.

= Kapag naman sinabi nya na hindi nya magawa kasi hindi nya type si Fovi, o eh di
panalo pa rin si Armida.

= Kapag naman sinabi nya na hindi nya magawa kasi malalamang criminal sya. Armida
won again.

= Kapag naman sinabi nya na may asawa na sya at may asawa na si Fovi. 4 points na
si Armida.

= Kapag naman ginawa nya, at sumuko agad sya. Mas nakakahiya kasi panalo na nga
ang asawa nya, nasira pa ang malinis nyang record na pagiging seductive one-woman
man. Babalik at babalik pa rin sya sa asawa nya at sa oras na yon, mas masakit na
ang pang-aalaska nito sa kanya. Eh mukhang si Armida ang tipo ng misis na kung
magloko man ang mister nya eh wala nang kataka-taka dahil nature ng lalaki ang
mangaliwa, kaya hindi na rin ito magagalit ng bongga. Mabubugbog lang sya ng sobra
then ok na lahat. Ganun lang. Oh eh di 5 points straight!
Ting! Ting! Ting!

Armida Won!

Hindi nya magagawa. Tapos ang usapan. No matter how valid his reason is, it's still
pointless.

Remember: Never argue with women. They are always right.

"O, suko ka na ba?" tanong ni Armida sabay inom ng tubig

"Just leave them alone. Tigilan mo na kung ano man yang kademonyohang binabalak
mo.. " iritang irita si Josef habang nakatitig sa hawak nyang loaf bread na may
butter

Natawa nalang si Armida dahil nababasa nya sa mukha ni Josef ang mga salitang:

OO NA, PANALO KA NA. LAGI NAMAN. KELAN BA KO NANALO SAYO.

Inilapag nya ang hawak na baso sa mesa at kumandong sa may lap ni Josef. Hinawakan
nya ang magkabilang pisngi ng asawa nya sabay smile.

"Basa yang kamay mo tapos nilagay mo sa pisngi ko, nang-iinis ka ba talaga?"


naiiritang sinabi ni Josef

Natawa ng mahina si Armida at inilagay nalang nya ang kamay sa balikat ni Josef

"Haay naku, ginawa pang punasan ng kamay ang t-shirt ko.. Naman talaga, oo.." lalo
lang naiirita si Josef sa ginagawa ni Armida
"Hehehe..." lalo lang natutuwa si Armida sa pagkainis sa kanya ng asawa nya.
Ipinalibot nalang nya ang braso nya sa may batok nito at idinikit ang ang pisngi
nya sa pisngi ni Josef. "Oo nga, basa nga.." naramdaman kasi nyang basa ang
pisngi ng asawa nya

Ilang minuto rin silang ganun ang position.

Walang imikan.

Just enjoy the moment.

Hindi na tuloy alam ni Josef kung pinagtitripan lang sya ni Armida, naglalambing
lang ba o pinapalamig lang ang mainit nyang ulo.

Well, whatever the reason is, alam nya sa sarili nyang gusto nya ang ginagawa ni
Armida. At kumakalma na sya habang tumatagal.

"Kung ano man ang binabalak mo, sana wag mo nang ituloy." mahinahong sinabi ni
Josef

"Uhmm.." gumilid agad ang mata ni Armida. Kilos na ang ibig sabihin ay 'ayoko nga'
"I'll try.."

Kumunot agad ang noo ni Josef at hinawakan si Armida sa balikat nya para ilayo sa
kanya ng konti. Gusto nyang makita ang mukha nito para malaman kung ano ang
kelangan nyang problemahin. Na naman.
"Don't try. Do it."

Nag-pout lang si Armida at iginilid uli ang tingin.

"Armida..."

"Ok," pi-nat nya ng dalawang beses ang balikat ng asawa nya

"I will." depende sa mangyayari ngayon "I'll avoid them" kapag hindi pumunta
dito si Miethy para ipasundo tayo nung lukaret na Fovi na yon "Yung position ni
Alex as CEO babawiin ko" pagkatapos kong gawin ang plano ko "And, titigilan ko na
rin si Fovicate Hernandez" kapag nasiraan na sya ng bait at naging miserable na
ang buhay nya "I'll do that for you. Para naman hindi ka na magalit sakin"

At gaya nga ng sinabi ni Jin. Magkaibang-magkaiba ang hindi pagsasabi ng totoo at


hindi pagsasabi ng buong katotohanan. Mas mabuti kung limitado lang ang alam ni
Josef. Hindi pa tapos ang plano nya. Pero kung hindi na naman aayon ang pagkakataon
sa kanya, mas chance na tigilan na rin nya ang kalokohang iniisip nya. Madali naman
syang kausap.

Kinurot nya ng mahina ang pisngi ni Josef at hinalikan nya ito ng mabilis sa labi
sabay smile

"I don't trust that Cheshire cat smile of yours, Armida.." sabi ni Josef habang
pokerface lang na nakatingin sa asawa nyang nakangisi

"Haay," itinaas nalang ni Armida ang kamay nya para sumuko "Sige, panalo ka na.
Iiwas na ko hangga't maaari."

"I still don't trust your words.."

"That's much better. Don't trust my words, I may swallow it later. Smile ka na.
Sige na.. Eeee, ngingiti na yan.. hehehe..." pang-aasar ni Armida "Don't worry,
kahit ano namang mangyari hindi pa rin kita iiwanan.. Ngiti ka na, kahapon ko pa
hindi nakikita yung killer smile mo eh.. Ashoo-shoo-shoo-shoo... Eeee... Smile ka
na dali, ngingiti na si Joseeff.. Ayyiiee.." isang matamis na ngiti ang binigay ni
Armida kay Josef

Mabuti naman kung ganon nga.. At least babalik at babalik pa rin si Armida sa
kanya. Yun lang naman ang mahalaga. At ang problema... Teka, isipin natin..

Traydor na Konsensya: Ano, Josef. Naiinis ka pa ba, hmm?

Isinubsob nalang nya ang mukha nya sa leeg ni Armida at doon nalang itinago ang
ngiti nya. Nahihiya syang makita ng asawa nya yung ngiti nya. Pinilit sya eh.
Mahina sya sa ganyanan. Mamaya asarin pa sya ni Armida kapag nakita syang namumula
na naman. Sabihin pa nito, kalalaki nyang tao, nagba-blush. Lakas pa namang mang-
alaska ng asawa nya.

Kung kelan ok lang kay Armida na makita syang ngumiti, saka pa nahiya. Asus..

Ang tigas mo nalang kung hindi ka napangiti ng chapter na 'to kahit saglit lang,
yeah b(^_^) d

Anyway, gusto kong pasalamatan ang lahat ng followers, readers and voters ng story
na ito. Natutuwa lang po ako kasi bibihira po akong mag-promote ng stories, lalo na
po yung Superior Assassins and itong Gangsters pero mataas na po para sakin ang mga
votes nila. Masaya po ako kasi nage-exert po kayo ng effort para i-click ang star
up there button. Kahit po yung Foxy Slayer na twice ko palang yata i-prinomote ever
since nung natapos sya, kaya nakakatuwa kasi may mga nagbabasa at nagvo-vote sa
story. Tengkyu, tengkyu! ^__^ da best kayong lahat!
Nakaupo si Armida sa kama. Hinihintay nya na matapos si Josef sa ginagawa nito sa
kusina. Si Josef kasi ang naghugas ng lahat ng plato at mga ginamit ni Armida.

Ayaw magtagal ni Josef sa bahay nila. Alam nyang anytime susulpot na si Miethy at
aayain na naman silang mag-asawa sa kung saan at magkakaproblema na naman.

"O, tara na.." sabi ni Josef na kakatapos lang magpunas ng kamay

Tumayo na si Armida at tinignan ang wristwatch nya. 8:03am. Hindi pa sya


nakuntento, tinignan pa nya ang wall clock. 8:13am. Hindi nya tuloy alam kung
advance ang clock nila o late lang ang watch nya.

Lumabas na sila ng bahay.

Nakasuot na naman ng white longsleeve si Josef na nakatupi ang sleeve hanggang siko
at naka-unbutton ang dalawa sa itaas na butones. Naka-black pants na naman sya at
leather shoes.

At si Armida, white peasant dress na naman na hanggang talampakan ang haba. Dala na
naman nya ang knitted bag nya na may lamang pera.

Wala naman silang ibang makitang damit sa cabinet at drawers nila kundi pambahay at
mga damit na mukhang pangkasal. At walang ibang kulay kundi black and white.

Pasimple pang sumulyap si Armida sa rest house para hintayin kung lalabas ba sila
Miethy. Pwede syang pumaraan.

"Wag ka nang maghintay sa kanila, Armida." sabi ni Josef


Nag-eyeroll lang si Armida at sumimangot.

Nagpatiuna nalang sya sa kalsada para lumayo ng konti kay Josef.

"Ano, tadhana. Dare tayo, kapag 20 minutes ang lumipas at hindi ako nakatungtong sa
loob ng rest house, titigilan ko na ang plano ko. Game?" bulong ni Armida sa
langit

"Hoy, kung inaatake ka na naman ng kabaliwan pwede sa loob mo nalang ng bahay


gawin. Wag dito sa gitna ng kalsada kasi ikakaila talaga kita bilang asawa ko."
sabi ni Josef habang nakapamulsa sa harapan ng asawa nyang nakatingala

Tinignan nalang ng diretso ni Armida si Josef

"My odds are high." tumalikod na si Armida at nagsimula nang maglakad. Sumunod
nalang sa kanya si Josef.

Magkatabi sila pero walang touching moments na normal na ginagawa ng mga couples.
Parang kung paano maglakad ang mga friends, ganun. Sabay lang sila maglakad. Walang
ka-inti-intimacy.

Ilang metro palang ang nalalakad nila nang biglang huminto si Armida at inamoy ang
hangin. Napahinto na rin si Josef at tinignan ang asawa nyang palinga-linga at
parang may hinahanap.

"Josef, do you smell that?" tanong ni Armida

"Smell what?" inamoy naman ni Josef ang paligid "Hmm, amoy fried rice. Ambango.."

"Tangek! Hindi yun!" sinundan ni Armida ang naamoy nyang kakaiba


"Ano na naman yang naamoy mo ha?"

"Baril.. May baril sa paligid."

"Baril? Naamoy mo yun? Ano ka, K9?!" gulat na tanong ni Josef. Tinignan lang tuloy
sya ng masama ni Armida.

Well, at least hindi na tinanong ni Armida kung anong pinagkaiba ng girl sa dog,
diba? Umunlad na, naging K9 na ang term ni Josef.

"Josef, amoy gunpowder ang hangin. Kung gawa lang yun ng iisang baril, hindi ko yon
dapat maamoy." sabi ni Armida habang sinusundan ang naamoy nya

Nag-eyeroll lang si Josef at sinundan nalang ang asawa nyang umaariba na naman ang
kawirduhan

"Nung unang beses, ang sabi mo nakabisado mo na ang amoy ko samantalang wala naman
akong naamoy na kakaiba sa katawan ko. Tapos ngayon, gunpowder naman? Ano bang
klaseng ilong meron ka?" tanong ni Josef habang tinitignan ang dinadaanan nila.

"Abnormal ang olfactory system ko. At dun sa amoy mo, I can smell special human
scent. Mga taong may abnormal secretion of volatile pheromones at may unique sweat
glands. Isa ka dun sa may abnormal secretion of volatile pheromones."

Kakahuyan na at gubat na ang nilalakaran nila. Nadaan na doon minsan si Josef nung
pinagtripan nya sila JC.

"Talaga?" tanong ni Josef habang inuusisa ang daan nilang puno ng tuyong dahon

"Lilima palang kayong nakikilala kong may ganyang kaso. Si Mephist, si Psyche, si
No. 99, si Razele at ikaw. Hindi naaamoy ng normal na tao ang ganun kaya malamang
na hindi mo rin yun maamoy."
Alam naman nating may something talaga sa ilong ni Armida, bata palang sya, kaya
hindi na nakakapagtaka na naaamoy nya ang kung ano man ang naamoy nya ngayon.

"And about the gunpowder, 13 years na kong assassin, hindi na mahirap ang malaman
kung may baril sa paligid."

Pitong minutong lakaran lang at huminto si Armida sa likod ng resthouse kung saan
tumutuloy sila Fovi.

Natunganga tuloy silang mag-asawa habang nakatingin sa bahay.

"Armida, sinabi ko na diba. Lumayo sa problema. Iwasan na sila. Ako ba eh niloloko


mo ha." pokerfaced na sinabi ni Josef habang nakatingin sa bahay

"Josef, dito huminto yung amoy. Anong ibig sabihin nito?" kahit si Armida hindi
rin maintindihan ang nangyayari. Tinignan nya ang relo nya.

19 minutes na ang lumipas pagkatapos nyang makipag-deal sa langit.

Hindi pa tapos ang deal. May chance pa at dinala sya ng pagkakataon sa lugar na
dapat lalayuan na nya.

Ano, tutuloy o hindi?

"Hoy! Anong ginagawa nyo dyan?!"


Biglang lumabas sa bahay at sa likuran nila ang limang lalaki na may hawak na
matataas na kalibre ng baril. Tinutukan sila at dahan-dahang lumapit sa kanila.

"Why does destiny always put the best chance for me at the worst moment?" sabi ni
Armida habang tinitignan ang hawak na AK-47 ng mga lalaking pumapalibot sa kanilang
mag-asawa

"I'm not sure if magnet ka lang talaga ng trouble o magnet lang talaga ako ng
kamalasan.." sabi ni Josef

Unfortunately, they're both.

Tinusok-tusok sila ng nguso ng baril para papasukin sa loob ng rest house. Pagpasok
doon, bumungad sa kanila ang ilang lalaking nagbabaraha at tumayo nang makita
silang dalawa.

Sumenyas ang isang may hawak ng baril para gapusan silang dalawa. Kinuha ng isang
lalaki ang nakatabing lubid sa gilid lang ng mesa na nilalaruan nila.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Mukhang kinikidnap na naman sila. Ng mga totoong


kidnapper. Mga pipitsuging kidnapper. Mga amateur na kidnapper. Mga kidnapper na
obvious na ransom lang ang habol. Mga kidnapper na nanghihiram ng tapang sa baril.

Tahimik lang sila habang ginagapusan ng dalawang lalaki. Nagsesenyasan pa ang mga
ito dahil masyadong kalmado ang mag-asawa para sa kinikidnap. Parang hindi marunong
matakot.

"Mukha kayong mayamang dalawa ah.. Mayaman ba pamilya nyo?" tanong ng isang
lalaking sitting pretty at hine-head-to-toe silang dalawa

"Mga ulila na kami. Pinapatira lang kami sa katapat na bahay nitong resthouse.
Pinahiram lang din sa amin itong damit. Kaya mukha kaming mayaman" mahinahong
sinabi ni Armida
"Boss, daming pera oh.." sabi ng isang lalaki habang kinakalkal ang dalang bag ni
Armida. Inilabas nya lahat ng laman ng bag at nakuha nila ang 30 thousand na laman
nun

"Hindi mayaman huh.." sabi ng tinawag na Boss nung lalaki. Sya rin yung nanghe-
head-to-toe.

"Ninakaw ko yan sa isa sa mga turista dito." sabi ni Josef

False information is the best.

Tumango-tango lang ang Boss at sinenyasan ang ilang mga tauhan nya na iakyat na
sila Josef sa taas ng resthouse.

Tinignan lang ng mag-asawa ang isa't isa habang inaakyat sila sa taas ng resthouse.
Napadpad sila sa pinakadulong parte ng resthouse. Huminto sila sa tapat ng isang
mahogany door na may magandang sculpture.

"Wag kayong gagawa ng ingay kung ayaw nyong matulad sa kanila" sabi ng isa sa
nagdala sa kanila. Binuksan na ng kasama nya ang pinto sabay tulak sa kanilang
dalawa sa loob ng kwarto.

Nasubsob ang dalawa sa kahoy na sahig. Sumara na ang pinto at nabalot ng kadiliman
ang buong kwarto. Nakapatay ang mga ilaw. Nakasara ang mga bintana.

"Josef, kaya mong makatakas?" tanong ni Armida

CLICK!
At biglang bumukas ang ilaw

"May sinasabi ka?" tanong ni Josef habang nakatingin sa asawa nyang naka-indian
seat sa sahig. Nasa tabi na sya ng pinto at nagawa na nyang buksan ang ilaw.

"Tss.." nag-eyeroll lang si Armida at umiling

Ano nga bang aasahan mo kay Josef eh trained sya sa kahit anong klase ng escaping.
Kasimple-simple ng pagkakagapos sa kanya kaya sisiw lang ang pagtakas, ni hindi nga
sya pinagpawisan.

Ang kaso...

"Mmmmm!!!"

"Agh, damn.." napa-facepalm nalang si Josef nang makita ang nasa harapan nya

Nakagapos yung apat na couple. Pare-parehong may busal sa bibig at nakatingin sa


kanya. Sinasabi na pakawalan sila.

Ginawa naman ni Armida ang magagawa nya para makatakas sa pagkakagapos nya. At
nakatakas naman sya. Hindi nga lang kasingbilis ng kay Josef.

"Ano sa tingin mo, Josef.." tumayo na si Armida at nagpameywang sa tabi ng asawa


nya. Tinignan nilang pareho sila Miethy na nakatingin lang sa kanilang dalawa
"Kung may tatanggalan ka ng busal sa bibig sa kanilang walo, sino?" tanong ni
Josef habang iniisa-isa sila ng tingin

"Isa lang naman ang naiisip ko.." sabi ni Armida at tinignan si Josef. Mukhang
ganun din ang iniisip ni Josef kaya lumapit ito sa tatanggalan nila ng takip sa
bibig

"Matino kausap at hindi maingay." tinanggal na ni Josef ang panyong nakatakip sa


bibig ni JC. Itinapon nya ang panyo sa kama at tumabi uli kay Armida

"Ok, now let's start with the interview.." sabi ni Armida

"Plano nyo 'tong dalawa 'no?!" sigaw ni JC sa mag-asawa

Napataas nalang ang kilay ni Armida dahil kay JC

"Excuse me, ang mag-iinterview dito eh kami at hindi kayo. I'll give you a good
deal. You'll answer all my question pagkatapos pakakawalan namin kayo. Kapag hindi
mo ko sinagot ng matino, papatayin ko kayo isa-isa.." sabi ni Armida

"Ugh! God" napailing nalang si Josef "Don't make yourself sound like you're the
kidnapper. Victim lang din tayo dito, ano ka ba?"

"Josef, what is the Criminel Credo Rule#37?"

"Information before action,"

"O, ano ba ang ginagawa ko?"

"Pero madadaan po yan sa masinsinang usapan. Don't just make any deal. Nandyan ka
na naman sa decision-making mo na walang ka-sense-sense eh.."
"You're wasting time." seryosong sinabi ni Armida

Napa-facepalm nalang uli si Josef. Wala nang pag-asa ang asawa nya. Wala na talaga.
Sige na, suko na sya.

"So, JC. What happen here? Bakit nagkaroon ng mga armed guys dito sa rest house"
tanong ni Armida

"Eh diba kasabwat kayo ng mga kidnappers na yon?" galit na tanong ni JC

"Tanga, kung kasabwat kami dapat hindi na kami ginapos at hindi na kami dinala dito
para ikulong"

TOMOH!

Natahimik nalang si JC at inisip na ang tanga nga naman. At sinong matinong


kidnapper ang magpapagapos sa mga kasamahan nya, aber.

"Anyway, anong oras dumating yung mga yun dito?" -Armida

Inisip pa sandali ni JC kung anong oras nga ba

"Mga, hatinggabi kagabi.." -JC

"Ah, okay. Alam mo kung ilan sila dito?" -Armida

Umiling lang si JC

"Paano ba yan, Josef. Hindi daw alam." sabi ni Armida. Tinignan nya si Josef na
tinatantya pa ang nangyayari.
"Sino ba talaga kayong dalawa? Mga pulis ba kayo? Pwede ba, pakawalan nyo na kami
dito" sabi ni JC

"Sino kami? Kilala nyo na kami. Pulis? Nope. At pakakawalan kayo? gagawin namin yan
mamaya, sa ngayon hindi pa pwede." sabi ni Josef

"At bakit naman?" -JC

"Kung sakaling makatakas kayo, mahuhuli lang kayo ng mga kidnappers at may chance
na maging hostage taking drama ang mangyayari dito.. Mamatay kayo pare-pareho oras
na makawala ang isa sa inyo. Sana marunong kang mag-isip ng sitwasyon. Kung magsu-
suicide ka, sana wag ka nang mandamay" -Josef

Tinignan lang ni Armida ang palibot ng kwarto. Mukha namang simpleng kwarto. Pang-
isang tao nga lang pero malaki.

"Wala akong idea kung ilan ang kidnappers. Ano Josef, I'll do it my way or--"

"I'll do it. Wag ka nang mangialam dahil last time na ikaw ang kumilos, pinatay mo
lang ang sarili mo.."

"Tss.."

Tumabi nalang si Armida at sumandal sa tabi ng pinto. Binuksan ni Josef ang pintuan
at sinilip ang paligid. May nakita syang isang lalaking armado sa dulo ng hallway.

"Pssstt!!"

Napalingon ang lalaki sa kanya at gulat na nakita syang nakasilip sa pinto.


Napatakbo agad ito palapit sa kwarto kung nasaan sila.
Dali-daling sinara ni Josef ang pinto at kinuha ang lubid sa sahig na iginapos sa
kanya

"Ano, may nakita ka?" tanong ni Armida

"Pakikuha ng upuan na yon" itinuro ng tingin ni Josef ang isang kahoy na single
chair na may armrest at puting cushion. Sinunod naman sya ni Armida at inilagay ang
upuan sa gitna ng kwarto, sa tabi ni Josef

BOG!

Pagbukas ng pinto, ipinulupot ng mabilisan ni Josef ang lubid sa kamay ng kidnapper


at hinatak ito paupo sa upuan. Itinali nya ang lubid paikot sa kamay ng kidnapper
at sa armrest. Mabilisan nya yong ginawa sa magkabilang kamay ng kidnapper damay na
pati sa paa. Isinara ni Armida ang pinto at saka sinipa ni Josef ang upuan para
masandal iyon sa pintuan.

"Nice move." nakangising sinabi ni Armida

Lahat ng couple natulala sa ginawa ni Josef. Pumikit-pikit pa sila para


siguraduhing tama ba ang nakita nila.

Masyadong mabilis. Masyadong surreal. Masyadong wow. Pang-action movie ang peg.

"Hoy! Hindi nyo kilala kung sinong--"

PAK!

"Hoy ka rin.. Ilan kayong nandito?" seryosong tanong ni Josef sa kidnapper


"Sino ba kay--" -kidnapper

PAK!

"Ilan. Kayong. Nandito."

"At sa tingin mo sasabihin ko?"

PAK!

Dumugo na ang nguso ng kidnapper kakasampal ni Josef. Ang kaso, ayaw pa ring
magsalita.

"Josef, hindi mo mapapakanta yan ng ganyan lang.. Para naman tayong nasa telenovela
neto eh. Puro sampalan." sabi ni Armida habang hinahagis-hagis sa ere ang hawak na
unan

"O, anong gusto mong gawin ko ha?" inis na sinabi ni Josef

"Tapos na ang role mo. Now, gagawin ko naman ang role ko. Tabi," tumabi si Josef
at pumwesto si Armida sa harap ng kidnapper

"Mister kidnapper. Please naman magsalita ka na. Kasi kung hindi, tatakpan ko ng
unan yang mukha mo" pa-cute na sinabi ni Armida habang itinatapat ang unan sa
mukha ng kidnapper

"Hahaha!"

Natawa nalang ang kidnapper sa sinabi ni Armida. Napataas nalang ang kilay ng mga
couple.
"Alam mo, pare. Magsalita ka nalang. Sige na, hindi mo gugustuhing matikman ang
totoong pait ng buhay.." mahinahong sinabi ni Josef sa kidnapper

"Huh! Ako ba eh ginagago nyo ha?" maangas na sinabi ng kidnapper

"Magsalita ka na please.." pa-cute na request ni Armida

"Hoy sexy, kung-- Aaarrg--Mmmmmmm"

Tinakpan agad ni Armida ang mukha ng kidnapper pagkatapos nyang tapakan ang ibabang
parteng yon. Walang makakarinig sa sigaw ng siraulong kidnapper dahilsa unan. At
hindi pa sya nakuntento, tinalo pa nya ang pumapatay ng upos ng sigarilyo base sa
ginagawa nya. Torture ba kamo? hehehe...

Napanganga nalang sila Josef at JC sa nakikita. Nanlaki naman ang mga mata ng iba.
Ang sadista lang.

"Kapag tinanggal ko ang unan na 'to siguraduhin mo lang na magsasalita ka na dahil


kung hindi, babalatan kita ng buhay" sabi ni Armida. At halatang sanay sya sa
pangto-torture dahil walang wala sa kanya ang ginagawa. Mukhang kulang pa nga eh.

Tinanggal na nya ang unan at bumungad sa kanila ang mukha ng kidnapper na namumula
at maluha-luha na sa sakit.

"Ilan kayong nandito?" tanong ni Armida

"Dose.. Dose kamee.. Doseee... Parang awa nyo na pakawalan nyo na koooo.. Dose
kamee.."
POK!

"Di kami bingi kaya wag mo nang ulit-ulitin.." pagkatapos nyang batukan, hinampas
pa nya ng unan sa mukha ang kidnapper sabay sipa sa sikmura nito "Magsasalita
naman pala, pinahirapan mo pa sarili mo"

Bumalik na si Armida sa tabi ni Josef na ang mukha eh ramdam na ramdam ang


paghihirap ng kidnapper.

"Buti hindi mo pa yan nagagawa sakin.. kung sakali, magsu-suicide talaga 'ko.."
sabi ni Josef habang lumalapit sa kidnapper

"Condolence pare," tinapik-tapik pa nya ang balikat ng kidnapper "Ikaw kasi eh,
sana sinagot mo na ang tanong ko kanina palang para di ka umabot sa ganito"

"So pano. 12 daw, ano nang balak mo? Ah! Wait!" lumapit uli si Armida sa kidnapper

"Aahh, parang awa mo na wag mo kong sasaktan!!" sigaw ng kidnapper kay Armida

POK!

"Wag kang paranoid, tanga! Kilala mo ang mastermind?"

"Hindeehh, hindeeh!! Hindeehh!!!"

"Ah, hindi. Sige, wala tayong magagawa, pipigain na naman kita.." pinulot uli nya
ang unan at tumayo na ng diretso. Tatapakan na sana ulit ni Armida ang 'you-know'
ng kidnapper nang biglang...

"Magsasalita na ko! Magsasalita na koooo..." maluha-luhang sinabi ng kidnapper


"Hindi ko kilala ng personal pero alam ko ang pangalan.."
Huminto sandali ang kidnapper para huminga

"MAGSASALITA KA O HINDEH?!"

"Oo na! Oo na! Magsasalita na! Dyusko naman! Hindi ba pwedeng huminga?!"

POK!

"Hihinto ka kapag sinabi kong huminto ka! Tanga! Anong pangalan? Dali na, kapag ako
napikon tatanggalan talaga kita ng paa"

"Alexander Hernandez! Yun ang narinig kong pangalan na sinabi ni Boss! Ang utos,
kidnapin ang asawa nya para sa ransom pagkatapos papatayin pagkakuha ng pera!"

Pare-parehas silang napahinto dahil sa narinig.

"Pakawalan nyo na ko parang awa nyo naaa... May pamilya kooo.. Pito ang anak
kooo... Kelangan ko lang ng pera kaya ko 'to ginawaaa.."

Sabay-sabay silang napatingin kay Alex na gulat na gulat sa sinabi ng kidnapper.


Hindi ko alam kung bakit pero natatawa talaga ako sa chapter na 'to.. Malapit na
pala ang pasukan, mukhang tatagal ang updates ko ngayon ah.. Nga pala, every other
weekend ang updates ko. Mababa na ang two chapters kada update. In case you wanna
know, hehehe.. :)

Tinakpan ni Josef ng pinunit na tela ang bibig ng kidnapper para hindi gumawa ng
ingay. Tumayo naman sa harapan ni Alex si Armida.

Nakapameywang ito at nakatingin sa mukha ni Fovicate na pulang pula na sa kakaiyak.

"Let's see.." tinanggal ni Armida ang busal sa bibig ni Fovicate

"You're a good for nothing you fvcking idiot!! I hate you!! Go to hell!! You bas--
mmmmm" at tinakpan uli ni Armida ang bibig ni Fovicate

"Bakit hindi mo naisip na gawin sakin 'tong ganito, Josef?" tanong ni Armida
"Yung ipapakidnap mo ko tapos ipapapatay.."

"At ano namang mapapala ko kapag ginawa ko yun?"

"I dunno. Money?"

"Magkasing yaman lang tayo.."

"Fame?"

"Nagtatago nga ko diba?"


"Contentment?"

"Manahimik ka lang sa isang tabi, kuntento na ko. Too bad, hindi pwedeng pagtabi-
tabihin ang mga salitang 'stay and behave' sa bokabularyo mo"

Tumaas lang ang kilay ni Armida sa sinabing yon ni Josef

Kumuha lang ng isa pang upuan si Josef at ipinuwesto sa may pader na katabi lang
halos ng kidnapper

"Maupo ka muna.." sabi ni Josef sa asawa nya

Umupo naman si Armida sa upuang prinovide ni Josef sa kanya. Ipinatong nya ang
magkabilang braso nya sa armrest ng upuan at saka sya nag-cross legs. Donya lang
ang datingan.

Hinatak naman ni Josef si Alex paharap kay Armida. Nakaluhod lang ito at iwas ang
tingin.

Lahat ng couples galit na kay Alex.

Sino ba naman ang matutuwa na sya ang dahilan kung bakit sila nasa bingit ng
kamatayan.

"Gusto kong isipin na baka coincidence lang na Alexander Hernandez ang name ng
mastermind, pero sobra-sobra naman yatang coincidence 'to.." mahinahong sinabi ni
Armida

"I have this conclusion. He planned this maybe a week before the Convention.
Kinausap nya ang mga kidnappers na maghahati sila sa makukuhang ransom money at ang
share nya ay ipambabayad sa utang nya sa family ng asawa nya. Ang kaso, hindi nya
inaasahan na bibigyan mo sya ng mataas na position kaya nag-back out sya. Hindi
pumayag ang kidnappers kaya dinamay na sya sa kidnapping incident na 'to. Wala
syang share at buo pa ang makukuhang ransom money ng mga kidnappers." sabi ni
Josef kay Armida
"Nice conclusion.." sabi ni Armida habang inoobserbahan si Alex "Or pwedeng
umaarte lang syang victim dito para hindi sya pagbintangan if ever magkaroon ng
investigation. Sino nga bang maghihinalang kasabwat sya o mastermind sya kung isa
rin sya sa biktima.. Magpapapatay ka kasama nila, pero ang totoo, pepekein mo ang
pagkamatay mo at aalis ka ng bansa para magtago kasama ang perang makukuha mo"

Napatingin silang lahat kay Armida. Pokerface lang ito at mukhang sineseryoso na
ang mga nangyayari.

"Naaamoy ko ang mga ahas sa paligid, at umpisa palang, alam ko nang may mali sayo.
Ang plano ko, ako ang huhugot sa sungay mo. Pero mukhang matagal nang nahugot,
tinatago mo lang. Now, kilala mo ba kung sino ang nasa harapan mo ha, Alexander
Hernandez? Kelangan ko pa bang magpakilala?" sinenyasan ni Armida si Josef para
tanggalin nito ang busal sa bibig ni Alex. Sinunod naman sya ng asawa nya.

"Kilala ko? Natural kilala ko! Kilala ko na! Ikaw yung taydor na assassin ng HQ!
Yung tangang naghamon ng gyera sa Superiors pagkatapos bigla-bigla nalang naglaho
na parang bula! Akala mo hindi kita makikilala! Kasalanan mo kung bakit ko 'to
ginagawa! Ikaw ang dahilan! At kung ano man ang ibinigay mo sakin, dapat lang yon!
Dahil kelangan mong bayaran ang lahat ng utang mo sakin at sa pamilya ko! Kung
tutuusin, kulang pa nga ang isang company para sa damage na binigay mo sa pamilya
ko!"

Nagbago bigla ang timplada ng mukha ni Armida nang marinig ang mga sinabi ni Alex.
Napatingin sya kay Josef na halatang nagulat din sa narinig.

"Kung hindi ka nawala, natuloy sana ang all-out war na yon! Kung hindi ka nawala,
hindi malulugi ang negosyo ng pamilya ko! Kami ang supplier ng mga baril na
gagamitin sa gyera na yon pero lahat ng transaction hindi na natuloy dahil sa
kagagawan mo! Nalugi kami at dahil doon ginipit kami ng Zubin para bayaran ang
lahat ng ginastos namin! Kung hindi dahil sayo, hindi mangungutang ang pamilya ko
para lang sa ipambabayad sa demonyong Carlos Zubin na yon! Kung hindi dahil sayo,
hindi ko pakakasalan ang asawa ko para lang may ipambayad kami sa lahat ng utang
namin! Ikaw ang dahilan kung bakit kami minamalas ng ganito! Ikaw!! Ikaw at ang
walang kwenta mong Association!!" nanlilisik ang mga mata ni Alex habang
nakatingin kay Armida

"Armida..." napatingin si Josef sa asawa nyang nakatitig lang kay Alex. Mukhang
hindi mapakapaniwala si Armida sa sinabi ni Alex.

Kahit si Josef hindi makapaniwala sa narinig. Ganun kalaking connection ang meron
si Armida kay Alex at wala silang kamalay-malay sa bagay na yon.

Napaisip bigla si Armida. Hindi ito ang unang beses na pinagtripan sya ng tadhana
sa laro nila.

Ang pustahan nila titigil na sya sa plano nya kapag hindi sya nakatuntong sa rest
house after 20 minutes.

Ang kaso, nakatuntong nga sya sa rest house lagpas nga lang ng ilang minuto.

Pero ano nga ba ang plano nya?

Gawing miserable ang buhay ni Fovicate sa pamamagitan ni Josef at Alex. Turuan ito
ng leksyon.

Tulungan si Alex saka ito iwanan sa ere.

Natalo sya kasi nakatuntong sya sa rest house lagpas sa oras na nakatakda. Ang
kaso, ang pustahan eh itutuloy nya kapag nanalo sya. Kapag hindi, titigilan na nya
lahat.

At ngayon, miserable na ang buhay ni Fovi dahil sa sinabi at ginawa ni Alex. At


time na para iwanan nya sa ere si Alex. Tapos na ang laro.

Natalo sya, at the same time nanalo sya sa ibang paraan.

"Armida, buhay ka pa ba?" tanong ni Josef


"I guess it must be fate.." inosente nyang tinignan si Josef "I still won. Hindi
aksidente ang pagkikita natin at ng grupo nila sa islang 'to.. It's destined. Ang
pakikita natin, ang gyera, ang pagiging Superiors, ang meeting with Carlos Zubin
at sila..."

"Tss.. Ang sabihin mo magnet ka lang talaga ng trouble. Nakita mo'ng ginawa mo?
Andaming damage ng ginawa mong declaration of war" sabi ni Josef

"Oh, ang sabi nya binabayaran nila si Carlos Zubin dahil sa ginawa ko. Eh pinatay
ko na yung hinayupak na matandang hukluban na yon, binura ko pa sa listahan yung
Organization nila. O, eh di quits lang!"

"A-anong sinabi mo?" -Alex

"Nasa harapan lang kita hindi mo pa narinig? Ang sabi ko pinatay ko yung
pinagkakautangan mo kaya wala ka nang dapat bayaran pa. Bayad na utang ko sayo,
sobra-sobra pa"

"Hindi ako naniniwala sayo.. Hindi pwedeng kantihin ang taong yun! Madami syang
connection sa underground kaya walang kumakalaban sa kanya tapos sasabihin mo
pinatay mo sya?! Kahit sinong assassin at hired killers, hindi sya tinatangkang
galawin! Hindi mo ba yon alam?!"

"Huh! Pasensya sya, kinalaban nya ko. At kung kilala mo nga kung sino talaga ako,
hindi na kwestyonable ang ginawa ko."

"Actually, nandito kami sa islang 'to dahil sa reason na yan." tumayo sa tabi ni
Armida si Josef at tinignan si Alex "Itong asawa ko ang pumatay kay Carlos Zubin.
At nandito kami para magtago dahil magiging wanted na naman sya. Inaayos na ng mga
Superiors ang problemang ginawa nya sa Organization na yon at hindi kami aalis ng
islang 'to hanggang hindi pa tapos aregluhin ang problemang iniwan nya"

"Superiors? Tinutulungan ka ng mga Superiors?! Pagkatapos mong magdeklara ng gyera


sa kanila, tutulungan ka nila? Nagpapatawa ka ba?!"

"For your information Alexander Hernandez, itong si Josef ang Führer. At isa ako sa
mga 3rd Generation Superiors. Natural na tulungan ako ng mga yon. Asawa ko ang
leader nila at isa ako sa pinakamahalagang member ng Order of the Assassins" sabi
ni Armida

"Sinabihan na kita. Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo" nag-smirk lang
si Josef kay Alex

Hindi naman maintindihan ng ibang couples ang pinag-uusapan ng tatlo pero ang alam
nila, delikadong tao talaga sila Josef dahil may na-involve nang patayan, mga
baril, organizations, assassins, killers and everything.

"Imposible.. Hindi totoo yan.. Hindi totoo yan!!" ayaw pa ring maniwala ni Alex sa
lahat ng sinabi nilang dalawa. Ayaw nyang maniwala dahil natatalo na sya.

"Hindi kelangang malaman ng lahat na buhay pa ang Ultimate Assassin ng MA. So pano,
kelangan ko nang patayin si Alexander Hernandez." tumayo na si Armida

Tinignan nya si Josef. Inalam kung may angal ang asawa nya. Binigyan lang sya nito
ng 'do-it-Madame' gesture.

Sunod nyang tinignan sila Miethy. Mga agree din sa gagawin nya.

"They want you to die, Alex. Pano ba yan, any last words?" inabangan nya kung
titingalain sya ni Alex. Wala. Hindi nito ginawa.

Pinatunog nya ang mga daliri nya sa kamay at tinignan ang reaction nila Miethy.
Iniisip nila kung paano nya papatayin si Alex.

"Kill me.. Kill me now!!"

Lumapit si Armida kay Alex at ginawa dito ang HeartStopper.


Bumulagta si Alex sa sahig na puti na ang mata. Hindi na rin humihinga at wala nang
tibok ang puso.

Humagulgol ng iyak sila Miethy nang makita ang itsura ni Alex. Iniwas nalang nila
JC ang tingin sa kaibigan nilang traydor.

Naghintay ng one minute and four seconds si Armida. Pagkatapos ay kinuha nya ang
kwelyo ni Alex at pinaluhod uli ito. Ginawa nya ang Reviver at muling nabuhay si
Alex na kamamatay lang.

*Ugk* *Ugk* *Ugk*

Parang nalunod si Alex base sa kilos nya. Naghabol agad sya ng hininga.

"Alexander, Sleep"

SNAP! SNAP!

Pagkatapos nun ay nakatulog si Alex habang nakaluhod.

Tumayo si Armida at nilapitan si Fovicate.

"Alam mo, sayo ko dapat gagawin ang ginagawa ko ngayon kay Alex. Sayang lang at
nag-iba ang ending ng story na 'to. Hindi pumabor sakin ang lahat. Pero at least,
natuloy ang plano kong gawing miserable ang buhay mo sa pamamagitan nya." sabi ni
Armida at tinanggal nya ang busal sa bibig ni Fovicate

"Why didn't you kill him, b!tch?!! Mamamatay tao ka kaya dapat pinatay mo na sya!!"
sigaw ni Fovi sa kanya

"I kill him, B!TCH.. I just killed Alexander Hernandez" kalmadong sinabi ni Armida
"Alam mo ba ang pinagkaiba ng buhay sa patay ha?! He's still breathing, stupid!!"

"Masasabi mo pa bang nabubuhay pa si Alexander Hernandez kung patay na ang pagkatao


nya?"

Lumapit si Armida kay Alex at pumwesto sya sa harap nito. Iniluhod nya ang kaliwang
tuhod nya sa sahig at itinapat ang magkabilang kamay nya sa gilid ng tenga nito.

"Hindi mo na matatandaan kung sino ka at anong klaseng tao ka. Mabubura ang lahat
ng memorya mo at makakalimutan mo ang lahat ng nagaganap ngayon. Makakalimutan mo
ang lahat ng taong may kaugnayan sayo at sa pamilya mo. You'll wake up after you
heard a gunshot."

SNAP! SNAP!

"What did you do to him?! Bakit hindi mo pa sya patayin?!" sigaw ni Fovi

"I already told you Fovicate Viernes. Alexander Hernandez is dead. Your moron
husband exists no more. You should be grateful"

Napaisip bigla si Josef sa ginawa ni Armida. Ngayon, naiintindihan na nya ang logic
ng Ultimate Assassin.

Kill the character. Kill the ego. Kill the persona. There's no difference than
killing the body. The body is just a container.

Kung hindi nya matandaan ang pagkatao nya bilang Alexander Hernandez, masasabi pa
ba nyang buhay pa rin si Alexander Hernandez? Sa pangalan, siguro. Sa katawan,
siguro. Pero ang pagkatao, mukhang hindi na.
At gaya ng ginawa ni Erajin sa kanya...

Patay si Alexander Hernandez, at the same time buhay sya.

"Ganyan ba ang ginawa mo sa Brain kaya wala syang maalala?"

"At naalala mo pa yan ha.. Yes, Ganito nga ang ginawa ko sa kanya. Now we have all
the information we needed. It's time for the action..." sabi ni Armida

Binusalan uli ni Armida si Fovicate. Masyado kasing maingay. Iniurong nila sa likod
ng pinto ang kidnapper para makadaan naman sila palabas.

"Gagamit ka ba ng baril?" tanong ni Josef habang inuusisa ang hawak na AK-47

"Give me that.." iniabot naman sa kanya ni Josef ang baril "Kung gagamit lang
naman ako ng ganito, mas mabuti kung bala nalang ang gagamitin ko. Tahimik na, sure
pa kong matatamaan ko ang target."

Mabilisan nyang din-isassemble ang baril at pinaghiwa-hiwalay ang lahat ng parte.


Mula sa katawan hanggang sa magasin na puno ng bala. Kung titignan kung paano nya
kalas-kalasin ang malaking baril na yon, masasabing hustler na talaga sya.

"May plano ka?" tanong ni Josef "Saan mo balak tapusin 'to? Dito sa loob o dyan
sa labas?"

"Tahimik pag tinapos natin dito sa loob. Hindi rin makalat. Wala ring magiging
ingay. Walang mabubulabog at walang maghihinalang may nangyayaring masama dito sa
loob ng rest house." lumitaw na naman ang devilish grin ni Armida "Sa labas
tayo.."

"Tss.. Bakit pa nga ba ko nagtanong?" napailing nalang si Josef

Thrill-seeker ang asawa nya, natural pipiliin nito ang posisyong magpapaka-
daredevil sya ng bonggang bongga.

"Kelangan na naman ba kitang paglamayan pagkatapos nito?" tanong ni Josef

"Of course not, hindi 'to kelangang seryosohin. This is just a simple kidnap-for-
ransom incident. Pero kung gusto mo talagang may paglamayan, sige ba. I'll try to
commit suicide again.." sabi ni Armida habang pinipili ang bala ng baril

"Psh.. Isipin mo nalang wala kang narinig mula sakin." binuksan na ni Josef ang
pinto "O, pano. Unahan nalang tayo.."

"Bahala ka.."

Nauna nang pinalabas ni Josef ang asawa nya. Ladies first daw kasi.

"Wag ka sanang ma-offend kapag nakarami ako.." proud na sinabi ni Josef sabay sara
ng pinto

Walang sinagot si Armida sa kanya, sa halip ay tumalon ito mula sa corridor pababa.

Wala pang isang minuto ay nakarinig na si Josef ng kalabog sa baba.


"Four down!" sigaw ni Armida

Isa pang kalabog

"Make it six!"

"Tss..." umiling nalang si Josef at pumasok nalang uli sa loob ng kwarto

"Haayy..." napabuntong-hininga nalang sya at nahiga sa kama

"Nasaan na yung killer mong asawa?" tanong ni JC

"Nandun sa baba, pinapatay yung mga kidnappers.." tinatamad na sinabi ni Josef

"Hindi mo ba sya tutulungan?"

"Hindi nya kelangan ng tulong. Kaya nyang pumatay ng kahit ilan nang walang
kahirap-hirap. Hindi pa nga ko nakakakilos sa kinatatayuan ko ngayon-ngayon lang,
naka-anim na sya.."

"Eh bakit hindi nya pinatay si Alex kung kaya naman pala nyang pumatay ng kahit
ilan?"

"Kapag sinabi nyang pinatay nya si Alex, ibig sabihin pinatay nya si Alex. Tapos
ang usapan. Iba ang logic ni Armida as an assassin kaya wala na kong magagawa. In
fact, lahat walang magagawa sa takbo ng utak nya. Tanggapin nyo nalang ang
katotohanang patay na ang kaibigan nyong traydor."
"Pero hindi ko pa rin maintindihan, bakit hindi nya nalang sinakal o binaril si
Alex? Para malinaw sa amin na patay na talaga sya!"

"Hindi mo talaga maiintindihan dahil hindi ka criminal. Hindi mo alam ang kalakaran
sa mundo namin. Para sa amin, malaking privilege ang mamatay. At kapag binuhay ka
ng killer mo, hindi ibig sabihin nun mabait lang sya. Minsan, gusto lang nyang
paglaruan ang buhay ng target nya. At nakakaawa yang Alexander Hernandez na yan
dahil malaking kahihiyan ang aabutin nya dahil binuhay pa sya ni Armida. May chance
na sya na rin mismo ang pumatay sa sarili nya kapag hindi nya kinaya ang pressure.
At sa pagkakataong yon, inosente na ang asawa ko dahil ang sarili na mismo ni
Alexander Hernandez ang papatay sa sarili nya. Walang maikakaso sa taong naging
dahilan ng pagsu-sucide nya."

Natahimik bigla si JC at inisip ang lahat ng sinabi ni Josef.

Na-gets ba nya? Konti. Basta ang alam nya, at naintindihan nya, may chance na mag-
suicide si Alex. At inosente si Armida kapag nangyari nga yon. Yun na yun.

"Bakit kayo nagsinungaling nang sabihing nyong nagtatrabaho kayo sa isang kumpanya
ha? Mga criminal pala kayo.."

"Pareho na kaming retirado sa pagiging kriminal kaya hindi kami nagsinungaling sa


sinabi namin dahil yun talaga ang naiwan naming trabaho."

"Kaya pala parang may mali sa inyo, mga killer pala kayo"

"Correction, ang asawa ko ang killer. Hindi ako."

"Papatayin rin ba kami ng asawa mo?"

"Depende yan kay Armida. Kasi pagdating sa ganitong bagay hindi ko na balak pang
kuwestyunin ang desisyon nya. Pero kung sakali nga, at least sure ako na hindi na
kayo makakaramdam ng sakit dahil patay na kayo bago nyo pa malamang patay na nga
kayo."
Biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Armida na may hawak na .45 at isang baduy
na phone

Lahat sila seryoso ang mukha habang nakatingin kay Armida. Parang inaabangan na
nila ang sinabi ni Josef na papatayin na nya sila.

"Natawagan na pala ang family ni Fovicate. Kalahating bilyon ang hinihinging


ransom. Sa ngayon, nangongolekta palang ang pamilya ng ipambabayad. Mamayang alas 7
ng gabi magaganap ang susunod na transaction" sabi ni Armida habang lumalapit kila
Miethy

"Nagdadalawang-isip tuloy ako kung pakakawalan ko pa ba kayo o hindi na eh.." nag-


indian seat sya sa harapan ni Fovicate "Alam mo, Josef, hindi ko alam kung
matutuwa ako sayo o ano eh.. At talagang hindi mo ko tinulungan sa baba ha.."

"Ayaw lang kitang ma-offend.." sabi ni Josef sabay hirit ng malupit na eyeroll.
Tinakpan nalang nya ng braso nya ang mga mata nya at ci-nareer nalang ang
pagkakahiga

"Asows! Ayaw ma-offend.. Saksak ko kaya sa baga mo 'tong hawak ko.."

Hindi na sumagot si Josef na 'sige nga, kung kaya mo'.. Kaya naman kasi talaga si
Armida. Mamaya, seryosohin pa, o eh di may chance na bumalik sya sa Citadel na
may .45 na sa ribcage..

Nakatutok lang sila Miethy kay Armida. Hinihintay ang susunod nyang gagawin.
Pinanood lang nila ito habang kinakalikot ang hawak na phone.

Maya-maya may dinial ito at tinawagan.

" Hello.." nagboses lalaki si Armida "Ito ba ang pamilya ni Fovicate Hernandez"
Napabangon tuloy si Josef dahil sa ginagawang kalokohan na naman ng asawa nya

Hinawakan ni Armida ang balikat ni Fovi "Hawak ko ngayon ang maganda mong anak.."

"Armida!!" pabulong na sinigaw ni Josef

"What?" inilayo naman ni Armida ang phone sa bibig nya "Hawak ko naman talaga ah!
See!" itinuro pa ng tingin ang kamay nyang nakahawak sa balikat ni Fovi

"Pfft.." kinagat nalang ni JC ang labi nya para hindi matawa. Kahit sila Miethy
natatawa sa kalokohan nya. Nasa masamang kalagayan sila kaso wala talagang
pinipiling oras ang kalokohan ni Armida

"Aynakupo, Dyusko.. Bakit nyo po ako binigyan ng sintu-sintong asawa.. Ganun po ba


ako kasamang tao?" nagsisising sinabi ni Josef habang nakatingin sa kisame ng
kwarto

" Tungkol sa ransom money. Kalimutan nyo na. Wag na kayong mag-aksaya ng panahon
para ipunin ang 500 billion"

Pare-pareho silang naging seryoso dahil sa sinabi ni Armida

" Wag na kayong mag-alala dahil tatapusin ko na ang paghihirap nyo. Papatayin ko na
ang pinakamamahal nyong anak. Bwahahahaha!!"
Nanlaki ang mga mata nila Miethy at nagsimula nang magpumilit makatakas. Samantala
si Josef napa-face palm nalang. Nangti-trip na naman kasi si Armida.

"HWEP!! Just kidding." ibinalik na ni Armida ang tunay nyang boses dahilan para
mapahinto sila Miethy. Binigyan lang nya sila Miethy ng wide grin "Conrad Viernes,
right?" binuksan naman ni Armida ang loudspeaker para naman marinig ng iba

( Sino ka bang talaga? Where's my daughter! )

"This is Erajin Miller. Nasa honeymoon vacation ako with my husband at mukhang
magaling pumili ng kikidnapin ang mga kidnappers, huh. Nakidnap ako kasama 'tong
anak mo, ang saya-saya lang. At ngayon, ako ang may hawak sa kanya dahil nagawa
kong makatakas. Patay na rin ang mga kidnappers. May gusto ka bang sabihin?"

( E-erajin Miller? The Miss Erajin Miller? The famous Corporate Giant? )

"Yeah, yeah. Ako ang may hawak sa 53% ng shares ng Viernes Industries. And I'm your
company's huge investor. Siguro naman maliwanag na sayo kung anong pinupunto ko..
Walang kwenta ang mga kidnappers na kumidnap sa amin kaya nakahingi ako ng tulong..
Ngayon, hawak ko na ang anak mo.."

( Oh thank God.. How is she? Is she safe? Can I talk to her? )

"Well, let me tell you this, Mr. Viernes. Your daughter is very pretty and hot.
She's perfect ang kaso may mali. Alam mo ayoko sa anak mo dahil nilalandi nya ang
asawa ko. At ang pinaka-ayoko sa lahat eh pinakikialaman ang pag-aari ko. Siguro
naman, alam mo ang bagay na yan dahil kilala mo ko. Nakakagulat na sa dinami-rami
ng haharot sa asawa ko, ang kaisa-isang anak mo pa ang gumawa. Gusto ko sana syang
kaibiganin, ang kaso, ayoko sa ahas. And for me, lahat ng ahas na makamandag at
nanunuklaw, dapat pinapatay. Is she safe? For now, I guess. So pano, papatayin ko
na ba?"

"MMMMM!!!!" pinipilit namang magsalita ni Fovicate pero hindi nya magawa


Biglang natahimik sa kabilang linya

"I wait for no one, Mr. Viernes.. Tell me your answer or else, bye bye Viernes
Industries. Hello, nothingness.." sabi ni Armida habang nakikipag-eye-to-eye kay
Fovi

"MMMMM!!!" nilabanan naman sya ng titigan ni Fovi

( How can I be sure that you are Erajin Miller? )

"Oh, that's a very, very nice question.. Ok. Malalaman mong ako si Erajin Miller
kapag wala na ang company mo sayo mamayang 5pm. Ib-block ko ang lahat ng account mo
and maybe tomorrow morning, wala nang kahit anong tutuluyan ang pamilya mo dahil
palalayasin na kayo sa bahay nyo na naka-remata sa bangko for almost three years
na. Oh, another thing. Mababasa mo sa newspaper tomorrow ang tungkol sayo at sa
secretary mo pati na ang tungkol sa inyo ng amiga ng pinakamamahal mong asawa. That
would be fun. Siguro naman, sapat nang patunay yon.."

Ipinorma ni Armida ang kamay nya na parang baril at itinutok sa gilid ng ulo nya

( Do want you want Miss Miller. Do what pleases you )

"Bang.." mahinang sinabi ni Armida at kunyaring binaril ang sarili


Pare-parehas na nanlaki ang mga mata ng mga couple.

Isang prinsesa si Fovicate. Daddy's girl din sya. Unica Hija pa. At lahat ng gusto
nya nasusunod. Laki sya sa layaw. Binibigay ng parents nya ang lahat ng naisin nya
kaya sya ganyan ngayon. Kaya sya spoiled brat at matapobre. Matapang sya dahil
mayaman ang pamilya nya. Bossy sya at lahat gusto nyang makuha at nakukuha nya yon
gamit ang pera ng pamilya nya.

Pagkatapos ganun-ganun lang, bigla syang ilalaglag ng Daddy nya? Dahil sa sinabi ni
Armida na sya si Erajin Miller? Sino ba si Erajin Miller para mabilis na pagbigyan
nang Daddy ni Fovicate? Sino ba si Armida para takutin ng ganun ang Daddy ni
Fovicate?

( Don't worry Miss Miller, hindi ako magagalit. Kung may kasalanan man ang anak
ko, sana wag nyong idamay ang company ko at ang lahat ng pinaghirapan ko. Ilang
taon din ang ginugol ko para dito kaya sana-- )

"Your properties are much important than your daughter?" naka-smirk pa si Armida
habang nakikipagtitigan sa lumuluhang si Fovicate Hernandez

( She's-- Ugh! She's important but.. but my company and my properties are my.. my
life. She's on the right age to know what's wrong and what's right. I'll respect
your decision and I hope ganun din sya )

"MMMMM!!!!"

"Ok. MAdali naman pala kayong kausap. Hindi ko na gagalawin ang company mo pati na
ang mga assets mo. Thanks for the time, Mr. Conrad Viernes. Sasabihin ko sa kanyang
tumawag ka bago ko sya patayin para hindi naman sya malungkot.. Bye"

At ibinaba na ni Armida ang phone

Natahimik silang lahat.


Nahihirapan sila na tanggapin ang katotohanang nilaglag si Fovi ng sarili nyang ama
na considered as provider nila pare-pareho.

"Mura ka lang pala, Fovicate. Narinig mo, your father sold you kapalit ng lahat ng
assets nya. Pano ba yan, isa ka na sa pag-aari ngayon ni Erajin Miller. Anong
pakiramdam ng nabenta? Masarap ba? Hmm?" sabi ni Armida kay Fovi

Napapikit nalang si Fovi habang lumuluha. Masakit ang narinig nya sa Daddy nya.
Para lang sa company nila, hahayaan lang nito na mamatay sya. Wala nang mas sasakit
pa sa katotohanang kayang kaya syang bitawan ng ganun-ganun lang ng Daddy nya dahil
lang sa mga salita ni Armida. Eh sino nga ba si Armida para kontrolin ng ganun lang
ang Daddy nya? Sino ba sya at kung makapagsalita sya, parang kayang kaya nyang
maging pag-aari ang lahat?

"Fovicate Viernes, hindi porke mayaman ang pamilya mo eh may karapatan ka nang
maliitin ang ibang tao. I'll tell you who I am para hindi ka naman magtaka. I'm a
business tycoon, one of the richest woman in the country, one of the most powerful
person in the world in all aspects. At isang snap lang ng daliri ko, kayang kaya na
kitang bilhin at ang buong angkan mo.

Di hamak na mas makapangyarihan ako kesa sayo pero wala akong matandaang
pinagmamayabang ko everytime sa iba ang yaman ko para lang malaman ng lahat na mas
mataas akong tao kesa sa kanila.

Hindi mo kilala kung sino ang mga taong makakabangga mo sa mundong 'to kaya bawas-
bawasan mo ang kayabangan mo. You know what, kung nabibili lang ang humility,
willing akong gumastos ng bilyon-bilyon para lang maibigay sa mga katulad mo..
Hindi masamang magyabang, ilagay mo lang sa lugar para hindi ka napapahiya sa iba"

Tinanggal isa-isa ni Armida ang mga busal nilang lahat sa bibig.

"You should value your friends. Sa buong buhay ko, hindi ko kahit kelan trinatong
parang hayop o alila o basurang patapon ang mga kaibigan ko kahit na nasa
pinakamababang lebel pa sila ng lipunan. May kaibigan akong dating pickpocket,
ngayon vice-president na sya ng company. I call him Tank. Sana gamitin mo ang pera
mo sa magandang bagay. Hindi yung ginagamit mo para maliitin 'tong mga kaibigan mo.
Hindi porke mayaman ka eh mataas ka na. Matuto kang rumespeto ng iba, dahil hindi
lahat ng oras kayang respetuhin ng iba ang pera ng pamilya mo. Hindi lahat ng oras,
kaya kang respetuhin ng ibang tao."
Tumayo na ng diretso si Armida at tinignan sila isa-isa.

"I already know I'm a bad person, but not as worst as you."

"Mamamatay tao ka diba?! Bakit hindi mo pa ko patayin!! Kill me now!!! Kill me


now... Aarrgghh!!" nagwawala habang umiiyak si Fovi sa kinauupuan nya. Hindi nya
matanggap ang lahat. Kung paanong hindi matanggap ng asawa nya ang pagkatalo nito.
Bumagsak na sya. Binitawan na sya ng pamilya nya. At ngayon...

"Kill me now..."

Iwas naman sila Miethy sa kanya dahil na rin sa lahat ng nangyari

"Kill you? FYI, assassin nga ako, pero meron akong prinsipyo. Hindi ako basta-basta
pumapatay dahil lang gusto kong pumatay. Kapag nararamdaman kong walang karapatang
mamatay ang isang tao, ibig sabihin non, hindi sya dapat mamatay. As simple as
that.."

Tinignan ni Armida ang asawa nyang poker face lang na nakatingin sa kanya

"Masaya ka na?" tanong ni Josef

"Hindi at kahit kelan hindi ako natuwa kapag pinangangaralan ko ang iba. Pero
sinabi ko na sayo nung una palang. Wag lang kaming pagtagpuin ng tadhana dahil
tuturuan at tuturuan ko talaga sya kung paano rumespeto ng tao.."

Una nyang kinalagan si JC. Tinignan lang sya nito habang hinahawakan ang pulso
nitong halos kalahating araw ding nakatali.
Tumayo na si Josef at tumabi na kay Armida

"Akala ko ba papatayin mo na kami?" asiwang tanong ni JC

"Sinong may sabi?"

Napatingin naman si JC kay Josef para sabihin kay Armida na sya ang nagsabi

"O, eh di sa kanya kayo magpapatay. Buti sana kung may mapapala ako sa inyo" sabi
ni Armida at itinutok ang baril sa kanto ng kwarto

Kinalagan na ni JC ang asawa nya.

BANG!

"Aaaahh!!!"

Napapikit nalang ang mga couples dahil sa putok ng baril. Kasabay nun ang paggising
ni Alex.

"Hindi ka ba natatakot?" kinakabahang tanong ni JC

"Matatakot saan?" pokerfaced lang si Armida habang kinakalas ang baril. Baka
magamit pa kasi ng iba, mahirap na

"Paano kung ipakulong ka namin dahil sa ginawa mo? Pinatay mo ang mga kidnappers.
Kinidnap mo kami. Tinorture mo pa. Paano kung magsumbong kami? Ano nang gagawin
mo?" sabi ni JC
"If ever na gawin mo nga, siguraduhin mong tamang gobyerno ang pagsusumbungan mo.
Assassin ako at sinasabi ko sayo, kahit ang gobyerno binabayaran ako para linisin
ang gusto nilang linisin. Magsusumbong ka sa mga pulis? Kapag sinalpakan ko ang mga
mukha nila ng milyones, magiging inosente ako sa isang iglap. Don't try, JC. Never
dare to do that. Ililigpit ka lang nila kapag kinalaban mo si Erajin Miller. Don't
kill yourself, kawawa si Miethy kapag ginawa mo yun." seryosong sinabi ni Armida

"That's unfair!" sabi ni JC

"Life is unfair, JC. Accept it. Accept it like how you accept the fact that
Fovicate is much superior to any one of you."

Tuloy-tuloy na lumabas si Armida sa kwartong yon

"Come on, Josef. We're done here."

Tinignan muna ni Josef ang mga couples

"Maswerte kayo dahil nakilala nyo kami. Malas nyo nga lang dahil nakilala nyo
kami.."

Sumunod na si Josef sa asawa nya at umalis na sila sa rest house.

__________________________________________
Nasa isang maliit na kaninan ang dalawa, malapit sa kung saan sila unang dinala
nila Miethy. Malapit dun sa mukhang simbahan na mukhang simbahan nga talaga.

Kumakain sila ng malaking siopao na asado at softdrinks.

"Itutuloy mo pa ba kung anong binabalak mo sa kanila pagkatapos ng nangyari?"


tanong ni Josef habang nakatingin kay Armida na nakatingin sa kalsadang kitang kita
ang heatwave sa malayuan

"Tapos na ang plano ko, Josef. Wala na kong kelangan sa kanila. Hindi ko na rin
sila kelangang lapitan pa." seryosong sinabi ni Armida

"I can't believe na sa inilawak-lawak ng mundo, may connection pala sayo yung
Alexander Hernandez na yon. Yari ka, sinira mo buhay nya.." naka-half smile na
sinabi ni Josef

"Patas na kami. Kalimutan na natin yan."

Tinitigan nalang ni Josef si Armida. Nakikita nya sa aura nito ang RYJO na una
nyang nakilala. Yung RYJO na laging malalim ang iniisip at seryoso kapag nakikipag-
usap. Mukha ngang bumalik na ang normal na state nito.

"Pero nabanggit nya ang tungkol sa HQ, sa all-out war, sa Superiors at kay Carlos
Zubin. Akalain mo yun, may connection sya sa mga yun.." ngayon si Josef naman ang
nasa jolly-jolly mood
"Wala akong pakialam kung anong kaugnayan nya sa mga yun. Kumain ka nalang dahil
kapag ako nabwisit pati yang plato ipapalamon ko talaga sayo.."

Biglang sumeryoso si Josef dahil seryosong seryoso nga talaga ang asawa nya. Gusto
na nga nya 'tong tawaging RYJO kesa Armida eh.

"Paano na sila Miethy? Ano nang balak mo sa kanila?" tanong ni Josef

Dinabugan ni Armida ang mesa

"Kaninang umaga ang sabi mo iwasan ko, tapos ngayon pinagpipilitan mo! Ang gulo mo
kausap ah!" inis na sinabi ni Armida

Iniwas nalang ni Josef ang tingin nya sabay inom ng softdrinks nya

Josef: Oh edi wag pa-usapan. Sabi mo eh.

Pinagpatuloy nalang nila ang pagkain. Tanghaling tapat na pero hindi ganun kainit
kasi malamig ang hangin. Maganda din ang araw para mag-swimming. Madaming
bakasyunistang paroo't parito na pinapanood nalang nila.

Hindi ito inaasahan ni Armida, lahat hindi nya inaasahan. Napurnada na naman ang
mga binabalak nya. Ang mga planong ci-nonstruct nya sa isipan nya. Pinangunahan na
naman sya ng pagkakataon. Buti sana kung hindi natuloy yung ending, at least may
chance pa na mabago nya ang takbo ng istorya, kaso nangyari na. At sa maling lugar,
maling oras at maling tao pa naganap. Lahat mali pero tsumamba sa gusto nyang
kalabasan.

Kahit nga yung pustahan nila ni Fovicate, hindi pa man nag-iinit, natapos na agad.
Walang kwenta. Lalo lang tuloy syang nabubwisit.

Nanghihinayang sya sa effort. Yun ang kinaiinis nya. Sayang ang lahat ng energy at
pera na sinayang nya para sa plano nya.
Bigla-bigla nalang matatapos bago pa sya makaramdam ng contentment. In short,

Bitin.

Ngayon, kelangan nyang makahanap ng iba pang dahilan para punan ang kulang na yon
sa kanya.

At alam naman natin na kapag tayo'y nabibitin, naiirita tayo at humahanap tayo ng
iba pang dahilan para lang makuntento. Minsan, nananakit tayo ng iba o inilalabas
sa kahit anong bagay ang inis para lang ma-satisfy.

Mabigat sa pakiramdam yung alam mong may kulang at hindi mo alam kung ano ang
kulang.

Choices nya:

1. Papatayin ang lahat ng makita.

Kaso magagalit lang sila Cas at No. 99. Mamaya ikulong sya sa Citadel at pagbawalan
nang sumamasa sa mission nila ni Josef. Lalo lang magiging malaki ang problema nya.

2. Kakain ng sobrang dami.

Wala syang ganang kumain ngayon. Imbes nga na mananghalian, nag-siopao nalang sila.

3. Gagastusin ang lahat ng pera at bibilhin ang lahat ng gustong bilhin.

Walang nakakatuwa at hindi nakakakuntento para sa kanya ang pag-sho-shopping,


unless si Jocas o si Erajin sya.
4. Bubugbugin si Josef.

That is fun. Pero kulang.

5. Siguro, bubugbugin uli si Josef pagkatapos nya itong bugbugin.

That is so much fun. Kaso ayaw naman nyang saktan ng sobra si Josef. Mamaya malumpo
pa at mapurnada ang 5th Generation Superiors hunting nila.

6. Makipaghalikan nalang sa asawa nya kesa gawin ang choices 4 and 5

Well, excellent kisser si Josef. May chance...

7. Ayain si Josef na makipag-something something

That is much satisfying. Mga 12 hours nilang gagawin. Pataasan ng stamina. Sukatan
ng endurance. Unang bumigay, hahampasin ng frying pan sa mukha 20 times.

Bwahahaha... Choice number 7. Why not.

"Stop that creepy smile. It scares the hell out of me.." inis na sinabi ni Josef

Nagising sa malalim na pag-iisip si Armida nang sabihin yon ni Josef.

"I'm not smiling.." nakangising sinabi ni Armida


"You are. And it's intimidating" itinuro ni Josef ang wall glass na katabi nila
"Look at yourself"

Tinignan naman ni Armida ang sarili nya sa salamin. Nakangisi nga sya.

"Ano na namang kamalditahan yang niluluto mo sa isipan mo ha?" kinikilabutan


talaga si Josef kapag nakikita nya yung devilish grin ni Armida. Mukhang may
binabalak na namang masama.

"Gusto mo talagang malaman, hmm?" nakangisi pa rin si Armida at hinahamon sa


tinginan ang asawa nya

Naningkit lang ang mga mata ni Josef. Mamimili lang naman sya ng level of problem
difficulty base sa reaction ni Armida.

Bad

Worse

Worst

Evil

Deal with the devil, baby

Suicide ka na, pare. Last resort mo na 'to!

Traydor na konsensya: Positive tayo, pards! Positive! Optimistic dapat! Isipin mo


nalang 'to: Kung ang nasa isip nya ay binabalatan ka nya ng buhay habang pinipigaan
ng kalamansi ang sugat mo, tignan mo nalang ang positive side. Oh diba! At least
buhay ka pa rin! Yun ang mahalaga. At yung sugat? Gagaling din yan after 5 months,
tiis lang.

"I guess, it's much better if I don't know" tinatamad na sinabi ni Josef bago
isubo ang huling piraso ng siopao nya

"Hehehe.." ininom nalang ni Armida ang softdrinks nya habang tinitignan ang asawa
nyang ayaw syang tignan "Iniisip mo bang may masama na naman akong binabalak?"

"Lagi ka namang may masamang binabalak, may bago pa ba?"

"Ang paranoid mo.. Iniisip ko lang na ayain ka..."

"At saan na namang impyerno yan ha?"

"Well, ewan ko lang kung impyerno na ba ang tawag sa langit..." sabi ni Armida
sabay ngiti ng sobrang lapad

Napatingin tuloy sa kanya si Josef. At mukhang nakuha ni Josef ang pinupunto nya.
Ngingiti sana si Josef pero alam nyang hindi ngayon ang tamang oras para mag-isip
ng sobrang positive lalo pa, kakagaling lang sa pagkapikon ang asawa nya.

"Kung nag-iinit ka, lumangoy ka ng 10 laps sa swimming pool. Or lumangoy ka mula sa


beach ng islang 'to papunta sa kabilang isla para lang mawala yan." pokerfaced na
sinabi ni Josef

"Oh come on!" napasandal si Armida sa inuupuan nya at tinatantya ng tingin ang
asawa nyang tumatanggi

"Gusto ko rin yang iniisip mo pero alam kong may trap ka. Nag-iingat lang ako 'no.
Mamaya, igapos mo ko sa kama, tapos latiguhin mo ko tapos pugutan mo ko ng ulo at
hiwain mo ang tyan ko habang tumatawa ka na parang sinapian ka ng pinakamasamang
demonyo sa impyerno.. Tsk! Mabubura pa ang kinabukasan ko dahil dyan sa kalokohan
mo.."

"Hahahahaha!!" natawa nalang ng malakas si Armida dahilan para pagtinginan sya ng


ibang kumakain doon. Ang wild naman ng imagination ni Josef. Hahampasin lang naman
nya ng frying pan sa mukha eh, anlayo naman nun sa sinabi nya.

Tinakpan nalang ni Josef ang mukha nya dahil nakakahiya talaga ang asawa nya. Sya
na ang nahihiya para dito.
"Sige, kiss nalang.." kinagat pa ni Armida ang labi nya para pigilan ang ngiti

"Ayoko, sasamantalahin mo kahinaan ko tapos mauuwi din yun sa plano mo.."

"Aaahhh, marunong mag-isip." tumango-tango pa si Armida

"Kung tapos ka nang kumain, pwede bang tara na.." inis na sinabi ni Josef

"Sige ba.." ayaw talagang mawala ng grin nya

Tumayo na silang dalawa. Dumistansya ng konti si Josef sa asawa nya nang makaalis
sila sa kainang iyon.

O sige, aaminin na nya. Gusto nya ang iniisip ni Armida. Advantage sa kanya yun.

Ang kaso plano ni Armida. And the level of difficulty is on Deal with the devil,
baby level. Second to the hardest level.

Traydor na Konsensya: Tip, pare. Palamigin mo muna yang asawa mo saka mo


samantalahin ang pagkakataon. At least,

mababawasan ang chance na hiwain nya ang tyan mo.

Naglakad nalang sila papunta sa may beach. Malamig doon ngayon. At susundin nya ang
traydor nyang konsensya. Malay mo mag-work, hehehe..
I wonder, paano ba natatagpuan ng mga readers ang Newly Weird Story? Dumadami na
kasi ang naglalagay sa RL nila eh..

Ah, isa pa.. Ang saya tignan yung napupuno yung notification board mo na tuloy-
tuloy na ni-like ang isang buong story mo.. Sample:

Reader#1 likes The Superior Gangsters: Mess With Me.......... Reader#1 likes The
Newly Weird(Wed): Chapter 1:The Wedding

As a reader, alam ko kung gaano kahabang oras ang ilalaan sa pagbabasa ng isang
buong story kaya salamat sa mga naglalaan ng oras para basahin ang story ko, mula
Book1 to Book5 na on-going...

Kahit nga po walang naimbentong vote or comment chu-chu, as long as masabi nyo sa
sarili nyo na 'Ah, pwede na', masaya na po ako. Nasa appreciation nyo po ang
tagumpay ng sinusulat ko.

Salamat readers!

Madaming nabibiling pagkain malapit sa may beach kaya kahit walang gana si Armida,
ginanahan pa rin syang kumain. Naka-tatlong Cornetto sya at nakalimang stick ng
banana cue. Pati yata tyan nya, may saltik na rin.

Nakaupo sila ngayon sa buhanginan sa beach habang umiinom ng chocolate shake.


Pinapanood lang nila ang dagat habang nasa ilalim ng puno ng buko. Chill chill
lang. Beach please :)

"Akalain mo yun, tatlong araw palang pala tayo dito.." sabi ni Josef
"Sa dami ng nangyaring yon, three days palang pala ang lumipas.." napabuntong-
hininga si Armida at tinignan ang mga lovers na dumadaan sa may harapan nila
"Josef, nakailang girlfriend ka?"

Napataas ang magkabilang kilay ni Josef dahil sa tanong ni Armida

"Bakit mo naman naitanong yan ha?" takang-taka naman si Josef kasi bigla yon
naitanong ng asawa nya

"Wala lang.. Curious lang naman," tinignan nya ng diretso si Josef "Sabihin mo
na, hindi naman ako mao-offend."

Tinantya pa ni Josef kung sasagutin ba nya o hindi. Galing sa pagkapikon ang asawa
nya, kelangan nasa play-safe mode sya. Hindi sya pwedeng tumangging sumagot, mamaya
mag-amok pa eh.

"Dalawa.."

"Dalawa lang? Eh? Maniwala 'ko sayo" at hindi naman makapaniwala si Armida na
dalawa nga lang ang naging girlfriend ng asawa nya

"Oo nga.. Masyado akong busy nung teenage years ko kaya hindi na ko nag-abala pang
magka-girlfriend. Liban sa aksaya ng oras, hassle yun dahil hindi ako nagi-stay sa
isang permanent place.." At saka, may reason ako kung bakit wala akong girlfriend
dati

"Eh san galing yung dalawa?"

"Uhm, nakilala ko lang naman sila nung nag-aral na ko nung college.. Uhh, una kong
girlfriend eh si Hitomi.. Kilala mo ba sya?"

"Uhh, I guess.."
Si Hitomi yung Rookie ng Upsilon. Na FORMER girlfriend ni Josef. Na-encounter sya
ng tatlong alters kaya may memory sya ni Armida. Yung babaeng feelingera na nag-
aasume pa ring girlfriend ni Josef.

"Nakilala ko sya 5 years ago. Sa University kung saan ako nag-college. Mabait sya
kaso may konting attitude. Tumagal kami ng 2 months, nakakasakal lang kasi.
Possessive sya at sobrang clingy."

"Ikaw ang nakipag-break?"

"Yeah. At mukhang hanggang ngayon hindi pa rin sya nakaka-get over sakin.."

"Waahh! Gwapo mo, pards!" sabi ni Armida sabay sampal ng mahina kay Josef

"Tss.." nag-eyeroll nalang si Josef at inabangan ang sunod na tanong

"O, yung pangalawa.."

"Si Vera, kilala mo?"

"I think so.."

Si Vera yung isa sa mga bisita nya nung bumalik sila sa bahay ng President ng
Asylum. At kilala ito ni Armida. Mas madalas sya sa katawan nya nung time na yon na
nandun si Vera sa paligid.

"Well, classmate ko sya nung college. Barkada kami and I can tell na sobrang close.
Naging kami 3 years ago.. At naging sobrang close sya sa mga kapatid ko. Lahat
naman ng kaibigan ko naging close kila Riggs.. Kaya nga hanggang ngayon, girlfriend
ko pa rin sya sa mata ni Raven."

"Gaano kayo katagal?"


"A year, I guess.. Pero naghiwalay din kami kasi alam naming pareho sa mga sarili
namin na walang pinatutunguhan.."

"Ikaw ang nakipag-break?"

"Nope, sya. Pero ang maganda nun, walang hard feelings. Ni wala ngang nakaramdam na
nag-break kami kasi ganun pa rin ang treatment. Until now, ganun pa rin. Friends
and hanggang dun lang talaga."

"Dalawa lang ha... Ilang babae ang niligawan mo?"

"Wala.. Hindi ako nanliligaw.."

"Kahit yung dalawang girlfriend mo hindi mo niligawan?"

"Hindi.. Si Tomi nga, tinanong ko lang kung pwede ko ba syang ligawan, sinagot agad
ako na kami na.. Si Vera, ayaw nun ng nililigawan, di na daw sya teenager.."

"Waahh, sabeh! Ayos ka ha! Easy to get, hard to forget, ganun? Ibang klase!" sabi
ni Armida habang sinisipa-sipa ang hita ni Josef

"Eh bakit ka naman naninipa ha?!" inis na tanong ni Josef

"Ang sarap kasi manipa ng gwapo ngayon, hahahaha!!" at halatang tuwang-tuwa si


Armida sa pangto-torture sa asawa nya "Alam mo kasi, hindi lahat ng gwapo masarap
titigan. Yung iba, like you, ansarap tadyakan sa sobrang kayabangan.."

"Eh? Mayabang ba 'ko?! Saka, teka nga, bakit mo ba tinatanong yang mga yan ha?"
asar na tanong ni Josef

"Wala lang. Curious nga lang ako..." tumigil na si Armida sa pagsipa nya sa asawa
nya
"Alam mo, gusto rin kitang tanungin pero may idea na ko ng isasagot mo.. Pustahan
tayo, NBSB ka.. At pustahan din tayo, walang nanligaw sayo.."

Natawa ng mahina si Armida at napailing nalang..

"Siguro nga NBSB ako pero madaming nanligaw sakin.. Aha-aha-aha.." binigyan nya
ng proud look si Josef "At saka.."

Natigilan sya at napatingin sa buhangin

"At saka.. sa kanilang lahat isa lang ang binigyan ko ng atensyon.." inilayo nya
ang tingin kay Josef at tumingin nalang sa dagat. Nagbago ang masaya nyang mukha at
biglang sumimangot.

Na-curious tuloy si Josef dun sa kaisa-isang matapang na yun.. Pero ang tanong,

"Buhay pa ba?" tanong ni Josef habang naka-smirk

Umiling lang si Armida

Josef: Sabi na nga ba eh.. Panalo pa rin ako..Bwahahaha

"Pero masasabi ko sa sarili ko na mahalaga talaga sya. Sya ang unang lalaking
sinabihan ko ng 'I love you' as a girl expressing her feelings for a guy"

Oh! Come on.


"At sya rin ang reason kung bakit hindi ko pwedeng sabihin ang mga salitang yon sa
ibang lalaki.."

Boom.

"Higit sa lahat, sya ang unang lalaking nagbigay sakin ng napakaraming dahilan para
mabuhay."

Dahan-dahang tumaas ang kilay ni Josef sa mga narinig nya

Josef: Pakita nyo nga sakin yang lalaki na yan nang mapatay uli...

"But I killed him. I lose myself and the worst part of me escape from inside. And
that moment, we both die. Sa panahon kung kelan, iniisip kong panghabang buhay na
ang lahat samin.. Nahirapan akong tanggapin na pinatay sya ni RYJO.

Naging dependent ako sa kanya at ang pagkawala nya ang naging dahilan kung bakit
umabot na ko sa puntong ginagawa kong tubig ang lason at ginagawa kong kanin ang
kahit anong pills, mawala lang ang sakit. I always commit suicide just to end
everything, ang kaso hindi ako mamatay-matay. Umabot na ko sa point na I am willing
to pay billion sa kahit sinong Association member, mapatay lang ako. Nakakainis
kasi walang may gustong tumanggap ng trabaho. Natatakot kasi silang banggain ang
Slayer.

Mahirap mabuhay kapag wala nang dahilan. Naiinis ako sa takbo ng buhay ko, kaya
pinangako ko sarili ko na hinding hindi ko sasabihin ang mga salitang yon sa
lalaking magbibigay uli sakin ng dahilan para mabuhay, kung hindi ko rin
maipapangako sa kanya na hindi ko sya mapapatay oras na mawala na naman ako sa
sarili ko.. "
Ubos na ang iniinom ni Armida kaya inilapag nalang nya ang cup ng chocolate shake
nya sa buhangin at pinunasan nalang ang noo nyang may namumuo nang pawis

"I don't want that to happen again kaya nga wina-warning-an kita every time I feel
that there is something wrong.."

Napalitan ng sobrang seryoso ang atmosphere sa pwesto nila

"Why are you protecting me?" seryosong tanong ni Josef

Kumuha lang ng buhangin si Armida at unti-unti nyang itinapon uli yon

"Hindi ko naman inaasahang dadating ka sa buhay ko. Si Jocas ang may gusto sayo,
hindi ko naman inaasahang mararamdaman ko sayo ang naramdaman nya sa Richard Zach
na yon. I want to die, pero sa loob ng anim na taon, binigyan ako ni Richard Zach
ng dahilan para mabuhay kahit na hindi ko naman sya kilala. Jocas want to marry
you, so bad. I didn't expect na hanggang ngayon bibigyan mo pa rin ako ng dahilan
para mabuhay. I live before to find you. To marry you someday. To give my body to
her and let you both live together. Malay ko ba na mabubuhay ako ngayon para
protektahan ka"

"Kaya ba hindi mo kayang sabihin sakin..."

Napatingin si Armida kay Josef na seryosong nakatitig sa kanya. Napabuntong-hininga


nalang sya at inilipat ang tingin sa dagat

"Inisip ko nalang na nasa pagpaparamdam nalang yan. Mas mahirap yung sinasabi mo
nga pero hindi naman nararamdaman at hindi naman napapatunayang totoo nga. I can
say that a million times but how can I prove that it's true." pinagpag nalang nya
ang kamay at kinuha ang chocolate shake ni Josef

"You already prove it.."


Napahinto sandali si Armida at sandaling sinulyapan si Josef. Tumango lang sya at
inubos ang natitirang chocolate shake ni Josef. Iniipit nalang ni Josef ang buhok
ni Armida sa likod ng tenga nito para makita ng maayos ang mukha ng asawa nya.

"You might be the worst person I've ever met, but still, you're the best woman I've
ever had.. I may be unfortunate when you're with me. But I can say that I'm the
luckiest man in the world because I'm with you.."

Ngumiti sya at itinaas nya ang kamao para makipag-fist bump sa asawa nya. Tinignan
naman ni Armida ang mukha ni Josef pagkatapos ay ang kamao nitong nakataas

"Unfortunate lucky man..." at nakipag-fist bump naman sya sa asawa nya

Libre kiligin.. :) Maganda ang kanta sa story kaya yehehehe..

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Alas tres pasado na at naiwan si Armida sa pwesto nila. Ang sabi ni Josef, may
bibilhin lang daw sya saglit.

Pero ang totoo nyan, may naisip si Josef na pakulo. Syempre, sya lang ang hindi
nanligaw sa asawa nya. At hindi pa sya nakakapanligaw sa kahit sinong babae kaya
ita-try nyang ligawan si Armida. Ahay! Saya.

Syempre, kelangang may patunayan naman sya diba... Kelangan nyang patunayan na he's
the best among the rest. Push natin yan!
Bumili sya ng tatlong roses sa isang flower shop na malapit sa kinainan nila tapos
nakihiram sya ng gitara sa isa sa mga turistang nandoon.

Nagmadali syang bumalik agad para magawa na nya ang balak nya

Tinignan nya ang paligid. Marami-raming tao na nagsu-swimming sa dagat at mga


naglalakad-lakad sa may beach. May mga malalapit na tindahan at business stalls sa
kinalulugaran nila kaya maraming makaka-witness ng gagawin nya.

Naabutan nya si Armida na naglalaro ng puti at pinong buhangin ng beach na yon.

Huminga sya ng malalim at naggitara na habang dahan-dahang lumalapit sa asawa nyang


may sariling mundo habang hinihintay sya..

"Sayin' 'I love you' is not the words I want to hear from you, it's not that I want
you not to say but if you only knew,"

Kanya-kanya nang lingon ang mga nandoon para hanapin kung sino yung kumakanta

"How easy it would be to show me how you feel.. More than words is all you have to
do to make it real,"

Napalingon naman si Armida nang marinig ang boses ni Josef.

"Then you wouldn't have to say, that you love me. Coz, I already know."
Nanlaki agad ang mga mata ni Armida nang makita ang asawa nyang kumakanta habang
palapit sa kanya

"What would you do, if my heart was torn in two, more than words to show you feel,
that your love for me is real"

Nakuha tuloy ni Josef ang atensyon ng mga tao dahilan para mapahinto sila at
panoorin sya habang kinakantahan ang asawa nya

"What would you say, if I took those words away, then you couldn't make things new,
just by saying 'I love you'"

Napanganga nalang si Armida dahil sa kalokohan ng asawa nya.

Ang ganda pa naman ng set-up nila, tapos para pa silang bagong kasal sa suot nilang
pareho.

"Now that I've tried to talk to you and make you understand"

Kanya-kanya nang labas ng mga camera ang mga nakakapanood sa kanila para videohan
ang ginagawa ni Josef.

"All you have to do is close your eyes and just reach out your hand, and touch me"
Kinindatan ni Josef si Armida dahilan para magtilian ang mga babaeng nakakapanood
sa kanila. Nagtatalo tuloy ang inis at tawa sa mukha ni Armida.

"Hold me close, don't ever let me go"

Hindi na maintindihan ni Armida ang nararamdaman nya. Hindi nya alam kung mahihiya
ba sya, maiinis ba o matatawa. Nag-iiba na ang timplada ng sikmura nya. Umiinit na
rin ang pisngi nya at bumibigat ang paghinga nya. Napatakip nalang sya ng bibig
kasi nga, iba epekto ng ginagawa ni Josef ngayon. Isa lang ang nasa isip nya kung
bakit nya yun nararamdaman..

Kinukulam na naman sya ni Josef..

"More than word is all I ever needed you to show"

Nagtitilian dahil sa kilig ang mga nakakapanood sa kanila. Syempre, bibihira lang
naman sila makakita ng ganun na ginagawa sa public kaya award lang.

"Then you wouldn't have to say that you love me"

Tumigil sa paggigitara si Josef at kinuha ang kamay ni Armida. Ia-acapella nalang


nya ang huling line. Napatayo tuloy si Armida at pilit na itinago ang mukha nya sa
mga nakakapanood sa kanila.

"Coz I already know,"


"Aaahhh!!!" nagtitilian ang mga babae habang ibinababa ni Josef ang gitara sa may
buhangin

"Ayyiieee..."

Katakut-takot na pangangantyaw ang natanggap nilang dalawa dahil sa nangyari

Kinuha na ni Josef ang roses sa likurang bulsa ng pants nya at saka iniluhod ang
isang tuhod sa buhanginan sa harapan ni Armida.

Lalo tuloy lumakas ang tiliian, kantyawan at hiyawan.

"Armida, will you marry me.." sabi ni Josef sabay alok ng flowers at pakita ng
wedding ring

"Kyaaaaahhhh!!!!" dumoble ang lakas ng tilian. Nakangiti ang lahat ng nakakapanood


sa kanilang dalawa. Syempre, may impact dahil si Josef ang gumagawa. Mukha palang
titilian na talaga.

Napatingin tuloy si Armida sa kamay nya. Nawawala yung singsing nya. At iisa lang
ang suspect nya sa pagkawala ng wedding ring nya.

"Seryoso ba 'to?" tanong ni Armida habang tinitignan ang mga nakakapanood sa


kanila
"YES! YES! YES! YES! YES! YES!" kantyaw sa kanya ng mga tao

"Sagutin mo na yan, Miss!"

"Sige na! Say yes!"

"Umoo ka na, Miss Ganda! Gwapo naman yan eh!"

"Sira ka talaga, tumayo ka na nga dyan.. Nakakainis ka na.." bulong ni Armida kay
Josef. Naiilang na kasi sya, nakatingin pa sa kanya lahat

"Sagutin mo na kasi..." nakangiti pa si Josef habang itinuturo ng tingin ang lahat


ng nanonood sa kanila

Kinuha naman ni Armida ang flowers kahit na naiinis sya (while smiling).

"Yes.." mahinang sinabi ni Armida

"Ha? Hindi ko narinig" sabi ni Josef kahit na narinig naman nya

"Yes! Yes! Yes! O, happy? Tumayo ka na nga dyan, nakakahiya ka na ha.."

"Kyyaaaahhhh!!!!"
"Ayyiieee..."

"Congrats, pare!"

Itinakip nalang ni Armida ang hawak na bulaklak sa mukha nyang namumula. Tumayo na
rin si Josef at hinalikan sa pisngi ang asawa nya sabay hug.

Lalo lang tuloy lumakas ang tilian. Nagpalakpakan na rin ang ilan. Nangibabaw ang
mga congratulations sa lugar na yon.

"Ikaw, kalokohan mo talaga kahit kelan.." pinalo ni Armida ng mahina ang likod ni
Josef

"Asus, kinilig ka na naman, hehehe.." tinignan ni Josef ang mga tao at saka sya
nagbigay ng 'thank you' gesture. Nag-thumbs up naman ang mga tao sa kanya at
cinongratulate sya

Ibinalik na ni Josef ang gitara sa hiniraman nya na kinuhaan din ang ginawa nyang
panghaharana.

"Salamat, pare." nakipagkamay pa si Josef dun sa lalaking hiniraman nya

"Congrats, dude. Ang swerte mo.." nakipagkamay din sa kanya ang hiniraman nya

Naglakad na ulit sila para maiba naman ng location.


Nakahawak si Armida sa beywang ng asawa nya habang nakaakbay naman ito sa kanya.

"Alam mo, ikaw, loko-loko ka talaga.. Marry me ka dyan, tss.. Kinuha mo pa yung
wedding ring ko" kunyari naiinis si Armida pero anlapad-lapad ng ngiti nya habang
nakatingin sa roses

Napailing nalang si Josef habang nakikita ang mukha ng asawa nyang nawala ang
pagkamestisa dahil sa sobrang pula ng mukha.

"Ano namang pumasok sa utak mo at ginawa mo yung kalokohan na yon ha?" tanong ni
Armida habang sinisipa-sipa ang buhangin na dinadaan nila

"Hindi pa ko nanliligaw eh, kaya niligawan kita.. Saka hindi pa ko nakakapag-


propose sayo, kaya nagpropose ako"

Tiningala naman ni Armida si Josef. Nakatingin lang ito ng diretso sa dinadaan nila
habang nakangiti

"Pauso mo.." mahina nyang pinalo ng bulaklak ang pisngi ng asawa nyang wagas ang
ngiti

Nilakad nila ang beach kahit na para silang mga siraulong lalapit sa tubig sabay
tatakbo kapag aalon ito palapit sa kanila. Wala namang nag-iisip na para silang
baliw na dalawa kasi normal lang naman atang ginagawa yun ng iba.

Inubos nalang nila ang oras sa paglalakad sa beach. Unti-unting lumulubog ang araw
habang slomo silang naglalakad. May mga kasabayan din silang nagwo-walking by the
beach pero syempre, may kanya-kanyang mundo rin sila.
"I'm planning to buy a house for us, anong gusto mo? Liban sa bahay ng pagong.."
tanong ni Josef

Imbes na mainis, natawa nalang ng mahina si Armida. Mukhang seryoso na si Josef.


And this time, walang nang haharang na blender sound sa sasabihin nya.

"I don't need a house. I need a home. Wala akong pakialam kahit bahay kubo pa,
basta nandun ka kuntento na ko..."

Tumango nalang si Josef habang nakangiti. Hinalikan nya sa ulo si Armida at iniba
ang direksyon ng paglalakad nila..

"O, san na tayo pupunta?" tanong ni Armida

"We're going home.."

_______________________________________

Hanggang dito lang ang keri ng romantic power of kaechosan ko sa buhay, hehehe...
Gasgas na ang harana, kaya sana bumenta pa rin sa inyo..
Quarter to seven na at ilang metro nalang ang lapit ng mag-asawa sa bahay nila nang
mapansin ang ilang pulis na nililinis ang mga gamit sa tapat ng rest house. May mga
nakalagay na rin doon na yellow tape na may nakalagay na "police line do not cross"

Unang lumapit doon si Armida. Madali naman syang sinundan ni Josef.

"Good evening, mga Sir.. Pwedeng malaman kung anong nangyari dito?" tanong ni
Armida sa isang pulis na naroon

Kinikilabutan si Josef sa ginagawa ng asawa dahil alam nyang guilty sila pero hindi
nya pwedeng ipahalata na guilty sila kaya chill pa rin sya kahit na pinagpapawisan
na sya ng malamig. Isa si Armida sa dahilan ng kidnapping incident na yon tapos
iinterview-hin nya ang investigator kung anong nangyari doon. La Señora valiente.

"Good evening din, Maam. Ah, may nangyaring konting problema dito kaninang tanghali
pero--"

"Chief! Nagbigay na ng findings ang ospital.."

Pinutol ang pag-uusap nila ng isa pang bagong dating na pulis. Nag-usap muna
sandali ang dalawang pulis..

"Baliw ka na talaga, alam mo ba 'tong ginagawa mo?" bulong ni Josef kay Armida

"Sshh.. Listen.." sabi ni Armida habang tinuturo ang mga pulis


"Ang sabi nila, walang duda na heart attack at cardiac arrest ang cause of death.
Cino-confirm pa namin kung may foul play, hintayin nalang daw ang result ng
autopsy"

"What can you say?" tanong ni Armida kay Josef. At nakuha pa nyang mag-cross arms
habang proud na nakatingin sa asawa nyang mukhang hindi na nagtataka sa resulta

Malamang na mga kidnappers ang tinutukoy nung isang pulis. Ano nga bang kataka-taka
eh si RYJO ang dumale sa kanila. Malinis syang magtrabaho kaya kahit na anong gawin
nila, wala silang makukuhang ebidensya. At kung pagbintangan man si Armida, hello!
Kidnappers yon! Pwede syang humirit ng self-defense o ikaila nya ang ginawa, wala
naman kasi sa itsura nya ang kayang pumatay ng kidnappers na may hawak na armalite.

"Ay, Maam. Asan na nga uli tayo.." ibinalik na ng pulis ang atensyon sa kanila

"Ah, mga kakilala ko nga pala ang mga pansamantalang tumutuloy dyan sa rest house..
Dito lang kami nakatira sa katapat na bahay.." itinuro naman ni Armida ang bahay
nila

"Ay, ganun po ba Maam.. Sandali lang po ha" dinukot ng pulis ang isang maliit na
notebook sa bulsa nya "Pwede po bang mahingi ang side nyo, baka makatulong sa
imbestigasyon namin.."

"Sure,"

Napapikit nalang si Josef at iniisip na hatakin ang asawa nya pabalik sa bahay
nila. Umaariba na naman ang pagiging daredevil ng asawa nya. Kaso hindi pwede kasi
may pulis. Baka paghinalaan sila.

"Ano ho ang kaugnayan nyo sa mga nakatira dito sa rest house?" tanong ng pulis
"Mga nakasama namin sa Couple's Convention na naganap sa kabila nitong block.."
sagot ni Armida. Tumango naman ang pulis sa sinabi nya

"May napansin po ba kayong kakaiba, sa pagitan ng alas dose ng gabi kagabi hanggang
kaninang alas diyes y medya ng umaga?"

"Well, nag-collapse kasi ako kagabi, hindi kasi ganun kaganda ang pakiramdam ko
kaya wala akong maibibigay sa inyong impormasyon. Pero kanina naman, wala akong
napansing kakaiba kasi tahimik naman dyan. Mga 8:13 ng umaga yon, hinihintay ko pa
nga silang lumabas dyan sa bahay kasi lagi nila kaming ini-invite every morning
kaso walang lumabas. Kaya naisipan nalang namin ng asawa ko na pumunta ng talipapa
para mamasyal.. Hindi naman kasi kami pwedeng mag-gate crash dyan, baka sabihan pa
kaming tresspasing" hinarap nya agad si Josef "Uhmm.. Aminin mo, totoo yon.."

"Oo, totoo yon." tinignan naman ni Josef ang pulis. At kahit na may naganap na
problema kagabi, hinding hinding hindi sya magsasalita.

"So, sa pagitan ng 8:13 ng umaga hanggang 10:56 ng umaga, wala kayo dito?" sabi ng
pulis habang tinuturo ang kinatatayuan nila

"Yes.." kasi nga nasa loob kami ng resthouse at hindi dito sa labas

O, she's not lying..

"Ok, so, ano po ulit ang pangalan nyo?"

"Ako si Armida and ito ang asawa ko si Josef.." sabi nya habang tinuturo si Josef
sa likuran nya

"Armida.. Josef.. ok.." sinulat naman ng pulis ang mga info na nakukuha nya

"Ano nga ulit ang nangyari dyan?" tanong ni Armida

"Ah, nagkaroon po ng kidnapping at pagpatay dyan. Naalerto lang ho kami nang


makarinig kami ng putok ng baril. Yung mga kidnappers, patay liban sa isa. Ang sabi
nga nung natira, tinorture daw sya ng babaeng nakaputi, maputi rin at
nakakatakot.."

"Nakawhite, maputi at nakakatakot.. Baka naman white lady yon, hindi ho kaya.."
natawa naman ng mahina si Armida

Napakamot nalang ng ulo si Josef dahil sa nangyayari.. At nakuha pang magbiro ng


asawa nya kahit na sya ang may gawa nun sa kidnapper..

"Yun nga rin ho ang naisip namin, Maam eh.." natawa na rin ang pulis sa joke "At
may sinabi pa sya, back-up daw nung white lady si James Bond.. Yun daw ang gumapos
sa kanya."

Nagulat si Josef sa sinabi nung pulis kasi alam nyang sya yun, pero si James Bond?
Seryoso yan? James Bond talaga.. Mukha ba syang James Bond?

"Sa katunayan nga ho nyan, sabog ho ang kidnapper na yon. Positive ho nang ipa-
drug test namin. Hindi ho kami kumbinsido sa description nya sa ibang suspect kasi
nga, naka-shabu. Mahirap maniwala kasi baka hallucination nya lang ang nakita nya"

Gustong matawa ni Armida pero pinigilan nya.

"Eh yung mga nakidnap, nasaan na?" tanong ni Armida sa pulis

"Hinatid na po ngayon sa pier. Iuuwi na sa kanila.. Mukha pa ngang na-trauma ang


isa sa mag-asawa kasi yung lalaki, wala nang maalala at yung asawa naman nya, hindi
na makausap ng matino. Gusto na daw nyang mamatay. Kawawa talaga.. Tsk tsk tsk"

"Teka, paano nakatakas? At sino yung pumatay sa mga kidnappers?" -Armida

"Ang sabi nung isa, nakalag daw ang lubid sa kamay nya kakapilit nya. At mukhang
walang pumatay sa mga kidnappers kasi ang sabi ng mga doktor sa ospital ng lugar na
'to, heart attack at cardiac arrest ang cause of death. Pero hindi pa sure yon kasi
naghihintay pa kami ng autopsy report. Titignan pa namin kung may foul play.."

"Ah, siguro tatawagan ko nalang sila mamaya para kamustahin.. Hindi magandang
experience ang makidnap. Buti nalang at nakatakas sila at hindi sila napahamak.
Salamat sa Diyos.. Sige, Sir. Good evening and thanks for your time.. Pasensya na
ho sa abala.."

"Wala po yun, Maam, thank you rin po sa oras nyo.." nagbigay galang naman sa kanya
ang pulis sa kanya

Naglakad na ang mag-asawa papasok sa bahay nila

"Lagi mo ba 'tong ginagawa sa mission mo ha?" inis na tanong ni Josef

"Yeah, gusto ko lang malaman kung may dapat pa ba kong linisin if ever may naiwan
akong kalat.. Bakit, natakot ka?" confident na sinabi ni Armida

"Ako? Huh! Asa ka.. Akala ko, ginamit mo yung mga bala na hawak mo kanina.."

"Hindi ko yun pwedeng gamitin dahil makalat. Itinapon ko lang yung bala baka kasi
magamit pa.."

Binuksan na ni Josef ang pinto at pinauna nang pinapasok ang asawa nya. Sinulyapan
pa nya ang mga imbestigador na patuloy sa pagliligpit ng gamit bago sya pumasok sa
loob.
Humiga agad si Armida sa kama. Nakaramdam na sya ng konting pagod.

"Hindi ka sinumbong nila JC. Mukhang wala ring binanggit yung Fovicate na yon.
Hindi na rin makakapagsalita si Alexander Hernandez laban sayo." sabi ni Josef
habang hinuhubad ang suot nyang shirt

"Dapat lang.."

"Nakakatakot ka talaga..." pumasok na si Josef sa banyo para makaligo. Ikaw ba


naman ang nasa kalagayan nya, tignan natin kung di ka pagpawisan sa ginawa ni
Armida.

Tumayo na si Armida at inilapag sa bedside table ang rose na bigay ni Josef.


Pumunta sya ng kusina at naghanap ng kahit anong maiinom. Nakakita sya ng orange
juice at nagsalin ng kalahati sa baso. Tinikman nya ng kaunti. Napangiwi sya sa
asim kaya wala syang magagawa kundi ang lagyan iyon ng tubig para pumantay ang
lasa.

Sinaid nya ang laman ng baso at saka uli sinilip ang loob ng ref. Nakakita sya ng
mga ubas kaya kinain nya agad.

May eating disorder talaga sya. May times na one week straight, water lang sya. May
times naman na pang-one week na ang pagkaing naco-consume nya sa isang buong araw
lang.
Naisipan na rin nyang maligo na. Pumunta agad sya sa banyo. At dahil hindi ugali ni
Josef na naglo-lock ng pinto ng banyo, nakapasok sya agad. Tuloy-tuloy lang sya sa
may bathtub at sinundan lang sya ng tingin ni Josef na napahinto sa ginagawa.
Pinuno agad ni Armida ang bathtub at saka naghubad. Tinuloy nalang ni Josef ang
pagligo nya.

Lumublob agad sya sa bathtub na nilagyan nya ng bathsoap. Napapayapa talaga ang
isipan nya kapag nakakapagbabad sa bathtub.

Pagkatapos maligo ni Josef, lumabas na sya ng banyo. Naiwan naman sa loob nun si
Armida na cina-career ang pagbababad.

Kumuha agad si Josef nang maiinom sa kusina habang pinupunasan ang buhok nyang
basa. Iniisip nyang magpagupit na dahil humahaba na rin ang buhok nya.

Umupo sya sa may high stool at inilapag sa breakfast island ang isang bote ng beer
na nakita nya sa ref. Wala naman syang balak maglasing, gusto lang nyang uminom.

Masaya ang araw na yon kahit na medyo hindi maganda ang simula. At least tapos na
ang problema nya dun sa mga couples.

Sa gitna ng pag-iisip nya, biglang sumulpot yung kwento ng asawa nya. Sino nga kaya
yung lalaking tinutukoy ng asawa nya? Base sa kwento ni Armida, mukhang malaking
impact ang ginawa nito sa buhay nya para gawin ang mga mga ganung bagay. Nagsuicide
ang asawa nya, ng maraming beses. Ang masaklap nga lang, hindi namamatay ang asawa
nya. Naalala rin nya ang sinabi ni No. 99 sa kanya nun sa ospital. 10 percent ng
body fluid ni Armida, lason. Hindi nya alam kung kikilabutan ba sya o maaawa.

Pero ang talagang sumapak sa ego nya eh yung hindi kayang sabihin ng asawa nya ang
simpleng 'I love you' dahil sa lalaking yun, kung sino man yung hinayupak na yun.
Nandamay pa ng inosente.

Pasalamat nalang yung lalaking yun at patay na sya, kundi aysos! Ewan ko nalang...

"O, anong klaseng mukha yan?"


Napalingon agad si Josef dahil dun sa nagsalita.

Sumampa agad si Armida na naka-bathrobe lang sa may counter-top. Tinabihan nya ang
beer ni Josef.

"Hindi ka ba giniginaw?" tanong ni Armida habang tinitignan ang katawan ng asawa


nya

Napalalim ang pag-iisip ni Josef, nakalimutan na nyang magbihis. Naka-boxers lang


sya.

"Pwede bang malaman ang pangalan nung lalaking tinutukoy mo?" tanong ni Josef
habang tinitignan ang pawis ng bote ng beer

"Sino? Yung kaninang sinabi ko?" tanong ni Armida sabay kuha ng bote ng beer.
Uminom sya ng kaunti at inalok kay Josef

"Yeah," kinuha ni Josef ang bote at ininuman din

"Ah, ang totoong pangalan nya, Soulomon Romanov. Russian sya at kasama namin dati.
Pero hindi namin sya tinatawag sa pangalan nya. Hindi kasi sya sanay kaya ayaw nya.
Ang tawag sa kanya nila Arkin, Soul.. Short for Soulomon. Pero mas madalas namin
syang tawagin sa UG name nya which is Psyche."

Psyche.

Psyche.

Psyche.
"May history ang primary identity at si Psyche.. Kasi si Psyche ang first love ng
primary identity.. Akala ko nga babae yun eh kasi Psyche.. "

"Psyche was killed.."

"Ok lang sana kung pinatay sya ng kung sinong assassin lang.. Kaso ang hindi nya
matanggap eh mismong alter nya ang pumatay kay Psyche.."

"10 years ago nung unang lumabas ang issue ng pagkawala ng Herring's Eyes.. At sa
time na yon, si Psyche ang dahilan... He's greedy kaya ninakaw nya ang mata kasabay
ng mission nila sa isang museum somehere sa Buenos Aires.. And nagkataon na nung
time na yon eh nasa Buenos Aires din si Shadow at ninanakaw ang Lilith's Crown..
Kaya ang napagbintangan sa pagkawala ng Herring's Eyes eh si Shadow.."

"Pagkatapos ng ilang araw, may dumating na helicopter sa Isle, dala ang ilang bata.
Pito silang dumating. Si Markus, Gabrielle, Psyche, Joni, Seph, Cam at Arkin. Lahat
sila ay 8-10 years old ang edad."

"And.. last is.. Pipilitin kong makuha ang mata.. Pangako ko kay Psyche na itatago
ko ang Herring's Eyes para sa kanya.. Kailangan kong makuha ang matang yun kahit
anong mangyari.."

Ang sabi-sabi dati, ninakaw daw ni Shadow ang mata two years ago, pero napunta lang
yon sa kamay ng isang sikat na hired killer na ibinigay nya sa isang babaeng
assassin bilang regalo.
"Josef..." yumuko si Armida para tignan ang mukha ng asawa nyang napalalim ang
pag-iisip "Huy, buhay ka pa ba?"

"Psyche, huh..." tinignan na ng diretso ni Josef si Armida "Gusto ko lang


malaman, bakit mo nga pala hinahanap ang Herring's Eyes?"

Napataas ang magkabilang kilay ni Armida dahil sa tanong na yon ni Josef. Alam
naman nyang may connect si Psyche at ang mata pero bakit naitanong ni Josef sa oras
na si Psyche ang topic?

"Bakit mo naman naitanong yan?" naiilang na binawi ni Armida ang beer at uminom
uli

"Curious lang.. Gusto mo syang makuha, diba? I can steal that for you.. again" yun
nalang ang nasabi ni Josef. Alam nyang nasa bahay ng stepfather nya ang mata.
Madali lang nya yung makukuha nang hindi sya nakikita ng pamilya nya

Napaisip naman si Armida kung bakit biglaan ang question. Naghinala tuloy sya kay
Josef.

"Herring's Eyes is... well," huminga muna ng malalim si Armida bago sagutin ang
tanong "Psyche stole it for me. Hindi ako sanay na nagsusuot ng alahas but he
wanted me to wear that earrings so bad. Na umabot sa point na..."

At ngayon, nag-sink in sa kanya ang ginawa ni Psyche noon para sa kanya

"Friname-up nya si Shadow.. Ah, fvck, tch.." bulong nya sa hangin. Napapikit
nalang sya sa sobrang tanga ng nangyaring yun. Hindi na rin nya kaya pang ituloy
ang susunod na sasabihin.

Sandaling yumuko si Josef at kinuha nalang ulit ang beer. Iinom na sana sya ang
kaso, paubos na ang laman.

Tumayo agad sya para kumuha pa ng isa. Mukhang kelangan nya eh.

Takte, sino bang matutuwa sa nangyaring yun?

Ninakaw ng first love ni Armida ang Herring's Eyes as a gift, at friname-up sya sa
nakawang yon. Friname-up sya ng first love ng asawa nya.

Tapos halos patayin sya ng asawa nya para lang sa matang yun.

Na kung tutuusin eh ang original na dapat nagmamay-ari eh si Anjanette Malavega na


nanay nya.

Ninakaw ng Daddy nya ang Herring's Eyes para sa Mama nya, dahilan para sumikat ito.
Na ninakaw ni Psyche para sa asawa nya bilang regalo. Na gusto nyang nakawin para
ilagay sa mga koleksyon nya dahil sa history at sa sumpa nito na nagkataong
naipangako nyang ibibigay sa asawa nya oras na manakaw bilang kabayaran sa kalayaan
nya.

Natahimik silang dalawa.

Kinalahati agad ni Josef ang bagong kuhang beer sa ref. Nakakaloko lang ang
nakaraan nila.

Si Armida naman napakagat nalang ng labi sa sobrang pagkainis sa sarili.

Natatangahan kasi sya, ngayon lang nya na-realize. Bigla syang nakaramdam ng
pagkakonsensya. Kawawa naman si Josef. Sobra-sobrang torture kaya ang natanggap ng
asawa nya para lang sa matang yun.

Hindi naman sya mahilig sa alahas, at kung tutuusin, wala naman talaga syang pake
sa matang yun. Ang kaso, nag-effort talaga si Psyche para makuha yon at pangako
nya, balang araw isusuot nya yon sa araw ng kasal nilang dalawa.

Lalo lang lumaki ang pagnanais nyang makuha ang mata nang mamatay si Psyche.
Dahilan para gawin nya ang lahat para lang mahanap ang mata. Kahit ang torture-in
si Shadow.

Ang saklap nga lang, kasi asawa na nya si Shadow.

Tinorture nya ang asawa nya dahil sa first love nya.

Tapos yung first love pa nya ang dahilan kung bakit hindi nya magawang mag-i love
you sa asawa nya. Ansaklap lang talaga..

"That sucks.." inis na sinabi ni Armida. Ipinaling nya sa gilid ang ulo nya para
marinig ni Josef ang sasabihin nya "That insults you for sure.."

Dumura si Josef sa lababo at lumapit nalang sa asawa nya. Ipinatong nya ang mga
siko sa kinauupuang counter-top ni Armida at iniabot ang beer sa asawa nyang
nakatingin lang sa baba. Kinuha naman ni Armida ang beer at ininuman na rin.

"You know what, NightShade stole the eyes for my mother. He stole that as a gift,
para lang mapansin sya ng Mama ko." huminga sya ng malalim at tinignan ang asawa
nyang nakatingin na rin sa kanya

"That's sweet.." mahinang sinabi ni Armida habang diretsong nakatingin sa mga mata
ni Josef

"Aaminin ko, hawak ko ngayon ang mata. And anytime, pwede ko 'yong kunin for you..
Do you want to have it?" tanong ni Josef
Pumikit sandali si Armida at umiling "I don't need that anymore.."

Gusto nyang makuha ang mata dahil kay Psyche. Siguro, time na para mag-move on.

" Tutal nasa akin naman na ang pinakamahalagang kayamanan sa mundo, mas mabuting
kalimutan ko na ang tungkol don.."

"Ang alin? Yung Regal's Crests mo at yung Grand Duke's Crypt?"

Naningkit lang ang mga mata ni Armida sa sinabi ni Josef

POK!

"Aray! Bakit ka ba nam--"

Hindi na naituloy pa ni Josef ang sinasabi nya dahil hinalikan sya ni Armida.
Pumikit-pikit pa sya dahil sa gulat.

Inilayo na rin ni Armida ang labi nya kay Josef

"Ikaw ang tinutukoy ko, engot"


Message To: IamTitaaaanium

Mukhang marami kang nasuntok ah.. Dumadami ang readers and followers ko eh,
hahahaha! Yeah!

Alas 8 ng umaga nang ipasundo ang mag-asawa sa bahay nila. Pinasakay sila sa isang
itim na van at dinala sila sa isang malaking bahay sa kabilang parte ng isla.

Pinapasok sila sa isang office at pinaupo sila sa isang tuxedo leather seat.
Pinahintay sila sandali sa loob non.

"Ang aga pa ah, bakit naman tayo bigla-biglang pinatawag?" sabi ni Josef habang
nililibot ng tingin ang buong kwarto

Maya-maya, bumukas na ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok sa loob si No. 99

"How's your vacation?" tanong ni No. 99. Umupo na agad sya sa couch na katapat ng
dalawa

"Uhm, good" sabi ni Armida


"Better.." sabi ni Josef

"Best vacation ever..." sabay pa nilang sinabi sabay ngiti

"Good. Now, I'll tell you the bad news so far.."

May inilabas na folder si No. 99 at tinignan nya isa-isa..

"Ang tatlo sa mga targets nyo, well, they're already dead.."

"Ha?"

Hindi naman makapaniwala ang dalawa.

Una, ang bilis ng pasok ng idea. Pangalawa, mukhang hindi marunong bumwelo si No.
99. Biglang hirit agad. Halatang walang balak mag-aksaya ng oras. Pangatlo, bad
news agad-agad, at patay ang bungad. Umagang umaga.

"Ang isa sa mga targets nyo, napalaban sa isang underground match at sa hindi
inaasahang pagkakataon, nagkaroon sya ng aneurysm na syang ikinamatay nya. Kanina
nga lang ang libing.. His name is Yugo Hammad. Indian grappler."

Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na napataas ng kilay

"And this, Klied Mardikova, Yugoslavian world-class fighter, died in plane crash
the day Armida died last week. And this, Amilia Shultsch, underground fighting
champion, killed herself, and that happen last night."
Inilapag ni No. 99 ang mga folder sa table at ipinatong ang magkabilang siko sa
tuhod nya

"Three of your targets died."

"That's sad." sabi ni Armida na walang ka-rea-reaksyon sa mukha

"Hahaba ba ang bakasyon namin?" tanong ni Josef

"Nope. Yun nga ang gusto naming sabihin sa inyo. Next week ko pa dapat kayo
susunduin dahil hindi pa tapos ang issue sa mga Zubin but we have to make a move.
You have to go back to business, right away."

"Paano si Cas?" tanong ni Armida

"Well, ban muna sya sa loob ng CCS. Sa ngayon, ang isa sa mga Superiors muna ang
hahandle sa inyo. Protégée sya ni Cas kaya may knowledge sya sa mission"

"Protégée?" sabay pa ang mag-asawa

"Alam kong bata pa sya pero kung ako ang tatanungin, mas may tiwala ako sa kanya
kesa sa inyong dalawa.."

"Bata pa sya?" -Armida

"Gaano kabata?" -Josef

"Enough para maging University Professor.. Ib-brief nya kayong dalawa sa mission
nyo kaya sana makipag-cooperate kayo."

Tumayo na si No. 99 at pinagpag na ang suot nyang uniform ng Order

"Sya ang nakakaalam ng lahat ng gagawin nyo kaya umayos kayong dalawa." pumunta na
si No. 99 sa may pinto para lumabas "Kapag may nangyaring masama sa kanya, stop
ang trabaho, balik sa Citadel at sasalang kayo pareho sa castigation. Kaya ayusin
nyo ang trabaho nyo"

Paglabas ni No. 99, biglang tumahimik sa loob ng office na yon. Napaisip agad ang
dalawa. At sino naman kaya yung tinutukoy ni No. 99?

"Hindi kaya si MM?" sabi ni Josef

Nag-shrug nalang si Armida

"Uhh, yo.."

Napalingon agad sila sa pinto. Gulat na gulat sila sa iniluwa ng pintuan

"IKAW?!"

Nakataas lang ang kilay ng mag-asawa habang tinitignan ang protégée ni Cas na
papalapit sa kanila.

"Akala ko ba patay ka na?" tanong ni Josef

"Sinong nagsabi?"
Napaisip si Josef kung sino nga ba ang nagsabi. Well, wala naman. Gusto lang nyang
sabihin.

"Paano ka naging Superior?" tanong ni Armida

"Kinuha ako ni Cas after akong "patayin" ni No. 99.. Now, I know. May pinagmahan ka
talaga.."

"Ano na ang dapat itawag namin sayo?" -Josef

"Yun pa rin naman..."

Tumango nalang ang dalawa sa sinabi nya

"Patay na ang tatlo kaya kelangan nyong maghanap ng panibago. Nakuha ko ang isa sa
pinakamagandang location para paghanapan ng mga susunod na Superiors."

Inilapag nya sa coffee table ang dalawang folders at saka sya prenteng preteng
humiga sa upuan. Ang isa, may nakalagay na Byeloruss at ang isa naman, Diaeresis.

"Mga International School yang dalawa. Magkatapat at laging nagko-kompetensya. Dyan


kayo pansamantalang papasok. Gawa na ang mga records at requirements nyo, kayo
nalang ang kailangan."

Iniabot nya ang isang folder kay Josef. Ang nakalagay, Diaeresis.

"Naka-maternity leave ang isa mga teacher nila kaya kinuha na namin ang position
para sayo. Substitute ka lang naman kaya hindi ka rin magtatagal. First monday ng
December ang start mo and that is sa monday na. Temporary Class Adviser ka ng mga
Section A-4th year student doon. Kinuha na rin namin ang mga subject na kelangan
mong turuan sa ibang year since ikaw ang pumalit sa isa sa mga teacher nila.
Elementary Algebra, Math, Physics and World History ang mga subjects mo. Nakalagay
na dyan sa folder ang ibang info at schedule. Perfect ang credentials mo sa
papalitan mo kaya solb solb ka na.."

"Wow, teacher Josef! Apir!" masayang sinabi ni Armida sabay high five sa asawa nya
"Eh ako, pano 'ko?"

"Well, dito sa Byeloruss.." kinagat nya ang lowerlip nya habang tumatango-tango
"Kelangan talaga nila ng teacher. Maraming alam na language at kayang tumagal sa
trabaho, yun lang ang requirements. Magiging Class Adviser ka ng Section F-4th
year. Yun lang ang klaseng tuturuan mo. Whole day. Walang teacher ang tumatagal sa
klaseng yan. Kaka-resign lang ng bagong Adviser nila last wednesday kaya urgent ang
paghahanap nila ng bagong Homeroom teacher."

Napataas ng kilay si Armida sa narinig kaya kinuha nya agad ang folder para silipin
ang laman.

"40 ang population ng klase, at ang klaseng yon ang tinuturing na worst class ever
sa history ng school. Seventeen times na silang nagpapalit ng adviser start ng
pasukan kaya goodluck.. Kelangan nila ng control sa klase kaya ikaw ang perfect sa
position.."

"Eh bakit ako may warning? Si Josef? Wala ba syang problema?"

"Wala. Section A ang tuturuan nya at nasa klaseng yon ang pinakamababait,
pinakamatatalino at pinakamodelong student ng buong Diaeresis." hinagod nya ng
tingin si Josef "At kung magkakaproblema man, if ever, malamang.." at base sa
tingin nya, alam na ang problema ni Josef

"Eh ikaw? Anong gagawin mo?" -Josef

"Nagsimula na ang trabaho ko last week. Magkita naman tayo, soon. Ihahatid kayo ng
van na magsusundo sa inyo mula rito papunta sa next location nyo."
"Paano yung mga targets?"

"Hahanap kayo ng mga gifted childs, kung hindi sa school na papasukan nyo, pwedeng
sa area. Tambak ang mga magagaling sa perimeters kaya hindi kayo mahihirapang
maghanap.. I'll call you once you arrive at your next location"

Ultimate Assassin's Credo Part 35: Director's Cut

6 years ago. . . .

"I guess, tama nga ang sinasabi nila tungkol sa lugar na 'to. Nobody leave this
place alive."

Nilingon ni Shadow ang kama at saka sya humiga.. Pakiramdam nya, nagsabay ang pagod
at pagkawala nito sa katawan nya..

"Kakalimutan ko ang lahat ng nangyari dito sa Grei Vale. Kahit na ang tungkol sa
Data o kahit sa mga nalaman ko tungkol sayo... Wala rin naman pala akong
mapapakinabangan.. Hindi naman kita pwedeng dalhin sa Asylum.."

Sumandal naman si Erajin sa dingding at nag-cross arms

"I guess I have to leave Grei Vale tomorrow." -shadow


"Tomorrow?"

"Yes" bumangon si Shadow at tinignan si Erajin "I'll steal the Herring's Eyes to
Ji Han and..."

Tumingin si Shadow sa labas ng bintana para tanawin ang maliwanag na buwan

"...I'll give it to you, in exchange for setting me free and keeping me alive"

Tumawa nalang ng mahina si Erajin at binigyan lang si Shadow ng whatever headshake

"It's Jocas who kept you alive. Sya ang dapat pasalamatan mo..."

"Fine... Anyway, before I forgot everything. Since, wala na si Shadow ngayon, I'll
introduce myself to you"

Tumayo na si Shadow at lumapit kay Erajin. Inabot nya ang kamay nya kay Erajin para
makipag-shake hands

"I'm Rynel Joseph Malavega"

Nakipagkamay naman si Erajin sa kanya

"I'm unnamed. But you can call me Erajin"

"I guess, I'll see you someday"


"I'll make sure, that someday will come"

Hindi nila binitawan ang kamay ng isa't isa sa loob ng ilang minuto. Tinitigan lang
nila ang isa't isa.

Nakaramdam ng kakaibang kuryente si Erajin na dumaloy mula sa kamay ni Shadow


paakyat sa braso nya at kumalat sa buong katawan nya

"Sana hindi tayo pareho ng iniisip..." mahinang sinabi ni Erajin pero sapat na
para marinig ni Shadow

Good news, pareho sila ng iniisip.

Bad news, pareho sila ng iniisip.

Naalala nya ang laging sinasabi ni Madame V, ang OIC ng HQ, sa lahat ng babaeng
Ranker tungkol kay Shadow.

'May chance na makaharap nyo si Shadow any moment. And once that happen, please,
leave him alone. Never dare to touch him. Kahit na gaano pa kabato ang puso nyo,
tandaan nyo, puso pa rin yan. And he is the Asylum's Heart Thief. Sya lang ang
tanging nakanakaw sa puso ng mga cold-hearted lady assassins ng apat na Association
kaya iwasan nyo sya hangga't kaya nyo. Wag na wag nyong bibigyan ng pagkakataon si
Shadow na makakita ng motibo sa kilos nyo dahil kayang kaya nyang ilabas ang lahat
ng kahinaan nyo sa isang iglap lang. Hindi sya magiging First Echelon at Legend ng
walang dahilan'

Mabilisang hinatak ni Erajin ang kamay nya kay Shadow sabay iwas ng tingin.
Biglang tumaas ang kilay ni Shadow kasabay ng dahan-dahang paglabas ng pang-asar na
ngiti nya

"Mukhang pareho nga tayo ng iniisip.." sabi ni Shadow sabay hirit ng mahinang tawa

"Tss.." napasimangot agad si Erajin at dali-daling lumabas ng kwarto

Solb na sya sa good vibes kanina, naglaho lang dahil dun sa kilabot na naramdaman
nya at sa paalala ng OIC nila

"Bwisit talaga.." bulong ni Erajin habang pababa ng bahay

Naiinis sya kasi pinagtitripan sya ni Shadow. Nababad-trip sya sa ngiting binigay
nito sa kanya.

"Ano bang gusto nyang palabasin? Don't tell me, mind reader din yung--"

Pagbukas nya ng pinto...

"Ang bagal mo.."

Napahinto sya at gulat na napatingin sa harap nya

"T-teka! Pano ka napunta dyan?!" gulat na sinabi ni Erajin habang tinitignan si


Shadow na nakapamulsa sa tapat ng pinto ng bahay

"Tsk tsk tsk.." napailing nalang si Shadow habang naka-smirk


Naningkit lang ang mga mata ni Erajin habang tinitignan si Shadow.

Umirap lang sya at naglakad na papunta sa bahay nya.

Bukas na bukas aalis na si Shadow. Hindi nya alam ang plano nito pero isa lang ang
sigurado nya: hindi na ito babalik pa ng Asylum.

Paano sya nakasigurado?

Balitang balita sa lahat ng Association na nagretiro na si Shadow sa Asylum at ang


pagnakaw sa Brain ang huli nyang mission.

Now, she killed Shadow. Wala na ring matandaan ang Brain. Hindi lumalabas ng
teritoryo nya si Ji Han. At sya nalang ang Zenith na active sa trabaho.

At ang War of the Unions?

Tatapusin na nya sa lalong madaling panahon.

"Akala ko ba sa mansion ka nakatira?"

Napahinto sya nang marinig ang nagsalitang yon.

Nasa parking lot na sya at iilang metro nalang, nandoon na sya sa maliit na bahay
nya sa likod ng mansion.
Inis syang tumalikod at tinignan ng masama si Shadow.

"Bakit ka ba nakabuntot sakin ha?! Anino ka ba?!"

Tumaas ang magkabilang kilay ni Shadow at isang pigil na ngiti ang namuo sa mga
labi nya

Napapikit nalang si Erajin dahil sa sinabi nya.

Sya si Shadow. Logic.

Napabuntong-hininga nalang sya at napakamot sa leeg nya

"Pwedeng bumalik ka na sa mansion ha.. Kung pwede lang.. Hmm?" inis na pakiusap ni
Erajin kay Shadow

"I'm just wondering, why are you going here?" tanong ni Shadow habang tinuturo ang
lugar nila

"I'm going to sleep so get lost!"

"Sleep?" nilingon-lingon pa ni Shadow ang parking lot "Here?"

"Ugh!" isang 'I-surrender' gesture nalang ang nagawa ni Erajin with matching
eyeroll pa. Nagpatuloy nalang sya sa paglalakad.

Bahala si Shadow sa buhay nya, basta sya inaantok na, tapos!

Pinanood lang ni Shadow si Erajin na maglakad. Napailing nalang sya habang


sinusundan ng tingin ang babaeng yon.
"Parang may kamukha sya.." ngumiti saglit si Shadow

Nakita nya na pumasok si Erajin sa isang maliit na bahay sa di kalayuan mula sa


parking lot.

Napaisip tuloy sya kung bakit sa pagkalaki-laki ng mansion nya at sa dinami-rami ng


mga malalaki at magagandang bahay sa buong Vale, bakit matutulog si Erajin sa
maliit na bahay?

Nagtataka syang bumalik sa loob ng mansion.

Tahimik sa buong bahay. Nakapatay din ang mga ilaw. Naalala nya, nagwala kanina si
Erajin tapos kung kumilos ito ngayon, parang walang nangyaring pananaksak kanina.
Mahirap ding kausap ang babaeng yun, magulo ang pagkatao.

Umakyat na sya sa kwartong ibinigay ni Erajin sa kanya.

Nagpunta agad sya sa banyo para maligo. Madungis na sya dahil sa ginawa ni Erajin
sa kanya. Tapos may mga mantsa pa ng dugo ang light blue shirt nya dahil sa
nakuhang sugat ng Brain.

Kelangan nyang bumalik sa Gorge at saka sya lilipad papuntang Japan. Herring's
Eyes. Ang matang matagal na nyang gustong manakaw at alam nyang hindi lang sya ang
nagnanais manakaw iyon. At isa na rin sa may gusto ng mata ay si Erajin Miller.
Sikat ang mata dahil sa sumpa nito.

Hindi nagtatagal ang mata sa kamay ng kahit sinong criminal.

Maraming hindi naniniwala sa sumpang iyon, pero kailangang paniwalaan ng mga


katulad ni Shadow. Impormasyon yon at kailangan nya ng history ng lahat ng balak
nyang nakawin.

Isang 196 year-old ruby earrings. Sumikat ang mata sa hindi malamang dahilan.
Nakalkal lang ang history ng mata dahil nga sa dahilang iyon.

Ang sabi-sabi, may isang magnanakaw ang nagtangkang manakaw ang mata. Nakuha nga
nya pero napunta din lang sa kamay ng isang ordinaryong tao.

Ang narinig naman nya sa ibang jeweler, nanakaw ang mata sa isang ordinaryong
tindahan ng alahas. Pagkatapos ay napunta sa kamay ng isang mayaman at
makapangyarihang tao. Doon daw nakalkal ang history ng mata.

Pero isang konkretong impormasyon ang nakalap nya kakatanong-tanong sa mga


aristocrats at business tycoons na nakakahalubilo nya.

Ninakaw daw ni Shadow ang mata two years ago, pero napunta lang yon sa kamay ng
isang sikat na hired killer na ibinigay nya sa isang babaeng assassin bilang
regalo.

Hindi nya alam kung saang impyerno nakuha ng mga taong yun ang impormasyon pero isa
lang ang nasisiguro ni Shadow.

Nagka-penalty sya two years ago dahil sa nangyaring nakawan na yon na involve ang
pangalan nya. At kung sino man ang taong nasa likod ng balitang yon, wag lang nyang
subukan magpakilala dahil mapapatay at mapapatay talaga sya ni Shadow.

Lumabas sya ng shower room na naka-towel lang at pinupunasan ang buhok.

"Ahihihi... Witwew.."

Napaatras si Shadow nang biglang sumulpot na naman ang babaeng yun sa kama nya. Ang
lapad na naman ng ngiti nito habang yakap ang unan at hinahaguran sya ng tingin.
"Maglalaway sana ako kaso hindi lang ikaw ang kakilala kong may ganyang katawan.."
siningkitan nya ang mata habang tumatango kay Shadow

Na-conscious tuloy si Shadow at itinakip ang towel na hawak sa katawan nya

"T-teka.. Anong ginagawa mo dito? Ah, mali.." nag-isip pa sandali si Shadow dahil
alam nyang hindi sya ngingitian ng ganun ni Erajin "Sino ka nga uli?"

"Jo-casssssssssssssss--"

"Stop!"

Nairita si Shadow sa mahabang -sss na ginawa ni Jocas

Parang pinlay-pause si Jocas dahil na-stop nga talaga na parang CD lang.

"Why are you here?" tanong ni Shadow habang dahan-dahang naglalakad papunta sa
cabinet na naglalaman ng ilang damit na binigay ni Erajin sa kanya

"Uhmm.." tumingin si Jocas sa taas at inisip kung bakit nga ba sya naroon "may
girlfriend ka na?"

Tumaas lang ang kilay ni Shadow at dahan-dahang kinuha sa loob ang isang black t-
shirt "Why are you asking?"

"Uhh, wuluh lung.." sabi ni Jocas habang nakanguso

Lalo lang nawirduhan si Shadow sa kanya. Hindi nya ma-imagine na may ganyang side
si Erajin. Ang childish.

Nagbihis na sya ng t-shirt. Ang problema naman nya eh kung paano sya
makakapagpantalon.
"May girlfriend ka na?" tanong uli ni Jocas

"Does it matter?" sabi ni Shadow. Hindi nya naman alam kung paano palalayasin si
Jocas since kanya naman ang buong mansion.

Napaka-ingrato naman nya kung sasabihin nya kay Jocas na lumayas ito para
makapagbihis sya

"May girlfriend ka na nga?" tanong uli ni Jocas

Tinantya nya ito ng tingin para malaman kung seryoso ba o hindi. Ang kaso seryoso.

"Wala"

Lumabas bigla ang sobrang laking grin sa mga labi ni Jocas

Naiilang na si Shadow kaya kinuha nya agad ang pantalon na naroon at dali-daling
bumalik sa banyo para makapagbihis.

Paglabas nya...

"Pwede ka bang maging boyfriend?" nakangiting bungad sa kanya ni Jocas dahilan


para mapaatras sya

Agad nyang iniwas ang tingin kay Jocas at dahan-dahang lumayo

"Hindi pwede."
"Why?"

"Because I'm busy."

"Why?"

"I have work, ok. I don't have time for romance. Siguro naman aware ka doon since
member ka ng Assoc." seryoso nyang sinabi kahit na nakakaramdam na sya ng konting
inis

Ang pinakayaw pa naman nya sa lahat ay pinag-uusapan ang bagay na yan dahil sa
totoo lang, allergic sya sa babae.

"Ganun ba..." malungkot na sinabi ni Jocas

"I'm tired. At aalis na ko bukas. I want to sleep. Kaya parang awa mo na, lubayan
mo na 'ko. Ok ba tayo don?" mahinahon nyang sinabi kay Jocas. Humiga na sya sa kama
at nagtakip ng unan sa mukha.

Humiga naman sa tabi nya si Jocas

"If I ask you to marry me, will you marry me?" tanong ni Jocas

Agad nyang tinanggal ang unan sa mukha nya at tinignan si Jocas na nasa tabi nya

"Silence means yes, ahihihi." kinikilig na sinabi ni Jocas

"Can I get some rest?" seryosong tanong ni Shadow


Bakit nga ba sya nainis bigla sa side na 'to ni Erajin. Siguro kasi nakukulitan na
sya. At malayo sa serious-mode na nakasanayan nyang side ni RYJO.

"Ay.." nag-pout lang si Jocas at bumangon na rin "Sige na nga. Tatanungin nalang
uli kita bukas baka kasi pagod ka lang.." binigyan nya ng mabilis na halik si
Shadow "Good Night, Richard Zach.." Pagkatapos ay nagmamadali syang lumabas ng
kwarto habang hawak ang labi nya.

Isang 'what-the-hell' reaction nalang ang nagawa ni Shadow dahil sa nangyari. But
on the other hand, that was unexpected kaya napangiti nalang sya nang di nya
napapansin.

Kinaumagahan.........

Kasabay ni Erajin na magbreakfast si Shadow.

Hindi inalis ni Shadow ang tingin nya kay Erajin. Seryoso na naman kasi ito sa
pagkain nya kaya ang awkward lang kasi ibang-iba si Erajin sa babae na nasa kwarto
nya last night.

Gusto nya tuloy makita ang reaction ni Erajin kapag nalaman nyang hinalikan sya
nito last night sa katauhan ni Jocas.
"Aalis na 'ko pagkatapos kong kumain.." sabi ni Shadow

Tumango lang si Erajin.

Nag-isip pa tuloy si Shadow ng sasabihin kasi iba lang talaga ang feeling nya.

"Nasan ang Brain?"

"Nasa clinic, dun muna sya pansamantala habang hindi pa gumagaling ang mga sugat
nya" seryosong sagot ni Erajin

Si Shadow naman ang tumango

Wala nang maisip sabihin si Shadow kaya mas pinili nalang nyang manahimik at ubusin
ang pagkain.

ALAS 9 na at papunta ang dalawa sa may parking lot.

Aalis na si Shadow at gusto nyang iwanan ang lahat ng bagay na magpapaalala na


galing sya doon. Kaya suot na naman nya ang damit na suot nya nung una syang
pumunta sa Vale kasama ang Brain. Brown turtleneck, black pants at leather shoes.

Nakasunod si Shadow kay Erajin dahil ang sabi nito may ibibigay sya.
Hindi talaga maiwasan ni Shadow na alalahanin ang mga nangyari kagabi.

Start nung nakita sya ni Erajin na pinapanood ang mga CD ni Jocas, at sa


pagsusungit nito hanggang dun sa makulit na persona na pumasok sa kwarto nya kagabi
at hinalikan pa sya.

Kung hindi yun si Erajin baka ipagwalang bahala lang nya.

Hinahagod nya ng tingin si Erajin. Naka- gray sweatshirt na may hood, black jogging
pants at rubber shoes. Mukhang magj-jogging pa yata pag-alis nya sa Vale.

Huminto si Erajin sa tapat ng isang blue Camry.

"Wala akong nakitang susi ng kotse sa Navarra, nakaw ba yun?" tanong ni Erajin

Isang 'yes' gesture lang ang binigay nya kay Erajin. Sinagot lang sya nito ng 'ano-
pa-nga-bang-aasahan-ko' reaction.

"O, ito nalang muna ang gamitin mo.." itinuro nya ng thumb nya ang kotseng katabi
at iniabot ang susi nito kay Shadow

Dahan-dahang lumaki ang ngiti ni Shadow habang tinitignan si Erajin

"Pwedeng malaman kung saan ka nagpupunta tuwing gabi?" nakangiting tanong ni


Shadow
Tinaasan lang sya ng kilay ni Erajin

"Alam mo, galing ka sa kwarto ko kagabi... " sabi ni Shadow sabay kuha ng susi at
unti-unti syang lumalapit kay Erajin

"Sinabi mo pa na maglalaway ka sana sa katawan ko kasi bagong ligo ako ng pumunta


ka, humiga ka pa sa kama at tinabihan ako tapos..."

Nanlaki naman ang mga mata ni Erajin habang unti-unting umaatras kay Shadow

Napaisip naman sya kung ano na naman ang nangyari kagabi. Tulog sya kagabi. At kung
sino mang alter nya ang lumabas kagabi, hindi nya maalala. Kung umaga lumabas baka
nalaman pa nya.

Alam nyang may reputasyon si Shadow bilang isang chick magnet kaya hindi nya
maiwasang mag-alala

"Anong ginawa mo sakin?" nag-aalalang tanong ni Erajin habang iniiwas ang tingin
kay Shadow

"Ginawa ko sayo? Wala kaya 'kong ginawa sayo" pagpapatotoo ni Shadow pero para kay
Erajin, nagkakaila sya, lalo pa sobrang pilyo ng ngiti nito sa kanya

"A-anong wala?! Malamang inakit mo ang isa sa mga alters ko kaya napunta sa kwarto
mo!" galit na sinabi ni Erajin habang tinitignan ang paligid. Nag-aalala sya na
baka makita sila ng mga maids at tauhan nya.

"Ah, inakit ko.. Teka, isipin ko muna" tumango-tango naman si Shadow at saka nya
na-corner si Erajin sa pinto ng driver's side ng kotse

"Hindi ko matandaang nilapitan kita ng ganito kalapit kagabi.." sabi nya habang
idinidikit ang katawan nya kay Erajin

Napalunok nalang si Erajin dahil uminit ang paligid paglapit ni Shadow. Nagtayuan
ang balahibo nya sa katawan. Nakalingon sa gilid ang ulo nya para iwasan ang tingin
ni Shadow pero pasulyap-sulyap sya dito.
"At hindi ko rin matandaang..." ipinaikot nya ang magkabilang hintuturo nya sa
tali ng hood ng sweatshirt ni Erajin sabay hatak nito palapit sa kanya "hinalikan
kita tulad nito..." at saka nya idinampi ang mga labi nya kay Erajin

Nagulat naman si Erajin sa ginawa ni Shadow kaya napalunok nalang sya habang
papikit-pikit. Pakiramdam nya huminto ang tibok ng puso nya sa loob ng limang
segundo

"...kagabi" bulong ni Shadow pagkalayong pagkalayo ng mga labi nya kay Erajin.
Agad na rin syang lumayo ng may kalahating dipa kay Erajin at saka sya ngumiti ng
sobrang tamis

"Kaya paano naman kita maaakit, hmm?"

Nabato na si Erajin sa kinatatayuan nya. Kanina huminto ang tibok ng puso nya,
ngayon naman para nang nakikipagkarera sa kabayo sa sobrang bilis.

Itinaas ni Shadow ang right index finger nya at sinenyasan si Erajin na lumapit sa
kanya

Pumikit-pikit pa si Erajin para klaruhin ang signal ni Shadow sa kanya.

"A-akala m-mo ba, mapapalapit m-mo ko sayo?!" sigaw nya kay Shadow "H-hindi mo ko
m-ma-maaakit sa g-ginagawa mo!" pinandidilatan nya si Shadow para sabihing hindi
ito magtatagumpay sa binabalak nyang pang-aakit

"Pfft.. Hahahahaha!!!" natawa nalang si Shadow sa sinabi ni Erajin. Kinagat nalang


nya ang right thumb habang nakangiti

"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo dyan!" galit na sigaw ni Erajin. Nakakapikon naman


kasi para sa kanya ang ginagawa nito. Tapos anlakas pa ng loob magpa-cute
pagkatapos sya tawanan. Nakakagago lang.

"Hindi kita pinapalapit sakin at mas lalong hindi kita inaakit. Pinapaalis lang
kita dyan sa pinto ng kotse para naman makasakay na ko at makaalis na dito."
nakangiting sinabi ni Shadow
Gusto na tuloy matawa uli ni Shadow. Yung sobrang lakas dahil sa reaksyon ni
Erajin.

Hindi naman nya inaasahang kakagat 'to sa pakulo nya. Kahit pala ang Ultimate
Assassin bumibigay rin sa kanya. Hindi sya kumbinsido sa seduction powers nya when
it comes to dealing with the assassins, pero ito iba.

Umalis naman agad si Erajin sa tapat ng pinto ng kotse at tumalikod para iiwas ang
sarili kay Shadow.

"Aish.. Bwisit talaga.." bulong ni Erajin sa sarili. Hindi nya alam kung magagalit
ba sya kay Shadow o sa sarili nya. Ang assuming nya naman at alam nya na kasalanan
nya yun. Pahiya sya tuloy.

Eh teka, bakit ba sya hinalikan ng mokong na yun? Ang lakas ng loob ng lalaking yun
na nakawan sya ng halik!

Pero magnanakaw si Shadow. Kung lahat kaya nyang nakawin, halik pa kaya..

Eh pero bakit naman nya inisip na inaakit sya ni Shadow? Kasama sa warning ang
kiss kaya ano pa bang iniinarte nya? Binalaan na sya, at nagbigay sya ng motibo.
Magsisi sya ngayon.

"Thanks for the car, Miss Ultimate Assassin of Meurtrier Assemblage. Don't worry,
hindi ko naman iniisip na assuming ka. I can seduce ladies like you kaya normal
lang yang reaction mo, hehehe.." at pumasok na sya sa loob ng kotse

Napapikit nalang si Erajin sa sobrang inis.

"Argh! Letse ka, Shadow!" padabog syang nag-walk-out sa parking lot nya
Napailing nalang si Shadow habang kagat ang labi nya. Hindi nya alam na ganun ang
magiging reaction ni Erajin sa ginawa nya. Ayaw na tuloy mawala ang ngiti sa mukha
nya.

Pinaandar na nya ang kotse. At imbes na humirit sya ng 100 na madalas nyang
ginagawa, nag-20 nalang sya.

Mabagal ang takbo ng kotse habang binabaybay ang kalsadang palabas ng Grei Vale

Pakiramdam nya may mangyayari pa. At kung ano yun? Yun ang gusto nyang abangan.

Samantala...

Sa office dapat ang diretso ni Erajin pero dinala sya ng paa nya sa kwarto kung
saan nag-stay si Shadow.

Naba-bad trip sya pero parang hindi. Hindi nya maintindihan ang sarili nya.

Nagsimula lang naman yun kagabi habang pinapanood nya si Shadow habang pinapanood
ang mga video diaries ni Jocas. Pakiramdam nya talaga, nagkita na silang dalawa
dati.

"Hindi kaya ginamitan ako ng skill ng loko-lokong yun?" bulong ni Erajin sa sarili

Nadako ang tingin nya sa kama na may nakapatong na coat.


Biglang lumiwanag ang mukha nya at agad na kinuha ang coat.

Wala syang kamalay-malay na nakangiti sya habang papunta sa parking lot. Iniisip
nya tuloy kung nakaalis na ba si Shadow ng Vale.

Sana hindi pa.

Dali-dali syang sumakay sa big bike nya at pinaharurot agad ito. Imbes na sa
kalsada sya dumaan, sa mga damuhan sya

nag-shortcut. Mataas ang location ng mansion kaya nakita nya sa di kalayuan ang
kotse na ibinigay nya kay Shadow.

Nagpakita na naman ang ngiti nya habang nakikita ang kotse na sobrang bagal ng
takbo.

Pinalipad nya ang bike at saka prumeno ilang metro ang layo sa harapan ng kotse.

Agad namang huminto ang kotse na sinasakyan ni Shadow.

Napatingin sa gilid si Erajin at inisip kung paano ba nya ibibigay kay Shadow ang
coat na naiwan nito sa kwarto nya.

Bumaba naman si Shadow sa kotse at nag-pamulsa pa habang nakatingin sa malayo.

"Hoy, naiwan mo 'to." mataray na sinabi ni Erajin sabay pakita ng coat. Lumapit
sya kay Shadow para iabot ang dala "Wag kang mag-iiwan ng gamit mo sa teritoryo
ko.."

Pasimpleng ngumiti si Shadow at agad ding nagseryoso. Tinignan nya ang coat at
pagkatapos ay inilipat ang tingin kay Erajin na hindi makali sa tinitignan
"Salamat..." kinuha na ni Shadow ang coat kay Erajin at inabangan kung may
sasabihin pa ito

"Uhh.." hindi mapakali si Erajin. Titingin sya sa gilid, susulyap kay Shadow,
titingin sa taas at sa baba, at titingin uli kay Shadow

Hindi nya napagplanuhan ang gagawin.

Pagkatapos nyang ibigay ang coat, ano na?

Teka, ano nga ba ang gusto nyang mangyari umpisa palang?

"I'll go now.." nag-smirk nalang si Shadow at bumalik na sa kotse

Isa pa 'tong si Shadow.

May inaabangan sya, ang kaso hindi rin nya alam kung ano ba ang inaabangan nya?

Alam nyang hahabulin sya ni Erajin, pero bakit nga ba sya hahabulin ni Erajin?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nya gustong habulin ni Erajin sa umpisa palang?

"Ah--" pipigilan sana ni Erajin si Shadow sa pag-alis kaso umandar na ang kotse.
Ang problema nga kasi, ano ang sasabihin nya? Anong valid reason ang ikakatwiran
nya?

Eh teka, bakit nga ba nya pipigilan?


Napayuko nalang si Erajin at tinapik ang noo nya. Alam nyang may problema sya sa
pag-iisip pero iba na yata ang lagay nya ngayon. Malala na ang sapak nya sa ulo.

Hindi nya napansin na pinaatras ni Shadow ang kotse at tumapat sa kanya

"Ano ba, tigilan mo nga ang kakaisip ng kung ano-ano.. Aish.." ginulo-gulo nya ang
buhok para lang mawala ang kung ano man ang iniisip nya "Kaaway sya, remember..
Kaaway sya."

Lumabas na si Shadow ng kotse at tumayo sa harapan ni Erajin

"Hey.."

Napahinto tuloy si Erajin sa ginagawang pananabunot sa sarili at napatingala

Inilagay ni Shadow ang kanang kamay nya sa beywang ni Erajin at ang kaliwang kamay
sa pisngi nito saka nya ito hinalikan.

Nabato na naman si Erajin sa kinatatayuan nya at hinintay na mag-sink sa sarili ang


nagaganap.

Iginalaw na ni Shadow ang bibig nya kaya napapikit nalang si Erajin at dahan-dahang
iginapang ang mga kamay sa katawan ni Shadow paakyat sa balikat nito. Lalo namang
ipinalapit ni Shadow ang katawan nya kay Erajin habang pinapalalim pa ang halik.

Para silang magkasintahang matagal na hindi nagkita at ibinigay nalang sa halik ang
pagnanabik sa isa't isa.
Alam nilang pareho na mali ang nagaganap dahil magkalaban sila ngunit may kung ano
sa loob nilang pareho na nagsasabing tama lang ang nangyayari.

Alam nilang kasalanan ang laman ng halik na yon, pero hindi naman masamang
magdagdag ng isa pang pagkakamali sa listahan.

Isang kasalanan gawa ng dalawang makasalanang tao.

Hindi naman masamang humiram ng panandaliang kasiyahan mula sa kasalanan, hindi ba?

Tutal, lahat naman ng bawal, masarap.

Naglayo na rin ang mga labi nila habang naghahabol ng hininga. Magkadikit ang mga
noo nilang dalawa at hindi pa rin sila naglalayo.

Nakatingin si Erajin sa mga labi ni Shadow habang nakatingin si Shadow sa mga mata
ni Erajin.

"Thank you for saving me..." bulong ni Shadow

Kinagat lang ni Erajin ang labi nya at bumitaw na rin kay Shadow. Bigla-bigla tuloy
syang nakaramdam ng sobrang awkwardness pagkatapos ng nangyari.

Binitawan na rin sya ni Shadow pagkatapos ay napakamot nalang ito ng batok.

"Uhh, so.." humugot ng hininga si Shadow at itinuro ang kotse "I guess, I really
have to go"

"Uh, yeah.." naiilang na tumango si Erajin habang palipat-lipat ang tingin kay
Shadow at sa paligid

Pasakay na uli si Shadow ng kotse nang magtanong si Erajin...

"Babalik ka ba dito pagkatapos mong makuha ang mata?"

Umiling lang si Shadow "Ipapa-deliver ko nalang.."

Nakaramdam ng lungkot at panghihinayang si Erajin sa sagot ni Shadow

Sumakay na si Shadow sa kotse at bago pa nya maisara ang pinto....

"May chance ba na..." napakamot ng leeg si Erajin, para kasing ang awkward ng
question "...na bumalik ka dito sa Vale?"

Tumingin sandali sa baba si Shadow at saka ibinalik ang tingin kay Erajin

"I can't promise, but I'll try. Maybe someday. And besides, if we're meant to see
each other again, we'll see each other again whatever happen.." nginitian nya si
Erajin at saka na isinara ang pinto ng kotse

Siguro hanggang doon nalang ang lahat para kay Erajin. Nakaramdam na sya ng
contentment sa halik na binigay ni Shadow kaya sobra-sobra na kung hihiling pa sya
na bumalik ito sa Vale kahit wala naman na itong dahilan para bumalik.

"Nga pala,"
Binuksan ni Shadow ang bintana ng kotse kaya napatingin sa kanya si Erajin

"Yes, I'll marry you. See you on the wedding"

Pagkatapos ay pinaandar na nya ang kotse paalis

Napakamot naman ng ulo si Erajin sa sinabing yon ni Shadow. Anong marry you at
anong wedding?

Meanwhile...

Abot-tenga ang ngiti ni Shadow habang nagd-drive paalis ng Grei Vale.

Binibiro lang nya si Erajin about the wedding dahil alam nya na hindi nito
maiintindihan kung ano ang tinutukoy nya.

Makakalimutan din yon ni Erajin someday. Alam naman nyang close to impossible ang
magkita uli sila, lalo pa ang pakasalan nila ang isa't isa.
"Naiwan ko?" napatingin sya sa coat na iniabot ni Erajin na nasa passenger seat at
nadagdagan lang ang dahilan ng pagngiti nya

"Buti at hindi nya nakita ang suit ko..."

Tinignan nya ang suit nyang nasa back seat

Wala syang suot na coat nang pumunta sya sa Vale at malamang na ang coat na binigay
ni Erajin sa kanya ay ang coat na dala ni Jocas kagabi nung pumunta ito sa kwarto
nya

Gusto nyang sabihing hindi kanya ang coat, ang kaso nag-abala si Erajin na habulin
sya. Ayaw naman nyang ma-offend si Erajin. At isa pa, nakahanap ito ng dahilan para
habulin sya dahil sa coat na hindi kanya kaya i-appreciate naman nya ang effort
kahit na nakakatawa.

Hindi nya inaasahan na maraming ibibigay sa kanya ang Ultimate Assassin. Mga bagay
na hindi nya inaasahang matatanggap mula sa kinatatakutang tao ng Associations.

At kung may hindi sya makakalimutan sa pagpunta nya sa teritoryo ng kalaban nya,
iyon ay ang ginawa nila.

"I can't believe it.." nangiti nalang sya habang nakatingin sa daan

Kilabot nga sya ng kababaihan, at kahit sinong babae kaya nyang akitin. Pero, may
kakaiba sa kanya.

Maliban kay Cas at sa Mama nya, ayaw na ayaw nya sa kahit sinong babae at mas
lalong ayaw nyang magkaroon ng kaugnayan sa kanila.

Hindi sya nag-aabalang gumawa ng hakbang para mang-akit. At kung may maakit man
sya, ang kasalanan ay dun sa naakit at hindi kanya dahil kahit kelan, hindi sya
nagbigay ng motibo sa kahit sinong babae dahil taliwas yon sa prinsipyo nya.

Pero iba ang nangyari ngayon..

Iyon ang unang beses na naglandi sya sa isang babae.

Unang beses na ginusto nyang habulin sya ng isang babae.

Unang beses na umasa syang mapapansin sya ng isang babae.

Unang beses na na-attract sya sa isang babae.

At ang pinakamalaking sikretong itinatago ni Shadow...

Iyon ang unang beses na nakahalik sya ng isang babae

"I wish I could kiss her again, someday"


At gaya ng ibang magagandang panaginip, makakalimutan din nila ang pangyayaring
ito.

Dadaan ang oras at lilipas ng sobrang bilis ang araw sa buhay nila. Ngunit darating
ang panahon na pagtatagpuin uli sila ng tadhana. At sa pagkakataong iyon,

Hindi man kayang alalahanin ng isipan ang magagandang sandali nila,

May mga masasayang alaala naman na tanging puso lang nila ang makaka-alala

_______________________________________________

Hope you like it, my dear readers... Pambawi sa mga sabaw na idea.. d (^___^) b

Hindi na nila alam kung nasaan silang dalawa. Basta ang alam lang nila, limang oras
na ang byahe nila at sumasakit na ang mga pwitan nila kakaupo. Sakay ng plane,
sakay ng van. Hindi pa nga sila nakakapagtanghalian.
"Hindi pa ba tayo bababa? Nasan na ba tayo?" inis na tanong ni Armida

"Nakakaburyong naman, pakiramdam ko, limang taon na tayo dito.. Traffic ba?"
reklamo ni Josef

Tinted ang bintana ng van kaya hindi nila alam kung uulan ba o talagang madilim na.

Tinignan nila ang buong lugar na dinadaanan. Ang lalayo ng pagitan ng mga bahay. At
ang tahimik.

Huminto ang van after 7 hours na byahe. Nakatapat ito sa isang 2-storey na modern
house. Kulay light blue ang kulay ng pintura ng labas at may garahe. Kapantay ng
dibdib ni Armida ang taas ng gate na kulay black at gold. Nasa harapan sila ng gate
at tinitignan ang buong labas ng bahay.

"Dito ba tayo magi-stay?" tanong ni Armida. Nilingon uli nya ang van, at gaya ng
dati, naglaho na naman na parang bula "Alam mo, nakakapanghinala yung van na yun
ha. Hindi kaya nagt-time-space warp yun? Nasulpot-nalitaw ang trip."

"Hayaan mo na yung van.. Pasok na tayo.." sabi ni Josef. Itinulak na nya ang gate.
Mabuti nalang at bukas iyon.

Tinignan nila ang left side, medyo malawak naman at may table and chairs na for
garden. Tinignan nila ang right side, may bench at may maliliit na pine tree. Sa
tabi nun ay maraming bulaklak ng bougainvillea at pink and red roses.

Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob ng bahay.

Pang-maykaya ang bahay. Kumpletong sala set with flat screen LCD tv. Tanaw ang
kusina sa sala. Katabi ng kusina ang hagdan paakyat sa 2nd floor.
Umakyat sila sa taas. May dalawang kwarto na may sariling bathroom. May terrace at
may floor-to-ceiling glass window. Naka-lock nga lang ang isa sa mga kwarto.

Pumasok sila sa pinaka-master's bedroom at doon nila nakita ang mga gamit nila.
Nakalagay din sa kama ang dalawang phone, earpiece, hi-tech watch, mga GPS at ilang
susi.

May instructions ding nakalagay at ilang paalala.

Napatingin si Armida sa alarm clock na nakapatong sa bedside table. Maga-alas


kwatro na ng hapon.

Bzzt Bzzt

Kinuha agad ni Armida ang phone na tumutunog at agad na sinagot

"Hello.."

( Laby here. May meeting kayo bukas sa mga schools nyo. Pumunta kayo before 8am.
Alam nyo naman kung anong dapat isuot. )

Ibinaba na rin nya ang communication

"May meeting tayo tommorow, Josef." sabi ni Armida


=============================

Saturday...

Sabado ngayon at gaya ng sinabi ni Laby, may meeting sila sa mga schools nila.

Paglabas na paglabas nila ng bahay bumungad agad sa kanila si Laby na nakasandal sa


van. And as usual, nakasuot sya ng pink jumper shorts na sobrang ikli, white t-
shirt na may print ng 'press' sa bandang dibdib at gray hi-cut sneakers. Naka-high
pony din sya.

"See that building?" itinuro ni Laby ang kulay light green na building sa likuran
ng left side nya "That's the Byeloruss"

Sunod naman nyang itinuro ang lavander-colored building sa may likuran ng right
side nya "That's the Diaeresis"

Mataas ang dalawang building kaya makikita iyon sa pwesto nila kahit na malayo sila
sa dalawang school.
"It-tour kayo ngayon about sa buong school, ipapakilala kayo sa mga teachers and
staffs at sasabihin sa inyo ang mga dapat nyong malaman. Pwede nyong sabihin na
married na kayo but... as fas as possible, iwasan nyong ipangalandakan sa lahat na
mag-asawa kayo dahil magiging issue yan at sure ball na mapapatalsik kayo nang di
oras."

Binuksan ni Laby ang pinto ng van at inaya na silang sumakay

"Ikaw, ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ni Josef habang pinapauna si
Armida sa loob

"I'm working.." sagot ni Laby na pumasok na rin sa loob ng van

"Working as what? Eh diba dapat nasa Citadel ka?" sabi ni Josef na nakapasok na at
sinasara nalang ang pinto ng van

Umandar na ang van papunta sa next location nila

Ang pwesto nila, si Armida sa may bintana, sa gitna si Laby tapos katabi nya si
Josef.

"Bakit naman ako mapupunta dun?" -laby

"Eh diba ikaw ang pumalit kay Cas?" -armida

"Oo nga, eh nasa Citadel lang naman sya kasi nandun ang trabaho nya. Sya ang huma-
handle sa CCS. Teka, akala nyo ba, naka-stay sa Citadel ang lahat ng Superiors?"

Napaisip tuloy ang dalawa sa sinabi nya

"Eh bakit ka nga nandito?" pag-uulit ng tanong ni Josef


"Kasi nga nandito ang trabaho ko.. Kuleeet.."

POK!

"Aaww!" nabatukan tuloy sya ni Armida "Bakit ka ba nambabatok?!"

"Ayusin mo nga ang sagot mo.." inis na sinabi ni Armida

"Tss.." nag-cross arms nalang si Laby at inis na sumandal sa inuupuan nya "I work
here. Spy ako, ok. Saka isa ako sa mga umaayos sa problema ni Armida sa Zubin.
Nagkakaroon ngayon ng manhunt at nagsisimula nang kumilos ang iba't ibang
Organization sa bansa. Nangunguna ang Zubin sa listahan ng Country's Powerful
Organization, at ang nangyari sa Organization nya ay hindi basta-bastang balita.
Hinahanap nila ang killer ni Carlos Zubin, at ang isa sa mga suspect nila ay si
Cassandra Zordick. Sa ngayon, tinatago sya ng Order dahil oras na mawala sya,
babagsak ang buong Citadel sa isang iglap lang. Hindi basta-bastang Superiors si
Cas."

Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa sinabi ni Laby

"Bakit si Cas ang suspect?" tanong ni Josef

"Dahil sya ang kilala nilang huling inutusan ni Carlos Zubin. At alam nating pare-
pareho na hindi talaga si Cas ang suspect. Ang kaso, sa mata ng lahat, sya ang may
kasalanan"

Napahilamos nalang si Armida dahil sa sinabi ni Laby

"May balita ako sa Assocs, at hindi nila inaasahang buburahin mo ang Zubin sa
listahan. Iisipin sana nilang si RYJO ang tumapos sa Zubin ang kaso alam nga nilang
patay ka na.." sabi ni Laby kay Armida
"Alam ng Assocs ang tungkol sa Zubin?" gulat na tanong ni Josef

"Oo naman. Isa sa mga may pinakamalaking supplier ng mga armas ng Congregation ang
mga Zubin. At hindi na ko magtataka kungg hindi nyo sya kilala dahil kahit kelan,
hindi sya tinangkang kalabanin ng kahit anong Assocs. Hindi rin nya kelangan ng
tulong ng kahit sino sa Assocs when it comes to security dahil meron sya nun."
humarap sya kay Armida at siningkitan nya ang mata "Kaya nga bilib ako sa lakas ng
loob mong tapusin ang Organization nila ng ganun-ganun lang.."

Umayos na uli sya ng pagkakaupo at umiling

"Bakit pa nga ba ako magtataka eh kahit ang mga Superiors hinamon mo ng gyera.."

Dahil sa mga sinabi ni Laby, napaisip na naman si Josef

"Familiar ka ba sa isang Alexander Hernandez na may involvement sa Zubin sa at all-


out war?" tanong ni Josef

Napatingin tuloy sa kanya si Armida at binigyan sya ng makahulugang tingin

"Madaming Alexander Hernandez sa earth, pero wala akong na-encounter na Alexander


Hernandez sa over-all issue. But, may Hernandez family na involve, I'm not sure if
may connect yun sa Alexander na tinutukoy nyo. Ferdinand Hernandez, illegal dealer
ng mga smuggled guns na galing sa Germany and China."

Binigyan ni Josef si Armida ng 'sya-nga-yon' look.

"If I'm not mistaken, isa sila sa mga producer ng mga dapat ay gagamiting baril sa
all-out war. Sayang nga lang na hindi natuloy. Supplier sila sa Hamza kaya malamang
na malaki ang nalugi sa kanila dahil hindi natuloy ang gyera.."
"HAMZA?!" at sabay pa ang mag-asawa sa pagsigaw

Nag-eyeroll lang si Laby at napailing

Kung ang Meurtrier Assemblage, may HQ. Ang Hamza naman ang sa Assassin's Asylum.

At kung supplier ang Hernandez na yun ng baril sa Hamza, ibig sabihin lang nun,
sobrang laki ng utang nila sa mga Zubin.

"Teka, bakit nyo ba natanong yan?" tanong ni Laby

Umiling nalang ang mag-asawa para makaiwas

After 15 minutes na byahe, nakarating din sila sa isang malaking parking lot.

Bumaba na rin silang tatlo at tinignan ang paligid.

"Nga pala, ito ang susi ng mga kotse nyo." inabot sa kanila ni Laby ang tag-isang
susi ng Vios "Yung black, sayo Josef. Yung maroon, sayo naman.." itinuro nya ang
dalawang kotse na nasa likuran ng mag-asawa

"Ang daan mo, uhh.. Armida.." itinuro nya ang left side na kalsada "There.."

"At ang daan mo, Josef.." itinuro naman nya ang kanan "There.."
"Hindi dyan ang main entrance ng mga schools, pero dyan madalas dumadaan ang mga
teachers, staffs, mga butlers and personal maids, mga yaya at mga bodyguards ng mga
students since nandito ang parking lot for them."

"Bakit hindi tayo dumaan sa main entrance?" tanong ni Josef

"Una, nandito ang kotse nyo. Pangalawa, kasi hindi magandang tignan kung sabay
kayong bababa sa main at sa magkalabang school ang punta nyo." nakapamulsang
sinabi ni Laby habang paatras na naglalakad palayo sa kanila "By the way,
magkaharap ang main gate ng Diaeresis at Byeloruss kaya mag-ingat kayo sa mga kilos
nyo. Mapapatalsik kayo agad kapag naghinala silang mag-asawa kayong dalawa"

"Teka, san ka naman pupunta?" tanong ni Armida

"Sa trabaho.. Kita nalang tayo mamaya sa bahay. Bye" sumaludo sya sa mag-asawa at
tumalikod na sabay takbo

"Bahay? Mamaya?" sabay pa nilang sinabi

~~~Narrated for Josef~~~


Pumasok na sya sa loob ng school. Sinalubong sya doon ng isang staff na guide.
Malaki ang campus at ang building. Tahimik dahil walang klase ang Basic at
Secondary every saturday.

Una syang dinala sa malaking quadrangle, may malaking fountain sa gitna at may
monument pa ng founder ng school.

Sunod syang dinala sa gym na nahahati sa tatlong parte. Ang basketball/volleyball


court, ang tennis/table tennis/badminton court at ang olympic size pool. Kasunod sa
cafeteria at sa mga Restrooms.

Pagkatapos ay inilibot sya sa buong building. Mula sa Ground floor up to Fourth


Floor. Dinala na sya sa library, clinic, sa importanteng mga rooms gaya ng Guidance
and Counseling, Student Council, Detention, Music, Computer, Projector, Function,
Home Economics, Laboratory, Main Theater, Lecture, Principal's and Dean's Office at
huling huli ay sa Faculty room.

Sinalubong sya doon ng mga magiging co-teachers nya at ang vice-president ng


school.

"Good morning.." magalang na bati ni Josef sa kanilang lahat "I'm Richard Zach.
Pleased to meet you all"

Kanya-kanya nang pasimpleng paluan ang ibang babaeng teacher habang straight na
nakatingin at nakangiti kay Josef.

"Good morning.." bati naman ng mga teachers

"Pleased to meet you, too. Mr. Zach. I'm Eduard McCoy, the school's vice-
president.. And welcome to Diaeresis University. The first and foremost provider of
the best and quality education for the development of a well-formed individual
whose academic excellence are afar from parity. Meet the faculty." inilahad nito
ang braso nya para ipakita kay Josef ang Faculty members
Nginitian naman sya ng mga Faculty members kaya ngumiti nalang din sya pabalik

"Mr. Kenta.." nag-signal si Mr. McCoy sa isa sa mga teacher at mukhang


naintindihan naman sya

Si Mr. Kenta ang lalaking katabi ni Mr. McCoy. Nakasuot sya ng magandang suit and
tie. Nakasalamin sya at neat and clean.

"Good morning, Mr. Zach, ako na ang mag-eexplain sayo ng mga dapat mong malaman
starting now kaya.." iginuide nya ang kamay at itinuro ang table na gagamitin ni
Josef

"Good luck, Mr. Zach." -Mr. McCoy

"Thank you.." -Josef

Yumuko lang si Josef para magbigay galang. Umalis na rin si Mr. McCoy after that.

"Mr. Zach, this is your table, and this is the school manual." iniabot sa kanya ni
Mr. Kenta "Kung may gusto ka pang malaman about that school, wag kang matakot
magtanong.."

Iginuide naman sya palapit sa iba pang mga teachers.

"And nga pala, this is the faculty members.. Introduce yourself to Mr. Zach.."

Fifteen ang faculty members at isa isa na silang nagpakilala pagkatapos nun ay
sinabihan na sya about sa mga naiwang trabaho ng pinalitan nyang teacher. Ibinigay
na rin sa kanya ang class record ng Advisory class nya.
Umupo na sya sa table na ibinigay sa kanya at ni-review ang lahat ng binigay sa
kanya

Since saturday ngayon, naka-half day lang ang mga teachers at ilang minuto nalang
pwede na syang umuwi

"Hi, Mr. Zach.."

Nagkumpulan ang apat na babae sa harapan ng table nya. Pare-parehong malalapad ang
ngiti.

"Hello" tipid na bati ni Josef at saka ibinalik ang tingin sa class record nya

"Uhm,"

"Ikaw na.."

"Ikaw nalang.."

"Huy, ano ba.."

Pansin ni Josef na nagtutulakan na ang apat. At naiirita sya dahil naiistorbo sya.

"Hi, Mr. Zach. I'm Rina. Welcome dito sa school.. Home Economics teacher nga pala
ako.." sabi ng isang babaeng morena na naka-pony tail at makapal ang red lipstick.
Pero hindi makapal ang over-all make up
"Ako naman si Heidi. Adviser ako ng First year-B.." sabi ng babaeng payat na
maputi at naka-eyeglasses, meron din syang braces

"Stella. Foreign Language teacher" excited na sinabi ng babaeng chubby na may


dimples

"Welcome sa Diaeresis. I'm Teacher Carmel" mahinhing sinabi ng babaeng ka-batch pa


yata si Maria Clara

"Uh, malapit na ang uwian ng mga teachers.." excited na sinabi ni Stella

"I know. May 27 minutes pa." nginitian nya ang apat at agad ding sumeryoso
pagbalik ng atensyon nya sa binabasa

"Sabay ka na saming mag-lunch, kulang kasi kami ng isa.." sai ni Rina

"Thanks for the offer but I'll refuse.. I'm sorry" seryosong sinabi ni Josef

"Ansunget." bulong ni Stella

"Baka serious lang talaga sya.." bulong ni Rina

"Baka may date?" bulong ni Heidi

"May date ka ba kaya hindi ka makakasabay?" mahinhing tanong ni Carmel

Nagulat naman ang tatlo nyang kasama sa sinabi nya kay Josef
Napahinto tuloy si Josef sa pagbabasa at umupo ng maayos sa upuan nya at tinignan
ang apat

"Gusto ko sanang sumabay, ang kaso, kelangan kong sunduin ang asawa ko before
lunch. I'll go with you next time, promise." nginitian nya ng matamis ang apat

Hindi tuloy alam ng apat kung madi-disappoint ba sila dahil sa sinabi ni Josef o
kikiligin kasi kotang kota na sila sa killer smile nya

~~~Narrated for Armida~~~

Pumasok na sya sa school. Masaya syang winelcome ng guard at iginuide sa shuttle


para makapunta sa malapit na waiting shed. Doon ay sinalubong sya ng isang babae na
mukhang secretary ng company. May hawak itong map at iniabot kay Armida. Itinuro pa
nito ang mga dapat at hindi dapat puntahan sa buong school gamit ang malaking mapa
na makikita sa gitna ng information wall ng school.

Pinasakay sya sa isang parang golf cart para i-tour sa buong school. Una syang
dinala sa gym na naka-divide sa apat na blocks. Kumpleto halos sa materials and
equipments ang gym. Kasunod sa football field. Sa quadrangle. Sa cafeteria. Sa
parking lot for students. Hanggang sa makabalik sila sa waiting shed na una nyang
napuntahan.

Pumasok na sila sa loob ng building at nagsimula sila sa Ground floor kung nasaan
ang halos lahat ng importanteng rooms ng school.
Pagkatapos ay sumakay sila ng elevator para makaakyat sa mga classrooms na mula
second floor up to sixth floor. Itinuro sa kanya kung paano gagamitin ang
electronic board at kung anong klase ang mga classrooms. Pagkatapos ay bumalik sila
sa fourth floor para salubungin sya ng faculty members kasama ang Director ng
school.

"Uhm, ohayou gozaimasu.. Watashi no namae Armida Hwong-Zach, yoroshiku


onegaishimasu" bati ni Armida

Naisip nyang mas magandang bumati sa ibang language since isa sa mga nagpapasok sa
kanya ay ang pagiging multilingual.

"Ohayou" bati sa kanya ng Faculty members

"Good Morning, Mis-- uhh" hindi pa sigurado ang Director kung paano sya ia-address

"Mrs. Zach.." pagtatama ni Armida

"Oh, Mrs. Zach, alright then." sinulyapan nya sandali ang mga teachers na nasa
likod nya "I'm surprised on the Japanese introduction. I didn't expect that. So,
uhm. Your curriculum vitae state you're a Russian. You can speak freely on your
mother tongue here in our University. Don't worry, we can understand you.."
nakangiting sinabi ng Director

"Oh, I can speak on my mother tongue.. Sure.." masaya namang sinabi ni Armida

"Anyway, Mrs. Zach. I'm Jerome Lortejo, the school's Director.. And a warm welcome
from Byeloruss University. The best and the finest international school here in the
country. This school imparts the maximum eminence of education to develop every
student's being and prepare them to face the real world on the near future."
inilahad nito ang braso nya para ipakita kay Armida ang buong Faculty Room

"Wow. Asteeg." nakangiting sinabi ni Armida


Biglang nawala ang ngiti ng mga Faculty members sa kanya at tinignan nalang ang
isa't isa para sabihing 'tama ba ang narinig ko?'

"Ehem, anyway. This is the teaching staffs." pinakita nya ang mga nasa teachers sa
likod nya

Ngumiti naman sya at sumaludo

"And, this way please.." iginuide sya ng Director sa table nya

"This is your table." pang-office ang datingan ng table nya at malawak pa. May
pinaka-wall ang buong space nya na color black "This is your record notebook"
iniabot sa kanya ang isang 12" tablet na manipis "And, just click this.." may
pinindot na blue button sa gilid ng table nya ang Director "..to view your
computer"

Lumabas sa wall ng table nya ang crystal monitor na pinaka-personal computer nya.
Parang touch screen pa ang projector/monitor kaya hindi na kelangan ng mouse.
Hinawi naman ng Director ang mesa at lumitaw doon ang virtual keyboard.

High tech kung high tech.

"All the information is to be seen in your record notebook. You can see the
university's mission and vision, rules and regulations, every profile of the
teachers and staffs, and also your students. Everything that you need to know is
indicated on your RN."

"Oh, this school is really awesome." masayang sinabi ni Armida

"Thank you. And feel free to ask us if you have any questions"

Tumango lang si Armida at nilibot ng tingin ang buong faculty room

Papalabas na ang Director sa Faculty Room nang huminto ito sa may pinto
"Mrs. Zach.."

Napalingon tuloy si Armida sa kanya

"Yes Sir.."

"Prepare your mind, your body and most of all... your lawyer. See you soon in my
office"

Isang malaking plastic smile ang binigay nya sa Director bago pa ito lumabas

"Prepare my lawyer? Baket? Mga criminal ba ang iha-handle ko?" bulong ni Armida
habang ini-scan ang hawak na tablet

"Excuse me, married ka na?" tanong ng isang babaeng teacher sa kanya. Ang pangalan
nya ay Daphne Alten, music teacher.

At base sa tono nito, parang anlaking kasalanan sa mundo ang pag-aasawa ni Armida.

Tinignan nya ito at nakita nya na mag-aabot na ang kanang kilay at bunbunan nito sa
sobrang pagkakataas. Iba ang taray level, mga level 9999.

"Masama na bang mag-asawa?" mahinahon nyang sinabi

"Ilan na ang anak mo?" entrada ng isa pang babaeng teacher na obvious na nagpa-
botox ng mukha. Sya si Edgarda Meison. English teacher.

"Anak ko? Wala akong anak, excuse me.." binababaan nya ang katarayan nya since
bago palang sya. Baka pag hiniritan nya tong mga 'to, hindi pa sya nakakapagsimula
sa trabaho, tanggal na sya
"Wala pa. 23 ka palang diba? Ang aga mo naman yatang nag-asawa" hirit ng isa pang
teacher na lalaki. Not sure if feel lang talaga sumali sa conversation o tsismoso
lang talaga. Sya naman si Henry Lao. PE teacher.

Mukhang ginigisa sya wala pa man sa first day nya.

Huminga sya ng malalim at buong kaplastikang nginitian ang tatlo

"Hindi masamang mag-asawa ng maaga. Kayang kaya naman akong buhayin ng napangasawa
ko. At hindi kelangan ng anak para lang makapagpakasal."

"Tss.." napaismid nalang ang tatlo sa sinabi nya

"Kaya ka palang buhayin eh bakit ka pa nag-teacher dito?" mataray na sinabi ni


Daphne

Tinaasan lang nya ng kilay ang sinabi ni Daphne "Masama na bang magturo?"

"50 thousand ang sweldo dito at kumpleto sa benefits. Yun lang ang nakikita naming
dahilan para tanggapin mo ang trabaho." -Edgarda

"Walang nagtatagal sa klaseng hahawakan mo kaya mga kapit sa patalim lang ang
nagtatangkang pumasok sa school na 'to" -Henry

"Oh.." tumango-tango naman si Armida at nag-isip ng kwentong hindi makatotohanan


pero kapani-paniwala naman.

"Ang totoo nyan, I really want to teach kids.. Hindi naman masamang tuparin ang
pangarap kong makapagturo, hindi ba?"

Inilapag nya ang hawak na tablet sa table at nag-cross arms sabay sandal sa wall ng
lugar nya
"Pero hindi KIDS ang tuturuan mo, kundi mga kampon ng kasamaan.." bulong ni Henry

Napataas ang magkabilang kilay nya dahil itsura palang ng tatlo, parang impyerno
ang klase nya.

"Ok lang yun. Mahaba naman ang pasensya ko.." pilit na ngiti ang binigay nya sa
tatlo at nag-imaginary eyeroll nalang

"Mahaba rin ang pasensya ng mga nauna sayo.. Ang kaso nga lang, hindi pasensya ang
labanan dito kundi.." itinaas ni Daphne ang kamay at nag-money sign "..pera"

"Ok, pera lang pala eh.. Mayaman naman ang family ko ganun din ang family ng asawa
ko, kung sakaling makapanakit ako ng estudyante, lalaban nalang ako sa lawsuit.."
sabi ni Armida sabay wink

Napataas nalang ang tatlo ng kilay

"Yun ay kung masasaktan mo sila.." bulong ni Edgarda

"Mga warfreak ang estudyante mo. Hindi tinatablan ng palo sa kamay ang mga yun.."
dagdag ni Daphne

"Bibilib talaga 'ko sayo kapag tumagal ka ng tatlong araw sa klase mo.." hirit ni
Henry

Nagsibalik na ang tatlo sa mga tables nila at rinig na rinig nya ang pustahan nito.

Ang pusta ni Henry 3 days ang itatagal nya.

Si Edgarda naman, one week.


Si Daphne, 10 days.

At nakisali pa sa pustahan ang iba pang mga staffs at teachers.

"Psh.. Hampas ko sa pagmumukha nyo 'tong hawak ko, makita nyo hinahanap nyo" nag-
eyeroll lang sya at umiling. Umupo na sya sa swivel chair nya at ni-review sa RN
ang klase nya. "Mukha palang, hindi na katiwa-tiwala.." bulong nya habang ini-scan
ang hawak na tablet

"Hello, ikaw pala ang bagong teacher.."

Napatingala sya at napatingin dun sa nagsalita. Nakapatong ang mga braso nito sa
itaas ng wall nya at matamis ang ngiti sa kanya. Pokerface lang syang tumingin
sandali sa lalaking yun at ibinalik na rin ang atensyon sa pags-scan.

"I'm Cles Geovanni Heim.. Sir Geo ang tawag nila sakin. Math teacher ako dito."

Bore na bore na tumango si Armida. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa ang narinig.

"Kapag sinaktan ka ng isa sa mga estudyante mo, sabihin mo lang sakin"

Tumango nalang din sya ng konti at inilapag sa table ang hawak na tablet

"Don't bother, Sir Jack.."

"Geo.." pagtatama nito

"Yeah, Geo. Sir Geo. I can handle myself." ngumiti sya sandali at saka bumalik sa
poker face

Isang 'owwwkeey, sige' reaction ang nagawa ni Geo habang pasimpleng ngumingiti
"Sir Geo! Tara na!" maarteng sigaw ng isa sa mga teacher

"Oh! Pwede nang umuwi.. Magl-lunch kami, gusto mong sumabay?" naka-smile na tanong
ni Geo

"No. Magluluto ang asawa ko for me" pokerfaced na sinabi ni Armida

Makikita sa mukha ni Geo na pinipilit nyang makipag-friends sa isang super


isnaberang girl. Friendly talaga sya, lalo na sa mga babae. Dahilan para
pagpantasyahan sya ng lahat ng nag-aaral at nagtatrabaho doon.

"So, see you on monday nalang ulit." tumayo na ng diretso si Geo at lumapit sa
entrance ng lugar ni Armida "Gusto mong sumabay samin palabas? Para naman hindi ka
OP.."

Nag-eyeroll lang si Armida at tumayo na

"Sige.. Sasabay ako.."

Nasa parking lot na si Josef at hinihintay si Armida. Nag-usap kasi sila na doon
magkikita pagkatapos nila sa school.
Tambay pogi sya habang nakasandal sa kotse nya. Naka-cross arms, naka-cross legs at
naniningkit ang mata dahil sa liwanag. Kulang nalang sabihin nya 'gulat kayo noh!'
sabay pose ng mister pogi. Dagdag pa ang suot nyang cream-colored shirt, black
trousers at leather shoes na anlakas lang maka-model ng damit.

Nakikita na nya sa may kanto ng crossing ang asawa nyang nakabusangot ang mukha
habang naglalakad kasama ang isang grupo na binubuo ng walong tao. Mga babae at
lalaking maayos ang suot. Iniisip nya na malamang yun ang mga co-teachers ni
Armida.

Nakaramdam sya ng tuwa dahil nakasimangot ang asawa nya.

Naglakad sya papalapit sa kanila para salubungin si Armida.

"Hey! Mrs. Zach!" sigaw nya sabay kaway

Pare-pareho tuloy na napahinto ang grupo

"O, tapos ka na?" tanong ni Armida na nagpatuloy nalang sa paglalakad

"Un-hunh.." sagot nya sabay kuha sa beywang ni Armida para pigilan ito sa
paglalakad "Good news ang nakikita ko sa mukha mo.." sabi nya sabay smile

"Ugh! Josef, I'm hungry.. Pwede ba, mamaya mo na ko pagtripan" inis na sinabi ni
Armida

Good news kay Josef ang simangot na mukha ni Armida kesa sa wagas na evil grin. Mas
kinakabahan sya sa ganung mukha ng asawa nya.
Kapag nakasimangot ito, meaning hindi ito nakalaban. At kapag hindi ito pumapalag,
wala syang magiging problema. At kapag wala syang magiging problema, walang
magiging problema si Josef.

Sinubukang maglakad ni Armida pero pinigilan sya ni Josef. Inisa-isa ni Josef ang
mga kasama ni Armida. Mga nagbubulungan.

"What happen?" tanong ni Josef sabay turo ng tingin dun sa mga nagbubulungan

"Nothing. Mga insecure lang yang mga yan" kinuha agad ni Armida ang kamay ni Josef
para hatakin ito papunta sa kotse nila ang kaso pinigilan na naman sya

Nagsilapitan agad yung mga co-teachers ni Armida sa kanila

"Mrs. Zach!" tawag ni Geo

"Mrs. Zach daw.. Lingunin mo naman," nakangiti na sinabi ni Josef

"Shut up, umuwi na nga tayo.." naiinis na sinabi ni Armida

"Hello!" bati ni Josef sa mga co-teachers ni Armida

"Uhh, hi" hinagod agad sya ng tingin ng walo "Are you her husband?"

"Husband?" nilingon nya si Armida na ayaw talaga humarap sa kanila "Huy, husband
mo ba ko? hehehe"
"I said I'm hungry and I want to eat!" sigaw ni Armida sa kanya

"Yeah, I'm her husband." sabi nya sa walo at parang hindi nya narinig ang malakas
na sigaw ng asawa nya "I'm Josef. Nice to meet you.." naka-smile na sinabi nya

"Hi.." nag-slomo hand wave pa ang mga babae sa kanya

"Ugh! Tapos ka nang magpakilala, now, let's go home dahil magluluto ka pa!"
hinatak nya na naman ang kwelyo ni Josef papunta sa kotse nila

"Whoah! Whoah! Whoah! Cool ka lang! Uy, sandali!"

Kinaladkad na naman sya ni Armida paalis dun sa harap ng mga teachers. Ang tigas
kasi ng ulo.

"Yun ba ang asawa nya?" sabi ni Henry

"Infairness ha, ang gwapo pala.." sabi ni Daphne

"Akala ko nga swanget.." sabi ni Edgarda

Sinundan lang sila ng tingin ni Geo

"Uy, mayaman nga talaga. Mag-asawa ba talaga yan?" bulong ng isang teacher

"Bongga ha, dala-dalawa ang kotse.."


Bago pa pumasok si Josef sa kotse nya, kumaway muna sya sa mga co-teachers ng asawa
nya.

Mukhang magiging masaya 'to.

Inis na inis si Armida habang nakatitig sa plato nyang may kanin, chicken and
tomato salad at rib eye steak. Nakatingin sa kanya si Josef habang slomo na
sumusubo ng pagkain.

"Ano? Busog ka na ba?" tanong ni Josef sabay inom ng juice "Sayang yan niluto ko,
uy. Pang-fine dine yan tapos tititigan mo lang"

Kinuha na ni Armida ang tinidor at sumubo ng lettuce

"Bakit ganito, lasang dahon.." tinatamad nyang sinabi

Napa-facepalm nalang si Josef. Bipolar talaga ang asawa nya, at ngayon umaatake na
naman ang sakit.

"Ayaw mong kainin? Ako kakain nyan, sige ka.." panakot ni Josef
"Eee.." napakamot nalang ng batok si Armida

"Wag ka ngang magkamot dyan, kadiri ka naman!" tinabig agad ni Josef ang kamay ng
asawa nyang nag-iinarte "Ano ba problema ha? Kanina ka pa.."

Napa-buntong hininga si Armida

"Hindi ko nga alam ang problema, basta naiirita ako sa mga tao sa school na yun.
Nakakabadtrip. Pinagpustahan lang naman ako. Gaano katagal daw ba ang itatagal ko
doon." iritang irita na sumbong ni Armida

"Ah," napasandal sa upuan si Josef sabay cross arms "Naiinis ka kasi


pinagpustahan ka.. Na-hurt ang pride mo, ganun"

"Hindi noh!" sigaw ni Armida "Ang kinaiinis ko, pagpupustahan lang naman ako,
hindi pa ginawang milyones ang pustahan! Pucha naman, ten thousand aabot daw ako ng
one month! Five thousand, three days lang! Anak ng kamoteng yan, ano ko daga? Mahal
ang presyo ko para tawaran ng ten thousand, hello! Gusto kong umepal doon at
pumusta na isang bilyon tatagal ako ng two weeks ang kaso malulugi lang ako! Sana
naman ginawa nilang one hundred, baka patulan ko pa! Kaso fifty?! Anong mapapala ko
sa fifty thousand? Itong mukhang 'to!" itinuro pa nya ang mukha nya "Ito! Ito!
Mukha ba 'tong fifty thousand?! My God! How cheap ha! Like duhh!" umarte pa sya na
parang sobrang maarteng kolehiyalang conyo. With matching hand gesture pa and
eyeroll.

Napanganga nalang si Josef sa kinikilos at pinagsasabi ng asawa nya.

"Alam mo, Armida.. kung 'di lang kita mahal, nasapak na kita.." mahinahong sinabi
ni Josef habang tinutusok-tusok ang steak nya

"Duh, Josef! Don't you get it? I'm--"

"Oo na, oo na. Tigil na. Hindi ka mukhang fifty thousand, hindi ka mukhang 100
million, hindi ka rin mukhang 1 trillion.. Parang walang away, PRICELESS ka
nalang." nginitian nya si Armida sabay balik sa 'yeah-yeah-yeah-fine-whatever'
mode "Now, eat your food dahil hindi ko niluto yan para lang titigan mo.
Kinaladkad mo pa ko para lang dyan tapos papanoorin mo lang.."

"Asus!" mahina nyang itinulak ang gilid ng noo ni Josef "Eh ikaw, kamusta naman
sa school mo"

"Ok lang. Ire-review ko yung school manual saka yung class record ko mamaya. Yung
mga teachers doon mukha namang mababait. Nakakairita nga lang"

"Bakit? Para bang Nikki at Nicole?" at sinimulan nang kainin ni Armida ang pagkain
nya

"Yeah, sort of. Sanay na ko sa mga katulad nila. Maiiwasan naman sila kaya ok lang.
Nga pala, wala akong nakitang folder o libro o kahit papel man lang na dala mo.
Hindi ka ba binigyan ng manual o kaya class record ng Byeloruss?"

"Ah, yun ba. May RN na ko. Nandun lahat ng kelangan kong malaman. Teka, nakapagpa
ID ka na ba?" tanong ni Armida

"Yeah, kanina bago ako lumabas. Saka anong RN?"

"Review Notebook ang tawag nila. Tablet ang gamit nila dun sa school at high tech
ang mga gamit. Naka-3D pa halos lahat. Malaking screen ang pinaka-blackboard nila.
Ganun ba talaga sa highschool? Sa ESMT, malaking green and white board lang at
ilang libro as reference buhay ka na."

"Mayaman pala ang mga nasa Byeloruss eh. Dun sa Diaeresis, normal lang. Malaki sa
loob kaya matagal-tagal rin bago namin nalibot"

"Takte, dun sa school na papasukan ko, de-shuttle doon. Tapos kung maka-byahe ng
cart akala mo maggo-golf ako. Ayos din sa elevator, tinalo pa hotel ko. Gusto ko
ngang itanong kung school pa ba yon o condominium. Ayos sa loob ng Student
Government Body office, akala mo VVIP suite. Pwede bang ganun sa school? Para
yatang hindi na school yung papasukan ko.." napatingin si Armida sa plato nyang
hindi man lang nya namalayang naubos na nya nang laman "Teka, kinain mo ba yung
pagkain ko?"

Napatingin si Josef sa plato ng asawa nya. Said na said. Sauce nalang ang natira.
"Josef, bakit mo naman kinain ang pagkain ko!!" pagwawala ni Armida

Napatingin naman si Josef sa plato nya. Ni hindi pa nga nya nauubos yung salad nya
at kalahati palang ang bawas ng steak.

"Armida, inaatake ka na naman ba ng sakit mo ha?" seryosong tanong ni Josef dahil


mukha ngang inaatake na naman si Armida ng sakit nya. Nagiging manic, nagkaka-STM
at naiirita. Ngayon, umaariba na naman ang eating disorder. Tinalo pa ang buntis.

"Akin na nga yan, ginugutom pa ko.." kinuha nalang nya ang pagkain ni Josef
"Ikaw, magnanakaw ka talaga.. Pati pagkain ko, tinatalo mo.."

Hinayaan nalang din ni Josef na kuhain ng asawa nya ang pagkain nya. At
pinagbintangan pa syang ninakaw ang pagkaing ang asawa nya naman mismo ang umubos.
Hindi pa sya busog pero para na rin syang nabusog habang pinapanood si Armida na
kumain ng pagkaing hinanda nya. Ni hindi man lang sya na-offend sa binintang nito
sa kanya. Ang mahalaga naman, makaramdam ng contentment ang asawa nya, dun lang
masaya na sya. Kakain nalang uli sya mamaya sa meryenda.

Sa ngayon, pakiramdam nya si Jocas ang nasa harap nya. Pero nadi-distinguished
naman nya ang kaibahan ni Armida sa ibang alter nya dati.

"You know what, minsan nakikita ko si Jin sa kilos mo. Minsan naman si Erajin.
Minsan si Jocas. Ang sabi mo, pinatay na ni No. 99 ang mga alters mo. Di kaya
parang na-mix yun sa personality mo kaya ka ganyan ngayon?"

Isang 'i-dont-know' shrug lang ang nagawa ni Armida habang ngumunguya

"Para kang si Jocas ngayon.."

Tumango lang si Armida. Hindi naman alam ni Josef kung para saan yung nod na yon.

"Naiintindihan mo ba ko?"
Balik sa 'i-dont-know' shrug ang sagot. Patay tayo dyan.

"Busog ka na ba?"

Umiling lang si Armida sabay subo ng kanin

"Kulang pa? Gusto mo magluto pa ko?"

Tumingin sandali sa taas si Armida at inisip kung gusto pa nga ba nya

"Gusto ko ng prutas.. Maraming prutas.. Pero ayoko ng nanggaling sa lupa, sa puno,


o sa kahit anong halaman"

"Ang weird mo. Not sure if sinasaltik ka na naman, umaariba na naman ang eating
disorder mo o naglilihi ka lang.."

"Bakit naman ako maglilihi?"

At si Josef naman ang nag-'i-dont-know' shrug

"Nakakandado ang fallopian tube ko, Mr. Zach. Hindi ako makakapag-produce ng egg
cell na hahabulin ng sperm cell mo." isang 'what-can-you-say' reaction ang binigay
nya kay Josef "Baka nakakalimutan mo, dati akong assassin. At bawal ang mabuntis
sa amin kaya kelangang pigilan."

"Ibig sabihin ba nyan, walang tagapagmana?"

"May choices naman para magkaroon. It's either, sasambahin mo ang makapangyarihang
buwan sa kalangitan every night, luluha ka ng dugo habang nakatitig sa sunset o
kaya iinom ka ng isang baso ng luha ng birhen habang dinadasal ng pabaligtad ang
Our Father.." ngumiti lang si Armida sabay inom ng juice

Tinaasan lang sya ng kilay ni Josef at basang basa sa mukha nito ang mga salitang
'TATAWA NA BA 'KO?'
"O kung hindi mo naman kaya, gawin mo ang pinakamahirap na desisyon sa buong buhay
mo..." seryosong sinabi ni Armida

Biglang sumeryoso si Josef dahil doon

"Dalhin mo ko sa ospital tapos ipaopera mo ko. Afford mo naman ang 3 million. Hindi
naman nila ko mapapatay kaya worth it naman ang operation.

Ang problema nga lang, baka mag-panic sila kasi hindi normal na tao ang
inooperahan nila. Mabilis magsara ang mga sugat ko. Na-experience ko nang pag-
eksperimentuhan at kung ako ang tatanungin, ok lang yun as long as hindi ako
gising. Pero ikaw, ewan ko nalang kung matitiis mo kong makitang ginagawang guinea
pig.

Ilang ospital na ang nagtangkang itago ako for further experiment and I'm telling
you, Josef. Kahit ang buong Upsilon, pati ang Escadron Elites at si Razele, literal
na nagpapabagsak ng mga ospital, just to save me. I know my abilities, but it
doesn't change the fact that I'm still weak. I still need help" ngumiti na naman
si Armida at pinunasan na ang bibig nya

Wala nang naisagot pa si Josef sa narinig sa asawa nya.

Hanggang kelan ba mauubusan ng miserableng kwento si Armida.

Pansin ni Armida kung ano ang tumatakbo sa isip ni Josef habang nakatingin ito sa
kanya. Alam nya, kinakaawaan na naman sya. Kaya para makaiwas, tumayo na sya at
kinuha ang mga plato at basong kinainan nila at agad na dumiretso sa lababo para
maghugas ng plato.

"Kaya kung ako sayo, lumuha ka nalang ng dugo mamayang sunset. Magkakaroon ka ng
baby Zach nyan, promise.. hehehe.." joke ni Armida

Sayang nga lang kasi walang nakakatawa sa biro nya. Buhay na ang pinag-uusapan sa
topic na yun at big deal yun para kay Josef.
Para na rin nyang sinabi na, 'magkakaanak ka o mamamatay ako'

Tumayo na si Josef at sinundan si Armida. Tumayo sya sa likod nito at saka nya
niyakap ang asawa. Napahinto tuloy si Armida sa pagsasabon ng plato.

"I'd rather not to have a child than to lose you.." mahinang sinabi ni Josef

Sandaling natahimik sa pwesto nila...

"Josef..."

"Hmm?"

"Wag kang OA.."

Napaatras agad si Josef at iniharap agad nya si Armida sa kanya. Nagtatakang syang
tinignan ito dahil nakikitaan ito ng saya sa mukha kahit hindi nakangiti

"Last week, the day before the vacation, nag-usap na kami ni No. 99 about that. He
said, ang ospital nya ang bahala sa operation ko tungkol sa bagay na yan. Gagawin
ang operation after nitong Superiors hunting natin. That time kasi, wala na tayong
aalalahanin pa aside sa magiging trabaho natin after nito." sabi ni Armida

"Really?" takang-taka naman si Josef sa narinig

"Yeah, kelangan daw nila ng susunod na Armida Zordick o kaya Joseph Zach. And since
alam na nila ang tungkol sa anatomical structure ko and about the experiments I
underwent, hindi na sila mahihirapan sa gagawin sakin. Kaya cool ka lang, Mr. Zach"
pinisil nya ang ilong ni Josef "Hindi hihinto sayo ang apelyido mo, hehehe.."

"Tss.." pinunasan agad ni Josef ang ilong nya dahil nabasa gawa ng pagpisil ni
Armida

Bumalik na sa paghuhugas si Armida at nakangiting umiling

Natawa nalang sa kadramahan nya si Josef at ginulo ang buhok ni Armida

~~~~Narrated for Laby~~~~

"Mga siraulo, bwisit.."

Inis na inis nyang pinunasan ang mukha nyang nadumihan dahil sa usok ng motor.
Sarado ngayon ang XZQ battleground at kelangan pa nyang maghintay. Tinignan nya ang
relo, 3:54pm. Ala sais pa daw ang opening kaya kelangan pa nyang maghintay. Kung
gusto daw nya ng laban, pumunta sya sa Xaylem, bukas ang arena na yon 24/7.

Naglalakad sya ngayon papunta sa Xaylem na limang kanto lang ang layo sa XZQ at
nabubwisit sya dahil andaming mga siraulong pinagtitripan sya.

"Pasalamat lang kayo, hindi ko kayo pinapatulan.." bulong nya habang tinitignan
ang cellphone nya

"Hoy! Bumalik kayo!"

"Mga gago! Magsibalik kayo dito!"

Napahinto sya sa paglalakad at napatingin sa gilid nya.

"Oh, shit, shit, shit.." naglakad sya ng paunti-unti hanggang sa bumilis at naging
takbo na

Maaabutan pa yata sya ng mga nagrarambulang kabataan doon. Madami pa naman.

"Hwoy! Hintayin nyo ko!"

"Tigil!"
"Abangan nyo sa kabila!"

Nadaanan sya ng ilang mga hinahabol kaya hindi sinadyang mapagkamalang isa sya sa
kanila

"Ah, letse!" sigaw nya habang naghahanap ng tatakbuhan

"Dun kayo sa kaliwa!"

"Abangan nyo sa hi-way!"

"Pucha, si Carlo!"

Napansin nya ang dead end na gate sa dulo ng tinatakbuhan. Screened ang gate na yon
kaya pwede na nyang talunin.

Gusto man nyang lumingon, hindi pwede kasi babagal ang takbo nya. Naririnig nya ang
sigawan sa likod nya. Hindi nya alam kung sino ang humahabaol sa kanya, basta ang
alam nya hinahabol sya. At kung sino man yung mga yun, hindi na nya balak pang
malaman.

"Aarghh!!" tinalon nya ang gate at parang pusang sumabit sa mga screen. Inakyat
nya iyon pataas at agad na tumalon pakabila "Bwisit talaga! Sa dinami-rami naman
ng mamalasin, Hwoy!--"

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na nya napansin ang naganap. Nakita nalang
nya ang sarili nya nakahiga sa eskinitang dinadaanan habang tinututukan ng kutsilyo
sa leeg ng isang lalaking nakapaibabaw sa kanya.
Sobrang bilis ng tibok ng puso nya. Pawis na pawis sya at naghahabol ng hininga
kakatakbo. Napapikit nalang sya sa pagod. Hindi na nya inisip ang kutsilyo sa leeg
nya. Alam naman nyang hindi itutuloy ng kung sino man ang nasa ibabaw nya ang
pagsaksak sa kanya base sa panginginig nito.

"Whoever you are... get off of me.. You're blocking.. the airways.." hinihingal na
sinabi ni Laby habang nagha-hand signal na lumayas na ang taong nasa ibabaw nya

Mabilis naman itong umalis at hinatak ang kamay nya para maitayo sya

"Ah, damn it.." pinunasan ni Laby ang noo nyang puno ng pawis gamit ang braso nya
"Ilang kilometro ba ang tinakbo ko?"

"Laby..."

Napahinto si Laby sa papupunas ng pawis at napatingin sa tumawag sa pangalan nya.

Nanlaki agad ang mata nya at kulang nalang malaglag ang panga nya sa lupa.

"No way!"

________________________________
Starting sa part na 'to. May mga pangalan akong babanggitin sa nakuha ko sa fb or
dito sa wattpad.

If ever my reklamo kayo or ayaw nyong mabanggit sa story. Buburahin ko ang


character nyo at papalitan ng bago basta i-pm nyo lang ako. Ok ba? ^__^ v

~~~~Narrated for Laby~~~~~

Nakaupo silang dalawa sa isang bench na malapit sa isang park. Umiinom silang
dalawa ng softdrinks at naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita.

"Kasama ka ba nila?"

Napatingin naman si Laby sa kasama "Sinong nila?" tanong nya

"Yung Lavender Rose Gang.."

"Lavender Rose?"

Napaisip naman si Laby tungkol sa Lavander Rose na yun.

Lavander Rose Gang. Isa sa mga Gang sa area nila. Nasa 5th place ang placing nila
sa pinakamagaling na gang sa XZQ.

"Hindi. Gumagawa ako ng mapa. Naghahanap lang ako kanina ng shortcut papunta sa
tinutuluyan kong bahay ngayon. Galing kasi ako sa Byeloruss"

"Byeloruss? Anong ginawa mo dun?"

Nag-shrug lang si Laby at umiling "Galing lang ako sa area, hindi naman ako
pumasok talaga sa school, dun lang ako bumaba galing sa service."

Tumango nalang ang kausap nya at humugot ng malalim na hininga.

"Kamusta ka na.. Hindi ka na nagpakita after nung date natin.. Akala ko kung ano
nang nangyari sayo"

Napasandal si Laby sa inuupuan at napatingin sa langit

"Hindi na ko nakapagpakita kasi dinala ako sa Russia. Isang buwan din ako dun, kaya
walang chance na magkita tayo.." sumulyap sya sa kausap at saka inilipat sa daan
ang tingin

Ang totoo, sobrang awkward sa pwesto nila. Madami silang tanong sa isa't isa ang
kaso hindi alam kung paano sisimulan.

"Patay na si Kuya at yung asawa nya.." malungkot nyang sinabi

"Talaga.." sabi ni Laby. Napabuntong hininga nalang sya dahil sa narinig "Hindi
ko alam.. Condolence.."
Buhay na buhay ang dalawa. Ang malungkot nga lang, dapat silang manatiling patay.
At isa sa mga trabaho nya ang panatilihing patay ang mag-asawa sa mata ng lahat.

"Riggs.."

"Hmm?"

"Bakit mo nga pala 'ko hinahabol kanina?"

"Akala ko kasi kasama mo yung mga Roses."

"Ano bang meron dun sa mga yun at hinahabol mo?"

"Isa sa mga member nila ang mission ko. Heiress ng Soliman Crime Family ang leader
nila. Kelangan ko syang mahanap."

"Hime Vhanthara.. Sya ba ang hinahanap mo?"

Napatingin agad sa kanya si Riggs. Hindi nito inaasahan na kilala ni Laby ang
target nya.

"Kilala mo ba ang target ko?" nagtatakang tanong ni Riggs

"Personal? hindi. Pangalan lang. Soliman Crime Family is the 7th powerful Crime
Family in the country kaya imposibleng hindi ko sya kilala."

"Ow.." naisip ni Riggs na Intel nga pala si Laby. Hindi nga imposibleng kilala nya
ang target
"Bakit? Anong atraso nung target mo?"

"Ah, wala naman. Nagkakaroon ngayon ng labanan sa pinakamagaling na Organization sa


bansa. Kelangan ng papalit sa Top Organization ngayon. Ang laking problema ng
ginawa ng kung sino man ang tumapos sa Zubin Cartel. Pati ang Asylum, nagpadala na
ng mga tao for manhunting sa killer nila. Inaalam na ng lahat kung sinong malakas
ang loob na kumalaban sa pamilyang yon. Ang naririnig ko sa Hamza, Crime Family ang
may pakana, kaya lahat ng Crime Family na nasa listahan pinapadalhan nila ng
espiya. Dito sa Soliman ang mission ko. Si Shiner Jean Soliman ang Heiress ng
pamilya kaya kelangang may magbabantay sa lahat ng kilos nya"

Ganun kalaking problema ang ginawa ni Armida.

At sa ginawa nya, lalo lang lumiliit ang mundo para sa kanila.

"Nakita mo naman ba kanina yung target mo?" tanong ni Laby

"Akala ko nga kanina ikaw yung target ko. Nagkalat kasi yung Roses kanina pagsugod
namin.."

"Ah, so kasama mo pala talaga yung mga yun na humahabol sa iba?"

"Ah, yun ba.." napakamot nalang sya ng ulo "..oo. Napilitan akong sumali sa gang
dahil sa mission na 'to. Naging member ako ng Dark Orion Cards para lang mahanap
yung target ko."

Dark Orion Cards Gang. Ang present Top Gang sa area. At ang leader nila ay walang
iba kundi si King Ace Havenstein. Ang Heir ng Havenstein Mafia Family. At isa ang
pamilya nya sa pinakamayamang pamilya sa bansa.

At sa listahan ni Laby for Superiors hunting, unang una si King Ace sa placing.

Ibig sabihin, may connect si Riggs sa isa sa mga candidate for 5th Generation
Superiors. Patay.

"K-kilala ka ba ng leader nyo?" asiwang tanong ni Laby

"Kilala? Oo, si Ace, classmate ko sya nung first year. Sayang lang at nag-repeater
sya nung third year. Ewan ko lang ngayon kung magre-repeater pa sya. Sya nga ang
una kong nilapitan about sa mission na 'to kasi alam kong matutulungan nya ko since
Top Gang ang grupo nya."

Lalong patay.

Bakit 'kanyo?

Dahil si King Ace ay...

"O, five na pala. Kelangan ko nang bumalik sa bahay. Hinihintay na ko doon ngayon.
Mag-aalala ang mga umampon sakin pansamantala kapag hindi ako nakauwi ng maaga.."
sabi ni Laby. Tumayo na sya at pinagpag ang damit

Tumayo na rin si Riggs at ishinoot ang can na hawak sa basurahan sa may gilid lang
nila

"Ah, so..." nag-isip pa si Riggs ng sasabihin "..uhm, can I have your number?"

Tinitigan sya sandali ni Laby

"Uhm, yeah.." dahan-dahang tumango si Laby "Akin na phone mo.."

Iniabot naman ni Riggs ang phone nya kay Laby


At dahil alam ni Laby na may mahihita sya sa kapatid ni Josef, kinuha nya ang
keychain ng phone nya na spider shape. May camera at microphone ang pinaka-design
nya kaya makakatulong yon sa pagkuha nya ng ipormasyon.

"Here.." inilagay na ni Laby ang number nya at ang keychain sa phone ni Riggs

Kinuha na ni Riggs ang phone nya. Nagtataka naman sya sa keychain na nasa phone

"Importante sakin yang keychain na yan. Wag mong wawalain. Gift ko yan sayo kasi sa
pagkalaki-laki ng earth, nagkita pa rin tayo. Thank you ko na rin sa ginawa mong
pagsama sakin sa theme park last time. Hindi ko makakalimutan ang araw na yon.."
tumingkayad sya para halikan sa pisngi si Riggs

"O! T-teka.."

Naglakad na paatras si Laby at nag-bye bye hand wave kay Riggs "See you later!"

At tumakbo na sya papunta sa main road.

"See you later.." ngumiti nalang din si Riggs at tinignan ang spider keychain na
nasa phone nya

"It's better than Hello Kitty. Much better."

Sunday ngayon. Alas otso ng umaga.

Naghahanda ng breakfast si Josef habang si Armida nakayukyok ang ulo sa mesa. Maya-
maya parang zombie na lumapit si Laby sa mesa at umupo sa upuang katapat ni Armida.
Nakalupaypay ang mga kamay nya sa gilid at isinubsob nalang ang mukha sa mesa.
Amoy na amoy ang mabangong niluluto ni Josef. Fried rice, sunny-side-up, sausages,
pancakes.. Sabay-sabay nyang niluluto since apat naman ang lutuan ng stove nila.
Sya pa eh sanay sa multi-tasking yang lalaking yan.

After ng ilang minuto lang, luto na ang almusal nila.

"Breakfast is ready, girls.. Wake up!" sabi nya habang nilalapag ang limang
platong dala

Paano nya nahawakan ang limang plato? Tatlo sa kanan, hanggang braso, dalawa sa
kaliwa.

"Nahihilo 'ko sa antok, letsugas talaga.." basag na basag ang boses ni Laby habang
naduduling na tinitignan ang platong nasa harap nya

Kumuha ng isang baso ng gatas at dalawang mug ng kape si Josef at inilapag na sa


mesa. Umupo na rin sya at parang robot na inayos ng pagkakaupo si Armida.

"Grabe talaga.." sabi ni Laby. Kinuha na nya ang kape at ininom.

"Uy, milk.." kinuha na agad ni Armida ang baso ng gatas at ininom ang laman

Napataas nalang ng kilay si Josef. Anong meron at nagkakaganyan ang dalawa ngayon?
Saka, yung tinimpla nyang gatas, para yun kay Laby. At yung kape, para sa asawa
nya. Anyareh??

"Armida, ayos ka lang?" tanong ni Josef habang sumasandok na ng pagkain nya


"Hindi lang ako nakapagbabad sa bathtub.." tinatamad na sinabi ni Armida sabay
subsob ng mukha sa mesa

"O, ikaw na bata ka.." sabi ni Josef kay Laby "Anong problema mo? Late ka na
umuwi kagabi ah, uwi ba yon ng matinong babae?"

"Daddy, not now.." isinubsob nalang uli ang mukha sa table

"Ugh!" sumurender na si Josef sa dalawa. Ayaw nyang painitin ang ulo nya umagang
umaga. Kakain nalang sya, bahala sila.

"Uy.." itinaas nya sandali ang kaliwang kamay para tawagin si Josef. Ibinaba na
rin nya pagkatapos "..alam ko namang mahal na mahal nyo na ang isa't isa. Sana
naman, kung gagawin nyo yun, konting tahimik naman. Konsiderasyon nalang para
sakin." umayos na sya ng pagkakaupo at sumandal sa upuan nya

"Late na nga ako nakauwi dahil sa trabaho." yung mukha nya lungkot na lungkot at
talagang nagmamakaawa na habang kausap ang plato na may lamang fried rice "Pagod
ako. Gusto ko ng pahinga. Hindi madalang ginagawa ko dahil madami yun. 6 hours of
sleep lang ang hinihingi ko, sana naman ibigay nyo sakin."

Patuloy lang si Josef sa pagsubo habang pinapanood si Laby na magdrama. Gusto nga
nyang itanong kung anong kasalanan ng sinangag sa kanya dahil yun ang kinakausap.

"Dyusko naman, hatinggabi na hatinggabi.. Nagkakalabugan sa kabilang kwarto.


Halinghingan ng halinghingan. Tinalo nyo pa yung mga pusa sa bubong.. My God! Ala
una na! Patulog na nga ako, tapos bubulabugin ako ng 'Aaahhh... Almost there..
Aaahhh...' "

Napabuga bigla si Josef ng kinakain dahil ginaya talaga ni Laby pati ang malanding
ungol na bumulabog sa kanya kagabi.

"Sana naman hindi na maulit ha.. Kasi kung kayo hindi tao, ako, tao ako. Kelangan
ko ng tulog. Kaka-16 ko lang. Gusto pang lumaki ng maayos. Ayokong maging eyebags
na tinubuan ng tao."
At parang walang nakaramdam sa pagkagulat ni Josef dahil wala pa rin sa sarili si
Armida. Tuloy lang sa pagrereklamo sa fried rice si Laby.

"May trabaho pa ko ngayon pero kelangan ko munang habulin ang tulog ko kasi two
weeks na kong--"

"Oo na. Oo na. Sige, matulog ka na sa taas. Wala nang iistorbo sayo.." tumayo na
si Josef at itinayo si Laby para papuntahin sa kwarto nya

"--walang maayos na tulog. Ngayon na nga lang ako makakapagpahinga.. May jetlag pa
ko.." patuloy pa rin si Laby sa pagrereklamo habang naglalakad papunta sa kanto ng
pader ng kusina

"Ugh!" napa-eyeroll nalang si Josef dahil wala na talaga si Laby. Hilo na talaga.
Nilapitan na nya si Laby at saka binuhat bridal-style

"Hoy, Armida. Isa ka pa, kumain ka na dyan" paalala ni Josef

Buhat ni Josef si Laby paakyat sa kwarto nito. Sana bukas nga yung kwarto kasi
kahapon, naka-lock yun.

"Daddy, 5 minutes.." nakatulog na si Laby habang buhat sya ni Josef

"Haay, naku naman.. Tsk tsk tsk"

Nakaabot na sila sa tapat ng kwarto ni Laby. Bumaba sya ng konti para abutin ang
doorknob. Pagbukas ng pinto, bumungad na naman sa kanya ang mga computers at isang
malaking monitor. Hindi makalat sa loob, at walang makikitang kakalat-kalat na
wires pero pansin talaga ang mga computers.

Inilapag na nya si Laby sa kama at kinumutan na.

At dahil curious sya, inusisa na rin nya ang ilang nandoon sa table.
"Dark Sorority. Revenge. Night Archs. Black Zone. CrowHeart. Dark Orion Cards.
Lavander Rose. Death Score. Silver Outlaw Fox." napataas nalang ng kilay si Josef
sa mga

pangalang yon. Inisip nya na baka grupo yon at yun ang tinatrabaho ni Laby sa
kasalukuyan.

"Ok.." tumango-tango nalang sya at sinilip si Laby na mahimbing na ang tulog


"Mukhang tatagal ang tulog mo.."

Lumabas na sya ng kwarto at bumaba na sa dining room para ipapatuloy ang pagkain.

"Oy, Josef.. Asan na yung bata?" tinatamad na tanong ni Armida habang tinutulak ng
tinidor ang fried rice nya

"Diba ang sabi ko kumain ka na.." umupo na si Josef sa upuan nya at tinignan lang
ang asawa nyang tamad na tamad sa buhay

"Di ako gutom.." sabi ni Armida. Uminom nalang sya ng gatas at tumayo na
"Maliligo muna ako tapos babalik nalang ako kapag ginutom na ko.." yumuko sya at
hinalikan sa pisngi si Josef. Pagkatapos ay umakyat na uli sya sa taas para
makaligo.

Umiling nalang si Josef at napa-buntong hininga

"Magluluto nalang ako mamaya.."


Ala una na ng hapon. Kakatapos lang mananghalian ng tatlo.

"Armida, baka magtaka ka kung sakaling makita mo ko sa school bukas. Exchange


student kasi ako doon." sabi ni Laby habang nakahilata sa couch at kinakalikot na
naman ang Gameboy nya

"Anong gagawin mo dun?" tanong ni Josef "Penge nga.." kinuha nya ang kutsara kay
Armida para makakain ng kinakain nitong icecream

"Hahanapin ko yung nag-redevelop ng ginawa kong software. Kapag nagtuloy-tuloy ang


paggamit nila dun, magkakaroon na naman ng gyera.."

"Linawin mo nga. Yung klaro ha. Kapag hindi namin naintindihan, hindi ka talaga
makakatulog mamaya.." banta ni Armida

"O sige, sige.. Ganito kasi yun.. May ginawa akong website when I was 7.
Itrinansfer ko sya as software at saka ko binura ang website. Naglalaro lang naman
ako sa LAN at WLAN ng mga computers ko. Hindi ko naman inaasahan na makukuha ko ang
connection sa lahat ng satellite sa mundo. Yung website, pinangalanan kong The
Brain, ganun din ang software. Yun yung time na na-discover ako ng Congregation
kaya kinuha nila ako agad. Priority ng SC ang mga computer engineers and intels
kaya hindi na ko nagtataka kung bakit ako kinuha. Nalaman nila na kaya kong ma-hack
ang kahit anong computers sa earth. At umabot na sa point na kahit ang mga private
at tagong addresses, nahahanap ng software na ginawa ko. And that is a very huge
advantage for them"

Bumangon si Laby at kinuha ang kutsara nya na nasa icecream na kinakain ni Armida

"Iilang tao lang ang nakakapagbukas nun. May password ang software kaya mga
matatalino lang ang nakakuha ng access. Ang software rin na yun ang salarin sa
pagkakahanap ng Top Secret Data ni RYJO. And I'm telling you, sobrang delikado ang
software na yun dahil lahat ng profile ng tao sa earth, nakukuha nun." sumandok
sya ng ice cream at bumalik na sa pagkakahiga

"Binura ko na ang software bago pa 'ko manakaw ni Shadow. But, I didn't expect na
malo-locate ko ang address ng nagre-develop sa Byeloruss. Mapipilitan tuloy akong
mag-aral ulit sa highschool para lang hanapin ang retarded na bumuhay sa software
ko. Hindi yon pwedeng magtagal sa kamay ng mga loko-lokong estudyante. May chance
na kahit ang CCS, ang main data base ng apat na Assoc. at ang lahat ng computers sa
earth, ma-control nila. Walang may gustong ma-control ng mga immature noh"

Tumango nalang ang mag-asawa sa sinabi nya habang kumakain ng ice cream.

Oo nga naman. Aanhin mo ang computers for information if si Laby na mismo ang
information. Pwede na silang magtanong sa kanya kahit hindi na nila contact-in si
Cas.

"Ok, para lalo kayong malinawan about The Brain.." bumangon sya sa pagkakahiga at
kinuha ang laptop sa ilalim ng coffee table "Here's the trick.." inilapag nya sa
table at

binuksan ang na-download nyang software ng The Brain. Iniharap nya ang laptop sa
mag-asawa "Solve the puzzle. That's the only way to open the software"

Sandali syang tinignan ng mag-asawa at saka inilipat ang tingin sa laptop

"Teka pano ba 'to?" sabi ni Josef habang hawak ang baba at iniisip ang nakalagay
sa screen

Ano nga ba ang nakalagay sa screen? Isang image na gawa sa ink blotch. And only the
wisest, the smartest or the insane people can decipher.

"Mukha syang natapong chocolate.." sabi ni Josef "What do you think, Armida?"

"It's the Central Nervous System.." seryosong sinabi ni Armida habang nakatingin
kay Laby "The answer is Central Nervous System.."

Napataas naman ng kilay si Josef dahil ang layo ng Central Nervous System sa itsura
ng nasa monitor. Mas mukha pa nga yong natapakang ice cream eh.
"How did you say so?" tanong ni Laby kay Armida

"Actually, mukha syang utak sa paningin ko." sabi ni Armida sabay shrug "At kung
Brain ang password, masyadong common."

"Mukha syang utak sa paningin mo?" napasandal si Laby sa couch habang naka-cross
arms "Alam mo bang sa mental ward patient ko nakuha ang idea na yang image na yan
ang gamitin para sa software."

"Kinuha mo ang idea sa isang baliw?!" gulat na sinabi ni Josef

"Iba ang pananaw sa mundo ng isang mentally dysfunctional. Nagiging baboy ang
mansanas, nagiging 17th century armor ang isang simpleng shirt, may mga nakikita
sila na hindi nakikita ng normal na tao.." sabi ni Laby

"Bakit hindi mo nalang sabihing baliw ako.." sabi ni Armida

"Matagal ka nang baliw, kahit si Josef kayang aminin sayo ang bagay na yan.. Hindi
na dapat ipaalala sayo"

'May point' gesture ang nagawa ni Josef at Armida sa sinabing yon ni Laby

"Paano mo naman nasabing Central Nervous System nga ang sagot?" tanong uli ni Laby

"Well, common sense lang and a little situation understanding. Ikaw ang Brain at
The Brain ang pangalan ng software. Malaki ang chance na The Brain or Brain lang
ang password. Kung hindi kita kilala, hindi ko yun maiisip. And about the password,
ang engot ko kung yun lang ang magiging password. Madaling malalaman. So you have
to think

of more complex idea na hindi lalayo sa main idea. What is the Brain?"

"The Central Nervous System! Lupet ah! Ayos!" itinaas ni Josef ang kamay para
makipag-high five sa asawa
"Galeng debah.." nakipag-hi five naman si Armida kay Josef "Utak-utak lang yan..
Don't push yourself to understand more. Bubulagin ka lang nun sa katotohanan. Like
what I told my people, look at the bigger picture. Sabi nga sa movie. The closer
you look, the less you see"

"Subukan mong i-type ang sagot" utos ni Laby

Itinype ni Armida ang Central Nervous System at nag-Access Granted. Nag-load na


agad para mabukas.

"Ah, bumukas.." sabi ni Josef "Galing mo.." pinisil nya sandali ang ilong ni
Armida

"Wala sa itsura mo ang nag-iisip ng matino.." sabi ni Laby kay Armida

"Wala sa itsura mo ang nabubuhay ng matagal.." sarcastic na sinabi ni Armida kay


Laby

Bumukas na ang main page ng software. Lumabas ang "BLACK WEB" na may parchment font
at mga sapot at gagamba in black and red designs ang background.

"Akala ko ba The Brain? Bakit Black Web 'to?" nagtatakang tanong ni Armida

"Kasi nga ni-redevelop, kuleet.." lumipat sya ng upuan at pumwesto sa gitna ng


mag-asawa "Hindi sya delikado kung tanga since birth ang gagamit. Pero kung mga
well-educated mentalyy retarded, dyan tayo magkakaproblema."

Umatras ang mag-asawa at sabay na nag-whatever headshake

"Sige, try natin para malaman nyo kung gaano sya kadelikado.." sabi ni Laby.
Itinype nya sa search engine ang pangalang 'Rynel Joseph Malavega'

Lumabas agas sa screen ang mukha ni Josef. Nakalagay ang mga info about sa kanya.
"Nakita nyo kung ano ang lumabas?" itinuro ni Laby ang screen "Hindi nyo makikita
sa Google 'to kahit na hanapin nyo pa.."

"Holy hell.." hindi inaasahan ni Josef ang nababasa nya sa screen

Nakita nya mula sa history ng Mama nya, pati na sa Daddy nya. Lahat ng infrmation
mula nung pinanganak sya hanggang sa namatay sya.

"May link din dito si Richard Zach, si Jocas Erajin Española, Si Erajin Miller, si
Erajin Findel, si Rigory Thompson, si Joseph Zach kahit ang link ng Assassin's
Asylum nandito din." sabi ni Laby

"Click natin 'tong Richard Zach.."

Napunta sa panibagong page at nakita nila ang profile ULI ni Josef.

"See, may link na dito si Shadow ang Asylum, si Armida, si Cas, si NightShade, ang
Fuhrer, ang tungkol sa Order, ang tungkol sa Superiors, ang halos lahat ng info na
dapat ay manatiling sikreto lang, lahat nandito."

"Ricardo Exequiel Lieu Vereh Zach Alfonso Malavega.. Anak ng tinapang pangalang
yan.. Whole name mo yan, Josef? 'Singhaba ng EDSA!" gulat na tanong ni Armida

"Wag ka nang magsalita.." inabot nya si Armida para takpan ang mata nito sabay
tulak nito pasandal sa upuan

"Click natin 'tong sa asawa mo.."

At bumukas naman ang page na may laman ng profile ni Armida

"See, halos lahat nandito. Mula sa Isle, sa Four Pillars, sa Citadel, sa Superiors,
sa MA, sa HQ, mga alters nya, mga members ng Escadron, kahit nga ang Project RYJO
nandito oh.." sabi ni Laby sabay turo ng link ng Project RYJO
"Kung makapagsalita ka, parang yung pangalan mo hindi mahaba!" reklamo ni Josef
"Armida Evari Young Goo Hwong Huich Zordick.. Maikli ba yun sayo ha?!"

"Mas madami kayang letters yung sayo! Waahh!" pang-asar ni Armida

"He! Ewan! Panget!" inis na sinabi ni Josef

"Panget ka din! Bleh!" pambawi ni Armida

"Enough! Umayos nga kayong dalawa! Hindi yung pangalan nyo ang mahalaga! Yung
software ko ang big deal dito! Kapag nalaman ng matataas na tao ang tungkol sa
software na 'to, pare-pareho tayong malilintikan!" pang-aawat ni Laby

"Tss.." sabay na umiling ang dalawa

"Ngayon, tutulungan nyo kong hanapin ang redeveloper ko.." sabi ni Laby habang
pinapatay ang laptop

"Teka, hindi naman yan kasama sa trabaho namin ah.." sabi ni Josef

"Sige, san ba tayo maghahanap.." excited na sinabi ni Armida

"Hoy! Anong maghahanap ka dyan?!" reklamo ni Josef sa asawa nyang mukhang


nakahanap na naman ng adventure

Tinignan ni Laby ang relo nya. 1:57pm. "Pupunta tayo ngayon sa Xaylem.. Malaki ang
chance na makita natin ang redeveloper ko dun.. At may chance na makahanap tayo ng
Superiors sa arenang yon dahil tambak ng magagaling ang lugar.."

"O, pano ba yan.." isang mayabang na porma ang binigay ni Armida kay Josef. Sign
na panalo na naman sya.
"Kapag wala tayong napala doon, yari kayo sakin mamaya.." banta ni Josef kay
Armida at Laby habang dinuduro sila

Nagkatingin lang si Armida at Laby at saka nag-evil grin sabay apir

Papunta na ang tatlo sa Xaylem.

At dahil sinabi ni Laby na may chance na pare-pareho silang mapalaban, nagsuot sila
ng pwede nang panglaban. Black t-shirt, jeans at rubber shoes.

"Nagdala ako ng mask, if ever mapalaban tayo, hindi tayo makikilala.." sabi ni
Laby habang itinuturo ang suot nyang bagpack

"Kelangan ba talaga? Hindi ba pwedeng hindi lumaban?" -Josef

"Pwedeng hindi, pero hindi tayo makakapasok kung wala tayo sa listahan.. Ke mahina,
ke malakas, basta ang importante nasa listahan.." -Laby

"Haha! Lalaban ha," natatawang sinabi ni Armida

"Hoy" itinulak ni Josef ang ulo ni Armida gamit ang hintuturo nya "Kung sakaling
mapapalaban tayo. Ako lang ang lalaban doon at hindi ikaw.."
"Psh.. KJ.." nag-make face si Armida at saka umirap

Nakikita na ni Laby ang mataas na bakod ng Xaylem. Huminto sya at humarap sa mag-
asawa.

"Wear this.. Tayo ang The Legendary Superiors Gang" kinuha na nya ang mga maskara
at iniabot sa mag-asawa ang dalawa "Nagpa-book ako ng laban ngayon. Kapag maswerte
tayo at hindi pinatulan ng hinamon natin ang laban, hindi tayo sasalang..
Makakapaghanap tayo ng maayos"

Nauna nang maglakad si Laby habang nakasunod sa kanya ang dalawa na may suot na
mysterious half-faced black mask na mukhang pang kay Batman at Cat woman pa. Wala
lang tenga.

Huminto sya sa pinaka-entrance ng lugar.

"Kami ang Legendary Superiors. Pang-ilan kami?" tanong ni Laby sa isang lalaki na
nakaupo sa may table sa tapat ng gate

"Sandali.. Legendary Superiors.." hinanap nya sa listahan ang gang nila


"Superiors, Superiors, Superiors.. Ah, eto.. 70.."

"Anong 70?" tanong ni Armida

"Pang-70 kayo starting from the Top Gang hanggang sa pinaka-weak.." sabi ng lalaki

"Meaning pang-70 kami sa pinakamagagaling?" mahinahong tanong ni Josef

"Nakngpucha ka naman, Josef, magaling pa ba yung nasa 70?!" reklamo ni Armida

"Pwede na bang pumasok?" tanong ni Laby sa lalaki


"Oo, may laban nga pala kayo ngayon sa Jokermen.. Pang-19 na laban.. Tignan nyo
nalang yung monitor kung anong laban na ngayon.." sabi ng lalaki

"O, sige.." nilingon nya yung mag-asawang nagpapaluan "Hoy, pasok na tayo"

"Umayos ka.." humirit pa ng sapok si Armida bago sila pumasok sa loob

Xaylem. Ang open fighting ground for gangs sa lugar na yon. Underground ang
datingan ng lugar dahil kelangan pang bumaba ng hagdan para makatapak sa mismong
arena.

Nasa third floor ang taas ng Xaylem mula sa earth level pababa. May mga corridor na
nagsisilbing lugar para sa mga audience.

Walang gang ang hindi muna lumaban sa Xaylem dahil bago ka makapasok sa XZQ, doon
ka muna pupunta.

Malawak ang loob ng arena. Wala ring cover na bubong kaya tirik ang araw sa mga
oras na yon dahil hapon. Maingay sa lugar dahil may laban.

Tinanggal na ng tatlo ang mask nila para makita ng maayos ang buong lugar.

"17 ang nakalagay sa monitor.." tinuro ni Armida ang malaking monitor na may
nakalagay na Fight 17 at ang pangalan ng gang na naglalaban

"Dalawang laban nalang at tayo na.." sabi ni Laby sa dalawa

Pumwesto sila sa second floor na corridor at pinanood ang laban.


"Sino yang mga naglalaban ngayon?" tanong ni Armida sa isang binatang nanonood na
katabi nya

"Yung nasa left, Death Machine Gang.. Pang-15 yan sa pinakamagaling dito.. Yung
nasa right, Pink Sakura Gang.. Yan ang humamon. Wala pa sa Top 25 kaya di pa
sikat.."

"Paano ba sisikat dito?" tanong ni Armida

"Hamunin mo ang mga nasa Top 25s. Manalo ang gang mo ng limang laban sa kanila,
sisikat ka na ng sobra.."

Limang laban lang pala eh

"Alam mo ba kung pang-ilan ang Jokermen?"

"Ah, pang-10 sila sa Ranking ng pinakamagaling.. May humamon nga sa kanila ngayon
kaya nga madami ang nandito. Npupuno lang naman 'tong Xaylem kapag my laban ang Top
10. May mapaglalaruan na naman kaya inaabangan ang laban."

"Madalas bang magpatayan dito?" tanong ni Armida

"Bawal yun dito.. Kung papatay ka, dun ka dapat sa XZQ pumunta.. Dito, kelangan mo
lang mapabagsak ang kalaban. Kapag napatay mo sa loob ng arena, ban ka na
forever.."

"Oh.." napatango naman si Armida at nagpakita na naman ang devilish grin nya "May
pustahan ba dito?"

"Oo naman!"

"Pumusta ka?"
"Oo, 3 thousand sa Jokermen.. Sila lang naman ang pinunta ko"

"Oh-kay.. San ba pwedeng pumusta?" tanong ni Armida

"Punta ka dun sa booth.." itinuro nya ang isang booth na malapit sa kinatatayuan
nila

"Thanks.." tinapik nya ang balikat ng binata at saka pumunta sa booth

"Gandang hapon, Miss.." sabi ni Armida sa babaeng maraming tattoo at hikaw sa


mukha na nasa booth "Tataya ako.."

"Kanino?"

"Legendary Superiors Gang. 10 thousand.." iniabot agad ni Armida ang baong pera sa
babae

Nakataas lang ang kilay ng babae habang palipat-lipat ang tingin sa mukha ni Armida
at sa pera

"Bago ka lang dito 'noh?" tanong sa kanya ng babae at kinuha na nito ang pera

"Oo, naimbitahan lang manood.." sabi ni Armida

"O, keep that. Hindi mo makukuha ang premyo mo kapag nawala yan.." sabi ng babae
sa kanya. Inabot nito ang isang resibo na ay patunay na tumaya sya.

Tinignan nya ang resibo. Hindi mukhang resibo dahil plain black paper lang ang
binigay sa kanya.

"Wala kang makikita dyan dahil kami lang ang makakaalam kung authentic ang resibo o
hindi." tinatamad na sinabi ng babae
"Nagoyo na kayo dati noh?" nakangiting sinabi ni Armida

"Naniniguro lang." sabi ng babae

Tumango nalang si Armida at umalis. Itinago nya ang papel sa bulsa ng pantalon na.

Naisip nyang maganda pa rin sa HQ BattleGround kasi automatic na ang ante. Phone
lang pwede nang tumaya.

Bumalik na sya sa pwesto nila. Ibinalik na ni Armida ang tingin kay Josef.
Magsasalita na sana sya nang mapansin na wala na si Laby sa gilid.

"Yung bata?" tanong ni Armida

"Nagtatrabaho.." sagot ni Josef "Manood ka nalang ng laban. Baka makakita ka ng


magaling.. Mas magaling kang kumilatis dyan eh.."

Pinanood nga nila ang laban sa baba.

Inobserbahan ni Armida ang galaw ng mga naglalaban. May mga technique na magaganda
ang kaso pang-amateur. Mga galaw na imbento pero may say. May oras na nagtutulong-
tulong ang grupo pero mas madalas na kanya-kanya ang nangyayari.

"Whoaaahh!!"

Naghiyawan ang mga nanonood nang napabagsak ng Death Machine ang lahat ng members
ng Pink Sakura.
"Pwede na.." sabi ni Armida

"Isang laban nalang.." sabi ni Josef

"Manonood muna 'ko ngayon. Ikaw muna ang lumaban." sabi ni Armida kay Josef
dahilan para mapatingin ito sa kanya

"Seryoso?" nagtatakang tanong ni Josef

"Lalaban ako sa Top 5. Sa ngayon, mabuburyong lang ako kapag mahina ang kalaban.
Baka mabitin ako at maubos ko pati mga audience dito.." seryosong sinabi ni Armida

"Hindi naman kasi pwedeng pumatay, sabi nila. May itinurong isa pang Battleground
na walang forbidden rules.. Dun ko gustong lumaban.."

"Sige.. Bahala ka.."

Sunod na naglaban ang dalawang grupo na hindi naman malalakas. Nakalagay sa screen
ang pangalan ng Killer Ivory Gang at ang Hell Vanish Gang.

Nabo-bore na si Armida dahil para syang nanonood ng mga 5 years old na


nagsusuntukan at nagsisipaan. Gusto nyang bumaba sa kinalulugaran nya at sabay-
sabay na tanggalan ng puso ang mga naglalaban.

Nanalo ang Hell Vanish ang kaso nakakadismaya sa side ni Armida ang pagkapanalo.
May time kasi at kelangan within 15 minutes, tapos na ang laban. Natapos ang laban
sa 15 minutes at walang ibang natamo ang dalawang grupo kundi mga putok na labi at
mga basag na mukha. Pero lahat nakatayo. Dinaan nalang sa palakpakan ng audience at
unanimous decision pa ang nangyari.
"Boring.." sabi ni Armida

Lumakad na si Armida pababa at isinuot na ang maskara nya.

"Fight 19. Jokermen Gang vs The Legendary Superiors Gang!" sigaw ng arbiter sa
lahat gamit ang isang wireless mic

"Whoohhh!!!"

"JOKERMEN! JOKERMEN! JOKERMEN! JOKERMEN! JOKERMEN!" sigaw ng crowd

Mararamdamang madaming fans ang grupo dahil sa cheer at sigawan

Nagkumpulan sa left side ang grupo ng Jokermen na pawang mga kabataang nasa edad na
15-22. May dalawang babaeng member at limang lalaki. May mga kulay ang buhok nila
at may mga make-up na mukhang Joker. Makukulay ang suot nilang damit at mukhang
binibigyan nila ng effort ang outfit.

"JOKERMEN! JOKERMEN!"

Lumabas naman sa right side si Laby na naka-black t-shirt, jeans at rubber shoes.
Nakasuot sya ng black mask na nakatakip mula mukha hanggang sa likod ng ulo.
Hanggang itaas ng labi ang naco-coveran ng mask nya kaya bibig lang nya ang
nakikita.

"BOO!!!"
"Wala yan!!"

"TALO NA!!"

Nangibabaw ang pangb-boo nang lumabas si Laby.

Hindi na nya 'to inisip dahil sino nga ba sila sa lugar na yon? Ang mahalaga,
makahanap ng Superiors at mahanap ang redeveloper nya.

Tumahimik naman ng lumapit si Armida sa tabi ni Laby. Parehas sila ng outfit kaya
alam na alam na magka-gang sila

"BOO!!!"

At biglang bumalik ang malakas na pangb-boo sa paligid.

"Kayo lang ba? Bago lang kayo diba? Tatlo ang minimum dito, madi-disqualify kayo
nyan.." maangas na sinabi ng isa sa mga Jokermen

"Hayaan mo sila! Kahit pa sampu sila, matatalo din yan!" sigaw ng isa

"Hahahaha!! Tama!! Hahahaha!!" at napuno ng tawanan ang grupo ng Jokermen

"Hahahaha!!" isang plastic na tawa naman ang ginawa ni Armida kaya biglang
tumahimik ang paligid
Napunta tuloy ang lahat ng tingin sa kanya

"Ay grabe.. Bagay sa inyo ang pangalan ng gang nyo! Ang galing nyong magpatawa!
Hahahahaha!!" sabi ni Armida sabay tawa uli. Napahinto sya ng sikuhin sya ni Laby
sa tyan.

Tumaas lang ang kilay ng lahat sa kanya dahil isa sa pinakamalakas na grupo ang
minamaliit nya.

"Nasan na mga kasama nyo?! Mga talunan!" galit ng sigaw ng isa

"Ilabas nyo na nang makapagsimula na tayo dito!"

"Gustong gusto ko nang pumulbos ng mahihina!"

"Ilabas nyo na!"

"ILABAS NYO NA! ILABAS NYO NA! ILABAS NYO NA! ILABAS NYO NA! ILABAS NYO NA!" sigaw
ng crowd

"Asan na ba si Josef?" tanong ni Laby kay Armida

"Malay ko.. Baka kanina pa nandito, alam mo naman yun.. Kahit ako hindi
nararamdaman yun kapag ayaw magpakita.." sabi ni Armida
"ILABAS NYO NA! ILABAS NYO NA! IL--"

Maya-maya, biglang may kung anong nanggaling mula sa taas at bumagsak sa gitna ng
arena dahilan para magkalat sa hangin ang mga alikabok.

Natahimik ang buong Xaylem.

Tinignan nila ang kung anong bumagsak na iyon.

Unti-unting tumayo ng diretso si Josef sa gitna ng arena at maangas na nagpamulsa


habang tinitignan pababa ang lahat ng member ng Jokermen.

Nagkatinginan si Laby at Armida.

"Grand entrance! Hahahahaha!!" isang malutong na apir ang nangibabaw sa buong


Xaylem mula sa dalawa

"Ano... Laban na.." nakangiting sinabi ni Josef sa mga member ng Jokermen

________________________________

Waahh!! Bitin! Update na author!


Matatagalan ang updates ko, kasi nga pasukan na. Isa pa, sinasaltik ang computer
namin sa bahay. Lagi namamatay, kaya mahirap mag-type. Pero wag mag-alala, sagad-
sagad naman ako mag-update eh.

Salamat readers sa inyong pang-unawa!

"Kelangan ba naming lumaban?" tanong ni Laby

"No, I can handle this.." mahinahong sinabi ni Josef

"Yeah, he can handle that.." pinaatras ni Armida si Laby

Ngayon, si Josef nalang ang nasa gitna at tinitignan ang Jokermen.

"Hoy! Mayabang!"

"Bakit ikaw lang ang lalaban? Hindi ba kayang lumaban nung dalawa mong kasama ha?!"

"Angas neto ah!"

"Hoy! Kahit matangkad ka, di kami natatakot sayo!"

"Ugh!"

"Agk!"

Dalawa na ang napabagsak, hindi pa man nakakagalaw ang mga member ng Jokermen sa
kinatatayuan nila.

Nasa gitna pa rin si Josef ng arena at nakikita ng lahat na hindi pa rin sya
kumikilos.

Natahimik ang buong Xaylem dahil hindi nila nakita at hindi nila nalaman kung anong
nangyari dun sa dalawang bumagsak.
Gulat na gulat namang napatingin ang natitirang limang member sa dalawa nilang
kasamahang bumagsak.

Lumingon si Josef sa likod nya "Akala ko ba.."

Nginitian lang sya ni Armida sabay turo ng nguso sa kalaban na pasugod na

"Argh!!"

No look na kinuha ni Josef ang braso ng sumusugod sa kanya at effortless na ibinato


ang sumugod sa iba pa nitong kasama. Kung makabato naman sya ng tao, akala mo
patpat lang ang ibinato.

Natahimik nalang ang buong Xaylem habang pinapanood ang laban. Nakaka-speechless
dahil hindi nila alam ang nagaganap. Bago lang ang Legendary Superiors Gang kaya
wala silang idea kung malakas o mahina. Alam na malakas ang Jokermen Gang dahil
nasa Top 10 ito. Pero walang ka-hassle hassle na tinatalo ito ng mga baguhan sa
lugar.

"Sugurin nyo na!" sigaw ng leader ng Jokermen

Sabay-sabay na sumugod ang natitirang apat na member.

Sinipa lang ni Josef ang isa sa sikmura. Sinuntok nya sa dibdib ang isa. Hinampas
nya ng gilid ng palad ang batok ng isa. Kinuha naman nya ang braso ng isa sabay
hagis sa pader ng Xaylem.

Wala pang isang minuto, wala nang nakatayo pa sa kahit sinong member ng Jokermen.

Wala na ring nakapag-react pa sa ginawa nya.

Lahat nakanganga.

Ang isa sa pinakamagaling na gang sa lugar, no sweat na tinalo ng nag-iisang member


ng mga baguhan. What a shame.

Marami ring mga natalo sa pustahan kaya uuwi silang luhaan.

At higit sa lahat, kikita ng malaki si Armida :)

Ikaw ba naman ang labanan ng isang Legend, tignan natin kung makatayo ka pa. Kahit
pa sabihing dakilang magnanakaw lang sya, hindi pa rin magbabago ang katotohanang
malakas sya. At sa lagay na yan, laro pa sa kanya ang lahat.
Mga amateurs ang kalaban. Walang wala sa mga felons na kilala nya.

Wag lang nilang subukang mapanood lumaban ng sabay-sabay ang mga Legends. Makikita
nila ang totoong laban na hinahanap nila.

Pasalamat nalang ang audience dahil hindi nila nakitang lumaban si Armida, kundi
literal na tatahimik ang buong lugar dahil mamamatay silang lahat.

"Sila lang ang member ng Jokermen diba?" nag-echo ang sinabi ni Josef sa buong
Xaylem

Walang sumagot sa kanya. Kulang nalang ng crow sound para sabihing speechless ang
lahat.

"Ah- Wow- Ah- Well.." dahan-dahang lumapit ang arbiter sa kanila

Biglang lumamig ang hangin sa loob ng Xaylem

"Uhh.. Fight 19 highlight winners, Ah- T-t-the Legendary Superiors G-gang.."


napalunok ang arbiter habang nililibot ng tingin ang buong Xaylem. Nabalot ng
nakakatakot na katahimikan ang buong lugar.

At dahil ang laban na yun ang highlight, lagi silang may nakalaang oras for
interview sa mga winners. May privilege din ang mga mananalo na humamon pa ng ibang
grupo na gusto nilang malabanan para maibalita sa lahat.

"Uhh, ano ba ang itatawag sayo?" tanong ng arbiter kay Josef

Nilingon sandali ni Josef sila Armida "The Führer"

"Ok. The Führer. Anong tawag sa ginawa mo sa Jokermen? Gandang combination nun
ah.." sabi ng arbiter

Itinutok nya ang mic kay Josef

"Anong tawag sa ginawa ko?" nagtatakang tanong ni Josef "Sinipa, sinuntok, hinampas
at hinagis ko sila. Yun ang tawag sa ginawa ko.." careless answer ni Josef

"Pfft... Hihihihi..." natawa ng mahina sila Laby at Armida sa sinagot ni Josef

Hindi naman kasi fighter si Josef. Isa syang high class cat burglar. Kung meron man
syang special technique na may pangalan, bilang lang yun sa kamay at hindi talaga
panlaban.

Hindi sya ang tipo ng lalaking astig na magpapangalan ng Super ultra high kick,
Power punch, Death smash o kaya Killer throw sa mga ginawa nya. Basta natalo ang
kalaban, tapos! At kung ano man ang ginawa nya, hindi na dapat pangalanan pa. Hindi
daw kasi sya si Ben Ten.

Lumapit na sa kanila si Armida at Laby

"Yun na yon? Madali lang pala dito eh.. Walang effort. Mambatok ka lang ng tao,
panalo ka na." sabi ni Armida

"Ang sabi sa rules dito. Kapag natalo ang isang Gang. Ang nanalo na ang papalit sa
placing." sabi ni Laby sa arbiter

"Ikaw si-?" -arbiter

"Labyrinth.."

"Meaning, nasa 10th place na kami.. right?" sabi ni Armida

"Ikaw naman si-?"

"No. 99.."

"Magagaling kayo ha.." sabi ng arbiter

"Hindi naman.. Mga baguhan nga lang kami dito sa gang-gang na 'to." patotoo ni
Armida

Bago lang naman talaga sila sa pambatang laro na yon. Dahil kung tutuusin, walang
wala yun sa labang dekada na nilang nilalabanan.

Sisiw lang sa kanila ang lahat since lumaki sila sa Expert level type of living at
hindi sa puchu-puchung away bata lang. Tapos hindi pa pwedeng pumatay, booooring.
"Sino nga pala ang leader nyo?" tanong ng arbiter

"SYA"

Itinuro ni Laby si Josef dahil sya ang Führer at sya ang may pinakamataas na
posisyon sa kanilang tatlo. In short, the Big Boss.

Itinuro naman ni Josef si Armida dahil sya ang pinakamalakas sa kanilang tatlo at
lagi nalang syang nananalo sa kahit anong usapan. In short, the Commander.

Itinuro naman ni Armida si Laby dahil sya ang pasimuno at wala silang tatlo sa
lugar na yon kundi dahil sa kanya. In short, the MasterMind.

Pare-parehas tuloy silang nalito.

"Teka, sino ba talaga?" tanong ng arbiter

"Sya na! Final answer.." sabay na sinabi ni Josef at Armida habang tinuturo si Laby

"Teka! Baki--" hindi na nya naituloy pa ang sinasabi dahil tinakpan agad ni Armida
ang bibig nya

"Tapos na ang laban diba?" sabi ni Armida sa arbiter "O, tara na.. Nasa 10th place
na tayo.. Hanggang dun nalang muna tayo.. Thank you, people! See you next time!
Iboto nyo ko sa darating na eleksyon!" kumaway pa sya sa mga nakangangang audience
at naglakad na sila palabas sa arena

................................

May hang-over pa ang lahat sa naging laban ng Legendary Superiors at ng Jokermen.

Natanggal na ng tatlo ang maskara nila at papunta na si Armida sa booth kung saan
sya tumaya. Nakabuntot sa kanya sila Josef at Laby.

"Ito o," iniabot ni Armida ang black paper sa babaeng kausap nya kanina. Hindi sya
nito naalala kaya parang wala lang.
"Alam mo, Josef. Yung pagiging straight-forward mo minsan nakakatuwa talaga.."
nangingiting sinabi ni Armida "Ang epic ng sagot mo ha, in fairness.."

"Teka, Miss. Ikaw ba yung tumaya kanina sa Legendary Superiors?" tanong ng babae

"Oo, bakit? May problema ba?" sabi ni Armida

"Kilala mo ba ang baguhang grupo na yon?" sabi ng babae habang binibilang ang
napanalunang pera ni Armida

"Hindi eh. Tinanong ko lang kanina sa katabi ko kung sino ang highlight, yun ang
una kong narinig. Baguhan lang pala yung grupo na yun. Akala ko matagal na..
Pangalan palang kasi, mukha nang malakas.." sabi ni Armida habang nakatingin sa mga
perang binibilang ng babae

"Kapag nakilala mo kung sino sila, tawagan mo ang number na 'to.." iniabot na ng
babae ang napanalunan ni Armida kasabay ang isang calling card

"Sure.. hehehe.." kinuha na ni Armida ang winnings nya at inilagay agad sa bagpack
ni Laby

"Tapos na ang laban ng highlight. Nag-uuwian na rin ang mga audience. Nakuha ko na
rin ang ilang impormasyong kelangan ko. Tara na.." sabi ni Laby

Lumabas na silang tatlo ng Xaylem. Si Josef, parang lumigpit lang ng mga pusang
kalye. Si Armida, wala lang, nood-nood lang. Ang tanging ginawa lang nya ay ang
pagtira ng binilog na papel sa dalawang member ng Jokermen. Pasalamat lang sila at
hindi nya nilakasan dahil mabubutas ang dibdib nila kapag sineryoso nya.

"Kelan ang next fight natin, Laby?" tanong ni Armida

"Kung may maghahamon sa'tin, saka lang tayo lalaban. Hindi naman kelangan araw-
arawin.. Hindi naman tayo nandito para makipag-away" sabi ni Laby

"Ayan! Ganyan mag-isip ang matinong tao! Apir tayo, kid!" nag-apir nga si Laby at
Josef
"Psh.. Question lang ha.. First, mga nag-iisip ba kayo? Second, mga matino ba kayo?
Third and most of all, mga tao ba kayo?" sarcastic question ni Armida

"Laby, may naririnig ka ba?" sabi ni Josef sabay akbay kay Laby

"Sandali, mukhang meron.." inilagay ni Laby ang kamay sa beywang ni Josef "Ah,
parang may langaw sa paligid.."

"Ah, ganon! Uhm!" sabay nyang binatukan ang dalawa "Magsama kayong dalawa!
Nagsalita ang dalawang matino.. Tse!!" inis na sinabi ni Armida at saka umirap then
walkout

Nagkatinginan lang si Laby at Josef

"Hahahahahaha!!!" tumawa nalang sila ng malakas sabay apir

Sa ngayon, uuwi na muna ang tatlo at paplanuhin ang mga susunod na gagawin.

___________________________________

Takte! Ka-badtrip ng net ha, parang pila sa MRT.. Ang hirap tuloy mag-upload.
Sensya na sa updates, sisihin ang net hehehe..

Maga-alas sais na ng umaga at handang handa na ang tatlo sa pagbabalik-school.


Si Josef, nakapagturo na dati sa isang volunteer works kasama sila Vera at Ligee,
kaya may background sya in teaching at pagha-handle ng mga estudyante. Maraming may
gustong mag-teacher sya since matalino sya lalo na sa math at Physics kaso wala
doon ang puso nya. Ang iisipin nalang nya ngayon ay kung paano nya pakikitunguhan
ang lahat ng tao sa school na yun nang hindi sya nakakakuha ng atensyon.

Si Laby naman, dalawang taon nang University Professor kaya inaasahan nyang
mabuburyong lang sya sa loob ng classroom dahil sa mga ituturo ng mga teachers.
Unless may mangyayaring kakaiba, baka hindi sya makatulog. Nakapagtanong na sya
about sa Black Web at tatlo sa mga suspect nya ay kapareho nya ng year.

Si Armida naman, walang kaide-ideya sa gagawin. Ano nga ba ang kalakaran sa


highschool eh ni hindi nga sya nakatapak ng first year. Kahit nga Grade 1 hindi sya
nakatapak eh. Ano kaya ang mga estudyante nya? Gaano ba sila kalala? Kung magiging
maganda ang mangyayari, baka mapalaban sya. Pwede... ^_^

Naka-uniform si Laby at parang may sarili syang school dahil hindi nya suot at
gamit ang proper uniform ng Byeloruss.

Si Josef, nerd daw ang theme ng attire. Ang kaso hindi nya na-achieve ang nerdy-
mode. Nagmukha pa syang model ng eyeglasses at branded apparel. ---->

Si Armida, akala mo naman opisina ang papasukan. Black suit and tie. Black slacks
at naka-heels sya na sobrang taas na halos kasing height na nya si Josef. Naka-high
pony sya at kulang nalang ng shades, mukha na syang secret agent na bodyguard. Eto
ang attire nya para magmukhang kagalang-galang.

Sumakay si Laby sa personal van na pinaka-service nya. Sumakay naman sa kani-


kanilang kotse ang mag-asawa. Sabay sabay na silang pumasok sa school.

~~~~~Narrated For Josef~~~~~~

Naglalakad na sya papunta sa Faculty Room. Madami syang nasasalubong na mga


estudyante. Nakakatuwa kasi kitang kita sya ng lahat dahil matangkad sya. Karamihan
ng mga estudyanteng nasasalubong nya, mataas na ang hanggang balikat nya.
Nag-log sya at dumiretso na sa table nya. Nag-good morning sya sa lahat ng teachers
na nandoon. At dahil bago lang sya, nanood lang muna sya ng flag ceremony at hindi
muna pinapila sa mga estudyante nya.

"Good luck Mr. Zach sa first day mo.." mahinahong bati sa kanya ni Teacher Carmel

"Thank you, Maam Carmel.." nakangiti nyang sinabi

Kinuha na nya ang class record sa satchel nya at isang Physics book na una nyang
subject. Tinignan nya ang watch nya. Malapit nang mag-7:30, ilang minuto nalang at
umpisa na ng klase nya kaya nagmadali na sya papunta sa fourth floor.

Maingay ang mga classroom na nadadaanan nya dahil sa mga estudyante. Sa Room 4-A
ang klase nya kaya doon sya pumasok.

Maingay ang room pero natahimik nang pumasok sya.

"Good Morning Class 4-A. My name is Richard Zach, and I'm your substitute teacher.
I temporarily handle all the classes and subjects of Mrs. Gregorio while she's on
her maternity leave. I review this class and I already have the idea of who is who.
Our first class is Physics, right?"

Tinignan nya ang buong klaseng tahimik na nakikinig sa kanya

"I hope I'm in the right class, because it's embarrassing if I talk and talk here
but I'm on the wrong room." nginitian nya ng matamis ang buong klase

"Uhh, Sir.." may isang nagtaas ng kamay


"Yes,"

"May I know if you can speak on our language?" sabi ng estudyante nya na naiilang

Na-bother ata ang lahat kasi mukha syang imported tapos wagas maka-english. Baka
mapuno ang room ng dugo kapag nagtagal sya kakasalita ng English na may accent.
Hindi naman kasi inaasahan ng mga estudyante na may breed ang magiging teacher nila
pansamantala.

"You mean language here in the Philippines. Am I right?" sabi ni Josef

"Uhm, yes Sir?" hindi pa sure ang estudyante nya sa tanong nya

"Ahh, marunong akong magsalita sa limang dialects. Marunong din ako ng anim at
kayang umintindi ng sampung languages. Paano nyo ba ko gustong magsalita? Saan ba
kayo kumportable, hmm?" naka-smile nyang sinabi

"Waaahhhh!!" naglakihan ang mga ngiti ng estudyante nya kasi marunong pala syang
mag-tagalog sa itsura nyang yan

"Ok, quiet! Open page 132, Chapter 5. Simple Machines.." binuklat na ni Josef ang
dalang libro

"Sir! Mamaya na kayo mag-klase!" sabi ng isang estudyante sa kanya

"Oo nga Sir! Interview muna! First day nyo palang eh!"

"Interview! Interview!" kantyaw ng buong klase


Josef: Dyusko naman.. Sabihin nalang sana nila kung ayaw nilang magklase..

"Saang school kayo unang nagturo, Sir?" -Student1

"Saang school? Uhm, nakapagturo ako before sa isang NGO. Place for Out-of-school
youth sya. Not totally school, pero ganun na rin yun" kumuha na sya ng chalk at
nagstart nang magsulat sa board. Ayaw nyang mag-aksaya ng one hour for interview
and everything na echos lang ng mga students.

"SIR!!!" base sa tono ng mga estudyante, ayaw talaga nilang magturo sya

Josef: Akala ko ba mga mababait 'tong nandito. Tss.

"Sir, kokopyahin?" tanong ng isang student

"No. Makikinig lang kayo sa lahat ng ituturo ko. Wag na kayong kumopya dahil nasa
libro din 'tong sinusulat ko" sabi ni Josef

Sama-samang "Oww.." ang pumuno sa classroom

"Sir, ilan taon na po kayo?"

"Nasa kalendaryo pa ang edad ko. Hanapin nyo nalang" -Josef

"Eh??"
"Tanong pa kayo para hindi na mag-lesson.." bulong ng isang estudyante sa likod

Natawa nalang sya ng mahina dahil bubulong na nga lang, yung maririnig pa nya.

"Sir, may girlfriend ka?"

"Wala at hindi ko na balak pang magkaroon.." -Josef

"Bakit Sir?"

"Brokenhearted kayo?"

"Binasted?"

"Paminta kayo?"

"Bakla kayo, Sir?"

"Sir, pwede mag-apply pag nagbago isip nyo?"

"Psh.." tumalikod sya para kumuha ng eraser sa table "May asawa na ko kaya hindi
na pwede.."

"Ooohh.."

"Sir, maganda ang asawa nyo?"


"Sexy ba?"

"Mayaman, Sir?"

Inilapag na nya ang libro sa table at humarap na uli sa klase nya

"A machine is a device that helps make work easier by changing the magnitude or
direction of a force."

"Siiiiirrrrr.." consistent na ayaw syang pagturuin ng mga estudyante nya unang


araw na unang araw nya

"Sir, dream girl nyo ang asawa nyo?"

"Sir, itsura ng asawa nyo, paki-describe!"

"My wife is a woman of lethal combination that's why a machine's mechanical


advantage tells you how many times the machine multiplies force."

"NGE??!!"

"Sir, ampogi mo.. Wag na tayong mag-lesson.. Eeee" pagpapa-cute sa kanya ng mga
kikay nyang students

"A lady must have beauty and brains. Nasa inyo na ang beauty kaya lagyan naman
natin ng laman yang mga brains nyo. In other words, the mechanical advantage
compares the input force or effort with the output force or the load."

"Sir, tell about yourself muna tayo para makilala ka namin!"


"Tama Sir!!" chorus pa ang lahat

Napabuntong hininga nalang si Josef at napatingin sa may pinto

"Ayaw nyo bang mag-lesson ngayon?" tanong nya sa lahat

"Hehehehe.." nginitian lang sya ng mga estudyante nya

"Ok, sige.. Hindi tayo magle-lesson ngayon kapag nasagot nyo ang question ko.."
naka-smile na sinabi ni Josef

"Sige ba Sir!!!" masayang sinagot sa kanya ng mga estudyante nya

Ok. Question..

"Anong pangalan ng asawa ng anak ng nanay ng asawa ko na anak ng dating fiancée ng


nanay ng asawa ko na dating kalaban ng asawa ko sa dati nilang pinagtatrabahuhan.
Makasagot nyan, pasado na sa lahat ng subject ko at hindi na ko magle-lesson."

.
.

"Sir.. Ulit.."

"Hindi na pwedeng ulitin.. Iisa lang ang sagot dyan.." tumawa nalang sya ng mahina
at pinagpatuloy nalang ang lesson

At dahil pasukan na, ito ang naisip kong idea, hahaha! Papasok na ko bukas! Wala pa
kong ID na kasing presyo ng ginto! Sino sa inyo de-swipe ang ID sa school? Yung
amin de-swipe sa mata ng guard, hahaha!! Chos!

~~~~~~~Narrated For Armida~~~~~~~

Hindi sya umattend ng Flag Ceremony at nanood nalang muna. After nun, pinabalik sya
sa Faculty Room para pagsabihan uli sa klase nya. Kinuha na nya ang RN at agad na
dumiretso sa sixth floor para pumunta sa Room 609 4-F.

Pansin nya ang mga estudyante sa bawat room habang nilalakad nya ang hallway.
Obvious na obvious na mga mayayaman ang nandoon. Kaliwa't kanan ang mga 'LIKE
girls'.. Mga 'IKR girls'.. Mga 'EWW girls' and so on and so forth. Nakikita din nya
ang mga estudyanteng wagas ang PDA. Mga nagpapasikatan ng Chanel, Louis Vuitton,
Dolce and Gabanna, Prada etc. at mga nagpaparamihan ng mga BF/GF..
Nakarating na sya sa Classroom nya. Ang classroom na iniiwasan ng halos lahat ng
teachers at weak students. Ang classroom na tinuturing na basurahan ng Byeloruss.

Nasa room na yon ang pinakasiga, pinakamakulit, pinaka-nakakainis, pinaka-tanga, at


pinakamalulupit na mga estudyante ng Byeloruss. Halo-halo na sila. One fourth ng 4-
F, mga mababait kaso tanga, uto-uto, isip-bata at engot. Ang natitira, mga
matatalino at genius kaso mga siraulo at war freak.

Nasa malayo palang sya, nakikita na nya ang nagbabatuhang mga estudyante, mga
malalanding nagtatawanan, mga nagtatakbuhan at mga nagpapa-angasan. May mga tulog
at nagpapayabangan ng mga laruan, gadgets at mga gaming cards. May mga kumakain na,
wala pang recess.

Serious-mode syang tumayo sa may tapat ng pinto ng room dahilan para tumahimik ang
lahat at mapatingin sa kanya.

"4th year Class F?" tanong nya sa buong klase

Hinead-to-toe lang sya at biglang bumalik sa kaguluhan ang classroom na parang


walang nangyari.

Tumaas lang ang kilay nya at agad na pumasok sa loob ng classroom. Tumayo sya sa
gitna at inobserbahan ang lahat.

"Hahahahaha!!"

"Yeah, as if naman na she can do that noh!"

"Oy! Balita ko natalo yung mga payaso kahapon!"


"Kei, chips ko!"

Maya-maya, may lalaking estudyanteng sumulpot sa pinto. Malaki ang ngiti nito at
hinihingal..

"News, guys! May bago sa Class A! Babe. Cute, may height at mukhang walang
sinasanto! Red Student pa!"

Napahinto sya at napatingin kay Armida

"Who are you?" tanong nito habang unti-unting lumalapit sa pwesto ni Armida

"Bagong teacher nyo. Ikaw, dito ba klase mo?" sigang tanong ni Armida sabay taas
ng kilay

"Aahh, ikaw pala yung bago.." hinead-to-toe sya ng estudyante

Biglang tumahimik ang lahat at inobserbahan si Armida at ang classmate nilang


nanghahagod ng tingin

"Corporate attire. Black and white. Common and boring. Pero maganda tignan sa
katawan mo kasi maganda ang shape. Ponytail, good. Make-up, good. Posture, good.
Kaya mo ba ko?" naka-grin na tanong sa kanya ng estudyante nya

"Anong kaya kita?" tanong ni Armida

Nagpakita ang sabay-sabay na evil grin sa mga estudyante.

Biglang sumuntok ang estudyante at puntirya ang mukha ni Armida


Walang effort na inilagan ni Armida ang suntok at tinapakan ng 5 inch-high heels
nya ang kanang paa ng estudyante nya sabay sakal dito gamit ang left hand nya

"Ok, kaya kita. Eh ako, kaya mo ba 'ko?" mahinahong tanong ni Armida

Sabay-sabay na tumayo ang ilang estudyante at matatalim na titig ang ibinigay kay
Armida.

Nagulat naman ang estudyante sa ginawa nya kaya hindi agad ito nakakilos

"Practice pa, kid.." binitawan na nya ang estudyante nya at tinanggal na ang heels
sa paa nito. Tinapik nya ang balikat nito at saka nginitian "Chief Andrew
Mikaliev, right? Gusto ko ang greetings mo sakin. Now, go to your proper seat and
mind your own business"

Sinamaan lang sya ng tingin ng estudyante nya at naglakad na ito papunta sa upuan
nya sa likod

Bumalik na sa pagkakaupo ang mga estudyante at imbes na bumalik sa kaninang


ginagawa. Lahat sila umupo ng tahimik at hindi inalis ang masamang tingin kay
Armida.

Armida: Siguro naman, pwede na kong magsalita

"I'm Armida Zach. Pang-18 na Class Adviser nyo this year. And soon, makikilala nyo
na ang pang-19.." seryoso nyang sinabi habang tinitignan ang iba na masama pa rin
ang tingin sa kanya. Yung iba, nakayuko at mukhang ginawagawang hotel ang school.

"Ang sabi ng ibang teachers, mga basura ang nilalagay nila sa classroom na 'to.
Alam nyo bang nakakainsulto yon?"

Walang nag-react sa sinabi nya

"Lalo na sakin dahil para na rin nilang sinabing basura ako dahil nandito ako sa
loob.."

"Ang ingay mo.." sabi ng isang babaeng estudyante

"Maingay din naman kayo kaya balance lang.." sabi ni Armida at saka nya inilapag
ang RN nya sa table na nasa harap nya

Kanya-kanyang taas ng kilay ang mga babaeng estudyante nya

"Anyway, they say this class is the worst class ever here in Byeloruss." nag-cross
arms sya at nginitian ang lahat "Now, kung mga demonyo kayo, pwes magkakasukatan
tayo ng sungay dito."

"Guys! Alam ko ang pangalan ng tumalo sa Jokermen kahapon!" sigaw ng isang


lalaking estudyanteng kakasulpot lang sa may pinto. Ngiting-ngiti sya gaya ng nauna
pero mas mukha itong mabait kesa kay Chief

"Legendary Superiors ang tumalo sa kanila kahapon kaya kung estudyante ka ng


klaseng 'to pumasok ka na sa loob umupo ka na sa upuan mo at manahimik ka.." poker
face na sinabi ni Armida sa estudyante

"Ah-- Yes Maam.." nakayuko itong umupo sa upuan nya sa harapan "Maam, question!"
nagtaas sya ng kamay para magtanong

"O, ano yun?" masungit na tanong ni Armida

"Paano nyo po nalaman na Legendary Superiors ang tumalo sa Jokermen?" inosente


nitong tanong
"Uhh.." nag-isip pa si Armida ng isasagot "Tumaya ako sa grupo nila kahapon at
nanalo ako ng 79 thousand.. Galeng diba.." masaya nyang sinabi

"Ikaw rin Maam! Ako rin nanalo ng 79 thousand kahapon eh! Tumaya ako sa kalaban ng
Jokermen"

"Ah, asteeg.. Apir tayo dyan, kid!" itinaas nya ang kamay at nakipag-high five sa
estudyante nya

"Malakas yung grupo Maam noh! Pinabagsak ng isang member lang nila ng walang
kahirap-hirap yung lahat ng Jokers.. Cool.." masayang sinabi ng estudyante

"Mahina naman kasi yung grupo na yun.. sabi nila, magaling daw. Sinungaling yung
nagpakalat ng balitang yun!"

Ngiting ngiti silang dalawa ng estudyante nya habang yung iba mababasa mga
pagmumukha ang mga salitang "WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?"

Saan ka ba naman kasi nakakita ng ganitong teacher ha?

"O, kilala nyo na ko.. Now, ang rule ko, bawal magpasok dito sa room ng kahit anong
deadly weapons kaya itago mo na ang hawak mong butterfly knife, Cristy Lavarias
dahil kukumpiskahin ko yan kapag nakita ko pa ulit."

Tumaas lang ang kilay ni Cristy sa sinabi nya at isinara na nito ang hawak na
kutsilyo at itinago sa bulsa nya

"Bawal ang cigarettes. Nakakamatay yan lalo na kung ipapalunok ko sa inyo ang isang
buong kaha kasama ang lighter na de-fluid. Pero kung di kayo makapagpigil, dun kayo
sa labas ng school para hindi mahuli, ok.. Mahirap na, pare-parehas tayong mayayari
kapag nagkahulihan dito.."
"Bawal ang drugs, unless prescribed. Pwede naman ang un-prescribed, siguraduhin nyo
lang na isang buong bato na sinlaki ng kamao ko ang shabu at nasa halaman pa ang
dahon ng marijuana"

"Wag nyo ring susulatan ang paligid, tulad non.." itinuro nya ang pader ng room na
may nakasulat na 'SKOOL SUX' "na may pangalan ko, kundi ingungudngod ko ang
pagmumukha sa pader ng kung sino man ang gagawa."

"Next, ang fire extinguisher ay para sa apoy. Hindi para sa kalaban. Kaya, Jayrone
Jette Holloway, ibalik mo yan sa lalagyan nya dahil kung hindi makikita mo nalang
ang sarili mong kinakain na ang foam nyan habang isinusugod ka sa emergency room ng
pinakamalapit na ospital sa lugar na 'to.."

Naningkit lang ang mata ni Jette at ibinalik na ang fire extinguisher sa lalagyanan
nito

"Pwede kayong mag-ingay hangga't gusto nyo. Wala akong pakialam. Kung babatuhin nyo
ko ng papel, libro, pens, pencils, notebook, etc, make sure na matatamaan nyo ko
dahil kung hindi.. Eh di hindi, I don't care.. Nandito ako para magturo all day, at
yun lang ang gagawin ko. Kung may tanong kayo sa lesson, buksan nyo ang mga tablets
nyo at i-search sa Google. Kung may tanong kayo tungkol sakin, well, wag nalang
kayong magtanong.. Kung gusto nyo ng away, magkita-kita nalang tayo sa labas..
Gugulpihin ko kayo isa-isa" tinignan nya ang lahat ng estudyante nyang masama pa
rin ang tingin sa kanya "Any questions?"

"Teacher ka ba talaga?" masungit na tanong ng isa nyang estudyante

"Sa ngayon, oo.."

Ngayon, nagsusunod-sunod na ang mga tanong sa kanya

"Anong trabaho mo dati?"

"Marami.. Mahirap isa-isahin.."

"Buhay pa parents mo?"


"Yeah,"

"May mga kapatid ka?"

"Ewan ko, wala yata.."

"May boyfriend ka? Fiancé? Asawa? Anak?"

"Wala, dati, meron, wala.."

"Mukha ka bang pera?"

"Depende sa amount ng pera.."

"Bibigyan kita ng 5 million, mag-resign ka na.."

"I'll give you 5 billion, ikaw ang umalis dito sa school na 'to.."

Nagsukatan sila ng tingin ng nagpresyo sa kanya

"I can give you your 5 billion right away.. Ano, take it or leave it.."

Inilahad ng estudyante ang palad nya "Give it.."

"Siguraduhin mo lang na hindi na kita makikita dito," kinuha nya ang phone sa suot
nyang suit at agad na cinontact ang abugado nya "Prepare, 5 billion.." ibinaba
nya ang phone "Hey, kid, check or Cash.."

Tumaas lang ang kilay ng estudyante nya "Transfer that to my account.."


"Good." ibinalik nya ang phone sa tenga "Transfer the money to Krishna Ahmad's
account.." pinatay na nya ang phone at ibinalik ang tingin sa estudyante nya

"Huh! Kaya mo ba talagang ibigay ang 5 billion ko?" sabi ng estudyante nya

"Try mo i-check after 1 hour.." inilibot nya ang tingin sa mga estudyante nya para
malaman kung may tanong pa

"I want to ask you this," sabi ni Andrew "Ang sabi mo, kilala mo ang nanalo
kahapon laban sa Jokermen, meaning galing ka sa Xaylem.. Anong ginagawa mo dun?"

"Bago lang ako dito sa lugar. Naglilibot-libot lang ako nang madaan ako doon.
Nakigaya lang ako sa mga nanonood kasi tumataya sila.." kinuha na nya ulit ang RN
nya at tinignan ang unang klase nya. 30 minutes na ang lumilipas pagkatapos nyang
pumasok doon, kelangan na nyang magturo.

"Ok, English pala ang first class.. Alam nyo naman na siguro ang Noun.. Noun is an
action word.."

"Verb is an action word. Noun is the name of person, places, things, animals and
events, stupid!" masungit na sinigaw sa kanya ng isa nyang estudyante

Alam naman nya ang noun at verb, sinusubukan lang nya kung gaano katanga at
katalino ang mga estudyante ng 4-F. Kunyari wala syang narinig kaya nagsalita ulit
sya

"Adjective modifies a verb or adverb.."

"Adjective describes a noun or a pronoun! Teacher ka ba talaga?!"

"Sa ngayon, oo.. Now, what is conjunction?"

"Conjunction, my ass!! Lumayas ka na dito dahil hindi ka naman talaga teacher!!"


"LAYAS NA!!"

"GO AWAY!!"

"LEAVE!!"

"MAG-RESIGN KA NA!!"

Nagsisimula nang magwala ang klase nya.

Pero sya, chill lang.. Smile-smile lang.. Ganyan ang gusto nya, mga wild.. Nag-
aabang sya ng magbabato sa kanya ng mga gamit kaso kinakalampag lang ang mga upuan

"ALIS NA!!"

"MAG-RESIGN KA NA!! MAG-RESIGN KA NA!! MAG-RESIGN KA NA!!"

Maya-maya, may nagpakitang teacher sa pinto na galit dahil nakakaistorbo na ang


maingay nyang klase.

"Can you shut up!!" sigaw nito sa kanilang lahat

"Shut up you fvcking sh.t!!" ibinato ng isang estudyante ang isang notebook para
patamaan ang teacher na nasa pinto

Nagtakip ng ulo ang teacher para hindi matamaan pero nagulat sya dahil walang
tumama sa kanya. Tinignan pa nya ang paligid. Wala ngang tumama sa kanya.
"Hoy! Sinong may sabing mandamay kayo ng ibang teacher ha?!" bumalot ang
nakakatakot na sigaw ni Armida sa buong room

Lahat ng atensyon napunta na sa kanya. Tumahimik na rin ang maingay nyang klase.

"Maam, I'm sorry sa abala.. Bumalik na kayo sa klase nyo, ako na ang bahala sa mga
batang 'to.." nakangiting nyang sinabi sa teacher na nasa pinto

Inirapan lang sya nito at agad na tumakbo pabalik sa kabilang room para hindi na
masaktan pa

Nawala ang ngiti nya at ibinalik ang tingin sa klase nyang nakatingin sa notebook
na nasa pader. Nakatuhog sa notebook ang isang ruler na nakabaon na sa dingding.

"Ok, dagdag sa rules.. Wag na wag kayong mambabato ng gamit sa ibang teachers.."

At parang hindi sya narinig ng klase nya dahil nakatitig pa rin ang mga ito sa
notebook na naka-barbecue sa ruler.

"Haayy.." napa-buntong hininga nalang sya at nilapitan ang notebook "Don't make a
big deal out of it.. Magic trick lang 'to.. Dati akong magician" binunot na nya
ang notebook at ibinato sa naghagis "Subukan mo pang ulitin yon, sa noo mo na
babaon 'tong ruler.." hinugot nya ang ruler sa pader at bumalik na sa may
teacher's table

Sinundan lang sya ng tingin ng mga estudyante nya

"Ok, magiging seryoso na ko.." inilapag nya ang ruler sa table at seryosong
tinignan ang mga estudyante nya "Wag nyo nang uulitin ang ginawa nyong yon. Isa
pang commotion, pare-parehas ko kayong tuturuan ng leksyon ora mismo."

~~~~~Narrated for Laby~~~~~~

Ang uniform sa Byeloruss: Red Blazer, white blouse with red necktie, palda na plain
color red na 3 inch above the knee, black shoes at white socks. Lahat provided ng
school.

Pero batas sya kaya hindi nya suot ang blazer nya at may subo pa syang lollipop.
Naka-high pony sya na nakatali ng red ribbon at cute syang tignan sa medyas nyang
hanggang tuhod ang haba.

Pumasok sya sa Room 601 4-A na ang tanging dala ay ang ballpen nya, ang tablet at
phone.

"Class, i-welcome nyo si--"

Napahinto ang Class Adviser nang pumasok na sya at tumayo sa gitna. Nginitian nya
ang Adviser nya at tinanggal na ang lollipop na subo

"Long time no see, Miss Arevalo.."

"A-a G-good morning M-miss Etherin.." magalang na bati sa kanya ng Adviser


"Dito ka pala napunta ha. Ayos din." humarap na sya sa buong klase para
magpakilala "Good Morning everyone. I'm Catherine Millicent Etherin. Nice to meet
you all." ibinalik nya ang tingin sa Adviser nyang nangingilag ang tingin sa kanya
"Dun na ko uupo sa blangkong upuan sa gilid... MAAM."

Nakayukong tumango ang Adviser nya sa kanya

Naglakad na sya papunta sa blangkong upuan third row, fifth seat mula sa harap.
Umupo na sya doon at nakangiting tinignan ang Adviser nya habang lahat ng atensyon
ng mga classmate nya nasa kanya. Bago sya sa school pero simula pagpasok nya,
binigyan na nya ng impression ang lahat sa kung sino nga ba sya.

Isang independent kid, may sariling business, malakas, talented, child prodigy na
may IQ na 200, super yaman, at kahit ang mga teacher ginagalang at kinatatakutan
sya. Ang mga estudyanteng lalaki, binu-bully nya kabago-bago nya doon. Sinabihan na
ang Class 4-A kung anong klaseng student si Laby pero hindi nila inaasahang ganito
sya ka-wow. Kahit ang adviser nila nganga sa kanya.

Ang speaking of Adviser. Si Miss Joana Arevalo, ang Class Adviser ng Class 4-A, ay
dating estudyante ni Laby. At kagulat-gulat nga naman na ang dati mong Professor ay
makikita mo sa Advisory Class mo bilang estudyante.

"A-a- T- W-A-" nauutal na si Miss Arevalo dahil hindi nya gusto ang presensya ni
Laby sa classroom nya. Nakakahiya naman kasi, tuturuan mo ang dating Professor mo.
Ang awkward. Nai-insecure sya dahil baka punahin ni Laby ang pagtuturo nya.

Pumasa naman sya sa subject ni Laby nung college sya. Kaso, awkward pa rin kasi
alam na alam nyang genius si Laby.

"Bakit hindi ka na mag-start, Maam?" sabi ni Laby

"Ah, Yes Maam! Hah-" napatakip ng bibig si Miss Arevalo dahil sa sinabi nya

Umiling nalang si Laby at inilagay sa drawer ng table nya ang ballpen at phone nya.
Tinignan nalang nya ang tablet nya at hinanap ang mga redeveloper suspects nya.
Nagsimula nang magturo ang Adviser nila, pero hindi sya nakikinig. Hindi naman kasi
nya kelangang makinig.

"Shiza Yoshikawa.. Davi Bent Kesley.. Xiao Ran Li.. Badtrip.. Mga siraulo 'tong mga
'to.."

Shiza Yoshikawa aka Flame. Ang leader ng Silver Outlaw Fox Gang. Ang nasa 2nd
placing sa Top 25s.

Davi Brent Kesley aka BlackSpade. Isa sa pinakamatalinong member ng Dark Orion
Cards Gang. Ang Top Gang.

Xiao Ran Li aka Tricker. Isa sa mga member ng Revenge Gang. Ang nasa 7th placing sa
Top25s

Lumingon sya sa likod. Tinignan nya ang lalaking cute pero serious mode na nagp-pen
spin sa 2nd row last seat. Nakatitig lang ito sa board.

"Shiza Yoshikawa.. Nickname: Yoshi.. Member ng Student Government Body, Class 4-A
President, Top 1 sa klase, pangalawa sa pinakamatalino sa buong school at isa sa
mga Campus Heartthrob. May sariling fans club.. Ayos din.."

Huminto sa pagp-pen spin si Yoshi at nahuli si Laby na nakatingin sa kanya.


Tinitigan nya si Laby na nakatitig sa kanya. Hindi naman nilayo ni Laby ang tingin,
baka isipin ni Yoshi, may crush sya sa kanya.

Kelangan serious mode sya at mukhang may balak talagang masama para hindi awkward..

Binigyan sya ni Yoshi ng 'ANONG TINITINGIN-TINGIN MO' look

Gumanti naman si Laby ng 'EH IKAW, ANONG TINITINGIN-TINGIN MO' look

Nag-'huh!' lang si Yoshi at binigyan si Laby ng deadly glare

Nag-make face naman si Laby at ibinalik ang tingin sa harap.


O, edi tapos ang problema. Hindi pa sya napagkamalang die hard fan.

Nabulabog ang buong Diaeresis dahil sa kaguluhan sa may third floor.

Naglabasan ang mga estudyante sa buong school para makiusisa sa nagaganap.

"Anong meron at mai-- Ay, Dyusko!" napalabas agad ng building ang Principal dahil
sa nakikita sa third floor

"Leave me alone!! Leave me alone!!" sigaw ng isang babaeng estudyante na


nakatuntong sa bingit ng third floor railings

Naglabasan ang mga teachers para pababain ang estudyanteng balak pang mag-suicide.

At dahil ang lahat ay nakikiusyoso sa komosyong nagaganap, napahinto agad si Josef


sa isang tapat ng isang classroom sa may third floor kung nasaan ang next subject
nya. Sinilip nya muna ang room, walang estudyante. Lahat kasi nasa labas.

Kitang kita nya sa pwesto nya ang dalagang umiiyak habang nakatuntong sa may
railings.

"Oh man.." napahawak nalang sya sa bridge ng ilong nya


First day na first, maabutan nya ang eksenang 'to.

Lumapit na sya sa lugar kung saan malapit sa estudyanteng magsu-suicide.

"Jenny, bumaba ka na dyan.. Please.." pagmamakaawa ng Adviser sa dalaga

"Ayoko! Gusto ko nang mamatay! Gusto ko nang mamatay!" sigaw ni Jenny

Napataas nalang ng kilay si Josef habang tinitignan ang suicide drama na yon.
Dyusko naman, sa dinami-rami ng lugar, doon pa nya naisipang mag-commit ng suicide.

"JENNY!! WAG MONG ITUTULOY YAN!!" sigaw ng mga classmate nya sa kanya

"Si Michael lang ang buhay ko!! Mamamatay ako kapag nawala sya sakin!!" sigaw ni
Jenny

"Haay, naku.. Mga bata talaga.." bulong ni Josef sa sarili

"Jenny, marami pang lalaki sa mundo! Wag mong hayaang sirain ni Mike ang buhay mo!"

"Mahal na mahal ko si Michael! Hindi ko na kayang mabuhay kapag nawala sya!"


Ok, nakakasuka..

Wala syang balak ma-involve sa mga ganyang kaguluhan kaya tumalikod nya sya para
pumunta sa klase nya

"Jenny, get down here.." mahinahong sinabi ng Adviser nya habang papalapit sa
kanya

"WAG KAYONG LALAPIT! WAG NYO KONG-- Aaahhhh!!!" sigaw ni Jenny

"AAAHHHH!!" nagsigawan ang lahat dahil nadulas si Jenny sa tinutuntungan nya. Ang
tanga sobra.

Bigla sulpot ni Josef sa railings at walang pagdadalawang-isip na tinalon ang third


floor. Kinuha nya si Jenny sa ere at pumwesto sa hangin para sa magandang pag-
landing nya. Kelangan nyang tantyahin ang position nya dahil mababalian sya kapag
mali ang lapag nya sa lupa. May karga pa naman syang tao.

Pagtapak ng paa nya sa lupa, yumukod sya ng kaunti para hindi malakas ang impact.
Napaatras pa sya ng may kalahating metro dahil sa force ng pagkakabagsak nya.
Kasabay nun ang pagsambulat ng mga alikabok sa hangin at ang mga dahon mula sa
puno ng Acacia

Nabalot ng katahimikan ang buong Diaeresis.

"Ugh! I'm dead now.." inis na sinabi ni Josef. Ibinaba na nya si Jenny na gulat na
gulat na nakatingin sa kanya "Ok ka lang?"

Nakanganga at dahan-dahang tumango ang estudyante sa tanong nya

Unti-unti namang nagpapalakpakan ang buong student body dahil sa ginawa nya.
Nagkakaroon na rin ng mahihinang sigawan na unti-unti ay lumalakas.

Ayaw na nyang magtagal sa lugar na yon kaya dali-dali syang tumakbo papasok sa loob
ng building

Dumiretso agad sya sa restroom at humarap sa isang pader.

Narinig nya ang malakas na sigawan at palakpakan sa labas.

"Ah, stupid, stupid, stupid.." inuntog nya ng mahina ang ulo nya sa pader

Hero, clap clap clap. Very brave act.

Ang kaso, hindi sya hero.

Isang malaking bad news ang ginawa nya sa kahit anong anggulo.

Hindi sya pwedeng makakuha ng atensyon dahil magiging problema yun sa trabaho nila
as Superiors. At mas lalong ayaw nyang makakuha ng atensyon dahil ayaw na ayaw
nyang pinapansin ng tao.

"Ano, Josef.. Makipag-usap ka ngayon sa Diyos mo.." bulong nya sa sarili habang
inuuntog ang sarili sa dingding
Ting-Ding!

Requesting for Mr. Richard Zach, please proceed to the Principal's Office
immediately.

"Ah, damn it.." napahilamos nalang sya ng mukha at inis na inis na lumabas ng
restroom

Wala na ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa buong school. Tahimik na rin ang
buong paligid.

Tinatakpan nya ang mukha habang dumadaan sa mga classroom at sa mga office.
Binilisan nya ang lakad para matapos na ang kakaibang tingin na natatanggap nya
habang nilalakad ang corridor.

First day na first day, map-Principal's Office sya. Kung kelan tumanda na sya't
lahat lahat.

Pagpasok nya sa Office...

"Good morning, Madam" nahihiya nyang bati sa Principal. Para syang batang nahuling
nambu-bully base sa kilos nya. Guilty-ng guilty.

"Sit down, Mr. Zach.." matigas na sinabi ng principal

Naupo naman si Josef sa upuang kaharap ng table ng Principal


"Ikaw ang matapang na tumalon kanina sa third floor, hindi ba?"

Napalunok si Josef dahil tono palang ng Principal, Principal na Principal talaga.


Ang ayos, ang tingin, ang aura, nakakatakot at mukhang mangangain ng tanga.

"Yes, Madam.."

"Alam mo bang bawal at delikado ang ginawa mo?"

"Yes Madam.."

"Muntik mo nang patayin ang bata at ang sarili mo. Alam mo ba yon?"

"Yes Madam.."

"First day mo palang 'to, hindi ba?"

"Yes Madam. Sorry, Madam. Hindi ko na balak ulitin ang nangyari.." sabi ni Josef
habang nakatingin sa tuhod nya. Para talaga syang batang pinagagalitan sa kilos nya

Sandaling tumahimik...

"Sayo ba 'tong salamin?" iniabot ng Principal ang isang basag na eyeglasses kay
Josef

"Yes Madam.." kinuha nya ang salamin at kinagat nalang ang labi nya

"Hindi ka naman si Superman, diba?"


O__O

"Madam?" napatingin agad sya sa Principal na nakatitig sa kanya ng maigi at


tinatantya kung si Superman nga ba sya

"Hindi ka naman alien, diba?"

"Yes, Madam.."

"Tumalon ka ng third floor at buhay ka pa, tao ka bang talaga?"

"Yes Madam.." napatingin sya sa gilid at nag-isip ng ikakatwiran bago pa mapunta


sa kung saan ang usapan nila. Naiilang na sya kapag ganyan na ang usapan. Kelangan
nyang ilayo ang topic o kaya alisin ang mismong topic na yun.

"A-actually, Madam. D-dati po akong stuntman sa mga pelikula.. K-kaya magaling ako
sa mga saluhan at talunang ganun.. Action stunt ba.. hehehe.. ehem" inilayo agad
ni Josef ang tingin at nagdasal na sana bumenta kay Madam Principal ang sinabi

"Aah.." tumango-tango naman ang Principal "Talaga? Hindi ka naging artista?"

"Madam?" gulat na gulat syang napatingin sa Principal

"Ok, well.. Ehem.. Forget about it.. Uhm, si Miss Jennifer Glorioso ay nasundo na
ng family nya kanina. Sinabi nalang namin na mas mabuti kung bukas na kayo mag-
uusap ng pamilya nya. Sa ngayon, pahupain muna natin ang trauma ng bata."

"Ah, ok po Madam.."
"Wala ka bang bali sa katawan? Mga sugat or something? Pilay? May pilay ka ba? Baka
kelangan mong pumunta sa clinic. Hindi 5 feet ang ang tinalon mo.. 35 feet, Mr.
Zach, you jumped from the 35 feet-high part of this building."

"Uhm, no Madam. I manage to have a good take-off. Don't worry about me, I'm
professional."

Yeah, as professional as you can imagine.

"Alam mo na ba ang rules and regulations sa school na 'to?"

"Yes Madam. I know the rules and regulations inside this campus, and I know I did a
very stupid decision when I jump off that building."

"That is a stupid decision for you, but for us and for this school, what you did is
what we call heroism. Hindi lahat tatalon ng ganun kataas para lang magligtas ng
tao, unless bumbero sila or superhero.. Pero I know, kahit bumbero, hindi tatalon
ng ganun kataas gaya ng ginawa mo."

Hindi naman sure si Josef kung joke ba yung sinabi ng Principal o ano. Hindi nya
rin alam kung tatawa ba sya o hindi nalang magre-react. Pero isa lang ang sigurado
sya sa sarili.

Gusto na nyang lumabas sa Principal's Office.

"Hindi lang estudyante ang iniligtas mo, Mr. Zach. Iniligtas mo rin ang school na
'to sa malaking kahihiyan.. Alam mo ba ang ibig sabihin non?" may ngiting sinabi
ng Principal

"Pwede na po akong bumalik sa klase ko?" nagtatakang sagot ni Josef

Nawala agad ang ngiti ng Principal at napataas nalang ng kilay sa sinabi ni Josef

"Pwede ka nang maging regular teacher dito sa school. Pwede ka nang mag-apply for
the position, mag-fill up ka lang ng form.."
"Ah," dahan-dahan namang tumango si Josef "Ok, Madam.. Uhm, I'll.. uh, I'll
consider about that offer Madam.. Usap muna kami ng asawa ko about that.."

"You're married?"

"Yes Madam.."

"Oh," tumango naman ang Principal at mukhang dismayado sa sinabi ni Josef

"So, uhm.. Pwede na po ba kong bumalik sa klase ko?" naiilang na tanong ni Josef

"Yes, yes. Sure, you may..." itinuro nya ang pinto kaya tumayo na si Josef

"Thank you, Madam.." paggalang ni Josef

"No, thank you Mr. Zach.."

Ngintiian lang nila ang isa't isa at saka lumabas si Josef ng office.

Paglabas nya ng office...

Nagpanic agad ang mga teachers na nakikinig sa usapan nila Josef at nagkanya-kanya
ng iwas ng tingin paglabas nya sa loob.

"Uhh, okey.." tinignan nya ang mga teachers na nakaiwas ang tingin at busy-busyhan
kuno sa tapat ng office at mukhang kanina pa nakikinig sa kanila
Hindi nalang yon pinansin ni Josef at naglakad nalang. Nakabuntot naman sa kanya
yung tres marias na una nyang nakilala.

"Sir Zach, tanggal ka na ba sa trabaho?" tanong ni Maam Carmel

"Sana hindi pa.." sabi ni Maam Heidi

"Oo nga, unfair naman yun kapag tinanggal sya.." sabi ni Stella

"Ay, Sir Zach. Mukhang ok ka lang ah, wala bang masakit sayo? Hindi ka ba
napilayan? Buhay ka pa ba?" tanong ni Heidi

"I'm fine. Don't worry about me.." pokerface na sinabi ni Josef habang naglalakad

"Si Superman ka ba?" tanong ni Maam Carmel

"Aahhh! Superman!!" nagtilian naman si Maam Stella at Maam Heidi

"Hindi ako si Superman, si Batman, si Spiderman at kung sinuman ang naiisip nyong
superhero. Normal akong tao at ang ginawa kong pagtalon sa third floor ay.." lagi
kong ginagawa sa dati kong trabaho kaya "..mas mabuting kalimutan nyo na.. wag na
sana kayong magtanong ng magtanong kasi ayoko sa lahat ang makulit"

Huminto sa paglalakad ang tatlo. Sya naman nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa
classroom nya.
Maingay ang klase pero hindi ganun kalakas. Ang kalahati, nagbubulungan, ang one
fourth, tahimik, ang natitirang one fourth, normal lang sa pagsasalita.

Nakaupo sa mismong mesa sa harap si Armida. Naka-dekwatro sya habang nakapatong ang
dalawang kamay sa mesa pansuporta. Nagle-lesson sya, kuno.

Nagsasalita sya ng kung ano-ano para kunyari nagtuturo sya. May mga dumadaan kasing
mga teacher at pupunahin sya kapag nakita nilang nakatunganga lang sya. Ang subject
nya ngayon ay Economics. Pero ito ang itinuturo nya,

"...ang mahal-mahal ng bilihin ngayon. Kasalanan yan lahat ng supply and demand na
yan. Magbababa ng presyo kapag wala na halos bumibili, mamahal kapag nagkakahanapan
na. Muntanga lang talaga yang nagpauso ng economics na yan noh.. Gusto ko na ngang
patayin ang nagpauso nun eh" sabi nya sa estudyanteng kangitian nya kanina

"Oo nga, Maam eh.. Allowance ko nga ngayon, binawasan nila ng 50 thousand kasi daw
mahirap na kumita ng pera.." sabi ng kaisa-isang kausap nya na ang pangalan ay
Eljand Kelvin

"Sabi din dun sa binilhan ko kahapon ng ice cream kahapon, kaya daw mahal ang
presyo ng tinda nila, kasi nagmahal na daw ang gasolina.." sabi ng nakikiepal na
tanga sa kanila. Katabi lang din ni Eljand. Ang pangalan ay James Avel Geron

"Eh mga loko-loko pala yung nagbenta sayo eh! Icecream ang binili mo, tapos
lalagyan ng gasolina! Pakita mo nga sakin yan nang magulpi ko!" sabi ni Armida na
kunyari galit pa sya

"Oo nga! Hahahaha!" nag-apir pa ang tatlo

"Saya pala kausap 'to ni Maam noh!"

"Maam, pwede mag-question? Bakit nyo kinuha ang trabaho dito?" tanong ni James

"Ha? Uh, kelangan kasi sa trabaho namin ngayon.. Secret lang natin 'to ah.."
lumapit sya ng kaunti sa dalawang listener nya at inilagay nya ang palad sa
kaliwang pisngi para bumulong "Nasa mission kasi ako ngayon.." tumango sya at
tinignan ang paligid kung may nakarinig ba

Pero sa lakas ng pagkakasabi nya, maririnig talaga ang sinabi nya. Nakuha tuloy nya
ang atensyon ng mga nasa harap at ilang nakatingin sa kanya sa likod

"Ooohh... Maam, anong mission nyo?" bulong ni Eljand

"Naghahanap kami ng mga magagaling na tao na mamumuno sa pinakamataas na guild sa


buong mundo.." tumango si Armida at pinipilit paniwalain ang mga nakikinig sa
kanya

"Tss.." napailing nalang ang iba dahil obvious na gumagawa lang sya ng kwento

"Talaga Maam.." bilib na bilib naman sa sinabi nya yung ibang uto-uto nyang
estudyante "Illegal recruiter ba kayo?"

"Bakit, spy ba kayo mga ganun?"

"Hindi. Ang spy eh yung batang kasama ko.. Mm-hmm" para syang batang nagkukwento
ng adventure sa iba nyang mga kalaro "Sobrang talino nun, saka madaming gustong
patahimikin yun kasi marami nang nalalaman.."

"Batang spy? Talaga.." kulang nalang kuminang ang mga mata ni Eljand at James sa
sinabi nya "Eh kayo, Maam.. Anong trabaho nyo?"

"Ako.. Retired na ko sa dati kong trabaho. Ngayon, pumalit ako sa pwesto ng father
ko.."

"Bakit, Maam, ano ba ang trabaho nyo dati?" tanong ni Eljand

"Dati akong assasseeen.. Yeah.. Apir tayo, dude" nakipag-high five pa sya kay
James

"Oh," pinalobo ni Eljand ang pisngi nya habang tumatango. Ang kislap ng mga mata
nya habang nakatingin kay Armida "Assassin.. Wow.."

"Hindi lang ikaw ang nagbigay ng palusot na yan dito.." sigaw ng isang etudyante
mula sa likod na nakikinig pala sa kanya

"Oo nga," sabi ng kalahati ng klase nya

"Serial killer, assassin, murderer, bouncer, butcher, pulis, alien, monster, wolf,
vampire, witch, wizard etc. etc. lahat narinig na namin sa ibang teacher para lang
matakot kami sa kanila.."

"Pero lahat sila, napatalsik namin.."

"Maghintay ka lang dahil susunod ka na sa kanila.."

Sabay-sabay na nagpakita ang evil grin ng mga estudyante nya

"Pero mukha namang assassin si Maam ah!" sigaw ni James

"Si Ms. Jose, sinabi lang na werewolf sya, naniwala naman kayo! Wag nga kayong uto-
uto!"

"Eh mukha naman talagang werewolf si Ms. Jose eh!" katwiran ni James

"O, tama na! Tama na! Wag na kayong magkagulo dahil sa December 21, aalis na ko sa
school na 'to dahil tapos na ang mission namin sa araw na yon.." sabi ni Armida

"Yun ay kung aabot ka ng 21.."

"Kalimutan mo na yang palusot mong mission at pagiging assassin mo, hindi bebenta
yan dito.."
"Aish." napasimangot sya at napakamot ng leeg "Akala ko pa naman, bebenta.. Ang
effort ko kayang pag-isipan ang reason na yan! Kayo Eljand, James, naniniwala ba
talaga kayong assassin ako?"

"Yes Maam!" masayang sagot nung dalawa

"Buti naman! Tayo nalang magpaniwalaan dito, wag nyong isali yang mga classmate
nyong mga KJ.." tumango-tango pa sya at inirapan ang mga hindi naniwalang assassin
sya "Alam nyo, ako kaya ang kinatatakutang-"

Napahinto ang lahat maging si Armida nang makita nila ang isang grupo ng estudyante
na naglalakad sa hallway.

Porma palang ng mga ito, alam mong mga warfreak na.

Naglabasan ang mga evil grin ng mga estudyante ni Armida at hinanda na ang kani-
kanilang mga table

Huminto sa may pinto ang mga estudyanteng yon.

"Ikaw ba yung bago?" tanong ng isa sa unahan

"Yes.." tinignan nya ang relo nya. Quarter to 11 na "Ang aga nyo para bukas ah.."

Pumasok ang isa at nakapamulsang nilapitan si Armida "Chief!" sigaw nito kay
Chief Andrew

Nag-number 5 at 2 sign si Chief at saka nag-smirk. Nag-smirk nalang din ang


sinenyasan nya
"Ayos ah, dapat pala sinama ko sa bio-data ko ang sign language.." sabi ni Armida
"Anong meron sa 5 and 2 sign, Mr. Clarence Yao?"

Maya-maya, itinulak ni Clarence ang table na inuupuan ni Armida. Tumayo agad si


Armida para hindi sya mapasama sa mesang halos umabot sa pader ng room.

"Oy, don't tell me, makikipag-away kayo dito sa loob.." sabi ni Armida

Isinara ng mga estudyante ang kurtina at ang pinto para walang makakitang taga-
labas sa gagawin nila kay Armida. Sabay-sabay nilang iniurong ang mga table nila
para ma-blangko ang gitna.

Magsisimula na ang Adviser Initiation ng Class 4-F.

"Oh..kay." pinalibutan sya ng mga estudyanteng kararating lang

"Kilala mo ba ko?" tanong ng isang estudyanteng mababa lang ng konti sa kanya pero
kung wala syang heels, malamang na mas mataas pa ito sa kanya. Nakapamulsa ito at
maangas na nakatingin sa kanya.

"I guess so. King Ace Havenstein, right?" sabi ni Armida

"Ngayon palang sinasabi ko na sayo, nagkamali ka ng classroom na pinasukan mo.."


banta ni King sa kanya

"Talaga.. Ang nakalagay sa RN ko, Class 4-F Room 609.. Ito lang naman ang room 609
dito sa building diba. Kaya pano ko nagkamali?" inosenteng sinabi ni Armida
"Hala! Baka sa ibang building pala dapat ako, Aysus Ginoo ka Inggo!" napatapik pa
sya sa noo nya

"Pfft.." pinigilan naman ng ibang lalaking estudyante ng matawa


"Ha-Ha-Ha.." sinenyasan nya ng tingin ang mga kasamahan nya na sumugod kay Armida

"Uh-oh.."

Sabay-sabay na sinugod si Armida ng tatlong estudyante nya.

Ngumiti lang sya at hiniritan ng tag-iisang palm heel strike ang tatlo sa balikat
at sa dibdib.

"Agh!"

"Agk!"

"Ugk!"

Sabay-sabay din ang tatlo sa pagbagsak at napahawak sa dibdib nila.

Napatayo ang lahat ng estudyante nya at napatingin sa tatlong pinabagsak nya ng


walang ka-effort effort

"Seryoso ba kayo dito?" tanong pa nya sa lahat "Uulitin ko ang warning ko sa mga
bagong dating.. Kung gusto nyo ng away, magkita-kita nalang tayo sa labas..."

"Hahahahaha!!" natawa nalang si King sa sinabi nya "Hindi ka na makakalabas dito


ng buhay.."

Sinugod sya ng tatlo pa na mukhang mas magagaling. Napabuntong hininga nalang sya
at umiling. Hindi nya to pwedeng seryosohin, sayang.
"Straight punch, left jab, right jab.." inilagan lang nya ang mga binibigay sa
kanyang atake habang dini-dictate ang tira nila "Haay, naku.."

Tinapakan nya ang paa ng isa, sinipa nya sa sikmura ang isa, sinuntok naman nya sa
sikmura ang isa. Hindi nya pwedeng patamaan sa mukha, delikado sya lalo na sa
trabaho.

"Mahihina pa kayo.. Hindi nyo ko kaya.." mahinahong sinabi ni Armida habang


tinitignan ang anim nyang estudyante na namimilipit sa sakit

Naiinis na si King dahil anim na ang pinabagsak ni Armida at kitang kita na hindi
man lang ito nahirapan.

"Chief! Brent!"

"Yes King!"

Nagtabi-tabi ang tatlo at pumorma in attack position agad

"Ohoy! Yan ang gusto ko.. Seryosohin nyo, makikipaglaro ako sa inyo.." hinubad ni
Armida ang suot nyang coat at hinagis kay Eljand "Kapag nadumihan yan, yari ka
sakin!"

"Yes Maam!"

Pinaikutan ng tatlo si Armida at maya-maya nagsenyasan sila na kelangan nang


sumugod

Sumuntok si Chief. Inilagan ni Armida pero nakaabang na ang suntok ni Brent kaya
sinalo agad ng left hand ni Armida ang suntok at tinuhod si Brent sa sikmura at
ibinalibag kay Chief. Nakadagan na tuloy si Brent kay Chief.

"Argh!" sumuntok naman si King na nasalag naman ni Armida gamit ang dalawang kamay
na naka-cross. Inangat nya ang dalawang kamay sabay sipa sa sikmura ni King.

Napaatras ang estudyante at hinawakan ang tyan nya

"Uy, matibay ka ah!" masayang sinabi ni Armida

"Argh!" sumugod uli si King at sinubukang sipain si Armida

Hinuli lang ng takong ni Armida ang leather shoes ni King at sapilitang ibinaba ito
sa sahig. Kinuha nya ang kwelyo ni King at inilapit nya ang mukha nito sa mukha
nya.

"Kung gusto mo kong labanan, dun tayo sa labas.. Seseryosohin ko ang laban natin.."
pabulong na sinabi ni Armida habang palipat-lipat ang tingin sa labi ni King at sa
mata nito

"Shut up!" pinilit tanggalin ni King ang kamay ni Armida sa kwelyo nya at humirit
pa ng suntok na nasalag na naman. Kinuha nalang ni Armida ang left hand ni King at
itinulak ito sa may board para pigilan. Nakalagay sa likod ang left hand ni King
habang nakaharap sya sa board. Para syang kriminal na nahuli base sa kung paano sya
i-trap ni Armida.

"Practice pa.. Matatagalan pa bago mo ko matalo.."

"Hindi ako matatalo!" itinulak nya ang sarili para makaalis sa pwesto at kinuha ng
right hand nya ang leeg ni Armida

"Nice try, kid.." hinawakan nya ng mahigpit ang pulso ni King at pwersahang
inialis sa leeg nya. Itinulak nya ang estudyante nya sa may board "Uulitin ko,
kung gusto mo ng laban, dun tayo sa labas.." mariin nyang sinabi "Hoy, umayos na
kayo! Kapag kayo nakita ng ibang teacher dyan, iisa-isahin ko kayo!" sigaw ni
Armida sa iba habang tinitignan ng masama si King

Sabay-sabay na nag-ayos ng table at upo ang mga estudyante nya. Ang walong
bumagsak, inakay ng iba at pinaayos ng upo sa mga upuan nito.

Binitawan na ni Armida si King at saka sya nag-cross arms at hinagod ng tingin ang
estudyante nyang halos patayin na sya ng titig nito

"O, bakit ganyan ka makatingin? Gusto mo kong patayin? Sige ba, pasasalamatan pa
kita.."

Nakikita nilang lahat na halos umusok sa galit ang mukha ni King dahil kay Armida.
Bumaba sya sa rooftop para lang takutin ang bago nilang adviser tapos ngayon eto
sya at natalo ng ganun-ganun lang.

"Dalawa lang ang pwede mong gawin," itinuro nya ang pinto "Magiging Drama Queen
ka at magwo-walkout habang basag na basag ang ego o.." itinuro nya ang likod na
upuan "..uupo ka sa likod, magpapakalalaki ka at nanamnamin mo ang pagkatalo mo
habang ine-enjoy ko ang pagkapanalo ko sa mismong harapan mo.." isang winning grin
ang

ibinigay nya kay King

Lalo lang nag-init ang dugo ni King sa sinabing yun ni Armida.

Talo na sya sa kahit anong anggulo.

Kapag nag-walkout sya, talo sya. Masisira pa ang image nya. Matatawag pa syang
Drama Queen ni Armida. Nakakahiya yan, King pa naman sya.

Kapag naman nanatili sya sa loob. Pakapalan nalang ang magaganap. Makikita mo ba
naman ng matagal ang nakatalo sayo eh. Ego, man, ego. Magse-self pity sya habang
inaalaska ng tingin ni Armida.

Ano na sya ngayon?

Drama Queen o Loser King?


"At sa tingin mo magpapatalo 'ko sayo!" sumuntok si King kaya wala nang magagawa
si Armida kundi ang paralisahin sya para hindi na makapalag. Sinuntok ni Armida ang
kanang balikat ni King. Napaluhod naman sya at napahawak sa balikat nyang na-
dislocate.

"Hindi mo pa ko kaya.." sabi ni Armida. Kinuha nya ang kaliwang braso ni King at
kinaladkad ito papunta sa likurang upuan.

Napahinto ang lahat habang nakatingin kay Armida habang kinakaladkad ang
pinakamalakas na estudyante ng Class F.

Ipinaupo ni Armida si King sa upuan nya at kinuha ang panyo nito sa bulsa ng chest
pocket ng uniform.

"Lalaki ka diba?"

Tumayo ng diretso si Armida at hinawakan ang kanang braso ni King at parte ng likod
nya.

Seryoso ang lahat sa panonood ng ginagawa ni Armida kay King. Palipat-lipat ang
tingin nila sa adviser nilang biglang nagbago ng pagkatao sa isang iglap.

"Subukan mong sumigaw, patatahimikin kita permanently.." seryosong sinabi ni


Armida sabay tulak sa mga buto ni King na nabali nya

"Argh--" pilit na pinigil ni King ang sigaw nya dahil sa sobrang sakit. Halos
magmukhang kamatis ang mukha nya sa sobrang pula. Dumugo na rin ang labi nya sa
sobrang pagkakakagat.

"O, ulitin mo uli ha, magkakasundo tayo dyan.." sarcastic na sinabi ni Armida
sabay kuha sa kamay ni King para ilagay ang panyo at itakip sa bibig nitong
nagdudugo

Inis na inis si King habang hindi inaalis ang deadly glare nya kay Armida.

"O, yun na ba yun?" mayabang na sinabi ni Armida sa kanilang lahat habang


inuutusan sila Eljand at James na ibalik ang table sa pwesto nito "Hindi naman sa
pagmamayabang ha, pero magyayabang na talaga 'ko.. 15 years na kong lumalaban sa
mga taong 100 times na mas malakas kesa sa inyo. Now, kung gusto nyong makipag-
away, wag dito. Wag nyong isiping katulad ako ng mahihinang teacher na pumasok sa
klaseng to.."

"Maam, ito na po ang table.." sabi ni Eljand

"Good.." bumalik sya sa pagkakaupo sa table at tinignan isa-isa ang mga estudyante
nya "Kaya pala walang nagtatagal sa inyo.. Matindi pala kayo bumati.."

Huminga sya ng malalim at tinignan ang bintanang nakasara ang kurtina

"Kung ayaw nyo sakin, mas lalong ayoko sa inyo. Wag nyo kong lalabanan pera sa
pera, dahil mapapahiya rin kayo. Nandito ko sa trabaho, nandito kayo para mag-aral.
Kung ayaw nyong mag-aral, hindi ko na yon problema. Ang gusto ko lang, tahimik
akong makakapag-trabaho habang nandito 'ko..."

"Excuse me.."

Napalingon silang lahat sa may pinto na biglang bumukas. Nandoon ang Principal ng
Secondary Department. Ipinatawag sya ng ibang teacher dahil ang alam nila,
nagsisimula na ang Class4-F sa Adviser Initiation ng klase.

"Yes Sir.." bati ni Armida. Dumiretso na sya ng tayo at nginitian ang Principal

Tinignan naman ng Principal ang loob ng room na sobrang tahimik at lahat nakaupo ng
maayos. Kumunot ang noo nya nang makitang nakaupo sa likod ang grupo ni King. Ang
grupo ni King na parang twice a year lang magtagal sa loob ng classroom.

"Anong subject na 'to?" masungit na tanong ng Principal habang nililibot ng tingin


ang buong room na parang noon lang nya nakitang tumahimik simula nang maitayo ang
buong eskwelahan.

Patay, hindi na nya alam..

"Economics po, Sir.." sagot ni James

"I'm not asking you, stupid!" sigaw ng Principal kay James

"Excuse me, Sir!" sigaw ni Armida. Nabigla ang Principal sa sigaw nya pati na ang
mga estudyante nya "You don't have the right to call my student stupid! He's just
telling you what subject I'm teaching right now." mariin nyang sinabi

Naningkit agad ang mata ng Principal dahil sa asal nya. Kabago-bago, sumasagot na.

"I'm asking you! Not him!"

"Correction, Sir. Ang narinig ko, pati ng mga estudyante ko.. Ang sinabi nyo lang,
'anong subject na 'to?'.. You didn't ask 'Mrs. Zach, anong subject na 'to?'.. Kaya
wala kayong karapatang sabihang stupid ang estudyante ko dahil lang sinagot nya
kayo sa tanong na wala naman kayong specific person na tinatanong.. And besides,
ang estudyante ko alam ang subject namin ngayon samantalang kayo hindi nyo alam eh
Principal kayo. Sino ngayon ang mas stupid sa inyong dalawa?"

Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante nya at napa 'Oh My God' habang nakatingin sa
Principal nilang nanggagalaiti na sa galit dahil sa sinabi nya.

"Mrs. Zach!" galit nitong sigaw


"Hehehe... Yes Sir.." naka-smile na sagot ni Armida

"Go to my office! Now!" sigaw ng Principal sabay walk out

Lumamig bigla ang hangin sa loob ng room. Tinignan nilang lahat si Armida.

"Hahahaha! Got to my office? Baka ang ibig nyang sabihin, Go to Hell. " nag-smirk
sya at kinuha kay Eljand ang suit nya "Yari ka sakin kapag nakapasok ako sa Office
mo! Pupulbusin kita" pagmamayabang nya at tinignan si James na nakayuko lang at
mukhang iiyak na

"Hey James.."

"Yes Maam.." malungkot nitong sagot

"Give me five.." lumapit sya kay James at itinaas ang kamay nya para makipag-apir

Tiningala sya ng estudyante nyang natawag na 'stupid' ng Principal nila

"Nangangawit ako.." naka-smile nyang sinabi

Isang bitter smile ang nakita sa labi ni James at malamyang nakipag-apir kay Armida

"Don't worry, kid.. Expected ng lahat na ipapatawag ako ngayon sa Office kaya wag
kang maglungkut-lungkutan dyan.." ginulo nya ang buhok ni James "Lalaki tayo,
ok.. aarrrr, lalaki.. Macho tayo dapat huh!" tinapik-tapik pa nya ang balikat ni
James para i-cheer

"Maam, naka-wax ako eh.. Magulo na tuloy hairstyle ko.." malungkot na inayos ni
James ang buhok nya para tumayo uli
"Ang tanga ng Principal dito ha, in fairness.. O, kapag may tumawag uli sayong
stupid, sabihin mo sakin, reresbak tayo, lulumpuhin natin sila." ngumiti pa sya
kay James sabay kindat. Naglakad na sya palabas ng room para pumunta ng Principal's
Office

First day na first day, na-Principal's Office agad sya.

Pero para sa kanya, worth it ang reason. Ayaw pa naman nya sa lahat eh yung isa
pang tanga na babara ng iba.

Yung klase naman nya, hindi sigurado kung matutuwa ba sa pagpunta nya sa Office.

Ok, ayaw nila kay Armida and all. Pero mas ayaw nila ang tinatawag na tanga ang
classmate nila ng mga walang pakundangang staff ng school.

Oo na, sila na ang pinaka-worst class ever. Pero marunong pa rin silang makaramdam.
At kung hindi nagsalita si Armida kanina para sa classmate nila, malamang na sila
King na mismo ang gumulpi sa Principal na yon.

At kahit na ayaw nila sa bagong adviser nila, isa lang ang sure sila, nakakatawa
sya. Not sure if tanga-tangahan lang sya o serious na ang takbo ng pag-iisip nya sa
lagay na yon.

"Sana hindi nila tanggalin si Maam.." malungkot na sinabi ni James

"Oo nga.. Sana hindi sya matanggal.." sabi ni Eljand


Naglalakad na ngayon si Armida papunta sa Principal's Office.

Kinakabahan ba sya? Hehehe. Asa daw.

Nasa tapat na sya ng Office. Inayos pa nya ang suot nyang suit at white longsleeve
na naka-tuck-in sa black slacks nya.

*Tok Tok*

Binuksan na nya ang pinto at sumilip sa loob ng Principal's Office

"Hehehe.. Hello Sir.." nakangisi sya habang unti-unting pumapasok sa loob.


Titingin sya sandali sa baba tapos susulyap sa Principal na kitang kita sa mukha na
galit na galit.

"Ang pogi nyo ngayon Sir ah, hehehe.." pag nakatalikod nga lang

"Sit down" galit na sinabi ng Principal

Pinalobo nya ang pisngi habang nakatingin lang sa sahig habang umuupo sa upuang
katapat ng table

"Kabago-bago mo palang, sumasagot ka na! Kilala mo ba ko?!"

"Hehehe.. Uhh.." tinignan naman ni Armida ang pangalan ng Principal na nasa table
"Mr. Geronimo Macacado Jr. Kilala ko na po kayo ngayon." nginitian nya ang
Principal at ipinaikot agad ang tingin pagkakita nya sa kilay nitong katabi na
halos ng hairline sa sobrang taas

"Sa tingin mo nakakatuwa ka?" inis na inis na sinabi ni Mr. Principal


"Depende yan, hehehe.."

Ibinagsak ni Mr. Principal ang parehong palad nya sa table

"Whoah! Cool ka lang, Mr. Principal.. Makakalbo ka nyan sa ginagawa mo eh,


hehehe.." natatawang sinabi ni Armida

"Aba talagang-! File your resignation leter now!" hamon sa kanya ng Principal

"Oh.." tumango-tango si Armida at tinanggal na ang ngiti nya sa mukha "Mr.


Principal.." itinaas nya ang magkabilang kamay dahilan para mapatingin doon ang
Principal

"Sleep"

SNAP SNAP

At nakatulog agad ang Principal habang nakaupo

Tumayo na si Armida at pinagpag ang damit nya. Itinapat nya ang kamay sa
magkabilang tenga ni Mr. Principal

"Kalilimutan nyo na ang lahat ng sinabi at ginawa ko ngayon. Hindi nyo na rin
pakikialaman at tatawagin ng kahit anong pangalan ang mga estudyante ko. Oras na
ginawa nyo yun, magbigiti na kayo.. Magigising kayo pagkarinig na pagkarinig nyo ng
pagsara ng pinto"

Naglakad na si Armida palabas ng Office.

"Akala mo maiisahan mo ko.. Asa ka" ibinagsak nya ang pinto pagkalabas
Bwahahahaha! So much win. Ano kayo ngayon.

~~~~~~ Narrated for Laby~~~~~~~

Nagle-lesson ang Class 4-A ngayon at busy ang iba sa pakikinig sa kanilang masungit
at boring na Math teacher. Parang pampatulog ang boses nya dahil kalahati ng klase
nya ang nakatulog. Si Laby tuloy-tuloy lang sa pagt-trace ng mga kasalukuyang
gumagamit sa software at nakita nya ang location sa school. Hindi nya nakikitang
gumagamit ng kahit

anong computer or gadget si Yoshi kaya hindi sya ang kasalukuyang suspect.

"Ok class, quiz 35.. 20 minutes to answer.." sabi ng teacher nila "After you
finish this quiz, you may take your break.."

Ang quiz nila ay makikita sa tablet at doon sila sasagot. Ib-bluetooth nalang nila
ang pinaka-answer sheet nila sa tablet ng teacher. Sosyal.

Nagising agad ang mga nakatulog at nagsagot na.


After 2 minutes...

Tumayo na si Laby at lumapit sa teacher nila.

"Sir, I'm done.."

Napahinto ang lahat sa pagsagot at napatingin kay Laby pagkatapos ay lumingon sila
kay Yoshi na nagsasagot pa rin.

Sanay sila na ang laging nauunang matapos sa pagsagot ay si Yoshi kaya nagulat sila
dahil kabago-bago ni Laby, sya pa ang nauna. May idea silang genius si Laby pero
hindi nila expected na ganun sya ka-genius na within 2 minutes tapos na nito ang 50
items na quizz nila.

Natapos nang i-bluetooth ni Laby ang sagot nya kaya dumiretso na sya sa pinto dala
ang kung ano man ang dala nyang gamit.

"Miss Etherin.." tawag sa kanya ng teacher nila

Tumaas lang ang kilay nya at binago agad ang expression to happy girl-mode at
habang humaharap sa teacher nya "Yes Sir.." pa-cute nyang sinabi

"Na-meet na kita before sa isang seminar na ikaw ang guest speaker. I don't know
what your agenda of entering this school is. I don't even care why you are here on
the first place but I'm hoping your personal and professional errands won't affect
the school and the school's name." pokerfaced na sinabi ng teacher nya

Lahat tuloy ng mata nasa kanya na

"Well, I'll do my best not to involve this school on my personal and professional
problems. I'm here because of two things: First, I am the babysitter of this
school's irresponsible new teacher. Second, it's not for you to know."
"You know Mrs. Zach?"

"She's my cousin and my uncle ask me to take care of her careless daughter.."
nginitian nya ang teacher nya at saka na umalis

Nilalakad nya ang hallway at papunta na sa elevator.

Tinitignan nya ang phone nya . Nawala ang signal, meaning wala nang gumagamit ng
software.

Bumukas na ang elevator at may dalawang lumabas. Pumasok na sya kasabay ng isang
lalaking estudyante. Pinindot nya ang button sa Ground floor

Kinuha nya ang lollipop sa bulsa nya. Tinanggal ang balot at saka isinubo.

"Hi, ikaw yung bago sa Class A diba?" masayang tanong sa kanya ng guy student

"...."

"Ako nga pala si--"

"Xiao Ran Li, they call you Ran. 3rd honor of Class 4-B. One of the Representatives
of Student Council. Most famous of being a playboy here in this school.."
pokerface na sinabi ni Laby habang nakatingin sa relo nya. 10 minutes nalang, break
na.

"Correction, Casanova Prince.." naka-smile na pagtatama ni Ran

Whatever.
Hindi na sya pinansin ni Laby, sa halip ay kinuha nalang nito ang bluetooth headset
at tinawagan agad si Josef dahil alam nyang recess na.

( Hello.. )

"Josef, musta ang school?" sinulyapan nya sandali si Ran

Napatingin sandali si Ran kay Laby dahil nakarinig sya ng pangalan ng lalaki

( They call me Superman here.. May niligtas kasi akong estudyanteng magsu-suicide.
Tinalon ko ang third floor para lang magpakabayani )

Hindi naman alam ni Laby kung matatawa ba sya o maiinis sa sinabi ni Josef. Gumawa
sya ng eksena na dapat ay iiwasan nya.

"Magpasalamat ka nalang at Superman ang itinawag nila sayo. If your not as handsome
as you look right now, baka isipin pa nilang paniki ka..." doon natawa ng mahina
si Laby

Napatingin sa kanya si Ran at lalo lang na na-cute-an sa kanya kasi tumatawa pala
sya.

( Tatawa na ba ko? )

"Hehehe. Peace tayo. Well, sa bahay nalang tayo mag-usap about that. Kakamustahin
ko muna si Armida, mas nag-aalala 'ko sa kanya kesa sayo.."

( Mabuti pa nga. Baka mas malala pa ang ginawa nya kesa sakin )

"Sunduin mo ko mamaya sa tapat ng gate. Wala 'kong service eh."

( Hindi ka sasabay kay Armida? )


"May sasabihin ako sayo. Mas mabuting hindi nya marinig."

( Sige. Bye )

"Bye.." nakangiti nyang pinatay ang phone

"Sino yun? Boyfriend mo?" tanong ni Ran

"....."

Bumukas na ang elevator at dali-dali syang naglakad palabas. Sinundan naman sya ni
Ran.

"Pwede kang maging friend?" naka-smile na tanong ni Ran

"....."

"Girlfriend?"

"....."

"Fiancée?"

"....."

"Wife?"
"...."

"Mistress?"

"Oy, Laby!" nakita nya si Armida na tumatakbo papalapit sa kanya. Hindi tuloy nya
alam kung iiwas ba sya o sasalubong "Huy, na-Principal's office ako, first day na
first day!"

Tumaas lang ang kilay ni Laby sa sinabi ni Armida at sa facial expression nito

"Na-Principal's Office ka tapos kung makangiti ka tinalo mo pa ang nanalo sa lotto.


Ano na namang problemang ginawa mo?" inis na tanong ni Laby kay Armida

"Eh, ano kasi.." napakamot sya ng leeg at napatingin sa katabi ni Laby "Uy, sino
si cute guy?" tinignan nya si Laby habang nakangiti "Don't tell me, alila mo.."

"Excuse me, Maam. Hindi po nya ko alila. Future boyfriend nya ko..."

"Ugh! Kapal" napa-eyeroll nalang si Laby sa sinabi ni Ran

"Wow! Future boyfriend?!" hinatak nya si Laby patabi sa kanya sabay akbay "Tigas
ng mukha natin ha, bata! Hindi 'to pumapatol sa normal, tip ko lang sayo..." naka-
smile nyang sinabi kay Ran

Hindi naman sure si Ran kung anong ire-react sa sinabi ni Armida.

"Reason mo, Armida. What's with the office?" bored na sinabi ni Laby

"Ah, binully ko ang Principal... hehehe.. Ako na batas dito, pasensya sila. Tara,
kain na tayo. Ginugutom na 'ko."
Naglakad na si Armida tangay-tangay si Laby.

"Alam mo, may mga war freak sa klase ko na mahirap kausap. Kaya mo bang hanapin ang
profile ni King Ace Havenstein ha?" sabi ni Armida habang nililibot ng tingin ang
papuntang cafeteria

"King Ace Havenstein. 18 years old. Sya ang Class President ng Class 4-F. Pang-lima
sa pinakamatalinong estudyante sa buong school. Pinakamayaman sya sa buong
Byeloruss. Campus Heartthrob. Lima-lima ang fans club sa buong Byeloruss. Heir ng
Havenstein Mafia Family. Leader ng Dark Orion Cards Gang. Ang Top Gang sa area. At
sa listahan ko ng Superiors, nasa unahan sya."

Napahinto si Armida nang mabanggit ang pagiging candidate as Superiors at member ni


King ng gang.

"Pwede bang hamunin ang grupo nya sa laban?" sabi ni Armida. Napatingin tuloy sa
kanya si Laby

"Hinamon ko na. Hindi na rin makakahindi si Josef dahil Superior candidate sya. Ang
problema nga lang, hindi balak ng grupo nya ang labanan ang mga baguhang tulad
natin kaya bago nila tanggapin ang challenge, kelangan muna nating talunin ang nasa
Top 10.."

At nagpakita na naman ang evil grin ni Armida.

"Pano na yung klase mo, hindi ka pwedeng kakalat-kalat dito habang hindi pa nagb-
bre--"

KRIIINNGGG!!!!

"May sinasabi ka?" nakangiting tanong ni Armida


"Psh.." nag-eyeroll nalang si Laby at napailing

Sa cafeteria....

Mabilis na nakaorder si Laby dahil considered sya as Red Star Student. At ang mga
Red Star Student ay may fast lane sa cafeteria. Red Star Student ang tawag sa mga
students ng Byeloruss na super high class ang status sa buhay at mga binibigyan ng
first class treatment ng school.

Nakaupo sya sa dulong upuan at mag-isang kumakain. Hindi naman kasi pwede si Armida
sa fast lane kaya magtiis syang pumila sa counter.

"Hi, pwedeng maki-share ng seat?" nakangiting tanong sa kanya ng isang student

Ngumiti lang sya at tumango. Nginitian nalang din sya nito at inilapag na ang tray
nya sa mesa.

"Hi, I'm--"

"Jane Eviota."
"Oh! Kilala mo ko?" gulat nitong tanong at saka naupo

"Name tag.." itinuro ni Laby ang chest pocket kung nasaan nakalagay ang name nya

"Oh.. hehehe.." nangiti nalang si Jane at napakamot sandali ng ulo nya "Bago ka
lang dito? Ngayon lang kasi kita nakita.." sabi nya habang sumasandok ng chocolate
sundae

"Yeah, kakapasok ko lang kanina.."

"December na ah, buti tinanggap ka nila.."

"Oo nga eh.."

"Red Star ka rin pala.. Ako rin Red Star eh.. Maraming privileges ang mga Red Stars
kaya pwede kang mag-request ng kahit ano sa RS Office.." tip ni Jane kay Laby

"Mm-hmm.." tumango naman si Laby habang nakatingin sa kinakain nya "Thanks for
the tip.."

"May butler ka na? Pwede mag-request ng butler service dito?"

"No need... Thanks for the offer"

"Oh! Wait.. Hala..."

Napahinto si Laby at napatingin kay Jane. Nakalingon si Jane at nakatingin sa isang


lugar na tinitignan ng lahat.

"Bakit? Ano bang problema?" tanong ni Laby

"Sana paalisin na sya dyan. Magagalit si King kapag naabutan nyang may nakaupo sa
table ng DOC.." sabi ni Jane habang nakatingin sa babaeng nag-iisa sa
pinakagitnang table ng cafeteria

______________________________________

At dahil mahal na mahal ko si Lu Han..

< Ran sa right >

Hindi normal na nakikisalo ang mga teachers sa mga estudyante sa cafeteria kaya
medyo awkward ang presence ni Armida habang nakapila sa counter para umorder.

Pwede naman doon ang mga teachers, ang kaso nga lang, maarte rin ang mga teachers,
parang mga students lang din. Mas feel nilang mag-resto kesa sa cafeteria.

Hindi pwede magbayad ng pera sa cafeteria kaya binibigyan sila ng card na is-swipe
lang na parang credit card para maka-order. At dahil kasama sa package ang card
kapag pumasok ka sa Byeloruss, may card din si Armida.

Malayo palang sya sa pila, namili na sya ng meal number. At dahil rated din sya,
pinili nya yung marami at masarap tignan.

"Meal number 7.." order nya sabay abot ng card. Tinignan nya ang paligid. Lahat
nakatingin sa kanya na parang hindi sya dapat naroroon. Ngumiti lang sya at kinuha
na ang order at card nya.

Hinanap nya si Laby. Hindi nya makita, makiki-share sana sya ng table.

"Uy, ayun!" nakakita sya ng table na tanging blangko sa buong cafeteria. Dali-dali
sya doong umupo at nginitian ang pagkain nya. Mashed potato w/ gravy, quarter-
pounder burger, large fries, fruit salad, and pineapple juice. Yummy.
Susubo na sana sya nang marinig ang bulungan sa paligid. Tinignan nya ang mga
estudyanteng pinagbubulungan sya.

"Huh, pake ko sa inyo.." sabi nya sabay subo ng burger nya

Mukhang mag-eenjoy sya sa klase nya. Alam naman nyang gaganti ang mga yun, mga bata
pa kasi. Hindi sila makukuntento hanggang hindi sila nananalo. Pinahiya pa naman
nya kanina. Bigtime rin pala yung King Ace na yun kaya magiging maganda ang laban
nila.

Madali nyang napabagsak yung grupo ng estudyante nya. At kung magseseryoso ang mga
yun, may chance na magalusan sya. Pero matalo? Not in a million year.

Napansin nyang nawala ang bulungan at natahimik ang lahat. Napatingin tuloy sya sa
paligid. Mga nakayuko ang halos lahat ng estudyante. May mga matatapang na normal
lang ang upo at patuloy lang sa pagkain. Yung iba, kakaiba ang ngiti at nakaantabay
na ang mga camera.

"Psh.. Ano na namang kalokohan 'to.." susubo na sana sya ng fries nang biglang
dumilim ang paligid nya. Napatingala sya at nakita ang mga nakaharang. "O,
makikipag-away na naman ba kayo?" isinubo na nya ang fries at kumuha pa uli ng isa

"Anong karapatan mong umupo sa mesang yan?" mariing sinabi ni King

"Well, karapatan ng bawat nabubuhay sa mundo ang maupo sa isang blangkong mesa na
walang nakaupo, unless binili mo ang mismong mesa at nilagyan mo ng 'This is a
private property. Do not touch.'" patuloy lang sa pagdampot ng fries si Armida
habang parang inosenteng bata na nakatingin kay King

Natatawa ang grupo ni King dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Armida. Kaso hindi
bumebenta ang joke sa leader. Sayang.
"Layas"

"Why? I'm eating. Wag kang istorbo.."

"Hindi ka ba marunong umintindi ha? Ang sabi ko--"

"Layas. I fully understand what you said, kid. But I'm eating." uminom pa muna sya
ng juice at saka ibinalik ang tingin kay King "Don't force me to make a move and
embarrass the King in front of everybody here.." isang grin ang ibinigay nya kay
King at saka sumandal sa upuan

"Fvck you.." itinapon ni King ang tray na lalagyan ng pagkain ni Armida at saka
ibinagsak ang isang palad sa mesa "You don't have any idea of who I really am.."

"It's you who have no idea of who I really am.." tumayo na si Armida at hindi
inalis ang tingin sa mga mata ni King "Nag-aaksaya ka ng pagkain."

Maglalakad na sana papunta sa counter si Armida para kumuha uli ng pagkain nang
sugurin sya sa likod ng tatlong estudyante.

"Hell yeah.." tumalikod sya at sinangga ang lahat ng atakeng ibinigay sa kanya

Mas masayang makipaglaban sa mas malaking space kaya ngiting ngiti si Armida habang
sinasalag ang bawat atakeng natatanggap nya

Hindi makakalaban si King dahil hindi pa rin maganda ang ayos ng balikat nya.

Para namang nanonood ng action movie ang mga estudyante sa cafeteria habang
kumakain ng lunch. Nag-eenjoy ang lahat sa panonood kahit na walang pang
bumabagsak.

Hindi pwedeng umopensa si Armida kasi makikita ng lahat ang magaganap at


mahihirapan syang burahin iyon sa isipan nila. Map-Principal's Office pa uli sya.
Kaya ang tanging magagawa lang nya ngayon ay depensahan ang sarili nya.

Nakita nya sa peripheral vision nya ang isang estudyante sa likod na hahampasin sya
ng upuan kaya yumuko agad sya at hinatak ang isa pang estudyante na matatamaan.
Hindi pwedeng may bumagsak sa kanila kasi pare-pareho silang mayayari.

Walang nag-c-cheer dahil maririnig ng mga teachers at mahihinto ang laban kaya
tahimik lang while eating. Nagkakaroon na rin ng pasimpleng pustahan ang ibang
estudyante.

"Ok! That's all for now!" sigaw ni Armida at parang pusang twice na tumalon
paatras para makalayo "Seseryosohin ko kayo kung hahamunin nyo ko sa maayos na
paraan.." kumindat pa sya sabay karipas ng takbo palabas ng cafeteria

Napahinto naman ang lahat at hinabol nalang sya ng tingin.

Walang makakapagsabi na natalo sya o sumuko sya dahil lima-lima ang kalaban nya
tapos puro ilag lang ang ginawa nya. Inisip nalang ng lahat na umiiwas lang sya sa
problema dahil teacher sya.

"Sayang, bitin.. Kelan ang round 2??" request ng ibang estudyante

"Spade." tawag ni King kay Brent

"Yes King"

"Profile ng babaeng yon. ASAP"


___________

< Armida sa right >

~~~~Narrated For Josef~~~~~~~

Hindi na nya alam kung saan sya pupunta. Break na ngayon at ginugutom na sya.

Nauna syang pumunta ng cafeteria para kumain ang kaso ito lang ang nangyari...

Pumila sya sa counter. Nawirduhan sya dahil andaming nakadikit sa kanyang


estudyante na malalapad ang ngiti habang nakatingin sa kanya.

"Uhh, what's happening here?" tanong nya sa sarili dahil lima ang counter pero
lahat nakasiksik sa kanya at blangko ang apat

"Hi Sir.. hehehe.. Anong kakainin nyo?" tanong sa kanya ng isang student

Ang mga mukha ng mga estudyante na nakapalibot sa kanya parang nakakita ng real
life superhero. Kumikinang ang mga mata at nag-aabang ng susunod nyang ipapakitang
powers.

"Sir, anong order nyo?" tanong ng babae sa counter


"A.."

"Meal A!" sigaw nito sa loob ng kitchen

"Ate Meal A din kami!!" sabay-sabay na sigawan ng mga estudyante

Nagpaunahan na ng pagkuha ng mga order ang mga estudyante sa iba pang counter.
Tinalo pa nila ang dumadanas ng food scarcity kung makasigaw.

Pagkakuha ni Josef ng order nya, umupo na agad sya sa pinakaunahang table na


malapit sa counter.

At dahil pang-animan ang table, nagpaunahan agad ang mga estudyante para lang
makatabi sa kanya. Na umabot pa sa point na nagkakatulakan na at nagkakatapunan na
ng pagkain.

Paano ba naman sya makakakain ng maayos kung nagkakagulo sa paligid nya.

At dahil nagkakariot na doon, burger at water sa tray nya nalang ang nakuha nya at
mabilis na naglaho sa cafeteria para makaiwas sa nagkakagulong mga estudyante.

Papunta na sana sya sa Faculty Room para kumain ang kaso may mga estudyanteng
nakita na naman sya at hinabol na naman sya. Tinalo pa nya ang artista sa dami ng
fans nya ngayon. Hindi sya pwede sa waiting shed dahil marami ring students. Wala
na syang ibang mapupuntahan, liban sa restroom. Kaso hello! Makakakain ka ba sa
restroom ha??

Kakaiba naman kasi talaga ang ginawa nya. Sya lang naman ang bago, malakas ang
loob, matapang, matangkad, matikas, gwapo at mala-Superman ang dating na kering
magligtas ng tao sa school na yon. Wala silang ibang suspect kundi sya.
Kaya ayan sya ngayon, instant celebrity sa buong school. Ikaw ba naman ang tumalon
sa third floor eh.

"Teka, sa rooftop kaya.."

Last resort nya ang rooftop. May mga estudyante man doon, alam nyang hindi madami
kaya magagawan pa nya ng paraan.

Dali-dali syang tumakbo paakyat sa rooftop habang nakamasid sa paligid kung may
nakakita ba sa kanya o wala. Pag-akyat nya sa rooftop, hinarangan nya agad ang
pinto ng isang metal cahir nandoon para isara at wala nang makabukas. Nilibot nya
ng tingin ang buong rooftop, wala naman syang nakikitang tao. Tiningala nya ang
bubong ng entrance ng rooftop. Mukha namang walang tao.

"Whooh! Patay ako nito.. Tsk tsk tsk.." umupo sya agad sa lapag at sinimulan nang
kainin ang burger nya

Bzzt Bzzt

Kinuha nya ang phone nyang tumutunog at sinagot agad ang tumatawag

"Hello.."

( Josef, musta ang school? )

Si Laby pala..

"They call me Superman here.. May niligtas kasi akong estudyanteng magsu-suicide.
Tinalon ko ang third floor para lang magpakabayani" inis na inis nyang sagot.
Tinignan nya ang relo nya. Mage-11 na, at mukhang recess na rin nila Laby
Alam nyang bad news ang ginawa nya at gusto nyang malaman kung anong opinyon ni
Laby sa sinabi nya

( Magpasalamat ka nalang at Superman ang itinawag nila sayo.. If your not as


handsome as you look right now, baka isipin pa nilang paniki ka... )

Narinig nya ang mahinang tawa ni Laby sa kabilang linya. Lalo lang tuloy syang na-
badtrip. Akala pa naman nya magwawala yung bata dahil gumawa sya ng eksena.

"Tatawa na ba ko?" sarcastic nyang sinabi habang binubuksan ang mineral water nya

( Hehehe. Peace tayo. Well, sa bahay nalang tayo mag-usap about that. Kakamustahin
ko muna si Armida, mas nag-aalala 'ko sa kanya kesa sayo.. )

Ah, oo nga naman. Si Armida.

Ayaw naman nyang mapatawag ang asawa nya dahil sa problema. Pero ngayon, hinihiling
nyang mapatawag ito para fair sila. Malamang kasi aalaskahin sya nito kapag sya
lang ang na-Principal's Office. Baka ang sabihin pa nito, mas malala syang teacher
kesa sa asawa nyang sintu-sinto.

"Mabuti pa nga. Baka mas malala pa ang ginawa nya kesa sakin" sabi nya sabay inom
ng tubig

( Sunduin mo ko mamaya sa tapat ng gate. Wala 'kong service eh.. )

Napahinto sya sa pag-inom "Hindi ka sasabay kay Armida?"

Hindi naman kasi si Laby ang tipo ng teenager na magpapasundo nang walang dahilan.
Lakwatsera yung bata kaya may

reason kung bakit ito nagpapasundo.

( May sasabihin ako sayo. Mas mabuting hindi nya marinig.. )


Sabi na nga ba.

May sasabihin sana sya kaso may biglang sumulpot na estudyante sa gilid nya.

"Sige. Bye" sabi ni Josef habang sinusundan ng tingin ang estudyante

( Bye.. )

Ibinaba na nya ang phone at itinago sa bulsa nya

"Kayo yung teacher na tumalon kanina sa third floor diba?" pokerfaced nitong
question kay Josef habang ngata-ngata ang isang sour candy

Tumingin sandali sa paligid si Josef para hanapin ang kausap ng estudyante kahit na
alam nyang sya lang ang naroon at ang estudyanteng yon. Nag-indian seat ito sa
harap nya at nangalumbaba habang nakapatong ang magkabilang siko sa tuhod.

"Sabi nila si Superman daw kayo."

"Ano ba?! Mukha ba kong Superman ha?" inis nyang tanong sa estudyante

"You look like Superman. Tapos lumipad kayo mula sa third floor at lumanding ka
nang walang kahit anong galos habang ligtas-ligtas ang isang nagsu-suicide na
estudyante."

"Hindi. Ako. Lumipad. Tumalon lang ako. Magkaiba yun."

Eto ang pinakaayaw nya sa lahat.

Bakit ba lagi nalang syang pinagkakamalang Superman?


Naiinis sya kapag nakakagawa sya ng normal na bagay para sa kanya gaya ng pagtalon
sa matataas na lugar, pagkuha ng mabilis sa mga bagay-bagay, mabilis na paglaho't
paglitaw, etc etc na ginagawang big deal ng iba. Sya si Shadow. Normal lang yun sa
kanya.

At ang lalong nagpapainis sa kanya ay sa dinami-rami ng magiging itsura, yung mukha


pa nya ang napagdiskitahang gawing gwapo ng Diyos. Wow, pogi problems.

Hindi sya si Superman. At ayaw nya ang tinatawag syang Superman o kahit na anong
man pa yan.

Magnanakaw sya, hindi bayani. Villain sya, ok. Hindi superhero. Bad sya na may
konting good side. O good sya na may konting bad side. Whatevs.

"Ang ganda ng landing nyo mula sa third floor. Hindi yun ginagawa ng normal na tao.
Para kayong may powers... Tapos nalaglag pa ang mga leaves and nag-explode ang dust
in the air. Very magical. Kung tumalon lang kayo, ok, that's great. Kaso may mga
elements na nakadagdag para lalo kayong pagkamalang superhero."

Maiinis sana sya kasi ang OA ng description ng ginawa nya kaso pokerface ang kausap
nya. Pwede nang pagtyagaan kausapin.

"Estudyante ka ba dito? Anong pangalan at level mo?" tanong ni Josef

"4th year Class B. Shiner Jean Soliman. Astig yung ginawa nyo kanina, matagal nyo
na ba yung ginagawa?"

"Malamang hindi ka pa pinapanganak ginagawa ko na yun.." sabi ni Josef sabay inom


ng tubig

"Sir, pwede nyo kong turuan kung pano tumalon ng ganun kataas nang hindi
nahihirapan sa paglanding." seryosong sinabi ni Shiner

Tinantya naman ni Josef kung dapat ba nyang sundin ang gusto ng bata. "Ilang taon
ka na?"

"Going 15 sa 27.."
"Good. Jump from the Ground floor 10 times, then second floor 100 times, then third
floor one time. Kapag buhay ka pa paglanding mo, pwede na yun.." sabi ni Josef

Tinaasan lang sya ng kilay ni Shiner.

"Wag mo kong tataasan ng kilay dahil ganun ang ginawa ko. Practice lang ng practice
yan. At the age of 7, kaya ko nang tumalon mula sa 50 feet ng kastilyong
pinanggalingan ko nang hindi nagagalusan.. Hindi ka pwedeng magsimula agad ng third
floor. Kelangan munang masanay ng paa mo sa force at sa pressure. Mababalian ka
kapag binigla mo ang pagpasok ng sobra-sobrang pwersa sa buto mo sa binti. Kelangan
tantya mo ang momentum mo once na lumanding ka." tumayo na si Josef at pinagpag
ang puwitan nya

"Pwede nyo kong sample-an ngayon? Talon kayo mula dito." tumayo na rin si Shiner
at pinagpag ang palda nya

"Wala akong mapapala kung sasampolan kita ngayon.." sabi ni Josef habang
naghahanap ng exit nya

"Ilag sakin ang mga estudyante dito dahil sa pamilya ko.."

"O tapos?" naisip nyang sige, bababa nalang sya sa hagdan at sasa lubungin ang mga
die hard fans nya. Naglakad na sya papunta sa pinto ng rooftop

"Pwede ko kayong protektahan sa mga estudyante dito. Iilagan nila kayo dahil sakin.
Mukhang ayaw nyo naman ng atensyon diba?"

Napahinto si Josef at napaisip sa deal na yon. Tumalikod sya at tinignan si Shiner.

"Pano kung ginawa ko ang gusto mo at wala akong napala pagkatapos nito?"

"Paano nyo malalaman kung hindi nyo susubukan?"


Ok. Traydor na konsensya what do you think?

Traydor na konsensya: Patulan mo na! Sus! Tatalon ka lang naman, wala namang
mawawala sayo! Gulpihin mo nalang yan mamaya kapag wala kang napala.

Traydor ka talaga konsensya..

"Hanggang kelan tatagal tong deal na to?" tanong ni Josef

"Hanggang kelan nyo kelangan.."

"Ok, deal.."

Naglakad si Josef papunta sa dulo ng rooftop. Sinundan naman sya ni Shiner.

"Dito kayo tatalon?" poker face na tanong ni Shiner habang tinitignan ang
lalandingan ni Josef. Likod ng school yon at wala talagang makakakita.

"Pwede rin." umakyat na si Josef sa pinaka-railings at tinignan muna si Shiner

"Yung deal ha," tumalon na sya mula sa rooftop at lumanding gamit ang left hand at
saka tumambling ng dalawang beses. Effortless ang paglanding nya at tinalo pa nya
ang may ulap sa paa at kamay kung makagalaw

Tiningala nya si Shiner na walang karea-reaksyon sa ginawa nya.

"O, ano na ngayon?" tanong ni Josef sa sarili nya


"Hintayin nyo ko dyan Sir!" sigaw ni Shiner at agad naglaho na sa may kanto ng
rooftop

"Sir, pwedeng malaman kung anong trabaho nyo bago kayo mapunta dito sa Diaeresis?"
tanong ni Shiner kay Josef

"Department Head ako sa isang company.." sabi ni Josef

Naglalakad silang dalawa ngayon pabalik sa Room 4-A. Kasalukuyang nasa third floor
sila ngayon at papunta ng hagdan.

Hindi rin naman pala masama yung deal nila ni Shiner kasi maraming nagt-try lapitan
sya kaso biglang lalayo kasi nakikita nila si Shiner na kasama nya.

Nagtataka naman ang lahat kung bakit kausap ni Josef si Shiner. Si Shiner, pwede
pang humabol kay Josef pero bakit sya kinakausap ni Josef?

"Bakit ka nila iniiwasan?" tanong ni Josef

"Sabi nila criminal daw ako." pokerfaced na sinabi ni Shiner kaya napatingin sa
kanya si Josef

"Kriminal ka nga ba?"

Humugot lang ng hininga si Shiner at kinagat ang naka-loose nyang blue bowtie.
"Hindi pa.."
"Pa. Meaning, may balak ka.."

"Depende yan. Kapag sinabi ng tatay ko, kelangan kong sundin kundi yari ako sa
kanya.."

Napaisip naman si Josef sa sinabi nyang yon.

"Kriminal ba tatay mo?"

Hindi sya sinagot ni Shiner sa tanong nyang yon.

Para sa kanya, mas mukhang member ng Assoc si Shiner kesa kay Laby. Masyadong
happy-go-lucky si Laby para maging delikadong member ng Assoc.

"Sir, ito na classroom nyo." sabi ni Shiner habang itinuturo ang katapat na room

"O, oo nga.. Salamat sa pagsama.." sabi ni Josef at saka sya huminto sa may pinto
ng Room 4-A. Pinanood lang nya si Shiner na pumasok sa kabilang room "Ayos ah.."

Pumasok na sya sa loob ng room at tumayo sa tapat ng table. Tinignan nya ang mga
estudyante nyang wagas makangiti.

"Hehehehe.. Sir, si Superman ba kayo?" tanong ng isang estudyante sa kanya

"Ugh! God.." napatakip nalang sya ng mukha. Kelan ba sila magsasawa sa tanong na
yan?

"Guys, please.." pagmamakaawa nya "Enough of the Superman questions. Natotorete


na ko sa tanong na yan.."
Sinuklay nalang nya ng daliri ang buhok nya at tinignan ang bintana. Isang malalim
na buntong hininga ang pinakawalan nya. Tumahimik naman ang buong klase nya at
tinignan lang sya.

Wala na sya sa mood para magpaliwanag pa. Hindi sya sanay na nagpapaliwanag sa mga
tao kung bakit nya yun nagagawa. Kung nasa Asylum lang sya o mga felons ang kaharap
nya, hindi na sya mamomroblema ng ganito dahil normal lang ang ginawa nya.

Kasalanan to nung tangang estudyante na yun eh. Magsu-suicide nalang, yung makikita
pa ng lahat. Sana lumaklak nalang sya ng muriatic acid o kaya tumungga ng
pesticide, tutal peste sya. Ngayon apple of the eye sya ng lahat. Problema yun sa
sarili nya at sa trabaho.

"Sana lumubog na ko ngayon sa pwesto ko, bwisit" hiling nya

Tinignan nya ang relo nya. 11:57. Kakatakbo nya, kulang pa ang tubig at burger para
mabusog sya. Napabuntong hininga nalang uli sya at napaupo sa teacher's chair.
Gustong magsalita ng mga estudyante nya kaso nagsenyasan lang na mas mabuting
manahimik nalang dahil kitang kita sa mukha nya na wala sya sa mood.

"Excuse, Sir"

Napatingin ang lahat sa may pinto. Dahan-dahan naman nyang itinuon ang tingin sa
nasa pinto

Napa-smile nalang ang nasa pinto nang tignan sya ni Josef.

"Hi, Sir. Hindi ka yata nakapag-break ng maayos dahil sa mga estudyante." itinaas
nya ang hawak na paperbag "Nagdala ako ng lunch for you." lumapit sya kay Josef
at inilapag sa table ang paperbag

"Ooohh.."
Kanya-kanya nang bulungan ang mga estudyante.

"Thank you, Teacher Carmel.." isang pilit na ngiti ang binigay nya kay Maam Carmel

"Sige, Sir. Sana magustuhan mo ang lunch. Pasensya na uli sa mga estudyante dito."
yumuko lang sya at lumabas na agad ng room

"Sir, close na kayo ni Maam Mel?" tanong ng isa nyang estudyante

"Wag nyo nang gawing big deal yan, ok." bored na sinabi ni Josef at sinilip ang
laman ng paperbag

"Sir, di pa kayo nagla-lunch?"

"Pano ko makakapag-lunch eh walang ibang ginawa ang mga estudyante dito kundi ang
habulin at pagkaguluhan ako.." kinuha nya ang laman na isa sa dalawang ham
sandwich at juice-in-can sa loob ng paperbag

"Sir, galit po ba kayo?"

"Natural lang na magalit ako.. Nandito ko bilang teacher, hindi bilang celebrity."
wala na syang pake kung bawal kumain sa loob ng room, ginugutom sya at wala silang
maidadahilan dahil hindi pa nga talaga sya nakakakain ng matino

Napatingin nalang sa baba ang mga estudyante nya dahil first day na first day ni
Josef, ganito ang salubong sa kanya ng buong Diaeresis. Syempre, konting hiya
naman.

"Sir, hindi ba kayo nasaktan pagbagsak nyo sa third floor?" tanong ng estudyante
sa harap
"Huyst!"

"Ano ba.."

"Galit na nga si Sir eh.."

"Bakit ba? Worried lang naman ah, masama na ba yun?"

"Hindi ako nasaktan. Pero hindi ibig sabihin nun, superhero na ko."

"Pero Sir, lumipad ka.."

"Hindi. Ako. Lumipad! Tumalon lang ako at nagawa kong bumagsak nang maayos, ganun
lang yun." mariing sinabi ni Josef habang patuloy lang sa pagkain

"Kung tumalon lang kayo Sir, maiintindihan pa namin. Kaso nilipad nyo si Jennifer.
Tapos para kayong Superman na lumapag sa ground. Parang yung sa mga pelikula like
Avengers or Justice League habang may karga-kargang damsel in distress. Ni hindi
man lang kayo nagpagulong-gulong gaya ng sa movie. Kahit yung salamin nyo,
natanggal na rin.."

"Parang si Clark Kent.."

"Oo nga.."

"Nagt-transform, kapag nawawala yung eyeglasses.."

"Cool.."

"Siguro, nasa ilalim ng suot ni Sir yung costume nya"


"Di kaya may pakpak na invisible si Sir.."

"Tama tama.."

"Di kaya angel 'to si Sir.. Gwapo ang mga angels diba?"

"Kaso pang-action movie yung ginawa nya, hindi pang-angel."

"Eh kita ko nga kanina, nag-flying flying pa yung mga dust and leaves sa air.."

"Para talagang superhero.. Tignan mo naman itsura ni Sir. Superman talaga."

"Ang cool nga sobra.."

Napapikit nalang si Josef at napatingala

Grabe naman. Anlaking kabaliwan talaga ng ginawa nya. At ang wild ng imagination ng
mga estudyante ng Diaeresis dahil seryoso sila sa pagiging Superman at superhero
nya.

Gusto nyang sumigaw sa harap ng klase nya at sabihing "MAGNANAKAW AKO, OK!! HINDI
AKO SI SUPERMAN!"

"Sir, hindi nga. Hindi talaga kayo si Superman?"

"Teka, may asawa si Sir diba?"

"Tama tama.."
"Sir, baka asawa nya si Wonderwoman.."

"Pwede, pwede.."

"Perfect pair yun.."

"Oo nga, tama tama.."

Well...

Inubos na nya ang natitira nyang sandwich at napaisip sa Wonderwoman-thingy.


Pwedeng Wonderwoman si Armida. Immortal, malakas, deadly, pwedeng panlaban sa
masasamang tao (kaso sya mismo masamang tao eh).

Ang problema, kapag sinabi nyang may chance na si Wonderwoman ang asawa nya, baka
lalong lumala ang issue.

"I said, enough of that.." malakas na sinabi ni Josef dahilan para tumigil ang
lahat ng estudyante nya "There's nothing special about what I've done, ok! Hindi
nyo ba iisipin yung student na nag-suicide? Diba dapat mas inaalala nyo sya kesa
sakin? Muntik na syang MAMATAY!"

"Eh Sir.. Ano kasi eh.." kanya-kanyang kamot sa ulo ang mga estudyante nya

Ngayon sila mangatwiran sa kanya.

--------------------

< Josef sa side. Karapat-dapat ba? >


Balik ang lahat sa room ng Class 4-F. At himala dahil nasa loob ang grupo nila
King.

Ala una na at ang klase ni Armida ay Physics. Teka, may alam ba sya sa Physics?

"Ok, ito pala ang lesson nyo ngayon.. Projectile. Well, parang narinig ko na 'to
somewhere, hindi ko lang matandaan. Dapat si Josef, ang nandito eh, major nya
'to.." sabi ni Armida "Oy, James. Search mo nga sa Google, Projectiles.." utos
ni Armida sa estudyante nya habang gumagawa sya ng paper airplane

"Tss.." napailing nalang ang mga estudyante nya

San ka ba naman nakakita ng ganyang teacher? Paki-explain.

"Hindi ka talaga teacher noh!" sigaw ni Chief sa kanya

"Hindi nga. Weee..." sagot ni Armida habang parang bata na naglalaro ng eroplano
"Arrgg.. boogsh.. bratatatatata!! Fire and alert, fire and alert.. Mayday! Mayday!"

"Ugh!" napailing nalang uli silang lahat

Ok, natalo nya si King kanina.. Pero mukhang hanggang doon lang sya. Hindi sya
teacher. Isa syang malaki, malakas at magandang imbecile na nakasuot ng corporate
attire.
"Maam, ang sabi dito, yung--" -james

"Objects that are thrown or launched into the air and subject to gravity are called
projectiles, stupid.." serious-faced na sinabi ni King

"Ah, ganun pala yun.." binilog ni Armida ang paper airplane

"Wala ka talagang alam sa pagiging teacher.." sabi ni Jette

"Nandito ka lang yata para patahimikin ang Class F.." sabi ni Brent "Malamang na
ang school ang nag-hire sayo para lang sa klaseng 'to kaya kahit wala kang utak,
pinapasok ka pa rin.."

Kalahati ng klase nya, masama ang tingin sa kanya dahil sa ginawa nitong pagtalo
kay King. Ang kalahati, nag-aabang ng susunod nyang gagawin. Yung iba, wapakels.
Hindi nila maintindihan ang ugali nya, pabago-bago. Seseryoso, matatawa, seseryoso,
matatawa. Magsasalita ng nonsense tapos sa dulo parang mapapa-'aha' nalang ang iba.

"Magrereklamo kami na wala kang kwenta magturo at malamang na patatalsikin ka na


nila as soon as possible.." sabi ni Brent

"Walang utak, bobo, tanga, utak-biya etc. etc. sige, isipin nyong ganun na ko..
Wala nga kong experience sa pagtuturo dahil kahit Grade 1 hindi ako nakatungtong.."
ishinoot nya ang binilog na papel sa itaas ng cabinet na lalagyan ng mga gamit sa
likod na ilang dipa lang ang layo sa kinauupuan nila King

Lahat sila nakasunod sa binato nya na sakto sa taas ng cabinet ang pagkaka-shoot.

"I don't care about the definitions or whatsoever.. Projectiles motion elements:
Initial velocity, initial angle, the dimensions x and y, and final velocity. Aside
from angles, initial and final velocities, kelangan ding hanapin ang time of
flight, range at maximum height, and for that as far as I can remember are special
cases." tumayo sya sa kinauupuang table at kinuha ang stylus pen at binuksan ang
electronic board.

"Example yung binato kong papel. Kung ang layo ko sa cabinet ay 4.5 meters at ang
height ng cabinet ay, for example, nasa 3.05 meters, ayan lagyan natin ng zero para
masaya.." sabi nya habang nagsusulat sa board

"At ang taas ko habang nakaupo sa table ay 1.5 meters, nai-shoot ko ang papel sa
angle na may 60 degrees.. Ano ang initial velocity ng papel?"

Nagkatinginan ang mga matatalino at nagsenyasan na kung ano na ba ang nangyayari.

"Ang equation, horizontal displacement is equals to initial velocity times cosine


times the initial angle times the time.."

Kanya-kanya na silang sandal sa inuupuan at kagat ng ballpen

Now she's talking.

"Since we are finding for the initial velocity, it-transpose natin ang equation to
initial velocity equals to horizontal displacement over cosine initial angle times
the time.. Ilabas nyo na ang mga scientific calculator nyo if ever nage-exist nga
ang futuristic electronic device na yon dito sa loob ng gubat na 'to"

Yung mga nasa harap, nganga na sa pinagsasabi at pinagsusulat nya. Nakakita na ng


cos theta kaya konti nalang puputok na ang utak.

"4.5 meters over cosine 60 degrees times time.. 4.5 divided by cosine 60 degrees..
Ang matitira nalang ay initial velocity equals to 9 over time.." inilapag nya ang
pen sa table at bumalik sa pagkakaupo nya sa harapan ng table

"Eljand, continue.." utos ni Armida sa estudyante nya

"Maam??" gulat na tanong ni Eljand. Dumudugo na nga yata yung ilong at tenga nya,
tapos sya pa ang pasasagutin
Pokerface namang nakatingin sa kanya ang mga matatalino sa likod.

Wala sa itsura nya ang gumagawa ng solution na ganun. Wala syang alam sa
definition, pero sa calculation handa syang makipaglusawan ng utak sa mga
matatalino sa paligid.

Kahit ang computation na ginagawa nya ay wala sa libro o sa Google. Basta ginawa
lang nya dahil dun sa basurang papel na binato nya.

Isa syang long-range distance killer. Hindi nya alam ang perfect explanation for
academic purpose, pero alam naman nya kung paano ic-calculate ang projectiles,
trajectories, speed, velocities, vectors and scalars, acceleration, displacements,
angles, momentum, force and so on and so forth na kung sya ang tatanungin ay sisiw
na sisiw lang sa kanya.

Major nya ang calculations, hindi ang explanations.

"Eljand.. Tatayo ka o hindi.." sabi ni Armida habang nakatingin sa estudyante


nyang nagtatakip ng mukha

"Maam, hindi ko maintindihan eh.." sabi ni Eljand habang nagtatago sa likod ng


palad nya

"Kaya ka nga sasagot sa board para maintindihan mo.. Oy, James, tulungan mo bespren
mo.."

"MAAM?! Bakit ako?!"

"Kapag hindi kayo tumayong dalawa pagbilang ko ng tatlo, gugulpihin ko kayo


pareho.."

"Maam!!"

"TATLO!"
Sabay na tumayo ang dalawa at dali-daling pumunta sa board.

"Maam naman eh.." napakamot naman ng ulo si James dahil nadamay pa sya

"Kapag nasagot nyo yang dalawa bibigyan ko kayo ng tag-isang Ferrari.." nginitian
nya ang hawak na RN at sinearch ang ID at grading sheet ng dalawa

"Maam, Ferrari?" tanong ni James "Bibigyan nyo kami ng Ferrari? Yung chocolate?"

"Engot!" sigaw sa kanya ni Eljand "Ferrari, yung kotse!"

"Eljand O. Kelvin.. Anak ng putakting numero 'to.. Kolektor ka ng sais at syete


ha.."

Napakamot ng ulo si Eljand sa sinabi ni Armida

"James Avel K. Geron.. Aba matindi, bespren nga kayo ni Eljand! Ibang klase
talaga.."

Napanguso nalang si James habang sinusuklay pataas ang buhok nya

"Sagutan nyo na yan.. Kapag wala akong nakitang sagot dyan, bubugbugin ko kayong
dalawa.."

"Pag nasagot namin Maam may kotse na kami?" tanong ni Eljand

"Oo ba.." sabi ni Armida

"Hindi mo na kelangang utuin yang dalawang uto-uto na yan.." sabi ni Jette


"Hindi nila masasagutan yang ginawa mo dahil pareho lang silang walang utak.."
sabi ni Cristy

"Wag mong paasahin yang dalawa. Hindi porke, hindi sila nag-iisip ng matino,
sasamantalahin mo na!" sigaw ni Brent

"Kapag nasagot nila ang question, babatukan ko kayo isa-isa.. Kapag hindi nila
nasagot, magre-resign na ko bukas na bukas at bibigyan ko kayong lahat ng tig-
iisang milyon.. Ano deal?"

Tinaasan lang sya ng kilay ng mga estudyante nya.

"Deal.." sabi ni King habang nakatingin ng diretso kay Armida

"Good. I'll take that answer in behalf of everyone here"

Nag-solve lang si James at Eljand sa likod ni Armida. Hindi naman nakikita ng iba
ang pinaggagawa ng dalawa kasi tinatakpan ng mga katawan nila ang pinagsusulat
nila.

Isa na naman ito sa mga pointless decision ni Armida at kung tutuusin, napakalaki
ng chance na matalo sya. Pero kapag ginagawa nya ang mga ganitong desisyon,
bibihira lang syang matalo. At kung matalo man, nagaganap at nagaganap pa rin ang
gusto nyang mangyari. Nakakaramdam sya ng contentment kapag nilalagay nya sa bingit
na sitwasyon ang sarili nya tapos mananalo sya. Masaya lang, at the same time,
hindi nya iniisip kung malulugi man sya. Ang mahalaga, nag-enjoy sya.

"Maam, pwede na 'to.." sabi ni James

"Sabi nyo naman kapag sinagot lang diba.." sabi ni Eljand


"Hindi nyo naman sinabing kapag nasagutan namin ng tama.. hehehe.." sabay pa ang
dalawa

Napangiti si Armida sa sinabi ng dalawa. Oo nga no. Hindi naman nya sinabing kapag
nasagutan ng tama. Ang sabi lang nya, kapag nasagutan LANG.

"Narinig nyo yun? O pano ba yan..." masayang sinabi ni Armida

Tumayo si Armida at chineck ang answer..

"1.55m.. iv, sine ia, time plus one half gravity time squared.." bulong nya habang
tinuturo gamit ng ruler ang board "9 over time sine ia time plus one half gravity
time squared.."

Inilabas na ng iba ang tablet nila at doon sinolve ang ginawa nung dalawa. Ich-
check nila kung mali ang sagot ng dalawa. Isang milyon din yun.

"..time equals square root of 2 times 1.55 minus 9 sine ia over gravity.. cancel
out meter and second.. 1.13 second.. initial velocity equals 9 meters over 1.13
second.."

Humarap na sya sa klase nya at sinabi ang sagot ng dalawa

"7.96 meter per second.. Tama ba ang sinagot nilang dalawa?" tanong ni Armida
habang kinukuha ang RN nya para lagyan ng 90 ang recitation nila Eljand at James.
"James, Eljand, sit down.."

"Yes Maam.." at bumalik na sa upuan nila ang dalawa

Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang mga nag-solve.


"7.96m/s ang sagot.. Tama yung dalawa.." bulong ni Brent

"Alam nyo kung anong mali ni James at Eljand?" inilapag na nya ang RN sa table at
tinignan ang mga estudyante nya "Nagpapadala sila sa mga sinasabi nyo. Hindi tanga
yang dalawa nyong classmate.." itinuro nya ng thumb ang board "Ang tawag sa
kanila, kulang lang sa tulak at atensyon.."

Kinuha nya ang phone nya at tinawagan uli ang abogado nya

"Bawal ang phone while on class. Lalo na sa teacher.." mariing sinabi ni King

"Ah, talaga? Kanino ka magsusumbong? Sa Principal? Paalala ko sayo, bata.. Ako na


batas dito. Binully ko kanina ang Principal nyo at saksi kayong lahat doon..
Hello.."

Tumaas lang ang kilay ni King sa sinabi nya.

"Angas talaga ng bago na yan.. Gusto mo abangan natin mamaya sa labas.." -Brent

"May laban tayo ngayon sa 666, saka na sya. Si Riggs, anong balita?" -King

"Pupunta sya mamaya sa battleground.. Dun nalang daw tayo magkita-kita" -Brent

"Hey, anong kulay ang gusto nyo?" tanong ni Armida sa dalawa nyang estudyante

"Akin black para astig!" masayang sinabi ni Eljand


"Ako, navy blue!" sabi ni James sabay ngisi

"Black and navy blue.. Dalhin mo sa main entrance ng Byeloruss mamayang 3.. Ayusin
mo na rin ang lisensya.." tinignan nya si Krishna "Ms. Ahmad. Nasa account mo na
ang 5 billion.. Pano ba yan,"

Nagtinginan naman silang lahat kay Krishna. dali-dali naman itong nagkalkal ng bag
para tignan sa isa pa nyang phone ang bank account nya. Hinintay ng lahat ang
reaksyon nya.

Nanlaki ang mata nya nang makita ang bilang ng numbers na nasa screen ng phone nya.
Nadagdagan ng 4 digits at maraming zero ang laman ng bank account nya. Gulat na
gulat syang napatingin kay Armida

"O, nasa iyo na ang pera.. Ano nang gagawin mo?" -armida

"H-h-hindi naman ikaw ang nagpapaaral sakin! Magreklamo ka sa Daddy ko!" inis na
kinakabahang sinigaw ni Krishna

"Ok.. Mr. Mark, bawiin mo na ang 5 billion.. Thank you."

Lahat sila tinignan si Krishna sabay lipat ng tingin kay Armida

"At syempre, dahil alam kong hindi ka naman tutupad sa usapan, babawiin ko na ang
pera ko.." sabi nya sabay ngisi

"5 billion.. Anlaki nun ah.." bulungan ng iba

"Sayang yun.."

"Kung ako yun, itinakbo ko na.."


"Pero 5 billion? Meron sya nun?"

"Mayaman.."

"O," tumayo na si Armida at pinatunog ang mga daliri nya "May deal tayo..
Babatukan ko kayo isa-isa kapag natalo kayo.." naka-smirk sya habang nakatingin
kay King na pokerface lang na nakatingin sa kanya "Sige, kalimutan nyo na ang
batok.. Mapapagod lang ako sa inyo.." bumalik na sya sa pagkakaupo at kinuha ang
RN nya

"Balik tayo sa projectile. Kapag ang isang projectile, or ang isang object gaya ng
sinabi ni King ay nai-launch at an angle, nagc-create sya ng parabolic curve path
which is called--"

"Trajectory.." mahinang sinabi ng buong klase nya

Sandali syang napangiti dahil kahit mahina, sabay-sabay naman na sinabi ng klase
nya ang sunod nyang sasabihin.

"Gaya nitong hawak kong tablet.." itinaas nya ang RN "Kapag ito ibinato ko 'to,
magt-travel sya sa imaginary curve way" gumawa sya ng inverted U sa hangin hawak
ang tablet nya "Kapag ibinato sya pataas, mababawasan ang speed nya para makaakyat
and the projectile's maximum height is yung sukat kung hanggang saan sya aabot"
itinuro nya ang itaas ng tablet habang taas-taas ito "once na ma-reach nya ang
itaas, bubulusok sya pababa habang nadadagdagan ang bilis nya."

Inilapag nya ang tablet at kumuha uli ng scratch paper sa table at binilog. Hindi
namalayan ng klase nya na nakikinig na sila sa kanya. Nag-aabang sila ng mali nya
para itama sya at pagtawanan. But as of that moment, wala pa syang nasasabing mali.

"Range ang tawag sa distansyang it-travel ng projectile.." ibinato nya ang papel
sa may pinto "Ang range ng projectile na yon is approximately 3 meters from me.
Ang exact range ng nai-travel nya mula sa pwesto ko hanggang doon ay 3.67 meters."

"How did you know that its 3.67 meters?" tanong ng isa nyang estudyante
"Marunong akong kumalkula ng distansya. Yan ang trabaho ko dati.." tumayo sya at
kinuha uli ang papel sa sahig "Ang flight time nitong projectile na 'to is 2.98
seconds.. That may be one of my slowest throw.."

Umupo uli sya sa table at hinagis-hagis sa ere ang papel

"Sa pinanggalingan ko, importante ang calculations when it comes to trajectories.."


itinaas nya ang hawak na papel "Ang initial velocity nito, pwedeng maging 7 or
above m/s.. Pero kayang kaya kong paliparin 'to sa bilis ng isang F1 racecar..
Mababa na ang 150 km/s sa initial velocity.."

"Question" nagtaas ng kamay ang isa nyang estudyante

"Ehem.."

Nagtinginan silang lahat sa may pinto. Nandoon ang Director.

Tumayo ng diretso si Armida at inayos ang damit nya. Pumasok ang bisita nila sa
loob at tinignan ang buong klase.

"Good afternoon, Sir.." bati ni Armida

"Good afternoon.." sabi ng Director habang nililibot ng tingin ang buong klase nya
"First day mo palang today, right?"

"Yes Sir.." seryosong sinabi ni Armida

"Pero gumawa ka na ng eksena kanina sa cafeteria.." at saka napatingin ang


Director sa kanya

"Wala naman pong nasaktan, hindi ba? May nagreklamong estudyante ba?" seryosong
sinagot ni Armida
Kumunot lang ang noo ng Director sa sinabi nya. Imbes na mag-sorry at sabihing
hindi na mauulit ang nangyari, mas inintindi pa nya kung may nasaktan at
nagreklamo.

"Hindi ko mapapayagang gawin nyong arena ang eskwelahang 'to. Teacher ka, imbes na
sawayin mo ang mga estudyante mo, nakipag-away ka pa!"

"Sir, hindi ako nakipag-away. Saka, wala namang nasaktan. Kung sasawayin ko sila,
sa tingin nyo makikinig sila? Kayo, kaya nyo ba silang sawayin?" hamon na tanong
ni Armida sa Director

"Aba at sumasagot ka pa!" pigil na sigaw sa kanya ng Director habang nakapameywang

Itinaas nya ang magkabilang kamay

SNAP SNAP

Parang robot na umayos ng tayo ang Director

"Mr. Director.. Out.." mahinahong sinabi ni Armida habang tinuturo ang pinto "Go
to your office and mind your own business"

At para ngang robot na lumabas ang Director at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa


office nito.

"Siraulo yun ah, kung makapanermon, akala mo kung sino.. Psh, Istorbo, bwiset"
bumalik sya sa pagkakaupo sa table at tinignan ang mga estudyante nyang nakanganga
sa kanya "Sino nga uli yung may question?"

At halos sa kalahati ng klase nya ang nagtaas ng kamay..


______________________

Hanggang dito nalang muna. Sana may natutuhan kayo kay Teacher Armida, hehehe...
Mag-aral ng Physics kasi magandang subject yun.. ^__^

Nasa rooftop ngayon si Laby at nilo-locate ang gumagamit ng software nya sa mga
oras na yon. Gamit nya ang Gameboy nya na mas magandang gamitin sa hacking. Ok lang
daw ang mag-cutting sya. Sabi nya. Tutal, hindi naman nya kelangan ng grades.
Nandoon sya para magtrabaho, hindi para mag-aral. Nakita nya ang address ng laptop
ni Brent at Ran. Kawawala lang ng signal ng kay Yoshi.

Ang problema nya sa tatlo: si Brent, anak ng sindikato. Si Ran, anak ng Boss ng
triad. Si Yoshi, anak ng Boss ng Yakuza. Ok sana kung pare-pareho lang silang gang
member.

Nakikita nya ngayon ang hinahanap ni Ran. Profile nya.

"Siraulong babaero talaga.."

At ang hinahanap ni Brent..

"Anak ng-- Ano na namang ginawa ng babaeng yun?" inis nyang sinabi habang
sinusubukang i-hack ang computer na ginagamit ngayon ni Brent

First day palang nila pare-pareho, gumawa na ang dalawa ng problema.

Bzzt Bzzt.

Xaylem: 7 fights 4pm


"Ugh, fvck.. Pitong laban ngayong araw?" tinignan nya ang relo

Kelangan nilang pumunta ngayon sa 666 para panoorin ang laban ng DOC tapos may
laban sila at pito pa?

"Bago ka palang tapos nagc-cutting ka na.."

Napatingin si Laby sa likod nya. Si Yoshi. Sumimangot lang sya at dali-daling


itinago ang Gameboy nya. Tumayo na sya at naglagay nalang ng earphone sa tenga na
de-bluetooth.

"Iba ang treatment sayo ng school. Kahit si King, hindi trinato ng school kung
paano ka tratuhin. Hinahayaan ka lang ng mga staffs sa ginagawa mo. Kahit ang mga
teachers hinahayaan ka lang na mag-cutting. Sino ka bang talaga?"

"None of your business.." sagot ni Laby. Napahinto sya sa paglalakad nang kinuha
ni Yoshi ang kaliwang braso nya

"Espiya ka ba?" tanong ni Yoshi. Napatingin sa kanya si Laby

"Bakit mo prinogram uli ang The Brain?" seryosong tanong ni Laby sa kanya

Tinitigan lang nila ang mata ng isa't isa para alamin kung sino ang unang unang
bibigay

"Hindi ko alam ang tinutukoy mo.." sabi ni Yoshi sabay bitaw sa braso nya para sya
naman ang makapag-walkout

Sinundan lang sya ng tingin ni Laby habang papalayo. Masyadong obvious ang Yoshi na
yon. Guilty-ng guilty. Pero hindi pa nya nakakausap si Brent at yung malanding Ran
na yun kaya hindi pa sya makakasigurado. Mabura man nya ang isang software, pwedeng
may copy pa nun at dapat ang iprioritize nya ngayon ay ang may original copy.

Pagkababa na pagkababa ni Yoshi, sumunod na rin syang bumaba dahil malapit nang
mag-uwian.
Ang problema nila ngayon, eh yung Superman-problem ni Josef. Si Armida, mukhang
wala pa syang nababalitaang masamang ginawa pero na-Principal's Office. Ang laban
nila mamaya sa Xaylem, at ang laban ng DOC at Dark Zone sa 666. Hapon ang laban ng
DOC at hapon din ang laban ng grupo nila. Sasabihin pa naman nya ngayon kay Josef
ang tungkol kay Riggs at kay King. Time management ang problema nila ngayon.

"Balita ko dumalaw ang Director sa 4-F.."

"O, anong nangyari.."

"Yun nga eh, walang nangyari.. Ni hindi man lang napagalitan yung bago.."

"At isa pa, buong araw na tahimik ang buong klaseng yon. At nasa loob ang grupo ni
Havenstein.."

"Anong kababalaghan naman kaya ang nangyayari ngayon sa 4-F?"

"Ang weird talaga ng bagong adviser na yun"

Sinundan lang ni Laby ng tingin ang tatlong teacher na nagtsi-tsismisan tungkol sa


klase ni Armida.

Walang problema. At yun ang problema. Walang issue ngayon ang 4-F. At sa first day
ni Armida nangyari. Alam na ng buong school ang nangyaring away sa cafeteria, pero
walang nagrereklamo. Gagawin na namang big deal 'to ng school.

Ang bagong teacher, napatahimik ang buong Class 4-F. Hindi kapani-paniwala.

-------------------------------------
Uwian na ngayon, at naglalakad si Laby palabas ng main entrance.

"Ibang klase talaga, bakit dyan pa hinambalang yang dalawang Ferarri na yan? Ang
yayabang talaga ng mga tao dito.." bulong ni Laby sa sarili habang dindaanan ang
mga estudyanteng pinagkakaguluhan ang dalawang Ferarri na nasa harap ng main
building.

Kinuha nya ang headseat at cinontact si Josef.

"Hello, asan ka na?" -Laby

( Palabas na ng school. Sa main ka ba dadaanan? Pwede ba kong pumunta dyan? )

"Pwede naman. Nandito na ko sa gate."

( Si Armida? )

"May kausap sa Faculty"

Nasa labas na ng gate si Laby nang makita nya si Josef na may hawak na phone.
Nakita din nya ang mga estudyanteng nakabuntot kay Josef at pinipicturan sya.

"Wow.. Kelan ka pa naging artista?"

Nakita na rin sya ni Josef na nakatayo sa gitna ng gate. Ibinaba na nito ang phone
nya at nginitian si Laby.

Naglakad na sila papalapit sa isa't isa.


"O, musta dyan sa loob.." bati ni Josef

"Diba dapat mamayang 5 pa ang uwi mo?" tanong ni Laby

"Ang sabi ko, magpapa-check up muna ako sa doctor, baka kasi may pilay ako dahil sa
ginawa kong pagtalon sa third floor.."

Tumango ang si Laby sa sinagot nya

Umabot na sila sa may parking lot na una nilang napuntahan sa lugar. Sumandal si
Josef sa kotse nya at si Laby sa kotse ni Armida.

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ni Josef

"Problema. Marami. First, nakita ko ang kapatid mo nung saturday. May mission na
binigay sa kanya ang Asylum, kelangan nyang mag-espiya sa tagapagmana ng isang
crime Family. Bakit sya binigyan ng mission? Dahil sa ginawa ni Armida sa Zubin.
Nagkakahanapan na ngayon ng killer at maraming naglalabasang suspect. Isa sa mga
suspect ay crime family na nasa listahan ng powerful crime families sa bansa. At
ang tagapagmanang tinutukoy ko ay isang leader ng gang na kasama sa listahan ko ng
Superiors Candidate.."

"Talaga?"

"Another problem, si Riggs sumali sa isang gang para lang mahanap ang target nya.
Mas madali nyang mahahanap ang target nya kapag pumasok sya sa gang kung saan mas
madalas mag-stay ang pakay nya."

"Sumali sa gang si Riggs. Ibig sabihin, nandito lang sya sa area.."

"Yes, and malaki ang chance na magkita-kita tayo sa iisang arena kapag nagtagal
dahil sumali sya sa grupo ng Top Gang sa area. Na nagkataong mga estudyante ni
Armida. At ang leader nila ang Class President ng klase ng asawa mo. Hindi lang
yun, candidate rin for 5th generation Superiors ang tinutukoy ko."
Na-speechless naman si Josef. Lumiliit ang mundo para sa kanila. Magagalit sa kanya
si Riggs kapag nalaman nitong buhay sya at hindi man lang nagpaparamdam sa kanila.
Magagalit din si Riggs sa Mama nila kapag nalaman din nyang alam ng Mama nya na
buhay sya. At ang mas malala, matutunton na naman sila ng mga Associations.

Pero ang mas magaling ay magkakadugtong ang mga nangyayari sa kanila ngayon. Wala
na silang takas.

"Yun lang ba?" nanlulumong tanong ni Josef

"May laban tayo ngayon sa Xaylem, pito. Kapag hindi tayo pumunta, madi-disqualify
tayo at mawawala ang chance nating makapasok uli doon maging sa XZQ.. Mas
mahihirapan tayong humanap ng candidates."

"Eh di lumaban tayo.."

"Kaso kelangan nating pumunta sa 666, kabilang private battleground. May laban
ngayon ang DOC, yung grupo ng kapatid mo. Kelangan nating mapanood lumaban si King,
yung leader nila.."

"Anong oras na ba?" tinignan ni Josef ang relo nya. 3:37pm "Anong oras ang laban
sa Xaylem?"

"4.."

"Anong oras ang laban sa 666?"

"5.."

"Paano si Armida?"

"5 pa ang uwi nya. Mas mabuti kung hindi natin sya isasama ngayon dahil
magkakaproblema lang.."

Tumango si Josef sa sinabi ni Laby.


"Kaso magagalit si Armida kapag hindi natin sya sinama.."

"Wala syang maikakatwiran dahil 5 pa ang labas nya. Sisihin nalang natin ang
schedule nya, wala syang palag dun dahil kelangan nating lumaban.."

Unti-unti namang lumaki ang ngiti ni Josef kay Laby "Ayos ka ha, alam kong ikaw
ang Brain.." hinawi nya ang necktie ni Laby "pero wala talaga sa itsura mo ang
kumplikado mag-isip.."

"Kapag nasa itsura ko ang ganun, wala nang tatanggap sakin as agent.."

"Wait, diba tatlo ang kelangan sa Xaylem?"

"Nakalaban na tayo at nakita na nila tayong lumaban. Pwede na kahit isang member
lang.. Representative ng grupo, pwede na.."

"Ok, game!"

Sumakay na silang dalawa sa kotse at dumiretso na sa Xaylem

________________

Ito muna ngayon since first day of school ko.. Kaya pang mag-update kahit
nakakabobo ang Constitution..

< Laby sa side >

Nasa Faculty Room si Armida at binubungangaan ng Principal at ng Director.

Pinapanood lang sya ng ibang teacher habang pinagsasabihan sya ng dalawang binully
nya kanina :P
Hindi na bumalik ang alaala ng ginawa nya kanina sa isipan ng dalawa ang kaso may
nakapag-video ng nangyari sa cafeteria kaya wala syang kawala.

"Imbes na sawayin mo ang mga estudyante, nakipag-away ka pa!"

"Paano mo ipapaliwanag yang video ha?!"

"Wag kang mangangatwiran dahil kitang kita na namin ang ebidensya!"

Tinalo pa ang pwet ng manok kung makakuda ang dalawa. Mga lalaki pa man din. 45
minutes na syang pinagsasabihan at halos mapundi na sya dahil paulit-ulit lang ang
dalawa sa sinasabi.

"Sorry po Sir. Hindi na po mauulit." magalang na sinabi ni Armida

"Talagang hindi na dapat maulit! Teacher ka pa man din!"

"Eh Sir, tahimik naman po ang buong klase nya ngayong araw.. Good news po yon,
right?" paningit ni Sir Geo

"Ano ngayon kung napatahimik nya?! Trabaho nya yon! Dapat lang ang nangyari!"

Bumuga lang ng hangin si Armida habang nakatingin sa kanan. Syempre, pasok sa


kanang tenga, labas sa kaliwa. Bahala silang maubusan dyan ng hininga kakadada. Wa
sya pake.

Tinignan nya ang relo nya, quarter to four na. Tinalo pa nila ang pari, walang
ending ang sermon.
"Sorry po Sir. Hindi ko na po uulitin. Pagsasabihan ko na po ang mga estudyante ko
na wag nang makipag-away. Hindi na rin po ako makikipag-away. Sorry po." lungkut-
lungkutang sinabi ni Armida. Para naman kapani-paniwalang nagsisisi na sya.

Napabuntong-hininga nalang ang Principal at ang Director. Mukhang naubusan na rin


ng hininga at sasabihin. Naka-playback lang naman lahat ng sinabi nila kay Armida,
paulit-ulit.

"Siguraduhin mo lang na hindi na ito mauulit." mariing sinabi ng Director

"Hindi na po talaga, Sir. Pinapangako ko po, mamatay man kayo.."

"Ano?!"

"Sir, mamatay man ako! Pinapangako ko po." tumango-tango pa sya at mukhang


nagsisisi na talaga, kunyari.

"Sir, may naghihintay po sa inyo sa labas.." paningit ng isang teacher

Inirapan lang si Armida ng Director at ng Principal. Pinalobo lang nya ang pisngi
habang sinisilip ang dalawang kakalabas lang ng Faculty.

"Haay naku naman..." tumayo na sya at pasimpleng kinuha ang bag nya at itinago sa
likod nya. May lakad sya ngayon at gusto na nyang umuwi ng maaga. Pwede naman na
yatang umuwi eh since uwian na
"Mrs. Zach, ano ngayon ang masasabi mo, hmm?" mataray na sinabi ni Maam Daphne

"Uhh, no comment.." sabi ni Armida. Ayaw na nyang magtagal doon, kaya babatse na
sya.

"At san ka pupunta?" tanong ni Maam Edgarda

"Uhh.. Sa restroom, mag-eemote.. Napagalitan ako at masamang masamang masamang


masama ang loob ko.. Aalis na muna ko, bye.." malungkot nyang sinabi para naman
makalayas na sya sa torture chamber nya

Paglabas nya ng Faculty....

"Psh.. Pasalamat kayo wala ako sa mood ngayong pumatay kundi yari talaga kayo
sakin.." bulong nya sa pintuan

"MAAAAAMMMM!!!" binalya agad sya ng dalawang estudyanteng tuwang tuwa at


nagtatatalon pa kaya nakitalon nalang din sya kahit hindi nya alam ang nangyayari

"Maam, kita nyo 'to? kita nyo? kita nyo ?" nakangiting tanong ni James habang
sobrang lapit na pinapakita kay Armida ang hawak nyang susi

"James, makikita ko yan ng matino kung hindi mo ipagduduldulan sa pagmumukha ko.."


sarcastic nyang sinabi

"Ay, hehehe.." napakamot nalang sya ng noo sa ginawa nya

"Maam, samin talaga 'to??" masayang tanong ni Eljand habang pinapakita ang susi

"Amin talaga? Amin talaga? Sure na sure na?" dugtong ni James


"Eh hawak nyo, malamang inyo yan, alangan namang sakin yan!" sarcastic na sinabi
ni Armida at saka naglakad na papuntang elevator

"Ay, Maam kami na magdala ng bag nyo.." alok ni Eljand sabay halbot ng bag ni
Armida sa kanya

"Maam, mayaman ba talaga kayo? Nasa baba na yung kotse na sinabi nyo kanina eh.."
nakangising sinabi ni James "Ambilis ma-deliver.."

"Ah, okey.." tumango naman si Armida habang nakataas ang magkabilang kilay at
nakatingin sa baba "Kotse.."

Tumapat na ang tatlo sa elevator. Pipindutin na sana ni Armida ang down button nang
unahan na sya ni James

"Reminder ko lang sa inyong dalawa, ayusin nyo ang student's license nyo at ang
pagd-drive ah.. Kapag kayo naaksidente at namatay, huhukayin ko uli kayo sa
libingan nyo at papatayin ko uli kayo.."

"Grabe naman, Maam.." nakangusong sinabi ni James

"Anong grabe ka dyan! Gagawin ko talaga yon! Umayos kayong dalawa!" bulyaw ni
Armida

Bumukas na ang elevator at pumasok na ang tatlo. Ground floor na ang tungo nila.

Tuwang tuwa ang dalawa habang tinitignan ang mga susi ng bagong kotse nila

"Maam..." sabay pang sinabi ng dalawa

"O," masungit na tugon ni Armida


"TENGKYU!!!" sigaw nila sabay yakap kay Armida "Tengkyu, tengkyu, tengkyu talaga
Maam!!"

"O! Tama na! Tama na!" pinagpapalo nya ang kamay ng dalawa "Tsansing na kayo!
Kung saan saan na napupunta yang mga kamay nyo, pagpuputulin ko yan!"

"Hehehehe.." lumayo na ang dalawa sa kanya at nginitian sya "Tengkyu uli Maam
ha.." nakangisi nilang sinabi habang pinapakita ang susi kay Armida

"Sige na, kotse lang naman.. Marami akong kotse kaya wala lang yan.."

Patuloy pa rin sa pagngiti yung dalawa dahil hindi naman basta-basta nalalaglag sa
langit ang isang Ferrari 'no. Unless, mamimigay ka ng buong Fita sa isang diwata.

"Maam, san ka?" tanong ni Eljand

"Hatid ka na namin!" masayang sinabi ni James

Sandali namang napaisip si Armida sa alok ng dalawa.

"Ang totoo, pupunta sana ako sa Xaylem.." sabi ni Armida

Nagkatinginan ang magbespren at saka lumaki ang ngiti habang nagtuturuan

"MAY LABAN NGAYON ANG LSG!!" sigaw nilang dalawa

"Anong LSG?" tanong ni Armida

"Maam, yung kalaban kahapon ng Jokermen!" sabi ni Eljand


Bumukas na ang elevator at lumabas na ang tatlo

"Tara Maam, hatid na namin kayo gamit ang aming bagong caaaaarrr..." may kulot-
kulot pa ang pagkakasabi ng car ni James

Again, thank you readers sa support sa story na ito! Sensya na kung thank you ako
ng thank you, hehehe.. Thankful lang po ako na vino-vote nyo ang bawat chapters na
nagustuhan nyo and naglalaan kayo ng time na mag-comment ng inyong nararamdaman
about sa story. Naa-appreciate ko rin po ng sobra-sobra yung mga 'author update na'
comments. Hindi ako nawawalan ng pang-UD everyday. Ang wala ako eh load sa
broadband kaya hindi makapag-upload. Every weekend lang ako nagkaka-budget for that
kaya pagpasensyahan nyo na, hehehe.. ^_^ Budget cut eh. Ang updates ko, as usual,
once a week pero isang bagsakan naman kaya sulit rin.

Hindi ko po kayo inoobligang mag-vote and mag-comment kasi kanya-kanya naman tayong
paniniwala sa buhay kaya sobrang thank you po ako sa effort na binibigay nyo para
i-click ang star up there sa bawat chapters and ang pagta-type nyo sa comment box.

Walang ending na thank you, readers!

Naka-mask na si Laby at Josef. Nakapagpalit rin sila ng plain black t-shirts at


handa na sa laban nila. Maraming tao ngayon ang Xaylem. Bibihirang mapuno ang arena
ng ganun. Napupuno lang kapag nasa Top 10 ang mga naglalaban.

At dahil baguhan ang grupong Legendary Superiors, hindi maiwasang abangan ang
susunod nilang laban pagkatapos ng naging laban nila sa Jokermen. Isang member lang
ang nakapagpabagsak sa buong grupo sa loob lang ng maikling oras at iyon ang
nakakuha ng atensyon ng lahat ng interesado sa labanan.

Ngayon, ang hamon ng lahat, patunayan ulit nila ang mga sarili nila sa buong
Xaylem. Nakaantabay na rin sa mga audience ang iba pang grupo na kabilang sa Top
25s ng XZQ.
"Josef, mauubos ang oras natin kung paisa-isa ang laban.. Nakita kong nandito na
ang pitong grupo, wala sila sa Top 25s kaya pwede na nating pagsabay-sabayin.."
sabi ni Laby

"Kaya mong lumaban? Kung nandito si Armida, papayag ako dyan.." sagot ni Josef

"Kaya kong lumaban, ba-back-up-an nalang kita..." sabi ni Laby habang nakatingin
sa arena

"Ah, ako pa ang ba-back-up-an mo ha.." nangingiting sinabi ni Josef "Sige, sabi mo
eh.."

Sa point of view ni Armida....

"Wow, puno ngayon ah!" sabi ni Eljand habang hinahawi ang mga audience para
makadaan sila

"Panong hindi mapupuno eh tinalo nila ang Jokermen kahapon.." tinulak-tulak ni


James ang iba pang audience para naman may space si Armida sa may railings.
Kelangan maganda ang view ng reyna.

Nasa second floor sila ng Xaylem at tinignan agad ang monitor.

"Oh?! Sabay-sabay?!" sigaw ng dalawa habang nakatingin sa monitor

Armida: Ayos ah.. Nag-solo ang dalawa..


( Nag-solo ang dalawa?? Meron ba nun? )

Nakangiti lang si Armida habang nakapatong ang magkabilang braso sa railings.


Guarded ang paligid nya ng dalawa nyang alipores. Bawal masaktan ang reyna dahil
lang sa mga audience.

Galit ba sya dahil sa pagsosolo ng dalawa? Hindi.

Hindi sya lalaban dahil bawal ang intense fight sa arena na yon. Mabuburyong lang
sya kaya magiging audience muna sya, for now.

"Ibang klase talaga yang LSG.. Pitong gang ang lalabanan sabay-sabay.." -Eljand

"O, ayan na, lumalabas na silang lahat.."

Ilang minuto lang ay napalibutan na ng napakaraming tao ang arena. Pitong grupo ang
naroon laban sa dadalawang member ng Legendary Superiors.

Nagsimula nang mag-cheer ang mga audience.

"WHOOHH!!"

"LABAN NA!!"

"LSG! LSG! LSG! LSG! LSG!"


"Nasan na yung isa nilang kasama? Diba tatlo sila?" tanong ni Eljand

"Baka busy yung isa.. Saka kaya nila yan, yung matangkad nga napagsak ang isang
buong grupo" nakangiting sinabi ni Armida

"Kunsabagay.." sabi ni Eljand

Armida: Tignan nga natin kung pano lumaban ang supreme Intel at ang Infamous cat
burglar sa labanang pambatang 'to?

Nasa gitna ng arena si Laby at Josef. Pinapalibutan sila ng pitong grupong kalaban
nila.

2 versus 39 ang magaganap. Pwedeng sabay-sabay o pwedeng paisa-isa ang sugod. Hindi
pwedeng umatake ang challenger sa kapwa challenger, kelangan ang dalawa lang ang
susugurin.

Nagkakabulungan na sa audience dahil ang malakas na member at ang leader lang nila
ang nasa arena.

"Laban na!" sigaw ng crowd

"Arrrggh!!!"

May tatlong naunang sumugod. Sinipa agad ni Josef ang isa, kinuha ang damit ng isa
at inihagis sa iba pa. Kinuha naman ni Laby ang damit ng isa, umikot sya pataas at
ipinalibot nya ang mga binti nya sa leeg ng isa at saka nya ito pinabagsak sa
arena.

"WHOOHH!!!"

Nagwawala ang buong audience sa simula palang ng laban.

Sunod-sunod na ang pagsugod ng iba. Round by round ang naging dating. Kapag
bumagsak ang nauna, susunod ang kasunod na grupo, then sunod na grupo uli hanggang
mapabagsak ang dalawang member ng Legendary Superiors.

Sinuntok lang ni Josef sa iba't ibang parte ng katawan ang mga sumusugod sa kanya,
at the same time, mino-monitor nya ang kilos ni Laby at sa mga sumusugod dito dahil
kabilin-bilinan ni No. 99, wag daw itong masasaktan.

"Josef, kaya mo pa?!" sigaw ni Laby

"Ja! Ikaw, ok ka lang?!" kinuha nya ang kaliwang kamay ni Laby at inangat ang
kasama sa ere. Buong lakas na sinipa ni Laby sa dibdib ang dalawang pasugod na sa
kanila habang pinapalipad sya ni Josef. Iyon ang last two member ng kasalukuyang
grupo ng mga sumusugod.

Parang ballerinang umikot pagkatapos na ibaba ni Josef si Laby. Pumwesto naman ito
para magkatalikuran sila.

"Dose na ang bumabagsak.. Konti pa.." hinihingal na sinabi ni Laby

"Arrgghhh!!"

Third group na ang sumusugod.


Patuloy lang sa pagsuntok si Josef at pagsipa naman si Laby.

"Sana nandito si Armida!" sabi ni Josef

"Kung nandito sya, tapos na 'to kanina pa!" sigaw ni Laby

Kinuha naman ni Josef ang braso ng isang susuntok sa likuran ni Laby. Ibinalibag
nya ito sa mga nakaabang na para sumugod.

Wala pang natatamong sugat o matinding galos ang dalawa kahit na madami na silang
napapabagsak.

Sa point of view ni Armida...

"Pucha, galing talaga! Idol ko na talaga yang grupo na yan! WHOOH!!" pagch-cheer
ni Eljand

"LSG! LSG! LSG!" cheer ni James habang itinataas ang dalawang kamay sa ere

Marami pang kalaban.. Pwede pa naman yatang sumingit sa eksena.

.
.

Kaso saka na. Gusto nya yung pwede syang lumaban full strength.

16 pa ang natitirang kalaban. Hinihingal na si Laby dahil hindi rin naman madaling
magpatumba ng tao. Saka hindi sya fighter, unless may hawak syang magagamit nya.

Iniisip ni Armida kung bababa na ba sya doon o hihintayin muna nyang mapatulog yung
dalawa.

Well, try lang nilang patulugin si Josef, pare-parehas silang mamatay.

"Mukhang pagod na yung leader nila ah.. Bumabagal na eh.." sabi ng isa sa audience

"Sya ba yung leader nila? Hindi ba yung matangkad? Akala ko yung matangkad yung
leader"

"Diba tatlo sila? San kaya yung isa pa.."

"OOOWWWHHH!!!"

Napatayo ng diretso si Armida nang may isang nakasapak kay Josef.

Napuno ang buong Xaylem ng cheer dahil sa wakas may magaling na nakatama sa isang
member ng LSG.

"Tsamba lang yan!"

"Madaya naman kasi eh!" sigaw ni James

"Dadalawa lang naman sila tapos madami ang kalaban!! Lugi yan!" second motion ni
Eljand

May trese pang nakatayo at patuloy lang sa pagsugod at pagsalag ng suntok at sipa
si Josef mula sa mga sumusugod kay Laby. Patay na kapag napatumba yung bata.

Una, yari sila kay No. 99.

Pangalawa, sya ang information nila ni Armida about sa mission.

Pangatlo, estudyante si Laby, ano nalang ang sasabihin ng school kapag nakita syang
may pasa at galos.

At panghuli at higit sa lahat, sya ang leader ng grupo. Hindi sya pwedeng bumagsak.
Bumagsak na lahat , wag lang sya.

Nakabalik na ang lakas ng ilang napatumba at agad ding nagtayuan.

Ngayon, dumoble na naman ang natitira nilang kalaban. Bad news.

Umatras na si Armida at dali-daling hinubad ang suit nya at isinabit sa nakausling


bakal sa pader ng second floor na kinalulugaran nila.

Naglakad na sya sa hallway ng second floor pababa sa arena. Tinanggal na nya ang
necktie nya pati na rin sa pagkaka-tuck in ang suot nyang white longsleeve at
itinupi ang manggas hanggang siko. Tinanggal na rin nya sa pagkakabutones ang
dalawa sa itaas na butones ng damit nya. Kinuha rin nya ang isang shades mula sa
audience at inilugay ang buhok nyang buong araw nang nakatali.

Wala syang pake kung parehong naka-black sila Josef at Laby. Naka-black slacks,
black heels at black shades naman sya, pwede na yun.

Nagwawala na ang buong Xaylem dahil bumibigay na ang LSG.

Wala pa namang sumusugod sa mga challengers dahil nangongolekta pa sila ng hangin


at lakas habang hindi pa bumibigay ang dalawang hinamon nila.

Pare-parehong hinihingal na ang mga nasa arena. Nasa gitna pa rin sila Laby at
Josef habang naka-defense mode at pagod na.

"Arrrrgh!!" may sumugod na dalawa pero agad na bumagsak kahit wala pang ginagawa
sila Josef

Ang nag-iingay na mga audience ay biglang tumahimik.

Lumingon-lingon naman sila Josef at Laby. Alam nilang may mali at hinahanap nila
ang dahilan.

"No. 99. Permission to enter!!!!" sigaw ni Armida

Naglingunan ang lahat sa pwesto ni Armida na naka-cross arms at maangas na naka-


pose. Inilibot nya ang tingin sa audience na nakatutok sa kanya.
Naglakad na sya papunta sa gitna ng arena.

"Humanda ka samin!!" sigaw ng dalawang kalaban nila at sinugod sya

Paglapit ng mga ito, kinuha nya ang magkabilang leeg ng dalawa at pinag-untog sila
ng sobrang lakas.

"Sugod!!" inatake sya ng tatlo pang kasunod. Sinipa nya ang sikmura ng isa,
hinampas sa leeg ang isa at pinatid ang huli saka sinipa sa dibdib pagbagsak nito

Nagpatuloy sya sa paglakad papunta sa pwesto nila Josef.

At dahil lima na ang napabagsak nya, sinugod na sya ng pito pa. Tumayo sya ng
diretso at saka iniatras ang kanang paa nya at saka sya pumagilid ng tayo habang
nakataas ang mga palad nyang nakalahad. Ang kanan: nasa harap, ang kaliwa: nasa
likod.

Pumalibot sa kanya ang pito na may nakaambang mga suntok kaya mabilis na palm
strike ang ginawa nya sa mga dibdib ng pito dahilan para magtalsikan sila palayo sa
kanya.

Bumalik sya sa paglakad habang inaayos ang shoulder part ng suot nya na tumabingi.
Nakikita na kasi ang pang-ilalim nya.

Sabay-sabay na syang sinugod ng lahat ng natitira.

Kinuha nya ang isang sumugod at pinangsangga sa mga sumusuntok at sumisipa sa


kanya. Binitawan na rin nya ito at saka kinuha ang leeg ng isa at itinulak iyon sa
iba pang sumusugod.

Susuntok sya sa harap sabay na sisipa sa likuran. Deadly ang kamay nya, deadly rin
ang heels. Oras na dumapo sa katawan, sureball na makakatulog ang makakatanggap.
Pinilit syang patamaan ng mga sumugod pero walang nakagawa. Iba't ibang parte ng
katawan ng mga kalaban ang pinatamaan nya at sinigurado nyang matatagalan bago
makabangon ang mga ito.

Natahimik ang buong Xaylem habang pinanonood sya na lumaban dahil kahit damit nya
hindi man lang nahawakan ng mga sumusugod. Kahit nga yung shades nya ni hindi man
lang nahubad. Partida, may heels pa sya na sobrang taas. Kahit ang pagkatalisod,
natakot sa kanya.

Bibihira ang ganung laban kaya napanganga nalang ang mga nakakapanood. Lahat tutok
na tutok. Yung tipong parang sa basketball, keep calm and watch. Mag-iingay lang
kapag na-achieve na ang peak of excitement and expectation.

Pagkalipas ng makapigil-hiningang laban na yon. Napuno ng mga bumagsak na katawan


ang buong arena. Ang natitira nalang na nakatayo ay sila Josef at Laby na nakabawi
na ng lakas at si Armida na sinusuklay ang buhok nyang nakaharang sa mukha nya.

Tahimik ang buong crowd dahil sobrang nakaka-speechless ang laban na yon.

First time nilang nakapanood ng ganung laban na pang-action movie ang dating. Hindi
lang simpleng sipaan at suntukan.

Una, 2 vs 39 ang laban.

Nang pumasok si Armida, naging 1 vs 24

"That's fun.." nakangiting sinabi ni Armida habang nakatayo sa harap ni Josef na


kasing tangkad na nya dahil sa heels

"What are you doing here?" tanong ni Josef

"Aside from standing in front of you, I just fought these rodents. Wala sana akong
balak bumaba, kaso kelangan na.."

Tiningala nya ang buong Xaylem at inilibot ang tingin sa buong audience na
natahimik na naman dahil sa kagagawan nila.

Huminga sya ng malalim at saka humanda sa pagsigaw

"NAG-ENJOY BA KAYO??!!!!!" masaya nyang sigaw sa crowd sabay taas ng right hand na
may number 1 sign

"YEEEEAAAHHHH!!!!" nakakabinging sigaw ng crowd

"WHHHOOOHH!!!!"

"LSG! LSG! LSG! LSG! LSG! LSG!"

Nagwawala na ang buong crowd sigaw-sigaw ang pangalan ng grupo nila.

Ibinalik nya ang tingin kay Josef sabay smirk

.
.

"That's how I earned respects from my people.." proud nyang sinabi sa asawa

Nag-smirk lang si Josef at pinunasan ang dulo ng labi nya gamit ang hinlalaki.

"I love your looks. Very fiery.." ipinasok nya ang isang daliri sa suot ni Armida
at hinatak ng naka-hook na hintuturo nya ang butones ng damit nito dahilan para
lalo itong makalapit sa kanya "..if you want to seduce me. This might work.."
sabi nya sabay ngiti ng sobrang tamis

Tumango lang si Armida at sinulyapan si Laby.

"Good Job, Josef.." tumango si Armida habang nakangiti ng simple lang "Good
job.."

I want to greet Angelie Julian Madriaga.

Nabasa ko kasi sa isang group page ang post nya. Pinost nya ang mga title ng
stories ko para i-share sa iba.

Madalang nalang po ako mag-promote ng stories ko after makatungtong ng 5 thousand


ang mga views ng UAC kaya na-overwhelm ako nang makita ko ang post nya para i-share
ang mga stories ko para rin mabasa ng iba. I didn't expect that kasi masaya na po
ako na umabot ng one thousand ang views ng bawat stories ko (ganyan po ako
kababaw).

I don't know if sya ang unang gumawa ng pagpo-promote ng stories ko sa isang page
sa fb, or may nauna pa.

Still, sobrang thank you sa napakalaking effort na binigay mo. Kaway-kaway tayo,
prend!
Mabilis nyang inayos ang damit nya at himalang nabalikan ang suit nya na walang
gumalaw kung saan nya ito iniwan. Mabuti at naisip nyang ibulsa ang panali ng buhok
nya kaya naayos pa nya ang nilugay nyang buhok. May karumihan na rin ang damit nya
pero ok lang dahil may suit naman sya.

Dali-dali nyang hinanap yung dalawa nyang estudyante.

"Maam!!" sigaw ng dalawa sa kanya na malalaki ang ngiti at kumakaway sa kanya.


Nagmadali ang dalawa sa paglapit sa kanya.

"Maam, san ba kayo nagpunta?!" sigaw ni James

"Sayang Maam, hindi nyo napanood yung laban ng third member!" dugtong ni James

"ASTEEG!!" sabay pa ang dalawa sa pagsigaw sabay hirit ng malutong na apir

Naglakad na si Armida habang nasa gilid nya ang dalawa nyang estudyante na halatang
tuwang tuwa sa napanood.

"Galing talaga!" -James

"Kita mo kung pano pinalipad yung pito?" -Eljand

"Ay, wala yun dun sa pinang-shield nya yung isa!"

"Hindeh, mas astig yung sinuntok nya sa dibdib!"


"Mas astig kaya yung wapak!" ginaya nya kung paano yung hampas sa batok na ginawa
ni Armida "Grabe, lupet talaga, mehn!"

"Idol talaga, saludo!" sumaludo pa sya sa hangin

"Alam kong astig si King, pero mas astig si No. 99.. Sya na ngayon ang idol ko.."

"Saka ang sexy nya,"

"Ang hot nya tignan dun sa shades na suot nya.."

"Saka, dude, tangkad! Ka-height nya yung Fuhrer! Pang-beauty queen!"

"Para yatang naka-reserve sya at hindi talaga late.."

"Dude, I think I'm in love.." sabi ni Eljand habang nakalagay ang kanang palad sa
dibdib at nakatingin sa taas "Ligawan ko kaya.."

"Asa ka namang papatulan ka nun! Hindi mo pa nga kilala eh!" sabi ni James

"Kilala ko! Si No. 99 nga sya diba!"

"Eh anong tunay na pangalan?"

"Eh... Ano..." napakamot ng ulo si Eljand dahil sa tanong ni James "Itatanong ko


sa susunod nilang laban! Problema ba yun?!"

Patuloy sa pag-describe ang dalawa sa nangyaring laban.

At si Armida?

Sanay syang nakakarinig ng ganyang compliment. Start kila Hunter at Tank, sa mga
Rookie, sa mga commanders hanggang sa ante benefactors. Hindi na bago ang purihin
ang ginawa nya kaya normal lang ang naririnig.

Pero syempre iba ang kwento ng mga batang noon lang nakakita ng professional na
lumalaban. Sanay sila na nakakakita ng nagsusuntukan at nagbubugbugan, pero iba ang
kilos ng praktisado at alam kung paano kikilos at gagamitin ang nalalaman sa
pakikipaglaban para sa kalaban. Masyadong OA ang description at pagkakakwento.

Nasa labas na sila ng Xaylem at naglalakad pabalik sa bagong kotse na bigay ni


Armida.

At dahil sinabi ni Armida na may akay-akay syang dalawang bata, hinayaan na sya
nila Josef na sumama sa mga estudyante nya. Pumayag na rin naman syang umuwi na
muna kahit mag-isa sya.

"Sayang, hindi tayo tumaya.." sabi ni James

"Ok lang, sulit naman yung laban!" masayang sinabi ni Eljand

"James, Eljand.."
"Yes Maam!"

"Ginugutom na 'ko. Kain tayo.."

"Yes Maam!"

Sumakay na si Armida sa kotse ni Eljand at agad na silang dumiretso sa isang resto


na pagmamay-ari ng kuya ni James. Na nagkataong malapit lang sa tinutuluyan nila
Armida.

Nakaupo sila sa tabi ng bintana at pang-animan ang upuan. Magkatabi sila James at
Eljand at nasa harap nila si Armida.

"Maam, san nga pala kayo nanggaling kanina?" tanong ni James habang sumusubo ng
spaghetti

"Naghanap ako ng restroom." sabi ni Armida habang ngumunguya

"Aahh.. Mahirap nga namang maghanap ng restroom doon para sa mga babae.." sabi ni
Eljand habang tinuturo ng tinidor si James "Buti sana kung lalaki si Maam, kahit
sa pader solb-solb na!"

Patuloy lang sa pagkain ang tatlo. Naisipan ni Armida na mangolekta ng konting


impormasyon since nakuha na nya ang tiwala ng dalawa nyang estudyante

"Si King, anong klaseng estudyante ba sya?" tanong ni Armida

Nagkatinginan naman si Eljand at James. Seryoso ang mga mukha nila habang nakatuon
ang atensyon sa isang bagay.

"Si King. Maangas talaga yun pero pag nakilala mo na, mabait din." sabi ni Eljand
habang nakatitig sa tinidor nya

"Mumurahin ka nun, kukutusan o kaya babatuhin minsan pero kapag ginalaw ka ng iba,
makikipag-basagan yun ng mukha maiganti ka lang.." sabi ni James habang
pinaglalaruan ang spaghetti nya
"Matalino yun. Sobra. Di uso libro sa kanya eh. Sophomore palang ako, Junior na
sya" sabi ni Eljand

"Kaso nag-repeater, hindi dahil bumagsak sya sa grades kundi dahil binugbog nya
yung gagong PE teacher na nangmanyak dun sa muse ng klase nila."

"Expel nga dapat yung parusa sa ginawa nya kaso andaming nagreklamo.."

"Tanda mo nung nagwelga yung buong student body?" sabi ni Eljand habang tinuturo
si James

"Shet, dun ko nga nakilala si Ste! Tsk! Sayang, lumipat na family nya sa Canada.."
umiling si James habang nakangiti "Liligawan ko sana.."

"Kahit ligawan mo yun, di ka sasagutin nun.. Dreamboy nun si Yoshikawa. Walang-wala


ka pa sa dulong-dulo ng dulo ng kadulu-duluhan ng dulo ng kuko ng kalingkingan sa
paa nung mayabang na hapon na yun." sabi ni Eljand

"Ambait mo dude, mami-miss kita talaga kapag namatay ka" sarcastic na sinabi ni
James

"Wag kang mag-alala, dude. Di mo ko mami-miss kasi isasama kita sa finish line"
nakangiting sinabi ni Eljand

Nag-aambahan ng kutos ang dalawa habang si Armida at patuloy lang sa pagkain.

"Member ng gang si King, tama?" sabi ni Armida

"Ah, yes Maam.." sagot ni Eljand sabay habol ng kutos kay James na nailagan naman
nito

"Anong alam nyo sa gang nya?" tanong ni Armida sabay inom ng juice habang
nakatingin sa dalawa
"Uhh, ang tawag kay King. Dark King. Sya ang leader ng Dark Orion Cards Gang.
Assistant nya si Brent aka Spade. Tapos member din nila si Chief aka Clubs. Yung
iba, sa ibang lugar na galing" sabi ni Eljand

"Gaya ni Heart, Dark Queen, Jack, tapos may bago silang member, si Diamond" dagdag
ni James

"Pansin ko lang, parang mga baraha yata yang codenames nila.." sabi ni Armida

"Ganun nga, Maam.." tumango naman ang dalawa sa sinabi nya

"May connect ba si King dun sa Queen?" -Armida

"Uhh.. magbestfriend sila." -Eljand

"Ang pagkakaalam ko, si Queen ang may pasimuno ng DOC, si King lang yung naging
leader kasi sya yung malakas" -James

"Aah.." tumango naman si Armida sa narinig "Nasan yung Queen?"

"Balita ng lahat, nasa America na. Dun sya pinag-aral ng family nya.." -Eljand

"Pero sa tingin ko, nilalayo lang si Jean kay King. Ayaw kasi nila syang ma-involve
sa problema.." sabi ni James habang nakatingin kay Eljand

"Tingin kasi nila, warfreak si King kaya hindi na sya magbabago. Hindi naman ganun
si King.." sabi ni James "Ambait kaya nun"

"Ini-involve lang kasi sa pamilya kaya nagkakaroon ng impression na masama sya.."


sabi ni Eljand "Alam mo naman, Mafia yung tatay nya. Kaya nga sya napunta sa Gang
diba, para malabanan yung tatay nya"

"Si Jean nga yung may pakana ng pagkabuo ng grupo. Gusto nyang malabanan ni King
yung tatay nya. Tapos ang lumalabas pa, si King ang dahilan kung bakit nasama si
Jean sa gang na yan." -James

Si Armida, patuloy lang sa pagkain habang pinapanood na mag-chismisan yung mag-


bespren. Andaling makakuha ng mga impormasyon sa mga maiingay na engot.
"Alam nyong member ng Mafia ang tatay ni King?" tanong ni Armida

"Ilang lang Maam yung may alam. Kung alam man, bibihira lang ang magkwento.." sabi
ni James

"Eh bakit sinasabi nyo sakin?" -Armida

"Kasi Maam tinalo nyo sya kanina.." nakangising sinabi ni James

"Saka Maam, assassin ka diba. Kaya hindi na kagulat-gulat sayo kung member ng Mafia
ang tatay nya." proud na sinabi ni Eljand

Napataas ng magkabilang kilay si Armida dahil naniwala nga ang dalawa na assassin
sya. Akala nya mga nagjo-joke lang sa pagsakay sa kwento nya.

"Alam nyong assassin ako, hindi ba kayo natatakot sakin?" tanong ni Armida

Umiling lang ang dalawa habang nakatingin ng diretso sa kanya

"Mabait naman kayo, Maam eh.." sabi ni James

"Saka di nyo naman kami papatayin diba?" nakangiting tanong ni Eljand. Halatang
walang ideya kung anong klaseng tao ba talaga si Armida.

Nag-smirk sandali si Armida at saka inilipat ang tingin sa pinto ng resto na


bumukas dahil may pumasok. Napataas ang kilay nya nang makita ang dalawang pumasok.

"Ayos ha.." bulong ni Armida

Napatingin sa kanya yung dalawa nyang estudyante at nilingon ang tinitignan ni


Armida.
"Oh!" itinuro ni James yung kakapasok lang

"Yan yung bago sa A diba?" sabi ni Eljand habang sinusundan ng tingin yung
kakapasok lang

"Shet, dude, bully yan eh.. Ginulpi nya sa likod sila Fajed." sabi ni James habang
nakasunod pa rin ang tingin dun sa dalawa

"Pano mo nalaman?" tanong ni Eljand

"Nakatago ako dun sa gumamela. Pinapanood ko sila."

"Teka, sila Fajed? Eh mga gagong manyak yun ah"

"Oo nga.. Binati nila yang bago kanina eh. Kaya nga hindi sila nakapagsumbong, mas
kasi yari sila.."

"Ah, nasa modus ka na naman ha.." sabi ni Eljand. Tinignan nila ang isa't isa
sabay ngisi at fist bump

Ibinalik na nila ang tingin dun sa dalawa na umupo na sa pangatlong table sa kanan
mula sa kanila

"Kaso may kasama.." -Eljand

"Sa tingin mo, boypren nya?" -James

"Engot. Matanda na para maging boypren"

"Baka tatay?"

"Tukmol, bata pa para maging tatay nya"

"Baka kuya nya"

"Hindi sila magkamukha"

"Oh shi--" napaayos ng upo ang dalawa nang lumingon sa pwesto nila yung dalawang
pinag-uusapan nila.
___________________

Pasado alas singko na at dapat ay pupunta na sila sa 666. Nakasakay sila sa kotse
at pabalik na sa main road na daan pauwi.

"Josef, uwi na tayo.." aya ni Laby habang nilalaro ang Gameboy nya

"Akala ko ba sa 666 tayo?" tanong ni Josef

"Wala nang dahilan para pumunta dun?"

"Bakit?"

Umayos ng upo si Laby at tinignan ang dinadaanan nila "Tuloy ang laban ng DOC kaso
hindi lalaban si King"

Binigyan lang ni Josef ng 'what-do-you-mean' look si Laby

"May problema ang balikat ni King. Lalaban ang grupo pero hindi sya. Kung pupunta
tayo dun, wala tayong mapapala dahil sya lang naman ang pakay natin"

Tumango-tango naman si Josef at tinignan si Laby sa gilid ng mata nya "Pano mo


nalaman yan ha?"

Paano nya nalaman?


Dini-decode ng Gameboy nya ang natatanggap na message, call, MMS or SMS, na galing
sa spider keychain nya na nasa phone ni Riggs.

At dahil tinawagan si Riggs ni Brent, nalaman nya kung anong problema ni King. As
easy as that.

"Well, I'm the Brain.." nakangising sinabi ni Laby sa kanya "Oh!" itinuro nya
ang isang resto na malapit na sa bahay nila "Kumain ako dyan nung saturday, punta
muna tayo dyan tapos kain muna tayo ng lasagna nila.."

Tinignan sya ni Josef para malaman kung seryoso ba sya

"Please.. I'm hungry.." ngumiti sya ng matamis at nag-puppy eyes "Please, please,
please.."

Napabuntong-hininga lang si Josef at iniliko agad ang kotse papunta sa resto na


tinutukoy ni Laby

"Yehey! Lasagna!" itinaas nya ang magkabilang kamay para mag-celebrate

Ngumiti nalang si Josef at umiling.

Nag-park na sila at agad na naglakad papasok sa loob ng resto.

"Sa tingin mo, nasa bahay na si Armida?" tanong ni Josef

"Sa tingin ko, wala pa. May kung anong ginagawa yun, malamang. Napunta nga sa
Xaylem, wala pang 5.. Ni hindi man lang nagsabi kung bakit nandoon sya, basta lang
nadaan doon. Tapos may kasama pang dalawang bata? Nagre-recruit yun. Ganun ang
ginagawa nya sa mga gusto nyang tao. Tapos dadalhin nya sa HQ, ibibigay kay Razele
tapos magugulat ka nalang, Ranker na.."

Napataas ng kilay si Josef sa sinabi ni Laby. Nagre-recruit? Dadalhin sa HQ at


ibibigay kay Razele? Ranker?

"How did you say so?" tanong ni Josef

"Uy, ayun, dun tayo.." sabi ni Laby habang tinuturo ang isang table sa gitna.
Naupo na silang dalawa at inabutan agad ng menu ng waitress. Lumapit pa ang isang
waiter at nilagyan ng tubig ang mga water goblet nila.

"Lasagna ang akin tapos orange juice.. Yun lang." madaling sinabi ni Laby

"Ganun nalang din sakin.." sabi ni Josef sabay balik ng menu sa waitress

"Two Lasagna and two orange juice.." pag-uulit ng waitress at bago ito umalis

"Dating Upsilon Commander si RYJO. Kapag naramdaman nyang may karapatan ang isang
tao sa posisyon, may talent, may spark or something like that, kinukuha nya tapos
ibibigay nya kay Razele. Ginagawa nga nyang ampunan ang HQ, pero tignan mo naman
ang resulta. Si Tank, sya ang nag-recruit kay Tank. Si Hunter na die-hard fan nya.
Si Dash, si Russet, si Mauve, silang lahat. Kahit ako." sabi ni Laby sabay inom ng
tubig

"Pero hindi na sya Ranker.." sabi ni Josef

"Ranker or not, kapag ginusto nyang maging Ranker ang isang tao, makakagawa sya ng
paraan." kinuha nya ang table napkin at niladlad na "Abogado nya, mga taong
pinagkakatiwalaan nya, kahit sinong may involvement kay Erajin Miller, kayang
kayang gawan ng paraan ang pagpasok nila sa MA." sabi ni Laby habang nginangata
ang table napkin. Hindi halatang gutom na sya dahil pinatos na rin nya pati yung
tela.

Tinitigan ng maigi ni Josef ang mukha ni Laby. Walang wala talaga sa mukha ni Laby
ang maraming alam at genius. Hindi sya yung inaasahan nyang mga may makakapal na
salamin, may braces at mukhang librarian. Typical nerd.

Mukhang tomboy na isip-bata si Laby. Yung tipong allergic sa exams at mas pipiliin
pang mag-PSP kesa magbasa ng libro. Parang 6 years old na na-trap sa katawan ng
isang matalinong 16 years old. Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi
mukhang 16 si Laby. Nadadala ng attitude nya.

"Nararamdaman mo ba yun?" tanong ni Laby

Kumunot naman ang noo ni Josef sa tanong ni Laby "Nararamdaman ang?"

Lumingon si Laby sa gilid nya. Sinundan naman ni Josef ang tingin ni Laby.

"Holy smoke.." sabi ni Laby habang nakikita si Armida na kakaiba ang ngiti sa
kanila

"Sana mali ang nakikita ko ngayon.." sabi ni Josef

Umiling lang si Armida habang nakatingin sa plato nyang wala nang laman

"Pwede kong lapitan?" tanong ni Josef kay Laby

"Kasama nya yung dalawa sa mga estudyante nya." hindi inalis ni Josef ang tingin
nya kay Laby, isang 'please' look ang binigay ni Josef sa kanya "Oh come on,
Josef.. Magkikita pa kayo sa bahay.."

"Hindi talaga pwede?" tanong uli ni Josef

"Magkatabi naman kayong matutulog mamaya,"

"Bakit hindi pwede?"

"Kasi nga nandun ang mga estudyante nya.."


"Here's your order.." inilapag na ng waitress ang order nilang dalawa

"Thank you.." sabi ni Josef sa waitress sabay smile. Kinagat naman ng waitress ang
lower lip nya at saka nahihiyang yumuko bago umalis sa pwesto nila "Mag-take home
kaya tayo?"

"Wag na, saka hindi sila dito nagte-take home.."

"Baka gusto ni Armida eh.."

"Kakakain lang nya, 'yaan mo na sya.."

Nilingon uli nila sila Armida at nakita nilang tumayo na ang tatlo. Nakaakbay ang
isa kay Armida at sabay na silang lumabas ng resto habang yung isa, dumiretso
papunta sa kitchen ng resto.

Sinundan lang ni Josef ng tingin ang asawa nya na nakalabas na at natatanaw nalang
nya sa two-way mirror wall ng resto. Sumakay ito sa isang itim na Ferrari kasama
ang estudyante nya at ang daan nila ay papunta sa pansamantalang bahay nila.

"Josef, bilisan mo nang kumain para makauwi na tayo.."

"Sa tingin mo galit sya?" tanong ni Josef

"No. If she's mad, hindi sya aalis at magpapaiwan sya dito sa resto para kaladkarin
tayo pauwi.."

Kumunot agad ang noo ni Josef sa sinabi ni Laby "How did you know?"
"I'm the Brain.." simpleng sagot ni Laby

That's good enough. Tumango nalang si Josef at mabilis na kinain ang lasagna nya.

Binabati ko si Jolina Abellon

Natuwa talaga ako na sa post mo sa wall ko sa fb. Yeah, I'm also sa super fan of
yours! Ang fun-fun maging fan, hahaha! Grateful ako dahil proud kang sabihing super
fan kita. Ang saya ko lang. Super.

Teka, ilan ba fans ko dito? Ngiti kayo sa screen sabay kaway, hehehe..

May nag-aalok saking pumunta sa mga meetings ng wattpad writers and readers. Gusto
kong sumama kaso masama sakin ang mapagod at bumyahe sa malayo. Sayangs.
Makikibalita nalang ako.

Pangalawang araw ng pasukan.

Pinapila na rin sila Josef at Armida sa Class Advisory nila sa flag ceremony.
Pagkatapos ay kinausap uli sila ng mga Principal nila dahil sa mga ginawa nila nung
first day.

Ang kay Josef, kakausapin daw sya mamaya ng family nung niligtas nya para
magpasalamat. And about sa pagiging Superman nya, kakausapin na daw ng mga Advisers
ang mga estudyante na wag na syang pagkaguluhan dahi hindi nga naman sya si
Superman.
Si Armida naman, WAG MAKIKIPAG-AWAY. Yun lang. Kapag naulit pa, tanggal na sa
trabaho.

Kanya-kanyang balik na sila mga room nila para makapagsimula na ng klase.

~~~~~~Narrated for Laby~~~~~~~

Nagkaklase sila ngayon sa Filipino at gustong gusto na nyang ilabas ang Gameboy nya
kaso ayaw nyang makakuha ng atensyon. Alam kasi nyang hindi naabutan ng mga kaklase
nya ang Gameboy at baka pagkaguluhan lang ito dahil mga ignoranteng taga-gubat sa
syudad ang mga classmate nya. Nandoon pa naman sa Gameboy nya ang lahat ng control
mula sa HQ, sa bahay nya, sa bahay ng President ng Asylum, kalahati ng CCS, sa
system ng buong Byeloruss at Diaeresis, ilang government offices at kung ano-ano
pang system na naco-control nya.

Iniisip nyang mag-cutting para makausap ang mga suspect nya.

Si Yoshi, mukhang mahihirapan sya.

Si Brent, wala pa syang idea.

Si Ran... Nabubuwisit sya sa kanya dahil naiinis sya sa naughty grin nito tapos
ilang beses din syang tinanong kung pwede ba syang maging FIREND kahapon. Pero sa
impormasyong kelangan nya, mukhang may mapipiga sya dito. At dahil mahalaga ang
pakay nya, kelangan nyang ihiwalay ang trabaho sa personal na issue.

Pagkatapos ng Filipino, lumabas agad sya dala ang gamit nya at inilagay iyon sa
locker nya. Cutting uli sya.

Nasa room na ang teacher nila at sya pagala-gala lang sa hallway ng 4th floor.
Natanaw nya sa malayo si Ran na may kaharutang babae malapit sa may hagdan ng 4th
floor.

Ano, lalapit o hindi? Lalapit o hindi?

Napansin nyang umalis na yung babae at naglakad na si Ran.

Susundan o hindi? Susundan o hindi?

Nasa fourth floor ang Student Council Office at doon nya nakitang pumasok si Ran.

Naglakad sya palapit sa SC Office at tumayo sa harapan ng nakasarang pinto.

Papasok o hindi? Papasok o hindi?

Hindi sya nahihiya o anuman. Naiinis lang talaga sya sa pagmumukha ni Ran. Wagas
kasi makangisi.

Pero kelangan nyang may malaman. Spy sya at kelangang ihiwalay ang personal at
propesyunal na issue.

Huminga sya ng malalim at binuksan nalang ang pinto nang hindi kumakatok.

Tinignan nya ang paligid. Aba, magaling. Walang ibang tao maliban kay Ran. May
klase naman kasi at dahil mga SC member, kelangan nilang umattend ng klase.

Pero mukhang batas din si Ran kaya nandoon sya sa SC Room at sitting pretty sa
golden-colored leather couch habang nagp-PSP.
"Hoy, playboy" tawag ni Laby kay Ran

Napalingon sa kanya si Ran at napahinto ito sa ginagawa. Unti-unting tumaas ang


magkabilang kilay nito at tinignan ang buong loob ng SC Room para hanapin kung sino
ang tinatawag ni Laby.

"What are you doing here?" tanong ni Ran

Naglakad papalapit si Laby sa kanya. Umupo ito sa leather seat na katabi lang ng
inuupuang couch ni Ran.

"Bakit mo prinogram uli ang The Brain?" diretsong tanong ni Laby

Ipinaikot ni Ran ang tingin nya para isipin kung ano ang tinutukoy ni Laby "The...
Brain... Let's see.."

Hinintay ni Laby kung anong sasabihin ni Ran. At mabuti naman dahil magsasalita
ito.

"The Brain is a software." simpleng sagot ni Ran

Tumaas lang ang kilay ni Laby sa sinagot ni Ran. Ang layo ng sagot sa tanong.

"Bakit. Mo. Prinogram. ULI. Ang. The. Brain?" mariing tanong ni Laby

Unti-unting lumabas ang naughty grin ni Ran dahil sa pag-uulit ni Laby ng tanong.

"May I know why are you asking?" tanong ni Ran. Binitawan na nya ang PSP sabay
patong ng magkabilang siko sa sandalan ng couch

"I'll answer your question if you answer mine.." pokerfaced na sinabi ni Laby
"Oh.." tumango-tango naman si Ran sa sinabi ni Laby "Ok, don't answer it para
fair. Fine by me."

Naningkit lang ang mga ni Laby sa sinabi ni Ran "Pwede ba, sagutin mo nalang ang
tanong ko!" inis nyang sinabi

"Ayaw."

"Ugh!" napatayo na sa inis si Laby "Hoy! Hindi kita pinuntahan dito para lang
inisin ako! Sumagot ka sa tanong ko dahil kung hindi--"

"Kung hindi ano? Representative ako ng 4th year. Hindi mo ko kayang i-bully dahil
isusumbong kita sa Admin kapag sinaktan mo ko, hehehe.."

"Ugh! Naman!" naisipan yang mag-walk out nalang. Mabubwisit lang sya lalo kapag
nagtagal sya sa loob ng SC Room kasama ang Ran na yun

Nasa pinto na sya at hahawakan na ang doorknob nang may sabihin sa kanya si Ran.

"Black Web. Former name ng The Brain. I'll tell you what I know about that if you
insist.."

Tumalikod si Laby at tinignan si Ran na serious-mode. Napabuntong hininga nalang


sya at napabalik sa inupuan kanina. Wag lang sabihin ng Ran na yun na nagbibiro
lang sya, dahil masasapak talaga sya ni Laby kapag sinubukan nyang hiritin ang
linyang yon.

Tinaasan nya ng kilay si Ran na serious na serious na nakatingin sa kanya.

"Ano pang hinihintay mo? Talk." mataray na sinabi ni Laby

"Sige. Pero bago yun..." itinuro ni Ran ang labi nya "...kiss muna.."
Anak ng teteng--

"Letse ka, magsalita ka na!" pigil na sigaw ni Laby

"No kiss, no info.." naka-grin na sinabi ni Ran

Nahihirapan na si Laby sa paghinga dahil sa pagpipigil sa inis. Gusto na nyang


magwala sa loob ng SC Room kaso baka sya naman ngayon ang ma-Principal's Office.

"Take it or leave it.. Madali akong kausap"

Lalo lang naiinis si Laby dahil inis na nga sya sa pagmumukha ni Ran, anlawak pa ng
ngisi nito, tapos hinahamon pa sya kapalit ng sagot na gusto nyang makuha.

"Kung ayaw mo, you can go out.." itinuro nya ang pinto "The door is there, paki-
lock nalang paglabas mo.."

Naalala nya ang sinabi ni Cas sa kanya.

Kalimutan mo muna ang dignidad dahil hindi yan makakatulong sa trabaho. Bago ka
magkaroon, kelangan mo munang mawalan. Ibigay mo ang lahat para makuha mo ang
lahat. Kung kinakailangang ialay mo ang buong katawan at kaluluwa mo sa demonyo,
gawin mo makuha mo lang ang kailangan mo.

Gosh.

Pwede bang exception 'tong kaso ni Ran?

Niluwagan nalang nya ang necktie nya dahil nahihirapan na syang huminga sa
nangyayari.
Hindi nya alam kung papayag ba sya dahil paano kung mali ang impormasyong ibibigay
ni Ran? Paano kung magsinungaling ito o kaya pagtripan lang sya? Lugi sya.

Pero kelangang sumugal. Impormasyon ang makukuha nya sa loko-lokong pervert playboy
na yun. Lalo pa't isa sya sa mga suspects.

Halik lang naman. Hindi naman big deal.

"Fine.." inis na sinabi ni Laby. Tumayo na sya at humarap kay Ran. Nakatingin sya
sa gilid at itinukod ang kamay sa couch na inuupuan ni Ran, sa pagitan ng ulo nito,
at saka nya inilagay ang kaliwa nyang tuhod sa couch, sa gilid ng hita ni Ran,
pang-suporta.

"Gusto ko yung mag-eenjoy ako. Passionate kiss, 10 seconds"

Naningkit agad ang mata ni Laby dahil sa sinabi ni Ran.

"Passionate kutos, 10 times, baka gusto mo rin?" sarcastic na sinabi ni Laby

Tumawa nalang ng mahina si Ran sa sinabi ni Laby "Sige, torrid nalang.. Game.."

"Tss.." lumapit pa lalo si Laby at hinalikan na si Ran

Hindi maiwasang mapangiti ni Ran habang ginagawa ni Laby ang kondisyon nya. Hindi
nya expected na papatulan ni Laby ang dare nya para lang sa hinihingi nitong
impormasyon. Dahan-dahan nyang iniangat ang magkabilang kamay nya. Ang kanan,
ipinasok nya sa ilalim ng palda ni Laby. Ang kaliwa, sa loob ng blouse.

"Uhm!" hinampas agad ni Laby ang magkabilang kamay ni Ran na kung saan-saan na
napupunta habang pinagpapatuloy nya ang paghalik
At dahil iniisip ni Laby ang kondisyon, exactly 10 seconds huminto na sya at
inilayo ang mukha kay Ran sabay punas sa bibig. Hindi na sya umalis sa pwesto nya.

"Now talk." seryoso nyang sinabi habang tinitignan si Ran na pinupunasan ang labi
nito gamit ang right thumb

"Lasang strawberry ka.." nakangiting sinabi ni Ran

"Wala akong oras para makipag-gaguhan sayo. Magsalita ka na."

"Okey.." tumango naman sya at hinatak ang necktie ni Laby. Tinitigan nya ito mata
sa mata "The Brain before, Black Web now. May nakakuha ng buong software bago pa
yon mabura 6 years ago. Isang tao lang ang nakakuha ng original copy. Ginawan nya
ng dalawang copy at may nilagay syang kakaibang bug sa tatlong natitirang software
ng Black Web. Kapag sinubukang burahin ang isang copy, magbibigay ng warning ang
natitirang software at magbabago ang password nito na ang tanging nakakaalam lang
ay ang may hawak ng original copy. Ibinigay nya ang original copy sa isa sa tatlong
tao na pinagkakatiwalaan nya. Now, if you want to delete one of the software copy,
magbabago agad ang password. But if you delete the original copy, mabubura na rin
ang dalawa pang software na nage-exist pa. Alam nyang may chance na burahin ang
software kaya nya nilagay yung bug. Now if you want to delete the Black Web, you
must find the owner of the original copy.." tumango pa sya "Oh, and another
thing, hindi ako ang nag-reprogram ng Black Web kundi yung taong sinabi kong
naglagay ng bug. And he's dead, 2 years na.." binitawan na nya si Laby

Napatingin si Laby sa kanan at saka ibinalik ang tingin kay Ran.

Naniniwala sya pero iniisip din nya na may chance na kasinungalingan ang ilan sa
sinabi nito. But the whole idea is believable so it's still useful. Swak sa
description at sa information na nakuha nya.

"Nakanino ang original copy?" seryosong tanong ni Laby

"Sasagutin ko ng tapat yang tanong mo kung sasagutin mo ng oo ang tanong ko.."


seryosong sinabi ni Ran

Diretsong tinignan ni Laby si Ran. Seryoso na naman.

"Ano yun?" tanong ni Laby


"Pwede ka bang maging girlfriend?" nakangiting tanong ni Ran

=___=

"Fvck you." itinulak ni Laby ang sarili nya para makatayo na ng maayos "Kapal
talaga ng mukha mo." mahinahon pero inis na inis nyang sinabi

"Hindi ako magbibigay nang wala akong natatanggap na kapalit.."

Dali-daling inayos ni Laby ang necktie nya at naglakad na papuntang pinto

"Hanapin mo lang ako kapag naisipan mo nang sumagot ng oo..." nakangiting sinabi
ni Ran

"Asa ka, bwisit ka!" sigaw ni Laby sabay labas ng SC Room.

Ibinagsak nya ang pinto at dali-daling umakyat sa rooftop.

"Argh! Badtrip! Damn it! Bwisit! Bwisit talaga!" inis na inis na sinisipa ni Laby
ang pader ng entrance ng rooftop "Letse! Nakakaasar!"
Nasa rooftop sya ngayon at sinisipa ang pader dahil sa inis.

Maraming dahilan para mainis sya.

Una, hindi nya nalaman kung sino ang redeveloper na tunay nyang hinahanap.

Tapos malalaman nyang patay na yung redeveloper. Na hindi pa sya sure kung totoo
nga, unless magsasalita si Ran.

At si Xiao Ran Li na pervert playboy, anlakas ng loob na alukin syang maging isa sa
mga girlfriend nito para lang sa impormasyon kung nakanino ang original copy. Asa
naman sya.

Naniniwala sya sa sinabi ni Ran tungkol sa copies ng software. Nakakuha sya ng isa
dahil sa pag-hack nya sa isang computer na hindi sya sigurado kung kanino galing
basta sa Byeloruss ang address. Hindi rin madali ang ginawa nyang pagkuha ng copy
dahil inabot sya ng isa't kalahating araw para matanggal ang bug at hindi ito ma-
activate sa software copy nya. Tama rin ang sinabi ni Ran about sa original copy na
may bug at ang iba pang kopya. Ang hindi lang nya kayang paniwalaan ay yung tungkol
sa nag-reprogram na namatay.

50-50 sya sa impormasyong yun.

At dahil wala syang balak patulan ang alok ni Ran na maging girlfriend sya kapalit
ng impormasyon, siguro si Brent nalang o kaya si Yoshi ang tatanungin nya.

Kaso, mukhang tahimik si Yoshi.

Si Brent, ewan pa nya.

"Wag mong saktan yang pader.. Walang kasalanan sayo yan.." sabi ng nasa taas ng
entrance ng rooftop. Tumalon ito at lumapag sa gilid ni Laby. And speaking of the
devil, si Brent pala. At mag-isa lang sya.

Napahinto si Laby sa pagsipa at tinignan ng masama si Brent.


"Alam mo, isa ka pa! Kasalanan nyo 'tong tatlo eh! Mga panira kayo ng buhay ko!"
sigaw ni Laby

"Oh? Ako? Anong kasalanan ko sayo? Ngayon palang kita nakausap may kasalanan na ko
kaagad?" nagpamulsa ito at tinanggal ang headset na nasa tenga nya

"Oo! May kasalanan ka na, siraulo ka!" sigaw ni Laby sabay habol ng suntok kay
Brent

"Hwoy! Inaano ka ba?!" sinalag agad ni Brent ang suntok nya

"Kayo! Kayo ang mga bwisit sa buhay ko!" patuloy lang sa pagsuntok si Laby habang
sinasalag ni Brent ang mga suntok nya "Tahimik na ko sa buhay ko! Tapos dadating
pa kayo para guluhin ang lahat!"

"Ano ba?! Oy! Masakit na ah!" reklamo ni Brent habang tinatabig ang kamay ni Laby
para matigil ang pagsuntok nito

"Talagang masasaktan ka sakin! Letse ka!"

"Stop! St- Stop it, will you?!" pinipilit nyang hulihin ang kamay ni Laby para
matigil na talaga ito "I said, stop it! You war freak!"
"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka!"

Nahuli na ni Brent ang magkabilang kamay nya at itinulak agad sya sa may pader ng
entrance ng rooftop. Trinap ni Brent si Laby para hindi na ito makapalag pa. Hindi
rin naman kasi masarap makatanggap ng suntok.

Tinignan lang nila ng masama ang isa't isa habang pareho silang naghahabol ng
hininga

"Ano bang problema mo?!" reklamo ni Brent

"Kayo! Kayo ang problema ko! Pare-pareho lang kayo!" sigaw ni Laby

Sandali silang natahimik na dalawa habang hinihingal.

"Kung lalake ang problema mo, wag mo kong idamay" mahinahong sinabi ni Brent

Tinitigan lang sya ng masama ni Laby

"Alam kong maraming gago sa school na 'to. I can't blame you for acting like
that.." binitawan na nya si Laby at napabuntong-hininga nalang "Magreklamo ka sa
SC kung may problema ka sa mga estudyante dito. Red Student ka kaya madali kang
makakahingi ng tulong.."

Ang problema, nasa SC ang mga problema nya.

Si Yoshi na Public Relation Officer

At si Ran na Representative ng lahat ng Seniors

Well, liban dito kay Brent na walang kaugnayan sa SC.

Humarap sa kanya si Laby sabay duro sa kanya "Umamin ka nga! Do you have the
original copy of Black Web?!"

Naningkit agad ang mga mata ni Brent dahil sa sinabi Laby. Hindi nya ine-expect na
malalaman ni Laby ang tungkol sa software.

"Where did you get the information about that?" seryosong tanong ni Brent

"I ask you first." mariing sinabi ni Laby

Napatingin sa right side si Brent at inisip kung bakit natanong ni Laby kung nasa
kanya nga ang original copy ng software.
"Why are you asking? Bago ka lang dito pero nalaman mo na agad ang tungkol sa
software."

"Why can't you answer me?!" sigaw ni Laby

Sumandal sa may pader ng entrance si Brent at tinignan si Laby na kitang kita ang
inis sa mukha "What if I have it? What would you do?"

"Hand me the computer and I'll delete it PERMANENTLY." seryosong sinabi ni Laby

"I didn't expect na malalaman mo ang tungkol sa Black Web.." nag-smirk si Brent at
sinuklay ng daliri ang buhok nya "Pero dyan sa sinabi mo.. Sa tingin mo gagawin ko
yun? Akin na ngayon ang software na yun. And I'm not as stupid as you think para
ibigay sayo ng ganun-ganun lang ang software. May sentimental value yun dahil buhay
ng kapatid ko ang kapalit ng software na gusto mong burahin."

Tumayo na ng diretso si Brent at tumungo sa pinto ng rooftop

Buhay ng kapatid nya. Kapalit ng software.

"2 years na bang patay ang kapatid mo?" tanong ni Laby

Huminto si Brent at nagtatakang tinignan si Laby "How did you know?"


Nawala ang inis ni Laby sa tanong na yun ni Brent.

"I don't know.." mahinahong sinabi ni Laby

Hindi nalang ginawang big deal ni Brent ang sagot ni Laby at bumaba nalang sya sa
rooftop.

"I guess that kiss is worth to give.." mahinang sinabi ni Laby

~~~~~~~Narrated for Armida~~~~~~~~~~

Tahimik ang klase nya habang nakatingin lang sa kanya. Alam nilang may mali sa
kanya at yun ang pinipilit nilang unawain. Ano ang mali?
Liban sa alam na nilang hindi sya teacher. At wala syang background sa pagiging
teacher.

Hindi sya sobrang magaling sa academics. Pero matalino sya.

Weird sya at bipolar.

Mayaman. Sobrang yaman.

Malakas at walang inuurungan. Kahit si King o ang Principal man o ang Director.

Walang pakialam sa sinasabi. Pero may sense naman kahit paano ang lumalabas sa
bibig nya.

Sexy kahit sobrang matakaw.

Maganda kahit ngayong araw wala syang make-up.

Other than that, ano pa bang mali sa kanya?

Ah, SYA mismo.

Absent si King dahil nasa ospital at pinapagamot ang balikat nya kaya naka-disperse
ang buong grupo nya ngayon at iilan lang ang natira sa room.

Nakaupo na naman si Armida sa table habang kumakain ng Sneakers na hiningi nya sa


isa nyang estudyanteng rated PG din at walang ibang laman ang bag kundi pagkain.

Yung ibang lalaking estudyante nya, mga naka-lower ang peg sa upuan at may
sinisilip. Nakikita sila ni Armida at hindi nya maiwasang mapangiti sa isipan nya.
"Wala kayong masisilip dyan.." nangingiting sinabi ni Armida

Nakasuot kasi sya ng skin-tight black tube dress na sobrang ikli pa na pinatungan
nalang nya ng white blazer para hindi naman sya sabihang pupunta ng club o kaya
bar. Naka-cross legs sya habang nakaupo sa table at ngumangata ng chocolate bar.
Wow legs pa naman sya. Flawless at walang kahit anong peklat.

Hindi naman sya narinig ng mga estudyante nya dahil gusto talaga nilang may makita
sa kanya.

Ang subject nila ngayon ay MATH.

M-eryenda

A-gahan

T-anghalian

H-apunan

MATH.. Puro kasi pagkain ang inaatupag nya.

Pero Math talaga ang subject nya.

"Hindi ka pa ba magle-lesson?" tanong ng isa sa mga estudyante nya


"Alam nyo naman na ang Basic Algebra, diba?" tanong ni Armida sabay kagat sa
daliri nyang may sumabit na caramel

"Pero kelangan mo pa ring magturo"

"Ang weird nyo ha.. Akala ko ba, ayaw nyo sa mga teachers?"

"Pero hindi ka naman teacher, diba?" sabi ng isa pa

"Ohh.. Hindi talaga teacher ang tingin nyo sakin ha.." napatingin sya sa upper
right at napaisip "Sige, 5 minutes.." sabi ni Armida habang ineenjoy ang
chocolate nya

Nag-eyeroll nalang ang mga estudyante nya at iba nalang ang inatupag

"Tutal Math ngayon, laro tayo ng konti.." sabi ni Armida habang patuloy sa pagnguya
"Bigay kayo ng 2 example ng 2-digit number na pareho ang umpisa.."

Tinignan sya ng buong klase nya

"48.." sabi ni James


"Ok, 48.. Isa pa.." sabi ni Armida habang nakatingin sa likod

"42.." sabi sa likod

"Ok, 48 and 42.. Kapag minultiply nyo, ang sagot ay 2016.." mabilis na sinabi ni
Armida sabat kagat sa chocolate

Napataas naman ng kilay ang lahat ng estudyante nya sabay calculate ng 42 x 48.
(Try mo i-calculate)

"Owkeeyy??" nagtataka naman syang tinignan ng lahat "Anong meron?"

"Isa pang example, dali.." sabi ni Armida sabay punas ng daliri sa scratch paper
na nasa table nya

"89"

"81"

"81 and 89. Answer is 7209" mabilis na sagot ni Armida


Nag-calculate uli sila..

"Whoah." nakataas ang mga kilay nila habang nakatingin kay Armida

"Isa pa, last na.." sabi ni Armida. Tumayo sya para itapon sa trash can ang balot
ng chocolate pati na yung scratch paper

"95 squared"

"95 squared. 9025.."

Calculate again.

"Owkey. May trick ka dyan malamang." sabi ng isa sa mga nasa likod "Hindi ka
naman mukhang matalino eh.."

"Yeah. Alam nyo na ba ang technique kung paano ko sya nakuha? Matatalino kayo kaya
malamang alam nyo." sabi ni Armida

Well, kung nandoon si King at Brent, malamang na alam nila. Kaso wala.
Kinuha ni Armida ang pen at binuksan ang board.

"Last question is 95 squared na ang answer is 9025." sinulat nya ang 95 x 95 sa


board "Madali lang ang technique. Pang-basic.. 5x5.."

"25"

"Isulat nyo sa baba, 25. Tapos lalagyan natin ng +1 sa taas nitong 9... 9+1"

"10"

"10 x 9 na nasa baba.."

"90"

Lumabas ang 9025. Yeah.

Tumango lang sila sa nakita sa board. Napangiti nalang yung mga nasa harap kasi
nakaka-elibs lang.

Another sample...

2x8=16
4+1=5 -> 5x4=20

+1

4|2

x4|8

_____

2016

Yeah. Share lang ng knowledge.

"Ok, we're done with this little game.. Ang sabi nga pala sa RN, hindi man lang
kayo naalis sa Chapter 1 dahil sa pagpapatalsik nyo sa mga teachers nyo"

"Si Sir Geo dapat ang Math teacher namin pero hindi na sya pinayagang magturo dito
kasi sasaktan lang daw sya nila King." sabi ng isa sa harap

"Natural, kayamanan ng Byeloruss si Sir Geo kaya malamang na hindi sya pagturuin
dito sa 4-F.."

"Sayang nga eh.. Feel ko pa namang maging teacher si Sir Geo.." sabi ng isang
babae sa likod

Napataas naman ng kilay si Armida dahil sa narinig. Bumalik sya sa pagkakaupo sa


table at naisipang makipag-tsismisan sa mga estudyante nya "Paanong naging
kayamanan ng Byeloruss yung smiling face na teacher na yun?"
"Sya kasi Maam yung anak ng owner nitong school" bulong sa kanya ng mga nasa harap

"At sya rin ang susunod na owner sabi sa taas.."

"Oh.. Owner huh.." tumango-tango naman si Armida sa narinig "Sino sa inyo ang
gustong magturo dito si Sir Geo ng Math? Raise your hands" tanong ni Armida habang
nakataas ang kanang kamay

Iilan lang ang hindi nag-react sa tanong nya. Halos lahat gustong magturo doon si
Sir Geo.

Advantage sa kanya yun kasi mababawasan ang subject nya, hehehehe.

"Pero hindi pa rin sya pagtuturuin dito habang nandito si King.."

"Kapag nawala si King, makakapagturo na sya?" tanong ni Armida

Tumango naman ang buong klase nya

"Ok lang kahit hindi na makapagturo dito si Sir Geo.."


"Oo nga,"

"Kesa naman mapaalis si King diba.."

"Oo nga.."

Mukhang nirerespeto talaga si King ng 4-F. Ayos din. Leader talaga ang tingin sa
kanya. Perfect for Superior position.

"Excuse Maam.."

Napatingin silang lahat sa may pinto.

"Oohh..." nagkatinginan ang mga estudyante.

Speaking of the devil.

"Yes Sir.." tumayo na si Armida at pinagpag ang damit nya

Pumasok sa loob ng room si Sir Geo at tinignan ang buong klase. Nginitian sya ng
mga girl students at binati pa sya with matching hand wave pa and paipit ng hair sa
likod ng tenga plus kagat-labi and additional beautiful eyes.
Nag-smile nalang din sya at hand wave sa buong klaseng nakangiti sa kanya. Lumapit
sya kay Armida at saka nag-smile din.

Kung makakilos sya, tinalo pa nya ang celebrity/heartthrob/ultimate crush ng


school. Lakas lang.

"Maam, sign ka dito.." sabi ni Sir Geo sabay abot kay Armida ng tablet at stylus
pen

"Para san 'to?" tanong ni Armida habang kinukuha ang inaabot ni Sir Geo

"Ah, attendance ng mga teachers. Naka-log yan sa system ng school. Para malaman na
nandito ka nga sa klase mo.. Hindi kita pinuntahan yesterday since first day mo
palang.." sabi nya sabay smile again

"Oh.." tumango nalang si Armida at pumirma sa tablet. Napahinto sya ng punasan ni


Sir Geo gamit ang hinlalaki nito ang gilid ng labi nya.

"Hah--" nagulat naman ang mga babae sa ginawa ni Sir Geo kay Armida

"Is this caramel?" nagtatakang tanong ni Sir Geo habang tinitignan ang thumb nya
"Kumakain ka ba dito sa room habang nagkaklase?"

Iginilid agad ni Armida ang tingin nya. Bawal kasi sa rules ang pagkain sa room
habang nagkaklase. Mapa-teacher man o
mapa-estudyante.

Pero bad syang tao kaya normal lang sa kanya ang paglabag ng konti sa rules :P

"Don't worry, hindi naman ako sumbungero.." nangingiting sinabi ni Sir Geo

"Tss.. Here.." inabot na nya kay Sir Geo ang tablet at pen "Ok lang kahit
magsumbong ka, wala naman sa agreement kanina sa Faculty na bawal akong kumain. Ang
sabi lang, bawal akong makipag-away.." sungit-sungitang sinabi ni Armida

"Matapang ka ha.." sabi ni Sir Geo

"Matagal na.." proud na sinabi ni Armida

Napatingin si Sir Geo sa buong klase. Mga nakatutok sa kanilang dalawa ni Armida.

"Behave ngayon ang 4-F. Good for you and good for them. Ngayon lang tumahimik ang
klaseng 'to simula nung June. You really are something."

Tinignan lang sya ni Armida sabay tango.


"Sige Maam, thank you.." nginitian sya ni Sir Geo at dumiretso na ito sa may pinto

Pero bago pa ito makalabas, may tinanong muna sya

"Sir Geo.."

"Yes.." huminto ito sa may pinto at nilingon si Armida

"May klase ka ba ngayon?"

Umiling lang si Sir Geo para sabihing wala. "Why?"

"Uhmm.. Tch. Ok lang ba sayo if tuturuan mo ngayon ang 4-F sa Math nila?" tanong
ni Armida

"Uhh.." napaisip tuloy si Sir Geo sa tanong nya "Nahihirapan ka ba?"

"Not really but they want you to be their Math teacher.." tinignan ni Armida ang
relo nya. May 43 minutes pa "Ok lang ba kahit ngayong araw lang? Gusto kasi nilang
magturo ka. Wala naman ngayon si King kaya ok lang naman yata diba?"

"Uhm.." Tumango-tango pa si Sir Geo habang nag-iisip


Tumingin sya sa kabilang room kasunod ang buong hallway. Ibinalik nya ang tingin
kay Armida sabay smile

"I'll take this back to the Faculty and then--" sabi nya habang tinataas ang hawak
na tablet

"I'll take care of it. Ako na'ng bababa" nakangiting sinabi ni Armida at naglakad
na palapit sa kanya "Kanino ba ibabalik?"

"Sure ka?" tanong pa ni Sir Geo

"Yeah... Hundred and one percent.." inilahad na ni Armida ang palad nya

"Kay Sir Thomas.." iniabot nya kay Armida ang hawak

"Owkey.." tinignan nya muna sandali ang klase nya "Hoy, umayos kayo. Kapag magulo
dito pagbalik ko, humanda kayo sakin."

"Yes Maam!" masayang sinabi ng buong klase nya

"Wag nyong kakainin si Sir Geo ha!" sigaw nya "Wala pang recess!"
Nagtawanan naman ang mga estudyante nya dahil sa sinabi nya

Lumabas na ng room si Armida at naglakad na sa hallway papuntang elevator

"Maam!"

Lumingon sya kay Sir Geo

"Thank you.."

Umiling lang si Armida at ngumiti "No. Thank YOU.." tumalikod na sya at tumuloy
nalang uli papuntang elevator

Hindi na rin masama ang pagkausap nya kay Sir Geo this time :)

~~~~~~Narrated for Josef~~~~~~~~


Naging big deal talaga ang porma ni Josef as nerd kahapon. Kaya lalo syang
napagkamalang Superman dahil sa ayos nyang with glasses pa. Kaya naman hindi na sya
nag-effort pa para ayusin ang porma nya. Simpleng white longsleeve, black pants and
leather shoes nalang sya. Yung normal nyang ayos para hindi na sya pinagkakamalang
kung sino-sino pang superhero.

Nasa klase sya ngayon at kasalukuyang may pinapasagutan sa mga estudyante nya.

Nakaupo sya ngayon sa may teacher's table at tinitignan ang mga schedule nya.
Siguro naman pwede nyang tawagan mamaya si Armida sa breaktime. Malamang na sa
rooftop na naman sya kumain dahil hindi pa rin nakaka-get over ang buong Diaeresis
sa ginawa nya. Nagluto nalang sya at nagbaon para hindi na nya kelangang bumaba pa
sa cafeteria.

"Excuse me, Sir.."

Napalingon silang lahat sa may pinto. Yung Principal.

"Yes Madam.." tumayo na si Josef at lumapit sa may pinto

Nakita nya si Madam Principal na may kasamang babae na tantya nya ang nasa 40's na
ang edad. Mukha namang maykaya base sa ayos. Hindi mukhang super yaman, hindi rin
naman mukhang mahirap.
"Gusto ko sanang sa maayos na lugar kayo makapag-usap pero may kanya-kanya rin
naman tayong trabaho kaya.." tinignan ni Madam Principal yung babae at nagtanguan
nalang sila habang si Josef hindi alam kung anong meron.

Mukhang may lakad si Madam. Lakas maka-walkout after ng tanguan portion.

"Uhm.." pansin ni Josef na hindi mapakali yung babae

"Yes?" asiwang sinabi ni Josef

Nagitla si Josef nang biglang kinuha ng babae ang right hand nya. Hindi nya alam
ang ire-react kasi windang din sya sa nagaganap.

"Maraming salamat sa pagligtas sa anak ko, Sir.. Maraming maraming salamat.."


mangiyak-ngiyak na sinabi ng babae

"Ahh.." tumango-tango naman si Josef. Sya malamang yung nanay nung nag-suicide
attempt kahapon. "Your welcome, Mrs. Glorioso.." ngumiti nalang si Josef at
pinipilit na bawiin ang kamay nya sa babae kaso ayaw talagang bitawan

"Alam kong kulang ang salamat para sa ginawa mo sa anak ko.. Kung may gusto kang
hilingin, handa akong ibigay yon bilang kabayaran sa ginawa mong pagliligtas sa
anak ko.." fully-emote na pagkakasabi ng babae
Josef: Tigilan mo na ang pangre-rape sa kamay ko. Please lang.

"Uhh.. Hehehe.. Hindi na ho kelangan. Kahit sino naman ho, gagawin ang ginawa ko.."
unless matapang din sila at kaya din nilang tumalon mula sa third floor

Naiilang na si Josef habang pinipilit na bawiin ang kamay nyang ayaw talagang
bitawan ng babae

"Hindi.. Sige, sabihin mo, handa akong ibigay ang lahat.." sabi sa kanya ng babae
habang unti-unti itong lumalapit ng sobra sa kanya

"Ah, hindi ho. Masaya na ho ako sa kung anong meron ako ngayon.. hehehe..."
asiwang sinabi ni Josef habang paatras ng paatras

Gusto na tuloy nyang patulugin ang babae para lang mabawi ang kamay nya at makaalis
na. Iba na dating sa kanya ng nangyayari eh.

"Misis.. May klase ho ako ngayon.." mariin nyang sinabi habang sapilitang
hinahatak ang kamay nya "Gusto ko pa ho sanang makipag-usap kaso, busy ho ako...
Busy ako, sobrang BU-SY!" nahaltak na rin nya sa wakas ang kamay nya sa babae at
umatras pa sya ng kaunti

"Pero, Sir--" hahabulin pa sana nya si Josef


"Hwop! Mademoiselle, no, no, no, no, no..." umiling agad si Josef habang
nakaharang ang dalawa nyang palad sa babae para pigilan ito sa paglapit sa kanya
"You already showed your gratitude. That is enough."

Ang babae naman ang naasiwa sa kanya dahil sa kilos nya.

"You said your thanks, I accept it. Solb na tayong dalawa doon, Misis. Wala akong
hihilinging kahit ano, at mas lalong wala kayong dapat ibigay. Alright?" itinuro
nya ang klase nya "May quiz ho kami ngayon at kailangan na ho ako ng klase ko.
Sana ho nasa maayos na lagay na ang anak ninyo. At kung may dapat ho kayong bigyan
ng atensyon ngayon, ang anak nyo ho iyon.. Mas kelangan nya kayo ngayon. Now.
Exactly this moment. This very moment.. Sige ho.."

Bumalik nalang si Josef sa table nya dahil baka kung ano pa ang masabi nya't
makasama sa pansamantalang trabaho nya.

"Sinong may hand sanitizer sa inyo?" tanong ni Josef sa klase nya

"Sir, ako po!" may nagtaas ng kamay sa likod. Lumapit sa kanya si Josef at humingi
ng konti.

Kinuha nya rin agad ang panyo sa bulsa nya sabay punas sa kamay. Kawawa naman daw
kasi yung kamay nyang nagahasa.

Kalalaking tao ang arte.


Babasahin nyo pa rin ba 'tong story kahit na umabot pa sa hundred pages?

Bakit ko natanong? Mukhang mapaparami ang pages nito eh. Wala pa sa gitna, nakaka-
50+ pages na..

~~~~~~~~Narrated for Laby~~~~~~~

Recess na at mag-isa sya sa dulong table ng cafeteria.

Nakakuha na sya ng konting impormasyon kay Ran. Tapos nalaman nya ang tungkol sa
kaso ni Brent.

Hindi na problema si Ran pati si Yoshi.

Malaki ang chance na na kay Brent ang original copy. Ibig sabihin nun, hindi na nya
kelangan si Ran. Ang dapat nalang nya isipin ay kung paano makukuha ang computer
kay Brent.

Siguro kakaibiganin nalang nya si Brent. O kaya utusan nya si Armida na torture-in
si Brent para makuha ang computer. Mas madali yon at matatapos na rin ang pagpasok
nya sa Byeloruss, pwede na syang bumalik sa paghahanap ng Superiors sa mga
battlegrounds at itutuloy na rin nya ang pagtulong sa pag-ayos sa kaso ni Armida sa
Zubin.

Sobra na syang naabala ng mga redeveloper nya. Marami syang trabaho sa Citadel at
may training pa sya. Mas busy pa sya sa bubuyog.

Maya-maya may umupo sa mismong mesa kung saan sya kumakain at umupo ito sa katapat
nyang upuan. Masyadong malalim ang iniisip nya kaya wala syang time para tignan pa
ang umupo.

Wala ngayon si King. Blangko ang table ng DOC at naka-disperse ang lahat ng member
ng grupo. Wala si Armida sa paligid. Tahimik pa naman so far.

"Pano mo nalaman ang tungkol sa The Brain?"

Napahinto si Laby sa pagnguya at unti-unting tinignan ang nagsalita.

"Yoshikawa..." mahina nyang sinabi habang nakatingin kay Yoshi na tutok sa fries
nito

"Inisip ko yung question mo yesterday, and it bugs me.." sabi ni Yoshi habang
patuloy sa pagsubo ng fries at hindi man lang tinitignan si Laby
Hindi na sya kelangan ni Laby. Hindi tuloy nito alam kung anong sasabihin. Mas
mabuti nalang kung tatahimik nalang sya at eenjoyin ang strawberry waffles nya.

"The Brain. Software sya na bigla nalang naglaho 6 years ago after mawala ng
programmer nun. If you're not in your age right now, iisipin kong isa ka sa mga
pumatay sa ate ko dahil lang sa software na yun.."

Napahinto si Laby sa pagnguya at nailaglag sa tray nya ang hawak na waffles

"Tinatanong mo kung bakit ko ni-reprogram ang The Brain, right?" sinulyapan nya
sandali si Laby at ibinalik na rin ang tingin sa kinakain "Hindi ako ang nag-
reprogram nun. May isang tao na nag-reprogram, pinalitan ang pangalan just to hide
it from everybody else and binigay ang tatlong copy ng software sa tatlong
pinagkakatiwalaan nya ng sobra... Ate ko ang isa sa nakatanggap. Pinatay sya two
years ago.. Kung may nalalaman ka about sa The Brain at sa developer nun, pwede mo
bang sabihin sakin? I want justice for my sister."

Hindi alam ni Laby ang sasabihin. Ang tono pa naman ni Yoshi eh nagmamakaawa na.
Sincere na sincere at walang halong pag-iimbot.

"I'll tell you everything you want to know. Kung gusto mo, gagawin ko lahat ng
gusto mo, kapalit ng lahat ng nalalaman mo tungkol sa software at sa original
developer nun.. Basta tulungan mo lang ako maghanap ang killers ng kapatid ko.."
Nakatingin lang silang dalawa sa mata ng isa't isa.

Si Laby, ayaw mag-sink in sa kanya ang nagaganap at naririnig kay Yoshi. Si Brent
at Ran nalang dapat ang problema nya eh.

Si Yoshi naman, desperado na talaga. Kabaligtaran na kabaligtaran ni Ran.

"Do you have the original copy of the software?" tanong ni Laby

Umiling lang si Yoshi "Tatlo ang software na ginawa ng redeveloper. Ang isa,
binigay nya sa girlfriend nya, which is my sister. Ang isa, sa bestfriend nya, na
sa pagkakaalam ko, patay na rin. Ang isa, sa kapatid nya. Kung hahanapin mo ang
original copy, mahihirapan ka dahil walang nakakaalam kung nakanino yon."

Shet lang.

Mas kumplikado pa pala ang lahat.

Walang nakakaalam kung nakanino ang original copy.

Girlfriend.

Bestfriend.

Kapatid.

Para na rin nyang inutos sa isang bulag na i-cut nya ang red wire para matigil ang
pagsabog ng isang napakalaking granada. Ooh, the irony.
Ambilis ng pasok ng info. Hindi man lang sya nakapaghanda. Akala nya si Ran lang
ang problema nya, meron pa palang mas malala.

"Kilala mo yung dalawang owner ng copy?" tanong ni Laby kahit na alam naman na nya
ang sagot

"If I'm not mistaken, si Li saka si Kesley ang meron ng copy." sabi ni Yoshi

Tumango naman si Laby kahit na gusto nyang sabihing alam na nya yun, matagal na.

"Binigay sa kapatid ang isa..." napaisip agad si Laby doon.

May sentimental value daw kay Brent ang copy. Malaki ang chance na nasa kanya ang
original.

Pero kung ikaw ang redeveloper, kanino mo ibibigay ang original copy?

Sa kapatid mo?

Sa girlfriend mo?

O sa bestfriend mo?

Dali-daling inubos ni Laby ang kinakain nya


"Bilisan mong kumain, may gagawin tayo.." sabi ni Laby

"Ano?" tanong ni Yoshi

Hindi na sya sinagot pa ni Laby sa halip ay inubos nalang nito paunti-unti ang
waffles nyang nalaglag sa tray.

------------------------------

~~~~~~~Narrated for Josef~~~~~~~~

Break na ngayon at nasa rooftop sya.

Napaisip sya kung bakit walang tumatambay sa rooftop eh mas madalas yun tambayan ng
mga estudyante.

Anyway, wala syang pake dyan basta ang mahalaga makakain sya.
"Hey Sir.. Dito ka na naman?"

Napahinto sya sa pagkain nang magpakita na naman si Shiner sa harap nya at nag-
indian seat.

"Kumain ka na?" tanong ni Josef

"Pwede na 'to.." itinaas nya ang hawak na sour candy

"Hindi ka mabubusog dyan.." iniabot ni Josef ang isang chicken sandwich nya kay
Shiner at ang baon nyang pineapple juice in can

Tinitigan lang ni Shiner ang inabot ni Josef.

"Kumain ka.." utos ni Josef at nagpatuloy na sya sa pagkain ng ginawa nyang taco
salad pizza

"Sir, gusto ko yung isang may ham na mukhang masarap.." tinuturo naman ni Shiner
yung montecristo sandwich na nasa baunan ni Josef
Choosy pa ang lola nyo.

"Tss.." kinuha ni Josef ang baunan at binuksan para kay Shiner "O,"

Ngumiti lang sa pagkain si Shiner at dali-daling nitong kinuha sa baunan ang


sandwich. Kinain nya ito na parang isang buwan na syang hindi nakakatikim ng
pagkain ng tao.

Slomo ang pagnguya ni Josef habang pinapanood si Shiner na takaw na takaw sa


pagkain.

"Pinapakain ka ba sa inyo?" tanong ni Josef

"Hindi ako umuuwi samin. Pahihirapan lang ako ng tatay ko kapag bumalik ako sa
bahay.." sabi ni sabay inom ng juice

"Anong klaseng tao ba tatay mo?" tanong ni Josef

Tinignan sya sandali ni Shiner. Iginilid nito ang tingin at mukhang magsasalita na,
kaso naisipang mas mabuting manahimik nalang.

"Sige na, hindi ako magugulat.." sabi ni Josef habang pinagpapatuloy ang pagkain
Umiling lang si Shiner "Di nyo maiintindihan, Sir. Malamang na lalayuan nyo na rin
ako kapag nalaman nyo.."

Napahinto si Josef dahil sa isang iglap, nakita nya ang sarili nya kay Shiner nung
bata pa sya.

"Di nyo maiintindihan at malamang na lalayuan nyo na rin ako kapag nalaman nyo"

Simula nang lumabas sya sa Citadel, yan nalang ang lagi nyang bukambibig sa lahat
ng nagtataong kung sino ba talaga sya.

Isang batang lumalabas lang tuwing gabi para magnakaw ng mga mamahalin o kaya'y
mahahalagang gamit. Hindi katanggap-tanggap sa lipunan ang katayuan nya noon.
Nagtatago sya sa anino ng lahat para lang maitago ang totoo nyang pagkatao.

Para sa isang batang napipilitan lang sa ginagawa, hindi proud na sabihin sa lahat
na isa syang magnanakaw. Walang makakaintindi sa kanya, dahil unang unang makikita
nila ay hindi ang kaawa-awang bata na si Richard Zach kundi ang masamang tao at
kriminal na si Shadow.

"Criminal ba ang father mo?" tanong ni Josef


Hindi na naman sya sinagot ni Shiner sa halip ay nagtuloy nalang ito sa pagkain.
Kunyari wala syang narinig.

"Anong klaseng kriminal ba ang tatay mo?" tanong uli ni Josef

Wala na namang sinagot si Shiner at uminom nalang ng juice para iiwas ang sarili

"Alam mo, magnanakaw ang tatay ko. Jewelry thief sya at binigyan ng title na
Greatest Thief of all time.." sabi ni Josef

Napahinto sa pagnguya si Shiner at tinitigan ng diretso si Josef

"Kapag sinabi kong dati na 'kong nalagay sa Top 1 ng Most Wanted Criminals,
maniniwala ka ba?" seryosong sinabi ni Josef

No comment pa rin si Shiner

"13 years old palang wanted na 'ko sa sampung bansang napuntahan ko" humugot ng
malalim na hininga si Josef

"Nung pinanganak ako, ang tatay ko gusto akong maging magnanakaw na katulad nya. At
the age of 5, kaya ko nang humawak ng baril at kutsilyo kung paano iyon dapat
hawakan ng isang kriminal. Age of 9, naging member ako ng isang Association ng mga
criminals at ginawa ko lahat ng inutos nila. Age of 11, naging legend ako agad at
di-niclare na isa sa may powerful hands in the world. At the age of 12, may sapat
na pera na ko para makabili ng isang buong island, doon na ko namuhay mag-isa. At
the age of 15, na-realize ko na hindi ko na kelangan pang mabuhay bilang isang
magaling at sikat na magnanakaw. At the age of 20, may isang anghel mula sa
impyerno ang binigyan ako ng kalayaan para mamuhay bilang isang normal na tao. At
the age of 26, I marry my wife na akala ko baliw lang yun pala isa sa
kinatatakutang assassin sa mundo namin. And now, nandito ako sa harap sinasabi sayo
ang lahat ng yon para lang malaman mong hindi na ko magugulat pa kung sasabihin
mong anak ka ng isang masamang tao.."

Nailaglag tuloy ni Shiner ang kinakain nya dahil sa lahat ng sinabi ni Josef. Pero
nasalo agad ni Josef ang sandwich na nalaglag at naibalik uli ito sa baunan para
hindi na madumihan.

"Kriminal ba ang tatay mo?" tanong uli ni Josef

Tumango nalang si Shiner bilang sagot sa tanong nya

"Anong klaseng kriminal sya?"

"Kriminal talaga kayo?" windang na tanong ni Shiner

"Dati, oo.. Kaya sagutin mo na ang tanong ko, pwede ba.."

"Pinapatay ng tatay ko ang lahat ng bumabangga sa kanya at threat para sa family


namin. Ginagawa nya yon para sa pera at sa kapangyarihan." naiilang na sinabi ni
Shiner
"Ang asawa ko, pumapatay ng kahit sino. Depende sa paninindigan ng persona nya.
Kahit ako, pumapatay din ako pero for self defense lang. Hanggat maaari, lalayo sa
problema."

Tinignan lang sya ni Shiner. Tinitignan nito kung seryoso ba talaga sya sa sinabi
nya.

"Anong pakiramdam ng pumapatay?" seryosong tanong ni Shiner

Sya naman ngayon ang tinignan ng diretso si Shiner. Humugot sya ng hininga at
tumingin nalang sa langit "Nakakakonsensya pero kelangan. Bakit, inutusan ka na
ba?"

"Dati. Pero tumakas lang ako." nakayukong sinabi ni Shiner

"Buti naman. Hindi maganda sa pakiramdam ang makapatay lalo na sa batang katulad
mo. Ang asawa ko, nagkaroon ng psychological problem dahil dyan.."

"Baliw ang asawa nyo?" seryosong tanong ni Shiner

"Lahat naman ng tao may kabaliwan, intense nga lang yung kanya.." ngumiti sandali
si Josef at umiling nalang

"Mahal nyo asawa nyo, Sir?"


Tumango lang si Josef para sabihing oo.

"Ibig sabihin, baliw din kayo.." seryosong seryososya sa pagkakasabi "Pumatol


kayo sa baliw eh.."

Imbes na ma-offend si Josef, tumango nalang sya at inisip na baliw nga talaga sya
dahil kahit na sagad-sagaran ang kabaliwan ni Armida, hindi pa rin nya ito kayang
iwan. At proud nyang sasabihin sa mundo na baliw na sya dahil mahal na mahal nya
ang baliw nyang asawa.

"Hindi ngayon ang tamang oras para bumalik ka sa inyo... Siguro nga, tama ang
desisyon mong wag umuwi.." inayos na ni Josef ang mga baunan nyang wala nang laman
at ibinalik ito sa lunchbag "San ka tumutuloy ngayon?"

Umiling lang si Shiner "Wala akong permanenteng tinutuluyan. Minsan, natutulog ako
sa park tapos magpa-parttime sa mga resto para may pangkain tapos nagpa-parttime
din sa laundry shops para libre laba ng damit. Saka, pumupunta ako dun sa Xaylem at
XZQ para kumita ng malaki-laking pera.."

Sinabi yun ni Shiner dahil alam nyang bago lang si Josef sa lugar at malamang na
hindi nito alam ang tungkol sa battlegrounds.

Ang kaso...
"Member ka ng gang?" tanong ni Josef

Tinignan sya sandali ni Shiner sabay tingin sa sahig.

Nalaman nyang masamang tao din si Josef kaya hindi na kagulat-gulat ang sabihing
member sya ng simpleng gang.

Kumpara sa pagiging wanted na magnanakaw na may asawang assassin, ang pagiging gang
member nya ay walang wala.

"Bihira lang akong makipaglaban kaya nga nasa 7th place palang ang grupo namin..
Nag-text nga sakin yung isang member ng grupo. May laban daw kami mamayang hapon..
Baguhan lang naman daw ang lalabanan kaya madali lang kaming mananalo.." mahinang
sinabi ni Shiner

"Talaga.. Anong pangalan ng grupo?"

Kinuha ni Shiner ang phone nya sa bulsa para tignan ang text sa kanya ng ka-gang
nya "Sabi dito, Legendary Superiors Gang daw.." ibinalik nya ang tingin kay Josef
"Invite kita Sir mamaya sa Xaylem,' itinuro nya ang kaliwa nya "Sa dulo ng
skyway. Nood ka ng laban namin.."

Hindi na naka-react pa si Josef at parang sinala ang lahat ng dugo nya sa katawan
dahil sa narinig kay Shiner.
Ang update next next week ha.. Busy ako and nag-aaral din. Kelangan ko din ng tulog
at pera para makapag-update. Don't worry, sagad-sagad naman akong mag-update eh,
debah?

O, another THANK YOU READERS!! Hindi ako magsasawang mag-thank you sa inyong
lahat!! ^____^) d

Nasa school garden ngayon si Laby at Yoshi. Nasa ilalim sila ng puno ng narra at
sisimulan palang gawin ang tracing ng original copy ng software.

"Paano natin it-trace yung original copy?" tanong ni Yoshi habang hinahanda ang
laptop nyang naglalaman ng copy ng Black Web "Sinubukan ko na yan dati.. Hindi
madaling i-locate ang copy kung pare-pareho sila ng--"

"I know what I'm doing, ok.." sabi ni Laby habang inaaayos ang lahat ng gagamitin
nya "Alam kong mahirap ang tracing at breaching,"

Dahil kung madali nga naman yon, malamang na hindi na nya kelangang pumasok pa sa
Byeloruss at hanapin ang owner ng original copy para lang mabura ang software.
"Pwede bang pagsabihan mo yung mga fans mong lumayo sa area, naiilang ako.." sabi
ni Laby habang inilalapag sa damuhan ang Gameboy at tablet nya

"Anong fans?" nilingon naman ni Yoshi ang paligid "Saan?"

"Ugh!" napa-eyeroll nalang si Laby dahil hindi man lang maramdaman yon ni Yoshi
"Yung mga babae dun sa likod ng puno sa kaliwa mo. Pati na rin yung nandun sa likod
ng poste ng building sa harap natin.." kinuha na ni Laby ang mga connectors nya sa
dala nyang maliit na bagpack

Napataas lang ang kilay ni Yoshi sa sinabi ni Laby.

Puno sa kaliwa? Poste sa harap?

"O?!" tinignan ni Laby si Yoshi "Ano pang tinutunga-tunganga mo? Paalisin mo na!"
mataray na sinabi ni Laby

"Psh..." sumimangot lang si Yoshi at tumayo na papunta sa likod ng puno ng makopa

Paglapit nya doon...

"Aaaahhhh!!!" nagtilian agad ang mga babae at parang langgam na nag-disperse bigla

Nagulat nalang si Yoshi at hindi na alam ang gagawin. Pinanood nalang nya yung mga
fans nya na magpulasan na parang naglalaro ng taguan at nahuli ng taya kung
makatakbo. Muntanga ampowtek.

"What the fvck..." bulong ni Yoshi sa sarili

Nilingon nya yung likod ng poste ng building. May mga babaeng estudyanteng nakatago
doon at nagmamasid kay Laby.

Dali-dali syang lumapit sa mga babae para kumprontahin.

"Excuse me, anong--"

"WALA!! WALA KAMING NAKITA!!" sigaw nilang lahat sabay takbo paalis kagaya nung
naunang nagtatago sa puno

"Seriously??" napakamot nalang sya ng batok sa nangyari

Aware syang may fans club sya sa Byeloruss-na hindi naman nya inasam na magkaroon-
pero ang OA naman yata ng mga fans nya para kumilos ng ganun.

Bumalik na sya sa tabi ni Laby habang nagmamasid sa paligid.


"How did you know about those-- girls?" nagtatakang tanong ni Yoshi habang
tinuturo yung puno at yung poste

"Sensors. Learn how to and master the use of your senses. If you can't use you're
vision, then use your ears, nose and sense of touch." serious-mode na sinabi ni
Laby habang kinokonekta na ang Gameboy nya sa laptop

Napataas ng kilay si Yoshi kasi ikinonekta ni Laby ang laptop sa Gameboy.

Kelan pa naging posible na makonekta ang Gameboy sa electronic gadgets?

"Seryoso ka sa ginagawa mo?" takang taka si Yoshi habang palipat-lipat ang tingin
kay Laby, sa Gameboy at sa laptop na nagb-boot na "What's the help of that old toy
in this case? Don't tell me, maglalaro ka pa ng pacman? Saka.." itinuro pa nya
yung Gameboy "How did that Gameboy connect these wires?"

Binigyan lang ni Laby si Yoshi ng 'isa-pang-salita' warning look.

Nag-eyeroll lang si Yoshi at sinuklay nalang ng daliri ang buhok nya para maalis
ang atensyon kay Laby.

"Liban sa pagiging girlfriend, ano pang connect ng ate mo sa redeveloper ng The


Brain?" tanong ni Laby na naka-focus pa rin sa ginagawa
"I don't know. I tried to search them on that software. Ang sabi ni Ane, boyfriend
nya yung redeveloper. I don't know the real name kasi nung sinearch ko sa Black
Web, hindi nag-match yung name sa mga lumabas..." sabi ni Yoshi habang nakatingin
kay Laby na nakatingin naman sa laptop

"Say it.."

"Say what?"

"Duh! Yung name ng guy! Ano ba? Linawin mo ang information mo, ok! Hindi ako
manghuhula!" inis na sinabi ni Laby

"Psh.." napasimangot nalang si Yoshi dahil kay Laby. Anlaki daw kasi ng angst sa
buhay. Ambilis mairita. "Ang sinabi nyang pangalan, Johann Lee. I don't know if
that's his real name kasi 20, 000 ang lumabas na results nung hinanap ko sya sa
Black Web.."

Napahinto sa pagt-type si Laby dahil sa narinig na pangalan.

"Johann Lee..." pumikit-pikit sya at saka napatingin sa taas

Marami talagang lalabas na Johann Lee if sinearch sya sa Black Web. Common ang name
na yun sa buong mundo.

Pero ang pangalang Johann Lee...


"Masayoshi... Ah, shit!" Napa-face palm nalang sya

"O, anong problema?" tanong ni Yoshi dahil biglang nagbago ang reaction ni Laby

"Masayoshi ang pangalan ng ate mo?" tanong ni Laby

"No!" disagree agad si Yoshi

"Ah! Mali-mali.." umiling-iling sya na parang inaalis o binubura sa isip ang


tinanong kay Yoshi "Ang name ng ate mo is Yoshikawa Masane.."

Tumaas agad ang kilay ni Yoshi sa sinabi ni Laby "How did you know?"

"Ah, man!" napasandal nalang si Laby sa punong nasa likuran nila

Johann Lee. True name is Li Yuan. Grader sya at sya ang assistant ni Laby na
nakatakas six years ago kasama nya. Nagpadala ang Congregation para ubusin ang
lahat ng tao ng The Brain. At isa si Yuan sa mga nakaligtas sa assassin na pinadala
ng mismong Association nya.

Marami talagang lalabas na result dahil sa common name na Johann Lee, pero kahit na
ganun, si Li Yuan lang ang kilala nyang gumagamit ng Johann Lee na alam nyang
kayang i-redevelop ang software.

Huli nyang nakita si Yuan nung sapilitan syang inabot nito kay Shadow. Ito na rin
mismo ang nagsabing kuhain na ni Shadow ang Brain.

Kung iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ang Brain, ayos lang na makuha ito
ni Shadow.

"Hindi girlfriend ni Johann Lee ang ate mo..." malungkot na sinabi ni Laby kay
Yoshi

Si Masayoshi. True name is Yoshikawa Masane ay isang satsujin. Assassin sya na


nagtatrabaho sa Oyabun at sya ang guardian ni Laby nung nasa Satsujin-sha Ichizoku
pa sya. Nung time na yon, hindi Brain ang tawag sa kanya kundi Tensai hime.

At malamang nga na si Yuan ang gagawa ng redeveloping ng The Brain if ever naka-
survive sya. Laging magkasama si Johann at Masayoshi bilang guardians nya as a
member ng Assoc.

Ibig sabihin, kapatid ni Yoshi ang isa sa mga guards nya dati.

"Anong hindi girlfriend nung Johann Lee na yun ang ate ko?" tanong ni Yoshi

"The Brain..." humugot ng malalim na hininga si Laby at saka tumango "The Brain
is me. I created that software kaya nga hinahanap ko ang redeveloper. Minsan nang
naging resulta ng gyera ang software na yun and I'm telling you, lahat papatay para
sa software na yun. And marami na kong problema, gusto ko nang matapos ang issue sa
software dahil hindi madaling umayos ng gyera.."
Ayaw mag-sink in kay Yoshi ang sinabi ni Laby kaya hindi nya alam ang ire-react.

"T-teka.. Wait lang ha.." pinipilt ni Yoshi na unawain ang sinabi ni Laby "You're
the Brain.." inikot nya ang mata, umaasang maiintindihan nya ang narinig "You
created that sotware..."

"Haay, naku.. Forget it." napahilamos nalang si Laby at ibinalik ang atensyon sa
laptop "About your sister's death... Maraming dahilan para patayin sya. Yung
software ba talaga ang dahilan kung bakit sya pinatay?"

"Maraming dahilan? Bakit marami? Tahimik ang ate ko sa family business namin. Anong
dahilan naman ang meron sila para patayin sya liban sa software na yan?"

Tumingin muna sa building si Laby at saka nya inilipat ang tingin kay Yoshi "Anak
ka ng Yakuza boss, right?"

Sandaling tinitigan ni Yoshi ang mga mata ni Laby "Ano ngayon? Wala naman kaming
kinalaman sa mga yan. Matino ang family namin! Tahimik si Ojiisan sa mga illegal
issues ng ibang clan. Hindi hinahayaan ni Chichi na mapasama ang clan namin sa
problemang may involvement sa feuds at organized crimes dahil nagkaroon na kami ng
agreement sa ibang clan at pasado kami sa countermeasures law! Kobun ako, but that
doesn't mean I'm bad! Even Ane! She's innocent!"

"Pero leader ka ng gang.."


"But-- But that's just a game! I-i-i don't take that very seriously! Hindi sya
kasing-seryoso ng Gang boss na kakilala ng family namin! I don't kill people! I
don't smuggled guns! I don't do drugs! I don't even smoke!"

"But you fight.."

"Uh-- Yeah I fight.. But not as serious as--"

"Top 2 ang Silver Outlaw Fox sa Top 25s... If you're not as serious as hell, why
your group on that high position, hmm?" nanghamon ng tingin si Laby

Kumunot lang ang noo ni Yoshi at agad na iniwas ang tingin kay Laby

"Gusto ko lang talunin si King, that's all.." pumulot sya ng bato sa gilid at
itinapon sa malayo "It's not as serious as you think."

Ah, yun naman pala. Pride. Labanan ng pride lang pala ang dahilan kaya nagsisali sa
mga gang groups 'tong mga 'to.

"Anak sya ng Mafia Boss, tapos anak ka ng Yakuza Boss. Iba rin trip nyo eh 'no..
Bakit hindi mo nalang paulanan ng bala ng armalite yung katawan nya o kaya pakain
mo ng granada. Dun mo pa balak talunin sa gang fight na yan na hindi naman talaga
tunay na gang.."
Tinignan ni Laby ang Gameboy nya. Nakukuha na nya ang code ng software. Kapag
pareho ang lumabas na code ng katulad sa copy nya, meaning hindi iyon ang original
copy. May 47% pa.

"Maraming dahilan para patayin ang kapatid mo... Pero kung pinatay sya dahil sa
software, ibig sabihin, may nakakaalam na nage-exist pa ang The Brain maliban sa
atin.."

Sabay silang napabuntong-hininga..

Ang kumplikado. Sobrang kumplikado ng lahat.

"Siguro kelangan muna nating makausap sila Ran at Brent..." sabi ni Laby

Nag-isip sya kung paano ba ang susunod nyang gagawin. Kelangan nya talagang
makausap yung dalawa para malaman kung ano-ano pang sikreto ang tinatago ng mga
softwares at sa mga nabigyan ng copies.

"Oh, shit!" napatayo agad si Laby nang maisip nya yung isa sa connections "Li
Yuan!" humarap agad sya kay Yoshi "Li Yuan!! Li Yuan!! Amp-- Argh!" nasipa tuloy
nya ang puno ng wala sa oras

"O??" napatayo agad si Yoshi dahil sa reaction ni Laby "Anong problema mo?"
"Li Yuan!!" sigaw ni Laby habang nasa gilid ng ulo nya ang mga kamay na
nanggigigil

"Anong Li Yuan? Sinong Li Yuan??"

"May copy si Ran ng software!! Agh, fvck!!" nagpabalik-balik si Laby sa pwesto


habang hawak ang lowerlip nya

Kung si Li Yuan ang redeveloper,

Kung ang girlfriend na pinagbigyan ay si Masayoshi,

At may chance na ang kapatid ay si Ran,

Meaning, ang bestfriend ay may connect kay Brent. O sa kapatid ni Brent.

"Anong connect ni Li sa software at dun sa Li Yuan na binabanggit mo?" tanong ni


Yoshi

Huminto sa pagpapabalik-balik si Laby at sinilip ang laptop. Tapos na sa decoding.


Binunot agad nya ang Gameboy at tinignan ang compatibility.

"Oh man.." nalungkot bigla ang mukha ni Laby at saka tinignan si Yoshi "Copy lang
ang nasa iyo.. Hindi yan ang original.."

Iniligpit na agad ni Laby ang mga gamit nya dahil tapos na ang software findings
nya kay Yoshi.
"Sa ngayon, tapos na ang kaso ko sayo.." sabi ni Laby "Pero may chance na
kailanganin pa kita sa mga susunod na araw.."

Bzzt Bzzt

"Pano yung sa ate ko? Kaya ko binigay ang impormasyong hinihingi mo dahil doon!"

Tumayo na si Laby at isinuot ang bagpack. "About that, may alam ako kung paano mo
malalaman ang killer ng ate mo..."

Bzzt Bzzt

"Maghintay ka ng pagkakataon, bibigyan kita ng card na magdadala sayo sa lugar kung


saan mo madaling mahahanap ang killer nya.." kinuha na nya ang phone nyang nagv-
vibrate at tinignan ang message

Bzzt Bzzt

Xaylem: LSG vs LRG. 6 pm

LRG.
LRG.

LRG.

Napayukod nalang sya ng maisip ang acronym na yon. "Ambait ng langit... Grabe.."

Napabuntong hininga nalang sya. Walang ending ang problema nya. Gusto na nyang
matulog para mapahinga naman ang utak nya. Mamaya magkaroon sya ng mental
breakdown, mahirap na. Baliw na nga si Armida, baliw na rin si Josef, pano na kung
pati sya mabaliw na rin?

"Hindi ko maintindihan? Anong card?" nagtatakang tanong ni Yoshi na nakuha na rin


ang laptop nya sa damuhan

"Maghintay ka hanggang 21.. Dun ko sasabihin ang tungkol sa card. Sa ngayon, wala
pa ko sa posisyon para magdesisyon tungkol dyan.."

Naglakad na si Laby pabalik sa building. Tinignan nya ang oras, hindi pa tapos ang
recess. May 10 minutes pa. Nakasunod naman sa kanya si Yoshi na gusto na talagang
malaman ang tungkol sa kaso ng kapatid nya.

"Kapag ba nabigyan ako nung card na sinasabi mo, mahahanap ko na ang killer ng ate
ko?" pangungulit ni Yoshi
"Well, ang tamang term is.. Kapag nabigyan ka ng card na yon, may karapatan ka nang
kuwestyonin ang kahit sino. That way, madali na ang paghahanap mo sa killer ng
kapatid mo.."

"T-t-teka nga.. Teka lang ha.. Ano??"

Huminto sa paglalakad si Laby at humarap kay Yoshi "That card represents your
power as one of the powerful person in the world. Criteria: Money, family, fame,
bloodline, skills, abilities, people, knowledge, strength, status..." tatalikod na
sana sya ng may maalala pa "Authority and will.."

At nagpatuloy na sya sa paglalakad.

"May chance kang mapasama dahil sa bloodline and family mo. Dagdag pa na nasa main
family ka. Kapag nabigyan ka ng card, buong mundo, kaya mo nang tanungin sa
pagkamatay ng kapatid mo.. Isa ako sa nabigyan ng card. Pasado ako sa money,
skills, status and knowledge.. Actually, si King may chance din because he has the
money, fame, bloodline, status, abilities and authority.. "

Napahinto agad si Yoshi sa sinabi ni Laby "Si King?"

"Yeah.. Now, I'm the one who holds the list.. If you're not deserving for the
position, mawawala ka sa listahan.. Marami kayo, at sa listahan ko, marami-rami
ring nangingibabaw. Sabihin nating, wala ka pa sa Top 5. Lalo pa, bloodline at
family palang ang nakikita ko sayo.. Abilities, strength, skills, knowledge.. Medyo
tagilid ka dahil wala pa kong nakikitang special about those category.."

"Kung hindi deserving si King, mawawala ba sya sa listahan mo?"


"No, sya ang nasa unahan ng listahan ko. Tanggalin man ang isa sa criteria na
ipinasa nya, hindi pa rin ako mawawalan ng dahilan para bigyan sya ng card.."

Dahil sa sinabing yon ni Laby. Naisip ni Yoshi na kelangan nyang patunayan ang
sarili nya. Para sa pagkamatay ng ate nya. At para malamangan si King.

Dali-dali nyang hinabol si Laby..

"Kapag pumasa ako sayo, mabibigyan ako ng card?"

"Yeah.. Absolutely.."

Nabuo sa isipan ni Yoshi na kelangan nyang dikitan si Laby para makita nito na mas
deserving sya kesa kay King. Hindi sya

makakapayag na hanggang dito makakalamang na naman ang King na yun.

Kung laging makikita ni Laby ang lahat ng effort nya, mauunahan nya si King na
makakuha ng card.

Uwian na at nasa kanya-kanyang Faculty pa si Josef at si Armida. May general


meeting ang mga teachers sa Byeloruss. Nagtutulong-tulong naman sa paggawa ng ilang
teaching materials para sa mga estudyante ang mga teachers sa Diaeresis.

Alas tres na ng hapon at naisipan ni Laby na umuwi nalang muna para magpahinga. May
laban sila mamayang 6 sa Xaylem. At sa dinami-rami ng lalabanan, yung Lavender Rose
Gang pa. Naglalakad sya ngayon papunta sa main gate at mukhang maglalakad nalang
sya pauwi dahil wala syang service.

At dahil target ni Riggs si Shiner, hindi sila pwedeng magtagpo-tagpo sa Xaylem.


Mas mabuti kung i-indian-in nila ang laban. Hindi naman sila pumunta doon para
makaabot sa Top 1. Nandoon sila para maghanap ng Superiors. Ayaw din nyang
makipaglaban ngayon dahil kahapon napalaban na sila sa maraming fighters. Una muna
nyang kakausapin si Josef. Sasabihin nyang pass muna sila.

At mas mabuting walang magbabanggit kay Armida na may laban sila. Para walang
maging problema.

Pagkatapos, pwede na syang matulog kahit sandali. Dalawang linggo na syang walang
maayos na tulog. Apat na oras nalang din ang nagiging tulog nya dahil nagre-report
sya every night sa Citadel. Lagi pa syang pagod dahil marami syang inaasikaso lalo
na sa mga nasa listahan nya. Halos araw-araw nyang libutin ang buong perimeter ng
location nila sa loob ng dalawang linggo. Kelangan nya ng pahinga, kundi bibigay
ang katawan nya ng wala sa oras.

"Hey, cutie pie!"

Napahinto sa paglalakad si Laby nang bigla syang akbayan ng kung sinong hudas.
Unti-unti nyang itinaas ang tingin nya at nakita nya ang ngiting-ngiti na si Ran.

"Nagbago ba isip mo, hmm?" nakangiti nitong tanong

Wala sa mood si Laby makipagtalo. Nag-eyeroll lang sya at tinabig nya agad ang
kamay ni Ran sa balikat nya. Nagsimula na uli syang maglakad dahil tinatawag na sya
ng higaan.

Saka na nya kokomprontahin si Ran. Wag ngayon dahil ina-analyze pa nya ang
sitwasyon. Mahirap kumilos nang hindi nagpaplano. Lalo pa, hindi nagf-function ng
maayos ang utak nya dahil sa dami ng nalaman at sa pagod.

At kung kapatid nga ng kutong lupa na yon si Yuan, may chance na nasa kanya ang
original copy. Pero kung si Yuan ang nag-redevelop, alam nyang hindi nito ibibigay
ang delikadong software sa kapatid nyang loko-loko. Wala kay Ran ang original copy.
Yan ang kahit pano'y sigurado sya.

"Hindi ka rin pakipot 'no?"

Hinabol sya ni Ran. Nakapamulsa ito at paatras na naglalakad habang nasa harap nya.
"Know what, hindi pa pinapanganak ang babaeng hihindi sakin.."

"....."

"Ano bang problema mo?"

"....."

"Maganda ka sana, isnabera ka lang.."

"....."

"Ayaw mo bang malaman kung sino yung redeveloper ng software?"

"....."

"Ayaw mong makilala yung owner ng original copy?"

Wala na namang sinagot si Laby. Gusto na nyang magwala kaso tamad na tamad talaga
syang makipag-away.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Ran at huminto sa paglalakad. Kinuha nya ang braso ni
Laby dahilan para mapahinto rin ito.

"Anong sinabi sayo ni Yoshikawa?" seryosong sinabi ni Ran habang nakatingin sa


main building

"Bakit naman nadamay dito si Yoshikawa?" tinatamad na tanong ni Laby habang


nakatingin sa main gate

Tinignan nilang dalawa ang isa't isa.

"Nakita kayo ng ibang estudyante na magkasama kanina sa garden. Hindi basta-basta


nakakausap ng kahit sino si Yoshikawa unless interesado sya sayo.."

Tumango naman si Laby sa narinig "Ok. Marami syang sinabi. Karamihan tungkol sa
software na tinanong ko sayo..."

Kumunot agad ang noo ni Ran sa sinabi ni Laby "Nagsalita sya?"

"Gusto nyang mahanap ang killer ng kapatid nya. May connect yun sa software."
hinawakan nya ang kamay ni Ran na nakahawak sa braso nya para tanggalin ito "Kaya
kung may gusto kang sabihin, pwede bang bukas nalang, hmm? Pagod ako. Masakit na
ang ulo ko pati ang katawan ko. Promise, kakausapin kita bukas"

Binitawan na rin sya ni Ran nang makita nitong mukhang pagod nga talaga sya. Wala
ring lakas ang paghawak nito sa kanya para lang bitawan nya ang braso nito.

"May sakit ka ba?"


No comment again.

Naglakad nalang si Laby palabas ng gate. Nakakaubos ng energy makipag-usap kay Ran.
Gusto na talaga nyang matulog.

"Haaayy..." huminto sya sa kalsada at tinignan ang building ng Diaeresis "I want
to sleep. Josef, pa-service..." inabot nya ang building sa hangin at napayuko sya
dahil sa katamaran. 5 pa ang labas ni Josef at Armida. Pagod sya para maglakad
pauwi.

"Oy..." nagulat sya ng may biglang humatak sa kanya

Tinignan nya ang kamay nyang hawak ng kung sino, kasunod ang humahatak sa kanya
papunta sa loob uli ng school.

"San mo ko dadalhin ha? Sabi ko diba, bukas na tayo mag-usap" tinatamad pero inis
nyang sinabi

Sya naman ngayon ang hindi sinagot. Tuloy-tuloy sila sa parking lot sa loob ng
Byeloruss.

"Ran, pwede ba!"

Huminto si Ran sa isang gray na Wigo at binuksan ang pinto ng front seat "Sakay.."

Tinignan lang sya ni Laby

Napailing nalang sya at itinulak nalang si Laby papasok sa loob ng kotse. Hindi na
nakapalag pa si Laby, wala sya sa mood. Sunod na sumakay si Ran sa may driver's
seat.

"San ka umuuwi?" tanong ni Ran

"Ibaba mo nalang ako sa may Jacey's.."

"I'm asking you where do you live?" seryoso nitong tanong. Sandali syang tinitigan
ni Laby. Mukhang nawala na rin sya sa mood makipaglaro.
Humugot ng malalim na hininga si Laby at tumingin sa labas ng bintanang nakasara
"Sa Verdant. Lot 408."

Walang sinagot si Ran sa halip ay nag-drive nalang ito palabas ng gate.

Kahit na may issue si Laby kay Ran, hindi na rin ito tumanggi pa sa paghatid nito
pauwi sa pansamantalang bahay nila. Masamang tumanggi sa libre, wala kang
matatanggap na grasya.

At hindi pa sya maglalakad :)

Nag-seatbelt nalang sya dahil baka mag-damoves pa si Ran sa kanya, mahirap na. Alam
na nya yang mga style na bulok na yan.

. . . . . . . .

Hindi pa sila nakakalayo sa Byeloruss, tulog na si Laby. Pagod na nga talaga sa


dahil wala pang limang minuto bagsak na sya.

Sandaling hininto ni Ran ang kotse at sinuot ang seatbelt nya. For safety lang,
mahirap na, marami pa naman syang kalaban sa area.

Baka may makabungguan sya.

Hindi nya tuloy naiwasang tignan si Laby na mahimbing na agad ang tulog.

Hindi nya alam ang gagawin nya.

Gusto nya itong halikan.


Gusto nya itong hawakan sa kung saan-saan.
Gusto nya itong dalhin sa lugar na walang makakapigil sa kanya sa kahit anong
gagawin nya.

Kaso sinasabi ng konsensya nya na iuwi ito sa kanila dahil pagod nga itong talaga.

Kaya after ng ilang masamang balak at ilang masasamang plano sa isip, ini-log nya
agad ang address na sinabi ni Laby sa GPS ng kotse nya at saka sya nag-drive para
iuwi si Laby sa kanila.

15 minutes lang ang layo ng Byeloruss sa bahay nila Laby. Pero inabot sila ng 34
minutes bago makapunta doon dahil may checkpoint sa gate ng subdivision at
nagkaroon ng hanapan ng lisensya. Pasalamat nalang si Ran dahil naisipan nyang
itago sa lalagyan ng kotse nya ang student's permit nya na ilang araw nalang ay
paso na. Huminto ang kotse sa tapat ng isang modern house na kulay blue sa may
nakalagay na 408 na naka-engraved sa poste ng gate sa ilalim lang ng doorbell.

Bumaba agad si Ran at tinignan ang paligid. Private subdivision yon kaya hindi na
nakapagtataka na kanto ang layo ng bawat bahay sa lugar.

Lumapit sya sa single gate at nag-doorbell agad. Inilibot nya ang tingin sa
paligid. Walang sumagot o lumabas man lang sa bahay.
Nag-doorbell uli sya at sinulyapan si Laby na tulog pa rin sa loob ng kotse.
Tinignan nya sunod ang relo nya dahil wala pa ring sumasagot o kaya lumalabas sa
loob ng bahay.

And since walang sumasagot o lumalabas sa bahay, sinubukan nyang buksan ang gate
tutal mababa lang naman.

"O?" nagulat sya dahil bumukas ang katabing mas malaking gate na parang
pinapapasok sya pati ang kotse nya. Sinulyapan nya si Laby na tulog pa rin at saka
ibinalik ang tingin sa gate na bukas na bukas na.

"Ow-key..." dali-dali nalang syang sumakay uli sa kotse at nag-drive papasok sa


loob ng bahay.

Nadaanan nya ang garden na malawak. Tinignan nya kung saan sya pwedeng mag-park.
Nakita nya ang isang malaking space na katabi lang ng main door ng mismong bahay
kaya doon nalang nya naisipang mag-park.

Bumaba na sya at sinilip-silip pa ang buong paligid. Ang tahimik. Mukhang walang
tao.

Umikot sya sa kabilang pinto para gisingin na si Laby.

"Hey, cutie pie.." niyugyog nya si Laby para gisingin "Yo.."

Hindi magising si Laby.

"Etherin.. Millicent.. Huy.."

Ayaw pa ring magising ni Laby.

"Psh.." tinanggal na nya ang seatbelt ni Laby at saka nya ito binuhat

"Ayp-- Ambigat mo pala.." nahirapan sya sa pagbuhat kay Laby dahil unang una,
hindi naman sya sanay na nagbubuhat ng mabibigat at pangalawa, may pagka-lampayatot
sya.

Hindi naman mabigat si Laby, weak lang talaga sya.

"Ay shet.." hindi pa sya nakakalimang hakbang, bigla nang nagising si Laby.

"Uhmm.. T-teka..."

Dali-daling ibinaba ni Ran si Laby. Una, dahil gising na ito. Pangalawa, hindi na
nya kaya.
Nagkusot-kusot pa ng mata si Laby at tinignan ang paligid.

"Nasa bahay na ba ko?" tanong nya habang nililingon ang paligid

"Tama naman ako ng pinasukang bahay diba?" curious na tanong ni Ran

Tumango naman si Laby, hindi para sagutin si Ran, kundi dahil feel lang nyang
tumango.

"Hehehehe..." napahawak sa batok si Ran at saka itinuro ng kabilang kamay ang


pinto ng bahay "Pwedeng maki-inom ng tubig??" nahihiyang sinabi ni Ran

Parang walang narinig si Laby pero sinenyasan pa rin nya si Ran na sumunod sa
kanya.

Pagtapat nila sa pinto...

"Whoah." nagulat sya dahil bigla itong nag-slide pabukas.

Tuloy-tuloy na pumasok si Laby at sumunod naman sa kanya si Ran na parang nun lang
nakapasok ng bahay ng tao kung makalibot ng tingin.

Naramdaman na ni Ran ang pangangawit ng braso nya dahil sa pagkakabuhat kay Laby.
"Aish.." in-stretch-stretch pa nya ang braso.

Feeling macho kasi.

Inilibot nya ng tingin ang buong loob ng bahay. Isa-isang nagbukasan ang ilaw.
Bigla ring bumukas ang aircon.

"A-yos"

Hinubad agad ni Laby ang maliit nyang bagpack at hinagis sa two-seater sabay higa
sa katapat nitong sofa bed. Itinuro nya ang kusina para kay Ran "Ikaw na ang
kumuha ng tubig mo. Tapos lumabas ka na."

Napakunot ng noo si Ran dahil sa sinabi ni Laby "Ayos..."

At dahil may permission ni Laby, pumunta nga talaga sya sa kusina para humanap ng
maiinom. Diretso agad sya sa ref...

"Wow, puno.." kinuha nya ang isang pineapple juice in-can at uminom. Pinatagal pa
muna nya sa bibig nya yung juice bago lunukin. Ew.

Tumatango pa sya habang nililibot ng tingin ang kusina at ang hagdan paakyat sa
second floor.

And because of curiousity, naisipan nyang libutin sandali ang bahay. At dahil hindi
mapapansin ni Laby na aakyat sya sa taas, dumire-diretso nga sya paakyat.

Napansin nyang may dalawang pinto sa kaliwa nya at mini library naman ang sa kanan.
Sinubukan nyang buksan ang parehong kwarto kaso parehong naka-lock.

Bumaba nalang ulit sya para balikan si Laby na nakaidlip sa sofa.

"Tama ba ko ng napasukang bahay?" tanong nya sa sarili "Di kaya--"

Napahinto sya ng biglang may humawak sa leeg nya mula sa likod habang may nakatutok
sa likod nyang hindi nya sigurado kung ano.

"Who are you?" tanong ng nakahawak sa kanya

Sinubukan nyang tignan sa gilid ng mata nya kung sino ang tao sa likod nya.

"Hinatid ko si Millicent dito sa bahay nya.." sagot ni Ran

"Millicent?"

Ran: Patay. Mukhang mali nga ako ng bahay na pinasukan.

Binitiwan na rin sya ng taong nakahawak sa kanya. Sinulyapan nya sandali ang likod
nya at saka naghanap ng kahit anong maihahampas sa paligid. Nakita nya yung display
na vase sa gilid at mukhang makakatulog ang kahit sino kapag naihampas yon sa ulo.
"Classmate ka ba nya?"

Hindi na nya inabot ang vase sa halip ay hinarap nalang yung humawak sa leeg nya.

"Uhh.." napatingin sya pataas dahil hanggang balikat lang sya nung taong yun

"Ikaw ba ang nagdala sa kanya dito?"

Tumango nalang si Ran. "Question: Pwedeng malaman kung sino kayo? Saka dito ba
talaga nakatira si Millicent?" tanong ni Ran "Baka kasi mali kami ng napasukang
bahay.."

"Ah, I'm Josef. Guardian ako nun.." itinuro nya si Laby "You.. Whole name?"

"Li Xiao Ran.. Ran is enough.." sinundan nya ng tingin si Josef habang papalapit
kay Laby "Dito talaga sya nakatira?"

"Sa ngayon, yes.."

"Questions: Sa ngayon? Bakit? Aalis din ba sya?"

"Aalis din KAMI, soon.." tinantya sya ng tingin ni Josef. Mukhang napapansin din
nito na may something si Ran kay Laby "You know what, kid. If you're interested
with her, mas mabuting kalimutan mo na. Hindi na sya pwedeng magkaroon ng
involvement sa kahit sino. Pag-aari na sya ng iba."

Napakunot agad ng noo si Ran "I'm not saying anything!"

"You're not saying but I can see it in your actions and your words with meanings.."
itinuro ni Josef ang pinto "Salamat sa paghatid mo sa kanya. You can go now.."

"Uhmm, Question: What do you mean by 'pag-aari na sya ng iba?'"

Nag-cross arms si Josef at pokerface na tinignan si Ran "I owe you no


explanations, kid.."

Tumingin sandali si Ran sa kanan at saka tumango "Question: Pwede pa rin ba syang
ligawan?" seryosong tanong ni Ran

Tumaas agad ang kilay ni Josef sa narinig. Gusto nyang matawa dahil diretso syang
tinanong ni Ran. Wala nang pasikot-sikot.

"Nope. Not a chance. She's not your ordinary girl. She may look one but, really,
she's not. It's better if you leave her alone."

"Question: Why?"

Puro sya 'question' before asking question. Hindi tuloy sure si Josef kung
pinagtitripan lang sya ni Ran o seryoso 'to. Naririnig lang nya ang 'question' line
sa mga estudyanteng laging pala-tanong sa teacher.

"Kid, kung tama ang pagkakaalala ko, 2 days palang si Catherine sa Byeloruss. If
you want to court her, that's going to be a problem for you and for her. You're not
serious and she's not the type of girl who take guys like you very seriously."
itinuro nya si Laby na tulog pa rin "See this.. Busy sya and wala syang time for
games. Ni hindi nga sya nakakatulog ng maayos dahil sa trabaho. Leave her alone.
That's the best thing you can do for her.."

Pokerface namang tinignan ni Ran si Josef. Not sure if pumasok sa kokote nya yung
sinabi ni Josef sa kanya.

"Question, Sir: Ano po ba nya talaga kayo?" pokerface na tanong ni Ran

Naningkit lang ang mata ni Josef dahil ayaw na ngang lumayas ni Ran, puro pa 'to
tanong "Go home. Now."

"Magre-report ako sa mga pulis kapag hindi nyo ko sinagot.."

"Huh!" ikinagulat ni Josef ang sinabi ni Ran "Ayos ka ha.. Baka gusto mong ikaw
ang i-report ko sa mga pulis. Trespassing ka.."

"Sir, hindi nyo ko pwedeng i-report sa mga pulis because I have the permission of
Millicent to enter this house. Meaning, hindi ako trespassing. And hindi ako
ikukulong because minor pa ko."
Napataas agad ng kilay si Josef dahil marunong gumawa ng dahilan ang loko-lokong si
Ran.

"Out. Now." madiin ang pagkakasabi ni Josef

"She's tired at sinabi nyo na pag-aari na sya ng iba. Tapos guardian lang ang
pakilala nyo sa sarili nyo. Kayo lang dalawa ang nandito sa bahay na 'to. Tapos
sinakal nyo ko kanina at tinutukan ng kung ano sa likod ko. How can I be sure na
hindi kayo masamang tao? Na wala kayong ginagawang masama sa kanya? Pagod sya
tuwing gabi? Baka naman ginagawa nyo syang sex slave dito? Mukhang hindi kayo
pwedeng labanan dahil malaki kayo. Wala sa itsura nyo pero may chance na pedophile
kayo. Aalis din kayo agad? Baka naman wanted kayo sa batas at nagtatago lang? Pwede
ko kayong ipahanap sa mga police records, in case meron na nga kayong criminal
record, pwede na kayong mahuli agad."

Ok, sya na nga si Tricker ng Revenge Gang. Mind-blowing ang takbo ng pag-iisip.

Hindi man totoo ang lahat ng accusation nya, aside from may records nga si Josef,
May makikita sila doon, malamang kapag hinanap nila.

At ang wild ng imagination ni Ran para maisip ang mga ganung bagay base sa lahat ng
sinabi ni Josef at sa sitwasyon nila ngayon.

"Matalino ka ha.." sabi ni Josef at nag-smirk nalang "Fine... Catherine is tired


dahil may hinahanap syang redeveloper at yun ang tinatrabaho nya ngayon. Lakwatsera
yan kaya laging pagod. At dun sa question mo about sa relasyon namin.. Guardian nya
ko, at the same time, guardian namin sya ng asawa ko. Saka, phone lang ang
tinututok ko sa likod mo kanina, hindi yon delikado. Wala rin akong ginagawang
masama sa kanya at.. HINDI. AKO. PEDOPHILE. May asawa ako. At kung sex slave ko
sya, sa tingin mo, paalisin ko sya ng bahay?" itinuro ni Josef ang pinto "Now get
out!"

"Question: Bakit kayo aalis dito?"

Ok, inis na talaga si Josef.

Hinawakan nya ang balikat ni Ran para kaladkarin ito palabas ng bahay. Ayaw na nya
ng tanong. Kaso tinabig agad nito ang kamay nya at umatras ito ng dalawang hakbang.

Naningkit agad ang mata ni Josef dahil mukhang lalabanan sya ni Ran.

"Bakit. Kayo. Aalis?" tanong uli ni Ran

"Hindi ko obligasyon ang magpaliwanag sayo, bata. Lumabas ka na ng bahay namin


dahil kung hindi--"

"Papatayin nyo rin ako? Huh! Malamang na kayo rin ang pumatay sa kuya ko dahil lang
sa software na yon." sinulyapan nya sandali si Laby at ibinalik uli ang tingin kay
Josef "Umamin ka na. Marami kayong nag-aagawan sa software na yun. At kapag
nalaman nyo na ang tungkol sa software at sa redeveloper nun, aalis na agad kayo
dahil tapos na ang trabaho nyo." itinuro nya si Laby "She's a genius! Professor
sya sa isang university! Hindi sya pumasok sa Byeloruss para mag-aral! Dahil ang
totoo, nandun sya dahil may pakay sya! At malamang na pinipilit nyo syang alamin
ang lahat ng may alam tungkol sa software! Pagod sya dahil pinipilit nyo syang
magtrabaho! Pare-pareho lang kayo!"

------

Part 2 next time na :) hehehe..

"Ano ba! Bakit naman ang ingay?!" inis na sigaw ni Laby. Napabangon sya sa
pagkakahiga at ginulo nalang ang buhok nya. Ang ingay kasi nung dalawa, mga
istorbo.

"Hey, kid.." pinitik nya agad sa noo si Laby

"Awww!! Bakit ba?!" tinabig agad ni Laby ang kamay ni Josef

"Hoy, tumayo ka nga muna dyan. Palayasin mo na 'tong bisita mo ha.. Pag ako nainis,
tutuluyan ko 'to.."

"Bisita??" napatayo agad si Laby at nakasimangot na tinignan si Ran "Diba dapat


umalis ka na?!"

Napakamot nalang batok si Ran at napatingin sa ibang direksyon.

"Haay, naku naman!" dali-dali nyang nilapitan si Ran at kinuha ang braso nito.
Hinatak nya ito palabas ng bahay.
Sa labas ng bahay...

"Bakit nagtagal ka pa sa loob! Akala ko ba iinom ka lang?!" sigaw ni Laby

"Kaano-ano mo yung lalaking yon?"

"Ugh! Umuwi ka na, pwede ba.. Bukas nalang tayo mag-usap!"

"I'm asking you, ano mo sya?"

Pagod si Laby at nabitin pa ang tulog nya. Hindi nya napansing nakauwi na si Josef.
At ang mas malala, naabutan nito si Ran sa bahay nila. Tapos kung makaasta pa si
Ran akala mo naman sila ni Laby.

Napahimas nalang sa sentido si Laby habang nakatingin sa baba. Hindi nya alam kung
paano kakausapin si Ran. Wala syang dapat ipaliwanag dito kasi wala naman silang
kahit anong relasyon liban sa pagiging isa sa mga suspect nito about sa software.

"He's my guardian, ok.. Umuwi ka na ha.. Nakakainit ka ng ulo eh.." kalmado pero
dama ang inis sa tono ni Laby

"I don't believe you."

Mariing pumikit nalang si Laby dahil ang sarap hambalusin ni Ran ng dos por dos sa
sobrang kakulitan. Kung maka-interrogate, akala mo naman boyfriend nya.

"Fine!" sigaw ni Laby at tinignan ng masama si Ran na kung umasta, parang


responsibilidad ni Laby na magpaliwanag sa kanya "Sya yung asawa ng bagong adviser
ng 4-F! Nakikitira lang ako dito sa kanila pansamantala! Ano?! Masaya ka na?!"
Tumango naman si Ran sa sinabi ni Laby kahit na mukhang ayaw pa nyang maniwala.

"Kelan ka aalis dito?" tanong ni Ran

Napayukod nalang si Laby at itinukod ang magkabilang kamay sa tuhod. Ubos ang
energy nya kay Ran. Wala na yatang natira sa kanya. Nakakatuyo ng utak, sobra.

"Umuwi ka na." tamad na tamad na sinabi ni Laby. Tumayo na sya ng diretso at dali-
daling naglakad pabalik sa loob ng bahay

"Hey! Kelan ka aalis--"

"Kapag hindi mo ko tinigilan, bukas na bukas aalis na 'ko!!" sigaw ni Laby at saka
sya pumasok sa loob ng bahay

Padabog syang naglakad pabalik sa sofa na hinihigaan nya at inihagis ang sarili
doon para makabalik sa pagkakahiga. Nakikita nya si Josef na nakasilip sa may
bintana ng sala.

"Iba rin trip nun ah.. Anong pumasok sa kokote mo't pinapasok mo yun dito?" tanong
ni Josef

"Umalis na ba?" inis na tanong ni Laby

Sandali syang hindi sinagot ni Josef.

"Sya ba yung redeveloper mo?" tanong ni Josef


"Hindi. Pero mukhang may connect sa kanya yung totoong redeveloper.."

Lumapit na si Josef kay Laby. Umupo sya at nag-dekwatro sa may two-seater habang
nakapatong ang kanang siko sa sandalan ng upuan.

"Mukhang interesado sayo yun ah.. Pati pagiging genius mo at professor, alam nya."
naka-half smile na sinabi ni Josef

Natural lang na malaman yon ni Ran dahil hinanap nya ang profile ni Laby sa Black
Web.

At imbes na unahin ni Laby ang pag-hack sa computer ni Ran para tigilan nito ang
pagkalkal sa profile nya, mas minabuti na nyang i-hack ang computer ni Brent para
kontrolin ang impormasyong lalabas sa Black Web na tungkol sa tunay na pagkatao ni
Armida.

Kumpara sa buhay ni Laby, mas mahalaga pa rin ang profile ni Armida dahil hindi ito
basta-bastang assassin lang.

"Tumawag na ba sayo si Armida?" tanong ni Laby. Ayaw na nyang pag-usapan si Ran,


mabubuang lang sya.

Nag-eyeroll nalang si Josef dahil sa pag-iiba ng topic ni Laby.

"Hindi pa sya tumatawag. Tawagan ko na kaya.." sabi ni Josef sabay kuha ng phone
sa bulsa ng pants nya

"Sandali lang.." bumangon si Laby at itinuro ang bag nya na katabi ni Josef
"Paabot.."

Kinuha naman ni Josef ang bag at iniitsa kay Laby.

"May laban ba tayo ngayon?" tanong ni Josef


"Meron.. Pero hindi tayo lalaban. Pass muna tayo.." sabi ni Laby at kinuha nya ang
Gameboy nya sa bag "Tignan natin kung nasan ngayon yung asawa mo bago mo sya
tawagan.."

Tumaas ang kilay ni Josef dahil hawak na naman ni Laby yung Gameboy nya "Hindi mo
ba kayang bitawan yang laruan mo? 6 years ago, hawak mo na yan, hanggang ngayon
hawak mo pa rin?"

"Kapag binitawan ko 'tong Gameboy ko, para ko na ring binitiwan ang trabaho ko.."
at dahil may tracker si Armida, kitang kita ni Laby kung nasan sya ngayon "Nasa
Byeloruss pa rin sya. That's good news.. Tawagan mo na.." inilapag na ni Laby ang
Gameboy sa sofa at tinabihan si Josef sa two-seater

"Pwedeng linawin mo ang lahat tungkol sa laban natin ngayon.. Sino ang lalabanan
natin at bakit hindi tayo matutuloy.." sabi ni Josef habang palipat-lipat ang
tingin kay Laby at sa phone nyang nagr-ring palang at naka-loudspeaker

"Ang lalabanan natin ngayon ang nasa Top 7. Lavender Rose Gang, gang group na may
ten members, ang leader nila is si Hime Vhanthara. At kung bakit hindi tayo
matutuloy; sya ang target ng kapatid mo. Kapag lumaban tayo doon, para mo na ring
sinabi sa pamilya mo na buhay ka pa."

( Hello.. )

Nagkatinginan sandali ang dalawa at ibinalik ang tingin sa phone

"Armida, nasan ka?" tanong ni Josef

( Nasa school. Bakit?" )

"Anong oras ka uuwi?"


( I don't know. Teka, may laban ba tayo ngayon? )

Tinignan ni Josef si Laby para manghingi ng sagot. Umiling lang si Laby habang
gumagawa ng X sign gamit ang braso para sabihing wala.

"Wala yata.."

( Wala? Pakausap nga kay Laby.. )

Dali-daling umiling si Laby para sabihing ayaw nyang makipag-usap kay Armida

"Pagod yung bata. Bagsak nga pag-uwi ko dito. Dito na nga nakatulog sa sofa.."

Nag-thumbs up naman si Laby sa sinagot ni Josef.

( Ah-- Josef, sandali lang ha.. Kausapin ko muna 'tong estudyante ko.. )

"Sige.." simpleng sagot ni Josef. Ibinaba nya sandali ang phone nya para hindi
marinig sa kabilang linya ang magiging pag-uusap nila ni Laby

"Hindi ba nya malalaman na may laban tayo ngayon?" tanong ni Josef

"Magdasal ka na sana hindi nya malaman.." panakot ni Laby

( Hello, Josef.. )
Itinaas na uli ni Josef ang phone "Ok na?"

( Yeah. Uhmm, Josef mukhang gagabihin ako ngayon. Sasamahan ko muna 'tong isa kong
estudyante. Mukhang may binabalak na masama eh, kelangang bantayan, baka magalit
sakin yung mga tao dito sa Faculty kapag gumawa 'to ng problema sa labas. Ok lang
ba? )

Nanghingi na naman ng isasagot si Josef kay Laby kaya inilayo nya muna ang phone

"Tanong mo kung anong oras uuwi?" bulong ni Laby

Inilapit uli ni Josef ang phone "Anong oras ka uuwi?"

( Not sure.. Baka seven na, ayusin ko muna 'tong problema but I'll try to go home
early.. )

Lumaki agad ang ngiti ni Laby at tumango kay Josef

"Uhmm.. Ok. Sige.." nag-thumbs up si Josef at binigyan si Laby ng 'ok na ba yun?'


questioning look. Sinagot naman sya ni Laby ng agreeing nod at thumbs up. "Wag
kang gagawa ng kahit anong problema ha.. Ingat ka pauwi.."

( Hindi ko kayang mag-ingat but I'll try, hehehe.. Gusto ko ng pork medallion for
dinner kaya simulan mo nang magluto.. Ba-bye! )

Napangiti nalang si Josef dahil base sa tono ng pagpapaalam ni Armida, mukhang


masaya ito. Pinatay na nya ang phone at tinignan si Laby

"O, what now?"


--------------

Nasa kusina ngayon si Josef at Laby. Nagmemeryenda sila habang pinag-uusapan ang
ilang bagay-bagay about sa ilang issues nila sa trabaho.

"Pakipaliwanag nga yung tungkol sa lalabanan dapat natin ngayon.." sabi ni Josef
habang pinapanood si Laby na kainin ang ginawa nyang easy-to-bake chocolate cake

"Ah, Lavender Rose Gang. Sila yung Top 7 sa Top 25s. Magaling yung grupo at kung
tutuusin, may chance na makapasok ang grupo sa Top 5, ang kaso nga lang, bihira
lumaban ang grupo kaya hindi tumataas ang ranggo.." lumunok sya at tinuro ng
tinidor si Josef "Yung leader nila candidate ko sa pagiging Superiors. Nakita ko
na yung lumaban, and I'm telling you, kung naging Ranker sya malamang na nasa Class
C and G sya at nasa Rank 4 agad.."

Tumango lang si Josef dahil mabuti nalang at hindi sila lalaban ngayon. Wala syang
balak labanan si Shiner, at mas lalong ayaw nyang labanan ni Armida si Shiner,
paano kung mapatumba ng asawa nya yung bata, o edi kawawa naman. Kung si Laby naman
ang lalaban, mahirap na kung sakaling matalo si Laby, sya ang leader ng grupo kaya
hindi sya pwedeng mapabagsak.

And speaking of which, ang gusto nyang malaman ay...

"Pamilyar ka ba sa pangalang Shiner Jean Soliman?" tanong ni Josef

Huminto sa pagnguya si Laby at napainom agad ng juice "Sya yung leader ng grupo.
Sya rin ang target ng kapatid mo. Anak ni Isidore Soliman, leader ng isang malaking
crime family dito sa bansa. Isa ang Soliman crime family sa mga pinaghihinalaang
tumapos sa Zubin dahil alam naman ng lahat na hindi allies yung dalawa.."

Naalala agad ni Josef ang lahat ng sinabi ni Shiner sa kanya at ilang bagay na
naikwento nito about sa tatay nya.

"Alam mo ba ang kalakaran sa pagiging Superiors?" tanong ni Josef kay Laby

Tinitigan sya ni Laby at napaisip ito kung tatango ba o iiling. "Depende, about
what?"

"Kung magiging Superiors si Shiner, sinong mas mataas: sya o yung father nya?"

"If that's the case, one of the reason kung bakit sya magiging Superior is because
of her father. Influence is important. Kaya kung ako ang tatanungin, makaka-level
nalang nya ang father nya when it comes to authority once na maging Superior sya.
Hindi sakop ng Superiors guild ang family nila kaya hindi ko masasabi kung sino ang
mas mataas."

"Kung magiging Superior sya, hindi na ba sya magagalaw ng father nya?"

Tnignan sya sandali ni Laby bago ito nagbaba ng tingin "Kapag pumayag sya sa
position at pinilit sya ng father nyang gawin ang gusto nito.. Kahit si Isidore
Soliman pa ang ama ni Shiner, kapag ginalaw nila ang isang Superiors, lalaban ang
mga Guardians para lang protektahan si Shiner kahit na ang maging labas ay para
tayong naghahamon ng gyera sa family nila.."

Napatingin sa kanan si Josef at saka tumango. Ayos din naman pala kapag tinanggap
ni Shiner ang position. Mapoprotektahan sya ng mga Guardians.

"Nasa iyo ba ang mga summons card? Pahingi ng isa, ibibigay ko sa kanya.." sabi ni
Josef

Napahinto sa pagkain si Laby at tinaasan ng kilay si Josef. "Magdedesisyon lang


tayo kapag natapos na ang listahan ko.."
"Card..." inilahad ni Josef ang palad nya para hingin ang card kay Laby. Tinitigan
lang ni Laby ang palad ni Josef.

"Ayoko nga.." at nagpatuloy na si Laby sa pagkain "Hwoy!!" tinignan nya agad ng


masama si Josef nang kuhain nito ang kinakain nya

"Card muna, bago cake.." pang-asar ni Josef kay Laby

Napasimangot agad si Laby sa sinabi ni Josef "Ano ko, bata?? Akin na yang cake!!"
tumayo sya para abutin kay Josef ang cake na agad naman nitong nilayo

"Ibibigay ko sayo 'to kapag binigay mo ang card sakin.." sabi ni Josef habang
hinaharangan ang kamay ni Laby para hindi nito maabot ang platitong may lamang cake

"Maglalabas lang ako ng card kapag pati si Armida pumayag na!"

Tumango naman si Josef at inilapag na ang platito sa mesa "Kapag pumayag sya, may
card na si Shiner?"

"Oo na! Kuleeet.." inis nyang hinatak ang platito sa harap nya at bumalik sa
pagkakaupo "Bakit ba ganyan nalang ang kagustuhan mong mabigyan ng card yung
Shiner na yun?"

"Wala lang.. Two days ko na syang kasabay kumain ng lunch sa school. Mukhang takot
ang lahat sa kanya kaya walang nakalapit saking mga estudyante sa kainitan ng
superman-issue ko.. Lagi kasi syang nakadikit sakin.."

Naibagsak ni Laby ang hawak na tinidor at gulat na tinignan si Josef "Nakakausap


mo sya?"

"Yeah.. May background ako ng konti sa tinutukoy mong father nya kaya ko
naitanong.. Mukhang pinipilit syang maging katulad ng father nya.."

"Natural lang yon! Tagapagmana sya eh!"


"Basta yung sinabi mo ha, tuparin mo yun kundi yari ka sakin.." warning ni Josef
kay Laby

"Tss.. Opo na po, kamahalan.." sarcastic na sinabi ni Laby sabay make-face

Napangiti nalang si Josef dahil kapag pumayag si Armida, mabibigyan na ng card si


Shiner. Madali lang namang mapilit si Armida. Konting pakiusap lang, solb-solb na..

-------------------------

Earlier that moment....

Half past four na at tapos na ang meeting ng mga teachers sa Byeloruss.

May christmas event na magaganap sa 21 kaya nagkaroon ng konting pag-uusap sa mga


gagawin sa araw na yon. At dahil dalawang araw nang tahimik ang buong Class 4-F,
nagkaroon ng chance si Armida para pakinggan ang side nya ng ibang teachers since
sya palang yata ang nakapagpatahimik sa buong Class 4-F sa loob ng dalawang araw.

Bad news, walang alam si Armida sa christmas-christmas party na yan kaya sinabi
nalang nya na kakausapin muna nya ang mga estudyante nya para malaman nito kung
anong dapat nilang gawin at saka na sya magbibigay ng final plan sa mga teachers.
Nasa elevator sya ngayon at pababa na sa ground floor. Iniisip nya kung ano bang
magandang gawin sa party na yun dahil yun ang last day nila sa area at dapat maaga
syang makauwi. Ang sabi kasi ng mga teachers , aabutin ng gabi ang event kaya
mukhang magkakaproblema sya sa time.

Lumabas na sya ng elevator...

"Maam!!" sinalubong agad sya nila James at Eljand

"O, kanina pa uwian nyo ah.. Ano pang ginagawa nyo dito?" tanong ni Armida na
patuloy lang sa paglalakad habang sinusundan ng dalawa nyang estudyante

"Maam, may graveyard fight ngayon sa Xaylem! Manonood ka?" excited na tanong ni
Eljand

"Anong graveyard fight?" tanong ni Armida

"Graveyard fight yung ano, Maam... Nagkakaroon lang ng ganung laban kapag nasa Top
10 ang naghamon ng laban! Astig lahat ng night fights na napanood ko sa Xaylem,
Maam! Sulit manood! Bibihira lang kasi.. Kadalasan sa XZQ lang nagkakaroon ng night
fights!" masayang sinabi ni James

"Gabi sya ginaganap para highlight na highlight! Mas cool manood kapag gabi ang
laban! Naglalabasan kasi ang mga malalakas kapag lampas ng 6pm." -Eljand

"Sino ba ang maglalaban?" -Armida

"Sino pa?! Eh di yung Legends at Roses!" nag-apir sila ni Eljand sabay taas ng
kamao sa hangin

"Legends, na Legendary Superiors Gang?" -Armida

"Yep yep!" -Eljand


"Ano yung Roses?" -Armida

"Lavender Rose Gang, Maam! Astig yung grupo na yun!" -Eljand

"All-girls pa! At nasa Top 7 sila!" -James

"YEAH!!" nag-fit bump pa yung mag-bespren

"Kanino ka tataya? No. 99 o Hime Vhanthara?" tanong ni Eljand kay James

"Eh..." napaisip sandali si James "Kay No. 99 ako. Mas magaling sya eh.."

May laban pala sila ngayon. Mukhang kelangan nyang magpalit ng damit dahil hindi
sya pwedeng lumaban ng naka-skin-tight dress sa harap ng mga audience sa Xaylem.

Bzzt Bzzt

"Ano, Maam? Sama ka?" tanong ni James

Bzzt Bzzt

Kinuha agad ni Armida ang phone nya sa bulsa ng blazer nya at sinagot ang tumatawag
"Hello.."

( Armida, nasan ka? )

Si Josef pala..

"Nasa school. Bakit?"

( Anong oras ka uuwi? )

Huminto sya at tinignan sila Eljand at James na napahinto rin at nakatingin sa


kanya

"I don't know..." sinenyasan nya ang dalawa nyang estudyante na mauna na. Tumango
naman ang mga ito at slomo na naglakad palabas ng main building "Teka, may laban
ba tayo ngayon?"

( Wala yata.. )

"Wala?"

Napaisip agad sya dahil kakasabi lang nung dalawang fans ng grupo nila na may laban
sila ngayong gabi

"Pakausap nga kay Laby.."

( Pagod yung bata. Bagsak nga pag-uwi ko dito. Dito na nga nakatulog sa sofa.. )

"Ah-- Josef, sandali lang ha.. Kausapin ko muna 'tong estudyante ko.." inilayo nya
ang phone at tinignan sila Eljand at James na nagkukwentuhan habang naglalakad
( Sige.. )

Napatango nalang si Armida dahil hindi na sya magtataka kung pagod si Laby. Ang
dami ng nakalaban nila kahapon, ang aga pa ng pasok nya ngayon, malamang nga na
bibigay yun. Tapos naiintindihan naman nya na hindi alam ni Josef na may laban sila
ngayon. Si Laby lang ang nakakaalam ng schedule nila.

Kung tulog si Laby at walang alam si Josef na may laban... Mukhang mas masaya kung
mag-isa nalang syang lalaban sa Xaylem.

Saka nalang sya magpapaliwanag pag-uwi nya. Wala na silang magagawa nun kahit na
bulyawan pa sya dahil nakalaban na sya. Yeah.

Nakangiti syang itinapat uli ang phone sa tenga nya

"Hello, Josef.."

( Ok na? )

"Yeah. Uhmm, Josef mukhang gagabihin ako ngayon. Sasamahan ko muna 'tong isa kong
estudyante. Mukhang may binabalak na masama eh, kelangang bantayan, baka magalit
sakin yung mga tao dito sa Faculty kapag gumawa 'to ng problema sa labas. Ok lang
ba?" nagsimula na syang maglakad para habulin ang mga estudyante nya

( Anong oras ka uuwi? )

"Not sure.. Baka seven na, ayusin ko muna 'tong problema but I'll try to go home
early.."

( Uhmm.. Ok. Sige.. Wag kang gagawa ng kahit anong problema ha.. Ingat ka pauwi..
)

"Hindi ko kayang mag-ingat but I'll try, hehehe.. Gusto ko ng pork medallion for
dinner kaya simulan mo nang magluto.. Ba-bye!" masaya nyang sinagot at saka
pinatay ang phone nya

O, pumayag si Josef na umuwi sya ng gabi. Good news! Malaya syang makakalaban! Wala
pa yung dalawa sa Xaylem, bwahahaha!!

_______________________________

Hindi sumabay si Armida sa mga estudyante nya. Sa halip ay pumunta ito sa isang RTW
store para bumili ng damit na isusuot sa laban.

Quarter to six na at ilang metro lang ang layo ng Xaylem sa location nya ngayon.

Lumabas sya ng store na nakasuot ng black v-neck shirt na sobrang fit sa kanya at
short shorts. Ipinatong nalang nya doon ang white blazer nya. Naisipan nyang mag
black Chuck Taylor nalang para kumportable kesa sa suot nyang 4inch heels. Paglabas
nya, may nakita syang bilihan ng mga sewing products and accessories sa tabi ng
store at bumili sya ng mask doon. Black ang kulay na may glitters na white as
design na may rubber para maisuot sa ulo. Mata lang ang natatakpan nun pero ayos
lang. Lumaban nga syang naka-shades lang eh. Isinuot nya yon at itinago ang rubber
sa loob ng buhok nya para hindi awkward tignan sa kanya.

After ng 8 minutes na byahe, nasa Xaylem na sya at hinihintay sa arena ang grupong
lalabanan nya mag-isa.

Nakatago sya sa likod ng poste ng Xaylem habang pinapakinggan ang maiingay na


manonood na nagtatalo na kung sino ang mananalo.

Magaling ang LSG pero magaling din ang LRG. Parehong magaling, parehong iilang
laban palang nila ang napapanood.

Bihira ang laban ng Lavender Rose Gang. Pero alam ng lahat na magaling sila at
napatunayan na nila yon.
Dalawang laban palang ang nagagawa ng Legendary Superiors Gang. Pero aminado na ang
lahat na magaling sila at napatunayan na nila yon.

Tinignan ni Armida ang relo nya, 18 minutes na ang lumilipas, wala pa rin ang mga
kalaban nya.

"Mga paimportante.." bulong ni Armida "Kapag sinabing 6 ang laban, dapat wala
pang 6 nandito na sila.."

Sinilip nya ang labas, lumubog na ang araw.

"XAYLEM!!!"

Umalingawngaw sa buong Xaylem ang boses na yon na galing sa speaker.

"Welcome to Graveyard Fight!"

Biglang nagwala ang crowd at sinisigaw na ang mga bias nila.

Alam nyang madami pang cheche-bureche ang mga yan kaya hinintay nalang nya ang time
na tatawagin na ang pangalan ng grupo nila.

"Ang humamon!! On the right side of the arena!! Ang 7th Placer ng Top 25s!! Ang
deadly beauties ng battlegrounds!! LAVENDER ROSE GANG!!"

"Roses!! Roses!! Roses!! Roses!!"

"Hime Vhanthara!!"

"LRG!!"
Naglabasan na ang mga member ng Lavender Rose Gang at pare-pareho silang nakasuot
ng mga astiging damit. Black and violet ang color scheme nila. May mga spikes at
may different violet-shades roses patch sa chest part ng damit. Lahat sila puro
babae.

Ang daming nagsisipulan at nagtatawag na ng pangalan ng gusto nilang maging


girlfriend at mga binibigyan na nila ng marriage proposals. Ngunit parang walang
naririnig ang mga babae at ang ilan sa kanila, ang taray pa habang tinitignan ang
mga kuko nilang magaganda.

"Ang hinamon!!--"

"WHOOHH!!!"

"LSG! LSG! LSG!"

Hindi pa tapos ang arbiter, umalingawngaw na agad ang cheer ng crowd. May fans.

"On the left side of the arena!! Ang bagong 10th Placer ng Top 25s!! Ang mga
binansagang Legends dahil sa kanilang kakaibang galing!!--"

Wow, may bansag na agad sa kanila ang Xaylem.

"LEGENDARY SUPERIORS GANG!!"


"Whoohh!!"

"Roses!!"

"Legends!!"

"Roses!!"

"Legends!!"

Lumabas na nag-iisa si Armida sa pwesto nya na nagpatahimik sandali sa buong


Xaylem.

"Good evening Xaylem!!" bati ni Armida sa buong Xaylem with matching handwave pa
na akala mo magco-concert lang

"WHOOOHH!!"

"NO. 99!!"

"IDOL!!!"

"No. 99 marry me!!"

"Ang hot mo!!"

"Ang sexy mo!!"


"Akin ka nalang!!"

"Legends!!"

Daming fans... :)

Binulungan sandali ng leader ng Roses ang arbiter. Si Armida naman, tinignan ang
relo nya. kaya naman nya sigurong tapusin ang laban bago mag-seven.

"Ikaw lang ba ang lalaban?" tanong ng arbiter kay Armida

"May hamon ako sa kanila," itinuro nya ang mga Roses "Kapag napabagsak nila 'ko
at hindi napatayo sa loob ng tatlong segundo, panalo na sila."

Nilingon naman ng arbiter ang mga Roses. "Ikaw nga lang ang lalaban?"

"Yeah.. Pambawi dahil late ako kahapon" nginitian lang ni Armida ang arbiter

"Oh-key.." lumapit naman ito sa mga Roses at sinabi ang hamon nya

Pagkalipas ng ilang usap-usap, nagsimula na ang laban...

Napuno ng cheer ang buong Xaylem, kanya-kanya na ng taya. Sino nga ba ang mananalo
sa dalawang grupo?
Mas marami nga lang ang cheer ng kay Armida dahil 1 vs 10 ang magaganap.

"Sugod na!" utos ni Armida sa mga Roses

Tinaasan lang sya ng kilay ng mga ito at sinugod ng isang member. Nakaamba na ang
suntok nito at base sa tayo, sisipa ito pagkatapos.

Tinapakan agad ni Armida ang kaliwang paa nito at sinuntok sa lower part ng collar
bone. Hindi na nito naisuntok pa ang kamao at nailuhod nalang ang magkabilang tuhod
sa arena at saka pagilid na bumagsak.

Ganun kabilis.

"One down..." naka-smirk nyang sinabi habang nakatingin sa mga Roses na nagulat sa
nangyari

"NO. 99!! I love you!!"

"IDOL NA KITA!!"

Sigaw-sigaw ng ilang audience ang pangalan nya at ang pangalan ng grupo nila.

"Humanda ka samin!!" sigaw ng dalawang Roses at saka sumugod

Yung isa, sisipa sa gilid nya at ung isa, susuntukin sya sa simura.

Sinipa nya ang alikabok sa arena dahilan para ma-distract ang dalawa at pareho
nyang sinikmuraan at sinampal gamit ang likod ng palad nya. Tumalsik ang dalawa
dahil hindi nya na-kontrol ang lakas sa kamay nya. Nakalimutan nya, hindi nga pala
pwedeng pumatay sa Xaylem. Sana hindi nya napuruhan yung dalawang yun.

Malakas ang cheer ng crowd pero para sa mga nasa arena, wala na silang naririnig.
Nakakabingi ang tibok ng mga puso nila dahil dibdibang laban na talaga ang
nagaganap.

Tatlo na ang bumagsak sa Roses. Chill pa rin si Armida.

Naka-attack position na agad ang tatlo sa mga Roses.

Hindi naiwasan ni Armida na maalala ang Last Abolition nila. Kung si Jocas ang
nakikipaglaban ngayon, ano kaya ang gagawin nya?

Sinugod na sya ng tatlo. Ang isa, sa harap. Ang isa, sa kanan at ang isa sa kaliwa.

Sinuntok nya ang sumugod sa kanan nya at sinipa ang nasa kaliwa. Sisipain dapat sya
sa simura ng nasa harap pero nasalo ng left hand nya ang paa nito kaya hinatak nya
agad ito dahilan para bumagsak ito sa arena.

Hindi nya napabagsak ang tatlo kaya nagawa pa nitong sumugod uli. Sinalag nya ang
suntok ng isa at saka kinuha ang braso nito at tinira ng palm heel ang balikat.

"Aahhh!!!" napaluhod agad ang binalian nya ng balikat at napahawak ito sa braso
nyang nakalaylay na at hindi na makontrol

"Chrysalis!!" sigaw ng isa nitong kasama. Sinamantala iyon ni Armida at saka nya
binira ang tagiliran nito at dinakma ang mukha sabay tulak pababa sa arena. Sa
lakas ng pagkakahampas ng ulo nito, maswerte na kung hindi ito magkaroon ng brain
damage.

Sinipa naman nya ang isa sa mukha at sa sikmura. Napayukod ito kaya binira agad nya
ng gilid ng palad ang batok dahilan para mawalan ito ng malay.

Tumayo ng diretso si Armida at seryosong tinignan ang natitirang Roses. Masama na


ang tingin nito sa kanya dahil sa napanood nilang ginawa nya sa mga kasamahan nila.
Wala nang sabi-sabi, sumugod na ang tatlo na galit na galit.

Isa sa mga kahinaan ng mga lumalaban ay ang galit nito dahil hindi na sila
nakakapag-isip ng matino. Pero isa rin yun sa mga dahilan kung bakit lumalakas ang
ilan.

Ang isa, umiiyak na habang sinusugod sya. Napatid tuloy ito sa isa sa mga Roses na
bumagsak. Nasalo sya ni Armida at kinuha ang kaliwang braso nya at saka hinagis sa
poste ng arena. Yung isang sumusugod, sinipa nya sa tagiliran at saka nya sinuntok
sa ilong. Dumugo agad ang ilong nito kaya napahinto sya sa pagsugod. Ginawa nya
agad dito ang palm heel strike kaya na-paralyze ito agad.

Ang malas nga lang ng natira dahil na rin siguro sa reflex nya kaya hindi nya
sinasadyang nagawa ang HeartStopper.

Ok lang, may Reviver naman sya. Bubuhayin nalang nya mamaya :)

And now...

Ang natitira nalang ay si Hime Vhanthara. Ang leader ng grupo.

Natahimik na namang ang buong Xaylem. Pinatumba ni Armida ang syam na member ng
Lavender Roses nang walang kahirap-hirap. Hindi na alam ng mga audience kung dapat
pa ba silang mag-cheer.

"Ikaw nalang ang natitira.." sabi ni Armida. Itinuro nya ang mga napabagsak nya
"Pasensya na sa ginawa ko sa mga kasama mo. Kasama sa laban ang bumagsak"

Kinuyom lang ni Hime Vhanthara ang kamao nya. Wala na syang magagawa, kelangan
nyang lumaban.

Ang sabi nila, magaling ang baguhan na grupo ng Legendary Superiors. Hindi nya ine-
expect na ganun sila kagaling.
Galit sya dahil bumagsak ang mga kasamahan nya, pero tama si Armida. Kasama yun sa
laban.

Pero ang tinuro sa kanya ng tatay nya. Mga mahihina lang ang may karapatang
bumagsak. At hindi sya mahina. Hindi sya pinalaking mahina. Kung kinakailangang
lumaban ng patayan para lang manalo, pwes lalaban sya ng patayan kahit bawal yon sa
lugar.

Itinapat nya ang kanang kamao sa tagiliran at itinaas ang kaliwang palad sa harap.
Iniatras nya ang kanang paa at pumosisyon para dumepensa at umatake.

"Bakit hindi ka pa sumugod?" sabi nya kay Armida

"Ay, ako ba ang susugod? Akala ko ikaw.." nakangiting sinabi ni Armida

"Lalaban ka ba o makikipagbiruan sakin?" inis na sinabi ni Hime Vhanthara

"Ahkey.. Sige.." naglakad si Armida palapit kay Hime Vhanthara. Kung makalakad
sya, akala mo naman namamasyal lang sa park

Inaabangan naman ni Hime Vhanthara ang ikikilos ni Armida dahil kapag pabandying-
bandying ang lakad, asahan na malupit ito kung sumugod.

Huminto naman si Armida sa harapan ni Hime Vhanthara. Tinignan nya ang palad nitong
base sa pagkakaposisyon ay pang-depensa at opensa.

"Trained ka 'noh.." nakangiting tanong ni Armida

Kumunot lang ang noo ni Hime Vhanthara dahil ang inaasahan nya, susugod si Armida.
"Sumugod ka na!" sigaw nya
"Kapag ako ang sumugod, mapapatay kita.."

"Eh di patayin mo! Pake ko!"

"Ah.. Sige..." tumango nalang si Armida at inisip na gawin nalang ang HeartStopper
para tapos na ang laban. Uuwi pa sya before 7 kaya hindi sya pwedeng magtagal.

Kinuyom nya ang kanang kamao at inihakbang ang kaliwang paa nya para sa pwersa.
Ginawa nya ang HeartStopper, ang kaso nga lang...

...sinalag ng walang kahirap-hirap ni Hime Vhanthara ang kamay nyang puno ng


pwersa. Hindi rin nya nakita ang kanang kamao nito kaya nasikmuraan tuloy sya.

Napayukod si Armida at napaatras ng tatlong hakbang hawak ang tyan nya.

Kumunot agad ang noo ni Armida at tinignan ng masama si Hime Vhanthara na hindi man
lang natinag sa kinatatayuan nito.

Napatayo sya ng diretso at pinunasan ang bibig nya. Akala nya mahina rin yung
leader ng kalaban nila. Napatingin sya sa mga audience na tahimik na nanonood sa
laban nila.

Ibinalik nya ang tingin sa natitira nyang kalaban. Napansin nyang bata pa 'to.
Biglang lumaki ang ngiti nya ng maalala ang ginawa...

Si Ranger ang may pinakamataas na combat skill sa Escadron Elites. At alam nyang
hindi basta-basta ang technique nitong HeartStopper.

At maliban sa mga S Class at ilang mataas na Officials ng HQ, wala na syang


kilalang kayang pumigil sa HeartStopper.

"Hindi ka ba nasaktan sa pagsalag sa tira kong yon?" tanong nya kay Hime Vhanthara
Hindi sya nito sinagot. Pero alam ni Hime Vhanthara sa sarili nya na nasaktan sya
sa pagsalag sa suntok na yon ni Armida. Nanginig ang kaliwang kamay nya at
pinipigilan lang nya ang panginginig nito sa mga oras na yon para hindi mahalatang
nasaktan sya.

Tumango nalang si Armida at binalak na seryosohin na ang laban. May sense namang
kalaban ang natitirang member ng Lavender Rose Gang.

Itinaas nya ang mga manggas ng suot nyang v-neck shirt at in-stretch ang leeg nya
kabilaan. Inikot-ikot nya ang kamay nya at nag-jogging in place.

"Seseryosohin ko ang laban natin. Kapag napatay kita, pasensyahan tayo.." warning
nya sa kalaban

Huminto sya sa pagj-jog at tinitigan ng masama ang kalaban nya.

"Huy, anong--"

Nagsihabaan ng leeg ang mga audience dahil hindi nila nakita kung anong ginawa ni
Armida. Bigla nalang itong naglaho sa kinatatayuan at napunta nalang sa likod ni
Hime Vhanthara.

Nakadiretso ang palad nya at sinubukang patamaan ang leeg ni Hime Vhanthara kaso
nakasalag agad ang braso nito at saka napatalon ng dalawang beses para makalayo kay
Armida.

Sinundan agad sya ni Armida at pinuntirya nito ang dibdib nya. Sinangga nya ng
magkabilang kamay ang paparating na tira at saka sya sumubok na sipain si Armida sa
tagiliran.

Nasipa nga nya ang tagiliran nito pero parang wala itong natanggap na tira dahil
hindi man lang nag-react.
Kinuha ni Armida ang leeg nya at iniangat sya sa arena.

"Agk-- Agk-- B-bitawan mo ko!!" pinipilit nyang tanggalin ang kamay ni Armida sa
leeg nya

"Magaling ka dahil nasasalag mo ang mga tira ko sayo.." ibinato sya ni Armida sa
sahig ng arena

Hawak ni Hime Vhanthara ang leeg nya habang sinusubukang tumayo. Pakiramdam nya,
nahiwa ang mga laman ng braso nya dahil sa pagsalag sa tira kanina ni Armida.
Lalong lumalakas ang panginginig ng kaliwang kamay nya.

"Agh, fvck!" naitukod nya ang kanang kamay nya sa tuhod ng bigla syang ma-off
balance pagtayo

"Ano? Kaya pa?" pokerfaced na sinabi ni Armida

Tumayo na ng diretso si Hime Vhanthara at pinunasan ang bibig nya. Tinignan nya ng
masama si Armida. Hindi nya alam kung susugod na ba sya o hihintayin nalang si
Armida na sumugod.

Lumapit si Armida kay Hime Vhantara at hinanda nito ang mga kuko nya. Balak nyang
tanggalan ng ugat sa likod ng tenga ang kalaban. Bubulagin lang naman, hindi nya
papatayin.

Itinaas nya ang magkabilang kamay na magkakahiwalay ang daliri at itinutok sa gilid
ng ulo ni Hime Vhanthara. Sinuntok sya nito pero sinalag lang ng kaliwang braso
nya. Gagawin nya na sana ang planong pagputol sa ugat pero sinangga agad ng kalaban
ang kamay nya at saka sya tinapakan sa paa at sinuntok sa sikmura.

Tiniis lang ni Armida ang ginawa ng kalaban nya at saka ibinaon ang kuko ng
hintuturo nya sa likod ng kanang tenga nito.

"Kapag hindi ka na nakakita, ibig sabihin nun, tamang ugat ang naputol ko.." naka-
smirk na sinabi ni Armida. Ibinaon pa nya ang daliri nya dahilan para umagos ang
mga dugo sa kamay nya
"Aaahhh!!!" napasigaw si Hime Vhanthara sa sakit

BZZZZZNNNGGG!!!!

Napahinto si Armida sa ginagawa at tinignan ang monitor ng Xaylem. Tinanggal nya


ang pagkakabaon ng daliri nya sa likod ng tenga ni Hime Vhanthara at binitawan na
ito.

May time limit sa Xaylem at tapos na ang 15 minutes na laban nila.

"Saved by the bell..." bulong nya habang nakatingin sa kalaban nyang nahawak sa
likod ng tenga nitong dumudugo

Tinignan nya ang kamay nyang nabahiran na naman ng dugo makalipas ang ilang buwang
hindi paggamit sa mismong kamay nya parang bumutas ng katawan ng iba.

Dahan-dahang lumapit ang arbiter sa kanya habang nakatingin sa kamay nyang duguan.

"Uhh-- T-teka.." sunod nitong tinignan si Hime Vhanthara na nakahawak pa rin sa


sugat na gawa ni Armida

Kinuha nalang ni Armida ang panyo nya sa bulsa ng shorts nya. Lumapit sya sa
kalaban nya at tinanggal nito ang kamay sa tenga nya. Inilagay nya ang panyo sa
sugat at nilagyan iyon ng pressure.

"Diinan mo ang pagkakahawak para hindi umagos ang dugo." kinuha ya ang kamay ng
kalaban nya at inihawak iyon sa panyo
Tumayo na sya at nilapitan ang arbiter. "Sinong nanalo?" tanong nya

Hindi bumagsak ang dalawa pero obvious kung sino ang panalo.

"Legendary Superiors Gang ang panalo" walang buhay na sinabi ng arbiter sa mic
habang nakatingin ng diretso kay Armida

Nanatiling tahimik ang audience sa gabing iyon.

Ang mga cheer nila ay hindi katanggap-tanggap sa parehong grupo.

Hindi pang-Xaylem ang laban na yon. Dapat sa XZQ sya lumaban kung ganun lang din
ang mapapanood nila.

Magaling ang Lavender Rose Gang. Magaling ang Legendary Superiors Gang.

Ang kaso, nakaka-offend kapag may isang nag-cheer, kay Armida man o kay Hime
Vhanthara.

"Legendary Superiors Gang ang bagong 7th Placer sa Top 25s.." sabi ng arbiter at
saka sya may sinenyasan sa gilid ng arena

Naglabasan na ang ilang tao na may dalang mga stretcher.

"Hanapin mo si Abdalghari sa 2nd floor, may ibibigay sya sayo.." mahinang sinabi
ng arbiter kay Armida
Nasa isang kwarto sa loob ng Xaylem si Armida at si Hime Vhanthara. May kwarto pala
sa ilalim ng Xaylem na ngayon lang nila nalaman.

Tinatahi ang sugat ni Hime Vhanthara habang si Armida binibilang ang pera na
binigay sa kanya nung Abdalghari na sinabi nung arbiter.

"Tapos na.. Tatlong stitches din 'to ha.. Inumin mo yung gamot na sinabi ko sayo.."
sabi ng doktor na gumamot kay Hime Vhanthara

"Ikaw yung may gawa nito tama?" tanong ng doktor kay Armida

"Yeah.." careless answer ni Armida habang nagbibilang sa kamay

"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kaso, gawain mo ba--"

"Buti naman at may medical team dito sa ganitong battleground. Ang problema nga
lang dito, hindi sterilized ng maigi ang mga ginagamit nyo. But, nevertheless, the
medical team is a surprise." hinagisan nya ng 5 thousand yung doktor "Labas.."

Tinignan sya sandali ng doktor tapos yung pera naman. "Ilang taon ka na?" tanong
nito

"23.."

"Ok.." tumayo na ito at kinuha ang pera "Ang tangkad mo para sa isang babae.."

"Thank you.." nakangiting sinabi ni Armida habang tinuturo ang pinto


"Psh.." napailing nalang ang doktor at umalis nalang sa loob ng kwartong yon

Naiwan sila doon ni Hime Vhanthara...

Huminto na sya sa pagbilang ng pera at tinignan yung bata na masama ang tingin sa
kanya.

"Yang kamay mo.." sabi ni Armida habang tinuturo ang kamay nung nakalaban nya

Napatingin naman si Hime Vhanthara sa left hand nya na patuloy sa panginginig.

Tumayo si Armida at umupo sa inupuan ng doktor na gumamot kay Hime Vhanthara.

"Sinalag mo ang tira ko, tapos nanginig lang ang kamay mo.. Ayos din.." kinuha nya
ang kaliwang braso ni Hime Vhanthara at hinawakan ang siko nito "May mga sumubok
na sumalag sa tira kong yon. Kadalasan mga rookie," idiniin nya ang hinlalaki nya
sa balat sa braso ni Hime Vhanthara at pinadaan ito pababa sa pulso "Ang
pinakamalalang nangyari sa ibang nagtangka, nabalian ng kamay..."

Napakagat ng labi si Hime Vhanthara dahil pinilipit ni Armida ang pulso nya.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Armida

"Wala," masungit nyang sagot

"Sige, wag mo nang sabihin, malalaman ko rin naman yan mamaya.." binitawan na nya
si Hime Vhanthara at saka nag-dekwatro habang naka-cross arms "Saan ka nakatira?"

"Wala,"
"Estudyante ka?"

"Hindi,"

"Ngayon ko lang nalaman na may money prize pala kapag graveyard fight.. 50 thousand
ang binigay nilang porsyento ko.."

"Ano ngayon?"

Tumayo si Armida at kinuha ang 45 thousand na natitira nyang pera. Bumalik na rin
sya sa pagkakaupo sa harap ni Hime Vhanthara.

"Maganda ang pinakita mong laban kanina.." inilapag nya ang mga pera sa tabi ni
Hime Vhanthara "Hindi ako pumunta dito para sa pera, nandito ako para sa grupo
ko.."

Tinignan lang ng masama ni Hime Vhanthara ang pera.

"I like you, kid.. Gusto mong sumama sakin?" naka-smile na tanong ni Armida

Nilipat naman ni Hime Vhanthara ang masamang tingin nya kay Armida.

"Nakausap ko kanina yung isa mong kasama na binalian ko ng balikat. Wala ka daw
tinutuluyan.. Gusto mong tumira samin?" masayang tanong ni Armida

Lalong kumunot ang noo ni Hime Vhanthara sa tanong ni Armida. Pagkatapos sya nitong
talunin, aalukin sya nitong tumira sa kanila?

"Nababaliw ka na ba?" sarcastic na sinabi ni Hime Vhanthara kay Armida

"Sort of, yeah.." sinilip ni Armida ang tahi ng bata sa tenga nito "Mukhang ok ka
na.. Tara,"
Kinuha nya ang perang napanalunan nya pati na ang kamay ni Hime Vhanthara at saka
nya ito hinatak palabas ng kwarto na yon.

..

Nasa labas na sila ng Xaylem at papunta na ng kotse.

"San mo ba 'ko dadalhin?!" sigaw ni Hime Vhanthara

"Sa bahay namin.." nakangiting sinabi ni Armida

"Eh bakit mo ko dadalhin sa inyo?! Kilala mo na ba ko para dalhin mo sa bahay nyo!"

"Wala akong pake kung hindi kita kilala... Wala kang bahay kaya patitirahin kita
samin.."

Hinatak nya si Hime Vhanthara papunta sa passenger seat at sapilitan itong


pinasakay sa kotse. Dali-dali syang sumakay sa kotse baka kasi tumakas yung bata.

"Pagsisisihan mo 'tong ginagawa mo!" inis na sinabi ni Hime Vhanthara kay Armida

"Lagi naman akong nagsisisi sa lahat ng ginagawa ko.. Wag kang mag-alala, may pork
medallion na niluto ang asawa ko.. May pagkain tayo pag-uwi.." napatingin sya sa
relo nya ng maalala si Josef "Ayampowtek! Alas otso pasado na!!"

Nag-panic na tuloy sya at nagmadali nang mag-drive pauwi.


Patay sya lalo. Ang usapan, alas syete lang..

Kelangan na tuloy nyang pag-isipan ang mga linya nya pag-uwi.

Madali lang kausap si Josef, babarahin nalang nya. Si Laby naman, pwede na nyang
takutin.

"Sa tingin mo, nasan na yun?" naiinip na tanong ni Josef

Ilang tawag na ang ginawa nya kay Armida pero hindi man lang nito nagawang sagutin
ang phone. Halos mapudpod na nga ang screen ng phone nya kaka-text kung nasaan na
si Armida.

"Josef, wag ka ngang praning. Hindi mapapahamak ang asawa mo.." bored na sinabi ni
Laby habang nagf-facebook sa tv nila sa sala

"Hindi nga sya mapapahamak! Pero yung iba, mapapahamak sa kanya! Pano kung nag-
transform yun at mawala na naman sa sarili nya?! Hindi pa nga tapos yung issue nya
sa Zubin na problema na ng lahat ngayon, tapos--"

Beep Beep

"O, ayan na ang magaling mong asawa.." tumayo na sa pagkakaupo si Laby at pinigil
agad si Josef sa pagbukas ng pinto
"Walang doorknob yan, wag mong hatakin.." sabi ni Laby sabay palo sa kamay ni
Josef na balak pang hatakin papasok ang pintong de-slide dahil sa pagkainis

Bumukas na ang pinto at bumungad sa kanila si Armida na naka-smile sa kanila.

"Good evening, Josef!" niyakap nya agad si Josef at hinalikan. Napasimangot sya
agad nang nilayo sya ni Josef at tinignan sya nito ng masama

"Alam mo ba kung anong oras na ha?" inis na tanong ni Josef

"Uhh.." tinignan ni Armida ang relo nya "8:47.. hehehe.. Aga pa.."

"Diba--"

"Opo! Late po ako sa usapan natin.. Alam ko pong alas syete dapat nandito na ko..
Nagkaroon lang ng konting problem, but ok naman ang lahat.. Wag kang mag-alala,
safe ako, hehehe.." nginisihan lang nya si Josef

"Safe? You know what, mas nag-aalala ako sa mga holdapers, kidnappers, mga manyak
na rapist at mga loko-lokong war freaks sa lugar na 'to kesa sayo! Kanina ko pa
iniisip kung may napatay ka na naman! Kung safe ka, hindi na ko magtataka! Mas
inaalala ko eh kung safe ba yung mga kriminal na nandito sa area na 'to!" bulyaw
sa kanya ni Josef

Pumikit-pikit nalang si Armida sa narinig kay Josef. Hindi nya alam ang ire-react.
Matatawa ba sya o maiinis?

"Is that sarcasm or worried ka lang talaga sa mga kriminal sa labas?" inosenteng
tanong ni Armida sa asawa nya

"Ugh!" napa-facepalm nalang si Josef dahil sa asawa nya. Isang push nalang,
bibigay na talaga sya sa logic ni Armida.
"At least, hindi sya nanglalake diba?" nakangiting sinabi ni Laby

"Yan tayo eh.. hehehe.." nakangising sinabi ni Armida at nakipag-apir pa sya kay
Laby

"Hoy! Pag-uuntugin ko yang mga ulo nyo! Nagkampihan pa kayong dalawa ha!" inis na
sinabi ni Josef habang dinuduro si Laby at ang asawa nya

"Wag ka ngang praning, Josef.. Wala akong ginawang problema, pramis!" itinaas pa
ni Armida ang right hand nya

Naningkit lang ang mata ni Josef at hinatak papasok si Armida.

"Hep! Sandali lang.. May bisita tayo.." masayang sinabi ni Armida

"Ano na naman yan?!" sigaw ni Josef

"Psh.. Yung estudyante kong may problema, dito muna tutuloy pansamantala.."
sungit-sungitang sinabi ni Armida

"Anong tingin mo sa bahay na 'to? Ampunan?!" sabay pa si Laby at Josef sa


pagsermon sa kanya

"Ah, ngayon kayo naman ang magkakampi?" mataray na sinabi ni Armida at saka
nagpameywang "Bahala kayo! Nandito na sya! Wala na kayong magagawa!"

Lumabas uli si Armida ng bahay at kinuha ang bisita nya sa kotse.

"Alam mo, hindi ko kelangan ng bahay mo! Galit sayo ang iba mong kasama sa bahay na
yan! Naririnig ko kayong nagsisigawan!" sigaw nya habang hinahatak ni Armida
papasok sa loob ng bahay
Parang walang narinig si Armida dahil tuloy-tuloy sya sa pagpasok sa loob ng bahay
dala ang bisita nya.

"Ta-dah! Meet her!" itinuro ni Armida si Josef "Kid, this is my husband, Josef.."
itinuro naman nya sunod si Laby "Ito naman si Laby.. Don't worry, hindi yan
nananakit.." tinignan nya agad ang asawa nya "Dito muna sya magi-stay kasi wala
syang bahay.. Magreklamo, gigilitan ko ng leeg..." banta nya sa asawa nya at kay
Laby

Napanganga nalang si Laby at Josef sa nakita nilang hatak ni Armida. Halos lumuwa
na ang mata ni Hime Vhanthara ng makita si Josef.

"Sya ba yung estudyante mo?" tanong ni Laby

"Yep.." masayang sinabi ni Armida

"Liar.."

"Why?!" reklamo agad ni Armida

"Taga-Diaeresis sya. Paano sya magiging estudyante mo kung taga-Byeloruss ka.."


sabi ni Laby sabay tingin kay Josef na nakatingin lang sa bisita ni Armida

"Taga-Diaeresis 'to? Talaga?" tanong ni Armida habang tinuturo si Hime Vhanthara

"Armida..." mahinahong sinabi ni Josef habang nakatingin sa bisita ni Armida

"O, ano na namang problema mo?" bored na tanong ni Armida "Subukan mo 'tong
palayasin, ikaw ang matutulog sa garahe.."
"Kumain na kayo?" tanong ni Josef

"Don't tell me, hindi ka pa nakakapagluto?!" gulat na tanong ni Armida

"Sir, naniniwala na kong baliw ang asawa nyo.." pokerfaced na sinabi Hime
Vhanthara kay Josef

Kumunot agad ang noo ni Armida sa narinig at napatingin kay Josef "Sir??"

Hindi na nya sinagot si Armida at tuloy-tuloy nalang na nagpunta sa kusina.

"Hoy, Josef!" sinundan agad ni Armida si Josef sa kusina "Pakipaliwanag nga yung
sinabi nung bata,"

"Laby! Shiner! Pumunta na kayo dito!" tawag ni Josef

"Ah! Snub?! Ganon?! Saka anong Shiner??"

Magkasama si Shiner at Laby na nagpunta sa kusina.

"Ang daya mo, Josef.. Kinokorner mo ko.." sabi ni Laby at naupo na sa pwesto nya

"Dalawa nalang ang hahanapin mo.." sabi ni Josef habang nilalapag sa mesa ang
niluto nya

Naningkit agad ang mata ni Armida dahil may sariling mundo yung dalawa at hindi sya
sinasali.

"Ay syete!!" napatayo agad si Laby at tinignan si Josef na nakatingin na sa kanya


dahil sa OA nyang reaksyon

"O, problema?" tanong ni Josef

Inilipat agad ni Laby ang tingin kay Armida "San mo 'to nakuha?" tanong nya
habang tinuturo si Shiner na nakatayo sa gilid

"Uhmm.. Ah!" imbes na mag-isip ng ikakatwiran, nagbalik nalang sya ng tanong kay
Laby "Matanong nga lang kita, may laban ba tayo ngayon?"

Tinignan ni Laby si Josef sa gilid ng mata nya at saka ibinalik kay Armida ang
tingin "Uhh.."

Any answer is invalid. Yun ang naisip ni Laby.

Alam na nya ang tumatakbo sa isip ni Armida, at ang masaklap, sa kahit anong
anggulo, talo sya. May katwiran man sya, talo pa rin.

"Gutom na ko.." umupo nalang sya at kinuha ang tinidor at kutsara nya

Naupo nalang din si Josef at hindi na umimik. Isa pa syang lagot kay Armida kapag
nagsalita sya.

Ok, late sa usapan si Armida. Ang kaso, may reason sya para ma-late. At kapag
nagsalita silang dalawa ni Laby, kahit na inosente silang dalawa, patay pa rin
silang pareho.

Kapag may katwiran pa naman si Armida, ang hirap manalo sa kanya. Ipipilit lahat ng
gusto hanggang mapasuko nya ang kalaban.

"Ah! Walang magsasalita sa inyo?" masungit na tanong ni Armida

"Shiner, umupo ka na.. Hayaan mo na yan.." aya ni Josef. Kunyari, wala syang
naririnig.

Palipat-lipat ng tingin si Shiner. Kay Josef at kay Armida.

"Umupo ka na.." utos ni Laby kay Shiner "Wala ka na rin namang magagawa.."

Umupo nalang din si Shiner dahil alangan naman kung tatayo lang sya doon mag-isa.
Umupo sya sa tabi ni Laby.

"Ikaw naman, Armida umupo ka na rin.." mahinahong utos ni Josef sa asawa nya

Masama ang tingin ni Armida kay Laby at Josef habang umuupo "Laby, anong oras ka
nagising?" tanong nya

"7 na yata.." pagsisinungaling ni Laby

"Ah, seven ha... Sasagutin ko na pala yung tanong mo kanina.. San ko sya nakuha?"
sabi nya habang tinuturo si Shiner "Sa Xaylem."

Bog!

Binagsakan ng palad ni Josef ang mesa dahilan para mapunta sa kanya lahat ang
atensyon

"Nilabanan mo sila?!" sigaw nya


"O, may angal ka?" seryosong sinabi ni Armida

"Naman!!" napahilamos nalang si Josef at napatingin sa gilid nya

"Hindi ko naman sila tinuluyan.." mataray na sinabi ni Armida habang nagsasandok


ng pagkain nya

"Hindi mo tinuluyan," sarcastic na sinabi ni Josef

"Hindi nya tinuluyan.." dugtong pa ni Laby "Pinuruhan nya lang.." sabay eyeroll

"Hoy, kayong dalawa," dinuro nya agad si Josef at Laby "Alam nyong may laban tayo
pero hindi kayo pumunta.. Nananadya ba kayo??"

"Tss.." inirapan lang sya ng asawa nya pati ni Laby

"Hindi pa tayo tapos.. Humanda kayo sakin mamaya" banta nya sa dalawa

Hindi nalang pinansin nila Josef at Laby ang threat nya. Lagi naman silang nat-
threaten kay Armida.

----------------------------------------------

I want to greet Maam Adette Dayao @detdet_11

Ilang araw po akong napangiti ng iyong mga comments, lalo na nang malaman kong
teacher kayo. Ang saya-saya ko lang po kasi may reader akong teacher, hehehe...
Na-shock ako sa comment nyo sa Stupid Smart my gosh!
[ Dream ko kasi maging teacher kaya kung magiging teacher ako, gusto ko kasing cool
ako ni Armida. Yeah! ]

Nakatulog sa pagod si Shiner. Dun na sya nakatulog sa may sofa sa sala.

"Inayos ko na yung higaan nya sa attic." sabi ni Laby

"Sigurado ka bang kumportable doon?" tanong pa ni Josef

"Malaki ang atic ng bahay na 'to. May saksakan din doon kaya inilipat ko na yung
electric fan sa kwarto ko. May extrang mattress din sa bodega. May sobrang kumot
din at wala na syang irereklamo sa unan dahil lima ang nilagay ko doon. May
lampshade na rin na nakabukas kaya walang problema sa ilaw. Ano? May angal ka pa?"
sarcastic nyang tanong kay Josef

"Oo na, umakyat ka na sa kwarto mo.." utos nya kay Laby

"Dapat yung asawa mo ang pinagtrabaho mo eh. Sya may dala nyan dito tapos
pababayaan nya." inis nyang sinabi at umakyat na sa taas

Napa-'whatever' headshake nalang si Josef at binuhat na si Shiner.

Nakabukas ang pinto paakyat sa may attic kaya hindi sya namroblema sa pagbukas ng
pinto. Tuloy-tuloy lang sya paakyat at nakitang maganda ang pagkakaayos ni Laby sa
lugar. Mas mukha pa syang kwarto ng normal na teenager kumpara sa kwarto ni Laby na
mas dapat tawaging computer laboratory sa dami ng mga computer with matching
folders pa at tambak na mga paperworks. Iniisip nya na hindi nga makakatulong ng
maayos si Laby kung ganon ang ayos ng kwarto nya.

Kabata-bata pa, nag-uuwi na ng trabaho.

Inilapag na nya si Shiner sa higaan nito at saka kinumutan. Gumilid ito ng higa at
nakita nya ang sugat nito sa likod ng tenga. Hinawi nya ang buhok nito at napansing
sariwa pa ang sugat dahil may mga namuong dugo sa palibot non.
Inisip nyang sana hindi ang asawa nya ang may gawa nun kay Shiner.

Bumaba na sya ng attic at dumiretso na sa kwarto nila ni Armida.

Naabutan nya itong kumakain ng saging habang naglalaro sa tablet.

"O, ok na yung bata?" tanong ni Armida

"May sugat sya sa likod ng tenga. Sa tingin mo, san nya nakuha yon?" tanong ni
Josef

"Hulaan mo kung kanino.." sabi ni Armida tumayo na sya para itapon ang balat ng
saging sa basurahan

Hinawakan ni Josef ang braso ni Armida para pigilan "Why did you have to do that?"

"Do what? Yung sugat? Ah, don't mind about it.."

Lalo lang humigpit ang pagkakahawak ni Josef sa braso nya "Bata yun. Bakit mo
nilabanan?"

"Ah! Sabihin mo yan kay Gwynn Panthomhive.." naka-smirk nyang sinabi

"Iba si Zero, iba si Shiner!" mariin nyang kinatwiran "Trained si Zero, si


Shiner--"

"Trained din.. Alam ko. Nakita ko. Napatunayan ko. Kung hindi sya trained, hindi
sya tatagal sakin."
Initsa nalang ni Armida ang balat sa basurahan sa may kanto ng pinto.

"Magaling yung bata. Sinalag nya yung HeartStopper ko, pati yung ibang atake ko sa
kanya sinangga lang nya" seryosong sinabi ni Armida "Let me remind you, Josef.
Maliban kay Shadow, si RYJO ang owner ng isa sa pinakamakapangyarihang kamay sa
Associations. Walang nakakasalag ng mga atake ko maliban sa mga S Class at mga Rank
1.." tinabig lang nya ang kamay ni Josef para bitawan sya nito "Wag mo kong
kagalitan dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko."

Bumalik na si Armida sa kama at dumapa doon. Kinuha uli nya ang tablet at itinuloy
ang ginagawa.

"Bakit mo kelangang lumaban mag-isa?"

"Hindi ako lalabang mag-isa kung nandoon kayo.. Actually, hindi ako lalaban kung
nandoon kayo. Alam nyong may laban, pero sinadya nyong hindi pumunta. Wala akong
pakialam kung galit kayo sa ginawa ko, dahil kung tutuusin, mas dapat akong magalit
kesa sa inyo. Nagdedesisyon kayo ng hindi ako kinokonsulta. Now, if you're mad
because of what I've done, the problem is yours not mine. Kung sinabi nyong hindi
dapat lumaban, madali akong kausap, eh di hindi. Kaso sinikreto nyo. Malas nyo lang
dahil may mga informant ako sa loob ng Byeloruss."

Napasapo nalang ng noo si Josef at umupo sa tabi ni Armida. Nandito na naman sila
sa away nilang walang kwenta. Ok, mali na sila pare-pareho, move on sa bagay na
yan. Lalo lang palalakihin ang isang simpleng bagay.

"Nakuha mo si Shiner sa Xaylem.. Nilabanan mo sya.." kinuha ni Josef ang tablet


kay Armida para ituon nito ang atensyon sa kanya "Ano na namang binabalak mo't
dinala mo dito yung bata?"

Isinubsob sandali ni Armida ang mukha nya sa unan at saka bumangon sa pagkakahiga.
Nag-indian seat sya habang nakaharap kay Josef na mukhang galit na naman dahil sa
kagagawan nya.

"Mapanghusga ka ha! Porke ba dinala ko dito, ibig sabihin ba nun, may balak na 'ko
agad?" inis na sinabi ni Armida

"Bakit, wala ba?" seryosong sagot ni Josef

"Tss.." napatingin nalang sa ibang direksyon si Armida "Lumalaban sya para sa


pera. Lumalaban ako para sa grupo. Nanalo 'ko ng 50 thousand sa naging laban namin,
binigay ko sa kanya yung pera dahil yun lang naman ang habol nya. Inalok ko syang
tumira dito kasi wala syang tinutuluyan. Kelan pa naging masamang maging charitable
ha, Josef?" katwiran nya

"Huh! Charitable? Sa pagkakatanda ko, ikaw yung tipo ng charitable na mamimigay ng


bahay. Hindi magpapatuloy ka sa bahay mo." sarcastic na sinabi ni Josef

Mariing pumikit si Armida at napatango nalang sa pagkapikon.

"May binabalak ako?" dumilat na sya at tinignan ng masama ang asawa "Oo, meron
nga! Ano, masaya ka na?! Gusto kong bigyan ng summons yung batang yon! Dinala ko
dito para ipakilala sa inyo dahil bibihira lang ang tumatagal na kalaban ako!"
itinuro nya ang pinto "Gusto ko yung batang yon! Tumagal sya sa laban namin! At
sinasabi kong may karapatan syang maging Superior! Ngayon, kung may problema ka
don, palalayasin ko na sya agad nang matapos na 'to!"

Tatayo na dapat sya kaso hindi na natuloy dahil hinawakan ni Josef ang balikat nya
para pigilan. Napabuntong hininga si Josef at kumalma na agad ang mukha nyang
galit.

"O! Ano na naman?!" inis na sigaw ni Armida

Sandaling natahimik si Josef.

Iniisip nya ulit kung ano nga ba ang ugat ng ikinaiinis nya ngayon.

Nagatungan lang ang konting problema nya kaya lumaki. Mula sa pagiging late ni
Armida, hindi pagsagot ng phone, sa pag-aalala nya, hanggang sa ginawa nito kay
Shiner.
Napahilamos nalang sya ng mukha tinignan ang mukha ni Armida na naghihintay ng
response nya.

"Kanina pa kita hinihintay... Gusto kasi kitang kausapin about that kid."
mahinahong sinabi ni Josef

"Tss.." tinabig nalang ni Armida ang kamay ni Josef sa braso nya at bumalik na rin
sya sa pagkakahiga "Gisingin mo na yun tapos kaladkarin mo palabas. Wala na kong
balak makipagtalo pa sayo.."

Napa-eyeroll nalang si Josef at kumuha ng isang unan.

"Pwede ba makinig ka nga muna.." sabi ni Josef

"Pwede ba makinig ka nga muna blah blah blah.. Dun ka sa labas, hanap ka ng kausap
mo.." badtrip nyang sagot

"Ah, ganon.." pumatong si Josef kay Armida. Itinukod nya ang magkabilang tuhod sa
katapat na beywang ng asawa nya at itinakip agad ang hawak na unan sa mukha ni
Armida "Ang tigas talaga ng ulo mo!"

"MMMMMM!!!!!" nagpapa-pasag si Armida para maalis ang unan sa mukha nya

"Makikinig ka o papatayin kita?" mahinahong tanong ni Josef habang pinapanood ang


asawa nyang pumapalag sa ginagawa nya. Buong lakas ang paghawak nya sa unan kaya
malaki ang chance na mamatay si Armida sa suffocation

"MMMMMMM!!!!" pinalo-palo ni Armida ang braso ni Josef para tigilian na nito ang
ginagawa

"Kumalma ka dahil kung hindi tutuluyan talaga kita..." mahinahon pa rin si Josef
At dahil walang balak si Armida na kumalma, hinawakan nya ang magkabilang pulso ni
Josef at buong pwersang inilayo ang pagkakahawak nito sa unan.

"Hwoy--"

Nasubsob tuloy ang mukha ni Josef sa unan habang pareho silang nakadipa ni Armida.

Naigilid naman agad ni Armida ang ulo nya kaya nasa pisngi nalang nya ang unan

"Ang sarap mo talagang maging asawa..." nangingiting sinabi ni Armida "O, sige..
Ano ulit yung sinasabi mo?"

Kung makangiti naman si Armida, parang hindi sya binalak i-suffocate ni Josef.
Dumadalas ang pangto-torture sa kanya ni Josef, at ine-enjoy nya lang yun kahit na
buwis-buhay ang ginagawa ni Josef sa kanya.

Kinagat ni Josef ang unan at ibinato sa gilid ng kama gamit ang bibig.

Bumungad sa kanya ang mukha ni Armida na naka-grin.

"Gusto mo talagang pinahihirapan ka ha.." sarcastic nyang sinabi kay Armida

"Hehehehe... Pampalamig yan ng ulo ko, o, speak.." utos nya kay Josef

"Si Shiner.."

"Ah- Speaking of which, mukhang kilala mo yung batang yon. Estudyante mo ba yun?"
tanong ni Armida

Umiling lang si Josef "Nasa kabilang section sya,"


"Nasa isang subject mo?"

"Wala akong subject sa kanya,"

"Pano mo nakilala?"

Umalis na si Josef sa pagkakapatong kay Armida at humiga sa tabi nito.

"Remember yung sinasabi kong superman issue ko sa school?"

Umatras si Armida pataas para pantayan si Josef "O, sya ba yung tinalon mo?"

"Nah. Sya yung sinasabi kong bodyguard ko.."

"Oh..." napabangon agad si Armida at napahawak agad sa baba nya at tinaasan ng


kilay si Josef na parang sinasabi ng kilos nya na 'I smell something fishy'

"Tigilan mo nga yang tingin mo na yan.." itinulak nya ng mahina ang noo ni Armida
para pigilan ito sa ginagawa nya

"Why??" reklamo agad ni Armida "Ikaw, Josef, nakakarami ka na ha.." tinusok nya
agad ng hintuturo nya ang pisngi ng asawa nya

"Ano ba! Armida!" tinabig-tabig ni Josef ang kamay ni Armida na mukhang walang
balak tigilan ang pagtusok sa pisngi nya "Stopt it!! I said-St-Stop!!"

"Ano? Ano? Papalag ka pa? Papalag pa ha? Matigas ka ha?" tuloy-tuloy lang si
Armida sa pagtusok sa pisngi ni Josef

Kinuha nalang ni Josef ang unan nya at buong lakas na hinampas sa mukha ni Armida.
Napabagsak nya tuloy ang asawa ng wala sa oras.
Mga sadistang masokista. Maglalambingan lang, magbabalian pa ng buto at
magbabasagan pa ng mukha.

"Hoy, buhay ka pa?" tanong ni Josef habang nakatingin sa kisame ng kwarto nila

"Ano yung tungkol dun sa Shiner mo?" tanong ni Armida habang nakatingin din sa
kisame

"Gusto kong gawing Superior si Shiner. Tagapagmana ng crime family yung bata. Ang
sabi ni Laby, kelangan ng pagpayag mo bago nya ibigay ang summons." sabi ni Josef

"Talaga? Anong crime family?" tanong ni Armida

"Soliman."

"EH???" napabangon agad si Armida at gulat na tinignan si Josef "Soliman? Soliman


dito?! As in, here in the country?!" itinuro pa nya ang ibaba "Dito talaga??"

"Oo, bakit?" kahit si Josef nagulat din kay Armida kaya napabangon sya agad

"Haha.. Hahaha... Hahahahaha!!!" natawa ng malakas si Armida

Napataas ang magkabilang kilay ni Josef dahil sa reaction ni Armida.

"Talaga lang ha.. Isidore Soliman ba ang pangalan ng tatay nung batang yon?"
masayang tanong ni Armida

Napatingin sa gilid si Josef at nakakunot ang noo na ibinalik kay Armida ang
tingin. "Kilala mo?"

"But, of course! Sa kanya galing ang ilan sa mga tauhan ko sa Vale.. Magaling sa
presyuhan ang taong yon kaya madaling kausap. Tropa-tropa yun ni Erah sa mga
kalokohan eh!" masaya nyang sinabi

"Erah? Sinong Erah?" tanong ni Josef

"Si yung psycho alter ko.. Si Erajin. Isipin mo," itinaas nya ang kamay nya para
magbilang "Arms trafficking, murder, auto theft, blackmailing, bribery, extortion,
fraud, human trafficking, illegal gambling, racketeering, contract killing and
assassination.." proud nyang tinignan si Josef "Lahat yan, ginagawa ko kasama si
Isidore Soliman. Ang saya diba.. And! Si Silver, pamangkin nya. Akalain mo yun.."

"Ahh..." dahan-dahan nalang na napatango si Josef

Wala namang bakas na sagad-sagaran ang kademonyohan ni Armida sa katawan dahil sa


mga krimeng nabanggit nya.

And most of all, kilala ni Armida ang Soliman Crime Family. Wow. What a revelation.

"Now, I know kung bakit magaling yung batang yun.." sinuntok nya ng mahina ang
balikat ni Josef "Gusto ko syang bigyan ng summons, pero mukhang hindi ngayon."
umiling sya at tinignan ang pinto "Titignan ko muna kung anong magiging reaksyon
ni Isidore once na malaman nyang kakampi sa kalaban ang anak nya."

-----------------------------------------------

Sino bang hindi nakakita ng gwapo sa jeep? Typical story ito pero hindi typical ang
ending. This is based on true story. Paano kung ang simpleng pakikipag-kilala mo ay
maaaring makaligtas ng buhay ng iba? Kung ikaw ang nasa kalagayang ito, uunahin mo
pa ba ang hiya kung buhay na pala ang nakataya? Click the external link for the
whole story [Short story lang sya]
Third day sa school...

~~~Narrated for Josef~~~

Nasa room sila ngayon at pansamantalang walang ginagawa dahil busy ang lahat ng
year and sections for preparation. Tinitignan ni Josef ang mga schedule nya dahil
hindi nya inaasahan na magiging busy sa school sa mga susunod na araw.

Kakatapos lang nilang pag-usapan ang tungkol sa christmas party na gaganapin sa 14.
Hindi nya ine-expect na mas maaga ang bakasyon nya kesa sa asawa nya.

"Sir, kelan tayo magbubunutan for Monito-Monita?" tanong ng Class President ng


klase nya

"Monito-Monita?" tanong nya. Naisip agad sya na oo nga, may ganun nga sila.
"Kelan nyo gustong magbunutan?"

"Sir, ngayon nalang!!" suggestion ng buong klase nya

"Kelan ang bigayan ng gift?" tanong nya

"Bukas po!!"

"Dapat nga Sir, nung monday pa eh.."

Tumango nalang sya at nag-isip sandali. Bukas, ok.

Tumayo na sya at kinuha ang atensyon ng buong klase nya.

"Sige, uhmm.. Gawa na kayo ng codename then isulat nyo sa kapirasong papel. Lagyan
nyo kung girl o guy kayo ha. Ilagay nyo sa 1/8. Start!" utos ni Josef

Kinuha ni Josef ang blangkong lalagyanan ng chalk sa cabinet sa gilid lang ng room.
Bumalik sya sa table nya at ibinaba doon ang lalagyanan.

"Ilagay nyo dito yung mga papel nyo ha.." sabi nya sa mga estudyante nya habang
tinuturo ang lalagyanan

"Sir, dapat kasali kayo!"

"Oo nga, Sir!"


Josef: Ganun ba yun?

Hindi nya matandaan na sumali ang mga teachers nya noon sa Monito-Monita sa school.
Sa pagkakatanda nya, yun yung kris kringle na ginaganap everyday until christmas.
Basta yun..

Nakapagbigay sya ng gift noon sa nabunot nya and talagang pinagkaguluhan sya ng
buong klase nila dahil isang 18 carat golden earrings ang niregalo nya samantalang
yung iba, water colored pencil nga lang ang niregalo. Dahil doon, hindi na sya
pinasali muna dahil ang expensive ng mga nireregalo nya.

Anyways, wala namang masama kung sasali sya.

Nanghingi sya ng papel sa estudaynte nya at gumawa na rin ng codename.

Josef: Ano kayang magandang codename? Hmm?

Shadow?

Nah...

Fuhrer?

Nah...

Josef?

Nah...

Ryjo...

Well..

Josef: I'll go with Ryjo..

Tutal yun naman ang tawag nila Vera sa kanya.

Sinulat nya sa papel ang RYJO at inilagay sa lalagyanan ng chalk.

Isa-isa nang naglagay ng mga papel sa lalagyanan ang mga estudyante ni Josef.

"O, something ano ang gusto nyo?" tanong ni Josef habang inaalog ang lalagyanan ng
chalk

"Sir, something soft!"

"Hard!"

"Sweet!"

"Red!"

"Long!"

Kanya-kanya nang suggest ang mga estudyante nya kaya nagsabay-sabay na ang ingay.
"HEEEEP!! Quiet!" awat ni Josef sa mga estudyante nya

At madali namang tumahimik ang klase nya...

"Botohan nalang tayo kung anong something ba ang ireregalo.." suggestion ni Josef.

Nag-agree naman doon ang mga estudyante nya kaya nagbigay na sila ng kanya-kanyang
suggestion.

Makalipas ng ilang pagtatalo at pagboto...

"Ok, something sweet ang nakakuha ng maraming votes. Bukas 'to 'no? Sige.." isa-
isa nyang nilapitan ang mga estudyante nya para pabunutin

At pagkatapos....

"Lahat ba nakakuha na?" tanong nya

"Yes Sir!"

May natitirang isa at malamang na kanya na yun. Umupo sya sa table at binuksan ang
nakatuping papel.

Ang nakalagay "Keytikyuti. Girl." with heart-heart pa.

Something sweet ang theme. Bibili nalang sya ng isang kilong panutsa sa palengke.
Hahahaha!

"Sir Zach,"

Lingunan naman silang lahat sa pinto...

"Yes, Maam Carmel..." lumapit naman si Josef kay Maam Carmel

"Sir.. May meeting ngayon.." tinignan nya ang relo nya at ibinalik uli ang tingin
kay Josef "Bigyan mo muna ng activity yung 4-A tapos diretso ka na ng office.."

"Ah, okay.." tumango naman si Josef. Tinanguan nalang din sya ni Maam Carmel at
saka ito umalis

Bumalik si Josef sa may table at kinuha ang dala nyang Physics book "Class may
meeting kami ngayon sa office.." binuklat nya ang libro at hinanap ang pwedeng
pasagutan sa physics book na hawak nya

"Yes!"
"Whoohooh!!"

"Sir, pwede mag-cr??"

"Sir, pwede mag-canteen??"

"Sir, pwede sa gym??"

Nagsaya agad ang buong klase nya pagkarinig ng magandang balita..

"Quiet!!" malakas na sinabi ni Josef "Sagutan nyo yung page 167 Activity A-D.."

"Ay.."

Bumagsak agad ang energy level ng mga estudyante nya nang marinig ang pasasagutan.

"Fely,"

"Yes sir!" nagtaas naman ng kamay ang estudyante nya

"Collect the books tapos dalhin nyo ni Melvin sa Faculty.." utos ni Josef sa
estudyante nya

"Yes sir!"

"After you finish the activity, you may go.." sabi ni Josef

"YES!!"

Tuloy-tuloy na lumabas si Josef ng room para pumunta na sa office.

~~~~Narrated for Armida~~~~

"Waiting for the end to come... Wishing I had strength to stand..."

Nasa room sya ngayon at gaya ng nakasanayan, ginawa na namang upuan ang table. Ang
saya-saya lang ng ayos nila ng klase nya, parang nasa tambayan lang.. May soundtrip
sa gitna habang yung iba, kanya-kanyang enjoy sa pwesto nila..

Kakatapos lang nyang magturo about sa good sentence construction and, as usual,
nakipagsagutan na naman sa kanya ang klase nya dahil mali-mali ang sinabi nya. And,
as usual again, natalo na naman nya ang klase nya dahil isa lang naman ang gusto
nyang mangyari..
Hulihin at kunin ang atensyon ng mga hindi nakikinig, at the same time, turuan ang
mga walang pag-asa sa academics. At sobrang effective ng ginagawa nya dahil lahat
sinasagot sya, at lahat natuturuan nya.

Hindi tuloy napapansin ng klase nya na pare-pareho na silang nagfo-focus sa


tinuturo ni Armida. At kung magpapatuloy ang ginagawa nya, malaki ang chance na
mahabol ng Class F ang rankings ng A..

"Flying at the speed of light, Thoughts were spinning in my head."

"Hoy, mga tropapips ko dyan sa likod.." itinuro nya ang mga nasa likod "Aattend
ba kayo ng Christmas Party sa 21?" tanong nya na parang nasa kanto lang sila at
nagha-happy-happy.

"Try namen.. O, pano ba yan.. Panalo ko.. Akin na.."

May nagto-tong its na sa likod pero hinahayaan lang nya. Ang kasunduan nila ng
Admin: Walang away, walang ingay, walang problema.

Hindi naman maingay ang klase, wala namang nag-aaway at wala namang problema. Hindi
naman sinabi na bawal magsugal. Yeah..

Ang totoo nyan,

According sa rules of Byeloruss University: Any forms of gambling is prohibited


inside the school premises.

Pero sa kanya..

Bawal at ilegal ang pagsusugal KAPAG MAY NAKATINGIN. Pero kapag wala, legal yan,
may tax pa. Wag na kayong makipagtalo..

'Ala tayong magawa. Batas daw sila eh.

"May presentation daw dapat kayo.. Panong presentation yun?" tanong nya. Napansin
nya na may nilalapang na naman yung estudyante nyang pg kaya nanghingi na naman sya
ng pagkain "Hoy, Ken.. Penge nga nyang kinakain mo.."

Iniitsa naman sa kanya ng estudyante nya ang isang bar ng toblerone.

"Andami mong tsibog ah.." nag-thank you gesture naman sya at tumango naman ang
estudyante nya bilang 'you're welcome nito' "Oy! Paki-explain nga sakin yung
presentation?"

"Ano yun, singing or dancing lang, solb-solb na sila.."

"O kaya kumain ka ng apoy.."

"Yung iba, banda.. O kaya play.."


"O kaya kumain ka ng apoy.."

"Pero kung gusto mong kumain ng buhay na manok, sige ba.."

"O kaya kumain ka ng apoy!"

"O kaya, talon ka mula dito sa 6th floor habang may lubid sa leeg pang-bunjee
jump.."

"Habang kumakain ng apoy!"

"YEAH!! HAHAHAHAHA!!"

Ayos sa sagot..

"Ow.." naka-pout si Armida habang tumatango "Prezenteyshen.. Awkeey.."

Nakaisip sya ng magandang gawin.

Maglalagay sya ng malaking wooden board tapos may naka-lock doon na estudyante nya
na nakadipa tapos may kalamansi sa bibig, sa ulo, sa dibdib, sa mga mata at sa
magkabilang kamay. Tapos patatamaan nya ng kutsilyo yung mga kalamansi tutal
sharpshooter naman sya >:D

Gagawin nya yon habang pinapakain ng apoy ang iba nyang estudyanteng pinagipilitan
ang pagkain ng apoy.

What a bright idea. Malamang na maraming matutuwa sa presentation na yon. Yeah.

"Hey, guys!" bumungad na naman sa pinto si Chief at ngiting ngiti na naman "Sino
nakapunta sa Graveyard fight kagabi sa Xaylem?"

"Ako!" kanya-kanyang taas ng kamay ang mga nasa room, damay na si Armida doon

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Armida

"Para sayo, wala." maangas na sagot ni Chief sa kanya bago ito pumunta sa upuan
nya

"Psh.." ibinaling naang nya ang atensyon sa buong klase nya "Sino tumaya kay No.
99, taas ang kamay!"

Mangilan-ngilan ang nagtaas ng kamay..

"Pang-666 o kaya pang-XZQ yung laban kagabi..."

"Di ko nga nakita kung anong ginawa nung bago dun kay HV..."

"May sinasaksak yata yung Legend kay HV eh kaya may dugo.."

"Sayang naman yung position ng Roses. Bibihira na nga lang lumaban, natalo pa.."
"Ako, nakita ko lahat ng nangyari.." sabi ni Armida "Nasa baba ako nanood and na-
interview ko yung dalawang natira, ha-ha!!" pagmamayabang nya sa buong klase nya

"Ows??"

"Bawal kaya sa baba ng Xaylem kapag nightfight!"

"Maniwala kami sayo.."

"Di nga! Alam nyo kung anong ginawa ni No. 99 dun sa HV nyo.. Binutas nya yung
likod ng tenga.. Tanong nyo pa yung doktor na tumahi sa sugat nung bata.." sabi ni
Armida

Naningkit ang mga mata ng estudyante nya dahil sa sinabi nya.

Weird talaga ng bagong adviser nila. Kahina-hinala naman na yung teacher nila eh
dumadalas sa battleground at nakakausap ang ilang mga gang members..

"Kilala mo ba yung mga Legends, Maam?" tanong ni Eljand

"Yep!" proud na sinabi ni Armida "Yung leader nila, nag-aaral sa school na 'to..
At nandito rin si No. 99.."

Tinitignan lang nya ngayon kung hanggan saan sya kayang paniwalaan ng mga
estudyante yang walang tiwala sa kanya...

"Talaga, Maam? Nandito silang dalawa??" masayang tanong ni James

"Uhh.." tumingin sa gilid si Armida at inisip kung tototohanin nya ang pagsagot
dun sa uto-uto nyang estudyante "Ewan, pero ang sabi nila taga-dito daw eh.."

Sinulyapan nya ang iba, maniniwala sana kaso nagbago ang isip..

Lumapit si Armida kay James at saka nya itinapat ang bibig nya sa kaliwang tenga
nito. Sinenyasan nya rin si Eljand na lumapit para marinig ang ibubulong nya

Nakaka-agaw ng atensyon ang ginagawa nya kaya lahat sila pasimpleng dinig din.

"Sa bahay ko nakatira yung Fuhrer.." bulong ni Armida

"HOWWLYSHEEETTT!!" napaatras agad ang dalawa nyang estudyante at saka nagtakip ng


bibig, in maangas way

Tumayo na sya at bumalik sa pagkakaupo sa table habang malaki ang ngiti sa buong
klase nya.

"Di nga, Maam??" hindi makapaniwalang tanong ni Eljand

"WEH??? TALAGA??"
Tumango naman si Armida sa dalawa nyang estudyante. Tutal, mga uto-uto naman sila,
ok lang na sabihin nya ang gusto nyang sabihin.

Tignan natin kung paniniwalaan sila ng iba.

"Hoy, share naman!" sigaw sa likod

"Ganyan kayo ha!"

"Nagkakalimutan na ba dito?"

"Bakit nasa inyo, Maam?" nakangiting tanong ni James

"Asawa ko kasi sya.." sagot ni Armida sabay taas ng left hand nyang may wedding
ring

"Oh come on!!" lalong ikinagulat ng dalawa ang sinabi nya

"Di nga, Maam? Kelan kayo kinasal?" -James

"Kelan lang.."

"Kaya siguro yun malakas kasi assassin si Maam!" masayang sinabi ni James kay
Eljand

"Oo nga 'no! Gangster sya tapos assassin si Maam, bagay dude!" tuwang-tuwa na
sinabi ni Eljand at nag-apir pa sila ng bespren nya

"Hoy! Ganyanan pala ha!"

"Kayo-kayo lang nag-uusap dyan ah!"

"Share!!"

"Wag na kayo! Pang-kanila lang yung mga sinasabi ko.. Sa kanila lang naman
bumebenta ang sinasabi ko eh.." kantyaw ni Armida sa iba

"Pwede kami Maam dumalaw sa inyo? Pupuntahan namin sya.." nakangiting tanong ni
Ejand

"Hindi pwede, busy sya eh.." sagot ni Armida "Pero ipapakilala ko kayo bago ang
christmas vacation.."

"YES!" napa-suntok sa hangin ang dalawa nyang estudyante at tuwang tuwa na


tinignan sya

Napahinto ang lahat nang pumasok na ang grupo ni King.


"Mukhang ayos na yang balikat mo ah.." bati ni Armida kay King

Tinignan lang sya ng masama ni King "Sino ka bang talaga?"

Napatingin si Armida sa buong klase nya at saka ibinalik uli ang tingin kay King
"Uhh.. Why?"

Naglakad palapit sa kanya si King at tumayo ito sa tapat ng gilid ng table.


Nakapamulsa ito at chin up na nakatingin sa kanya.

"Nag-apply ka dito sa school, not because you want to teach us. Hindi ka graduate
ng kahit anong Education courses. Hindi mo rin kelangan ng pera dahil mayaman ka.
Base sa social strata mo, nasa upper-upper class ka.. Kahit 'tong school, kaya mong
bilhin sa isang salita mo lang. Hindi ang school ang nag-hire sayo para lang sa
klaseng 'to, kaya ano ba talagang pakay mo?"

Napataas ng magkabilang kilay si Armida at nabuo ang isang smirk sa mga labi nya.
"Yun lang ba ang problema mo sakin, hmm?"

"Armida Hwong-Zach. Status, married." paningit ni Brent "You're a Volga German.


Hybrid of Asian-European race. Educational background, Basic: none. Secondary: none
Tertiary: none.. Job before you enter Byeloruss, none. Paano ka natanggap dito sa
Byeloruss ha? Walang maganda sa bio-data mo,"

Ibinaling ni Armida ang tingin nya sa labas ng pinto ng room.

Hindi sya lumaking si Armida Hwong kaya wala talagang makikitang maganda sa bio-
data nya.

Base sa Project RYJO Data, sya si X. Everything about her is unknown, but she
exists. Anong ginagawa nya para mabuhay? She kills.

Other than that, wala nang kahit anong info about her.

Unless, ang pangalang hahanapin nila ay Erajin Miller o kaya Erajin Findel. Doon
makikita ang ilang impormasyon tungkol sa kanya.

"Kung ano man ang nakalagay sa resume ko, I think, that's none of your business.."
ibinalik nya ang tingin kila King "Estudyate lang kita kaya wag kang mangialam sa
buhay ko.."

Buong klase nya ang nakatutok sa kanila ng estudyante nya. Sya lang kasi ang
teacher na nakatagal kausap si King.

"Balita ko anak ka ng Mafia Boss.." tumayo sya at hinarap si King "Havenstein..


Interesting.."

Tinignan nya ang hallway na may mga dumadaang mga estudyante

"Anong pakay ko dito?" tinusok nya ang dibdib ni King gamit ang hintuturo nya
"Ikaw.." hinatak nya ang uniform ni King sa may bandang balikat at bumungad sa
kanya ang balikat nitong balot ng gauze
"Ano ba!" tinabig agad ni King ang kamay nya at inayos ulit ang uniform nito

Nag-smirk si Armida at tinapik ang kabilang balikat ni King "Kapag napatunayan mo


ang halaga mo sakin, bibigyan kita ng kapangyarihan para kalabanin si Theodore
Havenstein.. You don't know me, kid. I'm telling you, I have the power.."

"Mrs. Zach..."

Naglingunan ang lahat sa may pinto. Si Sir Geo.

"May problema ba dito?" tanong ni Sir Geo

"Nothing, Sir Geo," naka-smile na sinabi ni Armida. Tinabig nya sila King para
makadaan sya. Lumapit na sya kay Sir Geo na nagch-check ng attendance ng mga
teacher.

"Is there a problem? Anong ginagawa nila sayo? Sinasaktan ka ba nila?" nag-
aalalang tanong ni Sir Geo

Kinuha nalang ni Armida ang hawak nyang pen at tablet para maka-sign na

"Maam.."

"Don't worry, Sir. Wala namang nangyayaring masama.. Hindi nila 'ko masasaktan
dito.." iniabot na nya ang tablet at pen pabalik kay Sir Geo

"Dahil kung kaya nila, dapat nung monday pa nila ginawa.."

Tinignan lang sya ng diretso ni Sir Geo. Tinatanya kung nagdadahilan lang sya o
talagang nagsasabi sya ng totoo.

"Don't give me that look, I'm not as weak as you think I am.."

Hindi pa rin tinanggal ni Sir Geo ang tingin nya kay Armida kahit na nagsalita na
ito tungkol sa tingin nya.

"They're not as weak as you think they are.." sabi ni Sir Geo

Nag-eyeroll nalang si Armida sa sinabi ni Sir Geo "Yeah, yeah.. May mga
naghihintay pang teacher sayo, you can go now.." tumalikod na si Armida para
bumalik sa table nya

"Pumunta ka ng theatre mamaya. May practice.."

Napahinto si Armida at napatalikod agad "Practice??"

"May number din tayo sa 21 kaya kelangan ng practice.. Theatre, 3 pm sharp.." at


umalis na si Sir Geo

Naiwan naman si Armida na nakanganga habang nakakunot ang noo.


Late na naman ang uwi nya.

Paniwalaan pa kaya sya ni Josef kapag nagsabi syang may practice sila ng mga
teachers??

_________________________________

Later na ang edit. Pasensya na guys kung puchu-puchu ang mga susunod na chapters.
Isang linggo nang may sakit si author. Kahit may headache, tinry ko pa rin
magsulat. Hindi kasi kumpleto araw ko kapag hindi ako nakakapagsulat.

^_^ Baka i-revised later..

~~~~Narrated for Laby~~~~

As usual, gumagala na naman si Laby sa buong Byeloruss. Busy ang 4-A ngayon dahil
sa preparation for christmas event sa 21 kaya ok lang kahit gumala-gala sya. Busy
ang buong student body for decoration ng buong school kaya kahit pabandying-
bandying lang sya, wala pa ring nakakapansin.

"Cutie pie!"

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Laby sa may quadrangle at kung makapamasyal akala


mo walang problema.

"Cutie pie, yoohoo!"

Nakita nya sa di kalayuan ang isang grupo ng mga babae na may limang member at
papalapit sa kanya na pawang mga bratinella at lakad palang sosyalin na. Amoy na
amoy ang mga mamahaling pabango ng mga ito dala ng hangin kahit malayo palang. And
the air smells bad news for her. Alam nya kasi ang pakay ng mga ito kahit hindi pa
nya nakaka-encounter.

"Hey, Millicent!"

Napalingon agad si Laby sa likod nang marinig ang pangalan nya.

"Aish.." naningkit agad ang mata nya ng makita si Ran na kinakawayan sya. Itinuon
nalang nya ang atensyon sa dinadaanan at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hey, bitch.."

Napahinto sya sa paglalakad nang huminto sa harapan nya ang grupo ng mga
bratinella.

Parang sinasampal ang pang-amoy nya ng alingasaw ng halo-halong mamahaling pabango.


Mabango ang isa, mabango din ang isa, kaya kapag pinagsama-sama, ang baho na.

"You're the feelingerang frog na nagf-flirt kay Prince Yoshi, right?" mataray na
sinabi ng isang maarteng member ng grupong yon

"You're not maganda naman pala!"

"Yeah right.."

Tumaas ang kilay ni Laby habang bored na bored na tinignan ang lahat ng member ng
grupong yon. Pagkatapos ay napako ang atensyon nya sa babaeng halos kasing height
nya dahil may suot na heels. Pero kung walang heels, malamang na nasa 5'2 lang.

Mukha itong inosente at hindi-makabasag pinggan. Quiet din sya kaya naman the other
girls nalang will do the talking for her (arteh). Ang ganda ng mala-princess nyang
hairdo na may elegant beads pa. Ang neat nya tignan sa uniform nya. Model student
kung model student ang peg. Parang hindi sya pwedeng mawalan ng smile sa face kahit
konti lang.

At kung ikukumpara ang itsura nya kay Laby...

Mas bagay sa bad, rebel-type, childish, careless, easy-go-lucky girl category si


Laby at hindi pang princess-type.

"Alexandrei Rachelle Harrison.. " sabi ni Laby habang diretsong nakatingin sa


princess-like girl na yon "You're Lexi, the Campus Fairy.. Top 2 ng 4-A. Yung
katabi ni Yoshi sa likod, ang self-proclaimed girlfriend nya." iniikot nya ang
hintuturo sa hangin "Alam ng buong school na kayo ni Yoshi, pero mismong si Yoshi,
walang idea na kayo pala.." nangingiti nyang sinabi

Yun lang naman ang naiisip nyang dahilan para kumprontahin sya ng mga babaeng yon.
Si Yoshi.

Naningkit agad ang mga mata ni Lexi sa sinabi ni Laby

"Huh! How dare you talk to Princess Lexi like that!"

Sasabunutan na sana sya ng isa sa mga alipores ni Lexi nang biglang sinalo ni Ran
ang kamay ng babaeng yon.

"Hoy, octopus, subukan mong saktan 'tong girlfriend ko, babangasan ko yang pangit
mong mukha.." banta ni Ran dun sa octopus-girl sabay bitaw sa kamay nito

Tinitigan naman ni octopus-girl ang kamay nyang hinawakan ni Ran.

"Girl, na-touch ka ni Prince Ran.." amaze na amaze naman ang ibang member ng grupo
na pare-parehong namula sa kilig

"O-M-G"

"Omygee, girl.. Kakainggit.." nagpaypay naman ng mukha ang ilan dahil sa kaartehan

"Hey, Lex." inakbayan naman ni Ran si Laby "If you're here because of the news,
it's better if you forget about it.." lalo pang inilapit ni Ran si Laby sa kanya
"Girlfriend ko si Millicent, there's no chance na kunin sya sakin ni Shiza.."

"Girlfriend mo?" sabi ni Lexi kay Ran. At ang boses nya, parang mukha rin nya, ang
cute "Until when? Mamayang 5? Oh come on, Ran.. Like I don't know you.."

Napatingin nalang si Ran sa may gilid at napakamot ng batok. Katwiran pa kasi ng


katwiran eh may record sya ng pagiging playboy sa buong school.

Si Laby naman, sasamantalahin ang drama nila ni Ran dahil ayaw nyang magkaroon ng
problema kay Lexi. Kapag kinalaban nya si Lexi, lalo lang dadami ang poproblemahin
nya.

"Anyway, tell this to your pet for today: Leave my Yoshi alone." tinignan nya si
Laby na pokerface lang na nakatingin sa kanya "Understand?"

"Tss.." umismid nalang si Laby at tumingin sa ibang direksyon

Tuloy-tuloy na lumakad si Lexi at nilagpasan nalang sila Laby. Bumuntot na naman sa


kanya ang iba nyang maaarteng kasama.

"Psh.." tinabig agad ni Laby ang kamay ni Ran sa balikat nya "Girlfriend mo?"
ginaya ni Laby ang mahinhin na boses ni Lexi "Until when? Mamayang 5? Oh come on
Ran, like I dont know you. Anyway, tell this to your pet for today, leave my Yoshi
alone, understand?" nag-make face sya sabay eyeroll

"Ayos ah.. Gayang gaya, hahahaha!!" tuwang tuwa naman si Ran habang tinitignan si
Laby na nagmamataray habang ginagaya si Lexi

"Isa ka pa," inis na sinabi ni Laby kay Ran at nagpatuloy nalang sya sa paglalakad

"Hey, hindi ka ba magt-thank you sakin, girlfriend?" hinabol naman sya ni Ran at
sinabayan sya sa paglalakad

"Thank you" mabilis na sinabi ni Laby


Biglang napaisip si Ran dahil ang inaasahan nya, pipilitin pa nya si Laby na mag-
thank you sa kanya. Lalo pa, nakilala nya itong hindi madaling kausap.

"Yun na yun?" tanong ni Ran

"..."

"Uhmm.." tinignan nya si Laby na naka-serious mode na naman at balik sa no-comment


mode "Pwede ka bang ihatid mamaya sa inyo?"

"No. Baka makita ka na naman ng mga tao sa bahay.."

"Yung guy yesterday sa bahay nyo, husband ba talaga sya ni Maam Zach?"

"Yes."

"Ang sabi nya, pag-aari ka daw ng iba, what does that mean? Wala ka pa namang asawa
diba?"

"He's talking about my job. Bawal ang intimate relationship sa trabaho ko.."

"Oh.. So, are you working for him? Sya ba ang nag-uutos sayo about sa software?
Gusto mong ilayo kita sa kanya?"

Napahinto si Laby kaya huminto rin si Ran. Hinarap nya si Ran at tinantya ito ng
tingin.

"Wala syang kinalaman sa software. Kahit si Maam Zach, walang alam about that. Ako
lang ang may issue sa software sa bahay na yon."

"Why are you finding that software on the first place? Sino ang nag-uutos sayo?"

"Walang nag-uutos sakin. I owned that software at ni-redevelop lang sya ng


assistant ko.."

tuloy-tuloy na naglakad si Laby papunta sa malapit na tambayan sa quadrangle.


Sinundan na naman sya ni Ran.

"You owned that software??" tanong ni Ran

Naupo silang dalawa sa isang bench na nasa lilim ng puno.

Iyon na siguro ang tamang oras para tanungin si Ran tungkol sa talagang pakay nya
sa lugar na yon.

"The Brain. Sumikat ang pangalang yon dahil sakin. That software is me. At minsan
na kong hi-nunting ng lahat dahil lang sa mga nalaman ko dahil sa software na yon..
Gusto kong malaman kung paano napunta sayo ang software pati na rin kay Yoshi at
kay Brent."
Ngayon si Ran naman ang no comment sa kanya.

"May kilala ka bang Yuan Li? He's my assistant and sya lang kilala kong kayang i-
redevelop ang software sa time na dapat nabura ko na yon.."

Diretsong nakatingin sa kanya si Ran. Hindi pa kayang i-digest ang narinig.

"O, nasan na yang ingay mo? Don't tell me, yang dila mo umurong na" sabi ni Laby
in sarcastic tone

Yumuko sandali si Ran at saka inilipat ang tingin sa malayo.

"Sinubukan kong ibenta ang laptop kong may software ng The Brain sa black market.
Maraming gustong bumili, may nagpresyo ng 2 billion para lang doon.." seryosong
sinabi ni Ran

Nanlaki agad ang mata ni Laby sa sinabi ni Ran "Subukan mo lang sabihin saking
binenta mo na yon! I'm telling you ipapapatay talaga kita!" banta nya kay Ran

"Hwoy! OA mo! Nasa bahay ko pa rin yung laptop! Wag kang exaggerated!"

Napasimangot agad si Laby at umamba ng kutos kay Ran "Ang sarap mong batukan
maghapon! Nakakaasar ka talaga!"

"Tss.." napakamot nalang ng batok si Ran at napatingin sa taas "Anyway, kuya ko


si Li Yuan. At kung tama ang hinala ko, ikaw yung tinutukoy nyang hahanap ng
software in the near future at magbubura non. He told me about you before he died,
ang sabi nya ibigay ko sa taong yun ang software kapag nagpakita sya sakin. I
didn't expect na IKAW mismo ang tinutukoy nya. He asked me to hide here in the
Philippines at lumayo muna sa Hongkong dahil kapag nalaman ni Papa ang tungkol sa
software, kukunin na sakin yung laptop and ibebenta rin nya yon sa mga Superiors.."

Napapikit-pikit si Laby sa narinig kay Ran. Now, speechless na talaga sya.

Tama ba ang narinig nya? Superiors?

"Alam ni kuya na kikita ng malaki ang kahit sino sa family namin kapag binenta sa
Congregation ang software pero naisip nyang baka bawiin lang ng Congregation ang
software since ace nila ang gumawa ng software na yon. Kaya kung sa Superiors nila
ibebenta, kikita sila ng sobrang laki at hindi pa sila magkakaproblema about sa
ownership ng software na yun.."

Lumapit si Laby kay Ran at para syang inosenteng batang sinilip-silip ang mukha
nito.

"Bigyan kaya kita ng card.." mahinang sinabi ni Laby


"Card?" tanong ni Ran

Marami naman palang alam si Ran tungkol sa dating pinanggalingan nila Laby. Pati
mga Superiors alam nya.

"Kilala mo si RYJO? Eh si Shadow kilala mo?" nawala ang pagkainis ni Laby kay Ran
dahil sa mga sinabi nito.

Ngayon kung makatanong naman sya, para syang batang nakakita ng matalinong tao na
sasagot sa mga tanong nya.

"Kilala ko? Siguro.. Si Shadow, yung magaling na magnanakaw ng Asylum. Patay na sya
dati, tapos kamamatay na naman nya nito lang nakaraan. Yun lang ang balita ko sa
kanya.. Kung totoo man yon, wala na kong pake.. Si RYJO naman, yung assassin ng
Assemblage, ang sabi nila pinatay na ng mga Higher-ups.. But I don't believe that
person really died. Ang sabi ni Kuya, gumastos ang Four Pillars ng bilyon para pag-
experimentuhan sya. Nasa Data yun na makikita sa profile ni RYJO. Si Kuya,
naintindihan yung mga nakalagay sa Data pero ako, nalalabuan ako.. Ilang beses
syang pinatay nung bata pa, and dun nila nahanap ang perfect formula for
immortality.. Ten years ang maturity date ng mga gamot at lason sa katawan nya at
kung ako ang tatanungin, sa panahong 'to kahit saksakin mo sya sa puso, bibilis
lang ang regeneration process ng katawan nya at hindi sya totally mamamatay."
tumingin sya sa taas at inisip ang itutuloy "Para yatang, mamamatay sya but the
body can revived soon after the regeneration occured.. Well, nagkainteres lang
naman akong alamin yan kasi nabanggit na ang immortality.. Sino bang hindi gustong
maging immortal.. Other than that, wala pa rin akong pake kung buhay man sya o
patay.."

Dahil sa lahat ng narinig ni Laby kay Ran, hindi nya maiwasang hindi ngumiti ng
sobrang laki. Wala sa mukha ni Ran ang madaming alam tungkol sa kanila.

Ganun karami ang nalalaman ni Ran tungol sa kanila.. Pwede syang sumali sa Assocs
kung ganyan karami ang nalalaman nya.

"Hey cutie pie... Ganda ng smile natin ah," nginitian naman ni Ran si Laby "Na-
realize mo na bang mahal mo na ko?"

"Hehehe.. Uhm!" ngumisi si Laby sabay kutos ng malakas kay Ran

"Aww!!" napahawak agad si Ran sa ulo nya

"Matutuwa na sana ko sayo eh.. Umariba lang yang kayabangan mong sagad sa buto.."

Tumayo na si Laby sa inuupuan nila at kinuha ang dulo ng necktie nya para kagatin

"Ikaw nga talaga ang kapatid ni Yuan, and that also means wala sayo ang original
copy.." sabi ni Laby habang nag-iinat

Tumayo na rin si Ran at tumayo sa harapan ni Laby "How did you say so? May patunay
ka ba na wala sakin?"
"Kilala ko si Yuan... Hindi sya magbibigay ng delikadong bagay sa member ng family
nya.. Kaya malamang na na kay Brent ang original copy.."

Naglakad na ulit sya para maglibot na naman sa buong school.. Habang binubuntutan
na naman sya ni Ran.

"Pano mo nasabing na kay Brent ang original copy ha? Di mo pa nga--"

"Na-check ko na ang kay Yoshi. Copy lang ang kanya. At kahit na i-check ko ang
sayo, alam kong copy lang din yun.. Ayokong sayangin ang oras ko sayo kaya
pupuntahan ko na ngayon si Brent para hingin ang copy nya.."

"And you think he'll give that to you? Hindi mo makukuha ang copy sa kanya dahil
hindi madaling kausap yung maangas na yun"

"Eh di manghihingi ako ng tulong sa adviser nila ngayon.."

Dali-daling hinarang ni Ran ang dadaanan ni Laby dahilan para mapahinto na naman
ito.

"Member ng DOC ang Kesley na yon. Walang matutulong ang paghingi mo ng tulong kay
Maam Zach. Siguro nga, napatahimik nya ang 4-F these past few days, but that
doesn't mean na susunod sa kanya ang mga member ng DOC, lalo na si Kesley at
Havenstein."

Pokerface lang na tinitigan ni Laby si Ran "Anong gusto mong palabasin ha?"

Sandaling natahimik si Ran..

"Bakit hindi mo nalang hayaan ang software samin?" mahinahong tanong ni Ran

Sandali syang tinitigan ni Laby. Biglang uminit ang ulo ni Laby sa sinabi nyang
yon.

"Hahayaan ko sa inyo? Gusto mong gawin ko yon? Minsan ko nang hinayaan sa public
ang software na yon, at buhay ko bilang Grader ang naging kapalit. Namatay ang
kapatid ni Yoshi dahil sa software na yon.. Namatay ang kuya mo dahil sa software
ring yon.. Namatay din ang kapatid ni Brent dahil din sa software na yon.. Wala
akong pakialam kung mamamatay din kayo dahil sa software na yon.. Ang problema ko
lang ay ang paraan nyo ng paggamit. Hindi search engine for playing ang The Brain!
Kayang magresulta ng gyera ang software na yon at wala kayong kaide-ideya na ganun
kadelikado ang software na ginagamit nyo lang sa kalokohan! Ikaw!" dinuro nya ang
dibdib ni Ran "You used that software for stalking! Anlakas ng loob mong kalkalin
ang profile ko tapos gusto mong hayaan ko sa inyo?! Hindi ko binuwis ang buhay ko
sa software na yon para lang paglaruan ng mga immature na katulad mo! Buhay ang
tinaya namin ng team ko para lang doon! Halos pakainin na ko ng bala para lang
ibigay ang software na yon sa kanila tapos-- Argh!!"

Naubusan na ng pasensya si Laby at tuluyan nang nag-walk out.

Mahirap magpaliwanag sa taong matigas ang ulo. Hindi rin naman kasi maganda ang
naging experience nya dahil lang sa nalaman nya ng dahil sa software na yon. Isang
nine years old na bata, padadalhin ng assassin ng mismong pinagtatrabahuhan nya
para lang patayin. At makikita pa sa katawan nya ngayon ang mga sugat na mismong si
Armida ang gumawa, at dahil pa rin yon sa software na pinoproblema nya.

Kaya hindi magandang marinig sa isang lalaking puro laro lang ang nasa isip na
ipagkatiwala nalang sa kanya ang isang software na buhay ng marami ang binuwis para
lang mabura..

~~~~~Narrated for Josef~~~~~~

Kakatapos lang ng meeting ng mga teachers sa Diaeresis at kelangan pala ng


participation ng mga teachers sa christmas party sa 14.

Na-adjust kasi ang date ng pasok kaya napaaga ang christmas break nila. Sinabihan
din sya na kelangan ng klase nya ng number sa christmas party event ng school kaya
pwedeng hindi na sila magklase ng all day hanggang sa 13. Kelangan kasi ng practice
ng mga estudyante at saka for preparation na rin sa buong school.

Nasa room sya ngayon ng 4-A at kinakausap ang buong klase nya...

"Sir, meron na po kaming dance number sa 14.." sabi ng class president ng klase
nya

"Naplano na po yan bago pa po umalis si Maam Mae.." dagdag pa ng secretary

"Oh.. Good.." tumango-tango nalang si Josef

At least, bawas sa iisipin. Maganda talaga ang section na napasukan nya, maaagap
ang mga estudyante at well-prepared. Walang ka-proble-problema pagdating sa mga
mahahalagang bagay.

"May player ba kayo o kaya kahit anong magagamit sa practice?" tanong ni Josef

"Sir, may player po dun sa cabinet saka may copy po si Janel ng tugtog.." sagot ng
vice-president

"May step na kayo?" -Josef

"Meron na Sir," -president

"Oh.." napatango nalang ulit si Josef


Akala nya, overkill lang ang description ni Laby about sa Class 4-A ng Diaeresis..
May karapatan naman pala kaya kahit sya nai-speechless.

"Ok, pano kayo magp-practice ngayon?"

"Dito nalang din, Sir. Iiikot yung mga tables.." -president

"Owkey.. Start"

Pinaikot na ang mga upuan sa buong room at naging busy ang lahat sa isang iglap.
Lahat may mga ginagawa at ang malupit, hindi sila maingay. Parang matagal nang
planado ang nangyayari at Go signal lang nya ang hinihintay.

Ang ine-expect nya talaga, mag-iingay ang klase nya kasi yun ang normal pero hindi
ang klaseng yon. Nakikita nya yung mga Class Officers na kung makapagmando, tinalo
pa ang engineer sa field. Yung iba naman, sumusunod at hindi nagrereklamo.
Nawiwindang tuloy sya dahil ngayon lang sya nakakita ng ganun ka-organize na klase
na malayo sa natatandaan nyang klase.

Kahit nga nung college sya, konting project lang ang pinapagawa, kung makabunganga
naman ang mga classmate nya akala mo naman may sunog.

"Sir, may klase pa po ba tayo after ng recess?" tanong ng president sa kanya

"Ha? Ah, wala na.. Yeah. Wala na.. Why?"

"Baka po kasi may class pa mamaya, sasabihin ko po sana sa kanila na ayusin ang mga
tables and chairs before ang next class after recess.."

"Ahh.. key.." tumango na naman sya at hindi na alam ang susunod na sasabihin.
Feeling nya, mga young professionals ang kausap nya.

"Wala nang class, nakausap ko na yung iba nyong teachers.. Sige na, tuloy nyo na
yang ginagawa nyo.."

Tipid na ngiti ang binigay sa kanya ng estudyante nya at pumunta na sa gitna kasama
ang iba pang officers.

Inaabangan nya kung may dapat ba syang sawayin pero so far, ang organize ng buong
klase nya. Lahat nakikinig sa class president..

Mukhang pwede na nyang iwanan ang klase nya at pumunta sa Faculty...

....

Pagpunta nya sa Faculty, nakaabang na doon ang ibang teachers at mukhang sya nalang
ang hinihintay..

Sama-sama silang pumunta sa isang room sa dulo ng ground floor na hindi pa


nagagamit. Dun sila magpa-practice ng number nila since pare-pareho silang walang
time para mag-practice pag-uwi dahil may mga schedule din sila.
Pagpasok nila doon ay nakita na nila ang babaeng PE professor ng college na nagpa-
practice kasama ang assistant nito.

"Hi, Maam Maggie!" bati ng ibang teacher sa kanya

"Hello!" kumaway naman ito sa kanila at nilapitan sila "1, 2, 5, 9, 14.. 14 lahat
kayo.." bilang nya sa lahat "Ok, start na tayo kasi may klase pa ko after lunch..
Lahat ng ladies sa right.. Lahat ng gwapo sa tabi ko.." sabi nya sabay smile

Nagtawanan naman ang ibang teachers sa sinabi nya at nag-disperse na. Si Josef
naman, hindi alam ang gagawin kaya sumunod nalang dun sa kasama nyang limang
teacher na lalaki. Pumwesto sila sa tabi lang ng mga babaeng teachers.

Masyadong mabilis ang mga nagaganap, hindi sya makasunod. Lahat yata ng teachers
aware sa nangyayari, sya lang ang hindi.

"Ang music natin is All I want for christmas para sa ballroom piece, then switch to
modern dance.. Mash-up ang music so prepare," sabi ni Maam Maggie habang tinuturo
sa assistant nya na i-play ang music piece na ipe-perform nila

Kanya-kanya nang react ang mga teachers sa narinig kay Maam Maggie..

Pumunta ito sa gitna sa at sumunod na ang assistant nyang paminta.

"I dont want a lot for christmas.. There is just one thing I need"

Tutok na tutok ang mga teachers kila Maam Maggie..

"I dont care about the present underneath the christmas tree"

At dahil ballroom, may paikot-ikot factor sya and may pa-slide slide pa and
lifting..

"I just want you for my own, more than you could ever known.."

Natatawa nalang si Josef sa nakikita. Tinakpan nya ang bibig gamit ang nakakuyom na
kamao para itago ang ngiti. Hindi nya alam kung bakit sya natatawa.

"Make my wish come true.. All I want for christmas is you.."

Pinaikot-ikot nung assistant si Maam Maggie sabay liyad nito habang inaalalayan sya
ng assistant nya. Parang sa mga movie lang ang peg, tapos diretso sa kissing scene,
hahaha!

"Whoah... Me ganon?" reaction ng mga babaeng teacher sabay tingin kay Josef

Unti-unti naman sumulyap si Josef sa mga babaeng teachers na tinignan sya. Pang-
horror movie ang datingan kaya pasimple nyang tinakpan ng palad nya ang pisngi para
magtago.

At syempre, bumilis na ang tugtog after ng slow na part kaya naging high pace ang
steps. Karamihan puro ikot-ikot lang at ang magdadala syempre ang lalaki. Ang bilis
ng steps pero kayang sabayan, basta, practice lang.
"..make my wish come true, all I want for christmas is you..."

Pagkatapos ng chorus, naghiwalay na si Maam Maggie at ang assistant nya. Nagtabi


nalang sila kasabay ng pagbago ng kanta..

"Ohw!" napatakip ng bibig ang mga babaeng teachers nang sumayaw ng Gentleman si
Maam Maggie at ang assistant nya.

Napakagat nalang labi si Josef dahil lalo lang syang natatawa sa nangyayari, ganun
din naman ang reaksyon ng iba pang lalaking teacher kaya hindi sya alone.

"I-i-i-i am a, I-i-i-i-i am a mother father gentleman.."

Pagkatapos ng kanta, may panibago na naman.. Nag countings ng konti tapos biglang
pumasok yung beat...

"Oh come on..." mahinang sinabi ni Josef habang pinapanood sila Maam Maggie at ang
assistant nya na sumasayaw ng...

"Teach me how to dougie, teach me teach me how to dougie.. Teach me how to dougie,
teach me, teach me how to dougie.."

Nagtatawanan ang ibang teachers habang pinapanood sila Maam Maggie na sumasayaw..

Sa sobrang hopeless ng mga teachers, natawa nalang sila sa maaaring maging resulta
ng gagawin nila..

"...then bow.." natapos na ang kanta at biglang namatay ang music. Tinignan silang
lahat ni Maam Maggie "Sige, tawa.. Hindi ako ang magmumukhang abnormal sa
quadrangle kapag nag-perform na kayo doon.."

Napahinto tuloy sa pagtawa ang mga teachers pero hindi pa rin nawawala ang ngiti.

"Ok, since anim lang ang mga macho, may dalawang sexy ang magpa-partner.." sabi ni
Maam Maggie "Ok, tignan natin.. Ang mag-partner sa ballroom ay sina--"

"KAMI NALANG!!" limang babaeng teachers ang agad na nagdikitan kay Josef

"Whoah! Whoah! Whoah! Ba't ako!" lumayo agad si Josef sa kanila at pinang-shield
ang magkabilang palad nya

Tumaas agad ang mga kilay nila sa ikinilos nya. Nilapitan sya ni Maam Maggie at
hinagod sya ng tingin. "Ikaw yung pumalit kay Maam Mae?"

"Uhh.." tumango naman si Josef para sabihing oo


"Bakla ka ba?"

Napataas lang ng magkabilang kilay si Josef sa tanong ni Maam Maggie sa kanya

"Mukha ba kong bakla, Maam?" seryosong tanong ni Josef kay Maam Maggie

"Uhmm.." himas-himas ni Maam Maggie ang baba nya habang tinatantya ng tingin si
Josef "May rule kasi ang mundo.. Lahat ng gwapo, it's either feelingerong mayabang
o di kaya bakla.. Hindi ka naman mukhang mayabang so..."

"Ahhh.." napatango nalang si Josef dahil hanep din sa rule si Maam Maggie

"Let's see..." sinuntok ni Maam Maggie si Josef sa dibdib pero nasalo agad nito
ang suntok nya "Whoah.."

Didibdiban lang naman nya ni Josef para alaman kung gaano ito katigas. Kapag
umaray, alam na. Kapag hindi nag-react, straight. Ang hindi nga lang nya inaasahan
ay masasalo nito ang suntok nya.

"Kung duda ka sakin, wala na kong magagawa.. May kanya-kanyang paniniwala tayo at
irerespeto ko ang paniniwala mo.." binitawan na rin nya ang kamay ni Maam Maggie
"Maam.."

Tinignan ni Josef ang co-teachers nya. Mga nakatingin lang sa kanila ni Maam
Maggie.

"Why don't we start?" tanong ni Josef

"Yeah, start.." mahinang sinabi ni Maam Maggie

Nakumbinsi si Maam Maggie na straight si Josef. Nagkataon pa kasi na ang kamay na


pinangsalo ni Josef ay ang left hand nya. Kinuha nya ang kamay ni Josef para ito
ang gawin nyang partner. Pumunta sila sa gitna para i-tutor na ang lahat.

Nag-hand gesture sya sa assistant nya para i-play uli ang music. Ang gagawin nya,
sya muna ang mag-g-guide kay Josef hanggang sa makuha nito ang steps, then susunod
nyang tuturuan ay isang babaeng teacher tapos mas madali na ang pagtuturo nya sa
lahat kapag may dalawa nang alam ang step.

Para naman kahit wala na sya para magturo doon, kaya pa ring mag-practice ng mga
teachers.

"I don't want a lot for christmas,"

Hawak ni Maam Maggie ang right hand ni Josef habang nakadipa sya at dancer pose

"..there is just one thing I need.."

Umikot sya para papasok sa bisig ni Josef. Kinuha nya ang left hand ni Josef at
saka nya ito inangat. Since napanood na ni Josef ang buong routine, kabisado na nya
agad ang lahat ng steps kaya alam na nya ang mga susunod na gagawin.

"I don't care about the presents underneath the christmas tree..."

Slomo na bumababa ang kamay nila ni Maam Maggie with matching facial expression pa.
At saka binuhat ni Josef si Maam Maggie habang hawak ito sa beywang.

"Wow..." elibs naman ang mga babaeng teacher sa start ng performance ng dalawa
dahil hindi sya mukhang practice lang

"I just want you for my own, more than you could ever known.."

Ipinaikot ni Josef si Maam Maggie since yun ang napanood nya. Isang 'impressive'
simple expression lang ang nagawa ni Maam Maggie habang dinadala sya ni Josef na
dapat sya ang dapat na gumagawa.

"Make my wish come true..."

Hinatak uli sya ni Josef para paikutin paloob

"..all i want for christmas..."

Iniliyad sya ni Josef na walang ka-effort-effort. Para lang syang walis-tambo.

"..is you..."

"Oh my God.." mahinang sinabi ng mga babaeng teachers na pinapangarap na sana sila
ang maging partner ni Josef. Ang romantic kasi ng pagkakasayaw ng dalawa.

Itinayo agad ni Josef si Maam Maggie at saka ito ulit pinaikot palabas since high
pace na at magiging bago na ang type ng sayaw.

"I dont want a lot for christmas, there is just one thing I need.."

Mabilis na kinuha ni Josef ang kamay ni Maam Maggie at sya na ang nagdala ng sayaw
nila.

"I dont care about the present underneath the christmas tree,"

Iikot si Maam Maggie sa harap then ipapaikot ni Josef ang kamay nyang nakahawak sa
kamay ng partner nya sa ibabaw ng ulo nito, tapos iikot uli sa likod then harap na
naman. Ballroom talaga pero pang-basics ang mga steps kaya madaling sabayan.

"I just want you for my own, more than you could ever known.."

Mabilis nyang pinaikot-ikot si Maam Maggie sa harapan nya

"Make my wish come true, baby, all I want for christmas is you.."

Iniliyad nya ulit si Maam Maggie pero mabilis lang at saka nya itinayo sabay bitaw.

Sandaling nginitian ni Josef si Maam Maggie sabay serious mode uli. Ayaw nya na
sumayaw ng gentleman saka ng dougie kaya umalis na sya sa tabi ni Maam Maggie.

"O? Hindi mo alam ang next step? Gentleman saka dougie nalang yon" sabi ni Maam
Maggie kay Josef
Yun nga ang problema eh. Alam nya ang step at kabisado na nya. Kaso asa naman sila
na sasayaw sya ng gentleman at dougie.

"Ituro mo muna yung ballroom part sa lahat, saka nalang i-practice ang modern since
madali lang naman yon.." katwiran ni Josef

Nag-agree naman ang lahat sa sinabi nya.

"Owkeeyy... Game!" pumalakpak si Mamm Maggie at tinignan ang lahat "At dahil
mabenta ka dito sa mga sexy, para walang away, si Maam Carmel nalang partner mo
since sya lang naman ang matangkad dito.." sabi ni Maam Maggie kay Josef sabay
hila kay Maam Carmel papalapit dito

Nadismaya naman ang iba dahil hindi sila napili as partner ni Josef.

Pinag-pair na ni Maam Maggie ang iba pang teachers..

"Start na tayo para di sayang ang time.." sabi ni Maam Maggie

~~~~~Narrated for Armida~~~~~~

Ang aga ng recess ng mga estudyante ngayon dahil busy ang lahat sa decorating ng
buong Byeloruss for christmas kaya time na rin para makakain na din sya. Diet mode
daw sya ngayon kaya puro sandwiches ang kinakain nya. Tuna, chicken, ham at egg na
maraming coleslaw.

Tahimik syang kumakain sa table na sya lang ang tanging nakaupo. Sulok na sulok sya
kaya walang istorbo sa kanya.

Nakatingin sya sa may glass wall sa labas ng cafeteria at iniisip kung may laban na
naman ba sila mamaya. Sinisikreto na kasi nila Josef sa kanya ang mga laban nila
kaya kelangan nyang malaman pa sa iba kung meron nga o wala.

Napahinto sya sa pagnguya at iginilid ang mata nang mapansing may uupo sa table
kung saan sya kumakain. Inilapag nya ang hawak na sandwich at sinundan ng tingin
ang umupo sa harap nya.

"Akala ko ba allergic ka sakin?" naka-smirk na tanong ni Armida

"I'll go straight to the point. You'll give me power to fight Theodore


Havenstein... What do you mean by that?"
Napa-'oh' reaction si Armida sabay tango. "Looks like you don't know me very
well.."

"You belong to the ruling families in Europe and titled people in Asia. Princess
ang mother mo and duke ang father mo. Kahit hindi ka magtrabaho, mabubuhay ka ng
kayamanan-both sides-ng family mo. If power lang ang usapan, I can tell na nasa iyo
nga yon. You said you're here because of me, why?"

Bumalik nalang sa pagkain si Armida. Akala nya naman kung ano na..

"Not specifically YOU. I'm here because of people LIKE YOU. May mission kami and--"

"Fvck that mission! Wag mong ikakatwiran sakin yan dahil hindi ako uto-uto katulad
nila Kelvin at Geron!" padabog nyang sinabi

Unti-unting ngumingiti si Armida at nabuo ang mahinang tawa

"May mission kami ng asawa ko at yun ay hanapin ang mga 5th Generation Superiors..
Malaki ang sakop na kapangyarihan ng guild na yon, and I'm telling you, kung
kapangyarihan lang ang habol mo, dun mo makukuha ang hinahanap mo. Kapag napasama
ka sa guild na yon at naging Superior ka, it's either malalampasan mo ang father mo
or magiging kapantay ka na nya when it comes to authority.."

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo?"

"Anakng-- Eh di wag kang maniwala! Pinipilit ba kita?!" sigaw ni Armida

"Ulk.." diring diri na lumayo si King kay Armida kasi tumatalsik na ang mga piraso
ng kinakain ni Armida kakasigaw

Eww ha. Nakakawala ng finess.

"Dun ka na nga! Shoo!" binigyan nya ng 'layas' hand gesture si King para umalis na
ito sa harapan nya. Istorbo kasi sa pagkain.

"Huh!" hindi naman makapaniwala na tinataboy sya ni Armida. Anlakas ng loob


palayasin sya, samantalang hindi nga sya kinakanti ng ibang mga teachers sa
Byeloruss "Hoy! Hindi mo--"

"Hoy ka rin!" uminom si Armida ng juice sandali at saka inalog ang can na hawak
"Kung ayaw mong maniwala sakin, hindi ko na problema yun. Hindi lang ikaw ang may
karapatan sa pwestong yon. Nakita na namin ang apat at kung ayaw mong tanggapin ang
position, may choices pa kami. Hindi ka kawalan, Havenstein. Hindi ka kawalan.."

Kumunot lang ang noo ni King sa sinabi ni Armida. Hindi nya kasi alam kung
paniniwalaan ba nya ang sinasabi nito dahil lahat ng sinasabi nya ngayon ay
nabanggit na nya noon pang first time syang pumasok sa klase.

Kapag paniniwalaan nya, para na rin nyang sinabi na magkaka-level lang sila ng utak
nila Eljand at James.
"You said secret mission ang ginagawa nyo. Paano ko paniniwalaan na hindi mo ko
niloloko ha, eh kung makapagbalandra ka naman ng "SECRET MISSION" na yan eh parang
hindi naman kaseryo-seryoso.." sarcastic nyang sinabi "Secret pa ba yung alam ng
buong room ang kalokohang yan?!"

"That's the point. Hanggang saan mo kayang paniwalaan ang isang kasinungalingan?
Kaya mo bang ibaba ang lebel mo sa mata ng lahat para lang patunayang totoo ang
sinasabi ko? Anong pinagkaiba ng takbo ng utak ni King Ace Havenstein sa takbo ng
utak ng mga uto-uto nyang kaklase.."

Isang mayabang na 'deal-with-it' reaction ang natanggap ni King kay Armida.

Ngayon sya makipagtalo sa kanya..

"LEXI !!"

"Whoah.."

"OH MY GOD!!"

Napalingon agad sila Armida nang marinig ang mga reaction na yon.

"Aw, come on!" napangiti agad si Armida at agad na tumayo habang dala ang sandwich
nya. May nag-aaway, yeah, aksyon 'to.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Alexandrei, stop!"

"How dare you!"

"Cat fight! Cat fight! Cat fight!"

"Oy! Oy! Oy! Anong kaguluhan ito!" entrada ni Armida

"Uy, may teacher.."

"Patay na.."

"Sayang.."

Bumungad kay Armida ang mga nag-aaway..

"Ohoy.. Surprise, surprise.." nakangiting sinabi nya


~~~~~~~~~~~~

Nasa cafeteria si Laby ngayon at naghahanap na ng mauupuan.

Nakita nya ang blangkong upuan sa may sulok malapit sa may entrance ng cafeteria.
Umupo sya doon since wala namang nakaupo.

Tapos na ang kaso nya kay Ran. Tapos na rin ang kay Yoshi. Si Brent nalang ang
problema nya. Mukhang mahihirapan sya dahil nilibot na nya ang buong Byeloruss, ni
anino ni Brent hindi man lang nya nakita.

Hihingi nalang sya ng tulong kay Armida about kay Brent. Pwede na siguro nya hingin
ang pabor na i-torture nito ang target nya para lang makuha ang computer na may
microchip ng original copy ng software. Naisip nya na baka nasa wafers nito ang bug
at pwedeng operahan nalang nya ang computer para tanggalin sa hardware ang hindi
kayang burahin sa software. Baka mapakinabangan pa kasi nya ang Black Web in the
near future. Sayang naman kung mabubura.

"Hey.."

Napatingin sya dun sa umupo sa harapan nya.

"Dude, tapos na ko sayo.. Pwede mo na kong layuan.." sabi ni Laby at saka itinuloy
ang pagkain

"Is that it? I didn't give you that information para lang sa charity.. Now, help mo
to find my sister's killers. Give me the card you were talking yesterday."

"Yoshikawa, hindi birthday card ang tinutukoy ko na available sa kahit sinong gusto
kong bigyan. You have to prove yourself dahil hindi basta-bastang tao ang
binibigyan ng card na yon.." bored na bored nyang sinabi

"Prove myself? How? Do you want to see me fight? Ganun ba? Gusto mong maging
masamang tao rin ako? Do you want me to kill somebody? Prove how?"

"Tss.." napa-eyeroll nalang si Laby dahil isa pa 'tong Yoshi na makulit "Talk to
Maam Zach.. Ask her if you have the right to have that card.. Kapag pumayag sya,
ituturo ka nya sa isa pang tao na lider kung saan ako nagtatrabaho.. Kapag
napapayag mo silang dalawa, bibigyan na kita.." sumandal sya sa upuan at nilingon-
lingon ang paligid habang kagat-kagat ang straw ng strawberry smoothie nya

Napaisip naman agad si Yoshi...

"Maam Zach? Yung bagong adviser ng 4-F?" nagtataka nyang tanong

"Yeah.. Sila ang talagang hunter at card-giver, not me.. Taga-bigay lang ako ng
info for them. Since alam mo na ang tungkol sa card, sasabihin ko na sayo ang
talagang pinunta nila dito.." lumapit si Laby sa table at pinatong nya ang
magkabilang siko sa mesa. Nag-signal sya kay Yoshi na lumapit kaya lumapit naman
ito "Hindi sya nandito para magturo.. Nandito si Maam Zach dahil naghahanap sila
ng pagbibigyan ng card. Mas madaling makakakuha si King dahil taga-4-F sya. Ngayon,
kung kating-kati ka nang magkaroon ng card, prove yourself to her and to her
husband. So please-- Ah, shit..."

Napapikit si Laby nang maramdaman ang malamig na liquid na unti-unting tumutulo sa


ulo nya..

"LEXI!!" sigaw ni Yoshi at saka sya napatayo

Nakuha tuloy nila ang atensyon ng mga nasa malapit na table

"Whoah.."

"OH MY GOD!!

Nanatili pa ring nakaupo si Laby at pokerface lang na nakatingin sa table. Expected


na nya ang ganung settings sa school kaya hindi na sya magugulat pa.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" sinubukan syang sabunutan ni Lexi pero nasalo agad
ni Yoshi ang kamay nya

"Alexandrei, stop!" humarang agad si Yoshi para pigilan sa pagsugod si Lexi

"How dare you!" sigaw ng Lexi habang dinuduro si Laby na dahan-dahang pinupunasan
ang mukha ng table napkin

"Cat fight! Cat fight! Cat fight!"

Yan ang kantyaw ng lahat sa kanila.

Ang Campus Fairy mukhang na-threaten sa bagong estudyante ng Byeloruss. Bibihira


lang nilang makitang nagagalit si Lexi dahil inaalagaan nito ang pagiging prinsesa
nya pero mukhang nawala ang pagiging prinsesa nito ngayon at lumabas ang pagiging
maldita.

"Oy! Oy! Oy! Anong kaguluhan ito!"

"Uy, may teacher.."

"Patay na.."

"Sayang.."

Bumungad sa mga nag-aaway si Armida na panay ang nguya sa kinakaing sandwich..

"Ohoy.. Surprise, surprise.." nakangiting sinabi nya nang makita si Laby na naligo
ng di-oras
"Maam Zach.." gulat na sinabi ni Yoshi. Naalala nya ang sinabi ni Laby bago pa ito
mabuhusan ng tubig na gawa ni Lexi

"Subukan mong gumatong, isusumbong kita sa tatay mo.." sabi ni Laby habang
pinupunasan ang buhok nya

"Hehehe.. Nakalimutan mo bang maligo kaninang umaga?" pang-asar ni Armida

"Tss.." tumayo na si Laby at tinaasan ng kilay si Lexi na masama ang tingin sa


kanya

"Ang kapal ng mukha mo! Sinabihan na kita kanina ah! Hindi ka ba marunong umintindi
ha?!" galit na galit na sigaw ni Lexi sa kanya

"Lex, stop it!" awat ni Yoshi

"Isa ka pa!" itinulak nya sa dibdib si Yoshi "Bakit ka ba lumalapit sa babaeng


yan ha?!" sigaw nya habang dinuduro si Laby

"Owwhh.." napatango si Armida at kumagat uli sa sandwich nya "Akala ko ba kayo na


nung future boyfriend mo? Yung cute na singkit.."

Napa-face palm nalang si Laby dahil magulo na nga, gatong pa ng gatong si Armida.

"Owwkeeyy..." kinuha ni Armida ang kwelyo ni Yoshi at hinarap ito sa kanya "Uy,
singkit ka rin.." nilingon nya si Laby "Mahilig ka pala sa singkit.. hehehe.."

"Shut up!' sigaw ni Laby sa kanya

"Ah! Muntik ko nang makalimutan.. May Riggs ka nga pala.. Sige, hindi ko na
ipagpipilitan.." humarap na uli sya kay Yoshi na ang weird ng tingin sa kanya
"Base on what happen right now, malamang na ikaw ang ugat.." tinignan nya si Lexi
na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya "Girlfriend mo ba yang prinsesa sa
likod mo?"

"She's not my girlfriend.." mahinang sinabi ni Yoshi habang iwas ang tingin kay
Armida

"Oh.. Wow.." inaudible na sinabi ni Armida sabay bitaw kay Yoshi "Laby, change
your clothes.."

Napa-whatever headshake nalang si Laby at saka nag-walk out

"Hey, hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Lexi

"Tapos na kayo, darling.." awat ni Armida kay Lexi "Wag mo nang ipahiya pa ang
sarili mo sa lahat.. Sayang ang image mo, nagmumukha kang amasonang palengkera..
Ang cheap tignan"

Napanganga nalang si Lexi sa sinabi ni Armida at hindi sya makapaniwalang sasabihin


sa kanya yon ng isang teacher.

Favorite sya ng lahat. Kahit ang owner at President ng school. Sya ang Campus
Fairy. Tapos sasabihan sya ng isang bagong teacher na isa syang amasonang
palengkera. At cheap! Like duhh!

"At ikaw, young dude, kausapin mo yang self-proclaimed girlfriend mo.. Kapag
ginalaw nya uli si Catherine, humanda kayong pareho sakin, understand?" tinapik
nya ang balikat ni Yoshi "Sige na, bago ko pa kayo ipadala sa detention.."
naglakad na sya pabalik sa table nya dahil hindi pa sya tapos kumain

Hindi pa rin umaalis si King sa table kung saan naroon pa rin ang kinakain ni
Armida.

"O, ayos ah.. Di ka umalis?" nangingiting tanong ni Armida at saka sya bumalik sa
inuupuan nya

"Gusto kong linawin mo sakin ang mission mo, whatever that is.." seryosong tanong
ni King

"Ah! Matibay ka, brad.." kinuha ni Armida ang nangalahati nyang juice at ininuman
uli "Akala ko susukuan mo na yan.."

"Ehem.. Excuse me, Maam Zach.."

Napatingala agad si Armida nang may umentrada sa kanilang pag-uusap ni King.

"O, ikaw na naman? Ano na namang problema mo?" tanong ni Armida

Tinignan nya ng masama si King at saka nya ibinalik ang tingin kay Armida. Tumayo
sya ng diretso para magpakilala "I'll introduce myself. I'm Shiza Yoshikawa of
Class 4-A. Class President, Top 1, Student Council member, Public Relation
Officer." at saka sya yumuko bilang paggalang

"Oh.. Yoshikawa eh.." uminom sya ng juice habang hindi pa tinatanggal ang tingin
kay Yoshi "What's your problem this time?"

"Ehem.." sinulyapan ni Yoshi sandali si King na ang sama ng tingin sa kanya.


Anlakas kasi nya makaepal. "Can we talk privately?" tanong nya kay Armida

"No. Tell me your problem right now dahil wala akong time para sa private-private
talking na yan.." seryosong sinabi ni Armida. Ang harsh lang.

Napahugot ng malalim na hininga si Yoshi dahil hindi nya inaasahan na ganun pala
kahirap na kausapin si Armida. Akala nya madali lang i-approach kasi laging naka-
ngisi. Naisip nya tuloy na tatahimik nga talaga ang 4-F kung ganyan kasungit ang
adviser nila.
"Maam, may nabanggit sakin si Etherin about you. I want to find my sister's
killer." seryosong sinabi ni Yoshi

"Hwoy! Wala akong kasalanan dyan ah! Wala akong pinatay na Yoshikawa! Nuh-uh! Wuh-
luh.. Inosente ako," itinaas ni Armida ang magkabilang kamay nya habang umiiling
para sabihing 'I'm innocent. I didn't kill anybody'

Napataas naman ng kilay si King at Yoshi sa reaction nya.

Guilty??

"Psh.." natawa ng mahina si Armida at binaba na ang kamay nya nang makita ang
reaction ng dalawa " 'De joke lang.. Bakit? Ano bang kaso ng kapatid mo?" ti-nap
ni Armida ang tabi nyang upuan para paupuin doon si Yoshi

Lalo lang nagtaka si Yoshi dahil sa pagbago ng mood ni Armida.

At saka, magkukwento sya kaharap ang mortal nyang kaaway? No way!

"Maam, pwedeng tayong dalawa lang--?" asiwa nyang tanong

"Owkey.." tinignan nya si King "Oy, pogi alis na.." shi-noo na naman nya si King
"Dun ka sa malayo, yung hindi kita makikita.."

"Bakit ako aalis? Ako kaya ang nauna dito.." maangas na sinabi ni King

"Pwede bang umalis ka nalang.." mariing sinabi ni Yoshi

"Huh! Angas mo ah!" tumayo na si King para harapin si Yoshi

"Pinaaalis ka na, dapat umalis ka nalang.." mayabang na sinabi ni Yoshi.


Kinuwelyuhan tuloy sya ni King.

"Yabang mo, mahina ka naman" pang-asar na sinabi ni King. Kinuwelyuhan na rin sya
ni Yoshi.

"Wag kang pakasiguro, Havenstein. Sa susunod na laban natin, pakakainin kita ng


alikabok.." banta ni Yoshi

"Ah ganon, gusto mong ikaw ang pakinin ko ng alikabok ngayon!" umamba na sya ng
suntok ganun din si Yoshi

"Hep!" tumayo na si Armida at pinaghiwalay ang dalawa "Angas nyo pareho ah! Baka
gusto nyong ako ang magpalamon ng kilo-kilong alikabok sa inyo!"

Kinuha nya ang natitira nyang ham sandwich at kinagat. Pagkatapos ay kinuha nya ang
kwelyo ng dalawang estudyante para kaladkarin palabas ng cafeteria.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sa may gym...

"Hoy, kayong dalawa.. Magkaaway kayo?" tanong ni Armida kila Yoshi at King

"Wala kang pake!" maangas na sinagot ni King sa kanya

"Hoy! Matuto ka ngang rumespeto ng teacher!" sigaw ni Yoshi sa kanya

"Wag kang mangialam!"

Magsusuguran na naman ang dalawa nang pumagitna sa kanila si Armida.

"Subukan nyong magsapakan sa harap ko, makikita nyo hinahanap nyo" banta ni Armida
sa kanilang dalawa

Nagtitigan lang ng masama si King at Yoshi. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka
pinaglalamayan na silang dalawa.

"Ano ulit ang kelangan mo sakin, Havenstein?" tanong ni Armida habang nakatingin
sa pinto ng gym

"Hindi ako magsasalita hangga't nandito yang mayabang na yan!"

"Eh di wag.. Eh ikaw Yoshikawa, anong kelangan mo?"

Sandaling hindi sumagot si Yoshi. Tinatantya kung sasagot ba sya o hindi.

"Si Etherin, may nabanggit na card. Ang sabi nya, kapag nabigyan ako nun, mahahanap
ko na ang killer ng kapatid ko." at saka nya tinignan si King para sabihing bahala
sya kung ayaw nyang magsalita "Ni-refer nya kayo at nabanggit din nya ang tungkol
sa asawa nyo.. Ang sabi nya, patunayan ko ang worth ko sa inyo bago nya ko bigyan
ng card."

"Ah.." napatingin tuloy sa kanya si Armida "Malamang na isa ka sa mga candidate


nya.. Owkeyy.." napatango si Armida at saka tinignan si King "Parehas lang pala
kayo ng pakay sakin.."

Napakunot ng noo si King dahil sa sinabi nya "Anong pakay?"

"Card. Kapag binigyan kita ng card, may kapangyarihan ka na para kalabanin ang
father mo.. Dalawa kayo ngayong may gusto sa card na yon, tatlo lang ang meron kami
para sa inyo.. Ibibigay palang namin ng asawa ko ang isa kay Shiner Soliman kaya--"

"Shiner? Bibigyan nyo ng card si Shiner?!" gulat na tanong ni Yoshi


"Bakit mo sya bibigyan?" dagdag ni King

"Oh? Kilala nyo?" gulat na tanong ni Armida

"NATURAL!" sabay pa sa pagsagot ang dalawa

"Oy, may napagkakasunduan naman pala kayong dalawa eh.." naglakad papunta sa
lalagyanan ng bola ng basketball si Armida. Sinundan lang sya ng tingin nila King
at Yoshi

"Napatunayan ni Shiner ang sarili nya samin kaya may karapatan syang makuha ang
summons card." kumuha sya ng isang bola at hinagis-hagis sa ere "May hidden
agenda yung batang yon.. Parang kaso mo lang King.. Pero hindi nya gustong
kalabanin ang father nya. Gusto lang nyang iwasan ang gustong mangyari ng father
nya sa kanya.."

Sandaling nagkatinginan sila King at Yoshi sabay layo rin ng tingin kasi ang
awkward.

"Ikaw King may position ka na yata sa pagiging Superior, yung card lang talaga ang
kelangan mo.. Kaso hindi pa rin kita mabibigyan kasi nga wala sakin ang card.. Sa
ngayon.. Saka kelangan ka pa ring ma-check ng Fuhrer kasi sya ang may mission na
hanapin kayo, hindi ako.."

"Superior? Fuhrer?" -King

"Bakit si King?!" -Yoshi

Walang sinagot si Armida at saka ibinato ang hawak na bola kay King.

"Whoah!" sinangga ni King ang bola gamit ang dalawa nyang kamay pero masyadong
malakas ang pwersa ng pagkakabato ni Armida kaya lumipad sya at dumausdos sa
madulas na sahig ng court ng gym.

"Ayp-- Nakalimutan ko, injured ka nga pala.." napasapo ng noo si Armida dahil ang
engot ng ginawa nya

Gulat na napatigin si Yoshi kay King na lumipad sa lakas ng pagkakabato ni Armida


ng bola

Kumuha ulit ng bola si Armida para si Yoshi naman ang patamaan.

Nilingon ni Yoshi si Armida, pero ang tanging nakita lang nya ay ang bolang
papalapit sa kanya.

"Ay shit!" hinakbang ni Yoshi ang kaliwang paa nya at buong lakas na sinipa ng
kanang paa ang bolang tatama sa kanya

Lumipad naman ang bola papunta kay Armida. Nagpantay ang lakas ng pagkakabato nya
at lakas ng pagkakasipa ni Yoshi sa bola kaya ang bagal ng lipad ng bola papalapit
sa kanya.
"Aww..." napatinuhod si Yoshi dahil parang bakal ang sinipa nya. Napahawak sya sa
paa nyang nanakit bigla.

"Anyway, maiba tayo.. Ang sabi sa rules ng Byeloruss, pwedeng disiplinahin ng kahit
sinong teacher ang mga estudyanteng nag-c-cause ng away.. At dahil ayaw kong
pumupunta ng detention, dito ko nalang kayo didisiplinahin" sabi ni Armida habang
hinahagis-hagis sa ere ang bolang nasalo "Nasa cafeteria ako nung time na
nagkaroon ng commotion.. Ikaw Yoshikawa, naka-isa ka na, dinagdagan mo pa.. Kapag
ako napatawag uli sa office, yari kayong dalawa sakin.."

Nakatayo na si King at si Yoshi naman, pinipilit na makatayo kahit na nananakit ang


kanang paa.

"The last time na nagpunta ako ng detention cell, meron akong tinanggalan ng
daliri.. Hindi ko naman pwedeng tanggalan ng daliri tong dalawa.. Tsk! Pano ba
'to?" bulong ni Armida sa bolang hawak

Sanay na nade-detention si King pero hindi ganun ang treatment. Pinalipad sya ni
Armida dahil lang sa pagsalag sa isang bola. Malakas yun, alam nya. Hindi naman
kasi sya lilipad ng sobrang layo kung hindi malakas.

Si Yoshi naman, hindi pa na-experience ma-detention. Isa sya sa mga model student
ng Byeloruss kaya wala syang idea kung anong meron sa detention. Ngunit kahit
ganon, hindi naman siguro ginagawa sa detention ang dodgeball. Sumakit pa ang paa
nya dahil tinalo pa nya ang sumipa sa isang bakal na tubo dahil sa lakas ng
pagkakabato sa bolang binato ni Armida.

"Hoyp--" sa sobrang pag-iisip, huli na ng mapansin ni Yoshi ang bolang papalapit


sa kanya kaya hindi na sya nakailag pa. Sinangga nalang nya ng braso ang bola
"Agh! Ssss..." napahawak agad sya sa brasong pinangsangga "Aww..." para syang
hinampas ng dos por dos sa braso sa sobrang sakit

Kumuha ulit si Armida ng bola at ibinato agad kay King.

Nakita ni King ang bolang paparating pero wala syang balak iwasan. Ano sya, duwag?

Sinubukan nyang saluhin ang bola, pambawi sa pagkakalipad nya kanina.

"Ow, fvck!" napataas ang braso nya sa sobrang lakas ng pagkakatama ng bola sa
kamay nya at napaatras sya ng tatlong hakbang

Malakas talaga ang pagkakabato ni Armida at yun ang hindi nila inaasahang dalawa.
Nabubugbog na sila kakasangga ng simpleng bola.

"Masakit ba? Kung hindi kayo sanay na nasasaktan, magpapasa agad yang mga tama nyo"
sabi ni Armida habang pinupulot ang bolang gumugulong "Mabalik tayo sa pakay nyong
dalawa.. Ikaw, King, pwede mo nang labanan ang father mo dahil magkakaroon ka,
instant, ng mga taong susunod sa lahat ng gusto mo. Kahit isang batallion, kaya
naming i-provide para sayo.. At ikaw naman Yoshikawa, gusto mong mahanap ang killer
ng kapatid mo? Tamang tao ang nilapitan mo.. Actually, hindi mo na pala kelangan ng
card. Kaya kong tawagan lahat ng connection ko.. Maybe within this week, or next
week, ibigay ko na sayo ang profile nila.. Yun lang naman pala ang habol mo eh"

Kinuha nya ang phone sa bulsa ng suot nyang coat at dinial agad ang number ng
security company nya.

"Solidus... Profile search.."

Lumapit si King at bumalik malapit sa pwesto ni Yoshi

Pinapanood lang nilang dalawa si Armida na may tinatawagan habang dini-dribble ang
bolang hawak.

"Pangalan ng kapatid mo, Yoshikawa?" tanong ni Armida kay Yoshi

"Yoshikawa Masane.." sagot ni Yoshi

"Oh?" gulat na reaction ni Armida "Teka nga.." napatingin sa taas si Armida at


may inalala sandali "Masane Yoshikawa..."

Kung tama ang pagkakaalala nya, may nakilala syang Masane Yoshikawa na naging
target ni Neptune noon two years ago.. Assassin din yun at nagtatrabaho sa SI.. Sa
pagkakatanda nya, panganay na anak ng Yakuza Boss yung Masane na yun.

Pero malayo, baka kapangalan lang...

"Wala namang involvement sa boryokudan na Sumiyoshi-kai ng Tokyo ang kapatid mo,


right?" nakangiting tanong ni Armida

Pangalawa sa pinakamalaking Yakuza family ang Sumiyoshi-kai. At maganda ang


pagpapatakbo ng kasalukuyang oyabun sa family na yon.

At kung titignan, nasa third place lang ang Inagawa-kai. Ang Inagawa family na
maternal family ni No. 99.. Pero mas marami naman silang clan sa labas ng Japan
kesa sa loob ng bansa.

Agad na nagbago ang timplada ng mukha ni Yoshi at nagtatakang tinignan si Armida


"How did you know about the Sumiyoshi-kai?"

"I won't tell you anything kung wala ka namang connection.. Masane Yoshikawa ang
name ng sister mo, right. Kelan namatay.. O pinatay?"

"2 years ago.."

Napataas ang magkabilang kilay ni Armida dahil sa sinabi ni Yoshi.

"I'll call again later.." at binaba na nya ang phone "Hey, Yoshikawa.. Masane
Yoshikawa ang name ng kapatid mo na namatay two years ago, tama? May connection ba
kayo kay Yoshikawa Seiichiro?"

"He's my father."
Napatango nalang si Armida at binulsa nalang ulit ang phone nya.

Hindi nya inaasahan ang nagaganap ngayon

"May kapatid pala si Sayo.." bulong ni Armida sabay itsa ng bola sa lalagyanan
nito

"Paano nyo nalaman ang tungkol sa Sumiyoshi-kai at kay Yoshikawa Seiichiro?"


tanong ni Yoshi. Hindi na sya sinagot ni Armida sa tanong nya

Lumapit na si Armida kay Yoshi at saka ito inakbayan. "Hoy, Havenstein, kung gusto
mong malaman ang lahat ng kelangan mong malaman.. Kausapin mo yung bagong student
ng Class 4-A.. Mas madami syang alam kesa sakin at mas maliliwanagan ka sa mga
gusto mong malaman.."

At saka na nya tinangay si Yoshi na hindi na rin alam kung ano nang nangyayari.

"Hoy! Di pa tayo tapos!" sigaw ni King

"Etherin, Class 4-A.."

At nag-'see you later' hand signal nalang si Armida kay King.

Nasa garden ngayon si Armida at Yoshi at nakaupo sa isang bench.

"Masane Yoshikawa. Sya ba yung babaeng may dalawang nunal na magkapatong sa noo at
may gold earrings na jasmine-shape sa left ear. Lagi ring nakasuot ng red sailor
uniform at may dalang kodachi na may naka-engraved na unique designs sa talim?"
tanong ni Armida habang nakatingin sa mga estudyanteng paroo't parito sa garden

Takang-taka naman si Yoshi dahil swak na swak ang description ni Armida sa kapatid
nya.

"How did you know that?"

"Her codename is Masayoshi. And hindi sya pinatay.."

"What?! Pero--"

"Two years ago, isang grupo ng mga professional assassin ang binigyan ng mission na
protektahan ang tatlong tao mula sa iba't ibang grupo, associations at mga
underground organization. Familiar ka ba sa Escadron Elites?" tanong ni Armida

Umiling lang si Yoshi para sabihing hindi nya alam

"Sila ang grupo ng mga assassin na binigyan ng mission. At ang tatlong tao na
tinutukoy ko: si Yuan Li, Ray Pearson at Masane Yoshikawa.. May hawak silang tatlo
na gustong gustong makuha ng lahat.."

Napakunot ng noo si Yoshi dahil nabanggit ni Armida ang pangalang Yuan Li at Masane
Yoshikawa at ang hawak ng tatlo na gustong makuha ng lahat. Na malamang ay ang
software.

"Bakit mga assassin pa ang poprotekta sa kanila? Hindi ba ang mga assassin na yon
ang pumatay sa kapatid ko?!"

Umiling si Armida para sabihing mali ng iniisip si Yoshi

"Elites na binubuo ni Ranger, Crimson, RYJO at Neptune. Si Pearson ang target ni


Ranger. Si Li ang target ni RYJO. Si Masayoshi ang target ni Neptune.. Nakuha sila
ng Elites.. Dinala sila sa isang tagong lugar para itago sa lahat ng humahanap sa
kanila. Tinanong sila ni Crimson kung ano ba ang hawak nilang tatlo dahil hindi
biro ang mga huma-hunting sa kanila. Kelangan nilang manatiling buhay dahil silang
tatlo lang ang nakakaalam ng kung ano ba ang hawak nila na hinahanap ng lahat.."

"Alam ng lahat ang hawak nilang tatlo! Kaya nga sila hina-hunting!" pasigaw na
sinabi ni Yoshi

"Kung alam ng lahat, bakit sila kelangang panatilihing buhay ha? Hina-hunting sila
para malaman ang hawak nila.." hinawi nya ang buhok sa balikat at tumagilid ng upo
para harapin si Yoshi. Ipinatong nya ang braso sa sandalan ng bench "Kung ano man
ang hawak nila, wala nang nagtangkang maghanap pa pagkatapos ng nangyari.."

"Anong nangyari?"

"Hawak ng Elites si Masayoshi, Li at Pearson. Sa katunayan, malaya silang tatlo.


Hindi sila nakakulong o anuman. Pinapanatili lang silang buhay ng Elites. Hindi
pwersahan ang pagbibigay ng impormasyon but those three have this plan bago pa man
sila makuha.. May sinabi si Li kay RYJO na sya ang puno't dulo ng lahat kung bakit
nila kelangang gawin ang bagay na yon. May nabanggit si RYJO kay Li na
nakapagpabago ng sitwasyon..

Nagtapat si Li na may connect sila sa The Brain. Kaya sinabi ni RYJO na hawak nya
ang Brain. After that, may tinawagan si Li na naka-address sa Hongkong ang number.
Family lang naman nya ang tinawagan nya kaya hinayaan na ng grupo. At sa mismong
araw ding
yon, nagulat nalang ang Elites dahil sinaksak sa puso ni Masane Yoshikawa si Yuan
Li at Ray Pearson. Pagkatapos non ay sinaksak din nya ang puso nya gamit ang
mismong kodachi na ginamit nya sa dalawa pa nyang kasama. Akala ng Elites, plano
yun ni Masane pero ang totoo, inutos mismo ni Li ang pagpatay sa kanilang tatlo.

Sinubukan silang i-revive ng grupo pero alam ni Masane ang vital parts ng katawan
ng tao at alam nya ang parteng sigurado ang kamatayan kapag pinatamaan. Dahil sa
pagkamatay ng tatlo, napagbintangan ang Escardon Elites na sila ang tumapos kaya
wala nang nagtangka pang hanapin ang hawak nila Li, Pearson at Masayoshi. Hindi
pinatay ang kapatid mo. Nagpakamatay sya."

"You're lying.." yon nalang ang tanging nasabi ni Yoshi dahil hindi sya
makapaniwala sa narinig. Hindi magagawa ng kapatid nya ang sinasabi ni Armida.
Hindi masamang tao ang kapatid nya.
"I'm not asking you to believe me... I'm just telling you what I know. At kahit na
maghanap ka pa ng ibang ebidensya, babagsak at babagsak ka pa rin sa kwentong
sinabi ko.. Pero umasa ka ng iba't ibang version. Mga wild versions, ganun.. Alam
mo naman ang mga tao ngayon, ang balita bihirang magtapat.. Magkatotoo man, marami
nang dagdag.."

Sa itsura at tono ni Armida, para lang syang nagkwento na may nagsampalan lang sa
kanto. Kung maka-tsismis parang hindi big deal ang pinag-uusapan nila.

Si Yoshi naman, gusto nang maluha sa narinig. Hindi nya maintindihan kung magagalit
ba sya, maiinis, magugulat o ano..

"Sino ka bang talaga?" tanong nya habang pinipigilan ang damdaming gusto nang
magwala sa galit

"Ako? Bakit lagi nyong tinatanong kung sino ba ko? Ang hirap sagutin ng question
ah.."

"Espiya ka rin ba? Kasama ka ba ng-- ng mga--"

"Hoy! Dumadami yata ang mga lalaking iyakin ngayon.." dinuro nya si Yoshi na
pinipigilan ang pagluha "Try mo umiyak sa harap ko, kukutusan kita.."

"Pano mo nalamang pinatay ng kapatid ko ang sarili nya?!" tumayo sya at tinignan
ng masama si Armida "Pano mo patutunayan yon? Pano kita paniniwalaan? Pano-- Pano
mo-- Paanong--"

Uso ba ngayon ang pag-iyak ng mga lalaki?

Tumayo na si Armida at inakbayan si Yoshi. Mukhang kelangan nito ng hangin eh


"Tara, kid.. Lakad tayo sa malawak na damuhan ng inyong napakagarang paaralan.. Oh
yes.."

gumawa sya ng imaginary rainbow sa hangin gamit ang palad. Naglakad sya tangay-
tangay na naman si Yoshi para pakalmahin.

"Alam mo, kid.. Minsan sa buhay natin, requirements na tanggapin ang katotohanan..
Masakit man sa damdamin ang malalaman mo"

Napapansin ni Armida ang mga nakakakita sa kanila ni Yoshi na nagugulat sa ayos


nila. Kahit na ganon, wala syang pake.

Huminga ng malalim si Yoshi para pigilan ang pagluha. Two years na syang naghahanap
ng sagot sa pagkamatay ng kapatid nya tapos iyon ang malalaman nya.

Gusto nya ng hustisya.

Namatay ang kapatid nya.

Paano sya makakaganti kung hindi naman pala talaga pinatay ang kapatid nya?

Kanino sya gaganti?


Kanino sya magagalit?

Kanino nya ilalabas ang galit nyang dalawang taon nyang kinikimkim?

Gusto nyang magwala..

Gusto nyang manira ng mga bagay-bagay..

Gusto nyang---

"Tulad nyang babaeng yan.." itinuro ni Armida ang isang babaeng biglang natalisod
kakasunod ng tingin sa isang cute na soccer player na naglalakad sa field

"Kelangan nating tanggapin na saksakan sya ng kagagahan sa katawan.. Kung di ba


naman isang libo't isang tanga, titingin dun sa soccer player at hindi dun sa
dinadaanan nyang batuhan.." pi-nat nya ang balikat ni Yoshi at ang reaction nya
sobrang lungkot na tipong napakamiserable ng example nya

Tutulo na sana ang nangingilid na luha ni Yoshi nang bigla syang natawa. Napakagat
nalang tuloy sya ng labi dahil ang awkward.. Anlakas ng loob nyang mag-emote emote
tapos patatawanin sya ni Armida. Muntanga lang.

"Pati yun.." sunod na itinuro ni Armida ang isang lalaking estudyante na mukhang
nagpo-propose sa isang babae dahil nag-aalay na ng roses

"Kelangan nating tanggapin ang katotohanang-- O kapul ka pare! Yan ang aksyon!"
napapalakpak si Armida at napaturo dun sa lalaking biglang nahampas ng roses sa
mukha sabay walk-out ng girl "Ganyan ang emosyon, dapat nararamdaman! Dapat
pinapamukha! Yeah!" ibinalik nya ang pagkakakabay kay Yoshi at nagpatuloy na ulit
sa paglalakad "Dapat yung tangkay na may tinik yung pinanghampas nya para damang-
dama.."

Pigil na pigil ang tawa ni Yoshi dahil nakakadalawa na si Armida. Tapos yung mga
lumalabas pa sa bibig nya, sobrang priceless..

Iiyak na dapat sya eh. Tutulo na eh, nandun na. Konting konti nalang eh. Papatak
na, tapos bigla syang hihiritan ng mga ganung eksena

Sino bang hindi matatawa aber?

"Maam, hindi naman kayo nakakatulong sa problema ko eh.." sabi ni Yoshi "Hindi
nyo na ko kelangang patawanin.."

"Ako? Hindi nakakatulong? Sino bang may sabing tinutulungan kita? Pinagti-tripan
lang kita, wag kang pakampante dyan.." ginulo nya ang buhok ni Yoshi at saka sila
pumunta malapit sa may soccer field para manood ng mga naglalaro

Pinanood nila ang mga naglalaro na wala nang ibang ginawa kundi ang dumausdos sa
damuhan at magsipaan ng bola. Soccer players nga diba.

"Bakit nandito ka sa Pilipinas?" seryosong tanong ni Armida habang pinapanood ang


mga players

Napatingin sa kanya si Yoshi at saka inilipat ang atensyon sa mga naglalaro.

"Dinala ako dito ni Ane para itago.. Ang sabi nya wag akong aalis ng bansa hanggat
hindi nakukuha sakin ang software.."

"Software?" napatingin tuloy sa kanya si Armida

Sandali nyang tinignan si Armida at saka nya iniiwas ang tingin. Maling nabanggit
nya kay Armida ang tungkol sa software, masyado syang nadala.

"That's nothing.. Wag nyo na pong isipin yon.." pag-iwas ni Yoshi

"Hindi naman yung software na The Brain na ngayon eh Black Web na ang tinutukoy mo,
right?"

Gulat na napatingin na naman si Yoshi kay Armida "Pati ba yun alam nyo rin? Sino
ba talaga kayo?"

"Ah, kaya pala magkakilala kayo ni Laby.. Isa ka nga pala sa mga suspect nya.."
sandaling nag-isip si Armida at parang may weird sa mga nagaganap

Naisip tuloy nyang pagdugtung-dugtungin ang mga impormasyong alam nya

Si Laby ang The Brain.


Naging wanted si Laby dahil sa Data... na buhay ni RYJO ang laman.
Two years ago, nagkaroon ng mission ang Elites na protektahan sila Li, Pearson at
Masayoshi.
Sinabi ni Li na may connection silang tatlo sa The Brain.
Sinabi naman nya na nasa poder nya ang The Brain.
Pagkatapos, nagsuicide ang tatlo.
Ano ang tinatago ng tatlo na may connect sa The Brain para patayin nila ang mga
sarili nila nang walang solid na dahilan?

Galing ang Data ni RYJO sa software na The Brain...


Kayang i-access ng The Brain ang lahat ng data na meron ang lahat ng computer sa
earth..

Sinong hindi ha-hunting sa kanila kung yun ang labanan..

Kayang magresulta ng gyera ang software na yun, at lahat papatay para lang makuha
ang ganong kadelikadong software.

"Nalaman ni Li na buhay ang The Brain kaya kampante na syang maitatago ang sikreto
nilang tatlo sa hukay.." bulong ni Armida sa hangin habang nakatingin sa malayo
"Yung software ang hawak nilang tatlo... Yun ang tinatago nila..."

Dahan-dahang lumaki ang ngiti nya at tinignan si Yoshi


"Maprinsipyong taong ang kapatid mo. Mahalaga ang software na hawak mo dahil
sinakripisyo nya ang buhay nya para protektahan ang software na yon pati na ang
original owner nun. Hindi nasayang sa wala ang buhay ng kapatid mo dahil malaking
gyera ang napigilan ng pagkamatay nya pati na nila Li at Pearson. Wala kang
gagantihan dahil pinatay nya ang sarili nya para itago ang isang sikretong kayang
sirain ang mundo oras na mapunta sa mga maling tao..."

May lumilipad na bola ng soccer na papunta sa pwesto ni Armida kaya pinanood lang
nya ito habang papalapit sa kanya.

"Dalawa lang naman ang klase ng masamang tao sa mundong 'to.. Ang isa, masama dahil
kailangang maging masama, ang isa masama dahil masarap maging masama.. Hindi man
malinis ang trabaho ng kapatid mo, alam pa rin naman nya ang kaibahan ng tama sa
mali.. Hindi mo na kelangan ng card. Tigilan mo na rin ang paghahanap sa killer ng
kapatid mo dahil para ka lang aso na hinahabol ang sarili nyang buntot."

Parang volleyball na tinira ni Armida ang bola.

"Accept the truth, kid. That's all you can do. Ginagawa mo lang miserable ang buhay
mo sa isang bagay na dapat iniiwan nalang sa nakaraan.."

Sinundan ng lahat ang bolang tinira nya na lumagpas na sa kabilang goal at umabot
pa sa kabilang ibayo na off-limits na para sa mga estudyante.

Naglakad na si Armida paalis doon. Si Yoshi naman, palipat-lipat ng tingin. Kay


Armida at doon sa pinuntahan ng bola.

Ang layo naman ng narating nun para sa isang spike lang.

"Maam!" sigaw ni Yoshi na hindi pa rin umaalis sa pwesto nya "Maam saglit lang!"

At humabol na rin sya para kausapin ulit si Armida

_________________________________

Sa room ding yon nag-lunch break ang mga teachers ng Diaeresis. Kakatapos lang ng
paunang practice nila at nakarami agad sila ng na-practice.

Nasa isang malaking table sila at kanya-kanya nang labas ng lunch.

Ang mga ladies, puro veggies, sandwiches and juice ang baon. Karamihan puro salads.
Yung mga guys naman, halatang binili sa fastfood at karinderya ang mga pagkain kasi
yung iba kung hindi panay burger, fries at softdrinks.. Mga Mega showcase ang peg
(sing it.. balutin mo ako..)

Na-bother tuloy si Josef kasi sya lang ang may baong lutong-bahay..

"Wow Sir Zach.. Ang swerte mo naman.."

"Pinagp-prepare ka pala ng asawa mo ng lunch.."

"Mukhang masarap.. Porkchop ba yan?"

"Ah, hehehe.." napahawak sa batok si Josef at nahiya ng konti "Hindi marunong


magluto ng ganyan ang asawa ko.." napatingin sya sa gilid dahil alam na nyang
magre-react agad ang mga co-teachers nya

"Hindi marunong magluto ang asawa mo?"

"Sino ang nagluto nyan?"

"Don't tell me, ikaw.."

"Hehehe.. Uhm, yes.." napatango nalang si Josef at iniwas ang tingin sa mga co-
teachers nya

"Wow.. Marunong kang magluto.."

"Ibang klase.."

"Ang swerte naman ng napangasawa mo.."

Tumango nalang si Josef at nagsimula nang buksan ang mga limang baunang dala nya.

"Ikaw talaga nagluto nyan?"

"Wow ha!"

"Nakakainggit naman yung asawa mo, Sir.."

"Perfect husband ka talaga.."

Nagpatuloy nalang si Josef sa pagkain habang tuloy-tuloy sa pagpuri ang mga babaeng
co-teachers nya..

"You're tall,"
"Handsome,"

"Smart din,"

"Gwapo mo pa,"

"Mala-Superman ka pa,"

"Magaling ka pang magluto,"

"May kotse ka rin.."

"Maganda ba yung asawa mo?" tanong ni Maam Heidi

Napataas nalang ng tingin si Josef para tignan si Maam Heidi "Maganda.."


ibinaling ni Josef ang tingin sa isang bintana ng room at inisip kung maganda nga
ba ang asawa nya "Yeah, I think she's beautiful naman.."

"You think?" sabay-sabay nilang tanong

"Diba dapat ang tama mong sinabi," pinagdaop ni Maam Stella ang mga palad nya at
tumingin sa taas "Sya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.."

"Hindi sya ang pinakamaganda dahil marami akong nakilalang mas maganda pa sa
kanya.." pokerfaced na sinabi ni Josef sabay subo ng pagkain nya

Parang nawala ang pagiging dream man ni Josef sa pananaw nila nang sabihin nya yon.

Asawa nya yon, pangit man o maganda dapat sabihin nyang maganda ito. Yun ang
trabaho nya bilang mister.. Ang ipagmalaki sa lahat ang misis nya, kahit ano pa ang
itsura nito.

"Describe mo nga yang asawa mo.. Nakakaintriga eh.." sabi ng isang lalaking co-
teacher nya

"Oo nga, saka nag-asawa ka ng hindi maganda at hindi marunong magluto? Ano nalang
ang pakinabang nun? Ang alam ko mga mayayaman lang ang hindi marurunong magluto.."

"Marunong naman syang magluto kahit pano.." katwiran ni Josef

"Ng alin? Mga prito? Noodles? Ganun? Yun lang naman ang madadaling lutuin eh.."

Napatingin nalang sa baba si Josef kasi ganun na nga ang sagot sa tanong nila. No
choice sa sagot kaya...

"Mayaman naman kahit pano ang napangasawa ko.." sabay tingin sa gilid

"Talaga? Gano naman kaya kayaman?"

"Uhmm.. Enough para magkaroon ng 1000 hectares na private subdivision at business


area.. Oy!"
Nagulat si Josef dahil kanya-kanyang buga at samid ang mga co-teachers nya dahil sa
gulat.

"Di nga?!"

"Weh?!"

"Sino??"

"Talaga??"

Pasimpleng hilamos si Josef dahil napapalala pa yata nya ang sitwasyon nya dahil sa
mga lumalabas sa bibig nya.

"Hindi naman big deal yun kasi hindi naman sya kumikilos base sa status nya sa
buhay.. Marunong sya kumain ng fishball, marunong syang magkamay, hindi sya maarte
sa pagkain, hindi nga sya maarte kahit sa pananamit, hindi rin mahilig mag-
shopping, parang kanto-girl kung makipag-usap, war freak din, mahilig makipagtalo,
sintu-sinto, mahirap kausap, moody, bipolar, ang daming problema sa pagkatao at--"

Napahinto sya sa pagsasalita nang ma-realize kung saan na napupunta ang pinagsasabi
nya..

Tinignan nya ang mga co-teachers nya na iba na ang tingin sa kanya. Parang sinasabi
ng mga tingin nila:

'May pinagdadaanan ka ba?'

Sumubo nalang sya ng kinakain nya at inilayo ulit ang tingin sa mga kasama..
Napabuntong hininga nalang sya at itinuon ang atensyon sa pagkain.

Wala syang magagawa.. Yun ang asawa nya eh, yun ang tingin nya kay Armida. Pero
kahit na ganun,

"Well, she might be the worst person I've ever met in my life, but that don't
change the fact that she's the best lady the life gave me. Sa libo-libong dahilan
para bitawan sya, iisa lang ang dahilang kayang tumapat sa mga dahilang yon para
hindi ko sya iwang mag-isa. I know she needs me more than I need her. Kaya kahit
kalayaan ko isusuko ko para sa kanya. Kahit na imposible, pipilitin kong mabuhay ng
matagal para sa kanya. Wala na kong pakialam kung baliw na ang tingin sakin ng iba.
Basta kasama ko sya, yung lang ang mahalaga sakin.. Ganun ko kasi sya--"

Napahinto sya sa pagsasalita at napangiti nalang. Hindi sya makapaniwalang sinasabi


nya ang mga salitang yon sa harap ng ibang tao.

Nadadala na sya ng emosyon nya. Mas mabuting i-zipper na ang bibig. Napailing
nalang sya at itinuloy ang pagkain.

Biglang nagningning ang mga mata ng mga co-teachers nya.

Hindi man nya naituloy ang sinasabi.. Nagbigay na naman sya ng kakaibang impression
sa mga audience nya.

At ang pagiging dream man ni Josef sa mata ng mga babaeng teachers ay nagbalik at
lalo pang naging intense.

Lalo pa, ang delivery nya ng lines eh walang bahid ng pag-iimbot.

Masyadong carefree..

Masyadong easy-easy..

Masyadong simple..

Masyadong walang effort..

At higit sa lahat...

Masyadong sweet para sabihin ng ganun-ganun lang...

Sa paraang madalang lang magawa ng mga lalaking katulad nya.

Bzzt Bzzt

Naramdaman nyang nari-ring ang phone nya sa bulsa kaya kinuha nya iyon at sinagot
ang tumatawag.

"Hello.."

( Hehehe.. Hi, Josef.. )


Napangiti si Josef dahil tumawag si Armida sa kanya.

Napansin ang pagngiti nya ng ibang teachers kaya nagkaroon na sila ng idea kung
sino ang tumawag kay Josef.

"O, why?" nakangiting tanong ni Josef

( Hehehe.. Ano kasi.. Male-late ako ng uwi.. Uhmm, Ano.. Pwedeng-- )

Biglang nawala ang ngiti ni Josef at naging simangot

"Hindi pwede." masungit nyang sinabi

( BAKIT HINDI PWEDE?!! )

Nailayo tuloy ni Josef ang phone sa tenga nya dahil sa sigaw sa kabilang linya

Ang ganda ng litanya nya kanina tungkol kay Armida tapos eto na naman silang dalawa
ngayon. Panira ng moment.

"Aba, tinanong mo pa! Pakisagot nga lang ako kung anong oras ka umuwi kagabi at
kung saan ka galing ha?" masungit na tanong ni Josef

( Kasalanan ko ba yon? Saka dito lang ako sa school, di ako lalayo! )

"Yeah right, ano na namang dahilan? May estudyante ka na naman bang may problema
ha?"

( May practice kami ngayon sa christmas event sa 21! Wag ka ngang paranoid! )

"Armida, hindi ako mapa-paranoid kung nagsabi ka ng totoo kagabi.. Hindi pwede.."

( Dito nga lang ako sa school!! Bakit ba ayaw mong maniwala?! )

Napahawak nalang sa noo si Josef. Ganon din ang kaso nya ngayon kaya hindi sya
sigurado kung paniniwalaan pa ba nya si Armida.

Mamaya kasi baka nagdadahilan lang.

"Anong oras ka uuwi?"

( Ewan ko.. )

"Susunduin kita dyan sa school mo.."

( WHAT?!! You can't do that! )

At dahil sa reaction na yon ni Armida, lalong naghinala si Josef.


"Susunduin kita and that's final.."

( Pero-- )

"Wala nang pero-pero.. Susunduin kita.. Kapag wala ka dyan, pasensyahan tayo.."

( Josef!! )

"5 pm, nandyan na ko.."

( Ugh! Bahala ka sa buhay mo! I hate you! )

"I love you too.."

At saka na nya pinatay ang phone.

Tinignan nya ang mga co-teachers nya. Ngumiti sya sandali at saka nagpatuloy sa
pagkain.

Pupunta sya ng Byeloruss, wala namang mangyayari kung papasok sya doon diba?

_____________

Resulta ng headache ang chapter na ito. Pasensya na po kung magulo.

~~~~Narrated for Laby~~~~~

"Bwisit, bwisit talaga.." inis nyang binubulong habang nagbibihis ng panibagong


uniform.

Nasa locker room sya ngayon at mina-massacre si Yoshi sa utak nya pati na yung
feelingera nitong feeling girlfriend nya. Kung hindi kasi sya nilapitan ni Yoshi,
hindi na sya magkakaproblema. Lalo lang tuloy lumala ang issue nya sa school.
Lalo pa ngayon dahil maraming fan ang Lex-Shi tandem. Malamang na ge-gyerahin sya
ng mga fans ng dalawang yun dahil sa nangyari.

"Aish.. Pano ba 'to?"

Paikot-ikot sya sa pwesto nya habang iniisip kung paano ba nya tatakasan yung mga
fans nung dalawa. Tinignan nya yung salamin ng locker room.

Tatlong araw na syang naka-highpony at hindi nag-aayos ng maayos na uniform. Mukha


syang napadaan lang sa school.

Sandali nyang tinitigan ang sarili nya sa salamin.

Bigla syang napangiti nang makaisip ng gagawin.

Naghanap sya ng locker na may madaling i-unlock. Nakita nya ang locker ng isang
student na may pangalang Gervy Nolland. Kinuha nya ang Gameboy nya at hinanap ang
profile nun. Una nyang tinignan ang birthday nito at yun ang sinubukan nyang
password sa locker.

"Hehehe..." napangiti sya habang kagat ang dila ng biglang bumukas ang locker

Una nyang hinanap ang mga pampagandang makikita nya. Kinuha nya ang isang suklay,
headband na color violet, liquid eyeliner at isang fashion eyeglasses. Ngayon
masusubukan ang mga natutunan nya sa training.

Bumalik sya sa salamin at naglugay. Sinuklay nya ang buhok nyang brown, straight at
hanggang dibdib ang haba. Sinuot nya ang headband. Kinuha rin nya ang light red
lipstick na regalo sa kanya ng daddy nya last year na ginawa nalang nyang lucky
charm dahil wala syang balak gamitin. Pero ngayon, mukhang magagamit na nya.
Nilagyan nya ang labi ng lipstick. Nilagyan din nya ng eyeliner ang mata nya at
saka isinuot ang salamin. Ayaw man nyang isuot ang vest nya dahil hindi sya
kumportable, wala na syang magagawa kundi ang isuot iyon. Ang mahaba nyang medyas,
pinalitan nya ng medyas na pang-PE (yung maikli). Since emergency ngayon, kinuha na
rin nya ang violet shoulder bag nyang for emergency purpose only sa locker at doon
inilipat ang mga gadgets nya.

Bumalik sya sa harap ng salamin at tinignan ulit ang sarili.

"Not bad.." sabi nya habang nginingitian ang nakikita

And for final touch...

"Ehem, ehem.. Aaaaa... Ehem.. Aaaaa.." pagvo-vocalize nya

Isang inosenteng ngiti ang ginawa nya at sobrang hinhing nagsalita sa harap ng
salamin.

"Good morning. Good afternoon. Hello. Thank you. You're welcome."

Tumawa rin sya ng sobrang hinhin habang tinatakpan ng palad ang bibig.

"Whhoo..." isang malalim na hininga ang pinakawalan nya at saka sya lumabas ng
locker room

Paglabas nya, naririnig nya sa labas ang mga maiingay na nagmamando sa paglalagay
ng decoration sa mga buildings.

Naglakad sya palabas sa building kung nasan ang locker room. Naabutan nya doon ang
ilang mga fans na mukhang inaabangan ang paglabas nya.

Napalingon silang lahat sa kanya paglabas nya sa building. Ngumiti sya ng simple sa
kanila at saka sya naglakad bilang isang debonair lady.
Ang aura nya ngayon, parang kelangan ng butterflies, birds, mga rabbits and
squirrels, rainbow, unicorn, isang garden na may fountain, ray of sunshine with
violin and piano sounds. Ang aliwalas nya tignan at sumasabay pa sa paghawi ng
hangin sa buhok nya ang hinhin ng lakad nya.

Sinundan lang sya ng tingin ng mga nag-aabang sa kanya at pagkatapos ay hindi na


sya pinansin pa. Ganyan kadaling lokohin ang mga mata ng mga estudyante sa school
na yon.

Tuloy-tuloy sya sa paglalakad patungo sa main building para hanapin si Brent.

Nakatingin sya ng diretso sa dinadaanan nya while wearing a simple smile nang
mapansin nya si Ran na mukhang may hinahanap dahil lahat hinaharang.

"Sige, thank you..."

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Laby at kunyari wala syang nakikita. Mukhang may
hinahanap nga talaga si Ran dahil lilinga-linga pa sa paligid.

Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa malagpasan nila ang isa't isa.

Si Laby, wala lang...

"Ah, excuse me, gorgeous.." napahinto si Laby nang biglang may humawak sa braso
nya para pigilan sya. At alam na nya kung sino
Hindi nya binago ang posture at pinanatili ang set-up. Humarap sya kay Ran na may
simpleng ngiti. "Yes?"

"Uhh..." hinead-to-toe naman sya ni Ran pagharap nya

"Need anything?"

Binitawan na sya ni Ran at lumingon-lingon ito sa paligid.

"Miss beautiful, may nakita ka bang cute na student na kasing-height mo," itinapat
nya ang palad sa ulo ni Laby "Nakatali ng mataas yung buhok," pagkatapos ay
itinutok nya ang kamao sa tuktok ng ulo nya "Walang vest, naka-long socks, may
subong lollipop, nakapamulsa tapos kung makalakad parang sya ang may-ari ng
Byeloruss?" iniikot nya ang hintuturo sa hangin "Bagong supervisor yon ng school
kaya baka nakita mong naglalamyerda dito sa campus.."

Tinitigan ni Laby si Ran "Why are you finding her?"

"Ha? Ah, ano kasi... Binuhusan daw sya ng tubig ni Alexandrei sa cafeteria kani-
kanina lang, baka kung ano nang nangyari dun, marami pa namang fans si Lexi dito"
sabi ni Ran habang nililingon ang buong paligid, mamaya kasi makita nya ang
hinahanap nya "Ano? Nakita mo ba o kaya napansin mo man lang?"

"Uhm, nakita ko sya kanina papunta sa locker room, baka--"

"Ay oo nga no!" hindi na nya pinatapos pa si Laby at napa-isang palakpak sya at
napatapik sa noo "Sige, miss beautiful thank you!" sabay takbo papunta sa
building kung nasaan ang locker room

Pinanood lang ni Laby si Ran na pumunta sa building kung saan sya galing.
"Ayos din.." at nagpatuloy na sa paglalakad si Laby. Kunyari walang nangyari.

Kelangan nyang mahanap si Brent para makuha ang computer nito. At pag nakuha na
nya, hindi na nya kelangang maghirap pa sa pagpasok sa Byeloruss bukas. At mas
makakapagtrabaho na rin sya ng maayos.

Wala nang Yoshi

Wala nang Ran,

Wala nang mga fans,

Bawas na ang problema.

Nasa may building na sya at sumakay na ng elevator pagbukas nito. May nakasabay sya
sa pagsakay sa elevator pero hindi na nya pinansin dahil wala syang pakialam.

Ang iniisip nya liban kay Brent ay ang last summons card. Si King, slightly sure na
ang pwesto. Si Shiner, sure na talaga ang pwesto. Yung pangatlo nalang talaga ang
problema nya. Si Yoshi, gusto talagang makakuha ng card. Pero wala pa syang
nakikitang solid na dahilan para bigyan si Yoshi ng card kahit pa isa ito sa mga
candidate nya.

"Etherin..."

Napatingin sya sa pinto ng elevator ng marinig na binanggit ang pangalan nya. Sunod
nyang tinignan ang nagsalita. Iginilid nya sandali ang tingin at saka ibinalik dun
sa tumawag sa pangalan nya.

"Ikaw pala yung bago ng 4-A. Ang sabi nila, may sarili kang dress code and manners.
Parang hindi ko naman nakikita yon sayo"
Tumaas lang ang kilay ni Laby sa narinig nyang yon. Ano na naman kayang problema ng
isang 'to sa kanya. Dumadami na ang problema nya sa Byeloruss ah.

"Kilala mo yung bagong teacher, right?"

"O," tipid na sagot ni Laby

"Ano yung mission na tinutukoy nya?"

Napaisip agad si Laby sa narinig "Mission?"

"Never dare tell me you know nothing about that,"

Bumukas na ang elevator at nauna nang lumabas si Laby. Alam nyang isa ang kausap
nya sa mga candidate pero titimbangin muna nya ang sitwasyon bago magsalita.

Tinignan nya ang hallway, sobrang busy ng mga estudyante sa pagdidikit ng mga
christmas decor.

"If I were you, magsasalita na ko." kinuha nya ang braso ni Laby at tinignan ito
ng masama

"Magsasalita ako, but not now. Kung gusto mong may malaman, give me a valid reason
to speak." mariing sinabi ni Laby

Nakipagsukatan si Laby ng tingin sa kausap.

"She said she's here because of me. Now I want to know why?" mariin nyang sinabi
"Oh, is that it?" nag-smirk si Laby at tinabig ang kamay sa braso nya "Come on,
Havenstein. Don't make yourself feel special because of that" nag-cross arms sya
at tinignan ang elevator "She's here because of people LIKE YOU. Not particularly
YOU." mayabang na sinabi nya

Naningkit ang mata ni King sa sinabi ni Laby. Naalala nya ang sinabi ni Armida
kanina : "Not specifically YOU. I'm here because of people LIKE YOU.

At least, may reason pala para maniwala sya. Kahit konti.

"She said, may mission sya at yung... tss.. asawa ba nya yun? Whatever.. May
binanggit syang 5th Generation Superiors. At magkakaroon ako ng power once na
bigyan nya ko ng card. What does that mean?"

Isang bored 'owwwkeeeyyy' reaction nalang ang nagawa ni Laby habang nakatingin sa
ibang direksyon "You know what," tinignan na nya si King "That's it. Kapag
binigyan ka ng card, meaning Superior ka na. May power ka na. Why you? Family
background, takbo ng utak, authority, leadership. Nasa iyo lahat ng nabanggit ko."

"She said I have to prove myself,"

"Yes. But don't think you'll have to fight her. I know she wants fight, but don't
ride on her wild mind. Just make them believe you're worth it."

"Them? How?"

"You don't know her very well and I'm telling you, if she thinks you're worthless:
you're worthless, end of discussion. How can you prove yourself? Make yourself
valuable to her eyes."

"Sino ba talaga ang babaeng yon? Bakit sya? Ano ba talaga sya?"

"See this..." itinaas ni Laby kamay nya "This is the lethal weapon she possessed.
Wala syang pakialam kung ikaw ang hari sa school na 'to. Kung gugustuhin nya, kaya
ka nyang patayin nang walang nakakaalam." ibinaba na nya ang kamay at lumingon-
lingon sa paligid "But don't worry, madali kausap yung babaeng yun. May tililing
yun eh.. Pero kung ako sayo, yung asawa nya ang kausapin mo. Yun! Kapag yun ang
pumayag, solb-solb ka na. Asawa nya ang bagong leader ng Superiors kaya mas mabuti
kung diderekta ka.. Anyway, nakita mo si Kesley? May atraso yun sakin eh.." nawala
bigla ang finess ni Laby

"Nasa rooftop si Brent."

"Ah, okey.."

"San ko makikita ang asawa nya?"

"Follow her, sya na mismo ang magdadala sayo sa asawa nya.." at naglakad na si
Laby papunta sa hagdan paakyat sa rooftop

May nag-text sakin last midnight of July 13. Tinatanong kung ako daw ba ang author
ng The Newly Weird series.

I want to greet @lynsei_2609..

Hello Engelyn! ^__^ Ikaw ang kauna-unahang wattpad reader na di ko kilala ang nag-
text sakin! Dahil dyan close na tayo! Hahahaha!

Thank you for reading my story and texting me! Super na-appreciate ko yun! ^__^)v

" 'Lam mo, kid. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo..." sabi ni Armida habang pa-
sway sway pa sa paglalakad. Nakabuntot pa rin sa kanya si Yoshi at mukhang hindi
nito napapansin na kanina pa sila nagpapaikot-ikot sa field.

"Ok, what about this, Maam.. I'll give you 500 thousand. Give me that card"

"Ok, what about this, kid.. I'll give you 1 billion plus a mansion plus an
Aventador, just leave me alone. I don't see any potential in you. Masyado kang
mabait. Maganda ang reputasyon ng family mo, wag mong sirain yon. Ang hinahanap
namin, mga may karapatan"
"Hindi ako mabait. Mukha lang akong mabait. Saka bakit si King makakatanggap?"

"Kasi may potential sya. May karapatan sya."

"How can you say so?"

"I can feel it."

"You just feel it?? Eh si Jean, bakit sya makakatangap?"

"Sinong Jean?"

"Si Shiner Jean Soliman? Bakit sya makakatanggap?"

"Ahh, ganito kasi yan.. Nakalaban ko na sya.."

"Nakalaban nyo? Saan?"

"None of your business..."

"Ok, do you want me to fight you? I can fight you"

"Labanan man kita, wala ka pa ring mapapala. Hindi mahalaga sakin kung matalo mo ko
o hindi. Si Shiner, makakakuha kasi alam kong may karapatan sya. I don't know why,
but I can see the potential in her nya kahit bata pa. May pakinabang din sya dahil
sa klase ng pamilya nya."

"Baka naman may iba pang dahilan para bigyan ako? O di kaya, para hindi ko na kayo
kulitin, wag nyo nalang bigyan ng card na yun si King"
Napahinto si Armida sa paglalakad at tinignan si Yoshi na napahinto rin.

"Aahh.. Now I get it.." tumango-tango pa si Armida habang tinitignan ang mukha ni
Yoshi "May inferiority complex ka.. Insecure ka kay King,"

"Hindi ako insecure.. Maam." mariing sinabi ni Yoshi

"Yeah right.." brat line ni Armida "Tell that to yourself.." tumalikod na si


Armida at naglakad na ulit

Iniisip nya na iba talaga kapag insecurity ang umariba, lahat hinahamak.

Nakaramdam na ng inis at pagkairita si Yoshi dahil hindi sya sineseryoso ni Armida.


Hindi nya ugali ang nagmamakaawa pero nagawa nya para lang sa card at sa kapatid
nya. Nawala tuloy sya tamang pag-iisip at binato nya si Armida ng nakakalat na bato
sa field.

Kahit sya nagulat sa ginawa nya at nakaramdam ng pagsisisi nang tumama ang bato sa
may bandang balikat ni Armida.

Si Armida naman, alam na may paparating ba bato pero hindi nya iniwasan. Bahala na
si Yoshi na makonsensya sa ginawa nya.

"A-M-maam s-sorry... H-hindi ko..."

Tumalikod na si Armida at seryosong tinignan si Yoshi na mukhang binuhusan ng


nagyeyelong tubig "You want me to fight you?" nag-cross arms sya at tinaasan ng
kilay si Yoshi "Then fine. Find me later at ibibigay ko sayo ang hinahanap mo"
sabi nya sabay walk-out
Bahala na si Yoshi na ayusin ang problemang ginawa nya.

~~~~~~~~

Nasa room sya ngayon at kumakain na naman ng chips na binigay ng estudyante nya.

"Maam, what's with the face?" tanong ni James dahil napansin nya na nakabusangot
ang mukha ni Armida

"Alam nyo, ang kulit pala nung Yoshikawa ng 4-A.. Walang ibang ginawa kundi
buntutan ako.." reklamo nya

"Sino Maam?" gulat na tanong ni Eljand

"Yoshikawa.."

"Binubuntutan kayo ni Yoshikawa??" gulat na tanong ni James "Aba ayos ah. Di kaya
Maam type kayo nun?"

"Oo nga Maam, halaaa..." panakot ni Eljand


"Mga sira! May girlfriend ba yun?"

"Girlfriend?" nagkatinginan ang magbespren

"Mga feeling girlfriend," -Eljand

"Ay, maraaameee.." sabay nilang sagot habang tumatango

"Pero yung seryoso," -James

"Ah, waalaa.." sabay pa nilang sagot with matching iling-iling pa

"Oh.." tumango naman si Armida "Eh sino yung mukhang prinsesang parang girlfriend
nya kung makaasta?"

"Ah! Si Lexi maylabs!" masayang sinabi ni Eljand

"Wow, maylabs ha.." nangingiting sinabi ni Armida

"Wala yun Maam, hindi yun sineseryoso ni Yoshikawa. Alam ng lahat na sila pero
hindi naman talaga official. May mga fansclub yung dalawa dito sa Byeloruss kasi si
Yoshikawa yung naging Prom King tapos si Lexi yung Prom Queen last JS Prom. Bagay
daw kasi talaga sila. Pero pang-showbiz lang yung dalawang yun, wala naman talagang
commitment." -James

Tumango nalang si Armida at tinataktak sa bibig ang mga natitirang chips mula sa
balot nito.

Bigla tuloy nyang naisip na kelangan pala nyang sabihan si Josef na male-late sya
ng uwi dahil malamang na hahanapin sya ni Yoshi para tanggapin nito ang hamon nya.
Matigas pa naman ang ulo ni Yoshi.

Magdadahilan nalang sya mamaya sa practice nila ng mga teachers. Sasabihin nyang
masakit ang puson nya tapos pwede na syang umalis.

Kaya ngayon, magpapaalam muna sya kay Josef na male-late sya ng uwi kasi nagalit
talaga ito nung na-late sya ng uwi kagabi.

Maniniwala si Josef kasi may practice naman talaga sila ng mga teachers.

Ikakatwiran nya ang practice tapos tatakas sya sa practice. O edi malalaban na nya
ang makulit na si Yoshi para mahinto na yon kakabuntot sa kanya.

Kinuha nya ang phone sa bulsa at dinial ang number ng asawa

( Hello.. )

"Hehehe.. Hi, Josef.." nakangising sagot

( O, why? )

"Hehehe.. Ano kasi.." napakamot sya ng batok at habang nakatingin kila Eljand at
James na may sarili na agad mundo "Male-late ako ng uwi.. Uhmm, Ano.. Pwedeng--"

Hindi pa nga nya tinatapos ang sasabihin nya nang biglang

( Hindi pwede )

Aba! Wala pa nga syang sinasabi, hindi na agad!

"BAKIT HINDI PWEDE?!!" gulat nyang reaction dahilan para pagtinginan sya ng mga
estudyante nya
"Sino yan Maam?" tanong ni James

"Asawa ko.." Inaudible nyang sinabi kay James dahilan para magulat ito at tignan
ang bespren nya

( Aba, tinanong mo pa! Pakisagot nga lang ako kung anong oras ka umuwi kagabi at
kung saan ka galing ha? )

Napa-eyeroll si Armida at nag-make face

"Kasalanan ko ba yon? Saka dito lang ako sa school, di ako lalayo!"

"Maam! Yung Fuhrer?" naglapitan naman sa kanya yung dalawa nyang estudyante para
maki-tsismis

( Yeah right, ano na namang dahilan? May estudyante ka na naman bang may problema
ha? )

Gustong sabihin ni Armida na 'oo, meron nga. Malaki.'

Nagkaroon sya ng makulit na anino sa katauhan ni Yoshi. Imagine, twenty minutes na


syang binubuntutan eh halos five times na nilang nilibot ang field kakalakad.

Wala syang magagawa kundi idahilan ang pinaka-valid reason na meron sya sa mga oras
na yon.

"May practice kami ngayon sa christmas event sa 21! Wag ka ngang paranoid!" inis
nyang sinabi
( Armida, hindi ako mapa-paranoid kung nagsabi ka ng totoo kagabi.. Hindi pwede..
)

Aba, aba, aba.. Wala na agad tiwala si Josef.

Eh kelan nga ba nagtiwala si Josef sa kanya pagdating sa mga ganyang bagay?

"Dito nga lang ako sa school!! Bakit ba ayaw mong maniwala?!"

Idinikit ni James ang tenga nya sa likod ng phone para marinig ang boses ng Fuhrer.
Si Eljand naman, sa kabilang tenga ni Armida.

Kinutusan nya agad si Eljand "Tanga, dun ka sa kabila.. Ano tingin mo sa tenga ko,
two-way?"

Sandaling natahimik sa kabilang linya. Sana naman magbago ang isip ni Josef.

( Anong oras ka uuwi? )

Biglang lumaki ang ngiti nya dahil sa narinig

Papayag si Josef. Pag ganito ang tono ni Josef, nagbabago na isip eh.

"Ewan ko.." pa-safe na sagot ni Armida

"Dude, naririnig mo?" tanong ni Eljand


Tumango naman si James para sabihing oo

"Ako naman.." pagpipilit ni Eljand

( Susunduin kita dyan sa school mo.. )

Biglang nawala ang ngiti ni Armida at nanlaki ang mga mata nya.

" WHAT?!!"

Napatayo ng diretso si James at masayang tinignan si Eljand

"You can't do that!"

"Shet, dude, pupunta dito yung asawa ni Maam!" masaya nitong sinabi

"Oy, ssshhh!!" pag-awat ni Armida sa dalawang nagce-celebrate na

( Susunduin kita and that's final. )

"Pero--" pinagpapalo nya yung dalawa sa likod na nagtatatalon dahil ang gulo

( Wala nang pero-pero.. Susunduin kita.. Kapag wala ka dyan, pasensyahan tayo.. )

"Josef!!" sigaw nya


( 5 pm, nandyan na ko.. )

WHAT?? 5???

Inilayo nya ang phone sa tenga at tinignan ang screen nito

"Ugh! Bahala ka sa buhay mo! I hate you!" sigaw nya sa phone na hawak sabay bato
sa table

Nakaramdam sya ng inis dahil pupuntahan sya ni Josef sa school. Pano nalang kung
malaman nito na wala sya doon? O eh di mag-aaway na naman sila.

"Waaahhh!! Maam pupunta dito yung asawa nyo?" masayang taong ni James habang
niyuyugyog ang balikat ni Armida

"Pupunta? Pupunta? Pupunta ba, Maam?" dagdag pa ni Eljand na pumwesto sa harap ng


table para makita ang reaction ni Armida

Nakakunot na nga ang noo ni Armida dahil sa inis, tuwang tuwa pa yung dalawa.

"Hoy, bad news yon. Kapag sinundo ako dito ng asawa ko, hindi na ko makakapunta sa
Xaylem ngayong araw.." inis nyang sinabi sa dalawa nyang estudyante

"Ok lang yun Maam! Dark Sorrority saka Sweet Viper lang naman Maam ang maglalaban..
Hayaan nyo na yun!" sabi ni James

"Hindi yun ang problema ko, ok.. Yung makulit na Yoshikawa na yun, hahanapin ako
nun.."

"Eh, hayaan nyo na rin yun Maam! Busy pa yun sa bubuyog! Di kayo maiistorbo nun
kasi kakausapin sya ng SC about sa christmas event!" gatong ni Eljand

"Tss, palibhasa hindi kayo ang susunduin eh.." iritang irita nyang sinabi

"Maam anong oras ka susunduin?"

"5.."

"Yes!" nag-apir pa sila James at Eljand "Hintayin ka namin Maam sa may faculty
ha?"

"Wala ako sa faculty, may practice kami sa theater.."

"Ah basta Maam! Susunod kami sayo!"

"Para makita namin ang Fuhrer! Yeah!"

Tuwang tuwa ang dalawa dahil makikita nila ang isa sa idol nilang member ng LSG.

Habang si Armida inis na inis dahil hindi sya makakagalaw ng maayos dahil alam
nyang may time limit na sya sa school.

Guys, 11 days na akong walang type kaya pagpasensyahan na sa update ko kasi super
rush 'to. ^_^)v
~~~~~Narrated for Laby~~~~~~~

At dahil sinabi ni King na nasa rooftop si Brent, doon nga sya nagpunta.

At hindi naman sya nabigo dahil nandoon nga si Brent at nakahiga sa sahig habang
nagsa-soundtrip. Nilapitan sya ni Laby at tumayo ito sa bandang ulunan nya.

"Hey.." sinipa ng mahina ni Laby ang balikat ni Brent

Napadilat ang nakapikit na si Brent at nakita si Laby na nakatayo sa bandang ulunan


nya "Ayos ah, cycling shorts na black. Boring" bumangon na sa pagkakahiga si
Brent at tumayo na "Who are you?" tanong nya habang pinapagpag ang likod

"Remember me?" tanong ni Laby

Tinitigan naman sya ni Brent habang pinagpapatuloy ang pagpapagpag sa likod "No."

"Do I look familiar?"

"If you're one of those DOC fans club members, sorry babe, you're too many to be
remembered.."

Napa-eyeroll nalang si Laby at tinanggal na ang suot nyang salamin "You have the
original copy of the Black Web. Now, hand me the computer. I'll just remove the bug
then I'll give it back to you again.."

"Ahh.. Ikaw yung warfreak.." hi-nead-to-toe nya si Laby "Ayos ah, nagpa-make over
ka?"

"Ibigay mo na dahil ayoko nang bumalik sa school na 'to bukas."

"And you think, I'll give that to you? Ano 'ko, tanga?"

"Anong pangalan ng kapatid mo?"

"Why?"

"Baka kilala ko. Baka masabi ko kung bakit sya pinatay."

Tinantya sya ng tingin ni Brent. "Baka masabi mo? Bakit? Sino ka ba?"

"Dalawa sa may hawak ngayon ng copy, like you, kapatid din nila ang nagbigay sa
kanila. Si Li at si Yoshikawa. Kilala ko ang mga kapatid nila. Now, I want to know
kung sino ang kapatid mo, at kung bakit sayo napunta ang copy. Malamang na may
connect din sya sa original developer."

Hindi sya sinagot ni Brent sa halip ay tinitigan lang sya nito.

"Sige, I'll make a deal. Sabihin mo nalang ang pangalan ng kapatid mo, hindi ko na
pipilitin ang pagbura sa software."

No comment na naman.

Napabuntong hininga nalang si Laby at napailing

"Black Web, dating The Brain. I own that software, I AM THE BRAIN. Why am I asking
you to give me your computer? That software can trigger a war. And we can't afford
to fix a huge battle again because of that. Namatay ang buong team ko para lang sa
software na hawak mo ngayon. Hindi ako pumasok sa school na 'to para mag-aral,
nandito ako para lang sa software na yon. May trabaho ako sa labas, at wala akong
balak magtagal dito dahil naabala na ko ng sobra. Give me the computer please.
Don't force me to take it from you on a very hard way."
Hindi tinanggal ni Brent ang pagkakatitig nya kay Laby. Hindi nya alam ang
sasabihin. Hindi nya alam kung maniniwala ba sya o ano.

"Ray. Ray Pearson. He's not my brother in blood, but on the legal aspects, we are.
Kuya na ang trato ko sa kanya pagkatapos syang ampunin ni Daddy. Anong alam mo sa
kanya?" yun nalang ang tanging nasabi nya

Hindi naman masamang mag-bakasakali, malay nya, kilala nga ni Laby.

At dahil doon, biglang nagbago ang reaction ni Laby dahil sa sinabi ni Brent

"Sino?" mahinang tanong ni Laby

"See, hindi mo sya kilala. Don't expect me to give the software to you," naglakad
na si Brent paalis sa rooftop dahil naistorbo na sya ni Laby

Hindi makapaniwala si Laby sa narinig.

Ray Pearson. Si Ray Pearson ang kapatid na tinutukoy ni Brent.

Nakaramdam ng panghihina ng tuhod si Laby nang marinig ang pangalang yon.

"Ray Pearson..."
Napahinto si Brent at napatingin sa entrance ng rooftop. Hinintay nya ang susunod
na sasabihin ni Laby.

"Ray Pearson is my trainer. He's one of my guardians. And he's..." humugot ng


malalim na hininga si Laby at napatingin sa taas

"He's my brother."

Sabay silang tumalikod ni Brent para makita ang isa't isa

"Divorced na ang parents namin nang ipanganak ako. Etherin is my stepfather's name.
My biological father died when I was 2 kaya ang kinilala kong father is yung father
ko ngayon."

Naningkit lang ang mga mata ni Brent sa mga sinabi ni Laby. Malay ba naman nya kung
gumagawa lang ito ng kwento para makuha sa kanya ang software. Hindi nya alam ang
past ng kuya nya kaya malay ba nya kung saang pamilya ito galing.

Sa dinami-rami ba naman ng makikilala, yung tunay na kapatid pa ng tinuring nyang


kuya. Masyado naman yatang too good to be true to believe in.

"Liar.." sabi ni Brent at saka sya tumalikod uli para tuluyan na talagang bumaba
sa rooftop

"The glories of our blood and state are shadows, not substantial things; there is
no armor against fate; death lays his icy hand on kings:"
Biglang napahinto si Brent sa paglalakad at gulat na tinignan ang entrance ng
rooftop

"Scepter and crown must tumble down. And in the dust be equal made, with the poor
crooked scythe and spade. Some men with swords may rap the field, and plant fresh
laurels where they kill: but their strong nerves at last must yield: they tame but
one another still."

Tumalikod na ulit si Brent at gulat na tinignan si Laby na nanatiling nakatayo doon


at parang may nire-recite

"Early or late they stoop to fate and must give up their murmuring breath. When
they pale captives, creep to death."

"The garlands, wither on your brow..." at sumabay na sa pagre-recite si Brent


"...then boast no more your mighty deeds. Upon death's purple altar now see where
the victor-victim bleeds."

"He treat that poem as his prayer every night. Kung kapatid nga ang turing mo kay
Ray, dapat alam mong lagi nya yang nire-recite every night habang nakatingin sa
langit." sabi ni Laby

Hindi na nakapagsalita pa si Brent sa sinabi ni Laby dahil lahat ng sinabi nito


tungkol kay Ray ay tama. Nakabisado nya ang tulang yon dahil lagi itong binubulong
ng kuya nya sa langit tuwing gabi. Maganda ang message ng tula kaya daw nya ito
nagustuhan.
"Wala na kong pakialam kung hindi ka maniniwalang kapatid ko si Ray Pearson. Ang
kailangan ko dito ay burahin ang software dahil yan ang dahilan kung bakit sila
namatay. Hindi namin sinakripisyo ang mga buhay namin para lang paglaruan ng mga
katulad nyo ang bagay na dapat matagal nang wala. Sulitin mo na ang oras na hawak
mo pa ang laptop mo, dahil sisiguraduhin kong makukuha ko sayo ang software sa
kahit anong paraang maiisip ko. Humanda ka dahil hindi na ko magiging mabait pa
sayo"

_____________________________________

I want to greet Coleen Tivi and her ate Jennica Tivi

Smile kayo sa screen then beauty queen hand wave.

Ayan, gondoh!

Kabilib-bilib ba na every week kaya kong mag-updates ng mahahabang chapters? I


wonder. hmm. hehehehe...

Anyway, thank you for your support Coleen! At ginagawa nyo pang marathon ang
pagbabasa ng story ko. Gusto ko yan, may challenge! Hahahaha!

Pati na si Jennica na kahit busy sa work, eh hindi busy sa pagbabasa ng story na


ito.

Kaway-kaway tayo dyan, mga darling!

Masipag ako mag-greet sa mga readers na natatagpuan ko sa fb at dun sa mga nagpo-


post sa timeline ko.

At kung di kayo busy, just visit The Newly Weird group page (makikita ang link sa
profile ko dito sa wattpad). Pino-post ko dyan ang mga updates kuno, mga abangans,
mga softcopies at mga teasers ko about sa current story. ^__^)v
~~~~~Narrated for Armida~~~~~

Nasa theater na sya ngayon kasama ang mga estudyante nya. Kalahati ng population ng
class 4-F nasa theater.

Bakit kamo?

Yung mga girls, ang reason is panonoorin daw si Sir Geo na kumanta. Ang gwapo daw
kasi at ang cool nya tignan kapag kumakanta.

Yung mga boys, ang reason is panonoorin at mamimingwit ng mga girls mula sa ibang
section na manonood kay Sir Geo na kumanta. Kelangan daw nila ng lovelife bago
matapos ang taon. Ayaw maging member ng SMP.

Para-paraan din pag may time :)

Pinag-ayos na ang mga teachers at ang mataray na si Maam Daphne ang conductor/coach

Kakanta sila ng mga christmas song for presentation. Nasa stage sila at kitang kita
na kalahati ng theater occupied ng mga girls at marami-rami rin ang mga boys. Yung
klase ni Armida, lahat nasa front row. Liban kasi sa pangch-chicks, nandun sila
para alaskahin ang teacher nila.

"Maam kapag bumagyo, alam na ha!"


"Kapag kumulog, galit na ang langit! Tigil na pag ganun ha!"

"Maam, provide ka na ng payong for us!"

"Pati hearing aid pagkatapos nito!"

"Hahahahahaha!!"

"Tss.." napasimangot nalang si Armida dahil sa mga estudyante nyang dagdag ng


sakit ng ulo

Susunduin na nga sya ni Josef, hindi pa sya nakatakas sa practice dahil si Sir Geo
na mismo ang nagtago ng gamit nya para hindi sya makaalis ng Byeloruss.

Nabasa ang galaw nya, tsk tsk tsk.

At ngayon katabi pa nya.

"Smile ka na, tignan mo o" itinuro ni Sir Geo ang mga 4-F student "Chini-cheer ka
ng mga students mo"

"Tss. Ibalik mo yung gamit ko, matututuwa na ko ng sobra." sarcastic nyang sagot

"Nuh-uh.." umiling naman sya "Tatakas ka eh,"

"Psh.. Dun ka na nga!" tinaboy naman nya si Sir Geo "Baka hindi ako
makapagpigil..."

"Bakit? Anong gagawin mo, hmm?" pang-aasar ni Sir Geo


"Alis."

"Bakit ako aalis eh dito ang pwesto ko?" proud na sinabi ni Sir Geo habang
pinangpapaypay ang hawak na music sheet

"Di nga?"

"Mm-hmm..." tumango naman ito habang nakangiti

"Tss." tumingin nalang sa ibang direksyon si Armida dahil feel na nyang sampalin
ang mukha ni Sir Geo

"Ok! Start!" sigaw ni Maam Daphne

"Hark how the bells, sweet silver be--"

At dahil hindi pamilyar si Armida sa kanta...

"HEEEPPP!! Sino yon?!" galit na sigaw ni Maam Daphne dahilan para mapahinto ang
mga teachers

Lahat sila nagtinginan kay Armida

"Ha? B-bakit?" takang-taka naman si Armida kung bakit sya tinitignan ng mga
teachers
"Hahahaha!!!" naghagalpakan ng tawa yung 4-F boys sa front row

"Maam para pala kayong ibon kumanta!"

"Anong tawag don sa ibon na yon?"

"PARROT!! HAHAHAHAHAHA!!!"

Napuno ng tawa ang buong theater habang si Armida siningkitan lang ng mata ang mga
estudyante nya. Lakas mang-alaska ng mga utaw.

Parrot pala ha...

"Pano nyo naman nasabing ako yon ha?" galit na sigaw ni Armida

"Matagal na kami dito sa Byeloruss kaya alam na namin ang presentation pati na ang
mga boses ng isa't isa. Wala kaming ibang mapagbibintangan kundi ikaw lang."
nangingiting sinabi ni Sir Geo sa kanya

"Tss. Pano kung may malat lang sa kanila?" sabay turo sa ibang teachers

"Walang malat dito..." sabay-sabay pa nilang sinabi

"Tss." umirap nalang sya at tinitigan nalang ng masama ang hawak na music sheet
"Mukha nyong lahat, letse."

"Start again!" sigaw ni Maam Daphne


"Hark how the bells, Sweet silver bells, christmas is here bringing good cheer. To
young and old, meek and the bold..."

Tawa ng tawa yung mga estudyante ni Armida dahil naririnig nila ang boses nitong
nangingibabaw sa magandang boses ng ibang teachers.

"Gaily they ring while people sing songs of good cheer, christmas is here."

Natatawa nalang ang ibang teacher kasi nga nangingibabaw ang boses ni Armida na
hindi maganda. Siguro kung sasayaw sya, malamang na may pag-asa sya. Pero kakanta?

Duet sila ng palaka, hindi mo malalaman ang kaibahan.

Natapos ang unang kanta at pinagpahinga naman muna ang mga teachers. All day ang
turo, kelangan din naman ng rest ng vocal.

Bumaba si Armida sa stage at nakiinom ng tubig sa estudyante nya.

"Maam, bow ako sayo!"

"Ganda ng boses nyo!'

"Tinalo nyo si Anne Curtis! Lupehtz!"

"Record-breaking Maam!"
"Na-break yata ng boses nyo yung ni-record na kanta! Hahahahaha!!"

"Actually maganda naman ang boses ni Maam!"

"Kaso?"

"Ang kagandahan ay nasa loob, kaya mas mabuting wag nang ilabas!"

"Mga bwiset!" sigaw nya sabay bato ng bote ng mineral water sa mga loko-lokong
estudyante nya

"Hahahahaha!!" pinagtawanan lang sya ng mga estudyante nya

Yung ibang estudyante, natatawa nalang sa nakikita nila. Alam nilang mga siraulo
ang mga nasa 4-F at halos lahat ng estudyante ng Byeloruss ilag sa kanila, pero
ngayon, nakikita nila kung pano sila tratuhin ni Armida...

Ngayon nila nakikita ang kakaibang part ng mga taga-4-F. Yung side na masaya, kahit
na magulo.

Parang ang saya ng buhay ng mga taga-4-F kumpara sa klase nilang kanya-kanya ang
mundo ng bawat isa.

"Kayo! Kayo ha! Lahat kayo! Kung makapagsalita kayo! Bakit? Magaganda ba mga boses
nyo ha?!"

"NAMAN!!" pagmamayabang ng mga nasa front row

"Guys! Sample!"
At sabay-sabay kumanta ang mga lalaking estudyante nya

"Sana ngayong pasko ay maalala mo pa rin ako... Hinahanap-hanap pag-ibig mo.."

Nakuha tuloy ng grupo nila ang atensyon ng mga girls sa likod dahil ang ganda ng
blending, may mga nagh-hum pa at

nagf-fingersnap kaya feel.

"At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako... Muling makita ka, at
makasama ka, sa araw ng pasko..."

"Oh yeah... Hmmm...." may pahabol pang humming

Biglang nagpalakpakan ang mga naroon sa theater na yon dahil parang Boyce Avenue
ang kumanta sa sobrang ganda ng blending.

Tumayo silang mga nasa front row at sabay-sabay na nag-bow.

"Thank you! Thank you!"

Kanya-kanyang thank you sila sa lahat na kunyari mga artista kung makaasta, may
nag-flying kiss pa, akala mo naman may tatanggap

Pagkatapos ay bumalik na sila sa pagkakaupo


"Tss. Sige, kayo na magpe-perform sa 21 ah! Pag hindi ko kayo nakita, lulumpuhin ko
kayo isa-isa!" banta ni Armida

"Ah hindi pwede yon!"

"May date ako!"

"Lamay ng lolo ko!"

"Burol ng aso ko!"

"Birthday ko!"

"Birthday ng Mama ko!"

"Birthday ng pusa ko!

"May sakit ako!"

"Lalagnatin ako!"

"KAYA HINDI PWEDE!" sabay-sabay nilang sinabi

"Katwiran nyo, mga kutong-lupa kayo!"

Meanwhile sa mga teachers...


Lalong sumama ang tingin nila kay Armida dahil hindi nila inaasahan na tatagal ito
ng 3 days sa 4-F. May mga natalo na nga sa pustahan nila. Tapos ngayon, kung
makakilos ito parang welcome na welcome sya ng klase kahit na kanina pa sya
inaalaska ng mga ito. Kung ipagpapatuloy nya ang ganyang gawain, tatagal sya sa
Class 4-F hanggang graduation.

"Start na uli!" sigaw ni Maam Daphne

At nagsimula na naman sila ng practice...

Hininaan na ni Armida ang boses nya para hindi mangibabaw sa iba kaya nawala na ang
awkward tone sa kinakanta nila.

And this time, chini-cheer na si Armida ng mga estudyante nya...

"Whhoohh!"

"Ok lang yan Maam!"

"Maganda/Pretty/Sexy/Astig/Cool/Hot ka naman!" kanya-kanya silang decription at


sabay-sabay nilang sinabi sabay hirit ng tawa

Tinignan ng masama ng mga babaeng teacher ang mga nasa front row. Yung ibang
lalaking teacher naman, napangiti nalang.

Si Armida, mataray na hinawi ang buhok nya sabay ismid sa mga estudyante nya. Sige,
purihin pa ang reyna.
Nakailang ulit sila ng kanta. Si Armida, kung hindi bubulong, magli-lipsync nalang.
Marunong din naman sya makiramdam at ayaw nyang paulit-ulitin ni Maam Daphne ang
practice dahil magagalit lalo sa kanya ang iba pang teacher.

After 2 hours, natapos din ang practice...

Ang sama ng tingin ni Armida sa mga estudyante nyang inaasar pa rin sya kahit tapos
na.

"Maam para kayong artista kumanta!"

"De-lipsync!"

"Maam, pang-queen of soul yung boses nyo!"

"Anong soul?"

"Soul reaper!"

"Hahahahahaha!!"

"Ah ganon..." kinuha nya ang leeg ng estudyante nya at hineadlock nya "Gusto mong
ikaw ang tanggalan ko ng soul ha?!"

"Hahahahaha!!"
Nagtawanan nalang sila kahit yung sinasakal ni Armida

"Maam, 5 na!" biglang bungad ni James at Eljand

"O? Ano ngayon?"

"Diba susunduin kayo ng asawa nyo?"

"Ay shete!!" binitawan na ni Armida ang sinasakal nya at agad na hinanap si Sir
Geo para kunin ang gamit nya

Nakita nya si Sir Geo na palabas na ng theater kaya dali-dali nya itong hinabol.
Yung mga estudyante naman nya, sinundan sya.

Naintriga kasi makikita nila ang malas na lalaking nagpakasal sa baliw na adviser
nila.

Sa labas ng theater...

"Sir Geo!" tawag ni Armida

Lumingon naman si Sir Geo at mukhang naisip na ang kailangan ni Armida. "Pumunta
ka sa tapat ng main building, dun ko nalang ibibigay ang gamit mo."

"I need it now!"


"Front of main building." sabi ni Sir Geo at saka nagpatuloy sa paglalakad

"Psh. Dami pang arte, ibibigay lang naman ang gamit ko." inis na binulong ni
Armida

Sa tapat ng main building...

"Maam, antagal naman ng asawa nyo." inip na sinabi ni James

At talagang yung mga estudyante nya, kasama nya ngayon. Mapababae, mapalalaki, join
din.

Tinignan nya ang relo nya.. 5:17

Mukhang nakalimutan ata ni Josef na susunduin sya kaya medyo natuwa sya. Ang kaso,
yung gamit naman nya, nandun pa kay Sir Geo kaya hindi pa rin sya makauwi.

"Hey, Mrs. Zach!"

Napalingon silang lahat sa magkabilang direksyon.


Yung iba sa right side.

Yung iba sa may harap.

Si Armida naman, hindi alam kung sino ang lilingunin..

"Wow, another gwapo" bulong ng isang babaeng student ni Armida

Sabay na lumapit sa kanila ang dalawang lalaki.

Yung isa sa right, si Sir Geo dala ang gamit ni Armida.

Yung isa sa harap, isang lalaking nakasuot ng semi-formal at mukhang galing sa


trabaho.

"Sorry, I'm late" sabi ni Josef

"Maam, here's you things" inabot naman ni Sir Geo ang gamit ni Armida sa kanya

"Thank you" masungit na pasalamat ni Armida at sabay halbot ng bag nya kay Sir Geo
"Aba, may taga-bitbit ka ng gamit ha" nangingiting sinabi ni Josef habang
nakatingin kay Sir Geo

"Actually, I hid her things. Tatakas sana sya sa practice namin ngayon, kelangang
pigilan," sabat ni Sir Geo

"Ahh..." tumango naman si Josef at tinignan ang asawa nyang biglang nag-iwas ng
tingin "Tatakas huh" ibinalik nya ang tingin kay Sir Geo "Tama lang ang ginawa
mo. Thank you for stopping her from escaping. I owe you one"

"Uhm, you're welcome. Anyway, I'm Geovanni Heim" inabot naman ni Sir Geo ang kamay
nya kay Josef

"Richard Zach," nakipagkamay naman si Josef "I'm her--"

"Husband. Yeah, I've seen you last Saturday" at bumitaw na sya "Josef, right?"

Ngumiti lang si Josef at tumango kay Sir Geo.

"Why are you here?" tanong ni Sir Geo

"Ah, susunduin ko lang sya" sabay turo kay Armida "Baka kasi tumakas eh"

At sabay pa silang natawa ni Sir Geo sa logic ng joke.

"Tss. Mukhang magkasundo kayo ah," sarcastic na sinabi ni Armida "Gusto nyo pag-
untugin ko yang mga ulo nyo?"

"Armida," sita ni Josef

"Psh" umirap lang sya at saka nag-cross arms


Itinulak ni Josef ang noo ng asawa "Wag kang mag-inarte dyan dahil kasalanan mo
naman kung bakit ako nandito"

"Wagkangmaginartedyan blah blah blah. Whatever" bulong nya sabay make-face

"Sige, Maam Zach. Mauna na ko." magalang na sinabi ni Sir Geo "Mr. Zach, nice to
meet you again"

"Nice to meet you too, Mr. Heim" sagot ni Josef

At nauna nang umalis si Sir Geo...

"Wow, dude, ang astig"

Para namang ngayon lang nakakita ng tao sila Eljand at James kung makatitig ng
malapitan kay Josef

Lumayo naman agad si Josef sa dalawang wirdong estudyante at tinignan si Armida

"Hoy, ano 'to?" tanong nya habang tinuturo sila Eljand at James

"Eljand, James, layuan nyo yang lalaking yan." masungit na utos ni Armida

"Huh! Ayos ah!" napa-smirk nalang si Josef sa sinabi ni Armida

Tinignan ni Josef ang buong klase ni Armida na nakatingin lang sa kanya.


"Hello!" bati nya sabay smile at saludo "Kayo ba yung Class 4-F?"

Tumango naman ang 4-F students sa kanya.

"Asawa nyo yan, Maam?" taong ng isang estudyante

"Tss.. Sabi nya, asawa ko daw sya" -Armida

"Sir, warfreak yang asawa nyo!" sigaw ng isa sa mga lalaking estudyante ni Armida

"Nangangaway yan ng bata!"

"Di marunong sumunod sa rules!"

"Ang pangit ng boses!"

"Boses palaka!"

"Hwoy!! Bakit pati boses ko pinakikialaman nyo ha?!" sigaw ni Armida sa mga
estudyante nya

"Armida, estudyante mo yan. Paawat ka." sabi ni Josef

Umirap lang si Armida at ibinato ang hawak na bag nya kay Josef na nasalo naman
nito "Siguraduhin mo lang na masarap ang iluluto mo ngayon,"

Tumawa ng mahina si Josef at napailing nalang. "Kung hindi kita sinundo, anong
oras ka na naman kaya uuwi ha?" tinignan nya ang buong klase "Umuwi na rin kayo,
magga-gabi na o. Hahanapin na kayo sa inyo,"
Tinanguan nalang sya ng mga estudyante ni Armida at kanya-kanya na ito ng disperse
para makauwi.

Sila James at Eljand hindi pa rin maka-get over sa amusement. Kulang nalang
magningning ang mga mata nila habang nakatingin kay Josef.

"Kayo yung Fuhrer..." bulong nila habang hinahagod ng tingin si Josef

"Dude, laki ng katawan..."

"Tangkad..."

"Mukha talagang malakas..."

"Cool..."

Biglang lumayo si Josef at nagtago sa likod ni Armida "Hoy, tao ako, ok."

"O, ba't ganyan ang reaksyon mo?" tanong ni Armida

"Ganyan din ang tingin sakin nung mga taga-Diaeresis nung superman-issue ko. Pati
ba naman dito, ganyan din? Ano ba mga tao dito? Mga hindi pa nakakakita ng tao?"
bulong ni Josef

"Sir, I'm Eljand!" masiglang bati ni Eljand


"Ako naman si James!" with matching salute pa

"Uhh.. Owkeeyy??" hindi naman alam ni Josef kung bakit ganon nalang sya kung
tignan nung dalawa. Parang yung mga

taga-Diaeresis lang na superman ang tingin sa kanya

"Sir, I'm a fan of yours. Bow ako" -Eljand

"Galing nyo talaga, ang astig nyo, sobra.." -James

Iniikot ni Josef ang tingin nya at hinanap sa lugar ang dapat nyang maging reaksyon
sa narinig

"Yeah? Fan? Owkeeyy? I think... I think dapat na kaming umuwi.." yun nalang ang
kinatwiran ni Josef dahil nagsasawa na sya sa mga bumibilib sa kanya

Naglakad na sila ni Armida palabas ng main gate, ang kaso...

"Maam, pwede dumalaw sa inyo?" masayang tanong ni Eljand

"Yeah.." tinatamad na sagot ni Armida

"Pwede ngayon?" -James

"Yeah.." at biglang nag-sink in ang tanong ni James "Eh? Ngayon?"

"Maam, nag-yes na kayo! Uhm!" itinuro nyang dalawang hintuturo si Armida "Walang
bawian yan!"
"Ano namang gagawin nyo samin?" tanong ni Josef

Ngumisi lang ang mag-bespren sa tanong na yon ni Josef.

"So, it's you I guess.."

"Maam!"

Pare-pareho silang napalingon sa likod para makita ang dalawang nagsalita.

"Kayo na naman?" inis na sinabi ni Armida

Tinignan naman sya ni Josef sandali at saka ibinaling ang tingin dun sa dalawa

"Nangako kayo, Maam!"

"Sya ba yung asawa mo?"

"Ano na namang bang problema nang mga yan?" bulong ni Josef

"Kayong dalawa, sumama kayo sakin.. Dun tayo sa bahay ko mag-usap.." sabi ni
Armida at saka sya tumalikod para tumuloy paglabas ng gate
"Armida, anong bahay ha?!" gulat na tanong ni Josef

Walang natanggap na sagot mula kay Armida si Josef kaya sinundan na sya ang asawa.

Pare-pareho silang sumunod kay Armida kasama sila Eljand, James, Josef, Yoshi at
King.

Quarter to 6 na.

~~~Narrated for Laby~~~

Nakatanggap sya ng notice sa Order. At ang laking bad news nun para sa kanilang
tatlo.

Nasa kwarto nya sya ngayon at iniisip ang susunod na gagawin.

Wala na syang balak pumasok pa sa Byeloruss bukas kaya kelangan na nyang daanin sa
santong paspasan si Brent. Ipapa-torture nalang nya kay Armida para tapos na ang
problema.

Walang duda na kay Brent nga mapupunta ang original copy. Kuya nya si Ray Pearson
kaya malamang na dito ibibigay ni Yuan ang original copy kesa kay Ran.

Si King at si Shiner mukhang mabibigyan na ng card. Isa nalang ang hahanapin nila.
Pagkatapos nun, tapos na ang trabaho nya sa mag-asawa. Kinuha nya sa metal
briefcase ang tatlong summons card at tinignan iyon habang nakaupo sya sa swivel
chair nya habang nakaharap sa mga computers nya.

Kelangan na nilang magmadali sa pagbibigay ng summons. Alam nyang anytime, pwede na


silang kunin ng mga Guardians dahil sa ilang paglabag sa Credo. Nalaman na kasi ng
ibang Superiors ang nangyari, lalo na ng mga Pioneers.

Tinanong nya si Armida kung bakit hindi pa nito pwedeng ibigay kay Shiner ang
summons. Ang tanging sagot lang na natanggap nya ay may oras din daw sila para
dyan. Other than that, wala nang ibang nabanggit pa.

Biglang naningkit ang mga mata ni Laby at agad na itinago uli ang mga card. May
naririnig syang hindi maganda. Nakaamoy din sya ng pabangong hindi dapat naroon sa
bahay. Dali-dali syang tumayo at kinuha ang pocket knife na nakapatong sa side
table at binuksan ang pinto.

"Hi-- Oy!"

Kinuha agad ni Laby ang leeg ng intruder sa bahay nila at saka nya sinakal sabay
tulak sa dingding. Itinutok nya sa mukha nito ang pocket knife.

"Anong ginagaw--" hindi na nya natapos pa ang sinasabi at nanlaki nalang ang mga
mata nang makita kung sino ang pumasok sa bahay nila ng walang paalam.

Nakataas ang magkabilang kamay nito at halos maduling na habang tinititigan ang
kutsilyong nakatutok sa mukha nya.

"I didn't expect na ganito ka ka-harsh tumanggap ng surprise visitor."

"Ran?! What are you doing here?!" ibinaba na nya ang kutsilyo at kinuha ang kwelyo
ni Ran
"Just checking. Alam mo bang three times kong nilibot ang buong Byeloruss para lang
hanapin ka. Balita ko, binuhusan ka ng tubig ni Alexandrei, anong nangyari sayo?
Bakit nawala ka? Ngayon-ngayon lang ako nakaalis sa school kakahanap sayo. Akala ko
kinulong ka na ng mga fans nila sa kung saang lumang storage room sa campus. Wild
ang mga students sa Byeloruss, kahit ano kaya nilang gawin sayo. Sana naman tumawag
ka man lang o kaya--"

"Tama nang satsat, Ok! I'm fine, you can go now!" itinulak nya si Ran papunta sa
direksyon ng hagdan "Kapag nakita ka ulit dito ni Josef, baka kung anong gawin nya
sayo!"

"Sino? Yung asawa ni Maam Zach?"

"Just go, ok!"

Hindi magandang masanay si Ran na nag-g-gatecrash sa bahay na yon dahil delikado.


Lalo pa't maraming huma-hunting sa kanila.

Napahinto ang dalawa nang makarinig sila ng kalabog sa may baba.

"Shit!" napatakbo agad si Laby para puntahan yung kumalabog

Hindi pwedeng sabihing pusa dahil walang pusang maliligaw sa kanila.

Nagmamadaling bumaba si Laby papunta sa kusina para tignan kung sino ang nandoon.
Nakasunod naman sa kanya si Ran.

"Ah-- Teka, sorry.. Gutom na kasi ako.."


"Oh damn..." napapikit nalang si Laby at napasalampak sa kinatatayuan dahil sa
panghihina nang makita si Shiner na nagkakalkal sa cabinet at mukhang nailaglag ang
mga gamit sa loob non.

"May problema ba?" inosenteng tanong ni Shiner. Nadako naman ang tingin nya kay
Ran na nakatayo sa likod ni Laby "Teka, kilala kita ah.." sabi nya habang
tinuturo si Ran "Member ka ng Revenge gang diba?"

"Hime Vhanthara, tama?" tanong ni Ran "What are you doing here?"

Isang i dont know shrug lang ang nasagot ni Shiner sa tanong ni Ran.

"Pwede ba!! Masakit na ang ulo ko! Wag nyo nang dagdagan pa!!" sigaw ni Laby dahil
pinakaba sya ng dalawa sa ginawa nila

Si Ran, pumasok nang walang paalam.

Si Shiner, akala nya kung sino na dahil nga kay Ran na pumasok nang walang paalam.

Alam nyang welcome ang kahit sino sa bahay na yon dahil napakadaling buksan ang
gate, ang kaso, hindi rin naman easy-easy ang mga taong humahanap sa kanila.
Nagsisimula na syang ma-paranoid.

Buti sana kung nandoon yung mag-asawa, o eh di wala syang dapat ipag-alala. Lalo pa
ngayon na dumadami na ang problema nila nang wala silang kamalay-malay.

"Shiner Jean Soliman! Wag ka nang--"

Sabay-sabay silang napalingon sa may sala nang may bigla na namang umentradang isa
pang gatecrasher.

Napatayo agad si Laby nang makita kung sino ang pumasok na naman ng walang paalam
sa bahay nila.
"Oh God.. Oh God.. Oh God.." paulit-ulit na sinabi ni Laby habang nakatitig sa
gulat ding another visitor nya

"Laby?" tanong nito

Tinignan ni Ran si Laby sabay lipat ng tingin dun sa bagong dating "Sino yan?"

"Laby, anong ginagawa mo dito?" agad-agad nyang nilapitan si Laby para tanungin.
Sunod nyang tinignan si Shiner na gulat ding nakatingin sa kanya.

"Riggs, I can explain," itinalikod nya agad si Riggs para palabasin ng bahay

Alam nyang anytime dadating na sila Armida at napakalaking bad news once na
magkita-kita sila ngayon. Sobrang laking problema nun.

Ngayon lang nya naalala. Kakausapin dapat nya si Josef na wag nang tanggapin sa
bahay nila si Shiner dahil nga kay Riggs, kaso mukhang huli na para doon.

At kahit hindi na nya itanong pa, alam nyang hinahabol ni Riggs si Shiner kaya
malamang na mapupunta nga sya sa bahay nila since nandoon na ang target nito.

"Laby, anong ginagawa mo dito?!" tinabig agad ni Riggs ang kamay ni Laby at
hinarap nya ito para kumprontahin "Bakit nandito ka?"

"Dito ko nakatira! Please, umalis ka na muna!" pagmamakaawa ni Laby "I'll tell


you everything later! Promise!"

"Dito ka nakatira?! Kasama mong nakatira dito ang target ko? Ibig sabihin, alam
mong dito sya tumutuloy?! Tinatawagan kita pero wala kang sinasabi! Alam mong
target ko sya," itinuro nya si Shiner "tapos wala kang binabanggit?!"

"Hey, dude, wag mong masigaw-sigawan si Millicent!" itinulak ni Ran ang balikat ni
Riggs para ilayo ito kay Laby

"Millicent?" tinignan nya ng masama si Laby

"Riggs, please, saka na tayo mag-usap..." sinubukan nyang hawakan ang braso ni
Riggs ang kaso,

"No!" tinabig lang nya ang kamay ni Laby para hindi sya nito mahawakan

Lumapit na sa kanila si Shiner para makiawat.

"Hey, stop it!"

"Dude, lumabas ka nalang pwede ba!" utos ni Ran

"Ako? Lalabas? Teka nga, sino ka ba ha?!" -Riggs

"Ako? Sino ako?" kinuha nya ang balikat ni Laby at inilapit ito sa kanya
"Boyfriend nya, bakit?"

"Ah! Ikaw?" ibinalik nya ang tingin kay Laby "Boyfriend huh.."

"Stop it!" tinabig nya agad ang kamay ni Ran sa balikat nya "He's not my
boyfriend! Walang--!!"
"Hoy! Hoy! Hoy! Anong nangyayari dito? Bakit maingay ha? Sigawan ng sigawan!"

"Oh shi--!!" napa-facepalm nalang si Laby nang makita ang mga bagong dating

Kung may pinakamalas syang araw sa earth, malamang ngayon yon. At ang ganda ng
timing ng pagkakataon. Sobrang ganda.

Sigawan sila ng sigawan, hindi tuloy nya narinig na nakarating na sila Armida.

Pare-pareho silang nagulat sa nakita...

"Riggs?"

"Kuya?"

"King?"

"Maam?"

"Yoshi?"

"RYJO?"

"Ran?"

"Jean?"
"Sir?"

"Brent?"

"Eljand" itinaas nya ang kamay

"James!" nakigaya naman sya

"ANONG GINAGAWA NYO DITO??" sabay-sabay nilang tanong sa isa't isa

Pare-pareho silang nakaupo sa sala. May divan, may sofa bed, may two-seater, may
tatlong ottoman kaya lahat nakaupo. Liban kay Eljand at James na nasa kusina at
naghahanda ng dinner. Nagprisinta si James since marunong syang magluto, dala na
rin nang may resto ang kuya nya at pangarap nyang maging chef. Volunteer daw para
kila idol. ^__^

"Buhay kayo..." yun nalang ang nasabi ni Riggs habang pinipigilan ang emosyon

"Wag kang mag-alala, alam ni Mama na buhay ako." malamyang sinabi ni Josef

"Alam ni Mama? Alam mo ba kung anong nangyari kay Mama nung nalaman nyang patay
ka?! May pumuntang mga pulis sa bahay at sinabing patay na kayo ng asawa mo!"

Ang awkward lang para sa iba dahil family problems pala ni Josef at Riggs ang huge
matter ngayon.

"Ah, malamang na ang Fuhrer ang may gawa nun" careless na sinabi ni Armida sabay
kuha ng juice na hinanda ni James kanina para sa lahat "Sya lang naman ang
demonyong may lakas ng loob gumawa ng mga ganung bagay"

"Akala ko ba yung asawa nyo yung Fuhrer?" tanong ni Yoshi at King. Tinignan nila
ng masama ang isa't isa dahil sa pagsasabay

"Asawa ko nga ang BAGONG Fuhrer." pagtatama nya

"FUHRER??" gulat na tanong ni Riggs "Pano magiging Fuhrer si Kuya?"

"Lolo nya kasi yung Fuhrer. Dapat sa father nya mapupunta ang position kaso
bedridden na, so dun na sa next blood heir mapupunta ang position." sagot ni
Armida

"Pero ang sabi ni Mama, patay na ang lolo ni Kuya at ang father nya!"

"Patay kasi nga yun ang agreement. Kapag kinuha ang title as Superiors, buburahin
ang existence mo at mabubuhay ka sa mundo bilang bagong tao at superior sa lahat.
Hindi na level ang status mo sa karamihan dahil kalahati ng mundo, ikaw na ang
magpapatakbo. They are the powers, they are the authority, and they are the law.
Your brother now is the Law. And so are we, the other Superiors. Isang salita lang
ni Josef, kaya nyang burahin sa mapa ang subdivision na 'to nang walang
nagrereklamo. Isang salita lang ni Armida, kaya nyang putulin ang mga bloodlines
nyo pati ang angkan nyo nang walang nagrereklamo. Isang salita ko lang, kaya ko
nang bilhin ang buong bansang 'to nang walang nagrereklamo." sabi ni Laby habang
nakatingin sa ibang direksyon "Ang disadvantage lang, walang sinasanto ang
Criminel Credo. Kapag lumabag sa batas, Fuhrer man sya o hindi, kelangan pa ring
maparusahan..."

Nakuha naman non ang atensyon ni Shiner, King at Yoshi since yun ang pakay nila.
Ang maging Superiors.
"Ibig sabihin, naging Superior na si Kuya?" mahinang tanong ni Riggs dahil hindi
sya makapaniwala sa narinig

Parang kelan lang, gusto silang patayin ng mga Superiors, tapos ngayon Superiors na
sila. Anong kalokohan naman yun?

"Superiors na ako, si Armida at si Laby." sabi ni Josef kay Riggs

"Sino si Armida?" agad na tanong ni Riggs

"Ako." nagtaas naman ng kamay si Armida

"Armida? Akala ko ba si Jocas ka?" -Riggs

"Patay na si Jocas." -Armida

"Dahil pinatay na kayo ng mga Superiors? Dahil mga bagong tao na kayo?" -Riggs

"Patay na si Jocas dahil patay na si Jocas. Wag nang matigas ang ulo mo!" inis na
pagpipilit ni Armida

"Pero ikaw si Jocas!" -Riggs

"Iba si Jocas, iba ako! Yung Jocas na tinutukoy mo, matagal nang patay!"

"O, kalma! Kalma!" hinawakan ni Josef ang balikat ni Armida para pigilan

"Hoy! Pagsabihan mo yang kapatid mo! Pag ako hindi nakapagpigil, kahit anak pa yan
ng President ng Asylum, ako papatay dyan!"
Napa-buntong hininga nalang si Josef at ipinatong ang mga siko sa magkabilang tuhod
at isinubsob nalang ang mukha sa palad nya.

Naloloka na sila pare-pareho sa nagaganap. Ang hirap i-absorb sa sobrang dami ng


pumapasok na information.

Bakit ba naman sa dinami-rami ng pagtatagpuin sabay-sabay eh sila-sila pa.

"Ok." huminga ng malalim si Josef at pinilit na ibalik ang composure

Paano nga ba nila maayos ang problemang ito?

Masyadong magulo, ang hirap ayusin.

"Para hindi magulo, simulan natin sa umpisa. Anong kelangan nyo at nandito kayo sa
bahay na 'to?" sabi ni Josef "Mauna ka," itinuro nya si Shiner

"Uhh... ang sabi ng asawa nyo, dito muna ko tumira. Tapos sinabi din nya na sya na
ang bahala sakin mula kay Daddy basta wag lang daw ako aalis dito." sabi ni Shiner

"Next." si Brent ang tinutukoy nya

"Kakausapin ko si Etherin about sa software na hinahanap nya. Gusto kong malaman


kung bakit napunta kay Ray Pearson ang software." sabi ni Brent

"Ray Pearson?" sabay na nasabi ni Armida, Ran at Yoshi

"Diba--"
"O! Mamaya na mag-react! May time tayo para dyan!" pang-aawat ni Josef "Next,"
itinuro nya si Laby

"Ako? Bakit nadamay ako?" tanong pa nya

"Magsalita ka nalang, pwede ba!" galit na utos ni Armida

"Tss." umirap lang sya at saka nagsalita "Nandito ko dahil sa napakaraming


dahilan pero ibibigay ko lang ang major concern ko. Una yung software. Kelangan ko
yong mabura bago. Pangalawa, nandito ko para tumulong ayusin ang problemang ginawa
ni Armida sa Zubin..."

"Zubin??" sabay namang nasabi ni King, Ran, Shiner, Riggs at Brent

"Sinabi nang--" pag-awat ni Josef

"Pangatlo, nandito ako para maghanap ng mga Superiors candidate. Tapos para
bantayan sila Josef at Armida dahil utos yon ng Boss ko."

"Ok, next." itinuro nya King

"Nandito ko para kausapin ka. Ikaw daw ang leader ng Superiors, madami akong
gustong itanong."

"Yun lang?" -Josef

"Yun lang." sagot ni King

"Next" itinuro nya si Yoshi

"Gaya ng reason ni King."


"May inferiority complex yang batang yan. Masyadong inggitero." bulong ni Armida
sa asawa nya

Tumango nalang si Josef sa binulong ni Armida at saka tinignan si Ran "Ikaw? Anong
masamang hangin na naman ang nagdala sayo dito?"

"Nandito ko kasi worried lang ako kay Millicent. Baka kung ano nang nangyari sa
kanya eh, binuhusan daw sya ng tubig ng Campus Fairy ng Byeloruss."

Hindi naman alam ni Josef ang ire-react. Akala nya, mas malalim pa ang reason ni
Ran. Ambabaw lang naman pala. Dumadalaw nga lang talaga.

Kaso may issue sya kay Ran kaya nabwisit nalang sya sa reason nito.

"Ikaw naman, Riggs."

"Nandito ko kasi nandito ang target ko. Alam yun ni Laby, pero hindi sya nagsalita.
Alam din nyang buhay kayo tapos--"

"O, tama na. Mamaya na tayo dyan. Wag ka ring mage-expect na magsasalita yang si
Laby. Baka nakakalimutan mo kung anong trabaho nyan."

Sandaling tumahimik sa sala.....


"Ok, para walang problema. Para hindi magulo. Sino dito ang may issues sa
Superiors?" tanong ni Josef habang nakataas ang right hand

"Ako." sabi ni King at Yoshi

"Ok, dun muna kayo sa kusina. Mamaya na kayo makisali dito." utos ni Josef.
Tinitigan lang sya ni King at Yoshi. "Kapag nagbago ang isip ko, palalayasin ko
kayo pare-pareho."

Wala nang nagawa pa sila King at Yoshi kundi ang pumunta sa kusina.

"I think, I have to go to the kitchen too." sabi ni Shiner at sumunod na sya kila
Yoshi

Ang naiwan nalang ay sila Josef, Armida, Laby, Ran, Brent at Riggs.

"O, may nag-react kanina sa Ray Pearson name, anong meron?" tanong ni Josef

"Ray Pearson." bungad agad ni Armida "Laby, remember my mission two years ago?"

"Aba malay ko sayo. Nung binigay mo ko kay Razele, hindi na kita pinakialaman."
-Laby

"Tss. 'Lang kwenta, anyway. May mission ang Elites two years ago, and I'll say it
for clarification. Si Ranger, binigyan ng mission na protektahan si Ray Pearson,"

"Si Ranger?" gulat na tanong ni Laby

"Yeah, binigay nga yung mission na protektahan si Masane Yoshikawa kay Neptune
tapos sakin yung mission na protektahan si Yuan Li."
"Yuan Li?" react agad si Ran "Kapatid ko si Yuan Li."

"Talaga? Good for you." as usual, she don't care "Ang mission, protektahan sila
sa lahat ng humahanap sa kanila kaya dinala namin sila sa Palau.."

"Palau?" chorus pa silang lahat

"Mamaya na kayo mag-react dyan, now, gusto ng lahat makuha ang tinatago nilang
tatlo kaya namin itinago sa malayo. Malay ba namin kung ano yun."

"Walang kang pake sa mga clients mo, kaya hindi na ko magtataka kung bakit namatay
si Yuan" inis na sinabi ni Laby

"Hindi naman kung sino lang ang pumatay kay Yuan dahil pinatay sya ni Masayoshi.
Pati si Pearson pinatay. Si Pearson ang nakaisip na patayin silang tatlo, si Yuan
ang nag-utos na patayin silang tatlo, at si Masayoshi ang pumatay sa kanilang
tatlo. Bakit nila ginawa? Dahil alam nilang buhay ka. Buhay ang Brain. Nag-suicide
sila, Laby... Planado ang pagkamatay nilang tatlo.

At kanina ko lang naisip na kung ano man ang dahilan ng pagsu-suicide nilang tatlo,
yun ang software na hinahanap mo. Hinahanap sila dahil sa software, dahil alam
nating pare-pareho na ang software na yon ay kayang i-access ang lahat ng computers
sa earth. Kapag nangyari yon, napakadaling magnakaw ng kotse, ng bangko, ng mga
establishments, pabagsakin ang mga makapangyarihang tao sa gobyerno sa buong mundo,
kayang kontrolin ang lahat ng agencies, at isang maling click lang, anytime pwede
nang magsimula ang World War 3."

Lahat sila natahimik sa sinabing yon ni Armida

"Delikado ang software na yun. Namatay sila para itago ang software. Tumawag si
Yuan sa Hongkong that time, sinabi nya sakin na tatawagan lang nya ang pamilya nya.
Kung ano man ang sinabi nya, hindi ko na inalam pa. Basta pagkatapos ng tawag na
yon, pinatay na sya ni Masayohi. Walang nag-expect samin na mamamatay sila dahil
malaya sila sa isla. I tried to revive him. We tried to revive them. Hindi sila
pwedeng mamatay eh, pero wala. Wala na ring nagtangka pang maghanap ng tinatago
nila dahil ang Elites ang kumuha sa kanila. And we all know lahat ng gusto ng
Elites, nakukuha ng Elites. Too bad, wala kaming nakuha. Ngayon, Laby, I want to
ask you something, since may huling nabanggit sakin si Yuan about you.. Paano mo
nalamang nag-eexist ang The Brain as Black Web? That software was redeveloped 2
years ago, paano ka nagkaroon ng idea na buhay pa ang software mo?"

Sandaling hindi nakasagot si Laby sa tanong na yon ni Armida.

Tinignan nya ang lahat na nag-aabang din ng sasabihin nya.

"I received a video message coming from Ray last month na kung tutuusin, two years
ago ko pa dapat natanggap. Nakalagay sya sa compact disc na laman ng isang package
na pinadala sa address namin sa England. Nakuha ko lang ang cd na yun nung ilagay
nila Mommy yung package sa mausoleum ko." malungkot na sinabi ni Laby

"Mausoleum mo?" tanong ni Ran "Patay ka na ba?"

"Pinatay na ang The Brain ni No. 99, ganun din si Catherine Millicent Etherin sa
mata ng lahat. Anyway, mabalik tayo sa cd. Ang sabi doon ni Ray, ni-redevelop ang
The Brain at Black Web ang bagong pangalan nito. Hanapin ko lang ang lumang IP
address ng The Brain, pagkatapos nun na-cut na ang video dahil nagkaroon ng sira
yung cd. Siguro kasi matagal na syang hindi na-play at kung saan-saan na napadpad
bago pa mapunta sa England. Mahaba ang video message kaya nga lang hindi ko na
nalaman pa ang buong mensaheng gusto nyang iparating. Now, bad news ang malamang
nage-exist pa ang The Brain kaya nag-start ako sa pag-trace ng software na yun sa
wala. Hindi madaling hanapin ang software kaya inabot ako ng three weeks bago ko
makuha ang address na naka-locate sa Byeloruss."

"Alam mo, sa tingin ko, sinadya nila Li, Pearson at Masayoshi na papasukin sa
Byeloruss itong si Yoshikawa, Ran at Kesley.." sabi ni Armida "Nananahimik 'to sa
Hongkong, tapos papupuntahin dito ni Yuan.." itinuro nya si Ran "Yung makulit na
si Yoshikawa, may family sa Japan, tapos pag-aaralin dito," itinuro nya ang kusina
"At ito... Sino ka nga ba at anong connect mo kay Pearson?" tanong nya kay Brent

"Ray Pearson is my brother." sagot ni Brent

"Really?" hindi pa kumbinsido si Armida sa sagot nya "Bakit Kesley ka?"

"Adopted child si Ray Pearson." -brent


"Oh..." tumango naman si Armida sa sinagot ni Brent "Sa pagkakatanda ko, ang
sinabi nya kay Ranger, babae ang kapatid nya. Babae ka ba?"

"Sinabi nya kay Ranger?" paningit ni Laby

"Yeah. Close yung dalawa eh. Tapos meron syang china-chant every night na halos
makabisado na namin. Ano ulit yun? Death the Leveler. He always brag to Ranger na
nakabisado yun ng sister nya nung two years old palang yun. Sobrang proud sya sa
sister nya at wala syang ibang bukambibig kundi yun. Sa totoo lang, hindi sya big
deal kung walang malisya yung kwentuhan nila, hehehe," ngumiti sya ng konti at
bigla ring nawala nang naramdaman nyang sya lang ang naka-appreciate ng story
"Anyway, sa tingin ko may idea ako sa video na tinutukoy mo, Laby. Remember yung
video diary ni Jocas? Sa pagkakatanda ko, yung videocam nya yung ginamit sa
pagvideo nung message. Ang kaso, wala akong copy ng video at wala na rin ang
videocam. Pero may nabanggit sakin si Yuan na kapag daw nakita na ang hinahanap ng
lahat na yun at nawala na sa mundong 'to, may something daw na makikita doon. I
know walang kwenta yun dahil walang sense. May makikita kapag nawala, kalokohan.
Pero malay nyo may makita nga kayo." Tumayo na sya at pinagpag ang damit
"Magbibihis muna ko.. Naaalibadbaran na ko sa suot ko" at nagpunta na sya sa taas
para magbihis.

Si Laby, Josef, Ran, Brent at Riggs nalang ang natitira ngayon sa sala...

"Kuya, anong kinalaman ng asawa mo sa Zubin?" tanong ni Riggs

"Bakit mo naitanong?" -Josef


"She's RYJO, right?" isang seryosong tingin ang binigay nya kay Josef "Ang sabi
sa Asylum, kung buhay si RYJO, malamang na sya ang umubos sa member ng Zubin. Ibig
sabihin, tama nga ang hinala ng ibang Leveler." napailing nalang sya dahil hindi
sya makapaniwala sa lahat ng nangyayari ngayon

"Hindi naman nya sinadya ang pagtapos sa Zubin. Wala kaming alam sa nangyari. Hindi
namin inaasahan na ganun ang mangyayari... Sa katunayan, pinatay sya ni Carlos
Zubin--" katwiran ni Josef

"Pinatay?! Pinatay! Lagi nalang kayong pinapatay! Pero ano kayo ngayon?! Kelan ba
talaga magaganap yang kamatayan na yan sa inyo! Ilang beses ba kayo kelangang
makitang lumalakad sa lupa para lang patunayang hindi kayo marunong mamatay?!"
halos hingalin na sa galit si Riggs

Hindi na nakapag-react pa si Josef.

Ano pa nga bang masasabi nya? Kung sya ang nasa kalagayan ni Riggs, yan din ang
itatanong nya.

Buhay sila at sila ang dahilan ng lahat ng problemang nagaganap ngayon.

And the million dollar question is nasaan nga ba ang mga pruwebang nakita noon para
masabing patay sila.

Kaya naman...

Naisip ni Riggs na bakit pa nya susundan si Shiner Jean Soliman kung kilala na nya
ang tunay na suspect sa pagkamatay ni Carlos Zubin at ang pagkawala ng Zubin
Organization sa listahan?

"I'm going to tell Dad what's going on." kukunin sana nya ang phone sa bulsa nya
nang bigla syang pigilan ni Josef

"Don't you dare do that!" warning ni Josef sa kapatid


"Why? There's no point for following her anymore!" itinuro nya ang kusina kung
nasan si Shiner

"Josef, let him do what he wants." sabi ni Laby

"Why?! Tatawagan nya ang President ng Asylum" -Josef

"Alam ni Thompson na buhay ka. Wag kang mag-alala." sabi ni Laby kay Josef
"Riggs, if I were you, hindi na ko magsasalita about sa kuya mo. Papatayin ng
Higher-ups ang family mo once na malaman nilang alam mong buhay pa rin si Shadow.
Papatayin ka, pati na ang father mo. Si Anjanette Malavega, kahit si Raven.
Papatayin nila lahat ng hahadlang sa mga plano nila. Papatayin kayo dahil hindi
kayo kasama sa agreement. Pag-isipan mo muna ang lahat ng gagawin mo bago ka gumawa
ng desisyon"

"Huh! May dahilan pa ba para maniwala ako sayo? Alam mo, simula nang makilala kita,
wala ka nang ibang ginawa kundi magsinungaling sakin!"

Napailing nalang si Laby at napatingin sa baba.

Napakamiserable ng kalagayan nya.

Yes. She always lies. It's necessary, wala syang magagawa.

Napahugot nalang sya ng malalim na hininga at napasandal nalang sa two seater na


inuupuan nya.

Nakakawalang pag-asa ng mga nangyayari. Kapag ganito ang nagaganap, nawawalan sya
ng ganang mag-isip. Mas pipiliin pa nyang tumunganga nalang sa taas at isipin kung
anong mas masarap kainin para sa hapunan.
"Dun nga tayo mag-usap sa labas..." hinatak naman ni Josef ang kapatid sa labas ng
bahay para doon sila makapag-usap..

Ngayon, si Laby, Brent at Ran nalang ang natitira...

"I'll give the software now. Ayoko nang madamay pa sa kamalasan ng software na yun"
sabi ni Brent kay Laby

Pinanood lang sya ni Laby habang kinukuha nya sa dalang bag ang laptop. Kinuha na
rin ni Ran ang laptop nya sa bag kahit na wala namang nagsasabi na ilabas nya.

Inilapag nila ang mga laptop sa coffee table.

"What are you doing?" tanong ni Laby kila Ran at Brent

"Ang stressful naman ng buhay mo..." nangingiting sinabi ni Ran "Maliban sa


pagiging surgeon, poet, dramatist, essayist, novelist, historian, architect,
bibliophile, painter, sculptor, educator, professor, linguist, musician,
naturalist, ethnologist, computer programmer, developer, information technologist,
surveyor, engineer, businesswoman, CPA, economist, geographer, cartographer,
philologist, grammarian, folklorist, philosopher, translator, inventor, magician,
humorist, satirist, sportswoman, traveler, dancer, intelligence officer, spy, sa
dami ng yon, may mas malala pa palang trabaho ang isa sa mga world geniuses ng
earth." kinurot nya ng mahina ang pisngi ni Laby "Wag kang maingay ha. Ssshh.."

Walang nang paa-paalam pa, pasimpleng kinuha na ni Ran ang laptop ni Yoshi sa bag
nito.

"Tapusin na natin yang issue mo sa Black Web. Tutal sinabi naman sakin ni kuya na
ibigay ko sayo ang copy once na magpakita ka." sabi ni Ran sabay smile kay Laby

Bukas na ang lahat ng laptop at si Laby nalang ang hinihintay...

"Bilis na, gawin mo na ang trabaho mo. Kapag nagbago ang isip ko, wala kang
mapapala sa pagpunta ko dito." masungit na sinabi ni Brent

Tinaasan lang sila ng kilay ni Laby at lumapit nalang sa laptop ni Brent...

Pumunta sya sa control panel at hinanap ang Black Web program. Cli-nick nya ang
Black Web.

Unang una nyang nakita ang Remove at ang nakasulat sa gilid na 'To remove this
program from your computer, click Remove'

Tinignan nya sila Brent at Ran...

"I'll delete it." sabi nya

"Go." sabi ni Ran habang nakangiti

"Kelan ka ba mawawalan ng ngiti sa mukha ha?" sarcastic nyang tanong sabay click
ng Remove

At biglang namatay sabay-sabay ang tatlong laptop.

"Whoah. What's happening?" napaatras sila pare-pareho nang mag-black out ang
tatlong laptop
"Did I break it?" tanong ni Laby

"Baka yun na yun?" bulong ni Ran

"Gagana pa ba yang laptop ko?" tanong ni Brent

Click. Click. Click.

"Oh my..." bulong ni Laby nang biglang lumabas yung timer na pang-movie sa tatlong
screen ng laptop

Click.

"Ohayou, Tensai hime." (Masayoshi)

"Ni hao, The Brain." (Yuan)

"Hello, Catherine." (Ray)

"Fvck, dude. It's-- awesome" bulong ni Ran "See the date? Two years ago pa 'to
ah." habang tinuturo ang upper part ng screen

"If you're watching this, it only means you've found the original copy of The
Brain"
"Hello, Cathy. I'm really sorry if I bothered you with this problem. I redeveloped
The Brain because the software must remain on it's existence. This is the only
proof that you're still alive. Catherine may die but not The Brain. The Brain is a
treasure. You're our treasure. And treasures don't die. They just remain unfound.
If the software is deleted, it means the real Brain still exists." (Yuan)

"Hime-chan. I know my job is to protect you. Shadow is not just a thief. Shadow is
a Legend. We know he can protect you from them. And so is RYJO. She may be an
assassin, but I know her. She works for them but she kills for no one. The Brain is
lost, not dead. Believing you're alive is irrational but the mere fact that nobody
found your body makes us consider your survival really happen." (Masayoshi)

"Catherine, I know I lied when I told you everything about our real father. Don't
get mad at me because of that. Laurence Etherin is a good man, and I know he
treated you as his daughter even though Mom can't accept you because of Dad.
Remember: you're not a Pearson, you're an Etherin. A Pearson is no longer welcome
on that house that's why I got away. Maybe this time, you've met Brent. He's good
kid and he's on your age. He's a very nice brother to me, so I'm hoping you'll two
get along together." (Ray)

Biglang nag-blackout ang screen tapos may lumabas na tab sa laptop ni Ran at Yoshi

"Deletion of The Brain starts"

Tapos biglang nagkaroon ng loading tab.

"Uhh... Owkey?" tinignan naman ni Ran ang reaksyon ni Laby at Brent. Mga tahimik
lang.

"Catherine, live a normal life. Promise me you'll never get involved with those
people again. We can't protect you anymore." (Ray)

Biglang nag-blackout ang monitor ng laptop ni Brent at nagkaroon ng loading tab.


After a minute of loading...

Nag-restart ang tatlong laptop at na-refomat na automatically.

"Ah man! Seriously??" itinuro ni Ran ang mga natitirang program sa laptop nya
"Na-reformat ang laptop ko?! Paano na yung mga pictures kong naka-save dyan?!"

Kahit na OA ang reaction nya, nanatiling tahimik pa rin si Laby at Brent.

Nabasag lang ang katahimikan nila ng biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling
pumasok si Josef at Riggs.

"Armida!" nag-aalalang sigaw ni Josef

Biglang sumulpot si Armida sa may itaas ng hagdan at tumalon nalang pababa for
shortcut.

"Laby, may secret room ba ang bahay na 'to?" tanong agad ni Armida habang
papalapit sa may bintana

"Why?" napatayo agad sila Ran, Brent at Laby dahil sa pagpa-panic ni Armida

"Bad news. We got company."


"Just keep quiet. Don't make any noise" sabi ni Josef habang pinagsasama-sama ang
mga estudyante nila sa isang sulok sa kusina

"Malas talaga.." inis na binubulong ni Laby habang binubuksan ang isang cabinet

"Marami sila huh, mahalaga pala talaga ang pakay ng mga yun." sabi ni Armida
habang binabantayan ang kusina

Maya-maya biglang bumukas ang isang secret door na nasa likod ng stove.

"Whoa--" tinakpan agad ni Shiner ang bibig ni Eljand na magre-react na sana

"Ssshhh!!"

"Pasok na dali," mahinang utos ni Laby

BLAAGG!!

BLAAGG!!

Mukhang sinisira na ang bahay nila.


"Can't you make it faster?" tanong ni Armida kila Laby habang nakakunot ang noo

"I'll stay here.." sabi ni Riggs

"Riggs, pumasok ka sa loob." mariing utos ni Josef sa kapatid

"No!"

Dinuro agad ni Josef ang kapatid "Don't make me force you to go inside." warning
nya

Nakipagsukatan pa si Riggs ng tingin sa kanya.

"This is not the right time to argue!" hinatak agad ni Laby si Riggs papasok sa
loob ng secret room

Sa viewpoint ng mga estudyante...

Sunod-sunod na pumasok ang mga estudyante sa secret door. Dumaan sila King, Brent,
Yoshi, Ran, Shiner, Eljand, James, Riggs at Laby sa isang bakal na hagdan pababa.

Madilim ang loob kaya nagpauna na si Laby. May pinindot sya sa pader kaya sunod-
sunod na nagbukasan ang mga ilaw.
"Wow..." na-amaze naman silang lahat dahil puno ng monitors ang buong kwarto at
may mga tables na maraming buttons

"Walang gagalaw ng kahit ano dito, maliwanag? Subukan nyo lang pumindot kahit isang
buton dyan, palalayasin ko kayo dito pare-pareho." warning ni Laby sa kanila

At saka na sya lumabas ng secret room.

"Wow, dude! Ang-- cool! Shet ang cool talaga! Pucha astig! Damn! It's awesome! It's
fvcking aaaawwwesome!!" hindi makapaniwalang sinabi ni Ran habang nililibot 360
degrees ang buong monitoring system na pinasadya ng Citadel Control System sa
underground ng bahay na yon para lang kay Laby.

At para syang batang pinapasok sa isang playpen dahil nangalikot na agad sya ng mga
nandoon kahit winarningan na sila ni Laby.

"Hoy, Li! Umayos ka nga! May problema na nga sa labas tapos para ka pang batang--"
-Yoshi

"Shut up, Shiza! Sa mga movie ko lang napapanood ang mga ganitong monitoring
system! Hell, yeah.. This is wonderful.." sabi nya habang palipat-lipat ang tingin
sa mga buttons "Dream kong magkaroon ng ganito sa bahay. Shet! Magkano kaya
ginastos dito? Magpagawa kaya ako sa kwarto ko" may pinindot syang isang button
then...

"Whoaaahhhh...." chorus pa nilang nasabi habang sinusundan ng tingin ang mga


monitor na sunod-sunod na nagbubukasan
"Xiao Ran, anong ginawa mo?!" galit man na sinabi ni King, amazed pa rin sya dahil
nakikita nila ang buong view ng bahay mula sa mga monitors

Kitang kita nila ang buong perimeter ng bahay. Mula sa labas hanggang sa mga
kwarto.

At kitang kita nila ang dami ng mga armadong lalaki na pumapalibot sa bahay. Para
silang nire-raid ng SWAT.

"Fvck man, we're going to die!" -Brent

"Walang mamatay, ok!" sabi ni Shiner

"Anong wala?! Sa dami ng yan, sa tingin mo makakalabas pa tayo ng buhay dito?!"


-Brent

"Walang matutulong yang pagpa-panic nyo. Hindi naman mawawala yang mga armed guys
na yan kung mag-aaway kayo. Hayaan nyo na sila sa labas, kaya na nila ang mga
sarili nila.." mahinahong sinabi ni Riggs

May point si Riggs kaya natahimik nalang silang lahat at pinanood nalang ang mga
monitors.

Naupo naman si Ran sa isang swivel chair doon at nagmarunong sa pagkakalikot ng mga
controls.

Naglapitan sila kay Ran at pumalibot sila sa likod nito.

"Alam mo ba kung pano gumagana yan?" tanong ni Shiner kay Ran


"I hope so," sagot ni Ran

"Sabi sayo, dude! Member ng secret agency yang si Maam eh!" sabi ni Eljand

"Dude, assassin si Maam diba?" mahinang sinabi ni James habang nakatingin sa


screen

Slomo silang napatingin ni Eljand sa isa't isa.

Unti-unting lumaki ang mga ngiti nila nang mag-click ang iniisip.

"DUDE, LALABAN SI MAAM!! YEAH!" at saka sila nag-apir sabay gawa ng karate moves

Nagkatinginan naman si King at Brent.

"Assassin talaga sya?" tanong ni King kay Brent

Nag-'I-don't-know' shrug lang si Brent bilang sagot.

"Dude, don't get me wrong ha.." sabi ni Eljand "Tignan mo 'to? Sino ang pumapasok
sa isip mo ngayon?" tanong nya habang tinuturo ang isang screen sa may right side

Lahat tuloy sila nagtinginan doon.

Magkakasama sila Josef, Laby at Armida at mukhang may mini-meeting...


"Ano ngayon?" maangas na tanong ni King kila James

"Shet, dude!!" gulat na tinignan ni James si Eljand

"Sila ba? Sila diba? Sila nga?" -Eljand

Tumango naman si James sa kanya

"Hoy, ano ba yang sini-sila nyo ha??" tanong ni King sabay kuha ng kwelyo ni
Eljand

"Legends. Sila yung Legends.." mahinang sinabi ni Eljand at binitawan na rin sya
ni King

"Yeah, they are Legends." biglang singit ni Riggs. Lumapit sya sa screen at
itinuro sila Josef "Infamous Cat Burglar," itinuro si Josef "Ultimate Assassin,"
itinuro si Armida "Supreme Intel," itinuro nya si Laby "Hindi nyo alam kung
gaano kadelikado yang tatlong yan.."

"No! Hindi yun!" epal agad si James. Lahat tuloy sila nalipat ang atensyon sa
kanya "Legends! Sila yung mga member ng Legendary Superiors Gang!"

"Dude, nakakahiya kay Maam! Pinagmamayabang ko pa naman na liligawan ko si No. 99


kapag nakilala ko! Shet!" sabi ni Eljand. Napalo tuloy nya ang ulo dahil sa
awkwardness ng naiisip "Pucha, dude! Ayoko na magpakita kay Maam!"

Napa-eyeroll nalang sila King at kanya-kanya na ng 'whatever' headshake dahil akala


nila kung ano nang mahalaga, yun lang naman pala.
"Wait, mamaya na kayo dyan sa liligawan na yan.." sabi ni Ran

"Bakit?" tanong ni Riggs

"Wait.." may cli-nick si Ran then...

"...Sa tingin mo, pinadala sila ng Higher-ups?..." (josef)

"...I don't think so, masyado silang konti..." (armida)

"...pano mo naman nasabi eh ang dami nila?..." (josef)

"...kung Higher-ups ang nagpadala sa mga yan, malamang na buong subdivision ang
pinuno nila ng Guardians..." (laby)

"...Malamang na yung bata yung habol nila..." (armida)

"...Sino? Si Shiner?..." (josef)

"...uhh, yeah? I called Isidore last night, hehehe...." (armida)

"...Armida!!..." (josef)

"..what?..." (armida)

"...Josef, antaba ng utak ng asawa mo, grabe. Armida, benta mo na utak mo ha! Pag-
aagawan yan ng mga scientist..." (laby)
"...Malay ko ba na pupunta sila ngayon?..." (armida)

"...Armida, sa kabilang district lang ang teritoryo ng mga Soliman, natural lang na
makakapunta sila ngayon! Ugh! Ang galing mo talaga!..." (laby)

BOG

BOG

BOG

Pinanood nila na pasukin ng mga armed guys ang loob ng bahay.

"We're dead meat..." pagsuko ni Brent dahil sa nakikita

Sa viewpoint ng mga Legends....

BOG

BOG

BOG

Sinipa ng mga intruder ang front door ng bahay kaya nakapasok ang syam na armed
guys sa loob.
"Ngayon lang ba kayo nakapasok sa bahay na may sliding door ha?" mataray na tanong
ni Armida sa mga armadong lalaki

"Tumahimik ka! Nasaan yung bata?!" sigaw sa kanya ng isa habang tinututukan sya ng
M16

"Nasa puso ko, nagka-kape" naka-smile na biro ni Armida habang gumagawa ng hand
heart na nakatapat sa dibdib

"Wag mo na kong gaguhin! Magsalita ka na!"

"Nuh-uh..." umiling naman si Armida sabay gawa ng imaginary zipper sa bibig sabay
tapon ng imaginary susi. Kinindatan pa nya ang nasa likod ng lalaki sabay flying
kiss.

"Ah, ganon..." sinungitan lang sya ng lalaking nagtanong at binalak na barilin


sya.

"Cool ka lang, pare. Asawa ko yang tinututukan mo ng baril." mahinahong sinabi ni


Josef na napunta sa likuran ng mga lalaking armado nang walang nakakapansin. Hawak
nya sa balikat ang lalaking babaril dapat kay Armida

"Paanong--" anim na lalaki agad ang sabay-sabay na tinutukan si Josef ng baril sa


ulo dahil sa gulat

Itinaas ni Josef ang magkabilang kamay, sign na hindi sya papalag.

"Hindi nyo ko mapapatay kahit na kalabitin nyo pa ang gatilyo ng mga hawak nyo..."
naka-smirk na sinabi ni Josef

"Hindi pala ha" kinalabit nga ng isa ang trigger ng hawak nyang M16
Click

Click

"Huh??" napatingin ang lalaki sa baril nya

"Tsk Tsk Tsk..." napailing nalang si Josef at binigyan ng tig-iisang suntok sa


mukha ang mga nanutok ng baril sa kanya

Kinuha naman ni Armida ang isang elephant display sa side table at binasag iyon sa
mukha ng isa sa mga susugod dapat kay Josef. Pagkabasag ng display sa mukha ng
kalaban, ipinanggilit nya agad ang matulis na parte sa leeg ng isa sa mga
nakapasok. Pagkatapos ay ibinaon nya ang mga natitirang bahagi ng elephant display
sa dibdib ng natitirang nakatayo.

Wala pang limang minuto, bagsak na ang syam na nakapasok.

"Haaay, naku naman... Magagalit sakin si 99 neto eh." napakamot nalang ng ulo si
Laby dahil nagkalat na ang mga dugo sa carpet ng sala. Naglakad sya papalapit sa
bintana para makita ang labas ng bahay

"Ayos ah, kelan mo 'to natanggal?" tanong ni Armida kay Josef habang sinisipa sa
sahig ang mga magasin na mula sa mga baril ng mga nakapasok sa loob ng bahay

"Wag ka nang magtanong, nagdala ka na nga ng problema eh." iritang sinabi ni Josef
habang sumisilip sa pinto ng bahay "Laby, hindi ba makikita sila Riggs dun sa
pinagtataguan nila?"

"Hindi." sagot ni Laby

"Good. Sumunod ka sa kanila. We can't afford to lose you, especially now." sabi ni
Josef
"Susunod talaga ako, but for now, may kelangan pa kong kunin." at dali-dali syang
umakyat sa may second floor

Sa viewpoint ng mga students sa monitoring room....

"Guys, nakita nyo yon?" wala sa sariling tanong ni Ran

Nakanganga sila pare-pareho dahil ambilis ng mga pangyayari.

Kahit sila na nasa monitoring, hindi nakita ang pagpunta ni Josef sa likod ng mga
intruders. Ni hindi nga rin nila nakita kung paano natanggal ni Josef yung mga
magasin.

Masyado silang na-focus kay Armida, na-misdirect na ang attention kay Josef.

At ang inaasahan nila, since may mga baril yung mga nakapasok eh magkakaputukan sa
loob.

So far, kahit isang gunshot, wala silang narinig.

And another unexpected scenario eh yung ginawa ni Armida.

"Na-stereotype ko yata ang mga assassin na cold-hearted, serious type at ruthless


na may hawak na katana, army knife, at mga baril." sabi ni Yoshi habang pinapanood
ang mga monitor

Base sa pagkakakilala nila kay Armida, mula sa itsura, kilos, behavior at actions..
walang makakapagsabi na professional assassin sya. Dati.

At ngayon, nakikita nila pare-pareho si Armida na nakuha pang pumunta ng kusina at


silipin ang nilulutong sinigang ni James.

"...Josef, may future yung batang yon sa cooking, ambango oh..." (armida)

Isang 'seriously?' faces ang makikita sa mga mukha nila.

"I think, kelangan na nyang pumunta sa psychiatrist..." suggestion ni King

Sabay naman silang nag-agree sa sinabi nya.

"Anong gagawin ni Millicent?" mahinang sinabi ni Ran, enough para makuha nya ang
attention ng iba

May hinawakang controller si Ran at pinaikot-ikot yon. Biglang na-zoom in ang


camera kay Laby na nasa loob ng kwarto nya.

May kinukuha itong mga folders at briefcases sa isang cabinet.

"Li, i-zoom mo nga yang camera dito..." utos ni King habang tinuturo ang monitor
Sinunod naman sya ni Ran with matching eye roll pa.

"Dark Orion Cards..." mahinang sinabi ni King habang sinusundan ng tingin ang
folder na hawak ni Laby

Zinoom out ulit ni Ran ang camera...

"Ooops" mahinang nasabi ni Ran

Tina-tap kasi ni Laby ang suot nyang sleeping slippers sa sahig habang nakataas ang
kilay at nakatingin sa camera. Mukhang alam na nya pinapanood sya mula sa
monitoring system.

"...tatlo lang kayong suspect ko dyan sa loob ng Control Room. Siguraduhin nyo lang
na hindi si Ran, Yoshi at Brent ang kumokontrol sa mga computers ko dahil ilalabas
ko agad kayong lahat dyan kapag may tumunog na alarm..." (laby)

"O, siguraduhin daw na hindi si Ran, Yoshi at Brent..." sabi ni Yoshi habang
nakatingin sa ibang direksyon

"Hehehehe... Hayaan nyo na sya, masaya na nga eh..." ngumiti nalang ng matamis si
Ran at pinagpatuloy ang pangangalikot sa mga buttons na nandoon

Ibinalik nila ang atensyon kay Armida

"...Pero masarap, James!..." (armida)


"Yes Maam!" sumaludo naman si James kahit hindi sya nakikita ni Armida

"...100 ka na sakin sa Home Economics! Ansarap ng luto mo..." (armida)

"Yes!" napasuntok sa hangin si James dahil sa sinabi ni Armida "Anim na subject


nalang ang ipapasa ko, bwahahaha!"

Tinignan lang sya ng masama ng iba

"Life and death situation na 'to, yan pa rin ang iniisip mo?" pokerface na sinabi
ni Brent

"Maam, ako naglagay ng seasonings saka ng hipon! Dapat 100 din ako!" paningit ni
Eljand habang nakatingin sa monitor

Napa-'whatever' headshake nalang ang iba.

Ang hopeless na nga ng situation nila ngayon, may kasama pa silang mga engot.

Mabalik sa viewpoint ng mga Legends...


~~~Josef~~~

Hindi alam ni Josef ang gagawin nya kaya naupo nalang sya sa isang two-seater at
hinintay kung may papasok pa ba sa loob ng bahay.

Ang logic kasi ni Josef pagdating sa laban: engot lang ang sumusugod. Ang gagawin
nya, hintaying sumugod ang mga engot :)

Kaya naman, sitting pretty lang sya sa sofa at nagawa pang sumipol with the tune of
Superman.

"Josef, may future yung batang yon sa cooking, ambango oh..." narinig nyang
sinabi ni Armida sa kusina

"Luto na ba yan?" tanong ni Josef sabay tingin sa relo nya

"Pwede na siguro 'to..." sagot ni Armida

Nire-raid na ng mga kaaway ang bahay nila, pero kung makakilos naman parang walang
mga bangkay sa paanan nya.

Professionals daw kasi sila kaya chill lang. Grace under pressure, yes sir!

May mga pumasok na naman na mga lalaki at unang-unang nakita si Josef na nakaupo.
"Wag kang kikilos, kundi papatayin kita" banta ng second batch leader habang
tinututukan sya ng baril

"Not moving..." chill na sinabi ni Josef habang nililingon-lingon ang paligid

"Dun kayo" utos ng 2nd batch leader sa mga kasama nya

Nag-disperse na ang mga armed guys.

Lima sa kusina, lima sa taas.

~~~Armida~~~

Kumuha sya ng sandok sa drawer at tinikman ang sinigang ni James.

"Mmmm, eeessshhh... Ashiiimmm.." napangiwi sya dahil ang asim ng sinigang "Pero
masarap. James! 100 ka na sakin sa Home Economics! Ansarap ng luto mo!"

"Hoy! Wag kang kikilos ng masama! Pasasabugin ko yang bao ng ulo mo!"
Napatayo ng diretso si Armida at nilingon ang limang lalaking tinututukan na naman
sya ng baril.

"Ang sarap ng sinigang na 'to..." nakangiti nyang sinabi habang tinuturo ng sandok
ang sinigang

Hindi na nag-react pa ang lima sa sinabi nya at sinubukang barilin ang kaserolang
may laman ng niluto ng estudyante nya. Kumunot agad ang noo ni Armida at ibinato
ang hawak na sandok sa isang lalaki na nasa gitna na bumaon ang handle sa dibdib
nito. Kasunod ay kinuha nya ang kahit anong madadampot sa mesa...

At sa dinami-rami ng makukuha,

Kamatis at labanos pa.

Nilapitan nya agad ang isa at isinaksak ang labanos sa mata nito. Hindi na rin ito
nakasigaw pa dahil ipinasak nya agad ang kamatis sa bibig. Napaluhod ito sa sakit
at kaya sinipa agad ang batok para balian ng leeg. Kinuha nya ulit ang labanos sa
mata ng kalaban at itinarak sa leeg ng lalaking nasa likod nya.
Kasunod ay hinatak nya ang isang dining chair at hinampas sa ulo ng isa pang
lalaking babaril na sana. Nabali ang upuan kaya ang natitirang parte na hawak nya
ay pinaghampas nya sa ulo ng isa pa at saka isinaksak sa leeg ng natitirang lalaki
ang kapirasong kahoy na hawak nya.

"Wala kayong karapatang galawin ang luto ng estudyante ko..." hinawi nya ang buhok
at hinugot ang sandok sa dibdib ng lalaking babaril sana sa kaserola "Mag-aaksaya
pa kayo ng pagkain..."

At pumunta sya sa sink para hugasan ang handle na may dugo at tanggalin ang ilang
laman na nasama sa butas ng handle na galing sa dibdib ng kalaban.

~~~Laby~~~

Nakalabas na si Laby ng kwarto nya. Ang hindi nya inaasahan...

"Ah, shit..." nabitawan nya ang hawak na folders at ang briefcase. Itinaas nya
agad ang magkabilang kamay para sumuko.

Limang lalaki ang tinututukan na sya ng baril.

"Alam ko kung nasaan ang hinahanap nyo. Nasa loob sya ng stove..." sabi ni Laby
habang bored na nakatingin sa taas
Nagkatinginan lang ang lima, tinatantya kung anong ibig sabihin ng 'nasa loob sya
ng stove'

Sinamantala yon ni Laby kaya sinipa nya ang isang lalaki sa 'you-know' nito at
kinuha nya ang pocket knife sa bulsa. Sinaksak nya ang kutsilyo sa braso ng sinipa
nya at saka sinaksak sa leeg ang isa pa. Sinipa rin nya ang baril ng babaril sana
sa kanya at saka nya dinampot ang briefcase sa sahig at pinanghampas nya iyon sa
ulo ng kalaban.

Ang kaso, nakuha sya ng isa at sinakal sya sa leeg gamit ang braso nito.

"Bitiwan mo ko!" sinipa nya ang papalapit na lalaki sa harap at saka tinapakan ang
paa ng sumasakal sa kanya. Hindi pa rin sya binibitawan kaya kinuha nya ang ballpen
sa likurang bulsa at pinilit na isaksak sa kahit anong bahagi ng mukha ng sumasakal
sa kanya.

Tumama ang ballpen sa pisngi nito at tumagos pa papunta sa loob ng bibig

"Aaarrgghh!!" napasigaw sa sakit ang lalaki at nabitawan na si Laby

Kinuha ni Laby ang naka-display na tennis racket sa gilid ng mini library at...

"Argh! Argh! Ano?! Lalaban ka pa?! Ha?! Ha?! Ano?! Argh! Argh! Arghh!!" paulit-
ulit nyang hinampas ang ulo ng sinaksak nya ng ballpen gamit ang tennis racket

Nang makitang laspag na ang tennis racket, ibinato nya iyon sa lalaking basag-basag
na rin ang mukha kakahampas nya.

"Whooh! That's fun! Hahaha!" natawa nalang sya sa ginawa habang hinihingal at
inayos ang buhok nyang nagulo "I'm Labyrinth, people! Never mess with the Class O
Rank 1 Zeta Intelligence PIC! Huh!"

Pinulot na uli nya ang mga nalaglag na gamit at dali-daling bumaba...


Sa monitoring room...

"Uhhh..."

Nakanganga na naman sila pare-pareho.

Speechless na naman.

Yung iba, pinapanood si Armida,

Yung iba, pinapanood si Laby,

Yung iba, sabay silang pinapanood.

Pero kahit sino ang panoorin nila, speechless pa rin.

Para silang nanonood ng reality tv show.

Parang bahay ni Kuya na Survivor ang theme. Literal na survivor.

"James, ang galing ni Maam," mahinang sinabi ni Eljand habang nakatulala sa


monitor
"Dude, radish ba yung--?" tinignan ni Brent si King para malaman ang sagot nito

Nakataas lang ang kilay ni King habang nakatitig sa monitor.

San ka ba naman nakakita ng lumalaban, labanos ang gamit, aber??

Actually it's,

Labanos vs M16s

"This is crazy," sabi ni Shiner "How did she-- Damn!" napakagat sya ng labi at
parang may hinahatak sa utak nya na salita para lang ma-describe ang nagaganap

"Wow.." yun nalang ang nasabi ni Riggs dahil isang beses palang nyang nakitang
lumaban si Armida at bilang si Jocas pa. Ngayon, mas lalo pa syang bumilib sa
napapanood dahil pagkatapos pabagsakin ni Armida yung lima, nakuha pa nitong
kumilos na parang pumatay lang sya ng langaw.

"...Wala kayong karapatang galawin ang luto ng estudyante ko.. Mag-aaksaya pa kayo
ng pagkain..." (armida)

"... Whooh! That's fun! Hahaha! I'm Labyrinth, people! Never mess with the Class O
Rank 1 Zeta Intelligence PIC! Huh!..." (laby)

"Dude, psycho yatang girlfriend mo," sabi ni Shiner kay Ran


Natawa ng mahina si Ran sa sinabi ni Shiner.

Napatingin tuloy si Riggs kay Ran na tumatawa.

Iba na yata ang dating ng pagiging seryoso ni Ran sa "girlfriend-boyfriend" set-up


nila ni Laby.

"...Ilabas nyo na yung bata habang may oras pa kayo..." (2nd batch leader)

Natuon uli ang atensyon ng lahat sa monitor

"...Ano ba talaga ang gusto nyong mangyari dun sa batang yon?..." (josef)

"...wala akong dapat ipaliwanag sayo, ilabas nyo na si Shiner Soliman..." (2nd
batch leader)

Tumawa ng mahina si Josef at napailing nalang

"...pag-aari ko na ang batang yon ngayon. Walang gagalaw sa kanya habang nasa
ilalim sya ng pamamahala ko..." (josef)

Tinignan nilang lahat si Shiner.

Straight-faced lang si Shiner habang nakatingin sa isang monitor kung saan makikita
nya ng maigi ang mukha ni Josef.
Hindi sya makapaniwala sa mga napapanood at naririnig.

Hindi sya makapaniwalang may mga taong kung tutuusin hindi nga sya lubusang kilala,
ay itatago sya mula sa pamilya nya.

Mga taong hindi man nya lubusang kilala, handa namang lumaban ng patayan,
maprotektahan lang sya.

"...At kung ipipilit nyo ang gusto nyo, kahit kayo pa ang pamilya ng batang yon,
hindi ako magdadalawang-isip... Lalabanan ko kayo. At mamamatay muna kami ng asawa
ko bago nyo mailabas sa lugar na 'to ang batang hinahanap nyo..." (josef)

_________________________

Hi readers!

Maganda ba ang chapter na ito? Tumango kayo kung maganda, hehehe.. ^___^

I want to thank elezar/Buboy-labugin, dahil wala na syang ibang ginawa kundi


bulabugin ako kahit na tina-trangkaso ako dahil hindi ko nalilipat sa e-book ang
mga update ng TSGangsters chapters. Nagrereklamo dahil tinutulugan ko daw sya eh
laban na nila Armida.

Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko magagawa ang last two chapters ng update ko.

Alam ko, bitin. 'La tayong magawa, brownout eh. Pagtyagaan nalang kasi rush lang
'tong lahat ng chapter.
~~~Josef~~~

Nanatiling nakaupo si Josef sa sofa. Naka-dekwatro lang sya at naka-cross arms at


base sa kilos nya, hindi sya makikitaan ng kahit anong takot. Mukha nga syang nag-
aabang lang at naghihintay ng ka-date sa park kahit na isang mataas na kalibre ng
baril ang nakatutok sa kanya.

Pinapanood lang nya yung lalaking tinututukan sya ng baril. Mukhang may hinihintay
yon dahil lilingon-lingon pa sa paligid.

"Hindi nyo alam kung gaano kadelikado ng bahay na pinapasok nyo." sabi ni Josef
habang tinitignan ang relo nya. 7:33 na

Naisip nya na baka hinahanap na yung mga bata sa mga bahay nila. Mga sugod-bahay
lang naman kasi at hindi nakapagpaalam.

"Ilabas nyo na yung bata habang may oras pa kayo" sabi ng lalaki

Tumango lang si Josef sa narinig

"Ano ba talaga ang gusto nyong mangyari dun sa batang yon?" tanong ni Josef

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo, ilabas nyo na si Shiner Soliman," mariing
sinabi ng lalaki

Tumawa ng mahina si Josef at napailing nalang

"Pag-aari ko na ang batang yon ngayon. Walang gagalaw sa kanya habang nasa ilalim
sya ng pamamahala ko..." pasimpleng nilingon ni Josef ang kusina at nakita doon si
Armida na pinapakita ang hawak na kitchen knife habang tinuturo ang likod ng pulso
bilang 'time' sign.
Kahit na ayaw nyang lumaban si Armida, mukhang kelangan na nyang payagan ang kung
ano man ang gagawin nito. Dahil kung hindi, mamatay sila pare-pareho.

Ibinalik ni Josef ang tingin sa lalaking kausap at isang devilish smile ang
ibinigay nya dito

"...At kung ipipilit nyo ang gusto nyo, kahit kayo pa ang pamilya ng batang yon,
hindi ako magdadalawang-isip... Lalabanan ko kayo. At mamamatay muna kami ng asawa
ko bago nyo mailabas sa lugar na 'to ang batang hinahanap nyo..."

Naningkit lang ang mga mata ng lalaki at itinutok ng malapitan sa noo ni Josef ang
nguso ng hawak na baril.

"Tatatlo lang kayo sa loob ng bahay na 'to. Higit na marami kami sa maiisip nyo
kaya wala kayong magagawa kundi isuko samin ang bata!" sigaw ng lalaki

"Tatatlo?" tumawa ng mahina si Josef habang nakatingin sa sahig. Iniurong nya ng


konti ang nguso ng baril na nakatutok sa noo nya para makita ng maigi ang mukha ng
lalaki "Nakatira sa bahay na 'to ang isang perfect killing machine. Kahit isang
batalyon pa ang ipadala ng amo mo, hindi nyo pa rin makukuha ang kelangan nyo.
Ngayon palang binibigyan na kita ng warning... Hindi kayo makakalalabas ng buhay
hangga't nasa sakop kayo ng balwarte namin,"

~~~Laby~~~

"Hey, wear this.." mahinang sinabi ni Laby sabay hagis ng bluetooth earpeice kay
Armida "Lumabas ka then sasabihin ko sayo lahat ng instructions at kelangan mong
malaman."
"Copy that." isinuot na ni Armida ang earpiece at tinignan ang mesa kung ano bang
pwede nyang magamit

Binuksan na ni Laby ang pinto ng secret room at pumasok na sya sa loob. Inilapag
nya agad ang mga dala sa isang mesa na naroon.

Pagkatapos ay bumungad sa kanya sila King na nakatayo sa isang sulok at kanya-


kanyang iwas ng tingin.

Nilibot nya ng tingin ang buong monitoring room. Bukas lahat ng computers. Pati
speakers, bukas din. Yung ilang cameras, naka-focus sa isang lugar. Yung iba, naka-
zoom in.

Napapikit nalang sa inis si Laby "Ang tino nyo kausap eh noh?"

Dumilat na sya at tinignan ng masama ang mga naroon.

"Sinong magaling ang nagbukas ng mga monitor huh?" galit nyang tanong

Naglayuan silang lahat kay Ran sabay pasimpleng turo.

"Hwoy! Ganyanan pala ha! Laglagan pala dito!" itinuro nya isa-isa yung mga
nanlaglag sa kanya

Dali-daling lumapit sa kanya si Laby at inambahan sya ng sapak.

Napapikit nalang si Ran at hinintay na dumapo ang kamao ni Laby sa mukha nya.

"Nakakainis ka talaga!" nanggigigil na sinabi ni Laby

Napadilat tuloy si Ran at tinignan ang paligid. Kasunod si Laby.


"Mamaya na tayo mag-uusap! Hindi pa tayo tapos!" sabi ni Laby habang dinuduro si
Ran

"Halaa, lagot ka..." panakot ni James kay Ran

Tinaasan lang ng kilay ni Laby si James at saka ito tumuloy sa harap ng mga
monitors at umupo sa swivel chair kung saan kanina nakaupo si Ran.

Nagsisunuran naman sila kay Laby at pumwesto sa likod nito.

Kinuha ni Laby ang earpiece nya at isinuot. May mga itinaas syang maliliit na lever
at pinindot na maliliit na button. May binuksan syang drawer sa ibaba lang ng table
na may mga control at kinuha doon ang isang bluetooth keyboard na de-fold. Binuklat
nya iyon at may tinype sya then biglang na-focus ang mga cameras sa view nalang ni
Josef, ni Armida at view sa labas ng bahay. Nawala ang mga view sa mga kwarto at
ilang parte ng bahay na hindi naman mahalaga.

"Wow,"

Natural, kung doon nga kay Ran na walang idea sa ginagawa, napabilib sila. Dun pa
kaya kay Laby na alam na alam ang ginagawa nya.

"Sound check. Sound check. Armida, do you copy?" sabi ni Laby habang cino-control
ang view sa labas ng bahay

May pinindot si Laby na isang button then nag-loudspeaker ang line ni Armida

( Copy )
Na-focus ang isang camera kay Armida na lumabas mula sa back door ng kusina. Ifi-
nocus naman ang isa kay Josef na tinututukan pa rin ng baril.

May pinindot uli si Laby at napunta ang view ng ilang monitor sa view ng buong
labas ng bahay.

"You got seven. Backyard, two elements 3:00. Two elements 7:00. Three--" napahinto
si Laby nang makita na pinabagsak na ni Armida yung tatlong tutukuyin palang nya
"..down."

Yung mga audience nila, hindi sure kung kanino bibilib.

Kay Laby ba na nasa control system o kay Armida na nasa field?

~~~Armida~~~

"Copy that," sabi nya

Nag-minee minee mynee mo pa sya at naituro ang isang kitchen knife. Kinuha nya iyon
at sinilip ang asawa nyang tinututukan ng baril ng isang lalaki

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo, ilabas nyo na si Shiner Soliman," mariing
sinabi ng lalaki

Tumawa ng mahina si Josef at napailing nalang


"Pag-aari ko na ang batang yon ngayon. Walang gagalaw sa kanya habang nasa ilalim
sya ng pamamahala ko..."

Ipinakita nya ang hawak na kitchen knife at saka sinenyasan si Josef na bigyan sya
ng oras. Madali namang umintindi si Josef kaya malamang na maiintindihan na nito
ang gusto nyang mangyari.

Ngumiti si Josef sa lalaki kaya alam na nya ang susunod na gagawin.

Hindi magagalit si Josef ngayon kapag lumaban syang mag-isa.

Dali-dali syang pumunta sa pinto sa kusina at dahan-dahang lumabas.

( Ksshhhk-- ksshhkk-- check. Armida, do you copy? )

"Copy." sagot ni Armida habang nililingon ang paligid

Hindi maliwanag sa likod ng bahay at kaunting ilaw lang ang makikita doon kaya
nakapagtago pa sya kahit pano mula doon sa mga armadong lalaki na nakabantay sa
backyard.

Pumulot sya ng kahit anong madadampot sa bakuran nila. Pebbles ang design ng
pathway ng likod ng bahay kaya andami nyang weapons :)

( You got seven..)

Armida: Yeah, I know

( Backyard, two elements 3:00. Two elements 7:00 )


Ibinato nya nang magkasabay ang dalawang pebbles dun sa dalawang natatanaw nya
malapit sa pwesto nya

( Three-- )

Bumagsak na ang dalawa kaya sinunod na nya ang naititirang isa pa.

( --Down )

Walang kamalay-malay ang apat na naroroon na bumagsak na ang tatlo nilang kasama.

Kinagat ni Armida ang kitchen knife at marahang naglakad pakanan habang nakadikit
ang likod sa pader ng bahay. Pinapaikot-ikot nya ang mga pebbles sa magkabilang
kamay nya habang inilalayo ang sarili sa pheripheral vision ng mga kalaban since
walang mapagtataguang halaman or anything sa pwesto nya.

Umabot na sya sa corner ng pader kaya sinilip nya ang garden.

Armida: Madami din pala silang nakapasok

( Armida, ok lang kahit madaming casualty. Just prevent yourself from damaging any
property. Remember, nakikitira lang tayo sa bahay na 'to )

Napa-eyeroll nalang si Armida sa sinabi ni Laby.

Ibinato na nya ang dalawang pebbles sa may kanan nya kung nasaan ang dalawang
kalaban, kasunod ay ang dalawang pebbles sa dalawang nasa kaliwa.

Bumagsak ang apat nang wala man lang nakakapansin sa mga kasamahan nila.

Kinuha na ni Armida ang kitchen knife sa bibig at sinilip ulit ang garden.

"Kapag ba nagkaputukan dito, makakakuha tayo ng atensyon sa neighborhood?" tanong


ni Armida

( Of course. Lalo na kung raratratin ka nila ng bala )

"Tss" napasimangot nalang si Armida sa sinabi ni Laby "No gunshots, no problem?"

( No gunshots, less problem )

Isang full of sarcasm 'owwkeeey' reaction ang ginawa ni Armida habang nakatingin sa
ibaba.

"Ilan sila sa buong perimeter?"

( Remaining? 19. Why? Ano na namang-- )

Hindi na nya pinatapos pa si Laby at tinanggal nalang ang earpiece nya.

"It's better for me if I do it my way..."

Wala nang isip-isip pa, wala nang plano-plano pa. Lumakad sya papalapit sa mga
armadong lalaki na pawang may mga matataas na kalibre ng baril at nakasuot ng gray
fatigue at t-shirts kahit na ang tanging suot lang nya ay brown sando at pambahay
na red shorts at ang tanging hawak ay isang 6 inch kitchen knife.

Isa-isang nagtinginan sa kanya ang mga armadong lalaki at sobrang late na nang
nakapag-react.

Sinaksak nya sa dibdib ang isa sabay kuha sa hawak nitong armalite. Ipinanghampas
nya sa iba ang armalite at pinilit na wag magamit ng mga kalaban ang mga hawak
nilang baril.

Kapag nakikita nyang ipuputok na ang baril, gagawa sya ng paraan para hindi matuloy
ang pagpapaputok non.
Dose ang kalaban nya ngayon at bumagsak na ang tatlo. Kinuha nya ang isang AK47 at
isinaksak sa dibdib ng isa. Hinatak nya ang isinaksak na baril at ipinanghampas na
naman sa ulo ng iba.

Sinipa nya ang isang baril na hawak ng kalaban. Lumipad ito sa ere kaya napunta sa
baril ang atensyon ng iba. Chance yon kaya saka sinipa nya sa leeg ang isang
kalaban at sinalo ang lumipad na baril gamit ang left hand at ipinaikot iyon sa
kamay na parang isang spear.

Pinanood lang ang exhibiton nya sa baril kaya huli na ng maisip ng mga natitirang
kalaban ang ginawa ni Armida sa kanila.

Pare-pareho nalang nilang naramdaman na dumudugo na ang mga iba't ibang bahagi ng
katawan nila. Isa-isa silang bumagsak sa lupa habang sumusuka na ng dugo.

Kinuha ni Armida ang ilang bala ng baril at walang kamalay-malay ang mga kalaban na
habang pinapaikot nya ang baril sa kamay ay tumitira na pala sya.

Tumayo na ng diretso si Armida binilang ang mga napatay nya.

"12.. May 7 pa.."

Kinuha nya ang kitchen knife at naglakad nang matulin papalapit sa iba pang
kalaban. Maliwanag sa front yard dahil sa apat na poste ng ilaw sa bawat kanto ng
bakod kaya kitang kita agad sya.

At kahit na sinabihan na sya ni Laby na iwasan ang gunshot, hindi pa rin sya
nakinig.

"Hoy!" binaril sya agad ng isang nakapansin

PING!
PING!

Glock 17 ang hawak nitong baril kaya nagawa pa nyang sanggain ang bala gamit ang
kitchen knife. Mabuti nalang at may silencer ang baril kaya hindi maingay.

Ibinato nya agad ang kitchen knife sa dibdib ng lalaking bumaril.

At dahil nakuha na nya ang atensyon ng iba, ang anim na kasamahan ng lalaki ay
pinaputukan sya.

Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar.

Kinuha nya nalang ang garden chair sa malapit sa pwesto nya at ibinato sa mga
bumabaril sa kanya dahilan para mapahinto ang mga iyon.

Pagkatapos ay sinipa nya ang ilalim ng garden table pataas at sabay sipa nito
papunta sa mga kalaban.

Natamaan ang tatlong lalaki at bumagsak ang mga ito sa sementadong pathway ng front
yard.

Kinuha ng mabilisan ni Armida ang kitchen knife sa dibdib ng lalaking pinatamaan


nya kanina at ipinanggilit iyon sa leeg ng isa sa mga natamaan ng upuan ibinato
nya.

Kasunod ay isinaksak nya ang kutsilyo sa dibdib ng isa, ipinaikot iyon at hinatak
pababa, dahilan para maglabasan ang napakaraming dugo at laman-loob ng lalaki sa
malupang parte ng magandang garden nila.

At ang nag-iisang nakatayong lalaki ay sinubukan pa syang barilin gamit ang hawak
nitong smg pero hindi na nito naituloy ang balak dahil bago pa nya makalabit ang
gatilyo ay butas na ang lalamunan nya dahil ibinato ni Armida ang kitchen knife sa
kanya na tumagos pa hanggang sa batok nya ang talim at halos kadikit na ng balat sa
leeg nito ang handle ng kutsilyo.
Lumapit si Armida sa tatlong bumagsak dahil sa mesang ibinato nya. Kinuha nya ang
garden chair na naunang ibinato sa iba at saka nya tag-iisang ibinaon ang paa ng
upuan sa mga ulo ng tatlong bumagsak.

Naninigurado lang sya, baka bumangon pa eh.

Inilaglag nalang nya ang hawak na upuan sa garden at saka huminga ng malalalim.
Kahit paano'y hiningal din sya sa ginawa.

Napapikit ang kanang mata nya nang may tumulo dito. Hinawakan nya agad ang noo at
may nahawakan syang liquid. Tinignan nya ang kamay,

"Ayos ah, may naka-tsamba.." ipinunas nya sa tagiliran ang kamay na may dugo at
biglang "Ah-- awww.."

Tinignan nya ang tagiliran,

"A-yos,"

May tama na naman sya,

Tinignan nya ang buong katawan para malaman kung saan pa ang mga sugat nya.

Una, sa noo

Sunod, sa tagiliran sa right part

Tapos, may daplis sa kaliwang hita at sa kanang binti

At may naka-tsamba talaga dahil tinignan nya ang kaliwang braso.

"Magaling..."

Ngayon lang nya naramdaman ang malaking cut sa braso nyang halos hiwain na nito ang
makinis nyang balat tagos hanggang laman. Hindi sya gaanong nasasaktan dahil
naputulan pa yata sya ng ugat.

May iba pa syang lalabanan sa loob. Pano ba yan?

Pumikit nalang sya at tumingala sandali.

"Whooh..." isang malalim na hininga ang pinakawalan nya at kinuha ang kitchen
knife sa leeg ng lalaking huling napabagsak nya. Ci-nut nya agad ang dulo ng sando
nya at ang nakuhang tela ay ipinangtali nya sa braso nya para pigilan pansamantala
ang pagdaloy ng dugo.

~~~~ Students viewpoint ~~~~~

"Mamamatay na ba si Maam??"

"Hala, hindi pwede!"

"Pano na yan?"

"Andami nyang dugo!"

"Hindi sya mamamatay, maliwanag?!" sigaw ni Laby dun sa mag-bespren

Sila Eljand at James lang ang maingay sa loob ng monitoring room. Yung iba tahimik
lang at iniisip kung ano na ang mangyayari sa kanila.
Nakikita nila ngayon kung anong lagay ni Armida sa garden.

Kinakabahan na sila pare-pareho sa napakaraming dahilan.

Si Armida, sa lagay ni Armida, sa mga ginawa nya,

Siguro nga, aware na sila na assassin sya at alam nila kung anong ginagawa ng mga
assassin since sa mga movie palang may idea na sila kung anong klaseng trabaho ang
ginagawa ng mga taong katulad nya,

Pero yung mga nangyari ngayon...

Nanonood nga sila sa monitors, ang masaklap nga lang, wala sila sa movies.

Totoo ang mga nangyari,

Totoo ang patayan,

Totoo ang mga baril at ang mga bala,

Totoo ang mga tao,

Totoo ang mga dugo,

Totoo ang mga gamit,

Walang cut and re-take,

Walang director at mga scriptwriter,

Lahat tunay na nagaganap at sa mismong itaas lang kung nasaan sila naroroon.

Inilipat ni Laby ang view ng mga monitor kay Josef.

"O! Anong nangyayari?"


Nakikita nila si Josef na binubugbog na yung lalaking tinututukan sya ng baril
kanina.

Natahimik na naman sila. Hindi na nila alam kung ano pang ire-react sa mga
nangyayari.

"...Ano? Matapang ka?..." (second batch leader)

"...Malaking pagkakamali ang pagpasok nyo sa bahay na 'to..." (josef)

"...Ang pagdukot nyo sa anak ng Boss ko ang malaking pagkakamali nyo..."

"...Hindi ko dinukot ang anak ng amo mo. At kahit wala sya sa pangangalaga ko,
hindi pa rin sya babalik sa pamilya..."

Nakikita nila si Armida na nasa likod na ng lalaking tinututukan si Josef ng baril

"...Hahahaha---..."

"Oh shi--"

"God.."

"Wha-"

"Hell no,"
Halos lumuwa ang mga mata nila sa ginawa ni Armida dun sa lalaki.

Pinatay na agad ni Laby ang mga monitors, at pumunta agad sa isang cabinet na
nakatago sa dingding ng monitoring room.

"Una ang Annual Elimination, sunod ang Superiors at ang all-out war, sunod ang
Zubin tapos ito na naman ngayon... Hindi na ko magugulat kung dumating ang oras na
pati si Josef mapapatay nya dahil sa kagagahan nya." bulong ni Laby habang
kinukuha ang special medikit sa cabinet

~~~~Josef~~~~

Nakaupo pa rin si Josef at kalmadong naghihintay ng mga mangyayari.

Tinututukan pa rin sya ng baril ng second batch leader. Hindi ito gumagawa ng kahit
anong hakbang at mukhang may hinihintay ding mangyari.

Makikita sa mukha nito ang inip dahil wala pa ring lumalapit sa kanya para mag-
report.

Nakarinig sya ng ilang kalabog at ingay sa kusina pati na sa taas kani-kanina lang
pagkatapos nyang ipakalat ang mga tao nya. Malamang na naghahalughog ang mga iyon
para hanapin si Shiner Jean Soliman.

"Wag ka nang umasang makakabalik pa kayo ng buhay sa inyo..." sabi ni Josef habang
tinitignan ang mga bangkay sa paanan nya

"Tumahimik ka dahil wala na kayong magagawa," pikon na sinabi ng lalaki "Makukuha


namin ang habol namin dito, at pagkatapos non, mamamatay kayo pare-pareho"

Isang 'hopeless' headshake ang nagawa ni Josef dahil sa sinabing yon ng lalaki.

BANG!

BANG!

BANG!

BANG!

Napatayo agad si Josef nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Hahakbang na
sana sya ngunit natigilan dahil itinutok sa leeg nya ang nguso ng baril na hawak ng
lalaki.

"Upo!" ma-otoridad na utos nito kay Josef

Hindi sya pinakinggan ni Josef sa halip ay tinabig nang mabilis ni Josef ang baril
sa leeg nya dahilan para mabitawan ito ng lalaki at tumilapon sa direksyon pa-
kusina.

Kinuha agad ni Josef ang kwelyo ng damit ng lalaki at ibinagsak ito sa glass table
ng sala. Pagkatapos ay hinatak nya patayo ang lalaki at saka nya sinikmuraan sabay
suntok sa mukha.

Napaatras ang lalaki at saka tinignan ng masama si Josef. Masama rin ang tingin ni
Josef sa kanya.

"Kapag may nangyaring hindi maganda sa asawa ko, pare-parehas tayong hindi na
makakalabas ng buhay sa bahay na 'to." mariing sinabi ni Josef sa lalaki

Dumura lang ang lalaki sa gilid at sinugod si Josef para makaganti naman.
Sinalag ni Josef gamit ang kaliwang braso ang unang suntok nito kasunod ang
pagsalag sa pangalawang suntok gamit ang kanang braso.

Pumihit pagilid si Josef at saka siniko sa mukha ang lalaki. Napaatras ito ng
konti. Humarap na ulit si Josef sa kanya at saka kinuha ang leeg nya habang hawak
ang buckle part ng garrison belt na suot. Buong lakas na binuhat ni Josef ang
lalaki at ibinato sa may pinto ng sala.

Naglakad papalapit si Josef sa kanya para umatake ulit.

At dahil ayaw magpatalo ng lalaki, kinuha nya ang isang nakakalat na M16 doon at
itinutok kay Josef. Tumawa sya ng mahina nang matigilan si Josef.

"Ano? Matapang ka?" nakangisi nyang tanong kay Josef habang tumatayo

"Malaking pagkakamali ang pagpasok nyo sa bahay na 'to..." seryosong sinabi ni


Josef habang nakatingin ng diretso sa lalaking tinututukan sya ng M16 na wala
namang magasin kaya wala ring kwenta

"Ang pagdukot nyo sa anak ng Boss ko ang malaking pagkakamali nyo," nakangising
sinabi ng lalaki

"Hindi ko dinukot ang anak ng amo mo. At kahit wala sya sa pangangalaga ko, hindi
pa rin sya babalik sa pamilya nya"

"Hahahaha---"

Biglang natigil ang pagtawa ng lalaki at gumulong nalang sa may paanan ni Josef ang
pugot na ulo nito.
"Mukhang napalaban ka nang wala sa oras, Mr. Zach" nangingiti pang bungad ni
Armida kay Josef

Tinignan ni Josef ang ayos ng asawa. Naiinis sya sa ginawa ni Armida at sa


problemang dinala nito sa bahay nila ngayong gabi. Ngayon, lalo lang nag-init ang
ulo nya dahil nakukuha pa nitong ngumiti kahit na ganon ang ayos nya.

"Anlaki mong baliw" seryosong sinabi ni Josef sa kanya

Nawala ang ngiti ni Armida nang maramdamang hindi na maganda ang timpla ng mood ni
Josef

"Armida, wala ka na sa dati mong trabaho. Matuto ka namang kontrolin yang takbo ng
isipan mo. Naiintindihan ko may problema ka, pero-Ugh, naman, oo!" nasipa tuloy ng
wala sa oras ni Josef ang isang ottoman dahil sa galit

Ang daming gustong sabihin ni Josef sa asawa nya dahil sa problemang inabot nila
ngayong gabi. Kaya sa sobrang dami, nawalan na sya ng ganang magsalita.

Nakakapagod magpaliwanag

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo, Armida!" inis na napasuklay nalang
ng buhok si Josef at napatingin sa bintana ng sala "Mamamatay ako sa kunsumisyon
sayo, alam mo yon?! Bakit hindi mo nalang ako patayin ngayon ha?! Ayan! Nagkalat
ang mga baril dyan! Tutal ganun din naman ang ginagawa mo sakin ngayon! Inuunti-
unti mo lang!"

Kitang-kita ang galit at problema sa mukha ni Josef. Hindi na nya alam ang gagawin.
Hindi na nya alam ang iisipin.

"Armida, tara sa kusina.."

Lumingon si Josef sa likod nya at nakita si Laby na may hawak na malaking


transparent box.
Nauna nang lumabas sa secret door si Laby para puntahan sila Armida at Josef.

Ngayon, isa-isa nang naglalabasan sa secret room ang mga estudyante.

"Oh my God.." napatakip nalang ng bibig si Shiner nang makita ang lagay ng kusina

"Dude, I think I went on the wrong neighborhood.." sabi ni Brent habang tinatakpan
ng nakakuyom na kamao ang ilong nya

"Maam--!" tatakbo na sana sila Eljand at James papuntang sala ang kaso napahinto
sila nang makita ang mga lalaking nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling mga
dugo

"Ayp--!" Napangiwi si Eljand sa nakita habang si James napapunta sa kitchen sink


para sumuka

Si Yoshi, King, Riggs at Ran tinignan lang ang mga bangkay sa nakakalat sa kusina.

Brutal ang paraan ng pagpatay at kung titignan ang mga natamo ng mga lalaking may
hawak na mataas na kalibre ng baril,

Wala sa armas ang galing ng tao.

Yung isa, nakaharap na sa likod ang mukha habang puno ng dugo ang mukha dahil sa
nabutas na mata.

Nasa leeg pa ng isa ang labanos na halos bumaon ang kalahati ng haba sa buong leeg.

Yung dalawa, basag ang mukha dahil sa upuan at parehong bali ang leeg.
At yung isa, may kahoy pang nakatarak sa lalamunan.

Lima silang nilabanan ni Armida at pare-parehong may hawak na baril tapos ni isa
man sa kanila walang nakapagpaputok kahit isang bala man lang.

Nakaramdam sila ng takot pare-pareho.

Biglang nag-rewind kay King lahat ng ginawa nya nung first day ni Armida sa
Byeloruss. Kinilabutan tuloy sya.

"Tumawag na ko sa Guardian Decurion ko. Mamaya lang nandito na sila para linisin
ang lahat ng kalat dito.."

Napatingin sila kila Laby, Josef at Armida na patungo sa pwesto nila.

"Maam..."

Inilapag ni Laby ang hawak na medikit sa mesa at umupo sa tabi non si Armida.

Lahat sila naglapitan kay Armida at pumwesto sa tapat nito para makita ang lagay
nya.

Si Josef, sumandal lang sa may dingding ng kusina at saka nag-cross arms habang
seryosong tinitignan ang asawa nyang serious-mode din.

Si Ran, kahit hindi sinabihan, naghanap ng maliit na basin sa mga cabinet ng


kusina. Nakakita sya ng malaking metal bowl at yun nalang ang ginamit. Nilagyan nya
iyon ng tubig galing sa sink at inilapag sa tabi ng medikit.
Tinanggal ni Laby ang kapirasong tela na nasa kaliwang braso ni Armida.

"Tsk tsk tsk.. Napunit pati laman mo.." napailing nalang si Laby sa lagay ng braso
ni Armida

"Base sa lalim, baka abutin ng ten days bago yan gumaling.." sabi ni Armida

"Nope. Baka six days days lang, ayos na 'to." sabi ni Laby habang kinukuha ang
medical thread at needle para tahiin ang malaking sugat ni Armida

At dahil likas na pakialamero si Ran, kinuha nya ang isang white cloth sa medikit
at ibinabad sa bowl na may tubig. Piniga nya iyon pagkatapos at tumabi sya may left
side ni Laby.

"Hoy, ano yang ginagawa mo?" sabay pang tanong ni Laby at Armida kay Ran

"Helping. Don't worry, I know what I'm doing." sagot nya sabay smile

Iniipit nya ang buhok ni Armida sa kanang tenga nito at saka nya itinupi ang hawak
na basang tela. Pinunasan nya ang noo ni Armida na may mga dugo.

"You know what, Maam. I didn't expect na babae pala si RYJO..." mahinang sinabi ni
Ran habang pinupunasan ang noo ni Armida. Napataas ang magkabilang kilay nya nang
malinisang mabuti ang sugat ni Armida. "Wow. It's real. You're real."

Hinawakan agad ni Armida ang pulso ni Ran para pigilan ito sa ginagawa.

"Kilala mo si RYJO?" mahinang tanong ni Armida kay Ran

"I know a little about the Slayer. I don't want to believe but I guess- No. They
are absolutely right. Deadliest hands in the world, fastest body regeneration
process, lowest mortality rate. You're real. It's an honor to see you doing the
live termination" halos pabulong na sinabi ni Ran

Naningkit lang ang mga mata ni Armida sa mga nasabi ni Ran at binitawan na nito ang
pulso ng kausap "Who are you, kid?"

"Li Xiao Ran, Maam.." ngumiti ng matamis si Ran at pinagpatuloy nalang ang
pagpupunas sa mga dugo sa mukha ni Armida

May naramdamang something si Armida kay Ran na hindi normal. Kung kilala nya si
RYJO, ok fine.

Pero alam nyang may kakaiba kay Ran na ngayon lang nya napansin. Hindi nya alam
kung saan ilulugar ang kutob nya. Sa mabuti ba o sa masama.

Huminto na ang pagdugo ng mga sugat at ilang daplis ni Armida at nagsisimula nang
magsara paunti-unti ang mga natamo nya. Tinatahi na rin ni Laby ang malaking sugat
sa kaliwang braso nya.

"Kayo,"

Lahat sila nagtinginan kay Josef. Nanlaki ang mata nila sa nakikita.

"Umuwi na kayo. Gabi na, malamang hinahanap na kayo sa inyo" kalmadong sinabi ni
Josef

Naglakad sya papalapit sa mesa.

Kanya-kanya naman sila ng atras dahil habang papalapit si Josef, pataas nang pataas
ang mga balahibo nila sa katawan at lalo silang kinakabahan. Hindi nila maiwasang
mapalunok. Kahit na pare-pareho silang mga tough children, iba talaga ang dating
ngayon ng nakikita. At kahit si King, Yoshi at Shiner na leader ng mga gang,
nanginig bigla ang mga tuhod.

Pakiramdam nila, si Josef naman ang papatay sa mga oras na yon dahil para syang
binalot ng nakakatakot na aura habang papalapit sa kanila.

Kalmado naman ang mukha nito. Pero may something na parang once na dikitan sya,
patay ka na.

"At ikaw, Armida. Wag kang papasok bukas sa school"

"Josef!"

"KAPAG SINABI KONG HINDI KA PAPASOK, HINDI KA PAPASOK! NAIINTINDIHAN MO?!"

Napatalon silang lahat sa gulat dahil sa narinig. Kahit si Armida natupi sa


pagtataas ng boses ng asawa.

Mukhang ginalit nya talaga si Josef ngayon.

Napayuko nalang si Armida at hindi na nakasagot pa.

Kumalma na naman ang mukha ni Josef at tinignan ang mga bisita nila.

"Walang kikilos sa inyo? Kapag nagbago ang isip ko, wala nang makakalabas kahit isa
sa inyo sa bahay na 'to" kalmadong-kalmado lang nyang sinasabi pero damang-dama
nila ang takot sa mga salita

Nanginginig silang tumango at agad na umalis sa kusina.

Mabilisang naglakad yung mag-bespren, pakiramdam kasi nila sila na ang susunod na
mamamatay.
Kahit si Ran na nililinis ang sugat ni Armida, sumunod nalang. Hindi rin nya
maipaliwanag ang kaba na naramdaman habang lumalapit sa kanila si Josef. Mas lalo
na nung sumigaw ito.

Si King na talagang kinatatakutan sa school at sa buong area bilang leader ng DOC,


napasunod ng simpleng salita lang ni Josef. Ayaw man nyang tanggapin sa sarili pero
natatakot na sya.

Si Riggs, ngayon lang nakitang magkaganon ang kuya nya. Nagtataas ng boses ang kuya
nya pero hindi ganon na parang isang tingin palang nya, nakamamatay na. Wala na
tuloy syang magagawa kundi ang sumunod kahit na marami syang gustong sabihin.

Si Shiner, hindi alam ang gagawin. Saan sya pupunta? Aalis na ba sya o ano?

Napakamot nalang sya ng ulo habang hawak ang lowerlip. Nagtatalo sa kanya kung
saan ba sya dadaan.

Pataas ba sa hagdan papuntang attic o papuntang sala palabas.

"Shiner, umakyat ka na" mahinahong utos ni Josef sa kanya

"Ah-- Y-y-yes S-sir..." dali-daling umakyat si Shiner dahil nagpa-panic na sya sa


loob-loob nya. Hindi nya alam na may mga mas nakakatakot pa pala kesa sa tatay nya.

"Laby, anong oras dadating yung mga lilinis dito sa bahay?" tanong ni Josef

"Quarter to nine, nandito na sila." sagot ni Laby

Natapos na ang pagtatahi ni Laby sa sugat ni Armida at Itinago na ang mga ginamit
sa medikit.

"Hindi kita pwedeng bigyan ng antibiotic, masama ang magiging side effects sayo.
Hindi ako familiar sa lagay ng body system mo ngayon since nagbabago ang status ng
katawan mo habang tumatagal kang buhay. Titignan nalang natin sa mga susunod na
araw kung malalabanan ba ng lason sa katawan mo ang tetano.." sabi ni Laby kay
Armida

Tinignan sandali ni Laby si Armida pagkatapos ay si Josef.

Ang awkward ng lagay nila ngayon.

Hindi nalang sya nagsalita at bumalik nalang sa secret room para ayusin ang ilang
bagay-bagay at para na rin makaiwas sa awkwardness.

===============================

Alas dose na ng gabi...

Nasa kwarto ang mag-asawa at tahimik pa rin.

Nasa may terrace si Josef at pinapanood ang mga trucks na umalis galing sa bahay
nila.

Kakatapos lang linisin ng mga katawan at ng buong lugar. Mahigit limampung Personal
Guardians ni Labyrinth ang naglinis sa buong bahay kaya mabilis na natapos ang
trabaho. Kahit ang pinto sa sala nila, naayos na rin at napalitan na. Ang kaso nga
lang iba na ang design at de-door knob na. Nabawasan sila ng isang dining chair
dahil sa ginawa ni Armida. Kelangan ding linising mabuti ang mga upuan. Ang carpet
bago na rin. Ang mga gamit sa garden, binago na rin. Kahit ang gate nila napalitan
ng di-oras dahil sa nangyari.
Nakatalungko lang si Armida sa kama habang yakap ang isang puting unan.

Gusto nyang kausapin si Josef, ang kaso, hindi nya alam kung pakikinggan pa ba sya
nito sa mga oras na yon.

Gusto nyang mag-sorry, ang kaso, parang kulang.

Bumalik na si Josef sa loob ng kwarto at umupo sa gilid ng kama.

Tinignan sya ni Armida.

Umaasa itong magsasalita sya kahit simpleng salita lang.

Umaasa itong bubulyaw na naman sya at pupunahin ang lahat ng nangyari.

Umaasa itong magagalit sya ng sobra, to the point na magwawala sya o di kaya
maghahagis ng gamit.

Pero wala.

Nahiga na si Josef at hinatak ang kumot nya. Nakatagilid ang higa nya, iwas kay
Armida.

May hangganan din naman ang pasensya nya. At hindi habambuhay, kukunsintihin nya
ang ginagawa ng asawa.

Ayaw na nyang magsalita, baka kung ano pa masabi nya.

Ibinaba na ni Armida ang unan na yakap at patagilid na nahiga sa likuran ni Josef.


Ipinatong nya ang kanang kamay sa balikat ng asawa.

"Josef, sorry.."

Tinanggal ni Josef ang kamay ni Armida sa balikat nya.


"Matulog ka na. Wag mo kong istorbohin dahil may pasok pa ko bukas."

Ouch.

Mas masakit pa yung sinabi ni Josef kesa sa mga sugat na natamo nya.

Siguro nga, not all fights are worth to fight for. Tsk tsk tsk.

Hindi na nakatulog pa si Armida, nagbabad nalang sya sa bathtub at inisip lahat ng


nangyari.

Anong magagawa nya, ugali nya ang gumawa ng padalos-dalos na desisyon. Yan din
naman ang reklamo sa kanya ng Escadron Elites. Nauuna ang bibig bago ang isip. Tsk
tsk tsk.

Ngayon, napuno na si Josef sa kanya. Hindi na tuloy nya alam kung anong gagawin.

"Jin, may naiisip ka bang dapat gawin?" tanong nya habang nakatingin sa taas

Kung nasa loob pa nya ang mga alters nya, ano kaya ang gagawin nila?

Kapag ganito ang sitwasyon, pinapalabas nalang nya si Jin para ito nalang ang
mamroblema sa mga problema nya. Shock absorber at stress reliever nya si Jin, at
kung nasa loob pa nga nya si Jin, malamang na hindi magagalit si Josef sa kanya, sa
halip ay aalagaan pa sya dahil si Jin ang pinakamahinang alter nya.

Ang kaso wala na si Jin ngayon.


Iniisip nya na kung si Jocas kaya ang lumabas sa mga oras na yon, malamang na hindi
magagalit si Josef. Mahal ni Josef si Jocas eh. Saka mas malinis trumabaho si Jocas
kesa sa kanya. Ayaw kasi nun nang maraming dugo-dugo.

Ang kaso wala na rin si Jocas ngayon.

Ang pinagpapasalamat nalang nya ay mabuti at wala na si Erajin sa katauhan nya.


Kundi tapos na talaga ang problema dahil wala pang sampung segundo, patay na si
Josef.

Mabuti nalang at wala na rin si Erajin ngayon.

Tumayo na sya sa bathtub at nagsuot ng bathrobe.

Sinilip nya muna si Josef sa pinto ng banyo. Tulog pa rin.

Lumabas na sya at tinignan ang orasan sa bedside table. 2:56am

Kumuha nalang sya ng damit sa closet at nagbihis ng loose white longsleeve shirt at
pambahay na white shorts.

Bumaba na sya papuntang kusina dala ang tablet. Halos isang linggo nang si Josef
ang nagluluto ng breakfast para sa kanilang tatlo. At dahil hindi sya papasok
ngayon sa Byeloruss, naisipan nyang magluto. Pambawi na rin kay Josef.

Mabuti nalang at marunong syang magsaing kaya iyon ang una nyang ginawa. Hinugasan
nya ang bigas sa hiwalay na mixing bowl at saka inilipat sa rice cooker at doon na
nya nilagyan ng tubig.

Pagkatapos ay gumawa na sya ng special coffee nya.


After nun, tinignan nya ang ref, nagtataka sya kung bakit parang endless ang food
supply ng ref nila eh hindi naman nag-go-grocery ang kahit sino sa kanila na
nakatira doon.

Kinuha nya ang mga pagkaing alam nyang lutuin, and as usual, prito na naman.

Pero bago sya magluto, nag-search muna sya ng videos and tutorials sa internet kung
paano pa ip-prepare ang mga piprituhin sa ibang paraan naman.

Napanood nya ang ilan na ginawang sandwich at hinalo sa pasta. May rice na sya kaya
para saan pa ang pasta.

"Sandwich nalang saka juice siguro..."

Una nyang hinanda ang mga loaf bread at ilang mga ingredients na napanood nyang
inilagay dun sa sandwich. Mabuti nalang at meron silang supply ng mga nakalagay dun
sa napanood. Tapos nun saka sya nagprito. Hinanda na rin nya ang orange juice sa
isang transparent water jug.

After ng ilang luto-luto portion, hinanda na nya ang lahat sa table.

Napahinto sya nang makitang may bumaba sa hagdan.

"O, marunong kayong magluto?" tanong ni Shiner na may dalang mga damit at towel.
Mukhang maliligo na.

"Gising ka na agad? Ang aga naman," tanong ni Armida

"Quarter to 6 na, Maam." sabi ni Shiner na papunta ng banyo na katabi lang sa


kusina

"O? Talaga?" gulat na tanong ni Armida. Hindi nya napansin ang oras
"Galit pa rin sa inyo si Sir?"

Nag-shrug lang ng balikat si Armida para sabihing hindi nya alam.

Tumango nalang si Shiner at pumasok na sa banyo

Kasunod na bumaba si Laby. Pupungas-pungas pa at nagkakamot ng ulo. Tinalo pa si


Sadako.

"Josef, gawa mo ko chocolate drink" tamad na tamad na sinabi ni Laby

"Wala pa yung Josef mo dito," sabi ni Armida sabay simangot

Napahinto si Laby at inayos ang gulo-gulo nyang buhok "Ayos ah. Nakakain ba yan?"
tanong nya habang tinitignan ang mga nakahain sa mesa "Mukhang masarap, baka pang-
mata lang yang sarap nyan"

"Sige, lait pa. Isusunod kita dun sa mga nilinis kagabi," sarcastic na sinabi ni
Armida kay Laby

"Psh... Galit sayo asawa mo? Huh, no wonder.."

Dinampot agad ni Armida ang tinidor na nakalapag sa mesa at ibinato kay Laby na
naiwasan naman nito

"Isa pa ha, isang isa nalang.. Umagang umaga ka pa," inis na sinabi ni Armida

"Hehehe.. Bakit hindi pa bumababa asawa mo?" tanong ni Laby habang kumukuha ng
ilang nakahanda sa mesa. Naupo sya sa dining chair na kaharap ng pwesto ni Armida

"Ewan ko sa kanya," naupo na rin si Armida at malungkot na tinignan ang hinanda


nya para kay Josef
"Nakakatakot yung asawa mo kagabi, muntik na lumabas puso ko sa takot sa kanya..
Alam mo ba kung anong oras ako nakatulog dahil ayaw bumagal ng heartbeat ko sa
takot sa kanya," sabi ni Laby habang nginunguya ang buttered toast na gawa ni
Armida "Mabait si Shadow, napatunayan ko na yon matagal na panahon na.. Pero
ngayon ko lang syang nakitang kumilos ng ganon. Lumabas ang demonyo nya sa loob
nang wala sa oras. Katangahan mo kasi sagad eh,"

Hinalbot agad ni Armida ang hawak na toast ni Laby at tinignan nya ng masama ang
bata

"Alam mo ikaw, epal ka"

"At least hindi ako tanga, bleh"

"Ah ganon," umamba ng kutos si Armida kaya nag-cover agad ng ulo si Laby

Biglang na-freeze si Armida nang makita si Josef na pababa ng hagdan kaya hindi na
naituloy pa ang pangungutos na gagawin. Napalingon naman si Laby sa likod nya dahil
sa naging reaction ni Armida.

"Whoopsie..." mahinang sinabi ni Laby sabay pasimpleng kuha ng panibagong buttered


toast "Josef, hindi ako papasok ngayon!" masaya nyang sinabi habang parang batang
nakataas ang isang kamay

"Bakit?" seryosong tanong ni Josef habang inaayos ang necktie nya

"Tapos na ang mission ko sa Byeloruss! Yehey! Tumawag na rin ako sa school na hindi
ako makakapasok ngayon!" sabi nya sabay palakpak

"Good." umupo na si Josef sa pwesto nya sa dulo ng mesa

Isang 'mainggit ka' look ang binigay ni Laby kay Armida dahil sya nakakausap ng
matino si Josef samantalang yung iba dyan...

"Psh.." sumimangot lang si Armida sa ginawa ni Laby. Tinignan nya na si Josef na


kung kumilos parang walang Armida Zordick sa paligid na naghihintay na mapansin
nya.

Ang totoo nyan, gusto nang lumuhod ni Armida sa harapan ni Josef. Gusto nyang
magmakaawang pansinin na sya nito kasi pinapatay na sya ng konsensya sa loob,
kaso...

Ano sya, weak?

Hindi marunong magmakaawa si Erajin Miller, si RYJO at kung sino pa mang alter nya,
duh!

"Baon mo," mataray na inurong ni Armida ang launchbag na may lamang sandwich at
juice kay Josef

Si Josef, wala, snub. Kumuha nalang sya ng toast at ham.

"Laby, si Shiner?" tanong ni Josef habang nakatingin sa kinakain nya

"Naliligo ata.." sagot ni Laby

Tumango nalang si Josef sa sagot ni Laby at saka kinuha ang kape na nasa gilid ng
plato nya

"Tatawag ako sa Byeloruss, sasabihin kong hindi ka makakapasok hanggang sa friday."


iwas pa rin ang tingin nya kay Armida habang iniinom ang kape

"Pero--"

"Psst.."
Tinignan ni Armida si Laby.

( inaudible conversation )

Laby: Wag ka nang sumagot!

Armida: Pero may klase pa ko!

Laby: Bayaan mo sila! Kasalanan mo yan! Magdusa ka!

Kumunot agad ang noo ni Armida at asar na asar na tinignan si Josef

"Hmmp!" parang batang nag-tantrum at padabog na nagpapadyak pa si Armida dahil sa


inis. Tumayo na sya sa inuupuan nya "Bahala kayo sa buhay nyo! Lahat nalang ng
ginagawa ko mali!"

At saka sya nag-walkout sa kusina.

Agad syang dumiretso sa kwarto at isinubsob ang sarili sa kama.

"MMMMMMMM!!!!!" sigaw nya habang nakasubsob ang mukha sa malambot na unan

Isip-isip din kasi ng matino pag may time.

Mabalik sa kusina,

"Oh dammit..." napahawak nalang sa noo si Josef nang maalala ang nakalimutan na
kahapon pa nya iniisip kung ano
"O, mag-so-sorry ka na ba sa kanya?" tanong ni Laby

Tinignan ni Josef si Laby "I need a gift. Something sweet."

"Para sa asawa mo?"

"No, para sa estudyante ko. May kris kringle kami ngayon, nakalimutan kong bumili
ng gift kahapon"

Napataas ang magkabilang kilay ni Laby at unti-unting lumalaki ang ngiti nya

"Aaa-yos! May guy na nagbigay sakin kahapon ng isang box ng chocolates, nandyan sa
ref, kunin mo nalang..." sabi ni Laby sabay smile ng sobrang tamis "Tanggalin mo
nalang yung card, may pangalan ko kasi yan"

"Ah, thanks," ngitian nya si Laby at saka ginulo ang magulo nitong buhok "I'll
buy you a chocolates later, in exchange..."

"Wag na, gawa mo nalang ako ng chocolate drink ngayon," request nya

Sa Byeloruss...

Ang busy ng lahat, one week ang magiging celebration ng christmas event kaya 17
palang, party-party na sa buong Byeloruss.

Madaming pupuntang special guest kaya puspusan na talaga ang preparation. Kinakabit
na ang mga christmas decors at nagpaplano na ang bawat sections ng gagawing booths
sa darating na event.
Samantala sa Class 4-F...

Parang wala lang sila, normal day pa rin. Kung ano ang 4-F, ganun pa rin ang 4-F.

Kanya-kanyang business. Yung iba, ginagawang hotel ang room dahil doon na
natutulog. Yung iba, ginagawang restaurant dahil doon na kumakain. Yung iba,
ginagawang gaming center dahil kanya-kanya silang labas ng laptop at tablet para
makipag-online battle. Lahat may sariling mundo.

Pumasok ang grupo ni King sa room na mas maaga sa inaasahan dahilan para tignan ng
kakaiba ang grupo nila.

Unang tinignan ni King yung mag-bespren. Tahimik lang at nakasubsob ang ulo sa
mesa. Hindi normal dahil yung dalawang yun ang masasabing pinakamaingay at
storyteller ng room. Hindi kasi nauubusan ng kwento, may kwenta man o wala.

"Aga nyo King ah," bati sa kanya ni Cristy

"Yung adviser natin?" tanong ni King

"Oooohhh..." nagkatinginan sila pare-pareho dahil iyon ang unang beses na in-
address ni King ang adviser nila

Lagi nya kasing sinasabi, kahit pa dun sa mga naunang adviser nila, kung hindi
'yung babaeng yun' eh 'yung lalaking yun' naman.

"Tumawag yung asawa nya kanina, di daw makakapasok, may sakit" sagot ni Jette

Bumangon sa pagkakayuko si Eljand at nilingon si Jette "Hindi talaga makakapasok


si Maam kasi marami syang natamong sugat kagabi,"
"Nakipaglaban sya dun sa SWAT team na pumasok sa bahay nila," dagdag ni James

"Yeah right.."

"Lumaban? Sa SWAT?"

"Ok lang kayo?"

"Bakit wala sa news?"

"Oo nga, dapat nabalitaan na yon ngayon,"

"Totoo naman eh! Natamaan nga sya sa braso tapos tinahi nalang nung leader ng LSG!"
sabi ni James

Natawa nalang ang iba habang umiiling. Wala nang pag-asa sila James at Eljand, kung
ano-ano na ang pinagsasabi.

"Lumaban ba talaga? Gamit ang alin? Laser sword? Machine gun? Kame-hame-wave?"

"Hahahaha!!!"

Napatayo sa kinauupuan si Eljand at hinarap ang mga classmate nya. "Lumaban naman
talaga si Maam kagabi! Ang gamit lang nya, elephant display, dining chair, kitchen
knife saka labanos!"
Sandaling tumahimik....

At biglang...

"Hahahahahaha!!!!"

Napuno ng tawanan ang buong room dahil sa sinabi ni Eljand.

Elephant display? Dining chair? Labanos?

Yung kutsilyo pwede pa pero yung huling nabanggit??

"Sige, patayin nyo ko gamit ang labanos! Hahahaha!!" natatawang sinabi ng isa
habang kunyaring sinasaksak ang sarili nya

"Totoo naman eh! Bakit ba ayaw nyong maniwala?!" sigaw ni James

"James, Eljand stop it!" sigaw ni King

Humina ang tawanan habang nakatingin kay King.

"King diba? Nandun ka diba? Kayo ni Brent! Nakita nyo lahat!" pinipilit ni Eljand
na aminin ni King na totoo nga ang lahat ng sinasabi nila

"King, totoo?" tanong sa kanya ng isa


"Di nga?"

"Labanos? Seryoso?"

Umiling nalang si Brent at pumunta na sa upuan nya.

"Tumigil nalang kayong lahat," sabi ni King at saka sya dumiretso sa pwesto nya

"Pero King--"

"James, wag na kayong magsalita pwede ba. Sinong maniniwalang makakapatay ang
adviser natin gamit ang radish ha?" inis na sinabi ni King

"Okra, try nyo baka um-effect, hahahaha!!"

"O kaya sitaw, something, like that!"

"Sili! Patayin nyo ko gamit ang sili!"

"Hahahaha!!"

Inis na nagbalik sa pagkakaupo ang mag-bespren dahil kahit si King nilaglag sila.

Totoo naman ang mga sinasabi nila, ang problema nga lang eh kung may maniniwala.
At yun din ang kinaiinis ni King.

Assassin si Armida, ok. Nandun na tayo, naka-move on na tayo sa revelation na yon.

Pero kung titignang maigi ang mga nangyari... Obvious na hindi basta-basta ang
lahat. At kung ang takbo ng utak nya ay katulad ng takbo ng utak ng iba,

Hindi pang-tao ang lahat ng napanood nila. Hindi tao ang nakita nila. Dahil hindi
ginagawa ng normal na tao ang napanood nila.

Biglang pumasok sa isip nya ang mga huling salitang tumatak sa isipan nya na
sinabi ni Armida.

"That's the point. Hanggang saan mo kayang paniwalaan ang isang kasinungalingan?
Kaya mo bang ibaba ang lebel mo sa mata ng lahat para lang patunayang totoo ang
sinasabi ko? Anong pinagkaiba ng takbo ng utak ni King Ace Havenstein sa takbo ng
utak ng mga uto-uto nyang kaklase.."

"Everything is insane," mahinang sinabi ni Brent "Kung may magsusumbong sa mga


pulis ng nangyari, malamang na not guilty na sya. Walang maniniwalang sya ang
pumatay sa mga taong yun. Lalo pa, lahat ng pinatay nya may mga hawak na baril
samantalang sya wala. King, kinikilabutan na ko dun sa teacher natin. Hindi ako
pinatulog ng napanood ko kagabi. Yung mga dugo sa buong bahay, yung pugot na ulo sa
sala, yung kalat na laman-loob sa gilid ng garden, yung nangyari, yung mga taong
pinatay, yung ginawa nya, sila nung asawa nya, tapos yung bago ng 4-A. Nararamdaman
ko, may masamang silang pakay dito"

"Anong gusto mong gawin ko ha? Kung yung mga taong yun nga, napatay nya ng walang
kahirap-hirap.." napakuyom ng kamao si King dahil mukhang nakahanap na sya ng
katapat

"Hey people!!!"

Lahat sila napatingin sa may pinto.


"Oy!!"

"Hey, Romina!"

"Hello guys!! Mwah! Mwah!"

Masiglang binati ng buong klase ang bagong dating.

"Oh Yeah! Apir! Apir! Apir!" nakipag-apir pa sya sa iba habang naglalakad
papalapit sa pwesto nila King. Tinalo pa nya ang artista kung makaasta

"Oy, Ace, aga mo dito ah! Balita ko straight three days ka na dito sa loob, anong
meron?" umupo sya sa tabi ni King at ipinatong ang paa sa katapat na upuan

"Akala ko ba hindi ka na papasok dito sa room na 'to, anong nagligaw sayo dito?"
tanong ni King sa kanya

Kinuha ni Romina ang isang notebook sa kabilang table at binilot sabay palo sa ulo
ni King "Hoy, ikaw ang una kong tinanong kaya sumagot ka ng matino,"

"Ikaw--!!" dinuro nya si Romina

"O? Ano? Ano? Papalag ka na? Papalag ka na ha?" hamon sa kanya nito

"Bakit ka ba nandito ha? Bumalik ka nga dun sa kabila!" inis na sinabi sa kanya ni
King

"Psh.. Nawala lang yung queen mo, nagkaganyan ka na," sabi nya sabay pukpok ng
hawak na notebook sa ulo ni King

"Ano ba?! Hindi ka titigil?!"


"Hindeh! Bwahahaha!!" at pinagpatuloy nya ang pagpalo sa ulo ni King

"Romina stop!" hinawakan nya ang pulso ni Romina para lang huminto ito

Tinignan nya ng masama si Romina, nakangiti naman ito sa kanya

"Papalipat uli ako ng section. Papayag si Daddy, kanya naman 'tong school eh..
hihihihi"

Napa-eyeroll nalang si King dahil ito na naman ang spoiled brat nyang so-called
kaibigan daw na bestfriend ng bestfriend nya na walang ibang ginawa kundi bugbugin
sya.

Sya si Romina Heim. And obviously, kapatid nya si Sir Geo.

"Palipat-lipat ka ng section, try mo na rin kayang lumipat sa ibang lugar para


matuwa ako sayo," sarcastic na sinabi ni King

"Psh... Sige, pupunta ako kung nasaan si Sunny Jean Soliman para career."

"Ang ganda mong bwisit!" sarcastic na sinabi ni King

"Hehehehe.. Anyway, naririnig ko sa mga sabi-sabi dito tinalo ka ng bagong adviser


ng 4-F," biglang sumeryoso ang timpla ng mukha ni Romina "Kung nandito si Jean,
ano kayang gagawin nya sayo dahil sa nangyari.."

"Wag mo nang sabihin... Nakausap ko yung kakambal nya kagabi, nandun na nakatira sa
bahay ng adviser namin ngayon si Shiner.."

"OMI--" napahawak sa bibig nya si Romina "Really?"

"Dun ka na sa room nyo, maingay ka eh!" iritang irita na sinabi ni King


Hinawakan agad ni Romina ang balikat ni King sabay yugyog dito "Nasan daw sya?
Sinabi sayo? Natawagan mo si Jean? Nakausap mo? Ano sinabi sayo ni Shiner?"

"Ano ba tigil nga!" tinabig nya agad ang kamay ni King ang kamay ni Romina sa
balikat nya "Lumabas ka na dito! Kapag nakita ka ng kuya mo na kausap ako, yari ka
na naman sa tatay mo,"

"Psh.." itinulak nya agad ang ulo ni King "Pangit mo! Malamang mga bulag yung
gumawa ng mga fans club mo dito sa school!"

"Labas na!"

"Pangit!"

"Mas pangit ka! Dun ka na sa labas, di welcome ang Romina Heim dito sa 4-F. Labas
na!"

"Ayoko nga! Akin kaya 'tong school!"

"Eh di sayo! Pake ko.." tumayo na si King at hinatak patayo si Romina sa


kinauupuan nito "Alis na sabi eh!"

"A-yaw!" hinalbot nya agad ang kamay nya kay King

"Ah ganon.." wala nang magagawa si King. Binuhat nya si Romina na parang sako ng
bigas

"KING ACE HAVENSTEIN! PUT ME DOWN!"

"Shut up!" naglakad na papuntang pinto si King

Napailing nalang habang nakangiti ang iba sa ginagawa nila King at Romina.
Ilang beses na pinalo ni Romina ang likod ni King pero parang hindi naman ito
nasasaktan kaya bumigay na rin si Romina at hinayaan nalang si King sa buhatin sya
ng ganon "Hoy Ace, anong sinabi sayo ni Shiner?"

Lumabas na sila ng room 4-F at naglakad na sa hallway.

"Tinatago si Jean ng tatay nya. Huling beses na nakausap ni Shiner yung ate nya,
three months ago pa. Hindi na ko magtataka kung ganon nga ang nangyari,"

"Hindi kaya may ginawa nang masama yung father nila kay Jean?"

"Kaya nga manghihingi ako ng tulong dun sa adviser namin para mabawi si Jean."

Nakapangalumbaba si Romina habang buhat-buhat sya ni King "Aw, teka, malakas ba


yung bago nyong adviser ha?"

"Malakas?" sandaling hindi nakasagot si King dahil hindi alam kung paano ide-
describe si Armida. Hindi enough yung adjective na malakas eh "She's superior.."

Nakaabot na si King sa tapat ng room ng Class 4-B.

Kitang kita nya ang mga estudyante ng 4-B na gulat na nakatingin sa kanya habang
buhat si Romina.

"O, naligaw yung Goddess nyo sa impyerno," sabi nya sa buong 4-B sabay baba kay
Romina sa podium ng room

"Pagpasensyahan mo na yan, King.." chill na sinabi ng vice-president ng 4-B

"Miss ka lang nyan kaya naligaw sa 4-F, hahahaha!"


"Sige, sige.. Babalik na ko dun, baka hindi na ko palabasin nyan dito. Ikadena nyo
'to nang hindi napupunta sa kung saan-saan, talian nyo sa leeg para hindi
nakakatakas" nakangiting sinabi ni King sa kanilang lahat

"Sige King, kami na bahala dyan!"

"Ang gwapo mo talaga King kapag nagi-smile!"

"Bye King! Bisita ka ulit dito ha!"

Nag-hand signal nalang sya ng 'sige' bago lumabas ng 4-B.

"King, pumasok si Maam Zach?" bungad agad sa kanya ni Ran paglabas nya ng pinto

"Sa tingin mo makakapasok yun ngayon pagkatapos ng nangyari kagabi?" sagot ni King
"Malamang na aabutin ng ilang linggo bago sya maging ok,"

"Hindi linggo. Araw lang, ayos na sya. Hindi mo kilala kung sino ang adviser nyo
kaya sana tigilan nyo na ang pagkanti sa kanya."

Nagbago agad ang reaksyon ni King sa sinabi ni Ran "Kilala mo ba yung teacher na
yun?"

"May mga hidden associations ang Underground, dapat alam mo yun dahil kabilang ang
pamilya mo sa kanila. At yung teacher na kinakalaban nyo ay isang napakadelikadong
tao. Tumigil ka na sa ginagawa mo at ng grupo nyo, baka pagsisihan nyo lahat ng
mangyayari oras na sineryoso nya kayo. Nandun ka kagabi, nakita mo lahat, witness
kayo ni Spade."

Nag-cross arms si King at tinantya ng tingin si Ran "Ano bang agenda mo at


sinasabi mo lahat ng 'to sakin?"

"Kung may balak kang labanan sya, mas mabuting kalimutan mo na."
"At kelan ka pa naging concern sakin ha, Li?"

"Hindi ako concern sayo, wina-warningan lang kita dahil kilala ko na sya at alam ko
kung anong klaseng tao sya. Wala syang pinapatawad dahil isa lang ang description
sa kanya. Sya ang killers of all killers. Sya ang taga-tapos ng mga hitmans,
contract killers at kahit mga assassins. Kung gusto mong gumanti sa tatay mo,
kausapin mo sya ng maayos. Matuto kang rumespeto dahil kung hindi, may kalalagyan
ka ng wala sa oras"

"Naduduwag ka ba dahil sa mga nakita mo kagabi sa bahay na yon huh? Sa mga member
ni Mystica, ikaw lang ang hindi marunong lumaban"

"Walang kinalaman dito ang pagiging member ko ng Revenge, ang sinasabi ko ayusin mo
ang pakikitungo mo kay Maam Zach dahil world-class professional killer ang
binabangga nyo ng grupo mo."

Hindi na nag-react pa si King sa sinabi ni Ran kaya tuloy-tuloy na itong pumasok sa


room ng Class 4-B.

"Hoy, loverboy, san ka na naman galing ha?"

"Nambabae na naman yan,"

"Hinahanap ka kanina ni President!"

"Ran, pa-help nga dito!"

"Sige, wait lang ha, mahina ang kalaban, hehehe.."

Tinignan ni King si Ran na parang nanggaling sa isang portal na after ng serious-


mode eh biglang change to happy-mode pagpasok ng room.
"World class professional killer huh.." bulong ni King sa sarili

Nasa practice room na ngayon si Josef at kakatapos lang ng panunang practice nila
ng mga teachers. Nakaupo sya sa isang monoblock chair habang tinitignan ang
natanggap na regalo sa kris kringle nila ng klase nya.

Isang nakatayong brown rabbit na may nakalagay na cursive 'sweet' sa bandang dibdib
nito.

"Sir, ok ka lang ba?" tanong sa kanya ni Maam Carmel. Napansin kasi nito na balisa
sya

Kumuha ito ng upuan at umupo sa tabi nya

"May problema ka ba?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Josef "I don't know,"
napasapo nalang ng noo ni Josef "Just a little misunderstanding, I guess.."

"Sa inyo ng asawa mo?"

Tinignan lang nya si Maam Carmel at saka sya tumango.

"Nagalit ba sya sayo?"

Umiling si Josef para sabihing hindi. "Nagalit ako sa kanya. Nagdala na naman kasi
ng problema sa bahay" nakasimangot sya habang nakatingin sa bintana ng room
"Tapos ngayon nasaktan na naman dahil sa kalokohan nya. Naiinis ako," napasuklay
sya ng buhok dahil sa inis "Ilang beses ko nang sinabihan eh, ang tigas ng ulo."

"Baka naman may reason kung bakit nya nagawa yung-- yung nagawa nya.." mahinahong
sinabi ni Maam Carmel

"Reason? Warfreak sya, yun ang possible reason. I hate seeing her doing what she
always does because it kills me first before her. Ugh!" napasandal sya sa upuan at
napatingala

Si Maam Carmel naman pinipilit intindihin ang tinutukoy ni Josef. Hindi nya alam
kung paano ico-comfort si Josef.

"Sir Zach," hinawakan nya ang kamay ni Josef "Magiging ok din ang lahat sa inyo
ng asawa mo"

Tinignan ni Josef ang maamong mukha ni Maam Carmel kasunod ang kamay nitong
nakahawak sa kamay nya.

"Maam Carmel,"

"Yes?"
"My hands..."

"Huh?"

"Dont touch my hands please.." seryosong pakiusap ni Josef

"Ha-- ah, I-i'm sorry.." tinanggal na agad ni Maam Carmel ang kamay nya

"Ayokong hinahawakan ng iba ang kamay ko, unless may permission ko. Even my wife
barely touch my hands, I hope you understand what I mean." paliwanag ni Josef

"Ah, ok" napatango nalang si Maam Carmel dahil sa sinabing yon ni Josef. Tumayo na
rin sya dahil pakiramdam nya napahiya sya. Umalis na rin sya doon sa pwesto ni
Josef kasi ang awkward.

Ibinalik ni Josef ang tingin nya sa bintana para mag-emote uli.

Naiinis sya. Tapos?

Sa katunayan nyan nagsabay-sabay lang talaga ang iniisip nya at yung mga nangyari
kagabi.

Nagkita sila ng kapatid.


May dinala pang mga estudyante ang asawa nya.
May dalawang superior candidate na nangungulit.
At ang mas malala yung kaso ni Shiner.
Lalong nagpainit ng ulo nya yung mga putok ng baril na tuloy-tuloy.

Na-trauma na sya dahil nung huling beses syang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng
baril eh namatay si Armida.

Mabaliw-baliw na sya ng mga oras na yon habang hinihintay ang asawa nyang mabuhay
kahit na lahat sila iniisip na nasisiraan na sya ng bait.

Tapos makikita nya ang asawa na halos maligo na ng dugo dahil sa mga sugat.

Alam nyang hindi normal na tao ang asawa. Alam nyang gagaling din ang mga sugat
nito. Baka nga mamaya lang pag-uwi nya, yung sugat nalang nito sa balikat ang
makikita nya.

Pero hindi nya maiwasang hindi magalit. Kahit pilitin nyang wag, nagagalit pa rin
sya.

Ilang beses na ba yang nangyari kay Armida sa loob lang ng tatlong buwan na
magkasama sila.

Simula nung auction, natapos na ang normal nyang buhay na si Armida mismo ang
nagbigay. Siguro nga may karapatan si Armida na bawiin ang kalayaan nya dahil ito
ang nagbigay sa kanya ng kalayaan nya anim na taon na ang nakalilipas.

Ang daming umiikot sa ulo nya ngayon. At ang lahat bumabagsak sa galit kay Armida.

Hinubad nya ang wedding ring nya at tinignan iyon. Simpleng golden ring na mataas
ang carat. Ipinaikot-ikot nya iyon para tignang maigi.

Napahinto sya sa pag-iikot nang may mapansing naka-engraved sa loob ng singsing.


Binasa nya ang nakasulat kahit na sobrang liit.
"Zordick-Zach"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nya.

Ibinalik nalang nya ang singsing sa daliri at ibinalik ang tingin dun sa hawak na
stuff toy.

"Rabbit, ano na bang gagawin ko sa kanya?"

...

Lunch break na at imbes na sumabay si Josef sa mga teachers, mas pinili pa nyang sa
rooftop na kumain ng lunch.

Naupo na naman sya sa lapag at binuksan ang lunchbag nya. May tatlong tupperware at
isang malaking water jug. Inilabas nya yon isa-isa at sinilip ang laman.

"Sandwich, sandwich at sandwich." inilapag nya sa sahig ang mga lunchbox tapos
kinuha nya ang water jug at tinikman ang laman "Not bad,"

"Sir, bakit nandito kayo?" sumulpot na naman si Shiner sa harap nya at nag-indian
seat na naman

Napansin ni Josef ang hawak nitong sandwich instead of sour candy

"Nakababa ka sa cafeteria?" tanong ni Josef

Umiling naman si Shiner sa kanya "Binigay ni Maam kanina. Baon ko daw."

Tumango nalang si Josef at kumuha ng isang sandwich na hinati pa-triangle para


presentable tignan.

"Sir, hindi ba kayo nag-aalala sa asawa nyo? Madami syang tama ng bala,"

"Sagad-sagad na ang pag-aalala ko sa kanya, nakakasawa na ring alalahanin sya sa


lahat ng ginagawa nya,"

Napatango nalang sya at tinignan ang sandwich dahil masarap ang pagkakagawa.

"Pero marami syang sugat. Diba dapat nag-aalala kayo sa kanya kahit pa kasalanan
nya kung bakit nagpunta dun sa bahay nyo yung mga tao ng tatay ko?"

"Gusto kong mag-alala sa mga sugat nya pero na-witness ko na lahat ng abnormalities
nya. Mas inaalala ko pa ngayon ang mga nasa paligid nya kesa sa kanya,"

"Sir, tao ba ang asawa nyo? Tao ba kayong dalawa?"

Napahinto sa pagnguya si Josef at tinignan ng diretso si Shiner.

"You jumped sa third floor and wala man lang kayo kahit isang pilay na natamo. Yung
nangyari kagabi, bigla-bigla nalang kayong naglalaho tapos susulpot kayo. Yung
asawa nyo, hindi ko alam kung anong ginagawa, pero nagagawa nyang pumatay gamit
ang--" natigilan sandali si Shiner at inisip na nababaliw na rin yata sya
"Labanos at pebbles?"

"What's with that?"

"Sir, she killed two armed guys using radish. Yung display na elephant,
maiintindihan ko pa. Yung dining chair, ok. Lalo na yung kitchen knife. Pero-- Sir,
hindi normal eh.." napakamot nalang ng ulo si Shiner dahil sa naiisip

Napailing nalang si Josef at pinagpatuloy ang pagkain.

"Hindi na nakakapagtaka yung reaction mo. Lahat kasi ng mahawakan nya nagiging
instant weapon. Unang beses kong nakita na pumatay sya eh gamit ang isang hikaw.
Creepy, right?"

"That's insane."

"I know. I think she always did that on purpose. Kapag kasi nagkakaroon ng
investigations, mahihirapan na ang mga pulis na hanapin ang suspect. Ikaw, witness
ka sa nangyari kagabi. Kung pupunta ka ng police station at sinumbong mo ang mga
nakita mo kagabi, baka ikaw pa ang ikulong nila." isang bitter laugh ang nagawa ni
Josef "Nakakatakot isiping ganung klaseng tao ang kasama mo sa bahay," napailing
nalang sya at kumuha ng panibagong sandwich

"Sir..."

"O,"

"Mas natakot ako sa inyo kagabi kesa sa asawa nyo."

Napatingin si Josef kay Shiner na may nag-aalalang expression.

"Why? Dahil ba dun sa pagsigaw ko?"

"Sir, di pa kayo sumisigaw nakakatakot na kayo. " tumingin sa ibaba si Shiner at


inalala ang mga natatandaan nya kagabi "Pakiramdam ko kagabi, papatayin mo na
kaming lahat na nandun. Inabot ako ng ala una bago makatulog kasi ayaw bumagal ng
heartbeat ko dahil sa takot sa inyo. Nakakatakot yung tatay ko, pero mas
nakakatakot pala kayo kahit na wala pa kayong ginagawa.."

Napapikit nalang si Josef at biglang nagsisi sa ginawa. Mukhang hindi na naman nya
napigilan ang sarili nya. Yun ang problema sa kanya kapag napupuno na. Lumalabas
ang dating ugali nya.

"Mas mabuting kalimutan mo na yung mga nangyari kagabi. Wag mo ring susubukang
umalis ng bahay dahil doon. Sasayangin mo lahat ng ginawa namin para sayo,"

"Sir, may gusto lang akong malaman dun sa Superior-thingy.. Anong pinagkaiba kung
sasama ako sa inyo at sasama ako sa tatay ko?"

Sandaling hindi nakasagot si Josef sa tanong na yon ni Shiner.

Ano nga ba eh kung tutuusin mas malala ang pagiging Superior sa gawain ng tatay
nya.
"I'm still finding an answer for that question, not only for you but also for
others. Kahit samin ng asawa ko.. Ano nga ba?"

Alas tres na ng hapon.

Nasa bahay lang si Laby at prenteng prenteng nakaupo sa sofa bed habang naglalaro
ng Call of Duty sa tv nila.

Wala syang pasok sa Byeloruss kaya chill-chill lang sa bahay.

Bzzt Bzzt

Napasimangot agad sya at mabilis na kinapa sa bagong coffee table ang earphone nya
para maisuot agad

"Sino 'to?"

( Si Armida? )

"Tulog."

( Kumain na ba? )

"Kanina pa tulog."

( Hindi pa rin gumigising? )


"Aba malay ko, basta hindi pa sya lumalabas pagkatapos mag-inarte.."

( Bakit hindi mo ginising para kumain? )

"Malaki na sya, alam na nya ang gagawin nya. Hindi ko na kelangan pang gisingin
yung asawa mo,"

( Gisingin mo sya at pakainin mo. Now! )

"Tss.." sinipa ni Laby ang unan sa paanan nya "Ano sya, imbalido? Pakakainin ko
pa? Saka anong ipapakain ko eh nag-order nga lang ako ng pizza for lunch!"

( Inubos mo yung pizza? )

"May kalahati pang natira, initin nalang nya mamaya,"

( Ikaw na ang gumawa, )

"Josef, hayaan mo na yung asawa mo pwede ba. Ilang beses nang nabuhay yon mag-isa,
alam na nyang gagawin nya sa sarili nya. Saka babangon din yun kapag nagutom. Baka
kapag inostorbo ko yon sa tulog nya, abutan mo ko ditong bangkay na,"

( Kaya ayoko sa mga katulad mo eh, daming katwiran. Uuwi ako ng maaga ngayon,
gisingin mo na sya )

At saka ibinaba ng kabilang linya ang tawag

"Bahala kayong dalawa, dami nyong arte,"

At ipinagpatuloy nalang ni Laby ang paglalaro.


Zzzzzznnnnngggg....

Napabangon agad si Laby nang marinig ang pagbukas ng gate. Agad-agad syang tumayo
at pumunta sa bintana para silipin ang labas.

"Ano na namang--"

Dali-dali nyang tinungo ang pinto.

Hinatak nya pagilid, ang kaso hindi bumukas.

"Aish, engot.." nakalimutan nya, de-door knob na pala ang pinto nila ngayon.

Pagbukas nya ng pinto...

"Hellllooow Millicent.." bungad sa kanya ni Ran habang may dalang dalawang plastic
bag na galing sa isang convenient store "Malinis na agad dito ah.. Magaling
trumabaho yung mga naglinis.."

Nag-cross arms agad si Laby at mataray na tinignan si Ran "And what the hell are
you doing here, huh, Mr. Li?"

"Oh, Mr Li..." tuloy-tuloy na pumasok sa loob si Ran at inilapag agad sa coffee


table ang mga dala sabay upo sa two-seater

Naningkit agad ang mga mata ni Laby at nilapitan si Ran

"Hindi ka talaga marunong madala ha? Lumabas ka na dahil magagalit sayo si Josef
kapag nakita nyang nandito ka na naman."
"Bakit hindi ka pumasok? Tapos na ba ang trabaho mo sa Byeloruss kaya hindi ka na
papasok ha?" tanong ni Ran na parang walang narinig

Mabilis talaga pumick-up si Ran ng mga impormasyon. Kahit si Laby nagugulat na sa


ilang araw palang na kasama nya si Ran, andami na nitong alam.

"Si Maam Zach?" dagdag na tanong nito

"Out. Now." masungit na utos ni Laby

"I want to talk to you." seryosong sinabi ni Ran

"Wala ka bang girlfriend ngayon na paglalaruan ha? Pwedeng dun ka sa ibang lugar
maghanap ng--"

"May nabanggit si Maam Zach kagabi na tumawag si kuya sa Hongkong nung time na
hawak sya ng Elites. Ako yung nakasagot ng tawag."

Nawala agad ang kasungitan ni Laby at naupo sa sofa bed. "Ano ngayon?"

"Class O Rank 1 Zeta Intelligence Person-In-Command, Labyrinth. Ikaw yun diba?"

"O tapos?"

"Wala lang. Narinig kong sinabi mo kagabi, hehehe.."

"Tss.." akala naman ni Laby kung ano nang mahalaga "Umalis ka na dito kung wala
ka namang gagawing importante,"

"Ayoko nga," tinignan ni Ran ang tv "O? Call of Duty? Sa tv?" nagulat sya dahil
pwede palang maglaro sa tv. Hinanap nya agad kung may console sa paligid "San yung
controller nyan?" tanong nya agad kay Laby
Itinaas ni Laby ang kamay nya para ipakita ang mga black fingerpads bilang
controller.

"Voice and motion sensor ko ang nagpapagana dyan sa laro kaya hindi ka
makakagamit," masungit na sinabi ni Laby

Hinalbot agad ni Ran ang kamay ni Laby para tignan ang mga black rough stuff na
nakadikit sa daliri ni Laby.

"Ano 'to? Pano 'to gumagana? San gawa? Sino gumawa? Kelan ka pa nagkaroon ng
ganito? San naka-connect? Try mo nga gamitin ngayon."

Binawi agad ni Laby ang kamay nya dahil sunod-sunod ang tanong ni Ran.

"Kung paano gumagana yung wii, ganun 'to. Ang kaibahan lang micro sya. May sensors
'to na kayang kumontrol sa kahit anong electronic device depende sa kung saan sya
ididikit. Ako lang ang nakaimbento nito. Gusto mo makita kung pano gumagana?"

Humarap sya sa tv "Play,"

Biglang tumuloy yung laro ni Laby kanina, si Ran naman, palipat-lipat ng tingin.
Kay Laby tapos sa tv.

Yung left hand ni Laby, taga-control ng direction, parang airshuffle ang datingan.
Yung kanan, naka-form na parang baril. Gagana ang baril kapag kinikilos nya ang
kamay na para ngang bumabaril.

"Scrambler, UAV"

"Whoah, coooool..." amaze na amaze si Ran kasi ngayon lang sya nakakita ng ganun.
Alam nya na Modern Warfare 3 ang nilalaro ni Laby dahil naglalaro din sya pero yung
gamit? XBox lang ang meron sya "I want that one..."

"UMP45,"
"Single player lang ba nilalaro mo?" tanong ni Ran

"Minsan naka-multiplayer ako. Pero mas madalas single.. pause." huminto na naman
si Laby sa paglalaro at tinignan si Ran "Nakita mo na, pwede ka nang lumabas.."

"Ayoko nga, bisita ako dapat inaasikaso mo ko," sabi ni Ran sabay sandal at patong
ng magkabilang siko sa inuupuan

"Kapal talaga ng apog mo eh noh.." pokerface na sinabi ni Laby

"Two days na kong single, wala kong magawa sa buhay ko ngayon kaya binibisita
kita.." sabi ni Ran sabay smile

"Pwede ba ha.. Pumunta ka sa club dun malapit sa Xaylem at dun ka humanap ng


girlfriend mo for today. Wala na kong kelangan sayo kaya leave me alone."

"Ayoko. Saka wala ko sa mood pumunta ng club ngayon."

"May laban ngayon ang Revenge, bakit hindi mo tulungan ang mga kasama mo?"

"Kaya na yun nila Cristy, hindi nila ko kelangan."

"Ano ba talagang kelangan mo dito ha? Alam mo nakakainis ka na,"

Nawala bigla ang ngiti ni Ran at sumeryoso na ang mukha "Kelan ka aalis?"

Kumunto agad ang noo ni Laby sa tanong na yun ni Ran "Ano naman sayo?"

"Date tayo.."
Tumaas ang kilay ni Laby sa sinabing yon ni Ran "No way,"

"Why?"

"Ayoko eh, bakit ba?"

"Sige na,"

"No,"

"Bakit ayaw mo?"

"Eh ayoko nga,"

Napahinto silang dalawa sa pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto.

"Door knob na nga pala 'to.." narinig nilang sinabi ni Josef habang pinipihit ang
door knob ng pinto

Pati si Josef nabiktima din ng door knob.

"Oy, may pumunta nga pala ditong mga pulis saka mga tanod pati na yung President ng
Home Owners kanina. Narinig daw nila na nagkaroon ng gunshots dito sa area kagabi,"
hirit agad ni Laby

"O, anong nangyari?" tanong ni Josef

"Wala naman. Normal naman na dito eh kaya walang naghinala," sagot ni Laby "I'm
just saying just so you know,"
"Ok. Si Armida, kumain na--" napahinto sya nang makita na naman si Ran sa bahay
nila "Nandito ka na naman?"

"Hindi ba halata, Sir." sagot ni Ran

Naningkit agad ang mata ni Josef sa sagot ni Ran. Nakakarami na si Ran sa kanya.

"Ano ba talagang pinupunta mo dito ha?" inis na tanong ni Josef

"Sir, I'm just visiting Millicent. Hindi naman ako pupunta dito sa bahay nyo kung
nasa ibang bahay sya nakatira,"

Aba'y malamang!

Lalo lang nag-iinit ang ulo ni Josef sa mga lumalabas sa bibig ni Ran. Sarap lang
hambalusin ng palo-palo sa bibig. Lakas mamilosopo.

Napa-face palm nalang si Laby sa mga hirit ni Ran. Tama naman ang mga sagot nya,
mali nga lang ng paraan ng pag-deliver kaya nakakabwisit.

"Ilabas mo na yang bisita mo, Laby. Kapag ako ang kumaladkad nyan palabas,
sisiguraduhin kong ospital ang diretso nyan," at tuloy-tuloy na syang pumunta ng
hagdan paakyat

Sinundan sya ng tingin ng dalawa. Nang hindi na makita, tinignan naman ni Laby at
Ran ang isa't isa.

"Alis na. Narinig mo sya," sabi ni Laby


"Pumayag ka muna,"

"Ayoko nga,"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pumapayag."

"Mabubugbog ka nang wala sa oras dahil dyan sa katigasan ng ulo mo,"

"Wala akong pake, pumayag ka na kasi para makaalis na ko"

"No way.."

"Ok." humiga si Ran sa two-seater kahit na hindi sya kasya "Papa-bugbog nalang
ako dun sa asawa ni Maam Zach,"

"Tss.." lalong napasimangot si Laby sa ginagawa ni Ran "Bahala ka sa buhay mo.


Wag mo kong sisihin kapag nabaldado ka paglabas mo dito,"

________________________________

Pagpasok ni Josef ng kwarto nila, naabutan nya ang asawa na mahimbing ang tulog
habang yakap ang isang unan. Nakapaling ito sa kaliwang side para hindi madaganan
ang sugat sa kaliwang braso. Inilapag nya agad ang mga gamit sa cabinet na katabi
lang ng pinto at tinanggal ang necktie.

Lumapit sya at umupo sa gilid ng kama. Hinubad nya ang suot na sapatos at medyas at
isinuot ang sleeping slippers nya.
Tinignan nya ang asawa. Mahimbing talaga ang tulog. Hindi man lang naramdamang
nandun na sya.

Tumayo na sya at pumunta sa banyo para maghugas ng kamay.

Habang naghuhugas ng kamay ay nakita nya sa sink ang ilang benda na may patak ng
iodine at dugo. Napailing nalang sya at itinapon ang benda sa trashcan sa may ibaba
lang ng sink.

Lumabas na sya ng banyo at tinignan si Armida na tulog pa rin. Alam nyang hindi ito
nakatulog dahil wala ito sa kama at nagkulong lang sa banyo. At wala pang alas
tres, nasa kusina na agad. Bababa na dapat si Josef kaninang alas kwatro ng umaga
para magluto kaso nakita nya si Armida na naghahanda sa kusina kaya hindi na nya
ito inistorbo pa at nag-asikaso nalang sya ng sarili para sa pagpasok.

Naupo sya sa gilid ng kama sa may kanan ng asawa. Napabuntong-hininga nalang sya at
tinanggal ang yakap nitong unan. Nahiga sya patagilid sa tabi ni Armida at inangat
ang ulo ng asawa para isilid ang braso nya sa ilalim. Kinuha nya ang kaliwang braso
ni Armida at ipinatong sa may beywang nya. Hinawi nya ang buhok ng asawa sa mukha
nito at saka nya hinalikan sa noo.

"Armida, I'm home..."

Hinagod nya ang buhok ni Armida at saka na sya pumikit para matulog din.

Yun lang ang malaking problema nya,

Kahit na gaano pa syang naiinis, hindi kayang itanggi na hindi nya ito matitiis.

"Bakit ayaw mo makipag-date sakin?" tanong ni Ran kay Laby habang kumakain ng
dalang chips
"Busy ako.." sagot ni Laby habang kagat-kagat ang straw ng dalang grape juice ni
Ran

"Busy pero naglalaro ka lang ng Call of Duty, busy ba yun?"

"Busy nga ako. Kuleet..."

Tumigil na si Laby sa paglalaro nya at naglalaro nalang ngayon ng golf sa


solitaire.

"Sus, katwiran mo... Gusto mo sa amusement park? May malapit dito.."

Napahinto si Laby at tinignan si Ran na nakatingin lang sa kisame

"Ayoko pa rin, boring dun.." katwiran nalang nya

Last time na pumunta sya ng theme park na ka-date si Riggs, nalungkot lang sya.
Akala nya kasi last day na nya sa Earth. Naalala nya, may picture nga pala silang
dalawa na nakatago sa isang folder sa Gameboy nya. At least masaya syang na-
experience ang Ferris wheel kahit na nabaril sya ng gabing yon.

"Boring? Ikaw palang ang babaeng nagsabi sakin na boring sa amusement park. Kaya
nga amusement park eh, kasi amusing sya."

"Tss, anong gagawin natin don? Tutunganga? Kakain lang habang nakaupo sa isang
bench? Hindi naman masaya sumakay sa mga rides, puro pa sigawan nang sigawan akala
mo wala nang bukas." mataray na sinabi ni Laby

Bumangon sa pagkakahiga si Ran at ipinatong ang magkabilang siko sa inuupuan sabay


dekwatro.

"Question lang ha, na-experience mo na bang magkagusto sa isang guy?"


Tinaasan lang sya ng kilay ni Laby

"No, seriously. Hindi ko gagawing big deal yung magiging sagot mo, wag kang mag-
alala."

No comment na naman si Laby.

"Sige, tell me frankly. Tapos aalis na ko dito kahit hindi ka na pumayag sa date
offer ko,"

Tinantya ni Laby ng tingin si Ran. Mukhang seryoso nga.

"Don't try to lie kasi malalaman ko agad kung honest or sincere ka. And kapag
sinubukan mong gumawa ng kwento, lalo lang akong magpapatagal dito. Ano, deal?"

Tumingin sa gilid si Laby at inisip kung dapat ba nyang i-consider ang pagsagot sa
tanong ni Ran.

"Dun sa question mo, No." mabilis na sagot ni Laby kay Ran sabay balik ng atensyon
sa nilalaro nya

"Liar,"

"No nga."

"Tell me something about the guy then I'll leave you alone hanggang sa makaalis ka
na dito sa area. Consider this day as our last meeting. Just tell me honestly,
don't lie to me,"

"Why asking me that all of a sudden?"

"Pagkatapos kong makita ang profile mo, nawalan agad ako ng interes sa
pakikipaglalaro ngayon. You're not the typical genius-nerdy girl base on your
looks. You're also not the typical highschool girl kahit na ganyan ang pinapakita
mong attitude sa lahat. Interacting with a world genius child is a different
experience lalo na, wala sa itsura at sa kilos mo na genius ka nga. You caught my
attention and bibihira ang mga babaeng nakakakuha ng buong atensyon ko. Now, I'm
giving myself a reason to give up on you since marunong din naman akong sumuko."

Tinignan agad ni Laby si Ran

Aba, seryoso. Ibinalik nya ang atensyon sa nilalaro.

"I met this guy nung time na nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko." sabi ni Laby
"Nagsama na rin kami sa iisang bahay. Ang pagkakakilala ko sa kanya, masungit,
mainitin ang ulo at maikli ang pasensya. Pero habang tumatagal na kasama ko sya,
nakita ko na binibigyan lang nya ng masamang image ang sarili nya dahil yun ang
dapat maging impression sa kanya ng lahat. Mabait sya at sa kanya ko rin unang
sinabi ang pangarap ko sa buhay. I can say that he's a perfect guy to share your
dreams with. Now, I see thousand reasons to like him more. At kung ico-compare sya
sayo, lahat ng karapatan sa mundo, nasa kanya na para mambabae. Pero hindi nya
ginagawa. Kaya nga nakakapalan ako sa pagmumukha mo dahil kung makapagpalit ka ng
girlfriend, para ka lang tumikim ng pagkain sabay tapon kasi pangit ang lasa.
Siguro naman pwede na yang paliwanag sayo, now go away and leave me alone.
Forever."

Kahit na ka-offend offend ang linya ni Laby sa kanya, hindi na nya yun ginawang big
deal pa. Sanay na kasi sya, since he can't please everybody.

"Alam nyang gusto mo sya?" tanong ni Ran

"You bought that story?" tanong ni Laby dahil hindi nya inaasahan na magre-react
si Ran sa sinabi nya

"I know how your mind works; you can't lie to me by telling the truth. Bakit hindi
mo sabihin sa kanya?"

"No need. First, walang mangyayari. Second, pointless."

"No, sabihin mo lang na gusto mo sya. Wala naman sigurong masama don, diba? Bakit,
natatakot ka?"

"Gusto sya ng lahat. Kahit na sabihin ko sa kanyang gusto ko sya, ngingitian lang
nya ko at guguluhin ang buhok ko. After that, wala na."

"Tanga ba sya? Ang manhid naman nya para gawin yun sayo, ano tingin nya sayo,
bata?"

"Yun nga ang tingin nya sakin. Bata."

Iginilid ni Ran ang tingin at mukhang alam na nya kung anong klaseng lalaki ang
tinutukoy ni Laby.

"You're talking about an older guy, am I right?"

Sinulyapan sya sandali ni Laby at saka ibinalik nito ang tingin sa nilalaro. "Go
now. Don't expect me to like you because it's not going to happen,"

Tumayo na si Ran at inayos ang suot na uniform "I don't think this will be our
last meeting. But don't worry, matino naman akong kausap. Hihintayin ko nalang na
ikaw mismo ang kusang lalapit sakin. Anyway, my real reason of going here is I want
to see the Slayer. I want to ask something about my brother's call two years ago.
Kaso mukhang hindi ko sya pwedeng makausap kaya kelangan ko na ring umalis."

Naglakad na sya papunta sa pinto.

"I didn't expect na magsasalita ka about the guy. I thought it'll be a hard time
for me to make you speak. By the way, I think, I already know who that guy is. Good
luck sa pagtatago mo ng feelings mo habang kasama sya"

Server Not Found Page 404


At dahil miss na daw ni Jolina Abellon sila Armida, nag-ud na agad ako kahit na
dapat ay tatapusin ko muna itong buong story.. May report pa ko bukas pero sige na
nga, push ko na 'to!

_________________________________________________

"Uhm.."

Isang masamang panaginip ang gumising kay Armida sa pagtulog nya. Pipikit-pikit pa
sya habang kinakapa pa ang hinihigaan. Kumunot agad ang noo nya nang maramdamang
hindi kama ang nakakapa nya.

"Ah--!" napabangon agad sya at napaatras ng kaunti sa hinihigaan "J-josef?"

"O," napabangon tuloy ng wala sa oras si Josef dahil sa asawa. Hawak nya ang
bridge ng ilong nya habang mariing nakapikit "Gutom ka na ba?"

"Josef..."

"Ano?"

"Josef..."

"Tsk, ano nga? Paulit-ulit ka,"

"Josef..."

Dumilat agad si Josef at pinitik ang noo ni Armida "Goldfish ka ba ha? Ano na
naman bang problema mo?"

Yung mukha facial expression ni Armida, naghahalong malungkot, guilty, masaya, at


naiiyak "Josef..."

"Ugh!" napa-eyeroll nalang si Josef dahil pang-limang beses nang inulit ni Armida
ang pangalan nya "Tara sa baba, magluluto na ko. Mukhang di ka pa nag-aalmusal.."
tinignan nya ang alarm clock sa bedside table. 6:17pm "Anong gusto m--"

Hindi na nya naituloy pa ang itatanong dahil niyakap sya ni Armida.


Sinubukan nyang tignan ang mukha nito kaso gilid lang ng ulo nito ang nakita nya.

"Habang tumatagal nagiging maarte ka na ha," iritang sinabi ni Josef

"Josef..."

Napabuntong-hininga nalang si Josef dahil pang-anim na yun.

"Ilang beses mo ba kelangang banggitin ang pangalan ko ha?"

"Josef, ansama ng panaginip ko.."

"Ano? Pinatay mo ko? Masama nga yon.." sarcastic na sinabi ni Josef

Umiling naman si Armida para sabihing hindi "Napanaginipan ko, may kasama kang
iba..."

"Tss.." napa-eyeroll na naman si Josef. Kaartehan na naman ni Armida "At sino


naman ang kasama ko, aber? Si Vera? Si Tomi? Si Fovicate? Sino?"

"Ibang Armida Zordick ang kasama mo at hindi ako.."

Bumitaw na agad si Josef sa pagkaka-yakap ni Armida at tumayo na "Sige, I


understand. Masama nga yang panaginip mo. Panaginip lang naman kaya wag mo nang
isipin yan ha," kinuha nya ang magkabilang kamay ni Armida at hinatak nya ito para
maalis na sa kama "Tumayo ka na dyan para makakain ka na,"

Tamad na tamad namang tumayo si Armida at parang zombie na naglakad habang


sinusundan si Josef na palabas na ng kwarto

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Josef

"Wala 'kong gana." tamad na sagot ni Armida

"Chicken fillet nalang ang iluluto ko sayo saka bacon soup."

"Pero--"

"Kakain ka kapag sinabi kong kakain ka, maliwanag?" ma-otoridad na utos ni Josef

Sumimangot lang si Armida at ginulo ang buhok nya dahil sa inis

Nakababa na sila sa kusina at naabutan doon si Shiner at Laby na kumakain ng


inorder na bucket meal.

Napahinto sila Laby at Shiner sa pagkain at sinundan ng tingin si Josef na tuloy-


tuloy lang sa paglakad at parang walang nakikitang tao sa paligid. Lumingon silang
dalawa para tignan si Josef na magkalkal ng ref.
"May mashed potato dyan?" tinatamad na tanong ni Armida dun sa dalawa habang
umuupo sa pwesto nya na katabi lang ng pwesto ni Shiner

Inurong ni Shiner ang isang mashed potato kay Armida.

"Maam, galit pa rin si Sir sa inyo?" bulong na tanong ni Shiner

"Ewan ko.."

Nilingon uli ni Shiner si Josef at napataas nalang ang kilay nya nang makita ang
madami nang nakalagay sa kaninang malinis at walang kalat na preparing area sa
pagitan ng ref at stove.

Kakalingon palang nya, nakuha na yong lahat agad ni Josef.

Ngayon palang kasi nyang nakita si Josef na maghanda ng pagkain. Ang lagi kasi
nyang naabutan eh tapos na itong magluto at naghahanda nalang ng mesa.

"Kelan nya nakuha yang mga yan?" nagtatakang tanong ni Shiner kay Laby

"Lingon ka uli, magugulat ka nalang tapos na syang magluto.." sabi ni Laby na


ibinalik na ang atensyon sa kinakain nyang chicken drumstick. Tinignan lang sya ni
Shiner para tantyahin kung nagjo-joke lang ba sya o seryoso talaga

Mukha namang seryoso si Laby kasi pokerface lang. Tinignan naman sunod ni Shiner si
Armida.

Naubos na yung dalawang mashed potato. Yung isa, binigay nya. Yung isa, kinuha nang
walang pasabi.

Nahagip ng tingin ni Shiner ang braso ni Armida. Napakunot ang noo nya at inilapit
ang tingin para makita ang sugat ng maayos.

"What the he--" hindi na nya natapos ang sinasabi dahil biglang gumalaw si Armida
dahilan para mapaatras sya dahil sa gulat

"May problema ka ba?" seryosong tanong ni Armida

Lalong kumunot ang noo ni Shiner kay Armida mismo.

"I'm asking you, what's your problem?" pag-uulit ng tanong ni Armida

"M-maam, o-ok lang kayo?" nagtatakang tanong ni Shiner

"What do you mean by that?" kinuha ni Armida ang isang softdrinks na kasama sa
bucket meal

"Malungkot kayo diba? Anong nangyari?"

"Ako? Malungkot? Talaga?" kumuha ng isang chicken si Armida sa bucket "Parang di


ko naman maramdaman.."
Lalong tumaas ang kilay ni Shiner dahil kanina, sobrang-sobrang-sobrang down si
Armida tapos ngayon kung makakilos parang wala lang, chill na sya at relax.

"Shiner, mga tao ni Isidore Soliman ang pumunta kagabi dito, right?" tanong ni
Armida habang patuloy na kumakain

Ngayon, kung makapagsalita sya, parang hindi nagalit sa kanya si Josef dahil sa
ginawa. Normal na para sa kanya ang lahat at parang walang kahit anong tampuhan at
galit na nangyari sa kanila.

Napatingin tuloy ang tatlo sa kanya dahil inaatake na naman sya ng sakit nya.

"Akala ko personal ka nyang kukunin dito. Kung ganun sana ang nangyari, baka walang
nangyaring gulo. Pwede kaming makipagkasundo ni Josef sa tatay mo at kusang-loob ka
nyang ibigay samin. Ang kaso, mukhang nagkamali sya ng interpretation sa sinabi ko"
uminom uli sya ng softdrinks at kumuha ng panibagong manok "Narinig kong nag-uusap
kayo ni King kagabi. Tinatago daw ng father mo yung kakambal mo. Narinig ko ring
tropa ni King yung kapatid mo. Totoo ba yon?"

Napakagat nalang ng labi si Shiner at napayuko. Hindi na nya nasagot pa ang tanong
ni Armida.

Naningkit ang mga mata ni Laby habang nakatingin kay Shiner.

Tinatago ni Isidore Soliman ang kakambal nya?

Alam ni Laby na patay na ang kakambal nya. Tatlong buwan na ang nakalilipas.
Pinalalabas lang nila na pinadala sa ibang bansa para hindi na maging big deal.
Mahirap na, dahil mababahiran ng maling impression at lalala lang ang issue tungkol
sa pagiging founder ni Sunny Jean Soliman ng Dark Orion Cards at ang pagiging Dark
Queen nito at ang pagiging orihinal na tagapagmana ng Soliman crime family.

"Ayokong mangialam dyan sa away-bata na yan pero may isang bagay lang akong
pinagtataka. Ang sabi mo, gusto kang makuha ng father mo at mukhang gagawin nya nga
ang lahat maibalik ka lang sa poder nya. Kitang kita naman sa nangyari kagabi..."
inilapag nya ang hawak na manok at tinignan na si Shiner "...kung ganun naman
pala, paano ka malayang nakakagalaw dito sa distritong 'to kung anytime kayang kaya
ka nyang ipadukot sa mga tao nya?"

Lalong dumiin ang pagkakakagat ni Shiner sa labi nya dahil sa tanong ni Armida.

Napaisip naman si Josef sa sinabing yon ng asawa nya. Natapos na sya sa pagluluto
at inilapag na sa mesa ang hapunan nila.

Kapag nagkakaganito si Armida, may parte kay Josef na pumipigil sa kanya sa inis at
galit nya. Ito lang kasi ang problema nya sa asawa. Ang lakas ng loob magbuwis ng
buhay na aakalain mo, ginagawa lang nya kasi yun ang nakalakihan nya. Tapos
magugulat na lang sya dahil lahat pala ng ginagawa nito ay may rason. Then magi-
guilty na lang sya dahil hindi sya nagtiwala.

"May nabanggit sakin si Isidore Soliman kagabi nung tumawag ako. Kung nagpakilala
siguro ako bilang si Erajin Miller, baka pinagkatiwala ka nya sakin, kaso
nagpakilala ako bilang si Armida Zordick kaya iba ang nangyari."
Umupo na si Josef sa upuan nya pagkatapos ilapag ang mga plato sa mesa.

"Alef Maksura Gang. Member ka ng gang na yon diba? Iba pa ang pagiging leader mo ng
Lavander Rose." sabi ni Armida "Alam mo bang hindi na basta-bastang gang ang Alef
Maksura dahil involved na ang gang na yon sa mga seryosong criminal activities. At
yun ang masasabi kong tunay na gang... Umamin ka samin... Saan mo nakukuha yung mga
drogang binebenta mo? Sa kanila ba? Kasi kilala ko si Isidore Soliman, at hindi ka
nya papayagang magbenta ng drugs. Magbenta man sya, sa tauhan nya yon ipapatrabaho
at hindi sayo."

Nagulat naman si Josef sa sinabi ni Armida. Hindi nya alam kung saang lupalop nito
nakukuha ang pinagsasabi pero kapag ganito ang sitwasyon, alam nyang alam ni
Armida ang lumalabas sa bibig nito.

"Bakit hindi ka makasagot? Wag kang mag-alala, hindi naman kami magagalit sayo.
Wala kaming karapatang magalit sayo." mahinahong sinabi ni Armida habang kumukuha
na ng pagkaing niluto ni Josef para sa kanya

Nanatili pa ring nakayuko si Shiner habang kagat ang labi nya. Humigpit ang
pagkuyom nya sa kamao at napapikit nalang.

"Shiner, totoo ba?" pinipilit ni Josef na pakalmahin ang sarili dahil sa narinig
sa asawa nya

Wala pa ring sinasabi si Shiner.

"Napagkamalan yata akong member ng Alef Maksura kaya nangyari yung nangyari kagabi.
I admit it, kasalanan ko kung bakit sila napunta dito at nagkaroon ng commotion.
Pero kung titignang mabuti ang lahat, sa kahit anong anggulo, hindi ka makakaalis
sa buhay na inaayawan mo. Ayaw mo sa poder ng father mo dahil Boss sya ng isang
crime family? Anong kaibahan non sa pagsama sa Alef Maksura? Sana sumama ka nalang
sa father mo dahil mas maganda ang estado ng posisyon mo kumpara sa gang na
sinamahan mo. Tinignan ko ang kwarto mo kahapon at kanina. Nagdaan na ko sa
panahong pinagdadaanan mo ngayon. May baril sa ilalim ng unan at ilang droga. Dahil
pakiramdam mo, anytime may mananakit sayo. Napa-paranoid ka nang wala sa lugar...
Delikado yan dahil once na may pumasok sa kwarto mo, magpa-panic ka agad at
makakapatay ka ng wala sa oras. Kaya nga isa pa sa pinagtataka ko ay, bakit mo
sinabi kay King na tinatago ni Isidore Soliman ang kapatid mo kung ang totoo nyan
ay ikaw ang pumatay sa kanya--"

BOG!

Binagsakan ng kamay ni Shiner ang mesa at dali-daling pumunta ng sala para


makalabas ng bahay.

Sinundan lang sya ng tingin ni Josef at tatayo sana para habulin pero may biglang
pumigil sa kanya sa loob-loob nya.

"Paano mo nalamang si Shiner ang pumatay sa kapatid nya?" tanong ni Laby

"Hindi ako nakatulog kagabi. Nasa itaas lang ng banyo ng kwarto namin ang attic.
Naririnig ko syang nagsasalitang mag-isa. Paulit-ulit syang nagso-sorry sa kapatid
nya. Nagising ako kaninang umaga, busy ka sa paglalaro sa sala kaya hindi na kita
inistorbo. Naisipan kong umakyat sa attic at nakita ko doon yung mga bagay na hindi
ko dapat makita." sagot ni Armida

Napahilamos nalang si Josef at hindi na alam kung anong sasabihin. Ito namang asawa
nya, pabago-bago ng mood, tapos biglang eentrada ng ganun. Mababaliw na talaga sya
ng bonggang bongga kapag nagpatuloy ang ganitong nangyayari.

Napabuntong hininga nalang sya at pinilit na i-clear ang isipan.

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari ha, Armida? Bakit mo yun sinabi?" medyo
inis na tanong ni Josef

"She's killing herself. I thought, yung father nya ang totoo nyang problema.
Mukhang nagkamali ako." sabi ni Armida "Now, Mr. Fuhrer, I want to ask you
something..." tinignan nya ng diretso si Josef "What's the difference of having
her as one of the Superiors and being a part of those criminal activities? Let me
remind you this: we're the worst of them all. You might be a good man. Pero hindi
kayang baguhin ng katotohanang yon na isa ka sa mga notorious criminal ng buong
mundo..."

Friday na at nabanggit ni Josef kay Armida na walang pasok ngayong friday dahil
foundation day ng city kung saan sila naka-locate ngayon.

Nabawasan na rin ang galit ni Josef kay Armida dahil sa lahat ng naikwento nito
kagabi. Siguro nga may mali kay Armida at sa paraan nya ng pagkilos pero lahat
naman ng ginagawa nya, laging may dahilan.

Umagang-umaga at nasa kalagitnaan ng paliligo si Armida nang biglang nagkaroon ng


problema.

Dali-dali syang lumabas ng banyo para sabihan ang asawa.

"Josef, nasira yung shower!" reklamo ni Armida na nakatapis lang ng towel at may
bula-bula pa ang buhok
Nilingon-lingon nya ang kwarto. Walang Josef sa paligid.

Lumabas na sya ng kwarto para makapagreklamo.

"Josef! Oy!" bumaba sya sa hagdan at huminto bandang halfway dahil nakita na si
Josef na nagluluto ng breakfast nila sa kitchen "Josef, yung shower sira!"

Tinignan na sya ni Josef na naghahanda ng mesa "Mukha nga, nagkalat ka pa ng basa


dyan.." at nagpatuloy nalang sya sa ginagawa

"Josef, pano ko maliligo?!" reklamo ni Armida

"Mag-bathtub ka nalang.." sagot ni Josef

"Hindi mo ba aayusin yung shower??"

"Armida, hindi kasama sa trabaho ko ang pagiging tubero. Dun ka sa kwarto ni Laby,
ay--" napahinto sya ng maisip na hindi pala pwede "Wag sa kwarto ni Laby, naka-
lock yun. Dito ka nalang sa baba.." itinuro nya ang bathroom na katabi ng kusina

"Tss.." napasimangot nalang si Armida at nagtuloy-tuloy sa bathroom na katabi ng


kusina para ipagpatuloy ang naudlot na paliligo

. . . . . . .

Half past nine na at tapos na silang mag-breakfast.


Bumalik na ulit sa kwarto si Armida para matulog. Marami syang gustong gawin kaso
inaatake na naman ng katamaran nya.

Si Josef naman, ngayon palang makakaligo dahil sya ang nag-asikaso ng breakfast
nila tapos sya pa ang naghugas ng pinagkainan nila at lahat ng ginamit nya sa
pagluluto. Hindi pa lubusang gumagaling ang braso ni Armida kaya sya na ang nag-
asikaso ng lahat.

Hindi naman halatang ginagawa syang alipin sa bahay na yon, hiyang hiya naman sya
sa pagiging Fuhrer nya.

. . . . . . .

At dahil walang pasok ngayong friday, naisipan ng mga teachers ng Diaeresis na


samantalahin ang holiday para makapag-practice ng maayos ng kanilang presentation
sa friday. Maaga silang nagpunta sa bahay ng mga co-teachers nila para ayain ito sa
isang clubhouse sa subdivision kung saan nakatira sila Josef para doon makapag-
practice ng maayos.

"Wow, ang ganda naman dito"

Nasa harap na sila ng bahay nila Josef para sunduin ito.

Magd-doorbell na sana si Maam Stella nang biglang bumukas ang gate.

"Uhh??" pare-parehas silang napataas ng kilay dahil sa pagbukas ng gate

Tinignan nila ang isa't isa para alamin kung papasok na ba sila o hindi.
"Pasok na tayo," sabi ni Mr. Kenta

Tumango nalang sila at sabay-sabay na pumasok sa loob

"Wow, ang bongga ng garden..." sabi ni Maam Rina

Amaze na amaze sila habang tinitignan ang magandang garden ng bahay.

Kung alam lang nilang nagkaroon ng brutal na patayan sa lugar na yon nung isang
araw lang, baka hindi na sila pumasok pa sa loob.

Tinignan nila ang garahe na katabi ng front door ng mismong bahay.

"Dalawa ang kotse! Nakakaloka!" excited na sinabi Maam Heidi habang hawak sa braso
si Maam Carmel

"Mayaman talaga yung asawa nya," nag-agree naman si Maam Carmel

Dumiretso na sila sa pinto para kumatok.

"Uh, sinong kakatok?" tanong ni Maam Heidi

"Ako na," sabi ni Mr Kenta, kinatok nya ng dalawang beses ang pinto "Ow-key?"
napataas sya ng kilay nang biglang bumukas ang pinto

Mukhang hindi naisara ng maayos ang pintuan kaya bumukas.


Pare-parehas silang pumasok sa loob dahil akala nila, pwede nang pumasok dahil
bumukas ang pinto.

"Uh, may tao ba dito?" tanong ni Maam Heidi dahil tahimik sa sala

Nilibot nila ng tingin ang paligid. Malinis at maaliwalas. Magara ang mga
furnitures at ang ganda ng white tiles sa sahig na nire-reflect ang puting ilaw sa
kisame. Natatanaw nila ang kusina sa sala at ang konting side ng hagdan sa
kinatatayuan.

"Ah--!" sabay-sabay pa silang nagulat nang may biglang lumabas sa isang pinto na
nasa left part ng kitchen

Nanlaki agad ang mga mata nila at halos malaglag na sa sahig ang mga panga nang
makita si Josef

"O...M...G"

"Oh my.."

"Wow ulam..."

Napahinto rin si Josef nang makita ang mga bisita nya.

"Oh sh--" itinakip agad ni Josef sa katawan ang hawak na towel na pinangpupunas sa
buhok
"Uhh, Sir Zach.."

"Hehehehe... Hi," isang nahihiyang kaway ang binigay nila kay Josef para sabihing
nandoon sila

Hindi na muna nagtanong si Josef kaya binigyan nya ang bisita nya ng 'wait a
minute' hand signal at agad-agad itong umakyat sa kwarto para makapagbihis

"Aaaahhhhhh!!!!"

Pigil na pigil ang sigaw ng mga babaeng teacher habang tinatakpan ang mga bibig.
Pare-pareho silang namula pagkatapos makita si Josef na bagong ligo at towel lang
ang suot.

Unexpected yung view kasi malay ba nila na yon ang maaabutan sa bahay nila Josef.

"Maam, nakita nyo yon? Nakita nyo? My God!!" kilig na kilig si Maam Stella habang
tinitignan isa-isa ang mga babaeng co-teachers nya

"Sana ako nalang yung napangasawa ni Sir Zach..." nag-daydream agad si Maam Rina
at inisip na sana nga sya ang napangasawa ni Josef

"Ssshh! Ano ba!" mahinang pang-aawat sa kanila ni Maam Carmel

"Asus," kanya-kanya silang tulak sa balikat ni Maam Carmel "Aminin mo, Maam
Carmel.. Ang sexy ni Sir Zach,"

"Yung abs!"
"Yung muscle!"

"Superman talaga!"

"Uhm! Uhm! Agree? Agree?" itinuro nila ang mukha ni Maam Carmel para paaminin

"Ano ba, may asawa na si Sir Zach. Wag na kayong mangarap dyan." sabi ni Maam
Carmel

"Sus, kunyari ka pa.. aamin ka lang naman eh," sabi ni Maam Heidi sabay tingin sa
mga kasama nyang nag-agree naman

Binigyan sila ng warning look ni Maam Carmel kaya napatigil sila.

Pagkatapos ng kiligan portion ng mga babaeng teachers, naupo na sila pare-pareho


dahil alangan namang tumayo sila doon maghapon.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba na rin si Josef at nakapagbihis na ng pambahay


na white t-shirt at black shorts

Nakangiti sila habang sinundan nila ng tingin si Josef habang paupo ito sa isang
ottoman

"Uhm, pasensya na ha.. Sira kasi yung shower namin sa kwarto kaya dito ko sa baba
naligo," itinuro nya ang pinto ng bathroom na katabi ng kusina

"Kami nga Sir ang dapat mag-sorry eh, pumasok kami ng walang paalam." sabi ni Maam
Carmel

"Sorry, Sir.." sabi ng mga babaeng teachers with matching paipit pa ng hair sa
likod ng tenga
"Ah, hindi, ok lang." sabi ni Josef "Bukas ba yung gate nung pumasok kayo?"

"Bumukas nung magd-doorbell palang kami..." sagot ni Maam Stella na dapat ay mag-
do-doorbell kanina

"Ah, bumubukas talaga yun kapag may bisita kami..." nakangiting sagot ni Josef

"Aahhh..." kanya-kanya naman silang tango sa sinabi ni Josef "Sosyal"

"O, bakit nga pala kayo nadaan dito?" tanong ni Josef

"Ah! Aayain ka sana naming mag-practice ng presentation sa clubhouse nitong


subdivision. Nasa east entrance lang kaya hindi malayo dito sa bahay nyo." sabi ni
Mr Kenta

"Ah, ganun ba..." napaisip sya bigla sa alok nila "Teka, pano ba 'to?"

"Josef,"

Sabay-sabay silang napalingon sa may bandang kusina

"Josef, nasaan nga pala si--" napahinto si Armida nang makita na may mga tao sa
sala

"Oww..." lahat sila napako ang tingin kay Armida habang papalapit ito sa pwesto
nila

Mabuti nalang at maluwang na black longsleeve shirt at tokong ang suot nya. Hindi
kita ang mga sugat nya sa katawan.
"Hindi mo sinabi, may bisita ka pala" sabi ni Armida kay Josef

"Hello, Mrs. Zach." bati nila kay Armida

Walang sinagot si Armida sa halip ay isa-isa nyang tinignan ang co-teachers ni


Josef.

Kanya-kanya namang tabig sa braso ang mga teachers ng Diaresis bilang signal.
Natarayan yata kay Armida.

Sabi kasi ni Josef, mayaman ang napangasawa nya. Kaya siguro masungit, kasi nga,
mayaman.

"Co-teachers ko," sabi ni Josef

"Ok.." umupo si Armida sa isang ottoman at nag-cross legs at cross arms habang
pokerface na tinitignan ang mga co-teachers ng asawa nya "Dumadalaw lang ba kayo o
may kelangan kayo sa asawa ko,"

Isang 'yeah right' facial expression ang makikita sa mukha ni Josef

"Aayain sana namin sya sa clubhouse nitong subdivision para makapag-practice ng


presentation namin para sa friday," sabi ni Maam Carmel

"Talaga.." simpleng sagot ni Armida. Tinignan nya si Josef "Bakit hindi ka sumama
sa kanila? Practice nyo pala eh.."

At dahil pansin ni Maam Carmel na kahapon pang balisa si Josef, mukhang


naiintindihan nya kung bakit ganun ang trato ng dalawa sa isa't isa.
"Hindi kita pwedeng iwan dito mag-isa, buti sana kung nandito sa Laby." sabi ni
Josef

Nginitian nya si Josef dahil sa sinabi nito. Mukhang wala ngang balak si Josef na
iwanan sya mag-isa sa bahay.

Tumayo na sya at tinignan ang mga co-teachers ni Josef "Wag nyo na kong tawaging
Mrs. Zach, Armida nalang. Feel at home," nginitian nya ng matamis ang mga bisita
at pumunta sa kitchen para ipaghanda ng juice ang mga bisita ng asawa nya

"Tss.." napailing nalang si Josef sa kilos ni Armida

"Mukha namang mabait yung asawa mo, Sir Zach," sabi ni Maam Heidi

"Medyo mataray lang ng konti pero mabait naman pala," dagdag ni Maam Stella

"Sabi mo hindi maganda ang asawa mo, ano nalang ang mukha ko kung ganun pala ang
hindi maganda sayo?" medyo inis na sinabi ni Maam Rina

"Matangkad yung asawa mo ah, mukha palang, mayaman na," sabi ni Mr. Kenta

Tumango nalang si Josef sa mga sinabi nila. Anong masasabi nya? Wala.

Mahirap nang magsalita.

"Hindi ba sya galit kasi pumunta kami dito nang walang pasabi? Mukhang napipilitan
lang eh.." nag-aalangang tanong ni Mr. Kenta
"Hindi, ok lang sa kanya ang pagpunta nyo. Lahat naman wine-welcome nya eh,"

"Oh..." tumango nalang sila dahil hindi na nila alam kung anong susunod na
sasabihin

"Pasensya na ha," napakamot nalang ng batok si Josef "kasi hindi ko kasi sya
pwedeng iwan mag-isa dito. Baka kasi kung anong problema na naman ang dalhin dito
sa bahay.." sabi ni Josef

"Nagdadala ng ibang lalaki ang asawa mo dito sa bahay nyo??" gulat na tanong ni
Maam Rina

"Hwoy!"

"Ssshh!"

"Ano ka ba naman, Maam!"

"Watch your words!"

"Pasensya na Sir Zach ah, wild lang talaga yang imagination ni Maam Rina," pagso-
sorry ni Maam Carmel

Si Josef naman nagulat din at hindi alam ang ire-react.

Mao-offend ba sya?

Totoo naman kahit paano ang sinabi ni Maam Rina. Nagdala ng ibang lalaki ang asawa
nya. At hindi lang basta-bastang mga lalaki. Mga delikadong lalaking na may
matataas na kalibre ng mga baril at gusto silang patayin ang pinapupunta ng asawa
nya.
"Anyway, about sa practice... Ayokong iwan ang--"

"Sinong gusto ng juice?" inilapag na ni Armida ang dala nyang tray na may mga baso
ng juice sa coffee table

Umupo na sya sa inupuang ottoman at nakangiting tinignan ang mga bisita ng asawa
nya

"Practice nyo, Josef. Dapat sumama ka." sabi ni Armida habang tinitignan ang mga
bisita ng asawa nya

"Tapos anong gagawin mo dito ha?" masungit na tanong ni Josef

"I dunno.. Sleep? Magi-internet? Magbabasa ng books?" naka-smile nyang sagot

"Yeah, right.." pokerface na sinabi ni Josef sa kanya

"Or... Malawak ang garden.." sabi ni Armida sabay grin

"At anong gagawin mo sa garden?"

"Anong ako? Baka kayo.. Malawak ang garden, kung ayaw mong umalis, bakit hindi kayo
mag-practice sa garden ng mga bisita mo. May cd player dyan sa cabinet,"

Tinignan nila ang isa't isa at mukhang magandang idea ang naisip ni Armida. Hindi
pa sila magbabayad sa clubhouse para makigamit ng kuryente. Malawak ang garden nila
Josef at mukhang makakagalaw naman sila ng maayos kapag doon sila nag-practice.

"Why not?"
"Magandang idea yan,"

"Sure kang pwede ha?"

"Welcome kayong gawin ang kahit anong gusto nyo sa bahay na 'to," masayang sinabi
ni Armida

Hindi naman kasi sa kanila yung bahay kaya ok lang :)

"Armida, mag-usap nga muna tayo.." tumayo si Josef at naglakad papuntang kusina

Nginitian ni Armida ang mga co-teachers ni Josef at saka nya sinundan ang asawa nya
sa kusina

Sa kusina...

"Ano na namang binabalak mo ha?" mahina at may pagdududang tanong ni Josef

"Wala. Mahiya ka naman sa mga bisita mo, nag-effort pa silang pumunta dito para
lang makapag-practice kayo tapos hihindi ka lang. Ngayon, binibigyan ko kayo ng
chance para makapag-practice tapos paghihinalaan mo lang ako." nagpameywang si
Armida at inis na tumingin sa gilid nya para iiwas ang tingin kay Josef "Sanay na
kong pinagdududahan kaya naiintindihan ko kung bakit ganyan ka mag-isip ngayon."

"Armida, pwede ba--"

"No, Josef. Wag kang selfish."


Nilabanan sya ng tingin ni Josef. Nag-aabang kung bibigay sya

Ang kaso,

Nauna nang sumuko si Josef. Matigas ang ulo ni Armida. Makakaisip na naman ito ng
ipanglalaban sa kanya.

At magandang idea na rin ang suggestion nito. Hindi na sya aalis, makakapag-
practice pa sila ng co-teachers nya.

Napailing nalang sya at tumalikod, "Bahala ka sa buhay mo, siguraduhin mo lang na


wala ka na namang gagawing kabalbalan habang nandito ang mga co-teachers ko.."

Imbes na magalit, napangiti nalang si Armida.


Kung mapapansin nyo, madaming error.. Sa signal yan. Pasensya na.

..................

Nasa garden ang lahat para sa practice ng presentation.

Nakaupo naman si Armida sa bagong upuan ng garden dahil ang sabi ni Josef, wag
syang aakyat sa kwarto dahil baka kung anong kalokohan na naman ang gawin. Mamaya
tumawag na naman sya sa kung sinong Poncio Pilato at sugurin na naman ang bahay
nila.

Nasa garden table ang cd player at sya ang nag-ooperate. Nakadikit ang table at ang
inuupuan nya sa pader ng bahay, sa ilalim ng bintana para i-connect ang saksakan ng
player sa may plug sa sala.

Nasa harap nya ang mga magpa-practice kaya makikita nya ang presentation ng mga
teachers sa kabilang school hehehe.
"Game," i-plinay na ni Armida ang tugtog

"I don't want a lot for christmas,"

Hawak ni Josef ang left hand ni Maam Carmel habang nakadipa sya at dancer pose

Tinignan naman ni Armida si Maam Carmel at pasimple nya itong hinaguran ng tingin

"..there is just one thing I need.."

Umikot sya para papasok sa bisig ni Josef. Kinuha nya ang left hand ni Josef at
saka nya ito inangat.

Armida: kelangan bang emote na emote sa practice?

"I don't care about the presents underneath the christmas tree..."

Slomo na bumababa ang kamay nila ni Maam Carmel. At saka binuhat ni Josef si Maam
Carmel habang hawak ito sa beywang.

Naamin agad ni Armida sa sarili nya na maganda si Maam Carmel at ideal woman
talaga. Mabait, mahinhin tapos maganda pa. At matalino dahil teacher. May pinag-
aralan.

At kung naging lalaki sya, malamang na gaya ni Maam Carmel ang gugustuhin nyang
makasama habambuhay. Yung mga katulad ni Maam Carmel yung karapat-dapat luhuran at
iharap sa dambana.

"I just want you for my own, more than you could ever known.."
Ipinaikot ni Josef si Maam Carmel

"Make my wish come true..."

Hinatak uli sya ni Josef para paikutin paloob

"..all i want for christmas..."

Iniliyad ni Josef si Maam Carmel. Para silang nasa romantic movie na kaabang-abang
ang huling kissing scene

"..is you..."

Habang tinitignan nya si Jisef at Maam Carmel, bigla syang nakaramdam ng weird
feeling at inisip na bagay silang dalawa. Ang perfect tignan.

Itinayo agad ni Josef si Maam Carmel at saka ito ulit pinaikot palabas since high
pace na ang susunod na part

"I dont want a lot for christmas, there is just one thing I need.."

Mabilis na kinuha ni Josef ang kamay ni Maam Carmel

"I dont care about the present underneath the christmas tree, I just want you for
my own, more than you could ever known.. Make my wish come true, baby, all I want
for christmas is you.."

Iniliyad ulit ni Josef si Maam Carmel pero mabilis lang at saka nya itinayo sabay
bitaw.
Masaya ang tugtog pero ang mukha ni Armida, super serious na pokerface. Balisang
hindi mawari.

Maya-maya biglang tumugtog ang gentleman.

Tinignan ni Josef ang mukha ni Armida dahil mukhang balisa ito habang pinapanood
sila. Kitang kita na malalim ang tumatakbo sa isipan nito. Hindi rin nagtagal ay
nagtama din ang paningin nila habang sumasayaw sya.

Iniiwas ni Armida ang tingin nya at tumayo na. Hindi na nya kaya ang nakikita.
Hindi na nya kayang magtiis.

Hindi na nya kayang pigilan ang damdaming gusto nang kumawala sa kanyang dibdib.
Nahihirapan na syang huminga dahil sa nararamdaman.

Hindi na nya talaga kaya ang napapanood kaya mabuti nang umalis na sya doon.

Dali-dali syang naglakad at walang emosyong pumasok sa loob ng bahay.

Napahinto tuloy si Josef sa pagsasayaw at nag-alala kung bakit ganun ang ikinilos
ni Armida.

Alam nitong galit sya at nung isang gabi pa nya ito hindi kinakausap ng matino.
Kahit hindi sabihin ni Armida, alam nyang may nagpapagulo na naman sa isipan nito.

Naalala nya kapag nagkakaganon ang asawa. Mamaya, magka-breakdown na naman at mauwi
sila sa madibdibang iyakan. Mas nahihirapan pa sya kapag nakikita ang asawa nyang
nahihirapan at hindi alam ang gagawin.

Kelangan nyang kausapin si Armida, baka nagtatampo na naman.


Hahakbang na sana sya para sundan ang asawa dahil nag-aalala na sya ng sobra kaso
biglang...

"HAHAHAHAHAHA!!!"

Isang malakas na tawa ang pare-pareho nilang narinig mula sa loob ng bahay.

Nawala ang pag-aalala ni Josef at napanganga nalang dahil base palang sa naririnig
nyang tawa, alam nyang nakakita na naman ng mapagtatawanan ang asawa nya.

Tinignan ng mga teachers si Josef para alamin kung anong problema ng asawa nito
dahil kahit sila nakita na balisa si Armida bago ito pumasok sa loob ng bahay.

"Sandali lang ha. Kakausapin ko muna yung asawa ko," sabi ni Josef. Tipid na ngiti
ang binigay nya sa mga co-teachers nya at dali-daling pumasok sa loob ng bahay

Sa loob ng bahay...

Naabutan ni Josef ang asawa nyang namimilipit kakatawa sa may sofa bed.

"Ano na namang baliw ang sumanib sayo ha?" sarcastic na tanong ni Josef sa asawa
nyang nababaliw na naman
"Haha... hahaha..." halos manghina kakatawa si Armida "Ser-ser-seryoso ka dun sa-
dun sa-- hehehehe... dun sa gentlem--pffft. hahaha!!!" iiling-iling pa si Armida
para sabihing ayaw na nyang tumawa dahil masakit na ang tyan nya kaso ayaw pa ring
maubos ng tawa nya "Ansakit na ng tyan ko! Hahahaha!!!"

Napapikit nalang si Josef at nahawak sa bridge ng ilong nya

Sabi na nga ba, nakakita na naman ng pagtatawanan ang asawa nya. Nag-alala pa naman
sya, akala nya kung ano nang problema.

"Sige, tawa pa.. Ikinatuwa mo yan eh.." inis na sinabi ni Josef

"Hehehe.. Sige na nga, hindi na 'ko-- pfft!" kumuha nalang ng throw pillow si
Armida at isinubsob doon ang mukha nya para itago ang tawa nya

"Ugh!" napa-eyeroll nalang si Josef at umiling nalang dahil wala na talagang pag-
asa ang asawa nya "Wag ka nang lalabas sa garden ha, kapag nakita kita doon yari
ka sakin" banta nya kay Armida

Lumabas ulit si Josef sa may garden para balikan ang mga co-teachers nya.

"Sir Zach, anong problema ng asawa mo?" tanong ni Maam Rina

"Utak nya, yun ang problema.." mahinang sinabi ni Josef "Hayaan nyo na sya, ganun
lang talaga yun, may sariling mundo"

. . . . . . . .
At dahil sinabihan ni Josef si Armida na wag nang lumabas, naisipan nalang ni
Armida na magluto ng tanghalian since busy si Josef sa pagsasayaw kasama ng mga co-
teachers nito.

Marunong ba syang magluto ng lunch? HINDI.

Pero marunong ba syang magluto? May chance.

Nasa harap na naman sya ng tablet nya at pinapanood ang preparation ng kilala nyang
ulam. Menudo at adobo.

Yung adobo, nakita na nyang lutuin ni Josef. Pero yung menudo,

Nananatili pa ring kahiwagaan sa kanyang inosenteng isipan.

"Aaahh, ok.." tatango-tango pa sya habang nakikita kung paano lutuin ang menudo

Pagkatapos nyang mapanood ang video. Naghanda na agad sya ng mga gagamitin at
ingredients. Binilisan na nya ang paghahanda dahil maya-maya lang, tapos nang mag-
practice yung asawa nya at ang mga bisita nito.

. . . . . . .

Natapos na rin sa paunang practice ang mga teachers kaya pinagpahinga muna sila ni
Josef sa sala.
Pumunta ng kusina si Josef para bigyan ng tubig ang mga co-teachers nya.

"Ano na namang--" nilapitan nya agad si Armida at chineck ang kung ano man ang
niluluto nitong kakaiba

"Teka... Ano 'to?" itinuro nya yung adobo

"Adobo!" masayang sagot ni Armida

Napakunot agad ang noo ni Josef dahil nagmukhang itim na nilaga ang adobo ni
Armida. Matigas pa yung patatas at hindi pa luto yung karne. Sinilip nya ang stove.
Nakapatay na. Meaning luto na (daw)

"At ito?" itinuro nya ang menudo

"Menudo!"

"Ito? Menudo 'to?! Kelan pa?" gulat na tanong ni Josef dahil nagmukhang pulang
sinigang ang menudo ni Armida. At base sa itsura ng luto nito, mukhang nilagyan ang
kaserola ng isang pitsel na tubig, isang pakete ng sauce at inihulog nalang ang iba
pang ingredients at hindi na ginisa. Tapos hinalo-halo nalang habang nakasalang sa
apoy. Memas at Pacham lang ang peg.

Kitang kita sa mukha nya kung gaano ka-miserableng cook ang asawa nya. Naisip nya
na mabuti nalang at hindi nasunog ang kusina at walang sumabog na tanke ng gas.

"Armida, never do this again ha," pi-nat nya ang ulo ni Armida at hinawakan nya sa
balikat para ilayo sa stove "Matanda ka na para maglaro ng lutu-lutuan,"

Kelan nga ba naging mabait si Josef? Teka, isipin ko...


"Kumuha ka nalang ng tubig tapos bigyan mo yung mga bisita," utos nya kay Armida

"Masarap kaya yan!" pagpipilit ni Armida

"Talaga? Tinikman mo?" sarcastic na tanong sa kanya ni Josef

Nag-pout nalang si Armida dahil hindi nya tinikman ang niluto nya "I tried naman
diba..."

"Ang arte mo, kumuha ka nalang ng tubig, bilis na, nauuhaw na yung mga tao sa
sala.."

"Hmmp!" Umirap nalang si Armida at sinunod ang utos ni Josef.

. . . . . . .

Dinalhan na ni Armida ng tubig ang mga bisita ni Josef sa sala.

"Psh, palibhasa marunong magluto.. Sya kaya sunugin ko ng buhay," bubulong-bulong


pa syang parang bubuyog kaya na-bother ang mga co-teachers ni Josef sa kanya "Ito
na ang tubig nyo,"

Inilapag na nya ang tray na may pitsel at mga baso. Umupo na rin sya sa may ottoman
at nakasimangot habang tinitignan ang pitsel.

Lahat naman sila pasulyap-sulyap sa kanya habang nagsasalin ng tubig sa baso

"Siguro, pwede na kaming umalis. Baka kasi--" -Maam Carmel


"No," hindi na pinatapos pa ni Armida ang sinasabi ni Maam Carmel at umiling sya
agad para sabihing hindi nila kailangang umalis "Hindi pa yata kayo tapos sa
practice nyo. Sayang naman yung time,"

"Ah, ok.." napatango nalang sila at inilayo agad ang tingin kay Armida

"Uh, Armida, 'no?" sabi ni Maam Rina

"Yes?" -Armida

"Uh, may problema ba kayo ni Sir Zach?" siniko sya agad ng ibang teachers para
sabihing nagiging personal na sya

"Problema?" napaisip naman si Armida kung anong problema nila ni Josef "Lagi
naman kaming may problema, hindi na bago yung nangyayari ngayon"

"Ahh.." tumango nalang si Maam Rina sa sinagot nya "Kasi, pansin namin, kahapon
pa balisa si Sir Zach.. Yung totoo," lumapit pa sya para bulungan si Armida "may
ibang lalaki ka ba?"

"Hoyp--"

"Ssshhh!"

"Tsismosa ka talaga!"

"Ang bibig! Ang bibig!"

"Ano ba! Bakit ba! Kung hindi naman totoo, bakit sya magi-guilty! Tama naman ako
diba?" tanong pa nya kay Armida
Natawa nalang ng mahina si Armida sa sinabi ni Maam Rina. Hindi nya alam na ganun
pala ang nagiging dating sa iba ng simpleng away nila ni Josef.

"Matanong nga lang kita, Maam--?"

"Rina,"

"Yes, Maam Rina.. Kung katulad ng asawa ko ang asawa mo, manlalalaki ka pa ba?"
nangingiti nyang tanong

Natigilan silang lahat sa tanong ni Armida.

Napasandal sila pare-pareho sa inuupuan at biglang naging behave.

Ayun na ang sagot eh. Kahit sila ang tanungin ng ganun, isa lang ang isasagot nila.
Lalo pang nagpatunay ng sagot eh yung mga pinagsasabi ni Josef tungkol sa asawa
nito, ang pagiging Superman daw nya, tapos ang pagiging dream man nya at ang
naabutan nilang ayos ni Josef kanina nung pumasok sila sa bahay.

Kung ganung klaseng lalaki ang asawa mo, manlalalaki ka pa ba?

Type your answer here:_______

"Uhm, mabait ba sa inyo si Josef?" tanong ni Armida sa kanila

"Josef??" sabay-sabay pa nilang tanong

"Josef is my husband's second name.."


"Oh.." tumango nalang sila. Ang awkward ng status nila ngayon "Uh, yes." sagot
nila sabay iwas ng tingin

"Ganun ba.. Kaya pala.. Pustahan tayo, lahat kayo may crush sa kanya.." sabi nya
sa mga babaeng teachers

"Ha??" napatingin sila kay Armida dahil sa gulat

"O, namula kayo pare-pareho, guilty ba? hehehe..."

Iniwas agad nila ang tingin kay Armida at nagtakip nalang ng pisngi.

Alam na.

"Don't worry, matagal na nyang issue yan kaya ko nasabi. Hindi naman na ko
magtataka kung totoo ngang may crush kayo sa kanya.. Alam ko history ng lalaking
yan kaya normal lang na--"

"Ano na naman yang pinagsasabi mo sa mga bisita ko ha?" tanong ni Josef habang
sinisilip sila mula sa kusina

"Wala! Sinasabi ko lang sa kanila kung gaano ka ka-gwapo! Tss.." sarcastic na


sagot ni Armida

Wala silang narinig na sagot kay Josef kaya ibinaling nila ang atensyon kay Armida

"Akala nyo mabait yun? Masama ang ugali nun. Masungit yung lalaking yun, isnabero
rin. Minsan tinotopak din yun.." para syang batang binubulungan ang mga bisita nya
"Saka seloso, matampuhin at iyakin pa.."

"Armida!" sigaw ni Josef sa kusina


Aba, malakas ang pandinig,

"Tss... Hayaan nyo yun, totoo naman eh.." tumawa nalang sya ng mahina at sinilip
si Josef kung nakikita pa ba sya

"Armida," tawag ni Maam Carmel sa kanya

"Mmm?"

"Mayaman ka ba talaga? Nabanggit kasi ni Sir Zach na mayaman ang asawa nya..."

"Ah, yun ba?" nag-isip pa sya ng isasagot "Yeah, I think so."

"So, ikaw yung provider sa inyong dalawa? Kasi mayaman ka, tapos teacher lang sya."

Umayos ng upo si Armida at nag-cross arms "What's you're point?"

Napagilid ng tingin si Maam Carmel. At inisip kung paano ba nya ide-deliver kay
Armida ang mga salita.

"Kasi... I noticed Sir Zach yesterday and," pinaling-paling nya sa gilid ang ulo,
gesture para sabihing 'you know' "I guess, your social status and his' is the
problem here..."

"Aww.." napatango nalang si Armida nang ma-gets ang pinupunto ni Maam Carmel
"Social status? Yun ba sa tingin nyo ang problema naming dalawa?"

"Uhmm--"
"Let me tell you this, Miss beautiful. Wag mong sasabihing 'teacher lang sya'.
Walang pinagkaiba kung teacher sya o CEO sya ng malaking kompanya. Saka teacher din
ako ngayon. Parehas lang kami. At kung inisip nyong malaki ang pagkakaiba ng status
namin sa buhay..." napahugot ng malalim na hininga si Armida "...wag lang nyang
subukang maglabas ng pera- I'm telling you, people- kahit sinong babae, papatay
makasama lang sya. Mas mayaman pa yan sakin, hindi lang sya marunong magyabang kaya
hindi obvious."

"Ibig sabihin--" Nagtinginan ang mga teachers para alamin kung pare-pareho ba sila
ng iniisip

"Mukha bang mahirap ang asawa ko para isipin nyong wala syang pera, hmm?"

. . . . .

Natapos nang magluto si Josef at nakahanda na rin ang mesa. Maga-ala una na nang
hapon at pare-pareho na silang nagugutom.

Yung epic fail na luto ni Armida, ginawan nalang ng paraan ni Josef since walang
lasa yung adobo at menudo. Mas madaling gawan nang paraan ang lutong walang lasa
kesa sa nasobrahan ng alat o kaya tamis.

Mabuti nalang at magaling si Kusina Master Josef :P

Kinuha nya ang isang folding table sa isang maliit na storage room sa kusina at
inayos yon. Nilagyan pa nya ng blue cloth para presentable tignan. Para may
makakainan naman ang iba dahil hindi ganun kalakihan ang mesa nila na sasapat lang
sa walong tao. Idinikit nya iyon sa kabilang dulo ng mesa para sama-sama pa rin
silang makakakain. Kumuha na rin sya ng ilang monoblock chair sa bodega para lahat
makaupo.

Tinawag na nya ang lahat sa kusina para kumain.


"Wow.." nilibot nila ng tingin ang kusina at kasunod ay ang mga nakahain sa mesa

"Asan na yung niluto ko kanina?" tanong agad ni Armida

"Ayan na.." itinuro ni Josef ang nakahain sa mesa

Tinignang maigi ni Armida ang nakahain sa mesa "Hindi naman yan yung--" tinignan
nya ng masama si Josef

Binigyan lang sya ni Josef ng 'Ano? May angal ka?' look.

Kanya-kanya nang upo ang mga teachers. Si Armida, napunta sa kabilang dulo sa may
original na table samantalang si Josef dun sa kabilang dulo, sa may folding table.

Nag-lead ng prayer si Maam Carmel at pagkatapos nagpakiramdaman pa muna sila at


tinignan kung sino ang unang gagawa ng aksyon.

"I'm hungry, magtititigan lang ba tayo dito?" tanong ni Armida

Nauna nang kumuha ng pagkain si Josef kaya sumunod na rin ang iba.

Tinitignan ni Armida ang kilos ni Josef. Si Josef naman binabantayan ang kilos ni
Armida.

Nagsimula nang kumain ang lahat nang makakuha na ng kani-kanilang pagkain.


"Wow, ang sarap.."

Nag-agree naman silang lahat dahil masarap nga ang pagkakaluto.

"Ang lambot ng karne 'no,"

Paanong hindi lalambot eh twice niluto.

"Melt in your mouth yung patatas saka yung carrots.."

Kung alam lang nila kung paano yon niluto ni Armida kanina

"Ang galing mo talagang magluto, Sir Zach" sabi ni Maam Carmel

"Asawa ko ang nagluto ng lunch natin ngayon. Nag-ayos lang ako ng mesa at naghanda
ng kakainan" sabi ni Josef habang nakatingin sa kinakain nya

Tinignan sya ng lahat sabay lipat ng tingin kay Armida na nagulat din sa sinabi
nya.

Ang kwento kasi nya, hindi nagluluto si Armida kaya shocking na malamang ang asawa
nya ang nagluto at hindi sya.

Napangiti nalang si Armida at kinagat ang labi nya. Napayuko nalang sya at tinulak-
tulak nya ng tinidor ang karne sa plato nya habang dinadama ang sinabi ni Josef.

Palakpak-tenga sya syempre kasi kahit na epic fail ang luto nya at full of sarcasm
pa syang pinaalis ni Josef sa kusina, cri-nedit pa rin nito ang pagluluto sa
pangalan nya.

Lalo pa, alam nyang galit pa rin si Josef sa kanya hanggang ngayon.
Tinignan naman ni Josef ang reaksyon ng asawa nya. Napangiti nalang din sya sa
kinikilos ni Armida
Nakakainis yung net! Wagas maka-ud! Tatlo-tatlo!

------------------------------

Bumalik na rin sila sa garden para sa last practice nila sa araw na yon. Dalawang
sayaw nalang at uwian na.

Si Armida na naman ang operator sa player. At kahit ayaw syang papanoorin ni Josef
sa practice nila, nakapanood pa rin sya dahil nakakuha sya ng simpatya sa co-
teachers ni Josef.

Nakatukod ang siko nya sa table at kagat-kagat ang kuko ng thumb nya habang
pinapanood na naman ang asawa nyang may sinasayaw na ibang babae.

Hindi nya alam kung bakit pero ang perfect talaga tignan ni Josef at ni Maam
Carmel. Lalo pa dahil pansin nyang ang hinhin at parang walang bahid ng pag-iimbot
si Maam Carmel.

Malayong malayo sa kanya na babaliw-baliw at delikadong tao.

"...All I want for christmas is you..."

At kahit na nakakaramdam sya ng lungkot dahil sa nakikita, hindi pa rin nya


maiwasang mapangiti nang biglang magbago ang kanta.

Binigyan sya ng warning look ni Josef dahil mukhang hihirit na naman sya ng
malutong na tawa.

Kinagat nalang nya ang labi para pigilan ang tawa.


"...I-i-i am a, I-i-i am a, I-i-i am a, mother father gentleman..."

Actually, ang hot tignan ni Josef kapag sumasayaw ng gentleman. At wala namang
problema kung sasayaw sya ng ganun.

Ang kaso nga lang, alam ni Armida ang history ni Josef at ang katayuan nito sa
buhay kaya hindi nya maiwasang hindi matawa dahil napasayaw nila si Josef ng
gentleman.

Yung All I want for christmas, wala lang sa kanya kung makita nyang sayawin ni
Josef pero yung gentleman??

Laughtrip talaga to the max.

Pagkatapos nyang ubusin ang tawa sa isipan. Bigla na namang nagbago ang kanta.

"Oh. Come. On!" napatakip nalang ng bibig si Armida nang marinig ang beat

"...Teach me how to dougie, teach me, teach me how to dougie... Teach me how to
dougie, teach me, teach me how to dougie,"

Napa-eyeroll nalang si Josef at sumayaw sa pinaka-malamyang sayaw na magagawa nya.

"Energy, Josef!" nakangiti pa rin sya habang tinatakpan ng likod ng palad ang
bibig

"Tss," lalo lang nilamyahan ni Josef ang pagsayaw


"Hoy! Ang lamya! Ayusin mo!" utos nya

"Tumigil ka nga!"

"Hahahaha! Gwapo ka sana! Pikon ka lang!"

Sumimangot lang si Josef dahil pinagtitripan na naman sya ni Armida.

Yung mga co-teachers naman ni Josef, hindi ine-expect na ganun tratuhin ng mag-
asawa ang isa't isa.

Mga mayayaman daw eh kung makakilos tinalo pa yung mga taga-kanto. Saka mas bagay
silang tawaging mag-tropa kesa mag-asawa.

At dahil nang-aalaska na rin si Armida, sinagad-sagad na nya. Bago pa magsimula ang


huling practice ng mga taga-Diaeresis, kinuha nya agad ang phone nya para video-han
ang sayaw.

Nag-start na uli sila ang kaso na-conscious na

"Hoy ano yan?!" sita sa kanya ni Josef

"Ay, baka cellphone 'to, ano sa tingin mo?" pamimilosopo ni Armida

"Armida, tigilan mo yan,"

"A-yaw. hehehe" ngingisi-ngisi pa sya habang vini-videohan ang practice

Huminto sa pagsasayaw si Josef sa nilapitan si Armida para kunin ang phone "Akin
na!"
"Eh!! Bakit ba?!" inilayo agad ni Armida ang phone kay Josef

Inulit ni Josef ang music at saka sya umatras para bumalik na sa pwesto nya

Tinignan lang sya ng masama ni Armida dahil hindi man lang nya ito pinilit na
ibigay ang phone.

Tinignan ni Armida ang hawak nya "O!! Anong--" gulat nyang tinignan si Josef

Nag-smirk lang si Josef sa kanya at pinagpatuloy na ang pagsasayaw nito

"Josef!" palipat-lipat ang tingin nya sa hawak na coaster at sa mukha ng asawa nya

Pasensya sya, magaling na magnanakaw ang asawa nya.

Padabog syang umupo sa inuupuan at nakasimangot na tinitignan si Josef.

Nagbago na naman ang kanta.

Naka-smirk si Josef habang sumasayaw ng gentleman. Hawak ng right hand nya ang baba
habang naka-evil grin kay Armida. Pagkataas nya ng magkabilang kamay, nagulat
nalang si Armida dahil hawak nya ang phone sa right hand nya.

"T-teka--" tatayuin na sana sya ni Armida kaso ibinalik nya sa baba ang kamay at
ang hawak na phone ay nawala na naman

"Tss.." nangalumbaba nalang si Armida dahil hinihiritan na naman sya ng hand trick
ni Josef. At hindi na nya makukuha ang phone nya, unless kusang loob yong ibibigay
ng asawa nya

Natapos ang practice na napunta kay Josef ang huling halakhak. Literally and
figuratively.
Nagpahinga sandali ang mga teachers at pagkatapos ay napagdesisyunang umalis na
since tapos na ang practice.

"Hatid na namin kayo," alok ni Armida sa mga co-teachers ng asawa nya

"Ay, hindi, wag na.. Makaka-abala pa kami," pagtanggi ni Mr. Kenta

"No! It's alright. Not a big deal,"

At dahil sa pagpipilit ni Armida, wala na rin silang nagawa kundi ang pumayag.

Sabay-sabay na silang lumabas ng gate para ihatid ang mga teachers palabas ng
subdivision.

"Mas malapit yung kabilang entrance dito, dito nalang tayo dumaan," suggestion ni
Maam Stella habang tinuturo ang kabilang direksyon

"Ganun ba yun? Sige, dun nalang.." sabi ni Armida at sabay-sabay na silang


naglakad

Nasa likuran sila Josef at Armida ng mga teachers.

"Psst, phone ko!" malakas na bulong ni Armida sa asawa nya

"O," itinaas ni Josef ang phone

Kukunin na sana ni Armida ang phone nya nang bigla itong maglaho sa kamay ni Josef
"Eh??"

"Ang tigas ng ulo mo," straight-faced na sinabi ni Josef habang nakatingin sa


dinadaanan nila

"Akin-na-phone-ko!" pinalo-palo pa nya ang braso ni Josef para makuha ang


hinihingi nya

"Sinong may sabing kumuha ka ng video ha?" pokerface pa rin si Josef habang
nakatingin ng diretso sa dinadaanan

"Remembrance lang naman ah!"

"Remembrance? Sinong niloko mo? Ang sabihin mo, pang-asar yung ginagawa mo,"

"Remembrance nga lang yun eh!"

Tinulak agad ni Josef ang noo ni Armida dahil ipagpipilitan pa rin yung
remembrance-remembrance nya

"Ano ba??" inis na pinalo ni Armida ang braso ni Josef

"Wala ka talagang magawang magaling, tsk tsk tsk" napailing nalang si Josef dahil
sa asawa nya

"Pwede ba, ibigay mo na yung phone ko," mataray na sinabi ni Armida

"Mamaya pag-uwi,"

"Josef!"
Dahil sa pagtatalo nilang dalawa, hindi naiwasan ng co-teachers ni Josef na
lingunin sila.

"Hehehe, wag nyo kaming pansinin..." nginitian lang sila ni Josef at saka
inakbayan si Armida

Tumango nalang ang mga co-teachers nya at ibinalik ang tingin sa daan.

"Akin na ang phone ko!" mahinang sinabi ni Armida habang hinahatak ang tenga ni
Josef

"A-a-ano ba!" tinabig agad nya ang kamay ni Armida na pumipingot sa kanya
"Ikaw--!" dinuro nya ang asawa para pagbantaan

"Phone. Ko." nilabanan naman sya ng titig ni Armida

Tinaasan lang sya ng kilay ni Josef. Desidido talaga syang makuha ang phone nya.

"Phoooone." binigyan nya si Josef ng 'ano na?' look

"Sir Zach, Armida,"

Napahinto ang dalawa sa pagtatalo at napatingin sa mga teachers.

"Dito na kami," sabi ni Maam Heidi habang tinuturo ang gate

Ni hindi man lang nila napansin na nasa kabilang entrance na pala sila dahil sa
pagtatalo.
"Ah, sige..." tumango nalang si Josef at nginitian ang mga co-teachers nya

"Bye! Nice to meet you all!" masayang pagpapaalam ni Armida with matching goodbye
hand wave pa

"Bye.." nagpaalam na rin sila sa mag-asawa at nagtuloy-tuloy palabas ng gate ng


subdivision

Tinignan ni Josef ang asawa nya "O, ano na ngayon?"

"Akin na phone ko,"

Consistent talaga si Armida.

"Tss.." napailing nalang si Josef at nauna nang naglakad pabalik

"Hoy! Phone ko!" sigaw ni Armida sa kanya

"Nasa bulsa mo!"

"Bulsa?" kinapa agad ni Armida lahat ng bulsa ng damit nya. Nakuha nya ang phone
sa back pocket ng tokong nya

Hinabol nya agad si Josef para tanungin "Kelan mo nilagay 'to sa bulsa ko?"

"Kanina pa, nung sinubukan mong abutin sa kamay ko.."


Tumaas lang ang kilay ni Armida dahil hindi man lang nya napansin na nilagay ni
Josef ang phone sa bulsa nya. Fitted pa naman yung tokong sa kanya kaya dapat
naramdaman nya yun.

"Ay, may naisip ako.. Kaya mo ba kong nakawan? Ngayon na? Ang weird mo kasi kumilos
eh. Baka dinadaan mo lang ako sa misdirection mo kaya--"

Napaatras si Armida nang bigla syang hinarap ni Josef at yumuko ito para ipantay
ang mukha sa mukha nya

"Duda ka talaga sakin?" sabi ni Josef

"Hindi naman sa ganun... Alam kong magaling kang magnanakaw pero matagal ka nang
retired diba? Saka gusto ko lang mahuli kung pano ka kumikilos.. Baka may--" hindi
na naituloy ni Armida ang sinasabi nang itutok ni Josef sa mukha nya ang hawak nito
"Shit!" hinalbot nya agad ang hawak ni Josef at itinago sa loob ng damit nya

Tumayo na nang diretso si Josef at nauna nang naglakad.

"Siraulo ka talaga!" sigaw ni Armida

" 'Tagal na!"

Takang-taka habang sinisilip ni Armida ang loob ng damit nya. Tinignan nya ang
paligid. Buti at walang tao at malayo ang susunod na bahay. Walang nakakita ng
nangyari.

Sa dinami-rami ba naman kasi ng nanakawin sa kanya ni Josef sa oras na yun, yung


bra pa nya.

Tsk, tsk, tsk. Duda pa kasi eh.


Yung title, para po yan sa author.

----------------------------------
"Pati ba naman 'tong panahon, baliw na rin?" tinatamad na sinabi ni Josef habang
nakapangalumbaba

Paano ba naman kasi, maganda naman ang sikat ng araw pero umuulan nang malakas.
Wala tuloy silang magawa kundi sumilong sa may clubhouse. Nakaupo sya sa may stage
at pinapanood ang malawak na damuhan ng subdivision habang hinihintay ang asawa nya
na nakibihis muna sa CR ng clubhouse.

"Ano na?" umupo si Armida sa tabi ni Josef at ginaya ang ayos nito

"Saan kaya galing yang ulan?" tanong ni Josef

"Baka sa lupa," sagot ni Armida "Aw!" nakatikim tuloy sya ng pitik sa gilid ng
ulo mula kay Josef

"Ang tino mo talaga kausap," sarcastic na sinabi ni Josef

"Tss.." tinignan ni Armida ang langit sa may gilid nya. Maitim yung ulap pero yung
sa may harapan, walang ulap "Maganda yung isang co-teacher mo, anong pangalan
nun?"

"Sino? Si Maam Carmel?" Tinignan sya agad ni Armida. Biglang na-down ang
expression nito dahil kahit sya aminado na maganda nga si Maam Carmel.

Ouch naman.

Napayuko nalang si Armida at kinutkot ang daliri nya. Kilala nya si Josef eh. Kapag
sinabi nitong maganda, maganda talaga. Wala nang duda yon.

"O, anong nangyari sayo?" tanong ni Josef sa kanya dahil napansin nito ang
pagbabago ng mood nya

"Mahinhin yun tapos maganda pa. Mabait din, tapos maganda yung smile. Naisip ko nga
na kung sakaling naging lalaki ako, pakakasalan ko yun.." malungkot na sinabi ni
Armida habang nakatungo at kinukutkot ang hintuturo nya

"Anong gusto mong palabasin?"

"Wala lang... Ang ganda nyong tignan kanina habang sumasayaw..."

Napataas ang magkabilang kilay ni Josef dahil sa sinabing yon ng asawa nya

"Ahh..." now he know

Iginilid nya ang tingin at naisipang pagtripan si Armida, pambawi sa pagtatawa nito
sa kanya kanina

"Ay, kawawang bata... Insecure..." pang-aasar nya sa asawa nyang nalulungkot


"Iyak ka nalang.."

Kumunot agad ang noo ni Armida at tinignan ng masama si Josef kasi malungkot na nga
sya, ganun pa ang sinasabi ni Josef sa kanya.

"Tsk, tsk, tsk..." umiling-iling pa si Josef at saka ibinaling ang tingin sa


damuhan "Alam mo, yung mga katulad ni Maam Carmel yung mga dream woman ko..."
itinaas pa nya ang kanang kamay para magbilang "Maganda, mabait, mahinhin, yung
hindi makikipag-away sakin, takot masaktan at mabalian kahit kuko lang nya,
understanding, maasikaso, matalino, mahaba ang pasensya, tapos yung proud kang
ipakilala sa parents mo..." tinignan nya ang asawa para malaman kung anong
reaksyon

Nakayuko pa rin at kinukutkot ang kuko

"In short, kabaliktaran ko..." malungkot na sinabi ni Armida


Isang winning grin ang namuo sa labi ni Josef dahil tinablan ang asawa nya.

Ansama talaga ng ugali.

"Exactly..." nakangiting sinabi ni Josef

"Pasensya ka, ako napangasawa mo." nag-self pity agad si Armida dahil sa mga
sinabi ni Josef "Anong magagawa ko, eh ganun ako. Marunong lang akong pumatay. At
mukhang hanggang doon lang ako. Kahit nga yung simpleng adobo, hindi ko pa kayang--
Oy!"

Hindi na nya natapos pa ang sinasabi kasi tinulak ng malakas ni Josef ang gilid ng
ulo nya

"Dinibdib mo naman..."

Si Josef naman, hindi ine-expect na didibdibin ng sobra-sobra ni Armida lahat ng


sinabi nya. Akala nya, maiinis ang asawa nya at sisigawan sya. Yung tipong 'Sige
sya na! Sya na asawahin mo!', mga ganun sabay hirit ng batok o kaya sampal.. Pero
kabaliktaran ng inaasahan nya.

"Tara na," Tumayo si Josef at pinagpag ang pwitan nya "Wala nang ulan o," nag-
inat-inat pa sya at sinulyapan ang asawa nyang iwas ang tingin sa kanya

Ngumiti nalang sya at bumaba ng stage. Tumayo sya sa harapan ni Armida.

"Tampo ka na nyan?" sarcastic nyang tanong. Hindi naman sya pinansin ni Armida
"Oy, uuwi na tayo.."

Hindi pa rin sya kinibo ng asawa


"Ayaw mong umuwi?"

No comment pa rin si Armida.

"Tsk tsk tsk.." napailing nalang si Josef at tumalikod. Kinuha nya ang magkabilang
kamay ni Armida at ipinaikot sa may leeg nya pagkatapos ay kinuha nya ang likod ng
tuhod nito para buhatin.

"Oy! Anong ginagawa mo?!" reklamo agad ni Armida

Ngayon, si Josef naman ang no comment.

Pasan-pasan nya si Armida paalis ng clubhouse. Hindi rin nya alam sa sarili nya
kung bakit pinasan nya ang asawa.

Wala lang. Pakiramdam nya, parang masaya lang.

"Wag mong intindihin yung nilagang adobo mo--" mahinahong sinabi ni Josef

"Anong nilagang adobo??"

"Uhh, basta yung niluto mo kanina, kung ano man ang tawag don.. Naiintindihan ko
naman at tanggap na tanggap ko na sa sarili ko na sa ating dalawa, ako lang ang may
talent sa pagluluto," sabi ni Josef sa pinakamayabang na paraang masasabi nya
habang tinatanaw ang malawak na damuhan ng subdivision

Tinulak agad ni Armida ang gilid ng ulo ng asawa nyang sobra na ang hangin sa ulo
"Yabang mo, nakakainis ka"

Natawa nalang ng mahina si Josef at napailing nalang. Natawa nalang din si Armida
at idinikit ang pisngi nya sa gilid ng ulo ni Josef.
Ngayon lang napansin ni Josef na malayo-layo rin pala ang nilakad nila kanina.
Mukha lang malapit kasi busy sila ng asawa nya sa pagkukulitan at pagtatalo about
sa phone.

"Josef,"

"Uhmm,"

"Ang ganda nung co-teacher mo,"

"Tss.." napa-eyeroll nalang si Josef at agad na sumimangot ng konti ang mukha


"Wag mo ngang pagselosan yung tao.. Masyado ka namang insecure,"

Si Armida naman, parang walang narinig "Alam mo, kung lalaki ako tapos nakilala ko
sya, magpo-propose agad ako sa kanya.."

Lalo lang ngumiwi ang mukha ni Josef dahil ayaw paawat ni Armida.

"May boyfriend ba yun? O kaya asawa?" tanong ni Armida

"Wala." bored na sinabi ni Josef

"Kung hindi mo ko napangasawa, may chance ba na ligawan mo sya?"

"Siguro."

"Kung makikipaghiwalay ako sayo ngayon, liligawan mo sya?"


Lalo lang nakakaramdam ng inis si Josef sa mga pinagsasabi ng asawa nya "Sa dami
ng isinuko ko para sayo, sa tingin mo makikipaghiwalay ako? Huh! Asa ka!"
sarcastic na sinabi ni Josef

"Pero, sabi mo kanina, mga katulad nya yung gusto mong--"

"Pinagtitripan lang kita, kinagat mo naman. Tss.."

Inilayo agad ni Armida ang pisngi nya kay Josef at tinignan ito ng masama "Ano??"

"Ang totoong dream woman ko eh yung mga katulad ni Cas.. Ganun kasi yung tipo ng
babaeng masarap ipagmayabang sa lahat." seryosong sinabi ni Josef habang
nakatingin ng diretso sa daan

"WHAT??" tinampal ng mahina ni Armida ang noo ni Josef "Ugali mo talaga ansama!"

"Hehehe.. Matagal na kong masama, ngayon mo lang ba na-realize?" napa-smirk nalang


si Josef at sinulyapan si Armida sa gilid ng mata nya

"Baliw" sumimangot uli si Armida at sinubsob ang mukha sa balikat ni Josef

Tahimik sa buong subdivision dahil malalayo ang mga bahay. Natatanaw nila sa
kalsada ang bahay nila na dalawang kanto pa ang layo.

"Sabihin na nating marami pang mas maganda sayo... Pero, hindi lahat kayang
marating ang lahat ng narating mo. Hindi rin lahat kayang gawin lahat ng ginagawa
mo. And fyi, ikaw lang ang babaeng iniiyakan ko kaya wag kang magsalita ng kung
ano-ano dyan dahil hindi ka nakakatuwa.."

Napangiti nalang si Armida sa sinabi ni Josef kaya tinakpan nya ang mata nito.

"Sige, tuloy mo yan.. Pag ako na-off balance, laglag ka talaga sa kalsada.."
sarcastic na sinabi ni Josef
Tinanggal na ni Armida ang kamay nya sa mata ni Josef at bumalik nalang sa
pagkakayakap sa balikat nito

Pagkalipas ng dalawang dekada, sinong mag-aakalang mauulit ang ganitong eksena kay
Richard Zach at Armida Zordick :)

"Armida,"

"Hmm?"

"Bakit mo ba tinawagan si Isidore Soliman ha?"

"I just want to inform him na kukunin na natin ang anak nya. There's no sign of
threats naman sa side ko nung tumawag ako. I called him then sinabi ko na nasa
poder natin si Shiner tapos nagsalita nalang sya ng kung ano-ano... Kesyo, kung
ano-ano daw ang pinapagawa natin sa anak nya kaya hindi umuuwi sa kanila..

Hindi nya makuha si Shiner kahit pagala-gala lang dito kasi yung mga tao nya na
dapat kukuha sa anak nya, pinababagsak ng Alef Maksura. Hindi na ko makasingit para
makapagpaliwanag kasi inuunahan ako sa pagsasalita. Kung narinig nyang ako si
Erajin Miller, baka ipagkatiwala pa nya sakin si Shiner at mabawasan ang
aalalahanin natin

Kasi alam mo, may chance na makuha natin ang suporta ng buong Soliman Crime
Family at hindi na nila kalabanin ang mga Superiors dahil magiging Superior na rin
ang anak nya. Heiress ng pamilya yung bata kaya malaking bagay yung treaty. Kaso
inisip nya agad na kalaban ako at kelangang tapusin para mabawi ang anak nya.
Inaasahan ko na ang paggamit nya ng dahas pagkatapos ng tawag na yon. Sinabi pa nya
sakin na humanda na si Akmadi dahil hindi nya yun patatawarin kapag may nangyaring
masama sa tagapagmana nya."

Napabuntong-hininga nalang si Armida at natulala sa daan "I'm sorry if I bring


trouble again. Things didn't go so well on what I was expecting. I just want to
lessen our problems, that's all. I did my very best, Josef. But what had just
happened is not good enough, I'm sorry..."
Mariing napapikit si Josef at napakagat nalang ng labi nya.

Isang maling akala na naman.

Eto na naman ang konsensya nya na biglang umariba.

Bakit nga ba ngayon lang nya naisipang itanong kay Armida kung anong dahilan at
bakit ito tumawag kay Isidore Soliman?

Siguro kung maaga pa nyang pinagpaliwanag ang asawa nya, baka hindi na umabot pa sa
puntong nagalit-galit sya at hindi nya pinansin ang asawa nya.

Binitawan na nya si Armida dahilan para makababa ito sa pagkakapasan nya.

"O, anong problema?" tanong agad ni Armida sa kanya

Ngayon, naawa na sya sa asawa at ngayon lang sumagi sa isipan nya kung kamusta na
ang mga sugat nito.

Hinawi nya ang buhok nito sa mukha at tinignan ang noo nitong nadaplisan. Wala na
yung sugat.

Tinignan nya ang hita at binti. Yung sa may hita, hindi nya makita dahil sa tokong.
Yung sa binti, visible pa rin yung cut.

"O! Hoy! Ano ba problema mo?!" reklamo agad ni Armida kasi sapilitang itinaas ni
Josef ang damit nya para makita ang tama nya sa tagiliran

Nandun pa rin yung sugat at ang namuong dugo. Lalong nainis si Josef sa sarili.

Sunod ay itinaas naman nya ang left sleeve ni Armida para makita ang sugat na
tinahian pa ni Laby para magsara. Kitang kita kung gaano kalalim ang tama pero
pansin na kinakain na ng balat nya ang sinulid na ginamit.
Apaw-apaw na pagkakonsensya ang nararamdaman ni Josef ngayon. Napayuko nalang sya
at gusto nang sapakin ang sarili dahil sa galit.

Gusto lang makatulong ng asawa nya tapos kinagalitan pa nya. Tapos imbes na
asikasuhin at alagaan nya kasi puro nga sugat at tama ng bala, ini-snub pa nya. At
nung time na magpapaliwanag ito, hindi nya pinakikinggan dahil alam nyang babarahin
lang sya.

Bakit ngayon lang nya naisipang makinig?

Bakit ngayon lang?

"Masakit pa ba?" mahinang tanong ni Josef

"Ha?"

"Tinatanong ko kung masakit pa ba yang mga sugat mo.."

"Masakit kung iisipin kong masakit.. Bakit ba?"

Niyakap nalang ng mahigpit ni Josef ang asawa nya "I'm sorry... I'm really
sorry... Hindi ko alam... Sorry talaga. I'm sorry.. I'm so sorry.."

"Sorry saan?" takang-taka naman si Armida kung bakit nagso-sorry si Josef eh wala
naman 'tong ginagawang masama, unless...

Bumitaw agad si Armida at itinulak si Josef palayo. Tinignan nya agad ito ng masama
"Yung totoo, ano na namang kalokohan ang ginawa mo at nagso-sorry ka? Don't tell
me, may--Hwoy!" nagulat sya dahil kinuha ni Josef ang kanang kamay nya

"Sampalin mo ko, suntukin mo ko, o-- Basta, bahala ka na" guilty-ng guilty na
sinabi ni Josef habang tinututok ang kamay ni Armida sa pisngi nya
Binawi agad ni Armida ang kamay nya at kumunot agad ang noo nya "Josef, may
problema na naman ba tayo?"

"I'm sorry..."

"Ano ba?! Sorry ka ng sorry! Sorry nga saan??" inis na rin si Armida sa kinikilos
ng asawa nya "Josef, kinakabahan na ko sayo ha! Kapag yan talaga! Naku, sinasabi
ko sayo!"

"Bakit ba kasi ngayon mo lang sinabi sakin kung bakit ka tumawag dun sa tatay ni
Shiner?" inis na sinabi ni Josef

"Eh engot ka pala eh! Nung isang gabi ko pa gustong magpaliwanag kaso hindi mo ko
pinakikinggan! Kutusan kaya kita nang makita mo hinahanap mo!"

Yan na nga bang sinasabi ko eh..

Napahilamos nalang si Josef at napasuklay sa buhok nya. Pigil na pigil sya habang
nakatingin sa gilid.

Antanga diba. Sagad.

"Ewan ko sayo, Josef... Yung tubero nalang ang kausapin mo, nang maayos na yung
shower natin," sarcastic na sinabi ni Armida sa kanya at nagpauna na ito sa
paglakad pauwi

. . . . . . .
"Boss, ano problema nyan?" tanong ni Josef

"Ser, sa pihitan lang talaga yung problema neto.." sagot ng tubero sa kanya habang
inaayos ang pihitan ng shower

"Anong oras yan matatapos?"

"Ay, sandali lang ho 'to.. Mga thirty minutes lang ok na.."

"Ok," lumabas na ng banyo si Josef at naabutan ang asawa nyang nakahilata sa kama
habang hawak ang phone

"O, ano daw ang problema?" tanong ni Armida na sobrang focus sa phone nya

"Yung pihitan daw yung problema.. Maluwag na yata" humiga si Josef sa tabi ng
asawa nya at sapilitang kinuha ang phone na hawak nito

"Oy! Ano ba!"

Kitang kita ni Josef yung video na pinapanood ni Armida. Hindi kumpleto yung video
ng practice nila tapos hindi pa maayos ang pagkakakuha.

"Burahin mo na yan, walang kwenta yung video eh.." sabi ni Josef sabay lapag sa
itaas ng dibdib ni Armida ng phone

"Tss..." sumimangot lang si Armida at nag-make face "Sino kaya ang may kasalanan
kung bakit pangit yung video.."
Sa gitna ng pagtataray, biglang um-insert ang isang brilliant idea

Hehehehe...

24/7 nagre-record yung mga monitor sa monitoring room. Lahat ng anggulo, mapapanood
nya, Bwahahaha!!

Magulo ang record sa phone? Ano ngayon?

Kakausapin nalang nya si Laby para i-transfer yung video sa flv o kaya mp4.

. . . .

"Magkano ho ang babayaran namin," tanong ni Josef dun sa tubero na inaayos na ang
gamit nya sa van

Nasa tapat na sila ng gate at hinihintay na makaalis yung nag-ayos ng shower nilang
nasira.

"Wala ho kayong babayaran, Ser. Paid na ho lahat ng service sa bahay ninyo," sabi
ng tubero

"Talaga?" takang tanong ni Armida

"Yung Treasurer ho ng Home Owners ang nagsabi, sa kanya rin ho kami tumatanggap ng
bayad..."

"Ganun ba sa lahat ng bahay dito sa subdivision?" tanong ni Josef

"Hindi ho, sa lot 408 lang ho naka-address yung special service."


"Aahhh.. Sige, Kuya, thank you." pasalamat ni Armida

"You're welcome din, Maam, Sir.." sumaludo sya sa mag-asawa at sumakay na ng van
para makaalis na

Pumasok na rin sila Josef at Armida sa loob

"Kaya siguro laging malinis 'tong bahay kapag wala tayo. May mga naglilinis pala
talaga. Tapos yung ref, parang unlimited yung supply. Kasi may mga naggo-grocery..
Ayos din," sabi ni Armida habang nakatingin sa upper right nya
Guys, sensya na kung medyo nget-pa yung ud ko ngayon.. Bangag pa kasi sa mga
school activities.. Ugh! Report ko pa bukas.. Babawi ako next update.. ^__^

-------------------------------------

Saturday ngayon, at umagang umaga, bihis na bihis ang mag-asawa...

Saan daw ang lakad?

Tumawag si Sir Geo at sinabing may practice sa Byeloruss si Armida. At dahil two
days syang hindi pumasok, required na ngayon ang pagpasok nya since hanggang friday
lang sya excused. Half day lang naman kaya ok lang.

At si Josef?

Walang pasok sa Diaeresis ang mga teachers kapag weekend, unless member ng school
commitee. Kaya ang gagawin nya today ay samahan ang asawa.

May reason sya dahil sya mismo ang nakasagot ng tawag ni Sir Geo. At sinabi nya na
kelangan nyang bantayan ang asawa nya dahil nga sa kondisyon nito ngayon.

Kotse nalang ni Josef ang ginamit nilang dalawa papuntang Byeloruss para hindi
hassle.
Pagpasok sa kabilang gate ng Byeloruss...

"Ayos ah," napatingin sa paligid si Josef "Malawak pala.."

Iba kasi ang view sa kabilang entrance kesa sa main gate.

"Not bad," comment ulit ni Josef habang nakasakay sa shuttle papuntang building
kung nasaan ang theater "Hindi ka ba dadaan sa Faculty?"

"Hindi na kelangan, practice lang naman ang pinunta ko dito..." sagot ni Armida

Sa theater...

Naabutan ng mag-asawa ang ibang teachers na nagtatawanan habang nasa stage.

"Good Morning," simpleng bati ni Armida at iniabot na ang dalang bag kay Josef

"Good Morning!" masiglang bati ni Josef sa mga co-teachers ni Armida

Josef: Andami pala nilang teachers dito

Doble kasi ang bilang ng teachers ng Byeloruss compare sa Diaresis.

Pansin nya agad ang pagbubulungan ng mga teachers pagkatapos nyang bumati.
Umakyat na sa stage si Armida dahil kumpleto na sila at mukhang sya na nga lang ang
kulang.

"Good morning, Maam Zach," walang energy na bati sa kanya ng mga co-teachers nya.

Saang banda kaya ang Good doon?

"Hello, Mrs. Zach!" masayang bati sa kanya ni Sir Geo "Sabi ng asawa mo, may
sakit ka.. Anong nangyari?"

"Ah, masama lang ang pakiramdam ko nung thursday pero naging ok din ako
kinahapunan. Kulang lang yata ako sa tulog. Paranoid lang yang asawa ko, pinalalala
ang maliit na bagay"

"Talagang ha, parang hindi naman yun ang nakikita ko ngayon," nangingiting sinabi
ni Sir Geo sa kanya sabay turo kay Josef na sitting pretty sa front row ng theater
at nakangiti habang kinukuhaan sila ng picture gamit ang phone

"Tss.. Hindi pa ba tayo magsisimula?" irita nyang sinabi sa iba nyang co-teacher

At dahil kumpleto na rin naman sila, nag-start na ang practice...

"Hark how the bells, sweet silver bells. All seem to say, throw cares away.
Christmas is here, bringing good cheer, to young and old, meek and the bold..."

Si Josef naman, napansing parang may mali sa practice na yon. Hindi sya sure kung
kanino galing yung boses palakang naririnig nya.

Tinignan nya ang asawa nya,. Hindi pa nya naririnig kumanta ang asawa nya ng
matino. Humming, yes. Pero kanta, narinig nya habang puno ang bibig at kumakain ng
hotdog-in-a-bun. Considered na yun kasi nga puno ang bibig.
At yung boses palakang ewan na naririnig nya parang hindi naman yata kay Armida.

"O come all ye faithful joy-"

"Hep!!"

Huminto sa pagkanta ang mga teachers.

"Ampu-"

Muntik nang mapamura si Josef at napa-facepalm nalang nang marinig kung sino ang
nagmamay-ari ng boses palakang naririnig nya.

Napakagat sya sa gilid ng hintuturo nya habang nakangiting tinitignan ang asawa
nyang nagkakamot ng ulo at pinagagalitan ng conductor ng grupo.

Alam nyang si Armida na ang pinaka-worst na babaeng nakilala nya base sa lahat ng
na-witness nya ever since magkakilala sila.

Pero hindi nya ine-expect na madadagdagan pa ang listahan nya ng worst


characteristic ng asawa nya dahil sa boses nitong parang sinaniban ng palengkerang
paos..

"Start ulit!"

"Hark how the bells, sweet silver bells..."

Hindi alam ni Josef ang i-re-react. Gusto nyang humagalpak ng tawa kaso nakakahiya.
Nakikinood na nga lang sya eh.
Nakatakip ang kamay nya sa noo nya para itago ang ngiti at ang pagkahiya. Sya na
ang nahihiya sa boses ni Armida.

Sino ba naman kasing genius ang nakaisip na pakantahin ang asawa nya?

After ng ilang paulit-ulit...

Huminto muna sila para makapagpahinga. Paulit-ulit sila dun sa part na hindi na-
practice ni Armida kasi nga absent sya.

Bumaba si Armida sa stage para makainom. Masakit na nga ang lalamunan nya, pati ulo
nya sumakit pa dahil binungangaan sya ni Maam Daphne.

Paglapit nya sa pwesto ni Josef, hinagisan sya agad nito ng baong tubig sa water
jug.

"Armida, buti nalang maganda ka, hehehe..." natatawang sinabi ni Josef habang
nilalayo ang tingin sa asawa nya

"Bugahan kaya kita ng tubig, makita mo..." inis na sinabi ni Armida

"Buti nalang talaga, binawian ka sa mukha, kung hindi, ay naku.."

"Isa pa! Isa pa ha! Isang isa ka nalang!" inambahan nya agad ng palo si Josef

"O! Ano kasalanan ko sayo? hehehe" dinipensa nya agad ang braso nya habang
tinatawanan ang asawa "Ikaw, lahat nalang sinisisi mo sakin.. Umupo ka nga dito,"
hinatak nya si Armida para makaupo sa upuang katabi nya
"Ansama nyo talagang lahat," inis na binubulong ni Armida habang tinitignan ng
masama yung music sheet "Dapat sa inyo, pinapatay..."

Tinulak ni Josef ang gilid ng ulo ni Armida "OA mo.. Akin na nga yan!" hinalbot
nya ang music sheet na hawak ni Armida at tinignan ang listahan ng kanta "Carol of
the Bells, Oh come 'ol ye faithful, The First Noel, In excelsis deo... Alam mo kung
pano kantahin 'tong mga 'to?"

"Aba malay ko dyan, ilang christmas song lang naman ang alam ko.." masungit na
sagot ni Armida

At dahil sa sinabing yon ni Armida, naisip ni Josef na bigyan ang asawa ng idea sa
tono...

"Angels we have heard on high, Singing sweetly through the night, And the mountains
in reply Echoing their brave delight. Gloria in excelsis Deo. Gloria in excelsis
Deo." kinanta ni Josef ang In excelsis deo gamit ang buong boses nya. Binalot ng
boses nya ang buong theater dahil sa echo.

Napatingin tuloy ang mga teachers ng Byeloruss sa kanya. Yung asawa naman nya na
iinom na sana, napahinto agad at natulala sa kanya.

"Whoah" yun nalang ang nasabi ni Armida habang tinititigan ang asawa nya

Kahit sya nangilabot sa baba at lamig ng boses ni Josef. Pang-theater o di kaya


pang-Opera talaga yung boses ng asawa nya.

"Ganun sya kakantahin. O, alam mo na.. Tapos itong The First Noel," inilipat nya
ang page para makita yung lyrics

"The first Noel the angel did say. Was to certain poor shepards in fields as they
lay: In fields where they lay a keeping their sheep. On a cold winter's night that
was so deep. Noel Noel Noel Noel. Born is the King of Israel.... ganun," ibinigay
nya ulit ang music sheet kay Armida at saka sya umayos ng upo at nag-cross arms
"Eehhh!!!" hinampas ni Armida ang braso ni Josef gamit ang inikot na music sheet

"O! Ano na naman?!" reklamo ni Josef dahil napalo sya

"Andaya mo! Magbigti ka na nga! Nakakainis ka!" pinalo-palo pa sya ni Armida

"Ano ba! Tumigil ka na nga! Masakit na ah!" kinuha nya ang music sheet kay Armida
para matigil na ito kakapalo sa kanya

"Tsk!" parang batang huminto si Armida sa pananakit kay Josef "Sige! Ikaw na!
Ikaw na gwapo, matangkad, mayaman, magaling magluto, magaling sumayaw, magaling
maggitara, magaling kumanta! Ikaw na perfect man sa earth! Ano pa?! Baka kulang pa!
Sasambahin na ba kita ha? Luluhod na ba k--MMMM!!"

Hindi na nya natapos ang sinasabi nya dahil tinakpan agad ni Josef ang bibig nya.
Ang ingay kasi.

"Ang ingay mo, para kang si Jocas.." sarcastic na sinabi ni Josef "Tumigil ka na
ha." at saka nya inalis ang kamay ang bibig ni Armida

"Tss.. Palit kaya tayo ng school. Mas feel kong sumayaw ng dougie kesa kumanta
nitong mga kung anong nakakaantok na kanta na 'to." sabi ni Armida habang
tinatanggal sa pagkakabuklat ang binilot nyang music sheet

"Maam Zach," tinawag na sya ni Sir Geo

Tumango nalang si Armida at tumayo na.

"Wag ka nalang kumanta, i-lipsync mo nalang. Sintunado ka na nga, boses tipaklong


ka pa.. Nakakahiya ka," serious pa ang mukha ni Josef habang nakatingin sa stage

"Uhmp!" hinampas ni Armida ng water jug ang braso ni Josef


"Aw!" napahawak tuloy si Josef sa braso nyang nahampas "Ano ba?!"

"Nakarinig ka na ba ng kumakantang tipaklong para masabi mong boses tipaklong ako


ha?! Kapal ng mukha neto.."

Tinakpan nalang ni Josef ang bibig nya para pigilan ang tawa. Siguro ganun din ang
reaction ni Armida nung makita sya nitong sumasayaw ng gentleman.

Umakyat na ulit si Armida sa stage para makapag-practice.

Nagsimula na naman ang kantahan portion.

At mukhang magaling sumunod ng instruction si Armida dahil yung pangit na boses


biglang nawala. Pero pansin ni Josef na bumubuka ang bibig ng asawa nya. Late nga
lang o di kaya maaga.

Magaling. Magaling. Magaling.

. . . . . .

11 na, at tapos na ang practice ng mga teacher ng Byeloruss.

Yung iba, kanya-kanyang alis na...

"Uhm, Mr. Zach," lumapit si Sir Geo kay Armida at kay Josef na ready to go na

"Yes?" sagot ni Josef


"Magla-lunch kami ng mga teachers, gusto nyong sumabay?" masayang alok ni Sir Geo

"Yes/No" sabay pa si Josef sa pag-oo nya at sa pag-hindi ni Armida

Nalito naman si Sir Geo kung ano ba talaga ang sagot nilang dalawa. "Oo ba o
hindi?"

"Of course, why not?" nakangiting sagot ni Josef sabay akbay sa asawa nya

"Pero--" hindi na nya natapos ang sinasabi kasi tinakpan ni Josef ang bibig nya

"Sasama kami, sige,"

"Ok, tara na" nauna nang naglakad si Sir Geo para sumabay sa mga nauna nang
teacher

Sapilitang hinatak ni Josef ang asawa nya para sumunod kila Sir Geo palabas ng
theater

"Ano bang problema mo?" mahinang tanong ni Josef sa asawa nyang nakasimangot

"Ikaw, anong problema mo? Bakit ka pumayag sumama sa mga yan?" inis na sinabi ni
Armida

"Ano bang masama? Wala akong balak magluto ngayon kaya kakain pa rin tayo sa labas
kahit na hindi ako pumayag.."

"Eh di sana, hindi ka nalang pumayag at tayong dalawa nalang ang kumain. Hiwalay sa
kanila."

"Balak ko lang namang malaman kung anong klase yung mga co-teachers mo. Kasi yung
mga co-teachers ko nakilala mo na, eh sila hindi ko pa nakikilala."
"Hay, naku, Josef. Mabubwisit ka lang sa kanila..."

"Parang hindi naman. Yung Geovanni Heim na yun mukhang matino."

"Mukhang matino? Eh parehas lang kayo nun eh. MUKHA LANG MATINO. Pero ang totoo,
hindi."

"Uhm!" tinampal ni Josef ang noo ng asawa nya "Nagsalita ang matinong tao,"

"Psh.." hinimas nalang ni Armida ang noo nya at sinimangutan ang asawa

Pagdating sa parking lot....

"Dun pa rin tayo?" tanong ni Maam Edgarda

Tumango naman ang ibang teachers sa kanya

Si Josef at Armida naman, hindi gets ang nagaganap.

"May kotse naman kayo diba?" tanong ni Sir Geo kay Josef

"Yeah,"

"Sunod nalang kayo, malapit lang naman dito yung resto."

Tumango nalang si Josef sa sinabi ni Sir Geo.


Yung iba, nakisakay nalang sa kotse ng co-teachers nila. Sampu silang teachers at
tatlong teachers lang ang may kotse. Isa doon si Sir Geo kaya apat na babaeng
teachers agad ang nag-unahan para makasakay sa kotse nya.

At nang lahat nakasakay na sa kotse, syempre lalarga na...

Sa parking lot ng resto....

Excited at nagtatawanan ang mga babaeng teachers pagkalabas ng mga kotse. Nagpauna
na si Sir Geo para makakuha agad ng table good for 12.

Dose silang lahat kasama si Josef, pito silang babae at limang lalaki.

At dahil bago lang ang mag-asawa sa lugar, nakikiramdam nalang muna sila. Sumunod
nalang sila sa ibang teachers.

"Dun tayo sa taas," bungad sa kanila ni Sir Geo pagkapasok nila sa loob ng resto.

May second floor ang restaurant at doon sila nakahanap ng table sa may bandang
gitna.

Nag-unahan ang mga babaeng teachers sa isang mahabang upuan na color red at maganda
ang upholstery. Bagay sa atmosphere ng resto.

Pang-animan ang upuan kaya yung mga naunang babae, magkakatabi. Yung mga lalaki, at
si Armida naman ang sa kabilang upuan.

Napataas ng kilay ang mga babae sa kabilang upuan dahil nasa dulo si Josef tapos si
Armida tapos si Sir Geo tapos si Sir Henry na at ang dalawa pang teachers.
Masyado naman yata syang sinuswerte para gumitna sa dalawang makikisig na adonis.

Binigyan na sila ng menu ng mga waiter at waitress at kanya-kanya na sila ng order.


Si Josef at Armida, chicken cordon bleu nalang ang inorder.

Mamaya na daw kasi sila hihirit ng full meal na sagad. yeah.

Nakuha na ng mga waiter at waitress ang order nila kaya hintay-hintay nalang muna.

"So, you're Mr. Zach, right?" tanong agad ni Maam Daphne kay Josef

"Yes, I am. Madame," naka-smile na sagot ni Josef

"Whole name?"

"Richard Zach."

At dito na magsisimula ang masinsinang interview portion >:D

"Ilang taon ka na?" tanong ni Maam Edgarda

"Uhm, 27.."

"What's your job?"

"Now, I'm a substitute teacher sa isang private school."


"Substitute? Hanggang kelan?"

"Hanggang 14.. Yeah, this December 14."

"Ano nang trabaho mo pagkatapos nun?"

"Uhmm.." napapaling-paling sa gilid ang ulo ni Josef "Hindi ko pa sigurado eh.."

"Hindi pa sigurado?"

Nagbigay ng makahulugang tingin sa isa't isa ang mga teachers.

"Magkano ang kita mo ngayon dun sa school kung saan ka nagtuturo ngayon?"

"Around 40 thousand yata..." -Josef

"Oh," tumango-tango pa sila sabay tingin na naman sa isa't isa

"Anong trabaho mo bago ka maging teacher?"

"Uhm," iniikot ni Josef ang tingin nya sa paligid para hanapin ang sagot
"Department Head. Well, sa Human Resources Management ako."

"At ang income?"

"Around 50 to 70 thousand, wala nga lang benefits kasi hindi naman ganun kalaki
yung company" -Josef

"Eh may sarili kayong bahay ng asawa mo?"


"Ah, yun lang..." napatingin sya kay Armida "Wala 'no?"

Tumango nalang si Armida sabay eyeroll

"Wala? Eh yung kotse nyo? Inyo naman yon?"

"Actually, nnnnno." napatango nalang si Josef para sabihing 'oo tama, hindi nga
samin'

Biglang nagkumpulan sa may mesa ang mga teachers na babae na akala mo naman may
meeting.

"Gwapo lang pala."

"Akala ko mayaman,"

"Nakakapeke ang face,"

"Kay Sir Geo pa rin ako,"

"Mas mayaman pa rin si Sir Geo, kasi future owner sya ng Byeloruss.."

"Dala-dalawa pa yung kotse, hindi naman pala sa kanila.."

"Baka kinuha na yung isang kotse kaya isa nalang ang dala nila ngayon,"

"Oo nga,"

"Saka walang sariling bahay, my God!"


"How poor ha,"

"Nagpakasal agad, wala pa palang sariling bahay,"

Biglang nagbago ang timplada ng mukha ni Josef at isang napakalaking 'what-the-


hell' reaction ang makikita sa mukha nya.

Tinignan nya ang asawa nya. Naglalaro lang ng tetris sa phone nito. Parang walang
naririnig.

Lumapit sya kay Armida para bulungan ito "Did you hear what they said?!"

"I told you not to go with them. Magtiis ka dyan ngayon," seryosong seryoso pa rin
si Armida sa paglalaro nya

"Hindi mo ba na-try na magyabang sa mga taong yan?"

"Waste of time. Why brag?"

Tumaas lang ang kilay ni Josef sa kilos ngayon ni Armida.

Kung mga ganitong tao ang makakasama mo sa iisang table...

Makakasapak ka talaga ng tao nang wala sa oras.

Ngayon gets na nya kung bakit nakabusangot ang asawa nya nang sunduin nya ito last
saturday.

At hindi talaga sinubukan ni Armida na magyabang ng yaman nya?


Aba! Ang tibay naman ng asawa nya para makatagal sa mga taong 'to without using the
prideful name of Erajin Miller.

Ang laking kaibahan ng mga taga-Byeloruss sa mga taga-Diaeresis.

Sa Diaeresis, wala silang pakialam kung mayaman o mahirap ka. Basta gwapo ka at may
ginawa kang kakaiba sa mata nila, gusto ka na ng lahat.

Eh mukhang dito sa mga taga-Byeloruss. Kung gwapo ka, o eh di gwapo ka, ano ngayon?
Ang mahalaga, mayaman ka at may pera, sikat ka at magugustuhan ka agad.

Hindi ugali ni Josef ang nagyayabang ng yaman nya dahil naging problema nya yon
noon when it comes to ladies. Pero ngayon, hindi nya maiwasang hindi mag-react kasi
minamaliit sya ng kung sinong mga hampas-lupang mga walang alam na 'to.

Gwapo lang pala?

Akala nila mayaman?

Nakakapeke ang face?

How poor?

Ang pride. Ang pride. Tinatapakan ng mga low level human people na 'to ang pride
nya.

Si Shadow na isang legend..

Ang pinakabatang First Echelon ng kanyang henerasyon...

Ang pinakasikat na Level 1 cat burglar ng Asylum...

Ang may hawak ng halos kalahati ng mga kayamanan ng buong mundo?

Poor?
Oh. Come. On!!

Walang pagdadalawang-isip na kinuha nya ang phone sa bulsa at clinick ang speed
dial na nabanggit sa kanya ni Cas nung time na pasikreto silang nag-usap tungkol
kay Xandra sa hotel.

Ang sabi ni Cas, i-dial lang yun if may kelangan sya. Importante man o hindi, may
pupuntang Guardian para sundin ang utos nya.

Mga limang Guardian ang ine-expect nyang pupunta kaya pwede na yon. Balak nyang
bilhin ang buong resto kung saan sila naroroon ngayon para ipamukha sa mga mukhang
perang mga co-teachers ng asawa nya kung sinong poor sa kanila ngayon.

Maya-maya dumating na ang pagkain...

"Wow,"

"Nakakagutom,"

Kanya-kanya na silang ngiti sa nakahain sa table at tuloy-tuloy nalang sa pagkain.


Bahala na ang iba basta sila ginugutom na.

Serious-faced nalang si Josef at Armida. Mahirap nang magsalita, baka kung ano pa
ang masabi nila.

"Since ako naman ang nag-aya, treat ko na 'to" sabi ni Sir Geo habang nginingitian
ang mga co-teachers nyang babae

"Really?"
"Ang galante mo talaga, Sir Geo!"

"Pag naisip mo nang magka-girlfriend, call me ha?"

Natawa nalang si Sir Geo sa mga sinasabi ng mga co-teachers nyang babae sa kanya.

"Hindi, ako nalang ang magbabayad ng bill," sabi ni Josef

Napahinto naman ang lahat at tinignan si Josef kung seryoso ba sya.

"No, Mr Zach. Baka kelangan nyo yung money,"

"Mahal yung food nila dito sa resto eh,"

"Treat naman daw ni Sir Geo kaya ok lang,"

"Enjoy nyo nalang ni Maam Zach yung food,"

"Masarap ang pagkain kapag libre,"

Sila na ang pinakamakakapal na plastic sa earth.

Napansin ni Armida ang paghigpit ng hawak ni Josef sa kutsara at tinidor nito.


Kinagat nalang ni Armida ang labi nya para pigilan ang pagngiti.

Hanggang saan kaya tatagal si Josef habang minamaliit sya ng mga tao sa harap nya
ngayon?

Hindi nalang sumagot si Josef dahil sa pagkakapahiya. Bigla syang nawalan ng gana
sa pagkain. Umakyat lahat ng init sa ulo nya at gustong gusto na nyang magwala.
Gusto na nyang i-table flip yung mesa.

Sa buong buhay nya bilang si Shadow, ngayon lang nya naranasang sabihan ng ganun.
Mga babae pa man din ang nagsabi. Anlaking sapak nun sa pride nya. Hindi lang
sapak. Binugbog-sarado nila ang mataas na pride nya bilang isang lalaki.

Halos lahat ng babaeng nakakatagpo nya, nagkandarapa makasama lang sya. Maging
parte ng buhay nya kahit one day man lang. Mapansin man lang nya kahit mga one
minute lang...

Tapos maririnig nya yung mga salitang yon?

Kung hindi lang masamang pumatay ng mga echuserang frog sa harap ng maraming tao,
sa tingin nyo buhay pa yung mga co-teachers ni Armida?

Nakarinig sila ng malalakas na bulungan sa paligid at napahinto ang lahat ng nasa


second floor sa pagkain.

Napuno bigla ang second floor ng mga lalaking nakasuot ng all-black suit and tie na
akala mo may lamay na pupuntahan at mapapansin na may insigna ang mga left chest
pocket.

Ang inaasahan ni Josef, lima ang pupuntang Guardian.

Hindi limampu.
Dahil na rin siguro sa inis kaya hindi na nya inisip ang bilang. Ang importante,
ma-revive ang tinapakang pride nya.

-----------------------

Itutuloy... Malamang. ^___^

Ang ud, malay ko? basta, abang nalang kayo..( Sinungaling din ako eh, wala daw ud
sa august, hahaha )

Hindi, ayaw ko lang kayo paasahin.. ^_^ saka Special request naman kasi 'to..

Napalingon-lingon ang mga teachers ng Byeloruss dahil pinapalibutan sila ng mga men
in black pero pansin naman ang isang metrong distansya ng mga ito sa kanila.

Biglang sumulpot sa gitna ng mga lalaking naka-itim ang isang lalaking naka-gray
suit, nasa mid-30s at mukhang kagalang-galang. Lumapit ito kay Josef na seryosong
nakatingin sa plato nya.

"A pleasant day, Lord Ricardo," bati nito kay Josef "Princess Armida," bati nito
kay Armida "Ladies, Gentlemen..." bati nya sa ibang teachers "Xerez, the
Guardian Centurion of the Fuhrer. Command us, Milord." sabi nya kay Josef sabay
yuko biglang paggalang

Nailaglag ng mga teachers ang hawak nilang mga kubyertos at mukhang kahit ang panga
nila, balak ding dumamay.

"Who called you?!" takang tanong ni Armida kay Xerez

"The Fuhrer summoned us, Your Highness," nananatili pa ring nakayuko si Xerez

"Oh," napatango nalang si Armida at unti-unting tinignan si Josef na seryoso pa


rin habang nakatingin plato nito "The Fuhrer summoned you, huh..."

Hindi inaasahan ni Armida na ganun kaikli ang pasensya ng asawa nya...

"Xerez," tawag ni Josef

"Yes, Milord."

"Who owned this restaurant?" seryosong tanong ni Josef

Tinignan ni Zerez si Josef, tapos inilipat nya ang tingin sa mga kasama nito sa
table.

"You're the new owner of this restaurant, Milord," sabi ni Xerez

"HE'S WHAT?!" Gulat na nasabi ni Armida

Kahit si Josef nagulat din kaya napatingin sila kay Xerez "Since when?"

"The moment Lord Ricardo and Princess Armida arrived in this city, this district is
considered sold and one of the properties of Zach and Zordick monarchy. Every
public and some of the private properties of the city are already yours, including
this restaurant."

"Wait, this whole place owned by whom again?" paniniguradong tanong ni Armida kay
Xerez

"Both of you owned this place, Your Highness, Lord Ricardo"

"Ah, ok sige.." tumango nalang si Armida na parang wala lang syang narinig na
kagulat-gulat
Kanila na pala yung buong lugar eh.. Sus, akala nya kung ano na.

Para namang nasa horror movie ang mga co-teachers ni Armida habang unti-unti nilang
tinitignan ang isa't isa.

Kahit si Josef nagulat sa sinabi ng Guardian Centurion nya.

Kanya na pala yung buong distrito, wala pa syang kamalay-malay.

Paano nga ba nya bibilhin yung resto kung kanya na yun? Napurnada tuloy yung plano
nya.

"Ok! I guess that's it! Enough of this crap..." pagputol ni Armida. Mukhang ramdam
na nya na hindi rin alam ni Josef ang nagaganap "...Xerez,"

"Yes, Your Highness,"

"Am I allowed to give orders on you?" tanong ni Armida sabay subo ng kinakain nya

"Yes, Your Highness,"

"Good. Seven of my co-teachers don't have car. Give these people a free ride."
itinuro nya ang mga co-teachers ni Armida "Just wait for us outside, please,"

"As you wish, Your Highness," itinuon nya ang atensyon kay Josef "Milord, any
orders?"

Napabuntong-hininga nalang si Josef. Medyo epic fail yung plano nya ha, in fairness
lang.

Nag-hand signal nalang sya para palayasin na yung mga Guardians nya. Naaalibadbaran
na sya, andaming nakapalibot sa kanila.

Sabay-sabay na nagbigay-galang ang mga guardians nya sa kanila at saka na umalis.

Pagkalipas ng ilang minuto, nawala na ang napakaraming men in black suit at naiwan
ang mga costumer ng resto na yon na nagtataka kung anong nangyari.

Sino ba naman kasing hindi magtataka eh sa isang iglap napuno ng mga lalaking
mukhang aatend ng libing yung buong resto tapos bigla-bigla nalang aalis.

"Next time, kapag nagtawag ka ng back-up, make sure na alam mo ang gagawin mo,
hmm?" ginulo nya ang buhok ng asawa na nakasimangot ang mukha "Lord Ricardo...
hehehe.."

"Stop it," inis nyang tinabig ang kamay ni Armida

"I see the crest in their uniform, kanino yun?"

"Crest yun ng mga Zach."

"Ang cool ha," tinignan ni Armida ang mga co-teachers nyang nakanganga sa kanilang
dalawa "Pasensya na ha, paranoid lang talaga 'tong asawa ko. Pati yung mga
personal guards nya, napasugod ng wala sa oras... Nabuko pa tuloy ang pagiging
prinsesa ko..." sabi nya sabay pasimpleng proud smile

Lalong napanganga ang mga babaeng co-teachers sa sinabi nya

"P-p-prinsesa ka?"
Siguro ito na ang tamang oras para bigyan ng konting konting konting lesson ang mga
co-teachers nya.

"Well, my mother is a princess and my father is a duke." inakbayan nya si Josef na


dinadamdam pa rin ang epic fail nitong plano "My husband is a prince, medyo
nagkaroon lang sya ng problema sa throne. Pero hindi naman namin ina-acknowledge
ang mga sarili namin as prince and princess so it's not a big deal.."

Sumandok sya ng konti ng kinakain nya at sinubuan ang asawa nyang nakasimangot pa
rin.

"Anyway, wag nyo nang intindihin yung nangyari ngayon. Wala lang yun, sus! Hindi
naman super duper major concern ng lahat kung kumikita kami ng asawa ko ng bilyon-
bilyon every year, hindi pa kasama lahat ng yaman ng family naming dalawa...
Nakakasawa na kasi yung paupo-upo ka lang, habang kumikita ka ng milyones everyday
nang walang ka-effort effort" kumuha ulit sya ng chicken at sumubo "Masaya namang
magturo, kaya ok lang kahit na wala pang .0005 percent ng income namin every year
ang sweldo namin sa school.. So, hintayin nyo nalang yung special service mamaya
for you, ahkey?" sabi nya sabay smile ng sobrang tamis

Halos manlambot ang mga co-teachers nya sa pinagsasabi nya.

Pinuno ng mga men in black suit ang buong floor na yon, tapos kay Josef pala yung
buong distrito, tapos prinsesa pala si Armida, tapos mga tunay pala silang mayaman,
at hindi lang mayaman... mga ubod ng yaman.

Tapos hihirit sya ng Sus! Wala yun! Hindi naman yun big deal!

Ok lang ba sya???

Nanliit ang mga co-teachers na babae ni Armida habang ilang na sinusulyapan si


Josef na serious-mode pa rin habang tinutulak-tulak ng tinidor ang kinakain nya.

Imagine, kung ano-ano pang pinagsasabi nila tapos prinsipe pala yung sinasabihan
nila. Nakakaloka lang.
"Gusto mo nang umuwi?" tanong ni Armida kay Josef habang feel na feel ang pagkain
nya

"I can wait for them," pokerfaced na sinabi ni Josef habang tutok pa rin sa
kinakain nya pero itinuro ang hawak na tinidor sa mga co-teachers ni Armida

"Hmm! Hindi! Tapos na kaming kumain!"

Sabay-sabay silang nagpunas ng bibig gamit ang table napkin para ipakitang tapos na
sila kahit na ang totoo, gusto pa nilang kumain.

Sumandal si Josef sa inuupuan nya at seryosong tinignan ang mga co-teachers ni


Armida "Don't waste your food. Mahal ang pagkain dito. Masarap pa naman yang order
nyo, lalo na paglibre ni Mr. Geovanni Heim,"

Ayun ka.

Lalong nailang ang mga co-teachers ni Armida at napayuko nalang. Namnamin nila
ngayon ang hundred percent sarcasm ni Josef.

"Mr. Zach," tawag sa kanya ni Sir Geo "They're ladies. Please, respect them."

"Respect? Huh!" isang bitter smirk ang namuo sa dulo ng labi ni Josef at
napatingin sa ibang direksyon "I respected them. I DID. Pero sumagi ba sa isip
nila na dapat din naman akong i-respeto, hmm?"

"I get your point but you're scaring them," mahinahong sinabi ni Sir Geo

"Me? Scaring them? Oh come on!" full of sarcasm nyang tanong kay Sir Geo "Ako nga
ang dapat matakot sa kanila, mas matalim pa ang dila nila kesa sa kitchen knife
namin sa bahay"
Tumawa ng mahina si Armida dahil nakakaramdam na sya ng namumuong tensyon.

Napatingin tuloy sa kanya ang lahat dahil tumatawa sya mag-isa.

"Josef, calm yourself... Waiter!"

At lumapit sa kanya ang isang waiter

"Yes Maam,"

"I'll pay the bill for this table," sabi ni Armida at inabot ang credit card na
meron sya

"Yes Maam," kinuha ng waiter ang credit card kay Armida at agad din itong bumaba

Nagtaka naman silang lahat.

Kay Josef na nga yung resto, magbabayad pa sila? Ano yun?

"Armida, ano bang ginagawa mo?!" kahit si Josef hindi rin maintindihan ang
ginagawa ng asawa nya

"Hindi na yung bill ang problema dito eh," nag-smirk sya at tumayo na "Mas
masarap pa ring kumain sa bahay.."

Pinatabi nya si Josef para makadaan sya. Nasa aisle na sya nang lapitan sya ng
tinawag nyang waiter.
Lahat ng mata nakatutok sa kanya.

"Maam, please sign here,"

Pumirma sya sa signing privilege form at saka nagpasalamat ang waiter pagkaabot ng
credit card sa kanya tapos umalis na rin ito.

"Come on, Josef..." hinawakan nya sa balikat si Josef "We're done here,"

Tinignan lang ng masama ni Josef ang mga co-teachers ni Armida at saka na sya
tumayo

"Bahala na yung mga Guardians nya sa inyo," sabi ni Armida sa mga co-teachers nya
habang tinuturo ng thumb si Josef

Naglakad na pababa ng resto ang mag-asawa. Si Armida, ok lang. Si Josef, inis pa


rin.

Sanay na si Armida sa mga taong gaya ng mga co-teachers nya kaya madali syang
nakaka-adjust.

Si Josef naman, sanay na minamaliit sya ng mga taga-Citadel dahil bastardo ang
tingin sa kanya. Pero hindi taga-Citadel ang co-teachers ni Armida. At yung
maliitin dahil mahirap 'daw' sya? Kahit ang mga taga-Citadel hindi sya in-
acknowledge na poor.

Ngayon lang nya na-experience na tawaging poor at gwapo 'lang'.

Yung mukhang yon, mukha ba 'yong poor?

Ihampas nya kaya lahat ng gold bars, diamonds, gems, alahas, mga papeles, mga
dokumento at mga treasure chest na puno ng kayamanan na trilyon-trilyon ang halaga
sa pagmumukha nung mga babaeng yon nang makita nila kung sinong tinatawag nilang
poor.

"Musta pride natin, Mr. Fuhrer? Buo pa ba ha?" pang-asar na tanong ni Armida

Tahimik pa rin si Josef. Anlalim ng iniisip.

Napailing nalang si Armida habang ngumingisi.

Ambilis bumigay ng asawa nya. May pinipiling pagkakaton talaga ang pasensya nilang
dalawa.

Paglabas nila ng resto...

"Holysh--!"

Napatakip nalang ng bibig si Armida nang bumungad sa kanila ang isang mahabang
parada ng mga black Mustang na may kanya-kanyang Guardians. Hindi lang isang
Guardian per car. Tatlo-tatlo pa.

Pito ang may free ride pero kinse ang kotseng naroon, hindi pa kasama ang mga naka-
motor.

"Sino ba ang susunduin nila? Presidente ng Pilipinas??" kahit si Armida na-shock


sa nakikita
Libreng sakay lang ang ni-request nya, parang makiki-angkas lang. Pasabay, ganun.

Hindi presidential convoy.

"Simpleng sakay lang 'to ha? Simple lang.. Ito na yung simple..." sabi ni Armida
habang nakatulala sa mga magagarang kotse na pangse-service sa mga co-teachers
nyang hampas-lupang mukhang perang echuserang froglets.

"Mr. Zach,"

Napalingon ang mag-asawa sa pinto ng resto dahil dun sa tumawag.

Yung mga co-teachers ni Armida na pinilit silang abutan para makapag-apologize.

"Mr. Zach, we're very s--Oowwhh my Ghaaaad!!!"

Halos malaglag ang panga nila nang makita yung special convoy na para sa kanila.

Lumapit na si Xerez kila Josef at Armida. Nagbigay-galang ito kasabay ng


pagbibigay-galang ng lahat ng Guardians na naroon.
"Xerez, nakakaintindi ka ng tagalog?" tanong ni Armida

"Opo, Kamahalan." magalang na sagot ni Xerez

"Ay, sosyal, kamahalan..." natawa nalang ng mahina si Armida sa pag-acknowledge sa


kanya ni Xerez "Wag mo na kong tawaging kamahalan o kaya Your Highness, ang
awkward.. Armida nalang,"

"Hindi ko po maaaring gawin iyon, Kamahalan. Pupugutan ako ng ulo ni Lord Mikhail
kapag sinunod ko kayo."

"Pfft-- Hahahahaha!!" natawa nalang si Armida. Hindi nya alam kung makabagong luma
ba yung patakaran ng mga Guardians "Apir," itinaas nya ang kamay pra makipag-apir
kay Xerez

Tinitigan naman ni Xerez yung kamay ni Armida. Sunod ang mukha nito. Tinatantya
kung seryoso ba si Armida sa pinaggagawa nito sa buhay.

"Sige na nga, wag na. Baka masira image mo," binaba na rin ni Armida ang kamay nya
"Hatid nyo na 'tong mga co-teachers ko." itinuro nya yung mga co-teachers nyang
hindi maka-get over sa convoy . Lumapit pa sya kay Zerez at inilagay nya ang gilid
ng palad sa kanang pisngi at saka bumulong "Wag kayong mag-eenglish ha, para hindi
naman sila malula.."

"Masusunod, Kamahalan." sabi nya kay Armida "Lord Ricardo, any orders?"

Walang sinabi si Josef sa halip ay tuloy-tuloy nalang syang naglakad papunta sa


kotse nya.

"Badtrip yun, pagpasensyahan mo na.." sabi ni Armida kay Xerez "Anyway, yung mga
co-teachers ko, itanong mo kung saan nila gustong pumunta then dalhin nyo sila sa
location. Ok ba tayo don?"

"Masusunod, Kamahalan."
"Sige, mauna na kami. Wag na rin kayong sumunod samin."

"Masusunod, Kamahalan." yumukod sya at hinintay na makaabot si Armida kay Josef


bago sya tumayo ng diresto

Hinabol ni Armida si Josef at sumakay na rin silang dalawa sa kotse.

Pare-pareho nilang sinundan ng tingin ang itim na Vios na makaalis sa lugar na yon.
Nang hindi na ito matanaw, lumapit na si Xerez sa mga co-teachers ni Armida na
speechless pa rin.

"Magandang hapon, ako si Xerez. Binigyan ako ng kautusan ni Prinsesa Armida na kayo
ay ihatid sa inyong susunod na destinasyon." inilahad nya ang kamay para ipakita
ang mga kotse "Maaari na kayong sumakay sa sasakyan,"

"K-kami? S-s-sasakay dy-dyan sa mga kotseng yan?!"

"Opo," sagot ni Xerez

Hindi makapaniwala ang mga co-teachers ni Armida na sasakay sila sa mga magagarang
kotse na nakikita nila. Isang kotse lang, solb solb na sila.

"Sama-sama kami sa isang kotse?!"

"May nakalaang kotse para sa bawat isa." -Xerez

"ISA-ISA KAMING MAY KOTSE??"

Nakanganga ang mga babaeng teachers at napatingin sa isa't isa. Isa-isa silang may
kotse, sino bang hindi maloloka doon?
At dahil mukhang napako na sila sa kinatatayuan, nilapitan na sila ng mga Guardian
isa-isa para ihatid sa sasakyang kotse.

Humindi ang tatlong teachers na may dalang sariling sasakyan, kasama na doon si Sir
Geo.

Mukha naman talagang mayaman sila Armida at Josef, pero hindi naman nila naisip na
ganun ka-bongga ang dalawa.

Speechless na nga, kulang nalang ma-lock jaw pa sila kaka-nganga.

================

Nakauwi na ang mag-asawa...

Naubos na ang ngiti ni Armida sa byahe kaya back to semi-normal mode sya.

Tuloy-tuloy sa pag-akyat si Josef sa kwarto. Tahimik sya buong byahe kaya hindi
nalang din nagsalita si Armida. Nakasunod lang sa kanya ang asawa.

"Tangina! Bwisit!"

Napataas ng kilay si Armida nang sipain ni Josef ang beanbag nila sa kwarto. At
hinagis ang ilang display at nakalagay sa itaas ng drawer.
"Anlakas ng loob ng mga walanghiya! Argh!!" napasuntok sa dingding ng kwarto si
Josef dahil sa galit "Paano ka nakatagal kasama ang mga walang kwentang yon?!
Huh?!" galit na galit nyang tanong kay Armida. Hindi naman sya sinagot ng asawa.

At dahil naubos na ang kasiyahan ni Armida kanina, wala na sya sa mood asarin si
Josef.

Ilang beses na nyang tinapakan ang pride ni Josef. Pero hindi naman umabot ang
asawa nya sa ganitong point. Ngayon lang talaga.

O ngayon lang nya nakita ang reaction ni Josef pag ibang tao na ang tumapak sa
pride nito

Binuksan nalang ni Armida ang bag nya at kumuha ng bolpen at isang neon green post-
it para sulatan.

"Magpasalamat sila at napigilan ko pa ang sarili ko! Kung hindi, binasag ko na ang
pagmumukha ng mga yon isa-isa! Argh! Nakakapang-init ng ulo!" pinameywang nya ang
kaliwang kamay at pinangsuklay naman sa buhok ang kanan "Kahit minsan ba hindi
sumagi sa isip mong patayin isa-isa yung mga co-teachers mo ha?!"

No comment na naman.

Lumapit nalang si Armida kay Josef at idinikit sa dibdib nito ang post-it.
Pagkatapos ay ibinaba na nya ang bag sa bedside table at humiga pabalagbag sa kama.

"Ano 'to?" tanong ni Josef habang binabasa ang nakasulat sa post-it

"Targets; Deadline; Payment; Client; Signature," itinakip ni Armida ang kanang


braso sa mata nya "Ilagay mo sa Targets yung pinoproblema mo ngayon, tapos ilagay
mo sa Deadline kung kelan ako dapat matapos sa trabaho. Ilagay mo sa Client yung
pangalan mo tapos yung kaya mong ibayad sakin then pirma mo at pirma ko. Nakapirma
na ko kaya ikaw nalang ang pipirma dyan..."
Tinignan ulit ng maigi ni Josef ang post-it. "Para san nga 'to?"

"Gusto mong mamatay yung mga co-teachers ko, diba? Galit ka sa kanila. Agreement
yan and client kita. Kapag pinirmahan mo yan, magta-trabaho ako sayo hanggang sa
Deadline na ilalagay mo."

Tumaas lang ang kilay ni Josef "Niloloko mo ba ko ha?"

"Josef, when it comes to business, I'm dead serious. Sinabi na sayo yan ni Jin.
Kahit si Jocas, sinabi na yan sayo. Kapag pinirmahan mo yan, hindi muna asawa ang
tingin ko sayo kundi kliyente ko. Ilagay mo dyan ang date ng deadline, sure ka nang
tapos ang target sa araw na yon. Kung gusto mo mamayang gabi? Tapos silang lahat
mamayang gabi... Just state it. I'll do it."

Base sa sitwasyon nila ngayon, gustong mainis ni Josef kay Armida dahil humahanap
na naman ito ng problema, pero iba ang dating ng lahat.

Seryoso si Armida at mukhang hindi ito nagpapatawa. Gumawa pa sya ng written


agreement, hindi lang basta-basta oral.

Kahit pa nasa post-it yung binigay ng asawa nya, alam ni Josef na kahit anong
written form of agreement, nasa tissue man yon o nasa special paper, is considered
as agreement pa rin. Professional ang asawa nya, at oras na gumawa ito ng mga
ganitong bagay sa kahit sinong tao, ibig sabihin, seryosong trabaho ang habol nito.

"Forget it" seryosong sinabi ni Josef sabay lukot sa post-it

"Malinis akong trumabaho, don't worry."

Napabuntong-hininga nalang si Josef at kinalma ang sarili. Kinikilabutan sya dahil


nagsisimula na namang magseryoso ang asawa nya. Umupo nalang sya sa gilid ng kama
sa tabi ni Armida.

"Alam kong malinis kang trumabaho, pero baka nakakalimutan mo, ipapaalala ko lang:
Retired ka na."
"Retired or not, a job is a job. Contractual lang naman ang offer ko, hindi regular
work. I'm just offering my service."

Seryoso nga si Armida. Service ang term at hindi Help. Trabaho nga ang habol, hindi
kung anong kalokohan lang.

Humiga nalang din si Josef sa tabi ni Armida.

"Ang bilis mo namang bumigay," sabi ni Armida

"Sino ba kasing hindi mabubwisit dun sa mga co-teachers mo? Sarap hambalusin ng dos
por dos isa-isa," ipinaling nya sa kanan ang ulo para makita ang mukha ni Armida
"Ginaganon ka ba nila araw-araw ha?"

"Not sure, hindi ko kasi sila pinakikinggan. Hinahayaan ko nalang silang mapaos
kakadada sa harap ko. At kung ano man ang sinabi nila sakin, wala na kong
pakialam..." tinanggal na nya ang braso sa mata at ipinaling sa kaliwa ang mukha
para maharap si Josef "Sure kang ayaw mong maging client ko?"

"Ano ba talagang iniisip mo't nagbigay ka ng offer sakin ha?"

"I told you, I'm just offering my service. Umuusok ka na sa galit eh." hinawakan
nya sa pisngi si Josef at saka nya ito binigyan ng mabilis na halik "Luto ka na,
ginugutom na ko..." tinapik-tapik nya ang pisngi ni Josef at saka sya bumangon
para magbihis

"Tss," napasimangot nalang si Josef at bumangon na rin para makapagpalit ng damit

No choice sya, hindi rin sya nabusog dun sa resto kaya mapipilitan syang magluto
ngayon.
"Before that, iligpit mo muna yung mga hinagis-hagis mo. Ang kalat ng kwarto o,"
utos sa kanya ni Armida

Napakamot nalang ng ulo si Josef nang makita yung mga gamit na kinalat nya.

Ayan kasi... Tsk tsk tsk.

-----------

Naiinis ako sa mga ka-grupo ko sa advertising. Inuubos ang oras ko sa wala. Imbes
na makapag-type ako for ud, hindi ko magawa kasi inuubos sa tawa lahat ng time.
Gusto na yatang mag-asawa ng mga gaga..

"O, ganito... Oy, makinig ka nga!"

Nasa kusina ang mag-asawa at si Kusina Master Josef nakahanap ng trainee nya.

At sino pa ba ang maswerteng angi-angi magluto sa bahay na yon? Ten-Tene-Nen!

Si Armida.

"Alam ko na kung pano yan lutuin, tss.." nakasimangot si Armida habang tinitignan
ang iluluto NYA.
Siomai lang naman.

"Prito lang yan and I can fry anything, duh! Ilulubog lang yan sa mantika then
that's it!"

"Eng-eng ka talaga," tinampal nya ang noo ni Armida "Ii-steam mo 'to, hindi
prito. Kaya ka tumataba puro mamantika kinakain mo eh, konti ka pa kumain ng gulay"

"Huh! Eh di tumaba! Pake ko! I didn't fight my position as a higher form of being
para kumain lang ng dahon, hello! Tao ako, hindi kambing! Yung food pyramid ba,
puro gulay lang ang nakalagay ha? Pakisagot nga lang ako mister??"

"Uhmmm!!" kinurot nya ang pisngi ni Armida "Ang cute mo talaga! Ansarap mong
tirisin!!"

"Ano ba!" tinabig nya agad ang kamay ni Josef at saka nya hinawakan ang pisngi
nyang namula dahil sa kurot "Kung makakurot ka naman sa pisngi ko, akala mo naman
hindi masakit!"

"Ah! Marunong ka palang masaktan! Akala ko puno yang katawan mo ng anaesthesia eh,"

"Ginugutom na ko! Kelan mo pa balak magluto ha?!" reklamong tanong ni Armida sabay
pameywang

"Ikaw nga ang magluluto ngayon diba? Steam lang 'to, oy! Maawa ka naman sakin!
Battered husband na nga ko, inaalipin mo pa ko! Sino ba mas mataas ang posisyon
sating dalawa ha?" at nagpameywang din sya para tapatan ang asawa

"Ayun, pataasan lang pala ng posisyon dito eh! Bakit di ka mag-request ng katulong!
Dalhin mo dito yung isang batalyon mong Guardians at sila ang paglutuin mo! Reklamo
ka nang reklamo!"

"Aba, may karapatan ako! Nagrereklamo ako kasi andami kong trabaho pero wala naman
akong sinusweldo!"

"Aaahh, sweldo? Gusto mo ng sweldo? 'Yan ba pinaglalaban mo ha?! Fine! Magkano


gusto mo? Hundred million an hour? I can pay you! Now, cook for me." sinukat nya
agad ng tingin si Josef

Naningkit lang ang mata ni Josef at nilabanan sa titigan si Armida "Hundred


million an hour? Babayaran mo ko ng hundred million an hour, huh? Sorry to say Miss
Ultimate Assassin of Meurtrier Assemblage, I only work for myself!"

"Cook for yourself then I'll steal it from you, Mister Infamous Cat Burglar of
Assassin's Asylum" siningkitan din nya ang mata para gayahin si Josef

"Like you can, let me remind you who the thief here is..."

Kulang nalang ng spark sa pagitan nila para masabing nagkakainitan na naman sila.
Kung nakakasunog lang ang masamang tingin, malamang kanina pa nagliyab ang dalawa.

"Cook. Now." seryosong sinabi ni Armida habang nilalabanan sa titigan si Josef

"Sorry, babe, I'm not your maid." at umupo nalang si Josef sa pwesto nya sa dining
table

Dali-daling lumapit sa kanya si Armida para magreklamo "I'm hungry!"

"Then cook for yourself! Problema ba yon?!"

"Argh!" napasigaw si Armida sa inis at tinignan ng masama ang asawa nyang


nakatingin sa ibang direksyon, iwas sa kanya "Pag ako nagluto, wag kang kakain
ha?!"

"Eh di wag.. Sinong tinakot mo.." mahinang sinabi ni Josef. Makikipagmatigasan


talaga sya kay Armida
Dinuro ni Armida si Josef para sabihing isaksak sa kokote nito ang sinabi nya.

Tahimik na tumungo si Armida sa ref para maghanap doon ng lulutuin nya.

Gagawa nalang sya ng lagi nyang kinakain kapag nagtatrabaho sya. Tinawag nya 'yong
The Glutton's Bowl. Oh yeah.

Inilapag nya sa preparing area ang onion, garlic, onion springs, carrots, celery,
tatlong itlog, yung pinagtalunan nilang siomai, dalawang cheesedog at dalawang
slice ng ham.

Pinanood lang sya ni Josef. Cina-calculate rin nito kung ilang seconds nya makukuha
yung fire extinguisher sa gilid ng ref kapag may sumabog na tangke at kumalat na
apoy sa kusina.

Hiniwa-hiwa na ni Armida sa maliliit na piraso yung bawang, sibuyas, onion springs,


carrots, celery, ham, bacon, siomai at cheesedog. Nagbati na rin sya ng isang
itlog. Dala na rin ng gutom at inis kaya napabilis sya sa paghihiwa.

Hinanda na nya ang kawaling pagsasalangan sa stove tapos kumuha na rin sya ng
lutong kanin sa rice cooker para mabilis ang pagluto.

Nang uminit na ang pagsasalangan nya, naglagay na agad sya ng mantika at saka
nilingon si Josef na pinuna ang puro mamantika nyang niluluto at kinakain.

Napa-upo ng diretso si Josef at binigyan sya ng 'anong-problema-mo' look. Umirap


lang si Armida sa kanya at saka pinagpatuloy ang pagluluto.

Inilagay nya lahat sa kawali ang hiniwa liban sa gulay. Konting gisa-gisa pa at
saka na nya sinunod yung mga natitirang ingredients. Halo-halo ulit tapos yung
kanin na. Halo-halo ulit then lagay ng seasonings.

Tumaas ang kilay ni Josef dahil amoy na amoy sa pwesto nya yung bango ng niluluto
ni Armida. Bigla tuloy syang ginutom. Pagkatapos ng super duper ultra mega epic
fail adobo at menudo ng asawa nya kahapon, hindi nya ine-expect ang naamoy nya
ngayon eh gawa ng asawa nya. Napalunok nalang sya at inisip kung mamamahagi pa ba
si Armida ng niluto nito kahit na nagtalo na naman sila.
Inilagay na ni Armida ang binating itlog sa niluluto nya at saka hinalo-halo na
naman hanggang sa maluto. Pagkatapos ay inalis na nya ang kawaling may fried rice
sa stove.

Kumuha ulit si Armida ng panibagong frying pan at doon nagprito ng dalawang itlog.
Pagkatapos nyang magprito, inilipat nya sa isang plato yung nilutong sunny-side-up
then sa same pan, gumawa sya ng sauce na gawa sa butter, konting flour at ilang
seasonings and condiments.

Pagkatapos nyang magluto, kumuha sya ng dalawang medium-sized ceramic bowl at


inilagay doon ang fried rice na niluto nya, tapos pinatungan nya ng sunny-side-up
at binuhos nya ang ginawang sauce.

At dahil tapos na ang preparation, inilapag na ni Armida ang dalawang bowl sa mesa.
Inilapag nya ang isa sa harap ni Josef at isa sa kanya. Kumuha rin sya ng fork and
spoon pagkatapos ay umupo na sa pwesto.

Proud nyang tinignan ang asawa nyang kulang nalang maglaway sa luto nya habang
tinutunaw yon ng tingin.

"Edible yan, wag kang mag-alala. Hindi ko nga lang alam ang lasa kasi hindi ko
tinikman. Pero kung ayaw mo, maluwag ang basurahan, pakitapon nalang. Pasensya ka,
yan lang ang kayang lutuin ng asawa mong WALANG TALENT sa PAGLULUTO!" full of
sarcasm and pride nyang sinabi kay Josef

Tinignan sya ni Josef na may naniningkit na mga mata. Nagkasukatan na naman sila ng
tingin.

Kinuha ni Josef ang kutsara at tinidor nya habang hindi pa rin inaalis ang tingin
kay Armida. "Pag sumama ang tyan ko dito-"

"Pag hindi sumama ang tyan mo, ikaw ang sasamain sakin." warning ni Armida

"Tss..." tinikman na ni Josef ang luto ng asawa nya


Yung pagnguya nya, biglang nag-slomo at gulat na tinignan si Armida.

"Masarap diba?! Umamin ka! Sabihin mong hindi, bugbog-sarado ka sakin!" banta ni
Armida sa kanya habang dinuduro sya ng tinidor

"Oo na! Masarap! O masaya ka na!" sarcastic na sinabi ni Josef

"Eh mukhang napipilitan ka lang eh! Masarap ba o hindeh?!"

"Anakng- Ansarap mong sipain! Sabi mo, sabihin kong masarap! Tapos ngayon sasabihin
mo napipilitan lang ako! Lupit mo! Lupit mo talaga, sobra!"

"Akin na nga yan!" hinatak nya agad palayo kay Josef yung bowl

"O! Bakit mo kukunin eh binigay mo na to sakin!" hinatak ulit ni Josef yung bowl
nya

"Eh diba ayaw mo?!" Hinatak ulit ni Armida ang bowl

"Aba! Kelan ko sinabi? Ikaw, umayos ka nga!" hintaka ulit ni Josef ang bowl.
Tumayo na rin sya dala-dala yung pagkain nya

"Hoy! San ka pupunta?!"

"Dun sa makakakain ako ng tahimik!"

"Tss... Katamaran mo pairalin mo nang magkasundo tayo!"


Pinanood lang ni Armida si Josef na pumunta sa sala para doon kumain mag-isa.

May dalang kalahating gallon na ice cream si Armida at feel na feel nya ang pagkain
habang papaupo sa may sofa bed.

"Mamahagi ka nga nyang hawak mo!" inis na sinabi ni Josef na nasa two-seater at
nagbabasa ng dyaryo

" 'yoko nga.. Kumuha ka sa ref, wag kang tamad." kinagat ni Armida ang kutsarang
hawak at pinagpatong-patong ang mga throw pillow para makahiga sya

"Sino kaya ang tamad sa'tin. Kumakain tapos hihiga?"

"Eh ano bang-- HWOY!!" nagulat nalang si Armida kasi hawak na ni Josef yung
icecream na dala nya pati yung kutsarang kagat-kagat nya "Magnanakaw ka talaga!"

"Wow! Bago yan sa pandinig ko.." naka-smirk na sinabi ni Josef habang ninanamnam
ang icecream

"Ansama mo talaga!" kumuha ng isang throw pillow si Armida at ibinato kay Josef.
Sinalag lang nito yung binato nya

"Gusto mo'ng icecream?" tanong nya kay Armida habang inaalok yung ninenok nyang
icecream

"Letse ka!"

"Hahahaha!! Sige, susubuan nalang kita... Aaaa..." inilapit nya kay Armida yung
kutsarang may icecream para subuan ito

"Tss.." lumapit naman si Armida para dun sa icecream


"Ay, ambagal.. Nagbago na isip ko," at saka nya sinubo ang icecream sabay hirit ng
pang-asar na smile

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Armida dahil sa ginawang yon ng magaling
nyang asawa kaya kumuha agad sya ng throw pillow para ipanghampas kay Josef

Napatalon agad si Josef sa likod ng two-seater para iwasan yung ihahampas sa kanya
ni Armida.

"Hahahaha! Wag kang pikon, oy!" natatawa pa nyang sinabi habang tinitignan ang
asawa nyang nanggagalaiti na

"Ah pikon! Ako? Pikon?! Eh bwisit ka pala eh!" sunod-sunod nyang binato si Josef
ng throw pillow

Si Josef, ilag lang ng ilag o di kaya sisipain yung mga unang binabato sa kanya
habang kumakain pa rin ng icecream at lumalayo sa mga upuan.

"Paubos na 'to o!" pinakita ni Josef yung lalagyanan na halos 1/4 nalang ang
natitira

Huminto na si Armida sa pagbato at inis na inis na tinignan si Josef, "Demonyo ka


talaga!!"

"Hahahaha! O, eto na..." iniabot na sa kanya ni Josef yung icecream, hindi pa rin
nawawala sa labi nya ang pang-asar nyang ngiti

"Ilapag mo sa table! Wala 'kong tiwala sayo," masungit na sinabi sa kanya ni


Armida habang nakapameywang

Napailing nalang si Josef habang papalapit sa may coffee table para ilapag ang
icecream.
Isang smirk ang nabuo sa labi ni Armida nang ibaba ni Josef ang lalagyanan sa
table. Kinuha nya agad ang kaliwang braso ni Josef para ihagis ito. Kelangan nyang
gumanti, sinasadya na ni Josef na initin ang ulo nya.

"Hwop-- Nuh-uh.."

Ang kaso, hindi nya nagawa ang binabalak.

Una, nabasa ni Josef ang gagawin nya kaya nakapwesto na agad ito at naitukod ang
mga paa sa lugar na hindi sya maiaangat ni Armida.

Pangalawa, masyado malakas si Josef para kay Armida.

"Argh!" pinilit ni Armida na ibalibag si Josef na nasa likuran nya

"I can dodge your attacks, Armida. I already know your weakness as RYJO" sabi ni
Josef habang nakatukod ang kanang kamay sa likod ni Armida para pigilan ang
pwersang ilalabas nito para ihagis sya

"Shut up!"

Natawa nalang ng mahina si Josef dahil ayaw paawat ng asawa nya at pinipilit pa rin
ang gusto. Pursigido sa pagbalibag sa kanya.

No choice sya, kelangan nyang pakalmahin ang asawa.

Hindi naman masamang gumamit ng cheat, diba?

Inilapit nya ang katawan sa likod ni Armida at saka dahan-dahang hinagod ang palad
pababa sa beywang nito.
"Armida..." sabi nya gamit ang pinaka-husky slash seductive nyang boses

Ang nakasimangot na mukha ni Armida ay biglang nagbago at naging kalmado. Para


syang nawala sa sarili.

Iniikot ni Josef ang palad nya palibot sa beywang ni Armida at saka nya ito
pinaharap sa kanya.

At ang expression na inaasahan nya ay nangyari nga. Blangko at siguradong nasa


kontrol na nya ang isipan ni Armida.

"Liebling, küss mich..."

Tumingkayad naman si Armida para abutin sya. Ibinaba naman ni Josef ang mukha para
makuha ang gusto nya nang biglang...

"Shi-- Argh!" itinulak agad ni Armida si Josef at agad na umatras para lumayo,
muntik pa syang matumba dahil tumama ang binti nya sa coffee table. Pinandilatan
nya si Josef na nagulat din sa naging reaksyon nya. "Anong ginawa mo sakin..."

Iginilid agad ni Josef ang tingin.

Patay ka dyan.

"Josef, tinatanong kita! Anong ginawa mo sakin?!" hinihingal na sinabi ni Armida

"It's nothing. Pinapakalma lang kita. It's just a simple hypnotism-" mahinang
sinabi ni Josef

"Pinapakalma?! You hypnotized me?! My God, Josef! How dare you!"


"You provoked me, it's your fault" simpleng sagot ni Josef

Napanganga nalang si Armida sa sinabi ni Josef at sa tono nito pati na sa facial


expression.

"I can't believe it. You betrayed me." napailing nalang si Armida at naglakad para
makaalis doon

Hindi sya makapaniwalang gagawin sa kanya yun ng asawa nya... Kung ano man ang
ginawa ni Josef sa kanya.

Hinawakan sya sa braso ni Josef para pigilan "I did--nt mean it?" hindi pa sure
si Josef sa sagot

"I hate you."

"Oh come on... Don't make a big deal out of it, it's nothing."

"It's not "Nothing"! Kung si Mephist ka, baka i-consider ko pa."

"At pano naman nasama yung lalaking yon sa usapan ha?"

Napahinto sila sa pagtatalo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Laby na
may dalang briefcase.

"Nagtatalo na naman kayo?" tanong ni Laby at nagtuloy-tuloy na sya sa pag-upo sa


two-seater "Uy, icecream.." kinuha nya yung pinagtalunang icecream at saka kinain
"Sit down, nasa akin na yung mga target nyo,"

Tinignan ng masama ni Armida si Josef at saka tinabig ang kamay ni Josef na


nakahawak sa braso nya. Seryosong seryoso ang mukha nya at umupo nalang sa ottoman
para wala syang katabi.

Napailing nalang si Josef at umupo sa may sofa bed

"Ang tatanda nyo na para magkalat," sabi ni Laby nang mapansin ang mga unan na
nakakalat sa sahig

"Marunong ka palang umuwi." sabi ni Josef sa kanya

"Marami akong trabaho, ok. Palibhasa kayo pakain-kain nalang ng icecream. Tss..."
at saka sya sumubo ng icecream na hawak "Anyway, naglabas na sila ng next targets.
Naipasa ko na lahat ng listahan then sila na ang nagbigay ng authorization to
summoned. Kaninang umaga lang nila ibinigay ang official records and I can say na
wala namang special case dun sa tatlong targets..." itinulak nya ang briefcase
para sabihing nandun ang mga files

Si Armida na ang kumuha at nagbukas ng briefcase. Kinuha nya doon ang tatlong
folders. Binasa nya ang isa at inilapag ang dalawa sa mesa.

"King Ace Havenstein. They agree to it?" tanong ni Armida kay Laby

"King Ace Havenstein is the first placer on my list dahil alam ko ang kalahati sa
background nya. He's the son of Theodore Havenstein, a Mafia Boss. And obviously,
he's considered a future Mafia Boss. And I didn't expect na may iba pa palang
reason kung bakit sya qualified. Pamangkin sya si Josef."

"O?" kinuha agad ni Josef ang folder kay Armida "Panong nangyari?"

"Second cousin mo, Josef, yung mother nya. Grandmother ni King Ace Havenstein is
younger sister ng grandfather mo. And Havenstein is an ally of Zach family." -Laby

"Talaga... Sige," napatango nalang si Josef habang ini-scan ang profile ni King

"At ito?" kinuha ni Armida ang isang folder "Sunny Jean Soliman. What?! This kid
is dead, right?"
"Yun din ang akala ko. Shiner Jean Soliman was the one died, three months ago. At
ang Shiner Jean Soliman na nakilala natin ay hindi talaga si Shiner, kundi si
Sunny. Sunny Jean Soliman is an underground grappler. Baguhan palang sya pero
marami na syang laban na naipanalo. Tapos tagapagmana pa sya ng Crime Family. Since
nabanggit mo na rin ang tungkol sa Alef Maksura, isa lang naman ang dahilan kung
bakit sya napasama doon.. Gusto nyang kalabanin ang tatay nya. At ang pinaka-
effective na paraan para mangyari ang gusto nya ay ang sumali sa Gang na kayang
lumaban sa pamilya nya. Nang mamatay si Shiner, nagpanggap sya bilang kakambal nya.
Kaya nga sya gustong makuha ni Isidore Soliman ay dahil sya talaga ang tunay na
tagapagmana."

Tumaas lang ang kilay ng mag-asawa sa sinabi ni Laby.

Ibig sabihin, hindi talaga si Shiner Jean Soliman ang kasama nila sa bahay na yon
nitong mga nakaraang araw.

"Ibig sabihin, yung Sunny na Dark Queen ng Dark Orion Cards ay yung kasama natin
dito sa bahay?" tanong ni Armida

"Absolutely,"

Si Josef, speechless. Hindi nya alam ang ire-react.

"So, saang school ba dapat 'tong Shiner na Sunny pala?" tanong uli ni Armida

"She's originally a Byeloruss student..."

Napasapo nalang ng noo si Josef at napabuntong-hininga. Pakiramdam nya, naloko sya.


"Sa tingin mo, aksidente yung pagkamatay nung tunay na Shiner?" tanong ni Josef

"Now, I can say NO. Sinadya nya ang pagpatay sa tunay na Shiner dahil alam nyang
makakagalaw sya ng maayos kapag ganun ang ginawa nya. Si Sunny ang mainit sa mata
ng lahat at hindi si Shiner. Nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan ng tunay na
Shiner, at pansin din nila ang pagbabago ng ugali nito noon pang nakaraang tatlong
buwan. At may nagsabing sya na ang umari ng rooftop at walang kahit sinong
nakakaakyat doon maliban sa kanya. And that's one of the reason kung bakit
iniiwasan sya sa Diaeresis."

Napapikit nalang si Josef at inisip na naloko nga talaga sya. Napeke sya ni Shiner
na Sunny pala. Hindi sya makapaniwala.

"Kung bestfriend nya si King, bakit parang wala lang sa kanya nung nagkita-kita
tayong lahat dito nung wednesday?" -Armida

"Sya si Shiner. At kelangan nyang manatiling si Shiner sa mata ng lahat. How witty,
right? Gawain nyo yan, dapat naiintindihan nyo ang ginagawa nya. Concept of death
and existence: If they exists no more in people's mind, they're dead."

Napatingin nalang si Armida kay Josef na nakasandal sa inuupuan at nakatingala lang


sa taas.

"Who's the third target?" walang energy na tanong ni Josef

"That is considered as shocking for me. And I don't want to get involve in
summoning." sabi ni Laby sabay eyeroll at whatever headshake

Kinuha ni Armida ang last folder at tinignan ang laman

"What the hell..." yun nalang ang nasabi ni Armida

"Sino?" tanong ni Josef na halatang wala sa mood

"Xiao Ran Li." sabi ni Armida sabay lapag ng folder sa table sa harap ni Josef
"Sino??" nabuhayan tuloy si Josef nang wala sa oras. Kinuha nya ang folder at
binasa "Panong nasama 'tong mokong na 'to ha?"

"Well, he'll be a 5th Generation even though he's supposed to be a 3rd Generation
like Armida." -Laby

"A what??" sabay pa ang mag-asawa

"He's the last bloodline of the Qi family." sabi ni Laby at inilapag na ang
lalagyan ng icecream dahil naubos na nya "Madame Qi, does the name ring a bell?"

"Madame Qi?" napaisip din si Armida sa pangalan na yon "Don't tell me-- Hindi
naman sya yung founder ng Isle right?"

"Wow! You knew her! Good for you." kinuha ni Laby ang isang nakakalat na throw
pillow at niyakap "Madame Qi is the founder of the Isle which is a Pioneer
Superior. Ka-batch nya ang original Fuhrer. Tropa-tropa sila ng lolo mo sa father,
Josef at lolo mo, in both parents, Armida. Sya rin ang mentor ni No. 99. And sya
ang mother ng mother ni Li Xiao Ran. Li Yuan si supposed to be a Superior but we
all know he is already dead. So, yang Xiao Ran na yan ang natitira sa Qi bloodline.
And another info, isa pala sya sa mga Young Boss ng Red Dragon Triad sa Hongkong,
NOW. He already owned his own private army and street gangs. And I can't believe na
ang mukhang yon at sa ugali ng loko-lokong yon, may tinatago palang hidden prowess.
Parang ikaw lang Armida,"

"Pwede bang hindi nalang isali 'tong Li Xiao Ran na 'to ha?" inis na sinabi ni
Josef

"No, Josef. Kukwestyunin nila ang posisyon mo. Not because you're the Fuhrer eh
mamemersonal ka na. Be professional. Kahit ako, ayoko ring isali yan pero mas may
karapatan sya dahil Pureblood sya. At nasa 3rd Generation ang dapat na posisyon
nya. Malayo sa 5th Generation na pwesto natin ngayon. Nasa Credo yan, kaya dapat
alam mo."

"This is crazy," napailing nalang si Josef at inilapag sa table ang hawak na


folder

"Monday, dapat nasa kanila na ang summons. Now, let me get some rest. Two days na
kong walang tulog." sabi ni Laby at saka nahiga sa inuupuan
"Yun lang ba?" tanong ni Armida

"Yeah.." tamad na sinabi ni Laby at saka sya pumikit

Nauna nang umakyat si Armida sa kwarto nila dahil badtrip talaga sya kay Josef.

"May kwarto ka naman ah, bakit dyan ka matutulog?" tanong ni Josef kay Laby

"Ayoko munang makakita ng trabaho.. Nga pala, sabi ni Riggs, tawagan mo daw yung
Mama mo.." sabi ni Laby

Tumaas lang ang kilay ni Josef sa sinabi ni Laby "Sabi ni Riggs? Kelan naman?"

"Kahapon." sagot ni Laby

"Kahapon? Nagkita kayo kahapon?"

"Nasa trabaho sya, nasa trabaho ako. Aksidente lang ang pagkikita namin."

"Teka nga ha.." nag-cross arms si Josef habang nakatingin kay Laby "Ano bang
meron sa inyo ni Riggs ha?"

Napadilat si Laby sa narinig at napatingin sya kay Josef "Meron samin? Anong meron
samin?"

"Hindi basta-basta nagpapasabi si Riggs sa kahit sino pag si Mama na ang pinag-
uusapan, unless may special reason sya para magpasabi. Totoo ba yan o gumagawa ka
na naman ng kwento? Ang hirap magtiwala sayo dahil ilang beses mo na kaming
trinaydor."
"Sinabi nga nya sakin! Kung ayaw mong tawagan ang Mama mo, eh di wag! Pinapasabi
lang naman nya eh! Hindi naman yun sapilitan! Tss.." nagtakip nalang ng unan sa
mukha si Laby dahil sa inis

"Hoy, bata! Umayos k--"

"Hindi na ko bata!!" napabangon agad si Laby at inihagis ang unan sa sahig


"Tigilan mo na ang kakatawag sakin ng bata pwede ba?!" tinignan nya ng masama si
Josef

Tinignan lang din sya ng masama ni Josef "Bakit ka nagagalit, tinatanong lang
naman kita?"

"Kung ayaw mong tumawag eh di wag! Ano namang mapapala ko kung pati yang bagay na
yan, gagawan ko pa ng kwento ha?! Kung nagdududa ka, eh di kalimutan mo na!"

"Nahihirapan lang akong pagkatiwalaan ka dahil ilang beses mo na kaming niloko...


Kaya ayoko sa mga katulad mo--"

"Bakit, sinabi ko bang gustuhin mo ko ha?!"

At nag-walkout nalang si Laby dahil sa sobrang inis kay Josef.

Nakakunot ang noo ni Josef habang sinusundan ng tingin si Laby

"Ano bang meron ngayong araw at andaming tinotopak ha?!" at padabog nyang sinipa
ang coffee table

------------
Windang ako sa exam kanina. Pasensya na sa ud na ito.

Tapos na ang The Superior Gangster pero hindi ko muna ipo-post. ^__^

"Alis sabi!"

"Oo n--"

BOG!

"Haaayy..." isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Josef nang ibagsak
ni Armida ang pinto

Ala sais na ng gabi at galit pa rin sa kanya si Armida. Bumabawi yata dahil nung
nakaraang araw sya ang galit.

Tatawagin lang naman nya si Armida para kuman na ng hapunan, kaso pinalayas lang
sya. Tsk tsk tsk.

Pumunta sya sa tapat ng pinto ni Laby para tawagin ito para kumain.

"Laby.."

"Leave me alone!" sigaw mula sa loob ng kwarto

Napataas ang kilay ni Josef dahil ni-reject na nga sya ni Armida, pati ba naman si
Laby ni-reject din
sya.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo ha?" inis nyang tanong sa pader "Kung ayaw nyong
kumain, di wag! Sino bang gugutumin satin? Tss.."

Bababa na sana sya nang maisipang akyatin ang attic. Dalawang gabi nang hindi
umuuwi sa kanila si Shiner- o si Sunny, at pangatlo na kapag hindi pa umuwi ngayon.

Pag-akyat nya sa taas, nakita nya na nandoon pa rin ang ilang gamit ni Sunny.
Naalala nya ang mga
sinabi ni Armida. Naisipan tuloy nyang kalkalin ang mga gamit na nandoon.

Nakatago sa mga damit ni Sunny ang ilang makakapal na benda, mga gamot na ngayon
lang nya nakita sa buong buhay nya, may mga patalim din.

Sunod nyang tinignan ang ilalim ng unan.

Tama nga si Armida, nandoon nga ang droga at ilang paraphernalia at isang .45.
Gusto nyang magulat pero ganun din sya noon. Yung drug issue. Sinubukan nya pero
disiplinado sya at hindi nya balak sirain ang katawan nya. Tama nang sinubukan at
dapat hanggang doon lang. Yung gun issue. He always do that before. Lalo na kapag
nasa mission sya.

Napaisip tuloy sya...

Kung may karapatan na si Sunny Jean Soliman sa pagiging Superiors...

Pipiliin ba nyang mapabilang sa pinaka-worst na tao sa mundo ang batang yon, o mas
pipiliin ba nyang ilayo ang bata sa mas malalang bukas na ibibigay nila sa kanya.

Kung titignang mabuti, hindi nya tatanggapin ang posisyon bilang Fuhrer kung hindi
lang talaga dahil sa asawa nya. Kay, kung tutuusin, sinusumpa nya ang Superiors.

Nagtatalo sa kanya ngayon kung dapat pa ba nyang ibigay ang summons o hindi.

Umalis na sya sa attic at bumaba na sa kusina.

Wala pa rin sila Armida at Laby.

Napabuntong hininga nalang sya at kumain mag-isa.

. . . . . . . .

"Armida..."

"Don't you dare--!"

Itinaas nalang nya ang magkabilang kamay para sumuko. Alas dyes na nang gabi at
ayaw pa rin syang papasukin ni Armida sa kwarto nila.

Tsk tsk tsk. Ayan kasi...

Napailing nalang sya at bumaba na sa may sala.

Pangalawang beses na 'tong napapalayas sya ni Armida sa kwarto. Outside the kulambo
again.

"Cheer up, Josef. Look on the brighter side..." malamya nyang cheer sa sarili "At
least hindi sya sobrang galit. Wala ka pang naririnig na nababasag sa taas. At
hindi ka pa patay."

Tamad na tamad syang humiga sa may sofa bed at kumuha ng isang throw pillow.

At least, hindi na sya maghahanap pa ng tutulugan diba.

. . . . . . .

"Uhm... Ayp--"

BOG!

"Aww..." napahawak sya sa balikat nang mapabalikwas at malaglag sa hinihigaang


sofa bed

Dahan-dahan syang bumangon habang inaayos ang suot nyang t-shirt. Hinanap nya agad
ang orasan, alas tres palang ng madaling-araw.

Nakalimutan pa nyang patayin ang ilaw. Hindi nya namalayan, nakatulog na pala sya.

Kamot-kamot nya ang ulo habang papunta sa kusina. Kumuha sya ng baso at nagsalin ng
tubig.

Tinignan nya ang loob ng ref. Walang nagalaw, ibig sabihin, sya lang talaga ang
kumain kagabi.

Inilapag na nya ang baso sa mesa at sinubukang umakyat sa kwarto nila ng asawa.

Walang kaingay-ingay nyang binuksan ang pinto.

Pagbukas nya...

"Uh-oh..."

Nakataas ang kilay ni Armida sa kanya habang naka-cross arms at naka-cross legs sa
may dulo ng kama at mukhang inaabangan talaga ang pagdating nya.

Patay ka dyan, pare.

"H-hindi ka natulog?" asiwang tanong ni Josef


"Sinong may sabing pumasok ka, hmm?"

Napalunok nalang si Josef

"Labas..."

"P-pero, Armi--"

"LABAS!"

"Ah, naman..." napakagat nalang ng labi si Josef at napahimas sa noo nya "Pwedeng
pag-usapan muna na--"

"Hindi ka lalabas?!" Inabot ni Armida ang alarm clock sa bedside table para ibato
kay Josef

"Eto na! Lalabas na! Dyusko naman 'tong tao!" napalabas tuloy agad si Josef dahil
hindi biro kapag nasapul sya nung alarm clock. Lalo na kung si Armida ang babato,
ay dyusko po. Sobrang swerte nalang kung hindi mabutas ang katawan nya.

Tsk tsk tsk...

Traydor na Konsensya: Ang genius mo, pards! Ulitin mo bukas para sa kotse ka naman
matulog! Hahahaha!

Balik sya sa sofa bed.

At dahil malamig at wala syang kumot, tyaga-tyaga nalang sya sa bath towel.

Kawawang Josef.

. . . . . . .

Alas sais pasado na nang umaga.

Nagising si Josef nang makaamoy ng masarap na pagkain.

Napatingin sya agad sa kusina.

Lumaki ang ngiti nya nang makita si Armida na naghahanda doon at si Laby na
kumakain na.

Sa wakas, bumaba din ang dalawa.

Tumayo sya agad para pumunta ng kusina.


"Good Mor--"

"Tapos na kong kumain..." tumayo na si Laby kahit na hindi pa nya nauubos ang
kinakain nya

May isang platong puno ng pagkain ang hawak ni Armida at sumunod sya agad kay Laby
paalis ng kusina.

"Wha--??" isang napakalaking 'what-the-hell-is-your-problem?' reaction ang


makikita sa mukha ni Josef

Dali-dali nyang sinundan ang dalawa para kumprontahin. Hinarang nya agad ang
dinadaanan ng mga ito

"Ano bang problema nyong dalawa ha?" inis na tanong ni Josef

Parang walang Josef sa paligid dahil dumaan lang sila Armida at Laby sa gilid nya.

Napa-eyeroll nalang si Josef at idinipa ang mga kamay para harangin yung dalawa
"Ano bang kasalanan ko sa inyo ha??"

Sabay lang syang tinignan ng masama ni Armida at Laby.

"Ano??"

Nagkatinginan si Laby at Armida. Sabay na kinuha ng dalawa ang french toast sa


platong dala ni Armida at isinampal ng ubod-lakas sa pagmumukha ni Josef.

"Hmmp!" sabay na umirap si Armida at Laby sa kanya at saka na nagtuloy-tuloy sa


pag-walkout

Napanganga nalang si Josef sa napala nya.


. . . . . . . . . .

Alas dyes na ng umaga.

At wala pa ring pumapansin kay Josef.

At dahil walang pumapansin kay Josef, kakausapin nalang nya ang Mama nya. At least
yung Mama nya, matutuwa kapag tumawag sya.

Hawak nya ang telephone at hinihintay na sagutin ng kabilang linya ang tawag.

( Hello )

"Hello, this is..." huminga ng malalim si Josef bago magpakilala "...Richard. I


want to talk to Anjanette Malavega, nandyan ba sya?"

( Ay, sandali lang ho, Sir )

"Sige..."

Hinagis-hagis nya sa ere ang hawak na throw pillow habang hinihintay na sumagot
ulit ang nasa kabilang linya

( Sinong Richard daw ho ito? )

Napahinto sandali si Josef at tinitigang maigi ang throw pillow

"Richard Zach... Pakisabi ako si Richard Zach."

( Sige, Sir, sandali lang ho )

Natulala nalang si Josef sa hawak na unan habang hinihintay na sagutin ng Mama nya
ang phone.

( Bilisan mo! Ambagal-bagal! Akin na! )


Naririnig nya ang galit na boses ng Mama nya sa kabilang linya. Napakagat sya ng
labi at tumingala nalang para pigilan ang pagluha.

( Josef... Josef, anak )

"Ma..."

( Bakit ka tumawag? Mapapahamak ka sa ginagawa mo, alam mo ba yon?! Alam ba 'to ng


lolo mo?! )

Napayuko nalang si Josef at pumikit habang hinahawakan ang dulo ng mata nya

"Ma, inaalagaan mo ba sarili mo. Pinapabayaan mo ang katawan mo kapag depressed ka


eh..." rinig ang panginginig ng boses ni Josef

( Wag ako ang intindihin mo! Ang sarili mo ang asikasuhin mo! Josef naman... Lalo
mo lang akong pinag-aalala eh )

"Don't worry, Ma. I'm fine. More than fine," tumawa ng mahina si Josef para
sabihing ok lang sya kahit na ang totoo, kanina pa tumutulo ang luha nya

Sandaling walang sumagot sa kabilang linya

"Ma, nandyan ka pa?" tanong nya

( Patay na ang asawa mo. )

Inilayo sandali ni Josef ang phone at suminghot sandali dahil nagbabara na ang
ilong nya

"Ma, I don't how to explain this," pinunasan nya ang ilong gamit ang laylayan ng
suot nyang t-shirt "She's... not really dead. She's dead but... Ugh! Jocas is
dead, yes. But... Ugh! God."
Nahihirapan din syang ipaliwanag sa Mama nya ang sitwasyon ni Armida.

"Forget it, Ma... Nagkita daw kayo ni Daddy nung October,"

Sandali na namang nawala sa kabilang linya

"Ma?"

( His... Uhm... his friend called me. )

"Ma, I already know. Cassandra called you."

Narinig ni Josef ang pagbuntong hininga sa kabilang linya

"Bedridden na si Daddy. Hindi na nya kayang magsalita nung bumisita ako sa kanya
last November. Makina nalang ang bumubuhay sa kanya ngayon..."

( Oh, God... )

Narinig nya ang hikbi sa kabilang linya

"Ma..."

( I'm sorry, Josef )

Pinilit ni Josef na ibahin ang topic dahil lalo lang nyang mapapaiyak ang Mama nya.

"Ma, kinasal nga pala ulit ako last November..."

( What? Kanino? )
"Sa anak ni Cassandra... Pina-annul nila yung first wedding ko."

( Anak ni Cassandra? Kelan nila nakita yung bata? I mean-- Kasama mo ngayon yung
anak nya? )

"Yeah. And I'm surprised..." natawa ng mahina si Josef "Hiniwalay nila 'ko sa
asawa ko para ipakasal uli sa kanya. Ma, I married my wife again. Jocas is
Cassandra's daughter. Her real name is Armida Zordick..."

Narinig ni Josef ang pagbagsak ng telepono ng kabilang linya.

"Ma? Ma, what happen?"

Tinignan nalang ni Josef ang telepono nang wala nang sumagot sa kanya.

-----------------------

Nakapagluto na si Josef ng tanghalian pero hindi sya kumain. Wala syang gana.

Alas dos na ng hapon...

Nasa labas lang sya at nakaupo sa may upuan sa garden. Ilang oras din syang naroon
at nakatulala

lang.

Sa loob ng bahay...

"Ano problema nun?" tanong ni Armida kay Laby habang tinitignan si Josef sa may
bintana ng sala

"Ewan ko sa kanya. Baka kasalanan mo. Dito mo pinatulog sa baba eh" sabi ni Laby
habang nagso-solve ng bagong bili nyang rubik's cube

"Kasalanan nya naman eh. Magdusa sya." bumalik sya sa pagkakaupo at kinuha ang
icecream cake na gawa ni Josef kagabi "Ano nga pala problema mo dun ha?"

"Ewan ko sa kanya. Sinabi ko lang yung pinapasabi ng kapatid nya, nagduda agad.
Tss,"

Napatingin silang dalawa sa may pinto nang pumasok na ang balisang si Josef.

Sinundan lang nilang dalawa ng tingin si Josef.

Parang wala itong nakikita at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Nanlaki ang mga mata ni Armida nang biglang huminto ang asawa nya "JOSEF!!"
napatalon sya sa may sofa bed nang wala sa oras para lang makalapit sa asawa. Kahit
yung hawak nyang pagkain, natapon nya "Josef, anong nangyari?!"

Kahit si Laby napatayo at biglang naubusan ng iisipin nang makita si Josef

"Laby kumuha ka ng towel dali!!" utos agad ni Armida

Napatingin-tingin pa sa paligid si Laby dahil hindi nya alam kung anong gagawin.

"TOWEL!!" sigaw ulit ni Armida

Pumunta agad si Laby sa may kusina at doon kumuha ng paper towel

"Josef, anong-- Hay naku naman! Ano bang ginagawa mo?!" alalang-alala na tanong ni
Armida dahil tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa ilong ni Josef "Hoy! Magsalita ka
naman!"

Si Josef naman, halatang wala sa sarili. Hinawakan lang nya ang dugong umagos sa
ilong nya at tinitigan lang iyon.

"Eto!" inabot agad ni Laby ang paper towel kay Armida

Hinalbot naman agad ni Armida ang paper towel at sinalpak agad sa ilong ni Josef.
Pinilit nyang paupuin ang asawa sa sofa bed.

"Dyusme naman!" hindi mapakali si Armida dahil nagkalat ang dugo sa light blue t-
shirt at white short ni Josef "Ano bang nangyayari sayo ha?!"

Wala pa ring lumalabas na kahit anong salita sa bibig ng asawa nya na lalong
nagpakaba sa kanya

Sanay syang nakakakita ng dugo, pero hindi yung sa paraang kusang naglabas ng dugo
sa katawan si Josef nang wala syang ginagawang kahit ano. Kung sinapak nya si
Josef, baka ok lang. Pero yung nag-nosebleed ang asawa nya dahil feel ng katawan
nitong mag-nosebleed, eh ibang usapan na.

Pisil-pisil ni Armida ang ilong ni Josef habang alalang-ala na nakatingin dito na


balisa pa rin.

"Josef! Ano bang nararamdaman mo ha?! Sumagot ka nga!" alalang tanong ni Armida

"I'm fine..." mahinang sinabi ni Josef habang pinupunasan ang bibig at baba nyang
puro dugo

"Fine?! Tumatagas na yang dugo sa ilong mo, fine pa din?! Aynako! Aatakihin ako
dyan sa nangyayari sayo eh!"

Paulit-ulit na pinunasan ni Armida ang ilong ng asawa nya na ayaw pa ring tumigil
sa paglabas ng dugo

Humalak si Josef at pinilit na idaan sa lalamunan ang nakabara sa ilong

"Hoy! Anong-- Tigilan mo nga yan!" pag-aawat sa kanya ni Armida

Hindi nakinig si Josef at idinura lang sa paper towel ang namuong dugo na nakabara
sa ilong nya

"Ito o.." dumating si Laby na may icepack na hawak at inilagay sa pagitan ng ilong
at noo ni Josef "Ano bang nararamdaman mo ha, Josef?"

"Wala."

"Magsabi ka nga ng totoo!" galit na sigaw ni Laby sa kanya


"Wala nga. Baka sa init lang 'to."

"Bakit ka ba kasi nagpabilad dun sa labas ha?!" galit na sigaw sa kanya ni Armida

Hindi nalang sumagot si Josef at pinunasan nalang ang ilong nyang never ending yata
ang pagdugo

Wala naman talaga syang nararamdaman sa katawan. Basta lang tumulo ang dugo sa
ilong nya.

Humalak ulit sya at dumura na naman ng buong dugo sa paper towel

Hindi naman alam ni Armida at Laby kung anong ire-react.

Magagalit ba sila? Maiinis? Maaawa? Malulungkot? Mag-aalala?

Sabay-sabay na, halos hindi na rin nila alam kung anong iisipin. Kahit si Laby
nawala ang pagka-genius at hindi na nakapag-isip ng matino.

Kahit na gustong itulak ni Armida ang asawa nya para lang bilisan nito ang paglakad
ay hindi nya

magawa. Kagat nya ang labi habang paulit-ulit na hinihimas ang noo.

Sobra-sobrang pag-aalala nya kay Josef. Bigla-bigla nalang kasing nagno-nosebleed,


hindi pa naman

sya prepared.

Pumasok na sila ng kwarto at pinaupo nya agad ang asawa sa kama.

Tumigil naman na ang pagdugo ng ilong ni Josef pero balisa pa rin sya.

Kumuha ng bagong t-shirt at short si Armida para ipampalit sa damit ni Josef na


natuluan ng maraming

dugo.

Si Josef naman hinubad na ang mga damit nya at ipinunas sa dibdib nyang namantsahan
na rin ng

dugo.

"Ano ba talagang nararamdaman mo? Masakit ba ang ulo mo? Hindi ka ba nahihirapang
huminga? Yung

batok mo ba masakit? Ano? Sumagot ka naman..." mahinahon pero ramdam ang pag-
aalala sa boses

ni Armida

Umupo sya sa tabi ni Josef at inabot sa asawa ang pamalit na damit

Kinuha na ni Josef ang inaabot ni Armida at agad na sinuot "Tumawag ako kay Mama
kanina..."

"Tapos?"

"Hindi ko na alam" napailing nalang si Josef at pinunasan ang binti nyang natuluan
din ng dugo "Hindi

na sya nakasagot eh," napabuntong-hininga nalang sya at tumingin sa may bintana

"Bakit ka tumawag sa Mama mo? Diba ang agreement, hindi ka na tatawag sa kahit
sinong may

connect sayo bilang si Rynel Joseph Malavega?"

"Sinabi ni Laby eh,"

"Naniwala ka naman." napakamot nalang ng ulo si Armida habang iritang tinitignan


ang mga damit ni

Josef na puro dugo "Haay, naku.. Magpahinga ka nga muna. Kakausapin ko muna yung
batang yon"

Tumayo na si Armida at kinuha ang mga damit ni Josef na may mantsa ng dugo "Gusto
mong kumain?"

Umiling naman si Josef "Hindi ako gutom,"

"Hindi ka pa nag-aalmusal. Kelangan mong kumain." naglakad na si Armida papuntang


pinto "Dadalhan

kita ng pagkain, wag ka nang bumaba"

"Pero--" hindi na sya napatapos pa ni Armida dahil lumabas na ito ng kwarto "--
wala nga kong gana,"

Pagbaba ni Armida, naabutan nya si Laby na hinuhugasan ang platong pinaglagyan ng


icecream cake

na nalaglag nya.

Inilapag nya ang dalang damit sa upuan at nag-cross arms habang tinitignan si Laby
na abalang-abala

sa ginagawa "Bakit mo sinabi kay Josef na tawagan nya ang Mama nya, hmm?"

"Pinapasabi ko lang ang sinabi ng kapatid nya sa kanya."

"Hoy, Catherine. Alam mong nasa agreement na bawal nyang tawagan ang Mama nya.
Traydor ka
talaga kahit kelan!"

Ibinagsak ni Laby ang hawak at tinignan na si Armida "Sinabi ko ang pinapasabi ng


kapatid nya. Hindi

ko sya inutusan. Sinabi ko, kung ayaw nya wag nyang gawin dahil hindi yon
sapilitan!"

"Eh di sana, hindi ka nalang nagsalita! Sana wala ka nalang sinabi! Ano ngayon kung
pinapasabi nung

kapatid nya? Bawal nyang tawagan ang Mama nya! Dapat yon ang sinunod mo at hindi
kung

sinu-sino!"

"Aba! Ako pa ang masama? Gusto rin naman nyang tawagan ang Mama nya ah! Wala naman
sakin

ang desisyon kung tatawag sya o hindi! Bawal ko rin namang tawagan ang Mommy ko,
pero

tumatawag pa rin ako! Palibhasa ikaw, wala kang pakialam kay Cassandra kaya hindi
mo alam kung

anong nararamdaman ng asawa mo! Mahalaga sa kanya ang Mama nya! At hindi mo yon
alam dahil

wala kang pakialam sa sarili mong ina!" tuloy-tuloy na naglakad si Laby papuntang
sala para iwasan si

Armida at sa mga sasabihin pa nito

Natigilan sandali si Armida at parang bumaon sa utak nya ang mga sinabi ni Laby

Kinuha nalang nya ang mga duguang damit ni Josef at pumunta sa likod ng bahay kung
saan nila

iniiwan ang mga labahang damit sa isang malaking laundry basket para kunin ng mga
maglalaba.

Pagkatapos nyang maasikaso ang damit, yung pagkain naman ng asawa nya ang inasikaso
nya.

Kumuha nalang sya ng nilutong tanghalian ni Josef at tubig.

Umakyat na sya ng kwarto nila dala ang tanghalian para sa asawa nya.

Naabutan nya doon si Josef na nakatulog na. Nakatakip sa mata nito ang kanang braso
at nakapatong

naman ang kaliwang kamay sa tyan.

Inilapag nalang nya ang dalang tray sa bedside table at umupo sa tabi ng asawa
nyang natutulog.
Nakaramdam tuloy sya ng awa at konsensya.

Kaya siguro dumugo ang ilong ni Josef eh dahil na rin dun nya ito sa labas
pinatulog kagabi, malamig

pa naman. Tapos nagpabilad sa araw eh ang init dun sa labas.

"Josef..." hinawakan nya sa braso si Josef. Napaatras nalang sya dahil mukhang
napalalim na ang

tulog ng asawa nya at nabigla pa ng gising nang gisingin nya. Napabangon tuloy ito
nang wala sa oras

"Anong oras na? Magluluto na ba 'ko?" tanong agad ni Josef habang pinupunasan ang
noo nya.

Naalimpungatan pa yata.

Biglang lumungkot ang mukha ni Armida at nakaramdam sya ng pagkakonsensya. Inalipin


nga nya

talaga ng sobra si Josef. Masama na nga ang pakiramdam nito, nagprisinta pa ring
magluto.

Malamig ang kwarto pero pinagpapawisan ang asawa nya. Pinunasan nalang nya ang noo
ni Josef

gamit ang likod ng palad nya at inabutan ito ng tubig.

"Ano ba talagang nararamdaman mo..." mahinahong tanong ni Armida habang hinahawi


ang buhok ng

asawa nyang dumikit sa noo nito dahil sa pawis

"Ok lang ako.. Kulang lang ako sa tulog," inilapag ni Josef ang baso sa tabi ng
pagkain nya

"Kumain ka kaya muna kahit konti..."

"Sige, mamaya."

"Josef, kahit konti lang, sige na.."

Tumango nalang si Josef at saka bumalik sa pagkakahiga. Patagilid ang pwesto nya
dahil pinawisan

ang likod nya nang humiga sya ng patihaya

"Josef..." hinagod ni Armida ang likod ng asawa nya. Napahinto sya nang
maramdamang pawisan na

ang damit nito

Napabuntong-hininga nalang sya at kinuhaan ng panibagong t-shirt si Josef. Kumuha


na rin sya ng

towel pamunas.
Sobra-sobrang awa at pagkakonsensya ang nararamdaman nya dahil sa nangyayari sa
asawa nya

ngayon.

Nagsisi tuloy sya dahil sa sala nya pinatulog si Josef kagabi, tapos pinagtulungan
pa nila ni Laby

kanina.

Gusto nyang isingit sa isipan na kasalanan naman ni Josef kung bakit sya nagalit
pero naubusan yata

ng lugar ang galit sa isip nya ngayon.

Bumalik sya sa tabi ni Josef at ginising ulit ito.

"Magpalit ka muna ng damit mo. Pawis na pawis ka na," sabi ni Armida

Bumangon nalang si Josef at hinubad ang suot nyang t-shirt na basa ng pawis.
Nakapikit lang sya

habang nakayuko. Inaantok talaga sya.

Pinunasan muna ni Armida ang katawan ng asawa nyang nangingintab na dahil sa pawis.
Naalala nya

ang suggestion ni Miethy nang mapansin na naman ang mga peklat sa katawan ni Josef.

Bakit nga ba ayaw nitong ipatanggal yung mga peklat nya sa katawan? Sayang naman
yung ganda ng

katawan nito, mestiso pa naman.

Binaligtad na ni Armida ang t-shirt na pampalit at isinuot sa ulo ng asawa nya.


Pagkatapos ay si Josef

na ang tumapos sa pagsuot ng t-shirt.

"Sigurado kang ok ka lang..." tanong uli ni Armida

Tumango lang si Josef at nahiga ulit patagilid.

Inilapag nalang ni Armida ang basang damit sa malapit na upuan at nahiga nalang sa
tabi ni Josef.

Iniangat nya ang ulo ng asawa para isilid sa ilalim ang braso nya. Hinayaan nyang
gawing unan ng

asawa nya ang itaas ng dibdib nya tutal ganun naman ang laging ginagawa nito sa
kanya.

Hinawakan nya sandali ang noo ni Josef para malaman kung may lagnat ito.

Wala naman. Sa katunayan, malamig nga ang noo nito. Kahit ang pisngi nito, hindi
rin mainit.

Sa mga oras na yon, lahat ng galit at inis nya biglang naglaho.


Isa lang ang gusto nyang mangyari.

Maging ayos na si Josef.

. . . . . . . . .

"Josef?"

Napabangon agad si Armida nang magising at wala na ang asawa sa tabi nya

Tinignan nya ang table sa tabi ng kama. Wala na yung tray na kaninang nakapatong
doon. Kahit yung

basang damit wala na rin. Alas syete na pala ng gabi. Napasarap sya ng tulog.

Bumangon na sya at bumaba na dahil alam nyang nandoon ang asawa nya sa kusina.

"Josef?"

Nilingon-lingon nya ang paligid. Inaasahan nyang makikita ang asawa nya pero wala
syang nakita.

"Josef? Nasan ka na?"

Naglakad sya papunta sa sala para hanapin ang asawa nya.

Napahinto sya nang makita ang isang lalaking nakatayo sa may pintuan hawak ang
isang kutsilyo

"I-i-ikaw..."

"Erajin, long time no see."

"D-d-daniel..."

Ngumiti lang ito sa kanya at itinuro ng tingin ang sahig. Laking gulat nya nang
makita doon si Josef na

nakabulagta sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.

"JOSEF!!!"
Dami agad nag-react na panaginip lang yung last chapter. Saka hindi naman patay si
Daniel ah. Si Crimson sya kaya pano sya mamamatay?

Anyway, pasensya na sa mga ud. Nawindang talaga ako sa exam namin kanina at hindi
ako maka-get over. Tinamad na tuloy akong ayusin yung ending nitong story. Kaya,
tyaga-tyaga nalang tayo sa puchu-puchung update.
_____________________________________

"Armida!"

"Aaahhh!!!!"

Sigaw sya nang sigaw at parang may pinipilit na alisin sa ulo nya

"Armida! Gising!"

Sapilitan nang ibinangon ni Josef ang asawa nyang binabangungot na

"Armida! Ano bang nangyayari sayo?" niyugyog pa ni Josef ang balikat ng asawa nya
para gisingin ng tuluyan

Pinandilatan lang sya nito habang nanginginig ang buong katawan. Butil-butil ang
pawis nito at mabilis ang paghinga.

"Josef" hinihingal na sinabi ni Armida. Hinawakan nya agad ang mukha ni Josef, ang
balikat nito at mga braso para lang siguraduhing tunay ba ang nakikita "Tell me
you're real... Please tell me you're real... Please, please, please..." hawak-
hawak nya ang kwelyo ni Josef habang lumuluha "Please, tell me you're real..."

Pinunasan lang ni Josef ang pisngi ng asawa nya dahil mukhang masama nga ang
napanaginipan nito at naiyak pa.

"Josef!!" napayakap agad si Armida sa asawa nya dahil akala nito nagha-hallucinate
na naman sya at totoo ngang wala na si Josef dahil hindi na nagsasalita

Napataas nalang ng kilay si Josef dahil mukhang inaatake na naman ng sakit si


Armida. Humahagulgol na kasi ng iyak.

"Sshhh, tahan na.." hinagod nalang nya ang buhok ni Armida para patahanin "I'm
real, ok. I'm real. I'm real, stop crying.. Ssshh, tahan na ha, I'm real.. Ah--"
hindi na halos nakakahinga si Josef dahil pahigpit ng pahigpit ang yakap ni Armida
sa kanya
"I thought you're dead."

"I'll be if you don't stop hugging me so tight."

Biglang natauhan si Armida at tinanggal agad ang pagkakayakap kay Josef. Pinunasan
nya agad ang pisnging nabasa ng luha.

"San ka ba nagpunta ha? Bakit ka umalis?" tanong ni Armida

"Anong saan ako nagpunta? Nagising nga ako kasi nagsasalita ka nang tulog.
Napabangon nga agad ako nung sumigaw ka na. Ano bang napanaginipan mo at kung
makasigaw ka parang hinahabol ka ng sampung demonyo,"

Napayuko nalang si Armida at inalala ang napanaginipan.

Napailing nalang sya dahil hindi na nya maalala kung ano yung nakakatakot na
napanaginipan nya.

Basta akala nya patay na si Josef, yun lang ang natatandaan nya. At kung paano
nangyari? Hindi na nya matandaan pa.

Tinignan nya agad ang alarm clock. Alas singko palang pala ng hapon. Nakita din nya
yung pagkain na para sa asawa nya. Hindi man lang nagalaw. Kahit yung damit na
ipinatong nya sa upuan nandun pa rin.

"Kumain ka na?" tanong ulit nya kay Josef

Inipit ni Josef sa likod ng tenga ni Armida ang mga buhok na nasa pisngi nito "Sa
tingin ko, ikaw ang gutom sa'tin.. Tara sa kusina," tatayo na sana si Josef pero
pinigilan sya ni Armida

"Wag ka nang magluto,"

"Hindi ako magluluto. Marami pa naman yatang natira kanina, i-microwave nalang
natin."
. . . . . . . .

Tahimik na kumakain ang mag-asawa sa kusina nang bumaba si Laby.

"My shadow's only one that walks beside me. My shallow heart's the only thing
that's beating..."

Dala na naman nito ang Gameboy nya habang nags-soundtrip

"Sometimes I wish someone out there will find me. Til then I walk alone--"

Napahinto sya nang makita ang mag-asawang napahinto rin at nakatingin sa kanya.

"Maaga pa para sa hapunan." sabi ni Laby

"Hindi ka ba nagsasawa dyan sa laruan mong yan? Maliban sa tetris, ano pang
interesanteng laro ang meron yan at ayaw mong bitawan?" tanong sa kanya ni Armida

"This is my treasure." naglakad na ulit papuntang sala si Laby nang matigilan sya

"Laby," tawag sa kanya ni Josef

"O," huminto si Laby sa paglakad at nilingon si Josef

"Alam mo kung nasan si Shi-- si Sunny Jean Soliman ngayon?"

Nag-isip pa sandali si Laby ng isasagot kay Josef "Nung nag-walkout sya last
thursday, nalaman kong nag-stay sya sa bahay ng isang member ng Lavander Rose. Nung
friday, sa member naman ng Alef Maksura. Last night, I don't know."
"Kaya mong alamin kung nasan sya ngayon?"

"If I go out right now: I guess I can."

"Find her and bring her back here."

"That's going to be a problem for me. May--" napahinto si Laby at lumapit nalang
kila Josef at naupo sa may pwesto nito sa dining table "Speaking of which, nasa
training ngayon ang Lavander Rose Gang. Mas mabuti siguro kung ngayon ko nalang
sasabihin sa inyo... Sa tuesday, may mangyayaring All-Star Gang Battle sa XZQ.
Lahat ng nasa listahan ng gang sa area, lalaban doon. At kasama ang Legendary
Superiors Gang since nasa Top 7 ang grupo natin."

"Nga pala, bakit wala tayong laban nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Armida

"Tambak ang mga laban natin this past few days pero hindi na natin kelangang
lumaban. Nakita na natin ang mga pakay natin. Nakita nyo na ang target nyo, nakita
ko na ang redeveloper ko, tapos na ang trabaho natin pare-pareho."

"Yung sinasabi mong Gang Battle sa tuesday, sasali ba tayo?" tanong ni Josef

"Yeah. And that'll be our last show-up as Legendary Superiors Gang. Igi-give up na
natin ang place natin sa Top 25s. Bukas ko pa dapat sasabihin sa inyo since hindi
nyo naman kelangang maghanda, pero nandito na at napag-uusapan na rin lang. And
kung ico-compare sya sa Assocs, ito na yung pinaka- Annual Elimination nila."

"Oh..." napatango nalang si Josef at Armida sa sinabi ni Laby

"Lahat ng Gang nandoon?" tanong ni Armida

"Yeah, from the lowest to highest. Mula sa pinaka-weak na Gang hanggang sa Dark
Orion Cards nandoon. Sabay-sabay na maglalaban-laban. Matira, matibay.
Pinakamaraming napabagsak, pasok na sa Top 25's. Ang makatalo sa Top 1 Gang, yun na
ang bagong titleholder. Pero wag nyong subukang talunin ang DOC dahil hindi na tayo
magtatagal dito sa lugar."

"Do we have to wear mask?" tanong ni Josef


"No need. Yun na ang huling palabas natin eh. Anyway, about dun kay Sunny Jean
Soliman... May mga bagay pa kong nalaman tungkol sa kanya. Additional info lang.
Sabihin na nating yung tunay na Shiner eh, the good sheep trying to be bad. Nabuo
ang Lavander Rose Gang nung January dahil sinabi ni Sunny na buuin ang Gang na yon.
Sumunod lang si Shiner sa kakambal nya at karamihan ng member ng LRG, hindi naman
talaga malapit sa tunay na Shiner. Yan din ang isa sa mga reason kung bakit hindi
tumataas ang ranggo ng LRG. Shiner don't fight. At nung nalaman ni Sunny na
hopeless ang kapatid nya, two months after mabuo ang Lavander Rose, binuo naman ni
Sunny Jean Soliman ang Dark Orion Cards Gang. Ginamit nya si King dahil alam nyang
kaya ni King ang gusto nyang mangyari."

"W-why is she doing that?" nagtatakang tanong ni Josef

"Nasa rebellious period sya. Iba-iba tayo ng coping mechanism pagdating sa point na
yan. Yan ang paraan nya nang pagrerebelde." sagot ni Laby "Gusto nyang manira ng
buhay iba dahil dun nya naa-achieve ang contentment. And that's the greatest
qualification she has. One of the reason why she's perfect for the Superior
position as one of the new Initiator of Criminel Credo."

Sandaling natahimik ang mag-asawa

Napatingin sa may sala si Armida at naisip ang tanong na matagal na nyang gusto
itanong pero lagi nyang nakakalimutan

"Bakit nga pala puro bata yung mga nasa listahan natin ng Superiors?" tanong ni
Armida

Nagulat si Josef sa tanong na yon ni Armida at napaisip agad "Oo nga 'no? Bakit
nga ba?"

Nataas ng magkabilang kilay si Laby at tumango nalang.

"Ok. Ito kasi yan... Ang mga Pioneers, nag-start nung early 20's nila. Yung mga 2nd
Generation, ganun din, mas bata pa nga yung iba. Ikaw Armida, at the age of 7,
Delegate ka na. Why they choose young people? To prolong the life of each
Generation's batch. If magi-start ang isang Superior at the age of 14, at kung
magtatagal sya bilang Superior hanggang sa maging 90 sya, do the math then you'll
see how the power remains at that very long time. See the original Fuhrer? He start
at the age of 21, and he's 93 years old now. Imagine the 72 years in the position?
Kaya wag na kayong magtaka kung gaano kasamang tao ang lolo mo, Josef."

Nagkatinginan ang mag-asawa at binigyan ng isa't isa ng 'impressive' look.


"Yung batch nila 99, ilang taon na sila sa position?" tanong ni Armida kay Laby

"Si 99, 37 years na. Si Cas at NightShade nasa 29. And the rest is history. Silang
tatlo nalang ang natitira sa batch nila. At mukhang hindi na rin magtatagal si
NightShade."

Napatingin si Armida at Laby kay Josef. Nakatingin lang ito sa plato nya at mukhang
may malalim na iniisip.

"Sa 3rd Generation, ilan nalang?" tanong ni Josef

"Si Armida nalang ang nasa position. Si Crimson, wala nang karapatan. Si Li Xiao
Ran, napunta sa 5th Generation. Ikaw Josef, since hindi binigay sayo ang crown nung
time na dapat ibinigay na sayo, hindi ka nalagay sa 3rd Generation kundi sa 5th
gaya ni Ran. At yung mga natitira ngayon sa position ay mga 4th Generation na."

Tinignan na ni Josef si Laby para tanungin "You. Why did you get the position?"

"Me?" itinuro pa nya ang sarili "I was threatened. They will kill my family if I
don't accept the position. I have the power but I can't fight them. They're too
powerful to mess with. Pasalamat lang yung mga candidate ngayon dahil hindi ang
original Fuhrer at ang original No. 99 ang huma-hunting sa kanila."

Monday na naman...

~~~Narrated for Armida~~~

"Maam!"

"Maam, ok ka na?"

"Buhay ka pa pala!"
"Sana sinagad-sagad mo na bakasyon mo!"

"Anong nangyari sayo? Bakit absent ka ha?"

"Sayang binabayad nila sayo, di ka naman pumapasok!"

Parang walang narinig si Armida at tuloy-tuloy lang sa pag-upo sa mesa nya.

Anlakas ng loob nyang magsuot ng dress na above the knee at body-hugging pa.
Nakasuot naman sya ng blazer kaya hindi pa rin kita yung braso nyang may sugat pa
rin.

"Maam, ok ka na?" tanong sa kanya ni Eljand

"Nung thursday pa 'ko ok." sagot nya

"Galit pa po yung asawa nyo sa inyo?" tanong ni James

"Hindi na."

Nakahinga naman ng maluwag yung mag-bespren sa sinabi nya

"Si King?" tanong ni Armida

Nag-shrug lang ang mag-bespren para sabihing hindi nila alam

"Ano nga palang balak nyo para sa next week? Lahat may booth na at gagawin, kayo
nalang ang wala. Hinihingan na ko ng Director ng plan. Sa monday dapat may ipe-
present kayo."

Tinignan nya ang buong klase na mukhang walang pakialam sa sinabi nya

"Wag na!"

"Wala namang aatend samin eh!"

"Hindi nila kami hahayaang gumawa ng booth dito!"

"Saka walang magbabalak pumasok kung gagawa man kami!"


"Sayang lang yan sa time and effort!"

"Ayaw nyong sumubok?" tanong ni Armida

"AYAW" sabay-sabay na sinabi ng klase nya

Tumango nalang si Armida para sabihing naiintindihan nya

"Gusto nyo ng magandang plano?" tanong ni Armida sa klase nyang wala nang interes
makinig sa kanya "Tutal mga matatapang naman kayo, tawagin nating 'THE VALIANT
BECKONED' ang magiging presentation natin."

Sa mga oras na yon, ang tanging nakikinig lang ng matino sa kanya ay yung mag-
bespren.

"Magpapakalat tayo ng card sa buong Byeloruss at yung mga makakakuha non ay


dadalhin dito sa Room 609. Hindi lang basta-basta dadalhin. Ki-kidnapin nyo sila
oras na mahawakan nila yung card."

Biglang napahinto ang buong klase at natahimik. Parang napindot ang universal
remote control at na-pause ang buong klase.

Para silang robot na sabay-sabay na tumingin sa seryosong si Armida.

"Pagdala nyo sa kanila dito, papipiliin nyo sila kung sino ang gusto nilang
mastermind ng kidnapping. Then may mga wanted at missing posters tayong ipapakalat
sa buong school. Kung sino ang matapang na pupunta dito para i-rescue yung
kikidnapin nyo, mananalo ng cash or car. I'll provide the prize."

Tinitigan lang sya ng buong klase nya. Not sure if serious ba sya o nagpupumilit
lang mag-joke.

"Gagawin nating parang hideout 'tong buong room at isang bumbilya lang ang magiging
ilaw. Para feel ang kidnapping."

"Maam, baka hindi yan payagan nung Director?" pabulong na sinabi ni Eljand

"Syempre, pagagandahin ko yung pag-explain ng plano sa kanila. Hindi ko naman


dederetsahin na kidnap for ransom ang theme natin eh." pabulong din na sinabi nya
kay Eljand "Wag ka nalang maingay,"

Ganda ng naisip nyang theme for christmas event. Napaka-genius. Hindi mababakas ang
kademonyohan nya sa katawan. Gusto pa nyang maghasik ng purong kasamaan sa
Byeloruss sa araw ng kapaskuhan.

"Ano? Game kayo don?" tanong nya sa buong klase

"GAME!!!" energetic na sagot sa kanya ng buong klase nya

"Ok! Meeting na for preparation!" tumayo na si Armida at pumalakpak para pakilusin


ang buong klase nya

. . . . . . . . . .

"Sino-sino yung mga Masterminds?" tanong ni Armida habang hawak ang stylus pen at
nakatutok sa board

"Yung DOC members!"

"Si King, si Chief, si Brent..."

"Si Cristy!"

"Cristy... sino pa?"

"Si Jette!"

"Jette, ok lima na 'to. Sino yung mga goons na mangingidnap?"

Andaming nagtaas ng kamay para sa goons position.

Inilista nya sa board lahat ng bagay na maging goons.

Pag talaga kalokohan ang usapan, andaming nakikinig sa kanya.

"Yung mga girls, sila ang gagawa ng mga wanted and missing posters. Sila rin ang
mag-aayos nitong buong room, then yung iba magiging look-out para sa makakakuha ng
cards. Magpo-provide ako ng earpiece and mini-mic para may contact tayo sa bawat
isa." sabi ni Armida

"Ano yun? Parang spy or secret agent?"

"Exactly. Magiging assets kayo."

"Oh my God!"
"Woooowww!!!" tuwang-tuwa naman ang mga babae sa narinig dahil ang cool ng
magiging role nila

"Yung totoo, balak mo bang magsimula ng krimen dito sa school?"

Nagtinginan ang lahat sa may pinto. Bumungad doon ang grupo nila King.

"Bakit? Papayag ba kayo kung cosplay cafe ang gagawin nitong 4-F? Hindi naman
diba?" at nagpatuloy nalang ulit sa pagsusulat si Armida sa e-board

Umupo na ang grupo ni King sa pwesto nila sa likod

"Ayos sa plano ah," sabi ni King habang naka-smirk "Ako? Mastermind? Kelan pa ko
pumayag?"

"Papayag ka rin, maghintay ka lang.." sabi ni Armida sa kanya "Ang gagawin nung
mga Mastermind, tatawagan nila yung mga malalagay sa wanted posters. Kaya kelangan
natin dito ng printer para instant print agad ang targets."

"Ako na sa printer!"

"Sige, sya na daw sa printer," turo ni Armida sa estudyanteng nag-volunteer at


saka nya isinulat sa board ang pangalan nito

"Kelangan nating malaman kung paano makukuha yung contact number ng bawat student
ng Byeloruss para dito..." sabi ni Armida

"Brent can do that" sabi ni King

"What?!" gulat na sinabi ni Brent "Papatulan mo yang kalokohan na yan?"

"Do that. Wala namang mawawala sa'tin" sabi ni King habang nakatingin kay Armida

Nag-smirk si Armida sa kanya at sinulat na sa board ang pangalan ni Brent

"Ambilis namang mawala ng sugat mo. Wala na yung hiwa sa binti saka yung sa noo. Ok
na braso mo?" tanong ni King kay Armida

Tinignan nilang lahat si King.

Ang weird dahil bigla itong naging concern kay Armida.

Lalo pa, nung thursday, si Armida ang una nyang hinanap.


Inilipat nilang lahat ang tingin kay Armida para sa sagot nito

"Ok na. Nagsara na yung sugat eh" sagot ni Armida

"Excuse me, Maam Zach,"

Napatingin silang lahat sa pinto. Si Sir Geo.

Humakbang paatras si Armida at pasimpleng isinara ang board para hindi makita ni
Sir Geo ang evil plan nya at ng klase nya for next week.

"Akin na! Pipirmahan ko na!" dali-daling lumapit si Armida kay Sir Geo para
matapos na ang kailangan nito sa kanya. Hinalbot na rin nya yung tablet at pen

Tinitigan naman sya ni Sir Geo dahil hindi pa rin ito maka-get over sa nangyari
nung saturday

"Hindi ka dumaan sa Faculty Room kaninang umaga ah, galit pa rin ba yung asawa mo?"
mahinang tanong ni Sir Geo

Napahinto sa pagpirma si Armida at pataas na tinignan si Sir Geo "Masyado syang


maraming iniisip ngayon para problemahin pa yung nangyari nung saturday." tinapos
na nya ang pagpirma at ibinalik na kay Sir Geo ang tablet at pen

"I'm sorry for what happen. Hindi ko naman alam na aabot sa ganon yung--"

"Mas mabuting kalimutan nyo na yung nangyari. Na-offend na ng sobra yung asawa ko
dahil yon ang unang beses na sinabihan sya ng ganun." naglakad na si Armida
pabalik sa may table "Nirerespeto kami ng asawa ko sa pinanggalingan namin kaya
hindi ko sya masisisi kung sakaling magtanim sya ng galit sa inyo. Hindi nya
nagustuhan ang tabas ng dila ng mga taga-Byeloruss. Excited pa naman syang
makilala ang mga teachers dito kaya sya sumama sa lunch na yon." nagbusy-busyhan
nalang sya para makaiwas sa magiging reaksyon ni Sir Geo

"Tell him, we're very sorry for what happen," at saka umalis si Sir Geo

Sinundan agad sya ng tingin ni Armida. Napailing nalang ito at tinignan ang buong
klase nyang nakatingin sa kanya.
"Bakit Maam? Anong nangyari?" tanong ni James

"Pinahiya kami ng asawa ko nung mga co-teachers ko last saturday. Sinabi nilang
mahirap kami ng asawa ko dahil wala kaming sariling bahay at kotse."

"O? Tapos anong ginawa nyo?"

Umupo na si Armida sa table at ipinatong ang magkabilang kamay sa mesa "Nagpadala


yung asawa ko ng special convoy para ihatid sila. Tag-iisa sila ng kotse with
personal guards pa."

"WEH??"

"SPECIAL CONVOY??"

"TALAGA??"

"Akala ko ba mayaman kayo, bakit wala kayong sariling bahay ng asawa mo?" tanong
ni King "Wala pa kaming nabibili. May sarili kasi syang subdivision, may sarili
rin ako. Yung unang bahay namin, wala na kaming balak balikan. Sa kastilyo dapat
kami nakatira kaso sa Russia pa yun. Yung bahay na tinutuluyan namin ngayon hindi
naman talaga samin kasi sa family namin sya nakapangalan. Kahit yung Vios na gamit
ng asawa ko, pinag-initan nila. Ang kakapal ng mukha. Kaya nga hindi ako dumaan
kanina sa Faculty Room. Makikipag-plastikan lang sakin yung mga nandoon."

Itinuro nalang nya ang board sa likuran para maibalik ang topic

"Ok na yang plano ha? Sa monday na yan."

"SURE!!" masiglang sagot ng buong 4-F sa kanya

Pare-parehas silang mga halang ang kaluluwa sa loob ng room na yon kaya ang galing
talaga ng naisip nyang theme nila for christmas event.

"Ah-- M-maam.. hehehe..."

Lahat sila napahinto sa pagsasaya at napatingin sa may pinto

"O?"

"Ano ginagawa nyan dito?"


"Ayos ah,"

"Sino popormahan nyan?"

Kanya-kanya nang comment ang mga taga-4-F dun sa estudyante sa pinto

"Yes?" tanong ni Armida dun sa estudyante at binigyan ng hand signal para lumapit
sa kanya "Come here.."

"Uhh.. S-sige, Maam..." nakayukong lumapit ang isang estudyante sa kanya. Pansin
na matangkad ito at mukhang varsity player, tindig palang. May hawak itong face
towel na pulit-ulit nyang pinupunas sa mukhang pinagpapawisan kahit na hindi naman
mainit dahil sa aircon

"Ayos ah, may flowers..."

"May dala pang chocolates."

"Sino kaya liligawan nyan?"

"Ano problema natin, dude?" tanong ni Armida dun sa estudyanteng huminto sa gilid
ng table

"Uhmm.. Maam Zach, ako po si Byron Cervantes. 4th year student po ng Class 4-C."
nakayuko pa rin ito at pasulyap-sulyap kay Armida

"Cool ka lang, dude. San ka ba nag-jogging at pawis na pawis ka ha?" nakangiting


tanong ni Armida

"Uhh, hehehe.. Ano kasi, Maam.." napakamot nalang ito ng batok dahil sa hiya

"Sino ba dinadalaw mo dito?" tanong ni Armida

"Ah-- Maam, kasi--"

"Oy! Kaninong boyfriend 'tong gwapong 'to? Tumayo na nang makatyawan natin!" pang-
asar ni Armida sa klase nya "Dali na! Wag nang mahiya! Mamaya nalang kami
mangangantyaw pagkaalis nitong bisita natin!"

Natawa nalang yung iba sa sinabi nya


"Uhm, Maam..."

"Hmm?"

"Birthday ko po ngayon."

Pumikit-pikit lang si Armida para siguraduhin kung seryoso nga si Byron.

Seryoso naman.
Sobrang seryoso.

"Uy, happy birthday! Ilang taon ka na?"

"17, Maam."

"17? Tangkad mo ah! Ano height mo?"

"6'6, Maam"

"Ayos! Anyway, gusto mo ng gift? Sabihin mo lang, ibibigay ko..." nakangiting


sinabi ni Armida

Napangiti nalang si Byron sa sinabi ni Armida sa kanya

"Ok lang, Maam. Thank you." biglang inabot ni Byron ang hawak nitong bouquet of
flowers at chocolates kay Armida "For you, Maam."

"Oh come on!"

"Susuka na ba kami?"

"Wow!"

"Ayos!"

"Whhoohh!"

"Lumalandi ka na ah!"

"Dalaga na si Maam! May boypren na!"

"Alam ba yan ng tatay mo?"

"Sasabihin ko sa asawa mo, may kabit ka!"

"Hahahahaha!!"

Katakut-takot na kantyaw ang inabot ni Armida sa buong klase nya

Si Byron kahit na kinakantyawan, wala pa ring pakialam. Desidido sa pagbigay ng


flowers at chocolates kay Armida
"Ikaw ang may birthday pero ako ang may gift." sincere na kinuha ni Armida ang
binibigay ni Byron. Tumingkayad sya para bigyan ng birthday kiss si Byron sa pisngi
"Happy birthday."

"Thank you, Maam." nakangiting sinabi ni Byron sa kanya

"Thanks for the flowers at dito sa chocolates."

"Your welcome, Maam." ngumiti lang ulit si Byron at naglakad na paatras since
tapos na ang pakay nya "Maam, thank you."

"Your welcome." sincere na sagot ni Armida at sinundan nalang ng tingin si Byron


na umalis habang akala mo nanalo ng laban kung maka-yes at makasuntok sa hangin

Yung klase nyang kinantyawan sya biglang tumahimik dahil hindi man lang nag-inarte
si Armida.

Inilapag na nya ang natanggap na flowers at chocolates sa table at tinignan ang


klase nyang natahimik.

"May dumaan bang anghel?" tanong nya sa lahat

"Walang kilig factor?"

"Hindi ka ba napipikon samin?"

"Bakit hindi ka nagpakipot?"

"Anong ibig sabihin nung ginawa mo?"

"Nililigawan ka ba nung captain ng basketball team?"

"Bakit mo tinanggap yung binigay nya?"

"Magagalit yung asawa mo dahil tinanggap mo yan"

"Patay ka sa mga fans nun"

"Abangan na yan sa labas!"

"Bakit mo tinanggap yang flowers at chocolates nung lalaking yun?" tanong sa kanya
ni King

"Binigay nya kaya tinanggap ko. Wala namang masama kung tatanggapin ko eh. Bakit?
Inggit ka? Gusto mo i-request ko sa kanya na bigyan ka rin nya ng flowers and
chocolates?" tatawa na sana si Armida pero pinigilan nya

"Ha-ha. Funny." yung nalang ang nasabi ni King sa kanya

Hindi tuloy alam ng klase nya ang ire-react. Parang ewan lang ang mga nangyari.

Akala nila maglilinandi si Armida, kaso parang wala lang ang natanggap.

~~~~Narrated for Armida~~~~

Nasa rooftop sya ngayon at kausap si King...

"Ito yung card." inabot na nya ang summons card

Kinuha naman agad ni King ang inaabot sa kanya

"Burn Me." tanong ni King habang tinititigan ang card "Susunugin ko talaga 'to?"

"Sabi dyan burn daw, try mo pagyelo-hin."

Tumaas lang ang kilay ni King sa sinabi nya

"By the way, wag mo ring ipagsabi sa kahit sino na binigyan kita ng card. Wag kang
madaldal ha."

Naglakad na si Armida papunta sa entrance ng rooftop

"Yun na yon?" nagtatakang tanong ni King

"Yun na yon." sagot ni Armida


"Akala ko ba patutunayan ko pa ang sarili ko sayo?"

"Wag na! Naglabas na sila ng target eh"

Kumunot nalang ang noo ni King sa sinabi ni Armida

Pagkababa ni Armida ng rooftop...

"Maam, buti naman at pumasok na kayo." sinalubong agad sya ni Yoshi

"Kung yung pagiging Superior ang gusto mong malaman, wag ka nang mag-abala pa.
Nagbago na ang isip namin at hindi na kami mamimigay pa ng card.." tuloy-tuloy
lang si Armida sa paglalakad habang nakasunod sa kanya si Yoshi

"Ibig sabihin, walang matatanggap na card si King?"

"Ganun na nga."

Huminto sa paglalakad si Yoshi at pinanood nalang si Armida na maglakad palayo...

. . . . . . .

Nasa cafeteria si Armida at hinahanap ang susunod na target nya.

Nakita nya si Ran na may kalandiang mga babae.


Napataas nalang ng kilay si Armida dahil ang akala nya, pinpormahan ni Ran si Laby
tapos kung makipagtawanan naman dun sa mga chics nya wagas.

"Excuse me, gusto kong makausap si Li Xiao Ran." sabi nya dun sa apat na babaeng
nakikipagtawanan kay Ran
Tinignan lang sya ng mga yon at hindi kumilos

"Walang gagalaw sa inyo? Gusto nyong masaktan?" panakot ni Armida dun sa apat

Tumayo nalang ang apat at umalis na rin.

Umupo agad si Armida sa katapat na upuan para makausap na si Ran.

"Anong kelangan nyo sakin?" pokerfaced na tanong ni Ran

Inilapag ni Armida ang summons card sa mesa at iniurong ang card sa tapat ni Ran

"Isa ka sa mga candidate para maging Superior. Take that card. It symbolizes your
membership. Nandon ka sa bahay nung wednesday kaya malamang alam mo na kung para
san yan..."

Tumango naman si Ran habang tinitigan yung card "Kung katulad ako ni King, hindi
ako magdadalawang-isip, kukunin ko agad yan." tinignan na nya si Armida ng diretso
"Pero hindi ako si King. At wala akong balak maging Superior."

Tumaas lang ang kilay ni Armida sa sinabi ni Ran

"Alam ko ang kalakaran sa lugar na yon. Mga baliw lang ang sasama sa ganong guild.
At hindi pa ko baliw para patulan ang offer nyo."

Napahugot ng malalim na hininga si Armida dahil parang nasaniban yata ng seryosong


multo si Ran

"Bakit hindi ka interesado? Pwede bang malaman?" tanong ni Armida

Tumawa ng mahina si Ran sa tanong na yon. Napaisip tuloy si Armida kung saang banda
naging nakakatawa yung sinabi nya.

"I respect you as one of the powerful person in the world. Bilib nga ako sa ability
nyo na alam nating hindi kayang gawin ng ordinaryong tao. Pero alam kong balang
araw, kayo mismo ang tatapos sa Superiors at sa Criminel Credo. Ayokong dumating
ang araw na papatayin nyo ko dahil isa na kong Superior. Power? Meron na ko non
kahit hindi ko hiniling. Money? Madami ang pamilya ko. Fame? Tinatanong pa ba kung
saang banda?"

Natawa ng mahina si Armida dahil ang tigas talaga ng pagmumukha ng kausap nya.

"Sabihin na nating kalahati ng mundo, kaya kong patakbuhin oras na tanggapin ko ang
offer. Lalakas ang kapangyarihan ko, magkakaroon ako ng mga sarili kong tauhan,
yayaman ako at kung ano-ano pang bagay na hihilingin ng kahit sinong tao. Pero ang
kapalit? Kalayaan ko." sumandal si Ran sa inuupuan at tinignan ang paligid "Hindi
ko isusuko ang kalayaan ko para lang sa mga bagay na hindi ko naman kailangan. At
higit sa lahat, wala kong balak sumunod sa isang batas na hindi naman makatarungan.
Alam nyo ang laman ng Criminel Credo diba? Alam nyo ring ang Credo lang ang kayang
tumapat sa mga Superiors. Kahit pa Fuhrer ang asawa nyo, oras na nilabag nya ang
Credo, mapaparusahan pa rin sya ng mismong mga tauhan nya. Sa ganung paraan namatay
ang lola ko, at ayokong mangyari sakin yon."

Tumayo na si Ran at yumuko bilang paggalang kay Armida

"Thanks for the offer. Pero hindi ko matatanggap ang card na yan. Ialok nyo nalang
sa iba."

Hahakbang na sana si Ran para makaalis na doon pero napatigil sya

"Hindi ikaw ang unang tumanggi sa offer. Pero sana itago mo nalang ang card."
tumayo na si Armida at kinuha ang kamay ni Ran "Keep it. You can ignore the offer
but please, keep the card." nginitian nya sandali si Ran at saka sya naglakad
paalis sa cafeteria

Naiwan nya doon si Ran na hindi malaman kung anong gagawin sa card na hawak.

~~~~Narrated for Josef~~~~

11 na at naisipan ni Josef na umakyat ng rooftop para alamin kung nandoon si Sunny


Jean Soliman.

Hindi naman sya nabigo dahil nakita nga nya doon si Sunny na nagkukutkot ng sapatos
nito habang naka-indian seat at may nginunguya na namang sourcandy.
"Sunny Jean Soliman,"

Agad na lumingon si Sunny nang marinig ang pangalang yon. Nanlaki ang mata nya nang
malamang si Josef ang tumawag sa kanya.

"S-sir..." tumayo agad sya at humakbang paatras

"Bakit hindi ka na bumalik sa bahay?" mahinahong tanong ni Josef

Yumuko nalang si Sunny at kinagat ang labi nya

"Why did you lie to us?"

Iginilid lang ni Sunny ang tingin at hindi sinagot si Josef.

"Ikaw si Sunny Jean Soliman, tama?"

Hindi na naman sya sumagot sa tanong ni Josef

"Wala naman kaming pakialam kung si Sunny ka o Shiner. Hindi naman namin yon
problema. Wala rin kaming karapatang magalit sayo dahil nagsinungaling ka. Kahit
kami nagsisinungaling din kaya hindi kita masisisi" lumapit sya kay Sunny at
inabot ang summons card "Take this,"

Tinitigan naman ni Sunny ang inaabot na card ni Josef

"Please..."

Nagdalawang-isip pa si Sunny sa pagkuha pero sa huli ay tinanggap na rin nya

Binasa ni Sunny ang nakasulat sa card "Burn Me..." mahinang sinabi ni Shiner
habang tinititigang maigi ang hawak
"Mas mabuting kalimutan mo na ang tungkol sa pagiging Superior. Hindi kakayanin ng
konsensya ko kapag lalong nasira ang buhay mo nang dahil sakin. Itago mo lang yang
card at wag na wag mong gagalawin. Starting from now, isipin mong hindi mo ko
nakilala. Kalimutan mo nang nakilala mo kami ng asawa ko."

Tumalikod na si Josef para bumaba na sa rooftop

"Galit ba kayo dahil nagsinungaling ako? Ayaw nyo na rin ba sakin gaya nila?"
malungkot na sinabi ni Sunny

Nilingon sya ni Josef at nginitian ng matipid

"Hindi ako galit dahil gawain din namin ang magsinungaling. Saka wag mong isiping
ayaw sayo ng lahat. Gusto kita dahil nakikita ko ang sarili ko sayo. Kaya nga
ayokong matulad ka sakin. Mabuhay ka ng normal. Yan ang pangarap kong minsan nang
natupad pero hindi rin nagtagal. Walang maganda sa pagiging Superior. At hindi ko
gugustuhing makulong ka sa isang lugar na may baluktot na paniniwala. Ayokong isuko
mo ang kalayaan mo sa isang bagay na hindi ka naman sigurado kung hanggang kelan ka
magtatagal... May mga bagay akong pinagsisisihan ngayon at isa doon ay ang
pagtanggap ko sa posisyon bilang Superior."

Nagtuloy lang sa paglakad si Josef papuntang entrance ng rooftop

"Kung ganon, bakit kayo naging Superior kung wala palang maganda sa pinasok nyo?
Bakit nyo tinanggap ang posisyon kung nagsisisi lang din pala kayo?" may galit na
tanong ni Sunny

Napahinto ulit si Josef at nilingon si Sunny

"Tinimbang ko ang sitwasyon ko sa panahong yon. Nasa bingit ang buhay ng unang
asawa ko. Pinagpalit ko ang kalayaan ko, mabuhay lang ang mga taong kailangan nyang
ipaglaban. Pinagpalit ko ang kalayaan ko, maging ayos lang ang lahat sa kanya.
Iniwan ko ang maayos kong buhay para lang sa kanya. Masyado ka pang bata para
sirain ang buhay mo. Wag kang gumaya sakin dahil baliw lang ang gagawa ng tulad ng
ginawa ko para sa asawa ko."

At tuloy-tuloy na naglakad si Josef para makaalis ng rooftop


----------------

Nakuha ng tanong na 'to ang atensyon ko...

Kung pag-aari ni Shadow ang kalahati ng kayamanan ng buong mundo, at ang Fuhrer ang
nagpapatakbo ng kalahati ng buong mundo...

Si Josef si Shadow at ang bagong Fuhrer...

Ibig sabihin ba nun, kanya na ang buong mundo?

Answer ko: Dude, wag ka nang dumagdag. Sabog na nga utak ko sa accounting eh,

Alas tres y medya ng hapon.

Maagang umuwi si Armida at hindi na muna sya sumabay sa practice ng mga taga-
Byeloruss. Wala nang nagreklamo pa sa desisyon nya dahil nga sa nangyari nung
saturday.

Napansin nyang tahimik ang buong bahay. Wala si Laby. Wala pa si Josef.

Hinagis nya sa two-seater ang bag at tinanggal ang blazer na suot. Nahiga muna sya
sa sofa bed para magpahinga.

Naisip nya kung ano na ang mga susunod na mangyayari sa kanila ng asawa nya.
Naibigay na nila yung summons dun sa tatlong targets. Malamang na aalis na sila sa
lugar na yon sooner or later.

Ngayon, nagsisimula na syang mag-isip kung aano na ba ang susunod na mangyayari


kapag natapos na nila ang mission.

Ano na nga ba ang mangyayari pagkatapos ng lahat?

Babalik sila sa Citadel? Ipapatupad ang batas na kung tutuusin ay sinusuka nila?
Ano nga ba maliban sa pagiging makapangyarihang tao sa mundo? Ano na ang susunod na
mangyayari?

Gusto nyang matulog pero ayaw syang dalawin ng antok. Pipikit sya pero didilat agad
dahil wala talagang balak matulog ng katawan nya. Gusto nyang kumain pero hindi sya
nagugutom. May belgian chocolate pa nga sya sa bag na binigay ng isang estudyante
ng Byeloruss na may crush pa sa kanya.

Bumangon nalang sya at kinuha na ang gamit nya. Umakyat na rin sya sa kwarto nila
para makapagpalit ng damit.

. . . . . .

"Hmmm..."

Nakapagpalit na sya ng damit at nasa kama ngayon. Tinititigan nya ang phone nya at
iniisip kung tatawag ba sya o ano.

Sino nga ba ang tatawagan nya?

Kanina pa nya tinititigan ang number 2 ng speed dial.

Hindi nya maintindihan kung bakit pumasok sa isip nya ang sinabi kahapon ni Laby.

Pinindot nya ang number 2 speed dial.

"Ay syete!" nagulat din sya sa ginawang pagpindot sa phone. Buang na talaga.

Pinindot nalang din nya ang loudspeaker para malaman kung nagri-ring ba.

Nagri-ring.

( Yes? )

Parang inosenteng taga-bundok ang ayos ni Armida habang kagat-kagat ang magkabilang
kuko ng
hinlalaki nya. Bigla syang na-ignorante dahil may sumagot sa kabilang linya.

( Hello? )

Nasa kama pa rin ang phone pero ang ginawa nya, sya ang lumapit at itinutok ang
bibig sa phone
"Uhh.. He-hello?"

( May problema ba? )

"C-cas?"

Napakamot ng ulo si Armida dahil hindi nya alam ang sasabihin. Bakit nga ba nya
naisipang tumawag?

( Ano na namang nangyari? )

"Uhm..." paikot-ikot ang tingin ni Armida sa paligid. Hindi nya alam ang sasabihin
"Na-- Nakabalik ka na sa-- uhmm, sa Citadel?"

Sandaling natahimik sa kabilang linya

"Cas?"

( Anong nangyari sa inyo ng asawa mo? )

"Ha?" napaisip agad si Armida kung bakit yon ang naitanong ni Cas sa kanya "Wala
namang nangyari."

( Kung ganon naman pala, bakit ka tumawag? )

Si Armida naman ang natahimik.

Bakit nga ba sya tumawag?

"Cas..."

( O? )
Humugot muna ng malalim na hininga si Armida bago magsalita "Why did you accept
the Superior position?"

Kinagat agad ni Armida ang hinlalaki nya dahil hindi rin nya maintindihan ang
sarili kung bakit yon ang nasabi nya. Napalo pa tuloy nya ang ulo dahil sa natanong

Natahimik na naman sa kabilang linya.

"Cas, nandyan ka pa?"

Naghintay pa ulit sya ng sagot

( I accept the position dahil kay Joseph. Hindi ko sya kayang iwan kahit na nauna
na syang bitawan ako. Ayokong maging Superior pero tinanggap ko dahil sa kanya.
Isipin mo nang desperada 'ko, wala naman nang magbabago sa lahat ng nangyari dahil
naganap na. Yun ba ang gusto mong malaman kaya mo naitanong? )

Ang alalang mukha ni Armida biglang nagbago

Naalala nya ang dahilan kung bakit nya tinanggap ang position bilang Superior.

Pumayag syang maging Superior dahil kay Josef. Yun lang dahilan.

"Kung naging kayo ni NightShade, sino kaya ang anak mo ngayon?" natawa nalang sa
iniisip si Armida

"Ako kaya? O si Josef?"

Naghintay si Armida ng sagot sa kabilang linya

( Ano ba talaga ang kelangan mo? )

Hindi naman alam ni Armida ang isasagot. Hindi kasi nya maintindihan ang sarili.

Hindi nga rin nya alam kung bakit sya tumawag on the first place.

Minasahe ni Armida ang sentido nya "Iniisip ko kung bakit ko kelangang pagdaanan
lahat ng pinagdaanan ko. Bakit ko kelangang maging ganito ngayon." kinagat nya
agad ang hinlalaki dahil sa tension
Tumagal pa ng ilang sandali bago nakasagot ang kabilang linya

( Kung ako lang ang masusunod, mas pipiliin ko pang namatay ka na sa Isle... )

Biglang may kung anong tumusok sa puso ni Armida nang sabihin yon ng sarili nyang
ina

Mas pipiliin ko pang namatay ka na


Mas pipiliin ko pang namatay ka na
Mas pipiliin ko pang namatay ka na

( Sana namatay ka nalang noon pa para hindi mo na narasanan ang lahat ng nangyari
sayo... At sa lahat ng mangyayari pa )

Biglang tumulo ang luha ni Armida habang nakatulala sya sa may bintana ng kwarto

( Alam kong darating ang araw na ikaw mismo ang papatay sa amin ni Yoo-Ji. At alam
kong yon ang dapat na mangyari para pagbayaran namin ang lahat ng kasalanan namin
sayo... )

Pinunasan ni Armida ang pisngi nya gamit ang likod ng palad habang wala pa ring
reaksyon ang mukha nya habang lumuluha

( Proud kami ni Yoo-Ji dahil naabot mo ang lahat ng naabot mo ngayon kahit wala
ang tulong namin. Halos malampasan mo na nga ang naabot namin ng ama mo. Pero
naaawa ako sayo... )

Kinuha agad ni Armida ang tissue na nasa loob ng drawer ng bedside table at saka
sya suminga.

Sumandal nalang sya sa may headboard ng kama habang nakaupo at pinupunasan ang
ilong
( ...kung alam ko lang na ganyan ang mangyayari sayo, sana pinigilan ko na ang
lahat nung una palang... )

Isinubsob nalang ni Armida ang ulo habang yakap ang tuhod at tahimik na umiiyak

( ...kasalanan ko lahat. Hindi ka naman magiging halimaw kung umpisa palang


pinatay na kita-- )

Hindi na kaya ni Armida ang naririnig kaya pinatay na nya ang phone

"Sana nga pinatay mo nalang ako..." kinuha nya ang katabing unan at doon isinubsob
ang mukha para umiyak

. . . . . .

Alas kwatro pasado na ng hapon nang makauwi si Josef

Napansin nyang tahimik ang buong bahay kaya umakyat na agad sya ng kwarto dahil
mukhang wala pa ang asawa nya.

"O, ang aga namang umuwi nito,"

Nagulat tuloy sya dahil nandoon na pala ang asawa nya.

Lumapit agad sya kay Armida na nakatulog na habang yakap ang isang unan.

Umupo si Josef sa tabi ni Armida at hinawi ang buhok nito sa mukha

"Armida..." napansin nya na bakas pa ang luha sa pisngi ng asawa nya

Inangat nya ang hita nang maramdamang may naupuan sya sa kama. Nakuha nya ang phone
ni Armida at tinignan ang screen nito.
May isang missed call.

Tinignan nya kung sino ang tumawag.

Si Cas.

Tinignan nya sunod ang dialed call.

Si Cas ang recent.

Tinignan nya agad ang mukha ng asawa nya. Mukhang alam na nya kung bakit ganon ang
ayos nito.

Inilapag na nya ang phone ni Armida sa table na katabi ng kama at kinuha ang yakap
na unan ng asawa.

"Armida, I'm home.." pinunasan nya ang parte ng pisngi ng asawa nyang hindi pa
tuluyang natutuyuan ng luha

Tinabig lang ni Armida ang kamay ni Josef at sya na ang nagpunas ng pisngi nya.
Mukhang walang kamalay-malay si Armida na nakauwi na ang asawa nya. Pumaling sya ng
higa at hinatak ang bed sheet para ipangkumot.

Napabuntong hininga nalang si Josef at sya na ang nag-ayos ng kumot ni Armida.

Tumayo na sya para makapagpalit na ng damit.

. . . . . . . . . . . .

Quarter to six na ng gabi nang magising si Armida. Nakita nya si Josef sa may study
table na may ginagawa sa laptop nito. Bumangon sya agad at tinanggal ang mga buhok
sa pisngi nya.

"Josef,"

Nilingon sya agad ni Josef "O, gising ka na pala. Gutom ka na?"

Umiling lang si Armida para sabihing hindi "Anong ginagawa mo?"

"Inaayos ko yung records ng mga estudyante ko."


Tumango naman si Armida sa sagot ni Josef pagkatapos non ay natulala naman sya.

Napansin agad ni Josef na balisa si Armida. At alam nya kung bakit. Tumayo na sya
at umupo sa gilid ng asawa nya paharap dito.

"May problema ba?" tanong ni Josef sa asawa nyang balisa

Pumikit lang si Armida at yumuko na parang bigat na bigat sa ulo nya

Iniipit ni Josef ang buhok ni Armida sa likod ng tenga nito para makita nya ang
mukha ng asawa

"Tumawag ka kay Cas?" tanong ni Josef "Anong sinabi nya sayo?"

Sandaling hindi nakasagot si Armida

"Why me? hmm?" mahinang sinabi ni Armida "Why me, Josef? Bakit ako? Madami namang
tao sa mundo bakit ako pa?"

Yumuko naman si Josef para makita ng maigi ang mukha ng asawa nya "Bakit?"

Tinignan na ni Armida ang asawa nya para manghingi ng sagot "Am I a monster?"

"Ha?" hindi naman maintindihan ni Josef ang sinasabi ni Armida

"Kasalanan ko ba kung bakit ako nagkaganito? Kung maaga palang sumuko na ko,
magiging halimaw pa ba 'ko?" nanginginig pa ang boses nya habang tinitignan ng
diretso si Josef

Gusto sanang humirit ng sarcasm ni Josef kaso alam nyang may problema na namang
iniisip ang asawa nya.

Kinuha nalang nya ang kanang braso ng asawa at hinatak ito para makalapit sa kanya.
Niyakap nya si Armida at hinagod ang buhok nito "You're not a monster, ok. Stop
thinking too much."

"Sabi nya, sana pinatay nalang nya ko noon pa. O sana namatay na ko noon palang."
Nagulat naman si Josef sa narinig kaya inilayo nya agad sa kanya si Armida para
makita ang mukha nito "Sinabi sayo ni Cassandra?"

"Sanay akong pinagbabantaan pero wala lang sakin yung mga yun." Kinagat pa nya ang
labi para pigilan ang pag-iyak "Yung mga death threats... Yung mga sinasabi nila
na sana hindi na ko nabuhay... Yung-- Yung mga--" hindi rin nya napigilan ang
damdamin at napaiyak nalang "Ansakit dito." itinuro pa nya ang dibdib nya.
Pinunasan nya agad ang mata nya bago pa maglabas nang maglabas ng luha

"I-I just want to say hi to her..." isang pilit na ngiti ang binigay nya kay Josef
para kahit paano maitago nya ang kalungkutan nya "Sana pala di na ko tumawag,
nagmukha pa tuloy akong tanga" tumawa sya ng mahina kahit na wala namang
nakakatawa sa mga sinabi nya "Kung alam ko lang na yun ang sasabihin nya--"
nakangiti sya pero patuloy pa rin sya sa pag-iyak "Bakit ko kelangang maging
ganito? Bakit ako? Sa dinami-rami ng bata sa lugar na yon bakit ako pa, ha? Bakit
ako pa?! Bakit ako pa... Bakit..." Niyakap nalang uli sya ni Josef para patahanin.
Hindi nya alam ang sasabihin nya.

Naaawa si Josef sa asawa nya.

Naiintindihan nya kung bakit nangyayari ngayon ang lahat ng yon kay Armida. At
kahit na masaya silang dalawa, alam nya kung gaano kamiserable ang lagay nito dahil
sa pagiging imortal nya.

Para sa isang taong gusto nang mamatay nang tuluyan, napakalungkot isiping
panandalian lang ang kamatayang binibigay sa kanya.

Nakakalungkot isiping sabay-sabay silang mamamatay pero darating ang oras na si


Armida nalang ang matitirang buhay, gustuhin man nya o hindi.

Hindi panghabangbuhay ang lahat lalo na sa katayuan nila ngayon. At nakakaawang


isiping dadating ang oras na iiwan nya si Armida dahil yon ang hihingin sa kanila
ng pagkakataon.

. . . . . . . . . . . .

Alas otso na ng gabi at nasa kusina ang mag-asawa.

Balisa pa rin si Armida dahil sa mga nangyari. Mugto rin ang mata nito kakaiyak.
Kalahating oras nang tapos si Josef sa pagkain at kalahating oras na rin nyang
pinapanood ang asawa nyang tinutusok ng tinidor ang fish fillet nito sa plato.

Walang magawa si Josef. Hindi nya alam ang gagawin.

Ang masakit pa non, sumagi na naman sa isip nya si Cas na prinoproblema ngayon ni
Armida.

Tumawag si Armida kay Cas para mangumusta, tapos yung mga salitang yon lang ang
maririnig ng asawa nya sa sarili nitong ina.

Inatake na naman sya ngayon ng konsensya.

Alam nya, higit kanino man, na nung panahong nakikipaglaban ang asawa nya para lang
mabuhay, si Cas ang kasama nya. Nila ng tatay nya.

Sa buong panahon ng pagkabata nya, nandoon si Cas at pinagtatanggol sya sa lahat ng


taga-Citadel.

Sa mga oras na pinagtatabuyan na sya at halos isuka na ng mismong pamilya nya,


nandoon si Cas at inaalalayan sya.

Na kung tutuusin, si Armida dapat ang tumatamasa at hindi sya.

Pinabayaan ni Cas si Armida para lang sa kanya, kaya bakit hindi sya makokonsensya.

Nahihirapan ngayon ang asawa nya at may partisipasyon sya sa paghihirap nito
ngayon.

Naging ganyan si Armida dahil sa kanya at sa tatay nya.


Naging miserable ang buhay ni Armida dahil sa ginawa ni Joseph Zach kay Cassandra
Zordick.

"Armida, kung inaantok ka na--" natigilan sya nang magsalita si Armida

"I asked her..." wala pa rin sya sa sarili at tulala pa rin "Why did she accept
the position of being a Superior..."

Naghintay naman si Josef ng sunod na sasabihin ni Armida

"Sabi nya, hindi naman nya tatanggapin ang posisyon kung hindi dahil kay Joseph
Zach." isang walang buhay na ngiti ang namuo sa labi ni Armida "Parehas lang kami
ng rason."

Napabuntong hininga nalang si Josef at napahimas ng noo. Ano bang masasabi nya?

"I'm starting to think that everything we're doing now is pointless... This whole
Superior hunting..."

Biglang nagliwanag ang mukha ni Josef dahil sa wakas, after a very very long
discussion at ilang pagtatalo, na-realize din ng asawa nya na wala talagang
patutunguhan itong mission nila.
"Isa lang naman ang dahilan ko kung bakit ako pumayag sa mission na 'to..."

Tumaas agad ang kilay ni Josef dahil inaasahan nyang sasabihin ni Armida na hindi
ito nakakatagal nang hindi humahanap ng adventure sa buhay.

"...ayokong tumagal sa lugar kung nasaan ang mga taong sinusumpa ko. Ayokong
tumagal sa Citadel. Ayokong magtagal sa impyernong yon. At kung mangyayari ang
dapat mangyari, gusto ko ako mismo ang tatapos sa walang kwentang batas at
paniniwala nila. At kung ako ang tatanungin, wala sanang pumayag sa lahat ng
binigyan natin ng card. Ayoko nang madagdagan pa ang maling muntik nang sumira sa
buhay ng mga tinuring kong pamilya."

Isang magandang ideya ang naisip nya sa oras na wala sya sa sarili nya. Iniisip ni
Josef na sana magtagal ang ideya na yan sa isipan ni Armida.

"Tigilan na natin 'to, Josef. Sumusuko na ko sa mission na 'to. I don't want to


continue anymore. Lahat ng ginagawa natin ngayon, nawawalan na ng saysay sakin."

Nasa kusina si Josef at kakatapos lang nyang maghugas ng mga pinagkainan nila.
Hindi nya alam kung nasaan na naman si Laby dahil alas nuebe y medya na ng gabi
wala pa rin. Ang alam nya tapos na ang trabaho nito pero hindi pa rin umuuwi simula
pa kagabi pagkatapos magpaalam na bibili lang sa convenient store ng chichirya.

Umakyat na sya dahil alam nyang balisa pa rin ang asawa.

Ang pagkakataon ngayon ay hindi katulad nung nasa Penthouse pa sila. Siguro nga
hindi pa talaga nagsi-sink in ng sobra kay Armida ang nangyari noon pero ngayon iba
na ang usapan. Kung kelan naisipan nang maging open ng asawa nya sa nanay nito saka
pa nangyari yung ganito. Hindi madali yung ginawa ng asawa nya dahil hindi naman
sila close ni Cas. Kaya yung marinig nito na gusto ni Cas na mamatay ang sarili
nyang anak kahit na ang intensyon lang naman ni Armida ay mangumusta ay masakit
naman talaga sa damdamin.

Binuksan na nya ang pinto ng kwarto.

Napahinto sya nang marinig na may kumakanta sa loob.


"...unhappiness where's when I was young and we didn't give a damn. Cause we were
raised to see life as fun and take it if we can..."

Dahan-dahan syang lumapit sa asawa nyang nakaupo sa upuan at nakaharap sa may


bintana. Yakap nito ang binti nya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"...my mother, my mother, she hold me. Did she hold when I was out there? My
father, my father he liked me oh he liked me, does anyone care?"

Napansin nyang hindi pala pangit ang boses ng asawa nya. Sa katunayan maganda ang
boses nito sa kinakanta nya. Kaya paanong naging boses palaka sya habang kumakanta
dun sa Byeloruss.

"Armida..."

Napahinto ang asawa nya sa pagkanta at ngiting-ngiti na tinignan sya

"Hi, Josef. Ahihihi..." isang malaking ngiti ang binigay nya kay Josef

Nanlaki ang mga mata ni Josef at halos malaglag ang panga nya sa narinig at sa
expression ng asawa nya. Napako sya sa kinatatayuan habang pinapanood ang asawa
nyang tumayo na sa inuupuan nito.

"Akala ko matagal ka pa." sabi nito

Sa sobrang gulat, hindi na alam ni Josef ang isasagot.


Tumayo sa harapan nya ang asawa.

"Huy, Joooooseeeefff..." pinadaan pa nya ang palad sa harap ng mukha ni Josef para
malaman kung buhay pa ba 'to "Huy, nakikita mo ba ko? Humihinga ka pa ba? Buhay ka
pa ba? Teka, hindi ko pa naman pinipindot yung pause button ng universal remote
control ah, bakit di ka na gumagalaw? Pssst. Psssssssst." tinignan pa nya ang
paligid para tignan kung may nakakakita sa kanilang dalawa "Stop dance ba 'to?
Nasa laro ba tayo? Bawal ba gumalaw dito sa loob ng kwarto?"

"J-j-jocas?" utal pang nasabi ni Josef

"Hmm? Baket?" nakataas ang magkabilang kilay nito habang nakangiti

"I-ikaw si-- Ikaw si- J-jocas?"

"Un-hunh!" tumango-tango pa ito habang naka-thumbs up

Unti-unting lumaki ang ngiti ni Josef habang nakanganga pa rin.

Nag-uumapaw na saya ang bigla nyang naramdaman pagkatapos ng sobra-sobrang pag-


aalala nya.

"Jocas..."

"Yes?"

Tumango-tango pa si Josef para sabihin sa sariling totoo nga ang nangyayari ngayon.

"Panaginip ba 'to? Pakisampal nga lang ako," request nya sa asawa

"Nge! Bakit naman kita sasampalin? Pano kung magalit ka sakin?" biglang nag-alala
ang mukha nito dahil sa utos ni Josef sa kanya "Mamaya hindi mo na ko kausapin.
Sisigawan mo na naman ako." nag-pout sya, yumuko at nagkutkot ng kuko "Ayoko
ngang gawin yun,"

Natawa ng mahina si Josef at niyakap agad ang asawa.

Hindi sya makapaniwala. Si Jocas. Nagbalik si Jocas. Nagbalik ang asawa nya. Ang
UNANG ASAWA nya.

At nag-request syang sampalin sya pero hindi nito ginawa. Malamang na kung si
Armida ang nasa katawan na yon, hindi lang sampal ang inabot nya kundi bugbog.

"Josef, ok ka lang? Ambilis ng heartbeat mo ah." sabi nito sa kanya

"I-I'm fine. I'm perfectly fine. I... I miss you." mahinang sinabi ni Josef sa
kanya habang halos mapunit na ang pisngi nya sa sobrang ngiti "I miss you so
much."

Dahil sa sinabing yon ni Josef, lumayo agad si Jocas sa kanya. Umatras ito ng
dalawang hakbang. Kumunot naman ang noo ni Josef at nawala ang ngiti nang makita
ang mukha ni Jocas na parang hindi katanggap-tanggap ang mga sinabi nya

"M-may problema?" tanong agad ni Josef

Yumuko si Jocas at dahan-dahang tumalikod.

"Jocas, anong--" napahinto si Josef nang biglang

"Kyyaaaahhhhh!!!!" tumili ng sobrang lakas si Jocas habang nakahawak sa pisngi


nya. Napaatras tuloy si Josef dahil sa ginawa nya "Oh my God! Oh my God! Oh my
God!" pinaypayan nya ang pisngi dahil parang nainitan sya bigla "Breathe in,
breathe out. Whooh... Whooh..." pinakalma nya ang sarili at nag-inhale exhale pa
Tumaas agad ang kilay ni Josef dahil mukhang nagbalik nga talaga ang asawa nya.
Humarap si Jocas sa kanya na may napakalaking smile

"Miss mo ko? Talagang talaga?" tanong ni Jocas kay Josef

"Yes."

"Kyaaahhhh!!" nagtatatalon sya sa kinatatayuan at pagkatapos ay niyakap si Josef


"Miss ako ni Joseeefff!!! Ansaya-saya!"

Natawa nalang si Josef dahil si Jocas nga ang nasa katawan ni Armida ngayon. Si
Jocas lang naman ang kikilos ng ganon habang kausap sya.

"Kumalma ka nga lang, hyper ka na naman eh." Lumayo agad sa kanya si Jocas at
nakangiti syang tinignan nito

Yung totoo, na-miss nya ang ngiti ni Jocas. Iba kasi ang dating ng ngiti ni Jocas
sa ngiti ni Armida. Kahit pa nasa iisang katawan lang sila.

"How?" tanong ni Josef "Paano ka--"

"Ah, yun ba? Uhmm..." nag-isip sya sandali at umupo sa may kama "She's depressed.
Pinili nyang magtago gaya ng dati. Ewan ko kung anong nangyari eh, basta bigla
nalang..." tumango-tango sya kahit na hindi pa nya natatapos ang sinasabi

Lumapit si Josef sa kanya at umupo sa tabi nya

"Alam mo, malungkot sya. She's crying inside. I can feel it." umayos sya ng upo
para humarap kay Josef "I don't know what happen pero hindi ko rin inaasahan na
babalik ako."
Nakatingin nga si Josef kay Jocas, pero wala naman itong naririnig. Labas-pasok
lang sa tenga nya ang lahat ng sinasabi ni Jocas.

"Alam mo, Josef, ang saya-saya ko ngayon kasi miss mo rin pala ako." nginitian nya
si Josef tapos hinawi nya ang buhok nya sa balikat. Feeling nya sobrang ganda nya
kasi miss sya ng asawa nyang masungit "Akala ko maiinis ka na naman sakin kasi
sasabihin mo maingay na naman ako,"

Tumango lang si Josef habang nakangiti sa kanya.

At kung gaya ng dati na ayaw nyang marinig na magkwento nang magkwento si Jocas
tungkol sa mga walang kwentang bagay, ngayon ok lang kay Josef na abutin sila kahit
madaling-araw sa pag-uusap.

"Balita ko masarap kang magluto, gusto ko matikman yung luto mo. Pwede ba? Pwede?
Hmm?"

Tumango na naman si Josef habang nakatitig kay Jocas na parang noon lang nya nakita
sa buong buhay nya.

"Luto ka na. Para matikman ko. Now na. Dali,"

Tumango na naman si Josef.

Naiintindihan ba nya ang sinasabi ni Jocas?

HINDI.

Gusto lang nyang titigan nang titigan si Jocas hanggang sa sumakit ang mata nya.

Nakipagtitigan nalang din si Jocas kasi yun ang trip ni Josef.


"Ang gwapo mo talaga." naka-smile na sinabi ni Jocas

Tumango na naman si Josef.

"Tunaw na 'ko, alam mo yon?"

Tumango na naman si Josef.

"Sabi na nga ba, crush mo ko eh..." kinurot nya ng madiin ang magkabilang pisngi
ni Josef para alisin na nito ang atensyon sa kanya "Gising na, Josef!"

"Ah--!" napaurong nalang si Josef at hinawakan ang magkabilang pulso ni Jocas

"Josef, alam kong gandang ganda ka sakin, at hindi kita masisisi kasi pinanganak
talaga akong taglay na ang nakabibighaning kagandahang nakikita mo, pero wag mo
kong titigan ng sobrang tagal kasi naco-conscious ako ng sobra."

Imbes na mainis, natawa nalang si Josef dahil alam nyang hindi hihirit ng ganun si
Armida. Na-bother tuloy sya dahil nagkakaroon ng comparison between Jocas and
Armida.

Ibinaba na ni Josef ang kamay ni Jocas pero hindi na nya binatawan ang mga kamay
nito

"Hindi ka ba galit kasi hindi ako ang asawa mo ngayon?" tanong ni Jocas

Umiling naman si Josef sa tanong nya "Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi bigla-bigla nalang akong sumusulpot. Lalo na ngayon na malungkot ang asawa
mo." na-down na ang masaya nyang mukha
"Ikaw ang asawa ko diba,"

"Ako ang asawa mo dati. Ngayon, sya na ang asawa mo."

Si Jocas ang dating asawa.

Si Armida ang asawa ngayon.

Napapikit nalang si Josef at napayuko.

Nakakaloko lang ang sitwasyon nya ngayon.

Nagpakita ang unang asawa nya na sobrang saya habang yung pangalawang asawa nya ay
malungkot at dapat ay cino-comfort nya.

Pakiramdam nya niloloko nya ang asawa nya dahil ibang persona ang kasama nya
ngayon. Masayang masaya sya habang kasama si Jocas kahit na alam na alam nyang
nagdurusa si Armida.

Ang masaklap lang sa katayuan nya, katawan ni Armida ang gamit ni Jocas.

Gustuhin man nyang i-comfort si Armida, hindi nya yon pwedeng magawa dahil kay
Jocas. Paano nya ico-comfort ang babaeng maligalig pa sa maligalig.

Hindi naman pwedeng paalisin nya si Jocas dahil aminado syang miss nya ito. Sobrang
miss nya si Jocas at ok na ok kahit i-extend pa nito ang stay nya.

"Josef, ok ka lang ba?"

Napabuntong-hininga si Josef at pinilit na ngitian si Jocas. Sino ang pipiliin nya?

Si Jocas o si Armida?
"Kaya mo bang palabasin si Armida?" alangang tanong ni Josef

Tinitigan naman sya ni Jocas bago sumagot

"Desisyon nya kung lalabas sya o hindi. Lumabas ako dahil will nya na lumabas ako.
Kung hanggang kelan ako tatagal? Yun ang di ko alam."

Hindi alam ni Josef kung good news ba yon o bad.

Good news in a sense na makakasama nya nang matagal si Jocas.

Bad news in a sense na hindi nya maaasikaso si Armida na kelangan ng atensyon nya.

"Nag-aalala ka ba sa kanya?"

Parang bigla syang nagising dahil sa sinabing yon ni Jocas

"I can pretend to be her..." mukhang naramdaman din nya ang nararamdaman ni Josef
sa mga oras na yon

Tinignan ni Josef ang mukha ni Jocas.

Naalala nya si Armida nung time na gusto nyang lumabas si Jocas. Depressed nun si
Jocas kaya si Armida ang nasa katawan.

Pinilit nyang magpanggap si Armida bilang si Jocas sa huling araw nya bilang si
Rynel Joseph Malavega. Na hindi naman nito napagtagumpayan dahil anlayo ng
personality nilang dalawa.
Ngayon, si Jocas inaalok syang magpanggap ito bilang si Armida. Hindi tuloy nya
alam kung papatulan ba nya ang offer nito.

"No need." umiling nalang si Josef "There's no use of pretending" Naalala nya na
hindi pala nakakain ng maayos si Armida kanina dahil sa kawalan nito ng gana
"Anyway, are you hungry?"

Iginilid ni Jocas ang tingin at saka tumango

"Gusto mo ng steak?"

Tumaas naman ang kilay ni Jocas sa sinabi ni Josef "Steak?"

"Yes."

"Kill me now."

"Ah-- Oh, yeah right.." napakamot ng batok si Josef nang maalalang hindi pala
kumakain ng karne si Jocas "Ah, uhmm.." inisip agad nya kung anong magandang iluto
para kay Jocas. Kaka-isda lang nila kanina kaya ubos na ang isda nila sa ref. Halos
lahat puro na karne "Gusto mo mag-dessert?"

Isang why-not shrug nalang ang naging sagot ni Jocas

. . . . . . . . . .
Nasa kusina si Josef at Jocas. Pinapanood naman ni Jocas si Josef habang nilalagyan
nito ng whip cream yung cake na para sa kanya.

"Wala kayong maid?" tanong ni Jocas

"Wala eh, pero pag wala kami dito, may mga taong pumupunta para gawin lahat ng
dapat gawin dito sa buong bahay." inilapag na ni Josef ang platitong may cake sa
tapat ni Jocas

Ngiting-ngiti si Jocas habang kumukuha ng maliit na slice ng cake na gawa ni Josef


"Bakit hindi mo sinabi saking marunong kang gumawa ng ganito,"

"Uhm," hindi alam ni Josef ang isasagot kaya napahawak nalang sya sa batok at
iginilid ang tingin

Tinikman agad ni Jocas ang cake

Tumingin sa taas si Jocas para isipin kung ano ang lasa "Oh. My." sumandok pa uli
sya at isinubo agad "I can eat it forever." sabi nya habang tinuturo gamit ng
tinidor ang cake "Ansharap! Ba't ganun!!" tuloy-tuloy lang sya sa pagkain na
parang wala nang bukas "Itsh ja besht, pramish! Bow ako!" itinaas pa nya ang
magkabilang kamay at saka nag-bow tapos humirit pa ng two thumbs up "Ikaw na! Ikaw
na talaga! Pag ako nag-asawa, gusto ko ikaw!"

Natawa ng mahina si Josef at kinagat nalang ang hinlalaki habang pinapanood si


Jocas na inuubos ang cake nya. Ganyan ang reaksyon na gusto nyang makita sa asawa
nya. Hindi yung parang wala lang at kagagalitan pa sya kahit na wala naman syang
ginagawang masama.

" 'Alang sinabi yung cakes sa pasty shops dito." sinimut-simot pa nya kahit yung
mga dumikit na cream sa platito "Pwede ka nang magtayo ng sarili mong bakeshop o
kaya pastry shop."

"Paawat ka, baka pati yang platito lunukin mo nang buo,"


"Eh! Bakit ko naman lulunukin 'tong platito? Di naman 'to pagkain!"

Napailing nalang si Josef habang nakangiti dahil sobrang layo talaga ni Jocas kay
Armida "Uhm, Jocas..."

"Hmm?"

"Akala ko patay ka na."

Napahinto si Jocas sa ginagawa at napatingin kay Josef.

"Pinatay na kayo ni 99, yung father ni Armida. Kaya paanong nakabalik ka?"

Tumingin sandali sa ibaba si Jocas at saka tumango "If there's a will, there's
way. Her father can't kill us because we never die. We're immortal. We hide but we
don't die. He can hide us from her mind, pero hindi nya kayang tanggalin ang kung
sino man ang nasa puso ng taong nagmamay-ari ng katawang 'to."

Napaisip doon si Josef na paano mo nga ba kayang patayin ang matagal nang patay sa
pisikal na katawan pero buhay sa isip?

"Kapag dumating ang oras na mawala ang asawa mo, hahanapin mo ba sya?" tanong ni
Jocas

Naningkit ang mata ni Josef sa tanong na yon ni Jocas "Bakit mo natanong?"

Isang I-dont-know shrug ang nagawa ni Jocas bilang sagot "Hindi mo masasabi ang
lahat ng pwedeng mangyari, gaya ngayon."

Naintindihan naman ni Josef ang tinutukoy ni Jocas "Madali lang syang hanapin."
itinuro nya ang ulo nya "May tracker sya eh."
"Ow.." nag-pout si Jocas at tumango sa sagot ni Josef "Pano kung walang computer?
Paano mo sya mahahanap?"

Oo nga naman. Paano kung walang computer?

"Ok lang." itinuro ni Josef ang dibdib nya "May tracker ako." sabi nya sabay
smile

Unti-unting tumaas ang magkabilang kilay ni Jocas "Eeeee... Bakit hindi ka ganyan
nung magkasama tayo? Andaya-daya mo naman!" nag-cross arms sya at nag-pout pa na
parang batang nagtatampo

"Tss.." napailing nalang uli si Josef dahil ang simple-simpleng bagay na gaya nun,
nagtampo pa si Jocas. Inilayo nalang nya ang tingin at tinignan ang platitong wala
nang laman "O, natikman mo na yung cake na gawa ko. Siguro naman masaya ka na,"
kinuha na nya ang platito at agad na hinugasan

Isang not-bad reaction ang nagawa ni Jocas habang pinapanood si Josef na hugasan
ang kinainan nya "Ang sipag mo pala sa bahay. Marunong kang magluto, marunong kang
maghugas ng plato... Marunong ka rin bang maglaba? Mamalantsa? Maglinis ng buong
bahay?"

Napa-eyeroll nalang si Josef sa mga tanong ni Jocas dahil parang katulong na ang
dating sa kanya "Marunong lang ako sa gawaing bahay kasi nag-dorm ako nung
college,"

"Oh..." napatango nalang si Jocas sa sinabi ni Josef

Iniligpit na ni Josef ang hinugasan nya at saka bumalik sa tabi ni Jocas

"Kapag ba natulog ka ngayon, si Jocas ka pa rin ba bukas?"

Nag-shrug nalang si Jocas para sabihing hindi nya alam.


Sandaling sumeryoso ang mukha nya at parang may tinignan sa gilid. Ibinalik nya ang
tingin kay Josef at saka nya ito nginitian ng malaki.

Tumaas naman ang kilay ni Josef dahil ang tamis ng ngiti ni Jocas sa kanya

"Josef,"

"Bakit?"

"I love you!" tumayo si Jocas at mabilis na hinalikan sa labi si Josef

"O!" nagulat si Josef sa ginawa ni Jocas dahil bigla-bigla nalang nanghahalik

Tatayo na sana si Josef nang bigla syang binira sa may batok ni Jocas dahilan para
mapatulog sya. Sinalo na agad ni Jocas ang katawan nya bago pa sya bumagsak sa may
sahig. Iniupo sya ng maayos sa may upuan at pinayukod sa mesa.

Dali-daling pumunta sa cabinet si Jocas at kinuha doon ang isang clever knife at
isang mahabang kitchen knife.

Naglakad agad sya papalabas ng bahay. Doon palang sa may garahe natatanaw na nya
ang problema.

Tumayo sya sa gitna ng tapat ng gate at pinanood itong bumukas.

Seryosong-seryoso ang mukha nya nang bumungad sa kanya ang napakaraming Guardian na
huhuli sa kanilang mag-asawa.

Martes ngayon at bumungad sa parehong school ang masamang balita.

Sa Diaeresis...

Hindi makapaniwala ang lahat sa balitang patay na si Sir Zach. Nakakalungkot dahil
iilang araw palang syang nagtuturo doon, biglang patay na agad. Akala pa naman
nilang lahat na superhero ito dahil sa ginawang paglipad sa may third floor.

Galing ang balita sa mismong Principal ng school na nakausap ng mga imbestigador na


humahawak ng kaso ng pagkamatay ni Richard Zach at ng asawa nito.

Ang sabi, nakita ang katawan nilang mag-asawa sa isang sumabog na kotse limang
kilometro ang layo sa Diaeresis. May ilang gamit na na-recover sa sumabog na kotse
kasama doon ang ilang ID at mga mahahalagang gamit tulad phone at ilang gadgets.

Christmas season pa naman tapos ganitong balita ang bubungad sa kanila.


Napagdesisyunan nila na mag-alay ng dasal para sa kanilang yumaong substitute
teacher.

Sa Byeloruss...

Nasa Class 4-F si Sir Geo at binalita na sa buong klase ang masamang balita.

Imbes na malungkot ang lahat, napataas nalang sila ng kilay at napatingin sa isa't
isa. Kahapon lang ang saya-saya pa nila tapos ngayon patay na yung teacher nila.
Nahihirapan silang lahat na i-absorb ang idea dahil... ang hirap talaga.

Parang 'huh? Talaga? Owkey.' Ganun lang. Pero yung dalamhati, mukhang tagilid tayo
dun.

"She's not dead." sabi ni King kay Sir Geo. Lahat tuloy napatingin sa kanya.

"Sana nga hindi pa sya patay. Pero pinakita na mismo ng mga pulis ang ebidensyang
sya yon. Nakita doon ang ID at ang ibang gamit nya." sabi ni Sir Geo

Isang 'no way' headshake ang nagawa ni King habang nakatingin sa gilid.

Paanong pagkatapos ibigay sa kanya ni Armida yung summons, bigla nalang itong
mamamatay? Ano yun, lokohan? Coincidence?

Kung coincidence, masyado naman yatang surreal.

"She's dead. At wala na tayong magagawa." sabi ni Sir Geo sa lahat at saka na sya
lumabas ng room para pumunta sa Admin para sa gagawing mass para kay Armida

"Diba dapat masaya ka? Wala na naman tayong adviser" sabi ni Brent kay King

"Wala na naman tayong adviser! Whooh!" cheer ni Chief para salihan sya ng lahat

"Yes,"

"Whooh,"
"Galing,"

Walang ka-ene-energy ang cheer ng lahat at mukhang sa dinami-rami ng naging adviser


nila sa taon na yon, sa kaso lang ni Armida sila hindi natuwa.

Pare-pareho pa naman nilang na-realize na sana si Armida nalang ang maging adviser
nila para sa natitira pang mga buwan dahil ito lang ang nasasabayan ang mga
kagaguhan nila sa buhay.

================================

Alas tres ng hapon ng araw na yon, napagdesisyunan ni King na pumunta sa bahay ng


mag-asawa dahil alam nyang may mali.

Isa lang ang pumasok sa isipan nya nang marinig na patay na si Armida. Paano ito
mamamatay sa isang simpleng car accident lang? At dun sa nabanggit nila Josef na
once na tinanggap nya ang posisyon ay papatayin sila sa mata ng lahat.

Nagkataon lang ba na namatay silang mag-asawa after maibigay yung card?

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin sa kaliwa si King nang makita si Ran na naglalakad palapit sa kanya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" pagbalik ng tanong ni King kay Ran


"Alam kong iniisip mo na may mali sa biglaang pagkamatay ni Maam Zach." nagpamulsa
si Ran at tinignan ang bahay "Kilala ko si Maam Zach. At kahit na paulanan mo ng
bala yun, hindi yun mamamatay."

Tumaas ang kilay ni King dahil sa sinabi nya.

"Sa tingin mo, coincidence lang ba na namatay sila pagkatapos nyang ibigay yung
card na may nakalagay na Burn Me?" sabi ni Ran habang nakatingin pa rin sa bahay

Kumunot agad ang noo ni King dahil sa sinabing yon ni Ran "Don't tell me
nakatanggap ka,"

Hindi sumagot ni Ran, sa halip ay tumingin lang ito sa likod ni King. Napaayos ito
ng tayo nang makita si Sunny na nakatayo ilang metro ang layo sa kanila.

"Hey! Hime Vhanthara!" tawag ni Ran kay Sunny

Nagdalawang isip pa sa paglapit si Sunny sa kanila.

"Patay na daw sila Sir," sabi ni Sunny sa kanila

Tumango naman sila King.

Sayang lang dahil hindi pa rin alam ni King na ang hinahanap nyang Jean ay nasa
harapan lang nya ngayon. At ang katotohanang si Sunny Jean Soliman ang Shiner na
kilala nila ay mananatili nalang na isang sikreto ngayon.

"Nakatanggap ka rin ba ng card?" tanong agad ni King

Tumango naman si Sunny bilang sagot

"Tara, pasok tayo." suggestion ni Ran


"Nababaliw ka na ba?!" sigaw sa kanya nung dalawa

"Ah! Bahala kayo dyan! Basta ako, aalamin ko ang lahat ng gusto kong malaman!"

Sinubukan nyang buksan ang gate pero hindi gaya ng dati, hindi na ito bumukas.
Walang pagdadalawang-isip na tinalon nya ang bakod.

"Hoy! Li! Baliw ka na talaga!" sigaw sa kanya ni King

"Bahala kayo!" sigaw sa kanila ni Ran

Nagkatinginan pa si Sunny at King at saka naisipang sumunod.

Pagpasok ng dalawa...

"See,"

Lumapit sila sa tabi ni Ran na nakatayo at naka-cross arms habang nakatingin sa


dalawang kotse na naka-park sa garahe.

"Sumabog daw ang kotse nila. Paanong nandito yung parehong kotse nila kung sumabog
nga yon?"

Nagtuloy-tuloy sya sa pagpasok sa loob ng bahay kaya napilitan sila King at Sunny
na sundan sya.

"Ano ba'ng gusto mong alamin ha? Malay mo umalis na silang dalawa!" sabi ni Sunny
kay Ran

"Kung aalis sila, dapat nagpaalam nalang sila ng maayos. Bakit nila kelangang
palabasin na patay na sila?" sagot ni Ran

Unang pinuntahan ni Ran ang kitchen at doon ginawa ang kung anong ginawa ni Laby
para mabuksan yung secret room ng bahay.

"Ayos ka ah, bahay mo 'to? Pano kung mahuli tayo?" sabi ni King habang pinapanood
si Ran sa ginagawa nito

"Kelan ka pa natakot ha, Havenstein?" sabi ni Ran. At biglang bumukas ang secret
room.

Tuloy-tuloy si Ran sa loob at mukhang walang balak mag-aksaya ng oras.

Binuksan nya ang power supply at ang mga ilaw. Sunod ang mga monitors. Umupo na rin
sya sa swivel chair at nagpindot-pindot na agad ng mga buttons doon.

Alam na nya kung paano yon io-operate since napanood na nya si Laby sa mga ginawa
nito.

Nakatayo sa likod nya sila King at Sunny at pinapanood sya sa ginagawa nya.

Nakikita nila ang buong view ng bahay. At hindi rin nagtagal, nakita na rin ni Ran
ang hinahanap nya. May pinindot syang button then nag-play ang last video record.
Ini-rewind nya yon at napansin nilang wala namang nangyaring kakaiba kaninang
umaga. Ini-rewind pa nya at wala pa rin silang napapansing kakaiba.

"Wait--" pinahinto ni King ang video nang makita ang isang frame na kuha sa labas
ng bahay.
Bumungad sa kanila ang napakaraming taong nakapalibot sa buong bahay at si Armida
na nakahandusay na sa may garden habang tinututukan ng baril. Napansin din nila ang
ibang katawan na nakakalat sa bahay. Mukhang may nangyaring laban kagabi.

"Hell no,"

Nasa isang malaking lugar ang mag-asawa.

Para silang nasa gitna ng isang malaking slaughter area.

Nasa balcony ang mga Superiors at pinanonood ang castigation nila Armida at Josef.

Nandoon si Concordia, Kio, Illumina, Geryon, Kimiko Hime, Mico, MK, Cas, Laby, Ji
Han at ang original No. 99 na si Azazel na ngayon.

Nakakadena ang magkabilang kamay ni Josef. Ang kadenang yon din ang nagsisilbing
alalay ng katawan nya para makatayo sya. Hindi nya kayang tumakas dahil alam ng mga
kumadena sa kanya ang kakayahan nya bilang si Shadow. Limampung beses na paglatigo
ang isa sa mga parusa nya at sa kasalukuyan ay nakakakuha na sya ng dalawampu't
dalawa.

Nasa may harapan nya si Armida, ilang metro ang layo sa kanya, na pinatulog bago
ikadena. Mahihirapan kasi sila kapag gising sya. Nakaluhod sya at may collar ang
leeg nya na dinudugtungan ng kadena sa harap at likod na nakabaon sa sahig pang-
suporta sa katawan. Nakakadena rin ang magkabilang kamay nya at halos nakadipa na
sya.

Ito ang castigation. Depende sa bigat ng nilabag na batas ang bigat ng parusa.

Ang kaso ni Josef at Armida ay pagpatay kay Carlos Zubin at ang pagpapabagsak sa
Zubin Cartel na isa sa pinakamalakas na ally ng Order.
Ang parusa nila: Limampung beses na lalatiguhin. Lulunurin sa nagyeyelong tubig sa
loob ng labinlimang minuto at sampung araw sa bilangguan ng Citadel at tubig lang
ang pwedeng ibigay.

Naayos na nila 99 ang problema nilang mag-asawa sa labas kaya dapat na nilang
pagbayaran ang kasalanan nila sa loob.

Halos dumugo na ang labi ni Josef dahil sa pagkakakagat, matiis lang ang sakit sa
katawan na binibigay sa kanya ng isang Guardian.

Kitang kita sa katawan nya ang mga malalaking latay na ginuguhitan ng dugo dahil sa
latigo.

Hindi nya inaasahan na ganun ang kalakaran sa loob ng Citadel pagdating sa mga
parusa.

Ang saklap lang dahil kahit sya ang Fuhrer, hindi sya exemption sa batas ng
Criminel Credo.

Sa viewpoint naman ng ibang Superiors...

"Kung alam ko lang na mapapatay ni Armida si Carlos, hindi ko na sana pinayagan pa


ang misyon nila," sabi ni Cas habang walang reaksyong pinapanood ang manugang nya
na latiguhin ng tauhan ng Citadel

"Hindi ko gusto ang dating ng hangin dito sa loob," sabi ni Kimiko

"May bagyong dadating," sabi ni Geryon


"This is not good," sabi ni No. 99

"Laby," tawag ni Ji Han

"Yes,"

Hinatak ni Ji Han si Laby paalis sa balcony.

Mabalik sa viewpoint ng mag-asawa...

Nakarinig ng tunog ng nilalatigo si Armida at ilang daing ng sakit.

Unti-unti syang dumilat at tinignan ang paligid. Napadilat sya ng malaki nang
maramdaman ang malalamig na kadenang pumipigil sa kanya sa paggalaw. Pinilit pa
nyang makaalis sa pagkakakadena sa kanya.

"Anong ginagawa ko dito?!" sigaw nya sa dalawang Guardian na nakabantay sa kanya

Inilibot nya ng tingin ang paligid at nakita sa may balcony ang ilang taong
pinapanood sila. Itinutok pa nya ang tingin at nakita ang dalawang pamilyar na tao.

Si Cas at No. 99.

"Cassandra! No. 99!" sigaw ni Armida

Nagpumilit syang makaalis sa kinalulugaran pero hindi nya magawa. Sa kasamaang


palad, nahagip ng tingin nya ang asawa nyang nilalatigo ng isang Guardian.
"Josef!!"

Puno ng galit ang mata nya nang ibinaling ulit ang tingin sa mga nasa balkonahe.

"Anong ibig sabihin nito?! Cassandra! No. 99!"

Walang sumagot sa kanya. Inilipat nya ang tingin kay Josef.

"Josef! Josef anong nangyayari?!"

Isang walang buhay na iling ang binigay sa kanya ni Josef bilang sagot.

Nanginig bigla sa galit si Armida habang pinapanood si Josef na halos manghina na


dahil sa mga natamo nitong latay dahil sa latigo.

"Layuan nyo ang asawa ko!!! Josef!! Wag nyo syang saktan!!"

Umalingawngaw sa buong lugar na yon ang sigaw ni Armida. Pero sarado ang tenga ng
mga tao sa loob para sa mga hinaing nya.

"Parang awa nyo na!! Wag nyo syang saktan!! Cassandra!!"

Napaiyak nalang si Armida habang nagmamakaawa sa kanyang ina na pinapanood lang


silang mag-asawa habang pinahihirapan.

At kahit na gusto mang tumulong ni Cas ay hindi nya magagawa. Susuway sya sa Credo
at kapag nangyari yon, pare-parehas silang sasalang sa castigation.

At kapag nangyari yon, hindi na nya maaasikaso ang mag-asawa pagkatapos ng


kasalukuyang castigation.
Napakagat nalang ng labi si Cas para pigilan ang galit at lungkot na nararamdaman.

Ang dalawang batang iningatan nya buong buhay nya, papanoorin lang nya ngayong
pahirapan ng isang walang kwentang batas.

"Cassandra!! Do something!! Please! I'm begging you!!"

Naluha nalang si Cas habang naririnig ang pagmamakaawa sa kanya ng anak para
iligtas ang asawa nito.

"Cassandra!! 99!! Wag nyong Saktan ang asawa ko!! Josef--"

Biglang huminto si Armida sa pagsigaw.

Napatingin tuloy ang lahat sa kanya.

Tumingala sya at nawalan sya ng ekspresyon sa mukha. Tumigil na rin sya sa pagluha.
Natahimik sya.

Dahan-dahan nyang inilahad ang magkabilang kamay at buong lakas na hinatak ang mga
kadena dahilan para matanggal ito sa pinagkakabitan.

"Oh shit," napahawak sa may railing si Mico nang makita ang ginawa ni Armida

At sa pagkakataong ito, ang Armida na kilala nila ay wala na. Lumabas na naman ang
produktong kinatatakutan ng mga Superiors at proyektong pinagmamalaki ng Four
Pillars.
Hinawakan ni RYJO ang mga kadenang nakakabit sa leeg nya ang hinatak ito para
matanggal sa sahig.

Unti-unti syang tumayo habang nasa katawan pa nya ang mga naglalakihang kadenang
natanggal lang sa pinagkakabitan.

Hinawakan nya ang kadenang nasa kamay at ipinaikot sa ere pagkatapos ay inihampas
sa ulo ng isang Guardian na nakabantay sa kanya. Nabasag ang bungo nito dahil sa
ginawa nya at agad na bumagsak sa sahig.

Pare-pareho silang nagulat sa nangyari at kahit na yung Guardian na lumalatigo kay


Josef ay napahinto rin.

Sunod na hinampas ni RYJO ay yung isa pang Guardian na nakabantay sa kanya.


Pinuntirya nya ang leeg nito dahilan para sumabog ang mga lalamunan nito at
mapugutan ng ulo.

Napababa tuloy nang wala sa oras yung mga nasa balcony para pigilan sya.

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si RYJO papunta sa lumalatigo kay Josef.

Kinuha agad ng Guardian ang army knife nya sa bulsa at humanda na sa pagsugod kay
RYJO.

Pinilit na hinugot ni RYJO ang isang chain ng kadenang nasa kamay nya. Bumaliko ito
at natanggal sa dugtungan. Ang bakal na nahugot ay ibinato nya sa katawan ng
Guardian na lumalatigo kay Josef. Tumagos ang bakal sa gitna ng noo ng Guardian at
tumama ang ibinato nya sa posteng pinagdudugtungan ng kadenang nakakabit kay Josef.

"A-armida..." hinang-hina na sinabi ni Josef habang pinapanood ang asawa nyang


lumalapit sa kanya. Halos manlabo na ang paningin nya dahil sa pagod at sakit ng
katawan.

Dinampot ni RYJO ang army knife na hawak ng Guardian na binutas nya ang ulo.
Lumapit pa sya kay Josef at isa lang ang gusto nyang mangyari.

Patayin ang kahit sinong madaanan ng mata nya.

Itinaas nya ang kutsilyo para ambahan ng saksak si Josef.

Masyado nang mahina si Josef para lumaban. Napapikit nalang sya at agad na nawalan
ng malay.

BANG!

PING!

Nagpaputok si Geryon para patamaan si RYJO pero agad na sinalag nito ang bala gamit
ang hawak na army knife. Ibinato agad nya ang kutsilyo at nasapul sa leeg si
Geryon.

Kanya-kanya nang labas ng baril ang iba pang Superiors dahil bumagsak na ang
pinakamagaling nilang Commando.

Kinuha naman ni RYJO ang dalawang dispaly na espada sa pagitan ng pwesto nya at ng
pwesto ni Josef.

Parang napakabigat ng hawak nyang mga espada dahil hindi nya naiangat.
Nakapangingilabot ang tunog ng metal na gumuguhit sa sahig habang naglalakad sya.

Bumaril agad si Concordia para pigilan sya. Sinalag na naman nya ang bala gamit ang
hawak na espada. Sinipa nya ang malapit na lalagyanan ng sulo at pinatamaan si
Concordia. Natabig man nito ang ibinato nya, hindi pa rin nakaiwas si Concordia
dahil may gasolinang nagpapailaw sa sulo. Natapon ito sa braso nya papuntang
katawan kaya sya hinabol ng apoy.
Nagsisigaw sya para humingi ng tulong pero walang tumulong sa kanya dahil mas
pinili pa ng iba na pigilan si RYJO.

Shotgun ang dalang baril ni MK at kahit na hindi nya gustong patayin si RYJO, wala
na syang magagawa. Buhay nilang mga naroon ang nakataya. Itinutok nya ang baril kay
RYJO at agad na nagpaputok para pigilan ito sa paglapit.

Umiwas lang nang walang kahirap-hirap si RYJO at ibinato ang isang espada kay MK.
Tumagos ang espada sa katawan nito at bumaon sa may pader tatlong yarda ang layo sa
kinatatayuan ni MK.

Kahit na nagkakagulo, inuna pa rin ni Cas na tanggalin si Josef sa pagkakakadena


nito. Kelangang makaligtas ni Josef sa nangyayari ngayon. Hindi sya pwedeng mapatay
ni Armida.

Kamalas-malasan lang, sya ang nahagip ng mata ni RYJO.

Itinaas na ni RYJO ang hawak na espada at ibinato kay Cas.

"Agk!"

Napahinto sa ginagawa si Cas nang maramdamang may kung ano sa likod nya.

Dahan-dahan syang tumalikod at gulat na gulat na tinignan ang nasa likuran nya.

"Y-y-yoo-Ji..." biglang nanlambot si Cas nang makita si No. 99 na pinipilit na


hatakin ang espada sa katawan nito

"Ang... Ang galing ng... anak mo, agh!" kinagat ni 99 ang labi nya dahil sa sakit
"A-asintado, hehehe..." nakuha pa nyang tumawa kahit na butas na ang katawan nya

Nanginginig na lumapit sa kanya si Cas na hindi makapaniwala sa nakikita "Y-yoo


Ji... No, no, no... Not you, no..." umiling sya dahil hindi sya makapaniwala sa
nangyayari

Kasabay ng pagluhod ni No. 99 ang pagluhod din nya.

Hindi alam ni Cas kung paano tutulungan si 99 sa lagay nito. Umaagos ang dugo na
mula sa katawan ni 99. Nakikita na rin nya ang laman nito dahil sa pagsalo sa
espada na mismong anak nya ang may gawa.

Tinignan nya ang espada. Buong espada ang tumagos sa dibdib ni 99. Hindi lang ang
talim. Kaya nagawa nitong hugutin pati ang handle para lang matanggal sa dibdib
nya.

"P-pag hindi... ako nagtagal... ugk!" bumagsak na sa sahig si 99

"Don't do this to me, please... No... Please not you..." tuloy-tuloy na umagos ang
luha sa mga mata ni Cas habang hawak sa kamay si 99 "Yoo-Ji! Anong ginawa mo?!
Bakit?!"

"P-pakisabi... ugk! kay... kay J-joseph..." pumikit sya at pinilit na lumunok


"...kita nalang kami... sa finish line..." ngumiti pa rin sya kahit na nag-aagaw
buhay na

"Ano bang pinagsasabi mo ha?! Bakit ngayon mo pa naisipang magbiro?!" lalo lang
nagalit si Cas dahil sa sinabi ni 99

Umagos na ang dugo sa bibig ni 99 "I-i'm.. glad... you're the.. ugk! the..."

"Wag ka nang magsalita!! Wag ka nang magsalita... Parang awa mo na.. wag..."
napayuko nalang si Cas at umiyak

"...mother of my... child."

Naramdaman ni Cas na bumigat ang kamay ni 99. Tinignan nya ito at lalo lang syang
nanghina.
Wala na.

"Hindi!!! Yoo-Ji!!!"

Samantala,

Nagtulong pa sila Mico, Kimiko, Illumina at Kio para lang pigilan si RYJO.

Wala na syang hawak na kahit ano kaya inisip nilang madadalian na sila.

Ang masakit lang, ipinaikot ni RYJO sa ere ang hawak na kadena at parang latigo na
hinampas sa apat. Hindi nakaiwas si Mico kaya natamaan sya sa ulo kaya basag din
ang kaliwang parte ng bungo nya. Ganun din si Kio na tinamaan sa mukha.

Nahagip naman si Illumina at sa balikat sya tinamaan. Nabali ang balikat nya at
halos lumaylay na ang kaliwang braso nya habang patuloy ang pag-agos ng dugo mula
sa sugat nya. At dahil hindi na sya makagalaw ng maayos, nakuha pa syang hatawin ni
RYJO ng kadena sa ulo pababa sa leeg.

Si Kimiko ay nakaiwas at nakuha pang sugurin si RYJO gamit ang katana. Sasaksakin
na sana nya ito sa dibdib ang kaso nga lang, sinabayan ni RYJO ang atake nya.
Hinawakan ni RYJO ang pulso ni Kimiko ay ipinaikot ito kaya nabitawan ang katana.
Sinalo ni RYJO ang palaglag na katana at agad na pinugutan ng ulo si Kimiko.

Tumayo na ng diretso si RYJO at naghanap pa ng papatayin. Pagtalikod nya...

"Enough..."

Sinaksak sya ni Cas sa dibdib gamit ang mismong espadang ibinato nya na pumatay kay
No. 99.

Parang wala lang kay RYJO ang ginawa ni Cas dahil nakuha pa nyang iangat ang katana
para patayin si Cas.

Lalo lang ibinaon ni Cas ang espada hanggang umabot ang duguang handle nito sa
dibdib ng anak.

Nabitawan na ni RYJO ang katana at napaluhod nalang.

Unti-unting umagos ang dugo sa dibdib nya at makalipas ang ilang segundo ay
bumagsak na rin sya sa sahig na dilat ang mata.

Lumuluhang napaluhod si Cas pagkatapos saksakin ang sariling anak gamit ang
espadang pumatay sa mismong ama nito.

Isang nakakalungkot na pangyayari.

At ang araw na kinatatakutan ng mga Superiors at mismong ni Armida ay nagaganap na.

Gaya ng sinabi ni Armida sa mga kasamahan nya sa HQ,

Madaling patayin ang mga Superiors. Ang mahirap ay ang susunod na mangyayari.

Wala na silang magagawa.

Ito ang dahilan ng pagkakabuo kay RYJO. Ito ang kanyang tadhana. At hindi man
natuloy noon ang dapat na mangyari,

Ngayon ay naganap na. At sa pinakamasakit na pagkakataon pa.

------------- The Superior Gangster End --------------


( Warning: Mahabang Author's Note ito. Kung ayaw mong ma-bored, dito palang tumigil
na sa pagbabasa)

Whooh! After a million years! Natapos ko din.

Nakaka-disappoint ba? Pasensya na po. Ganito takbo ng utak ko eh.

. . . . . . . . .

May mga characters dito na hindi galing sakin kaya ia-acknowledge ko lang sila.

Thank you dun sa nagbigay ng characters nila:

Shiner Jean Soliman (kay Shin Shin 'to galing. Sya ang unang nag-comment eh)

Shiza Yoshikawa (kay Toni Lazatin. Natandaan ko kasi nasulat ko yung name nya sa
Disconnection Notice ng Meralco hahaha!)

Romina (kay emogurl007. Pa-extra daw sya :] )

Cristy Lavarias (Na-picturan ko pa yung comment nya)

Alexandrei Rachelle Harrison

At dun sa nagbigay ng name ng grupo na nabanggit sa story:

Dark Sorrority

Revenge

Lavander Rose Silver Outlaw Fox

Sweet Viper

Ang alam ko, maraming nagbigay ng name. Ang kaso hindi ko na makita yung post ko na
yon at wala na rin sa notification history ko. Chineck ko pa sya sa e-mail ko para
lang mahanap pero hindi ko na talaga nakita. Lahat ng nabanggit sa story ay yung
mga naisulat ko lang sa scratch paper. Pasensya na po sa ibang nagbigay na hindi
nabanggit, hindi ko na po kasi talaga makita yung mga post kasi natambakan na.
Sorry sorry po talaga.

. . . . . . .

Some Frequently Asked Questions...

Ito ang mga sagot sa katanungan ninyo na paulit-ulit kong nababasa sa mb, mga nagp-
PM sa fb at wattpad, sa group page sa fb at sa kung saan-saan pa.

*May susunod pa po bang book?

-Meron po.

*Ilang Book po ba meron ang story?

-Sa kasalukuyan, nagsisimula na ko sa Book 6.

*Bakit po wala kayong Prologue or flashbacks sa umpisa ng TNW series

-No need. Isa yun sa mga effects ng story. Description palang, mapapaisip ka na
dahil action talaga. Pag nabasa mo ang Chapter 1, lalo kang mapapaisip kung anong
connect nung kasal sa description. Konti lang ang kayang maka-appreciate sa Book 1
and I salute them dahil nakita nila ang essence kahit na nakakabaliw sya. Pero sa
Book 6 meron nang prologue ^_^

*Pangarap nyo po bang mag-publish ng book?

-Pangarap? Actually, NO.

*Balak nyo po bang mag-publish ng book kaya nyo ginawa yung story?

-Dun sa publish-publish thingy na yan, tagilid po tayo dyan. Hindi ko po kasi alam
kung may karapatan bang i-publish yung The Newly Weird sa bookstores. Gumawa po ako
ng story dito sa Wattpad kasi inggitera lang ako at gusto ko lang gumaya sa ibang
writer kahit na wala akong kaalam-alam sa paggawa ng kwento.

*Gusto nyo po bang ma-publish yung The Newly Weird?

-Why not? Sure! Income yan eh (hindi halatang mukha akong pera)

*Pangarap nyo po bang maging movie ang story nyo?

-Pangarap ko? Tinatanong nyo kung pangarap ko? Aba'y hindi lang pangarap! Gustong
gusto ko talaga! Pelikula na 'to eh! Live action 'to men! Liiiveee!!

*Magkaka-baby ba sila?

-Requirements ba sa mag-asawa ang magka-baby AGAD? Saka na yan. Ikukulong ko muna


si Armida sa Mental Hospital bago mangyari ang gusto nyo. Mababasa nyo 'to sa
ano... Mga, Book 7 or 8 ganun.. Kasi pag ngayon sila nagka-aanak, hindi ko na
itutuloy ang Book 6. Tatamarin na ko eh. Or if ipu-push nyo yung baby part, baka
ma-compromise ko pa and bigyan ko na ng permanent ending ang kwento para masaya na
lahat. Sabihin nyo lang or i-pm nyo sakin para may permanent happy ending na sila.
^__^) d

*May sc po ba?

-Meron po. Kumpleto po ang Book1-5 sa Group page sa Facebook. Nasa profile ko dito
sa Wattpad ang link.

*Ano po course nyo?

-Bakit lagi nyo 'tong tinatanong? Ano meron? Business Administration po.

*Ilan taon na po kayo?

-Uy sakto! Birthday ko na! Malalaman nyo mamaya. Mga ano, mga... bilang ka ng 20
minutes ganun, hehehe...

*Bakit paiba-iba ka ng style ng pagsusulat? Ikaw ba talaga ang writer ng mga story
mo o may kasama ka?

-Magulo lang po talaga akong tao ^_^ ako lang po ang writer ng series.
. . . . . . . . . . . . . . . .

Owkeeeyyy....

Mabalik tayo, maraming maraming maraming salamat po sa pagbabasa ng magulong story


na ito. Book 1 palang magulo na kaya intindihin nyo na tong Book 5.

Thank you sa mga masugid na tagasubaybay ng The Newly Weird Series. Mga avid
readers na sinubaybayan talaga from The Newly Weird to Ultimate Assassin's Credo to
The Foxy Slayer to The Superior Assassins hanggang The Superior Gangsters.

Salamat sa naglagay ng story sa Reading List nila. Kahit yung mga silent readers
dyan. Kaway-kaway naman tayo! Sa mga nagbabasa nito sa Wattpad App at sa nabasa sa
softcopies kahit na bitin

Many many thanks sa mga wagas maka-vote dyan! From Book 1 to Book 5 straight!
Saludo po ako sa inyo people! Bow ako. Lupet nyo pramis!

Tapos yung mga gumawa pa talaga ng sariling RL for my stories! Astig nyo!

O, eto na naman si statistics ko.. hehehe...

Ayon sa pagsasaliksik, 60% ng mga readers ng TSGangsters ay walang idea na may Book
1 pala. Hahaha! Taas ang kamay ng guilty.

Dahil dito, napaghahalataan ang hindi nagbabasa ng description. Kumpleto po ng


detalye ang series sa description pero mukhang hindi nyo binabasa at dumideretso
nalang kayo sa START READING.

Karamihan siguro sa inyo, inisip na gaya ng ibang gangster story 'tong TSG kasi may
GANGSTER sa title. Uso kasi 'tong mga gangster-gangster chuchuvaloo theme eh.
Pansin ko rin na pare-pareho ang theme ng lahat ng Gangster story na nababasa ko
kaya malamang na ang weird ng story na ito dahil walang ka-sense-sense.

Dun sa mga nag-aabang ng lovestory ni Laby... Oh come on, people! Hindi lahat ng
teenager sa story eh kelangan ng ka-loveteam! Hindi ba pwedeng stop muna sa
lovestory-lovestory na yan at pagtrabahuhin nyo muna sya? Uunahin pa ba nyang
lumandi kesa magtrabaho?

Dun naman sa mga fans ng loveteam nila Armida at Josef... Yung totoo, ano trip nyo?
Bakit kayo kinikilig kapag nag-aaway sila? Paki-explain.

. . . . . . . .

Hindi ako makapaniwalang umikot lang ang Book 1 to Book 5 sa loob lang ng tatlong
buwan? At umikot lang sa loob ng 3 weeks ang 112 Chapters 287 pages ng TSGangsters.

Hindi ko alam kung sino ang weird dahil sa story na 'to. Ako ba o kayo?

Iniwasan ko kasi ang mga roma-romantic moments sa mag-asawa, aside sa More Than
Words Chapter...

Ang gumugulo sa aking isipan ay yung mga comments nyo sa mga chapter na wala na
silang ibang ginagawa kundi magtalo at magkapikunan. Nakakakilig ba ang sarcasm ng
mag-asawa sa isa't isa? Paki-explain.

. . . . . . . . . . . . .

Ok, dito na tayo sa bati-bati portion...

Bored na ba kayo? hehehe... May hidden agenda ako kaya ko 'to ginagawa...

Nga pala yung mag-sissy dyan na nagkakilala sa group page ng story na ito! Kaway-
kaway naman kayo! Misz Supladita at Jolina

Ito yung mga comments at messages na tumatak sa isipan ko. Nakakapalakpak lang ng
tenga eh, hehehe... Pag binabasa ko 'to, napapangiti nalang ako mag-isa (hindi ko
na kayo papangalanan ha, alam nyo na kung inyo yang mga comments. Tawa nalang kayo
pag nabasa nyo :] )

= Abay muntik na po ako mapaluha ng dugo. Akala yun na talaga yun. Pusa. XD pero
nakakatuwa. May susunod pa. Whooo! Hahaha. Bilis talaga ng tibok ng puso ko.
Unpredictable ung last part. Hayy.. Me so excited again. :3 Pagpatuloy mo po
pagsusulat. Malapit ko na po talaga balatan ng buhay mga di nagbabasa. Nahawa na ko
kay armida ng kabrutalan. XD (dito ko napatunayan na may nakaka-appreciate sa
character ko dahil sa pagbanggit ng name ni Armida)

= Hala. :O Bakit po walang masyadong nagbabasa? Suntukin ko sila eh. :D Ganda po ng


mga stories niyo. As in sobra. Nakakahanga ka. Nalito po ako nung una. Hahaha.
Inuna ko kasi basahin ung The Foxy Slayer. Ehehehe. :3 Excited na po ako sa next
update. :) (Andami na ng readers ko! Alam mo na, bhe! hahaha!)

= Hi otor! We really love ur work(Me&Lilsis), frm newly weird upto superior


gangster so keep it up. walang tapon chapter at d boring.hahahaha. Bdw, isang
bgsakan aq ngvote per chapter hehe. Ngaun lang ngktime dhil walang pxok s ofis
bukas. (thank you ng marami kasi walang busy sa taong pursigido, hehehe..)

= Hai poh.. If ever po sana pag matapos ang The Superior Gangster sana gawa pa kayo
ng story nila Armida at Josef... Ayokong matapos ang kwento nila ehhh.......
Ahikhikhik (gaya ng sinabi ni Vice: hindi ba pwedeng happy lang, walang ending)

= Ate Lena !! :) Another book pa poh hahah :P :) sana lagpas 10! jokke poo :D at
sana may junakizzzz narin cla haha bitin din poo kac ung carino brutal? hehe....
best author! i love you na poo tlaga ! wish ko po sana may book ka nareen ! God
bless po. (push natin yang lampas 10 na yan)

= haixt ;( grabe kawawang kawawa c armida ;( magkakaanak kaya cla? bibitawan ba


nila ang pgiging superior?? kakalabanin nila ung mga nasa taas para matapos na ung
gulo at pag hihirap nila? (wala na silang kakalabanin. Pero malay mo, maisipan kong
magpatayan silang mag-asawa )

= kawawa naman sitwasyon nila armida at josef sana ngA matupad ang sinasabe ni
armida para naman magkaroon na cla ng kalayaan at mgkababy na cla...hayyy....more
updates pa po thanks.... (baby again?)
= AS IN!!! ang ganda..nasimulan ko sa The Newly Weird, tapos wala na ata akong
balak tapusin ang pagbabasa..hahaha..ako ang nafla-flutter eh..ang ganda kasi :)
(Ano ba 'to? Flutter o flatter. Kasi nakaka-flutter talaga sya as a reader and
nakaka-flatter sya as a writer. Anyway, flattered ako kasi na-flutter ka sa story
^_^)

= waaaaa . kilig ako sa kanila kahit laging nagaaway sila haha :D full of love
talaga XD ate Lena thanks sa UDs aa ? moree pa po kapag di na busyyyyy ?! :)) (Yung
totoo, Sadista ka no? hehehe)

= ganda ng story from the start bnasa ko cia.. super love ko 2 .. comdy drama at
action ..super all in tlga .. ♥♥♥ (Romantic-Dra-medy Action yata genre nitong story
eh )

= Uwaaaahhh..grabe namimisssss ko na po.si papa josef at si idol armida T.T


(Hahaha! Papa Josef talaga!)

= sna mging MOVIE 2 MG PPRAY AKO hehehh (push natin yan bhe!)

= si joseph bayan?? o si riggs???? (ito ang reaction na gusto kong mabasa sa


chapter na yon)

= astig yung labanos hahaha ** clap**clap* nice author (originality: check)

= humigad! grabeng grabe sa ganda ng storya at husay mo po ate author,. pwedeng


pwede ko na po kayong luhuran sa galing e,. hehehehe,.. I'll wait for your next
update author kahit pa nasa kalagitnaan ng pag eexam at practical exam,. hihihi,.
keep it up ate! b ^____^ d (humigad talaga! hahahaha! Pero unahin ang exam bago ang
iba pa. ahkey? Study first.)

= maganda tlg..kc ung kilg nila prng hndi pil8 ung bng bsta hirap xplin hehehehe
my fture k push mo yn te... (kasalanan ni Elezar kung bakit hindi pilit ang kilig.
Ayoko lang magbago ang pananaw nya sakin, echusero pa naman tong tao na to. Ayaw
nya ng corny, pwes wag nang gawing corny ang story.)

= yiiieee ..kinikilig naman ako . sobrang simple ng words at gestures ni Josef pro
sobrang nakakakilig ..sila ang the-not-your-typical-couple .bangayan ng bangayan
pro sasabog na sa sweetness .. ngayon ko lang nbasa ang UD pro super sulit
..nakakatanggal ng stress na dulot ng daming gawain sa opisina ..thumbs up ms.
Author. (mukhang naging serendipity pa yung pag-iwas ko sa romance ah)
= yaaaahh!!!!!!!!!!!!!! kinikilig ako alam kung hindi masyadong sweet ang words
ni josef pero nakakakilig talaga................. (ayos pa keyboard nyo bhe?
hehehe, may galit ka yata sa period at exclamation mark)

= hai po, Ms. author.. ilove your stories po from The Newly Weird hanggang dito
po.... love ko po ang loveteam ni Armida at Josef....kasi po hindi sya
Corny..nakakasuka kasi yung mga sobrang Sweetness ehh... sana po tuloy-tuloy ang
lveteam nila nohh...hehehe At yeheyy buhay si Laby..Idol ko sya kahit bata...
Kyaahh ang cool ni Armida atJosef (naging advantage and disadvantage ng story ko
ang hindi nito pagiging corny. Maganda daw sya kasi hindi corny. Ang kaso, yung
ibang kilala kong reader, hindi na nagbasa ng ibang story na action pagkatapos
basahin yung TNW series kasi ang corny daw ng lovestory ng binabasa nilang bagong
kwento. Ako sinisisi nila kasi ganito daw yung romantic parts ng story ko, huhuhu
T_T. Hirap daw maghanap ng kwentong kaparehas ng kwento ko pagdating sa romance
part. T__T kasalanan ko pa ba yun?)

= @Lena0209 .. yup teacher po ko.. hehe :-) (Pramis Maam, shock po ako sa comment
na 'to! Literal na napanganga talaga ako, until now hindi pa rin ako makapaniwala,
swear! Nahiya tuloy ako sa kalokohan ni Armida bilang teacher, (>////<) )

= Wahh bitin talaga!!! i really like the story kasi may thrill talaga!!! idol na
talaga kita author (Thrill? Merong thrill? Telege... Eeee.. Nemen eh. hahaha!)

= haha ang landi ni josef :D Gosh ideal guy! (Boom panees!)

= I hate Fovi.. and I hate Josef for not stopping her wife.. hmpf! (Yan ang
reaction! Ganyan yung gusto kong mabasa!)

= Hindi man sila piña banal na may romantic bones chuchu, pero sa ibang way
mapapakilig ka na lang. :"") hahaha. (Ibang way. San banda kaya yung way na yun
nang mapuntahan, hehehe)

= Then i was wrong this is a serious type of novel and i was schock in the next
chapters....well played miss a (Let me guess, kakabasa mo lang ng UAC nang i-
comment mo 'to. Unexpected ba na pagkatapos ng lame na Book 1. biglang hirit ng
serious Book 2?)

= Ate lina nung una di ko nagets ung story kasi lang prolog or flashback pero
naintindihan ko rin...weird nga ehh kasi iba ung istilo mo na pagwrite....first to
ko magbasa ng ten thou lang ang reads pero da best haha ate post nyo sa wattpad sa
fb!! (Na-try ko na i-promote pero hindi nag-success. Kaya pasensya na kung mababa
ang reads nya. saka ano bang istilo ang tinutukoy nyo? Nahihiwagaan po ako, pramis!
Ano ba yun?)

Ok yun lang...

Bakit ko sya pinost?

Gusto ko lang malaman nyong naa-appreciate ko yang mga messages and comments na yan
at yung iba pa. Hindi po kasi madaling mag-isip ng ilalagay sa mb at sa comment box
kaya sobra-sobra po akong nagpapasalamat sa time and effort na nilalaan nyo for the
story. Weird po ba na lahat ng comments and messages nyo na hundreds na ang bilang
ay may copy ako sa notepad, hehehe... Lahat po ng comments meron ako kahit yung
simpleng 'nice story' ni RozzArenga at yung 'ud' ni apduhan at mga wagas na 'update
plss' ni Missanna0921.

Hindi nga lang po ako makapag-comment sa lahat kasi hindi naman everyday may
internet connection kami. Kaya yung mga sagot sa msg nyo, sana nasagot dito. ^_^)v

. . . . . . . . . . .

Random ideas...

Gumawa ako ng story kasi isa ako sa mga aspiring writers na gustong magkaroon ng
hundred and thousands votes at sumikat. Yung book-publishing, hindi ko iniisip,
basta maging gaya lang ako ng iba na andaming followers, votes tapos andaming
nagco-comments sa mga stories nila dito sa Wattpad.

Nakaka-down lang kasi hindi ako magaling na writer (at konti lang ang pasensya)
kaya andali kong sumuko.

Yung Book 1, sinukuan ko po yon. Last update ko sa kanya, bisperas ng pasko. After
nun, sumuko na ko kasi nga walang reader. Naka-disappoint kasi alam ko sa sarili
kong maganda naman sya kahit paano. Kaso yun nga, walang reader kaya wala ring
kwenta.

Ang original na ending ng Book 1 is yung part na pinatay si RYJO at Shadow ni


Razele gamit yung kuryente na mababasa sa Book 2:UAC.

Ginawa ko yung Book 2 dahil kay Elezar na wagas makakulit ng update, akala mo naman
tuloy-tuloy ang takbo ng isip ko sa kwento. Sya ang dahilan kung bakit bultuhan ang
ud ko at lahat ng naunang book ay one month lang ang inabot para matapos.

Pagka-upload ko ng Book 2 sa Wattpad, saka ko nabasa yung comment ni @abatay sa


Book 1 kaya super natuwa ako ng bongga.

Iba po ang paggawa ko ng kwento sa outside world at sa Wattpad.

Pinagpatuloy ko pa rin ang paggawa ng story sa Wattpad dahil alam kong may isang
Jane Abatay na magbabasa. Sya lang ang kilala kong reader ng The Newly Weird dito
kaya nagpatuloy pa rin ako kahit na nag-iisa lang syang nag-aabang ng updates ko.
Hindi ako kasinggaling ng ibang writer dito sa Wattpad, at malamang na hindi ako
ang pinakamagaling na author para sa kanya. Pero kahit na ganun, pakiramdam ko ang
galing ko na kasi binabasa nya at naa-appreciate nya yung kwento. Alam nyo yung
feeling na kaya mong magpatuloy kahit isa lang ang reader mo. Inisip ko non na,
sya lang ok na ko. Magpapatuloy ako dahil alam kong nandyan sya at magbabasa.

At proud na proud po akong sasabihin sa inyong lahat... Na kung walang Jane Abatay
na nagtanong kung kelan ang susunod na update sa Auction's Last Part ng Book 1,
wala po si Armida Zordick.

Kaya ang buong The Foxy Slayer ay dedicated po sa kanya.

Dumami man po ang reader ng series na ito, sya po ang kaisa-isang reader na hinding
hindi ko po makakalimutan.

THANK YOU MISS JANE ABATAY, THE BEST KA TALAGA!!

. . . . . . . . . . . . . . .

"ang labo ng story mo ang daming lumalabas na character ng biglaan nakakawalang


gana basahin ok sana yung theme pero di ka marunong magsulat ng story wag ka na mag
author plssss magbasa ka na lang ;)"
Ito ang kauna-unahang negative comment na natangap ko. I consider this comment as a
reality check and the greatest compliment I've ever had. Nakakasakit sya ng
damdamin pero ang kagandahan sa kanya ay, ito ang comment na nagpapatunay na hindi
PANGIT ang theme ng series. Magulo? Yes. Malabo? Yes. Madaming characters? Yes.
Boring? I think so

Pero pangit? Nah. Sya na rin ang nagpatunay.

Ayokong i-flag o i-report ang comment na 'to kasi comment pa rin sya. At lahat ng
comment, nega man o hindi, are highly appreciated by me. ^_^

. . . . . . . . . . . . . . . .

Walang special sa series na ito dahil isa lang syang kulumpon ng ka-cliche-han.
Dinadaya ko lang kayo sa words at sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nilagay
ko yung expected moments sa unexpected part. At yung unexpected parts sa expected
moments. Lahat nga halos ng part nito ay mababasa nyo rin sa ibang story. Nagkataon
lang na dineliver ko yung mga eksena sa parteng iba ang inaasahan nyong mangyari.
Para-paraan lang yan, hehehe...

Lahat kasi ng encoding, decoding at digesting point ay nasa nagbabasa. Kaya hindi
ako ang makakapagpatunay na maganda nga ang story na ito kundi kayo.

Gaya ng romantic parts nito(na hindi naman talaga dapat romantic): My intention is
way far different than your interpretation. Kaya nga iba ang nagiging intindi nyo
sa gusto kong palabasin.

Pero masasabi kong may something na special sa mga kwentong ito...

Because, on some point in time; somehow you find my story interesting.

Tinapos nyo man o hindi, nasimulan nyo man sa book 1 o hindi


Isa lang ang sigurado ako...

Nagtagumpay ako sa pagkuha ng atensyon nyo.

And so far, wala pang nakakapagsabing pangit ang The Newly Weird series.

At gaya ni RYJO...

Only those who handle the story's worst deserve its best.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

The Superiors: Last Book

Will heart remember what the mind forgets.

Ito na ang huling libro ng The Superiors.

Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan.

Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan.

May mawawala, may magbabalik.

At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maganap.

Ang kanilang pinakamalupit na kalaban: Ang pagkakataon.

Ang kanilang pinakamalakas na kakampi: Ang tadhana.

Labanan ng lakas, ng tapang, ng galing at ng swerte.

Magbabalik ang pinakamatinik na magnanakaw.

Magbabalik ang pinakamagaling na manunubos.

At ang common denominator ng dalawa:


Parehas sila ng pakay.

Kailan makikilala ng puso ang hindi nakikilala ng isipan?

Kailan makikilala ng puso ang hindi nakikilala ng mata?

Witness how they fall in love again the nth time around.

The end of the Superiors begins.

__________________________________

Title: The Superiors Last Book

Lena0209 Copyright © August2014

All Rights Reserved

Ang story na ito ay fiction...

Ang mga character sa istoryang ito ay galing lang sa imagination ng writer..

Asahan na ang wrong grammars and typo-errors.

Libre mag-comment. Kahit panlalait, libre..

Click the star up there ↗ to vote if you like the story :)

Click the External Link for the story.

You might also like